KABANATA 50 ANG ANGKAN NI ELIAS

´Halos animnapung taon ang nakakalipas nang ang aking lolo ay nakatira pa sa Maynila at naglilingkod bilang tenedor de libros1 sa isang bahay mangangalakal na Kastila. Batang-bata pa noon ang aking nuno, may asawa at isang anak na lalake. Isang gabi, sa isang hindi masabing kadahilanan, nasunog ang kamalig, lumaki ang apoy sa bahay at nagdamay ng iba pa. Napakalaki ng halaga ng nasunog. Humanap ng isang dapat na managot sa pangyayari, at ang ginawa ng mangangalakal ay inakusahan ang aking lolo. Nawalan ng kabuluhan ang pagtutol, at dahil siya ay mahirap at walang maibabayad sa mga mahuhusay na abogado ay nahatulang paluin sa harap ng publiko at ilibot sa buong Maynila.2 Hindi pa natatagalan ay laganap nang ginagamit pa ang kinamumuhiang parusa na tinatawag na ´caballo y vacaµ3 na libong beses pang higit kaysa sa kamatayan. Ang aking lolo ay nilayuan ng lahat, maliban sa kanyang batang asawa, itinali sa isang kabayo, na sinusundan ng maraming malulupit na tao, pinapalo siya sa bawat kanto, sa harap ng madla, na kanya ring mga kapatid, at sa mga lugar na malapit sa mga simbahan ng isang Diyos ng kapayapaan.4 Nang ang sawing-palad, na naalisan
MGA PALIWANAG 1 Tenedor de Libros ² katapat nito sa kasalukuyan ay bookkeeper na nag-iingat ng tala ng mga gastusin at kita ng isang pagawaan o opisina. Ang kapanahunan na sinasabi ni Elias ay pumapatak na naganap sa mga unang taon ng 1820s. Mayroong historikal na katotohanan ang salaysay na ito ni Elias, sapagkat sa nasabing mga dekada ay pinahintulutan sa pamamagitan ng Decrito Real ng Mayo 22, 1820 - ang pagtatayo ng mga pabrika sa Pilipinas at ang paninimula ng direktang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Espanya, dahilan sa pagkalas ng Mexico mula sa pananakop ng Espanya. Pansinin ang hanay ng pananalitang ´Halos animnapung taon ang

nakakalipasµ bagay na kumukumpirma na nakakulong ang nobela sa taong 1882.
2 Pagpapakita ni Rizal ng kahinaan ng hustisya sa Pilipinas ² ang mga mahihirap ay natatalo dahilan sa kawalan ng kakayahan na kumuha ng mahusay na abogado. 3 Matandang parusa - ang itinuturing na maysala ay itinatali sa kabayo o baka at pinapalo habang inililibot sa daan. 4 Kung ang pook ang pinagsagawaan ay magkakalapit ang mga simbahan ² lumilitaw na ang lolo ni Elias ay pinarusahan sa loob ng

584

na nang puri sa buong buhay, at nabigyang kasiyahan na ang paghihiganti mga tao, dahil sa kanyang sumabog na dugo, mga paghihirap, at sigaw ay inalis sa kabayo dahil sa pagkawala ng malay-tao, at namatay na nga sama! Dahilan sa ang kalupitan ay nag-aanyo ng kadalisayan,5 pagkatapos ng pagpapahirap ay pinalaya siya; ang kanyang asawa na na noon ay buntis, ay walang napala sa paglapit sa lahat ng pintuan upang humanap ng trabaho o limos, para magastos sa may-sakit na asawa at sa kahabg-habag na anak. Sino ang magtitiwala sa asawa ng isang manununog at nawalan ng karangalan? Sa ganito, ang babae, ay napilitang ikalakal ang sariling katawan!µ Si Ibarra ay napatayo sa kinauupan. ´Ah, huwag kayong maguluhan ng isipan, ang pagbibili ng katawan ay hindi na isang kahihiyan sa katulad niya, ni ikawala ng karangalan ng asawa: ang karangalan at kahihiyan ay nawala na.6 Ang lalaki ay gumaling sa kanyang mga sugat at silang magasawa at kasama ng kanilang anak ay nagtago sa kabundukan ng lalawigang ito. Dito, ang babae ay nanganak isang sanggol na may kasiraan at puno ng sakit ang katawan, na sa kabutihang palad ay namatay na agad. Dito ay nanirahan pa sila ng mga ilang buwan, sa malabis na kahirapan, walang kakilala, kinasusuklaman at nilalayuan ng lahat. Ang aking lolo, dahil sa hindi matagalan ang hirap at wala siyang katapangang gaya ng kanyang asawa, nang makitang may sakit ang babae at walang sukat na magawa sa gayong kalagayan, ay nagbigti. Ang bangkay ay nabulok sa paningin ng kaniyang anak, na wala pang kakayahan na alagaan ang ina na may malubhang karamdaman. Dahil sa mabahong amoy, ang nabubulok na bangkay ay natuklasan ng mga maykapangyarihan. Ang aking lola ay isinakdal at nahatulan dahil sa hindi pagbibigay-alam sa mga maykapangyarihan; ibinintang sa kanya ang kamatayan ng kanyang asawa at pinaniwalaan ang gayon,7 ano na ang hindi magagawa ng asawa
Intramuros na siya noong lunsod ng Maynila. 5 Ang kalupitan ay nag-aanyo ng kadalisayan ² nagkukunawaring mabait ang nagpaparusa pagkatapos na pahirapan ang kaniyang biktima. Sinasabi nilang ginawa lamang nila iyon para sa kabutihan ng lipunan. 6 Ipinakita rito ang elemento sa pagkahulog ng isang babae sa prostitusyon ² ang kawalan ng tiyak na ikabubuhay, ang pagkawala ng na natitirang rasyonalisasyon at karangalan, at ang kakayahan sa paglunok sa kahihiyan. 7 May sakit na nga ang lola ni Elias, hinahanappan pa nilang ipaalam sa mga maykapangyarihan at pinagbintangan pang pumatay sa asawa ² sa

585

ng isang dusta at nagbibili ng katawan? Kung sumumpa sa hukuman ay inaakalang siya ay nanunumpa ng walang katotohanan, kung umiiyak ay sinsabing sinungaling, at namumusong kung ginagamit ang ngalan ng Diyos. Gayunman, ay kinahabagan nang kaunti at hinintay munang siya ay makapanganak bago siya lamugin sa palo; batid ninyong ikinakalat ng mga prayle ang paniniwala na sa pamamagitan lamang ng pamalo dapat pakitunguhan ang mga Indiyo; basahin ninyo ang sinabi ni Padre Gaspar de San Agustin.µ8 ´Ang babaeng parurusahan sa gayong paraan ay isusumpa ang araw na isilang ang kanyang anak: Isang bagay na nagpapatagal ng pahirap ay sumisira pa sa damdamin ng isang ina.9 Sa kasamaang palad, ang babae ay maayos na nanganak ng isang malusog na lalaking sanggol. Dalawang buwan makalipas ay ginanap ang kaparusahan, bagay na ikinasiya ng kalooban ng mga tao, na nag-akalang nakatupad sila sa kanilang katungkulan. Dahil sa kawalan ng katiwasayan sa kabundukang ito ay nagtungo sa kalapit na lalawigan, dala ang kanyang dalawang anak at doon ay namuhay nang tulad sa halimaw;
isang ´masamang babaeµ ay maaring ibintang ang lahat ng bagay. 8 Si Fray Gaspar de San Agustin, O.S.A., ay dumating sa Pilipinas noong 1668 at namatay sa Maynila noong 1724, siya ay isa sa mga sumulat ng akda ukol pananakop sa Pilipinas. Isa sa kaniyang walang kamatayang sulat ay noong 1720 na bumabanggit ukol sa sa kaugalian ng mga Indiyo na naninirahan sa kapuluan. Ang sulat na ito ay nagkaroon ng malaking sirkulasyon at ginamit na malawakan ng iba pang mga manunulat na Kasila sa Pilipinas. Sa sulat na ito ay inilarawan ni Fray San Agustin ang mga bisyo at kahinaan ng mga Indiyo at ang pagsasabi na ´ang yantok ay tumutubo, kung saan namumuhay ang Indioµ at ito ang naging dahilan ng pamamalo ng mga prayle sa mga katutubo ng Pilipinas. Sa kabilang dako, ang mga naoobserbahan ni Fray San Agustin ay ang mga katulong lamang sa kumbento at hindi ang mga Indiyo na may matataas na kalagayan sa lipunan. Ipinapapansin ko sa mga mambabasa na si Elias ay nagtataglay ng malawak na kaalaman maging sa kasaysayan ng Pilipinas sa mga unang taon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas ² ito ay dahilan sa alam niya ang sulat ni Fray Gaspar de San Agustin. 9 Tandaan na ipinagpaliban ang kaparusahan hanggang makapanganak ang lola ni Elias ² Ang paghihintay sa pagsapit ng isang malupit na kaparusahan ay isa ng anyo ng parusa - tandaan na may kasabihan ang mga matatanda na ´mas masakit ang amba kaysa sa tama.µ Sinisira nang isang darating na malupit na kaparusahan ang damdaming ina ² kinasasabikan ng bawat ina ang pagsilang ng kaniyang anak, papaano kasasabikan ng lola ni Elias ang araw ng pagsilang ng kaniyang anak na susundan naman ng araw ng kaniyang kaparusahan.

586

namumuhi at kinamumuhian.10 Ang pinakamatanda sa dalawa, na hindi nakakalimot sa kanyang masayang kabataan at pinagdaanang kahirapan ay nanulisan nang siya ay magkaroon na ng sapat na lakas. Mabilis na kumalat sa mga lalawigan ang madugong pangalan ni Balat,11 na kinatatakutan ng mga bayanbayan sapagkat ang kanyang paghihiganti ay isnasagawa sa pamamagitan ng dugo at apoy.12 Ang pinakabata ay tumanggap sa kalikasan ng isang mabuting puso, at umayon sumunod sa kanyang kapalaran at kahihiyan sa piling ng kanyang ina; nabuhay sila sa nakukuha sa gubat, nagsusuot ng mga basahang damit na inihahagis sa kanila ng mga napapadaan; ang babae·y nawalan na ng pangalan, nakikilala na lamang siya sa tawag na dilingkwente, patutot, napalo;13 ang bata ay kilala sa paraang anak ng kanyang ina,14 sapagka·t dahil sa mabait na pag-uugali ay hindi inaakalang siya ay anak ng nanunog, at sa dahilang ang lahat ng bagay ay maipag-aalinlangan sa ugali ng mga Indiyo.

10 Namuhay na parang ahas - namumuhi at kinamumuhian 11 Sa talaan ng kasaysayan ng panunulisan sa Timog Katagalugan ay mayroong natalang pangalan ng tulisan na Juan Balat na napatay noong Abril 30, 1835. Lumilitaw din na napatay si Juan Balat na napakabata na hindi lalampas sa edad na 20 taon. Kung ganoon ang periodong 1820 at 1835 ay tumutugma sa galaw historikal ng Pilipinas ² Dito ay makikita na si Rizal ay isang tao na may likas na kahiligan sa Oral History. Ang datos ukol ka Juan Balat ay mula sa papel panayam ni Dr. Isagani Medina Banditry in Cavite During the Spanish and American Period. 12 Matatandaan natin na ang lolo ni Ibarra na si Don. Pedro Eibaramendia ay natagpuan na nabubulok at nakabitin sa puno. Nagpatiwakal kaya ang lolo ni Ibarra o isa sa mga biktima ng tulisang si Balat. 13 Sa pamamagitan ng pagbabansag ay ipinakikita ni Rizal ang pagkawala ng pagkatao ng isang indibidwal. Sa bansag na kalimitan ay nakakadusta ay doon higit na nakikilala ang tao. 14 Kung tawagin ang bata ay ´anak ng nagbibili ng katawanµ na sa ating makabagong katapat na hanay ng mga salita ay isang anyo ng pagmumura na PI.

587

Isang araw ay nahulog din sa kamay ng maykapangyarihan, ang bantog na si Balat, siningil siya sa kanyang mga pagkakasala, gayong wala namang ginawang anuman ang maykapangyarihang ito upang siya·y bumuti; at isang umaga, nang hanapin ng binata ang kanyang ina na tumungo sa gubat upang manguha ng kabuti at hindi pa bumabalik, ay nakita ang babae na nakatimbuwang sa lupa, sa may tabing daan, sa paanan ng isang puno ng bulak, ang mukha ay nakaharap sa langit, ang mga mata·y nandidilat, nakatitig na ang mga daliri·y higpit na nakapako sa lupa na may bahid na dugo. Naisipan ng binata ang itaas ang tingin at sundan ang titig ng bangkay, at nakita niya na nakabitin sa isang sanga ang isang buslo at sa loob nito ay naroon ang dugu-duguan ang ulo ng kanyang kapatid.µ15 ´Diyos ko!µ ang bulalas ni Ibarra. ´Maaring iyan din ang naibulalas ng aking ama,µ ang patuloy ni Elias. ´Pinagputol-putol ng mga tao ang bangkay ng tulisan at inilibing ang katawan, subalit ang ulo, mga paa at kamay ay ikinalat at ibinitin sa iba·t ibang bayan. Kung matutungo kayong minsan sa daang mula sa Kalamba hanggang Sto. Tomas ay matatagpuan pa ninyo ang puno ng lomboy na pinagbitinan ng isang hita ng aking tiyuhin:16 ang punong iyon ay isinumpa na ng kalikasan, hindi na lumaki at nagkabunga. Ganoon din ang ginawa sa ibang bahagi ng katawan, ngunit ang ulo, na siyang pinakamahalaga sa tao, at siyang lalong madaling makilala, ay ibinitin sa harapan ng kubo ng ina.µ Itinungo ni Ibarra ang kanyang ulo. ´Ang binata ay tumakas na parang isinumpa,µ ang patuloy ni Elias, ´dumaan sa mga bayan-bayan, bundok at lambak, at nang inakalang nakarating na siya sa pook na wala nang makakakilala sa kanya ay namasukan na manggagawa sa bahay ng isang mayaman sa lalawigang Tayabas. Ang taglay na

15 Ang pagsasabit ng ulo ng isang binitay na salarin ay isa sa mga kaugalian ng mga Espanyol noon. Ang katunayan nito, si Apolinario de la Cruz (aka Hermano Pule) na pinuno ng Cofradia de San Jose pagkatapos na bitayin ay pinagputol-putol ang katawan at ang kaniyang ulo ay isinabit sa lansangan ng kaniyang bayan sa Tayabas. 16 Ang daan na tinutukoy dito ay ang mga kanto ng kalsadang mula sa Calamba patungo ng bayan ng Santo Tomas, Batangas.

588

kasipagan, matamis na ugali, ay siyang naging dahilan ng pagkalugod sa kanya ng mga hindi nakaka-alam sa kanyang kahapon. Sa tulong ng kasipagan at pag-iimpok ay nakaipon ng kaunting puhunan; at sa dahilang ang lumipas na kahirapan sa kanya, siya ay binata at inisip ang magkaroon ng isang magandang kinabukasan. Ang kanyang mabuting kaanyuan, kabataan at kalagayang bahagyang nakakariwasa ay nakabihag sa isang binibini sa bayan, na hindi niya mapangahasang hilinging pakasalan sa takot na ang kanyang kahapon ay mabunyag. Ngunit ang pag-ibig ay nakapanaig at silang dalawa ay nagkasala. Upang mailigtas ng lalake ang puri ng babae ay hindi na inisip pa ang lahat, namanhikan upang sila·y makasal; hinanap ang mga katibayan sa pagkatao, at noon nabatid ang buong kahapon ng lalake; ang ama ng dalaga ay mayaman, nagawang masakdal ang lalake, na hindi naman nagtanggol, tinanggap ang lahat ng sa kanya·y ipinararatang at siya ay ipinasok sa kulungan. Ang dalaga ay nanganak ng kambal na lalake at babae, na lihim na pinaalagaan at ipinabatid sa kanila na ang kanilang ama ay patay na, bagay na hindi mahirap paniwalaan, lalo na at nasaksihan nila ang pagkamatay ng kanilang ina noong sila ay musmos pa, at hindi naman inusisa pa ang pinanggalingan ng mga magulang. Sa dahilang ang aming lolo ay mayaman, ay naging mapalad ang aming kabataan, kaming magkapatid ay magkasamang pinaturuan, ang pagmamahalan namin ay kagaya ng sa kambal na hindi nakakakilala ng iba pang pag-ibig. Batang-bata pa ako ay nag-aral na sa paaralan ng mga Jesuita,17 at ang aking kapatid, upang huwag kaming magkalayo nang lubos ay ipinasok sa Concordia.18 Nang matapos ang maikli naming pag-aaral, sapagkat wala naman kaming hangarin kundi ang maging magsasaka lamang, ay umuwi kami sa aming bayan upang tanggapin ang pamana ng aming nuno. Ilang panahong namuhay

17 Si Elias ay naging mag-aaral ng Ateneo ² na katulad ni Rizal. Kung ating babalikan ang posibilidad ng malalim na kaalaman ni Elias sa kasaysayang pandaigdig kahit hindi ito nakarating ng pamantasan ay maaring maging katotohanan, kung ang pagbabasahen natin ay ang mismong karanasan ni Rizal. Sa panahon ng pag-aaral ni Rizal sa Ateneo, isa sa pilit na ipinabili niya sa kaniyang ama ay ang aklat na Historia Universal na sinulat ni Cesar Cantu. Sa pag-aaral din niya sa Ateneo binasa niya ang Paglalakbay sa Pilipinas ni Feodor Jagor. 18 Ang kakambal na babae ni Elias ay nag-aral sa La Concordia - sa panahong si Rizal ay nag-aaral sa Ateneo ² ang ilan sa kaniyang mga kapatid na babae ay nag-aaral din sa La Concordia at naging kaibigan ng babaeng kaniyang nililigawan.

589

kaming maligaya, ang kinabukasan ay nakangiti sa amin, marami kaming mga tauhan, mabuti ang ani ng aming mga lupain at ang kapatid ko ay ikakasal na lamang sa isang binatang kanyang sinasamba at gayon din naman ang pagmamahal sa kanya. Dahil sa isang usapin sa salapi, at ugali ko noon ay mapagmataas, ay nakagalit ko ang isang malayo na naming kamag-anak, at minsan ay ipinamukha sa akin ang magulong dahilan ng aking pagiging tao, at ang kabuktutan ng aking mga pinanggalingan. Inakala kong iyo·y isang panlalait ay humingi ako ng patunay; ang libingan na kinatutulugan ng mga kabulukan ay muling nabuksan, at lumitaw ang katotohanan. At para higit pang lumala ang kasawian ay may ilang taon nang mayroon kaming isang matandang lalakeng alila, na nagtiis sa lahat ng aking kagagawan na hindi kami iniwan kailanman, at walang ginagawa kundi lumuha na lamang sa harap ng pagkutya ng iba pang mga utusan. Aywan ko kung papaano nalaman ng aking kamag-anak, ngunit ang ginawa ay ipinatawag sa harap ng maykapangyarihan ang matanda at pinapagsabi ng katotohanan; ang matandang alila palang iyon ay siya naming ama, na ayaw lumayo sa kanyang anak at sa maraming pagkakataon ay aking pinagbubuhatan ng kamay. Ang aming kaligayahan ay napawi, iniwan ko ang aming kayamanan, ang aking kapatid ay nawalan ng katipan, at iniwan namin ng aming ama ang bayan upang magtungo sa ibang pook. Ang isipin ng aking ama na siya ay ang nakapag-ambag sa aming kasawian, ang nagpaikli sa mga araw ng buhay ng matanda, at sa kanyang mga labi ay nadinig ko ang malungkot naming kahapon. Kaming magkapatid ay naulila.µ ´Lumuha nang labis-labis, ang aking kapatid, gitna ng mga sakit na napataw sa amin ay hindi niya nalimot ang kasintahang iniibig. Walang daing, ni imik, na nakitang nag-asawa sa iba ang kanyang iniibig, at nakita ko siyang unti-unting nagkasakit na hindi ko nagawang maaliw ng kaunti. Isang araw ay naglaho; walang kinahinatnan ang paghahanap ko sa lahat ng pook, walang napala ang aking pagtatanong, hanggang sa makaraan ang anim na buwan, matapos ang isang pag-apaw ng lawa, ay natagpuan sa dalampasigan ng Kalamba, sa gitna ng palayan, ang bangkay ng isang binibining nalunod o pinatay; ayon sa mga usap-usapan ay may isang patalim daw ang nakatarak sa dibdib. Ang mga maykapangyarihan sa bayan ay nagpabalita sa ibang bayang kalapit upang ihayag ang pangyayari: walang humarap upang kunin ang bangkay, walang dalagang nawawala roon. Sa mga palatandaang sinabi sa akin, nang makaraan na ang pangyayari, ang kasuotan, mga hiyas, kagandahan ng pagmumukha at malagong buhok ay nakilala kong iyon ang kahabag-habag kong kapatid. Mula noon ay napagpalaboy-laboy ako sa mga lalawigan; ang kabantugan ko at aking kasaysayan ay napag-uusapan ng
590

marami, may nagsasabing gawa ko ang ilang mga kagila-gilas na na bagay, at kung minsan naman ay pinagbibintangan ako nang masamang gawa; nguni·t hindi ko pinapansin ang mga tao at patuloy ako sa aking lakad. Ito ang aking maikling kasaysayan, at ang kasaysayan ng isa sa mga pag-aakala ng mga tao.µ19 Si Elias ay huminto at nagpatuloy sa pagsagwan. ´Inaakala kong kayo ay may katwiran,µ ang mahinang sabi ni Crisostomo, ´sa pagsasabing ang dapat punyagiin ng maykapangyarihan ay ang mabigyan ng gantimpala ang kabutihan at bigyan ng leksiyon ang mga nagkakasala. Kaya nga lamang at« ito ay hindi posible, Utopico,20 saan kukuha nang gayong karaming salapi,21 at maraming bagong kawani?µ ´Ano at naririyan ang mga paring ipinagsisigawan ang kanilang pagkamahabagin at kaawaan?22 Mahalaga pa ba ang magbuhos ng tubig sa ulo ng isang bata, subuan ito ng asin, kaysa gisingin sa mula sa kadiliman ang konsensiya ng isang kriminal, iyang liwanag na ipinagkaloob ng Maykapal sa bawat tao upang tuklasin ang kanyang ikabubuti?23 Mabuti pa kaya ang ihatid ang isang nagkasala sa bitayan, kaysa siya ay patnubayan sa mahirap na landas ng masasamang hilig tungo sa kabaitan? Hindi ba bumabayad din ng mga tiktik, mga berdugo at mga guwardiya sibil? Ang mga bagay na ito, bukod sa mahahalay, ay pinaggugugulan din ng salapi.µ

19 Isinanasalaysay niya ang kaniyang kasaysayan mula sa pananaw ng katulad ng sa iba - maari niyang dagdagan, bawasan, pagandahin, o papangitin. 20 Utopico ² mula sa salitang Ingles na utopian ² isang paniniwala sa isang perpektong lipunan. 21 Sa panahon pa ng pamahalaang kolonyal ay suliranin na kakakapusan sa pananalapi ng bayan dahilan sa ang supot ng pamahalaan ay may malaking butas na lumalabas sa katiwalian. 22 Pansinin ang pagkakasunod ng tanong ni Ibarra na saan kukunin ang salapi na dapat na kailangan ng pamahalaan. Tingnan din ang kasunod na sagot ni Elias na ´Para ano at naririyan ang mga paring nagbabansag ng kanilang pagkamahabagin at kaawaan.µ ² iminumungkahi kaya ni Elias na buwisan ang pinakamalaking negosyo sa bansa? 23 Isa sa mga pangunahing kaisipan ni Rizal ang kahalagahan ng paggamit ng sariling isipan sa kanilang mga pagpapasiya at hindi dapat na hayaang ang iba ang siyang magpapasiya. Ang isang tao na hinahayaan ang ibang tao na magpasiya para sa kaniya ay isang tau-tauhan.

591

´Kaibigan, ni ako, ni kayo, kahit natin ibigin, ay hindi natin matatamo ang bagay na iyan.µ ´Kung magkakanya-kanya tayo ay tunay ngang wala tayong anumang halaga; nguni·t itanggol ninyo ang usapin ng bayan, makilakip kayo sa bayan, pakinggan ninyo ang kanyang daing, bigyan ninyong halimbawa ang iba, ipakilala ninyo kung alin ang tinatawag na Inang-Bayan!µ24 ´Ang hinihingi ng bayan ay hindi mangyayari; kailangan ang mag-hintay.µ ´Maghintay! Ang mag-hintay ay katimbang ng pagtitiis!µ ´Kung aking hingin ang gayon ay pagtatawanan lamang ako.µ ´At kung suportahan kayo ng bayan?µ ´Kailanman ay hindi magaganap na pangunahan ko ang madla na tuklasin sa pamamagitan ng lakas ang bagay na hindi minamarapat ng pamahalaan, hindi! At kung ang mga taong iyan ay makikita kong may sandata ay kakampi ako sa Pamahalaan, at sila ay aking kakalabanin sapagkat hindi ko aariing kababayan ang mga taong iyan.25 Ibig ko ang kanilang kabutihan kaya nagtatayo ako ng isang paaralan; hinahanap ko ang kabutihan niya sa pamamagitan ng pagdunong, sa unti-unting pagkakasulong; kapag walang liwanag ay walang landas.µ ´Kung walang pakikipaglaban ay wala rin namang kalayaan!µ sagot ni Elias. ´Hindi ko ibig ang ganyang kalayaan!µ sagot ni Ibarra. ´Kung walang kalayaan ay walang liwanag,µ biglang sabat ng piloto, ´sinasabi ninyong kaunti ang pagkaalam ninyo sa bayan, nananalig ako sa gayon. Hindi ninyo nakikita ang labanang inihahanda, hindi ninyo nakikita ang ulap sa langit; ang labanan ay nagsisimula sa loob ng mga kaisipan hanggang bumaba ito sa pook ng labanan; na pupunuin ng dugo; nadidinig ko ang tinig ng Diyos, kahabag-habag ang magtatangkang siya ay hadlangan! Hindi para sa kanila isinusulat ang Kasaysayan.µ26
24 Ang kahinaan ng bayan ay dahil sa kawalan ng pagkakaisa. Sa pananalita ni Elias ay pinakikiusapan niya ang mga creole sa kaniyang kapanahunan na ipagtanggol ang usapin ng, makilakip sa, at pakinggan ang daing ng bayan. 25 Sa pamamagitan ng paniniwalang ito ni Ibarra ay ipinakita niya ang kaisipan ng mga repormista sa kapanahunan niya. Gustong mabago ang bayan ngunit bantulot na yapusin ang armadong pakikibaka ng bayan. 26 Kay Elias, nagsisimula ang labanan sa larangan ng kuro-kuro at sa dakong huli ay malilipat sa larangan ng labanan. Ang kasaysayan ay

592

Si Elias ay nag-iba ng anyo; nakatayo, walang takip ang ulo, ang kanyang matigas na mukha at matapang, na naliliwanagan ng buwan ay may anyong katangi-tangi. Iniling ang kaniyang mahabang buhok at nagpatuloy: ´Hindi ninyo nakikita na ang lahat ay gumigising? Ang pangarap ay tumagal nang mga daantaon,27 ngunit isang araw ay bumagsak ang kidlat, at ang kidlat, nang magkagunaw, ay pumuksa ng buhay; mula noon ay may mga bagong layunin ang kumikilos sa mga budhi, at ang mga layuning ito na ngayon ay hati-hati, ay magsasama balang araw, na papatnubayan ng Diyos. Ang Diyos ay na hindi nagpabaya sa ibang bayan, hindi rin magpapabaya sa atin; ang Kanyang patutunguhan ay ang landas ng kalayaan!µ28 Isang katahimikang lubos ang sumunod sa mga salitang ito. Samantala naman, ang bangka na nadadala ng agos ay lumalapit sa dalampasigan. Si Elias ang unang nagsalita. ´Ano ang sasabihin ko sa mga nag-utos sa akin?µ ang tanong na nagbago ng pangungusap. ´Sinabi ko na sa inyo; dinaramdam kong labis ang kanilang kalagayan, ngunit mag-hintay sila, ang isang masamang bagay ay hindi nagagamot nang lalong maraming kasamaan, at sa ating kasawian ay tayong lahat ang may-kasalanan.µ29 Hindi na sumagot si Elias, itinungo ang ulo, nagpatuloy sa pagsagwan, at nang sumapit sa gilid ng dalampasigan ay ibinaba si Ibarra at nagpaalam: ´Napasasalamat po ako sa inyo, ginoo, dahil sa kabutihang-loob na inyong ibinigay sa akin; alang-alang sa inyong sariling ikabubuti ay hinihiling ko sa inyo na ako ay

hindi isinusulat para sa mga duwag kundi para sa mga matatapang lamang. Ang sinumang sasalungat sa martsa ng pagsulong ng kalayaang pantao ay makikita nila ang kanilang papel sa pusalian ng kasaysayan. 27 Sa ilang mga pagsasalin sa bahaging ito ay ginamit ang salitang ´pagkahimbingµ o pagtulog. Suablit sa orihinal na tekstong Espanyol ay ginamit ang salitang sueno na ang kahulugan ay pangarap. Alam ni Rizal na ang kalayaan o libertad ay daan-daantaon ng pangarap ng mga Pilipino sa mahabang panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa ating bayan. 28 Ngunit isang araw ay bumagsak ang kidlat - ang higit na tinutukoy ni Elias ay ang naganap na Pag-aalsa sa Cavite nang 1872. Magmula ng maganap iyon ay nakita ni Elias na ang bayan ay nagsisimula ng gumising at patungo isang mithi na landasin ang kalayaan. 29 Ang bayan ay mayroong kasalanan sa kaniyang kasawian ² ang una niyang kasalanan ay ang pagsasawalang kibo.

593

limutin at huwag ninyo akong kilalanin sa anumang pagkakataon na inyo akong makita.µ At nang masabi ito ay muling pinalakad ang bangka, sumagwang ang tinungo ay isang kagubatang nasa tabi ng lawa. Sa buong pagtawid ay walang kaimik-imik; walang-nakikita ang libu-libong brilyante na sinasalok at isinasauli ng sagwan sa dagatan at doon ay mahiwagang nawawala sa bughaw na tubig. Nakasapit din siya sa pinatunguhan; isang lalake ang lumabas sa kagubatan at sa kanila·y lumapit. ´Ano ang sasabihin ko sa kapitan?µ ang tanong. ´Sabihin mong si Elias, kung hindi muna mamamatay ay tutupad sa kanyang ipinangako,µ30 ang malungkot na sagot. ´Kung gayon ay kailan ka makikisama sa amin?µ ´Kapag inakala ng inyong kapitan na dumating na ang oras ng kapanganiban.µ ´Siya, kung gayon, paalam!µ ´Kung hindi muna ako mamamatay!µ ang bulong ni Elias.31

30 Nagpasiya si Elias na sumama na sa pangkat ni Kapitan Pablo ² nabigo siya na mapaki-usapan si Ibarra na magpakasangakapan upang maiparating sa may kapangyarihan ang kalagayan ng bayan. 31 Bakit sa bahaging ito ay para ng mayroong premonisyon si Elias na maaga siyang mamamatay.

594