KABANATA 54j

(Lahat ng nalalayo ay lalapit, Anumang inililihim ay mabubunyag)1

Ipinahayag ng kampana ang pananalangin para sa paglubog ng araw;2 sa pagkarinig ng tugtog na iyon, ang lahat ng tao ay iniiwan ang kanilang mga gawain at pinagkakabalahan: ang magsasakang galing sa bukid ay itinigil ang kanyang pag-awit, pinahinto ang lakad ng sinasakyang kalabaw at nagdasal; ang mga babae ay nag-antanda sa gitna ng mga lansangan at pinagagalaw ang kanilang mga labi upang hindi pag-dudahan ng sinuman ang kanilang debosyon; tinigilan ng lalake ang paghimas sa kanyang manok at nagdarasal ng Angelus upang siya ay dapuan ng kapalaran; sa mga bahay-bahay ay malalakas ang dasalan«ang anumang ingay na hindi dahil sa Aba Ginoong Maria ay nawawala, napipipi. Gayunman, ang kura, na nakasumbrero ay matuling lumakad sa daan, bagay na umiskandalo sa mga matatandang babae,3 at higit pang nakaiskadalo sa kanila na tinungo ang bahay ng alperes!4 Naisip ng mga mapanata na dapat munang
MGA PALIWANAG j Ang kabanatang ito ay walang pamagat. 1 Kinuha ni Rizal ang salitang ito mula kay Johann Wolfgang Von Goethe. ¶Judex ergo cum sedebit, Quidquid latet adparebit, Nil unultum remanebit.· Mapapansin na walang pamagat ang kabanatang ito at binura ni Rizal sa orihinal na manuskrito ang kanya pangungusap na Latin. Hindi nilagyan ni Rizal ng pamagat ang kabanata at ang pambukas na pangungusap ² subalit ang kabanatang ito ay tumatalakay sa lihim na pakana ng prayle at ang ´pagbubunyagµ nito sa opisyal ng pamahalaan ukol sa magaganap na pag-aalsa. Maaring sa kabanatang ito makikita sa ibabaw ang ginawang pagbubunyag ni Padre Salvi sa magaganap na pagaalsa sa bayan ng San Diego, subalit ang ipinakikita ni Rizal sa ilalim ay ang TUNAY NA KAGANAPAN SA PAG-AALSA SA CAVITE noong 1872. 2 Sa panahon ng Espanya at mga unang taon pagkatapos ng Ikalawang Digmaan ay isinasagawa pa ang angelus kung saan sa pagsapit ng ikaanim ng gabi, ang mga tao sa lansangan ay umuuwi ng kanilang mga bahay upang magsagawa ng sama-samang pagdarasal ng pamilya. 3 Mismong si Padre Salvi ang sumira sa angelus. 4 Nagtataka ang mga tao dahil hindi talaga pumupunta si Padre Salvi sa bahay ng alperes.

620

itigil ang galawan ng kanilang mga labi upang halikan ang kamay ng kura, subalithindi sila pinansin ni Padre Salvi; sa oras na iyon ay hindi siya nasisiyahan na ilagay ang kanyang mabutong kamay sa ibabaw ng ilong ng isang babaing Kristiyana upang mula roon ay lihim na padulasin (ayon sa napuna ni Donya Consolacion) sa dibdib ng isang magandang binibini na nakayukod at naghihintay ng bendisyon.5 Marahil ay mahalagang bagay ang nasa kaniyang isipan niya upang malimot ang mga kapakanan ng sarili at Simbahan.6 At matuling inakyat ang hagdanan at sunod-sunod na tumawag sa pinto ng alperes, na lumabas na nakakunot ang noo, kasunod ang kanyang kabiyak na nakangiti nang ngiting tulad sa kriminal. ´Ah, Padre Kura! Talagang makikipagkita sana ako sa inyo ngayon, ang kambing ninyo«µ ´Mayroon akong isang mahalagang pakay«µ ´Hindi ko mapapayagang sirain nang sirain ang bakuran«7 babarilin ko pag bumalik!µ8 ´Magagawa ninyo iyan kung kayo ay panahon pang mabuhay hanggang bukas ng umaga!µ ang humihingal na pagkakasabi ng kura at tumungo sa salas.
5 Ipinakita ni Rizal ang kapilyuhan ng ilang mga prayle sa kaniyang kapanahunan. Alin kaya ang naghihintay ng bendisyon, ang babae o ang kaniyang dibdib? Ang bendisyon ay sa ulo at hindi sa dibdib. 6 Napag-isa ni Rizal sa pamamagitan nito ang sariling kapakanan ng prayle (pagpapadulas ng kamay sa dibdib ng magandang dalaga) at ng simbahan. Ito ang susi upang higit pang patunayan ang pagiging mahilig sa babae ni Padre Sybila. (Tandaan sa Kabanata 1 na sinabi ni Padre Sybila na kaya siya naaslis sa Camiling ay ´para sa ikagagaling ng orden, at ikagagaling ko rin namanµ) 7 Sinisira ng kambing ang bakuran? ² sa kapanahunang iyon, karaniwang ang mga bakod ay gawa sa sa mga halamang pambakod at ito ay kinakain ng kambing ni Padre Salvi (bakit mahilig si Padre Salvi sa pag-aalaga ng kambing gayong siya ay pastol ng tupa? Sinasabi sa Biblia na ang pangakong kalangitan ay sa para sa mga tupa at ang kaparusahan ay sa mga kambing) ² lakas talagang mang-asar ni Rizal sa simbolismo. (Maalala ang kambing ni Padre Salvi ay sumisira sa poder/pader ng alferes) 8 Mapapansin sa usapan na maging ang mga hayop na alaga ng kura ay kinaiinisan ng alperes. Parang nagsusulsol pa si Rizal na dapat barilin ng alferes ang mga kambing ng prayle na nakikialam sa kaniyang pader/poder.

621

´Ano? Sa akala ba ninyo mapapatay ako ng uhuging iyon? Dudurugin ko siya sa isang sipa lamang!µ9 Biglang napaurong si Padre Salvi at napatingin sa paa ng alperes.10 ´Sino ba ang tinutukoy ninyo?µ ang tanong na nanginginig. ´Eh, sino pa, kundi iyang ulol na iyon na humamon sa akin na kami ay mag-duwelo, sa layong isang daang hakbang!µ11 ´Ah!µ ang naibigkas ng kura at nagpatuloy, ´Naparito ako upang kausapin kayo ukol sa isang bagay na dapat na asikasuhin ng madalian.µ ´Maanong bayaan ninyo ako. Marahil ay kagaya lamang iyan noong sa dalawang bata!µ Kung ang liwanag ay hindi lamang galing sa ilawang langis at hindi napakarumi ng globo ay nakita sana ng alperes ang pamumutla ng kura.12 ´Ngayon ay nanganganib ang ng buhay nating lahat!µ ang marahang sabi nito. ´Panganib?µ ang ulit ng alperes na namutla, ´asintado ang binatang iyan?µ ´Kung gayon ay«µ13 ´Hindi siya ang sinasabi ko sa inyoµ ´kung ganoon ay anoµ Itinuro ng kura ang pinto na isinara ng alperes ayon sa kaniyang pamamaraan, sa tulong ng isang malakas na tadyak. Para sa alperes ang kamay ay kalabisan na at walang anuman sa

9 Inaakala ng alperes na ang dahilan kaya hindi siya abutin ng bukas ng umaga ay si Linares na humahamon ng duwelo sa kaniya ayon sa udyok ni Dna. Victorina. 10 Akala ni Padre Salvi ay siya ang sisipain dahilan sa magkagalit ang dalawa at hindi nga lamang sila nagpapakita ng galit sa isa·t isa sa harap ng mga tao, ngunit sa pagkakataong ito ay dalawa lamang sila. 11 Labis ang pagiging duwag si Linares ² hinamon ang alperes ng duwelo na ang layo ay 100 hakbang. 12 Dito ay nabanggit ng alperes na ang kaso na inilalapit ni Padre Salvi ay katulad lamang sa kaso nina Basilio at Crispin at ang pamumutla ni Padre Salvi ng mabanggit ito ng alperes ² nagpapakita na kinatatakutan ni Padre Salvi ay mabunyag ang katotohahan na siya ang dahilan ng kamatayan ni Crispin. 13 Makikita na may taglay na kaduwagan ang alperes ² kahit malayo sa pinag-uusapan ay nakaramdam siya ng takot.

622

kanya kung siya ay mawalan ng dalawang kamay.14 Isang tungayaw at ungol ang narinig sa labas ng pinto. ´Hayop ka! Pinaputok mo ang noo ko!µ ang sigaw ng kanyang asawa.15 ´Ngayon ay magsalita kayo!µ ang sabing payapa sa kura. Matagal siyang tiningnan nito; at pagkatapos ay nagtanong sa pamamagitan ng tinig na buhat sa ilong at nakababagot ng mga predicador: ´Nakita ba ninyo ako ay pumunta rito na tumatakbo?µ ´Lintik«! akala ko ay sinusumpong kayo ng diarrea!µ16 ´Kapag ako ay lumabag sa aking katungkulan,µ ang sabi ng kura na hindi pinapansin ang kabalbalan ng alperes, ´ay sapagkat may mabigat na dahilan.µ ´At ano pa?µ ang tanong ng kausap na tumatadyak sa sahig. ´Huminahon kayo!µ ´Kung gayon bakit kayo nagmamadali sa pagpunta rito?µ Lumapit ang kura at nagtanong ng mahiwaga. ´Wala« ba« kayong« nalalamang« bagong bagay?µ Ikinibit ng alperes ang balikat. ´Inaamin ninyong wala kayong nalalamang anuman.µ ´Ibig ba ninyong ibalita ay si Elias na itinago kagabi ng inyong sakristan-mayor?µ17 ang tanong.

14 Makikita ang kawalan ng sapat na modo ng alperes para isara ang pinto sa pamamagitan ng kamay. 15 Nagawa pa ni Rizal na magpatawa dahilan nang sipain ng malakas ng alperes ang pinto ay nasa likuran si Dna. Consolacion na lihim na nanunubok at nakikinig sa usapan ² sa lakas ng sipa ay pumutok ang noo ng noon ay lihim na nakikinig na si Dna. Consolacion. 16 ¡Rediós!, ¡creía que estaba Ud. con diarrea! ² sa orihinal na tekstong Espanyol. Maaring nagpapatawa si Rizal, subalit nakatago sa panunudyo ang lihim na simbolismo ² Sa panahon ni Rizal ay ginagamit ng mga prayle ang kolonyal na hukbo para sa kanilang maruming gawain. Tandaan na para mapagtakpan ang panggagahasa sa anak na dalaga ni Kapitan Pablo ay ginamit ng kura ang mga guardia civil. MAGING SI RIZAL AY NAIPAPATAY NG MGA PRAYLE, SA PAMAMAGITAN NG KOLONYAL NA HUKBONG SANDATAHAN. 17 Tandaan na ang inaakala ng alperes na si Lucas na nagtungo sa sakristan mayor ay walang iba kundi si Elias ² pinuntahan iyon ng guwardiya sibil at siniyasat at nakita na kinanlong ng sakristan mayor ² ibig sabihin si Lucas ay hindi ibinigay ng sakristan mayor sa mga guwardiya sibil. Si Lucas ay isa sa mga kambing ni Padre Salvi.

623

´Hindi, hindi tungkol diyan ang sasabihin ko sa inyo ngayon,µ ang sagot ng kura na masama ang loob, ´ang tinutukoy ko ay isang malaking peligro.µ ´L«. yata! Kung gayon ay« sabihin na ninyo!µ ´Siya!µ ang madalang na sabi ng prayle at waring pawalangbahala, ´ang makikita ninyong minsan pa, ang halaga naming mga pari; ang lalong pinakadukhang uldog ay katimbang ng isang regimiento; ang isang kura«µ18 At inihina ang boses at mahiwagang sinabi ang ganito: ´Natuklasan ko ang magaganap na isang malaking sabwatan! Na maganap ngayong gabiµ Ang alperes ay napalundag at litong napatingin sa kura. ´Isang kakila-kilabot at maayos na nakaplanong sabwatan, na magaganap ngayong gabi.µ ´Ngayong gabi?µ ang bulalas ng alperes na tumakbo sa harapan ng kura at tinakbo ang kanyang sable at rebolber na nakasabit sa pader. ´Sino ang dapat kong dakpin? Sino ang aking dadakpin,µ ang sigaw.19 ´Huminahon kayo, may panahon pa tayo, salamat sa aking pagmamadali; sa alas otso«µ ´Pagbababarilin kong lahat!µ ´Pakinggan ninyo! Kaninang hapon, isang babae na ang pangalan ay hindi ko dapat ibunyag, (ito ay lihim ng kumpisalan), ay lumapit sa akin at sinabi ang lahat.20 Sa ikawalo ay lulusubing bigla ang kuwartel, nanakawan ang kumbento, bibihagin ang bangkang pampatrol at papatayin tayong lahat na Kastila.µ Ang alperes ay labis na nataranta. ´Wala ng sinabi sa akin ang babae akin kundi iyan lamang,µ ang dugtong ng kura.

18 Ang katagang ito ay ginamit ni Rizal sa bibig ni Padre Salvi upang ipakita ang kapalaluan ng mga prayle noon ² ang isang lay brother ay katumbas ng isang regiment ng guwardia sibil ² at ang isang kura ay isang kabuuan ng hukbo. Ito ang naging pag-aangkin ng mga paring Espanyol noong araw, lalo na kung iisipin na maraming mga pag-aalsa ng mga sinaunang Pilipino ang natuklasan at napigilan dahilan sa panghihimasok ng mga prayle. 19 Sa aktwasyon ng alperes ²ang kaniyang tanging solusyon sa mga pagaalsang bayan ay ang pagdakip at pagpapabaril sa mga kasangkot sa pag-aalsa. 20 Sa mga salaysay ng mga prayle - ang pangungumpisal ng isang babae ay palaging tema sa pagkakatuklas ng mga pag-aalsa ng mga Pilipino. Ito rin ang kuwento ukol sa pagkakatuklas ng Katipunan.

624

´Wala na kundi iyan? Kung gayon ay aking huhulihin ko ang babaeng iyon!µ ´Hindi ko mapapayagan: ang kumpisalan ay luklukan ng Diyos ng kaawaan.µ ´Walang Diyos ni kaawaang makahahadlang! Huhulihin ko siya!µ ´Nasisira ang inyong ulo. Ang dapat na gawin ay ang maghanda; lihim ninyong sandatahan ang inyong mga kawal at saka tambangan ang mga sasalakay; padalhan ninyo ako ng apat na sundalo sa kumbento21 at pagsabihan ninyo ang mga nasa daungan.µ ´Wala rito ang daong! Hihingi ako ng tulong sa ibang pangkat!µ22 ´Huwag; mahahalata, at hindi itutuloy ang binabalak. Ang kailangan ay mahuli nating buhay at nang ating mapasigaw. Ibig kong sabihin ay mapasigaw ninyo;23 ako, dahil sa aking pagkapari ay hindi nararapat na makilahok sa bagay na ito.24 Huwag kayong makalilimot! Dahil dito ay maaring magtamo kayo ng krus at bituin;25 ang hinihingi ko lamang ay ang makilalang ako ang nagpaalam sa inyo.µ26
21 Alam ni Padre Salvi na sasalakayin siya ng asawa ni Sisa ² nasabi sa kaniya ni Lucas na mismong nagrekruta sa asawa ni Sisa at ang poot na iyon ni Pedro ay naipahayag na sa mga kasamahan niya sa pag-uusap sa sementeryo. 22 Isa sa mga kaganapan sa naganap na Pag-aalsa sa Cavite ay sinamantala ng mga rebeldeng Pilipinong na wala ang barkong pandigma ng hukbong nabal ng Espanya sa daungan ng Cavite. 23 Ang nais ni Padre Salvi ay makahuli ng buhay para makapagsabi kung sino ang kanilang pinuno. 24 Umiiwas si Padre Salvi ´pagkakatuklasµ ng pag-aalsa. na magkaroon ng koneksiyon sa

25 Maaring magtamo ng krus at bituin ² Ang krus ay dekorasyon sa medalya at ang bituin ay sa ensignia ng hukbong Espanyol. Ang alperes ay mayroon lamang isang maliit na bituin at ang madagdagan ng isa pa ay mangangahulugan ng promosyon sa ranggo bilang isang ganap na tinyente. 26 Ang personal na layunin ni Padre Salvi sa pagkakasugpo ng pag-aalsa na gawa-gawa lamang niya² una; ang siya ay makilala at tumaas sa tungkuling pansimbahan; pangalawa, ang pag-aalsa ay magiging daan

625

´Malalaman, Padre, makikilala, at maaring may isang mitrang mahuhulog!µ27 ang masayang sagot ng alperes na tiningnan ang manggas ng kaniyang uniporme. ´Kung ganoon ay padadalhan ninyo ako ng apat kawal na hindi na unipormado? Maging ganap na maingat! Mamayang gabi, ikawalo, ay uulan ng krus at bituin.µ Sa sandaling nagaganap ito ay isa tao ang tumatakbo sa daang patungo sa bahay ni Crisostomo at mabilis na umakyat sa hagdanan. ´Narito ba si Ginoong Ibarra?µ ang tanong ng tinig ni Elias sa alila. ´May ginagawa sa kanyang silid.µ Si Ibarra upang mapawi ang pagkainip sa paghihintay ng oras na upang makapag-usap sila Maria Clara ay nagsimula sa paggawa sa loob ng kaniyang laboratoryo. ´Aba, Elias, kayo pala!µ ang bulalas, ´kayo ang iniisip ko; kahapon ay nalimutan kong itanong sa inyo ang pangalan ng Kastila na pinagtrabahuhan ng inyong lolo.µ ´Hindi tungkol sa akin ang dahilan ng aking ipinarito«µ ´Tingnan ninyo,µ ang patuloy ni Ibarra na hindi napuna na naguguluhan ng isipan ang binata, at inilapit sa dingas ang isang putol na kawayan, ´mahalagang bagay ang natuklasan ko: ang tungkod na kawayang ito ay hindi nasusunog ng apoy«µ28 ´Hindi po ukol sa tungkod na kawayan ang kailangang pagusapan ngayon; ang kailangan ay itago ninyo ang lahat ng inyong mga kasulatan at kayo ay tumakas sa loob ng ilang minuto.µ Namamanghang napatingin si Ibarra kay Elias, at nang makita ang tigas ng pagmumukha nito ay nabitiwan ang hawak sa kamay.

para mawala si Ibarra na interesado sa kaso ng dalawang anak ni Sisa; at pangatlo, para mawala si Ibarra sa buhay ni Maria Clara. 27 Isang pahiwatig na maaring maging obispo ng simbahan si Padre Salvi. 28 Parang nais ipakita ni Rizal sa pamamagitan ng eksperimento ni Ibarra ang kahalagahan ng kawayan. Malaman sana na bambo fillament ang ginamit ni Edison noong 1880 sa paglikha ng isang bumbilya na may kakayahan na magamit na hindi nasusunog sa loob ng 1200 oras. Ang bahagi kayang ito ng nobela ay isang pagpapakilala ni Rizal sa kahalagahan ng kawayan sa mga bombilyang ginagamit noon sa Europa, o isang pagpapakilala sa mga mambabasang Pilipino at dayuhan, na maraming mga bagay na matatagpuan sa Pilipinas na mayroong siyentipikong kabuluhan.

626

´Sunugin ninyo ang lahat ng dokumento na makasasama sa inyo, at sa loob ng isang oras ay pumunta kayo sa isang higit na ligtas na lugar.µ ´Bakit?µ ang tanong. ´Ilagay ninyo sa ligtas na taguan ang lahat ng inyong mahahalagang bagay.µ ´At bakit?µ ´Sunugin ninyo ang lahat ng inyong sinulat o isinulat sa inyo; ang lalong walang kabuluhan ay maaring pag-isipan ng masama«µ ´Datapwa·t bakit?µ ´Bakit? Sapagka·t natuklasan ko ngayon ang isang sabwatan, na sinasabing kayo ang may kagagawan upang kayo ay masawi.µ29 ´Isang sabwatan? At sino ang may pakana?µ ´Hindi ko kilala ang may pakana; kakatapos ko lamang na makausap ang isa sa mga inupahan para sa sabwatan at hindi ko mapakiusapan na huwag ituloy.µ30 ´Hindi ba niya sinabi sa inyo kung sino ang nagbabayad sa kanya?µ ´Opo, at matapos na hilingin sa akin na ipaglilihim ay sinabing kayo raw.µ ´Diyos ko!µ ang sabi ni Ibarra at halos nahihintakutan. ´Huwag na kayong mag-alinlangan, huwag tayong magaksaya ng panahon sapagka·t maaring sumabog ngayong gabi ang pag-aalsa!µ Parang hindi naririnig si Ibarra ang salita ng kausap, ang kanyang mga mata ay nagdudumilat at hawak ng mga kamay ang ulo. ´Hindi na maiiwasan, ang pagsabog ng guloµ ang patuloy ni Elias, ´ako ay nahuli, hindi ko nakilala ang mga nangungulo«! Iligtas ninyo ang inyong sarili, alang-alang sa inyong bayan!µ ´Saan ako tatakas?31 May naghihintay sa akin ngayong gabi!µ bulalas ni Ibarra nang maala-ala si Maria Clara.
29 Natuklasan ni Elias ang ukol sa magaganap na gawa-gawang pagaalsa mula sa magkapatid na Bruno at Tarsilo na kinatagpo ni Lucas sa libingan. 30 Dito ay makikitang muli ang kahusayan ni Rizal sa pagpapakita ng isang bagay sa pamamagitan ng hindi pagpapakita ² Hindi sinabi ni Elias kay Ibarra ang nasa likuran ng magaganap pagkakagulo sa bayan ng San Diego. Subalit sa mga nakalipas na talata ng Kabanatang ito ay ipinakita naman niya na kinukop ng sakristan mayor si Lucas.

627

´Sa ibang bayan, sa Maynila, sa bahay ng kahit sinong maykapangyarihan, huwag lamang dito, upang huwag masabing kayo ang namumuno sa kilusan!µ32 ´At kung isuplong ko ang pag-aalsa?µ ´Kayo ay magiging manunuplong?µ ang sabi ni Elias na napaurong, na sa kanya nakatingin, ´ipalalagay kayong taksil at duwag ng mga magsisipag-alsa, at kayo ay magiging matatakutin sa paningin ng iba; sasabihing gumawa kayo ng isang pakana upang magtamo ng papuri,33 sasabihing«µ ´Pero ano ang dapat na gawin?µ `´Nasabi ko na sa inyo: sunugin ang lahat ng kasulatang may kinalaman sa inyo, tumakas at maghintay ng mga kalalabasan «µ ´At si Maria Clara?µ bulalas ng binata, ´oh, hindi, mamatay na muna ako!µ Nagpilipit ng kamay si Elias at nagsabing: ´Siya, kung gayon, iwasan ninyong bumagsak, humanda kayo sa magiging sakdal sa inyo!µ Si Ibarra ay luminga sa paligid na parang lito. ´Kung gayon ay tulungan ninyo ako; diyan sa mga kahong iyan nariyan ang mga sulat ng aking pamilya; piliin ninyo ang mga sulat ng aking ama na siyang marahil ay makasasama sa akin. Basahin ninyo ang mga lagda.µ Sa kalituhan, ang binata, ay nagbukas at nagsara ng mga kahon, kinuha ang mga papel, mabilis na binabasa ang mga sulat, may pinupunit at may itinatago, kumuha ng mga aklat, binabasa, atbp. Si Elias man, kahi·t hindi ganap na lito ay gayon din ang pagsusumakit; subalit napatigil, ang kanyang mga mata ay nandidilat, pinaligtad-baligtad ang isang hawak na papel at nagtanong na ang boses ay nanginginig: ´Nakilala ba ng mga kaanak ninyo si Don Pedro Eibarramendia?µ
31 Pagpapakita ni Rizal sa kaisipan ng mga creole sa panahon na magkakagulo sa Pilipinas ² ang iniisip agad ay ang lugar na tatakasan. Pansinin sa Kabanata 49 na si Ibarra ay nagpapahatid kay Elias sa ibang bayan. 32 Isang kabalitunaan kay Rizal na noong siya ay naninirahan bilang isang tapon sa Dapitan ay dumating sa nasabing lugar si Dr. Pio Valenzule at ipinaalam nito sa kaniya na magkakaroon ng himagsikan na maaring maganap sa Setyembre 1896, isang buwan, pagkatapos ng pag-uusap si Rizal ay naghanda upang magtungo sa Cuba para maglingkod bilang manggagamot sa hukbong sandatahan ng Espanya sa Cuba. 33 Tandaan na ang dahilan ni Padre Salvi ² gumawa ng isang pakana para magkamit ng mga papuri at mapagtakpan ang kaniyang krimen.

628

´Mangyari!µ ang sagot ni Ibarra na nagbukas ng isang kahon at kinuha rito ang isang buntong papel, ´iyan ang ama ng lolo ko!µ ´Ama ng inyong lolo si Pedro Eibarramendia?µ muling pagtatanong ni Elias na namumutla at nag-aapoy ang mukha. ´Oo,µ ang sagot ni Ibarra, na hindi pansin ang pangyayari, ´pinaikli namin ang apelyido, napakahaba.µ ´Taga-Vizcaya?µ ang ulit ni Elias na lumapit. ´Taga-Vizcaya, bakit ano mayroon?µ ang patakang tanong. Mahigpit na tinikom Elias ang mga kamay, idiniin sa noo at tinitigan si Crisostomo na napaurong nang makita ang ekspresyon ng kanyang pagmumukha. ´Alam ba ninyo kung sino si Don Pedro Eibarramendia?µ ang pagalit na tanong. ´Si Don Pedro Eibarramendia ay taksil na nagbintang sa aking lolo at siyang naging dahilan ng lahat ng aming kasawian« Hinahanap ko ang kanyang apelyido, kayo ay dinala sa akin ng Diyos« magutuos tayo sa lahat ng aming naging kasawian!µ34 Nangingilabot na tiningnan siya ni Crisostomo, ngunit kinalog ni Elias ang kanyang bisig, at sinabi sa pamamagitan ng tinig na malungkot, may pagkamuhi, at labis na ngitngit. ´Tingnan ninyo akong mabuti, masdan ninyo kung hindi ako naghirap, at kayo ay nabubuhay, umiibig, mayroon yaman, pamamahay, mga katangian, nabubuhay kayo«kayo·y buhay!µ litong tinakbo ang isang munting lagayaniba·t ibang sandata, ngunit saglit pa lamang na nakukuha ang dalawang punyal ay biglang binitiwan at tiningnan na parang baliw si Ibarra na noon ay hindi gumagalaw sa kinatatayuan. ´Ano ang gagawin ko?µ ang bulong at patakbong iniwan ang bahay.

34 Pinakamalaking kabalintunaan² si Elias na labis ang pagmamalasakit kay Ibarra ay natagpuan na ang ninuno ng huli nito ang siyang naging dahilan ng kasawian ng kaniyang angkan. Ipinapakita ni Rizal sa bahaging ito na ang mga ninuno ng mga Espanyol sa bansa ay mayroong utang na pagmamalupit sa mga Pilipino.

629