KABANATA 57 VAE VICTIS!

1 Ang aking kaligayahan ay nasa loob ng balon

Ang mga guwardiya sibil na may mabangis na anyo ay palakad-lakad sa harapan ng tribunal at nagbabalang kakulatain ang mga batang nakatiyad o nagpapasanan upang makita ng anumbang bagay sa pagitan ng rehas na bakal. Ang bulwagan ay hindi na taglay ang masaya niyang anyo noong pinagtatalunan ang palatuntunan ukol sa kapistahan; ngayon ito ay mapanglaw at nawalan ng kahinahunan. Ang mga guwardiya sibil at mga kuwadrilyerong naroroon ay bahagya nang mag-usap, mahina kung magsalitaan, at maikli ang sagutan. Sa ibabaw ng mesa ay nagsusulat ang direktorsilyo, ang dalawang tagasulat at ilang sundalo; ang alperes ay palakad-lakad sa magkabilang dulo at malimit na nagtatapon ng mabangis na sulyap sa dako ng pintuan; maaring hindi mahihigitan ang kanyang pagmamalaki sa ipinamalas ni Temistokles2 nang
MGA PALIWANAG 1 Vae Victis ² wikang Latin na ang kahulugan sa wikang Pilipino ay Sa aba ng mga nagapi. Ang kasabihang ito ay nagmula kay Brenus na pinuno ng tribong Senones na sumalakay at gumapi sa mga Romano noong 390/387 BC. Sa ganitong kalagayan ay napilitan ang mga Romano na makipagkasundo sa pamamagitan ng pagtubos ng ginto na may bigat na 1,000 libra. Ayon sa alamat nakita ng mga Romano na mayroong daya ang ang timbangan at nakipagtalo sila upang ito ay itama. Sa gitna ng pagtatalo, si Brennus ay tumayo at inilagay ang kaniyang mabigat na espada sa timbangan at sinambit ang walang kamatayan pahayag vae victis ² kinakailangan na tanggapin ng mga nagapi ang kondisyon ng mga nagwagi. http://en.wikipedia.org/wiki/Brennus_%284th_century_BC%29 2 Themistocles (527?-460?BC), Isang heneral ng Athens na namuno ng hukbo ng Athens sa mapagpasiyang Labanan ng Salamis, noong 480 BC na nagresulta sa pagkawasak ng hukbong dagat ng Persia, na noong panahong iyon ay pinakamakapangyarihang imperyo sa mundo. Pagpapakita ni Rizal ng labis na kayabangan ng anyo ng opisyal ng hukbong Espanyol ² isang napakaliit na kaguluhan ang kaniyang nasugpo ay parang isang dakilang labanan na ang pinagwagihan

648

dumating sa Larong Olympiada matapos ang labanan sa Salamis. Si Donya Consolacion ay naghihikab sa isang sulok, na parang ipinatatanaw ang isang maitim na bunganga at mga sungkisungking ngipin;3 ang kanyang mata ay natititig na mabangis at malamlam sa pintuan ng piitan na puno ng mga mahahalay na larawan.4 Naipaki-usap niya sa kanyang asawa, na naging masuyo magmula nang magtagumpay, na kanyang mapanood ang inbestigasyon at kung maaring ay pati na ang mga pagpapahirap na maaringgawin. Naaamoy ng hyena ang bangkay, dinidilaan niya ang kaniyang labi at ikinayayamot ang pagkakabalam ng gagawing pagpapahirap.

Ang kapitan sa bayan ay malungkot: ang kanyang silya na nakalagay sa ilalim ng larawan ng Hari ay walang laman at parang nakahanda upang gamitin ng ibang tao.5 Nang malapit na ang ikasiyam, dumating na namumutla ang kura at kunot ang kilay. ´Napakatagal ninyo, palibhasa ay hindi kayo ang naghihintay!µ ang sabi sa kanya ng alperes.

3 Napakahusay ng paglalarawan ni Rizal kay Donya Consolacion ² ang salitang bunganga ay pantukoy sa hayop at ang sungi-sunging ngipin ay kalimitan na taglay ng mabangis na hayop. 4 Maging ang pintuan na may nakaguhit na kabastusan ay nagawang ma-idetalye ni Rizal. 5 Tandaan na siya ang kapitan ng bayan ng San Diego, ngunit makikita na ang kaniyang kapangyarihan ay kaniyang ipapaubaya sa kaninuman na hihiling sa kaniya.

649

´Ibig ko sanang huwag ng humarap,µ ang mahinang sagot ni Padre Salvi na hindi pinuna ang paninisi ng alperes, ´nerbisyoso ako.µ ´Sa dahilang walang pumaritong sinuman, upang huwag maiwan ang pagtatanod, inakala kong kayo« Alam na ninyong ngayong hapon sila iaalis.µ ´Ang binatang si Ibarra at ang tiniente-mayor«?µ6 Tumuro ang alperes sa lugar ng bilangguan. ´Walo ang nariyan,µ anya, ´ang nagngangalang Bruno ay namatay kagabi ng hatinggabi, ngunit naitala na ang kanyang mga pahayag.µ7 Binati ng kura si Donya Consolacion na sumagot ng isang paghihikab at isang aah! at umupo sa silyong nasa ilalim ng larawan ng Hari.8 ´Masisimulan na natin!µ ang sabi. ´Kunin ninyo ang dalawang nasa pangawan!µ ang utos ng alperes na ginawang ang tinig niya ay higit na mabalasik, at matapos ay lumingon sa kura at idinugtong na binago ang pagsasalita. ´Nangakalagay na dalawang butas ang pagitan!µ Sa mga hindi nakakaalam sa mga kasangkapan sa pagpapahirap ay masasabi namin na ang pangawan ay isa sa pinakamagaan. Ang layo ng bawat butas na pinaglalagyan ng paa ng mga pinipiit ay humigit-kumulang sa isang dangkal; kung lalaktawan ng dalawang butas, ang bilanggo ay malalagay sa isang hirap na ayos, masasaktan ang mga binti at mabibikaka ang paa nang higit sa kalahating dipa: hindi nakamamatay na bigla gaya nang maaring isipin.9

6 Makikita sa tanong ni Padre Salvi ang paniniyak na naroon si Ibarra at si Don Filipo na hindi niya mapatawad sa hindi pagsunod sa kaniya sa panahon na inuutusan niya ito na paalisin si Ibarra sa dulaan. Makikita sa bahaging ito ang personal na galit ng kura sa dalawang tauhan na ito. 7 Ang walong katao na nasa loob ng piitan ay sina Ibarra, Don Filipo, Albino, Tarsilo, Andong, Antonio, at ang kambal na anak na lalaki ni Kapitana Maria 8 Sa pag-upo ni Padre Salvi sa silya ng kapitan ng bayan, ay naiipakita ang simbolismo ng pangingibabaw ng kapangyarihan ng mga prayle sa pamahalaang sibil. 9 Paglalarawan ng pangawan na karaniwang paraan ng kaparusahan sa mga bilanggo sa Pilipinas sa panahon ng Espanya. Hindi nakakamatay ng bigla ² isa sa kabalighunaan/paradox ng mga instrumento sa

650

Ang tagapagbantay ng bilangguan na may kasunod na apat na sundalo ay inalis ang sagka at binuksan ang pinto. Magkahalo ang mabahong alingasaw at isang malamig na simoy ang nanggaling sa kadiliman na sabay sa pagkakarinig sa ilang taghoy at iyak. Ang isa sa mga sundalo ay nagsindi ng posporo nguni·t namatay ang apoy dahil sa masamang singaw na iyon kaya hinantay muna nilang mapalitan ang hangin. Sa bahagyang liwanag ng isang ilaw ay mababanaag ang ilang anyo ng tao: mga lalakeng nakayapos sa kanilang mga tuhod at itinatago rito ang ulo, nakataob, patayo, nakaharap sa dingding, atbp. Nadinig ang ilang pukpok at langitngit na may kasamang tungayaw: nabuksan ang pangawan. Nakadukwang na nanghahaba at lumalabas ang mga litid sa leeg ni Donya Consolacion, ang mga usli niyang mata ay nakapako sa nakabukas na pintuan. Sa gitna ng dalawang sundalo ay inilabas ang isang mapanglaw na anyo, si Tarsilo, na kapatid ni Bruno. May posas sa mga kamay; ang pananamit ay walat-walat ay nagpapakita ng isang mainam na pangangatawan. Ang kanyang paningin ay walang pitagang napako sa babae ng alperes. ´Ito ang nanlabang mabuti at nag-utos na tumakas ang iba niyang kasamahan,µ ang sabi ng alperes kay Padre Salvi. Sa likod ni Tarsilo ay lumitaw ang isang tao na anyong kaawa-awa, naghihinagpis at umiiyak na parang bata; Papilaypilay at mantsado ng dugo ang salawal. ´Maawa po kayo, ginoo, maawa kayo! Hindi na po ako muling papasok sa patio!µ ang sigaw.10 ´Iyan ay isang pusakal!µ ang sabi ng alperes sa kura, ´nagtangkang tumakas nguni·t nasugatan sa pigi. Ang dalawang ito lamang ang natirang buhay.µ ´Ano ang pangalan mo?µ ang tanong ng alperes kay Tarsilo. ´Tarsilo Alasigan.µ ´Ano ang pangako sa inyo ni Ginoong Crisostomo para ninyo salakayin ang kuwartel?µ

pagpapahirap ay ang hindi ito makamatay agad ² nanatiling buhay ang biktima at nararamdaman ang masakit na pahirap ang katawan. 10 Ipinasok ni Rizal ang tauhang ito sa layunin na pagaangin ang napakabigat at malagim na paglalarawan sa kabanatang ito.

651

´Hindi namin kailanman nakausap si Ginoong Crisostomo.µ ´Huwag mong ipagkaila! Kaya mo tinangkang kami ay biglain.µ ´Nagkakamali kayo: pinatay ninyo sa palo ang aming ama, iginanti lamang namin, at wala na. Hanapin ninyo ang dalawa ninyong kasamahan.µ Ang alperes ay napatingin sa sarhentong nabigla. ´Naroon sa isang bangin, doon namin inihagis kahapon, doon nabubulok. Ngayon ay patayin ninyo ako; wala na kayong malalamang iba pang bagay.µ11 Isang katahimikan at pagkabigla ang naghari sa lahat. ´Sasabihin mo sa amin kung sino pa ang iba mong kasabwat,µ ang babala ng alperes na iwinasiwas ang isang yantok. Isang maalipustang ngiti ang lumabas sa labi ng salarin. Saglit na nakipag-usap ng mahina ang alperes sa kura, pagkatapos ay hinarap ang mga sundalo. ´Dalhin ninyo iyan sa kinaroroonan ng mga bangkay!µ ang utos. Sa isang sulok ng patyo, sa ibabaw ng isang lumang kariton ay nakabunton ang limang bangkay na bahagyang natatakpan ng isang sirang banig na puno ng dumi. Isang sundalo ang naglalakad-lakad sa magkabilang dulo at dura nang dura sa bawat sandali. ´Nakikilala mo ba ang mga iyan?µ tanong ng alperes na itinaas ang takip. Si Tarsilo ay hindi sumagot: nakita niya ang bangkay ng asawa ni Sisa,12 ang sa kanyang kapatid na maraming sugat ng bayoneta at ang bangkay ni Lucas na nakalagay pa ang tali sa leeg.13 Ang kanyang tingin ay naging mapanglaw at isang buntung-hininga ang tumakas sa kanyang dibdib.

11 Nagawa ng magkapatid na Tarsilo at Bruno na makapatay ng dalawang guwardiya sibil at inihagis ang bangkay ng mga ito sa isang bangin. 12 Tandaan na namatay sa nasabing pag-aalsa ang asawa ni Sisa. Isang pabayang asawa, na ang paglimot sa kaniyang responsibilidad ay nagbunga ng kasawian ng kaniyang buong pamilya. 13 Mapapansin na isinama sa mga biktima si Lucas ² ang katotohanan si Francisco Saldua na isa sa mga sumasksi laban sa GOMBURZA ay pinangakuan ng malaking halaga at kapatawaran ng mga prayle ay kasama rin sa mga binitay na kasama ng GOMBURZA, sa layunin na patahimikin sa kaniyang nalalaman sa tunay na kaganapan sa likod ng Pag-aalsa sa Cavite noong 1872.

652

´Kilala mo ba ang mga iyan?µ ang muling tanong sa kanyang. Si Tarsilo ay patuloy sa kawalan ng imik. Isang hugong ang pumutol sa hangin at ang yantok ay tumama sa kanyang likod. Nanginig siya at ang kanyang mga ugat at litid ay nagsigalaw. Ang mga palo ng yantok ay naging sunod-sunod nguni·t si Tarsilo ay patuloy na walang kibo. ´Paluin iyan hanggang sa mamatay o magsabi ng totoo!µ sigaw ng bugnot na bugnot na alperes. ´Magsabi ka na!µ ang sabi sa kanya ng direktorsilyo, ´papatayin ka rin lamangµ.14 Muli siyang dinala sa salas na kinalalagyan ng isang bilanggo na nagdadasal sa mga santo, nangangatal at nanlalambot ang tuhod. ´Kilala mo ba iyan?µ ang tanong ni Padre Salvi. ´Ngayon ko lamang nakita iyan!µ ang sagot ni Tarsilo na may tunay na pagkahabag sa isa.15 Binigyan siya ng isang suntok at isang tadyak ng alperes. ´Igapos ninyo sa bangko!µ Iginapos siya sa bangkong kahoy na man lamang inalis ang posas sa kanyang mga kamay na puno ng dugo. Ang kaawaawang tao ay tumingin sa kanyang paligid na parang may hinahanap at ang nakita ay si Donya Consolacion; pakutyang tumawa. Ang mga kaharap ay nagtaka sa gayon, sinundan ang kanyang tingin at nakita nila ang señora na napapakagat-labi. ´Hindi pa ako nakakakita ng babaeng higit na pangit pa sa kanya!µ ang bulalas ni Tarsilo sa gitna ng pananahimik ng lahat, ´higit kong nanaisin pa ang mahiga sa isang bangko na kaparis ngayon kaysa sumiping sa kanya na katulad ng alperes.µ16 Namutla ang musa.

14 Bakit pa magsasabi ng totoo, eh papatayin din lang naman. 15 Ipinakita ni Tarsilo ang kaniyang likas na kabutihan ² sa kabila ng mga pahirap ay nagawa pa niyang maawa sa isang tao na napaghihinalaan ² na alam niyang hindi nila kasama. Malayo sa mga taong, natutuwa nang lihim kapag mayroon silang nakikitang nasasawi ² katulad ni Padre Salvi. 16 Nagawa pa ni Tarsilo na insultuhin si Dna. Consolacion. Ito ay upang padaliin ang pagpatay sa kaniya at matapos nang maaga ang kaniyang paghihirap. Ito na ang pinakamataas na insulto na ginawa ni Rizal para sa kanyang tauhang si Dna. Consolacion ² mas gugustuhin pa ni Tarsilo na mahiga sa isang bangkong parusahan, kaysa sipingan niya ang nasabing buktot na babae.

653

´Papatayin ninyo ako sa palo, ginoong alperes,µ ang kanyang pagpapatuloy, ´mamayang gabi naman ay igaganti ako ng inyong asawa pagyakap sa inyo.µ17 ´Busalan ninyo ang bunganga!µ ang sigaw ng alperes na nagngingitngit at nanginginig sa galit. Parang hinahangad lamang ni Tarsilo ay mabusalan ang kanyang bibig sapagkat nang matakpan ang bunganga ay kasiyahang-loob ang ipinamalas ng kanyang paningin. Sa pamamagitan ng isang hudyat ng alperes ay sinimulan ng isang sundalong may hawak na yantok ang kanyang malungkot na gawain. Namimilipit ang katawan ni Tarsilo; kahit na may makapal na basahan ang kanyang bibig ay maririnig ang isang ungol na timpi at mahaba; itinungo ang ulo, ang kanyang damit ay nagmamantsa sa dugo. Si Padre Salvi, na maputla at inilalayo ang paningin, ay bahagya nang nakatindig, inihudyat ang kamay at sumusuray na umalis sa salas.18 Sa daan ay nakita niya ang isang binibini na nakasandig sa pader, tuwid na tuwid, walang kakilus-kilos, matamang nakikinig, nakatingin sa malayo, ang mga kamay ay parang nakayakap matandang bakod na bato. Nakabilad siya sa matinding init ng araw. Binibilang, na parang hindi humihinga, ang mga palo at ang kakila-kilabot na ungol. Siya ang kapatid na babae ni Tarsilo. Sa bulwagan ay patuloy ang nangyayari: ang sawimpalad ay nanlalabot na sa pasakit sakit ay tumahimik at hinintay na lamang na mapagod ang mga nagpapahirap sa kanya.19 Nang malaunan ay itinigil ng sundalo ang kanyang kamay na pagod na pagod; ang alperes, na namumutla sa galit at sa pagtataka ay humudyat na kalagan. Tumindig si Donya Consolacion at bumulong sa tainga ng asawa ng ilang salita. Iginalaw nito ang ulo bilang pagsang-ayon sa babae. ´Ilagay siya sa balon!µ ang sabi. ´Alam ng mga Pilipino kung ano ang kahulugan ng ´ilagay sa balonµ; tinatawag ito ng mga tagalog na timbain. Hindi namin malaman kung sino ang nakainbento ng ganitong pamamaraan,

17 Makakaganti si Tarsilo sa alperes pagkatapos na mamamatay, pagkat sa gabi ang makakapiling ng alperes ay ang isang pangit na babae. 18 Di makayanan ni Padre Salvi ang mga pahirap na siya mismo ang tunay na dahilan. 19 Malaking kabalintunaan ng nagpapahirap at pinahihirapan ² ang nagpapahirap ay tinitiis ang mga pahirap at naghihintay na lamang na mapagod ang mga nagpapahirap.

654

nguni·t mahahatulan naming ito ay matagal nang ginagawa. Ang salawikaing: ´Ang katotohanan ay lumalabas sa isang balonµ marahil ay isang satirikong pagtukoy sa gayong kaparusahan. Sa gitna ng patyo ng tribunal ay nakalagay ang balon na ang bunganga ay gawa sa batong-buhay. Isang walang-ayos na kawayan na pinakapingga ang siyang panalok ng maruming tubig at masama ang amoy. Mga basag na piraso ng palayok, basura at iba pang mga likido ng ksaraulaan ang naiipon doon, sapagkat ang balong iyon ay katulad ng bilangguan: doon dinadala ng lipunan ang lahat ng mga bagay na inaakala nilang sira o walang kabuluhan; ang anumang bagay na mahulog sa loob nito, kahit anong buti ay masama na.20 Gayon man ay hindi tinatabunan: kung minsan ay nagiging kaparusahan sa mga bilanggo ang ito ay hukayin at palalimin, hindi dahil sa hangad na may mapala sa parusang iyon, kundi dahil sa pagiging mahirap ng gawain;21 ang bilanggong na minsang lumusong doon ay nakakakuha ng isang lagnat na karaniwan nang ikinamamatay. Nagmumuni-muni si Tarsilo sa lahat ng paghahanda ng mga sundalo, walang kagalaw-galaw ang tingin, putlang-putla at ang kanyang mga labi ay nanginginig o bumubulong mandin ng isang dalangin. Ang tigas ng kanyang galit ay nawala o kung di man ay nanghina. Ilang beses na ibinaluktot ang nakataas niyang leeg, napatitig sa lupa, at humanda sa pahirap na kahaharapin. Inilapit siya sa labi ng balon at sinusundan ni Donya Consolacion na nakangiti. Isang tinging may halo ng inggit ang itinapon ng sawimpalad sa bunton ng mga bangkay, at isang buntunghininga ang nakatakas sa kanyang dibdib.22 ´Magsabi ka na!µ ang muling sabi sa kanya ng directorcillo, ´mabibitay ka rin lamang kahi·t anong gawin mo; mamatay ka man lamang nang di lubhang naghirap.µ

20 Makikita ang talino ni Rizal sa pagtutulad ng mga bagay sa mas kongretong buhay. Nang ilarawan niya at ihambing ang maruming balon sa isang bilangguan. 21 Ipinakita ni Rizal sa pamamagitan ng pagpapalinis sa maruming balon sa mga bilanggo ang konsepto ng bilangguan sa Pilipinas ² ito ay ang papel ng bilangguan bilang parusahan at hindi isang institusyon sa pagtutuwid ng mg taong nagkasala sa batas. 22 Inilalarawan ni Rizal ang kaisipan ng isang biktima ng malupit na pagpaparusa/torture sa pamamagitan ng pagtingin ni Tarsilo na mayroong pagka-inggit ang mga bangkay na nakalatag sa patio ng tribunal. Mapansin din sana na ang nagdanas ng higit na parusa si Tarsilo dahilan sa siya ay mahirap.

655

´Dito ay patay kang ilalabas,µ ang sabi ng isang kuwadrilyero. Inalisan siya ng pasak sa bibig at ibinitin siyang patiwarik. Kailangang mauna ang kanyang ulo at tumagal ng ilang sandali sa ilalim ng tubig tulad nang ginagawa sa timba, ang pagkakaiba lamang ay ang tao ay higit na matagal bago iahon.23 Ang alperes ay lumayo upang kumuha ng isang orasan, upang bilangin ang mga sandali. Samantala naman ay nakabitin si Tarsilo, na ang buhok ay sinasabog ng hangin, at ang mga mata ay halos nakapikit. ´Kung kayo ay Kristiyano, kung mayroon kayong puso,µ24 marahang sumamo, ´ibagsak ninyo agad ako o itama ninyo ang ulo ko sa bato at nang ako ay mamatay. Gagantihan din kayo ng Diyos sa kabutihang gagawin ninyo para sa akin« marahil, balang araw, ay magaya rin kayo sa akin!µ25 Bumalik ang alperes na hawak sa kamay ang orasan at ipinag-utos ang pagbaba ng katawan ni Tarsilo sa balon. ´Marahan, marahan!µ ang sigaw ni Donya Consolacaion, na sinusundan nang tingin ang kaawa-awa. ´Pag-ingatan!µ

23 Ang timba sa hindi nagtatagal sa loon ng balon, iniaahon na kapag ay puno na ng tubig. Samantalang ang tao na pinarurusahan pamamagitan ng ganitong barbarikong pamamaraan ay higit tumatagal dahilan sa ang hinihintay ay ang mapuno ang katuwaan mga sadistang nagpaparusa.

ito sa na ng

24 Ang sinabi ni Tarsilo ay isang paraan ni Rizal ng panlilibak sa mga relihiyoso na ang ulo ay puno ng mga pangaral ng kabaitan, ngunit hindi sa ibang pagkakataon ay handang magpahirap at pumatay ng kapwa tao. 25 Ang sinabi ni Tarsilo na ´balang araw ay magaya rin kayo sa akinµ ay isang propetikong sinabi ni Rizal dahilan sa taong 1898 noong bumagsak ang pamahalaang kolonyal ng Espanya sa Pilipinas ay natagpuan naman nila ang kanilang mga sarili na bihag ng mga manghihimagsik na Pilipino ² sa kabilang dako, higit na mapalad ang mga bilanggong Espanyol dahilan sa higit na mas makatao ang naging trato ng mga rebeldeng Pilipino sa mga bilanggong Espanyol. Ang pinakamahusay na pagtrato ng mga Pilipino sa mga bihag na kawal Espanyol ay ipinakita mismo ng kapatid ni Rizal na si Paciano. Sa salaysay ni Antonino Guevara - Noong 1898, si Paciano Rizal na namumuno ng mga manghihimagsik ay nakabihag ng mga opisyal at kawal ng hukbong Espanya, kasama na ang mga prayle ay pinalaya ang kaniyang mga bihag ² ngunit ipinamukha sa mga prayle na ´sila ang nasa likod ng pagsira ng kanilang tahanan sa Calamba at kamatayan ng kaniyang kapatid na si Rizal.µ

656

Ang pingga ay marahang ibinaba; ang ulo ni Tarsilo ay sumasagi sa mga nakausling bato at mga maruruming halaman na tumutubo sa mga bitak. Pagkatapos ay tumigil ang pingga; binibilang ng alperes ang mga sandali. ´Itaas!µ ang utos niya makaraan ang kalahating minuto. Ang ingay ng mga patak na lumalagpak sa tubig ay nagbalita na ang pinarurusahan ay nanumbalik sa liwanag. Sa pagkakataong ito ay higit na mabigat ang pingga, matuling napaitaas. Ang mga bato at mga kulapol na natatanggal sa pader ay nagkakahulog. Ang noo at buhok ay natatakpan ng mga nakaririmarim na lusak; ang mukha ay may mga sugat at galos, ang katawan ay basa at tumutulo, nang siya ay sumipot sa harap ng madla: at dahilan sa hangin ay kinakaligkig siya sa lamig. ´Ibig mo bang gumawa ng pahayag?µ ang tanong sa kanya ng basag na tinig ng alperes. ´Ampunin mo ang kapatid kong babae!µ ang bulong ng kahabag-habag na pasamong tiningnan ang isang kuwadrilyero.26 Muling umingit ang pinggang kawayan at ang pinarurusahan ay muling nawala. Naobserbahan ni Donya Consolacion na ang tubig ay tahimik. Pinalipas ng alperes ang isang minuto. Nang muling itaas si Tarsilo, ang kanyang pagmumukha ay hirap at naninilaw. Pinagmasdan ang mga naroon at hindi ipinikit ang mga matang mapupula na puno ng dugo. ´Magsasabi ka?µ ang muling tanong na may katamlayan ng alperes. Iniiling ni Tarsilo ang ulo, at muli siyang ibinaba. Ang kanyang mga mata ay ay unti-unting nagsasara, ang mga mata ay nakatingin sa langit na may mapuputing ulap; ibinabaluktot ang leeg upang makapagpatuloy sa pagtanaw sa liwanag ng araw, ngunit madaling nalubog siya sa tubig, at inalis sa kanya ng nakaririmarim na tabing na iyon ang larawan ng mundo. Lumipas ang isang minuto; nakita ng musa ang malaking bulwak na tumataas sa ibabaw ng tubig. ´Nauuhaw!µ ang sabing tumatawa.27

26 Sa huling salita ni Tarsilo ang kaniyang ginintuang puso: Nasa isip niya ang kaniyang kapatid na babae na kaniyang maiiwan; at ipinakita pa rin niya ang kaniyang pagtitiwala sa ibang tao ² ito ay nang ihabilin niya sa isang kuwadrilyero na ampunin ang kaniyang kapatid.

657

Ang tubig ay muling nanahimik. Sa pagkakataong ito ay tumagal ng isang minuto at kalahati, at ang alperes ay humudyat. Wala na ang paghihirap sa mukha ni Tarsilo; sa mga nakabukas na talukap ay nakikita ang puti ng mata; lumalabas mula sa bibig ang tubig na may burak at may halong kaunting dugo; humihihip ang malamig na hangin ngunit hindi na nanginginig ang kanyang katawan. Nagkatinginan ang lahat nang walang kaimik-imik, namumutla at puno ng lagim. Humudyat ang alperes upang siya·y alisin sa pagkakasabit at lumayong nagbubulay-bulay; makailang idinuldol ni Donya Consolacion ang apoy ng kanyang tabako sa paa ng pinahihirapan nguni·t hindi gumalaw ang katawan at ang apoy ay namatay.28 ´Nilunod ang sarili!µ29 ang bulong ng isang kuwadrilyero, ´tingnan ninyo at itiniklop ang dila na parang tinangkang lunukin.µ Ang lahat ng iyon ay pinagmamasdang nanginginig at pawisan ng isang bilanggo: parang baliw na pasuling-suling sa lahat ng lugar. Ipinagbilin ng alperes sa direktorsilyo na siya·y siyasatin. ´Ginoo, ginoo!µ ang hikbi, ´sasabihin kong lahat ng gusto ninyo!µ ´Mabuti, tingnan natin, ano ang pangalan mo?µ ´Andong po!µ ´Bernardo«Leonardo«Ricardo«Eduardo«Gerardo«o ano?µ ´Andong po!µ ang ulit ng sinto-sinto. ´Ilagay ninyong Bernardo o kahi·t na ano,µ ang pasya ng alperes.30
27 Ang salitang ito ni Dna. Consolacion ang nagpakita ng kaniyang pinakamataas na kasamaan na kakambal ng pangit niyang kaanyuan. Ang pagbulwak ng tubig habang nakalubog ang ulo ni Tarsilo ay nagpapakita ng pagpasok ng maraming tubig sa katawan na hudyat ng pagkalunod ² ngunit sa harap ng nasasaksihan niyang trahedya ay pinagtawanan pa niya ang kahabag-habag na si Tarsilo. 28 Kanina sa salita lamang ipinakita ni Dna. Consolacion ang kaniyang kasamaan ² sa bahaging ito ng kabanata ay makikita na sa gawa. Ang pagpaso sa bangkay ni Tarsilo ay pinakamataas na pagpapakita ng kawalan ng galang sa katawan ng isang tao. 29 Makikita ang likas na katapangan ni Tarsilo ² nilunod ang sarili, upang tapusin ang parusa na ibinibigay sa kanya. 30 Mapansin sana na kahit na anong pangalan ay ipinasulat ng alperes. Isa sa mga isinulat ni Manuel Artigasy Cuerva sa kaniyang aklat ukol sa GOMBURZA, na ang totoong hinahanap ng mga Espanyol upang dakpin

658

´Apelyido?µ Ang lalake ay takot na napatingin sa nagtanong. ´Ano ang pangalang idinadagdag mo sa Andong?µ ´Ah, ginoo! Andong na sintu-sinto po!µ Hindi napigilan ng mga kaharap na mapahalakhak: maging ang alperes ay huminto sa paglalakad-lakad.31 ´Ano ang trabaho mo?µ ´Manghahawan po ng niyog at alila ng aking biyenan.µ ´Sino ang nag- utos sa inyo na salakayin ang kuwartel?µ ´Wala po!µ ´Paanong wala? Huwag kang magsinungaling at ipapasaok ka namin sa balon! Sino ang may utos sa inyo? Sabihin mo ang totoo!µ ´Ang katotohanan po!µ ´Sino?µ ´Sino po?µ ´Ang tanong ko ay kung sino ang nag-utos sa inyong maghimagsik.µ ´Alin pong paghihimagsik?µ ´Ang dahilan kung bakit ka nasa patyo ng kuwartel kagabi.µ ´Ah, ginoo!µ ang bulalas ni Andong na napapahiya. ´Sino ang may kasalanan ninyon, kung gayon?µ ´Ang akin pong biyenang babae!µ Tawanan at pagtataka ang tugon sa mga salitang ito. Ang alperes ay tumigil at tiningnan ng matang hindi nagagalit ang kahabag-habag na tao, na, sa pag-aakalang napabuti ang kanyang nasabi ay nagpatuloy. ´Opo, ang biyenan ay wala pong ipinakakain sa akin kundi ang lahat ng panis at di na makakain; kagabi, nang ako ay
ay si Padre Jose Zamora na kura parokong Pilipino ng Marikina at isa sa mga radikal na pari. Isang warrant of arrest ang inilabas sa pangalan ni Padre Jose Zamora. Ang mga dumadakip ay nagtungo sa bahay ni Padre Jacinto Zamora sa calle Fraternidad at ibinigay ito sa kaniya. Tinanggihan ni Padre Jacinto Zamora ang nasabing warrant of arrest at ipinaliwanag na ang kaniyang pangalan ay ´Jacintoµ at hindi ´Joseµ . Sa ganito ay pinalitan nila ang pangalang ´Joseµ ng Jacinto at pinilit na tanggapin ito at sumama. Manuel Artigas y Cuerva Los sucesos de 1872: reseña historica biobibliografica 31 Makikita ang talino ni Rizal, pagkatapos niyang ipakita ang malagim na eksena sa kamatayan ni Tarsilo ay nagawa naman niya lagyan ng katatawan ang kabanatang ito sa pamamagitan ng pagpasok ng isang pagpapatawa sa pagpasok ng isang bagong tauhan na si Andong na sinto-sinto.

659

pumarito ay sumakit ang aking tiyan, nakita ko ang patyo ng kuwartel at nasabi ko sa sarili: Sa gabing ito ay walang makakakita. Pumasok ako«at nang ako ay titindig na ay nagputukan; noon ay nagtatali ako ng salawal.µ32 Isang palo ng yantok ang pumutol sa kanyang pangungusap. ´Ilagay iyan sa bilangguan!µ ang utos ng alperes, ´ngayong hapon ay dalhin sa kabisera.µ

32 Kaya pala nasa kuwartel si Andong ay dahilan sa sumasakit ang tiyan at nagdudumi at sa bakuran ng kuwartel naisipan na magpalabas ng dumi ng loob ng katawan..

660