You are on page 1of 46

Noli Me Tangere: Buod ng Bawat Kabanata 1-62

Kabanata 1
Ang Pagtitipon
Nakatakdang ganapin sa gabing iyon ang marangyang handaan sa tahanan ni Don
Santiago Delos Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago. Ang nasabing handaan ay upang
magsilbing pasalubong sa isang binatang kagagaling lamang sa Europa, na hindi iba sa Kapitan
sapagkat ito ay anak ng kanyang matalik na kaibigan. Ang pagsalubong ay gaganapin sa kanyang
bahay sa kalye ng Anluwage. Napuno ng mga panauhin ang tahanan ni Kapitan Tiyago, sapagkat
sa lugar na iyon, isang malaking karangalan ang maging panauhin ng Kapitan. Kilala siya bilang
taong nabibilang sa mataas na lipunan at matulungin sa mga mahihirap. Si Tiya Isabel na pinsan
ng Kapitan ang taga-istima ng mga bisita, at sadyang magkakahiwalay ang mga panauhing babae
sa mga lalake. Nagpakahuling dumating ang ibang mga panauhin, kabilang na sina Dr. de
Espadaa at ang kabiyak nitong si Donya Victorina. Sa lahat ng mga panauhin ng Kapitan, hindi
nagpapahuli ang kinatawan ng simbahan sa pangunguna nina Padre Sibyla, ang kura paroko ng
Binundok; Si Padre Damaso na sadyang magaslaw kumilos at magsalita; dalawang paisano; at si
Tenyente Guevarra, ang tenyente ng guardia civil. Bawat grupo ng mga panauhin ay may kanikaniyang paksa, isang pagkakataon upang ipagparangalan ang kani-kanilang saloobin, humanap
ng papuri, at makipag-tagisan ng kuro-kuro. Napag-usapan sa gabing iyon ang tungkol sa mga
Indio na walang iba kundi ang mga Pilipino; ang tungkol sa pagkakatanggal ni Padre Damaso sa
Parokya ng San Diego sa kabila ng paninilbihan nito ng matagal na panahon; ang tungkol sa
pulbura at armas, monopolyo ng tabako at iba pa. Hindi na pinalagpas ni Pare Damaso ang
pagkakataon upang ihayag niya ang matinding panlilibak sa mga Indio, na ayon sa kaniya ay
mga hamak at mabababang uri ng nilalang. Gumawa naman ng paraan si Pare Sybila na ibahin
ang usapan at ito ay napadako sa pagkakatanggal ni Padre Damaso bilang kura paroko sa loob ng
20 taon. Ayon kay Pare Damaso, hindi dapat nakikialam ang hari ng Espanya sa pagpaparusa sa
mga erehe sapagkat ito ang nararapat. Ito naman ay tinutulan ng Tinyente at inilahad na ang
nangyaring parusa ay marapat lamang sa pananaw ng Kapitan Heneral. Ipinaliwanag din nito na
ang dahilan ng kanyang pagkakalipat ay sapagkat pinahukay nito ang bangkay ng isang marangal
na lalaki, na pinagbintangang erehe dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang bagay na ito ay
nakapagpagalit ng lalo sa pari, lalo na nang maalala nito ang mga nawaglit na mahahalagang
kasulatan. Namagitan uli si Pari Sybila upang pakalmahin ang mahahayap na pananalita ni Padre
Damaso. Kalaunan ay lumawig muli ang talakayan.

Kabanata 2
Si Crisostomo Ibarra
Dumating si Kapitan Tyago kasabay ang isang binata na halatang nagluluksa ayon sa
kasuotan. Binati ng Kapitan ang kanyang mga panauhin, at tulad ng kaugalian, humalik siya sa
kamay ng mga pari. Ang mga pari naman ay nabigla, lalo na si Padre Damaso ng makilala nito
na ang binata. Ipinakilala ni Kapitan Tiyago ang kagalang galang na binata bilang anak ng
kanyang nasirang kaibigan na si Don Rafael Ibarra. Kadarating lamang ng binata mula pitong
taon na pag-aaral nito sa Europa. Kusang nagpakilala si Ibarra bilang Juan Crisostomo Ibarra y

Magsalin kasabay ng pakikipag-kamay nito, isang kaugaliang natutunan niya sa bansang


Alemanya. Tumanggi naman na makipag-kamay si Padre Damaso at bagkus ay tinalikuran nito
ang binata. Lumapit ang Tinyente kay Ibarra at nagpasalamat ito sa ligtas niyang pagdating.
Pinuri rin nito ang kabaitan ng kanyang ama, na siyang nagpanatag sa kalooban ng binata.
Palihim naman ang pagsulyap ni Padre Damaso sa Tinyente na tila ba nagbabanta. Dahilan
upang tapusin ng Tinyente ang pakikipag-usap nito kay Ibarra. Nang malapit na ang hapunan,
inanyayahan ni Kapitan Tinong, sa pananghalian kinabukasan si Ibarra. Si Kapitan Tinong ay
malapit na kaibigan ni Kapitan Tiyago at kaibigan din ng kanyang ama. Magalang na tumanggi
ang binata sapagkat patungo siya sa San Diego sa araw na iyon.

Kabanata 3: Ang Hapunan


Nagtungo na ang mga panauhin sa hapag-kainan. Kanya-kanyang kilos at nararamdaman
ang mga panauhin, na kung panonoorin ay maihahalintulad sa isang komedya. Si Padre Sibyla ay
nasisiyahan, kabaligtaran naman ni Padre Damaso. Ito ay walang pakundangang nagdadabog at
nataamaan tuloy ang isang kadete. Hindi naman ito pinansin ng Tinyente, bagkus ay masusing
pinagmamasdan ang kulot na buhok ni Donya Victorina. Hindi tuloy nito namalayan na
natapakan na niya ang kola ng saya nito, bagay na nakapag-painis sa Donya. Ang ibang bisita
naman ay kanya- kanya ng usapan at papuri sa masarap na handa ng Kapitan. Sapagkat ang
hapunang iyon ay pagsalubong sa pagdating ni Ibarra, karapat-dapat na siya ay maupo sa
kabisera. Pinagtalunan naman ng dalawang Pari kung sino ang dapat maupo sa kabilang dulo ng
kabisera. Ayon kay Padre Damaso, si Padre Sibyla ang dapat maupo sapagkat siya ang kura sa
lugar na iyon. Sinalungat naman ito ni Padre Sybila at kinatwiran nito na si Padre Damaso ang
padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tyago. Sa kalaunan, inialok ni Padre Sybila ang upuan sa
Tinyente, na tinanggihan naman ng huli. Inanyayahan naman ni Ibarra si Kapitan Tyago ngunit
magalang itong tumanggi bilang nakaugalian. Nang inihain na ang pagkain, hindi sinasadyang
napunta kay Padre Damaso ang hindi masasarap na bahagi ng manok; bagkus ay mga leeg at
pakpak ang laman ng kanyang tinola. Lalo itong nag-alburuto sa mga pangyayari. Lingid sa
kaalaman ng pari, ang espesyal na tinola ay para lamang kay Ibarra. Kasabay ng kainan ang
mahabang usapan. Nagbahagi ang binata ng kanyang buhay, tulad ng pag-aaral sa Europa ng
pitong taon, ang pagpunta sa iba't ibang bansa at pag-aaral ng kasaysayan at pag-unlad ng mga
bansang ito, ang pagsasalita ng ibang wika, ang hindi paglimot sa kanyang bayan sa kabila ng
kaunlarang namasdan sa ibang bansa, at ang ang hindi pagkaka-alam sa tunay na dahilan sa
nangyari sa kanyang ama. Ang bagay na ito naman ang nagkumpirma sa hinala ng Tinyente na
wala ngang alam ang binata. Binanggit ni Ibarra na sa kanyang mga bansang napuntahan, iisang
antas lamang ang kabuhayan, pulitika at relihiyong tinatamasa ng mga ito sapagkat
pinahihintulutan ito ng sarili nilang kalayaan at kakayanang pamahalaan ang kanilang sariling
bansa. Binatikos naman ito ni Padre Damaso at ininsulto ang binata na kahit paslit ay kaya itong
matutunan; at ang kanyang pagpunta sa Europa ay maliwanag na pag-aksaya ng salapi.
Magalang naman na tinanggap ni Ibarra ang salita ng pari at binanggit na lamang ang mga alaala niya na si Padre Damaso ay karaniwan nang kasalo sa kanilang hapag-kainan at malapit na
kaibigan ng kanyang ama. Hindi naman nakakibo ang pari dahil sa mga naging kaganapan sa
pagitan nila ng ama ni Ibarra. Maagang nagpaalam si Ibarra ng gabing iyon, kaya't hindi sila
nagkita ni Maria Clara, ang dalagang anak ni Kapitan Tyago. Nagpatuloy naman ng pag-alipusta

si Padre Damaso sa binata. Isinulat naman ni Ibarra sa pahayagan ng Estudios Coloniales ang
kanyang mga obserbasyon sa gabing iyon.

Kabanata 4 - Erehe at Pilibustero


Nagpalakad-lakad si Ibarra sa plasa ng Binondo at napagmasdan nitong sa
kabila ng matagal na panahon na pangingibang bansa, wala man lang pinagbago ang
kanyang bayan. Kung ano ang siya niyang iniwan, ay ito rin ang kanyang
natunghayan sa kanyang pagbabalik. Mababakas na ala man lang pinag-unlad ang
bayang iyon. Habang naglalakad ay nag-iisip din si Ibarra sa sinapit ng ama. Sinundan
siya ni Tinyente upang kwentuhan ng tungkol sa kanyang ama. Si Don Rafael ay isa
sa pinaka-mayaman sa bayan ng San Diego, matulungin at maraming nagmamahal. Sa
kabila ng kanyang kabaitan ay marami ring naiinggit dito, kabilang na ang mga pari sa
simbahan- sa pangunguna ni Padre Damaso. Dahil sa ganitong sitwasyon, minabuti ng
Don na hindi mangumpisal, bagay na lalong ikinagalit ng mga pari. May isang Kastila
doon na walang kaalam-alam, palaboy, at pinag-kakatuwaan ng lahat. Hinirang ito ng
Don bilang kulektor. Isang araw, hindi nakapag-pigil ang kolektor sa mga batang
nagtatawa sa kanya kaya't inakma niyang saktan ang mga bata. Kumaripas ng takbo
ang mga bata at ng hindi niya maabutan, binalibag niya ng baton at tinamaan ang isa.
Tumumba ang bata at walang awang pinagsisipa ito ng artilyero. Nakita ito ni Don
Rafael at inawat niya ang artilyero. Ayon sa mga sabi-sabi, sinaktan ni Don Rafael ang
Kastila hanggang sa kakapalag nito ay tumama ang ulo sa malaking bato. Tinulungan
ni Don Rafael ang bata, ang Kastila naman ay sumuka ng dugo at natuluyang
mamatay. Nagkaroon ng imbestigasyon ang mga guardia sibil, ikinulong si Don
Rafael at dito na naglabasan ang mga lihim niyang kaaway. Kabilang sa mga paratang
sa kanya ang pagiging erehe at pilibustero, pangangamkam ng lupain at iba pang
ilegal na paraan sa pagpapayaman, ang pagbabasa ng El Correo de Ultramar at iba
pang ipinagbabawal na babasahin, pagtatago ng mga sulat at larawan mula sa isang
binitay na pari, pakikipagkaibigan at pagkupkop sa mga tulisan at pagsusuot ng
Barong Tagalog. Ang dating mga kaibigan ng Don ay nangawala at tumalikod sa
kanya. Tanging si Tinyente Guevarra lamang ang naging kakampi ni Don Rafael, sa
kabila ng paniniwala ng taong bayan na ang Tinyente ay nasisiraan ng bait. Si
Tinyente rin ang humanap sa Kastilang abugado ayon na rin sa pakiusap ni Don
Rafael. Mahusay ang abugadong ito ngunit nagsulputan sa kung saan saan ang
kanyang mga kalaban hanggang ang kaso ay tumagal at naging masalimuot. At ang
masaklap ay hindi pa man tapos ang paglilitis, siya ay nakakulong na at nagdadanas
ng hirap sa loob ng rehas. Ang mga pangyayaring ito, kasabay ng hirap na nararanasan

ay labis na nakaapekto sa Don kung kayat ito ay nagkasakit. Tuluyan na itong


namatay sa loob ng bilangguan at ni wala man lang nakiramay na kapamilya o
kaibigan.

Kabanata 5- Isang Tala sa Gabing Madilim


Pumunta ng Maynila si Ibarra ng araw na iyon at nanuluyan sa Fonda deLala.
Sa kanyang silid ay nagmuni-muni ang binata tungkol sa sinapit ng ama. Kalaunan ay
napadako ang tingin nito sa durunguwan, at sa kabila ng ilog ay tanaw na tanaw niya
ang nagliliwanag na bahay ni Kapitan Tyago. Tila bagat naririnig pa niya ang
kasayahan sa loob ng bahay, ang kalansingan ng mga pinggan at kubyertos at tugtog
ng mga orkestra. Sa gabing iyon sa bahay ni Kapitan Tyago ay nagaganap uli ang
isang kasiyahan. Dumating ang nag-iisang anak nito na si Maria Clara, kung kaya't
sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan, kababata, mga Kastila at paring malalapit
sa ama, mga Pilipino, Intsik, at militar. Ang lahat ay nakatuon ang paningin sa
kagandahan ni Maria Clara, na nakasuot ng isang marangyang kasuotan at
napapalamutian ng alahas na diyamante at ginto. Si Donya Victorina naman ay
matiyagang inaayos ang buhok ng dalaga. Si Padre Salvi na mahilig sa mga
magagandang dilag ay masayang masaya at kadaupang palad niya ang mga dalaga
roon. Lihim din ang kanyang paghanga sa kagandahan ni Maria Clara. Madaling
nakatulog si Ibarra ng gabing iyon, kabaligtaran naman ni Padre Salvi na hindi
dinalaw ng antok sapagkat hindi mawala sa kanyang isipan si Maria Clara.

Kabanata 6- Si Kapitan Tyago


Si Kapitan Tyago na ngayon ay mahigit kumulang 35 taong gulang, ay nagiisang anak ng isang negosyante ng asukal sa bayan ng Malabon. Hindi siya pinag-aral
ng kanyang ama bagkus ay naging katulong at naturuan naman siya ng isang paring
dominiko. Itinuloy niya ang pangangalakal ng mamatay ang kanyang ama, nakilala si
Pial Alba mula sa bayan ng Sta. Cruz at sila ay nagpakasal. Kapwa mahusay
magpalakad ng negosyo kaya't sila ay natanyag bilang pinakamayaman kayat sila ay
nabibilang sa matataas na antas ng lipunan. Si Kapitan Tyago ay mailalarawan bilang
isang magandang lalaki, may morenong pangangatawan, pandak, at bilugan ang
mukha. Ang kanyang hitsura ay sinira ng pananabako at pag-nganga nito.
Naninilibihan siya bilang gobernadorcillo, at kasama sa kanyang paglilingkod ay ang
hamakin ang mga Pilipino at hayaan ang mga Kastila sa ganitong gawain. Itinuturing
din ng Kapitan na siya ay isa nang Kastila, at ang mga Pilipino ay Indio. Sa
paniniwala ng Kapitan, ang mga Kastila ay mararangal at karapat-dapat pag-ukulan ng
paggalang at pagpapahalaga. Kaibigan siya ng lahat ng mga may kapangyarihan,
lalong lalo na ang mga pari. Kung kaya't hindi mawawala ang kanyang pangalan sa

misa at padasal para bilhin ang langit. Nabibili niya ang kabanalan at mga santo na
kanyang maibigan. Ang kanyang silid ay punong-puno ng mga dinadasalang katulad
nina Sta, Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio De Padua, San Francisco De Asis,
San Antonio Abad, San Miguel, Sto. Domingo, Hesukristo at ang larawan ng Banal na
Mag-anak (Hesus, Maria at Hosep). Sa pagnenegosyo ni Kapitan Tyago ay nakabili
siya ng maraming ari-arian, kabilang na dito ang pagbili ng lupain sa San Diego. Ito
ang naging daan upang makilala nila ang kura doon na si Padre Damaso at ang
pinakamayaman sa bayang iyon na si Don Rafael Ibarra. Sa kabila ng magandang
buhay na tinatamasa ng mag-asawa, sa loob ng anim na taon ay hindi pa sila nagkakaanak sa kabila ng walang humpay nilang pamamanata. Pinayuhan sila ni Padre
Damaso na mamanata sila sa Obando at magsayaw si Pia Alba sa kapistahan ng San
Pascual Bailon at Sta. Clara sa Nuestra Senora De Salambao. Makalipas ang kaunting
panahon ay nagdalantao nga si Pia Alba, (sa panghahalay na rin ni Padre Damaso
bagamat ang katotohanang ito ay nailantad sa kalaunan). Ngunit ang babae ay naging
masasakitin at tuluyang namatay pagkatapos ito ay manganak. Pinangalanang Maria
Clara ang bata at kinalinga ni Tiya Isabel. Binusog din siya ng pagmamahal nina
Kapitan Tyago at mga prayle. Lumaking magkababata sina Ibarra at Maria Clara, pati
na rin ng kanilang mga kaibigan. Ipinasok ng kanyang ama mula sa udyok ng mga
pari si Maria Clara sa kumbento ng Sta Catalina ng ito ay maging katorse anyos.
Pumunta naman si Ibarra sa Europa upang mag-aral ng pagka-medisina. Si Kapitan
Tyago at Don Rafael ay nagkasundong ipakasal ang dalawa sa takdang panahon,
bagay na indi naman tinutulan ng dalawa sapagkat sila ay nag-iibigan.

Kabanata 7- Suyuan sa Asotea


Maaga pa lamang ng araw na iyon ay nakapagsimba na sina Maria at Tiya
Isabel. Pagkatapos mag-almusal ang mag-anak ay nagkanya-kanya na siya ng gawain.
Si Tiya Isabel ay naglinis ng bahay dahil sa mga kalat bunga ng hapunan ng
nakaraang gabi. Nagbuklat naman ng mga kasulatan tungkol sa kabuhayan si Kapitan
Tyago. Si Maria Clara ay nanahi habang kausap din ang ama upang malibang ang
sarili sapagkat ngayon ang araw ng kanilang pagkikita ni Ibarra, at siya ay hindi
mapakali sa pananabik na masilayan ang kanyang sinisinta. Napagpasyahan na siya ay
magbakasyon sa San Diego sapagkat nalalapit na ang pista doon. Pamaya-maya ay
dumating na si Ibarra at hindi maikakailang nataranta ang dalaga. Pumasok pa ito sa
silid at tinulungan naman siya ni Tiya Isabel na ayusin ang sarili. Lumabas rin ito at
nagkita ang dalawa sa bulwagan. Nagtama ang kanilang paningin at kapwa nagkaroon
ng kaligayahan sa kanilang mga mata. Nagtungo sila sa Asotea upang makapag-sarili
at makaiwas na rin sa alikabok na likha ng pagwawalis ni Tiya Isabel. Masinsinang
nag-usap ang dalawa tungkol sa kanilang nararamdaman, sa kanilang mga sinumpaan
sa isa't-isa, sa kanilang kamusmusan, sa kanilang naging tampuhan at mabilis na
pagbabati. Kapwa itinago ng dalawa ang mga ala-ala at bagay na ibinigay nila sa isa't-

isa: ang dahon ng sambong na inilagay ni Maria Clara sa sumbrero ni Ibarra upang
hindi ito mainitan, at ang sulat ni Ibarra kay Maria bago ito tumulak papuntang
Europa. Binasa ito ni Maria Clara sa katipan. Kabilang sa sulat ang layunin ni Don
Rafael na pag-aralin si Ibarra sa malayong lugar upang makapaglingkod ng mataas na
kalidad sa bayang sinilangan. Handa rin itong magtiis na mawalay sa anak upang sa
bandang huli ay maibigay nito sa bayan ang kanyang hangarin. Dito natigilan si Ibarra
dahil naalala nito na bukas ay undas at marami siyang kailangang gawain. Nagpaalam
na ang binata at pinagbilinan ni Kapitan Tyago si Ibarra na sabihin sa kanyang
katiwala na sila ay magbabakasyon doon. Hindi naman mapigilan ni Maria na maluha
dahil sa pangungulila kay Ibarra, kaya't sinabihan siya ng kanyang ama na ipagtulos si
Ibarra ng dalawang kandila at ialay sa santo ng manlalakbay.

Kabanata 9-Mga Suliranin Tungkol sa Bayan


Nakatakdang kuhanin ni Maria Clara ang kanyang kagamitan sa kumbento ng
araw na iyon. Hinihintay na lamang siya ni Tiya Isabel sa karwahe upang tuluyan na
silang makaalis ng siya namang pagdating ni Padre Damaso. Nalaman ng huli ang
kanilang pakay sa pag-alis at ito ay hindi minabuti ng pari. Bubulong bulong ito na
umakyat papunta sa bahay ng Kapitan. Sinalubong siya ng Kapitan at inabot nito ang
kamay upang magmano ngunit tinanggihan ito ng Pari. Bagkus ay sinabi kaagad nito
na ang pakay niya ay makausap ng sarilinan ang kapitan. Dito ay sinabi niya na hindi
dapat maglihim ng kahit ano pa man sa kanya si Kapitan sapagkat siya ang
pangalawang ama ni Maria Clara. Dapat na ring itigil ang pakikipagmabutihan ng
dalaga sa binatang si Ibarra. Sinabihan din nito na and Kapitan na hindi siya dapat
maghangad ng kabutihan para sa kanyang mga kaaway. Nakumbinsi ng pari ang
kapitan kaya't pagka-alis ng nito, pinatay ng Kapitan ang mga kandilang itinulos ni
Maria Clara para sa paglalakbay ni Ibarra pauwi sa bayan ng San Diego. Sa kabilang
dako, nagtungo naman si Padre Sybila sa kumbento ng Dominikano sa Puerta de
Isabel II. Dinalaw niya ang matandang pari na may matinding sakit. Ibinalita niya dito
ang mga nakaraang kaganapan, katulad ng pang-aaway na ginawa ni Padre Damaso sa
bahay ni Kapitan Tyago. at ang pagpanig ng Tinyente diumano sa kapitan-heneral at
pakikipag-alyansa kay Padre Damaso. Nakipagpalitan din ng saloobin ang matandang
maysakit, at dito ay sinabi niya na ang pagtaas ng buwis ang dahilan ng pagkaubos
nang kanilang mga kayamanan. Natututo na rin aniya ang mga Pilipino sa paghawak
ng ari-arian.

Kabanata 10- Ang San Diego


Ang San Diego ay isang maalamat na bayan sa Pilipinas, matatagpuan sa
baybayin ng lawa at may malalawak na kabukiran. Ang ikinabubuhay ng mga tao sa
bayan na ito ay pagsasaka at dahil sa kakulangan sa edukasyon at kaalaman sa
pagnenegosyo, nalalamangan sila ng mga dayuhang tsino. Kung pagmamasdan ang
buong bayan mula sa ituktok ng simbahan, kapansin pansin dito ang isang gubat na
nasa kalagitnaan ng kabukiran. Katulad ng ibang bayan sa Pilipinas, pinamumunuan
ito ng simbahan at sunud-sunuran lamang ang pamahalaan dito. Si Padre Damaso ang
kura paroko sa simbahan na iyon bago ito mailipat sa ibang bayan dahil sa ginawa
nito kay Don Rafael Ibarra. Iilan lamang ang may mataas na tungkulin at kinikilala sa
bayang iyon, ang mga Kastila at ilang mayayamang Pilipino. Ayon sa alamat, may
isang matandang Kastila ang dumating sa bayan ng San Diego, matatas magtagalog at
malalalim ang mga mata. Bumili siya ng gubat sa pook na iyon at pinambayad ang
kanyang mga ari-arian tulad ng damit, alahas at salapi. Hindi nagtagal ay natagpuan
ang matanda na nakabitin sa puno ng isang balete. Ang pangyayaring ito ay naging
sanhi ng pagkatakot ng mga tao doon kaya't sinunog ng ilan ang mga damit ng
matanda at itinapon naman ang kanyang mga alahas sa ilog. Kalaunan, dumating ang
anak ng matanda na nagngangalang Saturnino. Pinagsikapan nitong sinupin ang mga
naiwang ari-arian ng ama at nakapag-asawa ng isang taga-Maynila. Dito rin sila
nanirahan sa San Diego at nagkaroon ng isang supling, si Don Rafael na siya namang
ama ni Ibarra. Si Don Rafael ay kinagiliwan ng mga magsasaka at dahil sa
pagsusumikap nito, ang San Diego ay naging bayan mula sa pagiging nayon.
Kalaunan, ang pamumunong ito ni Don Rafael ay naging ugat ng inggit at galit sa ilan
niyang mga kaibigan.
Kabanata 11- Ang mga Makapangyarihan
Mabibilang lamang ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan o casique sa
bayan ng San Diego. Katulad ito ng Roma at Italya sa mahigpit na agawan sa
kapangyarihan sa pamumuno sa bayan. Hindi kabilang dito sina Don Rafael, Kapitan
Tyago, at ilang namumuno sa pamahalaan. Bagamat si Don Rafael ang
pinakamayaman sa bayan, ang iginagalang ng lahat at pinagkakautangan ng marami,
hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang iyon. Si Kapitan
Tyago na may mga ari-arian din at kabilang sa mataas na antas ng lipunan,
sinasalubong ng banda ng musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na pagkain ay
walang posisyon sa lipon ng mga makapangyarihan. Ang posisyon naman sa
pamahalaan tulad ng gobernadorcillo o kapitan sa bayan ay mabibili sa halagang
P5,000 at madalas pa na kagalitan ng alkalde mayor. Sino ba talaga ang

makapangyarihan sa San Diego? Walang iba kundi ang kura paroko sa simbahan at
ang Alperes na siyang puno ng mga gwardiya sibil. Ang kura paroko na si Padre
Bernardo Salvi, ang batang pransiskano na mukhang masasakitin at siyang pumalit
kay Padre Damaso. Higit na may kabaitan ito kumpara kay Padre Damaso, kung
meron mang naging kabaitan ang huli. Ang Alperes naman ay lasinggero,
mapambugbog sa asawa at malupit sa kanyang mga tauhan. Nakapag-asawa ito ng
Pilipina, si Donya Consolacion, na mahilig magkolorete sa mukha. Dahil sa agawang
ito sa kapangyarihan ng dalawang Kastila, natural lamang na may palihim na
hidwaang nagaganap. Ngunit sa publikong lugar ay ipinapakita ng dalawa ang
kanilang pakunwaring pagkakasunduan.

Buod ng
Kabanata 12- Araw ng mga Patay
Ang sementeryo ng San Diego ay matatagpuna sa isang malawak na palayan at
nababakuran ng lumang pader at kawayan. Masukal ang libingan at may malaking krus na
nakatirik sa kalagitnaan. Makipot ang daan patungo sa sementeryo, maputik kapag tag-ulan at
maalikabok naman kung tag-araw. Isang napakalakas na ulan ang bumuhos ng gabing iyon, at
dalawang tao ang abalang-abala sa paghuhukay sa isang bahagi ng sementeryo. Ang isa ay
batikang sepulturero at ang kanyang katulong ay bago at hindi mapakali sa kanilang ginagawa.
Hindi nito maitago ang pandidiri at kinakalaban ang pagbaliktad ng sikmura sa pagdura at
paghitit ng sigarilyo. Sinaway ng batikang sepulturero ang kanyang kasama sa pagrereklamo nito
at pinagpatuloy ang paghuhukay hanggang sa maiahon ang bangkay. Sariwa pa kasi ang bangkay
na kanilang hinuhukay, sapagkat dalawampung araw pa lamang itong naililibing mula ng
mamatay. Sinusunod nila ang pinag-utos ni Padre Garrote, na walang iba kundi si Padre Damaso,
ang kura paroko ng panahong iyon; na ilipat ang bangkay sa libingan ng mga Intsik. Ngunit dahil
sa kabigatan ng bangkay at sa malakas na buhos ng ulan, minarapat na lamang nila na itapong ito
sa lawa. Mabibilang lamang ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng
San Diego. Katulad ito ng Roma at Italya sa mahigpit na agawan sa kapangyarihan sa pamumuno
sa bayan. Hindi kabilang dito sina Don Rafael, Kapitan Tyago, at ilang namumuno sa
pamahalaan. Bagamat si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan, ang iginagalang ng lahat at
pinagkakautangan ng marami, hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang
iyon. Si Kapitan Tyago na may mga ari-arian din at kabilang sa mataas na antas ng lipunan,
sinasalubong ng banda ng musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na pagkain ay walang
posisyon sa lipon ng mga makapangyarihan. Ang posisyon naman sa pamahalaan tulad ng
gobernadorcillo o kapitan sa bayan ay mabibili sa halagang P5,000 at madalas pa na kagalitan ng
alkalde mayor. Sino ba talaga ang makapangyarihan sa San Diego? Walang iba kundi ang kura
paroko sa simbahan at ang Alperes na siyang puno ng mga gwardiya sibil. Ang kura paroko na si
Padre Bernardo Salvi, ang batang pransiskano na mukhang masasakitin at siyang pumalit kay
Padre Damaso. Higit na may kabaitan ito kumpara kay Padre Damaso, kung meron mang naging
kabaitan ang huli. Ang Alperes naman ay lasinggero, mapambugbog sa asawa at malupit sa
kanyang mga tauhan. Nakapag-asawa ito ng Pilipina, si Donya Consolacion, na mahilig
magkolorete sa mukha. Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan ng dalawang Kastila, natural

lamang na may palihim na hidwaang nagaganap. Ngunit sa publikong lugar ay ipinapakita ng


dalawa ang kanilang pakunwaring pagkakasunduan.
Kabanata 13 - Mga Babala ng Bagyo
Dumating si Ibarra sa San Diego at kaagad na nagtungo sa sementaryo kasama ang
kanilang matandang katiwala. Agad nitong hinanap ang puntod ng ama na si Don Rafael. Ayon
sa kanyang katiwala, ang libingan ay tinamnan niya ng mga bulaklak ng adelpa at sampaga.
Nasalubong nina Ibarra ang sepulturero at tinanong nila ito ang libingan ng kanyang ama.
Pinagtapat naman ng sepulturero na itinapon ang bangkay sa lawa dahil sa kabigatan nito at hindi
na nailibing sa libingan ng mga Intsik, ang bagay na pinag-utos ng kura paroko. Higit na
ikinasindak ito ni Ibarra at ang matandang katiwala ay napaiyak sa narinig. Sa matinding galit at
poot ay iniwan ni Ibarra ang kausap at ng makasalubong niya si Pari Salvi ay hindi nito
napigilang daluhungin ang pari. Humingi ng paliwanag si Ibarra sa pari kung bakit nagawa
nitong lapastanganin ang bangkay ng kanyang ama. Ipinaalam naman ng huli na ang may
kagagawan niyon ay si Padre Damaso.

Kabanata 14 - Si Tasyo, ang Baliw o ang Pilosopo


Nang araw na iyon ay dumalaw din sa libingan si Pilosopo Tasyo upang hanapin ang
puntod ng kanyang asawa. Si Don Anastacio ay kilala sa bansag na Pilosopo Tasyo, kilala ng
lahat ng tao sa San Diego sa kakaiba nitong personalidad. Lagi itong laman ng lansangan at
lakad ng lakad. Marami rin itong sinasabing pananaw tungkol sa pulitika at lipunan, bagay na
hindi nauunawaan ng karamihan kayat tinawag nila itong baliw. Matalino ang matanda at
matalinghaga kung manalita. Galing siya sa isang mayamang pamilya at nag-aral ito sa
unibersidad ng San Jose. Pinahinto ito ng kanyang ina sa pag-aaral sa paniniwalang ang
katalinuhan nito ang magiging dahilan upang makalimutan ang Diyos. Minarapat din ng kanyang
ina na mag-pari na lamang ang binata, bagay ni sinuway naman ng Pilosopo at bagkus ay nagasawa na lamang. Pagkalipas ng isang taon ay nabiyudo ang Pilosopo at sa halip na magasawang muli ay inilaan na lamang sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan na nito
ang minanang kabuhayan mula sa kanyang ina. Kapansin pansin ang kakaibang kasiyahan sa
mukha ni Pilosopo Tasyo sa kabila ng papadating na unos at pagguhit ng matatalim na kidlat sa
kalangitan. Matalinghaga rin ang kanyang sagot sa mga taong nagtataka sa kanyang reaksyon, na
ang bayo ang siyang lilipol sa mga tao at hangad niya ang pagkakaroon ng delubyo na siyang
lilinis sa sanlibutan. Suhestyon din niya sa kapitan ang pagbili ng tagahuli ng kidlat imbes na
mga paputok at kwitis. Hindi rin nito sinang-ayunan ang pagpapatugtog ng mga batingaw
sapagkat mapanganib ito kapag kumukulog. Pinagtawanan naman siya ng bawat makarinig.
Tumuloy naman ang Pilosopo sa simbahan at doon ay naabutan niya ang dalawang bata at
sinabihan niya ito na kung maari ay umuwi sila sa kanilang ina dahil ang huli ay naghanda ng
isang espesyal na hapunan. Bagay na bagamat natuwa ang mga bata ay tumanggi ang mga ito
dahil na rin sa tungkulin sa simbahan. Patuloy na naglakad lakad si Tasyo hanggang sa
makarating sa bahay ni Don Filipo at Aling Doray. Napag-usapan nila ang pagdating ni Ibarra sa
bayan at nabanggit ng Pilosopo na naramdaman niya ang paghihinagpis ni Ibarra ng malaman
ang sinapit ng kanyang ama. Sinabi rin nito na isa siya sa anim na taong nakipaglibing sa ama
nito. Napadako ang kanilang usapan patungkol sa purgatoryo, isang bagay na hindi

pinaniniwalaan ng Pilosopo at pinaniniwalaan naman ng marami. Hindi man siya naniniwala dito
ay nirerespeto naman niya ang pananaw ng relihiyon na ito ay gabay upang ang tao ay mabuhay
ng malinis. Kalaunan ay nagpaalam na ang matanda at masiglang masiglang lumakad palayo sa
gitna ng matatalim na kidlat at dumadagundong na kulog.

Kabanata 15- Ang Mga Sakristan


Ang dalawang sakristan ay sina Crispin at Basilio, mga anak ni Sisa at siyang kausap ni
Pilosopo Tasyo sa simbahan. Hinabilin ng huli ang inihandang hapunan ng kanilang ina. May
matinding suliraning hinaharap ang dalawang musmos at ito ay lubos na nagdudulot ng
kawalang pag-asa sa magkapatid, lalo na kay Crispin, ang nakababata sa dalawa. Pinagbintangan
kasi siya ng Pari na nagnakaw ng dalawang onsa o halagang P32.00. Ang sahod lamang nila ay
dalawang piso sa isang buwan, kung kayat hindi niya mababayaran ang nawawalang salapi, at
ang pataw na multa ng tatlong beses. Hiniling nito sa kanyang kuya na tulungan siyang bayaran
ang ibinibintang sa kanya ng pari, bagay naman na tinutulan ni Basilio dahil na rin sa kailangan
niya itong ibigay sa kanilang ina upang may makain. Nahiling tuloy ni Crispin na mabuti pang
lahat sila ay magkasakit. Nangulila din ang bata sa kanyang ina, na kung ito ay kapiling nila
tiyak niyang ipagtatanggol sila nito sa kalupitan ng mga pari. Naisip rin niya na mabuti pa nga ay
ninakaw na lang niya ang nawawalang pera at ng sa gayon ay maibabalik pa niya ito at mamatay
man siya sa palo ay may maiiwan naman siya sa kanyang ina at kapatid. Nag-aalala naman si
Basilio sa galit ng ina kapag nalaman nito na napagbintangang magnanakaw ang kanyang
kapatid. Buo naman ang tiwala ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina na ginawa niya
iyon, dahil ipapakita niya ang maraming latay sa buo niyang katawan dahil sa palo ng kura, pati
ang bulsa niyang butas. Sasabihin rin niya na ang tangi niyang pera ay isang kuwalta lamang na
aginaldo sa kanya noong nakaraang pasko, at pati ito ay pinag-interesan ng ganid na prayle.
Bukod sa mga palong tinatamo ni Crispin, gutom na gutom na rin siya sapagkat hindi na siya
pinapakain mula ng siya ay pagbintangan. Patuloy na nag-uusap ang magkapatid tungkol sa
kanilang kalagayan at hindi nila namalayan ang pagpanhik ng sakristan mayor. Narinig nito ang
kanilang pag-uusap at nagpupuyos ito sa galit. Pinagmulta niya si Basilio dahil daw sa salang
maling pagpapatugtog nito sa kampana. Sinabi naman nito kay Crispin na hindi siya makakauwi
hanggat hindi niya ibinabalik ang ninakaw na salapi. Tinangkang mangatwiran ni Basilio, bagay
na nakapagpahamak pa sa kanya sapagkat hindi siya papauwiin hangang hindi ika-sampu ng
gabi. Ang desisyon ng sakristan ay lubhang mapanganib para kay Basilio sapagkat mahigpit na
ipinapatupad ng guwardiya sibil na bawal ng maglakad ang sinuman bago sumapit ang ika-siyam
ng gabi. Pagkasabi nito ay kinaladkad na ng sakristan si Crispin at hindi na magawang makiusap
ni Basilio sa pangamba at awa sa kapatid. Dinig na dinig nito ang pagpapalahaw at daing ng
kapatid dahil sa sakit na nararamdaman. Wala siyang magawa kundi ang matulala at balutin ng
matinding paghihinagpis, awa, at kawalang pag-asa na may magawa siya para tulungan at
baguhin ang kalagayan ng kapatid. Sa kabila ng kamusmusan ng kaisipan ay tumindi ang
pagnanais na makapag-araro sa bukid upang maka-alis sa kalupitan ng simbahan. Kasabay ng
pagtila ng ulan ay ang pagpapatihulog ni Basilio mula sa bintana ng kampanaryo gamit ang lubid
ng kampana.
Kabanata 16- Si Sisa

Sa isang maliit na dampa sa labas ng bayan ay abalang abala si Sisa, ang butihing ina nila
Crispin at Basilio. Makikitang salat na salat siya sa kabuhayan, at ang likas na ganda nito ay
pinatanda ng panahon at pagdurusa. Nakapag-asawa siya ng isang lalaking walang idinulot sa
kanya kundi dalamhati. Gabi gabi itong nagsusugal, iresponsable, tamad, at nagpapalaboy laboy
sa lansangan. Wala itong pakialam sa buhay nilang mag-iina, bagkus ay nakukuha pa siya nitong
bugbugin kapag ito ay umuuwi. Si Sisa naman ay patuloy na tinitiis na lamang ang ugali ng
kanyang asawa at patuloy pa rin niya itong minamahal na animoy ay diyos. Naghanda ng
masarap na hapunan si Sisa para sa kanyang mga anak. Bagay na hindi nila madalas matikman sa
kanilang buhay. Inihain niya ang paborito ng mga bata: tuyong tawilis at sariwang kamatis para
kay Crispin; at tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok naman para kay Basilio, mula
sa kagandahang loob ni Pilosopo Tasyo. Sa kasamaang palad, ang naunang dumating ay ang
kanyang asawa na walang pakundangang inubos ang inihain niya para sa kanyang mga anak.
Hindi man lang nito itinanong ang kalagayan nilang mag-iina at bagkus ay inihabilin pa na
bigyan siya ng kwarta mula sa kita ng dalawang bata. Walang nagawa ang martir na si Sisa kundi
maghinagpis sa pag-ala-ala na wala na ang masarap na hapunan na inihanda niya para sa
kanyang mga anghel. Nagluto siyang muli upang kahit papaano ay may makain ang mga bata
pagdating nito mula sa simbahan. Makalipas ang matagal na sandali at pagkainip sa paghihintay
ay nakarinig siya ng malalakas na tawag mula kay Basilio.

Kabanata 17- Si Basilio


Duguan si Basilio nang dumating ito sa kanilang tahanan. Pinagtapat nito sa Ina na siya
ay hinabol ng mga gwardiya sibil at nadaplisan ng bala sa ulo. Hindi nito nagawang huminto sa
paglalakad sa takot na ikulong at paglinisin sa kuwartel. Sinabi rin nito sa ina na sabihing
nahulog na lamang siya sa puno kaysa ipagtapat ang tunay na nangyari. Napag-alaman din ni
Sisa na napag-bintangan si Crispin na nagnakaw ng dalawang onsa, at nabaghan ang puso ni Sisa
dahil sa awa sa kanyang anak. Lingid sa kanyang kaalaman ang mga parusang tinatamasa ni
Crispin sa kamay ng Sakristan. Nawalan naman ng gana si Basilio na kumain at bagkus ay nagalala ng todo sa kanyang ina ng malaman nito na dumating ang kanyang ama. Alam kasi nito ang
pambubugbog na ginagawa ng ama sa kanyang ina. Sa hinagpis at galit ni Basilio ay naisambulat
nito na mabuti pang mawala na ang kanyang ama at mabuhay silang tatlo na lamang. Sa ganitong
kalagayan ay mabubuhay pa sila ng maayos, na siya namang pinagdamdam ni Sisa. Para sa
kanya, sa kabila ng ugali ng kanyang asawa ay mamarapatin pa rin niyang magkakasama silang
lahat. Nakatulugan ni Basilio ang kanyang mga alalahanin at pagod. Binangungot ito sa
kalagitnaan ng tulog sapagkat nakita niya sa kanyang panaginip ang pambubugbog ng kura at
sakristan mayor kay Crispin. Pinalo nila ng yantok si Crispin sa ulo hanggang ito ay duguang
humandusay sa lapag. Nagising si Basilio sa yugyog ng kanyang ina, at pinagtapat na lamang
niya ang pangarap niya para sa kanyang ina at kapatid. Nais niyang huminto na sa pagsasakristan
kasama ni Crispin, magpapastol siya ng baka at kalabaw na pag-aari ni Ibarra, at pagsapit niya ng
edad na kaya na niyang mag-araro sa bukid, siya ay hihiling ng kapirasong lupa para sakahin.
Pauunlarin niya ang sakang iyon hanggang sa umunlad ang kanilang buhay. Pag-aaralin din niya
si Crispin kay Pilosopo Tasyo at ang kanyang ina ay hihinto na sa pananahi. Bagamat nagpakita
ng pagkatuwa ang kanyang ina, lihim naman itong nasasaktan dahil hindi na sinama ni Basilio
ang kanyang ama sa mga plano nito.

Kabanata 18- Mga Kaluluwang Naghihirap


Si Padre Salvi ay matamlay na nagdaos ng misa ng araw na iyon. Abala ang mga
matatanda sa bayan tungkol sa nalalapit na kapistahan habang naghihintay na makausap ang
Padre. Nais nilang malaman kung sino ang magmimisa, kung si Padre Damaso ba or si Padre
Martin o ang coordinator? Napag-usapan ng mga matatanda ang tungkol sa pagbili ng
indulgencia para sa kaligtasan ng mga namatay na kaanak na patuloy na nagdurusa sa
purgatoryo. Ang isang indulgencia ay katumbas ng mahigit isang libong taon na kaligtasan mula
sa pagdurusa sa purgatoryo. Sa kanilang pagpapalitan ng kuro-kuro ay hindi nila namalayan ang
pagdating ni Sisa. May dalang handog si Sisa para sa mga prayle. Nag-ani siya ng mga sariwang
gulay mula sa kanyang mga tanim at pako na paborito ng kura. Tumuloy na si Sisa sa kusina ng
kumbento upang iayos ang kanyang mga dala. Hindi man lamang siya pinansin ng mga sakristan
at mga tauhan sa kumbento. Sa huli ay nakausap ni Sisa ang tagapagluto. Napag-alaman niya na
maysakit ang pari at hindi niya ito makakausap. Nagimbal din siya sa nalaman na si Crispin ay
tumakas kasama ng kanyang isa pang anak pagkatapos nitong magnakaw ng dalawang onsa.
Alam na ito ng mga gwardiya sibil at kasalukuyan itong papunta sa kanilang bahay upang
hulihin ang kanyang mga anak. Tinuya rin siya nito na hindi niya naturuan ng kabutihang asal
ang magkapatid at higit sa lahat ay nagmana ang mga ito sa kanyang walang kwentang asawa.
Kabanata 19-Mga Suliranin ng Isang Guro
Nagkita sa tabi ng lawa si Ibarra at ang guro sa San Diego. Itinuro ng huli kung saan
naitapon ang bangkay ng kanyang ama at isa si Tinyente Guevarra sa iilang nakipaglibing.
Isinalaysay ng butihing guro ang ginawang pagtulong ni Don Rafael sa ikauunlad ng edukasyon
at naitulong nito sa kanyang kapakanan. Si Don Rafael kasi ang tumustos sa kanyang mga
pangangailangan sa pagtuturo nuong siya ay nagsisimula pa lamang. Naisalaysay ng guro ang
mga suliraning kinakaharap ng San Diego tungkol sa edukasyon. Isa na dito ang kawalang ng
panggastos para sa mga kagamitan sa pag-aaral, ang kawalan ng silid aralan na akma upang
makapag-aral ng walang balakid ang mga bata, ang kakaibang pananaw ng mga pari sa paraan ng
pagtuturo, ang mga patakaran ng simbahan tungkol sa nilalaman ng kanyang mga aralin, at ang
kawalan ng pagkakaisa ng mga magulang ng mag-aaral at ng mga taong may katungkulan. Ang
mga libro ay nasusulat sa Kastila at kahit anong tyaga ng guro na iaral sa kanyang mga
estudyante ang nilalaman ng babasahin, pilit itong pinanghihimasukan ni Padre Damaso.
Madalas din itong mamalo at pagmumurahin ang mga bata kapag nakarinig ito ng ingay mula sa
tapat ng kwadra, kung saan nag-aaral ang mga bata dahil nga sa walang silid-aralan. Ang mga
magulang naman ay pinapanigan ang mga pari tungkol sa pagpalo bilang epektibong paraan ng
pagdedesiplina at pagtuturo. Ang pakikialam ng Pari, at ang maraming mga balakid sa pagtuturo
ang naging sanhi upang magkasakit ang guro. At nang siya ay bumalik upang magturong muli,
higit pang nabawasan ang bilang ng kanyang mga mag-aaral. Laking pasasalamat niya ng hindi
na si Padre Damaso ang kura sa San Diego, kayat minabuti niyang iangkop ang nilalaman ng
mga aralin sa kalagayan ng kanyang mga mag-aaral. Bagamat nagkaroon siya ng kalayaan para
iangkop ang kanyang mga aralin, higit pa ring pinahalagahan ng simbahan ang pagtuturo tungkol
sa relihiyon. Sa mga binanggit na ito ng guro, nangako naman si Ibarra na gagawin ang kanyang
makakaya upang matulungan ang guro at maiangat ang kalagayan ng edukasyon sa bayan. Kanya
itong babanggitin sa araw ng pulong sa paanyaya ni Tinyente Mayor.

Kabanata 20 Ang Pulong sa Tribunal


Ang tribunal ang tanging bulwagan na nagsisilbing lugar para sa pagpupulong at paguusap ng mga makapangyarihan at mayayaman sa bayan. Panauhin noong araw na iyon sina
Ibarra at ang guro. Nahahati ang mga nasa pulong sa dalawang kinatawan o lapian: ang
conserbador na siyang pangkat ng mga matatanda na pinamumunuan ng Kabesa at ang liberal na
binubuo naman ng mga kabataan sa pamumuno ni Don Filipo. Ang mga paksa ng pagpupulong
na iyon ay tungkol sa gaganaping kapistahan labing-isang araw mula sa araw na iyon, mga
programa at aktibidad na gagawin para sa pista, at ang pagtatayo ng paaralan para sa bayan.
Sinamantala ng mga mayayaman sa bayan ang pulong na iyon upang makapagtalumpati kahit na
walang katuturan ang ibang mga pinagsasabi. Katulad na lamang ni Kapitan Basilyo na
nakalaban ni Don Rafael. Sinalungat naman ito ni Don Filipo na nagmungkahi na bawat gawain
ay dapat may talaan ng mga gastos. Dapat din magpagawa ng isang malaking tanghalan sa plasa
at magtanghal ng palatuntunan tulad ng komedya sa loob ng isang linggo. Binanggit din ni Don
Filipo ang pagkakaroon din ng paputok upang maging lalong kasiya siya ang pista. Hindi naman
lahat ay sumang-ayon sa kanyang mungkahi. Nagbigay naman ng panukala ang Kabesa na
nagsabing marapat na tipirin ang pagdiriwang, dapay ay wala na ring paputok at ang mga
gaganap sa programa ay dapat mga taal na taga San Diego. Ang sentro din ng pagtatanghal ay
dapat mga sariling ugaling Pilipino. Walang bisa ang mga panukalang inihandog ng magkabilang
pangkat sapagkat nakapagdesisyon na ang kura tungkol sa pista. Ang mga gagawin ay anim na
prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at isang komedya.

Kabanata 21 Mga Pagdurusa ni Sisa


Sa narinig mula sa kusinero ay kumaripas ng takbo si Sisa pauwi sa kanilang bahay.
Hindi mawala sa kanyang isipan ang mga pangitain na dadamputin ng mga gwardiya sibil ang
kanyang mga anak at ang bintang na pagnanakaw ng salapi ng dalawang bata. Namataan niya
ang mga gwardya sibil na papalayo sa kanilang bahay, bagay na nakagaan sa kanyang takot
sapagkat hindi nito kasama ang kanyang mga anak. Nang magpang-abot sila ng gwadiya sibil sa
daan, pilit siyang pinaamin na ilabas ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang mga anak. Bingi
ang mga gwardiya sibil sa kanyang pagmamakaawa at pangangatwiran kung kaya't kinaladkad
siya ng mga ito papuntang kwartel. Hiyang- hiya si Sisa habang kinakaladkad ng mga gwardiya
sibil sa harap ng taong-bayan, lalo na ng sa oras na iyon ay natapat na tapos na ang misa at ang
mga tao ay kasalukuyang lumalabas ng simbahan. Lahat ay napapatigil sa nagaganap na eksena
sa lansangan at walang magawa si Sisa kundi panghinaan ng loob at mag-iiyak. Pagdating sa
kwartel ay inihagis siya ng mga ito at nagsumiksik na lamang siya sa isang sulok. Bingi ang lahat
sa kanyang pakiusap at pagmamakaawa. Tanghali na ng pakawalan siya ng Alperes. Umuwi si
Sisa sa kanilang bahay at muling hinanap ang kanyang mga anak. Ngunit ala ni anino o tinig ng
mga bata kahit sa bakuran. Pumanhik muli siya ng bahay at namataan niya ang punit na damit ni
Basilio na may bahid ng dugo. Hindi niya matanggap ang nasilayan at nilamon ng pighati ang
kanyang katinuan. Nagpalaboy-laboy siya sa lansangan habang sinasambit ang pangalan ng
kanyang mga anak.

Kabanata 22 Liwanag at Dilim


Ito ang araw ng pagdating ni Maria Clara at ni Tiya Isabel sa San Diego upang mamalagi
doon para sa pista ng bayan. Kumalat ang balita ng kanyang pagdating sapagkat kinagigiliwan
siya lahat ng mga tao doon. Kumalat din ang madalas na pagkikita nila ni Ibarra, bagay na
ikinagalit ni Padre Salvi. Napapansin naman ni Maria Clara ang pagbabago ng kilos at mga titig
nito tuwing siya ay kaharap. Plano ng magkatipan na magkaroon ng piknik sa ilog kasama ang
kanilang mga kaibigan. Iminungkahi ni Maria Clara na huwag ng isama si Padre Salvi sapagkat
siya ay nababahala kapag ito ay nasa paligid niya. Hindi naman ito napagbigyan ni Ibarra dahil
sa hindi ito magandang tingnan. Habang nag-uusap ang dalawa ay dumating naman si Padre
Salvi kung kaya't nagpaalam na si Maria upang mamahinga. Inimbitahan ni Ibarra si Padre sa
piknik at kaagad naman itong sinang-ayunan ng kura. Pagkalipas ng ilang oras ay umuwi na rin
si Ibarra. Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya ang isang lalaking humihingi ng tulong.
Pinaunlakan naman siya ni Ibarra.
Kabanata 23 Ang Piknik
Madaling araw pa lamang ay masigla ng nagsisigayakan ang mga kababaihan at
kabinataan para sa kasiyahan sa araw na iyon. Magkakasamang naglalakad ang mga kababaihan,
hiwalay sa kalalakihan. Kasama rin sa piknik na iyon ang mga kawaksi at matatandang babae.
Sasakay sila sa dalawang bangka habang mangingisda sa ilog. Magkakasama ang matatalik na
magkaibigan na sina Maria Clara, Iday, Victorina, Neneng at Sinang sa isang bangka. Hindi
mapigilan ang kanilang mga tawanan at kwentuhan, bagay na nag-uudyok kay Tiya Isabel upang
sila ay sawayin. Makalipas ang ilang sandali ay nagkaroon ng butas ang bangkang sinasakyan ng
mga kalalakihan kung kaya't sila ay napalipat sa bangka ng mga dalaga. Nagkaroon naman ng
katahimikan sa panig ng mga dalaga sapagkat sila ay inatake ng hiya. Si Elias naman ay patuloy
lamang sa pagsagwan sa bangka. Upang hindi mainip at maaliw ang lahat, umawit si Maria ng
Kundiman at ang lahat ay parang idinuyan sa awitin. Malapit ng maluto ang agahan, kung kaya't
gumayak na ang mga kalalakihan upang mangisda. Sa kasamaang palad, ni isang isda ay wala
silang nahuli sapagkat may buwayang naroroon. Nabahala ang mga kababaihan sa paglitaw ng
buwaya at lalo na ng nilundag ito ni Elias. Naglaban ang dalawa sa ilog, ngunit higit na malakas
ang buwaya. Kagyat namang lumundag si Ibarra sa tubig upang tulungan si Elias. Napatigagal
naman si Maria sa ginawang iyon ni Ibarra, at tila ba tumigil na rin ang kanyang paghinga.
Natalo naman ng dalawa ang buwaya at nagpatuloy sila sa pangigisda hanggang sa sila ay
makahuli ng sariwang isda. Masayang nag-pananghalian ang mga magkakaibigan sa ilalim ng
mga puno malapit sa batisan.

Kabanata 24 Sa Kagubatan
Maagang nakapagmisa si Padre Salvi at kaagad na nag-almusal, ngunit hindi na nito
tinapos ang pagkain at nagpunta na ito sa lugar ng piknik sakay ng karwahe. Malayo pa ay
pinahinto na niya ang karwahe upang sa gayon ay malayang makapanood ng lihim sa mga

kadalagahan. Hindi naman siya nabigo sa ninais na mangyari, nakita nga niya ang mga dalaga at
masayang pinagmamasdan ang mga binti at sakong ng mga ito habang nagkakatuwaan. Pinigil
na lamang ng pari ang kanyang sarili na sundan pa ang mga ito kung kaya't hinanap na lamang
niya ang mga kalalakihan. Pagkapananghalian ay nag-usap-usap ang mga nagpiknik. Nabanggit
ni Padre Salvi na may tumampalasan kay Padre Damaso kaya't nagkasakit ito. Nagkataon na
dumating si Sisa at nais ni Ibarra na siya ay pakainin ngunit dala ng pagkawala ng katinuan nito
ay tumalilis itong papalayo sa pangkat. Nabanggit din ang pagkawala ng mga anak ni Sisa, kung
saan nagkaroon ng matinding pagtatalo sina Don Filipo at Padre Salvi. Ikinatwiran ng una na
higit pang pinahalagahan ang dalawang onsa kaysa sa pagkawala ng mga bata. Pumagitna na sa
Ibarra sa dalawa upang hindi na umabot sa sakitan ang dalawa. Lumayo si Ibarra at nakiumpok
sa mga binata at dalagang naglalaro ng Gulong ng Kapalaran. Itinanong ni Ibarra sa Gulong kung
may mga katuparan ang kanyang binabalak. Natapat naman ang dais sa sagot na pangarap
lamang. Hindi ito sinang-ayunan ni Ibarra sapagkat mayroon na siyang katibayan at pahintulot sa
pagpapatayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang kasulatan at ibinigay kay Maria Clara at
Sinang. Dumating naman si Padre Salvi at walang hudyat na pinunit nito ang aklat. Aniya,
malaking kasalanan ang maniwala sa nilalaman nito. Ikinainis naman ito ni Albino at isinagot sa
kura na mas malaking kasalanan ang kanyang pakikialam sa pag-aari ng iba. Lumayas naman
kaagad ang kura at padabog na bumalik ng kumbento. Makalipas ang ilang sandali ay dumating
naman ang mga gwardya sibil at sarhento. Hinahanap nila si Elias kay Ibarra sapagkat ito ang
nanakit kay Padre Damaso. Kinuwestyon din nila si Ibarra sa pagkupkop niya kay Elias, bagay
na sinalungat ni Ibarra at sinabing walang karapatang kwestyunin ninuman ang kanyang
desisyon kung sino ang nais niyang imbitahin sa kanyang tahanan. Hinalughog ng gwardya sibil
ang kagubatan ngunit ala silang nakitang Elias.

Kabanata 25 Sa Tahanan ng Pilosopo


Sinadya ni Ibarra si Pilosopo Tasyo sa kanyang tahanan upang humingi ng payo
tungkol sa paaralan na nais niya ipasimulan. Nadatnan niya itong abalang-abala sa
pagsusulat ng hieroglyphics sa wikang Tagalog. Napansin naman siya ng matanda at
siya ay inanyayahan nito. Binanggit ni Pilosopo na ang kanyang mga sinusulat ay
walang makakaunawa sa ngayon sapagkat ang mga susunod na henerasyon ang
tanging makauunawa ng kanyang saloobin. Ayon sa kanya, ang mga susunod na
salinlahi ay mga walang piring sa mata at gising sa nangyayari sa lipunan. Nabanggit
ni Ibarra na kahit siya ay dito ipinanganak at lumaki, ramdam niya na palagay ng mga
tao na siya ay dayuhan lamang. Kung kaya't kailangan niya ang payo ng matanda
sapagkat ito ay higit na kilala ng mga tao. Sumalungat naman si Pilosopo at
iminungkahi na dapat niyang isangguni ang kanyang mga binabalak sa mga
kinikilalang tao sa lipunan, katulad ng Kura. Magbigay man ng masasamang payo ang
mga makapangyarihan sa bayan, maipapakita naman ni Ibarra na ang kanyang mga
binabalak at ginagawa ay ayon sa pinagkasunduan ng mga makapangyarihang tao sa
bayan. Mainam pa na pakunwari na lamang siyang sumunod kaysa maging kalaban pa

niya ang mga iyon. Hindi naman ito lubos na sinang-ayunan ni Ibarra sapagkat
naniniwala siyang ang matuwid na layunin ay hindi na kailangang balutan ng baluktot
na gawain. Buo ang paniniwala ni Ibarra na sasang-ayunan siya ng pamahalaan at ng
mga tao sa bayan sapagkat ang kanyang ninanais ay ang kapakanan ng nakararami.
Hindi siya makumbinsi ni Pilosopo Tasyo na ang kapangyarihan ng simbahan ay higit
pa sa kakayahan ng pamahalaan. Lalo na ang pagsasabi niya dito na kung nais niyang
matupad ang kanyang mga balakin ay marapat na yumuko muna siya sa mga may
kapangyarihan kung ayaw niyang walang mangyari sa kanyang mga balakin. Hindi
matanggap ni Ibarra ang mga sinabi sa kanya ni Pilosopo Tasyo, sapagkat ang
kanyang mga pananaw ay ideolohiyang liberal, na kanyang nakamulatan sa pag-aaral
sa Europa. Ang mga ganitong prinsipyo ay hindi pa katanggap-tanggap sa simbahan
na siyang nagmamay-ari ng lahat, pati ang buhay ng mga tao sa kanilang
nasasakupan. Inihalimbawa ni Pilosopo Tasyo ang kalagayan ni Ibarra sa mga
halaman: sa rosas na yumuyuko rin sa hangin kapag hitik na ito sa mga bulaklak at
kung hindi ito ay mababali lamang; at sa puno ng makopa na kailangan pa niyang
tukuran upang kumapit ang mga ugat nito sa lupa dahil kung hindi niya ito gagawin
ay ibubuwal lamang ito ng hangin. Ganito rin si Ibarra sa kanyang pananaw. Isa
siyang punong itatanim sa mabatong lupain na nagmula pa sa bayan ng Europakailangan niya ng makakapitan at masasandalan. Aniya, hindi kaduwagan ang
pagyuko sa kapangyarihan, ang pagyuko at pag-iwas sa dumarating na punlo, mas
mainam iyon kaysa salubungin ang mga bala ng baril at tuluyan ng hindi
makabangon. Naglaro sa isipan ni Ibarra na paano kung hindi lubos ang pagtulong ng
simbahan sa kanyang mga balakin dahil na rin sa ang karunungan ay kaagaw ng
simbahan sa pagpapayaman at kung may maiiwan ba siyang legacy sa kanyang mga
binabalak para sa bayan. Binigyan naman siya ng inspirasyon ni Pilosopo Tasyo sa
pagsasabi nito na hindi man siya magtagumpay ay may uusbong na pananim na
siyang magpapatuloy ng kanyang mga nasimulan. Nagpaalam na si Ibarra
pagkapahayag nito kay Pilosopo Tasyo sa kanyang pakay sa kura.

Kabanata 26 Ang Bisperas ng Pista


Bisperas ng Pista ng San Diego tuwing ika-10 ng Nobyembre. At sa bisperas
pa lamang ng Pista ay nakahanda na ang lahat. Nagagayakan ang mga bahay ng
kanilang mga pinakagarbong palamuti, kurtina at iba't-ibang dekorasyon at pati na
mga minana at antigong kagamitan. Ang hapag-kainan naman ng mga mayayaman ay
punong-puno ng mga iba't-ibang masasarap na putahe, kakanin, panghimagas at mga
inangkat at mamahaling mga alak mula pa sa Europa. Inilalaan ang mga pagkaing ito
para sa lahat, kahit na taga-ibang bayan upang maging masaya ang kapistahan. Ang
bawat sulok ng bahay ay malinis at makintab, sadyang pinaghandaan at iginayak para

makita ng lahat. Maya't maya rin ang pagpapaputok ng kwitis, batingaw ng kampana
at tugtugan ng mga banda ng musiko. Ang plasa naman ng San Diego at mga
matataong lugar ay pinalamutian ng arkong kawayan, pati na rin ang harapan ng
simbahan na nilagyan ng tolda para sa prusisyon. May tanghalan din na nakalaan para
sa pagtatanghal ng komedya at iba pang palatuntunan. May partisipasyon sa
kasayahan ang mga mayayaman sa Sa Diego, tulad ni Kapitan Tiago at Kapitan
Joaquin, ang intsik na si Carlos, at iba pa. Si Padre Damaso naman ang nakalaang
magmisa sa umaga. Ang mga magsasaka at mahihirap ay iginayak ang kanilang mga
pinaka-mainam na ani upang ihandog sa mga may-ari ng kanilang bukirin.
Kasalukuyan namang tinatapos ang bahay-paaralan na pinapagawa ni Ibarra malapit
sa kanyang tahanan sa pamamatnubay ni Nol Juan. Sagot niyang lahat ang gastos dito,
at magalang na tinanggihan ang alok na tulong ng mga mayayaman at ng pari. Ang
bahay-paaralan na kanilang itinatayo ay katumbas ng mga paaralan sa Europa,
hiwalay ang mga babae sa lalaki, may lugar para sa pagtatanim ng puno at gulay, may
bodega at mayroon ding silid pang-disiplina sa mga batang mag-aaral. Marami ang
humanga sa kanyang ginawa ngunit marami din naman ang palihim niyang naging
kaaway.
Kabanata 27 Sa Pagtatakipsilim
Sadyang hinigitan ni Kapitan Tyago ang paghahanda sa kapistahan sapagkat ikinasisiya
niya ang mabangong pagtanggap ng mga tao kay Ibarra na kanyang mamanugangin, lalo na at
kahit sa Maynila ay tanyag na tanyag ang binata. Sa ganitong pagkakataon ay kasama siyang
mapupuri sa mga pahayagan. Samu't saring pagkain at inumin na inangkat pa mula sa ibang
bansa ang nasa kanyang tahanan. Pinasalubungan din niya si Maria ng mga kagamitang may
mamahaling bato. Nagkita sina Ibarra at Kapitan Tyago ng bandang hapon. Nagpa-alam naman si
Maria na mamasyal kasama ang mga kaibigan nitong dalaga, at kinumbida ng mga ito si Ibarra,
na pinaunlakan naman ng huli. Inanyayahan ni Kapitan si Ibarra na duon na maghapunan
sapagkat darating si Padre Damaso, na magalang namang tinanggihan ni Ibarra. Lumakad na ang
magkatipan kasama ang mga kadalagahan. Napadaan sila sa kanilang kaibigan na si Simang at
ito ay sumama rin sa kanila na mamasyal. Nang marating nila ang liwasang bayan, sinalubong
sila ng isang ketongin na pinandidirihan ng lahat. Nahabag naman si Maria at binigay niya dito
ang iniregalo ng kanyang ama sa kabila ng pagtataka ng kanyang mga kasama. Lumapit naman
ang walang katinuan na si Sisa at kinausap ang ketongin. Itinuro nito ang kampanaryo at
sinabing anduon ang kanyang mga anak, at pagkasabi nito ay umalis ng pakanta-kanta. Lumisan
na rin ang ketong na dala ang bigay sa kanya ni Maria. Napag-isip isip ni Maria na marami pala
ang mga mahihirap at kapus-palad at iyon ay naging lingid sa kanyang kaalaman

Kabanata 28 Sulatan
Ang pagsusulatan ay isang kaugaliang Pilipino at ang paraan ng ligawan noong kapanahunan ni
Rizal. Buod. Katulad ng inaasahan, nalathala sa pahayagan sa Maynila ang mga naganap sa
kapistahan ng San Diego. Iniulat ang marangyang kapistahan at mga tanyag na tao sa San Diego,

pati na rin ang mga musiko, at mga palatuntunang naganap. Kasama rin sa balita ang mga pari sa
bayan, ang komedyang naganap at mga mahuhusay nitong artista, na tanging mga Kastila
lamang ang nasiyahan sapagkat ang komedyang iyon ay idinaos sa wikang Kastila. Ang mga
Pilipino naman ay nasiyahan sa komedyang Tagalog. Hindi naman dumalo si Ibarra sa mga
palabas na iyon. Kinabukasan ay nagkaroon ng prusisyon para sa mga santo at santa. Nagkaroon
din ng misa na pinamunuan ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon din ng sayawan na
pinangunahan ni Kapitan Tyago at Maria. Ikinayamot naman ito ng huli. Sinulatan ni Maria si
Ibarra sapagkat ilang araw na niya itong hindi nakikita. Hiniling ng dalaga na siya ay dalawin at
nagpaimbita ito na imbitahan siya ni Ibarra sa pagpapasinaya ng binata ng bahay-paaralan.

Kabanata 29 Ang Kapistahan


Umaga pa lamang ay handa na ang mga banda ng musiko upang magbigay saya at salubungin
ang kapistahan. Sinabayan pa ito ng tunog ng kampana at mga siklab at pasabog ng paputok.
Nagising ang mga tao sa bayan at nagsigayak na para makiisa. Ang taumbayan ay naghanda ng
kanilang pinakamainan na kasuotan at mga alahas. Naghanda rin ng masasarap na pagkain ang
bawat tahanan at hinahatak ang mga tao upang tikman ang mga ito. Taliwas ito sa ikinilos ni
Pilosopo Tasyo, sapagkat ayon sa kaniya, paglulustay lamang ng pera at pakitang tao lamang ang
pagsasaya sa araw na ito. Marami ang dapat na higit pagkagustasan ng may kabuluhan at marami
ang hinaing ng bayan na hindi natutugunan. Sang-ayon si Don Filipo sa ganitong pananaw
ngunit ala siyang lakas ng loob upang salungatin ang pari. Sa simbahan ay naghihintay na ang
mga tao at mga tanyag na tao sa bayan. Si Padre Damaso naman ay itinaon ang sarili na
magkasakit upang higit na makakuha ng importansya mula sa lahat. Inalaagaan siya ng tagapangasiwa ng simbahan habng siya ay may sakit. Sinumulan ang mahabang prusisyon ng iba'tibang santo bandang alas otso ng umaga. Kahit sa prusisyon ay ipinapakita ang pagkaka-iba ng
antas o diskriminasyon sa lipunan kahit na ang mga nagpuprusisyon ay mga ginggon. Natapos
ang prusisyon sa tapat ng bahay ni Kapitan Tyago, na inaabangan naman nila Maria Clara, Ibarra
at ilan pang mga Kastila.

Kabanata 30 Sa Simbahan
Dito inilalarawan ni Jose Rizal ang kanyang pagtutol sa mapanlait at mahahayap na ugali ng mga
prayle noong panahong iyon. Bagamat siya ay tumatangkilik sa relihiyon, hindi naman niya
maatim ang mga kagaspangan ng pag-uugali ng mga prayle. Inilalarawan din ang matapat na
pagtangkilik ng mga Pilipino sa relihiyong nakagisnan, kahit pa ang kapalit nito ay ang kanilang
kabuhayan. Buod: Dinumog ng lahat ang simbahan kung kaya't nagsiksikan ang mga tao sa
kabila ng init at iyakan ng mga bata. Bayad din ang misang iyon para sa kabanalan ng lahat sa
halagang P250. Ang paniniwala noon ay mas mabuti ng magbayad ng mahal sa misa kaysa sa
komedya sapagkat ang misa ay makapagdadala ng kaluluwa sa langit, samantalang impyerno
naman sa komedya. Hindi naman sinimulan ang misa hanggat hindi dumarating ang alkalde
mayor. Sinadya naman ng alkalde na magpahuli, upang higit na mapansin ng lahat. Nagsuot din
ito ng limang medalya na sagisag ng kanyang tungkulin. Nang siya ay dumating, naghanda na

ang lahat upang makinig sa pagmimisa ni Padre Damaso. Sinamantala naman ng Padre ang
walang pakundangang paglibak sa pari na nagmisa kahapon, si Padre Manuel Martin.
Ipinangalandakan ng mayabang na padre na higit siyang magaling magmisa kaysa Kay Padre
Martin. Hindi ito nagsimulang mag-sermon hanggat hindi ito tapos makapag-mayabang.

Kabanata 31 Ang Sermon


Sinimulan ni Padre Damaso ang kanyang sermon mula sa isang sipi sa Bibliya at nagsermon sa
wikang Tagalog at Kastila. Ang kabuuan ng sermon ni Padre Damaso ay pagpupuri sa mga banal
na santo ng simbahan, ang dapat tularan na sina Haring David, ang mapagwaging si Gideon, at si
Roldan na isang tapat na mananampalataya; at higit sa lahat ay ang panlilibak sa mga Pilipino na
binibigkas sa wikang Kastila kung kayat walang kamalay-malay ang nakararami sa kahulugan ng
kanyang mga sinasabi. Pinatutsadahan din ng Padre ang lahat ng tao na kanyang hindi gusto
upang ipahiya ang mga ito sa karamihan. Sapagkat karamihan ng mga tao doon ay walang
naiintindihan sa pinagsasasabi ng Padre, hindi nila napigilang antukin at mapahikab, lalo na si
Kapitan Tyago. Si Maria at Ibarra naman ay palihim na nagsusulyapan at nangungusap ang
kanilang mga mata. Sinimulan na din sa wakas ni Padre Damaso ang misa sa wikang Tagalog.
Dito ay walang pakundangan na tinuligsa niya si Ibarra, bagamat hindi niya pinangalanan ang
kanyang inaalipusta ay mahahalata naman ng lahat na walang ibang pinatutunguhan ang kanyang
mga salita kundi si Ibarra lamang. Hindi naman na natuwa si Padre Salvi sa nagaganap kung
kaya't nagpakuliling na ito upang maging hudyat kay Padre Damaso na tapusin na nito ang
kanyang sermon. Ngunit nanatiling bingi ang mayabang na pari at nagpatuloy pa ng kalahating
oras sa walang kwentang sermon at pag-alipusta kay Ibarra. Samantala, palihim naman na
nakalapit si Elias kay Ibarra habang tuloy ang misa. Binalaan ni Elias si Ibarra na mag-ingat at
huwag lalapit sa bato na ibabaon sa hukay sapagkat maaari niya itong ikamatay. Wala namang
nakapansin sa pagdating at pag-alis ni Elias.

Kabanata 32 Ang Panghugos


Nagkaroon ng demonstrasyon ang taong dilaw kay Nol Juan patungkol sa paggamit ng
panghugos bago ganapin ang pagpapasinaya sa paaralan. Ang istrukturang ito ay may walong
metro ang taas at ang apat na haligi ay nakabaon sa ilalim ng lupa. Ang apat na haligi naman ay
nasasabitan ng malalaking lubid na sa tingin ay napakatibay ng pagkakayari. Ipinagmalaki ng
taong dilaw na ang ganitong paraan ay natutuhan pa niya sa nuno ni Ibarra na si Don Saturnino.
Ipinakita ng taong dilaw kung paano itinataas at ibinababa ang batong malaki na siyang ibabaon
sa hukay na napapagitnaan ng apat na haligi. Hinangaan naman ito ni Nol Juan at pinuri rin ito
ng mga tao sa paligid. Dumating ang araw ng pagpapasinaya ng bahay-paaralan. Pinaghandaan
niya ang araw na iyon, naghanda din ang mga guro at mag-aaral ng mga pagkain para sa mga
panauhin. Mayroon ding mga banda ng musiko. Sinimulan ni Padre Salvi ang pagbabasbas sa
bahay-paaralan. Inilulan ang mga mahahalagang kasulatan at relikya at iba pang mahahalagang
bagay sa isang kahang bakal, na ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga. Ang lubid ang
nagko-kontrol sa bato, na may hukay sa gitna kung saan ilalagay ang tingga. Hawak naman ng

taong dilaw ang lubid. Sinimulan ng Pari ang seremonya at nagsibabaan ang lahat ng
importanteng tao upang sumaksi. Isa si Elias sa mga taong naroroon upang sumaksi sa okasyon.
Hindi niya winala ang tingin sa taong dilaw. Hustong pagbaba ni Ibarra upang maki-isa sa
pagsaksi ay humulagpos ang lubid mula sa kalo at kasaba'y nito ay ang pagkagiba ng balangkas.
Ilang saglit ang lumipas at nasaksihan ng lahat na si Ibarra ay nakatayo sa pagitan ng nasirang
kalo at ng malaking bato. Ang taong dilaw ang siyang namatay at hindi si Ibarra. Nais ng alkalde
na ipahuli si Nol Juan ngunit sinabi ni Ibarra na siya na ang bahala sa lahat.

Kabanata 33 Malayang Kaisipan


Ang pagkakatuklas ni Elias tungkol sa balak na pagpatay ng taong dilaw kay
Ibarra. Nagkakilala rin sina Elias at Ibarra sa kabanatang ito. Matutunghayan ang
katalinuhan ni Elias sa kabila ng kawalan nito ng pormal na edukasyon. Palihim na
dumating si Elias sa tahanan ni Ibarra at sila ay nag-usap tungkol sa mga kaaway ni
Ibarra. Pinayuhan ni Elias si Ibarra na nagkalat ang kanyang mga kaaway kahit na ang
hangad niya ay kabutihan. Sinabi rin nito ang pagkatuklas niya sa balak ng taong
dilaw na patayin si Ibarra sa araw ng pagpapasinaya sa paaralan, bagamat mahiwatig
ang binitiwang salita ng taong dilaw sa taong kausap nito, "hindi kakanin ng isda ang
isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama". Palihim na sinubaybayan ni Elias ang taong
dilaw at napag-alaman nito na prinisinta nito ang sarili kay Nor Juan kahit maliit ang
sahod kapalit ng kanyang mga kaalaman. Nanghinayang naman si Ibarra sa pagkawala
ng taong dilaw sapagkat marami pa siyang matutuklasan kung ito ay nabubuhay
lamang. Bagay na sinalungat naman ito ni Elias sapagkat tiyak niyang makakaligtas sa
hukuman ang taong dilaw dahil sa kabulagan ng hustisya sa bayan. Nagkaroon naman
ng interes si Ibarra sa pagkato ni Elias sapagkat marami itong nalalaman at ang
kanyang mga kaisipan ay kakaiba sa karaniwang mamamayan. Napako ang kanilang
usapan tungkol sa paniniwala sa Diyos at hindi tinanggi ni Elias na siya ay nawalan na
ng tiwala. Kalaunan ay nagpaalam na rin si Elias at nangako ng katapatan kay Ibarra.
Kabanata 34 Ang Pananghalian
Sa araw na iyon ay darating ang Heneral at tutuloy sa bahay ni Kapitan Tyago.
Magkakaharap na nananghali ang mga mayayaman sa San Diego. Nasa magkabilang dulo ng
hapag si Ibarra at ang alkalde mayor. Katabi ni Ibarra si Maria sa gawing kanan at ang eskribano
naman sa kaliwa. Nandoon din sa hapag sina Kapitan Tyago, iba pang mga kapitan ng bayan ng
San Diego, mga prayle, mga kawani ng pamahalaan at mga kaibigan nina Maria at Ibarra.
Nagtaka naman ang karamihan sapagkat hindi pa dumarating si Padre Damaso. Habang
kumakain ay nag-uusap-usap ang mga nasa hapag. Napadako ang usapan sa hindi pagdating ni
Padre Damaso, ang kamang-mangan ng mga magsasaka sa mga kubyertos, ang mga kursong nais
nilang ipakuha sa kanilang mga anak, at kung ano-ano pa. Pamaya-maya ay dumating na si Padre
Damaso at lahat ay bumati sa kanya liban kay Ibarra. Sinimulan ng ihanda ang serbesa at
sinimulan na rin ni Padre Damaso ang patutsada kay Ibarra. Tinangkang sumingit naman ang

alkalde upang maiba ang usapan ngunit lalong nagumalpas ang dila ng pari. Hindi naman
kumikibo si Ibarra at nagtimpi na lamang. Ngunit talagang nananadya si Padre Damaso kayat
inungkat ang nangyari sa kanyang ama, bagay na hindi mapapayagan ni Ibarra kung kaya't
dinaluhong nito ang pari at tangkang sasaksakin. Pinigilan naman ni Maria ang katipan kung
kaya't bumalik ang hinahon ni Ibarra at umalis na lamang ito.

Kabanata 35- Mga Usap-usapan


Ang pangyayaring naganap sa pananghalian ay naging mainit na usapan sa
buong bayan ng San Diego. Karamihan ay halos panig kay Padre Damaso sapagkat
ayon sa kanila, hindi mangyayari ang nangyari kung nagtimpi lamang si Ibarra. Si
Kapitan Martin lamang ang tunay na nakaunawa sa ikinilos ng binata, sapagkat
walang sinuman ang hindi makakapag-pigil kung ang ama ang lalalapastanganin. Ang
mga matatandang babae sa bayan ay nahihintakutan na hindi panigan ang pari
sapagkat baka sila ay mapunta sa impyerno. Tanging si Kapitana Maria ang nalugod
sa ginawang pagtatanggol ni Ibarra sa kanyang ama. Ang mga magsasaka naman ay
nawawalan ng pag-asa na hindi matuloy ang paaralan, na ang kahulugan niyon ay
hindi pagkatuto ng kanilang mga anak. Inihayag ni Don Filipo sa pag-aakalang
hangad ni Ibarra na tumanaw ng utang na loob ang taong bayan sa ginawang
kabutihan at ng ama nito. Ganunpaman, ala pa ring katwiran si Ibarra sapagkat laging
ang tama ay ang mga prayle. Isa pa, ang mga mayayaman at prayle ay may
pagkakaisa, hindi katulad ng taumbayan na watak-watak kung kayat mananalo ang
mga pari. Kumalat ang usap-usapan na tinawag nang Pilibustero ng mga prayle si
Ibarra, hindi naman ito madalumat ng mga mahihirap.

Kabanata 36-Ang Unang Suliranin


Isinasaad sa kabanatang ito ng Noli me Tangere ang desisyon ng mga prayle na
paghiwalayin sina Ibarra at Maria Clara pagkaraang ma-exkomunikado ang binata. Walang
abisong dumating ang Kapitan Heneral sa bayan nila Kapitan Kapitan Tiyago kayat naging abala
ang lahat sa paghahanda upang maibigay ang nararapat na pag-istima sa panauhin. May nalalabi
pang oras upang makapag-gayak at ito ay sinamantala ng lahat maliban kay Maria Clara. Si
Maria Clara ay patuloy ang pagtangis dahil sa pagbabawal ng ama nito na makipagkita kay
Ibarra hanggat hindi ito ekskomunikado. Naging walang silbi ang pang-aalo ni Tiya Isabel at
Andeng sa dalumhati ng dalaga. Sinabi ng tiyahin na maari silang sumulat sa Papa aty magbigay
ng malaking limos upang mapawalang bisa ang ipinataw sa binata. Si Andeng ay nagprisintang
makagagawa ng paraan upang magkausap ang magkatipan. Bumalik si Kapitan Tyago mula sa
kumbento at isiniwalat nito Kay Maria Clara ang desisyon ni Padre Damaso na sirain ang
nakatakdang pakikipag-isang dibdib nito kay Ibarra. Si Padre Sibyla ay nag-utos naman na bawal
nang tanggapin sa kanilang tahanan ang binata, at ang utang ng kapitan na limampung libong

piso ay hindi rin dapat bayaran, o ang kapalit nito ay kamatayan ng kaluluwa sa impyerno. Ang
mga bagay na ito ay hindi makayanang marinig ni Maria kung kaya't lalo itong naghinagpis.
Inalo naman ito ng ama at sinabing may inilalaan ang kanyang pangalawang ama na si Padre
Damaso- na isang binatang kamag-anak nito at manggagaling pa mula sa Europa. Lalong
nasindak ang dalaga at pati si Tiya Isabel ay nagalit sa kapitan at pinagsabihan ito na hindi
parang damit na isinusuot ang magpalit ng katipan. Iminungkahi ni Tiya Isabel na sulatan ng
Kapitan ang Arsobispo ngunit sinalungat naman ito ng huli. Sinabi niyang hindi sila nito
pakikinggan kundi ang desisyon lamang ng mga pari. Tinapos na nito ang usapan at hinarap ang
paghahanda sa bahay. Pagkalipas ng ilang oras ay dumating na nga ang Kapitan-Heneral at
napuno na rin ang bahay ni Kapitan Tyago ng mga panauhin. Si Maria naman ay pumasok sa
loob ng silid at taimtim na nananalangin ng pasukin ni Tiya Isabel. Sinusundo siya nito upang
harapin ang Kapitan Heneral sapagkat ipinapatawag ito. Sumunod naman ang dalaga.

Kabanata 37 Ang Kapitan Heneral


Ipinapakita sa kabanatang ito ng Noli Me Tangere ang makataong pamumuno ng Kapitan
Heneral, na siyang may pinakamataas na pwesto sa lipunan ngunit hindi naghahari-hariang
katulad ng mga prayle. Minarapat niyang magkaroon ng pantay na katarungan para sa lahat.
Buod. Naunang kinausap ng Kapitan Heneral ang binatang nakagalitan ni Padre Damaso ng ito
ay lumabas sa kalagitnaan ng sermon. Inakala ng binata na siya ay sasamain ngunit pagkatapos
niyang makausap ang Kapitan Heneral ay nakangiti itong lumabas ng silid. Sumunod niyang
hinarap ang mga reverencia sa bayang iyon: sina Pari Sibyla, Pari Martin, Pari Salvi at iba pang
mga prayle. Nagpakita naman ng buong paggalang ang mga pari sa pagyuko nila sa Kapitan.
Binanggit din nila ang pagkakasakit ni Padre Damaso kaya't wala siya sa araw na iyon. Sumunod
namang humarap sa Heneral sina Kapitan Tyago at Maria Clara. Pinuri ng Heneral ang
katapangan nito sa paggitna sa away ni Ibarra at Damaso, at ang pagbabalik ng hinahon ni Ibarra
dahil na rin sa kanya. Binanggit nito na dapat siyang gantimpalaan sa kanyang ginawa, na
tinanggihan naman ng dalaga. Kalaunan ay dumating na rin si Ibarra upang makausap ng
Heneral. Ipinaalala naman ni Padre Salvi na ang binata ay excomulgado ngunit hindi ito pinansin
ng pari at sa halip ay ipinaabot ang pagbati kay Padre Damaso. Pagkatapos ay umalis ang mga
pari na hindi naibigan ang ipinakita ng Heneral. Malugod na binati ng Heneral si Ibarra at pinuri
sa ginawang pagtatanggol nito sa ala-ala ng kanyang ama. Sinabi rin ng Heneral na kakausapin
niya ang Arsobispo tungkol sa pagiging excomulgado ng binata. Napansin ng Heneral na medyo
nabalisa si Maria, kaya sinabi niyang nais itong makaharap bago umaalis patungong Espanya.
Sinabi naman niya sa alkalde na samahan siya nito sa paglilibot. Malalaman sa pag-uusap ng
binata at Kapitan Heneral na kilala ng binata pati ang pamilya ng Kapitan Heneral sa Espanya.
Ipinamalas din ng Heneral ang paghanga sa katalinuhan ni Ibarra bagamat iminungkahi ng huli
na mas makabubuting sa Europa siya manirahan sapagkat ang kanyang kaisipan ay nararapat
lamang sa kaunlaran ng ibang bansa. Magalang namang tumanggi si Ibarra at sinabing higit na
matamis ang mamuhay sa sariling bayan. Ilang sandali pa ay binanggit ng Heneral kay Ibarra na
kausapin si Maria at inihabilin na papuntahin sa kanya si Kapitan Tyago. Umalis naman si Ibarra
upang puntahan ang katipan. Samantala, itinagubilin naman ng Heneral sa alkalde mayor na
protektahan si Ibarra upang maisakatuparan nito ang mga layunin ng binata. Tumango naman
ang Alkalde bilang pagsunod. Dumating naman si Kapitan Tyago at pinuri ito sa pagkakaroon ng
mabuting anak at mamanugangin. Nagprisinta rin ang Heneral na maging ninong sa kasal.
Samantala, si Ibarra naman ay nagpunta sa silid ni Maria ngunit sinabi sa kanya ni Sinang na

isulat na lamang nito ang kanyang sasabihin dahil sa mga oras na iyon ay gumagayak sila
papunta sa dulaan.

Kabanata 38 Ang Prusisyon


Ang mga kaganapan ay nakasentro sa idaraos na prusisyon at mga nakatakdang gawain ng
Heneral ng araw na iyon. Buod Ang mga paputok at sunod-sunod na pagtunog ng mga kampana
ay hudyat ng pagsisimula ng prusisyon. Lahat ng nakiisa ay may dala-dalang mga kandila at
parol. Ang prusisyon na iyon ay ukol sa mga santong sina San Juan Bautista, San Francisco,
Santa Maria Magdalena, San Diego De Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na Birhen. Ang
karo ni San Diego ay hinihila ng anim na Hermano Tercero. Magkakasamang naglalakad ang
Kapitan Heneral, mga kagawad, Kapitan Tiyago, alkalde, alperes at Ibarra. Ang huli ay
napilitang sumama dahil na rin sa pag-imbita ng Heneral. Sa harap ng bahay ni Kapitan Tyago ay
may isang kubol na pagdarausan ng pagbigkas ng tulang papuri o loa sa pintakasi ng bayan.
Pinangungunahan ng tatlong sakristan ang pila ng prusisyon, na sinusundan naman ng mga guro,
mag-aaral at mga batang may dala-dalang parol na papel. Ang mga agwasil at tinitini naman ay
may dalang mga pamalo upang gamitin sa sinumang maniksik o humiwalay sa hanay. Mayroon
din silang kasama na namimigay ng libreng kandila para gamiting pang-ilaw sa prusisyon. Sa
tapat ng bahay ni Kapitan Tiago inihinto ang mga karo at andas ng mga santo. Isang batang
lalaking may pakpak, nakabotang pangabayo, nakabanda at may bigkis ang lumabas upang
simulan ang pagpupuri sa wikang Latin, Kastila at Tagalog. Sumunod naman ay ang pag-awit ni
maria at lahat ay nabighani sa ganda ng kanyang tinig. Ramdam naman ni Ibarra ang pighating
nararamdaman ng kanyang katipan sa boses nito. Napukaw ang atensyon ng binata ng ito ay
kausapin ng Heneral tungkol sa hapunan kung saan kailangan nilang pag-usapan ang pagkawala
ng dalawang sakristan na sina Crispin at Basilio.

Kabanata 39 Si Donya Consolacion


Ang kabanatang ito ng Noli me Tangere ay inilaan sa paglalarawan kay Donya Consolacion.
Sinisimbulo ng kanyang personalidad ang mentalidad ng mga Pilipinong walang pagmamahal sa
sariling kultura kung kayat binibihisan ang kanilang mga sarili ng ugaling dayuhan. Buod Si
Donya Consolacion ay asawa ng alperes at nagpipilit maging mukhang taga-Europa sa
pamamagitan ng paglalagay ng kolorete sa mukha at pagsasalita sa wikang Kastila. Mataas din
ang pagtingin nito sa sarili at naniniwalang higit ang kanyang kagandahan kaninuman, kahit pa
kay Maria Clara. Sa katunayan, si Donya Consolacion ay dating labandera na nakapag-asawa ng
isang kawal na naging alperes ngayon. Salat din siya sa edukasyon na mababakas sa kanyang
pag-uugali. Ng araw na iyon, iniutos ni Donya Consolacion na isara ang kanilang bahay sa kabila
na alam nitong tatapat ang prusisyon. Buong araw na siyang nagngingitngit dahil sa galit sa
kanyang asawa sa hindi nito pagpayag na sila ay magsimba. Hindi lingid sa kanyang kaalaman
na ikinahihiya siya ng kanyang asawa, bukod pa ang lantarang pag-alipusta at pagmura nito sa
kanya. Nagdidili-dili ang Donya ng marinig nito ang pag-awit ni Sisa mula sa kulungan, na
dalawang araw ng nakakulong. Inutusan niya itong umakyat sa wikang Kastila, bagay na hindi
naman maintindihan ni Sisa, kung kayat hindi ito sumunod. Nagalit ang Donya at dito niya

ibinuhos ang galit na nararamdaman sa asawa sa kawawang si Sisa. Hinampas niya ito ng latigo
at inutusang kumanta ang baliw. Napasigaw man sa sakit ang babae ay hindi pa rin ito sumunod
sa kapritso ng donya. Walang nagawa ang donya kundi utusan ang gwardiya sibil na pakantahin
ito, na sinunod naman ni Sisa at umawit ng Kundiman ng Gabi. Naantig naman ang damdamin
ng donya kung kayat nawala sa isip nito na magsalita sa Tagalog, na ikinagulat naman ng
gwardya sibil. Napansin naman ito ng Donya kung kaya't pinaalis niya ito. Hinarap naman niya
si Sisa at pinasayaw. Nang hindi ito sumunod ay hinampas niya ito muli ng latigo at inutusang
kumanta. Napabuwal naman si Sisa at nahubaran ito ng damit kasabay ng pagdugo ng sugat. Ang
pangyayaring ito ay nadatnan ng alperes at nagalit ito sa nasaksihan. Inutusan niya ang isang
kawal na bihisan at pakainin si Sisa, alagaan, at gamutin din ang mga sugat nito. Ang pag-aalaga
ng alperes ay dahil na rin sa nakatakdang ihatid si Sisa kay Ibarra kinabukasan.

Kabanata 40- Ang Karapatan at Lakas


Bandang ika-sampu ng gabi sinimulang sindihan ang mga kuwitis na hudyat ng pagsisimula ng
dula. Pinangasiwaan ni Don Filipo ang gabi ng pista. Ng mga oras na iyon ay magkausap ang
tinyente at si Pilosopo Tasyo tungkol sa pag-ayaw ng Don sa kanyang tungkulin. Masama ang
loob ng tinyente na hindi tinanggap ng Kapitan ang kanyang pagbibitiw. Nagsidatingan na ang
mga malalaking tao sa bayan kung kaya't nagsimula na ang palabas na pinangunahan nina
Chananay at Marianito ng Crispino dela Comare. Lahat ay nakatuon ang pansin sa dula
samantalang si Padre Salvi ay lantaran ang pagkakatitig kay Maria Clara. Sinisimulan na ang
ikalawang bahagi ng dula nang dumating si Ibarra. Nakatawag pansin ito sa mga pari at hiniling
kay Don Filipo na paalisin si Ibarra. Tinutulan naman ito ni Don Filipo sapagkat malaki ang
abuloy ni Ibarra at higit siyang takot na suwayin ang utos ng Kapitan Heneral kaysa sa utos nila.
Sa inis ay umalis ang mga pari sa kalagitnaan ng dula. Ilang saglit pa ay nagpaalam na rin si
Ibarra sa mga kadalagahan lalo na kay Maria Clara upang paroonann ang nalimutang tipanan.
Nangako siya na babalik bago matapos ang dula. Sa kalagitnaan ng dula ay may lumapit na
dalawang gwardya sibil kay Don Filipo at iniuutos na itigil ang dula dahil nabubulahaw sa
pagtulog sina Donya Consolacion at alperes. Hindi ito mapagbigyan ni Don Filipo kung kaya't
nagkaroon ng gulo. Nang pagtangkaang patigilin ang mga musikero, hinuli ng mga kuwadrilyero
sa tribunal ang dalawang gwardiya sibil. Nagkataon na nakabalik na rin si Ibarra sa mga
sandaling iyon at hinanap kaagad si Maria. Kumapit naman kaagad ang sindak na dalaga sa mga
bisig ni Ibarra habang si Tiya Isabel ay naglitanya ng panalangin. Sa galit ng mga kalalakihan
doon ay pinagbabato nila ang mga gwardya sibil na huminahon lamang sa pakiusap ni Elias, na
inabisuhan naman ni Ibarra sapagkat wala silang magagawa ni Don Filipo sa bagay na iyon. Ang
pangyayari ay hindi nakaligtas sa pagmamanman ni Padre Salvi at ibinalita rin ito ng kanyang
tauhan. Sa kanyang pangitain ay nawalan ng malay tao si Maria at si Ibarra ang kumarga sa
dalaga. Sa ganoong pangitain ay nagmistula itong baliw at nagtatakbo papunta sa bahay ni
Kapitan Tyago upang makasiguro na hindi totoo ang kanyang takot. Nakahinga lamang siya ng
maluwag nang makita niya ang anino nina Maria Clara at Tiya Isabel mula sa labas ng bahay ng
Kapitan. Umuwi na ito ng masigurong hindi kasama ng dalaga si Ibarra.

Kabanata 41 - Dalawang Panauhin

Hindi dalawin ng antok si Ibarra ng gabing iyon. Balisa ito sa kaguluhang naganap kung kaya't
nilibang ang sarili sa paggawa sa kanyang laboratoryo. Ilang sandali ay dumating si Elias sa
tahanan ni Ibarra. Layunin ni Elias na ipagbigay-alam kay Ibarra na may sakit si Maria Clara, at
kung may ipagbibilin ang binata bago siya pumunta sa Batangas. Ipinaliwanag din ni Elias kay
Ibarra kung paano niya nasugpo ang kaguluhan ng nagdaang gabi. Sinabi nito na kilala niya ang
magkapatid at napakiusapan niya na itigil ang kaguluhan. Napahinuhod naman ang magkapatid
na gwardya sibil dahil sa kanilang utang na loob kay Elias. Umalis na rin si Elias makalipas ang
ilang sandali. Nagmamadali naman na gumayak si Ibarra upang tumungo sa bahay ni Kapitan
Tyago. Sa daan ay nasalubong ni Ibarra ang kapatid ng taong dilaw na si Lucas. Kinulit nito si
Ibarra tungkol sa salapi na makukuha ng kanyang pamilya dahil sa pagkamatay ng kanyang
kapatid. Sinagot ito ng maayos ni Ibarra na magbalik na lamang sa isang araw sapagkat siya ay
patungo sa maysakit. Ngunit sadyang mapilit si Lucas at kinukulit si Ibarra. Bago pa man
mawala ang pagtitimpi ng huli ay tumalikod na lamang ito. Naiwan si Lucas na nagpupuyos ang
kalooban, at sa kanyang isipan ay iisa ang dugong nananalaytay sa ugat ni Ibarra at ang lolo nito
na nagparusa sa kanilang ama. Maari lamang silang maging magkaibigan kung magkakasundo
sila sa salaping ibabayad ni Ibarra.

Kabanata 42 - Ang Mag-asawang De Espadana


Lahat ay hindi mapanatag at nalulungkot dahil sa pagkakasakit ni Maria Clara. Tumawag na ng
doktor si Kapitan Tyago at ngayon ay kasalukuyang pinagpipilian nila ni Tiya Isabel kung saan
maglilimos: sa Krus ng Tunasan na himalang lumaki, o sa Krus na Matahong na nagpapawis. Sa
bandang huli ay napagpasyahan ng dalawa na parehong lumisan ang mga ito upang gumaling
kaagad si Maria Clara. Dumating na ang doktor na si Tiburcio de Espadana at ang kanyang
maybahay na si Victorina. Nagmiryenda muna ang mag-asawa bago tingnan ng 'doktor' ang
kalagayan ni Maria. Kasama rin nila ang kamag-anak na si Linares na dumating pa mula sa
Espanya. Kasunod nilang dumating si Padre Salvi at ipinakilala ng mag-asawa si Linares, nagaaral ng pagka-manananggol sa Espanya at pamangkin ni Don Tiburcio. (Dumating ito sa
Pilipinas sa gastos na rin ni Donya Victorina.) Nabanggit ni Kapitan Tyago na kadadalaw lamang
ng Kapitan Heneral sa kanilang tahanan. Lubos na nanghinayang ang ambisyosang ginang at
nahiling na sana ay nuon pa nagkasakit si Maria Clara disin sana ay nakadaupang palad nila ang
Heneral. Hinanap naman ni Linares si Padre Damaso kay Padre Salvi, upang ibigay ang hatid
niyang sulat mula sa Espanya. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay pinuntahan nila si Maria na
binabantayan ng mga kaibigan nito. Sinimulang eksaminin ng doktor si Maria at sinabing
maysakit nga ito. Inirekomendang igamot kay Maria ang liquen at gatas, Jarabe de altea at
dalawang pildoras de Cinaglosa. Si Linares naman ay natulala at nabighani ng husto kay Maria,
na ipinakilala naman ni Victorina sa dalaga. Tila nagising pa si Linares sa pagkatulala ng
ibinalita ni Padre Salvi na dumating na si Padre Damaso. Ang Pari ay hindi pa lubusang
magaling ngunit inuna nitong gawin ang pagdalaw kay Maria Clara. Ating ilarawan si Donya
Victorina, na napagkakamalang isang Orofea at may gulang na 45. Ikinakaila nito ang tunay na
edad, bagkus ay sinasabing siya ay 32 taong gulang lamang. Noong kabataan ng Donya ay
masasabi rin na maganda ito ngunit pangarp na nito talagang makapangasawa ng isang
mayamang dayuhan. Sa pamamagitan nito, siya ay mapapabilang sa alta-sosyedad at titingalain

din ng karamihan. Sa kasamaang palad, napangasawa niya ay isang mahirap pa sa daga na


Kastila, si Tiburcio. Sa edad nitong 35, higit pa itong matandang tingnan kaysa kay Donya
Victorina. Ito ay isang maralita at mal-edukadong taga-Espanya na itinaboy ng kanyang mga
kababayan sa Extremadura at naging palaboy, hanggang mapadpad siya sa Pilipinas sakay ng
barkong Salvadora. Sapagkat hindi naman sanay sa byahe, labis siyang nahilo at nahirapan sa
kanyang paglalayag. Nabalian pa siya ng paa. Ika-15 araw na niya mula ng dumating sa Pilipinas
ng siya ay natanggap sa trabaho dahil na rin sa mga kapwa Kastilang kanyang nakapalagayangloob. Pinayuhan din siya ng mga ito na magpanggap na lamang na mediko sa mga nayon na ang
tanging puhuhan ay ang kanyang pagiging Kastila. Dahil sa ala naman siyang alam sa anumang
propesyon, at hindi naman din siya nakapag-aral, lakas loob na lamang siya na nagpanggap na
doktor sa nayon. Ang totoo, dati lang siyang tagalinis at tagapagpa-baga ng mga painitan sa
pagamutan ng San Carlos sa Espanya. Ngunit pagdating sa Pilipinas, naging ganap siyang isang
doktor dahil na rin sa katangahan at tiwala ng mga Indiyo. Nagsimula sa mababang paniningil
hanggang sa tumaas ng tumaas at naging kakompetensya pa niya ang mga totoong doktor.
Nagalit ang mga ito at isinumbong sa Protomediko de Manila. Napilitan siyang tumigil sa
panggagamot at nawalan na rin siya ng pasyente. Ngunit nakilala naman niya si Donya Victorina
at sila ay nagpakasal. Pagkatapos ng kasal, lumipat sila sa bayan ng Sta Ana upang idaos ang
kanilang pulu't-gata, at upang duon na rin manirahan. Si Donya Victorina rin ang sumuporta sa
kanyang asawa, ibinahay, binihisan at ibinili pa ng mga karwahe. Ang kanyang pangalan ay
ginawang Victorina delos Reyes de Espanada. Binago na rin niya ang kanyang anyo upang
maging mukhang taga-Europa. Kinulayan nito ang mukha at nagpalamuti sa katawan. Makalipas
ang ilang buwan, siya kuno ay naglilihi at kailangan pa sa Espanya manganak upang hindi
matawag na rebolusyunaryo ang kanyang anak. Ngunit walang panganganak na nangyari
sapagkat ang Donya ay hindi naman talaga buntis. Lumapit na rin siya sa mga hilot at
manggagamot ngunit walang nangyari. Kung kaya't walang nangyari sa ambisyon na makapunta
sa Espanya ang ginang bagkus ay manatili sa tinubuang lupa, na kung tawagin niya ay "lupain ng
mga salbahe". Wala rin siyang tiwala sa mga kapwa Pilipino kung kaya't humirang pa siya ng
Kastilang taga-pangasiwa ng kanyang mga ari-arian. Sa pagkabigo ng kanyang pangarap ay
pinagbuntunan ng ginang ang kanyang asawa, na pumapayag naman maging andres de saya at
taga-salo ng alburuto ng asawa. Mas mabuti na ang ganong kalagayan kaysa naman ang
mamalimos sa kalye. Inuutus-utusan din niya ito at may mga pagkakataon na sinasaktan niya ito
ng pisikal, na tinatanggap na lamang ng lalaki. Pati ang kapritso ng ginang na magpagawa ng
karatulang marmol na may nakaukit na: DOCTOR DE ESPADAA, ESPECIALISTA EN
TODA CLASE DE ENFERMEDADES. Walang nagawa ang lalaki kahit labag sa kalooban nito
na ianunsyo sa publiko na siya nga ay isang manggagamot, sapagkat siya nga ay nagpapanggap
lamang.

Kabanata 43- Mga Balak o Panukala


Halatang halata ang lubos na pag-aalala sa mukha ni Padre Damaso at tuloy-tuloy itong pumasok
sa silid ni Maria Clara. Nananangis ang Pari at sinabi sa anak na hindi ito mamamatay. Lahat ay
nagtaka sa ipinakita ni Padre Damaso, hindi nila akalain na sa kabila ng magaspang nitong ugali
ay marunong pala itong umiyak at malambot ang kalooban. Naisip din nila na mahal na mahal
talaga ng pari si Maria. Pamaya-maya ay tumindig ang pari at nagtungo ito sa silong ng balag

upang managhoy. Nang naibsan ang damdamin ni Padre Damaso ay sinamantala ito ni Donya
Victorin at ipinakilala si Linares. Sinabi ng huli na inaanak siya ni Carlicos, ang bayaw ni
Damaso. Iniabot ni Linares ang sulat at dito ay nakasaad na siya ay humahanap ng
mapapangasawa at trabaho. Madali lamang na matatanggap ang binata ayon kay Padre Damaso
sapagkat ito ay naging abogado sa Universidad Central. At sa mapapangasawa ay iminungkahing
kakausapin niya si Kapitan Tyago. Bagay naman na ikinalungkot ni Padre Salvi. Sinadya naman
ni Lucas si Padre Salvi upang isangguni ang marapat na katarungan para sa kanyang kapatid.
Umarte itong kaawa-awa at pilit na pinapatulo ang luha upang mabaghan sa kanya ang pari.
Sinabi nito na binigyan lamang siya ng P500.00 ni Ibarra kapalit ang buhay ng kanyang kapatid.
Hindi naman ikinatuwa ng pari ang kaartehan ni Lucas kung kaya't pinagtabuyan niya iyon.
Walang nagawa ang oportunistang si Lucas kung hindi bumulong bulong at napahiyang
nilayasan ang pari

Kabanata 44-Pagsusuri ng Budhi


Patuloy na mataas pa rin ang lagnat ni Maria Clara at kapag ito ay nagdedeliryo ay walang
binabanggit kundi ang pangalan ng kanyang ina. Patuloy naman siyang inaalagaan nni Tiya
Isabel at mga kaibigang dalaga. Si Kapitan Tyago naman ay walang tigil na nagpapamisa at nagaabuloy, ang pinakahuli ay ang pagbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo.
Makalipas ang ilang araw, kasabay ng pag-inom ng gamot na nireseta ni Don Tiburcio ay
humupa ang mataas na lagnat ni Maria. Ikinatuwa naman ito ng mag-asawang Tiburcio, kung
kaya't hindi muna pinagdiskitahan ni Donya Victorina ang kanyang asawa. Magkakaharap sina
Padre Salvi, Kapitan Tyago at mag-asawang Espadana at napag-usapan na malilipat sa parokya
ng Tayabas si Padre Damaso. Ayon kay Kapitan Tyago, ikalulungkot ito ni Maria Clara sapagkat
para na rin niyang ama ang pari. At ang pagkakasakit ng dalaga ay bunga ng mga kaguluhan na
nangyari noong gabi ng pista. Ikinasiya naman ng kura na mainam nga na hindi nagkikita sina
Ibarra at Maria Clara dahil tuluyan itong gumaling. Sinalungat naman ito ni Donya Victorina at
sinabing ang nakapagpagaling kay Maria ay ang panggagamot ni Don Tiburcio. Hindi naman
siyempre nagpatalo ang pari at sinabing higit na nakagagaling ang pagkakaroon ng malinis na
budhi kaysa mga gamot. Napikon ang Donya at iminungkahi sa pari na gamuting ng kanyang
kumpisal ang nakakabanas na si Donya Consolacion. Wala namang naisago ang Pari kung kaya't
tinagubilinan na lamang niya si Kapitan Tyago na ihanda na si Maria para sa pangungumpisal.
Ipinabigay rin niya ang beatico upang lubusan itong gumaling. Oras na para uminom ng gamot si
Maria Clara at ininom nga nito ang pildoras na mula sa bumbong ng kristal. Ititigil lamang niya
ang pag-inom nito kapag siya ay nakaramdam na ng pagkabingi. Nalaman ni Maria kay Sinang
na abala si Ibarra na mapawalang bisa ang pagiging ekskomulgado nito kung kaya't hindi pa ito
makasulat sa dalaga. Dumating naman si Tiya Isabel upang ihanda si Maria sa pangungumpisal
at pati na rin ang kalooban nito tungkol sa paglimot kay Ibarra. Nagsimula na ang
pangungumpisal ni Maria Clara. Sa obserbasyon ni Tiya Isabel, Si Padre Salvi ay halatang hindi
nakikinig sa sinasabi ni Maria Clara bagkus ay matiim itong nakatitig kay Maria na tila ba
inaalam ang nasa isip ng dalaga. Matapos ang kumpisalan ay lumabas si Padre Salvi na
nakapangunot noo, namumutla, pawisan at kagat-labi.

Kabanata 45 - Ang mga Pinag-uusig

Sa wakas ay natagpuan ni Elias si Kapitan Pablo sa isang yungib sa kagubatan pagkatapos ng


anim na buwan na hindi pagkikita. May dalawang linggo na rin ang nakalipas nang malaman ni
Elias ang sinapit ng kapitan. Malapit ang loob niya sa matanda at itinuturing niya itong ama.
Pareho rin silang nag-iisa na sa buhay. Sinubukang kumbinsihin ni Elias ang Kapitan na
maisama ito sa mga lupain ng katutubo. Malayo man ito sa sibilisasyon ay makakapamuhay ng
mapayapa ang matanda at makakalimot sa sinapit ng kanyang pamilya. Tinanggihan naman ito
ng matanda at matiim itong nanindigan na ipaghiganti ang masaklap na nangyari sa kanyang mga
anak sa kamay ng mga dayuhan. Hindi siya matatahimik hanggat hindi nagkakaroon ng
katarungan ang kaawa-awang sinapit ng kanyang pamilya. Tatlo ang anak ni Kapitan Pablo,
isang babae at dalawang lalake. Pinagsamantalahan ng isang alagad ng simbahan ang kanyang
anak na dalaga. Ang isa niyang anak na lalaki ay nag-imbestiga sa nangyari kung kayat nagpunta
ito ng kumbento. Tila nagkaroon naman diumano ng nakawan sa kumbento kung kaya't
pinagbintangan ang kanyang anak na lalaki. Hindi man napatunayan ang nasabing nakawan,
hinuli pa rin ito at ibinitin at nakatikim ng pagpapahirap sa kamay ng mga awtoridad. Hindi
tinugon ni Kapitan Pablo ang mga sigaw ng pagtawag ng kanyang anak sapagkat noon ay mas
nanaig ang kanyang kaduwagan at pagnanais sa mapayapang buhay. Ang kura naman ay hindi
man lamang naparusahan kundi inilipat lamang ng panibagong lugar. Ang isa naman niyang anak
na lalaki ay pinaghinalaang maghihiganti. Sa kasamaang palad, may isang pagkakataon na hindi
nito nadala ang kanyang sedula kung kaya't hinuli ito ng mga sibil. Pinahirapan din ito at ng
hindi na makayanan ay kinitil nito ang sariling buhay. Kung kaya para kay Kapitan Pablo, wala
nang mahalaga sa kanya kundi ang ipaghiganti ang sinapit ng kanyang mga anak. Lulusob sila sa
bayan sa tamang oras, kasama ng iba pang mga kapus-palad na pinag-uusig ng pamahalaan.
Lubos naman itong nauunawaan ni Elias, kaya't ang simpatya niya ay nasa matanda. Minsan na
ring hinangad ni Elias ang paghihiganti, ngunit sa kagustuhang wala ng madamay pa sa kanyang
paghihiganti, kinalimutan na lamang niya ito. Ayon kay Kapitan Pablo, madali itong gawin para
kay Elias sapagkat magkaiba naman sila ng sinapit. Si Elias ay bata pa at walang namatay na
mga anak. Pinangakuan naman niya si Elias na walang madadamay na inosente sa gagawin
nilang paghihiganti. Isinawalat din ni Elias kay Kapitan Pablo ang naging pagkikita at
pagkakaibigan nila ni Ibarra. Ikinuwento rin nito ang mga katangian ni Ibarra at ang pang-aaping
sinapit ng pamilya nito sa kamay ng pari. Sinabi nito kay Kapitan Pablo na makakatulong si
Ibarra sa pagpapa-abot sa Heneral tungkol sa mga hinaing ng bayan. Sumang-ayon naman ang
matanda at malalaman niya ang resulta ng pakikipag-usap ni Elias kay Ibarra tungkol dito
pagkatapos ng apat araw. Ang mga tauhan ng Kapitan Pablo ang kakatagpuin ni Elias upang
maipag-bigay alam sa matanda ang sagot ni Ibarra. Kapag sumang-ayon si Ibarra, magkakaroon
ng katarungan ang kanilang mga hinaing at kung hindi naman, nangako si Elias na sasama sa
kanilang layunin.

Kabanata 46 -Ang Sabungan


Hindi mawawala ang sabungan sa anumang bayan na nasasakupan ng mga
Espanyol. Ang sabungan sa San Diego ay katulad din ng mga sabungan sa ibang mga
bayan. Nahahati ito sa tatlong bahagi: ang papasok na pintuan kung saan nakatao ang

taga-singil sa bawat isang pumapasok sa sabungan. Ang ulutan na siyang ikalawang


bahagi naman naririto ang daanan ng mga tao at dito rin nakahanay ang mga
nagtitinda ng samu't-saring paninda. Kalapit ito ng isa pang lugar para sa mga tahur,
magtatari at mga karaniwang parokyano ng sabungan. Dito nagaganap ang pustahan,
tayaan at bayaran ng mga tao bago magsimula at pagkatapos ng bawat sabong na
magaganap. Ang ikatlong bahagi ay ang ruweda, na pinagdarausan ng mga sultada. Ito
ang pwesto ng mga may matataas na katungkulan at iba pang tinitingala sa lipunan.
Ng araw na iyon, ilan lamang sa naparoon sa sabungan sina Kapitan Tyago, Kapitan
Basilio at Lucas. Dala ng tauhan ni Kapitan Tyago ang isang malaki at puting lasak na
manok, samantalang kay Kapitan Basilio ay isang bulik na manok. Bago magsimula
ang sabong at pustahan ay nagkumustahan muna ang magkaibigan. Pagkatapos ay
nagkasundo sa pustahan sa halagang P3000.00. Naging matunog ang ginawang
pustahan kayat nakipag-pustahan na rin ang iba pang mga sabungerong naroroon.
Lumilitaw naman sa sabong na llamado ang puti at dehado ang pula. Naiinggit naman
ang magkapatid na Tarsilo at Bruno sapagkat wala silang salapi upang makipusta.
Lumapit sila kay Lucas upang manghiram ng salaping maipansusugal, ngunit
nagbigay naman ang huli ng kundisyon. Ang kundisyon ay kung sasama sila sa
paglusob sa kwartel, at kung sila ay makapag-aakay pa ng iba ay may mas malaki ang
kwartang kanilang makukuha. Ayon din kay Lucas, hindi niya magagalaw ang perang
inilaan para doon ni Ibarra kung kaya't ipauuutang lamang iyon kung sila ay papayag
sa kasunduan. Noong una ay hindi pumayag ang magkapatid sapagkat kilala nila si
Ibarra at kadikit nito ang Kapitan Heneral. Ngunit pagkalipas ng ilang sandali,
namataan nila si Pedro na binibigyan ni Lucas ng salapi kung kayat higit silang
nanghinayang. Bandang huli ay hindi na rin nakatiis ang magkapatid sa tawag ng
sugal. Lalo na at umiinit na ang labanan ng mga oras na iyon: ang bulik ni Kapitan
Basilio at ang lasak ni Kapitan Tiyago. Lumapit sila kay Lucas at inihyag ang
kanilang pagsang-ayon sa kondisyon. Tinagubilinan sila ng huli na ang mga sandata
ay paparating din kinabukasan, ang utos ay kanilang matatanggap sa ikawalo ng gabi
nang ikalawang araw. Pagkatapos ng pakikipagkasundo ay naging abala na ang lahat
sa labanan.
Kabanata 47 - Ang Dalawang Senyora
Habang mainit ang labanan sa sabungan, ang mag-asawang Donya Victorina at Don
Tiburcio ay namamasyal. Ginagawa nilang libangan ang pag-alipusta sa maralitang tahanan ng
mga Indio. At lalo pang naasar ang Donya sa hindi pagbibigay galang sa kanila ng mga
nakakasalubong. Napadaan ang mag-asawa sa tapat ng bahay ng alperes, na nagkataon naman na
naroroon si Donya Consolacion. Ng magtama ang kanilang paningin, sumibangot at dumura ang
maybahay nang alperes na malaking ikinayamot ni Donya Victorina. Sinugod nito si Donya
Consolacion at nagkaroon ng balitaktakan. Inalipusta ng Donya ang alperes habang ang huli
naman ay tinungayaw ang kapansanan at pagpapanggap nang asawa nang Donya. Hindi na rin
pinaligstas ni Donya Consolacion ang pagkakataong iyon, dinala ang latigo ng asawa at sinugod
si Donya Victorina. Ngunit hindi naman nagpang-abot ang dalawang Donya sapagkat namagitan

ang kanilang mga asawa. Nasaksihan ito ng taong-bayan sapagkat ang kanilang away ay sadyang
nakakabulahaw. Dumating din ang kura at inawat ang dalawa. Sinagot naman ng alperes ang
kura at tinawag itong mapagbanal-banalang Carliston. Si Victorina naman ay inutusan ang
kanyang asawa na hamunin ang alperes ng barilan, na tinanggi naman ng huli. Anupa't dahil dito
ay nahablot na naman ang kanyang pustiso. Pamaya-maya ay nakarating sa bahay ni Kapitan
Tyago ang mag-asawa. Nadatnan naman nila si Linares na kausap si Maria Clara at mga kaibigan
nito. Napagbalingan ng Donya ang binatang si Linares, at inutusan ito na hamunin ang alperes at
kung hindi ay sasabihin nito sa lahat ang tunay niyang pagkatao. Hindi naman malaman ni
Linares ang kanyang gagawin. Habang humihingi ng paumanhin ang binata sa Donya ay siya
namang dumating ang Kapitan. Sinalubong kaagad ito ng Donya at nagdadaldal tungkol sa
nangyari. Inipit din nito si Linares sa Kapitan, at sinabing kung hindi ito gagawin ng binata ay
marapat lamang na walang kasalang magaganap sapagkat hindi bagay si Maria Clara sa isang
duwag. Nagpahatid naman sa silid si Maria Clara dahil sa narinig mula sa Donya. Madilim na ng
umalis ang mag-asawang Tiburcio at Donya Victorina, dala ang ilang libong piso na salaping
bayad ni Kapitan Tyago sa panggagamot ni Tiburcio kay Maria Clara. Si Linares naman ay hindi
matahimik sa gipit nitong sitwasyon

Kabanata 48 - Ang Talinghaga


Dumating ng araw na iyon si Ibarra at masayang dinalaw si Maria Clara at Kapitan Tyago. Sinabi
nito sa huli na tinanggal na ang kanyang pagiging excomulgado, at ipinabasa ang sulat kay Tiya
Isabel. Tuwang tuwa naman ang tiyahin sapagkat magiliw siya kay Ibarra. Nabigla naman ang
binata ng siya ay mapunta sa balkon. Nandoon si Maria Clara at si Linares naman sa gawing
paanan nito na nag-aayos ng mga bulaklak. Nagulat si Linares at si Maria Clara naman ay
namutla, at sinikap mang tumayo ngunit ito ay hindi pa lubos na magaling. Ipinaalam ni Ibarra
ang dahilang ng kanyang pagdalaw. Banaag naman sa mukha ni Maria Clara ang pagkalungkot at
dahil dito, ay nagpaalam kaagad si Ibarra. Sinabi ng binata na dadalaw itong muli kinabukasan.
Umalis si Ibarra na may kaguluhan ang isip at damdamin. Sa kanyang paglalakad ay napadaan
siya sa ipinapagawang paaralan. Ipinaalam niya sa lahat lalo na kay Nol Juan na wala silang
dapat ipangamba sapagkat siya ay tanggap na muli ng simbahan. Sinagot naman siya ni Nol Juan
na ang pagiging excomulgado ay hindi mahalaga para sa kanila, sapagkat lahat sila ay mga
excomulgado rin. Namataan ni Ibarra si Elias na nagkakarga ng bato sa kariton at nabasa nito sa
mukha ng huli na may nais siyang ipaalam sa binata. Inutusan ni Ibarra si Nol Juan na ibigay sa
kanya ang talaan ng mga obrero. Iminungkahi ni Elias na sila ay mamangka sa lawa upang
mapag-usapan ang isang napakahalagang bagay, na sinang-ayunan naman ni Ibarra. Dumating
naman si Nol Juan at ibinigay ang listahan, ngunit hindi nakalista doon ang pangalan ni Elias.

Kabanata 49 - Ang Tinig ng mga Pinag-uusig


Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan.
Kaya, kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata.
Sinabi ni Ibarra ang dahilan, nakasalubong niya ang alperes at gusto nitong muli na
magkausap. Dahil nag-aalala siyang makita si Elias, nagdahilan na lamang siya.

Nanghinayang naman ang binata ng sabihin ni Elias na di siya matatandaan ng


alperes. Saglit na napabuntonghininga si Ibarra sapagkat biglang pumasok sa kanyang
isip ang kanyang pangako kay Maria.
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya
ang sugo ng mga sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng
mga tulisan (Si Kapitan Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at
pagbabala. Ang kahilingan ng mga sawimpalad, ani Elias ay (1) humingi sila ng
makaamang pagtangkilik sa gobyerno na katulad ng mga ganap na pagbabago sa mga
kawal na sandatahan, sa mga prayle, sa paglalapat ng katarungan at sa iba pang
pangangasiwa ng gobyerno (2) pagkakaloob ng kaunting karangalan sa pagkatao ng
mga tao, ang kanilang kapanatagan at bawasan ang lakas at kapangyarihang taglay ng
mga sibil na madalas na nagiging punot dulo ng paglapastangan sa karapatang
pantao.
Tumugon si Ibarra na anumang pagbabago na sa halip na makakabuti ay lalo
pang makakasama. Sinabi nitong maaari niyang pakilusin ang kanyang mga kaibigan
sa Madrid sa pamamagitan ng salapi at pati na ang Kapitan-Heneral ay kanyang
mapapakiusapan, ngunit lahat sila ay walang magagawa. Siya man ay hindi gagawa
ng anumang pagkilos ukol sa mga bagay na iyon sapagkat kung may kasiraan man
ang korporasyon, ay matatawag naman nilang masasamang kailangan.
Nagtaka si Ibarra, hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni Ibarra ay
naniniwala satinatawag na masamang kailangan na para bang nais palabasin nito na
kailangang gumawa muna ng masama upang makapagdulot ng mabuti. Naniniwala
siya na kapag ang sakit ay malala, kailangang gamutin ng isang mahapding panlunas.
Ang sakit ng bayan ay malubha kayat kailangan ang kaparaanang marahas kung ito
ay makakabuti. Ang isang mabuting manggagamot, anya ay sinususri ang pinagmulan
ng sakit at hindi ang mga at hindi ang mga palatandaan nito na sinisikap na bigyan ng
lunas. Katulad ng mga sibil na sa pagnanais daw na masugpo ang kasamaan, itoy
iniinis sa pananakot, paggawa ng marahas at walang habas na paggamit ng lakas. At
kapag pinahina ang guwardiya sibil ay malalagay naman sa panganib ang katahimikan
ng bayan. Paano raw magkakagayon gayong 15 taon nang may mga sibil, ngunit ang
mga tulisan ay patuloy pa rin sa pandarambong. Ang mga sibil ay walang naidudulot
na kabutihan sa bayan sapagkat kanilang pinipigil at pinahihirapan ang isang tao kahit
na marangal dahil lamang sa nakalimutan ang cedula personal, at kapag kailangang
malinis ang kanilang mga kuwartel, ay manghuhuli sila ng mga kaawa-awang
mamamayan na walang lakas na tumutol.
Napag-usapan pa nila na bago itatag ang guardia civil nanunulisan ang mga tao
dahil sa matinding pagkagutom. Binigyang diin naman ni Elias na ang mga

sawimpalad na hinihingi ng bayan ang pagbabago sa mga palakad ng mga prayle at ng


isang pagtangkilik laban sa korporasyon. Pero, sinabi naman ni Ibarra na may utang
na loob na dapat tanawin ng bayan sa mga paring pinagkakautangan ng pananalig at
patangkilik noon laban sa mga pandarahas ng mga may-kapangyarihan.

Lumitaw sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawa na kapwa nila mahal ang


bayan. Pero, hindi napahinuhod ni Elias si Ibarra tungkol sa pakiusap ng mga
sawimpalad. Kaya, ipinahayag niya kay Ibarra na sasabihin na lamang daw niya sa
mga ito na ilipat na sa Diyos o sa kanilang mga bisig ang pagtitiwala na sa kapwa tao
na di magtatamong-pala.

Kabanata 50 - Ang mga Kaanak ni Elias


Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na
siya ay kabilang din sa mga swimpalad.May 60 taon na ang nakakalipas, ang kanyang
nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay- kalakal ng kastila.Kasama ng kanyang
asawa at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.Isang gabi nasunog ang
isang tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kanyang nuno sa salang
panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado, siya ay
nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat
panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa, nagtangka pa ring humanap ng
pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa anak at asawang may sakit. Nang
gumaling ang sugat ng kanyang nuno, silang mag-anak ay namundok na lamang.
Nanganak ang babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan ng kanyang
nuno ang sapin-saping pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti ito. Hindi ito
naipalibing ng babae. Nangamoy ang bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang
pagkamatay ng asawa.Nahatulan din siyang paluin.Pero, ito ay hindi itinuloy at
ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon. Gayunman, pagkasilang
niya, ginawa ang hatol.
Nagawang tumakas ng babae mula sa malupit na kamay ng batas, lumipat sila
sa kalapit na lalawigan. Sa paglaki ng anak na panganay, ito ay naging tulisan.
Gumawa siya ng panununog at pagpatay upang maipaghiganti nila ang kaapihang
natamo. Nakilalasiya sa tawag na balat. Ang lahat ay natakot sa kanyang pangalan.
Ang ina ay nakilala naman sa tawag na haliparot,delingkuwente at napalo at ang
bunso dahil sa mabait at tinawag na lamang anak ng ina.
Isang umaga, nakagisnan na lamang ng anak ang ina na patay na. Ito ay
nakabulagta ssa ilalim ng isang puno at ang isang ulo ay nakatingala sa isang bakol na

nakasabit sa puno. Ang kanyang katawan ay ibinaon samantalang ang mga paa,kamay
ay ikinalat. Ang ulo naman ay siyang dinala sa kanyang ina. Walang nalalabing paraan
sa nakakabata dahil sa kalunos-lunos na pangyayaring ito kundi ang tumakas. Siya ay
ipinadpad ng kapalaran sa Tayabas at namasukang obrero sa isang mayamang angkan.
Madali naman siyang nakagiliwan sapagkat nagtataglay nga ito ng magandang ugali.
Siya ay masikap at ng nagkaroon ng puhunan, napaunlad niya ang kanyang
kabuhayan hanggang sa makakilala siya ng isang dalagang taga-bayan na kanyang
inibig ng tapat. Gayunman sinasagilahan siya ng matinding pangamba na
mamanhikan. Nangangambasiyang matuklasan ang tunay niyang pagkatao. Mahal
palibhasa ang babae, minsan ay nailugso nito ang puri at desidido siyang panindigan
ang nagawa. Ngunit, dahil sa mayaman ang ama ng babae at wala siyang kayang
ipagtanggol ang sarili. Siya ay nakulong sa halip na makasal siya sa babae.
Bagamat hindi nagsama ang magkasuyo, ang kanilang pagtatampisaw sa dulot
ng pag-ibig ay nagkaroon ng bunga. Ang babae ay nanganak ng kambal, isang babae
at isang lalaki. Ang lalaki ay si Elias. Bata pa sila ay iminulat sa kanilang patay na ang
kanilang ama. Naniniwala naman sila sapagkat musmos pa lamang ay namatay ang
kanilang ina. Nang magkaroon ng sapat na isip, palibhasay may kaya ang nuno si
Elias ay nag-aral sa mga Heswitas samantalang ang kapatid na babae ay sa Concordia.
Nagmamahalan silang magkapatid at ang pag-igkas ng panahon ay hindi nila
namamalayan. Namatay ang kanilang nuno kayat umuwi silang magkapatid upang
asikasuhin ang kanilang kabuhayan.
Maganda ang kanilang hinaharap, ang kanyang kapatid na babae ay
nakatakdang ikasal sa binatang nagmamahyal sa kanya, ngunit ang kanilang kahapon
ang nagwasak sa kanilang kinabukasan. Dahil sa kanyang salapi at ugaling mapagmataas, isang malayong kamag-anak ang nagpamukha sa kanilang kahapong nagdaan.
At ito ay pinatunayan ng isang matandang utusan nila. Iyon pala ang kanilang ama.
Namatay na naghihinagpis ang kanilang ama dahil sa pag-aakalang siya ang naging
dahilan ng kasawian nilang magkapatid. Pero, bago ito namatay naipagtapat niyang
lahat ang kahapon ng magkakapatid.
Lalong binayo ng matinding kalungkutan ang kapatid ni Elias nang mabalitaan
niyang ikinasal sa iba ang kanyang kasintahan. Isang araw nawala na lamang itot
sukat.Lumipas ang anim na buwan nabalitaan na lamang ni Elias na mayroong isang
bangkay ng babaing natagpuan sa baybayuin ng Calamba na may tarak sa dibdib. Ito
ang kanyang kapatid. Dahil dito siya ay nagpagala-gala sa ibat-ibang lalawigan
bunga ng ibat-ibang pagbibintang tungkol sa kanya na hindi naman niya ginagawa.
Dito natapos ang salaysay ni Elias.

Nagpalitan pa ng ibat-ibang pananaw ang dalawa hanggang sa sabihin ni


Ibarra kay Elias na sabihin niya sa mga sumugo sa kanya na siya (Ibarra) ay tauspusong nakikiisa sa kanilang mga damdaming. Lamang, wala siyang magagawa kundi
ang maghintay pa sapagkat ang sama ay di-nagagamot ng kapwa sama rin. Dagdag pa
rito, sa kasawian ng tao siya man ay matroong kasalanan din. Nang makarating na sila
sa baybayin, nagpaalam na si Ibarra at sinabi kay Elias na siya ay limutin na at huwag
babatiin sa anumang kalagayang siya ay makita nito. Nagtuloy si Elias sa kuta ni
Kapitan Pablo at sinabi sa kapitan na siya kung di rin lamang mamamatay ay tutupad
sa kanyang pangako na aanib sa kanila sa sandaling ipasiya ng pinuno na dumating na
ang oras ng pakikibaka sa mga Kastila.

Kabanata 51 - Mga Pagbabago


Sakmal ng pagkabalisa at di pag-igmik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng
liham mula kay Donya Victorina.
Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin niya ang
alperes subalit sino naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o
si Kapitan Tiyago. Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at pagsisinungaling
sa paghahangad lamang na makapagsamantala. Labis siyang nagpatianod sa kapritso
ng Donya.
Dumating si Pari Salvi at nagmano sa Kapitan Tiyago. Masayang ibinalita niya
ang tungkol sa sulat na padala ng arsobispo tungkol sa pagalis ng excommunion kay
Ibarra kasabay ng kanyang pagpupuring and binata ay kalugod lugod ngunit may
kapusukan ng kauniti. Tanging ang sagabal na lamang sa pagpapatawad ay si Pari
Damaso. Pero anya ay hindi makatanggi kung si Maria ang kakausap sapagkat inaama
niya ang pari. Narinig ni Maria ang usapan at nagtungo ito sa silid kasama si Victoria.

Sa bahaging iyon ng usapan ng pari at Kapitan Tiyago pumasok si Ibarra na


kasama si Tiya Isabael. Binata niya ang kapitan at yumukod naman kay Linares. Si
Pari Salvi ay buong lugod na kumamay kay Ibarra at sinabi nitong katatatapos pa
lamang niyang papurihan ito. Nagpapasalamat ang binata at lumapit kay sinang upang
itanong kung lumapit kay Sinang upang itanong kung galit sa kanya si Maria.
Ipinasasabi raw ni Maria ani Sinang na limutin na siya ng binata ngunit sinabi ni
Ibarra ng gusto niyang makausap ng sarilinan ang kasintahan. Di nagluwat, umalis na

si Ibarra.
Kabanata 52 - Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino
Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong
tuyo at alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na
paanas na naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na
niya ng kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na
minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang unang anino na ito nga ay pumayag na
sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa upang ipagamot.
Siya ang sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura. Binigyang diin naman
ng ikatlong anino na kasama ng lima lulusob sila sa kwartel upang ipakilala sa mga
sibil na kanilang ama ay may mga anak na lalaki. Isa pa, sinabi ng alila ni Ibarra na
sial ay magigng 20 na katao na. Saglit na huminto sa pagaasanan ang mga anino nang
mabanaagan nilang may dumarating na isang anino na namamaybay sa bakod.
Pagdating sa lugar ng tatlo, nagkakilala sila. Ipinaliwanag ng bagong dumating
na anino na sinusubaybayan siya kayat naghiwa-hiwalay na sila at tinagubilinan ang
mga dinatnan ng kinabukasan ng gabi nila tatanggapin ang mga sandata kasabay ng
sigaw na "Mabuhay Don Crisostomo"! ang tatlong anino ay nawala sa likod ng pader.
Ang bagong dating naman ay naghintay sa sulok ng pintuan.
Nang dumating ang ikalawang anino, namasid ito sa kanyang paligid.
Umaambon palibhasa, sumilong ito sa pintuan kayat nagkita sila ng unang sumilong.
Naisipan nilang magsugal at kung sinuman ang manalo sa kanila ay maiiwan upang
makipagsugal sa mga patay. Pumasok sila sa loob nglibingan at sa ibabaw ng punto ay
umumpog magkaharap upang magsugal. Ang mataas sa dalawa ay si Elias at ang may
pilat sa mukha ay si Lucas. Nagsimula na silang magsugal sapagkat sa isang tao
lamang ang nakikipagpagsugal ang mga patay. Natalo si Elias kaya umalis itong hindi
kumikibo. Nilamon siya ng kadiliman.
Nang gabing iyonn dalawang sibil ang naglalakad sa tabi ng simbahan.
Pinaguusapan nila ang tungkol sa paghuli kay Elias sapagkat sinumang makahuli rito
ay hindi mapapalo sa loob ng tatlong buwan. Nakasalubong nila si Lucas at itinanong
kung saan ito pupunta. Sa simbahan ani Lucas upang magpamisa. Pinabayaan nila
sapagkat ayon sa alperes walang pilat si Elias. Ilang saglit lamamg, si Elias mismo
ang nakasalubong ng mga sibil. Dinala siya sa liwanag upang kilalanin. Sinabi ni
Elias na hinahabol niya ang lalaking may pilat sapagkat siyang bumugbog sa kanyang
kapatid. Ang mga sibil ay patakbong nagtungo sa simbahang pinasukan ni Lucas.

Kabanata 53 - Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga


Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa
libingan ng nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiranh ni San
Francisco, may 20 ang nakita niyang kandila na sinindihan. Panaghoy at pahikbi
naman ang narinig ni Ermana sipa kahit na malayo ang kanyang bahay sa libinga. Sa
pulpito, binigyang diin naman ng kura sa kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa
purgartoryo.
Ang usapan ay hindi nakaligtas sa matalas na paningin nina Don Filipo at
Pilosopong Tasyo na ilang araw na ilang araw ngt naghihina. Nasabi ni Don na
tinaggap ng alkade ang kanyang pagbibtiw sa tungkulin. Hindi namn mapakali si
Tandang Asyo sapagkat naniniwala siyang ang pagbibitiw ay hindi nararpat at
napapanahon. Sa panahon ng digmaan, anya, ang puno ay dapat na manatili sa
kanyang tao. Sa pagiisip ni Pilosopong Tasyo. Ayon sa kanya, nag iba ang bayan na di
na katulad noon na may 20 na taon na ang nakalipas. Ang nakaraan ay nagbigay ng
aralin. Namamalas na nag naging bunga ng pagdayo sa Pilipinas ng mga Europeo at
ang pagdayo naman ng mga kabataan sa Europa ay nadadma na rin .
Ang mga kabataang nakapag aral sa Europa ay nagkaroon ng malawak na
kaalaman tungkol sa kaysayan, Matematika, Agham, wika at iba pang uri ng kaalamn
na itutring na enerhiya noong una. Kaya na ng tao na pangasiwaan ang malawak na
daigdig na kanyang ginagalwan at tinatahanan. Sa panitikan, nagsimula na ring
lumitaw ang mga makatang nagpapahayag ng malaya at mga makaagham ng
pagsubok. Hindi na rin kayang sawatain ng kumbento ang paglaganap ng mga
modernong kabihasnan.
Nagkaroon pa ng palitan ng katwiran ang dalawa tungkol sa bayan, sa
relihiyon, sa kahihinatnan ng bayan, ugali ng mga binata at dalaga ang ng mga
naglilingkod sa Simbahan hanggang sa tanungin ni Don Filipo si Tandang Tasyo kung
hindi nangangailangan ng mga gamot sapagkat napansin nitong hinang-hina na sya.
Pero tinugon sya ni Tandang Tasyo na ang mga mamamatay ay hindi na
nangangailangan ng gamot at sa halip ang mga maiiwan ang mangangailangan.
Ipinakiusap din niya sa Don na sabihin kay Ibarra na makipagkita sa kanya sa loob ng
ilang araw sapagkat malapit na siyang yumao. Sa kabila ng karamdaman ni Tandang
Tasyo ang kapakanan ng bayan ang kanyang inaalagata. Matibay ang kanyang
paniniwala ng ang Pilipinas ay tumatahak parin sa karimlan. Hindi nagluwat,
nagpaalam na si Don Filipo.

Kabanata 54 - Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit


ng Parusa
Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong
gustong humalik sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na
pumanhik ito ng bahay at malakas na tinwag ang alperes. Lumabas agad ang alperes
kasunod ang asawang si Donya Consolacion. Bago makapag salita ang kura,
inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng kura na naninira sa kanyang bakod.
Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat. Katunayan, anya ay
mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon. Nalaman ito ng pari,
anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa kanya na
sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na
paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng
apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim
ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin
nito na kanilang mapakanta ang sinumang mahuhuling buhay. Ika-walo ng gabi ang
nakatakdang paglusob, kuna kaya nakini-kinita ng alperes at kura ang pag-ulan ng
kurus at bituin sapagkat ganap silang nakahanda.
Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo
sa tirahan ni Ibarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang
amo nito na kaagad naman itinuro na ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay
Ibarra ipinagtapat niya kaagad ang nakatakdang paglusob at batay sa kanyang
natuklasan. Si Ibarra ang kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog
ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na maiiwasan
na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga
sibil.
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan,
nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra
kung ano ang relasyon nito sa kanya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang
sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa,
ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng matinding
kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si Elias at naisip niyang
gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang ang pagkadimlan ng kaisipan ng biglang
siyang matauhan. Binitiwan niya ang hawak na balaraw at tulirong tumingin ng tuwid
kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng bahay. Nagtaka si Ibarra. Itinuloy ang

pagsunog sa mga mahahaagang papeles at dokumento.


Kabanata 55 - Ang Pagkakagulo
Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain.
Kaya niyaya niya ang kaibigan ni Sinangsa piyano. Nagbulungan silang dalawa
habang palakad lakad si Pari Salvi sa loob ng bulwagan. Hindi mapakali si si Maria sa
paghihintay nilang magkaibigan ang pagdating ni Ibarra. Kasalukuyan kumakain noon
ang argos na si :Linares at isinadasal nilang umalais na ang "multong" si Pari Salvi.
Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng gabi ang
nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo
sa isang sulok ang pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin.
Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang magdasal. Sya namang
pagpasok ni Ibarra na luksang luksa ang suot. Tinangkang lapitan ni Maria ang
kasintahan ngunit biglang umalingawngaw na lamang ang sunod sunod na putok.
Napapatda si Ibara, hindi makapagsalita. Ang Kura naman ay nagtago sa likod ng
haligi. Ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiyago ay nakakarinig ng puro putokan,
sigawan at pinagbuhan sa may kumbento. At mga nagsisikain na kumedor ay biglang
pumasok at panay na tulisantulisanSi Tiya Isabal ay panay ang dasal
samantalang ang magkaibigan ang nagyakapan. Si Ibarra ay walang tinag sa
kinatatayuan. Nagpatuloy ang putukan atsilbatuhan kasabay ng pagsasara ng mga
pintuan at bintana ng biglaan.
Nang mawala ang putukan, pinapanaog ng alperes ang kura. Inakala ng mga
nasa bahay na nasugatan ng malubha sa pari Salvi. Tiniyak ng alperes na wala ng
panganib kaya lumabas na sa pinagtataguan ang kura, nanaog ito. Si Ibara ay nanaog
din. Pinasok naman ni Tiya Isabel ang magkaibigan sa silid. Hindi nagkausap si Ibarra
at Maria, basta nagpatuloy nalamang sa paglakad ng binata, mabilis. Napadaan siya sa
hanay ng mga sibil na naka bayoneta pa. Sa may bandang tribunal, nangingibabaw
ang tinig ng alperes sa pagtatagubilin sa kapitan na wag niyang pabayaan makatakas
ang mga nahuling lumusob.
Pagdating ni Ibarra sa bahay, kaagad na inutusan ni Ibarra ang kanyang
katulong na ihanda ang kanyang kabayo. Tumuloy siya sa gabinete at isinilid nya ang
kanyang maleta ang mga hiyas, salapi, ilang mga kasukatan at larawan ni Maria.
Nagsukbit siya ng isang balaraw at dalawang rebolber. Ngunit aalis na lamang siya
nakarinig sya ng malaks na pagputok sa pintuan. Tinig ng isang kawal na kastila.
Lalaban sana siya ngunit nagbago ang kanyang isip. Binitawan niya ang kanyang baril
at binuksan ang pinto. Dinakit siya ng Sarhento ng mga dumating na kawal. Isinama.

Sa kabilang dako, gulong gulo ang isip ni Elias ng pumasok siya sa bahay ni
Ibarra. Para siyang sinusurot sa sariling budhi. Naalalala niya ang sinapit ng kanyang
angkan, ang kanyang nuno, si Balat, kapatid na babae at ang kanyang ama. Waring
ang lahat ay tinatawag siyang duwag isang duwag. Labis na pangingipospos ang
kanyang damdmin. Hanggang sa maisip niyang balikan ang bahay ni Ibarra. Dinatnan
niya ang mga katulong ni Ibarra na hilong naghihintay sa kanilang amo. Nang
malaman niya ang nangyari kay Ibarra, nagkunwari itong umalis. Pero lumigid
lamang saka umakyat sa bintana na patungo sa gabinete. Nakita niya ang mga
kasulatan, mga aklat, alahas at baril. Dinampot niya ang baril at ang iba naman ay
isinilid niya sa sako at inihulog sa bintana. Nakita niyang dumating ang mga sibil.
Kinuha ni Elias ang larawan ni Maria at isinilid ito sa isang supot. Nagipon siya ng
mga damit at papel, Binuhusan niya ito nga mga gas at saka sinilaban.
Ang mga kawal ay nagpupumilit namang pumasok. Sinabihan sila ng
matandang katulong ng walang pahintolot sa may-ari, kaya hindi maa-ari silang
pumasok. Naalaska ng husto ang directocillo, sa isang hudyat niya tinabig ng kawal
ang matanda at mabilis silang pumanik. Pero sinalubong sila ng makapal na usok at
ang apoy na nakarating na sa gabinete. Biglang nagkaroon ng bmalalakas na
pagsabog. Mabilis pa sa lintik na umatras at nanaog ng bahay ang mga kawal kasama
ang mga katulong ni Ibarra.

Kabanata 56 - Ang mga Sabi at Kuro-kuro


Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San
Diego. Ni isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na
tahimik ang buong paligid. Pamaya-maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas
ng bintana at inilibot ang paningin. Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba
na magbbukas ng bintana. Ang mga magkakapit-bahay ay nagbalitaan. Lubhang
kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad noong mandambong si Balat. Sa kanilang
pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang sumalakay. Ipinapalagay naman ng
iba na ang mga kuwadrilyero raw kaya dinakip si Ibarra. Ang mga lalaki ay nagpunta
naman sa kuwartel at sa may tribunal. Lumitaw pa sa usapan ng mga tao na tinangka
raw ni Ibarra na itanan ang kasintahang si Maria upang hindi matuloy ang pakikipagisang dibdib niya kay Linares. Kaya lang sinansala ni Kapitan Tiyago ang kanilang
pagtatanan sa tulong ng mga sibil.
Samantala, nakausap ni Hermana Pute ang isang lalaking kagagaling lamang sa
tribunal. Sinabi nitong nagtapat na si Bruno. Pinatunayan nito ang balita tungkol sa

magkasintahang sina Ibarra at Maria. Sa ngitngit daw ni Ibarra, pati simbahay nais
niyang paghigantihan, mabuti na lamang at nasa bahay ni Kapitan Tiyago si Pari
Salvi. Ang mga sibil daw ang sumunog sa bahay ng binata. May isang utusang babae
naman ang nagpahayag na nakita niyang nakabitin sa ilalim ng puno ng santol si
Lucas.

Kabanata 57 - Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig


Balisa ang mga sibil na nasa kwartel. Panay ang kanilang pagbabanta sa mga
batang sumisilip sa puwang ng mga rehas upang tingnan ang mga nadakip. Naroroon
ang alperes, direktorsillo, Donya Consolation at nag kapitan na halatang malungkot.
Bago mag-ikasiyam dumating ang kura at wala sa loob na naitanong niya sa alperes
sina Ibarra at Don Filipo. Kasunod niya ang isang parag batang umiiyak at duguan
ang salawal. Hinarap sa kura ang dalawang tanging buhay na nabihag ng mga sibil.
Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung
kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalaymalay si Ibarra sapagkat ang ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang
pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil dito, iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa
limang bangkay, ito ay umiling. Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa
tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali pang Lubid
sa leeg. Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong
sa kanya. Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo
hanggang sa magdugo ang buong katawan nito.
Hindi maoakanta si Tarsilo, kaya ito ay ibinalik sa bulwagan. Nadatnan niya
ang
isang bilanggo ring nagpapalahaw sa iyak at tumatawag sa mga santo. Ipinasino kay
Tarsilo ang dinatnan. Sinabi niyang nuong lamang niyua nakita. Dahil dito, muli
siyang pinalo hanggang sa mabalot ng dugo ang buong katawan. Hindi nakayanan ng
kura ang gayong tanawin kaya lumabas siya sa bulwagan na namumutla. Nakita ng
kura ang isang dalagang parang nagbibilang ng mga naririnnig sa loob ng tribunal,
humahalinghing at nanananghoy ng malakas. Ang babaing ito ay ang kapatid na
dalaga nina Bruno at Tarsilo. Samantala, nang di mapansin si Tarsilo, lalong
nagngitngit ang alperes. Binulungan pa siya ni Donya Consolacion na lalong
pahirapan ang binata. Pero, hiningi na lamang ni Tarsilo na madaliin ang kanyang
kamatayan. Walang makuhang anumang impormasyon at di mapaamin si Tarsilo kaya
ito ay itinimba sa isang balong nakakabaligtad ng sikmura ang tubig at amoy. Kung

ilang bese ibinulusok ang katawan ni Tarsilo sa balon. Hindi niya natagalan ang
pagpapahirap hanggang sa takasan siya ng hininga sa gayong uri ng kalupitan. Nang
matiyak na patay na si Tarsilo ang binalingan naman ay ang isa pang bilanggo.
Ang pangalan diumano ng bilanggong ito ay Andong luko-luko at kaya
napapunta sa patyo ay upang magbawass sapagkat pinapakain ng bulok ng biyenan
nito. Inaantok ang alperes sa naging sagot ng bilanggo, kaya iniutos itong ipasok na
muli sa karsel.
Kabanata 58 - Ang Sinumpa
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Sila ay pabalik-balik sa kumbento,
kuwartel at tribunal. Ngunit, hindi sila makapagtamo ng luna sa kanilang mga inilalakad.
Palibhahsa wala silang kilalang malakas at makakapitan na makakatulong upang palayain ang
kanilang kaanak na bilanggo. May sakit ang kura at ayaw na lumabas ng kanyang silid at ayaw
daw itong makipag-usap kahit kanino. Ang alperes naman ay nagdagdag ng mga bantay upang
kulahatin ang mga babaingh nagsusumamo sa kanaya. Ang kapitan naman ay lalong nawalan ng
silbi.
Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Palakad-lakad
umiiyak ang mag-ina ni Don Filipo. Inusal-usal naman ni Kapitana Tinay ang pangalan ng
kanyang anak na si Antonio. Si Kapitana Maria naman ay pasilip-silip sa rehas upang tignan ang
kambal niyang anak. Ang biyenan ni Andong ay nanduroon din at walang gatol na ipinagsasabio
na kaya raw hinuli si Andong ng mga sibil ay dahil sa bago nitong salawal. Amy isang babae
naman ang halos mangiyak-ngiyak na nagsabing si Ibarra ang may pakana at kasalanan ng lahat.
Ang suro ng paaralan ay kasama-sama rin ng mga tao. Samantalang si Nol Juan ay nakaluksa na
sapagkat ipinalagay niyang wala ng kaligtasan si Ibarra.
Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang baka. Tinangka
ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton.
Pero, ipinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa
paglakad ng kanilang ka-anak ng bilanggo.
Pamaya-maya, lumabas ang may 20 kawal at pinaligiran ng kariton. Ang sinunod na
ilaban ay mga bilanggo sa pangunguna ni Don Filipo na nakuha pang batiin ng naka ngiti ang
kanyang asawang si Doray ng yakapin ang asawa, pero hinadlangan siya ng dalawang sibil.
Nang makita naman si Antonio ng inang si Kapitana Tinay binirahan ito ng katakot takot na
hagulgol. Si Andong ay napaiyak din ng makita ang biyenan na may pasari ng kanyang
pagkakakulong. Katulad ng kambal na anak ni Kapitana Maria, and seminaristang si Albano ay
naka gapos na mabuti. Ang huling lumabas ay si Ibarra na walang gapos ngunit nasa pagitan ng
dalawang kawal. Ang namumutlang si Ibarra ay pasuyod na tinignan ng mga maraming tao at
naghahanap ng isang mukhang kaibigan.

Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino pa ang may
sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal
ng abot-siko. Kahit na walang utos ang kanilang mga pinuno ang mga sibil sumunod sin sila sa
utos ng binata. Ang alperes ay lumabas na naka-kabayo at batbat ng sandata ang katawan.
Kasunod ay may 15 ng kawal na umaalalay sa kanya.
Sa kalipunan ng mga bilanggo, tanging kay Ibarra lamang na walang tumatawag sa
kanyang pangalan sa halip siya ang binubuntunan ng sis at tinwag na siyang duwag. Pati ang
kanyang mga nuno at magulang ay isinumpa ng mga tao hanggang siya ay tinawag ng erehe ng
dapat mabitay. Kasunod nito ay pinagbabato si Ibarra. Naalala niya ang kwento ni Elias tungkol
sa babaeng nakakita ng ulong nasa bakol at nakabitin sa punongkahoy. Ang kasay sayan ng
piloto ay parang biglang naglaro sa kanyang pangitain.
Waring walang ibig dumamay kay Ibarra. Pati si Sinang ay pinagbawalan umiyak ni
Kapitan Basilio. Kahit na nasa gipit at abang kalagayan ang binata. Walang naawa sa kanya.
Doon nya nadama ng husto ang mawalan ng inang bayan, pag-ibig, tahanan kaibigan at
magandang kinabuhasan.
Mula sa isang mataas na lugar, maamang nagmamasid si Pilosopong Tasyo na pagod na
pagod at naka balabal ng makapal na kumot. Sundan nya ng tingin a ng papalaong kariton na
sinakyan ng bilanggo. Ilang sandali pa ipinasiya na niyang umuwi. Kinabukasan, nagisnan ng
isang pastol patay na si Tasyo sa may ointuan ng kanyang bahay.

Kabanata 59 - Pag-ibig sa Bayan


Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating at napalathala sa mga
diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa kumbento. Iab-iba ang estilo ng mga
balitang lumaganap. At ang pang-unawa sa mga ito ay batay sa talas ng isip, kuro-kuro,
damdamin at paniniwala. Ang mga tauhan ng kumbento ay higit na naliligalig. Ang mga
provincial ay palihim na nagdadalawan at gumagawa ng mga pagpapanayam hinggil sa nangyari.
Ang ilan naman ay nagpunta sa palasyo at naghahandog ng tulong sa pamahalaang nasa
panganib. Nabanggit pa nga na na maging ang munting heneral o generalillo daw MAGAGUERO ay napagkuro ang kahalagahan ng korporasyon. Samantala, ipinagbubunyi naman si
Pari Salvi at sinabing ito ay karapat-dapat na bigyan ng isang mitra.
Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang mga nag-aaral daw sa mga
heswita sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero. Sa isang bahay naman sa Tundo, hindi
mapakali si Kapitan Tinong dahil minsan ito ay nagpakita ito ng kagandahang loob kay Ibarra.
Kaya panay ang sisi sa kanya ng asawang si kapitana Tinchang. Ang kanilang dalawang anak na
dalaga ay sa isang tabi lamang at di umiimik. Nasabi pa ni Tinchang na kung siya ay naging
lalaki lamang, disin sana ay haharap siya sa Kapitan-Heneral at ihahandog nito ang kanyang
paglilingkod laban sa mga manghihimagsik.
Malapit ng mabanas ng husto si Tinong sa kakulitan ng asawa nang dumating ang
kanilang pinsan si Don Primitivo. Ito ay isng lalaking may edad at mahilig magsasalita ng Latin.

Siya ay ipinasundo ni Tinchang upang hingan ng payo sapagkat marunong itong mangatwiran.
Kaagad na nag-umpisa ng pagsasalita si Tinchang pagkakita sa pinsa. Ayon sa kanya, pinakain ni
Tinong si Ibarra sa kanilang bahay at niyukuran pa niya ito nang makita sa may tulay ng Espanya
sa gitna ng maraming tao at sinabing sila magkaibigan.
Sinabi ni Don Primitivo na dapat napakilala si Tinong kay Ibarra pagkat ang mga
mabubuti raw ay napaparusahan dahil sa mga masasama. Kayat walang ibang nalalabing paraan
kundi ang gumawa ng huling habilin si Tinong. Nawalan ng malay ng di oras si Tinong dahil sa
payo. Nang bumalik ang kanyang ulirat, dalawang payo ang ibinigay ni Don Primitivo: (1)
magbigay sila ng regalo sa heneral ng kahit anong alahas at idahilan na ito ay pamasko at (2)
sunuging lahat ng mga kasilulatan na maaaring makapagpahamak kay Tinong, na katulad ng
ginawang pagsunong ni Ibarra sa kanyang mga kasulatan.
Boto silang lahat sa payo.
Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga
asawa at mga anak ng kawani ang tema ng kanilang pag-uusap ay ang tungkol din sa naganap na
pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking komang galit na galit daw ang heneral kay Ibarra sapagkat
naging napakabuti pa nito sa binata. Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang na
loob ang mga indiyo kayat di dapat silang ituring na mga tunay na tao. Kahit na araw ang
itatayong paaralan ay isang pakana lamang sapagkat ang tunay na layunin ni Ibarra ay gawin
lamang itong kuta na gagamitin niya sa kanyang pansariling pangangailangan. Sumabad naman
ang isa pang babae at ipinaliwanag na is Tinchang daw ay nagregalo ng isang singsing na puno
ng brilyante sa heneral. Napalingon ang lalaking komang at tiniyak kung totoo ang balita.
Nagdahilan ang pingkok at nanaog na ng bahay.
Ilang oras pa ang nakalipas, ang ilang mag-anak sa Tundo ay tumanggap ng mga
paanyaya ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga kawal. Ang imbitasyon ay tungkol sa pagtulog
ng ilang mayayaman at tanyag na tao sa Fuerza de Santiago na may bantay pa. Si Kapitan Tinong
ay kasama sa mga inimbita.

Kabanata 60 - Ikakasal na si Maria Clara


Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong man lamang.
Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa. Dahil dito, siya ay nagpamisa sa Mahal
na Birhen sa Antipolo, Birhen del Rosario at sa Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si
Kapitan Tiyago ng pamahalaan, masamang kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong.
Tulad ng karamihan siya ay inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kanya ang
paglalakbay sa ibat-ibang tanggapan nito sapagkat ng siya ay lumabas. Siya ay may sakit,
putlain, namamanas at di palaimik. Hindi na rin siya bumaba ng bahay, dahil nangangamba itong
baka batiin siya ng isang pilibustero. Alam ni Tiyago ang ganitong sinapit ni Tinong.
Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de Espadaa na kapwa
itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung

babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagamat namumutla at
mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa
pagpapakasal nina Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago. Sinabihan niya
si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang
dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siyay
maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang
tagapayo ng Kapitan Heneral, kayat inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.
Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago ay puno ng mga bisitang kastila at intsik.
Nangunguna sa mga ito si Pari Salvi, Pari Sibyla, ilang pransiskano at dominikano, ang alperes
na ngayon ay tinyente at may grado ng komandante, ang mag-asawang de Espadaa, si Linares
na nagpatihuli ng dating at si tenyente Guevarra ng mga sibil.
Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na kahit malungkot siya ay magalang
na tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang babae na maganda nga raw si Maria, pero ito raw
ay tanga naman. Kayamanan lang daw habol ni Linares. Sinabi rin na marunong daw siya sa
buhay sapagkat kaya siya ikakasal dahil bibitayin ang unang katipan ni Ibarra. Sa narinig ni
Maria lalo siyang nasaktan at naghirap ang kalooban. Iniwan niya ang mga babaing nag-uusap.
Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang kura ay lilipat na ng
Maynila samantalang di tiyak ng alperes kung saan ito madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na
hindi mabibitay si Ibarra na katulad ng mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito ay
ipatatapon lamang. Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng binata at pagkaraan ay binati niya
si Maria. Ito raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan. At nagpaalam na ang tinyente.
Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may sadsaran ng
bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka at may lulan itong dalawang
lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at pinanhik siya, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni
Elias. Dumaan lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng laya ang
kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang tunay na kasaysayan at
pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa kanyang
inang namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig kundi
si Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Matagal.
Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at
yumukod kay Maria. Sumagwang papalayo sa lumuluhang si Maria.

Kabanata 61 - Ang Barilan sa Lawa


Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa bahay
ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa may puno ng balite sa
libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa

ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan
sa Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na
lang sila ni Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang magkapatid. Pero,
tumanggi si Elias.
Nang mapadaan sila sa tapat ng palasyo, napansin nilang nagkakagulo ang mga bantay.
Pinadapang mabuti ni Elias si Ibarra at tinakpan ng maraming damo. Nang mapadaan sila sa
tapat na polvorista, silay pinatigil at tinanong ng bantay si Elias kung saan ito nanggaling.
Ipinaliwanag ni Elias na siyay galing ng Maynila at rarasyunan niya ng damo ang hukom at ang
kura. Kumbinsido ang bantay sa paliwanag ni Elias kaya ipinatuloy niya ito sa pagsasagwan at
pinagbilinan na huwag magpapasakay sa bangka sapagkat katatakas pa lamang ng isang
bilanggo. Kung mahuhuli raw ito ni Elias, siya ay bibigyan ng gantimpala. Inilarawan ng bantay
ang bilanggong tinutukoy ay nakalebita at mahusay magsalita ng Kastila. Nagpatuloy sa
pagsasagwan si Elias. Lumihis sila ng landas. Pumasok sila sa may ilog-Beatang inawit ni
Balagtas upang akalaing siya ay taga-Peafrancia.
Itinapon ni Elias ang mga damo sa pampang, kinuha ang isang mahabang kawayan at
ilang bayong at sumige sa pagsagwan. Nagkuwentuhan muli sina Elias at Ibarra. Nakalabas na
sila sa ilog-Pasig
At nakarating sa may Sta. Ana. Napadaan sila sa tapat ng bahay-bakasyunan ng mga
heswitas kaya hindi maiwasang manariwa sa isip ni Elias ang masasayang araw na tinamasa
niya, may magulang, kapatid at maganddang kinabukasan. Namuhay nang masagana at
mapayapa. Sumapit sila sa malapad na bato at nang makitang inaantok na bantay na wala siyang
kasama at mahihingi, pinaraan niya si Elias.
Umaga na ang sapitin nila ang lawa. Pero sa di-kalayuan nabanaagan nila ang isang
palwa ng mga sibil na papalapit sa kanila. Pinahiga ni Elias si Ibarra at tinakpan niya ito ng
bayong. Nahalata ni Elias na hinahadlangan sila sa baybayin. Kaya sumagwan itong patungo sa
may Binangonan, ngunit nagbago rin ng direksyon ang palwa. Tinawag sila. Inisip ni Elias na
magbalik sa bunganga ng Ilog-Pasig. Nakuro ni Elias na napagtatalikupan sila at walang
kalaban-laban. Isa pa wala silang dala ni isa mang sandata. Mabilis na naghubad ng damit si
Elias. Sinabi niya kay Ibarra na magkita na lamang sila sa noche buena sa libingan ng nuno ni
Ibarra. Tumayo si Elias at tumalon sabay sikad sa bangka.
Ang atensyon ng mga sibil sa palwa at nakasakay sa bangka ay natuon kay Elias.
Pinaulanan nila ng punglo ang lugar na pinagtalunan nito. Kapag lumilitaw si Elias
pinapuputukan ito. Nang may 50 dipa na lamang ang layo ni Elias sa may pampang, nahapo na
ang humahabol sa kanya sa kasasagwan . Makalipas ang tatlong oras ay umalis na ang mga sibil
sapagkat napansin nilang may bahid ng dugo sa tubig ng baybayin ng pampang.

Kabanata 62 - Ang Pagtatapat ni Padre Damaso

Umaga, hindi pansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag.
Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod
ni Ibarra. Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang Diyaryo. Pamaya-maya dumating si Pari
Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at
pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang
sinumang lalaking kanyang pakakasalan. Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kanya,
ang kamatayan o ang kumbento.
Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni Maria ang kanyang sinabi, kaya
humingi ito ng tawad sa kanya. Napahagulgol pa ito ng malakas habang binibigyan diin niya ang
walang kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na pumasok sa
kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan. Umalis si Pari Damaso na sakbibi ng
lumbay. Tumingala ito sa lagit at pabulong na sinabing totoo ngang may Diyos na nagpaparusa.
Hiniling niya sa Diyos na siya ang parusahan at huwag ang walang malay niyang anak na
nangangailangan ng kanyang pagkalinga. Damdam na damdam ng pari ang kasiphayuang
dinaranas ni Maria.