You are on page 1of 11

CHRONICLES OF NARNIA: The Witch, The Lion and The

Wardrobe
I. Panimula
Uri nang panitikan
Narnia, isang kuwentong fiction, Childrens fantasy novel at Christian literature na isinulat nang isang batika
at kilalang manunulat, broadcaster, Christian apologist, lay theologian British na si Clive Staples Lewis o
mas kilala sa tawag na C.S. Lewis o Jack Lewis. Ito ay may anim na panunuran ngunit ang Narnia: The
Witch, The Lion and The Wardrobe ay ang unang libro ni C.S. Lewis sa seryeng Narnia. Pinalabas ito sa
pinilakang tabing noong 2005 sa direksyon ni Andrew Adamson. Tinatayang $1.5 bilyon ang kinita nang
pelikula at tinatayang humigit kumulang na 100 milyong kopya nang libro ang naibenta worldwide , kaya isa
ito sa tinaguriang best selling series in history at ito'y isinalin sa 41 lengguwahe.

Bansang Pinagmulan
Ang librong Chronicles of Narnia: The Witch, The Lion and The Wardrobe ni C.S. Lewis ay ginawa
sa kasagsagan nang World War II sa London (Britanya). Itoy isang librong katangi-tangi sapagkat ginawa
(London, Britanya) sa panahon nang kaguluhan ngunit naging isa paring napakaganda at walang bahid nang
kalungkutan ang mga teksto nang istorya. Naging malaking bahagi rin ang mga nangyayari sa kapaligiran at
estado nang Britanya sa kuwento.

Pagkikilala sa may akda


Isang simpleng buhay lamang ang kinagisnan ni C.S. sa Belfast, Ireland kasama ang kanyang

nakakatandang kapatid na si Warren Hamilton Lewis, amang si Albert James Lewis, isang solicitor at ang
may bahay nito na si Florence Augusta Lewis, ipinanganak siya noong Nobyembre 29, 1898. Ang batang si
C.S. ay mahilig sa anthropomorphic animals, kung kaya noong namatay ang kanyang asong si Jacksie
inihayag niyang simula sa araw na iyon ang kanyang pangalan ay Jacksie. Ang payapa't maligaya niyang
kabataan ay nagwakas simula noong namatay ang kanyang ina dahil sa kanser. Sa pagkawala nang kanya ng
ina, ayaw at sa gusto niya man silang dalawa nang kanyanag kapatid ay pumunta sa Englatera upang doon na
mag aral. Ayaw na ayaw niya roon sapagkat napakastrikto nang mga patakaran sa mga , eskwelahan roon.
Nang siya'y nagkolehiyo sa University College mas pinili niyang maging isang volunteered active duty sa
British Army, ito'y isang sandatahan na nakikipaglaban sa mga Nazis ngunit siyay pinauwi sapagkat sa
labanan ay natamaan siya nang shrapnel. . Nang natapos ang giyera ay nagpatuloy siya sa pag-aaral at

CHRONICLES OF NARNIA: The Witch, The Lion and The


Wardrobe

British Army, ito'y isang sandatahan na nakikipaglaban sa mga Nazis ngunit siyay pinauwi sapagkat sa
labanan ay natamaan siya nang shrapnel. . Nang natapos ang giyera ay nagpatuloy siya sa pag-aaral at
nakapagtapos bilang first-class honors sa Greek and Latin Literature, Philosophy and Ancient History, at
English Literature sa Oxford University. Noong 1919, nagsimula na siyang magturo sa Magdalene College at
noong 1925 iginawaran siya nang gantimpala dahil sa pagiging isang magaling na guro niya. Sumali rin siya
sa grupong The Inklings kung saan marami siyang ibinahaging Christian beliefs mapa logical man o pang
pilosopiya. Noong 1926, nailathala ang kanyang pinakaunang libro na Dymer. At siyay nagpatuloy pa sa
kanyang propesyon na manunulat hanggang noong 1950 ay naisulat niya ang librong Narnia:The Lion, The
Witch and The Wardrobe na kung saan ito ang librong nagbigay sa kanya sa rurok. Siyay nagging teacher sa
University of Cambridge at doon niya nakilala ang kanyang asawa na isang American English Teacher- Joy
Gresham. Naging maganda ang buhay may asawa ngunit namatay ang kanyang asawa sa cancer noong 1960
kaya nasulat niya ang librong A Grief Observed. Noong 1963, 3 taon pagkatapos mamatay ang kanyang
nagresign siya sa Cambridge dahil sa kanyang sakit sa puso. Noong Nobyembre 22, 1963 natapos na ang
pahina nang kanyang kuwento ang pahina nang kanyang buhay.

Layunin nang may-akda


C.S. Lewis, isang kilalang manunulat at apologist , ngunit mas kilala natin magpahanggang ngayon

bilang maykatha sa pitong librong tungkol patungkol sa Chronicles of Narnia. Nang isinulat ni C.S. ang
tungkol sa lupain nang Narnia , isang mundong kathang isip lamang ngunit pinapangarap nang lahat nang
bata sa mundo na mapuntahan panaginip man o sa katotohanan, dalawa lamang ang kanyang naging layunin:
libangin ang mga mambabasa at imungkahi ang analohiya sa likod nang Kristiyanong pananampalataya. Si
C.S. ay isa sa mga manunulat na naging matagumpay na gamitin ang librong bungang isip upang buksan ang
pananampalataya natin kay Hesus Kristo. Maraming mga Biblikal na simbolo ang naging bahagi nang mga
pangyayari sa Narnia. Maaring sa isang basa mo lang ay para lang itong isang simpleng librong bungang isip
ngunit kung ating himay-himayin maari itong magbigay nang kakaibang kahulugang pang-espirituwalidad.

CHRONICLES OF NARNIA: The Witch, The Lion and The


Wardrobe
II. Pagsusuring Pangnilalaman
Tema o Paksa
Kung ating titignan ang librong ito ay simple lamang, simpleng librong pambata ngunit kung ating
susuriing mabuti ang simpleng librong pambata na ito ay naglalaman pala nangkatangi-tanging aral, mga aral
nang Diyos pati narin sa kasaysayan. Ito ay nahahati sa apat na tema.
Mabuti laban sa Masama
Lahat nang istorya ay puno nang mga misteryo at mga kapana-panabik at di-inaasahang pangyayari
tulad na lamang nang paglalakbay patungo sa lugar na kung tawagin ay Narnia. Ang Narnia bilang isang
misteryoso at kaakit-akit na lugar ay may natatanging kagandahan ngunit ang kagandahang ito ay unti-unti
nang naglalaho nang dahil kay Jadis, kinikilala niya ang kanyang sarili bilang reyna nang Narnia. Ang laban
nang Narnians ay naging laban rin nang magkakapatid na Pevensie. Ito ay ang labanan nang kasamaan at
kabutihan na kung saan ang kabutihan parin ang nanaig.
Ang Pagpapatawad
Ang librong Narnia ay hindi lamang nang aaliw nang mga mambabasa kundi nagtuturo rin ito kung
paano magpatawad sa isang taong nagging isang taksil. Ang ginawang kadakilaan ni Aslan na mas binigyan
niya nang pansin ang tibok nang kanyang puso kaysa sa tinig nang kanyang isip ay nagbigay sa kanila nang
rason kung bakit ito ang nagging hari nang Narnia. Pinakinggan nito ang kanyang puso na dapat niya paring
patawarin si Edmund kahit na itoy nagkasala (pagtataksil),ngunit kahit ganoon ay hindi parin niya ito
pinapatawad nang lubusan sapagkat ang pagtataksil nito sa kanyang mga kapatid ay para naring isang itim na
dugong tumatarak sa puso at humalo sa isip pati na sa katawan. Ngunit isang pangyayari ang nagbigay daan
upang itoy kanyang mapatawad. Inialay niya ang kanyang buhay parakay Edmund nang sa kamay na ito ni
kamatayan sa pamamagitan nito lahat nang kasalanan ni Edmund ay nawala at sinabi niya na pwede na itong
magsimula muli bilang may malinis na kaluluwa.
Ang Pagtataksil
Kilala si Edmund bilang King Edmund the Just,ngunit bakit siya ang pinili na maging isang hukom
at mas magaling pa na hukom kaysa sa kanyang kapatid na si Peter na kahit kailan ay hindi nagging taksil?
Kahit na si Edmund ay isang taksil dahil nakipag-anib siya kay Jadis, isa parin siyang tao na may mabait na
puso. Ang naging mga karanasan niya ay ang naging daan upang mas maintindihan niya ang galaw nang utak
nang mga taong lumalabag sa mga utos.

CHRONICLES OF NARNIA: The Witch, The Lion and The


Wardrobe
Espiritualidad
Ang mga libro ay may ibat-ibang katangian ngunit ang Narnia ay isa sa mga librong may kakaibang
katangian, hindi lang ito pang bata ngunit pwede ring pangmatanda. Si C.S. bilang isang lay theologian at
apologist ay ginamitang kanyang talento sa pagsusulat at gumawa nang isang libro na nagging instrument
upang ipahayag ang mga mensahe nang banal na aklat , ang bibliya.

Mga Tauhan at Karakter


Katulad lamang nang ibang libro at kuwento mayroon ring mga magagaling na mga tauhan at karakter
ang Chronicles of Narnia: The Witch, The Lion and The Wardrobe na siyang nagsabuhay sa kaisipan nang
kuwento.
Georgie Henley bilang Lucy Pevensie
Lucy Pevensie (nasa kaliwa), ang tinagurian na Queen Lucy the Valiant ng mga Narnians. Sa di inaasahang
pagkakataon, siya ang pinakaunang nakadiskubre nang Narnia nang dahil sa Magic Wardrobe.
Anna Popplewell bilang Susan Pevensie
Susan Pevensie (nasa kanan), ang pangalawang nakakatandang kapatid nina Lucy at Edmund. Sa simula
palang di siya naniniwala sa Narnia hanggang sa nakita niya ito. Naging kilala rin siya bilang Queen Susan
the Gentle nang mga Narnians
Skandar Kaynes bilang Edmund Pevensie
Edmund Pevensie (nasa kaliwa), ang pangatlo sa apat na magkakapatid na Pevensie kilala bilang King
Edmund the Just nang mga Narnians. Sa lahat nang magkakapatid siya ang pinakamakulit at tuso, kaya nang
napadpad siya sa Narnia naakit siya sa pabuya nang White Witch (Turkish Delight) at napasailalim sa mahika
nito.
William Moseley bilang Peter Pevensie
Peter Pevensie o mas kilala bilang King Peter the Magnificent ay ang pinakamatanda sa magkakapatid na
Pevensie. Hinirang na tagapagligtas nang mga Narnians dahil sila mismo ni Edmund ang nakapatay kay Jadis

CHRONICLES OF NARNIA: The Witch, The Lion and The


Wardrobe
James McAvoy bilang Mr. Tumnus
Si Mr. Tumnus ay isang taong kalahating kambing na nooy nasa panig ni Jadis ngunit mas piniling sumama
sa pangkat niAslan. Naging magkaibigan rin sila ni Lucy.
Jim Broadbent bilang Professor Digory Kirke
Si Professor Digory ay isang mabait na matandang ginoo, na kung saan pinatuloy niya ang magkakapatid na
Pevensie sa kanyang bahay sa panahon nang giyera. Siya rin lamang ang taong naniniwala kay Lucy nang
may sinabi ito ang tungkol sa Narnia.
Liam Neeson bilang Aslan
Si Aslan ay isang leyon , ang tutuong hari nang Narnia. Sinakripisyo niya ang kanyang buhay para kay
Edmund, ngunit muling nabuhay upang tulungan ang mga Narnians at ang magkakapatid na Pevensie na
masugpo ang karahasan nang White Witch.

Tagpuan at Panahon
Ang Narnia ay isang librong makasaysayan sapagkat puno ito nang-aral mapa siyensya man o
biblical. Napakalaking bahagi nang tagpuan at panahon sa kuwento lalong-lalong na sa tanong na, kalian
kaya ito isinulat?
Ang Chronicles of Narnia: The Witch, The Lion and The Wardrobe ay nilikha noong kasagsagan nang
World War II sa London, Englatera. Ang mga Pevensie ay pagsamantalang nanirahan sa isang matandang
may mabait na puso na si Professor Kirke habang nagkakagulo pa nang dahil sa giyera. Nang sila ay
naninirahan pa sa Professor na diskubre ni Lucy ang kamangha-manghang lugar nang Narnia sa disinasadyang pagkakataon.

Balangkas nang Pangyayari

Hindi lamang sapat na malaman natin ang mga bumubuo sa kuwentong tumatak sa madla at sa
pinilakang tabing, " Chronicles of Narnia: The Witch, The Lion and the Wardrobe " dapat din natin malaman
ang mga pangyayaring naging dahilan kung bakit naging isa ito sa mga Award Winning Movie at Best
Selling Book.

CHRONICLES OF NARNIA: The Witch, The Lion and The


Wardrobe
Kulturang Sumasalamin sa May-akda
Hindi lamang puro pampapaaliw nang mga bata at mga kathaang isip na mga nilalang, lugar at
pangyayari ang nilalaman nito, naglalaman rin ito nang kwento nang sinaunang kasaysayan (Bibliya at
World War II) . Naglalaman rin ito nang mga isyung panlipunan na tinatamasa natin ngayon.
Kapahamakan sa Gluttony
Ayon sa mga kritiko ang 7 panunuran nang Narnia ay maaring ang simbolo nang Seven Deadly Sins
ngunit mas tinututukan nito ang isyu sa Gluttony. Nagsimula ito nang inakit ni Jadis si Edmund nang
kanyang mga ari-arian at nang kanayang kapangyarihan. Ngunit sa lahat nang ito tanging ang Turkish Delight
ang kanyang kinahumalingan at kinabaliwan. Maari rin natin itong ihambing sa mansanas na kinain nina
Adam at Eve na isang malaking kasalanan at nilabag nila ang batas nang Diyos.
Pagbabalik
Napakalaking sakripisyo ang ginawa ni Aslan upang maligtas lamang si Edmund sa bingit nang
kamatayan. Maari rin natin itong maihalintulad sa pagsasakripisyo nang Diyos at ni Hesus Kristo. Inialay nang
Diyos ang sarili niyang anak para sa kaligtasan nang mga tao sa kanilang ginawang kasalanan at inialay naman
ni Hesus Kristo ang kanyang sariling buhay at kalayaan para sa kaligtasan nang sangkatauhan. Nang inialay ni
Aslan ang kanyang buhay para kay Edmund, nawala ang lahat nang kasalanan nit,ginawa niyang malinis ang
kamay ni Edmund na may bahid nang dugo at itoy nagpatuloy sa kanyang buhay.Gustong iparating ni C.S.
ang ibat-ibang bersiyo nang Christian Legend at ang ibat-ibang perspektibo nang paniniwala.
Panahon nang Tag-lamig
Si Jadis bilang isang mangkukulam ginamitan niya nang kakaibang mahika at sumpa ang Narnia. Ang
sumpang ito ay ang dahilan kung bakit palaging ta-glamig na lamang ang kanilang nararanasan at walang
tagsibol na dumarating. Tag-lamig ay sumusimbolo sa kamatayan sapagkat walang tumutubong buhay sa
panahon nang tag-lamig. Ang Christmas ay karaniwang nararanas sa panahon nang tag-lamig,sapagkat ang
pasko ay sumusimbolo sa kapanangakan ni Hesus Kristo sa sabsaban. Ang kapanganakan ni Hesus Kristo sa
sabsaban ay hudyat nang bagong sibol na pag-asa kay ito ay sinundan nang tagsibol ngunit sa kalagayan nang
Narnia hindi na nila ito naranasan hanggang dumating ang magkakapatid na Pevensie.

CHRONICLES OF NARNIA: The Witch, The Lion and The


Wardrobe
Stone Table
Ang Stone Table ay sumusimbolo sa StoneTablets nadinala ni Moses sa paanan nang Bundok
Sinai. Ang mga" tablets ay naglalaman nang sampung utos nang Diyos na kung lalabagin ay kamatayan ang
magiging hatol,buhay mo ang magiging kapalit. Lahat nang ito ay maaaring maihalintulad sa muling
pagkabuhay ni Aslan, ang kanyang pagkabuhay ay nagging dahilan nang pagkabasag nag mga stone table na
sumisimbolo nang pagkawala nang kasamaan at hudyat nang isang bagong panahon, panahon nang
kapayapaan.

CHRONICLES OF NARNIA: The Witch, The Lion and The


Wardrobe
III. Pagsusuring Pangkaisipan
Mga Kaisipang Taglay nang May-akda

Hindi lamang isang simpleng libro ang Narnia , hindi lamang isang simpleng kuwento ang hatid nito sa mga
mambabasa sapagkat ang librong simple man kung tignan ay naghakot nang maraming awards at trophy sa
mga kilalang parangal. Naabot na ito ang stagenang Grammys at ang red carpet nang Emmys. Ngunit ang
pinakamalaking award na natanggap nito ay binuksan niya ang mga imahinasyon nang mga mambabasa,
binuksan nito ang isang natatanging kuwento nang Narnia. Bilang isang manunulat kailangan may malawak
kang imahinasyon at may kapangyarihan kang mahikayat ang mambabasa kahit panimula pa lamang ang
kanilang nababasa. Ang may-akda ay may kaisipang hindi niya bibigyan ang kanyang mambabasa nang isang
clich na kuwento, ngunit kailangan niyang ipamulat sa mambabasa ang realidad nang buhay, kailangan
maipamulat niya sa isang malawak na imahinasyon ang mga isyung panlipunan at kailangan mamulat niya ang
mambabasa sa kasaysayan. Ang kasaysayan na bumubuo kung ano man ikaw ngayon. Nais niya ring gamitin
ang mga fictional o kathang isip lamamg na mga nilalang upang mas kaakit-akit ito sa mga mambabasa at
upang hindi masyadong seryoso ang mga pangyayari at kuwento.

Estilo nang Pagsulat


Nang isinulat ni C.S. angNarnia ginamit niya ang ikalawang persona upang ikwento ang mga pangyayaring
nakapaloob sa Narnia. Upang mas mapaganda pa ito napagdesisyonan niyang gumamit nang mga tayutay
upang mas nakakadagdag ito nang ganda at nakakadagdag din lebel na pangkaisipan sa pampanitikang
pagsulat. Dinagdagan rin niya ito nang mga ibat-ibang lengguwahe.

CHRONICLES OF NARNIA: The Witch, The Lion and The


Wardrobe
IV. Pagsusuring Pangkaisipan
Buod

Si Peter, Susan, Esmund at Lucy, ay ang apat na magkakapatid na namuhay sa World War II ay
ipinadala sa malayong lugar upang maging ligtas sa kaguluhan sa London. Nang silay nanirahan sa
pamamahay nang isang matandang Professor, si Lucy ay naka diskubre nang isang Wardrobe na siyang
magiging daan upang marating moang lupaing Narnia. Nang si Lucy ay nakapasok na sa Wardrobeat
nadiskubre ang magical na lugar nang Narnia ay nakatagpo siya nang isang kaibigan na ang pangalan ay si
Mr. Tumnus (faun). Ikinuwento niya kay Lucy ang sumpa ni Jadis (walang hanggang tag-lamig). Nang
siyay nakuwi at nakalabas na nang Wardrobe ay ibinalita niya ang tungkol sa Narnia ngunit ang kanyang
mga kapatid ay hindi siyapinaniwalaan.
Isang maulan na araw, bumalik ulit si Lucy sa Narnia at binisita si Mr. Tumnus. Ngunit hindi niya
alam na sinundan pala siya nang kanayang nakakatandang kapatid nasi Edmund ngunit sa kasamaang palad
ay natagpuan nito ang White Witch (Jadis) at siyay nilinlang nito. Sinabi pa nito sa kanya na dalhin nito
ang kanyang mga kapatid sa kaharian nito. Ngunit sa sandaling panahon, nadiskubre ni Lucy na pumasok na
pala ang kanyang nakakatandang kapatid sa Wardronbe. Nang siyay nakauwi na akala niyay
susuportahan siya nang kanyang kapatid na totoo ngunit nagsinungaling lamang ito at ang Narnia ay isang
kathang isp lamang.
Isang araw dahil ayaw nilang mapagalitan ni Mrs. Macreadyaynagtago sila ditto at pumasok sa loob
nang Wardrobe. Sa pagkakataong to ang apat na magkakapatid ay nakarating na sa Narnia ngunit isang
malungkot na balita ang kanilang nadatnan ang kanyang kaibigang si Mr. Tumnus ay dinakip nang mga
tauhan ni Jadis.Kaya upang tulungan ito pumunta si kay Mr and Mrs. Beaver. Nang nasa tahan nang nasila
nang mag-asawang Beaver ay binigyan sila nito nang kailinga,mga pagkain at ditto ikinuwento nito ang
kasaysayan at propesiya na nakapaloob na Narnia at maaring makapatoob sa paghaharii nang masamang
reyna. Ikinuwentodin nito ang tungkol sa isang Lord of Wood na si Aslan, ang may kapangyarihang
mapaalis ang reyna sa trono nito at mapatigil na ang sumpa.

CHRONICLES OF NARNIA: The Witch, The Lion and The


Wardrobe
Habang nasa ang tatlong magkakapatid na Pevensie ay nag-iisip pa nang mga planoparailigtas si
Mr.Tumnus at ang Narnia kay Jadis umalis si Edmund nang walang paalam at pumunta sa reyna at sinabi ang
lahat nang plano nang kanyang mga kapatid. Ngunit ilang araw ang nagdaan nalaman nito na gusting pala ni
Jadis naipapatay ang kanyang mga kapatid kaya siya ay labis nanatakot at nag-alala para sa kanyang kapatid.
Nang nalaman nilang nagtaksil si Edmund agad nilang nilisan ang tahanan nang mag-asawang
Beaver kasama ang magkasintahan Beaver, nadala rin sila nang pagkain at pumuntang stone table. Habang
silay naglalakbay nakilala nila si Father Christmas at binigyan sila nito nang mga sandata na maaring
makatulong sa laban nang mga Narnians sa kanilang masamang reyna na si Jadis.
Nang gabing iyon papatayin n asana ni Jadissi Edmund upang maputol ang propesiya ngunit
iniligtas siya nang mga tauhanni Aslan. Kinabukasan kinausap naman ni Jadis si Aslan sacampo nito (Stone
Table) nagusto niya maging kapalit nang lahat nang kanilang hihilingin ay ang buahy ni Edmund. Kaya
napagdsisyunan nalang nilang linasanin ang campo sa Stone Table upang maligtas parinsi Edmund. Ngunit
nang gabing iyon ay bumalik si Aslan sa Stone Table at ito na ang huli niyang hininga sapagkat piata siya
kaagad ni Jadis naka nina pa nagmamatyag sa kanya. Nang namatay na si Aslan ay nagdeklara na nang
labanan si Jadis sa puwersa ni Aslan kasama na ang magkakapatidna Pevensie.
Nang nalaman nilang bumalik si Aslan sa StoneTable si Lucy at Susan ay pumunta kaagad roon ngunit
nadatnan nilang wala nang buhay si Aslan. Nanatili sila roon hanggang mag-umaga. Ngunit nang nag-umaga
na ay nakarinig ang dalawa nang isang napakalakas na ingay at nakita nilang nabuhay ulit si Aslan. Pumunta
sila sa kaharian nang reyna at pinalaya ang lahat nang Narnians roon na nagging bato.
Agad-agad ding pumunta si Aslan, Lucy, Susan at ang mga nakalayang Narnians sa lugar kung
saan nagaganap ang labanan sapagkat nalaman nilang malapit nangmtalo sina Edmund at Peter sa labanan.
Nnag nasa labanan na sila napatay ni Aslan ang reyna. Natapos ang labanan nang nanalo sina Aslan,
samantala ginamot naman ni Lucy ang mga nasugatan gamit ang gamut na ibinigay ni Fatner Christmas
sakanya at lahat nang nagging bato sa labanan ay pinalaya na

ni Aslan.

Naging hari atreyna ang

magkakapatid sa Narnia. Ngunit isang araw sa panga-ngaso nakita nilaulit ang Wardrobe at silay pumasok
doon at naalala nila na ang England at ang kanilang buhay nang silay hindi pa nakapsok sa Wardrobe.
Nang pumasok sila sa Wardrobe ay bumalik narin sila sakanilang totong buhay bilang isang tao.