PILIPINAS DEBATES 2016

Aired: February 21, 2016
Mike Enriquez: Maayong hapon Luzon, Visayas at sa mga Kapuso natin dito sa Mindanao. Ito
na ang tamang panahon…palakpakan naman diyan! Magaganap na po sa entabladong ito ang
pagdedebate sa pagkaPangulo sa eleksyon 2016.
Jessica Soho: Ito po ang kaunaunahang COMELEC Presidential debate sa loob ng 24 na taon
at ngayon dinala natin ang debateng ito sa tinaguriang lupang pangako, ang Mindanao. Live po
tayo sa Capitol University sa Cagayan de Oro City.

Mike Enriquez: At kasama ang Mindanao, Pilipinas, kasama ang ating mga tagapakinig sa
super radio DZBB lahat ng himpilan ng GMA at mga miyembro ng Kapisanan ng mga
Broadcaster sa Pilipinas Nationwide at Worldwide.
Jessica Soho: Pati mga kababayan natin sa iba’t ibang bahagi ng mundo na nanonood live ng
GMA TV nakatutok na.
Mike Enriquez: All present po ngayong hapon ang ating mga kandidato sa susunod na
dalawang oras, ang kanilang mga plano ang kanilang saloobin ang kanilang posisyon sa
nagbabagang issue inyong mapapakinggan.
Jessica Soho: Mahigpit po ang labanan kaya kailangang maging mapanuri wala na pong
atrasan pakinggan at kilatisin ang susunod na pinuno ng ating bayan. Ako po si Jessica Soho.
Mike Enriquez: Ako po si Mike Enqriquez at ito ang Pilipinas Debates 2016.
Voice Over: Magaganap na ang pinakamasaysayang tagpo ng buongbayan. Inihahandog ng
GMA News and Public Affairs, Philippine Daily Inquirer at ng Commission on Elections kasama
ang KBP ang kaunaunahang paghaharap ng mga kandidato sa pagkaPangulo ngayong 2016
dito sa Mindanao, Pilipinas Debates 2016.
Jessica Soho: Kasama po nating magtatanong sa mga kandidato ang editor-in-chief ng
Inquirer.net na si John Nery.
Mike Enriquez: At kasama po natin ang nagpasimula sa Pilipinas Debates 2016 ang
Commission on Election sa pangunguna ni Chairman Andres Bautista. Welcome, Chairman.
Huwag na po nating patagalin in alphabetical order po natin silang ipakikilala at bibigyan ng tig
iisang
minuto
para
sa
kanilang
paunang
pahayag
at
pananalita.
Jessica Soho: Narito po ang kandidato ng United Nationalist Alliance or UNA na si VP Binay.
Meron po kayong 60 seconds Vice President.
VP Binay: Mga kababatan, Asalamalaikum. Mula noon hanggang ngayon kahirapan pa rin
ang problema ng ating bayan. Nanggaling po ako sa hirap, nakaranas po ako ng kahirapan,
kaya naman po ako nang manungkulan sa pamahalaan, tinugunan ko po ang problema ng

kahirapan. Sa Makati, napababa ko ang bilang ng mahihirap. Maraming nagkatrabaho at
nakatikim nakatamasa ng magandang serbisyo. Nagawa kong pinakamayaman ang lungsod
ng Makati sa buong bansa. Dahil sa kagustuhan kong maiahon tayo sa kahirapan siniraan ako
at ang aking pamilya ng mga bagay bagay na patungkol sa amin. So ako ho ay mamumuno
mga kababayan dito sa ating bansa, daladala ang tamang pamamahala at pagmamalasakit sa
bayan maraming salamat.
Mike Enriquez: Maraming salamat po, VP Binay. Ang susunod po ay ang kandidato ng
People’s Reform Party or PRP, Sen. Miriam Defensor Santiago. 60 seconds.
Sen. Santiago: Maayong hapon sa inyong tanan. Ang eroplano ko kanina nalipayan gid ako
nakalab-ot ako diri. Gusto ko na kanina magswimming na lang ako from Laguna Bay hanggang
dito. There are many many things rich in this country. We are rich in natural resources we are
rich in people resources and yet year after year we hear same doubtful doubt from our analysts
and economists. We are the poorest country in the 10 asian member community. Why are we
so poor? The answer is because everybody wants to have money of the government in his own
pocket. Tanan sila, lahat sila. Kapag nag-Presidente ako, cancel ang aabutin nila so what our
country needs really? Is a sense of shared destiny.
Jessica Soho: Narito naman po ang kandidato ng Partido Demokratiko ng Pilipinas Lakas ng
Bayan o PDP Laban si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. meron po kayong 60 seconds
ngayon.
Mayor Duterte: Good Day. It’s good that Ma’am Miriam is here she’s one of the two only
qualified to run this country as President. Ma’am, I am here because there is so much
criminality. Drugs is flooding the country. I have been calling the attention of the national
government and there is so much corruption in government. I propose that if I am President I
will get rid of criminality drugs and criminality. Just give me 3 to 6 months and I will do it for you.
I will deliver. Again as I said, we cannot go for economic growth unless we start with
government. For as long as there are incompetent and corrupt officials in our government, we
would never reach our goal for this country. And so I say, I stand here and might consider what
I told you this afternoon. Thank you.
Mike Enriquez: Maraming salamat, Mayor Duterte. Pakinggan naman natin ang independent
candidate na si Sen. Grace Poe. 60 seconds Madame Senator.
Sen. Poe: Maayong hapon sa tanan. Nararapat lamang na tayo ay nagtitipon tipon dito para
mas maintindihan ng ating mga kababayan ang nangyayari sa kanilang mga kababayan dito sa
Mindanao. Ang Mindanao po ang nagbibigay ng pinakamalaking produkto pagdating sa pinya.
Sa mundo pangalawa po tayo pagdating po sa saging, pang apat pagdating sa niyog, pang lima
pero hindi lang po iyon. Dito po sa Pilipinas, tayo ang umaasa ng kalahating pangangailangan
natin sa mais at ¼ sa bigas kalahati naman para sa isda. Bakit patuloy pa rin ang paghihirap ng
ating mga kababayan sa Mindanao? Marami na pong namuno na may karanasan ngunit ganun
pa rin ang kailangan ay isang tunay na may malasakit merong paninindigan mabilis kumilos at
agarang nagbibigay ng solusyon. Napakaganda ng Mindanao hindi lang dapat natin puntahan

ito, dapat pasalamatan ito. Pinopropose naming, 30% ng aming budget ay mapupunta dito sa
Mindanao para sa agarang solusyon ng development. Maraming salamat.

Jessica Soho: At ngayon naman ang kandidato ng Liberal Party si dating DILG Secretary Mar
Roxas, 60 seconds po.
Sec. Roxas: Magandang gabi sa inyong lahat. Hindi ho ba, kapag pinasimple ang tanong,
nagiging simple at klaro rin ang sagot? Ano ang tanong? Kung ihahambing natin ang pagpili sa
pagkaPangulo sa kung sino ang magmamaneho ng ating mga anak sa araw araw, sino ang
pipiliin natin? Kanino natin ipagkakatiwala ang kaligtasan ng ating mga anak? Sa isang taong
may mga kaso ng pagnanakaw? Sa isang mainitin ang ulo na maaaring maaksidente. Sa isang
ngayon pa lang natututong magmaneho o ipagkakaloob po natin ito sa isang taong matagal na
po ninyong kilala, matagal nang nanilbihan at ni minsan hindi kayo pinahamak at may
magandang rekomendasyon pa sa dati niyang pinagtrabahuhan? Buo ang loob ko sa inyong
pagpasya, maraming salamat po.
Jessica Soho: Maraming salamat po saating Presidential candidates. Maaari rin pong
makilahok sa diskusyon sa social media at gamitin ang hastag, Pilipinas Debates 2016 mag-log
on rin sa gmanewstv/eleksyon2016.
Mike Enriquez: Huwag na huwag po kayong bibitiw dahil susunod na po ang round one ng
debate ng ating mga kandidato.
Jessica Soho: Kilatisin, busisiin ang inyong pipiliin.
Mike Enriquez: Ito ang Pilipinas Debates 2016. Live na kuha po iyan ng GMA 360 camera dito
sa Capitol University dito sa Cagayan de Oro, Mindanao. Espesyal na camera po iyan na
kumukuha ng lahat ng anggulo at maaari po ninyong controlin sa pamamagitan po ng mga staff
namin dito sa debate hall kung tawagin. Punta po kayo sa GMA news.tv

GAP 1

Mike Enriquez: Nagbabalik ang Pilipinas Debates 2016
Jessica Soho: Sa punto pong ito sisimulan na natin ang ating debate. Ang lahat po ng tanong
at paksa sa Presidential Debate na ito, dumaan sa COMELEC.
Mike Enriquez: At may mahigpit po tayong panuntunan na susundin sa debateng ito ngayong
hapon. Pakinggan niyo po ito.
Voice Over: Sa bawat round may mga pares na maghaharap. Tatanungin ang unang
kandidato at may 90 seconds para sumagot. May 60 seconds naman ang pangalawang
kandidato para magkomento sa sagot ng unang kandidato. Sa huli, bibigyan ng 30 seconds

ang unang kandidato para sagutin ang mga komento. Maririnig ang tunog na ito sa huling
sampung segundo ng timer at muli kapag naubos na ang oras.
Jessica Soho: Simulan na natin ang around one. Ang ating tatalakayin ay ang track record at
performance ng mga kandidato, pati na ang mga issue na kanilang kinakaharap.
Mike Enriquez: Alphabetical po ang tapatan ng mga kandidato natin sa round na ito kaya ang
una pong maghaharap ay sina Bise Presidente Jejomar Binay at si Miriam Defensor Santiago.
Mr. VP ito po ang tanong. Meron po kayong 90 seconds Mr. VP> Sa panayam kung inyong
natatandaan niyo sa DZBB, ipinaliwanag niyong karamihan sa real estate na pagmamayari ay
minana ninyo mula sa inyong ina at sa iyong mga magulang pero sa inyong SALN dalawa lang
sa 13 real estate properties ang inilista niyo bilang inheritance or mana. Paglilinaw ng inyong
kampo Mr. Vice President, maaaring tinatawag na land area ang pinagbasehan sa inyong sagot
at hindi po ang bilang. Pero ang hindi pa po nasasagot, kung hindi po minana, saan po
nanggaling ang iba po ninyong 11 ariarian at paano po lumago ang inyong yaman sa loob po ng
3 dekada bilang isang opistal ng gobyero? Mr. VP meron po kayong 90 seconds.

VP Binay: Tatlong dekada, ang haba ng panahon na iyan, ha? Pero hindi ko natatandaan na
sinabi ko na ang aking mga lupa e puro mana. Yung iba naman doon nabili namin at may
kakayahan naman po kaming makabili. Hindi po porke kami ho ay nasa pamahalaan ay wala
na ho kaming magagawa para makabili ng mga pagaari. Hindi po totoo na ako po ay maraming
lupa. Ito ho ay either namana ko or ito ho ay nabili k. At hindi lang po sa nanay ko iyon, ha.
Pati po sa tatay ko.
Mike Enriquez: Okay, salamat po Mr. VP. Senadora Miriam, ano naman po ang reaksyon
niyo? Bilang isang opisyal ng gobyerno na mahaba ring nanungkulan, Madame Senator, sa
tingin niyo po ba tinatawag na matter of interest ang yaman at ariarian ng opisyal ng gobyerno?
May SALN, di ba?
Sen. Santiago: That’s no longer matter of debate because it has already been embodied in a
law. It’s no longer a bill, it’s a law, so sa gusto namin at sa ayaw kailangan talaga iladlad namin
lahat ng pag-aari namin. Ngayon ang pagtatanong ko ay ito ho bang pag-aari ni Vice Mayor,
nakuha niya nabili niya or nabigay sa kaniya bago siya naging opisyal sa Makati o pagkatapos
na maging opisyal na siya?
Mike Enriquez: Mr. VP, Gusto niyo pong sagutin ang tanong ni Senadora?
VP BInay: Miriam, yung iba ay namana ko, pasensya ka na kung Miriam ang tawag ko sa ‘yo,
magkaibigan naman tayo ay magkasama kami sa Student Council, eh. Yung namana ko,
namana ko pa iyon bago ako nalagay sa pwesto. Ako ho ay nanungkulan 1986 at bago po ako
nanungkulan nakapagpractice naman po ako ng law at ang misis ko naman po ay nakapagpractice ng pagkadoktora, so may panggagalingan po ang pera na aming pambili. Pero uulitin
ko na ang propidad na iyon ay propidad na namana ko na bago pa man ako mapunta sa
katungkulan.

Mike Enriquez: Salamat po, Vice President.
Jessica Soho: Maghaharap naman po ngayon sina Senador Miriam Defensor Santiago at
Mayor Rodrigo Duterte. Senadora, narito po ang tanong para sa inyo. Senator DefensorSantiago, kayo po ay nagfile ng medical leave noong 2012 dahil sa Chronic Fatigue Syndrome
at nagpatuloy ito noong kayo ay madiagose na may stage 4 lung cancer. Sa nakalipas na 16th
congress, mula 2013 hanggang 2016 wala pa hong sampung beses kayong nakadalo sa
plenary session. Kung sa Senado po ay naging mahirap na para sa inyo ang makapasok sa
trabaho, bakit pa po ninyo hinahangad ang mas mabigat pang trabaho ng pagiging Pangulo ng
bansa? Ano po ang inyong motibasyon sa pagtakbo sa gitna po ng inyong karamdaman? 90
seconds po, Senator Santiago.
Sen. Santiago: Hindi mo ba alam na ang sakit, tumataas o bumababa? O nawawala?
Magtatanong ka bakit may sakit ka bakit tumatakbo ka direcho ko iyan o karapatan ko iyan sa
ilalim ng ating institution wala namang constitutional provision na if you get sick of something
you are disqualified. Ano pa ang ibang gusto niyong malaman?
Jessica Soho: Ang sabi po ay iilang beses lang kayo nakadalo sa plenary session.
Sen. Santiago: I was on the height of cancer stage 4. Stage 4 is the last stage nag-aantay
akong mamatay e hindi ako pinatay ng guardian angel ko e.
Jessica Soho: Paano raw po iyan e mas mabigat raw po ang trabaho ng pagka-Pangulo sa
ating bansa?
Sen. Santago: Mabigat na mabigat pero kung tutuusin mo ang Senador, halos kapantay lang o
sobra pa ang trabaho kung ginagawa niya ng tama ang kaniyang trabaho. ang trabaho ng
Presidente kasi kung minsan, nilalabanan niya ang lahat ng Senador laban sa kaniya. Hindi
kamukha ng Presidente na lahat sa paligid niya naghahallelujah sa kaniya.
Jessica Soho: Maraming salamat po, Senadora Defensor Santiago. Mayor Duterte ano pong
masasabi niyo? You have 60 seconds.
Mayor Duterte: I will not go into argument or debate with Ma’am Miriam, she’s telling you the
truth and truth is very important I did not see senator Santiago passing away within the next 20
years so what’s the problem?
Jessica Soho: Senadora you have a chance to answer. May counter rebuttal po kayo kay
Mayor Duterte.
Sen. Santiago: Thank you. My only purpose is to serve out the best of my life. I’m already 70
years old plus 6 year term as a president I would serve my country in 6 years. You don’t want
to spend the next 6 years lying in bed I’m feeling sorry for myself. In fact I did not lie in my bed.
I did not feel sorry for myself. I felt sorry for my country because graft and corruption is endemic.
And everybody has speaks out but nobody has done very much except Mayor Rudy Duterte.

Jessica Soho: Maraming salamat po, Senadora Defensor Santiago.
Mike Enriquez: Okay, okay, magtatapatan ngayon naman si Mayor Duterte ng lungsod ng
Davao at si Senadora Grace Poe. Mayor Duterteito po ang tanong sa inyo.
Mike Enriquez: Unang tanong: sa inyong talumpati noong Nobyembre 22 beses po kayong
nagmura, Mayor. Minsan na rin kayong naharap sa reklamong acts of lasciviousness. Sa
makatuwid nung nainterview ko po kayo, sinabi niyo rin, kayo po ay palamura, kayo po ay
babaero kayo po ay nakapatay na ng criminal. Sa inyo po bang palagay, Mayor, dapat po ba
kayong tularan ng mga kabataang Pilipino at ito ba ang kaugaliang kailangan ng isang
mamumuno po ng Pilipinas? Mayor meron po kayong 90 seconds.
Mayor Duterte: Yes most of it are true. Most of it are true. Criminals, well I go after them as
long as I do it with accordance with the rules of law, I will continue to kill criminals. And
President order the killings as long as I said in exercise of performance duty in accordance with
law. I will use the military and the police to go after the criminality and drugs are flooding the
country. Hindi ako papayag ng ganon totoo iyon I will not deny anything.
Mike Enriquez: Sa pangalawang bahagi po ng tanong, sa palagay niyo ba dapat kayong
tularan ng mga kabataang Pilipino?
Mayor Duterte: Yes. No. Extrajudicial killing? Of course not, but killings yes. If I were to be
President, it will be bloody. Because we’ll order the killings of all criminals ang durugista at drug
lords.
Mike Enriquez: Yung kasong acts of lasciviousness?
Mayor Duterte: Wala akong kaso na ganon. I don’t know who invented it but I said na meron
lang akong inakbayan noon, ang nanay ko ang nagalit.
Mike Enriquez: Isa pa Mayor, sabi niyo may mga gf kayo. Dapat bang tularan iyan ng mga
kabataan?
Mayor Duterte: Kung hiwalay ka sa asawa, anong gagawin mo sa sarili mo? Anong gagawin ko
sa kargakarga ko. Eh hindi mo naman maipagbili ito hindi mo nga maisangla eh. Gamitin mo
dapat kung hindi mamatay ka.
Mike Enriquez: Salamat po, Mayor, salamat…malinaw. Senadora Grace Poe bilang isang
babae at kandidato sa pagka-Presidente dalawa lang po kayo ni Sen. Miriam. Ano po ang
pananaw niyo sa istilo na iyan ni Mayor Duterte?
Sen. Poe: Alam niyo si Mayor Duterte, malakas ang appeal, irresistible sa ibang mga babae.
Subalit matagal rin nating pinaglaban at alam ko si Mayor Duterte ay magalang sa kaniyang
nanay kaya kahit na papaano sa tingin ko, kahit ikaw ay malakas ang dating sa mga babae,
konting pigil sapagkat siyempre malay mo yung mga lumalapit sa iyo may asawa or may bf or
kung anupaman. Sa mata ng bata, ang mali ay nagiging tama na ginagawa ng matanda. At
least alam natin si Mayor Duterte minsan sinasabi naman niya yung mga hindi niya nararapat
na nagawa noon, pero pareho lang naman kami, tao rin nagkakamali pero isusulong ko palagi

ang pagrespeto anuman ang iyong kasarian babae ka man lalake, LGBT, lahat po tayo merong
konting paggalang sa isa’t isa.

Mike Enriquez: Mayor meron po kayong 30 seconds para huwag magpigil o sige po.
Mayor Duterte: Lahat naman ito you know sa kwarto iyan, hindi ko naman ginagawa sa ano, so
what’s the problem? You don’t flaunt it on public and I said, if you have to do it, I said I am
separated from my wife and yung isang asawa ko nasa America, yung nurse. Far and wide in
between those years it’s biology actually it is biology.

Mike Enriquez: Salamat po Mayor.
Jessica Soho: Magkakaharap naman po ngayon ni Sen. Poe si dating DILG Sec. Mar Roxas.
Senadora Poe narito ang inyong tanong. Sa lahat ng kandidato sa entablado ngayon kayo po
ang may pinakamanipis na resume pagdating sa government service. Dalawang taon bilang
MTRCB chairperson at nangangahalati pa lang kayo sa inyong termino bilang Senador. Sa
tingin niyo ba ay may napatunayan na kayo sa larangan ng serbisyo publiko para maging
Pangulo ng Republika?
Sen. Poe: Jessica, alam mo talaga ipinagkakaila sa lahat sa kanila ako ang pinakabago dito
pero sa ating mga kabataan alam ko alam ninyo ang kanta ng Gloc 9…”Kayong mga nakaupo,
subukan nyo namang tumayo.
Para maramdaman niyo ang aming kalagayan.” Ang
kinalalagyan ko, sa tingin ko, sa lahat sa kanila ako nga ang may pinakamaikli na karanasan
pero nakikita ko bilang isang nanay kung ano ang pangangailangan ng isang pamilya. Sa aking
maikling karanasan sa gobyerno ako po ay nakapaghawak ng isang Executive position na may
management requirement at mismo na rin si Sen. Miriam ang nagsabi na ang Senado ay mas
mahirap na trabaho kung ginagawa mo ang iyong trabaho. Ako po ay nabigyan ng pribilehiyo na
makadebate si Sen. Miriam kaya nga naipasa namin sa Senado ang Freedom of Information.
Yung mga batas na aming itinulak ay mga pagkain para sa mga bata. Yung mga batas o yung
mga budget pala na aming itinulak, pagkain para sa mga bata, para sa magsasaka at higit sa
lahat pag-iimbestiga na walang kinikilingan kaibigan man o kaaway. So para sa akin, ang aking
karanasan bilang teacher bagamat minamaliit ng iba, hindi po tayo makakarating sa puntong ito
kung hindi dahil sa isang guro na nagmalasakit at nagturo sa atin kung ano ang tama at mali at
kung ano ang naaayon sa ating mga paksa. Kaya sa ating mga kababaya, parepareho lang
naman ang problema ng Pilipinas eh, pareparehong nandiyan wala pong proof na kapag mas
matagal ka na sa pwesto mas magaling ka.
Jessica Soho: Sec. Roxas ano pong masasabi niyo sa sinabi ni Sen Poe? It should be recalled
that you once asked her to be your runningmate or your Vice Presidential candidate?
Sec. Roxas; Tama ka diyan, Jessica no. Inanyayahan natin si Senadora Poe na sumama dahil
nga sa pagkilala tulad nga ng sinabi ninyo ay manipis ang kaniyang karanasan sa pamumuno at
siguro ipagpaumanhin ng aking kaibigang si Senadora Grace Poe na ang pagiging Pangulo ay

hindi OJT. Kinabukasan, kaunlaran ng 100M Pilipino ang nakasalalay dito kaya may tamang
panahon para sa lahat. At para sa akin yung karanasan ay isa sa pinakamahalagang katangian
para sa pagiging Pangulo. Paano mo malalaman kung binobola ka o hindi? Paano mo pipiliin sa
dalawang rekomendasyon ng dalawang Cabinet Secretary ang pagdedesisyunan ito yung
malalaking desisyon na kakailanganing gawin ng susunod na Pangulo at mahalaga ang
karanasan. Malinis na karanasan para diyan.

Jessica Soho: Senadora Poe, ang inyong counter rebuttal. Meron po kayong 30 seconds para
diyan.
Sen. Poe: Jessica, Mike, alam ko naman kung binobola ako o hindi. Kahit na maikli ang aking
panunungkulan sa gobyerno, tama si Sec. Mar nakatatlong administrasyon na siya diyan
nabigyan na ng ilang responsibilidad sa gobyerno. Pasensya na rin po pero marami na rin po
akong inimbestigahan tulad ng DILG at sa DOTC sa MRT at sa tingin ko naman hindi mo
kailangan ng napakahabang karanasan para malaman kung kulang ang tulong ng gobyerno sa
transportasyon sa ating bayan at kulang ang tulong ng gobyerno para magkaroon tayo ng
kapanatagan.

Jessica Soho: Maraming salamat po, Senadora Poe.

Mike Enriquez: At ngayon naman ang one on one po nina dating Sec. Mar Roxas at Bise
Presidente Jejomar Binay. Secretary Roxas ang tanong para sa inyo: sa inyong mga panayam,
ipinagmamalaki ninyo ang nagawa ng daang matuwid katulad ng pagpapatayo ng mga silid
aralan o mga classroom, yung programa ng DepEd, ang Pantawid Pamilyang Pilipino program
na pinamumunuan ng DSWD. Pero sa inyo namang panunungkulan bilang Secretary ng DOTC
at DILG, iniuugnay at nangyari raw ang mga kapalpakan sa pangangasiwa ng MRT. At sa di
umano’y mabagat na pagkilos bilang hepe ng DILG tulad nang tumama ang super bagyong
Yolanda, base sa inyong track record sa DOTC at sa DILG, paano po niyo patutunayan na
kayo ay epektong Presidente ng Pilipinas, meron po kayong 90 seconds, Mr. Secretary.
Sec. Roxas: Salamat Mike. Simulan natin sa DOTC, noong ako po ay nasa DOTC mahigit 100
kontrata sa halagang humigit kumulang 100B ang napa-bid namin na walang anomaly, walang
alingawngaw, walang kontrobersiya iyan. Nangyari lahat iyan, ports airports at iba pang
infrastraktura na ginawa hanggang sa ngayon. Pangalawa sa MRT, bakit ko tinanggihan ang
proposal ng pribadong sector na mapagpatuloy ang kailang kontrata sa MRT? Dahil gusto
nilang pahabain ng 15 dagdag na taon itong maanomalyang kontrata na ngayon ay sanhi ng
problema natin. Plus daragdagan pa nila yung singil sa ating mga pasahero. Kaya tinaggihan
ko iyan. Diyan nagsimula yung ating paghahanap ng makabagong pamamaraan para
magkaroon tayo ng bagong mga tren. Ang mga tren ay nandiyan na, parating na at sa ngayon
sa susunod na mga buwan ay mapakikinabangan na ng ating mga kababayan. Pagdating
naman sa DILG ang Yolanda ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng mundo. Ang

buong gobyerno ay nandoon. Nandoon ako bago, habang at pagkatapos ng bagyo. Hindi ako
bumitiw hanggang nag-stabilize ang sitwasyon at hindi ako tulad ng iba na dumating nakahelicopter umalis at marami na ngayong sinasabi. Maraming salamat po.
Mike Enriquez: Mabalikan po natin si VP BInay. Sang-ayon po ba kayo sa sinabi ni Secretary?
Matagal kayong naging miyembro ng gabinete ha, kasama niyo siya. Sige po Mr. VP.
VP BInay: Eh alam po ninyo, hindi po mangyayari kung ako po ang napalagay sa pwesto ni
Sec. Roxa…yun bang analysis paralysis. Ako ho, is a decisive effective leader. Hindi ho ako
paulit ulit walang dinedesisyunan. Yung PPP iisa pa lang o dadalawa pa lang e kailangang
kailangan po natin ng PPP na yon para magkaroon ng pagbabago sa infrastructure needs.
Kung ako ho ang pinatutungkulan ni Sec. Roxas sa pagkakahelicopter. Aba, yung helicopter
marami akong nakita. Eh siya nasaan ho siya? Pagkatapos lumindol at nangyari sa Leyte
nawala na siya kaya naman ho grabe ang galit sa kaniya ng mga taga Leyte sa kapalpakan niya
sa paghawak ng problema ng Yolanda.
Mike Enriquez: Sec Roxas meron pa ho kayong 30 seconds pa ho, sige po.
Sec. Roxas: Nandoon po ako 16 na araw. Hindi ko binitiwan hindi ko tinigilan o hindi ko phinoto
op o pinulitika ang ating mga kababayan. Nandoon ako simula bago pa dumating ang Yolanda
at ginawa ko ang lahat. Matitignan kita Mike o kahit sino mata sa mata at sabihin lahat ng
maaaring magawa sa kapanahunang iyon ay nagawa.
Mike Enriquez: Maraming Salamat po, Secretary. At diyan po nagtatapos ang round 1 pa lang
na ito. Mas mainit sa round 2 dahil ang susunod nating tatalakayin, mga Kapuso ay kahirapan
at ang pagpapabuti sa buhay ng mga Pilipino.
Jessica Soho: Kilatisin, busisiin ang inyog pipiliin.
Mike Enriquez: nagbabalik mo o magbabalik po ang Pilipinas Debates 2016.
Jessica Soho: Samantala makikita niyo po ngayon ang ating twitter heat map kapag mas
marami pong bilog na pula sa lugar mas marami po ang tweets na nagmumula diyan at makikita
po natin na umuulan na ng tweets tungkol sa debate sa Metro Manila. Umiinit na mismo ang
tweet sa Cagayan de Oro City, na mismo kung saan tayo naroon. Ayan po ang twitter heat
map.

GAP 2

Jessica Soho: Live pa rin po tayo sa Capitol University sa Cagayan de Oro City.
Mike Enriquez: At round 2 na po tayo ang susunod na issue po na pagdedebatihan ng mga
kandidato ay ang lagi nating nagiging paksa tuwing eleksyon: ang kahirapan partikular na po na

tututukan natin, paano ba natin mapabubuti ang buhay ng ating mga kababayan lalo na yung
mga mahihirap?
VO: Sa mga nakalipas na taon, lumago ang ekonomiya ng Pilipinas pero hindi nabawasan ang
poverty incidence o kahirapan sa bansa. Pinakamahirap na sektor ang agrikultura, kabilang ang
mga mangingisda at magsasaka. Sa kasalukuyan, milyung milyon pa rin ang Pilipinong walang
trabaho, paano ito tutugunan ng susunod na Pangulo?
Jessica Soho : Para sa round 2 nagbunutan na po ang mga kinatawan ng kandidato ng
kanilang pagkakasunod sunod. At ang una pong maghaharap: sina VP Binay at si Senadora
Poe. Sa round na ito, bubunutin rin natin ang mga taong sa kandidato.
Mike Enriquez: sisimulan na po natin mga Kapuso. Ang unang tanong po ay para kay VP
BInay at ito po at bubunutin natin ang tanong mula dito sa sisidlan yung bilog na tambiolong
gawa sa Kristal. Mr. VP meron po kayong 60 seconds
Jessica Soho: 90 seconds.
Mike Enriquez: 90 seconds, sorry po. Maraming magsasaka ang baon po sa utang
pagkatapos ng anihan dahil sa hiniram nila na pambili ng abono, pag-upa sa lupa, pag-upa sa
sasakyan para maibaba ang kalakal nila. Patuloy naman ng pag-angkat natin ng mas murang
bigas at mas murang gulay. May plano ba kayo para matulungan an gating magsasaka na hindi
nadedehado naman ang mga mamimili? 90 seconds Mr. VP.
VP Binay: I-momodernize po natin ang ating agrikultura. Ang iba naman ang agrikultura
napakaliit ng contribution sa GDP natin. Yun hong ating magsasaka kunin na po natin ang
CARP. Yung CARP po maganda po ang intensyon doon pero among others, to make the land
productive o kasama na ho diyan yung mga magsasaka na sinasabi ho ninyong naghihirap
dahil sa parte ng CARP na iyon tutulungan, susubsidize aasistehan ng ating pamahalaan…
fertilizer at iba pang post harvest requirements. Pangalawa, yung irrigation fee po dapat
tanggalin na po natin yon. Pangatlo, iyon pong post harvest problem. Alam niyo po mga
kababayan mas malaki po ang nawawala sa post harvest kesa doon sa kinikita? Pangatlo,
dapat ho tayo mangakit pa ho tayo ng mangangapital para meron po tayong makakatulong
doon sa infrastructure requirements. Iyan po ay ginawa namin sa Makati ginawa po namin sa
Makati, maiahon po ang kahirapan, suportado po ng pamahalaan.
Mike Enriquez: Salamat po Mr. VP. Senadora Grace Poe, ano po ang reaksyon niyo sa sinabi
ni Bise Presidente? You have 60 seconds, Senadora.
Sen. Poe: Importante po para sa ating magsasaka, intindihin natin kung magkano ang kinikita
nila.
P17,000 magtatanim ng palay sa 1 hectare so kung tatlo ang binigay sa kanila ng
Agrarian Reform, kikitain nila siguro mga P152/day talagang napakaliit. Dapat libre na ang
irigasyon. Dapat may crop insurance, pero hindi lang iyon pero hindi lamang iyon dapat
magkaroon ng Agro industrial zones kung saan magkasama ang DTI at DA para naman mamarket ang products ng mga magsasaka. Mag-soil testing tayo, anong mga added value na
puwede para dito sa lupa nila? Anong mas kikita sila? Palay ba? O kape o ano pa man?
Tandaan natin, sa niyog ang average age sa mga puno ay 6 years old na kaya konti na lang

ang binubunga nito kailangan ng replanting gamitin natin ang pondo ng coconut levy para dito
sa magsasaka ng niyog. Importante rin isipin natin pwedeng coco wine pwedeng virgin coconut
oil pwedeng coco waste pwedeng kung anu anong mga programa na pwedeng gamitin para
dito,
added
value
para
sa
magsasaka.

Mike Enriquez: Mr. Vice President may 30 seconds po kayo tumugon kay Senadora kung
meron man.
VP Binay: Wala naman ho dahil pareho naman kami ni Senadora doon ho sa assistance at
subsidy. Ang idaragdag ko lang po kung ako ay makakapagdagdag ay yung high yield crops
dapat po magshift na rin po tayo doon kasi po anmg crops natin is basically corn rice and
coconut. Marami po tayong lupa na angkop sa high yield crops.
Jessica Soho: Up next ay ang paghaharap nina Senadora Grace Poe at ni Senadora Miriam
Defensor Santiago. Sen. Poe, ito po ang inyong tanong, meron po kayong 90 seconds…
sandali lang po ito ang inyong tanong. Ano po ang gagawin ng inyong administrasyon para
matiyak na may pagkain ang 2.5 o 2.6 na Milyong pamilyang Pilipino na nagsabi sa SWS na
sila ay nagugutom araw araw.
Sen. Poe: Ang una talaga para sa akin ay dapat talaga magkaroon ng libreng pananghalian sa
ating public schools dahil iyan po ang derecho sa tiyan ng ating mga bata. Hindi po matututo
ang mga bata at hindi po tatalino kung sila po ay nagugutom, iyan ang pinakauna. Pangalawa
po, ang pinakamahihirap nating mga kababayan ay nasa sector ng agrickultura at alam naman
po natin na ang mismong nagtatanim ng palay at bigas sila po mismo bumibili pa ng bigas sa
palengke. Kailangan talaga ay bigyan ng tamang subsidiya at least paumpisa man lang sa
irigasyon at iba pa para naman mas maging competitive sila. Kailangan po ng replanting ng
ating mga niyog sapagkat tayo po siguro ang 5th largest producer ng niyog sa buong mundo
pero hindi natin sila binibigyan ng sapat na suporta nasa lagpas 70B na po ang nandiyan
nakatengga lamang na coconut funds na dapat mabigyan ng scholarships itong mga
nagtatanim ng niyog para bumaba ang presyo at importante rin na an gating gobyerno ay
bantayan naman sapagkat kung bibigyan natin ng added value yung matataas na value ng
crops ng ating magsasaka at magaangkat tayo ng ibang bagay huwag nating kalilimutan na
huwag nating pababayaan ang sector ng agrikultura kung tayo ay magaangkat ng mga ibang
mga pagkain so importante po iyan sapagkat habang may nagugutom sa ating bansa hindi
natin pwedeng sabihin na nagiging matagumpay ang ating ekonomiya.
Jessica Soho: Sno po ang inyong tugon dito Sen. Miriam Defensor Santiago? 60 seconds po
Sen. Santiago: Well, promises are very easy to make. But which President of our country just
like us presidentiables 2016 has ever abolished or at least reduced the incidence of poverty in
our country? None. I say this as a conviction, as the former Agrarian Reform Secretary. Eh
pangako lang ng pangako, saan natin kukunin lahat ng pera na ito? Para igagastos sa
sinasabing mga plano nila? That is the question.
Jessica Soho: Senator Poe ang inyo pong counter rebuttal you have 30 seconds.

Sen. Poe: Kaya siguro napapanahon na magkaroon ng may bagong perspektibo marami diyan
ang namuno na noon bilang Pangulo matagal na sila sa gobyerno marahil hindi na sila nag-iisip
ng ibang paraan para makatulong sa ating bayan at sa ating ekonomiya. Noong panahon ni
Pangulong Marcos nagkaroon ng Nutri bun. Hindi iyan kumpleto sa pagpapakain sa mga bata
pero kahit papaano nagkaroon ng feeding program sa ating pamahalaan. Noong panahon ni
Pangulong Erap yun lamang ang panahon kahit papaano tumaas ang yield ng agrikultura
meron po tayong pag-asa kaya lang kailangang tapat, hindi nangungurakot at mabilis kumilos.
Jessica Soho: Maraming salamat po Senator Poe.
Mike Enriquez: Ang makakaharap naman po ni Sen. Miriam Defensor Santiago ay si dating
DILG Sec. Mar Roxas , Sen. Santiago bubunutin ko po ang tanong para sa inyo masikip ang
butas nitong kung anuman ito.
Jessica Soho: Parang Miss Universe iyan.
Mike Enriquez: Lumago po ang ekonomiya ng Pilipinas nitong mga nagdaang taon. Walang
kaduda duda, ang sabi ng nakakarami at sa pagtatapos ng 2015 umangat ang ating ekonomiya
ng 6.3%. Sa kabila nito, malaking porsyento ng ating mga kababayan ang naghihirap. Kung
kayo po ang susunod na Presidente ng Pilipinas, Senadora, paano niyo ibababa ang mga
nagdarahop sa pag-unlad ng ekonomiya at paano niyo iyon sisiguraduhin yung yaman ay hindi
mananatili..si Sen. Poe no? Senadora Grace?
Jessica Soho: Senator Miriam.
Mike Enriquez: Si senator Miriam po ang kausap ko. Siya po ang tinatanong ko. Okay ito
pong tanong Senadora. Papaano niyo sisiguraduhin yung yaman ay hindi mananatili sa ilan
lamang kung hindi bababa sa mas nakakaraming mga Pilipino? Senadora 90 seconds.
Sen. Santiago: Una, pagandahin natin, ibig sabihin ibig sabihin bigyan natin ng maraming pera
sa budget itong mga factors na ito number 1 health ang kalusugan ng mga mahihirap
karamihan sa kanila may sakit e hindi na rin makapagtrabaho. Pangalawa, education.
importante sa tao na edukado siya kaya siguro hindi tama ang ating mga pag pili noon dahil
Maraming hindi edukado na boboto. Pangatlo, rural infrastructure or social welfare
improvements. Lahat ng ito nangangailangan na ang ating taxes should always be lowered or
raised. Wala tayong eskapo diyan so we either have to concenturate taxes or we should lower
taxes hindi naman papayag ang ating gobyerno na kulang sa pera ang ating budget kaya the
remedy would be to decrease taxes. For example, the estate tax should be erased, panggulo
lang iyan e. Naging judge ako marami akong estate taxes cases 10 taon na hindi pa
maresolbahan. Pangalawa, real estate tax will be abolished law should be piggy-banked with a
real property tax on a national level kaya dalawang beses magbabayad kaya mahirap labanan
ito kaya ang kailangan diyan is the will to win.
Mike Enriquez: Salamat po Senadora si Sec. Roxas may reaksyon kayo sige po, Secretary.
Jessica Soho: 60 seconds.

Sec. Roxas: Ang masasabi ko lang no tama lumago ang ating ekonomiya. In fact, fastest
growing, itong ating mga kababayan mahigit 2M na mga tao ay naitawid mula sa poverty line to
above the poverty line. magkwestyon man sa datus pero iyan ang datus ng ating NEDA o
National Statistics Office. 2M families ang ngayon ay hindi na tinatawag na mahihirap dagdag
pa doon ay yung tinatawag nating safety nets. May safety nets tayo sa Philhealth. Noong
nakaraang taon, kung magkasakit ka kasama ang 6 at kalahating milyon na pasyente
natulungan ka ng Philhealth sa halagang P75B. Kung dati rati bawal magkasakit ngayon may
kasangga ka, ang iyong gobyerno para hindi na mauubos ang laman ng bulsa mo sa
pagbabayad ng pagpapagamot iyan ang inihatid ng daang matuwid. Iyan ang itutuloy ko
sakaling mabigyan ako ng pagkakataon.
Mike Enriquez: Salamat Secretary. Senadora Santiago you have 30 seconds to reply to react
kung gusto niyo po.
Sen. Santiago: As I said, these are all promises way up in the sky. Promises in the sky is the
program of government, of many officials for public office, saan natin kukunin ang pera? Iyon
ang tinatanong ko, saan? Sinong magbibigay magdodonate? Mga mayayaman ba?
Daragdagan natin dahil sa mayaman sila? Malaking problema iyan where to source the fund. I
can make the entire list from here to there of all my promises but you will each cost taxes.
Mike Enriquez: Mga Kapuso, hindi pa po tapos ang round 2 pero ngayon pa lang po
pinapaalam na namin sa inyo na number one trending topic sa Pilipinas at sa buong mundo ang
hashtag Pilipinas Debate 2016.
Jessica Soho: Magandang pangitain iyan, Mike, kasi ibig sabihin maraming kababayan tayong
intresadong intresado sa sasabihin ng ating kandidato.
Mike Enriquez: Opo maganda ito sa ating bayan kaya lahat tayo hihinga muna ng saglit dahil
tumitindi po ang talakayan ngayong hapon.
Jessica Soho: Kilatisin busisiin ang inyong pipiliin.
Mike Enriquez: At magbabalik po ang Pilipinas Debates 2016, diyan lang po kayo.
Jessica Soho: makikita po ninyo ang heat map ng facebook naman. Kanina twitter, ngayon
po heat map ng facebook. Ang Davao City at Ilocos Norte ang pinakaaktibo ngayon sa
diskusyon sa facebook tungkol sa eleksyon.

GAP 3
Jessica Soho: Ang inyo pong napapanood ay ang mga nanonood sa gymnasium dito rin sa
Capitol University sa Cagayan de Oro City. Nasa 1500 tao ang kasalukuyang nanonood doon
live ng ating Presidential Debate.
Mike Enriquez: At patuloy ang pagkilatis sa mga tumatakbo sa pagka- Presidente dito sa
Pilipinas Debates 2016.

Jessica Soho: Nasa round 2 pa rin tayo para talakayin ang kahirapan at pagpapabuti ng buhay
ng ating mga kababayan.
Mike Enriquez: Okay si dating DILG Sec. Mar Roxas naman po ang sasalang at ang
makakaharap niya po Mayor Rodrigo Duterte. Binubunot ko na po para sa inyo biglang
lumuwag ang butas nang sa inyo na o ito po. Paunti na ngpaunti ang nahuhuli ng nga
mangingisda natin. Maswerte na po kung kumita ang mga magingisda ng P220/araw. Ano ang
magiging programa ng inyong administrasyon para maiangat ang kabuhayan ng mga
mangingisda at mapangalagaan ang ating karagatan meron po kayong 90 seconds para
sumagot.
Sec. Roxas: Para sa ating mangingisda, ang pinakamahalaga ay ang murang pautang.
Nauubos ang kanilang capital. Ang kanilang kinikita sa pagbabayad ng interest amortization sa
kanilang pagutang hindi pa nga sila nagpapalaot iniuutang na nila ang kanilang huhulihin.
Murang pautang, isa sa pinakaunang susi para sa kanilang kaginhawaha. Pangalawa,
makabagong teknolohiya importante ito. Doon lang sa Dagupan sa bottom up budgeting
importante na gagawin natin ito sakaling ako ang maging Pangulo, sa buong Pilipinas na bigyan
natin ng fish finder ito, yung mga radar para sa ating mga mangingisda. Nakikita nila agad kung
nasan ang mga isda, hindi naaksaya ang panahon at pera sa kabibili ng gasoline, derekta sila
kung nasaan ang isda, direkta na ito, sariwa pa naibebenta nila sa magandang presyo.
Pangatlo, post catch facilities. Ito yung mga chiller, ito yung mga packaging na mahalaga para
mas mataas ang kikitain nila kesa sa kikitain nila ngayon. Sa ngayon limitado ang kanilang kita
dahil nabubulok ang kanilang mga isda. Kapag nagkaroon ng post catch facilities tulad ng mga
chiller tulad ng mga ref vans, dadalhin ang kanilang mga huli sa mga pamilihan, gaganda ang
kanilang kita at panghuli at ang infrastraktura para mas madali nilang maparating ang kanilang
huli sa mga pamilihan.
Mike Enriquez: Maraming salamat po Secretary, Mayor Duterte meron, po kayong 60 seconds
para mag-react. Agree ba kayo kay Sec. Roxas?
Mayor Duterte: Yeah I will not rebut on what he said because it’s all true. Gusto ko ngang
kopyahin e kung papayag siya e idagdag ko na lang yung akin.
Mike Enriquez: Payag ba kayo?
Sec. Roxas: Oo naman bakit hindi.
Mike Enriquez: Tuloy niyo, Mayor.
Mayor Duterte: As I said this is true in every program of the government. Ang problema lang
ho kasi dito marami tayong problema. In the past we have a lot of problems to help our
fellowmen fisheries and farmers and all. Ang nagkakaproblema ho dito is the implementation
along the way because if you are incompetent and corrupt, officials would be the same.
Biyayang dagat is the greatest program of any government but along the way sumabog
because there was corruption wala akong debate sa lahat nila ang incompetence sa mga tao o
corruption e hinid iyan nacocorrect e.

Mike Enriquez: Salamat po, Mayor. Sec. Roxas, 30 seconds. Incompetence and corruption,
Secretary?
Sec. Roxas: Nasa sentro ng programang matuwid, nasa sentro ng diwa ng pagkatao ni Mar
Roxas yung anti-corruption. Sa mahigit 20 taon ng panungungkulan, ni minsan hindi nabahiran
ang ating pangalan ng kahit anong anomaly. Ako galit sa mga corrupt at hindi ko papayagang
magkaroon ng kurapsyon sa aking panunungkulan. Ang importante dito ay itong mga nasabi ko
ay nasimulan nang magawa nasimulan nang matamasa n gating mangingisda at itutuloy ko iyan
palalawakin ko iyan para mas marami pa ang giginhawa sa ating mga programa.
Mike Enriquez: Salamat po, Sec. Roxas.
Jessica Soho: Ang nabunot naman ni Mayor Duterte ay VP Jejomar Binay. Mayor Duterte ito
po ang inyong tanong: meron po kayong 90 seconds para po sagutin ito. Ang tanong: isa sa
problema ng magsasaka at mamimili ang pagkakaroon ng rice cartel na nasa likod ng
smuggling at rice manipulation. Paano babanggain ng administrasyon ninyo ang mga rice
cartel na ito?
Mayor Duterte: Sus, Ma’am, iyan lang? I’ll do it in in three ways, hulihin ko lang yung gagong
na I testified in the Senate, I undentified somebody there mga iyan, those are the ones
smuggling rice. Yung cartel nila madali iyan as President. Sabi ko nga 3-6 months tapos na
lahat ito e. No really, I am willing to stake my honor, my position and my life. 3-6 months
malinis po itong bayan na ito, pati yung cartel cartel na iyan, pati itong 5-6 ang ginagawa
nagpapahiram pa doon sa mga farmers tapos binebentahan pa ng appliance. Eh ako sa Davao
sabi ko, stop it do not oppress the people kaya lahat ganito we would like to build food terminals
and we would like to many banks to come in and give money to the farmers then allow them,
Department of Trade to allow them establish their trade of credit unions, cooperatives. Doon
maghirap as I said P1B per region doon sila magtayo ng kooperatiba para kanila ang
binabayaran nila.
Jessica Soho: VP BInay ano po ang tugon ninyo sa sinasabi ni Mayor Duterte?
VP Binay: Alam po ninyo, problema ng smuggling, nakikita ho ninyo ang leader. Doon ho
nagsisimula ang problema kasi ang leader, hindi decisive, hindi effective. Alam ang problema
eh. Bakit hindi masolusyunan? Kasi hindi marunong mamuno. Ako yung problema lang sa amin
hindi kami masyadong naproblemahan ng crime at kung anu ano pa dahil sa ako ho, I’m a
decisive leader I hit the ground running. Haharapin ko ho ang problema ditto. Halimbawa may
problema sa Mindanao dahil sa kuryente, eh wala eh indecisive, ineffective, walang aksyon,
may problema hindi sinosolusyonan. Kaya ho nagkakaroon ng walang nagagawa sa
smuggling.
Jessica Soho: Turn po ni Mayor Duterte para magbigay po ng kaniyang counter rebuttal.
Mike Enriquez: 30 seconds po.
Mayor Duterte: I am nothing to rebut into that statement when it’s just matter of rebutting. It’s
useless because it’s so good problems that I said is the money because the fundamental duty of

the President is see to it that food is available and food is affordable, iyan po ang problema
talaga.
Jessica Soho: Maraming salamat, Mayor Rodrigo Duterte. Sarado na po ang round 2. Sa
ating pagbabalik…ang third and final round. Ang issueng sunod nating hihimayin, sunod
lamang po. Kilatisin, busisiin ang inyong pipiliin.
Mike Enriquez: Magbabalik po ang Pilipinas Debates 2016. Ito po ang inyong nakikita ngayon
ay ang ating discussion trend sa facebook naman po na mas marami pong mga babae kesa sa
mga lalake ang nakikilahok sa diskusyon. Sa facebook edad 18 hanggang 25 anyos ang
pinakaaktibo, mabuhay ang mga kabataan.
Wala ba kayong mga kamay para sa mga
kabataan?
GAP 4
Mike Enriquez: At ito po muli ang isang kuha ng GMA 360 camera maaari niyong kontrolin
iyan para makasilip kayo sa loob ng debate hall. Ayan mga Kapuso, punta lamang kayo sa
gmanews.tv. Live po iyan mga Kapuso. Tuloy ang ating pagkilatis at pagbusisi sa mga
kumakandidato sa pagkaPangulo dito sa Pilipinas debates 2016. Round 3 na po tayo mga
Kapuso. Dito mga issue po na kinahaharap natin sa mga sandaling ito, Mindanao tututukan ng
kasama natin na magtatanong po mula sa social media.

Voice Over: Itinuturing na food basket ang Mindanao pero dito rin matatagpuan ang 5 sa 10
pinakamahirap na probinsya sa bansa. Dekada na rin ang kaguluhan ilang usaping
pangkapayapaan ang sinimulan pero bigo pa ring makamit ang kapayapaan ano ang susunod
na magiging hakbang ng susunod na Pangulo?
Jessica Soho: Makakasama po natin sa pagtatanong sa mga kandidato sa pagka-Pangulo, si
John Nery ang Editor-in-chief ng inquirer.net. Nag-ikot po sila sa Mindanao, kumalap ng mga
tanong mula sa publiko at ilan nga po riyan ay posibleng kasama sa matanong sa ating
kandidato. Katulad sa round 2, bubunutin pa rin natin ang mga tanong sa mga kandidato at
gaya rin sa round 2, nagbunutan na rin ang mga kinatawan ng kandidato ng kanilang sequence
o pagkakasunod sunod.

Mike Enriquez: Ito nap o mga Kapuso ang unang sasabak mula sa Mindanao si Mayor Rodrigo
Duterte na ang makakatapat po ay si dating Secretary Mar Roxas.
Pero bago po iyang
dalawang iyan, si John Nery muna.
John Nery: maayong gabi Mike, Mayor Duterte..
Mayor Duterte: Yes, sir?
John Nery: Kayo po ang kandidato mula sa Mindanao. Ito po ang inyong tanong: may
nagpadala sa amin ng litrato sa social media makikita rito ang isang maputik na kalsada at
isang ilog na walang tulay sa Zamboanga. Galit na raw ang katulad ni Ken Sharif dahil matagal

na nilang hinihiling ang maayos na tulay at kalsada. Kung ikaw ang magiging Pangulo, paano
mo tutunugin ang katarungan ni Ken? At paano mo maiiwasan ang irregularities sa
infrastructure projects? Meron po kayong 90 seconds.
Mayor Duterte: Yes, sir. I will have to tell you that 65%, 64% of infrastructure projects are here
in Manila. I also want you to know that 19% lang ang binigay sa region 19. Of course that is
the disparity and that is why the Mindanaoans are asking you, now galit na galit sila kasi ang
aming share sa taxes hindi ibinibigay. Remember that Mindanao contributes to the country’s
coffers, 54% of the total export earnings in dollars it depends but ang Mindanao kasi ang
nagbibigay sa agricultural products nassa mga ito 19B only for region 11. I don’t know how the
others are getting iyan ho, it is the disparity and this is why people are clamoring for a federal
government. I-dissipate na muna natin ang central powers. After all this is the symbol of our
being oppressed as a people a long time ago. You have to give us our share and we will of
course, we have to restore law and order.
Mike Enriquez: Sec. Roxas, ano po ang reaction niyo sa sinabi ni Mayor Duterte? Meron po
kayong 60 seconds, sige po.
Sec. Roxas: Salamat, unang una ay tutugunan natin ang pagtayo ng anumang tulay doon sa
kung saan mang bayan iyon pero habang totoo na napag-iwanan ang Mindanao, hindi na po
iyan ang nangyayari ngayon. In fact Mindanao today it has twice the amount of infrastructure in
the last 5 years than it had in the last 12 years. P260B ang dumating sa Mindanao sa
nakaraang 5 taon kumpara sa P255M noong 12 taon ni Erap sorry ni Gloria at ni Erap.
Hinahabol na natin, lumalaki na ang ating pagtugon ang paglaban sa Mindanao, is this enough?
Hindi pa kaya tuloy tuloy ang ating programa kung saan mas maraming infrastructure tulad ng
nakita natin paglanding sa Laguindingan papunta ditto. Iyan nangyari sa daang matuwid
halimbawa
ng
infrastructure
na
pinarating
natin
sa
Mindanao.

Mike Enriquez: Maraming salamat, Secretary. Mayor Duterte meron ba kayong reaksyon? 30
seconds.
Mayor Duterte: Wala naman akong nakitang tuwid na daan puro kulubot naman iyan no. I said
this year the budget given to Manila the largest portion it was 54% ang binigay sa region 11
P19M kanila 64 so can you expect Mindanao to develop? Kukwestyunin iyan, you do not count
the accounts that was given us 5 years e naubos iyan sa kurapsyon.
Mike Enriquez: Salamat po, Mayor.
Jessica Soho: Ang susunod naman po ay si Sec.Roxas at ang makakaharap niya si VP Binay.
Ang tanong mula pa rin kay John Nery.
John Nery: Daghang salamat, Jessica. Ginoong Roxas, ang tanong po sa inyo… sa
pinakahuling Pulse Asia Survey lumalabas na ang pangunahing issue ng mga kabataan sa
Mindanao, ang problema sa droga. Sa buong bansa P1.7M ang lulong sa droga. Kapag ikaw
ang naging Pangulo, paano mo tutugunan ang problemang ito? Ano ang gagawin sa mga drug
cartel? Kailangan bang ibalik ang death penalty para masolusyonan ang problema?

Mike Enriquez: 90 seconds, Secretary.
Sec. Roxas: Ang droga ay isa sa problema na hinaharap natin bilang isang lipunan. Walang
pamilya sa ating buong bansa na hindi tinamaan sa problema ng droga. Tututukan natin ito,
natutukan na natin ito at tututukan natin ito sa pamamagitan ng sa taas paghabol kumbaga sa
sibat, yung tinatawag nating lambat sibat, sibat ang drug cartel tulad ng ginawa namin sa PNP
noong ako po ay DILG. Mahigit 20 mahigit P20B na halaga ng droga ang nahuli noong
kapanahunan ko. Sa ibaba naman sa ibaba ng cartel sa pamamagitan ng lambat pulisin, street,
sitio at house level pulisin ang kinakailangan diyan. Ganunpaman hindi natin malulutas ang
problema ng droga kung aasahan natin ay pulis lang ito ay problema ng buong lipunan it takes
all of us coming together mga guro mga magulang mga kapitbahay lahat po ng lipunan ay dapat
magtulong tulong para malutas po ang problema ng droga hindi po madali malaking pera ito
kasama na ang mga corrupt iba pulitiko, iba mga police so anti-corruption pa rin ang
pinakamahalagang sandata para malabanan natin ang droga.

Jessica Soho: Ang inyo pong reaction VP Binay, 60 seconds.
VP Binay: Unang una diyan ang problema po diyan ay mahina ang enforcement. Nandiyan po
nalalaman ang illegal drug syndicates, ano ang ginawa? E wala masyadong nahahabla kung
may nahahabla naman wala masyadong nangyayari. Isa pa hindi ho effective hindi decisive
ang ating leadership. Ako ho sa Makati inabutan kong problema iyan. Yung problema ng droga
pero ako po ay decisive. Wala tayong papayagan, yung mga kaso ng illegal drug syndicates.
Ako tuwing maghaharap harap kami, “Uy ano na ba ang mga kaso? Wala na ba? nasolusyonan
na ba?” Uulitin ko ang banggit po sa death penalty hindi ho ako naniniwala sa death penalty
gawa po ng Diyos iyan e, hindi ho natin kailangang gawin iyan. Uulitin ko kailangan lang ho
decisive ang pagharap sa problema iyon ang wala kaya ho nagiging problema.
Jessica Soho: Counter rebuttal Secretary Roxas 30 seconds po.
Sec. Roxas: Nabanggit ni VP Binay ang Makati pero po di ba ang totoo, dalawa ang Makati?
Makati ng mga Ayala na maunlad, maraming trabaho. At Makati ng mga Binay na mahirap pa
rin, Komembo, Rembo diyan pa rin ang mga mahihirap. Nandiyan pa rin ang droga. In fact
Makati, it was the highest drug rate lahat ng mga mayayaman diyan lahat ng clubs bawat
Biyernes sabado nandiyan laganap ang droga sa Makati.
Jessica Soho: Maraming salamat po, dating DILG Sec. Mar Roxas.
Mike Enriquez: Mabilis lang po, sige po, Vice President.
VP Binay: Ewan ko ho kung saan nakuha ang statistics ni Mr. Roxas. Hindi ho naging problema
sa amin ang droga. Yung rembo, naku masaya po ang mga tao doon kasi yung mga lupa doon
naibigay ko at malaki ang halaga. Wala hong kahirapan sa Rembo, sa buong Makati
nakapagdeliver po kami at naiangat namin ang buhay.
Mike Enriquez: Maraming salamat po Vice President.

Mar Roxas: Sa housing nilagay para mailipat nila para Makita kung gaano kahirap pa rin ang
mga tao na inilipat nila.
Mike Enriquez: Sige po, magbabalik po tayo sa ating sequence mamaya po, huwag po kayong
mag-alala itutuloy po nila iyan. Gusto niyo? Palakpak kung gusto niyo. Ayun ayun o.
Jessica Soho: Si VP BInay nman ngayon makakaharap si Sen. Miriam Defensor Santiago
tanungin uli natin si John Nery, John..
John Nery: Salamat, Jessica. Mr. VP ito po ang tanong para sa inyo. Sa pag-iikot namin sa
Mindanao lumalabas na nais ng mga kabataan na ipasa ang anti-political dynaty bill. Kayo po
ay kabilang sa isang political dynasty. Paano nyo bibigyan ng prayoridad na ipabatas o
ipasabuhay ang constitutional provision laban sa political dynasty? Meron po kayong 90
seconds.
VP Binay: Unang una po ay kailangang maipaliwanag ko kung ano po ba talaga ang dynasty
na tinutukoy oo nga at nandiyan sa saligang batas, iyang labanan ang anti-dynasty pero hindi
po magkasundo kung ano ba ang definition ng dynasty. Pangalawa, bakit naman po magkaroon
ng batas para pagbawalan yung gustong magtrabaho? Qualified naman at mahahalal naman sa
isang malinis at marangal na halalan. Hindi naman po guarantee na porket kamag-anak e
mananalo. Ang Maynila tadtad po anak, asawa lahat po natatalo. Uulitin ko lamang kailangan
lamang po magkaroon ng malinis at marangal na halalan palagay ko nagsimula itong issue ng
dynasty dahil sa unang panahon magkakamag-anak, overspending, patayan at iba pa. Pero
kung qualified gustong magtrabaho aba bakit hindi naman ho? Basta daraan lamang sa isang
marangal at malinis na halalan. Salus populi sabi nga e, gusto ng tao o bakit naman ninyo
haharangin? Dahil lamang sa kamag-anak?
Mike Enriquez: Salamat po, Mr. VP. Sen. Miriam Defensor Santiago, reaction please, you
have 60 seconds.
Sen. Santiago: The anti-dynasty provision is found most of all in our Constitution and it is a
basic principle of law that anything written in the Constitution without more or without less
should be literally applied if possible. Sinabi na ng Constitution eh, hanggang ngayon hindi pa
naisasabatas yung aking bill ng anti-dynasty kaya hindi nadedefine kung sino ang mga
members ng dynasty ano ang patakaran para masubsume sila ma form, part sila na miyembro
ng dynasty dapat may batas na ganon na miyembro ng Kongreso na malabo. Ang totoo diyan,
may self interest sila, gusto nila ang dynasty kasi dynasty ang pinanggalingan nila o
pupuntahan nila. Ngayon kung ayaw nila noon, they have to amend the Constitution but while
it’s there, it must be obeyed the Constitution is always and always supreme.

Mike Enriquez: Salamat po, Senadora. Mr. Vice President, ano po ang masasabi niyo diyan?
30 seconds.

VP Binay: Si Miriam meron po siyang anak na halal and kung malabo po ang definition ng
dynasty e ayan po ang problema natin e. Tama ho si Miriam, meron sa Constitution, ang
problema walang implementation ng batas kaya ho tayo nagkakagulo pa.
Mike Enriquez: Maraming salamat po, Mr. VP. Si Senadora parang..
Jessica Soho: Kailangan sagutin niya kasi may nabanggit uli e.
Mike Enriquez: may gusto po kayong sabihin kanina sige na nga Senadora maikli lang. Meron
ba
kayong
gustong
sabihin?

Sen. Santiago: Kasi mali ang sinabi, yung anak ko noon tumakbo as partylist representative
after one term he did not run for another post.
Mike Enriquez: So wala po kayong anak sa gobyerno ngayon?
Sen. Santiago: Wala.
Mike Enriquez: Salamat po.
Jessica Soho: Ang round 3 ipagpapatuloy natin mayamaya lang. Kilatisin, busisiin, pakinggan
ang inyong pipiliin. Magbabalik po ang Pilipinas Debates 2016.
Mike Enriquez: Sa datos po ng twitter Jessica…
Jessica Soho: Mataas na mataas po talaga ang interest ng publiko sa mga usaping kaugnay
sa poverty and development, dapat lang, iyan ang pangunahing problema e kasunod naman
iyan ng peace and order, track record, Mindanao issues and corruption.

GAP 5

Mike Enriquez: Nagbabalik po tayo sa lungsod ng Cagayan de Oro dito sa Mindanao para sa
pagpapatuloy ng Pilipinas Debates 2016 at magpapatuloy po tayo sa round 3. Pero bago po
iyan, may mga nagtatanong po yung nakikita sa tenga ni VP Binay. Ang tawag po diyan sa
aming propesyon ay override, ang tinatawag po na in-ear monitor. Ganito po iyon mga Kapuso,
meron po kaming lilinawin, nakakabit po iyon. Ang naririnig po doon ay ang audio o on the air o
sa himpapawid ng debate. Lahat po ng kandidato inalok po naming lagyan niyan, dapat maklaro
po namin sa inyo iyon at tanging ang nagpalagay lamang ng override ay si Bise Presidente
Binay. Salamat po.
Jessica Soho: Ang atin pong hinihimay ngayong round 3 mga issue na kinakaharap ng
Mindanao at mga tanong mula po sa ating mga netizen.

Mike Enriquez: Ito na po ang susunod na magtatapatan, Senadora Miriam Defensor Santiago
at Sen. Grace Poe, ang dalawang babaeng kumakandidato sa pagka-Presidente. Balikan natin
si John Nery, John...
John Nery: Salamat Mike. Ito po ang susunod na tanong para po kay Sen. Santiago. May mga
nagsasabing para depensahan ang Pilipinas sa sigalot sa West Philippine Sea, kailangan natin
ng EDCA or Enhance Defense Cooperation Agreement ang pinangangamba naman ng ilang
kausap namin lalo na dito sa Cagayan De Oro na ang mga lugar katulad ng Lumbia Airport ay
gagamitin para sa EDCA ay magiging militarized. Kayo po ba ay pabor sa EDCA? Kung hindi,
ano ang nakikita niyo para madepensahan ang Pilipinas laban sa bansa mula sa China?
Jessica Soho: 90 seconds po.
Sen. Santiago: I am against the EDCA, in fact I was the author and the sponsor of the
resolution of the past Senate expressing the sense of the Senate that the EDCA should past
first the Senate which is what happens to all other treaties. Bakit ito pinirmahan lang ng
opisyales ng Department na hindi binigay sa Senado lahat ng ibang mga treaty ganoon ang
paraan doon kaya galit talaga ako diyan dahil nagsusunod sunuran tayo. Itong dalawang
higante, ang China at ang US parehong gustong kontrolin ang Pilipinas. Bayaan mo na kung
ano ang gusto nila sa sarili nila huwag na nila tayong idamay kaya pareho lang iyan na mga
ganiyan. Ang China gusto niya lahat ng produce kaniya na kaya ayaw makipag-usap sa atin
ang China ng one on one, Pilipinas halimbawa and China, Vietnam and China. Ganon ang atin
namang gusto ay collective lahat ng Asians, magkasamasama sila 10 sila at kausapin nila ang
China. Ngayon ayaw ng China iyon kaya hindi na talaga maresolba iyan pero ang katotohanan
diyan ay parehong gusto na kontrolahin itong South China Sea na tinatawag o West Philippine
Sea nitong dalawang bansa na ito. Let us stand for our sovereign rights I am willing to join any
movement to declare independence for imposed sovereignty.

Mike Enriquez: Salamat po Senadora. At Senadora po, meron po kayong 60 na segundo, 60
seconds para sa inyong reaction.
Sen. Poe: Sang-ayon ako kay Sen. Miriam na dapat talaga dumaan ito sa Senado para masuri
kung ito ba ay bagong kasunduan o hindi. Ito po ang ilagay natin sa ating isip, wala pong bayan
ang mag-iisip kung ano po ang mas maganda para sa kanilang kapitbahay o para sa kanilang
kaalyado. Ang unang una nilang isiipin ay ang ating sarili ngayon, isipin natin ang ating sarili
ano ang pwede nating makuha sa kasunduang ito. Oo bigatin pero naalala ba ninyo noong
nandito ang base military kahit papaano binabayaran tayo ng Amerikano pero ngayon dahil sa
EDCA libre ang kanilang pagdating dito. Ito ang masasabi ko, kahit na maliit na bansa tayo
ikumpara natin sa China bakit ang Singapore kaya nilang palakasin ang kanilang military hindi
sila basta basta inuuto ng ibang bansa. Kaya rin natin iyan ngayon. Unti unti palakasin natin
ang ating military. Kausapin natin ang China constructively pero let’s take a leadership role in
Asean so we can follow a particular code and conduct followed by other countries by the Asean.

Mike Enriquez: Salamat po, Senadora. Salamat po, Madam Senator. Senadora you have 30
seconds.
Sen. Santiago: Yes, different levels of negotiations in the Philippines and other foreign contries
to deal with. The first track is always to exchange notes for example the Philippines already
contested on the activities of China that’s the first track that’s had no effect walang epekto pero
we have to go to the second track we have to negotiate with China together with other Asian
countries.
Mike Enriquez: Maraming salamat po, Senadora Santiago.
Jessica Soho: Ausunod po ay ang paghaharap ni Sen. Grace Poe at ni Mayor Rodrigo Duterte,
babalikan po natin muli si John Nery.
John Nery: Salamat, Jessica. Ito po ang tanong para kay Sen. Poe: hindi naipasa ang
Bangsamoro Basic law dahil na rin siguro sa nangyari sa Mamasapano. Kapag kayo po ang
nahalal, isusulong niyo ba uli ang BBL o meron kayong ibang programa? Yung nangyaring
pagpatay kay Marwan kasama po ba iyan sa solusyon?
Mike Enriquez: 90 seconds.
Sen. Poe: Mr. Nery ang nais ko po ay magkaroon ng transparent at inclusive at sustainable na
pag-uusap at saka kasunduan. Kailangan talaga sa pagbuo ng bagong kasunduan at pagtulak
nito ang lahat ng mga grupo MILF, MNLF l,ahat ng mga grupo hindi lamang Maguindanaoan
kundi Maranawan, Tausug, Badjao, at iba pa. Pati mga Kristiyano sa Mindanao na bumubuo
nito. Pangalawa, habang naguusap tayo, kailangan ay sundan natin ito ng mga proyekto para
sa Mindanao ako po ay isa sa gustong magtulak talaga na magkaroon tayo ng Mindanao rail.
Noong 1992 pa po ito pinag-uusapan. Siguro nasa lagpas P70B ito. Kaya na natin itong
tugunan sa mga panahon na ito kailangan rin nating ayusin ang problema sa kuryente dito sa
Mindanao. Kailangan rin nating i-rehabilitate ang Angus at Pulangi dam sapagkat ito po ay
heavily silted na. Imbes na 900 megawatts nagiging 600 megawats of power lamang ang
nabibigay dito. Importanteng magkaroon ng trabaho dito sa Mindanao kaya nga sa aming
budget kasama ang infrastraktura 2000km na kailangan naging ipasemento at ipaayos.
Magbibigay ng temporary na trabaho pero pagkatapos noon mahihikayat natin ang turismo at
mamumuhunan dito na pumunta dahil mas maayos na ang mgakalsada kasama sa usap ng
kapayapaan ay ang development.
Jessica Soho: Rebuttal Mayor Duterte, 60 seconds.
Mayor Duterte: Let me focus on Mindanao, on what it is happening today with the failure of
BBL there is a great great hurt there unless I say we can come out another card which is
Federalism nothing at all can a peace Mindanao iyan ang nangyayari diyan and that is why it is
very important na kung ako ang pupunta diyan, I will not offer the BBL which is the same
configuration. But I will offer Federalism to all pati kay Nur Misuari, that would maybe a peace
everbody very Moro pulitiko would like to see Federalism kasi pumalpak nga ang BBL and we
have to do this because nothing, nothing short will a peace to bring peace Mindanao. Iyan ang
importante sa lahat diyan you have to right a historical wrong against the Moro people.

Jessica Soho: Counter rebuttal, reaksyon, Senadora Grace Poe, ano po ang inyong reaction?
Sen. Poe: Ginagalang ko po ang sinasabi ni Mayor Duterte. Kailangang pag-usapan natin kung
makakabuti pa ang federalism ng ating bayan ang pinakamalapit na example ng federalism sa
ating bayan ngayon gawin natin ito sa umpisa ng termino ng isang Pangulo kung ano ang
makakabuti pero sa tingin ko ang kailagan ng ating mga kababayan ay devolution of powers
kung saan ang people of Mindanao ay mas may prerogrative sa paggasta ng kanilang pondo.
Sa ngayon po ay dapat 40% pero less than 30 or 30% lang ang nabibigay sa local government
mali po iyon, kailangan taasan natin.
Jessica Soho: Maraming salamat, po Sen. Poe.
Mike Enriquez: Tapos na po ang round 3, mga Kapuso. Susunod mapapakinggan niyo na po
ang mga huling salita ng mga kandidato para sa hapon na ito.
Jessica Soho: Closing statement
Mike Enriquez: Tawag po nila diyan, closing statement mga Kapuso, gusto niyo pa? Sige po
sandali lang.
Mayor Duterte: One hour each? We are good until 9. Let us explain further our side to the
people.
Jessica Soho: Patay, one hour daw. Kilatisin, busisiin po ang inyong pipiliin.
Mike Enriquez: Magbabalik po mga Kapuso ang Pilipinas Debates 2016. One hour?

GAP 6

Jessica Soho: Magandang gabi na, mga Kapuso. Narito uli tayo live mula sa Capitol University
sa Cagayan de Oro City para sa huling bahagi na po ng Pilipinas Debates 2016. Kasama pa rin
po natin lahat ng mga kandidato sa pagka-Pangulo.
Mike Enriquez: Mga Kapuso, nitong nakaraang lingo, nagpunta po kami dito sa barangay Pikit
dito po sa Mindanao. Nakilala po namin ang isang estudyante sa grade 5 nakikita niyo po iyan
si Nornissa po iyan malungkot po ang kwento niyang si Nornissa dahil hawak po siya ng
kaniyang ama nang siya ay nabaril sa isang rido.
Jessica Soho: 3 km lang naman ang layo sa ating kinaroroonan natin ngayon, nakilala ko si
Nanay Nening 71 years old. Ang tanging kinabubuhay nilang mag-asawa ay pagbebenta ng
panggatong. Kada buwan, P300 ang kanilang kita sabi niya, kung mahirap sila noon, mahirap
pa rin po sila hanggang ngayon kasama sina Nornisa at nanay Nening sa mahigit 100M Pilipino
na nais po ninyong pamunuan.

Mike Enriquez: at para po sa pangwakas na pananalita, closing statement ngayong gabi e
pakisabi na rin po sa mga nakikinig sa Pilipinas at sa buong mundo bakit kayo ang dapat na
susunod na kandidato na Presidente ng Pilipinas.

Jessica Soho: Bibigyan po namin kayo ng tig isang minute. Para riyan alphabetical ulit po ang
ating sequence, ang ating pagkakasunod sunod.
Mike Enriquez: Ito na po mga kapuso ang uunahin natin si VP Binay, Mr. VP, 60 seconds po.
VP Binay: Batay po sa aking karanasan at tamang pamamahala pagmamalasakit sa ating
kapwa lalong lalo na sa mahihirap, iyan hong pagharap sa problema ng kahirapan ay dapat pa
rin po nating harapin sapagkat problema pa rin po iyan. Kaya po tigilan na po natin iyang under
spending ang sinasabi ko kapag underspending, under performance. Hindi nagagamit yung
dapat paggamitan. Pagkamaraming namamatay kasi hindi nabibigyan ng gamut, hindi
makapagpapasok sa ospital. Nakakaapekto po iyan nade-delay ang performance. Yung mga
infrastructure project po natin nakakatulong po iyan dahil sa pagparami ng kabuhayan e hindi
ho nagagawa kaya po kailangang kailangan po tayo na magdagdag gastusin, ang pera para
mabago po ang ating buhay.
Jessica Soho: Sunod po naman si Senadora Miriam Defensor Santiago, 60 seconds po.
Sen.Santiago: We are here looking for a real leader of the Philippines who will implement all
the valuable suggestions made here in this evening. But this is not a personality contest. This
is not a show for entertainment this is a show to educate the Filipino voters to what their
responsibilities are in addition to those being assumed as Presidential candidates. One, there
should be academic excellence. Dapat naging head of the class at least naging honor student
kasi kung hindi marunong iyon, anong dunong ngayon ang ibibigay sa atin? Pangalawa, may
professional excellence. Kung may professional, iyon dapat binigyan iyon ng mga awards ng
kapwa professional niya dahil sa hanga sila sa kaniya. But third and most important, we should
have moral excellence. Dapat yung binoboto natin yung walang bahid sa kaniyang record.
Inimbento man masyadong hindi kapanipaniwala so good luck to you and good luck to all of us I
hope this country will deserve to be what God meant it to be, a happy prosporous nation.
Mike Enriquez: Salamat po Senadora, 60 seconds po sa huling pananalita ngayong hapon ni
Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Mayor..
Mayor Duterte: nganong dia dire (speaking his dialect) Why am I here? I am here because I
love my country and a people of the Philippines I am a native from the Philippines. There are so
much corruption. there are so much crime, so much drugs flooding the country and it seems no
one is minding this. Matagal nang I am raising the problem and I said everytime on the forum I
talk about this and that e kung bigyan niyo ako ng pagkakataon, only if God’s will, also I said
this is an imposed restriction on me. Hindi ako nagpapablib sa inyo. I will get rid drugs,
suppress crime, stop corruption in government in a matter of 3-6 months, because I believe
without peace without corruption we cannot really survive and develop as a nation.

Jessica Soho: Si Senadora Grace Poe naman ang susunod na magbibigay ng closing
statement. Sen. Poe 60 seconds.
Sen. Poe: Maraming, salamat sa inyong pakikinig. Nararapat lamang na pinag-uusapan natin
ang lahat ng ito. Ito po ay hindi tungkol sa mga kandidato kundi tungkol sa inyo. Hindi po ang
mahalaga sa amin kundi ang mahalaga sa inyo, dahil ito ay tungkol sa Mindanao nais nating
balikan ang nais nating gawin sa Mindanao. Unang una kailangan talagang magkaroon ng
sapat na kuryente na mura ang halaga para sa ating mga kababayan. Iyan ay ating gagawin irerehabilitate natin ang lahat ire-rehabilitate natin nag transmission grids para ito naman ay sapat
ang kuryenteng maibibigay. Pangalawa, trabaho para sa inyo. 30% budget ng national
government ilalagay natin dito. Pangatlo, kailangan rin na magkaroon ng pakikipaglaban sa
kurapsyon. Kapag ako po ang naging Pangulo, unang executive order magkakaroon ng
freedom of information na matagal na ating ginugusto sa Pilipinas o sa mindanao man ang
pinakaimportante ay isang lider na mapagkakatiwalaan. Oo nga bago nga ako pero hindi na rin
bago ang ating problema pero marami nang matagal diyan pero paulit ulit pa rin ang kanilang
mga lumang solusyon.
Mike Enriquez: Salamat po, Senadora. Pakinggan naman natin si DILG Sec. Mar Roxas.
Sec. Roxas: Bakit ko gustong maging Pangulo? Maraming pagkakataon sa buhay ko, alam ko
wala sa mamamayang Pilipino, nagtrabaho ako nakaipon ako, alam kong maayos ang
kinabukasan ng anak ko, makakapag-aral siya. Kapag may nagkasakit sa pamilya namin
kampante ako na may gagamot sa kanila, hindi ko pinoproblema ang kakainin ko sa bukas.
Bakit ko gustong maging Pangulo? Dahil gusto kong maging ganito rin ang buhay niyo. Malaya
sa gutom. Malaya sa takot at malayang mangarap. At nahihiya akong gawin mahihiya akong
harapin ang aking magulang, ang aking anak, kayo mismo kung hindi ko gagawin lahat para
mangyari ito, maraming salamat.
Jessica Soho: Maramig maraming salamat sa ating mga kandidato, sa Philippine Daily
Inquirer, sa GMA ,sa paghahatid sa inyo ng Pilipinas debates 2016. Thank you sa Editor-inChief ng inquirer.net na si John Nery, sa team bahay na masipag magtweet, magpost sa
facebook at nakibahagi sa diskusyon sa GMAnews.tv, sa super radio DZBB at sa lahat ng
RGMA stations nationwide, thank you rin po.

Mike Enriquez: Salamat rin po sa Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas. Maraming
salamat po sa COMELEC, maraming maraming salamat at lalo na lahat, maraming salamat po
sa milyun milyong Pilipino na tumutok ngayong hapon at gabi, kumilatis at bumusisi sa mga
kandidatong ito.

Jessica Soho: Maraming salamat po uli sa ating kandidato, sabi nga nila, walang personalan
pulitika lang. Kaya aanyayahan namin kayong pumunta sa harapan ng entablado at
magkamayan po alang alang sa bayan. Naway nakatulong po kami sa inyong pagdedesisyon

sa eleksyon 2016. iisa lang po ang inyong boto kaya pag-isipan ng husto. Ako po ang inyong
Kapuso, Jessica Soho.

Mike Enriquez: Mga kandidato pakitaas lang ang mga kamay para sa Pilipinas. Mga Kapuso,
isa sa kanila ang magiging susunod na Presidente ng Republika ng Pilipinas. Ako po si Mike
Enriquez, maraming salamat po sa inyong pagtitiwala, magandang gabi. Ay meron pa sa
Visayas at Mindanao, magandang gabi mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay!

END