You are on page 1of 35

By: Ma.

Victoria Mariano
BSIT-3B

mmariano915

Si Dr. Rizal ay maituturing na isa sa mga pangunahing


lingguwista sa mundo. Ang kanyang likas na talino na matuto
ng ibat ibang wika ay nalinang sa kanyang sariling
pagsisikap.
Bago pa pumasok sa paaralan, Si Dr. Rizal ay marunong na sa
wikang Kastila at Tagalog. Mula sa kanyang ina na mahilig
bumigkas ng tula sa Kastila at Ingles, Si Dr. Rizal ay natutong
bumasa. Limang taon pa lamang siya, marunong na bumasa ng
Bibliya sa wikang Kastila. Nagpatuloy siya ng pagaaral sa
Ateneo de Manila at siyay nagkaroon ng pinakamataas na
marka sa Latin, Griyego, Kastila, Aleman at Pranses.
mmariano915

Mahilig ang ating bayani sa pag-aaral ng ibat ibang wika sa


paghahangad niyang malaman ang buhay at kultura ng mga
tao sa ibat ibang bansa. Batid niyang mapag-aralan niya ang
mga tao-ang kanilang kaugalian at kabihasnan at kung paano
sila naiiba sa kanyang mga kababayan. Itoy pagbabakasakaling maaral nya ito para makabuti sa mga kababayang
Pilipino.

mmariano915

SA AKING MGA
KABATA
SA KABATAANG
PILIPINO
ISANG ALAALA NG
AKING BAYAN
SA MGA BULAKLAK
NG HEIDELBERG
PINATUTULA AKO
KUNDIMAN

HIMNO SA PAGGAWA
AWIT NI MARIA
CLARA
AWIT NG
MANLALAKBAY
HULING PAALAM
SA MAHAL NA
BIRHENG MARIA
SA SANGGOL NA SI
JESUS
mmariano915

Ito ay tulang Tagalog na sinulat ni Dr. Rizal nang


siya ay walong taong gulang lamang. Itoy
unang nalathala noong 1906 sa aklat ni
Hermenegildo Cruz na Kung Sino ang Kumatha
ng Florante.
CALAMBA, 1869
mmariano915

Iba pa

Kapagka ang bayay sadyang umiibig Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa kanyang salitang kaloob ng langit, Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Pagkat ang salitay isang kahatulan
Sa bayan, sa nayot mga kaharian,
At ang isang taoy katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang salita natiy huwad din sa iba


Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawalay dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita


Mahigpit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.
Iba pa
mmariano915

Ang tulang ito ay lahok ni Rizal sa isang timpalak


noong 1879. Ang orihinal nitoy nasusulat na sa
Wikang Kastila sa ibat ibang pahayagang tulad ng La
Independencia at Republica Filipina noong Disyembre
1898; sa Homenaje a Rizal at Nuestro Tiempo noong
Disyembre, 1904; at noong 1906, sa sinulat ni
Wenceslao E. Retana sa kaniyang Aparato Bibliografico
de la Historia de Filipinas.
A La Juventud Filipina in spanish
Iba pa
mmariano915

Itaas ang iyong noong aliwalas


ngayon, Kabataan ng aking
pangarap!
ang aking talino na tanging liwanag
ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!
Ikaw ay lumitaw, O Katalinuhan
magitang na diwang puno sa isipan
mga puso nami'y sa iyo'y
naghihintay
at dalhin mo roon sa kaitaasan.
Bumaba kang taglay ang kagiliwgiliw
na mga silahis ng agham at sining
mga Kabataan, hayo na't lagutin
ang gapos ng iyong diwa at
damdamin.

Masdan ang putong na lubhang


makinang
sa gitna ng dilim ay matitigan
maalam na kamay, may dakilang
alay
sa nagdurusa mong bayang
minamahal.
Ikaw na may bagwis ng pakpak na
nais
kagyat na lumipad sa tuktok ng
langit
paghanapin mo ang malambing na
tinig
doon sa Olimpo'y pawang
nagsisikap.
Iba pa

mmariano915

Ikaw na ang himig ay lalong mairog


Tulad ni Pilomel na sa luha'y gamot
at mabisang lunas sa dusa't himuntok
ng puso at diwang sakbibi ng
lungkot
Ikaw, na ang diwa'y
makapangyarihan
matigas na bato'y mabibigyangbuhay
mapagbabago mo alaalang taglay
sa iyo'y nagiging walang
kamatayan.
Ikaw, na may diwang inibig ni
Apeles
sa wika inamo ni Pebong kay rikit
sa isang kaputol na lonang maliit

ginuhit ang ganda at kulay ng


langit.
Humayo ka ngayon, papagningasin
mo
ang alab ng iyong isip at talino
maganda mong ngala'y ikalat sa
mundo
at ipagsigawan ang dangal ng tao.
Araw na dakila ng ligaya't galak
magsaya ka ngayon, mutyang
Pilipinas
purihin ang bayang sa iyo'y
lumingap
at siyang nag-akay sa mabuting
palad.
Iba pa

mmariano915

Ayon kay Mariano Ponce, sinulat ni Rizal ang tulang ito


noong 1876. Ito ay unang nasulat sa Kastila na
pinamagatang Un Recuerdo a Mi Pueblo. Sinasabing
iniharap ang tulang ito sa isang pulong ng Academia de
Literatura ng Ateneo Municipal at nalathala sa mga
pahayagang La Patria (1899), sa El Pueblo (1900) at
sa La Democracia (1901).

Iba pa
mmariano915

Nagugunita ko ang nagdaang araw


ng kamusmusang kong kay sayang pumanaw
sa gilid ng isang baybaying luntian
ng rumaragasang agos ng dagatan;
Kung alalahanin ang damping marahan
halik sa noo ko ng hanging magaslaw
ito'y naglalagos sa 'king katauhan
lalong sumisigla't nagbabagong buhay

Naalaala kong may kasamang lumbay


ang kamusmusan ko nang nagdaang araw
Kasama-sama ko'y inang mapagmahal
siyang nagpapaganda sa aba kong buhay.
Naalaala kong lubhang mapanglaw
bayan kong Kalambang aking sinilangan
sa dalampasigan ng dagat-dagatan
sadlakan ng aking saya't kaaliwan

Kung aking masdan ang liryong busilak


animo'y nagduruyan sa hanging marahas
habang sa buhangin dito'y nakalatag
ang lubhang maalon, mapusok na dagat
Kung aking samyuin sa mga bulaklak
kabanguhan nito ay ikinakalat
ang bukang liwayway na nanganganinag
masayang bumabati, may ngiti sa lahat.

Di miminsang tumikim ng galak


sa tabing-ilog mong lubhang mapanatag
Mababakas pa rin yaong mga yapak
na nag-uunahan sa 'yong mga gubat
sa iyong kapilya'y sa ganda ay salat
ang mga dasal ko'y laging nag-aalab
habang ako nama'y maligayang ganap
bisa ng hanging mo ay walang katulad.

Iba pa

mmariano915

Ang kagubatan mong kahanga-hanga


Nababanaag ko'y Kamay ng Lumikha
sa iyong himlayan ay wala nang luha
wala nang daranas ni munting balisa
ang bughaw mong langit na tinitingala
dala ang pag-ibig sa puso at diwa
buong kalikasa'y titik na mistula
aking nasisinag pangarap kong tuwa.
Ang kamusmusan ko sa bayan kong giliw
dito'y masagana ang saya ko't aliw
ng naggagandahang tugtog at awitin
siyang nagtataboy ng luha't hilahil
Hayo na, bumalik ka't muli mong dalawin
ang katauhan ko'y dagling pagsamahin
tulad ng pagbalik ng ibon sa hardin
sa pananagana ng bukong nagbitin.

Paalam sa iyo, ako'y magpupuyat


ako'y magbabantay, walang paghuhumpay
ang kabutihan mo na sa aking pangarap
Nawa'y daluyan ka ng biyaya't lingap
ng dakilang Diwa ng maamong palad;
tanging ikaw lamang panatang maalab
pagdarasal kita sa lahat ng oras
na ikaw ay laging manatiling tapat.

Iba pa
mmariano915

Sinulat ni Dr. Rizal nang siya ay nasa Heidelberg,


Alemanya noong Abril 22, 1886. Ang orihinal
nito ay nasusulat sa Kastila na may pamagat na
A las Flores de Heidelberg.

Iba pa
mmariano915

Pumaroon kayo sa mutya kong bayang pinakamamahal,


O mga bulaklak na hasik sa landas niyong manlalakbay,
At doon, sa silong ng maaliwalas na langit na bughaw,
Sa mga mahal ko'y di nagpapabaya't laging nagbabantay,
Inyong ibalita itong pananalig na sa puso'y taglay
Ng abang lagalag na di lumilimot sa nilisang bayan.
Pumaroon kayo, inyong ibalitang madilim-dilim pa,
Kung kayo, sa bati ng bukang-liwayway, ay bumubukad na,
Sa pampang ng Neckar na lubhang malamig ay naroon siya,
At sa inyong tabi'y inyong namamasid na parang estatuwa,
Ang Tagsibol doong hindi nagbabago'y binubulay niya.
Inyong ibalitang kung sinisingil na ng bukang-liwayway
Ang buwis na bango ng inyong talulot pag ngiti ng araw,
Habang bumubulong ang bagong umagang halik ang
kasabay
Ng "Kung inyo lamang nababatid sana yaring pagmamahal!"
Siya'y may bulong ding inaawit-awit sa katahimikan,
Kundiman ng puso na sa kanyang wika'y inyong napakinggan.
At kung sa taluktok niyong Koenigsthul ay humahalik na
Ang mapulang labi ng anak ng araw sa pag-uumaga,
At ang mga lambak, gubat at kahuya'y binubusog niya

Sa daloy ng buhay na dulot ng sinag na malahininga,


Yaong manlalakbay ay bumabati ring puspos ng ligaya
Sa araw, na doon sa sariling baya'y laging nagbabaga.
At ibalita rin na nang minsang siya'y naglalakad-lakad
Sa pampang ng Neckar ay pinupol kayo sa gilid ng landas,
Doon sa ang tanod ay ang mga guhong bakas ng lumipas,
Na nalililiman ng maraming punong doo'y naggugubat.
Ibalita ninyo kung paanong kayo'y marahang pinupol,
Pinakaingatang huwag masisira ang sariwang dahon,
At sa kanyang aklat ay ipinaloob at doon kinuyom,
Aklat ay luma na, datapuwa't kayo'y naroon pa ngayon.
Hatdan, hatdan ninyo, O pinakatanging bulaklak ng Rin,
Hatdan ng pag-ibig ang lahat ng aking nga ginigiliw,
Sa bayan kong sinta ay kapayapaan ang tapat kong hiling,
Sa kababaihan ay binhi ng tapang ang inyong itanim;
Pagsadyain ninyo, O mga bulaklak, at inyong batiin
Ang mga mahal kong sa tahanang banal ay kasama namin.

Iba pa
mmariano915

At pagsapit ninyo sa dalampasigan ng bayan kong irog,


Bawa't halik sanang idinarampi ko sa inyong talulot
Ay inyong isakay sa pakpak ng hanging doo'y lumilibot,
Upang sa lahat nang iginagalang ko't sinisitang lubos
Nawa'y makasapit ang halik ng aking pag-ibig na taos.
Maaaring doo'y makarating kayong taglay pa ang kulay,
Subali't ang bango'y wala na marahil at kusang pumanaw,
Wala na ang samyong sa talulot ninyo'y iningatang yaman,
Pagka't malayo na sa lupang sa inyo'y nagbigay ng buhay;
Iwing halimuyak ang inyong kaluluwa, at di malilisan
Ni malilimot pa ang langit na saksi nang kayo'y isilang.Iba pa
mmariano915

Ang tulang ito ay Me Piden Versos na sinulat ni Dr.


Rizal noong 1882, nang hinilingan siya ng kaniyang
mga kababayan sa Madrid. Noong Marso 31, 1889,
itoy unang nalathala sa Barcelona sa La Solidaridad,
pahayagan ng propaganda. Nalathalang muli sa La
Independencia noong Setyembre 25, 1898; sa
Republica Filipina noong Disyembre 30, 1898 at sa
Madrid noong Enero, 1905 sa pahayagang Nuestro
Tiempo.
Iba pa
mmariano915

Nagkapanahon nga ... kaipala'y,


Iyong hinihiling, lira ay tugtugin
tunay
bagaman sira na't laon nang naumid ang mga araw na matuling nagdaan
ayaw nang tumipa ang nagtampong nang ako sa akong Musa'y
bagting
napamahal
pati aking Musa ay nagtago narin.
lagi na sa akin, ngiti'y nakalaan.
malungkot na nota ang nasnaw na
himig
waring hinuhugot dusa at hinagpis
at ang alingawngaw ay umaaliwiw
sa sarili na ring puso at damdamin.
kaya nga't sa gitna niring aking
hapis
yaring kalul'wa ko'y parang
namamanhid.

ngunit marami nang lumipas na araw


sa aking damdamin alaala'y naiwan
katulad ng saya at kaligayahan
kapag dumaan na'y may hiwagang
taglay
na mga awiting animo'y lumulutang
sa aking gunitang malabo,
malamlam.
Iba pa
mmariano915

Katulad ko'y binhing binunot na


tanim
sa nilagakan kong Silangang lupain
pawang lahat-lahat ay kagiliw-giliw
manirahan doo'y sayang walang
maliw.

Nang ako'y musmos pa'y aking


natutuhang
masayang batiin ang sikat ng araw
habang sa diwa ko'y waring
naglalatang
silakbo ng isang kumukulong bulkan.

ang bayan kong ito, na lubhang


marikit
sa diwa't puso ko'y hindi
mawawaglit
ibong malalaya, nangagsisiawit
mulang kabundukan, lagaslas ng
tubig
ang halik ng dagat sa buhangin
mandin
lahat ng ito'y, hindi magmamaliw.

laon nang makata, kaya't ako


nama'y
laging nagnanais na aking tawagan
sa diwa at tula, hanging
nagduruyan:
"Ikalat mo lamang ang kanyang
pangalan,
angking kabantugan ay
ipaghiyawan
mataas, mababa'y, hayaang
Iba pa
magpisan".
mmariano915

Tulad ng Sa Aking mga Kabata, ang tulang ito


ay nasulat sa Tagalog. Walang nakababatid
kung kailan ito sinulat ni Dr. Rizal at kung paano
ito napalaganap. Nalathala ito sa pahayagang
El Dia Filipino noong 1921.

Iba pa
mmariano915

Tunay ngayong umid yaring dila't puso


Sinta'y umiilag, tuwa'y lumalayo,
Bayan palibhasa'y lupig at sumuko
Sa kapabayaan ng nagturong puno.
Datapuwa't muling sisikat ang araw,
Pilit maliligtas ang inaping bayan,
Magbabalik mandin at muling iiral
Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan.
Ibubuhos namin ang dugo't babaha
Matubos nga lamang ang sa amang lupa
Habang di ninilang panahong tadhana,
Sinta'y tatahimik, iidlip ang nasa.

Iba pa
mmariano915

Bago natungo si Dr. Rizal sa Hongkong noong


1888 sinulat niya ito sa Madrid bilang
pagbibigay sa isang kahilingang nanggaling sa
Lipa, Batangas. Ito ay salin sa tulang Himno al
Trabajo.

Iba pa
mmariano915

Iba pa
mmariano915

Ang tula ay bahagi ng isang kabanata sa


Noli Me Tangere. Itoy sinulat din ni Dr.
Rizal sa wikang Kastila.

Iba pa
mmariano915

Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling bayan,


Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang.
Pagsinta'y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man.
Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina
Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa,
Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na,
Matang manininging ay nangakangiti't pupos ng ligaya.
Mamatay ay langit kung dahil sa ating lupang tinubuan,
Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
Ang mahinhing simoy ns galing sa bukid ay lubhang mapanglaw
Sa wala nang ina, wala nang tahana't walang nagmamahal.

Iba pa

mmariano915

Sinulat ito ni Rizal nang siyay ipatapon sa


Dapitan noong 1896. Noon ay binigyan na siya
ng pahintulot ni Gob. Blanco na magtungo sa
Cuba bilang manggagamot sa hukbong Kastila.

Iba pa
mmariano915

Kagaya ng dahong nalanta,


nalagas,
Sinisiklut-siklot ng hanging marahas;
Abang manlalakbay ay wala nang
liyag,
Layuin, kalulwa't bayang
matatawag.
Hinahabul-habol yaong kapalarang
Mailap at hindi masunggabsunggaban;
Magandang pag-asa'y kung
nanlalabo man,
Siya'y patuloy ring patungo kung
saan!

Sa udyok ng hindi nakikitang lakas,


Silanga't Kanlura'y kanyang
nililipad,
Mga minamahal ay napapangarap,
Gayon din ang araw ng
pamamanatag.
Sa pusod ng isang disyertong
mapanglaw,
Siya'y maaaring doon na mamatay,
Limot ng daigdig at sariling bayan,
Kamtan nawa niya ang
kapayapaan!
Iba pa
mmariano915

Dami ng sa kanya ay nangaiinggit,


Ibong naglalakaby sa buong
daigdig,
Hindi nila tanto ang laki ng hapis
Na sa kanyang puso ay lumiligalig.
Kung sa mga tanging minahal sa
buhay
Siya'y magbalik pa pagdating ng
araw,
Makikita niya'y mga guho lamang
At puntod ng kanyang mga
kaibigan.

Abang manlalakbay! Huwag nang


magbalik,
Sa sariling baya'y wala kang katalik;
Bayaang ang puso ng iba'y umawit,
Lumaboy kang muli sa buong daigdig.
Abang manlalakbay! Bakit babalik pa?
Ang luhang inyukol sa iyo'y tuyo na;
Abang manlalakbay! Limutin ang dusa,
Sa hapis ng tao, mundo'y nagtatawa.

Iba pa
mmariano915

Samantalang si Rizal ay napipiit sa Fort Santiago, siya


ay sumulat ng isang tulang walang pamagat bilang
pamamaalam. Itinago niya ito sa isang kusinilyang de
alkohol, regalo sa kanya ni Maria Paz Pardo de
Tavera (maybahay ni Juan Luna). Noong bisperas ng
pagbitay kay Dr. Rizal, iniabot niya kay Trinidad ang
nasabing kusinilya at ibinulong sa kapatid na may
nakalagay sa loob nito.
Iba pa
mmariano915

Mula noon ang tula ay naging mahalagang pag-aari


ng pamilya ng Rizal. Samantala, si Josephine na
nairahan sa mag-anak ng pamilya Rizal, pagkamatay
ni Dr. Rizal ay umalis upang magtungo sa Hongkong at
sa kanyang paglisan kasabay nito ang pagkawala ng
kopya ng tula. Nakita itong muli noong 1908 ng isang
Amerikanong manlalakbay. Ang sipi ay napabalik din
pagkatapos na mabigyan ng P1000 ang nagtatangan
nito.
Iba pa
mmariano915

Ang tula ay unang nalathala sa Hongkong noong 1897.


Isang kopya ng tula ang ipinadala ng isang kapatid ni
Rizal kay Jose Maria Basa. Nang itoy nabasa ni
Mariano Ponce, nilapatan ito ng pamagat na Mi Ultimo
Pensamiento.
Sa Maynila, ang tula ay kumalat sa mga siping anyong
manuskrito. Isa sa mga sipi ay napasakamay ni Padre
Mariano Dacanay, isang bilanggong pulitikal sa bilibid.
Sapagkat hindi naging mahusap ang mga titik at mga
bantas, binago ito ng pari at binigyan ng pamagat
Iba pana
Mi Ultimo Adios.
mmariano915

Paalam, bayan kong minamahal


lupa mong sagana sa sikat ng araw;
Edeng paraiso ang dito'y pumanaw
at Perlas ng dagat sa may Silanganan.
Buong kasiyahang inihahain ko
kahiman aba na ang buhay kong ito.
maging dakila ma'y alay rin sa iyo
kung ito'y dahil sa kaligayahan mo.
Ang nakikilabang dumog sa digmaan
inihahandog din ang kanilang buhay.
kahit kahirapa'y hindi gunamgunam
sa kasawian man o pagtatagumpay.
Maging bibitaya't, mabangis na sakit
o pakikilabang suong ay panganib
titiising lahat kung siyang nais
ng tahana't bayang aking iniibig.
Mamamatay akong sa aking pangmalas
silahis ng langit ay nanganganinag
ang pisgni ng araw ay muling sisikat
sa kabila nitong malamlam na ulap.
Kahit aking buhay, aking hinahangad
na aking ihandog kapag kailangan
sa ikaririlag ng yong pagsilang
dugo ko'y ibubo't kulay ay kuminang
Mulang magkaisip at lumaking sukat
pinangarap ko sa bait ay maganap;
ikaw'y mamasdan kong marikit na hiyas

na nakaliligid sa silangan dagat.


Sa bukas ng mukha'y, noo'y magniningning
sa mata'y wala nang luhang mapapait
wala ka ng poot, wala ng ligalig
walang kadungua't munti mang hilahil.
Sa aba kong buhay, may banal na nais
kagaling'y kamtan nang ito'y masulit
ng aking kaluluwang handa nang umalis
ligaya'y angkin mo, pagkarikit-dikit.
Nang ako'y maaba't, ikaw'y napataas,
ang ako'y mamatay nang ikaw'y mabigyan
ng isang buhay na lipos ng kariktan
sa ilalim ng langit ikaw ay mahimlay.
Kung sa ibang araw, mayroon kang mapansin
sa gitna ng mga damong masisinsin
nipot na bulaklak sa ibabaw ng libing
ito'y halikan mo't, itaos sa akin.
Sa bango ng iyong pagsuyong kay tamis
pagsintang sa dibdib may tanging angkin
hayaang noo ko'y tumanggap ng init
pagka't natabunan ng lupang malamig.

Hayaang ang buwan sa aki'y magmasid


kalat na liwanag, malamlam pa mandin;
Hayaang liwayway ihatid sa akin
ang banaag niyang dagling nagmamaliw.
Hayaang gumibik ang simoy ng hangin
hayaan sa himig masayang awitin
ng ibong darapo sa kurus ng libing
ang payapang buhay ay langit ng aliw.
Hayaang ang araw na lubhang maningas
gawing parang ulap sa patak ng ulan
maging panganorin sa langit umakyat
ang mga daing ko'y kasama't kalangkap.
Hayaang ang aking madaling pagpanaw
iluha ng mga labis na nagmahal
kapag may nag-usal sa akin ng dasal
ako'y iyo sanang idalangin naman.
Ipagdasal mo rin mga kapuspalad,
mga nangamatay pati naghihirap
mga dusa't sakit ina'y tumatanggap
ng tigib ng lungkot at luhang masaklap.
Ipagdasal mo rin mga naulila
at nangapipiit sakbibi ng diwa;
ipagdasal mo rin tubusing talaga
ang pagka-aliping laging binabata.
Kapag madilim na sa abang libingan
at nilalambungan ang gabing mapanglaw
walang nakatanod kundi pulos patay

huwag gambalain, ang katahimikan.


Magbigay-pitagan sa hiwagang lihim
at mauulinig wari'y mga tinig
ng isang salteryo, ito'y ako na rin
inaawitan ka ng aking pag-ibig.
Kung nalimutan na yaring aking libing
kurus man at bato'y wala na rin mandin
bayaang sa bukid lupa'y bungkalin
at ito'y isabong sa himpapawirin.
Limutin man ako'y di na kailangan
aking lilibuting iyong kalawakan
at dadalhin ako sa 'yong kaparangan
magiging taginting yaring alingawngaw.
Ang samyo, tinig at himig na masaya
kulay at liwanag may lugod sa mata
paulit-ulitin sa tuwi-tuwina
ang aking taimtim na nasa't pag-asa.

Ikaw na ligaya ng tanang kinapal,


Mariang sakdal tamis na kapayapan,
Bukal ng saklolong hindi naghuhumpay,
Daloy ng biyayang walang pagkasyahan.
Mula sa trono mong langit na mataas,
Ako'y marapating lawitan ng habag,
Ilukob ang iyong balabal ng lingap
Sa daing ng aking tinig na may pakpak.
Ikaw na Ina ko, Maraing matimtiman;
Ikaw ang buhay ko at aking sandingan;
Sa maalong dagat, ikaw ang patnubay:
Sa oras ng lalong masisidhing tukso,
At kung malapit na ang kamatayan ko,
Lumbay ko'y pawiin, saklolohan ako!

O Diyos na Sanggol, paano ba kaya't


Ang sinilangan Mo ay sabsabang aba?
Diyata't di pa man ay pag-alipusta
Ang dulot ng Palad sa Iyong pagbaba?
Kaylungkot! O hari ng Sangkalangitan,
Nagkatawang-tao't sa lupa'y tumahan,
Hindi Mo ba ibig na Haring matanghal
Kundi Pastol namin na kawan Mong mahal?

JOSE RIZAL: TANGLAW NG KABATAAN by Prof. Teresita s.


Buensuceso and Dr. Josefina L. Pe
http://pinas9504.blogspot.com/2011/02/sa-sanggol-na-sijesus-o-diyos-na.html

mmariano915