You are on page 1of 35

Dula:

Dula sa Panahon ng Kastila

Mga Tagapag-ulat:
Loren Allaga
Akmad Aiman
Jizelle Auditor
Erel Joy Benitez
Hazel Cal
Jean Flor Maluya
Pendaton
Joy Marie Tuyac

Propesor:
Prop. Roselle M. Simon
1

Pebrero 5, 2016

DULA SA PANAHON NG MGA KASTILA


Sa loob ng mahigit na tatlong daang taong pananakop ng mga Kastila ay
namayani ang ibat-ibang uri ng dulang sekular at panrelihiyon. Ayon kay Dr.
Nicanor Tiongson, ang mga dulang sekular ay idinaraos bilang bahagi ng
pagdiriwang sa pistang bayan, samantalang ang mga dulang panrelihiyon ay
napapanood bilang makulay na paglalarawan ng mahalagang kapistahan at
panahon sa liturhiya ng simbahang Katoliko.
Ang mga uri ng dula na palasak sa panahong ito ay lubos na mauunawaan
kung muling susuriin ang tunay na dahilan ng pagkakasakop ng mga Kastila
sa ating bansa. Hindi kaila sa atin na isa sa mga layunin ng mga Kastila ay ang
gawing Kristiyano ang mga Pilipino. Dahil namutiktik ang mga komedya na
itinuturing na pinakamahalaga at pinakasikat na dulang sekular noong
panahong yaon. Samantala, pumalaot at nagningning ang senakulong batay sa
pasyong

heneses,

ang

tulang-kasaysayan

ng

buhay

at

kamatayan

ni

Hesukristo.
Ayon rin kay Tiongson ang mga dating dulang panrelihiyon ay maaaring
hatiin ayon sa haba nito: ang mga maiikling pagsasadula tulad ng Salubong at
panunuluyan: ang mga mahahabang dula tulad ng Senakulo na nagsisimula
sa Linggo ng Palaspas hanggang Linggo ng Pagkabuhay gayon din ang tibag.
2

Sa panahong ito ay d tulad ng Duplo at Karagatan na dati nang ginagawa


dito sa ating bansa bago pa man dumating ang mga Kastila. Nagkaroon ito ng
mga modipikasyon kung kayat nauso ang mga dulang pantahanan na tulad ng
bulaklakan at huego de prenda.

Sa bandang huli ay pumasok ang mga sarsuwela na pawang nakasulat sa


wikang Kastila. Gayon din, may ilang Pilipino ang nagtangkang sumulat ng
sarsuwela ngunit ang mga ito ay sa wikang Kastila rin.
Ibat-Ibang Uri ng Dula
1. MORO-MORO
Ang Moro-Moro ay isang dulang maka-relihiyon na kinagigiliwan ng mga
Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Ang mga pangunahing tauhan ng dula
ay mga Kristiyano at mga Muslim.
Nagsimula ang uri ng dulang ito noong kasalukuyang kainitan ng labanan
ng mga Kastila at Muslim sa Mindanao. Noong Pebrero, 1637, matagumpay na
napabagsak ang tropa ng mga Muslim sa Kotabato. Itoy sa pamumuno ni
Gobernador Heneral Sebastian H. Corcuera.
Ang pangyayaring ito ay naging inspirasyon ng mga batang naglalaro sa
dalampasigan ng Kabite. Nasa anyong dula, ginagaya ng mga bata ang
labanang Muslim at Kristiyano, na kilala sa tawag na Moro. Sa dula ang mga
Moro ay matatapang at magugulo, samantalang ang mga Kristiyano naman ay
3

mababait at tahimik. Sa larong ito, nilusob ng mga Kristiyano ang moog na


pinamumunuan ni Cachil Corrolat. Uamaatikabong labanan sa pamamagitan
ng espadang gawa sa kahoy at patpat. Ito ay nagwawakas sa pagdakip kay
Cachil Corrolat. Ang larong ito naging kauna-unahang Moro-Moro na
itinatanghal sa Pilipinas.
Si Padre Jeronimo ay naging inspirasyon ang moro-moro upang sulatin
ang GUERRA PIRATICAS na ang paksa ay ang pagkalupig ng moog ni
Corrolat. Itoy itinanghal sa Casa dela Compania sa Maynila noong Hulyo 5,
1637. Isang pagtatanghal na may ganitong uri din ay giananp sa Pangasinan

noong Abril 29,1750 nang bininyagan si Sultan Ali Mudin ng Jolo. Sinundan
ito ng pribadong pagtatanghal noong Enero 22, 1772 sa palasyo ng
Gobernador Heneral sa Maynila.
Ang NO MAS MUCHACHOS ay ipinalabas sa Maynila noong Mayo 2, 1848.
Itoy prangal sa pagkalupig ng Isla Balanguingui ng mga Kastila sa pamumuno
ni Gobernador Narciso Claveria.
Ang Komedya ay isang

makarelihiyong dula na nagsasalaysay ng mga

tunggalian ng mga Muslim at Kristiyano. Ang sentro ng paksa ay madulang


pakikipagsapalaran. Kadalasan, ang banghay ay umiinog sa lalaking Muslim
na iibig at sasagutin ng babaing Kristiyano. Ang mga magulang ng babae ay di
papayag. Mapapakasal lamang ang babae kung ang lalaki ay magpapabinyag.

Ang Dula ay napapalooan ng mga milagro at kakabalghang lubos na


kinagigiliwan ng mga Indio. Ito ay nasusulat sa mga berso na ang sukat ay 7,
8, 10, 12, 14 na pantig sa bawat apat na taludtod. Ang komedya ay maindayog
at mahimig. Ang karamiahng sumulat nito ay mga pare, ngunit napatanyag
sina Jose de la Cruz (Joseng Sisiw) at Francisco Baltazar (Kikong Balagtas)
dahil sa ilang komedya na naisulat.
Komedyang Isinulat ni Balagtas:
1. OROSMAN AT ZAFIRA - isang komedyang may apat na yugto.
2. DON NIO AT SELINDA - isang komedyang may tatlong yugto.
3. AUREDATO AT ASTRONOME - isang komedyang may tatlong yugto.
4. CLARA BELMORI - isang komedyang may tatlong yugto.
5. ABDAL AT MISERENA - isang komedyang itinatanghal sa Abukay noong
1859.

6. BAYACETO AT DORLISCA

- isang komedyang may 3 yugto na

itinatanghal sa Udyong noong Setyembre 29, 1857.


7. ALMANSOR AT ROSALINA - isang komedyang itinatanghal sa Udyong
nang ipagdiwang ang pista ng bayan noong Mayo 8,1841,sa loob ng 12
araw na ang pagtatanghal ay sinisimulan nang ika-2 ng hapon hanggang
ika-7 ng gabi.
8. LA INDIA ELEGANTE EL NEGRITO AMANTE - isang sayneteng may isang
yugto lamang at itinatanghal sa Udyong noong ika-8 ng Mayo, 1861,
isang taon bago mamatay si Balagtas. Ayon kay Hermigildo Cruz, ang
5

dulang itoy hango sa tunay na buhay ng dalawang alila sa bahay ng mga


Baltazar, ang tunay na ngalan ay Minanggi, isang mabuting mang-aawit
at saka si Toming isang ita na halos palaki sa bahay ng Baltazar din.
Komedyang Napatanyag sa Tondo Theater na Isinulat ni Huseng Sisiw:
1. LA GUARDIA CIVIL DE GRANADA
2. REYNA ENCANTADA CASAMIENTO POR FUERZA
3. HERNANDEZ AT GALISANDRA
4. JASON AT MEDIA
5. RODRIGO DE VIVAR
Si Honorato de Vera ay itinuring na pangunahing komedyante noong
dekada 1880. Napabantog ang isinulat niyang DOA INES CUELLO DE
GARZA Y EL PRINSIPE NICANOR.
Si Anselmo Jorge Fajardo ang Ama ng Panitikang Pampango. Ang
komedyang kanyang isinulat ay itinanghal noong 1881 na may pamagat na
VIDA DE GONZALA DE CORDOBA.
Si Aurelio Tolentino ang sumulat ng moro-moro sa wikang kastila na
pinamagatang LA VENGEANZA DE CONDE ROUDELL.

Sa aklat ni Dr. Felicidad Mendoza na pinamagatang THE COMEDIA


(Moro-Moro) RE-DISCOVERED binanggit ang ilang mga pangkat lalawigan na
sa ibat-ibang panig ng bansa na nagpapalabas ng moro-moro. Kabilang ang
mga ss.
6

1.

Barrio Panamitan, Kawit, Kabite sa pangangasiwa ni Constantino


Monson na nagpalabas noong 1918.

2. Quezon Komedya Inc.(1947) sa pamumuno ni Pablo P. Aguilar.


3. Paete, Laguna Drama Group na nagtatanghal ng DON JUAN TINOSO,
PRINSIPE AMANTE, FLORENTINA AT MOMPHOR sa Zorilla Theater mula
pa noong 1920
4. Siniloan, Laguna Drama Group sa pamamahala ni Pedro Asero at
nagpalabas ng PRINSIPE DON JUAN TINOSO, PRINSIPE OLIVARES,
HARING CONSTANTINO AT REYNA ELENA, JACOBINA AT RUBEN
ELDORADO AT LEBASCU sa direksyon ni Francisco Ambas.
5. Pangkat mula sa Pila, Laguna na pinangasiwaan ni Mariano Crispin at
nagpalabas ng RODANTE, ADESMAN at EDMUNDO.
6. Pangkat mula sa Luna, La Union na pinamunuan ni Ciriaco Reyes at
mahigit nang sandaang taong nagtatanghal ng moro-moro.
7. Pangkat mula sa Pangasinan sa pamamatnubay ni Santiago Magcar at
nagpapalabas bago pa dumatal ang pelikula sa Pilipinas.
8. Grupo mula sa Pampanga sa pangangasiwa at direksyon ni Juan
Crisostomo Sotto at nagdaos ng mga komedya sa wikang Pampango
tulad ng ING SULTANA at PERLA, ZAFIRO at RUBI.
9. Samahan mula sa Bicol na pinamahalaan ni Nicolas Serrano at
nagpalabas ng PASTINOPLE AT ADRIANO at ORANTIS ORANTIAS.
10. Pangkat

sa

Pacia,

Iloilo

na

nagtanghal

din

ng

moro-moro

sa

pamamahala

ni Eriberto Gumban tulad ng CARMELINA (1889), FELIPE (1890), at


CLODOVEE (1892).
11. Gupo sa Cebu na nagtanghal ng HUAS (1896) na pinamahalaan ni
Capitan Serapio.
12. Grupo sa Ilocos Norte na nagpalabas ng FLORANTE KEN MINEVERA.

2. SENAKULO
Ang senakulo ay palasak sa Luzon at Kabisayaan tuwing Kuwaresma o
Mahal na Araw. Dinaraos ito sa mga bakanteng loteat hiligang aliwan ng mga
Pilipino kapag gabi na. Kung minsan, gumagawa sila ng tanghalan na gawa sa
kahoy o kawayan. Ang mga taoy nagdadala ng sarili nilang upuan.
Itoy pagsasadula ng buhay at pagpapakasakit ni Hesus. Ang mga piyesa sa
senakulo ay batay sa mga pasyon. Noong una ang mga pasyon na itoy
binibigkas o inaawit kapag may pabasa sa bahay o sa kapilya.

Si Eufronio M. Alip na isang mananalaysay, ayon sa kanya ang unang


pasyon ay nasulat sa Tagalog at nalimbag noong 1704 at ipinasikat ni Padre
Gaspar Aquino de Belen na taga-Rosario, Batangas. Itoy napapaloob sa aklat
9

na Mga Panalangin na Nagtatagubilin sa Kaluluwa ng Taong Naghihingalo.


Itoy sinundan ni Don Luis Guian noong 1750. Sinundan naman ito ni Padre
Mariano Pilapil noong 1814 ng kanyang Pasyong Pilapil. Nang 1852 lumabas
ang bersyon ni Padre Aniceto dela Merced . Sa apat na nabanggit ang higit na
kinagiliwan ng mga tao ang bersiyon ni Padre Pilapil, taga-Norzagay, Bulakan.

Ayon naman kay Agosto Miranda, isang manunulat, ang bersyon ni Padre
de Belen ang pinakasikat.
Ayon sa isang artikulo ni Sotero O. Nocos ang pasyon ay isa sa limang uri
ng mga tulang panrelihiyon na palasak sa Luzon at Bisayas noong ika-18
daantaon.
Mga uri:
Himno at bersong panrelihiyon
Awit at buhay
Dalit-mga dasal na patula
Mga bersong satirikal at pangmoral
Dalawang uri ng pag-wait ng pasyon sa Batangas:
Lamentasyon - kinakanta ng may kabagalan sa saliw ng gitara o
bandurya. Inaabot ng 3-5 minuto bago matapos ang isang saknong.
Estilong palagod - mabilis at matatapos sa loob ng isang minuto ang isang
saknong.
Tauhan sa Senakulo

-piling-pili, isinasaalang-alang ang hitsura, laki ng


10

katawan at tinig.
- Ang mga Hudyo ay inilalarawang masasama at ang kasuutan ay
masalimuot at kakaiba.
- Ang pangunahing tauhan ay sina Hesukristo, Birheng Maria, San Jose at
Maria Magdalena. Ang pagsasadula ay kadalasang inaabot ng ilang araw at
gabing sunud-sunod.

KARAGATAN
Ang Karagatan ay maaaring simulan ng isang imbukasyon ang
pagtawag sa panginoon upang maging patnubay ng laro. Itoy may anyong dula
sapagkat nagtataglay ito ng banghay, suliranin at tunggalian, at may kalutasan
at kakalasan. Ang Karagatan ay batay sa alamat ng isang prinsesang hangad
na maka-isang dibdib ang binatang mahirap na kanyang iniibig ay nakaisip ng
mainam na paraan. Hinamon niya ang lahat ng manlilgaw sa kanya na sisirin
ang singsing inihulog niya sa dagat. Ang makakakuha niyon ay kanyang
papakasalan.

Ang

nagtagumpay

ay

ang

kanyang

kasintahan

na

pinakamagaling na maninisid.
Sa paglalaro, ang mga binata ay nagpopormang pabilog. Magpapaikot ng
isang lumbo na may tandang puti. Kung sino man ang tamaan nito ay
tatanungin ng mga dalaga ng talinghaga o palaisipan. Kapag itoy nasagot,
ihahandog niya ang kanyang singsing sa dalagang kanyang napupusuan.
11

Ang mga Ilonggo ay mayroon ding larong patula at paawit na ginaganap


kapag may belasiyon ng tinataguriang Sing-sing Palaran.
DUPLO
Sa wikang Kastila, ang salitang duplo ay nangangahulugang doble o
ibayo. Ito ay tagisan ng talino sa pamamagitan ng pagtula. Ang mga naglalaro
nito ay nagpapagalingan sa pagbigkas ng berso at nagpapatayugan ng
nalalaman. Ang mga kaisipan at berso ay kadalasang hinahango nila mula sa
mga awit, korido, salawikain at kasabihan. Ang pagtatalong patula na ito ay
idinaraos sa bakuran ng namatayan pagsapit ng ikasiyam na gabi matapos na
mailibing ang yumao. Layunin nitong aliwin ang mga kamag-anak ng namatay.

Inilalaro ito sa pamamagitan ng paghahati ng mga manlalaro sa


dalawang pangkat. Sa magkabilang panig ng lamesa ay may dalawang hanay
ng mahahabang bangko. Pinangunguluhan ito ng hari o punong halaman. Sa
dakong kanan ay nakaupo ang mga belyaka, at sa kaliwa naman ay mga
belyako. Sa gitna ng lamesa ay makikita ang bandeha ng hitso at sigarilyo a
isang tsinelas na siyang simbolo ng kapangyarihan ng punong halaman.
Ang laro ay nagsisimula sa paghawak ng hari ng palmatoryo na
kadalasan ay isang tsinelas at magsasalita ng Tribulacion. Sasagutin naman
ito ng lahat ng Tribulacion at susundan ng hari ng Estaremos en Buena
composicion. Muli ay sasagot ang lahat ng composicion. Pagkaraan nito ay
maghuhudyat ang hari ng pagsisimula ng laro at susundan ito ng mga dasal

12

na Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Requiem Eternam

na iniuukol sa

kaluluwa ng yumao.
Ang laro ay magsisimula sa pamamagitan ng pagbibilang ng mga
manlalaro. Kung minsan, sa Numeracion pa lamang ay may napaparusahan na
sa mga manlalaro. Susundan ito ng patulang pagbibintangan. Kadalasan,
kapag ang napagbintangan ay magandang duplera, ipinagtatanggol ito ng isang
duplerong may lihim na pagtingin sa nauna. Kadalasan, ang mga pangyayaring
ito ay nauuwi sa magandang pagtitinginan ng dalawa at humahantong sa pagiisang dibdib sa simbahan.
Ang

isang

belyako

belyaka

na

natalo

sa

pagbibintangan

ay

pinarurusahan sa pamamagitan ng pagbigkas ng dasal para sa namatay.


May mga pagkakataong dahil sa ang mga duplero at duplera ay pawang
magagaling, ang tagisan ng talino ay umaabot ng dalawamput apat na oras.

Sa Kabisayaan at Mindanaw, ang duplo ay kahawig ng tinatawag nilang


berso-berso. Ito ay tagisan din ng talino sa pamamagitan ng pagtula at
ginagawa rin tuwing belasiyon o lamayan.

13

SALUBONG
Tuwing Pasko sa pagkabuhay ay ginaganap ang seremonya ng salubong
sa pamamagitan ng pagsalubong ng dalawang prusisyon: Ang isa ay ang
prusisyon ng Resurrection na nagbubuhat sa bahay ng may-ari ng Poon at
ikalawa ay ang prusisyon ng Mahal na Birhen na nanggaling sa simbahan.
Pagkatapos magsalubong ay nagsasama ang dalawang imahen sa iisang
prusisyon at ibinababa sa pamamagitan ng kalo. Nasa loob ng pusong ito na
hindi nakikita ng madla ang isang batang suot-anghel.

Pagdating sa Galilea, ang binibining tinatwag na tinyenta ay nagsasayaw


na ang tiyempo ay mabagal at di gaanong masigla. Pagkatapos nito, siyay
tumutula ng tinatawag na Dicho at sa bahagi ng tula na bumabanggit tungkol
14

sa

pagbubukas

ng

pinto

sa

langit

na

dating

nakasara,

ay

biglang

magdaratingan ang mga ibong papel na tumutulay sa lubid na nakatali sa


puno, at sa pgbukas ng puso lalabas ang isang batang suot-anghel. Ang
batang suot-anghel ay await ng Regina Colie sa saliw ng banda at apat na
batang anghelita na nakatayo sa apat na sulok ng Galilea.
Kukunin ng Anghelita ang balabal
na itim sa Mahal na Birhen bilang
tanda ng pagkakaalis ng hapis na
santinakpan, at pagabuhay na muli
ng

Dakilang

susunod

na

Manunubos.
magsasayaw,

Ang
sa

tiyempong mabilis, masigla, masaya,


at

may

himig

tagumpay

ay

binibining tinatawag na Kapitana.


Ang kanyang sayaw ay sinasabing
pagbati sa muling pagkabuhay ng Panginoon.

15

16

PUTEJE
Dulang itinatanghal ng mga Intsik sa Pilipinas noong panahon ng mga
Kastila. Itoy ipinapalabas sa mga bakanteng lote sa gabi.
Ang ganitong uri ng pagtatanghal ay nagsimula sa Pilipinas noong 1886.
Hindi ito gaanong sumikat dahil kadalasan ang wikang ginagamit ay Mandarin
Chinese at karamihan sa mga manonood ay Cantonese at mga Pilipino.
JUEGO DE PRENDA
Nilalaro rin ito kapag pasiyam o tinatawag na bilasayon. Maraming
paraan ang paglalaro nito. Ang mga kasali ay magkakabit-kabit ng pabilog
kaharapang Hari na mamumuno ng laro. Sisimulan ang laro sa pagsisindi ng

17

kandila o simpleng posporo at ipapasaito at kung sino ang manlalarong


aabutan ng pagkamatay ng sindi ay siyang magkakamit ng kaparusahan.
Walang limitasyon sa bilang ng manlalaro na pwedeng maglaro. Ang mga
manlalaro ay uupo sa isang bilog kasama ang lider sa gitna. Bawat manlalaro
ay kukuha ng pangalan ng puno o bulaklak na bigay ng lider. Babasahin ng
lider ang storyang "Ang nawalang ibon ng hari".
BULAKLAKAN
Itoy palasak sa mga Katagalugan at kahawig ng Juego de Prenda. Itoy
isang uri ng palaisipan na magpapatuloy hanggang sa dumami ang pangako at
matubos ito mula sa hari.
Ang sayaw na ito ay isang dance ng floral garlands, na nakatuon sa
Birheng Maria sa panahon ng Romano Katoliko na pagdiriwang ng kanilang
banal na linggo.

18

DALIT/ALAY (Flores de Mayo)


Ang dalit ay ginagawa bilang parangal sa mga santo at santa. Isa sa mga
dalit na nagging kaugalian na sa mga lalawigan ng Rizal, Bulacan, Kabite,
Quezon, Nueva Ecija, Mindoro at Marinduque ay inihahandog kay Birheng
Maria. Ito ay alay na ginaganap tuwing buwan ng Mayo. Karamihan sa mga
dalit ay isinulat ni Padre Mariano Sevilla na taga-Tondo, Maynila na hinalaw

19

niya mula sa mga awiting Italuano ni Muzarelli at tinawag niya itong Flores de
Mayo.
Ang mga kabataang nag=aalay ng mga bulaklak ay dinadalit ang mga
papuri, may isang namumuno na siyang dadalit na sasagutin naman ng
kabataan. Pagkaraan nito ay isa-isa silang mag-aalay ng mga bulaklak sa altar.
Ang MEDITACIONES CUN MANGA MAHAL NA PAGNINILAY NA SADIA
SA SANTONG PAG-EXERCIOS ay isang dula sa wikang Kastila ni Padre
Francisco Salazar na sumikat noong 1643 at isinalin asa Tagalog ni Padre
Pedro de Herrera nong 1645.
Si Padre Clain naman ang nagsulat ng INFIERNONG NABUKSAN noong
1573 na nasundan ng SARTARIO DE EJEMPLOS A NUESTRA SENORA.

Si Padre Antonio Velasco ang nagsulat ng ANG LIBRO NG PANALANGIN


AT PAGBUBULAYBULAY noong 1851.
Ang USA CA BULAN NA HINALAD CAN MARIAPAGDANGAT SA
PAGPANGHIMALIC SA DIOS SA MGA MACASASALA ay nilikha ni Padre
Demetrio Navascua noong 1887.
Maging ang Pampango ay may dalit din na isinulat noong 1887 na may
pamagat na NANGOS SANAYAN NING TANONG BININAGAN DIQUIL QNG
PAMANIMBA,

PAMAGCUMPISAL,

PAMAQUINABANG

AT

ALIWAPANG

PANALANGINN A PAUANG MEANGUNGAN QNG EJERCICIOS.

20

PANANAPATAN
Ang mga pamilyang yumayakap sa relihiyong Katoliko sagardo ay
nagdaraos ng Pabasa ang pag-awit ng pasyon sa loob ng bahay o kapilya.
Pagkarinig sa mapanglaw na awitin, ito ay sasagutin ng mga gumagalang
mang-aawit sa labas ng bahay. Sila ay magpapalitan o magsasagutan
hanggang ang lahat ay kasali na sa pag-awit nang sabay-sabay. Sa
Marinduque, ito ay tinuturing na Tapatan o Pananapatan.
Ang

mga

gumagalang

mang-aawit

ay

inimbita

sa

bahay

upang

ipagpatuloy ang pag-awit. Ang pinakamahusay na mang-aawit ay uupo nang


pabilog sa sala. Sila ay pipili ng tagahatol mula sa grupo. Ang taghatol ay await
ng mga bugtong at salsawikaing tungkol sa pasyon at pagkatapos ay muling
sasagutin ng mga mang-aawit sa anyong berso. Ang sinumang hindi
makasasagot ay paluluhurib bilang parusa at pagkatapos ay bibigkas ng ilang
dasal patungkol kay Hesus. Ito ay inaabt hanggang madaling araw habang
nag-iinuman ng salabat at kumakain ng bibingka at nilagang saging o kamote.

MORIONES
Ginagawa ito tuwing mahal na araw sa Mindoro. Ang Moriones ay
nagsusuot ng mga maskarang kulay rosas, maitim na mga mata, sobra ang
tangos ng ilong, bibig na animoy pampain sa isda ito ay gawa mula sa kahoy
ng dapdap.

21

Ito ay nagrerepresenta sa mga senturyong Romano noong kapanahunan ni


Hesus. Ang pinakabayani ay si Longinos, ang taong bulag ang kabilang mata at
gumaling nang itoy mmatuluan ng dugo ni Hesus nang kanyang tinusok ng
sibat habang nakapako si Hesus sa krus. Dahil sa milagrong ito, si Longinos
ay nagbagao at naglaboy sa kalye habang inaawit ang papuri ng Panginoon.
Ngunit ito ay isang maling pananampalataya sa mga Romanokaya pinarusahan
siya ng Centuriong Romano. Tatlong ulit siyang nahuli at tatlong ulit na
nakaalpas. Sa ikaapat na huli ay pinugutan siya ng ulo sa harap ng
taumbayan. Ang pugot na ulo ay dadalhin sa simbahan at ang mga tao sa
Herusalem ay mananagho at maghihinagpis.

22

PANGANGALULUWA
Ang gabi ng bisperas ng Undas o bisperas ng Araw ng mga Patay.
At tulad ng mga nangangaroling, bibigyan din ng mga barya ang mga
bata at maliit na salapi ang matatanda. Walang humpay itong pangangaluluwa
sa dalawang gabi, sunod-sunod. Tila nagkakabalitaan pa nga, tulad sa
karoling, kung sino ang madamot at mapagbigay.
23

Halimbawa:
Kaluluway dumaratal/Sa tapat ng Durungawan
Kampanilyay tinatantay/Ginigisingang may buhay
Kung kami poy limusan/Dali-dalian po lamang
Baka kami mapagsarhan/Ng pinto ng kalangitan
Kaluluwa kaming tambing/Sa purgatory nanggaling

24

PANUNULUYAN
Ang Panunuluyan ay isang kaugaliang Kristiyano ng mga Filipino na
nagtatanghal ng masalimuot na paglalakbay nina Santo Jose at Birheng Maria
mula sa Nazareth patungong Bethlehem upang maghanap ng matutuluyan na
mapagsisilangan kay Hesukristo. Ito ay hango sasalitang-ugat na tuloy na
isang magiliw na pag-anyaya o pagpapatuloy ng panauhin sa loob ng tahanan.

Dulang itinatanghal sa lansangan at nagpapamalas ng paghahanap ng


pansamantalang tirahan nina Maria at Jose doonsa Bethlehem. Ang mga
bahay ang mistulang dinudulugan ng mag-asawa, nahumihingi ng silid upang
makapagpahinga, lalo't kagampan si Maria. Sari-saring adaptasyon ang binuo
hinggil dito, mulang iskrip hanggang kasuotan. Karaniwang ginagawang
makatotohanan ang pagsasadula at palamuti sa mga bahay. Bawat bahay na
25

dalawin nina Maria at Jose ay naghahandog ng pagkain, kakanin, kendi, at iba


pang bagay sa mga taong nanonood. Magwawakas ang dula sa harap ng
simbahan o kapilya, at doon isisilang ni Maria si Hesus na nakatakda naming
maging tagapagligtas ng daigdig.

26

KASAYSAYAN
Noong panahon ng pananakop ng mga

Kastila

sa Pilipinas ay

namayagpag ang kalakalang galyong Maynila-Acapulco. Dala ng nasabing


matinding pakikipagkalakalan ay hindi lamang mga kanluraning produkto,
kundi maging mga tradisyon at kaugalian. Mula sa Mexico ay nakarating sa
Pilipinas angPasadas (nangangahulugang inn o hotel), isang tradisyon na
nagdiriwang at nagbibigay-pugay sa ginawang paghahanap ng banal na magasawa ng pasadas o otel na matutuluyan para mailuwal si Hesus. Batay sa
mga naiwang tala, taong 1580 nang ipakilala ni Santo Ignatius de Loyola ang
pagdadasal ng Pamaskong Novena bilang pag-alala sa eksena ng natibidad.
Sinubukan naming gawing isang pagtatanghal ni Santo Juan ng Krusa ng
nasabing eksena at makalipas ang pitong taon ay pinagyaman ng mga
misyonerong Espanyol sa Mexico ang nasabing pagtatanghal at tinawag itong
posadas.

27

TIBAG
Ang Tibag ay ang pagsasadula ng krus sa pinagpakuan kay Kristo nina
Reyna Elena at Prinsipe Constantino. Ang Duplong ito'y ginaganap kung
buwan ng Mayo, sa mga lalawigan ng Bulakan, Nueva Ecija, Bataan, Rizal at
nanggaling sa patibag ng mga bundok sa paghahanap ng krus ni Reyna Elena
at Prinsipe Constantino.
Ito ay ang pagpapalabas o pagsasadula ng kamatayan ni Jesus nina
Reyna Elena at Prinsipe Constantino upang hanapin ang krus.
Karaniwang nagsisimula ang prusisyon sa bahay ng ni Reyna Elena at
Prinsipe Constantino upang hanapin ang krus ni Jesus upang tumuloy sa
Bunduk-bundukan. Ang mga tauhan ay magsisipaghukay sa pagsapit sa
bundok. Kapag nakuha na ang krus, lahat ng manonood ay magsisipagbunyi
at magdaraos ng prusisyon papuntang simbahan na kung saan, may isang
paring nag iintay upang magsagawa ng seremonya.
Saan ito isinasagawa?
Ito ay isinasagawa pagsapit ng alas-tres ng hapon upang simulan ang
Pista. Ito ay nagaganap tuwing buwan ng Mayo sa lalawigan ng Bulakan,
Bataan, Nueva Ecija at Rizal
Bakit Ito isinasagawa?

28

Ito ay tumutukoy sa paghahanap ng krus, sa kalagitnaan ng ikalawang


pandaigdigang digmaan (WORLD WAR II). Ito ay itinaguyod ng mga Kastila
noong pagdating nila sa Pilipinas, niyakap ito ng mga katutubo sa ilang bahagi
ng Luzon. Lumaganap din ito sa iba't-ibang rehiyon.

29

SANTAKRUSAN
Halos nakalimutan na ang Tibag at napalitan ng Santakrusan, ang
paghahatid ng krus sa simbahan. Ito'y isang marangyang parada ng mga
sagala at mga konsorte na lumilibot sa mga kalye. Ang mga sagala ay
nagrerepresenta ng iba't ibang tauhan sa Bibliya. Naririyan si Maria
Magdalena at ang Konserteng Boanerges; si Reyna Sentensiyada ,reyna nang
itinakwil at nakaposas ang mga kamay: si Reyna Esther, "Femme Fatale" ng
Reyna ; Infanta Judith ,hawak ang pugot na ulo ni Holofunes, ang kaaway na
kapitan, Reyna de las Flores, ang marikit na reyna ng Mayo at kasingrangya ng
panahon; Babaeng Bandera ,ang may hawak ng bandila ng Pilipinas; at ang
Reyna Helena at Konsorte ay si Constantino ang pangunahing atraksiyon ng
okasyon. Ang katapusan o huling Santakrusan ang pinakamagastos at
pinakamarangya.
Sa pagkakataong ito dapat maunawaan na ang Santakrusan ay naging
tradisyon lamang at hindi umunlad bilang isang anyo ng dula.

30

31

PAPURI/PUTONG
Kadalasan, ginaganap ang papuri kapag piyesta sa isang baryo o
munisipalidad. Ginagawa ito sa paraang patula bilang parangal sa napiling
reyna o prinsesa ng kapistahan kaugnay ng pagpuputong ng korona ng
karangalan.
Noong unang panahon, ang korona ay nilikha lamang buhat sa mga
tinuhog na mga bulaklak tulad ng sampaguita ngunit nang malaunan ay
32

naging tingga o pilak ang mga ito. Sa ibang lugar sa Luson, ang papuri/putong
ay binubuo ng mga bersong nahahati sa tatlong bahagi:
a.) bago tumapak sa hagdan ng tanghalan
b.) habang umaakyat sa hagdanan
c.) habang pinuputungan ng korona ang pinararangalang reyna.
Ginagawa rin ito bilang parangal sa may kaarawan at iba pang
natatanging okasyon.

MGA DULA SA WIKANG KASTILA


Noong mga unang yugto ng pananakop ng mga Kastila ay walang
mandudulang Pilipino na sumulat ng dula sa wikang Kastila. Ang mga palabas
noon ay galing sa Espannya.

33

Nang maging gobernador si Claveria (1844) isang kilusan ang sinimulan


upang mapaunlad ang pagtatanghal ng mga dula. Dahil dito, maraming mga
sinehan ang itinayo kung kaya't maraming mandudulang Kastila at Pilipino
ang nagsisulat ng dula. Ang panyayaring ito ang nagbigay-daan sa ilang
Pilipino upang sumulat ng dula sa wikang Kastila, maging hanggang sa
panahon ng mga Amerikano.
Kabilang sa mga manunulat at kanilang sinulatang mga sumusunod:
1) Juan Zulueta de Angeles - JOSE EL CARPINTERO
2) Lorenzo D' Ayot. - EL PODER DE UNA PASION at SUEOS DE AMOR
3) Jesus Balmori- AVES DE RAPIA, dulang tuligsa sa mga pulitikong
Pilipino.

4) Claro M. Recto - LA ROTA DE DAMASCO


5) Dr. Jose Rizal - JUNTO AL PASIG at SAN EUSTAQUIO , MARTIR
6) Wilfrido Ma. Guerrero - NO TODO ES RISA , EL ESLADOR ROTO at
ARTISTAS DE CINE

34

https://www.youtube.com/watch?v=7getFa81Iws
https://www.youtube.com/watch?v=IFArA6Y5INg
https://www.youtube.com/watch?v=1UhYk2Jkvgo

35