You are on page 1of 9

Ang tuto.

Ang tabi ng iba masarap dw ang tuto, ang tabi ko naman


kumporme sa tuto, may tutu tutuan, may tutong totoo.ngunit ang
gusto kung totu ay galing sa puto.
Lahat ng bagay, plano o hangarin sa buhay na ginawa ng may puso
o nasa puso ay may tiyak na magandang resulta.
Akoy bumabati ng isang magandang buhay sa ating lahat.
Parang kailanlang
bulol pa ang inyong
mga anak na
magsipagtapos, at minsay may sipon pa. Takbuhan, harutan at
kulitan ang dati pang gawa ng inyong mga anak ngunit ngayon ay
nasa panibagong hakbang na sila ng kanilang buhay, panibagong
pagsubok, panibagong pakikibaka at panibagong kapaligiran hindi
lamang sa magsisipagtapos ngunit higit lalo sa ating mga mahal na
magulang. Malaki na at marami na ang ipinagbago ng ating mga
anak mula sa pangangatawan, ugali, kaisipan at iba pang aspeto ng
pagkatao. Marunong na silang bumasa at umunawa ng mga binasa,
marunong ng bumilang ng mga numero, marunong na silang
makipagtalastasan sa kapwa at marunong ng mag ayos ng mga
sarili. Lahat nito ay natutunan nila sa paaralan at sa kanilang mga
bahay.
Indeed, Education changes our lives. Many persons came from poor
family became successful in life because of Education. Ako at
marami pang nagsipagtuloy ng kanilang pag-aaral look their
chances to alter our lives by studying hard and making their best. I
can say that we became progressive and successful because of
Education. Take for instance your teachers. My dear graduates look

at your teachers. Once they were just like you but because of
embracing Education they are now one of the noblest of all people,
having the ability to impart you knowledge and enhance your skills
and talents. Truly, Education is a big help in attaining goals in life.
Sa kahirapan na nararanasan natin ngayon, malaking tulong ang
edukasyon. Mga minamahal naming mag-aaral na magsisipagtapos
ngayon, ito ang ang inyong pag-asa upang sa susunod na panahon
hindi na tayo makakaranas pa ng kahirapan. Dahil sa karunungan at
abilidad na hatid ng Edukasyon kayo ay magkakaroon ng mabuting
kinabukasan.
Sa tungkulin ng gobyerno na magbigay ng edukasyon sa mga
mamamayan nito ang masigurong napapaunlad ang kalidad ng
edukasyong ito batay sa pangangailangan at mithiin ng ating bansa.
Isa ang Pilipinas sa mga bansa sa daigdig ang hindi pa noon
nagpapatupad ng K-to-12 na kurikulum. Isa itong dahilan umano
kung bakit mababa ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Hindi
daw ito nakaaangkop sa internasyunal na mga pamantayan kaya
kailangang ipatupad ang reporma sa edukasyon.
Bilang hakbang sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Pilipinas, pilit na
itinulak ng administrasyong Aquino ang Enhanced Basic Education
Act of 2013 o ang programang K-to-12 na nagpabago sa sistema ng
edukasyon sa bansa. Mula sa dating sampung taon sa basic
education curriculum, dinagdagan ito ng dalawang taon. Sa K-to
12 program, magiging mandatory ang kindergarten, anim na taon
sa elementarya (Grade 1 hanggang 6), apat na taon sa junior high
school (Grade 7 hanggang 10), at dalawang taon sa senior high

school (Grade 11 hanggang 12). Para sa pamahalaan, layunin ng K12 na pataasin ang kalidad ng edukasyon at paunlarin pa ang
ekonomiya ng ating bansa. Layunin din nito na mas ihanda ang
mga kabataan sa pagtatrabaho, kapag natapos ang mga kabataang
ito sa hayskul, nasa sapat na silang gulang (18 taong gulang) at
sapat na kakayahan upang maghanap ng magandang trabaho, junior
high school pa lamang ay maari na silang makakuha ng certificate
of competency level 1, basta makumpleto nila ang requirements ng
TESDA at maipagpatuloy ito sa senior high school upang pag sila'y
nakapagtpos, maari na silang makakuha ng trabaho. Malaking
hakbang ang K-to-12 para maging globally competitive ang
edukasyon sa Pilipinas. Maganda nga ito! Para sa mga magulang at
kabataang walang panustos sa pagpapatuloy sa kolehiyo.
Nakakatulong rin ito sa mga kabataan upang ma - ispecialize ang
kursong nais nila.
Ang inyong pagtatapos ngayong taon ay napakamakasaysayan.
Sapagkat ito ang kaunaunahang pagtatapos sa elementarya sa ilalim
ng K to12 Curriculum. Ang Kabataang Mula sa Kto12,
Tagapagdala ng Kaunlaran ng Bansang Pilipinas. Ang paksa ng
inyong pagtatapos ngayong taon, tila isang napakalaking hamon sa
sa inyo mga magsisipagtapos. Sa kabila ng hamong ito, ito rin ay
isang napakalaking pangako ng ating gobyerno.

Ito ay isang napakalaking hamon ng inyong paaralan at ng lipunan,


mga nagsipagtapos. Ngayong nakamit nyo na ang katibayan ng
pagtatapos sa elementarya ay dapat pa nyong paigtingin at pagibayuhin ang mga mabubuting asal at mahahalagang karunungan na

inyong natutunan sa anim na taon sa elementarya.Lagi nating


tatandaan na sa bawat hamon ng buhay ay may kaakibat na
tungkulin. Kaya kayo bilang mga unang produkto ng ating bagong
kurikulom, inyong pakatandaan ang mga ilang mahahalagang mga
aral na aking natutunan sa pagkamit ng tagumpay.

Una. Higit nyo pang Ipagpatuloy ang pagtitiyaga, magpursige at


magsumikap upang magtagumpay sa lahat ng balakid at burol sa
ating buhay, ika nga nang ating santo papa HUWAG MAWALAN
NG PAG-ASA. Lahat ng nagtatagumpay ay dumadaan sa mga
hamon ng buhay,sabi nga nila daanan lang natin ang problema
huwag nating tambayan.Ang taong may tiyaga may nilaga. Basta
lang magsisikap kayo walang imposible. Gumawa tayo at
gagabayan tayo ng ating panginoon.

Pangalawa ay tiwala sa ating mga sarili at sa ating kakayahan,


Huwag tayong maging palaasa. Mag-aral ayon sa sariling
kakayahan at hindi sa kakayahan ng iba. Huwag agad susuko,
positibo nating pagtagumpayan ang anumang balakid sa buhay. Ang
anumang mga kinakaharap natin ang maging sandata sa pagharap
sa mga susunod na pakikibaka. Hindi lahat sa inyo ay may baon na
pumapasok sa paaralan, hindi lahat ay may magulang na umaalalay,
hindi lahat ay kumakain bago pumasok ngunit lahat kayo ay may
kakayahan na magagamit sa tama na makakatulong upang
magtagumpay isipin niyo lagi tiwala lang, kapit lang kaya ko to.

Pangatlo ay prinsipyo at paninindigan. Bilang isang batang


magtatapos,kayo din ay magiging mamamayan ng ating sariling
bayan. Magkaroon ng prinsipyo at paninindigan hindi lamang sarili
kundi sa kapwa, bayan at maging sa bansa. Ang lahat ay simulan sa
ating sarili katulad ng pagpapanatili ng ating kultura, ang
pagmamano, paggalang sa matatanda, pangangalaga sa ating
kalikasan katulad ng tamang pagtapon ng basura, pagsunod sa mga
payo at utos ng magulang at pagmamahal sa kapwa. Mga simpleng
obligasyon na minsan ay atin ng nakakalimutan. Simulan ito sa
sarili para maibigay at maipakita sa kapwa na may puso. Nasa inyo
ang pag-usbong ng pagbabago para sa kaunlaran o pagtatagumpay
na nais nating maabot.

Ngunit sa lahat ng pangarap ninyo hwag ninyong lilimutin ang


magpasalamat sa mga taong nandiyan na nag-alaga, nagmahal at
mga taong nagbigay ng liwanag sa kaalaman at dunong sa
edukasyon sa paaralan at lalong-lalo sa ating poong maykapal na
gumabay sa atin sa araw-araw.

Makinig muna kayo at ako ay may ikukuwento..


Isang batang lalake ang handing-handa para sa kanyang
pagtatapos.Ngunit sa ilang buwan bago ang kanyang pagtatapos ay
inaasam-asam niya na magkaroon ng isang sports car.Dahil sila ay

napakayaman hindi siya nagkimi na hilingin ito sa kanyang ama


sapagkat alam niyang kayang-kaya niyang ibigay ito sa kanya..
Habang palapit ang araw ng kanyang pagtatapos , nakikinikinita na
niya ang inaasam niyang regalo mula sa ama.
Pagsapit ng mismong araw ng pagtatapos tinawag siya ng ama sa
kanyang pribadong silid,sinabi nito sa kanya kung gaano siya
kapalad
na
nagkaroon
siya
ng
anak
na
matalino,mapagpakumbaba,at mapagmahal na anak sa kabila ng
kanilang karangyaan sa buhay.
Kasabay ang pag-abot ng isang kahon na may napakagandang
balot.Nagtataka ngunit sa kabila nito ay nanlumo.Binuksan ang
kahon at nakita niya isang bibliya kung saan nakasulat sa pabalat
ang kanyang pangalan.Sa kanyang galit mataas ang boses na
winika,sa kabila ng iyong yaman yan lamang ang iyong ibibigay sa
sakin.Pagkasbi nito ay agad lumisan ng tahanan at iniwan ang
ama,gayundin ang regalo nito.
Lumipas ang mga taon ang batang ito ay nagpursige,nagkaroon ng
maraming negosyo,magandang tahanan, masayang pamilya,higit sa
lahat yumaman higit pa sa kanyang ama.Subalit sa lahat ng iyon
naalala ang kanyang ama na ngayon ay matanda na.Nagpasya
siyang puntahan ang ama,dahil di na niya ito nakita ng araw na
nagtapos siya at lumisan sa kanilang tahanan.Pero ng araw na
pupuntahan na niya ito nakatanggap siya na isang mensahe na
nagasasabing sumakabilang buhay na ang kanyang ama at lahat ng
kanyang ar-arian at kayamanan ay ipipanamana sa kanya.Dali-dali

siyang pumunta sa kanyang dating tahanan at pagdating doon


nakaramdam siya ng ibayong pangungulila, kalungkutan,
panghihinayang at pagsisisi sa kanyang puso.Nagsimula siyang
maghalukay ng mga mahahalagang dukomento ng kanyang ama at
nakatawag pansin sa kanya ang isang bibliya kahalintulad ng
iniregalo ng kanyang ama.Kasabay ng pagpatak ng kanyang mga
luha binuklat niya ang ilang pahina nito at nakita niya ang isang
talata nito nanilagyan ng kulay.Nakasaaad dito,mateo 7:11 kung
kayong masasama ay marunong magbigay sa inyuong mga anak,
gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng
mabuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya!
At habang binabasa ito isang susi ang nalaglag mula sa bibliya.
May nakalagay napangalan ng tindahang binilhan na kung saan
niya nabili ang kanyang inaasam na regalo noon mula sa ama,
nabayaran ito ng buo at nandoon nakalagay ang petsa mismo ng
kanyang pagtatapsos.
Mga magsisitapos, matuto tatong makontento sa kung ano ang
ibigay sa atin.Sa paghingi natin sa panginoon o sa ating mga
magulang hindi lahat ay naiibigay na sakto at ayon sa gusto
natin.Minsan itoy sa ibang paraan.Hindi mahalaga ang anumang
regalo na ating matatangap kung hindi tayo kontento at di
marunong magpasamat.
Ngayon mga magsisipagtapos hinihiling kung tumayo at
Lumapit kayo sa inyong mga magulang, at mga guro, yakapin
ninyo sila at sabihing salamat po.

Nawa mga magsisipagtapos ay magsilbing inspirasyon ang aral na


inyong natutunan na siyang maging panuntunan ninyo sa pagtahak
tungo sa kaunlaran. Umaasa ako na ang mga butil ng karunungan
nasa inyo na ngayon at patuloy na madaragdagan ay magamit sa
tama at magtagumpay kayong mamamayan, ng susunod na mga
henerasyon. Maging masaya kayong patuloy na magarap at handa
sa susunod na hakbang ng iyong buhay sekondarya. Alalahanin
natin ang winika ni Rizal na ang kabataan ang pag asa ng bayan.

Ang paksa ng pagtatapos ay isa ring pangako. Hindi ang ating mga
guro at mga halal na lingkod bayan ang mangangako, kundi kayo,
kayong magsisipagtapos. Kayo ang dapat mangako na kayong
unang pangkat ng nagsipagtapos mula sa Kto12 ang magdadala ng
kaunlaran sa ating bansa. kayo ang dapat mangako sa ating sintang
paaralan na pagkatapos pa ng susunod na anim o sampu o higit
pang mga taon, kayo ay babalik muli sa lugar na ito na isa ng
matagumpay na tao sa larangang inyong pinili.
Lahat ay tumayo at mangako.Sabihin ninyo kami ang magdadala ng
kaunlaran sa ating bansang pilipinas.

Sa ating mga magulang: wag po tayong magsawa sa pagsuporta sa


ating mga anak maging pinansyal man o moral.Anumang tagumpay
na kanilang makamit ay mas tagumpay ninyo.

Sa ating mga guro: patuloy tayo sa paggawa at paghananp ng mga


bagong stratehiya na aangkop sa uri ng learning style ng mga bata
sa ngayon. Wag tayong pang hinaan ng loob sa pag hanap ng
solusyon sa pagbabago ng ating mga mag aaral. Batid kong
malaki na ang pinagbago ng ating mga mag aaral sa ngayon
lalong lalo na sa kanilang mga pag uugali at ikinikilos. Lahat itoy
dulot ng mabilis na pag usbong at makabagong teknolohiya. Kug
mahal natin ang ating mga mag aaral higit pa natin silang mahalin
at kalingain.
Higit sa lahat maraming sa ating panginoon na lagging nandiyan at
nag-aanatay at gumagabay sa lahat ng ating mga ginagawa sa arawaraw.
Sa muli magandang gabi sa ating sa lahat.

You might also like