You are on page 1of 2

ASSOCIATION OF LOPEZ AVENUE STAKEHOLDERS (ALAS)

10624 Lopez Avenue, Los Baos, Laguna


alaslaguna.2016@gmail.com
(0995) 206 4359

PAHAYAG NG PAGKAKAISA SA PAGTUTOL SA


ROAD WIDENING NG LOPEZ AVENUE
Ang buong kasapian ng Association of Lopez Avenue Stakeholders (ALAS), ay naniniwala at
naninindigan na:

TAYO ay BAHAGI, KATUWAN at SIGNIPIKANTENG NAG-AAMBAG sa PATULOY na


PAG-UNLAD ng ating pamayanan.

KAILANGAN at NARARAPAT ang PATULOY, SUSTAINABLE at TUNAY na


KAUNLARAN.

Ang TUNAY na KAUNLARAN AY MAG-AANGAT sa ANTAS at KALIDAD ng


PAMUMUHAY ng LAHAT ng MAMAMAYAN ng pamayanan.

Ang TUNAY na PROYEKTONG PANG-KAUNLARAN ay dumadaan sa transparent,


sapat, masinsin at siyentipikong pag-aaral.

WASTO at MAKABULUHAN ang ipatutupad na proyekto at/o programang pang-kaunlaran


kung ito ay dumaan sa wastong proseso kabilang ang komprehensibong pagpaplano at
paghahanda, malawakang pakikipag-ugnayan at konsultasyon sa LAHAT NG
APEKTADONG SEKTOR.

Ang tunay na proyektong pang-kaunlaran ay HINDI MAGDUDULOT NG NEGATIBONG


EPEKTO sa ekonomiya at kabuhayan ng lahat ng mamamayan, kalagayang panlipunan,
LALO'T HIGIT sa KALIKASAN.

MARIING TINUTUTULAN ng ALAS ang proyektong Network Development Widening of


National Road Tertiary Roads Makiling Park Road K0063+228 K0064+000 na nais agarang
ipatupad ng DPWH Laguna II District Engineering sa pamumuno ni District Engineer Joel F.
Limpenco. Ito po ay isang kapritso lamang at arbitraryong plano na hindi magbibigaysolusyon sa suliranin ng pagsisikip ng trapiko.

1. Ang 1.2 kilometrong haba ng Lopez Avenue ay patungo at palabas lamang ng Unibersidad ng
Pilipinas sa Los Baos, paananng Bundok Makiling at itinuturing na Forrest Reserve. Hindi
ito nagdudugtong sa iba pang bayan ng lalawigan.
2. Sa halip na maibsan ang pagsisikip ng trapiko, ang pagpapalapad ng daan ay magdudulot ng
ibayong paglaki ng bilang ng mga sasakyan na magkakasya pa dito. Ito ay magreresulta sa
lalong pagbilis ng ecological degredation at paglaki ng carbon foot print.
3. Lubhang napakalaki ang bilang ng mga mamamayang kabilang sa iba't ibang sektor
mga naghahanap-buhay, empleyedo, mag-aaral, naninirahan at dumadaan sa
kahabaan nito ang nakararanas ng dislokasyon. Walang ginawa at ginagawang
panlipunang paghahanda, pagsasaliksik at pagpaplano sa mga maaapektuhan ng proyektong
ito.
4. Hindi sumailalim sa isang transparent, siyentipiko, masinsin at sapat na pagsasaliksik ang
proyektong ito. Ang tanging naibigay na datos ng DPWH ay ang Vehicular Volume Count na
kanilang isinagawa noong Oktubre 21 hanggang 28, 2015 lamang. Kabilang sa mga nararapat
na pag-aaral na naisagawa na ng DPWH subalit WALA ay:

Environmental Impact Assessment (EIA);

Social Impact Assessment (SIA);

Economic Impact Assessment, at iba pa.

5. Hindi nakipag-ugnayan sa mga mamamayang maaapektuhan, sa Pamahalaang Baranggay at


Pamahalaang Bayan ang DPWH. Ang pailan-ilang liham na ipinadala sa iilang property
owners ay may himig ng panankot o harassment at pinagmimistulang kriminal na diumano
ay nagdudulot ng sagabal sa mga daan. Ang kunwaring konsulatsyong inilunsad ay para
lamang ipabatid ang gagawing road widening at naglalayong apurahin at ipag-giitan,
manakot at manglito gamit ang hindi makatuwiran at maling kahulugan ng Road Right of
Way.

TUNAY, WASTO at MAKABULUHAN ang anumang programa o proyektong pangkaunlaran ng alinmang ahensiya ng pamahalaan kung ito ay nagtatanggol at
nagtataguyod ng KARAPATAAN PANTAO, KATARUNANG PANLIPUNAN at
PANGANGALAGA SA KALIKASAN.
Hungkag at kontra-mamamayan ang Road Widening Project ng DPWH sa Lopez Avenue.
SAMA-SAMA NATIN ITONG TUTULAN!

You might also like