You are on page 1of 3

1

MOVING UP CEREMONY
Emcee Script

I-

Processional
Isang mapagpalang umaga po sa ating lahat. Welcome sa 2016 Moving Up
ceremonies ng Bauan National Agricultural and Vocational High School. Upang
pasimulan ang ating palatuntunan, inaanyayahan po ang lahat na tunghayan
ang pagpasok sa bulwagan ng mga batang magsisipagtapos kasama ang
kanilang mga magulang, mga guro at non-teahching staff ng paaralan, mga
kasapi ng PTA, at ang ating punong guro kasama ang ating panauhing
pandangal.

II-

(Pambansang Awit-Panalangin)
Atin pong saksihan ang pagpasok ng mga kulay, na susundan ng pag-awit ng
Lupang Hinirang na pangungunahan ni Gng. Eva I. Linaban, MAPEH
Coordinator, at Panalangin na pangununahan ni Alaiza Martha M. Macatangay,
batang nagkamit ng Ikatlong karangalan.

III-

Pambungad na Pananalita
Ang paaralang Bauan National Agricultural and Vocational High School ay
itinatag noong taong 1982. Sa loob ng talong dekada at apat na taon, ito ay
nakapaghubog ng mga kabataang naging matagumpay sa ibat-ibang larangan.
Mayroon na po tayong dalawang abogado, mga enhinyero, dentista, medical
technologists, mga marino, mga guro, at higit sa lahat ang hindi mabilang na
skilled workers na sa ngayon ay nasa abroad na o kaya naman ay matagumpay
na naghahanapbuhay sa mga kilalang industriya dito sa Pilipinas.
Tunay ngang hindi matatawaran ang galing ng mga gurong tagapagsanay sa
paaralang ito. At ngayon po, tunghayan po natin ang pambungad na pananalita,
mula sa isa sa mga batang walang pasubaling magtatagumpay din sa hinaharap,
at magbibigay ng karangalan sa paaralang BNAVHS, palakpakan po natin ang
batang nagkamit ng Ikalawang karangalan, Mark Genesis D. Maneja.

IV-

Bating pagtanggap at Pagsusulit sa mga Magsisipagtapos


At ngayon po, upang ibigay sa atin ang kanyang bating pagtanggap at
pananalita at ang pagsusulit sa mga magsisipagtapos, ay narito ang ating
butihing punong-guro G. Wilfredo M. Dakila.

V-

Pagpaptibay ng Pagtatapos
Mga bata, upang pagtibayin ang inyong pagtatapos sa Junior High School ay
narito ang ating pansangay na tagapamanihala ng paaralan na si Dr. Carlito D.
Rocafort, na kinakatawan ng ating Senior Education Specialist on Social
Mobilization and Networking na si Dr. Rodrigo S. Castillo.

VI-

Pagaabot ng Katibayan ng Pagtatapos

2
Sinabi ni Arnold Glasgow, isang sikat na manunulat, na simple lamang ang
dapat gawin para magtagumpay. Gawin mo ang nararapat, sa tamang paraan, at
sa tamang panahon.
Narito po ang mga batang mag aaral na maluwalhating nakatapos sa junior
high school. Mga batang nagtagumpay sa kani-kanilang larangan, nagpursige sa
pag-aaral, nakilahok at nagtagumpay sa mga patimpalak sa loob at labas ng
paaralan, at higit sa lahat ay nakibahagi sa mga programa na may layuning
mapabuti ang kapakanan ng buong paaralan.
VII-

Pagpapakilala sa panauhing tagapagsalita


Lahat po tayo ay may inspirasyon sa buhay. Ang iba po sa atin ay inspirasyon
ang kanilang mga magulang. Ang iba naman ay inspirasyon ang kanilang mga
kaibigan, o kaibigan. Ang iba naman po ay inspirasyon ang kanilang mga guro.
Ngunit ang iba ay naging inspirasyon ang hamon ng kahirapan, pagsubok, at
suliranin sa buhay.
Sa araw pong ito ay may isang natatanging tao na magbibigay sa atin ng
inspirasyon. At upang siya ay ating makilala, narito po ang ating English
Coordinator at Pangulo ng BNAVHS Faculty Association na si Binibining Rebecca
G. Buenviaje.
(Message of the Guest Speaker and Awarding of Certificate of Appreciation)

VIII-

Mensahe ng Pasasalamat
Sa loob ng apat na taon ay napanatili niya ang tagumpay bilang
nangungunang mag-aaral sa kanyang klase. At sa araw na ito ay lalo pa niyang
pinatunayan ang kanyang kakayahan dahil nagawa niyang manguna sa isang
daan at siyamnaput pitong nagsipagtapos ng junior high school. Pakinggan natin
ang kwento ng kanyang pagsisikap, sa mensahe ng pagpapasalamat ng batang
nagkamit ng Unang Karangalan na si Crizelle S. Castillo.

IX-

Awit ng pagtatapos
Maraming salamat Crizelle Castillo. Sa punto pong ito mga magulang at mga
panauhin, atin pong saksihan ang mga batang nagsipagtapos sa kanilang
natatanging awit. Ang awitin na naglalarawan ng mga nabuong pagkakaibigan sa
loob ng apat na taon sa junior high school ng BNAVHS. Ito po ay pangungunahan
muli ni Gng. Eva I. Linaban, guro sa MAPEH

X-

Paggawad ng Medalya (G7-G9)


Ngayon naman po ay ating saksihan ang paggawad ng medalya sa mga
batang nagtamo ng karangalan sa Grade 7 hanggang Grade 9. Inaanyayahan po
dito ang mga magulang at gurong tagapayo ng mga batang gagawaran.
Mga batang nagkamit ng karangalan sa Grade 7:

XI-

Pangwakas na pananalita

3
Upang magbigay ng pangwakas na pananalita, inaanyayahan pong muli ang
Pangulo ng ating Faculty Association na si Binibining Rebecca G. Buenviaje.
XII-

Exit
Maraming salamat po Mam Reby. Ngayon naman po ay saksihan natin ang
paglabas ng mga kulay, na susundan ng mga guro, mga magulang at mga
nagsipagtapos.
At dito po nagtatapos ang ating palatuntunan. Sa muli Congratulations mga
bata, mga magulang. Maraming salamat sa lahat ng mga guro, sa aming
punong-guro, at sa atin pong panauhing tagapagsalita na si Engr. Neil
Manongsong.
Ito po ang inyong lingkod, G. Fermo G. Ramos. Magandang umaga po at
mabuhay ang paaralang Bauan National Agricultural and Vocational High School.

You might also like