You are on page 1of 8

KULTURA

3
4
5

ABRIL-MAYO 2016

Paigtingin ang pakikibaka laban sa K-12 at neoliberal


na atake sa edukasyong Pilipino!
Kampanya ng manggagawa para sa National Minimum
Wage: Tugon sa neoliberal na atake sa kilusang paggawa
#BigasHindiBala: Panagutin ang rehimeng Aquino para
sa masaker sa Kidapawan

Halalan 2016: Marumi, marahas, madaya

Tagumpay ng mga pulang partido sa Unibersidad ng


Pilipinas

Ano ang hinaharap ng bayan sa


pagkapanalo ni Duterte bilang pangulo?
Si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay nakatakdang maluklok bilang susunod
na punong kinatawan at pinuno ng reaksyunaryong estado sa bansa. Parating
na nga ba ang tunay na pagbabago?Walang maaasahang makabuluhang
pagbabago ang mamamayan sa eleksyon. Ang halalan sa bansa ay kontrolado
ng Estados Unidos (US) at ginagamit nito para panatilihin ang bulok na
naghaharing sistema sa bansa.
Ang pagkapanalo ni Duterte sa nagdaang
halalan ay malinaw na pagwaksi sa bulok na
daang matuwid ng rehimeng US-Aquino.
Sa kabila ng pagkakaroon ng makinarya,
salapi at kapangyarihan, nadaig nito ang
kandidato ng naghaharing rehimen na si
Mar Roxas. Nakuha ni Duterte ang suporta
ng mamamayan sa mariin nitong pag-atake
sa pagkatuta, kurupsyon, panlilinlang at
pambubusabos ng rehimeng Aquino at sa
pagtatanghal sa sarili bilang kabaliktaran ng
paghahari ng haciendero sa bansa.

Sa pamamagitan ng paghamig ng malawak


na suporta, pagsasagawa ng malalaking
pagtitipon, at pagtatambol sa social media,
napigilan ni Duterte ang plano ng rehimeng
Aquino para sa elektronikong dayaan.
Gayunpaman, nariyan pa rin ang mga
indikasyon na minanipula ang resulta ng
halalan para palakihin ang boto ni Roxas,
paburan ang mga kandidato ni Aquino sa bisepresidente at senador, gayundin upang pigilan
ang mga progresibong partylist na makakuha
ng dagdag na mga pwesto sa parlamento.

Gaya ng dati, marumi, bulok at madaya ang


nagdaang halalan na minarka ng karahasan,
pagbili ng boto, paggamit ng pampublikong
pondo, at elektronikong manipulasyon ng resulta.
Ang pagkapanalo ni Duterte ay tanda ng
tumitinding krisis ng sistemang malakolonyal
at malapyudal. Itinanghal ni Duterte ang
sarili bilang kandidato na may simpatya sa
dinaranas na kahirapan at pambubusabos
ng mamamayan at nagtataguyod ng mga
patakarang tutugon sa mga hinaing ng bayan.
Sinasalamin din nito ang lumalalim na
paksyunal na tunggalian ng naghaharing
uri sa bansa. Gumastos siya ng bilyon sa
kanyang kampanya sa midya at sa patalastas,
gayundin sa kampanya sa social media
na pinondohan ng malalaking negosyante
at grupong pulitikal, mga kingmaker,
relihiyosong sekta, pangkating militar at
iba pang mga interesadong grupo, kapalit
ng pang-ekonomya at pampulitikang pabor
pagdating ng panahon.
Ang pederalismo na itinutulak ng mga
kaalyado ni Duterte na pumupuna sa
kakulangan ng pambansang rekurso, kawalan
ng serbisyo at kaunlaran sa mga lokal na
ekonomiya ay salamin ng kahilingan ng mga
naghaharing uri na lalo pang paghati-hatian
ang mga rekurso ng bayan sa pagitan nila.
May ilang seksyong sumusuporta sa
pangakong pagsugpo sa krimen tungo sa
pagtatatag ng estadong-pulisya. Ninanais nila
ang pagpataw ng mas mahihigpit na hakbang
sa pagsupil sa demokratikong mga karapatan
ng mga manggagawa at karapatang tao
upang maging lalong mabisa ang kanilang
pagsasamantala at pandarambong sa
yamang-tao at likas na yaman.

President-Elect Rodrigo Duterte kasama si Leoncio Ka Parago Pitao, ang yumaong pulang kumander
ng New Peoples Army (NPA) sa Mindanao. Photo Credits: Karlos Manlupig.

Maituturing na sa unang pagkakataon sa


kasaysayan, may pinuno ng reaksyunaryong
estado na hindi tali at sagad-sagarang tuta ng
Estados Unidos. Nagalit si Duterte sa US nang

\\ Ituloy sa p2

EDITORYAL

ipuslit nito ang hinihinalang CIA agent na si


Micheal Meiring na nabuking na aksidenteng
nagpasabog ng bomba habang ginagawa ito
sa kanyang hotel. Tinutulan din ni Duterte
ang paggamit ng Davao para sa pagpapalipad
ng drone at nagsalita laban sa US military
exercises at EDCA. Sa kabilang banda, ang
mga nakaluklok sa gubyerno at mga pulitikong
nakapaligid kay Duterte, maging ang mga
nasa AFP at nasa burukrasya ay maka-US at
pabor sa presenyang militar ng US.
Ang pangako ni Duterte na isulong ang
usapang pangkapayapaan sa National
Democratic Front of the Philippines (NDFP)
at Bangsamoro, kasabay ng pagtutol sa
anti-US na postura ay tiyak lilikha ng ligalig
sa mga maka-kanan at sagad-sagaring
kontra-rebolusyunaryo sa gubyerno. Kung
tototohanin ni Duterte ang pangakong alisin
ang droga at krimen, lilikha ito ng bitak sa
pulis at militar na may bahaging sangkot sa
mga kriminal at sindikatong aktibidad.
Ang mga pahayag ni Duterte hinggil sa
muling pagbubukas at pagpapabilis ng
usapang pangkapayapaan sa NDFP, planong
pagtatalaga ng mga katiwa-tiwalang mga
negosyador, pagpapalaya ng mga detenidong
pulitikal at alok na italaga sa Kaliwa ang
ilang mga posisyon sa gubyerno ay mga
indikasyon na seryoso si Duterte sa usapang
pangkapayapaan. Hindi na rin bago ang
pagkilala at pakikipagtulungan ni Duterte sa
rebolusyunaryong kilusan lalo na sa Mindanao.
Mainit na sinalubong ng NDFP ang plano sa
muling pagbubukas ng usapan at pagtugon
sa ugat ng armadong tunggalian kasama ang
mas mabilis na pag-uusap at posibilidad ng
mutual na tigil-putukan habang may paguusap. Mahalaga para sa mamamayan ang
usapang pangkapayapaan at ang pagsisikap
na lutasin ang ugat ng armadong tunggalian.
Umaasa ang taumbayan na kaiba sa nagdaang
rehimen, igagalang ng gubyerno ang mga
nakaraang mga kasunduan, papalayain ang
mga detenidong pulitikal at haharapin sa
mga pag-uusap ang mga batayang suliranin
at hinaing ng mamamayan.
Dahil sa mga pangako at mga pahayag para
sa tunay na pagbabago, haharapin ngayon ni
Duterte ang mataas na ekpektasyon at hamon
ng mamamayan para sa pagpapatupad ng
mga mahahalagang reporma.
Kung seryoso sa tunay na pagbabago, dapat
gamitin ni Duterte ang pagkakataon para
bumaklas sa pagkatuta at pagsalig ng bansa
sa imperyalismong US at tumindig para
sa malayang patakarang panlabas. Dapat
baliktarin niya ang pagkatuta ng rehimeng
US Aquino at bawiin ang suporta ng bansa sa
mga di-pantay na kasunduang militar gaya
ng Visiting Forces Agreement at Enhanced
Defense Cooperation Agreement. Dapat niya
ring itakwil ang planong charter change ng
US at higit na pagbubukas ng ekonomiya sa
Trans-Pacific Partnership (TPP).
Sang-ayon
sa
platapormang
antikriminalidad, dapat panagutin ni Duterte
ang pinakamalalaking kriminal na sindikato
sa bansa. Dapat agad na kasuhan at ikulong
si Noynoy Aquino at Butch Abad, mga

ABRIL-MAYO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

mastermind ng pagnanakaw ng daang bilyong pasistang oplan. Dapat panagutin ni Duterte


pisong pondo ng gubyerno sa Disbursement ang mga may sala sa malawakang kampanya
Acceleration Program (DAP).
ng pasistang pamamaslang at gayundin,
iatras ang kanyang pagsuporta sa mga malaDapat makinig si Duterte sa mga manggagawa vigilanteng pagpaslang. Dapat paalisin ang
at magsasaka para sa kanyang programang mga militar sa mga komunidad ng Lumad at
pang-ekonomiya, hindi sa mga bulag na itigil ang mga atake sa kanilang mga paaralan.
tagapagtaguyod ng mga makadayuhang
patakaran. Wala pang pahayag si Duterte na Habang may mga progresibong katangian,
nagtatakwil sa mga patakarang neoliberal; sa mulat tayo na kinatawan ng reaksyunaryong
katunayan, ang naunang inilahad na planong uri si Duterte. Sa katunayan, sa ilang dekada
pang-ekonomiya ng kanyang adviser ay na paglilingkod nito sa burukrasya ng
pagpapatuloy lamang ng mga patakaran ng reaksyunaryong estado, pinakitunguhan nito
rehimeng US-Aquino. Kung tunay na hangad ang mga malalaking burgesya at panginoong
ng pagbabago, dapat baliktarin ni Duterte maylupa na umaasa din ng mga pabor sa
ang mga patakarang neoliberal at isulong gubyerno nito. Lalo pa, habang sinasabing
ang ekonomiyang tunay na malaya at para sa siya ay Kaliwa at sosyalista, walang
tunay na pag-unlad ng bayan.
makabuluhang pahayag si Duterte laban sa
neoliberal na mga patakarang pang-ekonomiya
Dapat niyang isulong ang tunay na repormang na patuloy na sumasalanta sa bayan.
agraryo at pagpapaunlad ng agrikultura.
Dapat libreng ipamahagi ang lupa sa mga Sa ibang mga bansa, may mga tampok na antimagbubukid at itulak ang pag-unlad ng imperyalista at anti-US na naluklok na pinuno
agrikultural na produksyon sa bansa. Dapat na nakaluklok sa estado. Dahil sa kanilang
palawakin ang libreng irigasyon at magtuon paninidigan at pagtataguyod ng makabayang
sa mekanisasyon sa agrikultura.
patakaran sa ekonomiya, nakakontrol sila
bahagi ng kanilang ekonomiya at nailaan
Dapat
itulak
ang
pambansang ito sa mga serbisyong pampubliko gaya
industriyalisasyon at ekonomiyang tunay na ng edukasyon at kalusugan. Ngunit dahil
maunlad para sa bayan. Dapat itakwil ang nanatili ang malaking impluwensya ng
pribatisasyon, deregulasyon, liberalisasyon mga burgesya at panginoong maylupa
at denasyunalisasyon. Tanging sa pag-unlad sa pulitika at ekonomiya, nananatiling
ng agrikultura at industriya, malilikha ang pinagsasamantalahan at lubog sa kahirapan
trabaho at matutugunan ang pangangailangan ang mga manggagawa at magsasaka.
ng mamamayan at hindi sa mga bulok na
programang kontra-kahirapan gaya ng Kung hindi matutugunan ni Duterte ang panawagan
Conditional Cash Transfers.
para sa lupa, trabaho, sahod at karapatan, di
malayong mapatalsik din siya sa kanyang poder
Dapat kagyat na ipatupad ang panawagan para gaya ng dinanas ng rehimeng Estrada.
sa pambansang minimum na sahod at itigil
ang mga patakarang nagpapababa sa sahod at Handang-handa
ang
kabataan
at
umaatake sa karapatan ng mga manggagawa. mamamayan na paigtingin ang paglaban para
Dapat tuparin ni Duterte ang pangakong sa kanilang mga karapatan, at ipanawagan
wakasan ang kontraktwalisasyon at bawiin ang ang tunay na panlipunang pagbabago. Dapat
kanyang pahayag na umaatake sa mga unyon. patuloy na isulong ang mga pakikibaka laban
sa kahirapan, kagutuman at pambubusabos,
Sa edukasyon, dapat kagyat na itigil ang paglaban sa tumitinding
atake
ng
programang K-12 at ipatupad ang libreng imperyalismo at pasismo. Alam natin na
edukasyon sa lahat ng antas. Dapat ituon tanging sa pagkumpleto ng pambansaang edukasyon sa pangangailangan ng demokratikong pakikibaka at pagbabagsak sa
bayan at iwaksi ang mga atakeng neoliberal bulok na estado tunay na mawawakasan ang
sa edukasyon. Maaari niyang baliktarin ang paghahari ng bulok na sistema at makakamit
edukasyong nagtuturo ng kolonyal na kaisipan ang tunay na kalayaan para sa bayan.
at paniniil sa kabataan at mamamayan at
simulan ang edukasyong tunay na makabayan. Sa kagyat, dapat ilunsad ng mga mag-aaral,
magulang at mga guro ang pakikibaka laban
Sa kalusugan, dapat itigil ang pribatisasyon sa K-12 at atakeng neoliberal sa edukasyon
ng mga pampublikong ospital at palawakin ngayong pagbubukas ng klase. Mahalagang
ang serbisyong pangkalusugan sa bansa. pagkakataon ang panahon ng transisyon sa
Dapat itigil ang paniningil sa ospital at bagong naghaharing rehimen para itulak ang
mga negosyong gaya ng PhilHealth at mas malalaking mobilisasyong masa para
sa halip, isulong ang libreng serbisyong isulong ang mga lokat at sektoral na laban, igiit
pangkalusugan para sa lahat.
ang pananagot sa rehimeng Aquino at itulak
ang pagbaliktad sa mga bulok na patakaran.
Dapat ipagkaloob sa mamamayan ang
serbisyong panlipunan at tiyakin ang Dapat ding gamitin ang anumang luwag
malaking pondo rito. Kasabay nito, dapat itigil na idudulot ng sitwasyon para palawakin
ang pribatisasyon at mga programa ng Public sa antas na walang kaparis ang ating mga
Private Partnership na hindi lamang umatake balangay at iba pang mga organisasyon. Tiyak
sa serbisyong panlipunan kundi ginamit ni na mas malaking pag-abante ang hinaharap
Aquino bilang bilyon-pisong raket para sa ng kilusang bayan sa ilalim ng bagong
malalaking negosyante gaya ng mga Ayala.
rehimeng Duterte.
Dapat igalang ang karapatang pantao at kagyat
na palayain ang daan-daang bilanggong
pulitikal sa bansa. Dapat itigil ang mga

TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | ABRIL-MAYO 2016

PAHAYAG

Paigtingin ang pakikibaka laban sa K-12 at


neoliberal na atake sa edukasyong Pilipino!
Habang mas nalalapit ang pasukan, lalong nararamdaman ng mga magaaral, magulang at guro ang pahirap na dulot ng programang K-12 ng
rehimeng US-Aquino na sentro ng mga ipinapatupad nitong neoliberal na
reporma sa edukasyong Pilipino.
Dahil hindi naman mag-aalok ang lahat
ng pampublikong paaralan ng senior high
school, mahigit isang milyong mag-aaral
ang papahirapan ng gubyerno at itutulak
na magbayad ng mas mahal na matrikula
sa mga pribadong paaralan. Hindi iilan ang
matutulak na tuluyan nang magdrop-out.

implementasyon ng K-12 habang nakabinbin


ang mga isinampang kaso upang ideklara itong
labag sa Saligang Batas. Nangangahulugan
ang hindi pagpataw ng hinihinging temporary
restraining order (TRO) na buong puwersa pa
ring itutuloy ng gobyerno ang mapanlinlang,
pahirap, at pabigat na programa.

Ang voucher na inaalok ng Department


of Education ay kulang para bayaran ang
mahal na matrikula sa mga paaralan.
Mapanlinlang ito at malinaw na ayuda
para kumita ang mga pribadong paaralan
sa K-12. Ang mga galing sa pampublikong
paaralan ay awtomatikong bibigyan umano
ng voucher, samantalang ang mga galing sa
pribadong paaralan ay aaprubahan pa.

Ang K-12 ay sentro ngayon ng panibagong


neoliberal na atake na ipinatutupad ng
rehimeng US-Aquino sa edukasyon na
naglalayong ituon ang edukasyon sa
pangangailangan ng mura at supil na lakas
paggawa ng dayuhan, ibaba ang sahod
ng manggagawa at higit na isapribado at
pagkakitaan ang edukasyon. Kasabay ng
K-12, itinutulak pataas ang matrikula sa mga
pamantasan at lalong ginagawang kolonyal
at mapanupil ang nilalaman ng edukasyong
Pilipino. Bahagi ito ng tumitinding neoliberal
na atake sa mamamayan na naglalayong higit

Aabot lamang sa P8,750 hanggang


maksimum na P22,500 kada mag-aaral ang
halaga ng voucher. Kahit palarin, kulang pa
rin ito para sa pag-eenrol sa karaniwang
paaralan na umaabot sa hanggang P50,000
ang matrikula. Kakailanganin pa ring
maglabas ng libo-libong piso bilang topup na bayad ang mga magulang.
Dahil deregulated ang matrikula, walang
makakapigil sa mga pribadong paaralan na
dagdagan pa ang matrikula at singilin para
lalo pang gatasan ang mga magulang lalo
nat wala namang pagpipilian ang mga magaaral na itinutulak mag-enrol sa senior high
school. Ibig sabihin, may tiyak na silang kita
sa voucher, kikita pa sa paniningil ng tuition
at iba pang mga bayarin.
Hindi kataka-taka na nagsulputan ang
mga paaralang pinatatakbo ng malalaking
kumpanya gaya ng Ayala para sa senior
high school.
Kamakailan, nagprotesta ang daan-daang
mag-aaral at magulang na nag-eenrol sa
Polytechnic University of the Philippines (PUP)
dahil ayaw tanggapin ng PUP ang libo-libong
mag-aaral na wala umanong voucher.
Samantala, inaasahan din ang pahirap
sa mga guro na isasabak sa programa
nang walang training, modyul at mga
kinakailangang pasilidad. Asahang lalabas
pa ang mas maraming mga problema
at usapin sa K-12 na sadyang magulo at
pahirap sa mga mag-aaral at magulang
habang mas nalalapit ang enrolment at
pasukan. Tiyak na magiging dagdag na
pabigat ang mga bayarin sa K-12 lalo na sa
mahihirap na pamilya.
Noong buwan ng Marso, ibinasura ng Korte
Suprema ang inihaing petisyon ng ibat ibang
grupo upang pansamantalang itigil ang

na ibaba ang sahod at pigain ang mas malaking


tubo mula sa manggagawa at mamamayan.
Dapat paigtingin ang paglaban sa K-12 at mga
neoliberal na atake ng rehimeng US-Aquino
sa edukasyong Pilipino. Dapat ilunsad ang
malalaki at mapangahas na mga protesta para
itulak ang pagpapatigil sa programa. Dapat
buuin ang STOP K-12 sa pinakamaraming mga
paaralan at komunidad bilang tipunan ng mga
mag-aaral, magulang at guro na nais itigil ang
K-12. Maaaring ilunsad ang mga mobilisasyon,
barikada, okupasyon sa mga paaralan at DepEd
para labanan ang programa.
Ang paglaban sa K-12 ay magiging
mahalagang bahagi ng isisikad na kilusang
bayan laban sa kagutuman, kahirapan
at pambubusabos ng sistema laban sa
mamamayan at pangkalahatang neoliberal
na mga patakaran. Dapat mahigpit na
makiisa sa kilusan ng mamamayan at
malakas na mag-ambag sa paghakbang
tungo sa panibago at mas mataas na
antas ng kilusang bayan at pakikibakang
pambansa-demokratiko.

LATHALAIN

ABRIL-MAYO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Kampanya ng manggagawa para sa National


Minimum Wage: Tugon sa neoliberal na atake
sa kilusang paggawa
Sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Manggagawa nitong Mayo Uno,
malakas na itinambol ang kampanya para sa isang National Minimum Wage (NMW)
o pambansang minimum na sahod na P750 kada araw para sa mga manggagawa
sa pribadong sektor at P16,000 kada buwan para sa mga kawani ng pamahalaan.

laban sa sistema ng aliping sahuran na


nagbibigay ng dambuhalang tubo sa iilang
malalaking kapitalista mula sa labis na
halagang likha ng mga manggagawa.

Ang kampanya para sa NMW sa pangunguna


ng All Workers Unity (AWU), isang alyansa ng
mga unyon, asosasyon, pederasyon, at mga
indibidwal na manggagawa, ay paglaban sa
mahigit tatlong dekadang walang patid na
opensibang neoliberal sa kilusang paggawa
sa Pilipinas at maging sa buong daigdig.

pagbigay ng kagyat na ginhawa sa mga


manggagawa sa harap ng ilang dekada ng
atake sa minimum na sahod at barya-baryang
umento. Ang makabuluhang umento sa sahod
ay kagyat na makababawas sa kagutuman at
kahirapan ng mga manggagawa.

Ikampanya ang NMW


Pilit na sinisisi ng mga tagapagtaguyod ng
neoliberalismo ang paglaban ng kilusang
paggawa para sa makatarungang sahod at
mga subsidyo sa serbisyong pampubliko
bilang ugat ng krisis upang bigyang katwiran
ang mas matinding konsentrasyon ng
kayamanan sa kamay ng iilan.

Ito ang tugon ng kilusang paggawa sa mga


neoliberal na patakaran na tumutulak sa
paghuthot ng mas malaking kita para sa
mga kapitalista habang binabarat ang sahod
ng manggagawa sa panahon ng walang
kaparis na krisis ng kapitalismo.

Pinalalabas na mamamatay ang mga maliliit


na negosyo kung patataasin ang sahod.
Ngunit hindi naman sahod ang nagpapahirap
sa pagnenegosyo kundi ang mataas na
kotong, buwis, at singil sa tubig at kuryente,
bulok na imprastraktura, at panggigipit
mula sa malalaking kapitalistang dayuhan
Ang NMW na P750 kada araw sa sahod ng at lokal. Sa katunayan, higit na tinutulak
mga manggagawa sa pribadong sektor pababa ang sahod ng mga manggagawa at
ay nangangahulugan ng 56 porsyentong kawani sa balangkas ng pag-akit ng mga
pagtaas sa P481 na minimum na sahod dayuhang mamumuhunan at korporasyon
sa Metro Manila na siyang pinakamataas na pumasok sa bansa.
sa buong bansa sa kasalukuyan. Ito ay 70
porsyento ng arawang FLW.
Tanging ang mahigpit na pagkakaisa
at sama-samang pagkilos ng mga
Ang NMW na P16,000 kada buwan para manggagawa sa pribadong sektor, kawani
sa mga empleyado ng pamahalaan ay 56 ng pamahalaan, at manggagawa sa
porsyento naman na pagtaas mula sa P9,000 agrikultura ang makapagtutulak sa mga
buwanang sweldo ng mga kawani na nasa nasa kapangyarihan na ibigay ang kahilingan
Salary Grade 1 sa ilalim ng SSL. Ito ay kalahati para sa isang makatarungang sahod.
ng buwanang FLW na aabot P32,000.
Hamon sa kabataang Pilipino na makiisa sa
Kakambal din ng paglaban para sa isang mga manggagawa at malakas na itambol ang
NMW ang pagbaka sa kontraktwalisasyon kampanya para sa NMW. Ang pagtatagumpay
na isa ring iskema upang lalong baratin ang ng laban na ito ay mahalagang ambag sa
sahod ng manggagawa.
pagsusulong ng pambansa demokratikong
pakikibaka tungo sa sosyalismo.
Ang kampanya para sa NMW ay pagsusulong
din ng hustisyang panlipunan. Ito ay pagtindig

Pagbasag ng minimum wage


Sentral na tunguhin ng neoliberal na
opensiba ang pagbasag sa minimum wage sa
hanay ng mga manggagawa. Naitulak ito sa
pamamagitan ng Wage Regionalization Law
ng 1989 sa mga manggagawa ng pribadong
sektor at ng Salary Standardization Law (SSL)
ng 1989 sa mga kawani ng pamahalaan.
Ginawang palusot ang diumanoy magkakaiba
na halaga ng pamumuhay sa ibat ibang
rehiyon upang itulak ang pagbubukod ng
minimum na sahod sa ibat ibang rehiyon.
Habang ininstitusyunalisa naman ng SSL ang
pagbibigay ng mas mababang sahod para sa
mga empleyado sa mga lokal na pamahalaan.

Dagdag na pahirap ang Two-Tiered Wage


System na ipinatupad ng gobyernong Aquino
noong 2012 sa mga manggagawa sa pribadong
sektor. Sa iskemang ito, pinalitan ang minimum
na sahod sa isang floor wage na nakabatay sa
poverty threshold ng gobyerno.
Makakatanggap
lamang
ng
umento
ang manggagawa batay sa kanyang
performance na itatakda naman sa antas
ng bawat empresa sa pangunguna ng
mismong kapitalista. Sa huli, lalo lamang
nitong tinutulak pababa ang halaga ng
sahod ng mga manggagawa.
Sa madaling salita, walang tunay na
pambansang minimum na sahod na umiiral
sa bansa sa kasalukuyan. Lumalabas pa
na may mahigit 1,000 antas ng pasahod sa
buong bansa ayon mismo sa Department of
Labor and Employment (DOLE).
Kagyat na ginhawa
Layunin ng kampanya para sa NMW ang

Photo Credits: Philippine Collegian.

Nagresulta ito sa pagbagsak sa 25


porsyento ng bilang ng mga manggagawang
tumatanggap ng minimum na sahod habang
46 na porsyento naman ang tumatanggap
ng mas mababa pa rito noong 2011 ayon sa
datos mismo ng gobyerno.

Isa itong tuntungan upang maabot ang


Family Living Wage (FLW) na sumusukat sa
halagang kailangan ng isang karaniwang
pamilyang binubuo ng anim na miyembro
upang mabuhay nang disente. Ang arawang
FLW noong Enero 2016 ay P1,088 ayon sa
pinakahuling pag-aaral ng Ibon Foundation.

LATHALAIN

TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | ABRIL-MAYO 2016

1987 at sa masaker ng mga magsasaka sa


Hacienda Luisita na pagmamay-ari ng mga
Aquino-Cojuangco noon namang 2004.

#BigasHindiBala:
Panagutin ang rehimeng Aquino
para sa masaker sa Kidapawan
Dalawang tao ang namatay sa masaker sa Kidapawan noong Abril 1 nang
paputukan ng mga armadong pulis at sundalo ang 6,000 nagbabarikadang
magsasaka sa kahabaan ng Cotabato-Davao Highway sa Kidapawan City,
North Cotabato.
Ikatlong araw noon ng protesta ng
mga magsasaka at katutubong lumad
na nagsimula noong Marso 30 upang
manawagan mula sa gobyernong Aquino ng
kagyat na ginhawa at bigas upang pantawid
sa gutom na dulot ng pagwasak ng El Nio
sa kanilang mga pananim.
Mariing kinukundena ng Anakbayan ang
masaker sa Kidapawan na nagresulta ng
pagkamatay nina Enrico Fabligar, isang 30 taong
gulang na residente ng Kidapawan na hindi
kabilang sa protesta, at Darwin Sulang, isang 22
taong gulang na magsasakang Manobo.
Ayon sa National Fact-Finding and
Humanitarian Mission na inilunsad sa
pangunguna ng grupong Bayan, Karapatan, at
Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, aabot sa 11
katao ang nasugatan dahil sa tama ng bala.
Pandarahas
Pagkatapos ng madugong dispersal ng
protesta, kinubkob ng mga sundalo at pulis
ang Spottswood United Methodist Church
compound na nagsilbing sanktwaryo ng
mahigit 4,000 magsasaka at kanilang mga
tagasuporta matapos ang masaker.
Aabot sa 78 katao ang iligal na inaresto,
kinasuhan ng illegal assault at pinatawan ng
P12,000 na pyansa. Kabilang sa mga inaresto
ang 29 babae, 3 buntis, 6 matatandang senior
citizen, at 4 na minor de edad. Umabot ng
tatlong linggo bago sila nakalaya.
Hinarangan din ng lokal na pamahalaan
ang mga donasyon mula sa mamamayan
na makapasok sa compound. Noong Abril 3,
nagkatensyon nang pagbawalan ng pulis ang
300 magsasaka na makapasok sa simbahan
upang makiisa sa kapwa nila magsasaka.

Upang makatakas sa anumang pananagutan,


pinipilit ng mga awtoridad na ang mismong mga
biktima ang salarin sa madugong kaganapan.

Ayon mismo sa Department of Agriculture,


nagtamo ng P1.9 bilyong halaga ng pinsala
mula Pebrero 2015 hanggang Pebrero ngayong
taon dahil sa El Nio. Sa North Cotabato, hindi
bababa sa 50,000 ektarya ng bigas at mais ang
nasira dahil sa matinding tagtuyot.
Ngunit pinabayaan lamang sila ng walang
pusong gobyerno ni Aquino. Nagtayo ng
mga barikada ang mga magsasaka upang
maipatampok ang kanilang mga panawagan.
Ngunit imbes na pakinggan, bala ang isinagot
ng gobyerno sa kanilang mga hinaing.
Ang karumaldumal na pagpatay ng mga
inosenteng magsasaka sa Kidapawan ay
walang pinagkaiba sa masaker ng mga
magsasaka na nagmartsa sa Mendiola noong

Ang trahedya sa Kidapawan ay maiuugat


sa atrasadong sistemang malapyudal
na tumutugon sa pangangailangan ng
pandaigdigang merkado para sa hilaw na
materyales at murang paggawa habang
nagsisilbing tambakan ng sobrang puhunan
at produkto ng dayuhan.
Katangian ng sistemang ito, na masugid na
ipinagtatanggol ng rehimeng Aquino, ang
monopolyo sa lupa ng iilang panginoong
maylupa at ang malawakang kawalan ng
lupa ng mga maralitang magsasaka na
nasasadlak sa matinding gutom at kahirapan.
Reporma sa lupa
Naninindigan ang Anakbayan na tanging ang
isang programa ng tunay na reporma sa lupa
sa pamamagitan ng libreng pamamahagi
ng lupa sa magsasaka at pagbasag sa
monopolyo sa lupa ng panginoong maylupa
ang magpapalaya sa milyon-milyong
maralita sa kanayunan.
Ang repormang agraryo ay magsisilbing
pundasyon ng pambansang industryalisasyon
na sisira sa dayuhang dominasyon sa
ekonomya, magbibigay ng malawakang
empleyo sa sariling bayan, at magsisiguro
na magagamit ang sariling yaman ng bansa
para sa mamamayang Pilipino.
Nananawagan ang Anakbayan sa lahat na
makiisa sa laban ng mga magsasaka para
sa bigas, lupa, at kanilang demokratikong
karapatan. Ating ipagbunyi ang mga alaala
ng mga biktima ng masaker sa Kidapawan
sa pamamagitan ng pagpapatibay ng ating
kapasyahan na lumaban para sa tunay na
pagbabagong panlipunan.

Magsasaka Ikaw ay Bayani


Chords at Lyrics
Pasakalye:AmGAmFCGAm
1st Verse:
Am
C
G
Am
Ikaw na bisig ang siyang nagbubungkal
C
G
Am
Ikaw na pawis at dugo ang tanging puhunan
F
C.
G
Am
Ikaw na bihag, dukhat hinahamak
F
C
G
Am
Ikaw ay bayani, dangal ng lipunan.
2nd Verse:
Am
C
G
Am
Itong tanikala ng pagkaalipin mo
Am
C
G
Am
Unti-unting dinudurog hanggang maging abo
F
C
G
Am
Itong nakalukob na agilang dayo
F
C
G
Am
Pilit iginugupo nang layay mapasayo.

Koro:
F
CG
C
Sa tuwinay taglay ibayong pag-asa
F
C
G
C
Buo ang hangaring wakasan ang pagsasamantala
Am G
Am
Sa daluyong ng daan-libong nag-aalsa
F
C
G
Am
Itatanghal kayong bayani, kayong magsasaka.
(ulitin ang huling saknong)

Ilustrasyon ni Neil Doloricon.

Pagkatapos
ang
tatlong
linggong
pananahimik hinggil sa masaker sa
Kidapawan, pinawalang-sala ni Pangulong
Noynoy Aquino ang mga pulis na sangkot
sa insidente at kinundena ang mga nagorganisa ng protesta bilang diumanoy
tagasimuno ng karahasan.

Inutang na dugo
Anim na buwang naghintay ang mga magsasaka
na makatanggap ng tulong mula sa gobyernong
Aquino upang mapagaan ang pinakamalubhang
epekto ng El Nio na nagtulak sa kanilang
pamilya sa matinding kagutuman.

Lumalaki ang inutang na dugo ng


hacenderong angkan ng mga AquinoCojuangco na hinding-hindi mabubura sa
alaala ng mamamayang Pilipino.

BALITA

ABRIL-MAYO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

naging kapantay na ni Poe, at pagkatapos ay


lumampas na rito at pumangalawa na kay
Duterte, ayon sa Anakbayan.
Ayon pa sa ulat, talamak ang pwersahang
pagpapaboto sa mga kandidato ng Liberal
Party gaya ng sa Benolen Elementary
School in Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Talamak din ang abutan ng sobre na may
lamang pera at sample ballots.

Halalan 2016: Marumi,


marahas, madaya
Marumi, marahas at tinupok ng
samut-saring
pandaraya
ang
katatapos lamang na eleksyong 2016.
Ayon sa report ng mga election watchdog
kasama ang Kontra-Daya at Parish
Pastoral Council for Responsible Voting
(PPRCV), may nasirang Vote Counting
Machine (VCM) sa halos lahat ng bahagi
ng bansa. Maliban sa mahigit 150
nasirang VCM, marami ring ulat ng

Pinapakita ng mga ulat ang isang


malawakang dayaang plinano at inorganisa
ng Liberal Party upang makapanatili sa
poder ng kapangyarihan, paliwanag ng
Anakbayan.

Taliwas naman sa pahayag ng Commission


on Elections na naging mapayapa ang
nangyaring eleksyon, 10 tao ang pinatay
mismo sa araw ng halalan, kabilang
mga pre-shaded na pangalan sa balota na ang pambobomba sa mga paaralan sa
kinatatampukan ng pangalan ni Mar Roxas Mindanao.
at ilan pang kandidato ng Liberal Party at
iba pang anomalya gaya ng vote buying
Pinatutunayan lamang nito na ang
eleksyon ay para lang naman sa
Upang ikubli ang pandaraya, itinaas ng kapakinabangan ng iilan. Ito ay paligsahan
Malacanang sa tulong ng Pulse Asia ang lang ng mga magkakalabang paksyon ng
survey rating nina Roxas. Sa ilang survey mga naghaharing uri sa ating bayan para sa
habang papalapit ang araw ng halalan, mga pwesto; ito ay pagpili na lamang kung
kataka-taka ang biglang pag-angat ng sinong magsasamantala sa sambayanan,
laging kulelat na si Mar Roxas. Bigla itong kongklusyon ng Anakbayan.

Kontraktwalisasyon, wakasan na! Anakbayan


Hinahamon ng pambansang tanggapan
ng Anakbayan si president-elect Mayor
Rodrigo Duterte na ibasura ang sistema
ng kontraktwalisasyon na siyang labis
na pasakit sa mga mamamayan.
Simula nang maisaligal sa ibat ibang antas
noong kapanahunan ni dating pangulong
Corazon Aquino, inagawan ng naturang
iskema ang milyun-milyong manggagawat
empleyado ng karapatan sa mga benepisyo
at kapanatagan sa trabaho.
Masusubukan ngayon ang mga positibong
pahayag ni Digong patungkol sa nasabing
panukala.
Bukod
sa
paglaban
sa
kriminalidad at pagiging bukas sa usaping
pangkapayapaan sa Communist Party of
the Philippines-National Democratic Front,
isa sa mga naging sentro ng kanyang
kampanya ay ang paglaban sa pagharang ng

mga kapitalista sa regularisasyon ng mga Digong, dinggin ang sigaw ng taumbayan nagtratrabaho. Ipinagpapatuloy pa rin kasi ibasura ang kontraktwalisasyon!
ito ng mga korporasyon at opisina bagamat
tapos na ang anim na buwang paninilbihang
hinihingi ng batas.
Hinihimok ng komprehensibong organisasyon
ng mga kabataan ang susunod na pangulo
na tumalima sa mga pangako at huwag
magpasindak sa dikta ng mga lokal at
dayuhang negosyante.
Binabalaan din ng grupo ang magiging
pangulo sa mga sulsol ng mga maka-kanang
elementong na nasa loob ng kanyang gabinete.
Ilan na rito ay ang mga ekonomistang adviser
na nakasangkapan na ng mga nakaraang
administrasyon sa pagpapatupad ng mga
neo-liberal na patakarang nagpataba sa Bumuhos ang suporta ng mga estudyante
bulsa ng mga mamumuhunan at nagpakalam ng Unibersidad ng Santo Tomas para sa mga
sa sikmura ng karaniwang tao.
magsasakang biktima ng Kidapawan masaker.
PUNONG PATNUGOT
Karlo Mikhail Mongaya
MGA KAWANI
Alexia Fuentes, Andrea Lim, Edward Pastor, Issa Baguisi, Gem Aramil,
Eden Mae Galas, Gena Terre, James Relativo, Jackie Tan Gonzales,
Jaque Eroles, John Ian Alenciaga, John Levi Masuli, Nona Al-Raschid,
Uno Knobles, Reeza Rosalada, Shelly Dalmacio, Vencer Crisostomo

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon,


makokontak kami sa mga sumusunod:

anakbayan.media@gmail.com
www.anakbayan.org

facebook | Anakbayan Phils


twitter | @anakbayan_ph

TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | ABRIL-MAYO 2016

Tagumpay ng mga pulang partido sa


Unibersidad ng Pilipinas
Umani ng malalaking tagumpay ang
mga pulang partido ng mag-aaral
sa University Student Council (USC)
elections ng Unibersidad ng Pilipinas
sa Diliman, Manila, Los Banos, Miagao, Iloilo, Tacloban at Mindanao.

tagapagtanggol ng mga kontra-mamamayan


at kontra-estudyanteng mga patakaran.
Magandang balita ang pagkapanalo ng mga
tunay, palaban, at makabayang partido ng
mag-aaral sa UP upang mapamunuan ang
mga laban ng mag-aaral at komunidad.
Kinakailangan ang mga lider estudyante
na handang harapin ang samut saring isyu
mula sa patuloy na pagtaas ng matrikula at
paglalako ng edukasyon sa balangkas ng
neoliberal na internasyunalisasyon.

Sa UP Manila, malaking tagumpay ang inani ng


ASAP-Katipunan kung saan napagtagumpayan
nila ang chairperson at ang 6 sa 7 konsehal.
Sa UP Los Baos, malaking tagumpay din ang
natamo ng Samahan ng Kabataan para sa
Bayan (SAKBAYAN) kung saan nakuha din nila
ang chairperson at vice chairperson, at ang 6
sa 10 konsehal.
Isang malaking tagumpay din ang nakamit
ng Anak UPMin nang maipanalo nito ang 9
sa 13 posisyon sa UP Mindanao University
Student Council kabilang ang vice
chairperson at 6 na konsehal.
Winalis naman ng Sandigan ng mga Magaaral para sa Sambayanan (SAMASA)
ang kalabang partido sa pagtatagumpay
nitong makuha ang kabuuang konseho
(chairperson, vice chairperson at 6 na

P800 practice teaching fee sa PUP ibinasura


Matagumpay na naipabasura ang P800
practice teaching fee sa Polytechnic
University of the Philippines (PUP)
College of Education (CoEd) matapos
ang sunud-sunod na protesta ng
mga estudyante, pakikipagdayalogo
sa administrasyon ng kolehiyo, at
malawakang mga walkout.
Ayon sa Anakbayan-PUP CoEd, tama
lamang na ibasura ang practice teaching
fee sapagkat hinahadlangan nito ang
pagtatapos ng mga 4th year estudyante
ng kursong edukasyon dahil lamang hindi
kikilalanin ang oras ng kanilang practice
teaching kapag hindi nakabayad nito.
Patuloy ang laban ng mga estudyante
upang maipabasura at ipa-refund ang

samut saring mga bayarin katulad ng


departmentals exam fee na P15-25, tea party
fee na P50, at laboratory fee na P31. Ang
sinisingil na matrikula at iba pang bayarin ay
napupunta sa isang Special Trust Fund (STF)
ng administrasyon ng PUP.
Kamakailan lang ay napag-alaman nating
ibinabangko ng mismong administrasyon
ang P293 milyon sa STF sa porma ng High
Yield Savings Account. Ayon sa AnakbayanPUP CoEd, isa lamang itong patunay na
ginagawang negosyo ng administrasyon ng
PUP ang pera ng iskolar bayan.
Sa huli, ipinapaalaala ng Anakbayan-PUP
CoEd ang kahalagahan ng tuluy-tuloy,
militante at sama-samang pagkilos upang
malinaw na maipagtagumpay ang laban ng
mga iskolar ng bayan at mamamayan.

bisitahin ang

www.anakbayan.org

Photo Credits: Philippine Collegian.

konsehal) sa UP Visayas College of Arts and


Sciences sa Miag-ao, Iloilo. Naipanalo rin
ang 11 sa 19 na posisyon sa UP Tacloban
College Student Council kasama ang vice
chairperson at 9 na konsehal habang nakuha
ng Nagkahiusang Kusog sa mga Estudyante
(NKE) ng UP Cebu ang mga posisyon para sa
Sa UP Diliman, nabawi ng Student Alliance chairperson at vice chairperson.
for the Advancement of Democratic Rights
in UP (STAND-UP) ang USC matapos ang Sa kalakhan, itinakwil ng mga iskolar
4 na taong pagiging minorya sa konseho. ng bayan ang mga dilawang partido na
Landslide ang pagkapanalo nina Bryle kilalang alyado ng rehimeng Aquino at
Leao sa pagka-chairperson, at Beata
Carolino sa pagkabise. Nakuha rin ng
STAND-UP ang 7 sa 12 konsehal at 10 sa 21
college representatives.

BALITA

PAHAYAG

ABRIL-MAYO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Anong klaseng pagbabago ang


kailangan ng bayan?
Hinahamon ng Anakbayan ang bagong administrasyon ni Rodrigo Duterte na ipatupad ang mga
patakarang para sa makabuluhang mga pagbababago sa bansa. Tanging sa pagsusulong ng pambansademokratikong alternatiba malulunasan ang kahirapan, pang-aapi, at inhustisya sa bansa:
Isulong ang pakikibaka upang palayain ang bayan
mula sa dayuhang dominasyon, pyudal na paghahari, at
burukrata kapitalismo na nagpapanatili sa malakolonyal
at malapyudal na kaayusang atrasado, pre-industryal,
agrikultural, at pinaghaharian ng dayuhan. Ipaglaban
ang pambansang soberanya at bitbitin ang pakikibaka
ng magsasaka para sa lupa laban sa pyudalismo.
Manindigan para sa demokratikong karapatan ng
mamamayan laban sa pasismo.
Itatag ang gobyerno ng mamamayan na tunay na
susulong sa interes ng mamamayang Pilipino sa ilalim ng
pamumuno ng mga anakpawis. Isisiguro nito ang isang
sistemang pulitikal at elektoral na gagarantiya sa tunay
na representasyon ng mga manggagawa at magsasaka sa
lahat ng mga lupon ng gobyerno mula sa lokal tungo sa
pambansang antas. Ito ay magiging tunay na gobyerno ng
mamamayan na malaya sa dayuhang kontrol at dikta. Kahit
na nagwakas ang direktang kolonyal na paghahari ng US
noong 1946, pinalitan naman ito ng magkakasunod-sunod
na mga tutang rehimen sa ilalim ng imperyalismong US.
Lansagin ang abusado, mersenaryo, pinopondohan ng
imperyalista, at bulok sa kaibuturan na Armed Forces of
the Philippines at palitan ito ng isang bagong hukbong
bayan na tunay na nakaugat sa masa at ipinaglalaban ang
kanilang demokratiko at pambansang interes.
Itaguyod ang demokratikong karapatan na kinitil sa ilalim
ng kasalukuyang sistema, kabilang na ang karapatan
sa tirahan, lupa, makatarungang sahod at disenteng
pamumuhay, edukasyon, serbisyong pangkalusugan,
kalayaan sa pagkatao, paniniwala, pagpapahayag, pagoorganisa, asembliya, atbp.
Ipatupad ang programa ng tunay na repormang agrarao na
magiging sentro ang libreng pamamahagi ng lupa sa mga
magsasaka at ang pagbuwag ng monopolyo ng lupa ng iilang
panginoong maylupa at mga dambuhalang korporasyon.
Ang mga agrikultural na kooperatiba at pagpapaunlad ng
produksyon at empleyo sa kanayunan ay pasisiglahin sa
pamamagitan ng modernisasyon ng agrikultura, rural na
industryalisasyon, at sustenibleng agrikultura.

Wakasan ang lahat ng di-pantay na tratado at kasunduan


sa US at iba pang dayuhang entidad. Kabilang dito ang
VFA at EDCA na naglalayong panatiliin ang presensyang
militar ng US at ibalik ang mga base militar nito sa bansa.
Kabilang din dito ang mga kasunduan sa kalakalan,
pautang, at ayuda na mas lalong tinatali ang ekonomya
ng bansa sa imperyalismong US. Nangunguna rito ang
mga dikta ng GATT-WTO at IMF-WB na nagtutulak ng mga
neoliberal na programa ng deregulasyon, liberalisasyon,
pribatisasyon, at denasyunalisasyon upang higit na
buksan ang bansa sa dayuhang pandarambong at
pagsasamantala.
Itaguyod ang isang progresibong panlipunang patakaran
na mabibigay ng edukasyon, serbisyong pangkalusugan,
pabahay, patubig, elektrisidad, at iba pang serbisyo na
hindi nakatuon sa tubo na negosyo para sa benepisyo
ng iilan kundi bilang pampublikong serbisyo para sa
mayorya ng mamamayan.
Palaganapin ang isang makabayan, siyentipiko,
at pangmasang kultura at edukasyon na tutugon sa
pangangailangan at aspirasyon ng mamamayang
Pilipino at tutulan ang kolonyal, pyudal, at mapanupil na
kultura at pag-iisip na nangingibabaw sa kasalukuyan.
Ikampanya ang paggamit ng pambansang wika bilang
pangunahing midyum sa pagtuturo at komunikasyon,
at itayo ang isang sistema ng libreng edukasyon sa
lahat ng antas upang mapalaganap ang karunungan sa
pagbabasat pagsusulat, diwang makabayan, at kritikal
na pag-iisip sa mamamayan.
Isulong ang pagpapalaya ng kababaihan mula sa patriyarkal
na sistema na nagpapanatili ng pyudal na pagtrato sa
kababaihan bilang mas mababang kasarian at ang burgis na
pagturing sa kanila bilang kalakal at libangan. Itaguyod ang
karapatan ng kababaihan at LGBTQ.
Itaguyod ang karapatan sa pagsasarili ng mga
mamamayang Moro, Cordillera, at iba pang katutubo at
pambansang minorya.
Ipagtibay ang isang nagsasarili at aktibong patakarang
panlabas na nakabatay sa kapayapaan, paggalang sa
isat isa, pambansang soberanya, pagkakapantaypantay, at palitan ng benepisyo.

Larawan ni Federico Dominguez.

Itulak ang programa ng pambansang industryalisasyon


na tatapos sa dayuhang dominasyon at kontrol sa
ekonomya. Ang mga batayang industriya, rekurso, at
korporasyon na pagmamay-ari ng dayuhan ay isasabansa
at papatnubayan tungo sa pagtugon sa pangangailangan
ng mamamayan. Ang mga lokal na negosyo na nagdurusa
mula sa di-pantay na kompetisyon at winawasak ng
dayuhang monopolyo kapital ay pasisiglahin. Ang

paglikha ng tunay na nakaaasa sa sarili na ekonomya


ay epektibo na magbibigay solusyon sa disempleyo,
mababang sahod, kontraktwalisasyon, at pangingibang
bayan dahil sa kakulangan ng oportunidad sa sariling
bayan.