You are on page 1of 2

Investigators, this is a very interesting case. Please take time to read.

Paksa: Extra-Judicial Confession [Masculados Dos]
Ayon sa Rizal PNP, noong Setyembre 15, 2015, nahuli sina Kyle Ernie at Paulo Hernandez sa
kasong illegal possession of dangerous drugs, sakay ng isang sasakyang pagmamay-ari ni Ernest
Agbayani, isang seaman, natagpuang patay sa Tagaytay City noong Agosto 18, 2015.
Diumano‘y, habang nasa kustodiya ng Rizal PNP, nagkaroon ng extra judicial confession si Ernie na
sangkot siya sa pagkamatay ni Masculados Dos member Marcelo "Ozu" Ong noong Agosto 2,
2015,kasama ang isang Jaime Ilano. Nakuha rin ang ibang gamit ni Ong sa posesyon ng mga
arestado at tugma ang balang ginamit sa pagpatay kay Ong sa baril na nakuha sa mga arestado.
Hinahabol ng mga otoridad ngayon si Ilano at iba pang kasama.
Tanong:
1. Legal ba ang pagkuha ng confession kay Ernie?
2. Kung legal, ano ang requirements ng batas para ito ay maging legal?
3. Admissible ba ang isang testimonya o confession ng isang arestado kontra sa ibang akusado?
4. Pwede pa bang mag-conduct ng hot pursuit kontra kay Ilano?
Suggested Answer: Extra-Judicial Confession: Masculados Dos
1. Kung legal ang pagkuha ng extra-judicial confession – depende kung nasunod ang RA 7438
(Custodial Investigation Law).
2. Requirements ng extra-judicial confession- dapat ito ay 1. nakasulat, 2. pinirmahan ng akusado, 3.
sa harap ng kaniyang abogado o kung walang abogado [ due to a valid prior waiver] sa harap ng
kaniyang magulang, nakatatandang kapatid, asawa, mayor, huwes, school supervisor, o pari na
kaniyang pili.
3. Kung admissible ang testimonya ni Ernie, isang akusado, kontra kay Ilano, isa ring akusado –
Hindi. Sa ilalim ng Section 28 [Rules on Evidence], na kung tawagin ay “res inter alios acta rule” ,
hindi pwedeng maapektuhan ang isang tao [suspek] ng deklarasyong ginawa ng ibang tao [suspek].
Maliban na lamang kung ang deklarasyon ay ginawa sa harap ng hukuman na kung saan ang ibang
akusado ay may pagkakataong ma-cross examine siya sa ilalim ng Rule 30 [judicial admission].
Ibig sabihin, hindi pwedeng magamit na ebidensya ng pulis ang deklarasyon ng isang akusado na
umaamin ng partisipasyon ng ibang tao.
4. Kung pwedeng magsagawa ng hot-pursuit- Depende. Isa sa mga requirements ng hot pursuit ay
“that the crime has just been committed”, ibig sabihin, kagagawa pa lamang ng krimen o presko pa.
Ang isang krimen kahit na matagal na ng konti pero wala namang tigil ang pulis sa imbestigasyon o
operasyon para mahuli ang suspek ay sinasabing kagagawa pa lamang ng krimen, samakatuwid,
pwede pang magsagawa ng hot pursuit. Otherwise, ilegal na ang pag-aresto ng walang warrant sa
isang tao.
Subalit, mag-ingat tayo dito dahil iba iba ang desisyon ng Korte tungkol dito dahilan para magkaroon
ng iba ibang interpretasyon ang mga prosecutors.