You are on page 1of 13

WASTONG GAMIT

NG NG AT
NANG

ARAW-ARAW NA
TANUNGAN
1.
2.
3.
4.
5.
6.

Anong araw ngayon?


Anong petsa ngayon?
Anong oras na?
Ilan kayo ngayon sa klase?
Ano ang bilang mo sa klase?
Pang-ilan ka sa hanay?

WASTONG GAMIT NG
NG

Kung ang kasunod na salita ay


PANGNGALAN o PANGHALIP

Hal. Kumain ng atis si Jose kanina.


Pinabaon ito ng kanyang ina.

WASTONG GAMIT NG
NANG

Kasingkahulugan ng NOONG

Hal. Umaga nang kainin ni Jose ang atis.


Nang umagang iyon din sumakit
ang
kanyang tiyan.

Kasingkahulugan ng UPANG O PARA

Hal. Dinala si Jose sa ospital nang


magamot.
Binigyan siya ng gamot nang
mawala
ang sakit ng kanyang tiyan.

Bilang pinagsamang NA at NG

Hal. Sobra nang sakit ang naranasan ni


Jose.
Matindi nang pamimilipit ang
naranasan niya.

Nagsasabi ng PARAAN o SUKAT

Hal. Humiga si Jose nang nakadapa.


Pinagpawisan nang todo si Jose
dahil
sa kirot ng kanyang tiyan.

Bilang pang-angkop ng INUULIT na


SALITA

Hal. Iyak nang iyak si Jose sa sakit.


Pinaypayan nang pinaypayan si Jose
ng kanyang ina.

GAWAING PANG-UPUAN
1.

2.

3.

4.

5.

Mahilig maglaro _____ tumbang preso si


Mat.
Bata pa lang siya _____ matuto siyang
maglaro nito.
Araw-araw, pagkatapos _____
tanghalian, lumalabas na siya ng bahay.
Pumupunta na siya kina Boyet _____
makapaghanda para sa paglalaro.
Makalipas ang tatlumpong minuto,
handa _____maglaro ang magkakaibigan.

6. Magpopompyang na sila _____ malaman


kung sino ang taya.
7. Tawa _____ tawa si Jose kasi si Boyet
ang unang taya sa araw na ito.
8. Hinagis _____ malakas ni Jose ang
kanyang tsinelas kaya tumalsik ang lata.
9. Tumalsik ito _____ malayo kaya hinabol
ito ni Boyet.
10. Napagod _____ husto si Boyet sa
kahahabol ng lata.

11. _____ madapa si Boyet sa pagod, agad


siyang tinulungan ni Jose.
12. Tumigil silang maglaro _____ maiuwi na
si Boyet.
13. Nagpasalamat _____ lubusan ang nanay
ni Boyet kay Jose.
14. Pinakain pa si Jose _____ minindal bago
siya umuwi.
15. Galak na galak siya dahil nakapagbigay
siya _____ tulong sa kanyang kaibigan.

SUBUKAN NINYO!

_____tumawa ang mga duwende


_____ walang-pangingimi,
Binaha _____ aspili
Ang balkonahe _____ pipi.

_____ makatulog _____ mahimbing


Ang nanay ni Bing,
Nagnakaw _____ puto
Ang kilabot _____ Tondo.

GAWAING BAHAY
1. Basahin at suriin ang sanaysay Mag-NG
at Hindi Mag-NANG. May pagsusulit sa
susunod na pagkikita.

You might also like