You are on page 1of 4

BANGHAY - ARALIN SA PAGTUTURO NG MALIKHAING PAGSULAT

MASINING NA PAGLALARAWAN

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Nauunawaan ng mga mag-aaral ang pagbuo ng
imahe,diksyon, mga tayutay at pag-iibaiba(variations) ng wika

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
nakahuhugot ng mga ideya mula sa mga
karanasan.

I. MGA TUNGUHIN
1. natatalakay ang kahulugan ng masining na paglalarawan.
2. naiisa-isa ang mahahalagang sangkap ng masining na paglalarawan.
3. napahahalagahan ang kalaman sa masining na paglalarawan sa pagsulat ng ideya
mula sa mga karanasan.
4. nakasusulat ng maikling talata mula sa karanasan gamit ang masining na
paglalarawan.
II. NILALAMAN
a. Aralin: 1.2 Karanasang batay sa Pandama/Pagsulat batay sa nakikita, naaamoy, naririnig,
nadarama, at nalalasahan
Paksa: Masining na Paglalahad
2. Sanggunian: http://www.slideshare.net/paglalarawan-kompleto-detalye-mga-uri-at-pamamaraan
https://beverleymendoza.wordpress.com/2013/08/16/mga-aralin-sa-masining-na-pagpapahayag
https://www.google.com.ph/search?q=malikhaing+pagsulat&biw

3. Kagamitang Pampagtuturo:
Laptop
LCD Projector
PowerPoint presentation para sa kahulugan at sangkap ng Masining na Paglalarawan
Rubrics para sa pagtataya ng pangkatang gawain

Cbfloro1326

III. PAMAMARAAN:
a. Panimulang Gawain:
1. Pang-araw-araw na Gawain
2. Balik-aral: Pumili ka, at Panindigan Mo!

Teknikal o Malikhaing Pagsulat? Bakit?

3. Pagganyak: -Post-a ?Naniniwala ba kayong maaari nating mahawakan, maamoy at


maramdaman ang salita? Bakit?

b. Pagpapayaman ng Aralin:
a. Presentasyon (Input ng Guro)
1. Kahulugan ng Masining na Paglalarawan
2. Mahalagang sangkap ng Masining na Paglalarawan
b.. Pangkatang Gawain
Bawat pangkat ay aatasang bumuo ng talata batay sa kanilang karanasan sa
pamamagitan ng masining na paglalarawan na kakikitaan ng ibat-ibang sangkap ng masining na
paglalarawan.
c. Ipaliliwanag ng guro ang pagbibigay ng marka sa bawat pangkat sa pamamagitan ng
Rubrics ayon sa sumusunod na pamantayan.
Kraytirya sa Pagmamarka

Lubhang kasiya-siya
4 puntos

Kasiya-siya
3 puntos

Hindi kasiya-siya 1
puntos

1. May Malinaw na pagbuo sa mga


larawang nais ipakita (imahe)
2. Gumagamit ng wasto at angkop na
pananalita.
3. May tiyak at kawili-wiling paksa
Kabuuan

Cbfloro1326

c. Pangwakas na Gawain:
c.1. Paglalahat : Dugtungan
Batay sa tinalakay na paksa, dugtungan ang nasabing pangungusap.
Ang masining na paglalarawan ay __________________________
c.2. Paglalapat
Sa paanong paraan nakatutulong ang masining na paglalarawan sa paglalahad ng
sariling ideya?
4. Pagtataya
Panuto:Gamit ang isang (1) talata na may dalawa hanggang tatlong (2-3) pangungusap
pumili ng isa at talakayin ito sa pamamagitan ng masining na paglalarawan.
1. Ang Pilipino bilang reaksyonaryo
2. Ang Lipunang Pilipino
3. Ang Social Media bilang entablado ng kabataan
5. Takdang-Aralin:
2. Ibigay ang kahulugan ng:
a. Tayutay
b. Diksyon
Inihanda ni:
CONCEPCION B. FLORO

Cbfloro1326

You might also like