Panahong Pre-Kolonyal

Noong unang panahon walang tunay na dula ang Pilipinas. Ang dulang tinatawag noon ay may kasamang tugtog, sayaw at tula. Walang kulay at hindi ganap ang pagdiriwang kung wala ang tatlong ito. Ang dula natin noon ay kulang sa katangian ng isnag tunay na dula. Walng entablado o tanghalan. Ito ay ginaganap lamang sa mga iiwasang bayan, sa tahanan ng raha o lakan o kahit sa tahanan ng karaniwang mamamayan. Hindi nagsusuot ng angkop na damit ang mga tauhan. Karaniwang paksa ay digmaan, pag-iibigan, mga alamat ng tungkol sa mga bathala at mga ispiritung kanilang sinasamba, pagpuri sa mga nabubuhay, pangangaso at pag-aalaala sa mga yumao.

Mga Uri ng DULA noong Unang Panahon

a.

Ang ibang dula ai ibinatay sa Puppet show o Karilyo ng mga Java katulad ng Wayang Orang at Wayang Purwa. Ang mga palabas ay ginaganap ng mga tauhang tao at pinakikilos sa pamamagitan ng alambre at iba pa upang mapalabas ng katawa-tawa at nakalilibang sa mga nanonood.

May mga pangyayaring ang mga tauhan ay may mga dayaogong binibigkas. Ang mga bumibigkas ay nasa likuran ng tanghalan.

b. Pagtatalog Patula na tinatawag na bayok o embayoka. Ito ay isng pagtatalong patula na ginaganapan ng isang lalaki at isnag babae. Kung minsan ito ay humahantong sa mainitang pagtatalo. c. Ang bayok o embayoka ay kadalasang sinusundan ng laro ng panyo na tinatawag na sayatan. d. Ang aninong gumagalaw ay isang payak na anyo ng dula na ipinalalalabas sa gabi. Ang dula ay ginaganapan ng ginupit-gupit na karton. Ang gumaganap dito ay mga bihasa lamang. Ang mga pananalita na ginagamit

Panahong Kolonyal

Hindi kaila sa mga Kastila na ang mga unang Pilipino ay lubhang mahiligin sa dula, kaya sinamantala nilang gamitin ito sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Naging kaakit-akit at nakawilihan ng mga katutubo ang naiibang pagbabasa ng mga dasal, pagbigkas ng sermon at madulang pagtatanghal ng mga buhay ng mga santo at higit sa lahat ang pananampalataya kay Hisukrito.

Ang mga dula noon ay inaantas ayon sa pook na pinagtatanghalan. Tatlong uri ng dula ang nasasaksihan noong panahon ng Kastila.

Ginaganap ang mga dulang ito sa labas ng mga bakuran ng tahanan o kaya y sa mga kalye. Kalimita y sinasaliwan ng awit, aksiyon at prusisyon dahil sa paksa y laging panrelihiyon. Ang mga ganitong uri ay pangangaluluwa, panunuluyan, tibag at salubong.

Pangangaluluwa
Ang mga kabataan ay pangkat-pangkat na nagbabahay-bahay sa pag-awit hinggil sa mga karaingan ng kaluluwa ng mga namatay . Ang mga nagsisiawit ay nilalabasan ng maybahay at binibigyan ng limos na pera o kaya y nakabalot ng mga kakain. Sinasabi na ito y isang ritwal na Kristiyano sapagkat ito ang isang paraan ng pakikipag-ugnayan ng buhay at ng patay.

Panunuluyan
Pagtatanghal ito ng paghahanap ni Jose at ng Birheng Maria ng matutulungan sa gabi ng bisperas ng Pasko. Ang gumaganap dito y ang mga naninirahan sa bahaybahay at pakantang hihingi ng pahintulot na makatuloy ngunit pauli-ulit silang tatanggihan at itaboy. At tulad ng kwento ng Bibliya, makakatagpo rin sila ng matutuluyan sa silungan ng mga tupa. Sa iisang sabsaban doon isisilang si Jesus.

Salubong
Ito ay isang prusisyon na ginaganap sa madaling-araw ng Linggo ng Pagkabuhay. Ang mga imahen ng Kristong nabuhay na mag-uli at ang namimighating Birheng Maria ay nasa kani-kanyang karosa at nagmumula sa magkaibang lugar . Magtatagpo sila sa patyo ng simabahan o saan mang lugar na mapagkasuduan ng mga nagdadala sa kanila. Sa pagtatagpong ito, isang batang kumakatawan sa anghel ang ibababa mula sa isang plataporma sa itaas na magaalis ng belo sa mukha ng Birheng Maria. Ito y mangangahulugan ng pagtatapos ng pamimighati ng Mahal na Ina. Isang berso ang aawitin at kakalembang ang mga kampana nang may masayang tunog. Ibabadya nito ang pagtatapos ng Kuwaresma at ang simula ng Pasko ng Pagkabuhay.

Alay
Tinatawag din ito na Flores de Mayo, ang alay ay isang prusisyon ng mga kadalagahan mula sa isang lugar patungo sa altar ng Birheng Maria sa simbahan upang mag-alay ng mapuputing bulaklak. Habang nag-aalay, nagsisiawit ng pagpuri sa Birheng Maria ang mga kadalagahan. Ang awit na ito ay tinatawag din na dalit. Ginagawa ito mula unang araw ng Mayo hanaggang sa katapusan ng buwan. Nagpapagunita iro hinggil sa kalinisan ng Birheng Maria.

Tibag
Pagsasadula ito tungkol sa paghahanap ni Reyna Elena sa nawawalang krus na pinapakuan kay Jesus. Ayon sa kasaysayan, kailangan tibangin ang ilang bundok upang matagpuan ang krus. Patula ang pagsasalita ng mga gumaganap nito.