You are on page 1of 2

It's confirmed!

Charice will be part of Glee cast

By: Noel Orsal

Filipino international singing sensation Charice


confirmed in her Twitter account that she will be
joining the cast of Glee on its second season. She
will play an exchange student who will be the rival
of Rachel (Lea Michele).

Jojo Gabinete

Kinumpirma ng Pinay international singing


sensation na si Charice sa kanyang Twitter account
na kasali na siya sa cast ng Glee, pero
pinanindigan niya na tsismis lamang ang naunang
balita na kumalat noong nakaraang buwan.

Ang website ng Entertainment Weekly ang unang


naglabas kaninang madaling-araw (June 21, 1:44
p.m. sa U.S.) ng balita tungkol sa pagsali ni Charice sa cast ng sikat na musical-comedy show sa
buong mundo.

Sa report ni Michael Ausiello ng Entertainment Weekly, isang foreign exchange student mula sa
Pilipinas na may "killer voice" ang gagampanan ni Charice sa Glee. Siya ang magiging mahigpit
na karibal ni Rachel, ang role na ginagampanan ni Lea Michele.

Ayon kay Ausiello, "When that rumor began to spread earlier this month via her loose-lipped
manager, Charice herself shot it down via Twitter. 'I just want to let you all know, that it's not
true t

"Well, it's true now! Sources confirm to me exclusively that the international pop star is signed,
sealed, and delivered to recur next season as a foreign exchange student whose killer vocals get
Rachel (Lea Michele) contemplating murder."

Last month, nalagay sa alanganing sitwasyon ang manager ni Charice sa Pilipinas na si Grace
Mendoza dahil naglabas ito ng kumpirmasyon na magiging bahagi ng Glee ang kanyang alaga.

Sinabi ni Mendoza sa isang newspaper interview na, "Yes, it's true, Charice will soon join Glee.
And not just as a guest, but as part of the cast in a new season."
Ang pahayag ni Mendoza ang muntik nang maging dahilan ng pagkakasira nila ng ina ni
Charice.

Lumalabas na totoo ang sinabi ni Mendoza, pero hindi nagustuhan ni Marc Johnston, U.S.
handler ni Charice, ang kanyang ginawa dahil na-preempt niya ang official announcement ng
mga producer ng Glee, ang 2010 Golden Globe Award for Best Television Series Musical or
Comedy.