You are on page 1of 2

James Yap, tanggap ang paglayas ni Kris Aquino!

BA’T DAW GANO’N si Geneva Cruz? ‘Pag


iniinterbyu, parang praning
magsasasagot? Parang hinahagilap pa ang
bawat salitang ibubuka ng bibig? Durugista raw
ba ‘to?

Idinenay ng talent manager na si Girlie Rodis


na nagda-drugs si Geneva Cruz. Idinagdag pa
ng manager na paanong magda-drugs si Geneva
eh, nagdyi-gym ito kasama si Rachel Alejandro
at katunayan, meron pa silang trainor sa gym.

Araw-araw na two hours ang pagdyi-gym ng dalawa. At sa totoo lang daw, vegetarian si Geneva.
Hindi kumakain ng isda at karne.

So, ano ‘yon? ‘Yon ang epekto ng ‘di pagkain ng isda at karne, gano’n ba ‘yon?

ANG HIRAP TALAGANG magbigay ng opinyon ‘pag ang isyu ay tungkol sa ‘di
pagkakaunawaan ng isang mag-asawa. Kasi, wala naman tayo sa house nila. Magsasalita ‘yung
isa, pabor naman sa sarili niya ang ikukuwento.

Dedepensa naman ‘yung isa, ituturong ang may kasalanan ay si misis, dahil naging pabaya or
whatever.

Sa kaso nina James Yap at Kris Aquino, tikom ang bibig ni Kris, pero inamin nitong may
matindi silang pinagdaraanan ngayon ni James.

Lumayas si Kris bitbit ang dalawang anak, so matindi nga. Pero ang nakakalokah du’n, ang
dayalog ni James na, “Kung ano ang magiging desisyon ni Kris, tatanggapin ko!”

Ang daming kahulugan ng statement na ‘yan (kung ‘yan nga ang sinabi ni James, ha?). Multiple
choice tayo: a. Suko na si James sa ugali ni Kris; b. Aminado si James na nagkasala na naman
siya kay Kris at dahil sa sobrang kahihiyan na lagi na lang siyang pinagbibigyan ni misis eh, siya
mismo’y hindi na masa-shock kung hiwalayan siya ni Kris; c. Na-fall out of love na siya kay
Kris, kaya meron na siyang ibang mahal; d. Hindi niya kinaya ang lifestyle ni Kris at kesa naman
sumbong nang sumbong on national television si Kris eh, tapusin na ang relasyon bilang mag-
asawa.

Kung anuman ang dahilan ni James at nasambit niyang “Kung ano ang maging desisyon niya,
tatanggapin ko!” ay hindi natin alam.

Pero kung ang isinagot ni James ay, “Normal sa mag-asawa ang nag-aaway. Pero maaayos din
ito at ibigay n’yo sa amin ang privilege na ayusin ito, dahil ayokong masira ang pamilya ko!”…

Hahangaan namin siya.

BONGGA PALA ANG mga guests ni Ai-Ai de las Alas sa kanyang major concert sa Araneta
Coliseum sa darating na Nov. 20. Sina Sharon Cuneta, Gary V., Martin Nievera at kung sinu-
sino pang batikang singers at performers ang makiki-celebrate ng kanyang 23 years sa showbiz.

Panay-panay ang blessings na dumarating kay Ai-Ai. Napakabait naman kasing tao at very
generous. Alam n’yo ba na maraming tinutulungang pari ‘yang si Ai-Ai, kaya ‘yun mismong
mga pari ang araw-araw ay ipinagdarasal ang kanyang kaligtasan at kalusugan.

Lalayo pa ba? Eh, kasabayan namin si Mareng Ai-Ai nu’ng pumasok kami sa
showbiz. Sinusubaybayan na namin siya nu’ng nagpe-perform siya sa Music Box Sing-Along
Bar.

Tapos, kahit kakapranggot lang ang kinikita niya, hindi puwedeng hindi niya kami bigyan ng
pamasahe pauwi kahit hindi naman kami nanghihingi.

At hanggang ngayon, consistent si Mareng Ai-Ai sa pagiging generous. Hindi na niya kami
binibigyan, dahil kahit paano naman eh, nakaahon-ahon na rin kami sa buhay.

Pero nagbibigay pa rin siya with matching dayalog ng, “Hindi ‘yan para sa ‘yo, para sa mga anak
mo!”

Oh My G!
by Ogie Diaz