Ang Mga Pananaw na Teoretikal

Ang Pagtuturo at Pagkatuto ng Wika Ano ang wika? Maraming depinisyon ang maikakapit sa wika. Bibigyang-kahulugan natin ito bilang sining ng komunikasyon. Sa malawak na pananaw dito, ang wika ay hindi lamang nakatuon sa anyo nitong pasalita o pasulat. Ayon kina Sampson et.al. (1995:4)ang wika ay isang obra maestro ni Picasso, isang komposisyon ni Beethoven, o di kaya’y kahanga-hangang pagtatanghal ng mga dyimnast sa Olimpyada. Totoong ang wika ay “makikita” sa mga produkto ng pagsulat ng mga magaaral o maririnig sa kanilang pagsasalita ngunit higit pa rito ang nasasaklawan ng wika. Ang wika ay nakaugat sa ating karanasan. Ang magaaral na may sapat na kabatiran sa mga nagaganap sa kanyang kapaligiran ay inaasahang magiging matataas sa paglalahad ng kanyang mga ideya o kaisipan tungkol sa kapaligirang ito. Kaya sa pagtuturo ng wika, nararapat lamang na ihantad ang mga mag-aaral sa iba’t ibang makatotohanang gawain upang “iparanas” sa kanila ang tunay na gamit ng wika. Maaaring bigyan sila ng maraming babasahing aklat at mga magasin, palikhain ng tula na malalapatan ng himig, pasulatin ang isang maikling dula, paguhitin ng magagandang tanawin, pasalihin sa mga interaktibong talakayan- lahat ng mga karanasang ito’y magsisilbing matibay na pundasyon sa pagkakaroon ng mag-aaral ng isang maunlad na wika. Ang mga Batang Mag-aaral at ang Pagtuturo ng Wika Sa mga talakayan sa larangan ng pagtuturo ng wika, maging Filipino o Ingles man, palagi nang nakasentro ang usapan sa mga guro ng wika at kung paano sila nagtuturo. Mayroon ngang banggit tungkol sa mga mag-aaral subalit mga palipad hangin lamang. Sa

katunayan mas mahalagang isipin muna natin ang tungkol sa mga batang ating tinuturuan: Sino sila? Saan sila galing? Ano ang alam nila? Anong mga motibasyon nila sa pag-aaral ng wika? Ano ang palagay nila sa wikang Filipino? Paano sila natututo ng wika? Samakatuwid, ang simula ng lahat ng pagsisikap sa pagtuturo ng Filipino sa ating paaralan ay ang pagunawa sa kalikasan at pagkakaiba-iba ng mga bata sa paaralan, pati na ang pagkakaroon ng kaalaman at lubusang pang-unawa kung paano natutuhan ang wika, una o pangalawang wika man, at ang mga proseso sa pagkatuto nito. Napaniwala tayo ng popular na kaalaman na mas madaling matuto ng pangalawang wika ang mga bata kaysa may edad nang mag-aaral. Sa mga ganitong paniniwala, nararapat lamang ang ilang kwalipikasyon. Una, hindi totooong mas madaling matuto ng pangalawang wika ang mga bata. May mga patunay na marami rin silang mga pagsisikap na ginagawa upang matutuhan ang kanilang una at pangalawangwika (Brown, 1994). Ang kaibhan sa pagkatuto ng wika sa pagitan ng mga bata at may-edad na mag-aaral ay nababatay sa likas at natural na paraan ng pagsasalita ng mga bata at kalimitang hindi nila binibigyang pansin ang anyo ng wikang sasabihin. Samantalang sa isang may edad na nag-aaral ng wika, tahasang binibigyan niya ng pokus ang salitang bibigkasin at pinag-iisipang mabuti ang anyo ng wikang kanyang sasalitain. Ikalawa, may mga pag-aaral na nagsasabi na ang may edad ay may higit na kakayahan sa pagtatamo ng pangalawang wika. Magagawa nilang makapagsaulo ng higit na maraming talasalitaan kaysa mga bata. Maari silang gumamit ng mga prosesong deduktibo at
Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

1

abstraksyon sa pag-aaral ng balarila at iba pang konseptong panlinggwistika kaya sa kabila ng otomatikong pagpoprosesong ginagamit ng mga bata sa pagtatamo ng wika, maaaring magkaroon sila ng problema sa pag-aaral ng pangalawang wika. Ikatlo, hindi malinaw ang hangganan ng edad ng mga batang bago pa lamang magsalita sa mga batang prepubescent. Lumilitaw sa maraming pagkakataon na may mga batang totoong hirap sa pagtatamo ng pangalawang wika dahil sa maraming kadahilanan. Pangunahin sa mga kadahilanan ay may kinalaman sa mga salik na personal, sosyal, kultural at politikal. Ang pagtuturo ng wika sa mga bata ay hindi basta nagaganap sa pamamagitan ng pagbibigay ng maraming karanasang pangwika sa loob ng klasrum. Kailangan ng guro ng tanging kasanayan at intwisyon na kaiba kung mga may edad na mga mag-aaral ang tuturuan niya. Inilahad sa ibaba ang liamng kategorya na may kinalaman sa paglaki at pag-unlad ngmga mag-aaral na maaaring makatulong sa guro sa pagpili ng mga praktikal na teknik at istratehiya sa pagtuturo ng wika. 1. Intelektwal na Pag-unlad Dahil sa ang mga bata (humigit kumulang hanggang edad labinsiyam) sa ganitong edad ay nasa yugto pa rin ng tinarawag ni Piaget na “concrete operations”, dapat lamang na isaalangalang ang kanilang mga limitasyon. Ang mga tuntunin at mga paliwanag tungkol sa wika ay kailangang gamitin ng may ibayong pag-iingat. Hindi masyadong pinahahalagahan ng mga bata ang ganitong yugto ng paglaki ang nosyon ng mga edad ng “kawastuhan” at lalong higit na hindi nila mauunawaan ang mga pagpapaliwanag ng tungko sa

mga konseptong panlinggwistika. Ilang mga tuntunin para sa mabisang pagkaklase:  Iwasan ang paggamit ng mga teknikal na salita sa pagpapaliwanag ng ilang kaalamang pambalarila (e.g. ponolohiya, morpema atb.)  Iwasan ang pagbibigay ng mga tuntunin na makalilito sa mga nag-aaral. 2. Tagal ng Pagkawili (Attention Span) Isang kapansin-pansing kaibhan ng mga may edad sa mga bata ay ang tagal ng panahon ng kanilang pagkawili. Mahalagang maunawaan ng guro ang kahulugan ng tagal ng panahon ng pagkawili: Paupuin mo ang mga bata sa harapan ng TV na ang palabas ay ang paborito nilang cartoon at asahan walang tatayo ni isa man sa kanila hanggang hindi natatapos ang palabas. Kaya’t hindi ka maaaring magbigay ng isang paglalahat na maikli lamang ang tagal ng panahon ng pagkawili ng mga bata. Mangyayari lamang ang maikling panahon ng pagkawili kung ang pagkaklase ay nakakasawa at walang kabuhay-buhay. Dahil mahirap minsan ang paksang pinag-aaralan sa wika, tungkulin mong gawin itong kawili-wili, buhay at masaya. Paano mo ito gagawin?  Mag-sisp ng mga gawaing may kagyat na kawilihan para sa mga bata.  Maglahad ng mga makabago at iba’t ibang gawain.  Gawing buhay ang pagkaklase at huwag mabahala na mag-oober-akting dahil kailangan ito ng mga bata para sila’y maging gising at listo.

Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

2

 Tuklasin ang kiliti ng mga bata at gawin itong puhunan sa pagpapanatili ng kanilang kawilihan.  Isaalang-alang ang pagiging palatanong o kursyusidad ng mga bata upang mapanatili ang kanilang kawilihan. 3. Pakilusin ang iba’t ibang Pandamdam (Sensory Input)  Maglaan ng mga gawaing magpapakilos sa mga bata tulad ng role play at mga laro.  Gumamit ng iba’t ibang kagamitang panturo na makatutulong sa pagpapatibay ng mga kaisipang natamo.  Isaalang-alang din ang paggamit ng sariling mga non-verbal language. 4. Mga Salik na Apektib (Affective Factors)  Iparamdam sa mga mag-aaral na natural lamang na makagagawa sila ng pagkakamali sa pagsasalita, pagbabasa at pagsulat habang nag-aaral ng isang wika.  Maging mapagpaumanhin at ibigay ang lahat ng suporta upang magkaroon ng tiwala sa sarili ang bawat mag-aaral, ngunit maging tiyak sa mga inaasahang matatamo ng iyong mag-aaral.  Maglaan ng mas maraming pakikilahok na pasalita mula sa mga mag-aaral lalo’t higit iyong mga tahimik sa klase upang mabigyan sila ng maraming pagkakataon na subukin ang iba’t ibang gawain sa pag-aaral ng wika. 5. Awtentiko, Makabuluhang Wika

Iwasan ang paggamit ng mga salitang hindi awtentiko at di makahulugan. Magaling ang mga bata sa paghalata ng wikang di awtentiko; dahil ditto, iwasan hangga’t maaari ang mga de kahon o di natural na paggamit ng wika. Ang mga pangangailangang pangwika ng mga magaaral ay kailangang nakapaloob sa isang konteksto. Gumamit ng mga kuwento, sitwasyon, mga tauhan at mga usapang pamilyar sa karanasan ng mga mag-aaral upang mapanatili ang kanilang atensyon at mapatatag ang kanilang retensyon. Iwasan ang paghahati-hati ng wika sa maliliit nitong sangkap dahil mahihirapan ang mga batang Makita ang kabuuan nito. Bigyang-diin din ang pag-uugnayan ng mga ksanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat.

Hindi biro ang maging epektibong guro ng wika. Inaasahang sa pagdaraan ng mga araw, makatutulong sa mga guro kahit bahagya ang mga inilahad na patnubay lalo’t higit sa mga baguhang guro sa paaralan. Ang mga ma Edad na Mag-aaral at ang Pagtuturo ng Wika Bagamat maraming “tuntunin” sa pagtuturo ng mga bata na maaaring ilapat kung may edad na mag-aaral ang tuturuan, dapat pa ring alalahanin na maraming pagkakaiba ang dalawang pangkat na ito ng mag-aaral na kailangang alam ng isang guro. Mas higit ang kakayahang kognitibo ng mga may edadkaysa mga batang mag-aaral kayat maaaring mas magiging matagumpay sila sa ilang mga gawaing pangwika sa loob ng klasrum. Mapapagalaw nila nang mabisa ang kanilang pandamdam(“imahinasyon” sa pagsamyo ng bulaklak vs. totoong amoy ng bulaklak) na hindi pa kaya ng mga bata. Maaaring pareho ang antas ng kanilang pagiging
Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

3

mahiyain pero higit na may tiwala sa sarli ang mga may edad na mag-aaral. Kung may limang salik na isinasaalang-alang sa pagtuturo ng wika sa mga bata, mayroon ding mga mungkahing dapat isaalang-alang kung may edad na mag-aaral ang tuturuan. a. May kakayahan na ang mga may-edad sa pag-unawa ng mga konsepto at mga tuntuning mahirap unawain. Pero kailangan pa rin ang pag-iingat. Maaaring kainisan ng mga ito ang masyadong mahirap o masyadong madali na paglalahat at tuluyan silang mawalan ng gana sa pag-aaral. b. Maaaring mahaba ang kanilang panahon ng pagkawili subalit ang mga gawaing maikli at ayon sa kanilang interes ay hindi dapat kaligtaan. c. Hangga’t maaari’y gisingin ang lahat nilang mga pandamdam upang ang klase’y maging masigla at laging buhay. d. May taglay din silang kaunting tiwala sa sarli kaya’t hindi masyadong kritikal ang kanilang pagiging maramdamin. Subalit hindi dapat iwaksi ang mga salik emosyunal na kaugnay ng kanilang pag-aaral ng wika. Implikasyon sa pagtuturo ng pag-alam ng pagkakaiba ng mga bata at may-edad na mag-aaral ng wika a. Igalang ang mga damdaming emosyunal ng mga magaaral lalo na iyong medyo mahina sa pagkatuto. b. Huwag ituring na parang bata ang mga may edad na mag-aaral (a.) Huwag silang tawagin na “mga bata…” (b.) Iwasan ang pagkausap sa kanila na parang bata. c. Bigyan sila ng maraming pagkakataon para makapamili at makapgbigay ng sariling desiyon hinggil sa kung ano ang maaari nilang gawin sa loob at labas ng klasrum.

d. Huwag disiplinahin ang mga may-edad na parang mga bata. Kung may lumalabas na suliraning pandisiplina (di-paggalang, pagtawa, pag-abala sa klase atb), laging ipalagay na may-edad iyong tinuturuan at may kakayahan silang umunawa at magpaliwanag sa bawat kilos at galaw na ipinakikita nila sa loob at labas ng klasrum. Ang Mga Tinedyer at ang Pagtuturo ng Wika Mahalaga ring isaalang-alang sa alimang pagtuturo ang pangkat ng mga mag-aaral na nagbibinata o nagdadalaga na. mga tinedyer o “bagets” na may edad mula 12-19 ang tawag sa pangkat na ito ng mga magaaral sa sekundarya. “Sakit ng ulo”, ang tawag ng ilang guro sa mga mag-aaral na nasa ganitong edad. Ito ang yugto ng paglaki na sila’y lito, kimi at kakikitaan ng maraming pagbabago sa kanilang anyong pisikal at intelektuwal. Ito ang edad tungo sa pagbibinata at pagdadalaga. Samakatuwid, kailangan ang isang tanging set ng mga konsiderasyon kung ang ganitong pangkat ng mag-aaral ang inyong tuturuan. Bagamat kakaunti kung mayroon man tayong mababasa tungkol sa pagtuturo ng mga mag-aaral sa ganitong edad, makabubuti siguro kung pagtutuunan natin ng pansin ang mga ilang paalala: 1. May kakayahan na ang mga mag-aaral sa ganitong edad na gamitin ang mga proseso sa abstraktong pag-iisip kaya’t maari nasilang ilayo nang untiunti mula sa kongkretong paglalahad ng mga gawain tungo sa sopistikadong pagpoproseso ng mga kaisipan subalit mahalaga pa ring isaisip na ang pagtatagumpay sa anumang gawaing intelektuwal ay naksalalay sa antas ng kawilihan o atensyong ibinibigay ditto; kaya nga kung ang isang magaaral ay maraming pinagkakaabalahan tulad ng barkada, pagpapaganda sa sarili, disco, parti at
Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

4

iba pa, maaaring ang mga gawaing pangklase at mga bagay hinggil sa kanilang pag-aaral ay maaaring maisantabi. 2. Ang tagal o haba ng kanilang pagkawili (attention span) ay tumatagal na rin bunga ng kahustusan ng kanilang pag-iisip subalit maari itong maging panandalian din dahil maraming pabagu-bagong nagaganap sa pag-iisip at buhay ng isang tinedyer. 3. Maglaan din ng iba’t ibang input na pandamdam (sensory input) sa mga pagkakataong kailangan ito ng mag-aaral. 4. Tandaan na ang mga kabataan sa yugtong ito ng paglaki ay nasa karurukan ng kanilang pagpapahalaga sa sarili. Masyado silang sensitibo sa kanilang mga naririnig na puna lalo’t higit tungkol sa kanilang mga pagbabagong pisikal, mga emosyon at kanilang kakayahang pangkaisipan. Isa sa mga mahalagang tungkulin ng guro sa paaralang sekundarya ang mapanatiling mataas ang pagpapahalagang-pansarili ng kanyang mga tinuturuan sa pamamagitan ng mga sumusunod:  pag-iwas na iahiya sa klase;  pagpapahalaga sa kanilang iwi at pansarling talino at kalakasan;  pagiging maluwag sa mga pagkakamaling nagagawa sa pagkaklase;  pag-iwas sa mga kompetisyong pangklase na maaaring mauwi sa di-pagkakaunawaan; at  paglalaan ng mga gawaing pangkatan sa loob ng klase kung saan maari silang makipagsapalaran sa paglahok na hindi totoong magiging kahiya-hiya kung magkamaili man sila sa pagsagot.

5. Hangga’t maari’y maging maingat sa pagbibigay ng puna at mahihirap na gawain lalo na doon sa may kahinaan sa pag-aaral. Isang malaking dagok sa kanilang katauhan kung sila’y maiinsulto lalo na’t sa harap ng klase.

Ang Pagtuturo Batay sa mga Simulain
Mga Simulaing Kognitibo Tatawagin nating simulating “kognitib” ang unang set deahil ang mga ito’y may kaugnayan sa mga tungkuling mental at intelektwal. 1. Otomatisiti Isinasaad ng simulating ito na ang mabisang pagkatuto ng wika ay nakasalalay sa isang sistematiko at limitadong pagkontrol ng ilang anyo ng wika na maglulundo tungo sa otomatikong papoproseso ng di mabilang na mga anyo ng wika. Tumutugon din ang simulating ito sa paniniwalang natutuhan ng mga bata ang kanilang unang wika nang walang kamalayan o di binibigyan-pansin ang anyo ng wikang sinasalita. Sa pamamagitan ng mga input na naririnig at pagsubok ng mga ito, lumalabas na natututuhan nila ang wika na hindi “iniisip” ang anyo nito. Binibigyang halaga ng simulating ito ang mga sumusunod: a. Natural o di namamalayang pagkatuto ng wika sa pamamagitan ng makabuluhang paggamit nito. b. Mabisa at mabilis na paglayo sa pokus na anyo ng wika ang binibigyang-diin patungo sa pokus na ang sentro ay ang layunin sa paggamit ng wika.
Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

5

c. Epektibo at mabisang pagkontrol sa ilang aspekto ng wika patungo sa walang limit at otomatikong pagpoproseso ng anyo ng wika. d. Naiiwasan ang pagsusuri ng mga maliliit na detalye sa anyo ng wika.

Implikasyong Pangklasrum a. Ang isang klase sa wika na labis na nakatuon sa aspektong istruktural at porma ay maaaring makahadlang sa katatasan sa pagsasalita. b. Ang mga aralin ay dapat nakatuon sa gamit ng wika na siyang tunay na diwa ng kontekstong dapat na mararanasan sa loob ng klasrum. c. Hindi agad natatamo ang otomatikong pagpoproseso sa wika. Kailangang matiyaga ang guro habang unti-unti niyang sinasanay ang mga mag-aaral na maging matatas sa pagsasalita. 2. Makabuluhang Pagkatuto Sa payak na pananalita, isinasaad ng simulating ito na ang makabuluhang pagkatuto ay nagbubunga ng higit na pangmatagalang pagkatuto kaysa sa pagsasaulo lamang.

c. Iwasan ang maaaring negatibong bunga ng rote learning gaya ng:  labis na pagpapaliwanag ng gramatika  labis na drill o pagsasanay  mga gawaing di-tiyak ang mga layunin  mga gawaing malayo sa pagtatamo ng mga layunin  mga teknik na mekanikal na kung saan nakapokus ang interes ng mga mag-aaral sa kayarian ng wika sa halip na mensahe o kahulugan nito. 3. Pag-asam ng Gantimpala Ang simulaing ito’y maipahahayag sa tulong ng operant conditioning paradigm ni Skinner. Isinasaad nito na ang bawat tao ay nagaganyak na kumilos sa pag-asang may matatamong gantimpala o pabuya na maaaring material o di-materyal.

Implikasyong Pangklasrum a. Puhunanin ang kahalagahan ng makabuluhang pagkatuto sa pamamagitan ng pagpukaw sa kawilihan at interes ng mga mag-aaral, pag-alam sa kanilang tunguhing pang-akademiko, at mga layuning panghinaharap. b. Sa tuwing maglalahad ng bagong paksa o tapik, sikaping maiugnay ito sa dating alam ng mag-aaral upang maging makabuluhan ang kanilang pagkatuto.

Implikasyong Pangklasrum a. Maglaan ng hayagang pagpuri at pampalakas ng loob. b. Himukin ang mga mag-aaral na igalang ang kakayahan ng bawat isa sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa anumang gawain. c. Magbigay ng kaukulang pidbak hinggil sa mga katuparan ng mga gawaing pangklase. d. Magpakita ng kasiglahan sa pagkaklase sa lahat ng pagkakataon. 4. Pansariling Pangganyak Sa maikling pananalita, ang simulating ito’y nagsasabi na ang pinakamabisang gantimpala ay yaong pagganyak na bukal sa sarili. Dahil ang kilos o gawi ay nag-uugat mula sa sariling
Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

6

pangangailangan o nais, ang mismong pagkilos ay gantimpala na sa ganang sarili, kaya ngahindi na kailangan pa ang gantimpala na galing sa iba. Naghahawakan pa rin ang simulating ito sa paniniwalang ginagawa ng mga mag-aaral ang gawain dahil sa ito’y kawili-wili, mahalaga o di kaya’y mapanghamon at hindi sa anupamang gantimpala maging ito’y kognitibo o pandamdamin man na maaaring galing sa guro. 5. Stategic Investment Noong mga nakalipas na dekada, ang tanging binibigyang-diin sa pagtuturo ng wika ay kung paano maipapaangkin sa mag-aaral ang wika. Ang mga pamaraan batayang aklat at mga balangkas ang wika. Ang mga pamaraan, batayang aklat at mga balangkas pambalarila ang kinikilalang mga pangunahing salik sa matagumpay na pagkatuto. Dahil sa mga pananaliksik at pag-aaral sa wika, binibigyang pokus na ngayon ang mga mag-aaral sa pagtuturo. Ang mga “paraan” na ginagamit ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng wika ay kasinghalaga rin ng mga paraan na ginagamit ng guro. Ito ang tinatawag na simulating Strategic Investment. Isinasaad ng simulaing ito na ang matagumpay na pagkatuto ng wika ay nakasalalay sa “puhunang” inilalaan ng mag-aaral gaya ng oras, pagsisikap at atensyon sa wika sa pamamagitan ng mga pansariling istratehiya upang maunawaan at masalita ang wikang pinag-aaralan.

ang pakikipag-ugnayan sa mga tagapagsalita ng wika at ang mga ugnayan sa pagitan ng kultura at wika. 6. Language Ego Isinasaad ng simulain ito na habang natutuhang gamitin ng tao ang wikang pinagaaralan, nagkakaroon din siya ng bagong paraan ng pag-iisip, pakiramdam at pagkilos na katulad ng taong nagsasalita ng target na wika. Ang bagong language ego na kakabit ng wikang pinag-aaralan ay lumilikha sa mag-aaral ng pagiging mahina ang kalooban at laging mapangatwiran. Kayat kailangang laging alalayan ang bago pa lamang natututong magsalita ng wikang pinag-aaralan lalo na sa mga sitwasyong para siyang napipipi o nauutal dahil mga taal na tagapgsalita ang kausap.

Mga Simulaing Pandamdamin Dumako naman tayo sa mga simulain na ang pokus ay ang emosyon ng tao. Sa set ng mga simulating pandamdamin, titingnan natin ang damdaming pansarili,

Implikasyong Pangklasrum a. Lahat ng mag-aaral ng wika ay dapat pakitunguhan nang may pagmamahal at pagkalinga. b. Ang mga teknik na ginagamit sa pagtuturo ay kailangan may sapat na hamon sa kaisipan subalit hindi naman makalulunod sa damdamin ng mag-aaral. c. Upang maisaalang-alang nang lubos ang language ego kinakailangang alamin ng guro kung:  sino ang tatawagin sa pagkaklase;  sino ang hihingan ng impormasyon;  kailan iwawasto ang mga pagkakamali;  paano ipaliliwanag ang isang bagay;  paano ang pagpaplano ng mga gawain;  sino ang pagsasamahin sa isang pangkat; at  paano ka magiging “matatag” sa iyong mga mag-aaral.
Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

7

7.

Pagtitiwala sa Sarili (Kaya Ko Ito) Ang pinakapuso ng anumang tagumpay sa pagkatuto ng wika ay ang katotohanang may tiwala ang mag-aaral sa kanyang sariling kakayahan at naniniwala siyang mapagtatagumpayan niya ang anumang gawain.

Implikasyong Pangklasrum a. Magbigay nang sapat na kapanatagan ng loob sa mga mag-aaral, pasalita man o sa ibang paraan. b. Ihanay o pagsunud-sunurin ang mga teknik mula sa madadali patungo sa mahihirap na gawain. 8. Pakikipagsapalaran (Risk Taking) Ang ikatlong simulating pandamdamin na may makabuluhang kaugnayan sa naunang dalawang simulain ay may kinalaman sa kahalagahan ng pakikipagsapalaran sa kagustuhang magamit ang wika. Ang unag salawang simulain ang siyang magbibigay ng lakas ng loob sa mag-aaral upang suungin ang “panganib”. Kung tinatanggap na ng mag-aaral ang ilan niyang kahinaan sa wikang pinag-aaralan, at nabuo niya sa kanyang isipan na makakaya niya itong salitain, hindi na niya lubos na bibigyang-pansin ang anumang pagkakamaling magagawa niya sa paggamit ng wika. Handa niyang subukin ang natutuhang wika, gamitin ito sa mga makabuluhang usapan, magtanong tungkol dito, at mapanindigan ang sarili sa pagsasalita. Isinasaad ng simulating ito na sa matagumpay na pag-aaral ng wika bahagi nito ang pakikipagsapalaran para lamang maipahayag at maipaliwanag ang sarili sa target na wika. Paano maipakikita ng simulain ng pakikipagsapalaran sa klasrum?

a. Lumikha ng isang kaligiran sa loob ng klasrum na gaganyak sa mga mag-aaral na subuking masalita ang wika at mahimok silang sumagot anumang oras nilang naisin. b. Maglaan ng mga teknik na tuwirang hahamon sa kakayahan ng mga mag-aaral. Gawin ito nang may katamtamang kahirapan subalit hindi naman lubhang napakadali. c. Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng “pakikipagsapalaran” sa pag-aaral ng wika upang di isipin ng iba na kahit anon a lamang ay maaari nilang ibulalas o sabihin. d. Purihin ang anumang makabuluhang pagtatangka ng mga nakagaganyak na pasang-ayon subalit hindi dapat kaligtaan ang mga pagkukulang sa wikang pinag-aaralan. 9. Ugnayang Wika at Kultura Sa pamamagitan ng wika, nagkakaalaman at nagkakaygnayan sa pamumuhay, saloobin, tradisyon, mithiin, paniniwala ang mga tao. Sapat sa pangangailangan ng mfa taong gumagamit ng wika ang kanilang sinasalitang wika batay sa kanilang kultura. Ang wikang Filipino, halimbawa ay sapat sa pangangailangan ng mga Pilipino para gamitin ito sa pakikipagtalastasan. Binibigyang-diin ng simulating ito na sa sinumang nagtuturo ng wika, kasabay sa itinuturo ang isang sistema ng kultura at kaugalian, pagpapahalaga, paraan ng pag-iisip, pagkilos at pagdama ng mga taong gumagamit ng target na wika.

Implikasyong Pangklasrum a. Talakayin ang pagkakaiba ng mga kultura at bigyang-diin ang kaisipan na walang kultura na mas higit kaysa ibang kultura. Pahalagahan din ang
Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

8

b. c. d. e.

kaisipan na ang pag-unawa sa kultura ng mga taong gumagamit ng target na wika ay mahalaga sa pagaaral nito. Ituro ang konotasyong pangkultura ng wika lalo’t higit iyong may kinalaman sa aspektong sosyolinggwistika. Isama sa inyong mga teknik ang mga gawain o kagamitang naglalarawan ng kaugnayan ng wika at kultura. Salain at iwaksi ang mga gawain, kagamitan at mga teknik na makasasakit ng damdamin dahil sa pagkakaiba ng kultura. Ipamulat sa mag-aaral ang kahalagahan ng ilang maliliit na bagay tungkol sa isang kultura na kalimitan ay binabale-wala.

para maging sandigan ng mga mag-aaral sa paghula ng sistema o balangkas ng target na wika. Implikasyong Pangklasrum a. Ipalagay ang mga pagkakamali ng mga mag-aaral na mahahalagang landas upang mabigyang-daan ang angkop na pidbak sa nagawang pagkakamali. Ang mga pagkakamaling bunga ng unang wika ay naiwawasto sa pamamagitan ng pagpapakita ng dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagkakamali. b. May mga matagumpay na pagkatuto ng wika na nanghahawa sa nagagawa ng unang wika upang mapadali ang pagkatuto ng pangalawang wika. Ngunit marami ang nagsasabi na ito’y sagabal. Gayunpaman, ipaunawa sa mga mag-aaral na hindi lahat sa kanilang katutubong wika ay magiging dahilan ng pagkakamali sa pagkatuto ng ikalawang wika. c. Sikaping maganyak ang mga mag-aaral na mag-isip nang tuwiran sa target na wika upang maiwasan ang pagkakamali na bunga ng katutubong wika. 11. Interlanguage Isinasaad ng simulaing interlanguage na ang mga mag-aaral ng pangalawang wika ay pumapailalim sa isang masistemang proseso ng pag-unlad habang lubusan nilang nauunawaan ang target na wika. Ang isang matagumpay na interlanguage ay iyong sa palagay ng mga mag-aaral ng wika na ang kanilang sinabi ay tama kahit na sa pananaw ng mga katutubong tagapagsalita ay mali. Isang malaking hamon sa mga guro ang prosesong ito sa pag-aaral ng wika. Kailangan maging maingat ang guro sa pagbibigay ng pidbak lalo’t higit kung ang mag-aaral ay gumagamit ng interlanguage.
Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

Simulating Linggwistik Sa huling kategorya ng mga simulain sa pagkatuto at pagtuturo ng wika ay nakapokus mismo sa wika at kung paano ang mga mag-aaral ay nakikibagay sa isang masalimuot na sistemang panlinggwistika sa pagkatuto nito. 10. Ang Epekto ng Unang Wika Hindi mapasusubalian ang kahalagahan ng unang wika sa pag-aaral at pagtatamo ng bagong wika.kalimitan at tinatanaw ng marami na ang unang wika ay nakakasagabal sa pagtatamo ng target na wika subalit ito’y taliwas sa inaasahan. Ang karamihan sa mga pagkakamali ng mga mag-aaral sa pangalawang wika, lalo na’t sa panimulang antas ay nag-uugat sa pagpapalagay ng mga mag-aaral na ang target na wika ay nagagamit nang tulad ng katutubong wika. Ang simulaing ito’y nagsasaad na ang katutubong wika ay magsilbing mahalagang sistema

9

Implikasyong Pangklasrum a. Sikaping makita ang kaibhan ng pagkakamaling interlanguage sa iba pang uri ng pagkakamali. Ang pagkakamali ay maaaring may lohikal na pinagmulan at maaaring kasangkapanin ng mag-aaral para sa mabisang pagkatuto. b. Kailangang maging maunawain ang guro kung sakaling may mga anyong interlanguage na maaaring marinig sa mga mag-aaral. c. Huwag ipahiya ang isang mag-aaral dahil nakaringgan siya ng interlanguage. Sa halip ay iwasto ang pagkakamali sa isang kaaya-ayang paraan. (Halimbawa: “Matangkad ang bahay naming.” Alam ko ang ibig mong sabihin- “Mataas ang bahay ninyo, hindi ba? Ilarawan mo nga ito?” atb.) d. Iparamdam sa mga mag-aaral na hindi “masama” ang pagkakamali sa halip, ito’y magandang hudyat na may bagong nagaganap na pagkatuto sa wika. e. Himukin ang mga mag-aaral na iwasto nila ang ilang piling pagkakamali sa pagsasalita. Ang kakayahan sa pagwawasto ng sariling kamalian ay isang indikasyon ng kahandaan ng mag-aaral sa pagkatuto ng target na wika. 12. Kakayahang Komunikatibo Iba’t iba ang batayang lumalaganap sa teorya ng kakayahang komunikatibo, ngunit ang pinakapopular ay ang batayang pinaunlad nina Canale at Swain (1980). Sang-ayon sa modelo nina Canale at Swain, may apat na aspekto o elemento ng kakayahang komunikatibo. Para daw masabi na ang isang tao ay may kakayahang komunikatibo sa isang wika, kailangang magtaglay siya ng tinatawag na linguistic o grammatical competence, socio-linguistic competence, discourse competence at strategic competence.

Implikasyong Pangklasrum a. Tiyakin sa mga kalahok sa pakikipagtalastasan kung ano ang konteksto ng talastasan. Ang mga salik sosyolinggwistika ang nagdidikta ng gagawing pag-uusap. b. Ang wika ay isang kasangkapan sa pakikipagtalastasan, di tulad noong araw na ang ginagawa ng guro ay ituro lamang ang kayarian ng wika at gumagamit ng mga pagsasanay tulad ng substitution drill, pattern practice at iba pa. c. Bigyang-diin kung gaano kahusay sa pakikipagtalastasan sa wika ang isang tao, hindi kung gaano ang nalalaman niya sa gramatika ng wika. d. Mahalagang gamitin sa loob ng klase ang mga sitwasyong tunay na paggagamitan ng pakikipagtalastasan. Mga Simulain sa Pagkatuto ng Wika Sa pagbuo ng sariling teorya o paniniwala hinggil sa pagkatuto ng wika, kailangang isaisip ang mga sumusunod:  ang kalikasan ng wika;  ang kalikasan ng mga mag-aaral; at  kung paano mabisang matutuhan ng mga mag-aaral ang wika upang kusa itong magamit sa pakikipagtalastasan. Iba pang mga Simulain sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Wika 1. Simulaing nakapokus sa mga mag-aaral Ang bawat klase sa wika ay binubuo ng magaaral na taglay ang kanilang iba’t ibang katangian: kognitib, pandamdamin at kagulangang sosyal, kaalaman sa wika, motibasyon, kakayahan
Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

10

sa pagkatuto ng wika, istilo sa pagkatuto, mga mithiin at mga pangangailangang subhetibo at obhetibo. Bagamat hindi praktikal na pakitunguhan nang isa-isa ang bawat mag-aaral sa klaseng binubuo nang humigit-kumulang na apatnapung mag-aaral, makatutulong nang malaki kung gagawa ang guro ng isang pagpapalano kung saan papangkatin niya ang mga mag-aaral na may magkakatulad na suliranin sa pag-aaral ng wika. Sa simulaing ito, itinuturing ang bawat mag-aaral na may taglay na sariling pangangailangan at interes. 2. Simulaing Nagsasangkot sa Mag-aaral Isinasaad sa simulaing ito na dapat bigyan ang bawat mag-aaral ng maraming pagkakataon upang makilahok sa iba’t ibang uri ng mga gawaing komukikatibo. Ganyakin din ang mga mag-aaral na makipagsapalaran habang unti-unti nilang nasasalita ang wikang pinag-aaralan. At higit sa lahat, sa simula pa lamang kailangang mayroon na silang sariling istratehiya upang magawa nilang mapunan ang mga di-maiwasang pagkakataon na mangangapa sila sa paggamit ng wika. 3. Simulaing Nakatuon sa Target na Wika Binibigyang-halaga ng simulating ito na kailangang bigyan ng guro ang mga mag-aaral ng mga input na komunikatibo na abot ng kanilang pang-unawa at makabuluhan para sa sarili nilang pangangailangan at interes. Magagawa lamang ito ng isang guro kung lilikha siya ng isang sitwasyon kung saan mararamdaman ng mag-aaral na nagagamit niya ang target na wika nang natural at hindi pilit.

4. Simulaing Nakapokus sa Ilang Anyo ng Wika Upang mahusay na malinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa loob ng maikling panahon, kailangang ipokus ng guro ang mga magaaral sa ilang anyo at gamit ng wika, mga kasanayan at istratehiya na makatutulong upang magamit ang wika sa isang kalagayan na limitado ang mga pagkakataon sa paggamit nito. 5. Simulaing Sosyo-Kultural Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura ng mga taong gumagamit nito. Sina Gumperz (1970), Widdowson (1977) at Wilkins (1976) ay kaisa sa paniniwala na mahalagang magkaroon ng mga kaalamang kultural upang maunawaan at mabigyangkahulugan ang sinasabi ng kausap. Kaya’t tungkulin ng guro na ipadama sa mag-aaral na kailangan ang pagpapahalaga sa mga karanasang pangkultura na dala nila sa pag-aaral ng wika at mapagyaman ito sa kultura ng mga taong gumagamit ng target na wika. 6. Simulain ng Kamalayan Ang pag-aaral ng wika ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na lubos na maunawaan ang ugnayan ng wika at kultura. Kaya nga, kailangan ng isang mag-aaral ng wika ang pagiging sensitibo sa wika at kultura ng ibang tao. Ang pagsasaalang-alang sa kultura ay magiging daan upang madama ang lakas ng wika upang mapaglapit ang diwa at isipan ng iba’t ibang tao sa daigdig. 7. Simulain ng Pagtataya Ang kamalayan hinggil sa sarling pag-unlad sa pag-aaral ng wika ay maaaring maging pampasigla para sa ibayo pang pagkatuto. Kaya’t
Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

11

mahalaga na palagiang mayroong pidbak ang magaaral hinggil sa kanilang pagsulong sa pagkatuto at kailangan itong maging reyalistiko. 8. Simulain ng Pananagutan Mahalaga sa anumang larangan ng pag-aaral ang pagkakaroon ng sariling pananagutan anuman ang magiging bunga nito at malinang ang pagkatuto sa sariling sikap.

Mga Layunin sa Pagtuturo
Ang Mga Mithiin (Goals), Tunguhin (Aims) at Layunin (Objectives) sa Pagtuturo Ang mga layuning pampagtuturo ay may tiyak na pagpapahayag na nagbibigay ng direksyon sa isang programang pampagtuturo. Marami nang lapit ang ginagawa ng mga edukador sa pag-uuri ng mga layuning pampagtuturo upang maitakda ang kanilang katiyakan ngunit mahirap pa ring isipin kung saan nagsisimula at nagtatapos ang mga ito. Isa sa mga iskema ng pag-uuri ng mga layuning pampagtuturo ay ang tatlong batayang kategorya na inilahad sa  Mga Mithiin (Goals)  Mga Tunguhin (Aims)  Mga Layunin (Objectives) Ang mga Mithiin (Goals) Ang mga mithiin ay malawak na pagpapahayag ng direksyon para sa isang programang pang-edukasyon. Ang mga ito’y karaniwang binibigyang liwanag ng mga dalubhasa sa pagbuo ng mga palising pambansa. Halimbawa, sa pagpasok ng dekada ’90, naging pokus ng mga pagpaplano sa edukasyon ang pagpapataas ng kalidad

ng mga paaralan bilang paghahanda sa bagong milenyum. Ilan sa mga binuong mithiin ay ang mga sumusunod:  Sa taong 2000, inaasahang ang mga mag-aaral na Pilipino ay mangunguna sa pagtatamo ng mga kasanayan sa larangan ng Matematika at Agham sa Timog Silangang Asya.  Sa taong 2000, inaasahang ang bawat Pilipinong may sapat na gulang ay mga literate na ay may kakayahang makapagtamo ng mga kasanayang kailangan upang makipagpaligsahan sa isang ekonomiyang pandaigdig at magampanan ang mga karapatan at tungkulin ng isang mamamayan. Ang mga mithiing ito’y naglalarawan ng set ng mga pambansang prayoridad para sa mga programang pangedukasyon at pampaaralan. Ang mga ito’y repleksyon ng mga pagpapahayag at mga pananagutang panlipunan. Subalit ang ganitong malawak na pagpapahayag ng mithiin ay hindi nagbibigay ng tiyak na patnubay sa mga guro para mailapat sa isang pagtuturong pangklase. Kailangan pa nila ang mga paglilinaw upang maipatupad ang mga ito sa klasrum gaya nang paghahanap ng mga tiyak na sagot sa mga tanong na:  Ano ang ibig sabihin ng “literate” sa Matematika, Filipino, Kasaysayan, Agham?  Ano ang dapat matamo ng mga tao para mabigyan sila ng pagkakataong “makipagpaligsahan” sa mga larangang pandaigdig?  Ano ang mga kakailanganin para maihanda ang isang tao tungo sa pagiging “may pananagutang mamamayan”? Ang mga Tunguhin (Aims) Ang mga ay mas tiyak at mas may polus kaysa sa mga mithiin. Ang mga ito’y nagbibigay ng direksyon
Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

12

para sa isang tiyak na aralin. Kumakatawan din ang mga ito upang maisakatuparan ang isang mithiin at padalisayin ang pokus nito upang maiugnay sa mga inaasahang pagkatuto ng mga mag-aaral. Isa sa mga susing tanong ng mga guro habang tinitiyak ang mga tunguhin ng mga aralin ay: “Ano ang dapat matutuhan ng mga mag-aaral sa mga aralin sa kurikulum na may tuwirang kaugnayan sa mga hangaring itinakda ng pamayanan para sa mga paaralan?” Halimbawa, ang mithiin na naglalayong makalinang ng mga “may pananagutang mamamayan” ay maaaring maglundo sa pagbuo ng mga tunguhin gaya ng mga itinala sa ibaba para sa isang klase sa Agham Panlipunan sa paaralang sekundarya.  Maunawaan kung paano nagiging batas ang isang panukalang batas.  Malaman kung paanong ang kapangyarihan at pananagutan ay maingat na pinaghati-hati sa mga sangay ng ehekutibo, lehislatibo at hudisyal sa ating pamahalaan.  Mapanindigan ng bawat mag-aaral ang kaisipan na ang mga mamamayan ay may tungkuling alamin ang mga isyung pambansa at malayang maipahayag ang niloloob sa pamamagitan ng pagboto. Mula sa Mithiin hanggang Tunguhin Ang pagbuo ng isang programang pampaaralan na kakailanganin ng mga mithiin ay mahirap gawin. Ang proseso ay kailangang nakapokus sa mga tunguhing may kinalaman sa mga aralin. Ito’y nangangahulugan ng pagbuo ng mga tunguhing lohikal na dumadaloy mula sa mga mithiin. Pansinin ang mga halimbawa sa ibaba: Mithiin: Inaasahang ang bawat mag-aaral na nakatapos ng haiskul ay magtaglay ng mga kaalaman at kasanayang kailangan upang magampanan ang kanyang mga karapatan at

tungkulin bilang isang mamamayan ng isang demokratikong pamayanan. Ang malawak na mithiing ito’y kailangang maganyong tunguhin sa liwanag ng iba’t ibang lawak ng aralin sa kurikulum gaya ng mga sumusunod: Filipino:  Natutukoy ang may kinikilingang pahayag sa isang balita.  Mabisang naipapahayag ang kaisipan sa anyong pasalita o pasulat. Matematika:  Nakikilala at natutukoy ang mga pagbabaluktot sa mga datos na sinusuri.  Nauunawaan ang mga datos na nakalahad sa mga tsart at grap. Subalit may ilang mahahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin ng may tunguhin na binubuo para sa isang tiyak na aralin. Ang mga tunguhin ay maaaring hindi kakitaan ng mga impormasyong hinggil sa mga istratehiyang maaaring gamitin sa pagtuturo, kung paano ang pagtataya ng mga pagkatuto ng mga mag-aaral at tiyak na pagkatuto na inaasahang matatamo pagkatapos ng isang pagtuturo. Ang mga ganitong katiyakan ay tutunguhin ng ating huling kategorya: ang mga layuning pampagtuturo. Ang Mga Layuning Pampagtuturo Ang mga layuning pampagtuturo (instructional objectives) ay pagpapahayag sa tiyak na pananalita ng mga pagkatuto o gawain na inaasahang maipakita ng mga mag-aaral. Ang mga ito ay nararapat isaad sa isang paraang tiyak, ang pagganap dito ay nakikita at ang
Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

13

bunga o kinalabasan ay nasusukat. May dalawang pangunahing hakbang sa pagbuo ng mga layuning pampagtutro: 1. Kailangang tukuyin ang mga inaasahang bunga ng pagkatuto, 2. Ang mga inaasahang bunga ng pagkatuto ay kailangang ipahayag na ang pagganap ay namamsdan, alalaong-baga, iyong pagganap o pagsasagawa ay nakikita.

 Magtala ng mga posibleng hinuha.  Mailipat sa isang dayagram.  Maisa-isa ang mga sanhi at bunga pangyayari.  Maisulat na muli sa sariling pananalita.  Maglaan ng mga karagdagang halimbawa.

ng

mga

Pagkilala ng mga Namamasdang Gawi ng mga Mag-aaral Dapat tandaan na sa paglalahad ng mga layunin, ang mga gawi o kilos ay nakapokus sa kung ano ang maaaring isagawa ng mga mag-aaral pagkakatapos ng isang episode sa pagtuturo at hindi sa kung ano ang gagawin ng guro habang isinasagawa ang pagtuturo. Narito ang ilang halimbawa:  Nailalarawan ang mga hakbang na isinagawa sa isang eksperimento.  Naiisa-isa ang mga pangyayari na naging sanhi ng pagkawatak-watak ng Soviet Union.  Naipaliliwanag ang paksang diwa ng isang maikling kuwento.  Nabibigyang-kritik ang binasang aklat o napanood na pelikula.  Naililipat sa isang dayagram ang mga impormasyong napakinggan tungkol sa isang paksa. Pagtatakda ng mga Tiyak na Gampanin Sa pagbuo ng mga layunin, ang mga gampanin ay dapat na ilahad sa paraang maaring makita o marinig ang pagganap o ang bunga o resulta ng pagkaganap. Tingnan ang mga halimbawa sa ibaba:

Ang ABCD Pormat sa Pagbuo ng mga Layuning Pampagtuturo Ang ABCD pormat sa pagbuo ng mga layuning pampagtuturo ay isang praktikal na lagom ng mga talakay hinggil sa mga katangian ng isang mahusay na layuning pampagtuturo (tinatawag din itong layuning pangkagawian o pupil performance objective). Ang unang apat na letra ng alpabeto ang laging magpapaalaala ng mga mahalagang component o bahagi nito gaya nang nakalahad sa ibaba: 1. A o Audience – ito’y tumutukoy kung kanino nakatuon ang pagtuturo at kung sino ang gagawa ng mga task o gawain. 2. B o Behavior – ito’y paglalarawan ng mga nakikita o namamasid na gawa o kilos na inaasahang maipapakita ng mga mag-aaral bilang bunga o resulta ng kanilang pagkakahantad sa isang pagtuturo. 3. C o Condition – ito’y paglalarawan ng uri ng pagtataya o ebalwasyong gagamitin upang makatiyak kung mayroong masteri sa itinakdang kilos o gawi sa pagkatuto. 4. D o Degree – ito’y paglilinaw hinggil sa pinakamababang sukat o antas ng pagganap sa gawain bilang ebidensya ng masteri. ABCD Format= Layuning Pampagtuturo

Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

14

Narito ang ilang halimbawa ngmga layuning pampagtuturo na nagpapakita ng apat na komponent o bahagi nito.

Pansinin na ang mga komponent na audience, behavior, condition at degree ay maaaring matagpuan sa unahan, gitna o hulihan ng isang layuning pampagtuturo. Ang pagkakasunod-sunod ng mga komponent ay hindi kritikal; ang mahalaga ay ang pagtiyak na nakapaloob ang apat na komponent sa isang layunin. Ang Mga Domeyn ng Layuning Pampagtuturo Mat tatlong batayang uri ng mga layunin sa pagtuturo. Ang mga ito’y napapangkat sa tatlong domeyn (domain). Ang bawat domeyn ay kumakatawan sa isang particular na set ng mga palagay at paniniwala tungkol sa kung paano natututo, kumikilos at gumagalaw ang mga mag-aaral sa isang pagtuturong pangklasrum. 1. Kognitib domeyn – mga layunin na lumilinang ng mga kakayahan at kasanayang pangkaisipan ng mga mag-aaral. 2. Afektib domeyn – mga layunin na lumilinang ng mga saloobin, emosyon, kawilihan at pagpapahalaga ng mga mag-aaral. 3. Saykomotor domeyn – mga layunin na ang tinutungo ay ang paglinang ng mga kasanayang motor at kasanayang manipulatib. Ang Kognitib Domeyn Ang kognitib domeyn ay tumutukoy sa mga pag-iisip na rasyunal, sistematiko o intelektwal. Nasa isipan ng guro ang kognitib domeyn kung ang prayoridad ay ang inaasahang matutuhan ng mga mag-aaral sa mga aralin o paksang tatalakayin. Karamihan sa mga kabatiran tungkol sa kognitib domeyn ay nag-uugat sa mga pag-aaral ni Benjamin Bloom at iba pa niyang mga kasamahan na noong 1956 ay nagpalabas ng anim na antas o lebel ng mga herarkiya
Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

A B C 1. Ang bawat pangkat ay nakasusulat ng isang sanaysay na naglalahad ng D hindi kukulangin sa limang dahilan kung bakit napiling pambansang bayani si Jose Rizal. C 2. Sa isang sipi ng kontemporaryong witing Filipino, ang bawat mag-aaral A B D sa Panitikan ng Seksyong Bayanihan ay makatutukoy ng 3 sa 5 tamang halimbawa ng simile na nakapaloob dito. B A B 3. Masasagutan nang tama ng bawat mag-aaral ang 8 sa 10 suliraning C pangmatematika sa isang sanayang pagsusulit.

15

ng pag-iisip na inilalahad mula sa pinakapayak patungo sa pinakasopistikadong proseso ng pag-iisip gaya ng nakalahad sa ibaba: 1. Kaalaman (Knowledge) – ang lebel na ito ng pag-iisip ay tumutukoy sa simpleng paggunita o pag-alaala sa mga natutuhang impormasyon. Ang mga salitang pangkagawian na ginagamit sa lebel na ito ay: bigyang-kahulugan, tukuyin, pangalanan, alalahanin, piliin, ulitin. Natutukoy ang mga lalawigang bumubuo sa Rehiyon IV. Nabibigyang-kahulugan ang pangungusap. 2. Komprehensyon o Pag-unawa (Comprehension) – binibigyang-diin ang pag-unawa sa kahulugan ng impormasyong natutuhan at paguugnay sa mga dating alam na impormasyon. Ang mga salitang pangkagawian sa lebel na ito ay: baguhin, ipaliwanag, lagumin, talakayin, ilarawan, hanapin, ipahayag. Naipaliwanag ang mga hakbang kung paano ang isang panukalang batas ay nagiging batas. 3. Aplikasyon (Application) – ito’y paggamit ng natutuhan sa iba’t ibang paraan o konteksto. Ang mga salitang pangkagawian sa ilalim nito ay: ilapat, pag-ibahin, paghambingin, klasipikahin, idayagram, ilarawan, uriin, markahan. Nailalarawan ang mga pangyayari a kwento sa tulong ng isang dayagram.

4. Analisis (Analysis) – ito’y nangangailangan ng pag-unawa sa ugnayan ng mga bahagi at organisasyon ng natutuhan upang makita ang kabuuan. Ang mga salitang pangkagawian na ginagamit sa antas na ito ay: pag-uugnay-ugnayin, tukuyin,(ang sanhi at bunga) kilalanin (ang totoo/paktwal), bumuo (ng hinuha), suriin, magbuod. Napag-uuri-uri ang mga pahayag sa isang babasahin sa pamamagitan ng pagsulat ng letrang P para sa mga paktwal na pahayag at O para sa mga opinyon. 5. Sistesis (Synthesis) – sa lebel na ito, kailangan na mapag-ugnay ang iba’t ibang impormasyon upang makalikha ng bagong kaalaman. Ang mga salitang pangkagawian sa ilalim nito ay: lumikha, bumuo, bumalangkas, pag-ugnayin, idesenyo, iplano, sumulat. Mula sa tatlong paktwal na pahayag, sumulat ng

dalawang talatang sanaysay na kumikiling sa isang isyu at panindigan ang sariling posisyon sa tulong ng mga paktwal na pahayag.

6. Ebalwasyon (Evaluation) – ang pagiisip sa lebel na ito’y nangangailangan ng pagbuo ng sariling pagpapasiya sa liwanag ng mga inilahad na mga krayterya. Ang mga salitang pangkagawian sa lebel na ito ay pahalagahan, kilatisin,
Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

16

pangatwiranan, suriin, magtangi, paghambingin.

timbangin,

punahin,

Mula

sa

dalawang

artikulo

na

naglalahad

ng

layunin at ikapagtatamo ng mga inaasahang bunga. Ito ay kalimitang may apat o limang bahagi. I. Mga Layunin II. Paksang-Aralin III. Pamamaraan IV. Takdang-Aralin May tatlong uri ng kayarian ang pang-araw-araw na banghay ng pagtuturo: 1. Masusing banghay sa pagtuturo – ito’y ginagamit ng mga bagong guro at mga gurong mag-aaral. Ginagamit din ito ng mga datihan nang guro kapag naatasang magpakitang turo. Sa ganitong anyo ng banghay, nakatala pati ang tanong ng guro at ang inaasahang dapat na sagot ng mag-aaral. 2. Mala-masusing banghay – ito’y higit na maikli kaysa masusing banghay ng pagtuturo. Sa halip na mayroon pang bahagi ng Gawaing Guro at Gawaing Mag-aaral binabanggit na lamang nang sunud-sunod ang gagawin ng guro sa klase. 3. Maikling banghay – ito’y talagang maikli lamang. Sa banghay na ito, sapat nang banggitin kung anong pamaraan ang gagamitin ng guro o di kaya’y banggitin ang sunud-sunod na hakbang sa maikling pangungusap. Karaniwan nang madetalye ang banghay ng mga bagong guro kaysa sa mga may karanasan na sa pagtuturo. Nagagawa ng mga datihang guro na isaisip na lamang ang mga detalye at hindi sila nangangailangan ng maraming mga hudyat o tulong sa pagkaklase. Samantala, upang maiwasan ang “pangangapa” ng mga bagong guro kung paano pagsusunod-sunurin ang
Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

magkasalungat na pananaw sa isang maiinit na isyu, kilatisin kung alin ang nagbibigay ng makatarungang presentasyon at pangatwiranan ang sariling opinyon.

Maraming paraan ang magagamit para makatiyak sa kabisaan ng taksonomiya ni Bloom sa isang pagpaplanong pampagtuturo. 1. Una, maaaring gumamit o bumuo ng mga layunin na hango sa mahigit sa dalawang lebel o antas. Maraming mga guro na nakapokus lamang ang mga layunin sa antas o lebel ng kaalaman. 2. Ikalawa, kailangang sensitibo ang guro sa pagsusunud-sunod ng mga lebelang layuning pangkaalaman at komprehensiyon ay dapat na manguna doon sa mga layuning nasa mataas na antas o lebel. 3. At panghuli, kailangang mabatid ng mga guro ang mga layuning nasa mataas na antas ay nangangailangan ng mga pansuportang gawain upang ang pagkatuto ay maging isang matagumpay. Ang Banghay-Aralin Ang banghay-aralin ay maaaring tanawin bilang isang iskrip na sinusunod ng guro sa pagtuturo ng isang tapik para sa isang tiyak na oras o panahon. Ang banghay-aralin ay isang balangkas ng mga layunin, paksang-aralin, kagamitan at mga hakbang na sunod-sunod na isinasagawa sa pagsasakatuparan ng

17

mga hakbang, kailangan niya ang paggawa ng masusing panghay.

IV. Pamamaraan Unang Gawain Takdang Oras Mode (Isahan/Pares) Ikalawang Gawain Takdang Oras Gawaing-Guro Mga Hakbang 1. ____________ 2. ____________ 3. ____________ Gawaing-Mag-aaral 1. ____________ 2. ____________ 3. ____________ Gawaing-Guro Mga Hakbang 1. ____________ 2. ____________ 3. ____________ Gawaing-Mag-aaral 1. ____________ 2. ____________ 3. ____________

A. I.

Mga Layunin 1. _______________________________________________________ 2. _______________________________________________________ 3. _______________________________________________________

Mode (Isahan/Pares

V. Sariling Ebalwasyon at mga puna sa itinurong aralin Unang Gawain ___________________________________________________ _____________________________ _____________________ Ikalawang Gawain _______________________________________________ _____________________________ _____________________ B. I. Mga Layunin

II. Paksang-Aralin 1. _______________________________________________________ 2. _______________________________________________________ 3. _______________________________________________________ III. Mga kagamitan 1. _______________________________________________________ 2. _______________________________________________________ 3. _______________________________________________________

1. _______________________________________________________ 2. _______________________________________________________ 3. _______________________________________________________
Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

18

II. Paksang-Aralin 1. _______________________________________________________ 2. _______________________________________________________ 3. _______________________________________________________ III. Pamaraan Takdang Oras Pagkakasunod-sunod ng mga Hakbang 1. 2. 3. 4. 5. 6. Pagkuha ng Atensyon Paglalahad ng Aralin Pagpapaliwanag Paglalahat Pagsasanay Pagsasara/Ebalwasyon Kagamitan

__________________________________________________ III. Mga Gawain sa Pagkatuto A. Pambungad: Pagtiyak sa isang problema, isyu o tapik B. Paglilinaw C. Pag-iimbistiga D. Pagsasara-Lagom, Integrasyon, Paglalapat IV. Ebalwasyon ___________________________________________________ ___________________________________________________

Balik-Tanaw sa mga Klasikong Pamaraan sa Pagtuturo ng Wika
Dulog, Pamaraan, Teknik Mula noon hanggang ngayon ay patuloy pa rin tayong naghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong higgil sa pagtuturo ng wika. Ang paghahanap ay may kinalaman sa mga “pamaraan” o isang panlahat na pamaraan na magagamit sa epektibong pagtuturo. Subalit sa kasaysayan ng pagtuturo ng wika nakranas tayo ng pagdating ng maraming pamaraan na pagkaraan ng ilang panahon ay iwawaksi na lamang dail mayroon na namang bagong kapalit. Ano ang pamaraan? Nagbigay si Edward Anhony (1963) ng isang magandang depinisyon ng pamaraan na tinanggap ng maraming guro sa loob ng mahabang panahon. Ang kanyang konsepto ng pamaraan ay ikalawa sa tatlong herekiya ng mga elemento, alalaong baga’y dulog, pamaraan at teknik. Ayon kay Anthony, ang dulog ay isang set ng mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo. Ang pamaraan ay isang panlahat na pagpaplano para sa isang
Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

IV. Ebalwasyon ng Buong liksyon

I.

Mga Layunin 1. __________________________________________________ 2. __________________________________________________ 3. __________________________________________________

II. Paksang-Aralin 1. __________________________________________________ 2. __________________________________________________ 3.

19

sistematikong paglalahad ng wika at batay da isang dulog. Ang teknik ay mga tiyak na gawain na malinaw na makikita sa pagtuturo at konistent sa isang pamaraan at katugong dulog. Ang mga katawagang ito ni Anthony ay ginagamit pa rin hanggang ngayon. Halimbawa, ang isang guro sa antas o lebel ng dulog at nanininindigan sa kahalagahan ng pagiging relaks ng isipan sa pag-aaral ay maaaring gumamit ng pamaraang suggestopedia. Ang mga teknik na gagamitin ay maaaring pagpaparinig ng mga musikang Baroque habang nagbabasa ng isang tula o di kaya’y pag-upong nasa posisyong yoga habang nakikinig ng isang pahayag.

dito ang mga layunin, paksang-aralin, pagkakasunud-sunod ng mga aralin at mga kagamitang panturo na makatutugon sa mga pangangailangang pangwika ng isang tiyak na pangkat ng mag-aaral. Teknik: Alinman sa mga gamiting pagsasanay o gawain sa loob ng klasrum upang maisakatuparan ang mga layunin ng isang aralin.

Pabagu-bagong Hihip ng hangin…. Palipat-lipat na Pananaw
Kung susulyapan natin ang mga nagdaang panahon ng pagtuturo ng wika, makabubuo tayo ng isang paglalarwan kung saan ay makikita ang iba’t ibang interpretasyon hinggil sa epektibong pagtuturo ng wika. Dumating at umalis na ang maraming pamaraan sa pagtuturo at asahang marami pang darating. Ayon kay Marckwardt (1972) ang “pabagu-bagong hihip ng hangin at palipat-lipat na pananaw” ay isang hulwarang siklikal kung saan ay may lumilitaw na bagong pamaraan tuwing ikaapat na hati ng isang siglo. Ang bawat bagong pamaraan ay paghuhulagpos sa luma ngunit dala nito ang mga positibong aspekto ng dating paraan. Isang magandang halimbawa ng pagbabagong ito ay makikita sa Audio Lingual Method (ALM) sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Ang ALM ay nanghiram ng ilang simulain sa sinundan nitong Direct Method na kumawala naman sa paraang Grammar Translation Method. Ang ilalahad sa ibaba ay isang senaryo ng pabagubagong hihip ng hangin at palipat-lipat na pananaw sa pagtuturo ng wika nitong mga nakaraang dekada. Pamaraang Grammar Translation (Pamaraang Klasiko)
Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

DULOG

PAMARAAN

TEKNIK

TEKNIK

TEKNIK

Ang mga sumusunod ay set ng mga depinisyon na kumakatawan sa pagtuturo at pagkatuto ng wika. Metodolohiya: Ito’y isang pag-aaral ng mga gawaing pedagohikal (kasama rito ang mga paniniwalang teoretikal at kaugnay na pananaliksik). Ito’y tumutugon din sa anumang konsiderasyon kaugnay ng tanong na “paano ang pagtuturo.” Silabus: ito’y isang disenyo sa pagsasagawa ng isang partikular na programang pangwika. Itinatampok 1.

20

Sa nakalipas na siglo, kakaunti kung mayroon man batayang teoretikal ang mga metodolohiya sa 2. pagtuturo at pagkatuto ng wika. Naging palasak sa mga klasrum na ang pokus sa pagtuturo ay ang tuntunin sa balarila, pagsasaulo ng mga talasalitaan at iba’t ibang deklensyon at pagbabanghay ng pandiwa, pagsasalin at maraming pagsasanay. At noong ika-19 siglo ang Metodong Klasikal ay naging palasak sa tawag ng Pamaraang Grammar Translation. Mithiin (Goals) a. Mabasa ang literature ng target na wika. b. Maisaulo ang mga tuntuning balarila at talasalitaan ng target na wika. Mga Katangian a. Ginagamit sa pagtuturo ang katutubong wikat at bihirang gamitin ang target na wika. b. Hiwalay na ginagawa ang paglinang ng mga talasalitaan. c. Binibigyang-diin ang pagbasa at pagsulat at halos hindi nalilinang ang pakikinig at pagsasalita. d. Pabuod na itinuturo ang balarila. Ilalahad ang tuntunin, pag-aaralan at pagkatapos ay magkakaroon ng maraming pagsasanay sa pagsasalin. e. Ang pagbabasa ng mga may kahirapang teksto ay isinasagawa nang hindi isinasaalang-alang ang kahandaan ng mga magaaral. f. Kawastuhan sa pagsasalita ang mahalaga. Inaasahan na magaling sa pagsasalin ang mga mag-aaral mula sa target na wika.

Si Gouin at ang Series Method Si Francois Gouin, Pranses na guro ng Latin ay isa sa mga haliging bato sa pagtuturo ng wika. Siya ay tinaguriang tagapagtatag ng metodolohiya sa pagtuturo ng wika at naglathala ng isang aklat noong 1880 na may pamagat na The Art of Learning and Studying Froreign Languages. Ang Series Method ay isang pamaraan sa pagtuturo na kung saan ang target na wika at itinuturo nang tuwiran (walang pagsasalin) at isang serye ng mga magkakaugnay na pangungusap ay inilalahad sa isang konsepto na madaling mauunawaan ng mag-aaral. Walang pagpapaliwanag sa tuntuning balarila bagamat maaaring mayroong kayariang balarila na nakapaloob sa mga pangungusap ang dapat linawin. Ang pamaraang ito’y naniniwala sa kaisipang ang pagkatuto ng wika ay sa isang konsepto na madaling maintindihan. Narito ang isang halimbawa ng serye ng mga magkakugnay na pangungusap na madaling maunawaan ng mga mag-aaral. Papunta ako sa pintuan. Papalapit na ako sa pintuan. Nasa may pintuan na ako. Huminto ako sa may pintuan. Huminto ako sa may pintuan. Inabot ko ang door knob. Iniikot ko ang door knob. Binuksan ko ang pinto. Itinulak ko ang pinto. Gumalaw ang pinto. Bumukas ang pinto. Binitiwan ko na ang door knob. Ang labing-isang pangungusap sa itaas ay nagtataglay ng mga katangiang pambalarila na maaaring maipaliwanag. Subalit ang ganitong uri ng
Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

21

pagtuturo ay matagumpay na nagamit ni Gouin. 4. Datapwat hindi ito nagtagal at nalukuban ito ng popular na Direct Method ni Berlitz. 3. Ang Pamaraang Direct Pangunahing saligan ng Pamaraang Direct ang Series Method ni Gouin at nanalig din ito sa kaisipang ang pagkatuto ng pangalawang wika ay kailangang katulad din ng pag-aangkin ng unang wika- may interaksyong pasalita, natural na gamit ng wika, walang pagsasalin sa pagitan ng una at ikalawang wika at halos walang pagsusuri sa mga tuntuning pambalarila. Narito ang lagom ng mga simulain sa pamaraang Direct (Richard at Rogers 1986:9-10). a. Ang pagkaklase ay nagaganap na target na wika lamang ang ginagamit. b. Mga pang-araw-araw na bokabularyo at pangungusap ang itinuturo. c. Ang mga kasanayang pasalita ay nililinang sa pamamagitan pasalitang tanong at sagot sa pagitan ng guro at mag-aaral. d. Itinuturo ang ilang tuntuning pambalarila sa paraang pabuod. e. Ang mga bagong aralin ay itinuturo sa pamamagitan ng pagmomodelo at pagsasanay. f. Ang mga karaniwang bokabularyo ay itinuturo sa pamamagitan ng mga tunay na bagay at mga larawan samatalang ang mga abstraktong bokabularyo at itinuturo sa pag-uugnay ng mga ideya. g. Parehong binibigyang-diin ang kasanayan sa pagsasalita at pakikinig. h. Binibigyang-diin din ang wastong pagbigkas at balarila.

Ang Pamaraang Audiolingual (ALM) Ang ALM ay batay sa mga teoryang sikolohikal at linggwistik. Nakatala sa ibaba ang mga pangunahing katangian ng ALM (halaw kina Prator at Celce-Murcia, 1979). a. Inilalahad sa pamamagitan ng dayalog ang mga bagong aralin. b. Pangunahing istratehiya sa pagkatuto ay ang panggagaya, pagsasaulo ng mga parirala at paulit-ulit na pagsasanay. c. Ang kayariang balangkas ay itinuturo sa paggamit ng mga paulit-ulit na pagsasanay. d. Halos walang pagpapaliwanag sa mga tuntuning pambalarila. Ang mga tuntuning balarila ay tinuturo sa tulong ng mga modelo. e. Limitado ang gamit ng mga bokabularyo at itinuturo ito ayon sa pagkakagamit sa pangungusap. f. Malaki ang pagpapahalaga sa pagbigkas at karaniwang isinasagawa ito sa language labs at mga pagsasanay na pares minimal. g. Ang katutubong wika ay hindi ginagamit ng guro sa pagkaklase. h. Ang mga tamang tugon sa mga tanong/pagsasanay ay agad na pinagtitibay. i. Sinisikap ng guro na gamitin ng mga magaaral ang wika nang walang kamalian. Naging bukambibig ng maraming guro ang ALM sa loob ng mahabang panahon subalit naglaho din ang popularidad nito noong 1964 sa pamumuno n Wilga Rivers. Pinatunayan ni Rivers at mga kasama na ang pagkatuto ng wika ay hindi natatamo sa pamamagitan ng maraming pag-uulit at pagsasanay, na ang pagkakamali ay bahagi ng pagkatuto at hindi itinatakda ang wikang dapat
Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

22

matutuhan. Katulad ng ibang paraan, malaki ang natutuhan natin sa mga kahinaan ng ALM. Ang mga “Designer Methods” ng Dekada ‘70 Ang dekada ’70 ay makahulugan sa kasaysayan ng pagtuturo ng wika sa dalawang kahinaan: una, sumigla ang pagkatuto ng wika sa loob at labas ng klasrum at ikalawa, nabuo ang ilang inobasyon kung hindi man mga “rebolusyonaryong” paraan sa pagtuturo. Ang ga designer methods (Nunan 1989) ay ibinahagu sa maraming guro bilang pinakabago at pinakamahalagang bunga ng mga pananaliksik pangwika. Tunghayan natin ang limang pangunahing mga pamaraan noon dekada ’70. 1. Ang Community Language Learning Noong dekada ’70 kinilala ng marami ang pagpapahalaga sa damdamin ng mga mag-aaral sa wika. Ilan sa mga pamaraang lumabas noon ay karaniwang may pagbibigay-diin sa likas na damdamin ng tao. Ang Community Language Learning (CLL) ay isang klasikong halimbawa ng pamaraan na batay sa domeyn na pandamdamin. Sa pamaraang ito, ang pagkabahala ay nababawasab dahil sa ang klase ay isang komunidad ng mag-aaral na laging nag-aalalayan sa bawat sandali ng pagkaklase. Ang guro ay tumatayo bilang isang tagapayo at laging handa sa anumang pangangailangan ng mag-aaral. Naiiwasan ang anumang pagdadahilan sa pag-aaral dahil sa magandang ugnayan ng guro at mag-aaral. Ang pamaraang ito ay ekstensyon ng modelong Counselling-Learning ni Charles A. Curran na nagbibigay-diin sa pangangailangan ng mga magaaral-kliyente na nagsama-sama bilang isang komunidad na binibigyan ng kaukulang pagpapayo.

Ganito halos isinasagawa ang isang pagkaklase na gumagamit ng pamaraang CCL. Bubuo ng isang maliit na bilog na nakaupo ang mga mag-aaral. Ang tiser ay nasa labas ng bilog. Kung may gustong sabihin ang ang isang mag-aaral sa grupo o sa isang kasamahan sasabihin niya ito sa kanyang unang wika at isasalin ito ng guro sa target na wika (e.g. Filipino). Uulitin ng mag-aaral ang salin at gagawin din tio ng lahat ng kasama sa pangkat. Iteteyp ang isinagawang usapan sa target na wika upang mapakinggan ng pangkat at makakuha sila ng ilang impormasyon tungkol sa wikang pinag-aaralan. Maaaring magbigay ng kaukulang direksyon ang guro upang maipaliwanag niya ang ilang mahalagang tuntuning pambalarila.

Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

23

palagay ang kalooban ng bawat mag-aaral at relaks ang kanilang isipan. Mga Katangian a. Isinasaalang-alang ang balarila, pagbigkas, bokabularyo ayon sa pangangailangan. Binibigyangdiin ang pagkaunawa at pagsasalita. b. Isinasanib sa pagkatuto ng wika ang ga aspekto ng kultura. c. Wala itong tiyak sa paraan ng pagtataya. Ginagamit ang mga integratibong pagsusulit kaysa sa mga obhektibo o tiyak. d. Hinihikayat din ang sariling pagtataya upang mabatid ng mga mag-aaral ang kanilang pag-unlad. 2. Ang Suggestopedia Ang pamaraang ito ay mula sa paniniwala ni George Lozanov (1979), isang sikologong Bulgarian, na ang utak ng tao ay may kakayahang magproseso ng malaking dami ng impormasyon kung nasa tamang kalagayan ang pagkatuto, katulad halimbawa ng isang relaks na kapaligiran at ipinauubaya lahat sa guro ang maaaring maganap sa pagkaklase. Mahalaga sa pamaraang ito ang musika na tinaguriang Baroque na may 60 kumpas bawat inuto at may tanging indayog na lumilikha ng isang “relaks na kaligiran” at nagbubunga ng isang pagkatuto na lagpas sa inaasahan. Ayon kay Lozanov, habang nakikinig ang isang mag-aaral sa musikang Baroque, nagagawa niyang makapagtamo ng maraming impormasyon dahil sa alpha brain waves at pagbaba ng presyon ng dugo at pulso. Ang pamamaraang ito’y halos katulad ng ibang tinalakay ngunit ang kakaibay isinasagawa ang mahahalagang bahagi nito sa isang kalagayang Mga Katangian a. Ginagamit ang lakas ng pagmimingkahi upang matulungan ang mga mag-aaral na maging panatag ang kalooban. b. Nasa isang komportable at maayos na kapaligiran ang pagkatuto at may maririnig na mahinang tugtugin. c. Inilalahad at ipinaliliwanag ang gramatika at bokabularyo ngunit di tinatalakay nang komprehensibo. d. Napalilinaw ang mga kahulugan sa pamamagitan ng pagsasalita sa katutubong wika. e. Nangyayari ang komunikasyon sa dalawang dimensyon: ang kamalayan (conscious) kung saan nakikinig sa isang binabasang diyalogo at ang kawalang-kamalayan (sub-concious) kung saan ang musikang maririnig ay nagpapahiwatig na ang pagkatuto ay madali. f. Isinasanib sa pagtuturo ang mga sining tulad ng musika, awitin at drama. g. Bahagi ng ginagawa ng mag-aaral sa klase ang ebalwasyon; walag pormal na pagsubok na ibinibigay. 3. Ang Silent Way Ang Silent Way ay nanghahawakan sa paniniwalang mabisa ang pagkatuto kung ipinauubaya sa mga mag-aaral ang kanilang pagkatuto (Gattegno, 1972). Naglahad sina Richards at Rogers (1986) ng isang lagom hinggil sa teorya ng pagkatuto na pinagbatayan ng Silent Way:
Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

24

a. Mas mabilis ang pagkatuto kung ang mga mag-aaral ay tutuklas o lilikha ng mga sariling gawain sa halip na ipasaulo o ipaulit nang maraming beses kung ano ang natuthan. b. Napapadali ang pagkatuto sa tulong ng mga kagamitang panturo tulad ng mga bagay na nakikita at nahahawakan ng mga mag-aaral. c. Napapadali ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga araling kinapapalooban ng mga gawain na may suliraning tutuklasin ang mga mag-aaral. Ang pamaraang patuklas na naging popular noong 1960 ang nagtaguyod ng pagkatuto sa pamamagitan ng sariling pagtuklas ng mga kaalaman at simulain sa halip na sabihin ito sa mag-aaral. Ang pamaraang Silent Way ay namuhunan sa mga hakbang ba pagtuklas na pagkatuto. Nanalig si Gattegno (1972) na dapat mayroong tiwala sa sarili ang mag-aaral at naroon din ang pagiging may pananagutan sa kanyang sariling pagkatuto. Ang mga nag-aaral sa isang klasrum na Silent Way ay nagtutulungan sa proseso ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga suliraning pangwika. Sa ganitong kalagayan nananatiling tahimik ang guro kaya ang katawagan ay Silent Way. Kinakailangang paglabanan ng guro ang pagtulong sa sandaling humuhingi ng tulong ang mga mag-aaral at kung maaari ay lumabas ang guro habang bumubuo ng solusyon sa isang suliranin ang buong klase. Karaniwang ginagamit sa klasrum na Silent Way ang Cuisinere rods – mga kahoy na may iba’t ibang kulay at haba at serye ng mga makukulay na tsart. Ang cuisinere rod ay ginagamit sa paglinang ng talasalitaan (mga kulay, bilang, pang-uri [maikli, mahaba atb], mga pandiwa [kunin, ibigay, damputin, ilagay], at sintaks [panahunan,

paghahambing, pagpaparami, ayos ng mga salita atb]). Ang pagkaklaseng tulad nito, kaunti lamang ang mga pampasiglang salita, parirala, at mga pangungusap ang ibinibigay ng guro at hinahayaan niya ang klase na palinawin ang sariling pangunawa at pagbigkas sa aralin at kung magbibigay man ng pagwawsto, ito’y bahagya lamang. Ang mga tsart naman ay ginagamit sa paglalahad ng mga modelo sa pagbigkas, istruktura ng wika, atb. May kahirapan ang pamaraang ito lalo’t higit sa mga mahihinag mag-aaral. May mga aspekto sa pag-aaral na kailangang ipinaliliwanag sa mga magaaral upang hindi na sila mag-aksaya ng oras sa pagtuklas kung paano ang pagkatuto nito. Sa kabilang dako, makabuluhan ang simulaing pinagbatayan ng pamaraang ito- hindi dapat ibigay ang lahat sa mga mag-aaral, hayaan silang mag-isip at tumuklas kung ano ang nararapat na matutuhan. Mas epektibo ito para sa kanilang pagkatuto. Mga Katangian a. Pangalawa lamang ang pagtuturo sa pagkatuto. Pananagutan ng mga mag-aaral ang sarili nilang pagkatuto. b. Tahimik ang guro ng maraming oras ngunit aktibo sa pagbibigay ng sitwasyon at pakikinig sa mga mag-aaral; nagsasalita lamang siya upang magbigay ng hudyat (clues), pinapayagan ang interaksyong mag-aaral-mag-aaral. c. Di ginagamit ang pagsasalin ngunit ang unang wika ay itinuturing na pinagmumulan ng kaalaman ng mag-aaral. 4. Ang Total Physical Response (TPR) Ang Total Physical Response dinibelop ni John Asher (1977) (TPR) at ay ang 25

Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

interes niya sa TPR ay nagsimula pa noong 1960 subalit naging bukambibig lamang ang pamaraang ito pagkaraan ng humigit-kumulang ng isang dekada. Ang pamaraang ito’y humango ng ilang kaisipan sa Series Method ni Gouin na nagsabi na ang apgaktuto ay epektibo kung may kilos na isinagawa kaugnay ng wikang pinag-aaralan.pinatunayan din ito ng mga saykologist sa kanilang trace theory ng pagkatuto na nagsaad na ang pag-alaala ay napabibilis kung may kaugnay na pagkilos ang pag-aaral. Ang kaisipang ito ang pinagbatayan ni Asher sa kanyang pamaraang TPR. Naniniwala pa rin si Asher na ang isang klasrum sa wika ay hindi dapat kabakasan ng pagkabahala at ang mga mag-aaral ay masisigla at nagagwa ang gustong gawin sa ilalim na mabuting pamamatnubay ng guro. Ang tipikal na TPR na pamaraan ay gumagamit ng maraming kayarian sa pagsasalita na nag-uutos. Ang mga pag-uutos ay payak at madaling isagawa. Ito’y mabisang paraan upang ang mga mag-aaral ay kumilos at gumalaw nang may kawilihan: Isara mo ang 5. bintana. Tumayo. Umupo. Kunin mo ang libro. Ibigay ito kay Rolly, atb. Hindi kailangang ganitong mga gawain ang mga pasalitang sagot. Maaari ring gamitin ang mga kompleks na kayarian ng pangungusap na nag-uutos kung saan ang kasiyahan sa klase at sa mga gawain ay natural na mararanasan ng mag-aaral: Lumakad nang marahan sa may pintuan at hawakan ang pinto. Gumuhit ng isang rektanggulo sa pisara. Pumunta sa may bintana at lumundag. Ilagay ang iyong sepilyo sa loob ng iyong bag. Madali ring maipaunawa ang mga tanong gaya ng mga sumusunod: Nasaan ang libro? Sino si Rolly? (nakaturo ang mga mag-aaral sa libro o kay Rolly). sa ganitong paraan, magiging relaks ang mga mag-aaral

at magkakalakas loob sila na maibigay ang sagot sa anumang tanong o di kaya’y sila ang magtatanong. Mga Katangian a. Nagsisimula ang mga aralin sa pamamagitan ng mga utos mula sa titser na isinasagawa ng mga mag-aaral. b. May interaksyong guro-mag-aaral o mag-aaralmag-aaral; nagsasalita ang guro, tumutugon ang mga mag-aaral, nagbibigay sila ng mungkahi sa mga kapwa mag-aaral sa pamamatnubay ng guro. c. Binibigyang-diin ang komunikasyong pasalita; isinasaalang-alang ang kultura ng mga katutubong tagapagsalita sa pagkatuto ng pangalawang wika. d. Pinalilinaw ang mga kahulugan sa pangalawang wika sa pamamagitan ng mga kilos. e. Inaasahang magkakamali ang mga estudyante sa pagsisimula nilang magsalita; mga kamaliang global lamang ang iwawasto. Ang Natural Approach Ang mga teoya ni Stephen Krashen (1992, 1991) hinggil sa pagtatamo ng pangalawang wika ay naging mainit na isyu nang mahabang panahon. At ang pinakatampok na bunga ng mga pananaw ni krashen ay ang pamaraang Natural Approach na dinibelop ni Tracy Terrel, isang kasamahan ni Krashen. Naniniwala sina Krashen at terrel na kailangang komportable at relaks ang mga mag-aaral sa isang klasrum pangwika. Nakikita rin nila ang pagsasaisang-tabi muna ng pagsasalita sa wikang pinag-aaralan hanggang sa sumapit ang panahong naroon ang intension at pagkukusa sa pagsasalita. Kailangang mabigyan sila ng maraming pagkakataon sa komunikasyon upang ang pagtatamo ay maganap. Sa katunayan, ginagamit sa pamaraang ito ang mga
Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

26

gawain sa TPR sa panimulang lebel ng pagkatuto kung saan mahalaga ang “comprehensive input” upang mapasigla ang pagtatamo ng wika. Nilalayon ng Natural Approach na malinang ang mga personal na batayang kasanayang pangkomunikasyon tulad ng gamiting wika para sa mga pang-araw-araw na sitwasyon gaya ng pakikipag-usap, pamimili, pakikinig sa radyo atb. Ang unang gawain ng guro sa pamaraang ito ay maglaan ng mga comprehensible input o iyong sinsalitang wika na nauunawaan ng mag-aaral o di kaya’y iyong mataas nang kaunti sa kanilang lebel ng pagsasalita at pag-unawa. Hindi kinakailangang magsalita ang mga mag-aaral sa yugtong ito ng “silent period” hanggang sa panahong maramdaman nilang may kahandaan na sila. Ang guro ang hanguan ng mga input at tagalikha ng iba’t iba at mga kawili-wiling gawaing pangklasrum gaya ng laro, utos, maikling dula-dulaan at pangkatang gawain. Ayon kina Krashen at Terrel, sa Natural Approach , ang mga mag-aaral ay dumaraan sa tatlong yugto ng pagkatuto.: a. Ang yugtong preproduction kung saan nililinang ang mga kasanayan sa pakikinig. b. Ang yugtong early production na kakikitaan ng mga pagkakamali habang nagpupumilit ang mga bata sa paggamit ng wika. Ang mensahe ang pokus ng guro at hindi ang anyo ng wika kaya nga halos hindi iwinawasto ang mga kamalian maliban sa mga pagkakamali na makahahadlang sa pag-unawa (gross error). c. Ang huling yugto ay iyong ekstensyon ng production sa mahahabang diskurso at nakapaloon dito ang mga mas mahihirap na laro, role play, dayalog, talakayan at pangkatang gawain. Dahil layunin sa yugtong ito ang

katatasan sa pagsasalita, inaasahang mangilanngilan lamang o kaunti lamang ang pagwawasto sa kamalian. Katulad ng ibang pamaraan, marami ring kahinaan ang Natural Approach gaya ng “silent period” (pag-antala ng oral production) at ang pagbibigay nito ng ibayong diin sa “comprehensible input”.

Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Kompilasyon ni Bb. April M. Bagon

27

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful