Paglikha ng mga Lunsaran sa Paglalahad ng mga Aralin sa Filipino Sa paglalahad ng aralin sa isang kaparaanang kawili-wili, nakagaganyak at nakakatawag

-pansin ay napakahalagang bagay na dapat pag-ukulan ng paglilimi ng isang guro. Walang gaanong tagumpay na matatamo ang guro sa kanyang paglalahad ng aralin kung walang kawilihan at pananabik na nadarama ang mga mag-aaral sa araling kanilang tinatalakay. Ang mga lunsaran ay magsisilbing pangganyak upang kaludan ng mga mag-aaral ang liksiyong itinuturo. Sa Ingles tinatawag itong “springboard”. Sa paglalahad ng bagong aralin upang mapanatili ang kawilihan ng mga bata, ang guro ay kailangang gumawa ng paraan upang maging buhay, mabunga at matagumpay ang kanilang pag-aaral. Magagawa ito sa pamamagitan ng paglikha ng mga lunsaran sa paglalahad ng aralin. Ang ilan sa mga lunsarang maaring likhain ng guro para sa paglalahad ng aralin sa Filipino o maging sa ibang asignatura man ay ang tula, kuwento, anekdota, alamat, dula-dulaan, komik strip, talumpati, sanaysay, balita, pangulongtudling, liham, talaarawan, talambuhay, anunsyo atbp.

Tula
Likas na sa mga bata at kabataan ang pagiging mahiligin sa mga tugma at tula. Ang mga bata ay madaling makaimbento ng mga tugma. Habang sila’y naglalaro, nakagagawa na sila ng mga tugma. Dahil kawili-wiling karanasan ng mga bata sa pagbigkas at paglikha ng mga tugma at tula, nagiging aktibo sila sa klase. Madaling lumikha ng isang tula. Sinumang may hilig at interes ay madaling magtugma-tugma at makasulat ng tula lalo’t higit ngayon na ang tula ay hindi na nababalutan ng mga tuntunin. Maaaring ang tula ay may sukat at tugma, malayang taludturan at ditugmaang taludturan. Ang mahalaga dito ay ang diwang ipinapapahayag, ang nilalaman at damdaming nakapaloob dito. Upang magkaroon ng malawak na kaalaman sa paksang isusulat, kailangang maging mabuting tagamasid, may malawak na pag-iisip, pinaaandar ang imahinasyon, naglalakbay sa iba’t ibang lugar at palabasa. Sa pagiging mabuting tagamasid, huwag makuntento sa kung ano ang nakikita sa panlabas na anyo ng isang tao o bagay. Sa halip ay bigyan ng ibang pakahulugan ang nakikita, nadarama at naririnig na hindi makita, madama at marinig ng iba. Sa paglikha ng tula, kailangang isaalang-alang kung sino ang mga babasa upang ang tulang isusulat ay angkop sa lawak ng kaalaman ng babasa. Gawing kawili-wili ang mga salitang gagamitin upang ang mga babasa ay hindi mabagot. Gumamit ng mga tayutay

1|April M. Bagon-Faeldan 2009

kung kinakailangan. Tiyaking sunod-sunod ang mga kaisipang nais ipabatid upang hindi mawala ang mga bumabasa sa ideyang tinutumbok ng tula.

May pabasa ng pasyon kung Mahal na Araw, Mayro’ng pamanhikan bago magkasalan. Marami pang ibang mga kaugalian, Tatak-Pilipino, masaya’t makulay; Ang “Flores de Mayo” at ang Santakrusan, Ang “Misa de Gallo” kapag kapaskuhan. Ugali’t tradisyong katutubong atin Mga pagdiriwang na minana natin. Ito’y tatak at dangal ng lahing magiting, Ating bigyang-sigla, pagyamanin, mahalin.

Katutubong Kultura- Pagyamanin, Mahalin
Kultura’t tradisyon nitong ating bayan, Mga katutubong ugali at asal, Dakilang pamana at kaugalian, Tatak-Pilipino, dapat ikarangal. Tatak nating lahat ang pagkamagalang, Nagmamano tayo sa matanda at magulang, Tayo’y namumupo sa mga usapan, Tapat, maginoo’t palakaibigan. Tayo’y Pilipino’y sadyang matulungin At maaasahan sa anumang gawain; Pagdamay, pagtupad sa mga tungkulin, Handang makiisa sa mabuting layunin. Mapapalad tayo at biniyayaan Ng Poong Lumikha ng mga katangiang Masipag, masikap, marunong, marangal; Babae’y malinis, lalaki’y matapang. Matibay ang buklod ng mag-anak at angkan; Sa dusa ma’t galak, laging magkaramay; Ang magkakanayon ay may bayanihan; Sa mga gawain ay nagtutulungan. Mayaman sa tradisyon at Nagpapasalamat sa Poong Kung panahon ng Pasko’t Karakol, Turumba, Luwa, pagdiriwang Maykapal: mga pistang-bayan, Ati-Atihan.

Wikang Filipino Gamitin, Mahalin!
Ako’y kabataang listo at masigla At smart daw ako, ‘yon ang sabi nila. Sa wikang Ingles ay sadyang bihasa At lagging panlaban sa Inglisan tuwina. Isang araw noon ako’y dadalo sa timpalak, Pagalingan sa Ingles na tulang pabigkas Isang babaing gusgusin, maputla, at payat; Ang sumalubong na bigla sa aking nilalandas. “Oh my God!” nasabi ko sa laki ng pagkagulat, May sinasabi siya sa akin, di ko nga lang matalastas. “I don’t care! Anyway she’s just a trash.” At magpapatuloy n asana ako sa paglalakad. Ngunit ang mata niyang malamlam at nakalahad na palad

“Putungan” at Moriones, at mayroong Ramadan. May ritwal “pasasalamat” matapos ang anihan;

2|April M. Bagon-Faeldan 2009

At malungkot niyang mukha na wari’y humihingi ng habag Ang sabi niya sa tinig na sumasamo at matapat, “Anak, aking anak, ang hiling ko ay paglingap!” Tanong ko’y “Sino po ba kayo at saan kayo buhat? Nasa’n pong mga anak na sa inyo’y dapat lumingap?” Tugon niya’y “mga anak ko’y lumimot nang ganap Nang buong pagmamalaking sa Ingles ay umakap!” “Nalimot na ng mga anak ko, kanilang Inang Wika Aayaw nang gamitin at tila ikinakahiya!” Sukat na sinabi ng babaing yayat at maputla Nagising sa puso ko, matinding pagkapahiya. Pagkat ako’y isa pala sa anak na binabanggit Na wikang Filipino’y hindi ko ginagamit Walang alam na gamitin kundi Esapanyol at Ingles At sa wikang Filipino, dila ko ay pilipit. Ako ay nagsisisi sa aking malaking sala Buong lungkot kong itinatangis ang pagkukulang sa kanya Sa Inang Wikang Mahal ng bayan kong sinisinta May iba-ibang barayti man, ngunit diwa ay iisa. Napukaw sa puso’t isipan, marangal na damdamin Inang Wikang Filipino nararapat kalingain Sana, kayo, tayong lahat mabiklod sa banal na layunin

Wikang Pmabansang Filipino ay gamitin at mahalin.

Filipino: Tinig ng Kalayaan
Sumigaw sa Balintawak, sumiklab ang himagsikan, Nagbangon ang ating lahing noo’y supil ng dayuhan; Ang sedula ay pinunit, gumawa ng kasunduan, Dugo nila ang siyang tintang lumagda sa kasulatan; At sila ay nagsandugo, tinatag ang katipunang Ang mithi ay ipagtanggol ang laya n gating bayan. Nagwagi ang ating mithi, bandila ay winagayway Doon sa Kawit, Cavite, Hunyo dose yaong araw; Katipunero’y nagbunyi at ang lahat ay sumigaw: “Mabuhay ang Republikang nilikha ng Katipunan!” Pilipinas ay lumaya, nakamtan ang kalayaang Hanggang ngayon ay paglayang hawak nating buong dangal. Ngunit walang Republika kung iyon ay walang wika, Kaya naman pinagtibay ang wika nating pambansa; Filipinong wika nati’y siyang Tinig ng Paglaya. Ito’y wika ng damdaming may dangal ng isang diwa; Isang bansa, isang diwa, isang wika at bandila, Filipino ay lalaging nagniningning at malaya. Bilang mga mag-aaral, lahat tayo’y may tungkuling Mahalin ang Filipino, ito ay ating linangin: Huwag nating ikahiya kahit sino ang dumating, Filipino ang s’yang dapat na lagi nating gamitin: Pagkat ito’y ating wika na walang makakahambing, Lalo pa’t tayo’y narito sa bayan ‘tang ginigiliw. Ngayon ay Linggo ng Wika, dapat na pasalamatan

3|April M. Bagon-Faeldan 2009

Ang lahat ng Pilipino na sa wika ay nagmahal; Tayo ay magpasalamata sa ating pamahalaan At gayon din sa tanggapang ang taguri ay Komisyon; Komisyon n gating wika, sumusuri’t lumilinang Sa ‘ting wikang Filipinong kakambal ng ating buhay. Filipino, aking wika, damahin mo ang pag-usbong Ng diwa mong sa dugo ko’y patuloy na dumadaloy! Mamahalin mong sa dugo ko’y patuloy na dumadaloy! Mamamahalin kitang lagi sa ubod ng aking layon Na ikaw ay idambana hanggang sa dako pa roon.. Hanggang puso’y pu,ipimtig ikaw’y aking ibabangon Tinig ka ng Kalayaan ng bansa kong sumusulong!

Tanimang madawag, malawak na dagat, Matarik na bundok, minang nakalantad; May biyayang handog ng wastong paglingap Bunga ng tiyaga’t mga pagsisikap. Ako’y kabataang may isang mithiin Kalikasan natin ay muling buhayin; Sipag at tiyaga, siyang puhunanin Pagkat siyang susi sa pag-unlad natin.

Soneto

Kabataan, Kalikasan, Kaunlaran
Ako’y kabataang lalang sa panahon Ng pakikisangkot tungo sa pagsulong; May malayang isip, diwa’y nakatuon Sa pagsasagawa ng mabuting layon. May talinong taglay, diwa’y nag-iisip Kung ano ang dapat, mabuti’t matuwid; May pusong maalab na kahit sasaglit Pag-ibig sa bayan ang inihahatid. Bayang sinilanga’y may likas na yaman Na handog sa akin nitong kalikasan; Sa kaparangan man at sa kabundukan Ang kasaganaa’y siyang mamamasdan. Kaunlaran nitong bayang sinisinta Mula sa malayo’y natatanawan na; Pagkat kasipaga’y pahunan tuwina Sa mga paggawa at pakikibaka.

Salin mula sa Ingles ni: April M. Bagon-Faeldan Wala na akong naririnig na pag-ibig Wala nang paggalaw sa aking bibig Kahit ang mga ibon ay hindi na umaawit Ang mga salitang aking binibigkas, Ito’y bumabalik na puno ng kalungkutan Ang mga salitang aking binibigkas, Ito’y bumabalik na puno ng kalungkutan Ang mga bulaklak na aking pinipitas, Tila nawalan na ng rikit Wala na ang ihip ng hanging aking nadarama Ang katotohana’y natakpan na Ako’y kumakantang nag-iisa Malungkot at ang ulo’y namamahinga O aking Panginoon ako’y patay na.

Wala na Akong Naririnig na Pag-ibig

4|April M. Bagon-Faeldan 2009

Elehiya

Inihimig pang pangako ring wasak Sa binging pandinig ng mga naburol Agunyas man ito’y makaaagnas Sa pusong nagmoog sa daya at lason.. ( may bunyi ang awit ng palayong uwak pagkat naging uwak ang lahat ng ibon).

Awit sa Isang Bangkay
Ni Buenvinido A. Ramos Ngayong hatinggabi’y nais kong awitin Ang ayaw marinig ng aking Diwata; Awit na kaiba may bagong pagtingin. May dugo ng buhay may tamis ng luha Awit na hinabi ng buwang may silim. (isinumpang awit ng mga Bathala) Anila, ang awit ay ang kagandahan Na nakaayubo sa ating paligid Mabituing langit, bagwis ng amihan Maingay na lunsod, at payapang bukid ( di iyan ang awit na ngayon ay alay.. iya’y dati na’t mga lumang himig) Ang awit kong ito’y pipit walong nota At dalit sa labi ng mga pulubi Kalan ay nasagpang ng mga buwitre Aninong madapa sa mga bangketa Sa gabing ang buwa’y ni ayaw ngumisi. Notang sa silabato’y nagbinhi ng takot At gintong makuyom sa bantay-salakay Sa bawat lansanga’y uwak na magtanod Laganap ang salot sa hulo’t luwasan (sino ang pipigil kung ito ay agos, kung pati ang puno’y yagit na lamang?)

Di para sa iyo ang awit kong ito (Naririnig mo ba ang poos kong tinig?) Ang inaawit ko’t para sa supling mo Kung magsusupling ka sa boog mong hasik.. Ngayong hatinggabi ay aawitin ko Ang kamatayan mong di mababagong-binhi.

5|April M. Bagon-Faeldan 2009

Kuwento
Likas sa mga bata saan mang dako ng daigdig ang pagiging mahiligin sa mga kuwento. Sa kanila, ang kuwento ay may panghalina at pang-akit. Kadalasan, ginagamit ito bilang pangganyak sa iba pang mga gawain. Bilang lunsaran sa paglalahad ng aralin, dapat alamin ng guro ang uri ng kuwentong nagugustuhan ng mga batang kanyang tinuturuan. Habang nagkakaedad ang bata ay nagkakaroon ng pagbabago sa uri ng kuwentong kanyang kinagigiliwan. Ang mga batang nasa lima hanggang siyam na taong gulang ay mahiligin sa mga kuwento ng mga hayop at mga pantasya. Ang sasampuing taong gulang na bata ay mahilig sa mga kuwentong pakikipagsapalaran. Kaya sa paglikha ng kuwentong gagamitin bilang lunsaran ng aralin ay dapat isaalang-alang ang kanilang interes sa mga bagay-bagay.

Sandosenang Kuya
“Anobatongmgabatangitoooo!” Hayun, nagalit na naman si Tatay. Ang gulo-gulo kasi naming magkakapatid. “Huwag kayong magtakbuhan dito sa loob,” yan ang lagi niyang saway. Mahirap talaga pag kami’y nagkakasabay-sabay. Alam mo ba kung ilan kaming lahat? Labintatlo! Dami no? Ako ang pinakabunso. Sandosena ang kuya ko. Iba-iba ang hitsura, iba-iba ang porma. May bilugan, may malapad, meron ding higante sa tangkad. May pormang artista, may pormang henyo, at ‘yung isa nama’y tinutukso naming isda! (ang laki kasi ng mata niya). Pero kahit ibaiba ang kanilang hugis at itsura, iisa lang ang tawag ko sa kanila… kuya. Sandosenang ngiti ang bumabati sa akin tuwing umaga. Sandosenang kalaro ko ng taguan sa plasa. Sandosenang tsinelas ang lumilipad sa tumbang preso. Sandosenang nakabantay sa patintero. Noong ako’y nagutom, sandosenang kalawit ang pumitas ng mangga sa kapitbahay. Sandosenan rin ang nagtakbuhan nang mahuli kami ng asong-bantay.

6|April M. Bagon-Faeldan 2009

Sandosena ang katulong ko sa pagwawalis ng kalat. Sandosenang titser ang nagturo sa aking magbasa at magsulat. Sandosenang doctor ako’y may lagnat. din ang gumamot kapag

mga batang ulila na kagaya ko- wala ng magulang o kamg-anak na makakapag-alaga. Ditto kami dinadala upang sa kalye ay hindi magpagala-gala. Suwerte nga naming at andito si Tatay. Siya ang aming kinikilalang ama. Siya at ang aking sandosenang kuya ang nakagisnan kong pamilya. Darating ang araw, sabi ni Tatay, na my iba pang mga bata na mapupunta rito. Mga bagong kapatid ko. Mas bata nga lang sila sa akin. At sila na ang magiging bunso. “Iba-iba ang kanilang hitsura, ibaiba ang kanilang porma,” dugtong ni Tatay, “pero lahat sila ay tatawagin kang…Kuya.” Nagkumpol-kumpol kami sa labas ng bahay para magpaalam sa aming panganay. Sandosenang kamay ang sabay-sabay na kumaway. Sandosenang “Inagt ka!” ay “Babay!” Kasama ang sandosenang mangga sa loob ng karton.

Sa harap ng TV, sandosenang “ha-ha-ha!” at “hi-hi-hi” ang maririnig mo. Sandosena ang kumakanta kasabay ng radyo (pero wala naming tumama sa tono). payo. Sa bawat problema ko, sandosenang solusyon at

Pag malungkot naman, sandosenang masasayang kuwento. Ako na talaga ang pinakasuwerte sa buong mundo! Laking gulat ko nang isang araw, lumapit sa akin ang kinakamatanda kong kuya. “Noy, aalis na ako sa makalawa,” ang bungad niya. “Magpapakabait ka, ‘wag mong pahihirapan ang mga kuya mo ha.” “Saan ka pupunta, Kuya?” “Kailangan ko nang umalis ng bahay. Nasa tamang gulang na ako at kaya ko nang mag-isa.” Hindi ako makapaniwala. Bakit kailangang umalis si kuya? “Ganiyan talaga iho,” ang paliwanag ni Tatay, “pag nasa wastong edad na’y kailangang umalis na rito. Hindi ka naman titira nang habambuhay ditto sa bahay kalinga, di ba?” Oo nga pala, hindi ko nasabi sa ‘yo, sa bahay kalinga lahat kami nakatira. Ditto napupunta ang

7|April M. Bagon-Faeldan 2009

Ang Florante at Laura
ni: Fancisco Baltazar Nagsimula ang salaysay ng awit sa isang gubat na mapanglaw. Nakatali sa isang punong kahoy at naghihinagpis si Florante. Si Konde Adolfo ang dahilan ng kanyang kasawian at nawalan siya ng malay tao habang inaalala ang kasintahang si Laura.nalaman niyang pumayag daw si Laura na pakasal kay Konde Adolfo. Sisilain ng dalawangleon si Florante nang siya ay iligtas ni Prinsepe Aladin ng Persya. Nang magkamalay tao si Florante, nagulat sya sapagkat nasa kandungan sya ng isang kaaway. Nagkapalagayan sila ng loob at isinalaysay ni Florante and buhay niya kay Prisepe Aladin. Anak si Florante ni Duke Briseo na tagapayo ni Haring Liceo ng Alabanya, at ni Prosesa Floresca ng Crotona. Ipinadala sya ng ama sa Atena upang magaral at dtto niya nakaaway ang dati at panunahing

mag-aaral na si Konde Adolfo na naiingit sa katanyagan ni Florante. Mabuti at nailigtas si Florante ni Menandro na pamangkin ng guro nilang si Antenor at kaibigang matalik ni Florante nang totohanin ni Adolfo ang pag-espada ni Adolfo kay Florante sa isa nilang palabas. Itinawag si Adolfo at ito’y umuwi sa Albanya. Umuwi rin sa Albanya si Florante dahilan sa namatay ang ina niya. Noon naman humingi ng saklolo sa Albanya ang hari ng Crotona na lolo ni Florante. Bumuo ng pangkat na tutulong sa Crotona at si Florante ang ginawang pinuno nito. Bago nagtungo sa Crotona naging kasintahan ni Florante si Laura na anak ng hari ng Albanya. Nagwagi si Florante sa Crotona at tinalo niya ang tanyag na heneral ng Persya, si Osmalik. Nang magbalik sa Albanya, nilusob at nakubkob ng mga Persyano ang Albanya. Tinalo rin nina Florante at Menandro ang mga Persyano. Nilusob nina Florante at Menandro and Etolia nang tumanggi ng tawag si Florante mula sa hari ng Albanya at siya ay pinauwi. Patibong lamang iyon ni Adolfo na umagaw sa kaharian. Pinatay ni Adolfo si Haring Liceo at Duke Briseo. Dinakip ng mga kawal ni Adolfo si Florante at ipinagapos sa gubat habang pinipilit si Laura na pakasal kay Adolfo. Si Aladin naman ang nagsalaysay ng buhay niya. Anak siya ng sultan ng Persya, si sultan Ali Adab, at siya ang namuno sa mga persyanong lumusob sa Albanya. Nagbalik siya sa Persya at gali siyang ipinahuli ng kanyang ama sa bintang na pinabayaan niya sa pakikipaglaban sa Albanya kay natalo ang mga Persyano. Pinalaya lamang siya nang pumayag si Flerida, ang kasintahan niya, na pakasal sa sultan. Ngunit tumakas si Flerida nang palayain si Aladin at hinanap niya si Aladin. Masayang tinig ng mga babae and pumukaw sa pag-uusap ng dalawa. Sina Flerida at

8|April M. Bagon-Faeldan 2009

Laura ang dumating.nailigtas ni Flerida si Laura sa tangkang panggagahasa ni Konde Adolfo sa gubat. Pinana ni Flerida ang taksil. Pamaya-maya dumating ang pankat nina Menendro. Nagbalik ito mula sa Etolia, at tinalo ang pangkat ni Adolfo. Kaya itinakas ni Adolfo si Laura at nais pagsamantalahan. Sa Albanya muna nanirahan sina Aladin at Flerida na kapwa nagpabinyag bilang kristiyano habang hindi pa namamatay si Sultan Ali Adab. Nang mamatay na ang sultan, nagbalik sa Persya sina Aladin at naghari doon. Sina Florante at Laura naman ang namuno sa Albanya.

Deogracias A. Rosario Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang orasan na ang mahabang hintuturo ay malapit ng sumapit sa ika-12 samantalang nakapako na sa ika-8 ang maikling daliri, hindi niya malaman kung saan siya magtutungo. Isinisiksik niya ang kanyang ulo kahi’t saan, saka ang dalawa niyang hintuturo ay ipinapasak sa mga butas ng kanyang taynga. Ayaw niyang marinig ang animas. Ayaw niyang mapakinggan ang malungkot na palo ng bakal sa malaking kapana tanso sa kampanaryo ng simbahan sa kanilang bayan. Gayon man, kahit saan siya magsiksik, kahi’t na saan siya magtungo, kahit anong gawin niyang pagpapasak sa kanyang taynga, ay lalong nanunuot sa kanyang pndinig ang malungkot na tinig ng batingaw.

Walang Panginoon

“Tapos na ba? Tapos…” ang sunud-sunod niyang tanong na animo’y dinadaya ang sarili kung wala na siyag nauulinigang ano mang taginting ng kampana. “Tapos na. Tapos … “ ang sunud-sunod namang itinutugon ng kanyang ina na paniwalang-paniwalang hindi ng niya naririnig ang malungkot na animas. “Ngunit. Marcos… “ ang baling uli ng matandang babae sa anak. “Bakit ayaw mong marinig ang oras na ukol sa kaluluwa? Iya’y nagpapagunita sa mga tao na dapat mag-ukol ng dalangin sa ikaluluwalhati ng mga kaluluwang nasa kabilang buhay. Lalo na, Marcos, marami kang dapat ipagdasal. Una-una’y ang iyong ama, ikalawa’y ang kapatid mong panganay, ikatlo’y ang kapatid mong bunso, saka… saka si Anita.” Ang huling pangalan ay binigkas ng marahan at madalang ng matandang babae. Si Marcos ay hindi kumibo. Samantalang pinangangaralan siya ng kanyang ina, ang mga mata niya ay galling sa pagkapikit kaya’t nanlalabo pa’t walang ilaw ay dahan-dahang sinisiputan ng ningas, saka manlilisik at mag-aapoy. Hindi rin siya sumasagot. Hindi rin siya nagsasalita. Subali’t sa kanyang sarili, sa kanyang dibdib, sa kanyang kaluluwa ay may pangungusap, may nagsasalita. “Dahil din sa kanila, lalung-lalo na kay Anita, ayaw kong marinig ang malungkot na tunog ng batingaw,” ang sinasabi ni Marcos sa sarili. Kinakagat niya ang kanyang labi hanggang sa dumugo upang huwag ipahalata sa ina ang pagkukuyom ng kanyang damdamin. Akal ng ina’y nahuhulaan niya kung ano ang nasa loob ni Marcos. Sa wari ng matanda ay nababasa niya sa mga mata ng anak ang lihim ng puso nito. Naiisip niyang kaya malungkot si Marcos ay sapagka’t hindi pa natatagalang namamaty si Anita, ang magandang anak ni Don Teong, mayamang may-ari ng lupa nilang

9|April M. Bagon-Faeldan 2009

binubuwisan. Nalalamn ng ina ni Marcos na lhat ng pagsisikap nito sa bukid, lahat ng pagpupunyaging matuto sa pamamagitan ng pagbabasa, lahat ng pagiimpok na ginagawa upang maging isang ulirang anakpawis ay ukol kay Anita. At saka namatay! Nararamdaman din ng ina ni Marcos kung gaano kakirot para sa kanyang anak ang gayong dagok ng kasawian. Dapat ngang maging malungkutin ang kanyang anak. Ito ay kanyang ibig na libangin. Ito ay nais niyang aliwin. Kung maaari sana’y mabunutan niya ng tinik na subyang sa dibdib ang kanyang anak. “Lumakad ka na, Marcos, sa kubo nina Bastian. Tila may belasyon sila, o, baka kailanganin ang mabuting mang-aawit at manunugtog g gitara,” ang sabi ng ina. “Walang pagsalang masasayahan ka roon.” “Si Inang naman,” ang naibulalas na lamang ni Marcos. Iyan lamang ang nasasabi niya ng malkas. Sa kanyang sarili’y naidugtong niya na hindi nasusukat ng kanyang ina kung gaano ang pait para sa kanya ng pagkamatayni Anita, palibhasa’y lingid sa kaalaman ng matanda ang tunay na nangyari sa pagkamatay nito. “Kung nalalaman lang ni Inang ang lahat,” ang nasasabi niya uli sa kanyang sarili samantalang minamasdan niya ang isang ulilang bituin sa may tapat ng libingan ng kanilang bayan, na ipinalalagay niyang kaluluwa ni Anita, “disi’y hindi ako itataboy sa kasayahan.” Pinag-uusapan pa lamang ng mag-ina nang umagang yaon ang malaki nilang kapalaran sapagka’t mabuti ang lagay ng tanim nilang palay, nang isang utusan sa bahay-pamahalaan ang dumating na taglay ang utos ng hukumang sila’y pinaaalis sa kanilang lupang kinatatayuan, at sinasamsam ni Don Teong na ama ni Anita ang lahat ng lupa nilang sinasaka.

“Inang, matalim ba ang itak ko?” ang unang naitanong ng anak sa ina matapos matunghayan ang utos ng hukuman. “Anak ko!” ang palahaw na pananangis ng matandang babae, sabay kapit sa leeg ng anak.”Bakit ka mag-iisip nang gayon, sa tayo na lamang dalawa ang nabubuhay sa daigig?” Ang tinig ng matanda ay nakapagpalubag sa kalooban ng binata. Gayon man, sa harap ng bagong pithaya ng may-ari ng lupang kanilang binubuwisan, ay isa-isang nagbabalik sa alaala niya ang malungkot na kasaysayan ng kanilang lupang sinasaka. Ang sabi’y talagang sa kanunu-nunuan ng kanyang ama ang naturang lupa. Walang sino mang sumisingil sa kanila ng buwis at walang sinumangnakikialam sa ano mang maging bunga ng kanilang mga tanim, maging mais o tubo, o kaya’y maging ano man sa mga gulay na tanim nila sa bakuran. Subali’t nang bata pa ang kanyang ama ay may nagpapasukat ng lupa na sinasabing kanila. Palibhasa’y wala silang maibabayad sa manananggol, ang pamahalaan ay nagkulang nang malasakit sa kanilang karalitaan upang tangkilikin ang kanilang katwiran at karapatan. Sa wakes ay napilit silang mamuwisan nang di nila makuhang umalis doon. Noong bata pa si Marcos, ang bayad nila’y isang salapi lamang isang taon sa bawa’t ektarya ng lupang kanilang sinasaka. Subali’t habang nagtatagal ay unti-unti na silang nababaon sa pagkakautang sa maylupa dahil sa mga kasunduang ipinapasok sa panapanahon, gaya ng takipan at talinduwa. Kaya namatay ang ama ni Marcos ay dahil din sa malaking sama ngloob kay Don Teong. Ang kapatid niya’y namatay dahil sa paglilingkod sa bahay nito, at higit sa lahat, nalalaman niyang kaya namatay si Anita ay sapagka’t natutop ng amang nakipagtagpong

10 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

minsan sa kanya sa loob ng halamanan, isang gabing maliwanag ang buwan. Saka ngayo’s paalisin naman sila sa kanilang bahay at lupang binubuwisan? Si Anita ay lihim na naging kasintahan ni Marcos, mahigit nang isang taon noon. Sapul nang dumating si Anita sa kanilang bayan buhat sa pagaaral sa isang kolehiyong mga madre sa Maynila, si Marcos ay nagsimpan na ng malaking pag-ibig sa kanya. Alam ni Marcos ang kanyang kalagayan na halos ay lumaki sa ibabaw ng kalabaw at sa pagtikin sa kanilang lamo sa ilog. Si Marcos ay natapos lamang ng katesismo sa iskuwelahan sa silong ng kumbento sa kanilang bayan at natutong sumulat sa pisara ng malaking numero. Ngunit gayon man, nagsikap siyang idilat ang kanyang mga mata sa liwanag ng kabihasnan at pagkaunlad. Katutubo kay Marcos ang hilig sa pagkatuto sapagkat sa pag-anib niya sa mga samahang pambayan ay natuklasan niyang walang mabuting paaralan kundi ang pahayagan. Walang aklat, walang pahayagan at lingguhan sa sariling wika na hindi binabasa ni Marcos. Kahit manghiram lamang kung wala na siyang ibili. Nagbabasa rin siya ng mga nobela at ibang akdang katututuhan niya sa wikang Tagalog, o kaya’y salin sa wikang ito. Lalo na nag magsimpan siya ng pag-ibig kay Anita, wala siyang inaaligata sa kanyang buhay kundi ang balang araw ay maging karapat-dapat sa mga kamay ng anak ni Don Teong na may-ari ng lupa nilang sinasaka. Isa pa’y bukod sa naniniwala siya sa kasabihang “Ang lahat ng tao, kahit hindi magkakulay, ay sadyang nagkakapantay,” ay tinatanggap din niya ang palasak na kawikaang “Ang katapat ng langit ay pusalian.” Dahil diyan kaya kahit bahagya ay hindi siya nag-atubili ng pagsisimpan ng pag-ibig kay Anita.

At naibig naman siya ng anak ni Don Teong. Bakit hindi siya maiibig? Minsan si Anita ay namangka sa kanilang ilog, gumiwang ang bangka at nahulog sa tubig. Si Marcos noon ay nasa lamo at lihim niyang sinusundan ang bakas sa tubig ni Anita. Nang Makita niya ang malaking sakuna ay lumundag siya sa ilog at sa pamamagitan ng langoy na hampas-tikin ay inabot niya si Anita na kumakamot na sa ilalim ng ilog. Matapos niyang kalawitin ng kaliwa niyang bisig sa may baba ang dalaga ay bigla niyang isinikdaw ang dalawa niyang paa sa ilalim kaya’t pumaibabaw sila, at sa tulong ng pagkampay ng kanyang kamay at pagtikad ng dalawa niyang paa ay nakasapit sila sa pampang. “Marcos, matagal na rin naman kitang iniibig,” and pagtatapat ni Anita sa binata, makaraan ang may ilang buwan buhat nang siya’y mailigtas. Tatlumpung araw ang taning sa mag-ina upang lisanin ang lupang gayong ang sabi ay ari ng kanilang mga ninuno ay binubuwisan na nila at sinasamsam pa ngayon. At saka silang mag-ina ay itinataboy. Sino ang hindi nagdadalang-poot sa gayong kabuktutan? Dahil sa kanyang ina, natutong magtiim si Marcos ng kanyang mga bagang. Kinagat niya ang kanyang mga labi upang huwag mabulalas ang kanyang galit. Kinuyom niya ang kanyang mga kamay hanggang matimo sa palad niya ang kanyang mga kuko. Isang takipsilim nang marinig niya sa kampanaryo ng kanilang simbahan ang malungkot na agunyas. Una muna ang malaking kampana saka sumunod ang maliit. Bang! Teng! Bang! Teng! Babae ang nalagutan ng hininga. Maliit naman ang kanilang bayan upang malihim pa kung sino ang binawian ng buhay. Wala siyang nalalamang may sakit kundi si Anita. Dahil sa pagkakatutop sa kanila isang gabi,

11 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

ang dalaga ay sinaktang mabuti na ayon sa sabi ng nagbalita kay Marcos ay mata lamang ang walang latay. Buhat noon ay nagkasakit na si Anita. Arawaraw ay tumatanggap si Marcos ng balita at nang tangkain niyang dumalaw na minsan ay hinirang siya ni Don Teong na may hawak na rebolber. Susuong din sana si Marcos, subalit nagdalawang-loob siya. Maaaring maging dahilan iyon ng bigla pang pagkamatay ng kanyang iniibig, bukod sa magiging subyang sa kanyang ina kung kung siya ay mawala. Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don Teong ay isinama lamang niya sa talaan ng pagmamalupit sa kanya ng mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan. Pangangagaw ng lupa sa kanila. At saka noo’y pagtatangka pa sa kanyang buhay. Pinakahuli nga ang pagkamatay nang tuluyan ni Anita, na ayon sa balita niya’y nalagutan ng hininga na siya ang tinatawag. Saka nitong huli ay pagpapaalis sa kanilang lupang kinagisnan at pinagyaman sa tulo ng kanilang pawis na mag-anak. Ngunit si Marcos, isang manggagawang hubog sa palihan ng bagong panahon, ay lumaki ang puso sa mga pagtitiis. Naging maluwag nga ang kanyang dibdib sa pagtanggap ng pang-aapi ng maylupa. Hanggang noong bago mamatay si Anita, akala niya’y maaari pa siyang makalunok ng bagong pag-upasala ng itinuturing niyang panginoon. Datapuwa’t nang tanggapin niya ang utos ng hukuman na pinaaalis sila roon, talagang madilim ang kanyang isip. Noon pa’y naisip na niyang gawing batas ang kanyang kamay, yamang hindi na niya matatamo ang katarungan sa hukuman ng mga tao. “Huminahon ka, anak ko,” ang sabi ng kanyang ina. “Hindi natutulog ang Bathala sa mga maliliit. Magtiis tayo.”

Hindi na niya itinuloy ang paghanap sa kanyang itak na matalas. Pagkakain niya ng agahan, nilibang niya ang kanyang ina saka lumabas sa bukid. Gaya rin ng dati’y sinakyan niya ang kanyang kalabaw na lalong mahal niya sa lahat sa limang alaga niya. Lumabas siya sa bukid at hinampasan niya ng tanaw ang karagatan ng namumulang ginto. Pagdaramdam at panghihinayang ang ngumangatngat sa kanyang puso. Gaanong pawis ang nawala sa kanya upang masaka ang naturang bukid? Gaanong pagod ang kanyang pinuhunan upang ang palay nila’y magbungang mabuti? Saka ngayo’y pakikinabangan at matutungo lamang sa ibang kamay? Napapalatak si Marcos sa ibabaw ng kanyang kalabaw. Ibig mang pagdimlan ang isip kung nagugunita ang utos ng hukuman, ang alaala naman ng kanyang ina’y walang iniwan sa bahagharing sumusugpo sa nagbabalang unos. Dadalawa na lamang sila sa daigdig at ayaw niyang pabayaan ang kanyang ina; ipinangako niyang hahandugan ng kaligyahan ang nalalabing buhay nito, bago nalagutan ng hininga ang kanyang ama. Dahil nga sa kanyang ina, kaya naisip niya ang kabutihan kung sila’y nagsasarili. “Tutungo tayo sa hilaga at kukuha ng homestead. Kakasundo tayo ng mga bagong magsasaka; paris ni Don Teong, kailangang magkaroon din ako ng gayak na paris niya.” Kabalintunaan man ang sinabi ng anak ay hindi na nag-usisa ang ina. Wala siyang nalalaman kundi tuwing takipsilim, kung nakaligpit na ang mga tao sa nayon, ang buong kagayakan ay isinusuot ng kanyang anak saka lumalabas sa bukid. May dalawang linggong gayon nang gayon ang ginagawa ni Marcos, hanggang isang araw ay tawagan siya ng pansin ng matanda. “Marcos,” sabi ng matanda. “Dalawang linggo na lamang ang natitira sa ating taning ay hindi mo ginagawa ang pakikipagtuos kay Don Teong… kung may

12 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

magiging sukli man lamang tayo sa ating ani ngayon?” “Huwag ka pong mabahala, Inang,” sabi ng mabait na anak, “nalalaglag po ang dahon sa kanyang kapanahunan.” Talinghaga na naman ang sinabi ni Marcos. Gayon man ay may nagunita siyang isang bagay na ibig niyang malaman sa anak. “Bakit hindi mo iniuwi ang kalabaw sa bakuran?” Tinutukoy niya ang kalabaw na mahal na mahal sa lahat ni Marcos. Maaaring magpakahinahon si Marcos, subalit ang huling kapasiyahan ni Don Teong ay numakaw ng lahat ng kanyang pagtitimpi. Ayaw niyang gumamit ng dahas, subalit … Nagunita niya ang sinabi ni Rizal na “Walang mang-aalipin kung walang napaaalipin.” Napailing siya sa harap ng gayong masaklap na katotohanan. Patung-patong na ang ginagawang pamamaslang sa kanya ni Don Teong – takalang dapat nang kalusin. Nagunita rin ni Marcos ang marami pang ibang kasama, katulad din niya, na sa kamay ng mayamang si Don Teong ay walang iniwan sa mga leeg ng manok na unti-unting sinasakal hanggang makitil ang hininga sa hangad na mahamig na lahat ang kanilang kayamanang gayong minana sa kanilang mga ninuno ay iba ngayon ang may-ari at nagpapabuwis pa. “Kailangang maputol ang kalupitang ito!” ang tila pagsumpa sa harap ng katalagahang ginawa ni Marcos. Bakit ka bumili ng pulinas, gora, suwiter, at latigo, anak ko?” ang tanong ng matanda kay Marcos, isang araw na dumating siyang pagod na pagod sa naturang dala-dalahan. “Inihahanda ko po iyan sa pagiging panginoon natin, paris ni Don Teong,” ang nakatawang sagot ng anak. “Kung tayo po’y makaalis na rito, tayo’y

magiging Malaya,’ ang tila wala sa loob na tugon ng anak. Ang totoo, ang naturang kalabaw ni Marcos ay nakapugal sa hanggahan ng lupang sarili ni Don Teong. Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas, ang gora, at suwiter, saka dala ang latigong katulad ng pamalo ni Don Teong. Pagdating niya sa pook na kinapupugalan ay saka aasbaran ng palo ang kalabaw hanggang sa ito’y umungol na ang alingawngaw ay abot hanggang sa kalagitnaan ng bayan. Hanggang di niya nakikitang halos apoy na ang lumalabas sa dalawang mata ng hayop ay hindi niya ito tinitigilan. Sa gayon ay matulin siyang magtatago upang umuwi na sa bayan. Kung dumarating siya’y dinratnan niya ang kanyang inang matuwid ang paglalaluhod sa harap ng isang maitim na Santo Kristo sa kanilang silid na naiilawan ng isang malaking kandila. “Salamat, anak ko, at dumating ka,” and sasabihin na lamang ng matanda. “Akala ko’y napahamak ka na.” Si Don Teong ay may ugaling maglibot tuwing hapon sa paligid-ligid ng kanyang lupa. Ang ipinanganganib ng ina ni Marcos ay baka magkasalubong si Marcos at ang kanilang panginoon, ay hindi makapagpigil ang isa’t-isa. Nalalaman din ng matandang babae na laging may dalang rebolber sa baywang ang mayamang asendero buhat nang magkaroon ng alitan dahil sa lupa, kaya lagi niyang inaalaala ang pag-alis-alis ni Marcos. Subalit isang hapon, samantalang payapang inihahanda ng mag-ina ang kanilang pag-alis, walang iniwan sa putok ng bulkan ang balitang kumalat sa bayan na si Don Teong ay namatay sa pagkasuwag ng kalabaw. Sinabi ng mga nakakita na pagkakita pa lamang ng kalabaw kay Don Teong ay tila may sinisimpang galit sapagkat bigla na lamang sinibad ang mayamang matanda at nasapol ang kalamnan ng

13 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

sikmura ng matulis nas sungay ng hayop. Pagkasikwat sa katawan ng asendora ay tumilampon pa sa itaas at pagkalagpak ay sinalo naman sa kabilang sungay. Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa bayan, wasak ang suwiter sa katawan at saka ang pulinas. Kumilos agad ang maykapangyarihan upang gumawa ng kailangang pasisiyasat subalit ang lahat ng matuwid ay nawalan ng halaga sa hindi kumikilos na ayos ng kalabaw na animo’y wala sa loob ang ginawa niyang napakalaking pagkakasala. Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isa’y nagkatinginan. Hindi nila malaman kung papaanong ang poot ni Marcos kay Don Teong ay nagtungo sa alaga niyang hayop. Si Marcos ay nakatingin din sa orasan nang gabing yaon. Tatlong minuto na lamang ang kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya gumagalaw. Hindi siya nababahala. Tumgtog ang animas. Hindi na gaya ng dating araw niyang marinig ito. Sa halip na idalangin ang kaluluwa ng mga namatay, ang naisip niya’y ang matapang niyang kalabaw. “Mapalad na hayop na walang panginoon,” ang kanyang naibulong.

Bahay Na Bato
Antonio B. L. Rosales Pagtuntong na pagtuntong ni Isagani sa lupang unang niyapakan ng kanyang mumunting paa noong kamusmusan niya ay nadama niyang tila ibinalik siya sa isang makapangyarihang kamay sa mga unang kabanata ng kanyang buhay. Ang kapagalang idinulot sa kanya ng mahaba-haba ring paglalakad sa putikan sa ilalim ng nagdidilim na langit, sa pagitan ng nagtatayugang puno ng niyog na hinahagu-hagupit pa ng buntot ng isang malakas na bagyong bahagya pa lamang nakakaraan, ay hindi niya alintana ngayong ang

14 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

panganorin ng sarili niyang nayon ay tumatagos sa kanyang puso. Sa malas ni Isagani, sa tatlong oras na pagpupuyos ng bagyo ay higit pang malaki ang ipinagbago ng Magdalo kaysa sampung taong pagkawalayniya sa nayon niyang ito. Halos lahat ng Makita niyang kabaguhan ay likha ng kapag-alimpuyo pang hangin at ulan. Gaya ng dati, ang malumot ng munting simbahang bato sa ibabaw ng burol ay tila nagmamalaki pa sa humahampas na hangin. Ang sibi ng tindahan ni Aling Barang ay ibinagsak ng hangin, nguni’t nakatayo pa sa luklukang kawayang mahahabang oras ding pinapag-init niya samantalang nakikipag-inuman siya g tuba, nakikipagpatayugan ng mga pangarap, at nakikipagparangyaan ng mga naabot na karanasan sa kanyang mga kapwa binata. Sa mga taong naglalabasan upang magsiyasat sa mga “pamana” ng bagyo ngilos, sa pananalita, at sa anyo. Maliban sa ilang guhit sa noo at sa anyong may mga bakas na ng karanasan, maging ang mangilan-ngilang kabataang nakakasalubong niya sa daan ay wala ring ipinagiiba. Nang mapatapat siya sa bahay na batong nasa tabi ng puno ng dapdap ay nadama niyang siya man yata ay di rin nagbabago, katulad ng di pagkakapagbago ng bahay na yaon. Sa harapan ng bahay na bato ay nakapinid din ang mga durungawang tila ba mga palamuti lamang sapagka’t lagi ng nakapinid: kung araw, upang makapananggalang sa mga alikabok, at kung gabi, upang maging hadlang sa lamig at umano pa’y sa masasamang kaluluwa. Sa nakapinid na malaking pinto ay nakikita pa ang nakaguhit na maputing krus. Sa sulok ng dingding na bato sa gawing silangan ay umaakyat ang isang baging. Maliban sa baging na ito, sa naparagdag ng mga batik ng katandaan at kawalang-pagpapala at kalaguan ng datig-datig na puno ng biyoletang

bumabakod sa harapan, ang bahay na batong nasa-tabi ng puno ng dapdap ay siyang bahay na batong nagsilbing salikop ng dalawang tunguhin sa kanyng buhay. Pinilit ni Isagani ang kanyang mga paa na biguin ng mga ito ang sumisidhing pagnanasa niyang manatili pa roon ng ilang sandali upang sa puno ng dapdap kung gabi’y pinamumutiktikan ng nag-antiantilaw na alitaptap, sa bahay na bato na animo’y isang moog ng katandaan na nagkukulong ng mga masambahin at makalumang paniniwala, at sa halamanang kung tagbulaklak ay lipos ng nagkakatunggaliang mga kulay na namamalintuna sa piling ng kapanglawan ng bahay na bato, ay bakasin ang mga pangyayaring nagpabago sa lakad ng kanyang buhay. Ibinaling ni Isagani ang kanyang mga paa sa ibang mga naging tagpo ng mga unang karanasan niya sa buhay. Dinulang niya sa gunita ang mga unang kabanatang yaon hanggang sa mga pagmumuni-muni niya ay putulin ng isang tinig na tila nagmula sa guwang ng isang limot nang daigdig. “Insan!” Ang lalaking may puong sa ulo at nakatayo sa tabi ng inaayos niyang suhay ng isang nakagiray nang bahay ay madaling nakilala ni Isagani. “Insang Dodoy!” Patakbong nilapitan ni Isagani si Dodoy at ang dalawa ay nagyakap. Si Minang na naging kasintahan ni Dodoy at si Iday na naging katalik-puso ni Isagani ay magpinsan, at nakagawian na nilang magkaibigan a magtawagan ng insane, “Kumukuha ko ng mga balita at mga larawan sa Sampalukan dahil sa nangyari doon kahapon, nang abutin ako ng malakas na bagyo. Minabuti kong ditto na magpagabi yayamang malapit na rin lamang ako rito, saka nais ko namang tingnan kung ano ang nangyari sa ating nayon.”

15 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

“Unos ang nagtaboy at bagyo ang nagpabalik,” ang may-himig birong nawika ni Dodoy. Si Isagani ay nagpasungaw ng isang pilit na ngiti. “Matipuno ngayon ang pangangatawan mo,” ang pansin ni Dodoy. “Salamat sa tubig . . .” “Nababasa ko nga sa mga diario ang pagtatagumpay mo sa mga paligsahan sa langoy.” Ang bakuran nina Dodoy ay naglalati at nagsusukal sa mga natumbang halaman, sa nangabaling mgaa, at sa nangalipad na mga dahon. Si Dodoy ay nagyaya sa itaas ng bahay, nguni’t si Isagani ay tumanggi sa pagnanais niya umanong mamalagi na lamang sa babayan, yayamang ditto sila malimit magniig noong sila’y lagi pang mgkasamang tila kabit ang mga pusod. “Napakalakas ng bagyong nagdaan,” ang puna ni Isagani. “Oo nga. Wika ni Ingkong Teroy ay iyon ang pinakamalakas na naranasan na niya mula noong kapanahunan nila ng nasirang Kapitang Penkoy.” “Mabuti naman at inabot kong uo pa ang Magdalo.” “Siyanga, nguni’t pagkasira ng tulay sa Sabang ay magiging napakahirap para sa mga kanayon mo hanggang hindi nakapagtatawiran sa ilog ang mga bangka o hanggang hindi nakapagtatayo ng bagong tulay. Itong nayon natin ay parang batang nasugpo ang paglaki dahil sa mga leaf miner na binubuntutan pa ng malabis na pagbaba ng halaga ng niyog at kaliblib.’ “Hanggang ngayon ay sa bayan pa kami umaasa ng lahat nang mahalagang pangangailangan naming,” ang patuloy ni Dodoy. “Doon pa kami namimili ng mga gamot at ng mahahalagang kagamitan. Ngayong nasira

ang tulay ng Sabang, na syang tanging tawiran naming pagtungo sa bayan, ay mahihinula mo na kung gaanong hirap ang dadanasin naming. At mahihinula mo na rin kung gaanong paglalakad o pangangabayo ang kakailanganin mong gawin upang makabalik ka sa nayon ng Sampalukan at sa bayan ng Santa Ana, na siyang dinaraanan ng tren, kung ninanais mong umuwi ng Maynila.” Madaling nawatasan ni Isagani ang gipit niyang kalagayan. Nguni’t pinapanatag niya ang kanyang loob. Umupo siya sa nakataob na lusong, na nakilala niyang siyang malimit pagbayuhan nila ng minukmok na saging. Si Dodoy ay lumikmo sa luklukang kawayang nakakabit sa dalawang haligi ng sibi sa babayan. Nagbalitaan sila ng mga nangyari sa kanilang mga buhay sa loob ng nakaraang sampung taong di nila ipinagkita. Pinagbalikan nila sa gunita ang mga nakaraang panahon, noong may sampu, labindalawa, labinlima, at mahigit pang dalawampung taon ang nakalipas nang sila’y lagging magkasama sa pambabalibag ng mga mangga, sa “pangangaluluwa” ng manok, sa lakas-loob ng pangunguha ng pinyang Hway sa taniman ni Intsik Panga, sa paglulunoy sa ilog, hanggang sa kanilang paniningalang-pugad, panghaharana, at pangingibig sa bituin at buwan. “Ayaw ka lamang manunggab . . .” “Mula nang ang insane mong Minang ay mag-asawa ay ewan ko kung bakit lalo pa akong nawili sa pagpapakapal ng palad sa bukid kaysa pangangarap na makapagmahabang-dulang. “Mabuti ka pa,” ang patuloy ni Dodoy, “nakalimot ka kahi’t paano, palibhasa ang siyudad ay madaling makapagturo ng paglimot.” “Mahirap din kahi’t doon,” ang salungat ni Isagani. “Nakaraan pa ang pitong taon bago ako nakapamanatag. Ngayong may anak na ako ay saka pa lamang nagsimula akong mapatiwasay.”

16 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

“Nang di ka na dumalaw ditto kahi’t saglit matapos mangyari ang “unos” kay Iday, at nang hindi ka na nakipagbalitaan sa akin ay naynawaan ko nang ang ninanais mo’y malimot na ang sariling nayon upang sa gayon ay malimot mo na ring ganap ang nangyaring “unos”. Iginalang ko naman ang hangarin mo.” Ibinaling ang orasyon. Ilang sandali silang nanahimik. Ang tugtog ng batingaw at ang sumunod na katahimikan ay lalong nagpasidhi sa damdaming muling nagpaantak sa isang matanda ng sugat. “Naririto ka na rin lamang at nabuksan na ri lamang ang bagay na ito,” ang basag ni Dodoy sa katahimikan, “ay kailangang linawin ko sa iyo ang lahat.” Tila hindi naulinigan ni Isagani si Dodoy. Nakako rin ang mga paningin niya sa mga tanawing nilalambungan na ng agaw-dilim. “Sa mga nabasa kong kuwento mo,” ang patuloy ni Dodoy, “ay nahiwatigan kong sa Maynila ay nagpasasa ka sa mga balintunang kaligayaha. Nahiwatigan ko ring ang pinagbubuntunan ng sala ay ang babae. Natitiyak kong hindi mo nababatid ang buong pangyayari.” Si Isagani ay napatitig kay Dodoy. “Mayroon pa kayang dapat mabatid,” ang mayhimig panunumbat na wika ni Isagani, “bukod sa malabis na karupukan ng puso ng isang babae, karupukang ikinapanganganyaya tuloy ng isang dakilang pag-ibig?” ‘Marami ka pang di nababatid,” ang tugon ni Dodoy. Kaagad siyang nagpatuloy upang di masansala ni Isagani. “Nalalaman mo nang si Kadyong tagaPuktol, na siyang naging pinakamahigpit mong kaagaw kay Iday, ay hindi nasiraan ng loob maging ng masungkit mo na ang “oo” ni Iday. Alam mo na ring

mababait man ang mga binata sa Puktol ay hindi naman sila nakaaatim tumanggap ng kabiguan sa pag-ibig, kaya malimit na sila’y nakagagawa ng mararahasna bagay. Nguni’t bukod na si Kadyo ay naging isang likas at mabuting halimbawa ng binatang Puktol ay nag-iwi pa siya ng isang napakasidhing pagnanasa kay Iday. Maaaring sabihin nating ang pagnanasang yaon ay siya ring pag-ibig na malimit ibuhay ninyong mga kuwebtista, ang uri ng pag-ibig na nakababaliw, bumubulag, at mapangahas.” Inalis ni Dodoy sa kanyang bisig ang tangaytangay niyang dayami at hinarap niyang mabuti si Isagani, na noon naman ay nakatitig sa lupa at iginuguhit ang dulo ng sapatos sa basing lupa. “Noong ikaw ay nasa Maynila ay minsang namista sa Puktol sina Iday. Kasama niya anyang inang si Nana Upeng at impo niyang si Da Tomasa, saka isang batang lalaking nakalimutan ko na kung sino. Hainggabi na nang iwan nila ang panonood ng moro-moro sa tabi ng bisita, upang tumuloy sa bahay ng isang amain ni Iday sa kabila ng sapa sa may lansunisan doon. Wala silang pananglaw kundi bungkos na kayakas.” Si Dodoy ay humintong ilang sahlit. Si Isagani ay nakamulaga na sa kanya at buong pananabik na naghihintay sa mga susunod niyang salaysay. “Ang pagkakataong iyon ang sinamantala ni Kadyo. Sa tulong ng dalawa pang taga-Pukol ay tinangka niyang agawin si Iday. Nguni’t si Iday, ang dalawang matanda at ang bata ay nanalabag mabuti. Ang sunod-sunod na tili ay umalingawngaw sa kabukiran. Si Kadyo ay nabigo. Wala siyang nagawa kundi makapagnakaw ng isang halik sa pisngi ni Iday.” Malamig ang gabi, nguni’t naramdaman ni Isagani na nag-iinit ang buong katawan niya. Di kinukusa’y naipaypay niya ang kanyang basing sambalilo. “Hanggang nang makarating sila sa bahay ng amain ni Iday ang dalawang matanda ay walang tigil

17 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

nang kakukurus. Si Iday ay lagging nakatungo at iyak nang iyak. Para bang katiting nng pagkababae ay walanang natira kay Iday. Kinabukasan, madalingaraw pa, ay napahatid na sila sa bahay na bato. Ang dalawang matanda ay tila di pa nangangawit sa kakukurus. Nang umagang yaon ay nagpunta ako sa bahay na bato. Hindi ko sila nakauusap. Si Iday ay malimit magtangkang humingi ng awa sa Mahal na Birheng nasa kanyang silid. Nguni’t hindi siya makatitig sa banal na larawan. Nahihiya siya.” Si Isagani ay pinagpupusan na. “Alam mo namang maging noong magkasintahan na kayo ni Iday ay hindi pa kayo tinutulutang magkalapit ni magkaniig na mabuti. Si Nana Upeng ay laging kumakatlo sa inyo. Ang nangyari sa Puktol ay lalong nagpapanglaw sa bahay na bato. Si Tata Densiyo, na ama ni Iday, ay naghasa ng itak. Ngunit ang itak na ito ay hindi na niya nagamit sapagkat nakapamagitan ang tininti sa Puktol, na kababata ni Tata Densiyo. Pinagkayarian na lamang na ikasal si Iday at si Kadyo. Si Iday ay hindi na nakapagpaabot-sabi sa iyo dahil sa napakalaking hiya niya sa iyo dahil sa napakalaking hiya niya sa iyo. Ni sa akin ay nahiya na siyang humarap. “Sukdol na yata sa langit ang pag-ibig ni Kadyo kay Iday kaya ni ayaw halos niyang pahipan ito sa hangin. Nuno naman siya ng pagkamapanibughuin at malimit na napagbubuhatan ng kamay ni Iday, bagay na ipanagiging lubhang kasakit-sakit ng kalagayan nito. Ang ibig yata niya ay Makita niyang si Iday ay kanyang-kanya ganap na ganap, ang katawan, ang kaluluwa, ang buong katauhan. Ang nakapagtataka, masasabi nating nakatatawa pa, ay ang pangyayaring ikaw ay isa sa mga napag-iitingang panibughuan ng tinamaan ng sanlibong kulog. At sapagkat hindi naman siya maalam sumulat ni bumasa ay naninilaw na kaagad sa

panibugho ang kanyang mga mata kung nakikita niyang si Iday ay may binabasang sulat. Hindi na tuloy ako nakikipag-usap kay Iday at baka sapantahain ni Kadyo na ako ay nagsisilbing tulay ninyo ni Iday, ay matikman lamang niya ang dinaranas ng mga manok na sasabunging walang awing sinasakal at ipinaghahampasan ni pareng Ador kung ito ay nalalasing matapos matalo sa sabong. Sa kasamaangpalad (maaaring kabutihang-palad) ay hindi sila nagkaanak.” Nadama ni Isagani na ang poot na sampung taon nang nag-aalab sa kanyang dibdib ay naglalagablab ngayon, ngunit gumagapang sa ibang landasin. Halos mapilitan na siyang mabulalas upang bigyang-laya ang isang damdaming ganoong bago pa lamang nag-aalimpuyo ay tila kay tagal nang nakukuyom. Ngunit ang paningin niya ay biglang naganyak ng dalawang aninong mabilis na naglalakad sa daan sa tapat ng kinaroroonan nila ni Dodoy. Ang magkaibigan ay halos magkasabay na napatayo. Madali nilang nakilalang ang dalawang aninong yaon ay kina Doktor Fronda, ang kaisa-isang manggagamot sa kanilang nayon, at tandang Anong, na kapitbahay ng mga tagabahay na bato. “Tila patungo sila sa bahay na bato,” ang puna ni Dodoy. Ang dalawang anino ay sinundan ng tanaw ni Isagani. “Mula nang mamatay sina Nana Upeng at Tata Densiyo ay diyan na sa bahay na bato lumipat sina Iday at Kadyo,” ang wika ni Dodoy. At matapos niyang tpunan ng tingin ang kinawalan ng dalawang aninong tila may hinahabol ay bigla niyang hinarap si Isagani. “Insan, nangangamba ako. Si Iday ay kung ilang lingo nang may sakit. Natawag na ni Kadyo ang lahat nang batikang albularyo rito. At ngayon ay patungo sa bahay na bato si Doktor Fronda. Si Kadyo

18 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

ay hindi tatawag ng doctor kung makaaasa pa siya sa sinasamba niyang mga albularyo…” Kasunod ng pagkawatas ni Isagani sa mapanglaw na kahulugan ng mga pahiwatig ni Dodoy ay tinundos ng pangamba ang kanyang dibdib. Kapagdaka’y tinalima niya ang damdaming nagbubunsod sa kanya sa pagdalaw sa bahay na bato. Ang kanyang basing sambalilo at panguhang-larawan ay iniwan niya sa isang baitang ng hagdang kawayan. Ang mga pagpipigil at mapiling pag-aanyaya ni Dodoy upang maghapunan muna siya ay ni hindi man lamang yata sumapit sa kanyang pang-ulinig. Sinapupo siya ng matinding pananabik na makita si Iday, kahit sila lamang. Natitiyak na niyang ang sampung taong pagkakalayo at pagsisikap na makalimot ay hindi makaaapula sa apoy ng dakilang pag-ibig. Ilang saglit siyang napatigagal sa harap ng maputing krus na nakaguhit sa malaking pinto ng bahay na bato. Nang makapaglakas-loob siyang kumatok ay tila natakot pa siya na nalikha niyang ingay. Nainip siya sa paghihintay ng tugon. At natakot naman siyang makarinig na muli ng kanyang katok. Ang langitngit ng malaking pinto, nang ito’y pangahasan na niyang buksan, ay lumikha ng bahagyang panginginig ng kanyang laman. Nakaramdam siya ng panggimanlaw samantalang tinatahak niya sa silong ang karimlang hinihiwa ng malamlam na sinag na naglalagos sa mga siwang ng sahig sa itaas. Nang makapanhik siya’y bahagya na siyang nakapagmagandang gabi po sa mga taong inabot niyang nag-aanasan sa bulwagan. Ang “Aba, narito ka pala,’ “Kailan ka pa, Isagani?,” Paano mo nalaman?,” “Paano ka nakaparito?,” “Tuloy ka, nasa loob siya,” “Kumusta ka,” na pumulas sa mga labi ng mga dinatnan niya, ay ginanti lamang niya

ng ilang tango, ilang pilit na ngiti, at ilang putulputol na kataga. Tila nagbabantulot siyang pumasok sa silid. Lalo siyang namanglaw nang makapasok siya. Ang mga humpak na pisngi at ang yayat na katawang nakaratay sa isang luma nang hihigan ay tila mga bakas na lamang ng babaing sinasamba niya’y dinala-dalanganin. Ang mga matang tila nakabaon lamang sa pagitan ng mga nakausling buto ng mukha ay tumingin sa kanya, na animoy mangingilalang natatalinghagaan. Sa may ulanan ng hihigan ay nakatitig sa kanya ang Mahal na Birheng nasa isang nahihiyasang munting dambana. Ang banal na titig ay tumino sa kanyang puso. Nasa tabi ng hihigan ang manggagamot. At nakatayo sa piling ng manggagamot ang isang lalaking mahagway, may buhok na nakaligtaan nang pagpalain, may mga matang nanlalalim na’t napaliligiran ng itim, may mga kamay na tila nakabitin na lamang sa mga lupaypay na balikat, at may pangkalahatang anyong kinasisinagan ng isang tauhang hinubog ng mga pamahiin , at ng isang baliw na pag-ibig. Hindi na niya kinailangang dumulang sa kanyang gunita upang makilalang ang lalaking yaong animo’y isang punungkahoy na nakatasan na ng lakas at lusog ay si Kadyo. Sumulak ang kanyang dugo lalo na nang matilamsikan siya ng nag-aapoy na tingin ni Kadyo. Ibig-ibig na niyang ibulalas ang kanyang salaghati sa pamamagitan ng pagpapabagsak ng kanyang mga kamao sa lalaking yaong nagpalihis sa takbo ng dalawang buhay, ng buhay niya at ng kay Iday. Ngunit napuna niya ang banal na titig at ang banal ding larawan ng kanyang matandang pag-ibig. Ang paninimdim niya’y biglang pinutol ng mahinay ngunit tila nakatutulig na pananalita ng mangagamot. “Kailangan natin ang suwero.”

19 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

Nagunita kapagdaka ni Isagani na ang ihahatol ng manggagamot ay siya ring uri ng suwerong nagligtas sa kanyang asawa nang ito ay naglubha noong may ilang buwan lamang ang nakalilipas. “Wala ako ng suwerong kailangan natin,” ang wika pa ng manggagamot. “Wala tayong makukunan kundi ang botika sa bayan. Ngayon ay paano at sino ang kukuha?” Bago nakasagot ang sino man ay humarap si Kadyo sa manggagamot ant ang wika, “Akina ang reseta, doctor.” Nabanaagan ng lahat ang tangka ni Kadyo. Pinagharian ng pangamba ang mga taong nasa silid. “Ngunit mabilis ang agos ng tubig sa ilog,” anang isang tumutol. “Kung ilang gabi ka nang puyat,” anang isa pa. Hindi ka tatagal, Kadyo,” anang ikatlo. Ngunit si Kadyo ay nasa hagdan na at matuling nananaog. Si Isagani ay naiwang matamang nagmamasid sa nakalulunos na larawang tila isang maputlang anino na lamang na nakabalatay sa hihigan. Nababakas sa larawang yaon ang sampung taong pagtitiis sa piling ng isang pag-ibig, at pag-ibig na baliw, na di ginaganti ng kapwa pag-ibig, pag-ibig na bulag, pag-ibig na kahit na marubdob ay malupit naman. Si Isagani sa nabulid sa panimdim. Si Iday ay kailangang mabuhay. Baka sakaling makapagtatamasa pa si Iday ng makababawa kahit bahagya sa kapaitan ng mga dinanas niya sa loob ng nakaraang sampung taon. Kung mabubuhay naman siya upang magpatuloy lamang ng paglasap ng dita ay di buti pang iwan na niya ang daigdig na ito! Ngunit ….Si Isagani ay napatigagal, kinilabutan. Datapwa… kung si iday ay mabubuhay nang malaya…. Halos patakbong tinungo ni Isagani ang hagdanan. Halos patakbo ring sinundan niya si

Kadyo sa ilog. Sa sampung taong pagiging mamamahayag niya ay nakasaksi na siya ng iba’t-ibang uri ng kamatayan, na lahat ay pawang pangit, pawing nakalulunos, pawang naka hahambal, pawong nagpapatunay sa karupukan ng hiblang kinabibitinan ng buhay ng tao. Ngunit ngayon ay nakikilala na niyang mayroong ding kamatayang maganda, kanais-nais---ang kamatayang magiging dahilan ng pamamanaag ng isang bagong pag-asa. “Ngunit mabilis ang agos ng tubig sa ilog,” Kung ilang gabi ka nang puyat,” “Hindi ka tatagal, Kadyo.” Ngayon lamang siya makangingiti sa harap ng kamatayan. Ang lagaslas ng kulay-lupang tubig sa ilog ay naging mga awit sa kanyang pandinig. Ngunit siya’y nanggilalas at bahagyang nasiraan ng loob nang sa tanglaw ng tila nagpapasuyong liwanag ng buwan ay matanaw niyang si Kadyo ay nakikipagtunggali sa nagngangalit na tubig at malapit na sa kabilang pampang. Ang nais sana niya’y makitang sinusupil si Kadyo ng namimiyapis na tubig, nais sana niya’y matamasa ang kaaya-ayang tanawing idinudulot ng isang kanais-nais na kamatayan, upang pagkatapos ay siya naman ang tumawid at kumuha ng gamot, yayamang natatandaan niya ang pangalan nito. Nanggilalas siya, pagkat si kadyo ay nakapagpapamalas pa ng katangi-tanging tiyaga at lakas, ganoong pinapanghina na ito ng sunud-sunod na pagpupuyat at ng malabis na pag-aalaala. Ang naultaw na ulo ni Kadyo, pagkaultaw na nakabibigat sa isang lumalangoy, ang kanyang sikad-palakang lubhang kapagal-pagal, at ang galaw ng kanyang mga kamay, sa pagkayod sa ilalim at pagkampay, sa itaas, na umuubos ng labis ngunit naaaaksayang lakas ay boung pagtatakang tinanaw ni Isagani. Ano kayang kapangyarihan ang nagbibigay kay Kadyo ng ganoong katangi-tanging lakas ? Ang

20 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

kanya kayang baliw na pag-ibig? Ang buhay-bukid kayang humuhubog ng matipuno’t matibay na katawan? Nang umahon si Kadyo sa kabilang pampang ay napaupo na lamang si Isagani sa isang malaking bato at natabunan ng kasirang-loob. Ang mga ulap sa itaas ay naghahabulan sa harap ng buwan. Humuhugong ang ilog sa mabilis na pag-agos ng tubig at sa pagdaluhong nito sa malalaking bato at sa bumagsak na tulay. Kung makababaklas lamang si Iday sa tanikalang ipinupulupot sa kanya ng isang malupit na pag-ibig! Sa kabilang pampang ay isang maitim na anino ang sumlpot at lumusong sa ilog. Si Kadyo ay nakakuha na ng gamot. Ang nagngangalit na tubig ay muling sinagupa ni Kadyo. Sa pagkakataong ito ay lumangoy siya ng patihaya, na walang inilalaban sa tubig kundi ang dalawang paa at ang kanang kamay, samantalang ang kaliwa ay nakataas at hawak ang malaking balutan ng gamot. Nangangapos ang hininga ni Isagani samantalang si Kadyo ay napapalapit nang napapalapit sa batuhang katabi ng kinaroroonan niya. Ibig-ibig na niyang tumalon, agawin ang gamot, at ilubog si Kadyo. Si Isagani ay napatayo saka biglang nanlupaypay nang makita niyang si Kadyo ay sumapit sa isang malaking tipak ng batong nakausli sa ibabaw. Napuna ni isagani na si Kagyo ay humihingal at pinapanawan na ng lakas. Kapagdaka’y nanulay sa hanay ng mga batong nag-usli pa nang bahagya sa tubig at tinungo niya ang malaking tipak na kinasasasalayan ng mahalagang gamot. Pagkaraan ay nagmamadali siyang nagbalik sa pampang at tumayo sa gilid nito. Sa may paanan niya ay nag-aalimpuyo ang tubig na wari niya’y nakikiapid sa kanyang lihim na hangarin. Gumitaw sa kanyang mga labi

ang isang umis na lipos ng tiwaling kasiyahan nang malingunan niyang ang mga kamay na nakakapit na malaking tipak na bato ay humuhulapos at nahihilang pailalim sa tubig. Makailang saglit pa’y unti-unti nang natatangay ng agos ang lupaypay na katawan ni Kadyo, na kaya lamang di maanod na madali ay sapagkat nasasadlak sa malaking batong nag-usli sa tubig na malapit sa pampang. Ngayon ay nasasaksihan na ni Isagani ang isang pagkaganda-gandang kamatayan! Ang katawang inulila na yatang ganap ng lakas ay naagaw na ng namimiyapis na tubig. Ang ngiting sumungaw sa mga labi ni Isagani ay namalaging tila nakaguhit na palagian sa kanyang anyo. Ngunit pagkailang saglit, ang ngiting ito ay dagling naglaho. Ang kanyang katauhan ay ginigiyagis ng damdaming makatao. Saka sa kanyang mga balintataw ay itinudla ng banal na titig ng mahal na larawang nasa munting dambana ang karayagan ng mga katotohanan: ang kanyang asawa, ang kanyang anak, ang magkaibayo nang daigdig nila ni Iday, at ang pag-ibig ni Kadyo, pag-ibig na bulag man at baliw ay maaari pa ring mamulat, at magtanaw-siliw. Pagkailang iglap, ang kulay-lupang tubig ay umalimbukay sa bagsak ng isang matipunong katawan.

21 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

Suyuan Sa Tubigan
Macario Pineda Sumusilip pa lamang ang araw nang kami’y lumusong sa landas ng patungo sa tubigan ni Ka Teryo. Nakasabay namin si Ka Teryo. Nakasabay naming si Ka Albina, na kasama ang dalaga niyang si Nati at ang kanyang pamangking si Pinang. Ang tatlo’y may sunong na mga matong ng kasangkapan at pagkain. “ Ang Ka Teryo mo’y hindi makalulusong. Masidhi na naman ang kanyang rayuma,” wika ni ka Albina sa akin. “Kung di nga lamang lubugin ang tubigan naming yaon ay naurong sana ang pasuyo naming ngayon. Mahirap ang wala roon ang Ka Teryo mo.” “Maano naman ho iyon,” tugon ko. “Nariyan naman si Ka Ipyong at si Fermin.” “Ilan ang natawag ninyo, Ka Albina?” tanong ni Ore. “Aanim pa kaming nagkakasabay-sabay ngayon.” “Wika ni Ipyong ay baka raw umabot sa dalawampu kayong lahat.” Nilingon ni Pakito ang dalawang dalaga. “Kaya pala mukhang mabigat ang mga matong iyan. Kayraming pagkain marahil,” wika niya. Nagtawa si Nati. Tila nga naman nagpapahiwatig ng malaking gutom ang pananalitang yaon ni Pakito. Si Pilang ay walang imik at tila matamang pinagmamasdan ang landas na tinatalunton. Magaganda ang mga paa ni Pilang. Ilang sandaling pinagmasdan ko ang kanyang banayad na paghakbang. Sinutsutan ni Pastor ang kanyang pinauunang kalakian hanggang maagapay siya kay Nati. “Aling Nati,” wika niyang nakatawa, “ako na hu sana ang pagsunungin ninyo ng matong na iyan.”

Nagtawanan kami. Sinulyapan ni Nati si Pastor. “Salamat ho,” tugon niya. “Diyan hu lamang sa araro at kalabaw ninyo ay napuputot na kayo, magsusunong pa kayo ng matong. Nais ba ninyong matambak?” “Bakit hindi mo akuing sunungin ang matong ni Pilang?” wika ni Pakito. “Si Nati ba lamang ang pinahahalagahan mo?” Lalo kaming nagkatawanan. Si Pastor ay halos pagulantang na tumanaw kay Pakito. At lumingon si Ka Albina sa amin- alangang matawa, alangang magalit ang anyo ng kanyang mukha. Pinamulahan ng mukha si Pinang nguni’t kahi’t isang ngiti ay wala siyang isinalo sa ming katuwaan. Patuloy ang banayad niyang paghakbang. At tila lalong mapuputi ang kanyang mga binti sa ibabaw ng putikang landas. Si Ore ay napansin kong dahan-dahang nagpapatihuli. Nang lingunin ko siya ay napansin kong tila may malalim na iniisip ang binata ni Ka Inso. Nang kami’y dumating sa tubigang aararuhin ay malapit nang makatapos ng pagtitilad si Ka Ipyong at si Fermin. Sa hindi kalayuan ay natanaw naming dumarating sina Ka Punso, Ka Imong, Toning, Ilo at Asyong. Sa malayo ay may ilan nang dumarating na hindi naming mapagsiya. Tinigilan ni Filo ang kalabaw ni Fermin. “Tila pusang nanunubok kung humila ang kalabaw ni Fermin,” wika niya sa amin. “Mangyari’y isang buong tag-araw na hindi nilubayan iyan sa kariton,” wika ni Pastor. “Kung sa hininga ko’y hindi ko. . . .” “Mangyari’y nagpagawa naman ng bahay si Fermin,” pagtatanggol ni Pakito. “Hayan nga naman, mayroon na silang bahay!” “Parang bakal naman ang kalabaw na iyan,” wika ni Ore. “At saka matakaw pa. Kupi kasi ang sungay kaya matigas.”

22 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

“Siyanga,” ayon ni Yoyong. “Talaga namang ibang-iba ang mga hita ng kalabaw na iyan.” Pinagmasdan ko si Bonita ko. “Paano kaya ang matsora ko?” Huwag di mahirapan ay ayaw nang kumain. Ayaw magtakaw.” “Bayaan mo na,” wika ni Filo, “matakaw rin lamang ng darak.” Nalingunan ko si Pastor nanakaupo sa tabi ni Pilang at tumutulong sa dalaga sa pag-aayos ng mga kasangkapang gagamitin. “Huwag na, Pastor,” wika ng dalaga. “Piniritong kamote at kape lamang naman ang ihahain. Kaya na namin ni Nati iyan.” “Bakit mo naman tinatanggihan ang aking pagtulong?” tanong ni Pastor. Nang yumuko si Pilang upang hanguin ang iba pang mga kasangkapan ay nakita kong sumulyap ang binata sa dibdib ng dalaga. Nilingon ko si Ore. Ang binata ay nakaupo at tula ang kanyang guyurang pinagdugtong lamang ang kanyang nakikita. Mapulang-mapula ang mukha ni Ore. Nang dumating si Ka Punso ay ang kalabaw ni Asyong na bagong bili ang aming pinagkulumutan. Walang malamang tugunin si Asyong sa aming mga pagtatanong. “Dalawa’t kalahati nga ba iyan, Asyong?” “Mabuti ba sa tubigan?” “Tila maliksi! Mainam ang mga baraso.” “Tuyong-tuyo ang mukha.” May ilalabas ang kalabaw na iyan.” “Hindi naman lubhang malaki, ano?” “Ano kaya, maiharap kaya natin iyan sa kalakian ni Ka Pedro?” “Saan mo nabili, Asyong?” “Sino ang kasama mong pumili?” “Si Ka Punso yata nag kasama niya,” wika ni Ka Imong. Nilingon naming si Ka Punso na hindi nakikisalamuha sa aming pagkakagulo sa kalabaw ni Asyong. “Hoy, tsip,” wika naming, “kaya ka pala nagmamalaki ay ikaw ang may tuklas nito, ah.”

Nagtawa si Ka Punso. “Paano pa. Sa lagay ba’y asin ko na’y lako ko pa?” At nagtawanan kaming lahat. “Halina kayo,” tawag ni Ka Albina sa amin. “Nakahanda na ang kape. Magpainit muna kayo ng tiyan.” Gumawi ako sa dalawang dalagang nag-aabot ng nga tasa ng kape at mga pinggan ng piniritong kamote. “Maari na ba akong maging serbidor diyan? wika ko kay Nati. Bigla akong inabutan ni Nati ng isang tasang kape. “Kumain ka na lamang, lalaki ka. Tinawag ka rito upang mag-araro, hindi upang mag-serbidor.” Lumapit si Pastor kay Pilang. Kitang-kita ko nang abutin niya ang tasa ng kape at kusa niyang sinapupo ang mapuputing daliri ng dalaga. Kaunti nang maligwak ang kapeng mainit. “Salamat,” wika pa ng saragateng si Pastor. Kumislap ang mga mata ni Pilang nguni’t hindi siya nagsalita gaputok man. Lumapit si Ore sa aking kinatitingkayaran. Mayroon pang isang tasang kape na tinimplahan ni Pilang ng asukal. Akal ko’y kay Ore ibibigay yaon. Nguni’t si Ore ay kay Nati lumapit. Si Nati ang nagbigay ng kape at kamote kay Ore. Habang nagkakainan kami ay pasulyap-sulyap ako kina Nati, Pilang, Ore at Pastor. Makailang nagpalitan ng mga makahulugang titig sina Nati at Ore. Si Pastor ay laging kay Pilang nakasulyap. Ang dalaga naman ni Ka Ato ay laging nakatungo sa kanyang ginagawa. Nguni’t nang minsang mahuli niyang sa kanya nakatitig si Pastor ay pinamulahan siyang gayon na lamang ng mga pisngi. At dagli niyang inayos ang kanyang saya upang matakpang mabuti ang kanyang binti. Pagkatapos ng kainan ay nagsipagsingkaw na kami. At siyang pagdating ni Pekto. Nagpapatakbo ng kalabaw na nakasingkaw na sa araro ang binata ni Ka Gabino. At humihiyaw, “Kaunti na akong mahuli sa

23 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

pista . . . . kaunti na akong mahuli . . . “ Kaysaya ni Pekto at kay liksi niya sa pag-aangat ng kanyang araro kung nilalampasan niya ang mga pilapil. Si Pekto ang may sabi sa akin na kung mayroon daw suyuan sa tubigan ay tila may pista ang mga magsasaka. Makisig dangan kasi ang kalakian ni Pekto. Naunang nagpalakad si Ka Punso. At kami’y nagsunud-sunod. Ikalabilima ako sa hanay. Ang sinundan ko’y si Ka Imong. “Huwag muna kayong bubugaw. Bayaan muna nating mag0init-init ang ating mga kalabaw,” wika ni Ka Imong. Nilingon ko sina Ore at Pastor. Nahuhuli sila nang isang unay-suga sa amin. Ang dalawa’y tila nagkakahiyaang di ko mawari. Nang tanawin ko ang dalawang dalaga ay nakita kong nanonoood sila ng tila paradang ayos ng aming mga kalabaw. Nakalimang likaw muna kami bago bumugaw si Toning . Nang matilamsikan ng putik si Pilo ay bumugaw na rin ito. At nang maramdaman ni Asyong at ni Ka Punso ang kulusan ng kanilang likuran ay lumingon ang dalawa. Nakatawa si Ka Punso. At ang kanyang kalabaw ay tila nakikimatyag. Sanay na sanay sa mga katuwaan ng suyuan ang kalalabw na iyon. Si Uwing, na pagdating ay nagtilad na sa ikatlong pitak, ay humiwalay sa amin. “Arya na kayo. . . arya na . . .” hiyaw niya. Tila ko nakikita kahi’t mula sa malayo ang dalawang ngiping usos ni Uwing. Para kong nakikitang ang dalawang ngiping yaon ay tatawing-tawing sa kanyang pagsasalita. Nagunita ko tuloy ang mga ngiping pantay –pantay ni Pilang, mapuputi at nagkikislapang anaki’y nakar. Nilingon ko sina Ore at Pastor. Tila nagkakahiyaan pa rin ang dalawa.

Binanat ni Ka Punso ang kanyang pamitik. Umigpaw ang kanyang kalakian. Sinutsutan ni Asyong ang kanyang bagong bili. Nagpitikan kami ng aming mga kalabaw. Nagbugawan kami. Nag-umalon ang mga kalamnan ng mga hita ng aming mga katulong. Sumasagisit ang sudsod kung bungkalin ang malagkit na putik. Halos kumalabog ang lupa kung ibaligtad ng lipya. At nagtayo ang mga ulo ng aming mga kalabaw. Tila nahahalata ng aming mga katulong na hindi nila dapat isubo sa kahihiyan ang kanilang mga panginoon. At sa gayon ay madaling natapos ang malaking pitak na nilusungan naming. Gayon man ay matas-taas na rin ang araw nang kami’y lumipat sa pitak na tinilad ni Uwing. “Halina muna kayo,” hiyaw ni Ka Albina. “Magminindal muna kayo bago simulan iyan.” “Nariyan na kami,” hiyaw ni Ka Punso, sabay pitik sakanyang kalakian. Sunod-sunod kaming pumitik, nagbugawan kami, naghiyawan kami. Nagpanakbuhan ang mga kalabaw. Sumagitsit ang tubig, tumitilapon ang putik, kumikislap ang mga sudsod at lipya sa liwanag ng araw. Kay-saya ng aming hiyawan at tawanan. At namamaibabaw ang tinig ni Pekto. “Pista . . . pista ng magsasaka.” Kaning mainit, bukayong niyog at adobong manok ang aming minindal. Nagmamadali tuloy ako ng pagkakalag kay Bonita. Nguni’t nang magkakainan na kami ay saka lamang naming napansing sina Pastor, Ore at Tinong pala ay kasalukuyang nagsusubukan sa ikatlong pitak. Nauuna si Pastor, sumunod si Ore, nasa hulihan si Tinong. “Salbaheng talaga iyang si Tinong,” wika ni Ka Punso. “Tiyak na siya ang nagbuyo sa dalawa. Nagkakainisan ba ang dalawang iyan?” Lumingon si Asyong.”Hindi naman yata. Wala akong napapansin.”

24 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

Malimit ang hiyaw ni Tinong sa kanyang kalabaw nguni’t sina Pastor at Ore ay walang imikan. Banat na banat ang kanilang mga pamitik, pigil na pigil ang mga ugit ng kanilang mga araro, nag-uumalon ang mga kalamnan sa mga hita ng kanilang mga kalabaw. At sumubo lamang ng pagkain ay nasa malayo ang aming isip at mga mata. Sinulyapan ko ang dalawang dalaga. Nakatawang nanunuod si Nati. Si Pilang ay nakatungong kung anong may inaayos. Bahagya na siyang mapasulyap sa tatlong nagtatawanan. “Noong araw na si Juana ay aking nililigawan ay nagkatagpo kami niyong taga-Dalig sa pasuyo ni Tandang Lucio sa Nabao,” wika ni Ka Punso. “Alam kong nais niyang gumiri kay Juana. Maganda ang kalabaw ng taga-Dalig na yaon. Ang gilas ng tindig - kung masisindakin ka’y sasabihin mong mahirap girian nang gayun-gayon lamang.” Kumislap ang mga mata ni Ka Punso. Mangyari pang di si Pekto ang hahabol sa pangyayari. “Ano ang nangyari, Ka Punso?” tanong ng binata ni Ka Gabino. “Nagkahiritan ba kayong mabuti?” “Nahuhuli ako. At sampung likaw na yata ay hindi ko pa mahalataan ang kalabaw niya. Ang kalabaw ko naman ay napapansin kong ibig nang tumigil bumubula na ang bunganga. Palagay ko’y abot na ang hingal.” Tinanaw ko ang tatlong nagsusubukan. Naiiwan na si Tinong. Nagkakabuntutan pa rin ang mga kalabaw nina Ore at Pastor. “Noong nakadadalawampung likaw na kami marahil ay pinilantik ng taga-Dalig ang kanyang kalabaw. Akala niya marahil ay maiiwan na ako. Sa pilantik niyang iyon ay akalain ninyong biglang mahiga ang kanyang kalabaw? Kaylalim ng labak na ginawa.” Kaylakas ng halakhak ni Pekto.

“At ang kalabaw mo, Ka Punso,” tamong ko, “hindi ba nahirapan?” Nagtawa ng malakas si Ka Punso. “Anong hindi nahirapan? Ang sabihin mo’y ayaw man lamang tumayo kinabukasang ipagsuyod ni Ama. Kaunti na akong hambalusin ng urang ni Ama.” Lalong napalakas nag tawanan. Tinamaan tuloy ako ng isang butyl na kaning nanggaling sa bibig ni Ka Punso. Patuluyan nang tumigil si Tinong. Pinanood na lamang niya ang nagtatakaran. May labinlimang likaw na ang kanilang nadaraanan ay hindi pa nakakahiwalay ang dalawa. Napabuntong hininga ako nang pilantikin ni Ore ang kanyang kalabaw. Mula sa kinauupuan naming ay tila ko nakikita ang mukha ni Ore – kunot noo, tiim ang mga ngipin, tikom ang mga labi, pigil na pigil ang ugit ng araro at halos masugatang kaliwang palad sa pagbanat sa panitik nagpaanagat ako sa bawat hakbang ng kalabaw ni Ore. Batid kong ang buong lakas ng kaisipan ni Ore ay nakatuon sa likuran ng kanyang kalabaw. At sa wari’y isang malikmatang gumuhit sa balintataw ng aking mga mata ang mga lihim ng dulang nangyari na sa paligid-ligid ng mga tubigang yaon: si Ka Punso’t si Ka Juana, si Ka Imong at si Ka Marta, si Fermin at si Gundang, si Asyong at si Auring, si . . . – mga pasalising tagpo sa malaki’t lalong makbuluhang dula ng buhay. Muling pumilantik si Ore. Umigpaw ang kanyang kalabaw. Nakatawang lumingon si Pastor. Hindi pa siya pumilantik ay nakadadalawa na si Ore. Nilingon ko si Nati. Ang dalaga ni Ka Albina ay napatunganga sa panunood ng pagsusubukan. Si Pilang ay nakatungong naglilinis ng mga pinngan. Mapulangmapula ng pisngi ng dalaga. Pumilantik si Pastor. Umigpaw ang kanyang kalabaw. Unti-unting naiiwan si Ore. Ngunit ang kalabaw nito ay lalong nag-munat. Tila may isip ang

25 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

kalakian ni Ore sa pagsunod sa kalabaw ni Pastor. Isang pamitik na ang agwat ni Pastor kay Ore. At damak-damak na palayo si Pastor. Naghihiyawan kami. Pumilantik si Ore at sinabayan ng isang sutsot. Lalong nag-umalon ang mga kalamnan sa mga hita ng kanyang kalabaw. Umigpaw ang kalakian. Muling pumilantik si Ore. Lalong bumilis ang hakbang ng kanyang kalabaw. At sa layo nang dalawang unat-suga ay unti-unting umabot si Ore kay Pastor. Isa pang pilantik. Bumubula ang bunganga ng kalakian. Yuko na ang ulo at ang lahat ng lakas ay ibinigay na. Lalo kaming naghiyawan. Lumingon si Pastor. Nakita niyang umabot na sa kanya si Ore. Itinaas ni Pastor ang kanyang pamitik. Sinutsutan niya ang kanyang kalakian. At saka sinabayan ng isang makalatay na pilantik. Umigpaw ang kalabaw. Lalo namang nag-umunat ang kalakian ni Ore. Mayroon pa kayang lakas ang bumubuntot na kalabaw? At naghiyawan kami nang malakas nang aming makitang pagkatapos ng ilang makalagot-litid na pagpupumilit ay biglang tumigil ang kalabaw ni Ore. Talagang makisig ang kalabaw ni Pastor. “Magkalag muna kayo,” hiyaw ni ka Punso. “Naghihintay ang pagkain . . . . Pastor, magkalag muna kayo.” Tumigil si Pastor. Kinalagan ang kanyang kalabaw. Pagkatapos masabuyan ng tubig ay nakatawang lumapit sa amin. Nilalamas pa ni Ore ang batok ng kanyang kalabaw na abut-abot ang paghingal. Inabutan ni Pilang ng pinggan ng pagkain si pastor. Namumula ang pisngi ng dalaga. “Ore,” hiyaw ko, “halika na. Kumain ka na at ako na ang magsasaboy ng tubig sa kalabaw mo.” Dahan-dahang lumapit sa amin si Ore. Mapulangmapula ang kanyang mukha. At paulit-ulit niyang

ikinukuskus ang kanyang mga palad sa kanyang pantalong maong. Malinis na malinis na ang mga palad ni Ore ay kuskos pa rin siya ng kuskos. Naisip ko tuloy: mayroon kayang putik sa kanyang mga palad na siya lamang ang nakakakita? “Talagang matigas ang kalakian ni Pastor,” wika niya. Naupo si Ore, ilang hakbang ang layo kina nati at Pilang. Tinanaw ko si Pastor – kumakain na siya sa tabi ng dalawang dalaga. Nang ako’y tumayo upang tunguhin ang kalabaw ni Ore, nakita kong palapit si Pilang sa binata. At doon sa kinauupuan ng binata – ilang hakbang ang layo sa karamihan – doon siya dinulutan ni Pilang. Ano kaya ang kanyang sinasabi kay Ore? Nang ako’y muling tumanaw mula sa aking pagsasaboy ng tubig sa humihingal na kalabaw ay nakita kong tila naibsan na sa hirap si Ore. At muila sa kinatatayuan ko, ang mga binti ni Pilang ay tila lalong mapuputi.

26 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

Alfredo S. Enriquez Ang balbasing Hapon ay nakaluhod nang tuwid. Ang kanyang ulo ay nakayuko at nakalantad sa matinding init ng araw. Ang kanyang mga kamay ay nakabaliti: nagagapos ng matibay na baging. Mula sa kanyang ulo ay malalaking butil ng pawis ang lumalanggas sa aknyang mukha at liig at nawawala sa ilalim ng kanyang makapal na unipormeng lana. Isa siyang sarhento sa Hukbong Imperyal ng bansang Hapon. Nang madaling-araw ng umagang iyon ay apat silang kawal na napahiwalay sa kanilang malaking pangkat na umurong sa walang humpay na pagsakay ng mga kawal Amerikano at gerilyang Pilipino sa kanilang pinagkukutaang yungib. At ngayon ay bihag siya ng pangkat ng gerilyang Pilipino sa kanilang pinagkukutaang yungib. At ngayon ay bihag siya ng pangkat ng gerilyang nakasagupa nila sa kabundukan. Siya lamang ang nalabing buhay. Sa kanyang pagkakaluhod ngayon ay hinihintay niya ang kamatayang natitiyak niyang darating. Nakapaligid sa kanya nang pabilog ang mga gerilyang uhaw sa dugo ng kaaway.Nakatuun sa kanya ang mga matang mababalasik, namumuhi. Ang malaking espadang samurai na nakuha nila sa bihag ay itinaas ng dalawang kamay ni Anong. Hinintay niya mula sa kanilang pinakapuno, kay Tenyente Clores, ang babala nito sa pagpugot ng ulo ng kawal na Hapon. “Huwag muna natin siyang patayin. Lamugin natin siya sa palo at atin munang pahirapan!” sabi ng isang gerilya sa tinig na marahas at kinababakasan ng masidhing pagkauhaw sa pahihiganti.

Ang Ulo

“Ang mabuti ay dukitin natin ang mga mata o pasuin kaya natin ng nagbabagang bakal hanggang sa mabulag!” udyok naman ng isa. “Putulin ang dila!” ang sigaw ng isa pa, at ito ay dinampot ng maraming tinig. “Putulin ang dila! Putulin ang dila!” ang sigawan ng marami. “Ako ang puputol ng kanyang dila!” ang sigaw ni Anong, at sinunggaban niya ang nakaluhod na Hapon at ito ay pilit na itinindig. Ang pagkamuhi ni anong sa mga Hapon ay may dahilan: isang kapatid niya ang pinutulan ng dila ng mga Hapon (noong ang kapatid niya’y tumangging ituro ang mga gerilya) hanggang sa mamatay sa pagkawala ng maraming dugo. Ang apoy ng paghihiganting naglalatang sa kanyang puso ang nagtaboy sa kanya upang mamundok na kasama ng mga gerilya. “Ilawit mo ang iyong dila!” ang mabalasik niyang utos. Pinisil ni Anong sa liig ang bihag. Ang matigas na mukha ng Hapon ay hindi nagbago. Siya ay umiling. Pinagpantingan ng taynga si anong sa pagsuway na iyon ng inatasan. Matinding tampal ang ibinigay ni Anong. “Ibuka n’yo ang bibig!” sigaw ni anong sa mga kasama. Dalawang lalaki ang nagtulong sa nagpupumiglas na Hapon. Malalakas na daliri ang pumisil sa kanyang mga sihang at pilit na ibinuka ang bibig ng bihag. Dinukot ni Aong ang dila ng Hapon at iyon ay pinutol ng kanyang tangang samurai. Isang malakas na tili ang pumailanlang sa kabundukan at ang kawal-Hapon ay nawalan ng malay. Sa kanyang bibig ay bumukal ang dugo. “Hayaan ninyong matauhan at dukitin naman natin ang mga mata!” ang tila hindi pa nasisiyahang sulsol ng isa.

27 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

“Tama na ‘yan,” ang atas ni Tenyente Clores. Nakaramdam siya ng tila pagkahalukay ng kanyang sikmura nang putulin ni Anong ang dila ng bihag. Itinapon ni Anong sa malayo ang pinutol na dila at ang kanyang duguang kamay ay ipinahid sa damuhan. Isang kawal ang nagbujhos ng tubig sa nakahandusay na bihag. Ito ay muling nagkamalay at ang daing na nagmula sa duguang bibig ay humal; tila hindi tinig ng isang tao. Pamuli siyang pinaluhod sa madamong paltok na natinaan ng sumasangoy na dugo at nang muling itaas ni Anong ang samurai ay pakutya niyang tinanong ang nakaluhod: “Ano, wala ka bang sasabihin bago ka mamatay?” Naghalakhakan ang mga kasama ni Anong. Kaygandang biro!” Tanging si Tenyente Clores ang nanatiling walang imik. Sa pamamagitan ng isang tango ay inihudyat ng Tenyente kay Anong ang pagpugot ng ulo: Ang malalim at mabigat na samurai ay mabilis na bumaba. Ang ulo ay bumagsak sa lupa, at iyon ay gumulong sa padahislis na paltok hanggang sa masalalak sa isang malaking batong nasa pagitan ng dalawang puno ng niyog. Ang walang ulong katawan ay pasubsob na bumagsak sa damuhan. Mula sa putol na liig ay bumubulang dumaloy ang masaganang dugo. Ang katawan ay pumitlag na minsan, tulad ng isang nagkikisay na manok at pagkaraan ng ialng saglit ay nanatiling hindi gumagalaw. Iniutos ng Tenyente na ibaon ang bangkay, at ang ulo, ngunit pamuling tumutol ang kanyang mga kawal. “Ilibing natin ang katawan , ang ulo ay iuwi natin sa bayan. Matutuwa ang taong-bayan. Sa gayon

ay makakadama sila ng bahagyang pagkakapaghiganti sa mga nagpahirap sa atin” Ang pinuno ay sumang-ayon sa kahilingan ng kanyang mga tauhan. Nalalaman niyang hindi niya mapipigil ang pagkauhaw nila sa paghihiganti maging gaano man kalupit iyon. Isang mababaw na hukay ang pinagbaunan sa walang ulong katawan. Si Anong ang namahala sa paglilibing sa katawan. Lihim siyang nasisiyahan sapagka’t nalalaman niya na ang hukay ay kukutkutin ng aso at ang labi ay pagbabangayan ng mga iyon hanggang sa magkahiwa-hiwalay at makaluray-luray. Tatapusin ng mga aso ang hindi naming tinapos, ang kanyang naisaloob. Ang mga gerilya ay nagsimula nang bumalik sa mga landas sa kabundukan sa kanilang pag-uwi sa himpilang nasa bayan. Nangunguna si Anong na bitbit sa kanang kamay ang nakabiting ulo. Sa hulihan ay sumusunod si Tenyente Clores. Nagkakaingay at nagkakatuwa ang kanyang mga kawal. Alam niya ang dahilan: mayroon silang maipagpaparangalan sa mga taong-bayan: isang lumang bandilang Hapon na nakuha nila sa bulsa ng isang kawal na kanilang napatay, tatlong baril ng Hapon, tatlong bayoneta, isang sableng samurai at, namumukod sa lahat, ang ulo ng puno ng pangkat na walang nasabi ni isa man. Sa isang batis na kanilang naraanan ay hinugasan ni Anong ang bitbit na ulo. “Nakakahiyang humarap siya ng marumi ang mukha sa mga sasalubong sa atin!” nangungutyang sabi ni Anong. Nagtatawanan na naman ang kanyang mga kasama. Nang dumating sila sa bayan ay sinalubong sila ng maraming tao. Nagsunod-sunod sa kanila ang mga bata at matatandang nagkagulo ng Makita ang ulong bitbit ni Anong.

28 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

Nagtuloy siya sa kanilang himpilang malapit sa munisipyo at sa liwasan. At sa pook na nakikita ng lahat ay ipinatong ni Anong nang patayo sa isang malapad na bato ang ulo ng Hapon. Madaling kumalat na tila apoy ang balitang may pinutol na ulo ng Hapon na nakatanghal sa plasa.at ang mga tao ay hugos na dumating upang panoorin ang di-pangkaraniwang tanawin. Ang ulo ay naging buntunan ng tinimping pagkamuhi ng mga tao. Ang galit sa kaaway na tinimpi dahilsa takot nang mga nakaraang taon ay pinalaya nila ngayon. Nilait nila ang ulo, niluran ang mukha, sinipat at pinagbabato. Ang mga bata, sa udyok na rin ng matatanda, ay nagpaligsahan sa pagtitirador sa mukhang wala nang bakas ng sampatak mang dugo. Sa loob ng kanyang tolda ay dinukot ni Tenyente Clores sa kanyang bulsa ang kaluping katad na nakuha niya sa bulsang pandibdib ng pinatay nilang sarhentong Hapon. Ito ay binuksan niya at binulatlat ang mga laman. Isang lumang larawan ng kanilang pinatay ang kanyang namalas. Kapiling sa larawang iton ang isang batang-batang Haponesa at dalawang maliliit na bata, isang lalaking mag-tatatlong taong gulang at isang babaing magdadalawang taon ang gulang. At ang titik-Hapon na naksulat ay hindi niya maunawaan. Isang nakatiklop na liham ang kanyang nakuha at ito ay kanyang binasa. Nasusulat sa Ingles ang Sumusunod: “Sa sino mang makakukuha nito ay ipinapakiusap ko na ipadala lamang ang aking kalupi, kasama ang larawan at liham sa aking asawa. Salamat – Hitaro Tonaka, Hukbong Imperyal ng Hapon. Isa pang liham na nasusulat din sa Ingles ang kanyang natagpuan. Kanyang binasa: “Mahal kong asawa: Sa sandaling tanggapin mo ito (kung

papalaring makarating sa iyo) ay wala na ako – marahil ang aking katawan ay agnas na sa isang pook na walang nakakaalam. Huwag mong ikalulungkot, kung magkakagayon, ang aking di na pagbabalik sa inyo. Laban sa aking puso at kalooban ang mga pangyayari, ngunit ano ang aking magagawa? Ako ay isang kawal lamang. Ang apgsuway ay nangangahulugan ng pagpapakamatay. Iyon ay magiging kahiya-hiya. Mabuti na ito: mamatay ng may karangalan sa aking tungkulin. Mahalin mo ang ating mga anak. Ipagdasal mo ako sa ating Diyos.” Isinauling maingat ni Tenyente Clores ang mga liham sa kalupi at ito at muli niyang ibinulsa. Ialang saglit siyang nanatiling nag- iisip. . . . Nang siya ay lumabas sa kanyang tolda ay nakita niyang tinitirador at binabato ngmga bata ang ulo. Sinaway niya ang mga bata at ang mga iyon ay tumigil sa kanilang pambabato. Isang payat na aso ang lumapit sa ulo at ito ay inamuy-amoy at dinilaan. Binugaw ni Tenyente Clores ang hayop: iyon ay lumayo. Tumawag ang Tenyente ng isa niyang kawal at iniutos na alisin sa pagkakatanghal ang ulo. “Ibaon mo iyan nang malaim – iyong hindi makukutkot ng aso,” ang matatag niyang utos at siya ay muling pumasok sa kanyang tolda. Ang kawal na inutusan ay sumunod. Binalot ng dyaryo ang ulo at iyon ay dinala sa likod ng kanilang himpilan upang ibaon. At saka pa lamang nagsialis ang mga tao na waring nanggaling sa panonood ng isang palabas.

29 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

Uhaw Ang Tigang Na Lupa
Liwayway A. Arceo Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat nang bagay, paghikbi . Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan: ilang araw ko nang hindi nasasalamin ang isang larawang mahal sa akin: bilugang mukha, malapad na noo, hati-sa-kaliwang buhok, singkit na mga mata, hindi katangusang ilong, mga labing duyan ng isang ngiting pus-pos kasiyahan . . . .Sa kanya ang aking noo at mga mata. Ang aking hawas na mukha, ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, at maninipis na labi, ay kay Ina. Si Ina ay hindi palakibo: siya ay babaing bilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung nagkakagayon ay maikli ang kanyang pananalita: Lumigpit ka! . . . .At kailangang di na niya ako makita. Kailangang di ko na masaksihan ang kikislap na poot sa kanyang mga mata. Kailangang di ko na mamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi. Kailangang di ko na makita ang panginginig ng kanyang mga daliri. Ito rin ang katumbas ng kanyang mariing huwag kung mayroon siyang ipinagbabawal. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tagaraw: ang bata kong puso ay tigang ng lupang uhaw na uhaw . . . . Minsan man ay hindi ko narinig na may pinagkagalitan sila ni Ama bagama’t hindi ko mapaniwalaang may magkabiyak ng pusong hindi nagkakahinampuhan. Marahil ay sapagka’t kapwa sila

may malawak na kaunawaan: ang pagbibigayan sa isa’t isa ay hindi nila nililimot kailanman. Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulot ng isang amang nagsasalaysay tungkol sa mga kapre at nuno at tungkol sa magagandang akda at prinsesa; ng isang nagmamasid at nakangiting ina; ng isang pulutong ng nakikinig na magaganda at masasayang bata. Nguni, sa halip niyon ay minamalas ko si Ama sa kanyang pagbabasa. Minasdan ko kung paano niya pinapangungonot ang kanyang noo; kung paano niya ibinubuga ang asong nagbubuhat sa kanyang tabako; kung paano siya titingin sa akin na tila may hinahanap; kung paano niya ipipikit ang kanyang mga mata; kung paano siya magpapatuloy sa pagsulat . . . . Si Inay ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng mga punit na damit; kung nag-aayos ng mga uhals at nagkakabit ng mga butones sa mga damit ni Ama. Sa kanyang pagbuburda ng aking mga kamison at panyolito – sa galaw ng kanyag mga daliri – ay natutunghan ko ang isang kapanapanabik na kuwento. Nguni, ang pananabik na ito’y napapawi. Kabagut-bagot ang aking pag-iisa at ako ay naghahanap ng kasama sa bahay: isang batang marahil ay nasa kanyang kasinungalingang gulang o isang sanggol na kalugud-lugod, may ngiti ng kawalangmalay, mabango ang hininga, may maliliit na paa at kamay na nakatutuwang pisilin, may mga pisngi at labing walang bahid-kasalanan at kasiya-siyang hagkan, o isang kapatid na kahulihan ng gulang, isang maaaring maging katapatan . . . . Sakali mang hindi nagkakagalit si Ina at si Ama, o kung nagkakagali man ay sadyang hindi ipinamamalay sa akin, ay hinahanap ko rin ang magiliw na palitan ng mga titig, ng mga ngiti, ng mga biruan.

30 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

Sapat na ang isang tuyot na aalis na ako sa pagpapaalam ni Ama. Sapat na ang naniningil na ang maniningil sa ilaw o sa tubig o sa telepono upang sakupin ang panahong itatagal ng isang hapunan. Sapat na ang panakaw sulyap ni Ama upang ipadamang may narinig siya. Mabibilang sa mga daliri ng aking dalawang kamay kung makailan kaming namasyal: si Ama, si Ina at ako. Malimit na ako ang kasama ni Ina; hindi ko nakitang sinasarili nila ang pag-aaliw. Inuumaga man si Ama sa pag-uwi kung minsan ay hindi ko kinapapansinan ng kakaibang kilos si Ina. Nahihiga rin siya pagdating ng sandali ng pamamahinga at kung nakakatulog siya o hindi ay hindi ko matiyak. Marahil ay ito ang tunay na madarama ng katalingpuso ng isang taong inaangkin ng madla . . . Ngunit, walang pagsisisi sa kanyang tinig. Ilang taon na ngayon ang nakakaraan nang minsang may ibinalik na maliit na aklat ang aming tagapaglaba: yaon daw ay nakuha niya sa isang lukbukan ng amerikana ni Ama. Ibinigay ko yaon kay Ina: yaon daw ay talaarawan ni Ama. Kinabukasan ay may bakas ng luha ang mga mata ni Ina. Kapansin-pansin ang lalo niyang di pagkibi buhat noon. Lalo siyang naging malungkot sa aking paningin. Ano kaya ang nasa talaarawan? Lasing na lasing si Ama. Karaniwan nang umuuwing lasing si Ama nguni, kakaiba ang kalasingan niya ngayonng gabi. Hinilamusan siya ni Ina ng malahininganh tsaa, nguni wala itong naibigay na ginhawa. Hindi rin kumikibo si Ina: nasa mga mata niya ang hindi maipahayag na pagtutol.

Sapagka’t may isusulat ako. . . . sapagka’t ikamamatay ko ang pighating ito . . . . . sapagka’t . . . . sapagka’t . . . . sapagka’t . . . . Idinaraing ngayon ni Ama ang kanyang dibdib at ulo: hindi raw siya makahingang mabuti. Marahil may sipon ka, ani ni Ina. Sinisinat ka nga. Isang panyolitong basa ng malamig na tubig ang itinali ko sa ulo ni Ama. Wala siyang tutol sa aking ginagawa: sinusundan niya ng tingin ang bawa’t kilos ko. Ang kanyang mga bisig, buhat sa siko hanggang mga palad, at ang kanyang binhi, buhat sa tuhod hanggang sa mga talampakan, ay makailan kong binusan ng tubig na mainit na inakala kong matatagalan niya – tubig na pinaglagaan ng mga dahon ng alagaw. Kinulob ko siya ng makakapal na kumot matapos na inumin niya ang ibinigay kong mainit na tubig na pinigaan ng kalamansi. Nakangiti si Ama: Manggagamot pala ang aking dalaga! Sinuklian ko ng isang mahinang halakhak ang ngiti niyang yaon: hindi ako dating binibiro ni Ama. Sana’y ako si Ina ng mga sandaling yaon: sana’y lalo kong ituturing na mahalaga ang nadarama kong kasiyahan . . . Nabigo ako sa aking pag-asa; nakaratay ng may ilang araw si Ama. Halos hindi siya hinihiwalayan ni Ina: sa ilalim ng kanyang mga mata ay may mababakas na namang maiitim na guhit. Anang manggagamot ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya. Nguni, ayaw ipagtapat sa akin ang karamdaman ni Ama. Ipinaayos ngayon ni Ama ang kanyang hapag. Nilinis ko ang kanyang makinilya. Idinikit ko ang kagugupit na kuwentong kalalathala pa lamang.

31 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

Pinagsama-sama kahon.

ko

ang

mga

papel

sa

kanyang

mga

mang bahagi ng iyong buhay ay mahal sa akin; ang mahal sa akin ay hindi ko maaaring paluhain . . . Ang pag-ibig na ito’y isang dulang ako ang gumanap ng pangunahing tauhan; sapagka’t ako ang nagsimula ay ako ang magbibigay-wakas. Ipalagay mo nang ako’y nagsimulang tugtuging nararapat tapusin. Gawin mo akong isang pangarap na naglalaho pagkagising. Tulungan mo akong pumawi sa kalungkutang ito halos ay pumatay sa akin . . . Nguni, bakit napakahirap ang lumimot? Nadama ko ang kamay ni Ina sa aking kanang balikat: noon ko lamang namalayan na may pumasok sa aklatan. Nakita niya ang larawang nasa kahitang pelus na rosas. Natunghan niya ang mga liham na nagkalat sa hapag ni Ama. Si Ina ay dumating at lumisang walang binitiwang kataga. Nguni, sa kanyang paglisan ay muling binati ng kanyang palad ang aking balikat at nadarama ko pa ang salat ng kanyang mga daliri; ang init ng mga ito, ang bigat ng kanilang pagkakadantay. . . . . Ang katahimikang namagitan sa amin ni Ina ay hindi pa napapawi. Iniiwasan ko na ngayon ang pagsasalubong ng aming mga titig; hindi ko matagalan ang kalungkutang nababasa ko sa mga paninging yaon. Hiningi ni Ama ang kanyang panulat at aklattalaan. Nguni, nang mapaniwala ko siyang masama sa kanya ang bumangon ay kanyang sinabi: Ngayon ay ang aking anak ang susulat ng ukol sa akin . . At anya’y isang dalubhasang kamay ang uukit sa itim na marmol. Nguni, hindi ko maisatinig ang pagtutol na halos ay pumugto sa aking paghinga. Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian ko! Kailan man ay hindi ko aangkining likha ng aking mga daliri ang ilang salitang ito.

Ang pang-ilalim na kahon sa dakong kaliwa ng kanyang hapag ay nagbigay sa akin ng hindi gaanong pagtataka: may isang kahitang pelus na rosas at isang salansan ng mga liham. Maliliit at mga bilugang titik sa bughaw na tinta sa pangalan ni Ama sa kanyang tanggapan ang nasa mga sobre. Ang larawan sa pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, maninipis na labi. Sa likod ay nasusulat sa maliliit at bilugang mga titik sa bughaw na tinta: Sapagka’t ako’y hindi makalimot . . .. Ang larawan ay malanglagda nguni nadama ko ang biglang pagkapoot sa kanya at sa mga sandaling yaon ay natutuhan ko ang maghinanakit kay Ama. Bakit sa panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari? Higit marahil ang aking katiwasayan kung hindi ka dumating sa aking buhay, bagama’t hindi ko rin marahil matitiis na hindi maipagpalit ang aking kasiyahan sa isang pusong nagmamahal. Totoong ang kalagayan ng tao sa buhay ang malimit maging sagwil sa kanyang kaligayahan . . Naiwan natin ang gulang ng kapusukan; hindi na tayo maaaring dayain ng ating nadarama. Nguni, nakapagitan sa atin ngayon ang isang malawak na katotohanang pumipigil sa kaligayahan; ang hindi natin maisakatuparan ay buhayin na lamang natin sa alaala. Panatilihin na lamang natin sa diwa ang katamisan ng isang pangarap; sana’y huwag tayong magising sa katotohanan . . . Nakita ko siya kagabi sa panaginip; sinusumbatan niya ako. Nguni, hindi ko balak ang magwasak ng isang tahanan. Hindi ko maatim na magnakaw ng kanyang kaligayahan; hindi ko mapababayaang lumuha siya dahil sa akin. Ang sino

32 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

Huwag kang palilinlang sa simbuyo ng iyong kalooban; ang unang tibok ng puso ay hindi pagibig sa tuwi na . . . Halos kasinggulang mo ako nang pagtaliin ang mga puso naming ng iyong Ina . . . Mura pang lubha ang labingwalong taon . . .Huwag ikaw ang magbigay sa iyong sarili ng mga kalungkutang sa iyo habang buhay . . Muli kong nadama ang tibay ng buhol na naguugnay ng damdamin ni Ama sa akin. Kinatatakutan ko na ang malimit na pagkawala ng diwa ni Ama. Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin: patuloy sa kanyang halos pagtikim lamang ng pagkain; patuloy sa kanyang hindi pag-idlip; patuloy sa kanyang pagluha kung walang maaaring makakita sa kanya . . . Ang kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatahan ng isang nais tumakas na damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop ng kanyang ngipin sa labi. Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama at ang kaliwang kamay nito ay kinulong niya sa kanyang mga palad. Magaling na ako, mahal ko . . . magaling na ako . . . sa muli mong pagparito ay sabuhin mo na sa akin kung saan tayo maaaring tumungo . . . ang moog na itong kinabibilangguan ko’y aking wawasakin . . . sa ano mang paraan . . . sa ano mang paraan . . . . Ang malabugbog na tubig na bumabakod sa paningin ni Ina ay nabasag at ilang butil niyon ang pumatak sa bisig ni Ama. Mabibigat na talukap ang pinilit na iminulat ni Ama at sa pagtatagpo ng mga titig nila ni Ina ay gumuhit sa nanunuyo niyang labi ang isang ngiting punong-puno ng pag-asa. Muling nalapat ang mga durungawang yaon ng isang

kaluluwa at hindi niya namasid ang mga matang binabalungan ng luha: ang mga salamin ng pagdaramdam na hindi mabigkas. Nasa mga palad pa rin ni Ina ang kaliwang kamay ni Ama: Sabihin mo, mahal ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko . . . Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya’y mangusap ay hindi ko naming kay Ina ang tinig na yaon. Maaangkin mo na mahal ko! Ang init ng mga labi ni Ina ang kasabay ng kapayapaang nananahan sa mga labi ni Ama at nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa isang buhay ay wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon: natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa . . .

33 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

Anekdota
Ang pagtuturo ng aralin ay nagiging napakadali kung ang isang mahusay na guro ay marunong ng iba’t ibang istratehia sa pagganyak ng mga mag-aaral. Ang pagtuturo sa kabuuan ay hindi lang basta pagsasalita at pagpapaliwanag sa harap ng mga magaaral. Kinakailangan ding gamitan ito ng sining upang lalong maging madali ang pag-unawa dito. Sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang lunsaran hindi magiging kabagut-bagot ang aralin. Ang anekdota ay isang lunsaran ng aralin dahil bukod sa nakaaaliw ay nakapagbibigay pa ng aral ito. Nakakaaliw ito sa pamamagitan ng paglalahad ng kakaibang pangyayari o pagtalakay sa mga pangyayaring naganap tungkol sa isang tanyag na tao. Maiksi lamang ang anekdota. Kinapapalooban ito ng mga detalyeng kinakailangan sa paglalahad ng mga pangyayari tulad ng mga kawilihan, kasukdulan at wakas ng kuwento. Bilang lunsaran ng aralin ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng anekdota ay ang mga sumusunod (Rivera, 135): 1. Dapat maging katotohanan ang paksa sa tunay na karanasan. Ang pangunahing layunin ng isang anekdota ay upang makapaghatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan. 2. Dapat maging kapana-panabik. Ang isang anekdota ay maikling akda. Bunga nito, dapat pagsikapan na ang mga pangungusap ay maging

kapana-panabik. Ang isang magandang simula ay nagbibigay ng pangganyak sa mga mambabasa upang ipagpatuloy ang kanilang pagbasa ng anekdota. 3. Dapat magkaroon ng isang paksa. Ang isang anekdota ay may isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyan-kahulugan sa pagsulat ng anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat magbigay ng kahulugan sa ideyang nais ipadama. 4. Sa pagwawakas ng anekdota, dapat isaalangalang kung ito ay makapagdudulot ng ganap na kakintalan sa mga mambabasa. Di dapat magiwan ito ng anumang bahid ng pag-aalinlangan na maaaring may mga susunod pang mangyayari gayong wakas na ang akda.

Anekdota ni Rizal
Pauwi si Jose Rizal sa Calamba mula sa Maynila na lulan ng isang lantsa. Bata pa siya noon. Naglalaro siya sa may hulihan ng lantsa. Nahulog sa tubig ang kanyang kabiyak na tsinelas. Maliksing inihulog ni Jose ang isa pa niyang tsinelas sa tubig na malapit sa kinahulugan noong una. “Bakit mo ginawa iyon?” ang tanong ng isang lalaking katabi niya. “Maaaring ang kabiyak na tsinelas na nahulog ay matagpuan ng isang maralitang mangingisdang may anak na kasinlaki ko. Iyo’y hindi niya pakikinabangan kung wala ang isa pang kabiyak,” ang tugon ni Rizal.

34 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

Alamat Ang alamat ay isang uri ng kuwentong nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay, kalagayan, pook at katawagan. Layunin ng alamat ba sariwain ang mga pangyayaring makasaysayan upang mapukaw ang damdamin ng mga mambabasa at makapagpagunita ng mga bagay na may kinalaman sa nakaraang panahon. Nasasalamin sa alamat ang damdamin, pag-iisip, buhay at ugali ng mga tao noong nakaraang panahon. Ang mga hakbang sa paggawa ng alamat ay ang sumusunod: a. Alamin ang pinagmulan. Halimbawa, kung gusto mong isulat ang alamat ng inyong bayan, mag-interbyu ka ng mga matatanda sa inyo. b. Gumamit ng payak na salita upang madaling maunawaan. c. Iangkop sa paksang tatalakayin ang alamat na gagawin. Dvhsg;idgdfn;kn

Mabisang gamitin ang komik istrip sa paglalahad ng aralin. Nakatutulong ito upang malinang ang kaalaman at maragdagan ang talasalitaan ng mga bata. Madali itong maunawaan at magaang basahin. Ang sinabi ng mga tauhan ay nakapaloob sa mga “balloon”. Payak at maikli lamang ang salitaan sa komik istrip. Nagsisilbing libangan ng mga bata ang komik istrip. Nagaganyak silang basahin ito dahil sa mga larawang –guhit. Sa pamamagitan ng larawang-guhit ay nalalaman at naiintindihan kaagad ang pinag-uusapan ng tauhan. Sa mga batang may kahinaan sa pagbabasa, mabisa ang komik istrip. Ang mga larawang-guhit ay nakatutulong sa pagkilala ng mga salita.

Komik Istrip

Talumpati

35 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

Ang talumpati ay isang sining. Maganda itong lunsaran sa paglalahad ng aralin. Maraming maitutulong ito sa paglinang ng katauhan ng mga mag-aaral. Natututuhan nilang bumasa’t bumigkas ng talumpati, nararagdagan ang kanilang kaalaman sa paksang tinatalakay sa talumpati, napapalawak ang kanilang talasalitaan, at nalilinang ang kanilang tiwala sa sarili sa pagharap sa madla. Sa paghahanda ng talumpati, bigyang pansin ang paksa at layunin nito. Sa pagpili ng paksa, dapat isaalang-alang ang tagapakinig. Ang layunin naman ay dapat ibatay sa pagkakataon at uri ng talumpati (Alejandro,21).

Ayon kay Rubin, sa anumang pahayag, mahalaga ang nilalaman o mensahe hindi lamang sa nagpapahayag kundi lalo na sa nagbabasa o nakikinig. Ang mensahe ay dapat maging makatotohanan, maayos ang pagkakahanay ng mga kaisipan at hindi sabugsabog ang nilalaman. Upang magkaroon ng malawak na kaalaman sa mga pinapaksa ang isang nagsasaysay, kailangang magkaroon siya ng mayamang karanasan sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba’t ibang klase ng tao, pagmamasid sa kilos at galaw ng kalikasan, paglalakbay sa iba’t ibang lugar upang matanto ang iba’t ibang kalinangan, at pagbabasa ng mga aklat at iba pang mga babasahin. Ang istilo ng pagsulat ay depende sa nagsasaysay. Hindi ito naituturo. Bagama’t maaaring pag-aralan, sa kaunlaran ang sarling istilo pa rin ang siyang nananaig. Maaaring ang istilo ay siryoso, mapagpatawa o impormal batay sa hinihingi ng pagkakataon.

Sa Ikauunlad Ng Bayan Genoveva Edroza-Matute Sanaysay Ang sanaysay ay pagpapahayag ng kuro-kuro o opinion ng may-akda tungkol sa anumang bagay. Sa paggawa ng sanaysay, dalawang bagay ang dapat bigyang-pansin: ang nilalaman at istilo ng pagsulat. Kasipagan, katapatan, pagkamakabayan at disiplina , at karunungan ang kailangan sa ikauunlad ng bayan. Madalas na tinatanong kami ng mga kabataan. “Ma’am, bakit ho and isang bansang gaya ng Hapon, na

36 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

halos nadurog noong nakaraang digmaan at walang mga likas na kayamanang tulad ng atin, ay madaling nakabangon at ngayon pa nga’y pinakamayamang bansa sa Silangan? E bakit ho tayo, hanggang ngayo’y…? Ang iniuunlad ng isang bansa ay nag-uugat sa iba’t-ibang uri ng kayamanan, halimbawa na rito ang mga likas na kayamanan; gayon din – at marahil, itong pangalawa’y nakahihigit sa una – ang uri ng mga mamamayan. Karaniwang kaalaman na ang ating bansa ay biniyayaan ng Maykapal ng maraming likas na kayamanan, mula sa kanyang kailugan at karagatan hanggang sa kanyang mga kagubatan; mula sa mga ito hanggang sa iba’t-ibang uri ng kanyang mga minahan. Ang bansang Hapon ay halos walang mga ganitong likas na kayamanan; ang totoo’y sa ating pa umaangkat ang Hapon ng iba’t-ibang uri ng kahoy. Sa ibang uri ng kayamanan sadyang masagana ang bansang Hapon: sa mga katangian ng kanyang mga mamamayan. Sila’y masisipag, matatapat, makabayan, disiplinado. Ang Taiwan na dating Formosa ay munting pulong pinag-urungan ng mga nasyonalistang Intsik. Sa kanilang makabayang pagsisikap ay naitaas nila ang antas ng kanilang kabuhayan at ngayo’y tinitingala sila ng mga karatig bansa. Asng lupang Israel ay tigang at halos walang produkto ngunit “ginawang lunti ang disenyo” ng mga Judio na pinaglatangan ng pag-ibig sa bagong lupaing ipinagkaloob sa kanila, matapos ang mahahabang taong wala silang matawag na sariling bayan. Mga katunayang nasa uri ng mga mamamayan ang mabilis na ikinauunlad ng isang bansa. mga Masagana man, halimbawa, ang isang bansa sa likas na kayamanan, kung ang mga mamamayan

naman niyang mangangasiwa sa pagbubungkal, paglinang at paggamit sa mga ito ay salat sa sipag, katapatan, pagkamakabayan at disiplina, gaano man kasagana ang mga kaloob na ito ng Diyos ay mauuwi rin sa wala’t wala, sapagkat magpapapintog lamang sa dati nang mapipintog na lukbutan ng mga tuso at makapangyarihan, kababayan man o dayuhan; hindi sa bayiag sadyang dapat kauwian ng mga bunga ng naturang biyayang handog ng kalikasan. Huwag nang amining tayo’y hindi nagtataglay ng mga naturang katangian. Ngunit kung titigan nating mataman ang sarili sa salamin ng katotohanan, hindi magiging mahirap tanggapin na kailangan nating ang higit pang kasipagan, katapatan, pagkamakabayan at displina. Kasipagan kaya ang madalas nating masaksihang kalalakihan man o kababaihan, kabataan man o katandaang nag-uumpuk-umpok, nag-uusap-usap sa mga tindahan, panulukan, iskinita ng kala-kalahating araw kundi man magha-maghapon? Kasipagan din kaya sa panig ngmga mag-aaral nag basta’t pumasok sa paaralan nang hindi naman naghahanda sa anumang aralin at hindi man lamang tumatapak sa aklatan? Sabi nga ng isang guro, “Malaki ang pagkakaiba ng pumapasok sa nag-aaral.” Kasipagan kaya ang mahahaba’t pauli-ulit na coffe break sa mga tanggapan o nag mahabang kwentuhan o paglabas sa mga regular na oras na opisyal upang pagkatapos ay mag-overtime sa gabi, sapagkat itong huli’y may higit na karagadagang kabayaran? At kung ito’y nangyayari sa mga tanggapang pambayan, hindi rin kaya ito palatandaan ng kakulangan ng pagtingin , huwag nang sabihing pagmamahal, sa baying sa kabila ng matinding pagdarahop ay siyang nagtataguyod at pumapassan sa mga gugulin ng mga naturang tanggapan?

37 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

Pagkamakabayan kaya ang palasak na pafhanga, mataas na pagtinginat pagtangkilik sa anumang produktong galing sa ibang bansa, pati na ang mga kaisipan at kaugaliang nasa kanilang mga babasahin, plaka, pelikula at iba’t ibang palabas, samantalang minamaliit ang sariling atin? Pati sa edukasyon, ang anumang bago o makabagong kalakarang mamasid o mabalitaang pinaiiral sa ibang bansa, lalo na’t sa Estados Unidos, ay agad nang ipinasususunod sa ating mga paaralan nang hindi isinasaaalang-alang ang ating naiibang ugali at kultura, ang ating mga pangangailangan, at lalo pa nga, ang ating pananalapi o ang kakulangan nito. Disiplina kaya ang pang-araw-araw nating nasasaksihan: ang pagtawid saan mang panig ng daan ibig tumawid, samantalang may mga sadyang tawiran ng tao; ang pagsakay o pagbaba sa pook na nais, gayong may mga lugar para rito; ang matagalang paghimpil ng mga sasakyan sa tapat pa naman ng mga palatandaang No Parking; ang pagtatapon ng pinagbalutan o pinagbalatan kahit sa kabila ng maraming basurahan madaraanan? May mga de-kotse pang habang tumatakbo nang matulin ang sasakyan ay nagkakalat naman sa dinaraanan ang iba’t-ibang uri ng basura. Ang mga naturan ay mga payak na halimbawa lamang sa karaniwang nasasaksihan sa ating mga paligid. Ang mga payak at karaniwang simula, gaya ng mga ito, ay pinagsusundan mg lalo pang mabibigat at masasalimuot na pagkukulang hanggang sa magbunga ng kawalng-tuing sa anumang kautusang pagsasamantala, ng katiwalian ng paghihikahos. Kung ang mga ito’y laganap na isa isang bayan, maitatanong natin, “May lunas pa kaya?”

Mababago pa kaya ang ganitong uri ng mamamayan upang makatulong sa pag-unlad ng bayan? Baka naman kaya, hindi na? O baka ang kailangan ay kamay na bakal? May lunas pa nga kaya? Mayroon. Ang lunas ay nasa edukasyon. Nasa wastong edukasyon. Edukasyong bagaman at malawak, malaya at paunlad nang paunlad – pandaigdig – ay mananatiling nakaugat sa pagiging makabayan na may pagtatangi sa sariling lahi at kalinangan. At ang tunay at boung kahulugan ng edukasyon ay di lamang ang pormal na edukasyong natatamo sa loob ng paaralan. Sa tunay at boung kahulugan nito, ang edukasyon ay sumasakop sa lahat ng humuhubog sa isang tao mula sa kanyang tahanan, paaralan, pamayanan, simbahan, mass media. Ang lahat ng mga ito sa kasalukuyang panahon, ay gumaganap ba ng kanilang tungkulin nang matapat at may integridad sa ikauunlad ng bayan?

Katarungang Panlipunan Manuel L. Quezon

38 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

Hindi maikakait na ang Pilipinas ay nagkaroon ng malaking pagkakasulong sa mga suliranin ng pamamayan at maging sa suliranin ng pamumuhay sa loob ng huling tatlumpung taon. Sa pamamayan at pamamahala ay nakaabot tayo hanggang sa tugatog nitong ating kalagayan, halos taglay natin ang buong mga karapatan ng isang pamahalaang makasarili at sa ganito’y matitiyak na tuloy ang pagdating ng ganap na kasarinlan. Sa pangalakalan ng Amerika, ang ating mga kalakal na panlabas at panloob ay nag-iibayo ang kalakhan – sa isang gabi, ang kayamanang-bansa natin ay umunlad nang di-gaano lamang. Nakagawa tayo ng malalaking pagkaunlad sa kalinisan, sa pagtuturo at pagbubukas ng mga lansangan sa lahat ng uri ng pahatiran, at gumagamit na tayo ng mga pamamaraan at kasangkapang makabago sa pamumuhay. Ngunit ang karamihan sa nagtatamasa sa mga kaunlarang ito ay ang mayayaman at mga nakaririwasa lamang. Ang mayayaman ay maaaring mabuhay sa gitna ng mga karangyaan. Ang ilan sa mga anak nila ayt lumalaki sa layaw at kasagaaan, at ang kanilang pag-iisip ay nahuhulog sa mga ugaling walang minamahalaga kundi ang mga bagay na panlipunan, mga kasayahan, libangan at iba pang mararangyang hilig ng katawan, anupa’t nangahihirati sa isang kabuhayang walang halaga, di-maibigan sa paggawa salat sa mga damdaming makatao. Ang mga nakaririwasa, na siyang panggitnang uring dimayaman at di-mahirap ay nagkaroon naman ngayon ng lagay ng pamumuhay na makapupong mataas kaysa noong panahon ng Kastila. Ang mga anyaya’t pangangailangan ng kasalukuyang kabihasnan ay naaabot na ng kanilang kaya at pagtatamasahan. Ang mga anak nilang lalaki’t babai’y napakakain nang mabuti, napararamtan nang magara, napag-aaral na

magaling laksa-laksa sa kanila ang nagsisipag-aral ng lalong matataas na karunungan. Nakalulungkot sabihin, ngunit siyang katotohanan, na ang ganyang mga ginhawa ay walangwala sa ating baying manggagawa. Maging ang mga lalaki’t babaing ngayo’y nagsisigawa sa lupa, maging ang nagsisipasok sa mga pagawaan, ay bahagya nang may ikinahihigit na kagaanan ng buhay sa kabuhayan ng mga manggagawa noong panahon ng Kastila. Tunay mga na ang mga pasahod o upahan mgayon ay lumalaki kaysa sa mga bayaran noong tay’y nasasa-ilalim pa ng kapangyarihan ng Espanya, at ang mga kasahuran dito ngayo’y mataas kaysa umiiral sa alin mang bayan dito sa Kasilanganan, matangi sa Hapon. Datapwat dapat naman nating alalahaning sa isang salapi noong panahon ng Espanya ay maraming bagay o pangangailangan nabibili kaysa isang salapi ngayon at saka, sa pagsasamahan ng nagpapagawa at manggagawa nang mga panahong yaon, ay may isang uri ng pagpapalagayang makapupong mahal sa ganang isang manggagawa o kawani kaysa halaga ng salapi. Noon, ang mga nagpapagawa at mga manggagawa ay nagkakalapitan ng anupa’t nagpapalagayan silang parang tunay na nagmamagulang o magkakamag-anak, kaya nabibigkis ng buklod ng pagmamahalang makapupong matibay kaysa tali ng salapi. Ngayon, ang mga pagsasamahan nila’y tunay na sa mag-iibang tao, na walang kaanu-anumang buklod ng pagmamalasakit, gaya na rin ng pangyayari ng mga ibang lupaing pinaghaharian ng malaking industriya. Ang ating mga ninuno naman, dala ng kanilang malaking kamangmangan, ay tikis na nangasisiyahan sa mahirap nilang pamumuhay, paano’y may paniniwala silang ang gayong mga paghihirap ay bagay ba di maiiwasan sa ibabaw ng lupa pagkat siyang tadhana ng Maykapal, na kailangang

39 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

tiisin ng sinumang kalangitan.

ibig

matamo

ng

gantimpala

sa

Ngayon, ang manggagawang Pilipino, pagkahangal-hangal man, ay ayaw nangf maiwalang kalooban ng Maykapal ang pangyayaring ilan sa Kanyang mga nilikha’y mabuhay sa kasaganaan ay karangyaan, samantalang ang iba’y mabuhay naman sa mga pagtitiis at karalitaan. Ang manggagawang Pilipino ngayo’y may paniniwala nang siya’y minamahal din ng Ama ng Sangkatauhan katulad ng alin pa mang tao na Kanyang nilikha, at sa ganito’y hindi ginawa ang daigdig upang pakinabangan lamang ng ilan, kundi upang kabuhayang ,aligaya ng lahat. Ang pagpapaunlad ng bansa sa katarungang panlipunan ay tiyakang ipinag-uutos ng SaligangBatas natin. Ang ating palatuntunan, siyang palatuntunang tinanggap at pinanghahawakan ng bayan sa pagkakahalal sa inyo at sa akin man naman, ay nag-aatang sa atin ng mabigat na tungkuling lumikha at makapagpairal ng mga manggagawa. Dapat tayong magsikap, na sa alin mang batas na ating ilalagda ay huwag magkaroon ng ano mang uri ng pagtutulot na ang mga nagpapagawa, ay makapagsamantala sa kanilang mga manggagawa, at huwag payagan ang ano mang palakad o pamamaraang sukat makabigo sa mga matuwid na iyon ng katarungan. Sa pagpapatatag ng kapalaran ng bagong bansa nating ito ay dapat tayong manghawak na di-gaano sa landas ng batas, na gaya sa katibayan ng pagtatapat ng bawat mamamayan sa kanyang pamahalaang ito na itinatag at pinairal nang dahil lamang sa adhikaing sila’t paraparang matangkilik, at alang-alang sa kanilang ikalalaya at ikaliligaya. ang Maging ang Kagawaran ng Katarungan at maging Kawanihan ng Paggawa ay kapwa nalalaang

tumulong sa inyo sa paghahanda ng mga panukalang batas at kapasyahang sukat makita sa mga batas na kasalukuyang umiiral, at nang sa ganito’y maisaayos at malunasan ang mga katiwalian at kaapihang nananaig pa sa bayan, at upang matupad din namang mahinusap ang mga simulaing ukol sa suliraning ito’y itinatadhana ng ating Saligang-Batas at gayon din ng mga pangako nating nasasaad sa mga palatuntunang panghalalan. Saan ka Patutungo? Lamberto M. Gabriel Doon? Diyan? Dito? Walang katiyakan ang iyong hakbang, hindi ba? Ayaw mong tumingin sa iyong kahapon. Wala kang tinitingnan kundi ang iyong ngayon. Ang iyong bukas ay madilim. Sapagkat ayaw mong tumahak sa landas ng liwanag. Ang liwanag ng iyong kaikalawan, Lumakad ka sa landas ng ibang naglalakad. Naglalakad na di alam kung saan ang tungo. Wala ka sa iyong sarili. Paano ang iyong bukas? Nakatatawa ka. At nakagagalit sa iyong hindi pagbibigay-pansin sa iyong naging kahapon. Walang mahalaga sa iyo kung hindi ang ngayon mo na batbat ng dilim. Walang kadakilaan, walang kaliwanagan. Bakit tumatahak ka sa landas ng iba? Bakit hindi ka lumingon sa iyong pinaggalingan? Ayaw mong magsuri. Ayaw mong magnilay. Ayaw mong mag-isip. Bakit dinadaya mo ang iyong sarili? Bakit ka nagtatago sa lambong ng pagkukunwari?

40 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

May liwanag ka namang gagamiting pananglaw sa kadiliman ngunit ayaw mo. Ibig mo ng hiram na liwanag. Bakit? Dahil ba sa pamayanihan ka ng bagong kapangyarihan? Ng bagong lakas? Ngunit, di ba’t ang kapangyarihang iyan, ang lakas na iyan ay binakat, pinawi ng kahapon mong ikaw? Nasaan ang iyong pagmuni-muni? May isip ka ba? Oo, mayroon ka nga. Ngunit isip na pinamamayanihan nng bagong kapangyarihan, ng bagong lakas. Isip na di malaman ang susulingan. Isip na linggal. Isip na sungyaw sa iyong sarili. Sa iyong sariling kadakilaan. Sa iynog sariling tatak. Tumitibok ba ang iyong puso? Anong dugo ang dumadaloy sa iyong puso? Dugo ng iba. Nasaan ang dugo ng iyong kahapon? Dugo ng kadakilaa? Ang dugong tumigas sa pagtatanggol sa iyong kaikalawang kahapon? Wala na ang dugong iyon. Bakit itinatakwil mo ang iyong sariling tatak? Bakit hindi mo lingunin ang iyong kahapon? Bakit mo ilalayo ang iyong kahapon sa iyong ngayon? Nahahabag ako sa iyo. Kaawa-awa ka. Ikaw na nagtataksil sa iyong pinanggalingan. Sa iyong kadakilaan. Ng iyong kahapon. Bago ang paligid, bago ang lahat….. Ngunit dapat mo bang baguhin ang iyong pagiging ikaw? Ano man ang magyari, ikaw ay ikaw na may tatak sa iyong sarili. Bakit ka manghihiram ng ibang tatak? Ng ibang pangalan? Ang pangalan mo’y di na mababago. Kaya bakit ka manghihiram ng ibang kakayahan? Pilipino. Ikaw ay Pilipino – kahapon, ngayon at bukas. Subalit bakit walang katiyakan ang iyong mga hakbang? Kung dakila ang iyong kahapon, bakit ayaw mong dumakila rin ngayon? At bukas? Bakit ang ngayong kaikawan mo’y nakalilitong isipin kung ano? Ang ngayon mo’y malabong larawan ng iyong tatak. Ng iyong pangalan Pilipino ka sa turing ngunit

hindi ka Pilipino sa tatak. Ang ngayon mo’y maputlang anino ng iyong kahapon. Ang bagong Pilipino ay ang lumang Pilipino. Ang kalumaan ay kabaguhang angkop sa iyo. Kaya ma-ingat ka sa iyong paghakbang. Huwag kang magpakabulag sa pagtahak sa landas ng kabaguhang walang kawawaan. Tumahak ka sa landas na dapat tahakin. Sa landas na lumang bago, huwag sa bagong luma. Pilipino, ikaw ay dakila. Dumakila ka muli Iwaksi mo ang ngayong kahangalan. Ang kahibangan mo ngayon. Tumingin ka sa dako pa roon. Doon sa pinanggalingan mo kahapon. Doon sa kahapong batbat ng kulay. Ng kabayanihan. Ng kadakilaan. Ng katapangan. Ng pagmamahal sa sarili. Sa sariling dangal. Sa sariling kapurihan. Kaya mag-isip-isip ka. Isipin mong ikaw ay Pilipino. Kahapon, ngayon, at bukas. Pilipino, saan ka patungo? Doon? Diyan? Dito? Saan? Pilipino, Pilipino. Ikaw ay Pilipino sa kulay, sa anyo, sa dugo. Pilipino kahapon, ngayon at bukas. Pilipino sa habang panahon. Sa Edukasyon Ang Lahat Ay May Sagutin Paz M. Belvez Noon…. Tulad ng maraming pilosopo at edukador, naghanap si Rizal ng tunay na edukasyon. Sa bibig ni Isagani ay malinaw niyang isinatinig ang mga layunin ng edukasyong iyon:

41 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

“Pag nagkaroon na ako ng ganyang uban, Ginoo. At pag nilingon ko ang aking paninigin sa nakaraan at nakita kong wala akong nagawa kundi ang para sa sarili lamang, na hindi nagawa ang mangyayaring gawain at dapat gawin ukol sa mamamayang tumulong sa aking kabuhayan ay hindi ko sila kararangal bagkus ay ikahihiya.” Ngayon…. Patuloy tayong naghahanap ng edukasyong huhubog sa katauhan ng isang tao. Sa ilalim ng bagong panahon ni Pangulong Ramos, malinaw niyang isinatinig ang layunin ng Rebolusyong Internal: Ang repormang pang-edukasyon ay hindi gawain ng isang henerasyon lamang kundi ng iba’t-ibang henerasyong sama-sama sa pagsisikap na ito. Sa bagay na ito ay hindi pa tayo nakapagbibigay ng ganap na kaganapan at mapanghamong palatuntunan ukol sa kabataan ng ating bansa. Sa darating na mga panahon, ang paghahanap na ito ng mga Rizal at Marcos ay patuloy sa paniniwalang ang edukasyon ay susi at daan tungo sa kaunlaran ng sangkatauhan. Sa pana-panahon bago’t bagong tinig ng mga repormistang pang-edukasyon ang maririnig, ayon sa mga kahingian ng isang partikular na panahon at ayon sa mga layuning dapat na matupad. Kung kailan maglalaho ang tinig na iyan ay walang nakaaalam. Isang bagay lamang ang tiyak – ang katotohanang ang edukasyong binabanggit ay penomenang patuluyan; walang hinto. Ang edukasyon ay nagsisimula sa duyan at nagwawakas sa hukay. Kung ano ang tao mula sa kanyang pagsilang hanggang sa kanyang

kamatayan. Pagkat anf edukasyon ay buhay. buhay ay edukasyon.

At nag

Karaniwang sinasabi ang kasabihang “madaling maging tao, nguti mahirap magpakatao.’ Ang taong walang edukasyon ay hindi ganap sa pagkatao. Ang lipunang binubuo ng mga taong hindi ganap sa pagkatao ay hindi rin ganap sa pagigiing lipunan nito – masalimuot, walang kaayusan, walang kaunlaran, walang kapayapaan, walang kasiyahan…. walang lahat! Ang bawat tao ay nilikha ng Diyos ….. isinisilang, lumalaki, umuunlad at namamatay ring may dahilan at tunguhin. Ang bawat yugto ng proseso ng kanyang buhay ay yugto rin ng edukasyon. Lahat ay nagdaraan sa bawat yugtong ito ng buhay na magkakatulad sa kalahatan. Nagkakaiba-iba lamang sa uri, diin, antas kapaligiran at panahon. Noon …. Silang mga nauna sa atin ay unang namulat sa tahanan. Nakisalamuha sa sariling kapaligiran. Kumilala at sumamba sa kanilang Diyos sa pamamagitan ng niyakap na pananampalataya. Tumanggap ng turo at aral sa pinasukang paaralan at pamantasan. Yumakap at sumunod sa mga patakaran at batas ng sariling pamahalaan. Naghasik ng kaisipan at paniniwala sa panahon ng kanilang kasiglahan at lakas. At nang pagod ma’y nagbalik sa katawang-lupa at humimlay sa pagkakandiling dibdib ng sariling bayan sa ilalim ng kanyang maayang langit. Marami sa kanila ang nakapag-iwan ng mga bakas na patunay na sila’y tunay na nabuhay sa daigdig at hindi lamang basta nakiraan sa ibabaw ng lupa. Pagkat nakatanggap sila ng angkop na liwanag na kaloob ng tanglaw ng edukasyon sa baway yugto ng kanilang buhay.

42 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

Kayo man ….tulad nilang mga nauna sa atin ay nagdaan, nagdaraan, at magdaraan sa gayong baibaitang na proseso ng buhay. Na sa bawat baitang ay may kaukulang antas at uri ng edukasyong naangkin, naaangkin, at maaangkin ninyo. Ang bawat institusyon ay may makabuluhang idinudulot sa pagbabago, pagsulong, tagumpay at maging kabiguan sa buhay ng bawat isa sa atin. Ang bawat karanasan, maganda’t mapait, ay bunga ng edukasyong impormal at pormal. At ang mga ito, sa positibong pagtuturing ay pinto lamang sa mas mataas pang uri ng maunlad na edukasyon. Ako…. Na isa sa inyo, halimbawa: Ang dalawampung taong pangkabuhay ay dalawampung taong pagdaraan sa iba’t-ibang karanasan. Dalawampung taong paghubog sa aking katauhang pisikal at ispiritwal ng mga iba’t-ibang lakas ng mga institusyong sosyal, edukasyonal, pulitikal at pangkabuhayan. Dalawampung taon ng iba’t-ibang baitang ng edukasyon. At ito ay patuloy hanggang sa marating ko na ang hantungan ng aking sariling buhay. Sa mga halik ni Ina’t Ama ay una kong nadama ang kahulugan ng pag-ibig at pagmamahal. Sa kanilang pagtugon sa aking mga katanungan, namulat ako sa aking kapaligiran. Sa kanilang mga pangaral at paalaala ay nalimi ko ang kagandahan at kariktan ng buhay. Ang mga alaala ng aking pakikipaglaro sa aking mga kalaro at mga kamag-aral ay nanatiling mga alaalang batayan ng aking pakikipagkapwa at pakikisama sa lahat.

Sa mga sermon at pagunita ng mga alagad ng simbahan, tumibay ang aking pananalig at pagmamahal sa Dakilang Lumikha. Sa mga aralin at turo ng paaralan ay natuklasan ko ang papaunlad na karunungan ng tao – mula sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat at pagbibilang hanggang sa pinakaliblib na himaymay ng kaalaman sa matematika, sikolohiya, pilosopiya, agham at literatura. Sa tuntunin, tadhana, patakaran, at mga batas ay natutuhan kong maging tapat sa pamahalaan at Republika ng Pilipinas. Mga magulang…. Mga kapatid…… mga kaibigan ….. Heto ako! May dalawampung taong gulang. Batambata. Produkto ng tinatawag na edukasyon. Kabuuan ng mga kalakasan ng iba’t-ibang impluwensiya ng mga institusyon. Kayo… na kumakatawan sa iba’t-ibang institusyon ay may malaking nagawa at magagawa sa aking edukasyon. Kayo…. na mga istudyante, guro, propesor, edukador at administrador. Sila man …. Na kumakatawan sa iba pang mga institusyon, ay may katumbas na impluwensiya sa kabuuan ng aking edukasyon. Sila na …. Mga ina at ama ng tahanan, mga kalaro at kaibigan, mga pari at madre, tindera’t serbidor, mga tsuper at kundoktor, mga basurero’t kaminero, mga doctor at narses, mga abogado’t hukom, mga negosyante’s ekonomista, at mga pinuno’t kawani ng pamahalaan. Pagkat ang edukasyon ay lahukang pagsisikap. Ang lahat ay may tungkulin at pananagutan sa mga

43 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

pangyayari. Ang bawat isa sa inyo, ang bawat isa sa kanila, ang bawat isa sa atin, ay kasangkot at kalahok sa edukasyon ng sinuman. Lahat tayo – kayo, sila at ako ay magkakabalikat sa dakilang pagsisikap na ito tungo sa maganda at mapayapang kinabukasan….

Masisipag tayong mga Pilipino. Ang katawan nati’t isip na kaloob ng Diyos ay ginagamit natin sa paghanap ng ating ikabubuhay, para sa kaunlaran at kaligayahan ng ating pamilya. Naniniwala tayo na ang kasipagan ay kapatid ng kaunlaran. Ang mag-anak na Pilipino ay binibigkis ng pagmamahalan. Iyon ang ugaling hindi nalilimutang itanim ng ama’t inang Pilipino sa puso’t isipan ng kanilang mga anak. Sa pamilyang Pilipino, ang magulang ay mahal ng anak. Ang kapatid ay mahal ng kapatid. Ang pagmamahalang iyon ay gintong ugaling bumibigkis sa mag-anak na Pilipino, gintong ugaling nag-ambag ng pwersa sa ikapagtatagumpay ng mithiing ang bansang Pilipinas ay gawing lalong dakila sa kalipunan ng mga bansa sa daigdig. Tayong mga Pilipino ay kinikilala sa ating kahusayan sa pagtanggap ng panauhin. Magiliw na tao at laging may masiglang ngiti ng pagsalubong sa mga bagong kakilala. Ang mga panauhin o mga turista ay hindi halos nakadarama ng pagiging banyaga nila kung sila’y dumarating sa ating bayan. Mahusay kasi tayong makipagkaibigan. Tayo ay marunong magpahalaga sa matandang kaugaliang pamana sa atin ng ating mga ninuno. Sa bahaging ito ay naihahalimbawa natin ang isang matandang kaugalian ng mga kababayan nating magsasaka. Ang mga magsasaka ay nagpapasalamat sa Diyos tuwing matatapos ang anihan. Ang pasasalamat na iyon ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpapakain sa mga kabaranggay. Pagkatapos magdasal ng pasasalamat sa tsapel ng baranggay, ang mga inihandang pagkain ay ihahandog sa mga kabaranggay. Sa harap ng tsapel ginagawa ang kainan. Masayang-masaya ang buong nayon.

Ipagmalaki: Mga Ugaling Dangal ng Pilipino Ang Pilipinas ay isang Republikang kumikilala at dumadakila sa Panginoong Diyos. Maniniwala tayo sa katotohanang ang Maykapal ang pumapatnubay sa kapalaran ng tao at ng bansa. Ang mga Pilipino ay maraming magagandang kaugaliang minana sa ating mga ninuno- magagandang ambag sa lalong ikadarakila ng ating mga mithiin. Nasa puso ng mga Pilipino ang pagmamahal sa kapwa. Naniniwala tayo sa katotohanang ang pagmamahal sa kapwa ay pagmamahal sa Diyos. Sa pamamagitan ng pagmamahalang iyon ay sumusupling ang ating pag-uunawaan. At sapagkat tayo’y nagkakaunawaan, kaya naman tayo ay nagkakaisa at nagdadamayan. Hindi ba iyon ay isang gintong bahagi ng ating pagkalahi? Ang magagandang ugaling ito ay sama-samang ipinakita ng mga Pilipino sa pagtulong sa mga biktima ng bagyong Unding, Violeta, Winnie at Yoyong na sumalanta sa mga lalawigan ng Quezon, Bulacan, Aurora at iba pang lalawigan.

44 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

Ang magagandang kaugaliang ito ay ilan lamang gintong ugaling nagtatak ng dangal sa bandila ng ating lahi. Ito ay mga gintong kaugaliang patuloy na mamanahin ng mga darating pang salinlahi ng ating pagka-Pilipino, para sa patuloy na pag-unlad at pagdakila sa ating Bagong Republika.

Tao, Tagapag-alaga Ka Ba ng Kalikasan? Ang kalikasan ay sadyang ipinagkaloob sa atin ng Panginoon upang makatulong sa ating pamumuhay sa mundo. Nariyan ang mga puno at halaman na nagbibigay ng mga pagkain, ang mga ilog at dagat na bukal din ng mga isda at lamang-tubig na pinakikinabangan natin, ang mga kaparangan at kabundukan na may mga mina at troso, bukod pa sa mga ibon at hayop na nagbibigay din ng pagkain sa atin. Ngunit sa biyayang tinamasa natin mula sa kalikasan, unti-unti nating nalilimutan na may tungkulin din tayo sa kalikasan. Winalang- bahala natin ang pinagkukunang ito ng ating ikinabubuhay. Nalimutan nating magtanim ng mga bagong puno at halaman na kapalit ng kinuha natin. Gumamit tayo ng mga paraang nakapipinsala, tulad ng dinamita at pinong lambat, sa panghuhuli ng mga isda. Naging dahilan ito ng pagkamatay ng maliliit na isda. Hinuli natin ang mga ibon at hayop sa kagubatan na dapat sana ay tinutulungan nating dumami ang lahi. Sinunog din natin ang mga kabundukan para taniman ng palay na ang nagging kapalit ay baha at pagguho ng lupa.

Naging tagapagwasak tayo ng kalikasan sa halip na tagapag-alaga. Ngayon ay nararanasan na natin ang ganti ng kalikasan. Umiinit na ang panahon dahil sa kawalan ng lilim ng mga puno. Natutuyo na ang mga sapa at ilog. Malimit ang pagbaha. Kulang na tayo sa mga pagkain tulad ng mga prutas at gulay. Mahina na rin ang aning nakukuha sa ating palayan dahil sa matagal na tag-init at kasalatan sa patubig. Dahil dito, umangkat na tayo ng bigas. Nararapat na tayong kumilos ngayon habang may natitira pang yaman sa ating kalikasan. Isipin natin ang darating pang henerasyon na wala nang makikitang ang mga puno at ibon sa paligid. Harapin natin ang ating tungkulin bilang tagapag-alaga ng kalikasan.

Pangulong-Tudling Sinasabing ang pangulong-tudling ay nakagagawa ng apat na mahahalagang bagay: magturo, pumuri, tumuligsa o magtanggol. Ang patnugot o ang sumusulat nito ay may layuning mamatnubay sa mfa kuru-kuro ng tao. Karaniwang ang paksa’y sa balita kinukuha. Ang pangulong-tudling ay maaring maging lunsaran ng araling pagmamatuwid at pakikipagtalo. Sa gawaing ito, nasasanay ang mga mag-aaral na magbigay ng kanilang kuru-kuro, nalilinang ang kanilang

45 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

kakayahang mangatwiran, nahahasa pakikipagtalastasan at higit sa magkakaroon sila ng tiwala sa sarili.

sila lahat

sa ay

Talambuhay Ang talambuhay ay tala ng mahahalagang impormasyon sa buhy ng tao. May tatlong paraan ang paglalahad nito: 1. Paglalahad ng mga makukulay na pangyayari sa buhay na dinadakila ng nakapagtipon. Ang pagtitipon ng mga tala ay naisasagawa ng may-akda sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga taong nakakikilala sa taong ginagawan ng talambuhay, pagbabasa sa talaarawan ng nasabing tao at pagtitipon ng mga isinulat ng ibang tao tungkol sa taong ginagawan ng talambuhay. 2. Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayari tungkol sa buhay ng taong pinapaksa. 3. Paglalahad ng sariling talambuhay. Sa paggawa ng talambuhay, maari nating isama ang pananaw sa buhay ng taong pinapaksa, ang kanyang paniniwala at prinsipyo.

Anunsyo Mabisang gawing lunsaran ng aralin ang mga anunsyong naririnig sa radyo, nakikita sa bilbord at bapapanood sa telebisyon. Halos naisasaulo na ng mga bata ang mga salita at awiting kasama ng anunsyo. Wiling-wili ang mga bata sa pag-aaral ng mga araling ginagamitan ng anunsyo sa pagtuturo, nagiging malikhain, nahahasang umarte, nagkakaroon ng tiwala sa sarili at nalilinang ang talasalitaan ng mga mag-aaral. Narito ang isang halimbawang paraan kung paano gagamitin ang anunsyo bilang lunsaran ng aralin. 1. Pangkatin ang klase sa apat. Pumili ng lider sa bawat pangkat. 2. Ibigay ang anunsyong pamilyar sa mga bata at ang paksang iaangkop sa anunsyo. 3. Palitan ng mga salitang ginagamit sa anunsyo ng mga salitang bagay sa paksang-aralin. 4. Subaybayan at tulungan ang mga bata kung kinakailangan.

Talambuhay ni Bonifacio Isidro

46 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

May kasabihan tayong “Walang bagay na imposible sa taong masipag at matiyaga.” Ito ay napatunayang totoo ni G. Bonifacio Isidro. Ang mga katangiang sipag at tiyaga na nadagdagan ng talino, sikap at pagkamalikhain ang naghatid kay G. Isidro sa matagumpay na pamumuhay na kinaroroonan niya ngayon. Si G. Isidro na taga-San Rafael, Bulacan ay kinikilalang isang natatanging imbentor na Pilipino, di lamang sa Pilipinas, kundi gayundin sa ibang bansa. Tumanggap si G. Isidro ng marami nang gawad at parangal sa marami nyang imbensyon: makinaryang pantalop at panggiik ng bigas, mais, munggo, at sorgrum. Gayundin ang bomba ng tubig na yari sa kahoy at kawayan. Narito ang ilang gawad na nakamit niya: 1975 – Tanglaw Award mula sa pamahalaang panlalawigan ng Bulacan bilang pagkilala sa pagmomodipika ng mga kagamitang pansakahan. 1985 – Presedential Merit Award mula sa World Intellectual Property Organization para sa imbensyon niyang multi-crop sheller. Marami pang likhang makinarya sa pagsasaka ni G. Isidro. Kabilang dito ang E*B Pump, Animal Drawn Cultivator, Low Cost Windmill, Improved Reaper, High Efficiency Rice Thresher, Utility Coil, Multi-Crop Sheller, at ang Three-

Wheller Passenger Vehicle. Napatunayan ni G. Isidro na wala sa taas ng pinag-aralan kundi nasa uri at bias ng mga likha ang tagumpay ng isang tao.

Talambuhay ni Andres Bonifacio Si Andrés Bonifacio ay isáng tunay na Pilipino na ipinanganak noong ika-30 ng Noviembre 1863 sa isang bahay na pawid sa puok sa harap ng himpilan ngayón ng tren (ferrocarril, railroad) sa daang Azcárraga (Claro M. Recto avenue ngayon), sa Tondó, Manila. Ang kanyang amá ay si Santiago Bonifacio, na ang hanap-buhay ay mananahi (sastré, tailor). Ang kanyang ina naman ay si Catalina de Castro. Mga taal na taga-Maynilà. Ang kanyang mga magulang ay mga taong dukha kaya siya naman ay isang taong mahirap. Nagkaroon siya ng 4 kapatid, sina Ciriaco, Procopio, Petrona at Troadio. Ang 2 una at ang huli ay patay na. Ang babae ay buhay pa (nuong 1922), asawa ng nasirang bayani, si Teodoro Plata, na isá sa mga masikhay (matalik, malapit) na kasama ni Andrés Bonifacio. Siya ay nag-aral sa paaralan ng isang guro, si Guillermo Osmeña, sa pook ng Meisik, Binundok (Binondo ngayon), Manila. Datapwa nang siya ay tumutuntong na sa ika-14 taon, namatay ang kanyang mga magulang at dahil dito, naputol ang kanyang pagaaral. Siya nuon ay maalam nang bumasa at sumulat ng wikang sarili (Tagalog) at Castila.

47 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

Upang siya ay mabuhay, sampu ng kanyang mga kapatid, binatak ang sariling buto at siya ay naglako ng mga tungkod (bastones, walking sticks) at mga pamaypay na papel na ginagawa niya sa luob ng kanilang bahay. Gayon din ang ginawang hanapbuhay ng kanyang mga kapatid. Nang si Bonifacio’y nakapagsanay na sa pagsulat, siya ay pumasok na utusan sa bahaykalakal ni Fleming, at pagkaraan ng ilang panahon ay ginawa siyang kinatawan (agente) ng nabanggit na bahay-kalakal sa pag-bibili ng sahing (puno ng pili), yantok, at iba pa. Nang lumipas ang ilang panahon, naging kawani (personero, employee) siya sa bahay-kalakal nina Fressell & Co., sa bilang 450, daang Nueva, Maynilà. Ang sahod niya ay mga 12 piso lamang sa isang buwan. Patuloy pa rin siya sa paggawa ng mga tungkod at pamaypay, na inilako ng kanyang mga kapatid. Bukod sa kanyang hanap-buhay, si Bonifacio ay mahilig magsulat sa sariling wika at may magandang ayos ang kanyang sulat. Dahil dito, nakatulong sa kabuhayan nilang magkakapatid ang paggawa ng mga tatak at paunawa sa mga kayo (tela, cloth) na ipinagbibili rito sa atin. Siya ay mahilig sa pagbasa ng mga aklat at ang kanyang kina-himalingang basahin ay ang mga aklat na nakapagturo ng kabayanihan, tulad ng kasaysayan ng himagsikan sa Pransiya (French revolution), “Las Ruinas de Palmira,” “Los Miserables” ni Victor Hugo, “El Judio Errante,” ang Biblia, ang mga aklat ni Jose Rizal at ibá pa. Siya ay tutuong mahilig sa

pagbasa. May mga gabing halos hindi nakakatulog sa pagbabasá. Siya ay nagka-asawa. Ang naging kabiyak ng kanyang pusó ay pinalayawan ng Oriang (Gregoria de Jesus), tagá-Caloocan na ang sagisag ay “Lakambini.” Sila ay nagkaroon ng isáng anák na namatay (sa bulutong). May mga sulat na naiwan si Bonifacio. Mga pahayag ukol sa paghihimagsik, “Ang dapat mabatid ng mga Tagalog,” “Ang Pag-ibig sa Tinubuang Bayan,” (tula) at iba pa. Nguni’t ang lalong pinaka-mahalaga, bukod sa tuntunin at mga aral ng Katipunan at ang “Katungkulan ng mga Anák ng Bayan” ay ang “Huling Paalam” ni Rizal, na kanyang isina-Tagalog sa gitna ng pagdagundong ng paghimagsik, na siyang inawit ng ating mga kawal nang sila ay nakipaglaban sa Castilà. Dinadakila ng Bayang Pilipino si Andrés Bonifacio at siya ay ipinalalagay na dakilang bayani, kapiling ni Rizal, sapagka’t siya ang nagtayo at nahalal na pangulo ng “Kataastaasan, Kagalanggalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan,” na pinagka-utangan ng Bayang Pilipino ng kabayanihan sa pag-usig ng kanilang ikalalaya. Ang sagisag niyá ay “May-pagasa” na “nangyari” bago siyá mamatay.

Talambuhay ni Cayetano Arellano Isinilang si Cayetano Arelano sa bayan ny Udyong, Bataan, noong Marso 2, 1847. Marangal ngunit maralita ang kanyang mga magulang na sina Servano Arellano at Gng. Crisofa Lonzon.

48 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

Isang batang tahimik, hindi palasalita at hindi palalaro si Cayetano. Bukod sa pagiging palaisip, masuri at mapagmasid si Cayetano. “Tano, ano na naman ba ang ginagawa mo riyan?” ang tanong ni Aling Orang. “Nakikita ko po iyong ibon, Inang,” tugon ni Cayetano. “Iniisip kop o kung paano iyon nakagagagawa ng pugad para sa kanyang mga anak. Maganda rin po ang tinig ng ibong iyon, Inang,” ang tugon ni Cayetano sa tanong ng ina. Munti pang bata si cayetano ay kapapansinan na ng anking talino. Nang pumasok siya sa paaralan, humanga sa kanya ang mga kamagaral at guro niya. May kakayahan din siya sa pakikipagtalo. Upang makapag-aral sa Maynila, ipinasok siya ng kanyang ama na agraciado o ampon sa paaralang San Juan de Letran. Kailangan niyang gumawa roon. Nagpatuloy siya sa pag-aaral sa pamantasan hanggang sa makatapos siya ng pagkamanananggol. Noong mga panahong iyon sinakop ng mga Amerikano ang ating bansa. Sinimulan nilang itatag ang pamahalaang sibil noong 1901. dahil sa ipinakitang katangi-tanging sipag, karunungan at magandang pakikisama, si Cayetano Arellano ay hinirang ng mga namumunong Amerikano na kaunaunahang hukom ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas. Talambuhay ni Lorenzo Ruiz Si Lorenzo Ruiz ay isinilang sa Binondo, Maynila noong unang dekada ng ika-17 dantaon. Isang banyagang Intsik ang kanyang ama. Ang kanyang ina naman ay isang Tagala na tubong Maynila. Sa simbahan ng Binondo naglingkod si Lorenzo bilang sacristan at iskribano. Napagbintangan siya sa kasong criminal. Palihim na tumakas si Lorenzo at ang mga paring Dominikano patungong Hapon. Naglingkod sila sa mga Kristiyano ngunit ibinilanggo rin sila. Halos ikamatay ng mga bilanggong pari at ni Lorenzo ang iba-ibang mabibigat na parusa. Tinanggap ni Lrenzo nang buong tatag at tapang ang lahat ng parusa at nanatili siyang Kristiyano hanggang sa kanyang pagkamatay. Kinilala ang kadakilaan ni San Lorenzo Ruiz sa pamumuno ni Papa John Paul II noong 1987. isang marangal na beatipikasyon ang iginawad sakanya.

49 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

e. Gumagamit ng mga salitang angkop sa katalinuhan ng babasa. f. Malinis, malinaw at kaakit-akit ang laman at hitsura ng liham. Liham Sa paraang ito ng paglalahad ng aralin, ang mga mag-aaral ay hindi lamang natututo ng bagong talasalitaan kundi mga bahagi pa ng liham. Kasama ring matutuhan ang wastong pananalita, pagbati at mga katagang angkop gamitin sa pagliham. Ipinakikilala ng liham ang katauhan ng sumusulat kaya’t hindi dapat gamitin ang karaniwan at palasak na paraan ng pakikikumusta sa liham o iyong tinatawag na “stereotyped expressions” gaya halimbawa ng “nawa’y datnan ka ng liham kong ito nang malusog at walang karamdaman,” “Bago ang lahat, tanggapin ninyo ang aking masaganang pakikikumusta,” at iba pang palasak na pambungad. Sa mga di-pormal na liham maaaring matanggap ang maligoy at mabulaklak na pananalita. Maaari ring magkuwento ditto at maparating ng mga bagay na gustong iparating sa sinusulatan. Subalit sa mga pormal na liham hinihingi nito na maging pormal ang lenggwahe at maging tiyak, tuwiran, maikli at malinaw ang paglalahad. Sa paggawa ng liham, dapat isaalang-alang ang mga sumusunod: a. Ang paksa ay tiyak at nakaaaliw sa babasa. b. Ang paraan ng paglalahad ay magaan, likas at parang nakikipag-usap lamang sa bumabasa. c. Wasto ang balarila at ang gamit ng mga pananalita. d. Iniiwasan ang paggamit ng mga salitang matatalinghaga. Talaarawan Ang talaarawan at tala ng mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng tao. Itinatala ng isang tao ang anumang inaakala niyang mahalaga at makabuluhang karanasan sa isang tiyak na araw. Ito ay pansarili lamang at hindi isinusulat para sa iba. Kaya ang tala rito ay matapat at makatotohanan. Kadalasan ang isinusulat sa talaarawan ay mga pansariling sekreto at di dapat malaman ng ibang tao. Bilang lunsaran sa paglalahad ng aralin, kawili-wili ito sa mga bata dahil nararamdaman nila at nararanasan din ang nasasaad sa talaarawan lalo na’t kasinggulang nila ang may talaarawan. Mabisa itong gamitin sa asignaturang Pagbasa, Balarila at Wastong Pag-uugali. Sa pagsulat ng talaarawan, nalilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pasulat na pakikipagtalastasan. Bukod pa rito, nawiwili ang mga bata dajil naitatala nila ang di-malilimutang pangyayari sa buhay nila. Bilang lunsaran naririto ang mga dapat tandaan ng guro sa paggawa ng talaarawang gagamitin sa paglalahad ng aralin. a. Iugnay ang diwang ipinababatid ng talaarawan sa paksang-aralin. b. Itala lamang ang mga mahahalagang pangyayari. c. Laging nasa aspektong perpertibo ang pandiwang gagamitin sa pagtatala ng talaarawan.

50 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

d. Gawing maikli ang pagkakatala pangyayari. e. Lagyan ng petsa ang bawat tala.

ng

mga

51 | A p r i l M . B a g o n - F a e l d a n 2 0 0 9

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful