You are on page 1of 5

Liham Pangkaibigan

54 Matatag St. Purok 6,


Malolos, Bulacan
Ika-20 ng Hunyo, 2008

Mahal kong Narishka,

Kamusta na ang aking matalik na kaibigan. Matagal na rin tayong hindi nagkita
mula ng lumuwas ka sa Maynila para mag-aral. Madalas akong dumaan sa inyong bahay
para makibalita sa iyong ina kung ano na ang nagyayari sa iyo.

Salamat pala sa iyong pinadalang regalo noong nakalipas kong kaarawan. Salamat at
hindi ka pa rin nakakalimot sa akin at maganda nating pagkakaibigan.

Sabi ng Nanay baka hindi pa rin daw ako makakapag-aral nitong darating na pasukan.
Wala kasing permanenteng trabaho si Itay. Kaya kailangan ko muna silang tulungan para
sa pang-araw-araw na gastusin dito sa bahay. Siya nga pala, may trabaho na ako bilang
isang kahera dito sa atin. Maliit lang ang sweldo pero nakakasapat na rin kahiut papano at
nakakatulong din sa aming pamilya.

Hanggang dito na lamang at sana lagi kang mag-iingat diyan. Ilibre mo naman ako pag
nakapagtapos ka na at sana maipasyal mo rin ako sa Maynila.

Nagmamahal na kaibigan,
Airine

Liham Paanyaya

54 Mabait St. Brgy. San Antonio


Malolos, Bulacan
Ika-20 ng Hunyo 2008

Mahal kong Nicol John,

Sumulat ako sa iyo upang ipabatid na magkakaroon ako ng isang pagsasalo


ngayong ika-9 ng Agosto sa bahay namin. At isang karangalan ang ikaw ay anyayahin sa
aming inihandang pagsasalo. Bilang matalik kong pinsan marapat lang na imbitahin kita.
Sana ay makakarating ka at ang iyong mga magulang at kapatid. Magagalak sila inay at
itay kung kayo ay makakarating.
Nagmamahal na pinsan,
Airine

Liham na Nag-aaply ng Trabaho

Malolos Bulacan
Ika-15 ng Hunyo, 2008

Kagalang -galang na Sherwin Armas


Municipal Mayor
Lalawigan ng Bulacan
Malolos, Bulacan

Kagalang-galang na Mayor:

Isang magandang umaga po ang ipinaaabot ko sa inyo.

Ako po ay nagtapos ng high school noong nakaraang Marso sa Mount Carmel


Academy. Wala na pong pangtustus ang aking mga magulang para sa aking pag-aaral sa
kolehiyo. Wala pong trabahong permanente ang aking ama kaya po kami kinakapos sa
buhay.

Sumulat po ako sa inyo upang mag-aplay ng trabahong kaswal sa inyong


tanggapan. Gusto ko po sanang makapag-ipon para sa aking pag-aaral sa kolehiyo.
Anuman pong trabaho ang maari nyong ibigay sa akin ay aking pagbubutihan at gagawin
ang lahat ng aking makakaya.

Maraming salamat po sa anumang tulong na maibibigay ninyo sa akin. Tatanawin


kong malaking utang na loob.

Sumasainyo,
Philip John Michael Villarosa
Liham Pasasalamat

54 Masinop St, Kapulong Hiway,


Malolos, Bulacan
Agosto 5, 2010

Mahal kong Tita Jane Agnes,

Natanggap ko po ang iyong napakagandang regalo. Maraming salamat po at hindi


kayo nakakalimot magpadala ng regalo tuwing aking kaarawan. Masayang masaya po
ako sa pagkakaroon ng bagong damit. Kasyang-kasya po ang sukat nito at bagay ko po
ang disenyo sabi ni Nanay. Ipinaabot din po ng Nanay ang kanyang pasasalamat sa
regalong natanggap din po nya mula sa inyo.

Mag-iingat po kayo lagi dyan sa Indiana. Huwag po sana kayong masyadong


magpapagod. Miss na miss na rin po namin kayo.

Hanggang sa muli nating pagkikita.

Nagmamahal na pamangkin,
Celina de la Cruz

Liham Paghingi ng Paumanhin

Purok Buli, Minaog


Dipilog City
Agosto 4, 2010

Mahal kong Natalie,

Sanay ipagpaumanhin mo ang naganap kahapon. Hindi ko sinasadyang mapunit


ang iyong sinulat na katha. Akala ko lang kasi na isang papel lang iyon na hindi mahalaga
ang nakasulat. Sana ay mapatawad mo ako sa aking nagawa kahapon. Sisikapin kong
makabawi sa aking nagawa.

Ang iyong kaibigan,


Noiex
Kwentong Bayan

ANG DIWATA NG KARAGATAN

Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay. Mapagpala ang
kalikasan sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nilay ay ang pangingisda. Sagana sa
maraming isda ang karagata. May isang diwatang nagbabantay at nag-aalaga sa mga isda
at ito'y nalalaman ng mga taganayon. Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang makahuli
ng maraming-maraming isda upang magkamal ng maraming salapi. Gumamit sila ng
dinamita kaya't labis na napinsala ang mga isda, pati ang maliliit ay namatay.

Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang mahuli kahit
na isda ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging pangit na rin ang
karagatan na dati'y sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon at napagpasyahan nilang
humingi ng tawad sa diwatang nangangalaga sa karagatan. Nakiusap din silang ibalik na
ang dating ganda ng karagatan at gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na
gagamit ng anumang makasisira sa kalikasan.

Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng karagatan at
muling dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng mga tao.
No Man Is An Island

No man is an island,
No man stands alone,
Each man's joy is joy to me,
Each man's grief is my own.

We need one another,


So I will defend,
Each man as my brother,
Each man as my friend.

I saw the people gather,


I heard the music start,
The song that they were singing,
Is ringing in my heart.

No man is an island,
Way out in the blue,
We all look to the one above,
For our strength to renew.

When I help my brother,


Then I know that I,
Plant the seed of friendship,
That will never die.