You are on page 1of 7

Sandali na Lang

Emil Nathaniel Cenita


Episode 1
Isang Tawag

Isang bagyo ang rumaragasa sa buong Kamaynilaan,malakas ang ulan at tuloy-tuloy ang
paghampas ng hangin.Suspendido ang mga klase,bumabaha sa mga kalsada at ang mga nasa labas
ay nagmamadaling umuwi habang ang mga nasa kanilang bahay ay natatakot lumabas.
Bored na nakahiga si Ira sa kanyang double-deck na higaan.Dahil sa bagyo,di natuloy ang
badminton practice nila ni Coach Gethyn.Marami naman syang mapaglilibangan habang pinapalipas
nya ang bagyo ngunit sadyang nagsasawa sya sa mga ito na ayaw nya itong galawin.
Sinubukan nyang matulog ngunit bago pa nya ito magawa ay nag-ring ng malakas ang kanyang
cellphone.Hindi nya alam kung sino ang tumatawag-ang alam lang nya ay kailangan nya itong
sagutin.
“Hello?”
“Ira???”Isang babae ang nasa kabilang linya.Hindi pamilyar kay Ira ang boses na ito.
“Sino…po..sila?”
“Di mo pa ba naalala?Si Trixia ito!Magkaklase pa nga tayo,diba?Cavendish???”
“Sinong Trixia?”Nagtatakang reaksyon ng lalaki.
“Trixia Abrenica…Grade 6-Cavendish.”
Dali-daling bumalik sa isip ni Ira ang kanyang elementary years-apat na taon na ang
nakalipas.
“Chakadoll???Ikaw ba yan???”
Biglang naputol ang linya at di na nagawang makausap ni Ira ang tumawag.Napaisip sya
ng malalim hanggang sa sya ay makatulog.

*****
3 pm at nagmamadaling lumabas ang mga estudyante ng Sta. Elena High School.Kanya-
kanya silang destinasyon-uuwi,pupunta ng mall,mamamasyal at tatambay kahit saan.Si ira,sa
isang banda ay nakatayo lang sa tapt ng Jolibee at hinihintay ang girlfriend na si Yifei.
“Hey sweetie!”Sabay kalabit ni Ira sa girlfriend.
“Ano ka ba?Ginulat mo naman ako,oo…Anyways…congrats ha!”
“Eh.Para saan?”
“Akala mo di ko alam ah!Pinapanuod kaya kita kanina.Galeng mo nga eh!”
Napangiti si Ira sa narinig.”Syempre.Ikaw iniisip ko ehh.”
“Naku…nambola na namn po sya!”
“Libre na nga lang kita,gusto mo?”Sabay pasok ng dalawa sa loob ng fastfood.
Habang kumakain di mapigilan ni Ira na pagmasdan si Yifei habang kumakain ng french fries.
“Ang cute mo talaga ‘pag kumakain ka.”
“Sus.Ikaw talaga,oo.” Ang alam ni Yifei ay binobola lang sya ni Ira ngunit mukhang
napaniwala sya nito.”Medyo convincing na rin.”
“Uy,totoo sinasabi ko ah.”Kinuha ni Ira ang baso at ininom ang softdrinks na nasa
loob.Napansin nya na malungkot si Yifei at mukhang may malalim na iniisip.
“May problema ka?”
“Nagtataka lang ako.”Sabay kuha ni Yifei ng french fries.”Ang dami-daming babae dyan sa
paligid pero ako pa anng pinagdisketahan mo.”
Natigilan si Ira sa narinig.”Ok ka lang?”
Naligaw naman ang atensyon ng lalaki sa ketchup sa pisngi ni Yifei.”Uyy,may ketchup ka
sa mukha,o.”Kinuha nito ang tissue at dahan-dahang pinunasan ang nantsa sa mukha nito.
Bigla namang dumating ang bestfriend ni Ira na si Renzy na nakasira sa moment nilang
dalawa.
“Uy,pengeng french fries!”
Halatang gulat si Ira sa narinig na boses.”Pasaway ka talaga,oo!Panira ka ng moment
eh!”
“Sori naman.Kanina pa kaya kita hinahanap ano.Di mo natatandaan?Magte-test pa
tayo!”
“Ha?Putik ‘yan…”
“Well,malas mo.”Sabay kuha ni Renzy ng natititrang fries.”Penge pa nga.”
Kahit na gusto ni Yifei na makasama pa si Ira,siya na mismo ang pumilit dito na
umalis.”Bilisan mo…go!At ikaw naman,ha,Renzy,umalis ka nga sa paningin ko!”
Nagbulungan ang magbestfriend at di nila mapigilan na matawa sa pinaguusapan.
“Lumayas ka naaaaa!!!!!”
Biglang gumaan ang pakiramdam ni Yifei ng nawala si Rezny sa paligid.Sa oras na iyon di
na nya mapigilang tumulo ang kanyang luha na kanina pa nya pinipigilan sa harap ni Ira.Mabuti na
alng,kasama nya ang isang tunaw na Ice Cream,isang chocolate sundae na di man lang nya
nagalaw.

*****

Breaktime at nageenjoy sila Ira at Renzy sa kinakaing hamburger habang naglalakad sa


paligid ng eskwelahan.Biglang naisip ni Ira na tanungin ang kaklase tungkol sa isang bagay.
“Break na pala kayo ni Ashley,ah.Di mo man lang sinasabi.”
“Huh?Di ko pa pala nasabi sa ‘yo?” Natawang sagot ni Renzy.”Oo naman!”
“Mukhang masaya ka pa ata.”
“Syempre.Di naman ako napagod eh-siya kaya nakipagbreak.”
Mukhang magkasalungat ang ngiti ni Renzy sa totoo nyang nararamdaman noong
panahong iyon.Halata naman sa kanya na siya’y nasaktan-bagay na nagpatawa sa kaibigan.
“Bakit ka natawa dyan?”Halatang badtrip na si Renzy sa pagtawa ni Ira ngunit di pa rin
ito napigilan sa paghalakhak.
“Di ako makapaniwala,eh!Babae makikipagbreak sa ‘yo?Naku,isa lang ibig sabihin nyan…
din a effective pambobola mo,dude!”
Natameme lang si Renzy sa mga narinig.
“Mahal mo pa ba sya?Mukha kasing seryoso ka.”
Dito nagawa ni Renzy na subukhang pagtakpan ang sarili.”Oh c’mon.Pinaglalaruan ko lang
sya,just like everybody else.”
“Baka naman ikaw ang pinaglaruan!”
Natahimik sya ng ilang sandali. “Siguro.May point ka rin dun…oo,tama!Ako ‘to,si Renzy
tanga...nagmahal ng isang tao na sa banding huli ay pinaglaruan lang ako...at ngayon
nagkukuwaring di sya mahal…”
“See,umamin ka rin.” Sabay kagat sa hamburger na hawak nya.”Feeling ko nakarma
ka,tol.Ikaw kasi eh.Mag ‘stick-to-one’ ka na rin!”
“Sa itsura kong ‘to?...”
Saktong sa pagsambit ni Renzy ng linyang iyon ay may isang grupo ng freshies na
halatang kinikilig habang dumaraan.
“…Musta na pala kayo ni Yifei?Ang sweet nyo kahapon ah.Ayee!”
“Kung alam mo lang.Oo nga,ganun siguro…pero me problema eh.”
“Owz.Kayo…magkakaproblema?Hello!”
Napabuntong-hininga lang si Ira.”Feeling ko kasi napapabayaan na naming ang isa’t isa.Lalo
na ako sa kanya.Masyado kasi kaming busy.Ni text nga di naming magawa eh.”
Palakad na si Ira nang hinarang sya ng kaibigan at pinigilan syang makaalpas. “Ira,ikaw ba
‘yan?Naninibago ako sa ‘yo ah.Nakadrugs ka ba?”
“Bahala ka na nga dyan.Kumain ka na nga lang.”
“Yah,right.Tapos na kaya ako…”Sabay bato ni Renzy ng hamburger wrapper sa babaeng
nasa harap nila.Mukhang sadya ito lalo na ng humarap ang babae at sumigaw…
“Renzy!!!”
Sa sobrang inis binilisan ni Ashley ang paglakad na umaastang nagwawalk-out.Napatingin
lang ang dalawa sa kanya at di napigil sa pagtawa.

*****
<Pagpapatuloy ng eksena sa Jollibee…>
Kaalis pa lang ni Ira at Renzy at naiwang mag-isa si Yifei sa kinauupuan.Bilgla naming
sumulpot sa eksena si Ashley na animo’y hinahanap sya.Napaiyak lang ito nang lumapit sa
kanya.
“Ashley,uy…bakit ka umiiyak?May nangyari ba?”
“Break na kami!”
“Ni Renzy?So totoo pala!Break na kayo ni…”Nagkunwari na lamang si Yifei na alam na
nya ang lahat at nagsalita ng may tono ng pang-aasar.
“Please nga,huwag mo nang banggitin ang pangalang ‘yan!”
“Renz Marione Bulseco?”
Lalo tuloy naiyak si Ashley na may kasamang kaunting pag-tawa. “Kainis ka talaga!”
“O eto,tissue.”Sabay abot sa kanya ng kaklase.”Huwag ka nga ngumawa dyan!Nag-
iiskandalo ka eh!”
Matapos ang ilang sandali ay napakalma na si Ashley na hudyat para sya ay tanungin.
“Eh bakit nga pala kayo nag-break,ha?”
Mukhang nahiya pa sya na sagutin ang tanong at nagawa nya lang ito matapos ng ilang
sandali sa pamamagitan ng pagbulong.
“What?Ang babaw naman nun for a reason!Ewan ko ba sa lalaking yan…naku!Hay…di ko
talaga kayo mawari!”
Tutok lang si Ashley sa pakikinig.Tulala.
“O,ano na?Di naman pwedeng parangn pulis at criminal kayo na nag-iiwasan lang…mag-
usap nga kayo!God…”
Nabalik si Ashley sa realidad nang narinig ang boses sa megaphone.Habang ang karamihan
ay nagmadaling tumakbo papunta sa Registrar,sya naman ay parang nagkibit-balikat na parang
wala bang narinig.Inilabas nap ala ang bagong student ranks-isang bagay na inaabangan lalo na sa
mga magkakalabang section sa 4th year.
Nang narinig ni Ira at Renzy ang announcement ay agad pumunta ang dalawa sa registrar
upang makiusyoso.Hindi nila inisip na makakapasok sila sa Top 10,lalo na’t mahigpit ang
laban.Pakialam lang nila ay kung sino ang Top 1-si Yifei,ang girlfriend ni Ira,o ang bestfrieng nyang
si Mykel.Kaya laking gulat nila sa resulta ng listahan.
“Naku po!Nakapasok pa tayo?”Sabay apir ng dalawa na parang pagbati sa kanilang
achievement.
“Akalain mo yun?”
“Syempre naman…ano naming akala mo sa ‘tin ha?Ikaw kasi…puro syota na lang
inatupag mo.Magbagong-buhay ka na kasi!”
Isa sa mga nakasali sa listahan ang naka-agaw ng atensyon ni Ira.Sa unang tingin pa lang
ay naalala nya na kilala nya ito noon pa.
“Hmm.Abrenica…Trixia...”
“Ay,oo.Si Trixia?Ka-clan ko ‘yan!”
Biglang napatingin si Ira sa kaibigan na parang nanlilisik ang mga mata,”Aha!Ikaw pala ang
salarin!You violated my right to privacy!” sabay turo ng daliri kay Renzy.
“Hoy wala akong kinalaman dyan ah…”
“Anong wala?Paano nya ako natawagan kung di mo binigay number ko sa kanya!”
“Talaga?Aba ewan.Ano naming masama dun?Huwag mong sabihin-“
“Yang babaeng ‘yan?Kaklase ko yan nung Elem eh!Patay na patay kaya yan sa ‘kin…
Para ko na nga yang stalker!”
“So you mean sinundan ka nya dito?Ayee!”
Naputol ang kanilang pag-uusap nang dumating ang Top 1 na si Mykel.Kakaiba ang
itsura nito ngayon dahil sa suot na salamin na di nya karaniwang ginagawa.Ngunit kahit anong
gawin nya di nito magagawa na pagmukhain syang nerd.Sa halip mas nagmukha syang gwapo dito.
“Gumaganun o!”Nakita ng dalawa si Mykel na palapit kaya di nila napigilan na kantyawan
ito.”Pa-cheeseburger ka naman!”
Natawa lang ang kausap sa narinig.“Ikaw talaga Renzy o.Puro pagkain na lang ang nasa
utak mo.Dapat nga ikaw manlibre dyan eh!Kapapanalo mo lang dun sa pustahan diba?”
Dahil di alam ni Mykel ang mga pangyayari nagpresinta na si Ira na sabihin ito sa kanya.
“Naku,Mykel.Huli ka na sa latest.Ashley dumped him.”
Magkahalong gulat at tawa ang nanaig sa kanya nang marinig ito.Ang nasabi lang nya…
“Oh.Condolence,Renzy.”
Nakiusap na lang si Renzy na huwag nang pagusapan ang mga nangyari.Sa halip nagisip
sya ng ibang topic upang maiba ang usapan.
“Mukhang busy ka ata ngayon,Kel.”
“Ah...medyo.Dun sa robot eh.”
“Asteeg!”
Napasigaw lang si Renzy at Ira sa gulat. “Well good luck with that.Hmm.Wala akong balita
sa lovelife ah.”
“Too busy to love.”
Hindi naman napaniwala si Ira sa sagot ni Mykel. “Weh.Ikaw,mawawalan ng lovelife?
Naku.Tanggalin mo nga yang salamin mo.Di bagay eh!”
Biglang hinablot ni Ira ang salamin at pinasa kay Renzy.Sinubukan naman ni Mykel na
kunin ito ulit ngunit di nya na ito nagawa dahil sa dami ng tao na dumudumog sa kanya.
Natapos na ang komosyon nang nagsalita sya. “Di ba Physics nyo na?”
“Ay lagot!Sige una na kami!”
Dali-dali namang nagsitakbo si Ira at Renzy nang narinig ang bell.Saka lang namalayan ni
Mykel na di pa naibalik sa kanya ang kanyang eyeglasses.
“Pasaway!Di binalik yung salamin!Kukunin ko na nga lang mamaya.Wala naman grado yun.”