Suring Aklat sa Filipino “El Filibusteri smo” ni

Dr. Jose Rizal
Ipinasa kay: Gng. Cabrera Ipinasa ni: Blesilda Anne B. Lubag Galileo IV -

I. Kakayahan ng may akda sa pagsulat ng aklat:
a. Talambuhay ng may-akda Dr. Jose Rizal Si Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda (Hunyo 19, 1861–Disyembre 30, 1896) ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si José Rizal sa Calamba, Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang kanyang mga kapatid.

Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pagaralin siya sa Maynila. Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872. Ayon sa isang salin ng Noli me tangere ni Guzman atbp., sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan. Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong Mayo 5, 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo. Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang

dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas. b. Iba pang aklat na sinulat ng may-akda Si Rizal ay nakilala sa dalawang nobelang kaniyang isinulat, ang Noli me tangere (Huwag Mo Akong Salingin) na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886), sa tulong ni Dr. Maximo Viola. At nilathala ang El Filibusterismo (Mga Pagbalakid o Pangungulimbat) sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Dr. Maximo Viola ng 300 piso sa pagpapalimbag. c. Batayan ng Pagsulat ng may-akda Naglalaman ang kanyang mga lathala ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang pagkakaisang-diwa at katauhan ng mga Pilipino, na nauwi sa Rebolusyon ng 1896. Noong siya'y walong taong gulang pa, naisulat niya ang tulang Sa aking mga Kabata na naging Sa Aking mga Kababata. Tumutukoy ang tulang ito sa pagmamahal sa bayan dahil bata pa lang siya ay nakitaan na siya ng pagiging nasyonalismo. Nang malapit na siyang bitayin, sinulat niya Mi Ultimo Adios (Huling Pamamaalam). Kabilang sa iba niyang naisulat ay ang Awit ni Maria Clara, Pinatutula Ako, Ang Ligpit Kong Tahanan atbp. Dagdag dito, si Rizal din ang masugid na taga-ambag ng mga sulatin sa La Solidaridad, isang pahayagang inilunsad ng mga Pilipinong repormista sa Espanya. Sumulat siya sa ilalim ng pangalang Dimasalang at Laong-laan, habang lumagda naman si Marcelo Del Pilar bilang Plaridel.

II. Buod:
Tauhan Bali, Hermana – pumilit kay Juli upang magpatulong kay Padre Camorra. Basilio – anak ni Sisang nakatapos ng medisina. Camorra, Padre – mukhang artilyerong pari. Celo, Tandang – ama ni Kabesang Tales. Fernandez, Padre – dominikong may liberal na paninindigan bilang kura. Florentino, Padre – tiyuhin ni Isagani. Gomez, Paulita – katipan ni Isagani. Imuthis – misteryosong ulo. Irene, Padre – kapanalig ng mga kabataan sa paghingi ng pahintulot na maitayo ang Akademya. Isagani – makata at katipan ni Paulita. Juli – anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio. Mr. Leeds – misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya. Makaraig – mayamang estudyante na masigasig sa pagtatayo ng Akademya. Senyor Pasta – pinakasikat na abogadong tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal. Palaez, Juanito – mapang-utong estudyante kaya ginigigiliwan ng mga propesor. Penchang, Hermana – mayamang donya na pinagliligkuran ni Juli. Penitente, Placido – pinakamatalinong estudyante ng Batangan na nawalan ng ganang mag-aral sa pamantasan. Quiroga – mangangalakal na naghahangad magkaroon ng konsulado ng mga Inchik. Salvi, Padre – tinatawag na moscamuerta o patay na langaw, kura ng San Diegong pumalit kay Padre Damaso. Sandoval – kastilang kawani na kampi sa ipinaglalaban ng mga kabataan.

Simoun – mayamang mag-aalahas, na misteryosong nakasaliming may kulay sa gabi man o sa araw. Tales, Kabesang – may-ari ng lupang di makatarungang inangkin ng Korporasyon ng mga prayle kung kaya sumama sa mga tulisan. Victoria, Donya – tiyahin ni Paulita Gomez at nag-aasal Espanyola gayong Pilipinang-Pilipina. Zayb, Ben –manunulat sa pahayagan. Tagpuan Mga Tagpuan sa Aklat Sa isang bapor na nagngangalang Tabo. Kakikitaan ang bapor ng iba’t ibang uri ng tao. May mayayaman, mahihirap, kawani ng pamahalaan at iba pa.ang bapor ay patungong Laguna mula Maynila. Ilan sa mga lulan ng bapor ay anng mga prayle/reverendos, si Isagani, ang mamamahayag na si Ben Zayb, si Donya Victorina, isang mag-aalahas na nagngangalang Simoun, at si Basilio. Sa ilalim ng kubyerta ng bapor makikitang naguusap si Isagani, Basilio at Kapitan Basilio. • Bisperas ng Pasko ngunit si Basilio ay lulan ng isang kalesa patungo sa bahay ni Kapitan Tiago sa bayan ng San Diego. Inabutan nila sa daanan ang prusisyon ng iba’t ibang santo. Si Kapitan Tiago ang tumulong kay Basilio upang makapagaral ng medisina. Sa tuwing uuwi sa Basilio sa San Diego, lagi niyang binibisita ang libingan ng kanyang ina. Ngunit isang gabi, isang di inaasahang sikreto anng nalaman ni Basilio. • Sa bahay ni Macaraig nagtipon-tipon ang mga estudyanteng kasama sa grupo na naghahangad mapatayo ang Akademya ng Wikang Kastila. Ilan sa mga ito ay si Sandoval, ang estudyanteng mahilig manalumpati, si Isagani, ang makata, si Pecson, na puro pag-aalinlangan, at si Pelaez,ang anak ng isang Kastilang mangangalakal. Hinihintay na lamang nila ang pagdating ni Macaraig upang ibalita sa kanila ang tungkol sa akademya. Nag-uusap ang mga mag-aaral kung sa palagay ba nila ay

papayagan ng mga prayle ang kanilang mga mungkahi. Tanging si Pecson lamang ang nag-iisip ng negatibo sa grupo. Nasa gitna ng paguusap anng mga mag-aaral ng dumating si Macaraig dala ang isang magandang balita. • Nagpakitang muli si Simoun kay Basilio upang anyayahan itong sumama sa binabalak nitong paghihimagsik. • Sa isnag pansiterya na nagngangalang Pansiteria Macanista de Buen Gusto. Ang mga estudyante ay nagtipontipon dahil sa pare-pareho silang masasama ang loob pagkat sila’y nabigo sa kanilang panukala ukol sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila. • Maagang gumising si Basilio upang dalawin ang mga pasyente niya sa ospital at upang asikasuhin ang mga papeles na kanyang kakailanagnin sa kanyang pagtatapos sa Unibersidad. Pinaplano niyang lapitan si Macaraig upang humiram ng kaunting halaga na kanyang gagamitin sa kanyang pagtatapos. Ang lahat kasi ng kanyang naipon ay nagugol niya sa pagtubos kay Huli at sa kanilang titirhan ng kanyang lolo, si Tandang Selo. Naglalakad si Basilio patungong unibersidad. • Tuluyang nakulong ang mga estudyante na kasapi sa grupong naghahangad na matatag ang Akademya ng Wikang Kastila, ngunit nakalaya din dahil sa nalakad ang mga kaukulang papel maliban kay Basilio, dahil walang maglalakad ng kanyang papel dahil si Kapitan Tiago ay namayapa na. karamihan sa mga estudyante ay hindi pumasa sa eng serbisyo sibil. Si tadeo naman ay tuwangtuwa dahil sinunog ang lahat nang mga aklat at sila ay pinauwi para sa isang mahabang bakasyon. Si Juanito naman ay tinuruan na lamang ng kanyang ama kung paano mangalakal. Si Macaraig naman ay nagtungo ng Europa. Si Isagani ay nakapasa sa asignaturang pangmadlang pagpapahayag ngunit bagsak sa iba. Dinaan namn ni Sandoval sa pagtatalumpati kung kaya siya ay nakapasa. Sinubukan ni Huli, ang kasintahan ni Basilio na pakiusapan si Padre Camorra na palayain ang kanyang kasintahan ngunit ito pa ang nagging dahilan ng kanyang kamatayan. Hindi rin nagtagal ay pinasya ni Paulita, ang

maganda at mayamang kasintahan ni Isagani, na magpakasal. Ngunit hindi sa binata kundi kay Juanito Pelaez. Buwna na ng Abril at laganap na ang balitang kasalan. Si Simoun naman ay nais nagdaos ng isang piging dahil siya ay lilipad na pabalik ng Espanya. • Alas-siyete na ng gabi. Nagsimula nang dagsain ng mga panauhin ang bahay ni Kapitan Tiago, na pagdadausan ng kasal nila Paulita at Juanito. Ang pagdating ng Kapitan Heneral na lamang ang hinihintay upang magsimula ang pista. Sa harap ng bahay ay naroon si Basilio at nagmamasid. • Napagalaman ng lahat na si Simoun ang may kagagawan ng lahat. Hinalughog ang kanyang bahay at nakita dito ang ilang armas at bulbura. Pinaghahanap na siya ng mga sibil. Ayaw niyang magpahuli ng buhay kaya uminom siya ng lason at nagtungo kay Padre Florentino upang mangumpisal.

Buod

Maikling Kabuuan ng “ El Filibusterismo”
Ang FILI ay nagsisimula sa isang paglalakbay ng bapor Tabo sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang mag-aalahas at nagbabalatkayong si Simoun na dili iba’t si Ibarra, ang makatang si Isagani, at si Basilio. Itong huli, na ngayo’y binata na, ay sasampung taon, lamang nang masumpungan natin sa huling kabanata ng NOLI. Smakatuwid ay labintatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa. Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagkakataon ay nakatagpo si Simoun sa pagdalaw niya sa pinagbaunan sa kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay si

Ibarra na nagbabalatkayo; at upang ang ganitong lihim ay huwag mabunyag, ay tinangka ni Simoun na patayin si Basilio. Datapwat nakapaghulos-dili siya at sa halip ay hinikayat ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila sa Pilipinas. Si Basilio ay tumanggi dahil sa ibig niyang matapos ang kanyang pagaaral. Habang ang Kapitang Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanyang Pamahalaan upang magtatag ng isang akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di nagpatibay, ayon sa nais ng mga estudyante, sapagkat napaglamang ang mamamanihala sa akademyang ito ay mga prayle (samahan ng mga pananampalataya), samantalang ang mga estudyante ay magiging tagapangilak lamang. Sa gayon, sila’y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang pamamalakassa nasabing akademya. Samantalng nangyayari ito, si Sioun ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Santa Claa. Subalit hindi naibunsod sa ganitong gawain dahil sa si Maria Clara’y namatay na nang hapong yaon. Ang mga estudyante naman, upang mapapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang natamo sa panukalang patatatag ng Akademya sa Wikang Kastila, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpatiang binigkas habang sila’y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagkatuligsang ito ay nalaman ng mga prayle, kaya’t ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinibintang sa mga kasapi ng mga kapisanan ng mga estudyante. Dahil ditto ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam ng malabis ni Juli na kanyang kasintahan.

Sapagkat ang mga etudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang sila’y mapawalang sala, kaya’t sila’y nakalaya, maliban kay Basilio na walang makapamagitan dala ng kanyang karukhuan at pagkamatay ni Kapitan Tiago. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya si Basilio ngunit sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang naging dahilan ng pagmatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento. Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na pahihiganti, ay nakipagsama siya ng negosyo kay Don Timoteo Palaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa ksal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahin din niya upang dumalo sa piging na idaraos upang ipagdiwang ang kasal, ang mga may matataas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lungsod. Pagkaraan ng dalawang buwan ng pagpiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik na nauumang. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang ipakita sa binata ang isang bombang kanyang niyari. Ito’y isang lampara na may hugis Granada at kasinlaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipapalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipinasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinangad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan—at walang siumang makaliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ang malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siayng magiginghudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangunguluhan ni Simoun. Magiika-pito pa lamang ng gabi ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay ng

pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa’y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di maluluwatan ay sasabog. Ang nanlulumong si Basilio ay susunod sana ngunit namalas niyang dumarating si Isagani, ang naging katipan at iniring ni Paulita. Pinag-sabihan niya itong tumakas ngunit di siya pinansin kaya’t napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subalit hindi rin niya napatinag ang binatang ito. “Nanlalamlam ang lampara”, ang pansin na di mapalagay ng Kapitan Heneral. “Utang na loob, ipakitaas ninyo, Padre Irene, ang mitsa.” Kasimbilis halos ng lintik na isinambilat ni Isagani ang lampara, tumakbo sa Azotea, at inihagis ang ilawang ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng bisa ang pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik na sandatahan. Siya, na pinaguusig ngayon ng mga makapangyarihan, ay tumakas at nakituloy sa bahay ni Pari Florentino na nasa baybayin ng Karagatang Pasipiko.Di naluwata’y papalapit na ang mga alagad ng batas na darakip sa kanya. Uminom siya ng lason upang huwagpahuli ng buhay. Ipinagtapat niya kay Pari Floretino ang tunay niyang pangalan at pagkatao. Isinalaysay niya sa paring ito ang malungkot na kasaysayan ng kanyang buhay mula ng siya’y magbalik sa Pilipinas ng buhat ng sa Europa, ang pag-iibigan nila ni Maria Clara at ang pagbabalatkayo niya bilang isang mag-aalahas sa pakay na maigupo ang Pamahalaan at makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik. Pagkatapos ng pngungumpisal ay namatay si Simoun. Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang naging kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga buktot na Gawain ay, itinapon ni Pari Floretino sa karagatan ang kahong asero na kitataguan ng di –matatayang kayaamanan ni Simoun. a. Paksa ng Aklat Ang paksa ng Aklat na isinulat ni Dr. Jose Rizal na “El Filibusterismo” ay tungkol sa isang lalaking lumisan at

nagbalik na suot-suot ang isang naiibang katauhan upang maghiganti. Ang kanyang ugali ay naging maoanulsol, sakim, at masama dahil na rin sa mga mapagsamantalang mga Kastila na naging mapang-api at masama sa mga walang malay at nagbubulag-bulagang mga mamayang Pilipinong naging mga alipin nila. Sa kanyang pagbabalik ay ipinadama niya ang lupit ng pag-mamalakad na gingawa ng mga Kastila sa kanila ngunit sa bansang huli ay ito rin ang napag-pabagsak sa kaniya. b. Layunin ng Aklat Ang librong “El Filibusterismo” ay isinulat at ginawa ng magiting na si Dr. Jose Rizal para sa ating bansa at para sa pagala-ala sa tatlong paring martir na nagalay ng kanilang buhay para sa atin. Ang nobelang ito ay tungkol sa pampulitika, kapangyarihan, paghihiganti at pang-aapi na lalong nagbigay daan sa pagising sa nanahimik na damdamin ng mga aping Pilipino sa pagkamit ng kalayaang hinahangad.

III. Pagtataya:
Kaugnayan ng Nobela sa sarili, sa lipunan, pamayanan at sa bansa Ang nobelang ito ay nagkaroon ng kaugnayan sa aking sarili sa pamamagitan ng pag-alala sa mga pangyaaring gumising sa mga saloobin ng mga apig Pilipino sa ilalim ng mga Kastila. Ito ay nagbigay ng kakaibang salamin sa pamayanan dahil naipakita nito ang hirap na dinaranas ng mga tao noon. Ang ating bansa ay nagkaroon ng kaugnayan sa nobela dahil sa ang novella ay tungkol sa pampilitika at kapangyarihan ng pamamahala ng mga Kastila noon, ito rin ay nagsilbing isang part eng tulong sa kalayaang natamo n gating bansa mula noon hanggang ngaun.

IV. Konklusyon:

a. Nagustuhan mo ba ang aklat? Bakit? Ako bilang isang simpleng mag-aaral, masaabi kong nagustuhan ko ang nobelang ito dahil sa aking pagbabasa nakita nakilala ko ang mga pang-aaping ginawa ng mga Kastila noong panahon na umaapaw ang kabaitan ng mga bulag at piping mga Pilipino. Isang salik pa ng dahilan kung bakit ko nagustuhan ang aklat ay dahil isa ito sa mga naging dahilan upang magbukas ang mga matang nagbubulag-bulagan na mga Pilipino lumaban sila para sa kalayaan n gating bansa. b. Karapat-dapat bang irekomenda ang aklat? Bakit? Nararapat lamng na mairekomensda ang aklat na ito sa dahilang, ito ay naglalaman ng isang part eng kasaysayan n gating bansa na makapagpapalawak ng kaisipan ng mga taong makababasa nito. c. May natutuhan ka ba sa aklat? Maraming bagay ang pumasok sa aking isipan sa pagbasa ng aklat, ilan na dito ay ang pagiging makabayan, ito ang bagay na kailangang taglayin nating mga Pilipino at huwag gumaya sa isang tauhan sa nobela na si DonyaVictorina, na kung umasta ay isang Espanyola ngunit halatang-halata naman ang pagiging isang Pilipino. Isa pa ay ang hindi sapat ang paghihiganti lamang bagkus ito ay nagkapaghahatid din ng kapahamakan sa mga taong walang malay sa kasalanang nagawa. Ngunit ang pinakatumatak sa akng isipan ay ang patotoong naipakita sa ng nobela sa katagang “Walang alipin, kung walang nagpapaalipin”. d. Paano mo mapapaunlad ang aklat?

Sa tingin ko ay wala na akong magagawang pag-iiba sa nilalaman ng aklat bialng isang bahagi ng sinasabing pagpapa-unlad kaya ang naiisip ko na lamang na maaaring gawin ay ang pagrerekomenda nito sa mga bagong taong hindi pa nakaaalam sa naging lagay ng ating bansa sapanahon ng mga Kastila, sa ganoong lagay mapapaunlad ko ang bilang ng mga Pilipinong naniniwala sa ilang mahahalagang paksa na taglay ng nobela. e. Masama ba o mabuti ang aklat? Masasabi kong sa parting ito ay pantay lamang ang opinyon ko, dahil sa ilang bahagi ng akda ay mababasa natin ang mga masasamang mga gawain na ginagawa ng mga tauhan dito, ngubit sa kabilang banda may mga aksyon na nagpapahayag ng kabutihan para sa atin.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful