Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Maynila Taft Ave., cor. P.

Faura, Ermita, Manila

NOLI ME TANGERE PLAYFEST SCRIPT
III-CALVIN
Mga tauhan: Crisostomo Ibarra – Kristan Jerald Daenos Maria Clara – Charlene Magdaluyo Padre Damaso – Errol Pineda Padre Salvi – Fiel Luis Dela Cruz Padre Sibyla – Ronie Von Varona Kapitan Tiyago – Jan-Daniel Belmonte Tenyente Guevara – Ryan Jessie Saldana Tiya Isabel – Debbie Moore Umali Elias – Emman Ferrer Donya Victorina – Marian Luisa Garcia Don Tiburcio – Christian Anthony Flores Narrator – Zaira Patricia Baniaga Alkalde – Eduardo Acosta Matandang Utusan – Shannen Andrade Mga manghuhkay/tagapaglibing – Kirk Marvic Del Mundo(1) at Bjonritz Jasper Tungol (2) Mga binata: Kris Jireh Tongol(1); Louie James Calleja(2); Christian Roice Tayag(3) Kawal – Adrian Nori Madarang Babae #1 – Camille Princess Aguila Mga costume at props: Ryan Arioja Ryan Saldana Louie Calleja Jaseth Matta Christian Tayag Christelle Bascos Gabrielle Bautista Jan Marie Dita Jainnah Gestopa Bianca Resurreccion Katrina Santos Bea Ebreo

Sounds: Hannah Del Rosario Bea Ebreo Angelica Martinez Script: Director: Joannes Paulo Castro Zaira Patricia Baniaga Jan-Daniel Belmonte Denice Villegas Krik Del Mundo Errol Pineda

ay siyang Vice Real Patrono! P. ay walang karapatan na makialam—lalong lalo na ang magparusa. sinabi niyong nanirahan kayo sa San Diego nang dalawang taon. Hindi ba’t nasiyahan kayo? P. at iba pang mga bisitang mula pa sa mga ibayon lugar. o kaya’y malalaya ba o hindi ang mga kura? Ang bayan ay napapanganyaya na. Guevara: Ano ang ibig ninyong sabihin? Anong nangyayari sa inyo? P. nagpapatugtog ng awiting pang-sayaw) BInata #1: Inaakala kong tayo’y nasa bahay ng isang indiyo. Sibyla: Padre Damaso. nakatulala) P. Damaso: Hindi! (Biglaang napaupo. ibig kong sabihin. kapag ang isang kura’y nagpahukay ng isang erehe upang ipatapon ito. Damaso: Kaya’t maraming kaguluhang nagaganap. Damaso: Aba. kilala bilang si kapitan Tiyago. Natitiyak kong magbabago ang inyong palagay matapos ang ilang buwan. Damaso: Ano bang Kamahalan at anong Vice Real Patrono! Kung ito’y nangyari noon. sinuman. Palubog na ang araw) Narrator: Isang araw noong Oktubre. kahit ang hari. mga praileng Dominiko. dahil kinakatigan ng mga kalaban ng Pamahalaan ang mga ereheng kaaway ng mga alagad ng Diyos. P. Damaso: (Pagalit na sumuntok sa lamesa) May relihiyon ba o wala. mga nagagandahang dilag. upang makilala ang lupaing ito. ngunit para naman ito sa ikabubuti ko at ikabubuti ng komunidad. Guevara: Nais kong malaman niyong ‘di ko ito mapapahintulot—ang Kanyang . P. Sibyla: Kaya pala’t nakalulungkot lisanin ng isang tao ang kanyang pinaglingkuran nang dalawang taon. Yaon an panahon ng tunay na pananampalataya! T. ang Kapitan Heneral. Ako ga’y nalungkot nang umalis ako sa Kamiling. Guevara: Padre. siya’y nakaladkad na sa hagdan na kagaya ng ginawa sa iba. pinaghanda ang lahat ng taga-Binundok at Intramuros ni don Santiago de los Santos. T. Damaso: Kakaibang tao pala ito! Nagpunta ka rito nang walang pakay! Anong kababalaghan! Sapat ang mga aklat ukol sa lupaing ito—maraming nakasulat ng mahahalagang aklat sa paraang ganito! P. may hapag-kainan para sa hapunan. Kabilang sa mga dumalo ang mga matitikas na ginoo.SCENE ONE (Setting: Tahanan ni Kapitan Tiyago. Lumapit si Tenyente Guevara) T. (Nag-uusap ang mga bisita. ang Kanyang Kamahalan. huwag kang mabahala! ‘Di tinuturing ni Santiago ang kanyang sarili bilang isang indiyo. at napanganyaya na nga! (Muling sumuntok sa lamesa) (Tumahimik ang lugar. P. subalit inyong nilisan. T. Binata #1: Aapat na araw pa lamang ang inilalagi ko rito. Guevara: Ano ang ibig ninyong sabihin? P. lahat ay tila napansin ang pagtatalo ng dalawang praile. Damaso: Na ano ang ibig ninyong sabihin? Sinasabi ko ang ibig kong sabihin! Ibig ko.

ang aking nalalaman. Ito po lamang. isang napakarangal ang pagkatao. si don Tiburcio at si donya Victorina. maliban sa kakaunting nakaaalam ng malagim na sikreto. Damaso: (Pagalit) Ano ang nakabuti! At ang mga bagay na nawawala sa mga paglipat-lipat na gaya nito—at ang mga kasulatan—at ang—at ang mga bagay-bagay na nawawaglit? (Dumating ang iba pang mga panauhin: mga taga-Europa. pati ang mag-asawang De Espedana. ngayon din! Inaakalaba ninyong kahit ako’y isang praile’y wala akong—? Sumulong kayo! (Inawat ni Padre Sibyla si Padre Damaso) P. T. Guevara: Tigil diyan! (Itinuro si Padre Damaso) Iurong ninyo ang lahat ng inyong sinabi kung hindi ay malalaman ito ng Kanyang Kamahalan bukas na bukas din. (Tuluyang lumisan ang tenyente) P. at ang iba pa’y di ko na ipapahayag. (Pumasok si kapitan Tiyago. wala nang iba pang hari kung hindi siya lamang. Guevara: (Tumalikod ngunit nagpatuloy) Ang paring ito’y nagbalik sa San Diego. Damaso: Hindi na kailangan pa ang pagpapakilala. sapagkat isa siyang taong makatarungan. isa itong kasinungalingan at paninirang puri. P. Damaso: Sulong! Lumakad na kayo. Si Santiago ay isang mabuting tao. at sa likod nito’y si Crisostomo Ibarra) . Isang marangal na tao’y hindi magbabalak na magpatiwakal. na pitong taong nanahan sa ibang bayan upang mag-aral. (Simula muli ng tugtugan) Narrator: Hudyat na ng isang malaking surpresa para sa mga panauhin ni kapitan Tiyago—ang pagdating ni Crisostomo Ibarra. at iniutos na hukayin ang bangkay sa libingan upang ibaon sa isang lugal. Ngunit ang pagkalipat nakabuti naman sa inyo—. padre Sibyla! Naaalala ko pang ang katulong ni Padre Damaso ang nagpalibing sa bangkay ng isang yumaong mabunying maginoo roon—Opo. T. at sa huli’y di malalaman ang kinahinatnan ng kanyang ama. Nakarating ang balita sa Kanyang Kamahalan. P. T. Iyan lamang ang aking masasabi. kagaya ko. at minsan pa’y nakitira sa kanila. PInarusahan niya ang nagkasala—kaya’t nalipat sa isang mabuting bayan si Padre Damaso. P. Ngunit kung magpapatiwakal nga ito. Guevara: Ngunit ang alam ko ay ang aking mga dahilan. Kailangma’y ‘di siya nangungumpisal. Walang nagtangkang tumutol dito. Sibyla: Dinaramdam ko ang pagsabi ng mga maseselang bagay na ito. Damaso: Ano bang hari ni hari-harian! Para sa amin. Padre Sibyla. Sibyla: Mga ginoo! Huwag nating guluhin ang pag-uusap at huwag humanap ng ano mang ikasasama ng loob ng isa. Hindi ko pa rin sila nakikilala.Kamahalan ang kinatawan ng Kataastaasang Hari! P. napalingon ang lahat sa mga dumarating) Binata #1: Ngunit masasabi ba ninyo kung sino ang may-bahay? Hanggang ngayo’y hindi pa ako naipapakilala sa kanya. Kilala ko siya. Ang sinasabi nitong praile sa ngalan ng kanyang pagka-pari ay iba kaysa sa sinasabi ng kanyang sariling pagkatao.

(Umiiyak na lumisan ang tenyente. Damaso: Hindi ka nagkamali! Ngunit ‘di ko naging kaibigang matalik kailanman ang iyong ama. Pitong taon akong nangibang bayan upang lalong matutunan ang mundo. at sa bagong dating na si Ibarra. Ibarra: Ginoo. ang papuring iniukol ninyo para sa aking ama. Sibyla: Ito’y nauukol sa inyo. (Simula ng mga awiting pang-sayaw) Narrator: Sisimulan na ang hapunan. at tinitigan ang tenyente) T. Damaso: Para sa inyo. padre Damaso! P. lumapit si tenyente upang kilatisin si Ibarra) (Nakipag-kumustahan si Ibarra sa iba pang panauhin) Ibarra: (Nang makita ang mga kura) Aba! Sila ang kura sa aking bayan! Si Padre Damaso. (Iniurong ang kamay na sana’y makikipakamayan sa praile. Tiyago: Ikinararangal kong ipakilala sa inyo si don Crisostomo Ibarra. (Umingay sa paligid. padre Sibyla! P. at masigla namang nakipag-kilanlan ang binata sa iba pang bisita) Ibarra: (Sa mga kausap) Kung inyong mamarapatin. at masasabi kong isa sila sa mga mararangal na tao sa PIlipinas. at nawa’y mas maging mapalad kayo kaysa sa inyong ama! T. alang-alang . mga ginoo! (Lumingon sa dalawang praileng nakalimot na siya’y basbasan) Magandang gabi. Damaso: (‘Di man lamang nagulat o kumilos) Ibarra: Ipagpatawad po ninyo. pinag-usapan ang kararating lamang na si Ibarra. Guevara: Binata. (Unti-unti nang dumudulog sa lamesa ang mga bisita) (Ang dalawang praile’y nag-papaunyaya sa isa na umupo sa upuang panguluhan ng hapag) P. ang pangalan ko po’s Juan Crisostomo Ibarra. Tiyago: Magandang gabi. tumalikod at napaharap sa tenyente) T. Guevara: Sila po’y nakilala ko’t nakapulong. ako po’y magpapakilala. mga padre! K. anak ng aking yumaong kaibigan. Ang ginoong ito’y kagagaling lamang ng Europa at aking sinalubong. na matalik na kaibigan ng aking ama! (Napatingin ang lahat kay Padre Damaso) P. Ang upuang ito’y para sa inyo. ay lalong nagparamdam sa akin ng pagtataka kung ano na nga ang naging kapalaran ng aking ama. Guevara: Binabati ko kayo sa maligayang pagdating sa inyong lupain. Mga ginoo. Sibyla: Kayo ang mas kilala sa bahay na ito—kinukumpisalan ng babaing maybahay. tila ako’y nagkamali! P. kayo po ba ang anak ni don Rafael Ibarra? (Napa-angat si Padre Damaso sa kanyang kinauupuan.(Tumahimik ang lahat. isang hapunang pagsasaluhan ang mga opinyon ng mga panauhin tungkol sa bayang kiinabibilangan. lumapit si Padre Damaso upang salubungin ang kapitan) K.

at nang maibigay ang pagkain kay Padre Damaso. hi-hindi ninyo siya mapa-mapagkakamalan! Ibarra: Sa kasamaang palad. Damaso: Ang tanging tinitignan lamang ba’y katandaan? Isa pa’y kayo ang kura sa lugar na ito. Tiburcio: Na-na-nakilala ko sa Espanya ang isang polakong taga-Barsobya. Binata #1: Ano pong ibig niyong sabihin? Ibarra: Ang ibig kong sabihi’y santaon na ngayo’y di ako nakatatanggap ng iiham mula sa bayang ito. pagalit nitong tinulak paharap ang lamesa) Binata #2: Ilang taon kayong wala sa inyong bayan? Ibarra: Humigit kumulang po sa pito. Hindi ninyo siya kilala? Ibarra: Maaring nakilala ko siya. D. napigilan ang papaupong si Padre Sibyla) P. huwag niyo akong alalahanin. nanalangin ang mga praile. D. Ang upuang ito nauukol para sa inyo. kung natatandaan kopa. Victorina: At paano ang ginagawa ninyo? Ibarra: Ginagamit ko po. Guevara: Ay. hindi ko kailanman kinalimutan ang sinilangan. (Hinila ang upuan) P. ay alin mang bansa sa malayang Europa. gayon pala! D. Victorina: Saan kayo naroon at di nagpadala ng isang pahatid-kawad? Noong kami’y ikasal. at ilabas ninyo ang tinola! Sadyang nagpaluto ako ng tinola para sa inyo. Tiyago: Aba. hindi ba kayo makikisalo sa amin? K. na para akong isang banyagang di alam kung kailan at paano namatay ang aking ama! T. Sibyla: Pagkat Inyong pinag-uutos. maliban kung ako ay nasa konsulado. dito’y nasa lipunan tayo. Ibarra: Ginang. hindi ako nakapagsalita roon ng kastila. ako’y sumusunod! (Umanyong paupo) P. Sibyla: Tenyente. ang wika ng bayang kinaroroonan ko. Wala tayo sa simbahan. (Pumasok ang mga katulong. ginang. Binata #2: Kung gayo’y maaring nalimot niyo na ang Pilipinas! Ibarra: Malayong malayo po: kahit ba nalilimutan na ako ng aking bayan. . na nagngangalang Stadnitzki. (Tumanggi ang tenyente) Ibarra: (Biglang naalala ang kapitan) Don Santiago.. subalit hindi ko na matandaan. Damaso: Hindi ko ipinag-utos sa inyo. P. D. Hindi ko ipinag-utos. nitong huli lamang ay nasa Alemanya at Polonya po ako. Tiburcio: Subalit.sa katandaan. Isipin nating ang hapunang ito’y isang pagpapasalamat sa Mahal na Birhen alang-alang sa inyong pagdating. pagkat alam kong matagal nang ‘di kayo nakatitikim nito. (Sumigaw sa mga katulong) Dali. Binata #2: Alin sa mga bansa sa Europa ang lalong naibigan ninyo? Ibarra: Bukod pa sa Espanya na aking pangalawang tahanan. nagpadala kami ng pahatidkawad sa Espanya. (Dumating ang tenyente. sa katungkulan at sa pamamahala.

Lagi kong nakikitang ang kasaganahan at karukhaan ng mga bayan ay may tiyak na na kaugnayan sa kanilang mga kalayaan at kagipitan. nagtinginan ang lahat sa kagandahan ng dalaga) K. ang kabuuan—. Sapagkat kailangan kong tapusin ang ilang bagay na napakaimportante. Damaso: At wala ka na bang nakita kundi iyan? (Pagalit) Hindi mo dapat aksayahin ang iyong salapi upang matutuhan ang mga simpleng bagay na kagaya niyan. sa relihiyon. subalit pinasasalamatan ko rin sila. lahat ay sa ngalan ng Espanya at ng Pilipinas! (Tinungga ni Ibarra ang laman ng kopita. (Lumabas na si Ibarra. sinisikap kong alamin ang kasaysayan nito. sa pulitika. Darating na ang inyong bagong kura sa inyong bayan. ano ang pinakamahalagang bagay na inyong nakita? (Napaisip si Ibarra) Binata #3: Mahalaga. Mga ginoo. ukol sa anong kabagayan. at nag-uusap muli ang mga panauhin) (Darating si Tiya Isabel kasama si Maria Clara) Tiya Isabel: Santiago! Narito na ang iyong anak! (pagpasok ni Maria Clara. Ang palagay nila sa sarili ay mga taong may pinag-aralan! Iyan ang masamang bunga ng pagpapadala ng kabataang indiyo sa Europa! Dapat ipagbawal ito ng Pamahalaan! (Nagsitayuan ang mga bisita. Ibarra: Bago ko dalawin ang isang bayan. mga ginoo. pagkat naalala ko pa ang mga araw ng pagbisita niya sa aming tahanan upang saluhan ang aking ama. na tila nakapaglayag at nakarating sa maraming bansa. huwag sana kayong magtaka sa palagayang-loob na ipinapakita sa akin ng aming dating kura. na isang banal! Ibarra: Paparito po ako bukas bago lumisan. si Maria Clara! (nagpalakpakan) Halina’t simulan natin ang sayawan! (Sinayaw ng mga binata si Maria Clara. Ang pinakamahalagang parte ng hapunan ay natapos na. nasasalig ang mga iyon sa mga pagsusumikap o samalabis na pag-ibig sa sarili ng kanilang mga sinundan o ninuno. Samakatuwid. Tiyago: Huwag kayong umalis! Paparating na si Isabel kasama si Maria Clara. anupa’t sa kalahatan. Bawat bata ay alam ‘yan! Ibarra: Mga ginoo. Ganyan din ang pagpapalagay niya sa akin noong bata pa ako. at ang pagbabagong nangyayari dito. kasama ang tenyente) K. narito ang aking ipinagmamalaking anak. Ibarra: Halimbawa—ukol sa pamumuhay ng mga bayan—sa lipunan. Damaso: Nakita na ninyo? Iyan ay dahil sa kapalaluan! Hindi maparaang mapagsalitan sila ng kura.Binata #3: Kayo. sa diwa. Ibarra: Ako’y pahintulutan niyong magpaalam. sinundan ito ng tenyente) P. ngayo’y may dapat pa akong asikasuhin. pinatugtog ang awiting pang-sayaw. P. nagpatugtog ng mga awiting pang-sayaw) . Tiyago: Mga ginoo.

Alam mo—iniutos sa akin ng kurang malaki na ibaon ko ang bangkay na iyon sa libingan ng mga insik.’ Manghuhukay #1: A. marapat nang malaman ng anak kung ano ang kinahitnan ng kanyang dakilang ama. ganyan din ang mga itinanong sa akin ng isang kastila pagatapos. ngunit dahil kabigatan ng kabaong at kalayuan ng libingan ng mga insik… (Dumating si Ibarra at ang kanyang katulong buhat sa isang karwahe. ukol sa kanyang ama. Manghuhukay #2: Lahat naman ay ganyan din. at… Manghuhukay #1: Khr!! At bakot mo hinukay ang bangkay? Manghuhukay #2: Bakit? Nalalaman ko ba? Iniutos lang ito sa akin! Manghuhukay #1: Sino ang nag-utos sa iyo? Manghuhukay #2: Para kang isang kastila. kaalaman ng isang binata at kagandahan ng isang dilag. Araw ng mga Patay. at sa gabi. umuulan. at namatay pa ang aking ilaw… . na si Don Rafael Ibarra. sasabihin kong ika’y kastilang sibil. (Mawawala ang kantahan) Manghuhukay #1: (Kininilabutan. at kapwa kami basa. tila’y nandiri sa mga nasabi ng isang manghuhukay) Manghuhukay #2: Naalis ang pagkakapako ng kabaong at nalabas ang kalahati ng bangkay na umaalingasaw. ang pagtatanong mo’y kagaya rin niya. Manghuhukay #1: Hoy! Hindi ba mabuti ang humukay na tayo ng ibang bangkay? Bagung-bago pa ito. Kaya sasagutin kita ng kagaya rin ng isinagot ko sa kanya: ‘Iniutos sa akin ng kurang malaki. Manghuhukay #1: Hindi na ako makatagal! Iyang nahukay at nahati mong buto ay dumurugo pa. Sa gabing din na iyon natuklasan ang mga pangyayaring sasagot sa mga tanong ni Ibarra. palubog na ang araw) Narrator: Panahon na upang maitanghal sa mga mata ni don Crisostomo Ibarra ang bangkay ng kanyang amang si don Rafael Ibarra. At ito’y papasanin ko pa… At umuulan. Hm! At iyang mga buhhok na iyan? Manghuhukay #2: Napakaselan mo naman! Kung ikaw ang pinahukay na katulad ko ng isang bangkay na dalawampung araw pa lamang nalilibing. at hinahanap nila ang bangkay ng kanyang ama) Utusan: ‘Di po ako nakabalik agad dala ng aking karamdaman at mga kaabalahan! Ang sabi po ni Kapitan Tiyago’y siya na ang magpapagawa n nitso.Narrator: (Habang nagsasayaw ang mga bisita) Sa gabing iyon nasilayan ang tunay na nagaganap sa lipunan—ang kapangyarihan ng mga praile. bagama’t palihim. Matapos malaman ang mga bagay na hin’di niya lubos maisip na mangyayari. ngunit tinamnan ko SCENE TWO (Setting: Libingan. at pagkatapos? Ano ang ginawa mo sa bangkay? Manghuhukay #2: Aba! Kung ‘di lamang kita kilala at nalalaman kong tao ka.

at saka umuulan pa nang gabing iyon… (Nagulat at napaurong) Ibarra: (Lumapit. ngunit ang lupa ay nabungkal na! (ang utuan ay nagtataka. (Nag-abot ng tabako sa kausap) Utusan: Ituro ninyo sa amin kung alin ang libing at nasaan ang krus. Manghuhukay #2: At ang libingan po ba’y may tanim na mga bulaklak? Utusan: Oo. ang krus po ay… (nagdadalawang-isip) akin nang sinunog! Utusan: Sinunog? At bakit ninyo sinunog? Manghuhukay #2: Sapagkat iyon po ang iniutos sa akin ng kurang malaki. Manghuhukay #2: (nagkamot ng ulo) A. galit na galit at napaurong ang tagapaglibing sa gulat. doon yata. . malaki. Ngunit dahil po sa kabigatan. si Ibarra ay umiiwas sa mga madadaanang kabi) Ibarra: Dito ba? Utusan: Hindi. ilang buwan na rin ang naklilipas. opo. Manghuhukay #2: Ang krus ba’y may dibuhong nakaukit at natatalian ng mga yantok? Utusan: Iyon nga. mga adelpa. Ibarra: Ngunit maituturo man lamang ba ninyo sa amin kung nasaan ang libing? Dapat ninyo itong matandaan. Itanong po natin sa kanila (tumuro sa mga manghuhukay) kung saan naroon ang krus.po ng mga bulaklak ang libing at nilagyan ng isang krus na aking ginawa. Sapagkat ang tagapaglibing ay may sakit noon kung kaya ang humukay ay isang ksama. Ibarra: (Walang imik) Utusan: Naroon po iyon sa likod ng malakig krus na iyon! (Naglalakad ang dalawa patungo sa malaking krus. (Lumapit sa mga manghuhukay ang dalawa) Utusan: Masasabi ba ninyo sa amin kung alin ang libingan na may isang krus doon? Manghuhukay #2: Isang krus po bang malaki? Utusan: Opo. Ibarra: Sino ba ang kurang malaki? Manghuhukay #2: Kung sino po? Ang malupit na kura. Utusan: Nasisiraan na ba kayo ng bait? Wala pang isang taong naililibing ang hinahanap namin. Manghuhukay #2: Ang patay ay wala na po riyan! Ibarra: Ano ang sabi ninyo? Manghuhukay #2: Ah. Ang hukay ay maikli nang kaunti. ganyang-ganyan ang libingan na iyon. nang kurang malaki upang dalhin ang bangkay sa libingan ng mga insik. Manghuhukay #2: Tunay nga po! Ito ay ipinahukay sa akin. bakit nabungkal ang lupa) Utusan: Opo! Natatandaan kong may isang batong katabi. sampaga at pensamyento. Sa kanyang lugar ko inilibing ang isang babaeng isang linggo pa lamang naililibing.

’ ang nasabi ko sa sarili ko. at sa kaliwa naman ay isang eskribano. sa halip. ang mga kawani. Nakaupo sag awing kanan ng binata si Maria Clara. at sinugod. at ito’y pinagpistahan muli ng mga alaalang dapat isantabi kung hindi ay maarinf manghimasok sa mabuting gawa ng nasabing ginoo. si Padre Damaso! Ibarra: Ah! (Sakay binitawan ang pare. Tiyago: Mga panauhin. matitiyak ko sa inyo ang bagay na ito. kinuha ang balikat nito) Ibarra: (Galit na galit) Ano ang ginawa mo sa akin ama? P. Narrator: Dumating ang panahon ng pagbabasbas sa mga nagawa ng binata. Ninais niyang magpatayo ng paaralan na katulad ng mga paaralan sa Alemanya. ang kapitan ang mga praile. Salvi: Kayo’y nagkakamali! Ako’y walang anumang ginawa sa iyong ama! Ibarra: Anong wala? P. at nagkasalubong sila ni Ibarra. Natutuklasan na ang mga masasamang hakbanging ginawa ng malaking kura. ang alperes. at nagmamadaling umalis sa libingan) (Naglakad ang binata patungo sa bayan. may dumating na kawani at iniabot ang mensahe kay Kapitan Tiyago. at ilang binibining nangaiwan. ‘Mahanga pa’y malunod kaysa mapasama sa mga insik.napahawak sa balikat ng tagapaglibing si Ibarra at niyugyog) At ginawa mo iyon? Manghuhukay #2: Huwag po kayo magalit. Kaya’t itinapon ko po sa tubig ang patay. kung hin’di ang aking hinalinhan. ay nakaupo sa magkabilang panig ng lamesa) (Kalagitnaan na ng tanghalian. akmang manunugod ng kung sinumang nais niyang sisihin sa nangyari) (Naglalakad sa kalye si Padre Salvi. ginoo! Hindi ko po ibinaon sa libingan ng mga insik. Salvi: (Gulat na gulat at ‘di makasagot. Ang iba pa: si kapitan Tiyago. Tinitigan ni Ibarra ang pari. Maari ba akong makasingit sa mga makabuluhang usapan ninyo? (Pumayag ang mga bisita) . at nagkakaroon siya ng mga kaibigang tunay na handing ipaglaban ang tama. at hinatak ito) Isa kang sawimpalad! (Sabay tumalikod. may iwiwika lamang ako ng saglit.) K. at umalis) Narrator: Unti-unti nang nalalaman ang mga nangyari nang mawala ang binatang si Crisostomo Ibarra. SCENE THREE (Setting: Tanghalian sa bahay ni Kapitan Tiyago) Narrator: Hindi ninais ni Ibarra na magkaroon ng sama ng loob kay Padre Damaso. at patuloy na lumalaki ang galit ng binata sa nasabing pari. (Nagkakatapat sa magkabilang dulo ng hapag ang Alkalde at si Ibarra. Ibarra: (Inakmang diniinan ni Ibarra ang dalawang kamay sa balikat ng tagapaglibing. ninais niyang ipagpatuloy ang mga panukala ng kanyang yumaong ama patungkol sa pagtuturo. Salvi: Hin’di po ako. Napaupo na lamang sa gulat) Ibarra: Ano ang ginawa mo sa akin ama? P. Subalit madami pa rin an kumakalaban sa kanyang masamang loob.

Damaso: May pinag-uusapan yata kayo. taglay ang pahatid-kawad ng Kapitan Heneral) (Dumating ang mga kawani at nag-abot din ng pahatid-kawad mula sa kapitan.) (Dumating si Padre Damaso. Alkalde: Tama ba ang narinig kong walong kuwalta lamang ang kanyang ibinayad? Hindi maari! P.) Alkalde: Ang kanyang kamahalan ay darating sa ikaapat ngayong hapon. P. Ang kailangan mo lamang ay sariling utak upang makalikha ng ganyang mga bagay. at tinutukoy ng ginoo ang arkitekto—. at kinumusta siya ng mga bisita. darating ngayong hapon ang Kanyang Kamahalan. Damaso: Kayo. at kailangang maging bulag upang hindi ito makita. at sa aking bahay sila tutuloy. Binabanggit po ni ginoong Ibarra ang mga taong nagsitulong sa kanila sa mapagkawang-gawa niyang panukala. na nakikipag-usap noon kay Maria Clara. pinarurusahan ang mga magulang ng ganyang mga indiyo— nangamatay sila si bilangguan. at dapat itong tularan ng mga nagtuturing na mabubuting kastila. P. Sa buhay na ito. P. pakinggan niyo ako—. na nagpatayo ng kani-kanilang bahay kapag hindi natutunang itayo ang isang paaralang may apat na pader lamang at papatungan ng isang sawali sa ibabaw. mga ginoo? Ipagpatuloy ninyo. (Umalis. Alkalde: Ngunit. P. mga ginoo! Magpatuloy na tayo ng pagkain. Damaso: Ngunit isipin niyo. tinatawan ko lamang ang mg arkitekto at ang mga mangmang na nagpapagawa sa sa kanila.) P. (Nagpatuloy ang pag-uusap ng mga bisita. Damaso: Opo. (Napatingin ang lahat kay Ibara. maganda at mura. tumabi ito sa Alkalde. Damaso: Kahit ba wala akong alam sa arkitekto. (lumingon sa lahat) kilala ninyo kung ano ang mga indiyo—sandali lamang na matuto ng kaunti sa ibang bayan ay nagtuturing nang isang duktor! Lahat ng indiyong iyan na nagtutungo sa Europa—.K. Alkalde: Ngunit padre Damaso—! P. Kinakailangan pang lalong maging hangal kaysa mga indiyo. Isipin ninyo. Napagawa niya pa ito nang maayos sa halagang walong kuwalta lamang kada araw para sa mga manggagawang taga-ibang bayan pa. Damaso: Lahat sila’y magwawakas nang gaya sa nararapat sa kanila! Ang kamay ng Diyos ay laging nakaamba. Alkalde: Patapos na po ang tanghalian. Nang makitang magkatabi ang magkasintahan. . Tiyago: Mga ginoo. Damaso: Ano bang mga eksperto! Ang mga nangangailangan ng mga eksperto ay ang mga tuta. maliban kay Crisostomo Ibarra.) Alkalde: Ngunit isipin niyo naman—. hehe! Gaya na nga ng kasabihan nating wala man lang sukat—. ako ang gumuhit ng plano ng simbahang iyan at natayo nang buong kahusayan. kung paanong isang hamak na uldog ay nakapagpatayo ng isang pagamutang mabuti. Alkalde: Ngunit kailangan pa rin ng mga eksperto upang mapatayo ang mga bagay na iyan. ang Kapitan Heneral. Pinatunayan ito ng ginoong ingles na nakituloy sa aming kumbento.

nasabik na kayo’y mayakap. Isa siyang mabuting kristiyano. ako naman ang magsasalita.(Napatigil si Padre Damaso dahil sa masamang titig ni Ibarra.) Maria Clara: Huwag! Huwag mong gawin iyan. At hindi pa nakuntento. nakita niyo ba siyang nagsusumakit dahil sa inyo? O nalungkot na namatay sa bilangguan. na nag-iisa at maysakit samantalang ang anak ay nasa ibang bayan? Saka narinig ba ninyong wala nang laman ang kanyang hukay nang inyo itong dalawin? Hindi? Kayo?’y ‘di kumikibo! Samakatwid: ang taong ito’y binibigyan ninyong sala! (Itinaas na niya ang kanyang bisig. at ginagamit pa ang kanyang pagkapare.) Ibarra: (Tinakpan niya ang kanyang mukha. Kayong naririto. at naghahanap ng makaaaliw sa kanya. siya. Siya ang pinakailangan ko ngayon ngunit ngayo’y naririto siya sa kaloob ng Diyos. ang aking kamay ay tiyak na—. hinahabol ang hininga) Tahimik ang aking budhi. Nilapastangan niya ang kanyang libingan.) Ibarra: (Galit na galit) Lumayo kayo! Kung ayaw ninyong mamatay. Pakinggan niyo ako: ang aking ama’y isang marangal na tao—itanong ninyo iyan sa baying gumagalang sa kanyang alaala! Mabuti siyang tao. Hatulan siya ng Diyos! (Tumigil ng sandali. kaya’t nalagapak nang patihaya ang praile. inusig. Sinakal siya ni Ibarra. hanggang mapaluhod. at saka binitiwan ang kustilyong kanyang hawak. ngunit ano ang iginanti nito? Sinisiraan niya ito ng puri. ay wala ni isangkatulad mo! Ikaw ay nahatulang may sala! (Ang mga praile ay nagbabalak na mamagitan. lumayo kayo! (Nagpumilit bumangon si Padre Damaso.) Ibarra: Huwag kayong kikilos! Ano? Natatakot kayong marumihan ng dugo ang aking mga kamay? Sinabi ko nang tahimik ang aking puso. at nagmamadaling lumayo at nawala sa karamihan. ipinaganak sa gayong kahihiyan at kaabaan kaya’t kinasusuklam ang kanyang alaala? Nakikita mo? Nadarama mo ba iyang katahimikan na iyan? Maaring hindi mo naunawaan ang pagpapahalaga sa isang ama—ngunit dapat mo ring isipin ang iyong sariling ama! Nakikita mo? Sa lahat nang itong nakatipon dito na iyong inaalipusta. Palagi siyang gumagawa ng kabutihan at ‘di siya kailanmang nang-api ng kapwa. nilait ang kanyang alaala. at sasaksakin na ang praile. ako. Ibarra! (Napatigil si Ibarra sa paglapit ng kasintahan. ngunit napatigil sila. Sinugod ni Ibarra ang praile at sinuntok sa mukha. Tinanggap niya ang pareng ito sa kanyang tahanan. pati ang anak. ginoong Ibarra! (Walang kumikilos sa mga bisita. at nagpakasakit siya para sa kapakanan ng kanyang bayan! Handa siyang magpapasok ng sinuman sa kanyang bahay.) Alkalde: Ginoong Ibarra.) Ibarra: Kayo riyan! Ngayong hindi kayo nagsisikibo. at hanggang mamayapa na’y inuusig pa in niya. ako’y nagalit at hindi nakapagtimpi. mayroon bas a inyong hindi nagmahal sa kanilang ama. ngunit nang hinamak niya pati ang alaala ng ama.) Narrator: Sinubok na ang pasensya ni Ibarra —dahil na rin sa mga opinyong . Bago ang lahat. ay idinamay sa pag-uusig! Hindi ako nagsasalita sa bawat buka ng kanyang bibig.

Tiya Isabel: Nanlalamig ka! Nais mo bang uminom ng tsaa? (Patungong kwarto ang dalawa. ano mayroon ka? Maria Clara: Ako po’y nahihilo. Mabuti ang ginawa niyong pagkakabigay ng sulat. dahil na rin sa pagkakasala ng dating kasintahan ni Maria Clarang si Ibarra. Maria Clara: (Lumayo sa tenyente. . Dahil sa pangyayari. ang mga sayawan at ang pagdiriwang ng mga bisita. Guevara: (lumapit kay Maria Clara) Kayo’y isang dalagang napakamaingat. aguhilya at suklay. si Elias. madilim na ang paligid) Narrator: Naghanda ang lahat para sa isang kasunduang magaganap sa pagitan ng dalawang makapangyarihang nilalang sa bayan ng San Diego—si Kapitan Tiyago at si Donya Victorina. naekskomunika si Ibarra.) Maria Clara: Crisostomo! Ibarra: Oo. ina. anak ko? Para kang nawalan ng buto. ay ipagkakasundong mag-isang dibdib.) Maria Clara: Isang panatag na kinabukasan! (Tumingala ang dalaga sa kalangitan. ang mga tao sa bulwagan. ako’y si Crisostomo! Isang kaaway. ngunit patuloy pa rin nananahan sa tahimik na silid ang dalaga. Tumungo siya sa sutea. naipaghiwalay ang dalawang magkasintahan. dahil hindi SCENE FOUR (Setting: Tahanan ni Kapitan Tiyago. inalis ang kanyang singsing. ay napakahimbing matulog. at namantala ang mga masasama upang paghiwalayin ang magkasintahan. (Nag-uusap ang mga bisita. Naupos na ang mga kandila at tumahimik na ang sala. Tiya Isabel: (Nakinig sa pintuan ng silid) Aba! Nakatulog na nga siya! Palibhasa’y kababaan at walang ano mang inaalala. (Dahan-dahang tumindig ang dalaga at tumingin sa paligid. sinususi ni Tiya Isabel ang pintuan ng kwarto) Maria Clara: (Napaupo sa lapag) Ina. ang umagaw sa akin sa bilangguang pinagsadlakan sa akin ng aking mga kaibigan. at nakita ang kanyang tiya) Tiya! Tiya Isabel: Ano ang nararamdaman mo? Maria Clara: Ihatid ninyo ako sa aking silid! Tiya Isabel: May sakit ka ba. ang mga maliliwanag na ilaw —kailangan kong mamahinga. Sa ganya’y matitiyak ninyo ang isang hinaharap na matiwasay.nakakasulasok sa isipan ng isang anak para sa kanyang ama. hikaw.) (May humintong bangkang may lamang damo sa ibaba ng sadsaran ng bahay ni Kapitan Tiyago. Ang kani-kanilang mga alaga. (Tumahimik) Ibarra: Sa piling ng bangkay ng aking ina. sinusumpa kong paliligayahin kita! Maaring magkulang ka sa iyong sumpa. ina ko! Narrator: Lumipas na ang kantahan. Lumabas si Ibarra sa bangka. nag-uumpukan ang mga dalaga at nagtatalo ang mga lalaki) T. si Linares at si Maria Clara. Sabihin ninyo kay ama na ako’y matutulog na.

upang matiyak na hindi ako maipapakasal sa iyo. Ako na rin ang magbibigay katahimikan sa aking sarili. hindi na tayo magkikitang muli. itinakwil ko ang aking pag-ibig. nang dala-dala niya ako sa kanyang sinapupunan. Sa mga panganib na nanghamak sa akin. may isang taong nagtapat sa akin kung sino ang aking tunay na ama. Ipinagbawal sa aking ibigin ka—maliban na lamang kung patatawarin ka ng ama kong nagawan mo ng kasalanan! (Napaurong sa gulat si Ibarra) Maria Clara: Oo. na pinapatawad na kita. kung mababatid mo ang ating napagsamahan. subalit ako.) Maria Clara: Dalawang liham mula sa aking ina. ang dangal ng tinuring kong ama at ang banal na pangalan ng tunay kong ama? Magagawa ko ba ang ganito nang ‘di ikaw na rin ang hahamak sa akin? Ibarra: Ngunit binigyan ka ba nito ng mga katunayan? Kailangan niya itong patunayan! (Inilabas ni Maria Clara ang dalawang liham mula sa kanyang dibdib. Ikaw at ako ay lagi sanang maligaya! (Tumahimik. at makikita mo kung gaano niyang ninasang mamatay na lamang ako—kamatayan kong ‘di ninais ng aking amang sa pamamagitan ng mga gamot. Ako’y iyong hatulan! Ibarra: Ayoko ng katahimikang idinudulot mo. Ito’y hindi niya makakayanan. Narito ako upang sabihin sa iyo. ngunit natagpuan ng binanggit ko na sa iyo kanina. nag-alinlangan ka sa akin! Ngunit patatawarin ako ng aking ina! Sa isa sa mga kalungkut-lungkot na gabi ng aking mga paghihirap. Ayan. Kapalit ng mga liham na ito ang liham ko para sa iyo. sinabi ng taong iyon na bawal tayo magsama. hindi mo kailanmang itatangkang ako’y mamatay sa walang-muwang na medikong gumamot sa akin nang magkasakit ako. itinakwil kita. Walang kailangang maging dahilan ito ng paglabas ng katotohanan. Maria. Ang iyong pag-aba ay mapait kong dadalhin hanggang kamatayan! Maria Clara: Na ako’y paniwalaan mong iniibig kita magpakailanman! (Napangiti si Ibara) A! Nag-aalinlangan ka sa akin—sa kaibigan ng iyong kamusmusan na kailanma’y ‘di naglihim sa iyo ng kahit ano pa man! Nauunawaan kita! Ngunit. Itong mga liham na ito ay ‘di na matandaan ng aking ama. sapagkat ang aking ama ay si (pabulong) Padre Damaso! Maria Clara: Ano ang gagawin ko? Dapat ko bang iwaksi. Ano ang ‘di magagawa ng isang kagaya ko nang dahil sa isang inang namatay at dalawang amang nabubuhay? Malay ko ba kung sa ano nila gagamitin ang iyong sulat? (Napaupo si Ibarra) . na isinulat niya sa gitna ng paghihirap na nadarama. basahin mo. ikaw ay bata pa. ngayo’y nandito ako upang tuparin ang aking sumpa. paalam! Maria Clara: Crisostomo! Pinaparito ka ng Diyos upang hatulan ako sa walang pagasang kalagayang ito. subalit muling nagpatuloy si Maria Clara) Maria Clara: Ito’y ninais mo. at baling araw ay baka sisihin ka ng sarili mong budhi. Nang mapasaakin ang mga liham. dahil sa aking pag-ibig ang alaala ng aking ina. ay nagpapahalaga sa kanyang banal na alaala. sapagkat kung magkakagayo’y mapipilitan siyang ihayag ang katotohanan. bago ako lumisan. ang kanyang anak.mo siya ina. Sana’y maging maligaya ka na.

Handa na siyang itago ang tunay niyang pagkatao. maipapakita mo pa ba sa akin ang ngiti mong iyan? Ibarra: Maria. Maria. sa pamamagitan ng bagong paglalapit na ito ng dalawang pamilya. ang inyong pagkamatay ay nagbuhat sa akin kaanak. gabi) Narrator: Handa nang lisanin ni Ibarra ang kasalukuyan. At ang tanging patunay lamang ng kanilang pag-aalala sa isa’t isa ang sumpang binitawan sa isa’t isa —ang mahalin magpakailanman ang isa’t isa. at ito’y inilaan lamang para sa iyo! At ikaw. Mayroon kayong mga kaibigan sa Espanya. ikaw ay isang anghel! Maria Clara: Maligaya na ako. sa mahiwagang libingan ng inyong katulong. ngunit—. Maria Clara: Oo. Ibarra: Patutungo ako sa ibang lupain? Elias: Upang kayo’y makapamuhay nang tahimikl sa panahong natitira sa inyong buhay. Hindi nila alam kung ano ang maaring mangyari sa isa’t isa. At ako. kahit hindi niya ito tungkulin. para sa akin. SCENE FIVE (Setting: Bangkang nasa lawa. Ibarra: Ano iyon. Ibarra: Ngunit? Maria Clara: Hindi ko malilimutan ang mga sumpa ng pagtatapat na iginawad ko sa iyo. Dadalhin ko sa inyo ang lahat ninyong kuwalta na aking iniligtas at itinago sa pun ng balete. at kaligtasan ng kaniyang kasintahan. Ibarra: Gayunpaman. Ang aking buhay ay inyong nililigtas. pakinggan niyo ang panukalang aking naisip. nabalitaan kong ikaw ay ikakasal. ano kaya ang gagawin mo? Ibarra: Ako’y isang lamang tana—ako’y tumatakas. kaya’t .Maria Clara: Ngayon. at magtago sa mga kasalanang itinuturo sa kanya ng marami.) Narrator: (Habang umaalis ang bangka) Ito na ang huling pagkikita ng magkasintahan. adiyos! (Tumalon mula sa pader ang binata. tumakas ka! Tumakas ka. sapagkat naniniwala ka sa akin. bilang ganti rito. Ibarra. Nang makita naman ni Elias ang dalaga. kayo’y mayaman maari ninyong lakarin na kayo’y mapatawad sa pagkabilanggo. ito’y yumuko bilang tanda ng respeto dito. (Matagal na nagyakapan ang dalawa) Maria Clara: Tumakas ka. ako’y minsan lamang umibig. Elias? Elias: Itatago ko kayo ngayon sa bahay ng isang kaibigan ko sa Mandaluyong. Ibarra: Ano ang iniisip mong gawin? Maria Clara: Ang hinaharap ay madilim at ang tadhana ay nababalot ng mga ulap! Di ko matutunan ang dapat kong gawin. ibibigay ko an gaking katahimikan. ay lalong mabuti kaysa ating sariling bayan. ipinipilit nila ako kay Linares—ako’y kanyang minamahal at binubuhay. Ibarra: Elias. at habang palayo’y tinatanaw ang dalaga. Ang ibang lupain. Di laon ay matutuklasan ang aking pagtakas. ngayong nababatid mo na ang aking malungkot nakasaysayan. Elias: (habang namamangka) Ginoo. para sa kaligtasan niya.

Ngunit sa araw na kayo’y maghirap. upang matakpan ko kayo ng damo.) Elias: Maaabala tayo ng ilang sandali. nais kong isama ka sa pananahamik ko doon. Dito ay sawimpalad din kayo. isipin ninyong mabuti ang inyong gagawin— . sapagkat iyon ang turo sa inyo ng amang umibig rin sa kanyang bayan. magutom. Iniibig niyo siya kagaya ng pagibig natin sa mga nagpapasiya sa atin. Magdaraan tayo sa tapat ng Polvorista at baka mapuna ng bantay na tayo’y dalawa. Nararapat tayong pumasok sa ilog Beata upang magkunwaring ako’y tagaPenafrancia. Hindi ko kayo sinisisi. (Pinahinto ng kawal ang bangka) Kawal: Saan kayo nanggaling? Elias: Sa Maynila po. Kayo’y hindi isinilang upang magtiis . Ano po ba ang tanda niya? Kawal: Nakalebita at marunong magkastila.) Elias: Natuklasan na kaya nila ang inyong pagtatanan? Humiga kayo. Kaya mag-iingat kaa. Ang lahat ay ngumingiti sa iyo. at nang iyong hinaharap. Katatakas pa lamang ng isang bilanggo. na ako’y masasawi nang dahil sa kanya. Kung ako’y mananahan sa ibang bayan. sa araw na iyan ay itatakwil ninyo ang inyong sarili. ginoo. at sa gayo’y kasusuklaman ninyo ang inyong bayan. Iniibig ninyo ang iyong Inang Bayan. ‘di lamang sa kagandahan ng inyong loob kundi rin naman ng tungkuling pagsasauli sa inyo ng inyong kayamanam. Makikita ninyo ang ilog na ito.pinagkakautangan ko kayo. at ako’y hindi. pati ang mga kawayan at mga damo. Elias: Huwag niyong ikasama ng loob itong sasabihin ko. ginoo. nais ko ngang matularan ka ng lahat! Huwag kayong magagalit kung sabihin kong dinaraya niyo lamang ang inyong sariling puso. pag-usigin. Elias: Mabuti. ginoo. Kung siya’y mahuhuli mo at dadalhin sa akin ay bibigyan kita ng malaking pabuya. (Nagbaba ng ilang gamit sa pampang si Elias. (Lumayo ang bangka. Ibarra: Hindi kita maintindihan. Nawa’y ang kasawian ng aking bayan ay maging akin ring kasawian! Ibarra: Kung gayo’y bakit ninyo ninanais na ako’y umalis? Elias: Sapagkat sa iban lupain ay maaring maging maligaya kayo.) Elias: (Nagpatuloy sumagwan) Kayo ang hari ng iyong kalooban. ang inyong Inang Bayan at ang lahat-lahat na. ngunit maaring tiisin ko ito at mamatay rito. Sa aking palagay. at marahil nang dahil sa kanya. upang dalhin ko ng damo ang mga hukom at kura. napansin nila ang pagkilos at pagkakagulo ng mgabantay ng kawal. isang araw. Elias: (Umliling) Hindi maari! Totoong ako’y ‘di maaring umibig n imaging maligaya sa aking bayan. ang inyong bayan ay di nakagagawa sa inyo ng kahit ano pa mang kabuktutan. Kawal: Sulong! Huwag kang magpapasakay nang kung sino pa mang tao. Elias. ipakulong at ipasuplong. (Napatingin sila sa palasyo. Ibarra: Hindi tama ang iyong iniisip! Nagpunta ako rito upang humanap ng lunas sa kanser na sumisira sa ating lipunan—.

Hindi nais ng Pilipinas na kaya niyang humiwalay sa Inang Espanya. Malapit na mahatulan ang kanilang mga nagawa. Wala itong hinihingi kundi kaunting kalayaan. (Nagpaputok ang mga kawal) Elias: Nakita na ninyo! Magkikita tayo sa Noche Buena ng inyong ingkong. Tumalon siya sa tubig nang sinikiran ang maliit na sasakyan. dumito kayo.) Babae #1: Hayun. ngunit magaling akong sumisid. Ibarra: At kayo? Elias: Ako po’y inililigtas ng Diyos sa lalong malalaking panganib. at para lamang ibon na kanilang papatayin. katarungan at paglingap. (Tinakpan si Ibarra) Nasasa pagitan natin ang pampang. at ililigaw ko sila. Ilalayo ko sila sa inyo. Elias: Iyan ang palwa.pasisiklabin niyo ang laban. at kalayaan ng Inang Bayan. (Patuloy na nagsagwan) Elias: Huli na tayo! (Nagsagwan ng mabilis) Marunong po ba kayong mamangka? Ibarra: Bakit? Elias: Sapagkat mahuhuli nila tayo kung di ako lulundag sa tubig. kagitingan. Subalit marami po kayong matatapakan. patungkol sa laban para sa kapayapaan. Handa na niyang ipaglaban ang bayan. maaring hindi ngayon. Narrator: (Habang sila’y nag-uusap. (Pinaputukan siya ng mga kawal bago pa lamang siya tumalon ng lawa. Dumating na ang umaga at narrating na ang lawa. . at maraming tutulong sa inyo. Para sa akin. ngunit gagawa siya ng paraan upang masaklolohan ang lumalalang kanser ng lipunan. pahina nang pahina) Patuloy na pinag-usapan nang dalawa. Ibarra: Huwag. Ako ay kanilang tutugisin. kasama na ang mga taong hindi kayang ipagtanggol ang kanyang sarili. pagka’t mayroon kayong talino. hindi ako gagamit ng ganyang paraan habang may nakikita pa akong pag-asa para sa aking bayan. Lumigtas kayo. hayun siya! (Tinapos ang huling eksena sa sunod-sunod na mga putok.) Narrator: Ito na nga ang katapusan ng buhay ng isang kaibigang handang sumuong sa panganib para lamang sa taong maari pang magligtas ng kanyang bayan. sa kawalan ng kalayaan at hustisyang karapat-dapat mapunta sa tao. lumaban tayo sa kanila at italaga ang ating buhay! Elias: Wala tayong mararating. at pagkatapos ay kayo na ang bahalang magligtas sa sarili niyo. Humiga kayo at tatakpan ko kayo ng bayong na ito. wal atayong sandata. Taong ninais lamang na pakawalan ang kanyang Inang Bayan mula sa pananakal ng Pamahalaan.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful