You are on page 1of 8

Ang Batang Dating Walong Taong 

Gulang
“…Pamahalaan… pag-aalsa… bulag na pagsunod… ating ama… nadaya… mapagpanggap na

lider… bilangguan… maraming taon…” Mga huling salitang narinig ko mula sa aking guro

nuong ako’y walong taong gulang.

Ilang taon na nga ba mula ng huli kong nasilayan ang maamong mukha ng aking guro? Huh!

Nakakatawang isipin pero ang sarili niya mismong prinsipyo ang naging dahilan ng kanyang

pagkamatay. Ang aking mahinhin na guro, naaalala ko pa nung minsan niya akong binisita

nuong ako’y magkasakit at dinalhan pa niya ako ng prutas na pinagsaluhan namin ng aking ina.

Ilang taon na din nga ba mula ng ituro niya sa amin ang isang aral. Isang aral na hindi ko

lubusang naunawaan. Pero sa paglakad ng panahon unti-unti akong mamulat upang ang mga aral

na iyon ay maunawaan.

Nasa unang antas ako sa kolehiyo at nabigyan ng pagkakataon para maging isang iskolar, pero

hindi lang basta iskolar, kundi isang iskolar ng bayan. Nuong una nanibago ako, bagama’t laking

probinsiya hindi ako sanay sa mga pagkilos. Di ko naintindihan kung ano ang pinaglalaban ng

mga aktibista sa eskwelahan, minsan talaga namang nakakaabala sila. Parati din silang nasa

Popeye, sumisigaw “Ibasura ang komersiyalisado, kolonyalisado, represibo at pasistang uri ng

edukasyon.” Hindi ko maunawaan kung bakit imbes na mag-aral ay nasa labas sila at sumisigaw.

Pagkilos dito, pagkilos duon. Minsan, lumalabas pa ng paaralan at duon nag-aalsa. Pero nagbago

ang lahat ng makilala ko ang isang taong nagpabago ng sarili kong pananaw.

Si Gigi, isang pamilyar na mukha para aming lahat,. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa

taong iyon. Isa siyang lider estudyante, parating nagpapasimula ng mga pagkilos. Parang kelan

lang ng makilala ko siya at ituro niya sa akin ang ilang bagay na ngayon ko lang nalaman. Paano
nga ba kami nagkakilala? Ah, nung minsang mahuli ako sa unang klase ko. Araw ng lunes ‘yon,

kagagaling ko lang ng probinsiya, sa pagmamadali ko para hindi mahuli ay may nakabangga

akong babae at ng magkita kami muli at dun na nagsimula ang lahat. Itinuro na niya sa akin ang

ilang bagay, mula sa tatsulok. Aaminin ko, nuong una ay may pag-aalinlangan ako kung

papaniwalaan ko ba si’ya, pero unit-unti, nakumbinsi niya ako na bigyan ng mga pag-aaral.

Nalaman ko din kung bakit nila isinisigaw ang mga ganung bagay, “Ibasura ang

komersialisado, kolonyalisado, represibo at pasistang uri ng edikasyon.” Bumalik sa aking isip

yung karaniwang daing ng mga kasamahan kong bata sa lugar namin. Kakapusan sa pera dahil

may bagong bayarin sa eskwela, tumataas na din daw ang matrikula. Ginagawang negosyo ang

mga paaralan, baul at banko ng pera kung ituring. Sino nga ba naman ang hindi maghahangad ng

mataas na pinag-aralan, kaya ayun, maraming mapanupil at nananamantala. Nariyan din ang isyu

ng pagpapabaya ng pamahalaan sa mga paaralan, ang mababang kalidad ng edukasyon,

kakulangan sa mga guro, pasilidad, libro, at iba pang esensiyal sa pag-aaral. Oo nga pala, naalala

ko ulit ung sinabi nung guro ko nung ako’y walong taong gulang, “Tayo ay humaharap sa

maling sistema ng pag-aaral, pinababayaan na tayo ng mga nakakataas.” Si Ma’am talaga,

tama si’ya. Oo nga pala, may isyu din ng budyet cut na maaaring magresulta sa nakakatakot at

nakakakilabot na tuition fee increase. Tsk, tsk, tsk, kawawa naman talaga kami, tuluyan ng

iniiwan ng pamahalaan. Sana dumating ang isang araw para biglang maghimala at madagdagan

ang budyet ng lahat ng mga may kaugnayan sa edukasyon.

Ilang buwan na nga ba ako dito sa sinta kong paaralan? Ah, mag-aanim na buwan na pala, kaya

pala ang daming bagong mukha eh, ang daming gustong maging iskolar ng bayan. Nasa isip ko

lamang “Kung alam lang nila ang tunay na kalagayan ng sistema ngayon, tsk, tsk, tsk.” Pansin
ko lang, bakit kaya ang daming gustong kumuha ng mga kursong in demand ngayon sa ibang

bansa? Hehehe, easy access daw sa pagyaman sabi nila. Pero hindi din ako naniwala, ang hilig

magpa-engles engles, balu-baluktot naman. Naalala ko tuloy si Ma’am “Nakakalungfkot mang

aminin, ngunit sa simula palang, ng bigyan na tayo ng kaalaman ay unti-unti ng winawasak ang

ating kultura, pinag-aaral at hinuhubog tayo para maging alila sa ibang bansa, nag-aaral para

paglingkuran ang hindi naman natin kakulay. Tinuruan tayo ng ingles at pinilit ipayakap ang

kolonyalisadong pag-aaral. Hindi man makatwiran, pero unti-unti tayong nabuo bilang kolonya

at hindi bilang isang tunay na bansa.” Tama ulit si Ma’am ko, nasabi ko na lamang. Sa

katunayan, sinasanay na nga ang ibang estudyante para magtrabaho sa Call Center kaya nga

nagpatayo na ng Call Center bilang isa daw pasilidad ng institusyon.

May kapatid nga pala si Gigi, aba’y sabihin ba naman na ang ganda ng parke, para daw

Enchanted Kingdom at Star City. Natawa nalang ako, pero may kurot ng konti sa puso ko. Di ko

akalain na kahit isang bata na tatlong taong gulang ay ganun ang nasa isip n’ya. Kunsabagay,

aminin ko, maging ako man nung una ay humanga sa kagandahan ng lugar, pero pag-pasok ko sa

mga rooms, naitanong ko agad “Am I in the right place?” Ang ganda sa labas, panget naman sa

loob. Sabi nga ni Gigi, “Iyan talaga ang uunahin niyan, mas malaki kaya ang kita sa mga

ganyan. Tingnan mo naman, sira sira agad.” tumawa nalang si’ya pagkatapos. Tsk, tsk, tsk, 3

points na si Ma’am, tumpak na naman ung sinabi n’ya “Bibihira, kung minsa’y wala pa nga tayo

na makikitang tunay na naglilingkod at hindi iniisip ang pansariling kapakanan.” galing talaga

ni Ma’am ko.

Nang minsan nga palang mangailangan ako ng reference book para sa report ko, pumasok ako sa

library, akala ko madaming libro o babasahin, kaso nalungkot ako, kasi naman, bakante,
kakaparit ang mga libro at kakalog kalog. Ung tipo bang pag sumigaw ka ng I love you,

sampung beses o higit pa ang maririnig mo. Kaya ayun, sariling lakbay ako. At nung nagrereport

na’ko, aba’y tinulugan ako nung Prof. ko. Hindi man lang nakinig o nagtanong sa akin. Kawawa

talaga ako nun. May bagong balita ngayon, may computer shop na daw sa loob ng library para

mas lalong makatulong sa mga estudyante. Aba’y anak ng tokwa, pagpasok ko sa loob puro mga

dota boys ang nakita ko, ayun at naglalaro lang. “Maraming pera na mabubuo pag

kinasangkapan ang edukasyon” sabi ni Ma’am ko yan. Sabi naman ni Gigi “IGP dito, IGP

duon, magturo o hindi ang prof. may sahod yan.” Hehehe, totoo nga, kawawa naman talaga ako,

ikaw, sila, tayong lahat! Maraming nagsasabing ang pagkatuto ay hindi lamang makukuha sa

loob ng silid-aralan, ‘sabagay, tama naman sila. Pero di pa rin maikakaila na ang pagkadalubhasa

ay pinapanday sa mga paaralan. Kailangan ng de-kalidad na edukasyon pero mismong ang mga

nagtuturo ang umiimbalsamo ng mga utak nating mga estudyante. Nakakalungkot mang isipin,

ngunit sila mismo ang nagtuturo ng hindi tama at hindi kaaya-aya sa mga estudyante.

Napasok ko din ang ibang bahagi ng paaralan ko, at may nagsabi sa akin na sa paghanap ng

trabaho, kailnangan ng diploma, ang masakit, kahit may diploma ka, titingnan pa ang

pinanggalingan mong eskwelahan. Kung kakalog kalog at hindi kilala ang eskwelahan mo kahit

magaling ka at napakahusay, kawawa ka pag nakasabay mong mag-apply ang isang di-gasinong

kagalingan pero nagmula sa kilala at sikat na paaralan. Oo kailangan ng diploma para

makapaghanap ng trabaho, kaya kahit pagmemekaniko, kailangan pang pag-aralan sa mga

eskwelahan. Makatapos ka man, malaki ang posibilidad na mapasok ka sa hindi mo pinag-aralan.

Trabahon sandali lang at matapos ng anim na buwan, tsugi ka na. Sabi nga ni Gigi, “Kaawa-

awang bansa, pati paglilinis sa dumi ng ibang tao, kailangan nang pag-aralan pa.” tama ulit si

Ma’am ko “Madaming kabulukan, mapipilitan tayong mag-aral para sa wala.”


May pagkilos nga pala sila ngayon, kukundenahin nila ang nakaabang na pag-bawas sa budyet

ng sinta kong paaralan. Hihintayin ko ulit na magsalita si Gigi, ano naman kaya ang sasabihin

niya ngayon? “Mga kapwa ko iskolar ng bayan, kundenahin at pigilin ang nakaambang

pagbawas sa budyet n gating sintang paaralan. Wag nating hayaang unti-unti nilang iwanan at

ihuli sa prioridad nila ang edukasyon. Sama-sama tayong magmartsa patungo sa tagumpay.

Ipakita natin ang pag-kakaisa natin. Ipabatid natin an gating pagtutol sa balak nilang bawasan

an gating budyet. Mga kapwa ko iskolar ng bayan, tulungan natin silang imulat ang kanilang

mga mata sa katotohanan at sa tamang paglilitis.” iyan ang sigaw ni Gigi sa Popeye. Kay galing

talaga ni Gigi. Nakakalungot, kasi tila walang interesadong sumama sa kanila para kondenahin

ang isyu. Ang daming nagiging taga-tanawan at taga-tayuman, mga estudyanteng walang

pakialam sa inog ng kaganapan.

At heto na nga, sumama ako sa kanila sa may Mendiola, siyempre kasama ko si Gigi. Aba’y

akalain mong nakahanda na ang bata-batalyong pulis na haharang at wawasak sa grupo na

binubuo ng mga kabataang mulat. Sa una, maganda naman ang nangyayari, walang gulo, maayos

ang lahat nang biglang sa hindi inaasahan, nagpakawala ng malakas na tubig ang nasa hanay ng

mga pulis, nagsimula na ang bambuhan. Sa kadahilanang unang sabak ko sa ganung sitwasyon,

hindi ko alam ang mga dapat kong gawin at ikilos. Sinabihan ako ni Gigi na umalis na, ako

naman ay tumakbo palayo hawak ko ang kamay niya. Nang makarating ako sa lugar na akala ko

ay ligtas, agad kong pinagtuunan ng pansin si Gigi, pero wala siya. Ang kamay palang nahatak

ko ay kamay ng ibang tao. Hinanap ko si Gigi, hanggang sa matapos ang gulo at makita kong

maraming sugatan at nadakip, dun ko din nakita si Gigi. Hawak siya ng isang pulis, sa

kasamaang palad ay hindi ako nakalapit sa kanya, dahil maraming humaharang. Kaya ayun,

umalis na ako, kasama ng iba pang dumalo sa lugar. Gusto ko sanang sundan kung saan siya
dadalhin, kaso binilinan niya akong anuman ang mangyari, magtiwala ako sa kanya at kung

mahuli man siya ay huwag na akong sumunod. Ganun nga ang ginawa ko sa payo nadin ng mga

kaibigan niya.

Ilang buwan na ang lumilipas, pero hindi ko na muling nakita si Gigi, dumaan na ang mga araw,

pero ni anino niya ay hindi namin makita. May kumalat na balitang dinala siya sa malayong

lugar, nagsagawa na din ng mga paraan para mahanap si Gigi.

Ilang linggo din ang lumipas, may balitang dumating sa amin, may isa raw na babae ang

natagpuang lumulutang sa may Ilog Pasig. Kinabahan ako, di ko alam kung ano ang gagawin ko

pagkarinig ko ng kwentong iyon. Dali-daling nagtungo ang mga kaibigan ni Gigi sa lugar na

sinabi, maging ako man ay sumunod at makumpirmang si Gigi nga iyon. Hindi pa rin ako

makapaniwala na si Gigi nga iyon.

Naalala ko ung mga bagay na naituro niya sa akin, ung mga araw na magkasama kami,

umiikot sa campus, nag-aaral at kung paano niya ako naimulat. Naging instrumento din siya para

naunawaan ko ung sinabi ng aking guro nuong ako’y nasa ikawalong taong gulang. Oo, pareho

sila ng guro ko, pareho sila ng kaisipan at pinaglalaban. Pareho silang nangarap ng isang bagong

sistema na may pagkakapantay-pantay. Marahil para sa iba, kahangalan ang ginagawa nila, pero,

maging mulat sila at intindihin kung saan nagpapakahangal ang mga ganitong tao. Matutong

makiramdam at huwag matakot na makisangkot sa mga kaganapan. Matutong lumaban para sa

ikakabuti ng nakakarami.

Gigi at Ma’am, bakit kayo pa? Sa dinami-dami ng walang pakialam, patay-malisya at

mapanamantala, bakit kayo pa ang kailangang dumanas ng ganito? Bakit kayo pa ang kailangang
kunin? Ang aking guro na kay bait, pagkahinhin, pagkayumi at pagkarikit. Si Gigi na lumaking

palaboy at dumanas ng maraming pahirap sa buhay, nagsikap at nagsisikap para magtagumpay.

Bakit kayo pa?

Siguro, magiging masaya na siya ngayon kahit papaano, kasi makakasama na niya si

Kuya Jim niya na nasagasaan ng rumaragasang sasakyan ng pulitiko, at ni Atong na sinalvage sa

may Cubao.

Umasa kayo, Ma’am at Gigi, ipagpapatuloy ko ang laban niyo. Tutulong ako para

mabago ang mundo, isang mundo na karapat-dapat na panahanan, mundong puno ng

pagkamakatao, mundong magsisilbing daluyan ng magandang ugnayan, mundong kikilalanin

pangkalahatan, at ang mundong pinapangarap ng bawat tao. Baguhin ang sistema ng edukasyon

at sisigaw ng buong giliw “Edukasyon, kupkupin at alagaan ng pamahalaan.” at itatanim sa

aking puso, na namatay ang dalawang tao sa buhay ko dahil sa pakikipaglaban para sa wasto at

maayos na edukasyon para sa pagbabagong sistema ng lipunan. Buong puso at buong giliw na

kikiling at tatangkilik sa kabutihang pangkalahatan, mag-aasal tao at kailanman ay hindi

tatalikod sa panig ng kaaya-aya at nararapat para kabutihan ng nakakarami. Tutulong na hanapin

ang tunay na katotohanan sa likod ng realidad na nakaikot at maaaring luminlang sa atin.

Magmumulat at magsasama upang lumaban sa tunay na tama at katotohanan. The truth will set

us free.

Umaasa ko, na hanggang sa huli, ay may liwanag akong makikita sa likod ng madilim na

dingding at mapakawalan ang kalayaan, hustisya sa nakapinid na rehas ng kawalang pakialam.

Sa pamamagitan ng edukasyon, kaya natin makamtan ang mga ito. We all deserve education; it

is a process of freeing the people.


sharncken28

February 9, 2008

4:00pm

You might also like