Kahlil Marion H. Carmona IV St.

Monica Panitikan ng mga Cebuano

Hunyo 19, 2010 Filipino

Ang panitikan ng mga Cebuano ay mga akda na isinulat sa salitang Cebuano, isang dayalektong ginagamit sa timog na bahagi ng Pilipinas. Ito ay ginagamit upang tukuyin ang parehong orihinal at kolonyal na Pilipinas. Karamihan sa mga manunulat na Cebuano ay galing sa Visayas at sa Mindanao. Ang pinakakilalang limbagan, kasama ang Bisaya Magasin, ay nakabase sa Makati sa Metro Manila. Mayroon ding mga lipon ng mga manunulat na Cebuano na nakabase sa labas ng bansa. Nagsimula ang panitikan ng mga Cebuano sa mga alamat at epiko ng mga katutubo ng Pilipinas. Naimpluwensyahan din ito ng mga Kastila at ng mga prominenteng tao gaya na lamang ng Biseroy ng Mexico. Bagaman mayroong katutubong alfabeto sa Luzon, napatunayan din na ang baybayin ay ginamit din sa Visayas. Karamihan sa panitikan na nagawa ay pinasa sa sunod na henerasyon gamit ang pagkwento. Naitala ito ng Kastilang Heswitang pari na si Ignatio Francisco Alzinal. Malakas ang impluwensya ng relihiyon sa panitikan ng mga Cebuano. Isa sa mga patunay ay ang Bato Balani para sa Santo Niño. Ang kauna-unahang isinulat na panitikan na pang-Cebuano ay ang Maming na isinulat ni Vicente Sotto, ang Ama ng Panitikang Cebuano. Ito ay inilimbag noong ika-16 ng Hulyo 1900 sa kanyang peryodiko na Ang Suga. Matapos ang dalawang taon, naging direktor si Sotto ng kauna-unahang dulang Cebuano, Elena. Ito ay itinanghal sa Teatro Junquera (Cebu City) noon ika-18 ng Mayo 1902. Naging kilala siya dahil dito. Noong panahon ng mga Amerikano, ang peryodiko ni Sotto na Ang Suga ay naging tanyag para sa mga manunulat na Cebuano. Kasama sa mga manunulat na ito sina Florentino Rallos, Filomeno Veloso, Marcial Velez, Timoteo Castro, Segundo Cinco, Vicente Ranudo, Dionisio jakosalem, Selestino Rodriquez, Filomeno Roble, Juan Villagonzalom, Leoncio Avila at Filemon Sotto. (Karamihan sa mga daan sa Cebu ay ipinangalan sa kanila) Isinulat ni Juan Villagonzalo ang kauna-unahang nobelang Cebuano. Nagkaroon ng apat na nobela tungkol sa pag-ibig noong panahon ng mga Amerikano. Kasama rito ang Felicitas ni Uldarico Alviola (1912), Mahinuklugong Paglubong Kang Alicia ni Vicente Garces (1924), Apdo sa Kagul-anan ni Angel Enemecio (1928-29) at Ang Tinagoan ni Vicente Rama (1933-34). Binigyang pansin ng Felicitas at Paglubong ang pagiging matapat sa asawa, ng Apdo ang dignidad ng kababaihan, at ng Tinagoan ang mga pagsubok sa pagiging mag-asawa. Tinawag na Golden Age of Vernacular Literature ang panahon bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong taong 1930, nagsimulang maglimbag ang Bisaya Magasin sa dayalektong Cebuano. Nagkaroon ng nobela na tumatangkilik sa mga karapatan ng kababaihan. Nailimbag ang Lourdes ni Gardeopatra G. Quijano noong ika-23 ng Setyembre 1939 sa peryodikong Bag-ong Kusog.

Kasama rito sina Macario Tiu. Cora Almerino at Raul Moldez. Sa ngayon. Gerard Pareja. nagkaroon ng kategorya para sa panitikang Cebuano sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Inc. Adonis Durado. papunta sa Manila Bulletin Publishing ni Napoleon Rama noong 2003.Mayroong mga prominenteng manunulat sa Visayas at Mindanao na nagsulat sa wikang Ingles ay nagsimulang magsulat sa dayalektong Cebuano. Jeneen Garcia. maraming umuusbong na bagong peryodiko na nakasulat sa dayalektong Cebuano. . Delora Sales. Januar Yap. Don Pag-usara at Satur Apoyon na naka-base sa Davao. Noong 1998. Ang Bisaya Magasin ay inilipat mula sa Liwayway Publishing. Nagkaroon ng mga pagbabago gaya na lamang ng layout. Ang kanilang paglipat sa dayalektong Cebuano ay naka-impluwensya sa mga batang manunulat gaya na lamang nina Michael Obenieta. pati si Ernesto Lariosa at Rene Amper na nakabase naka-base naman sa Cebu. Marvi Gil.