You are on page 1of 2

TALUMPATI

College President Sr. Rosario Obiniana, SVD; Dean of the College Dr. Antonio Lim;
Deans of all the departments; Dear Sisters; Faculty, Staff and Maintenance; visitors;
Mga tinatangi kong kamag- aral:
Sisimulan ko ang aking talumpati sa tanong na ito; Mahal mo ba talaga ang bayan
mo? Marahil ang sagot mo’y - “Oo, pero itinatapon ko ang basura ko kung saan- saan,
mas gusto ko sana kung Nihonggo at Korean na lang ang wika ko, pagkatapos ko mag-
aral ay pupunta ako agad sa ibang bansa- dahil doon marami’ng pera, pag- aaralan ko
ang kultura ng ibang bansa kahit ‘di ko pa alam ang sa bayan ko.” Pagmamahal ba ang
tawag mo dito? ‘Wag mong ikahiya ang kapwa mo Pilipino.
Matagal na po tayong ‘di nakatatanaw ng liwanag. Tinahak natin ang daaang tila
walang patutunguhan. Aminin natin na uhaw wayong lahat sa katarungan pag- asa at
katotohanan. Nasaan na nga ba ang liwanag? Bakit nga ba hanggang ngayon ay
nandito pa rin tayo? Nanpag- iwanan, lugmok na lugmok sa kahirapan.
Ang nakaraang administrasyon ay nag- ipon ng yaman na nagdulot na kahirapan
sa nakararami. Tiniis nating lahat ang batikos at pangmamaliit ng ibang nasyon sa ating
bayan, minaliit an gating pagkatao at kakayahan. Nagmarka tayo ng masamang imahe,
likha ng ating pagkakawatak- watak- nakawan, patayan, agawan- siraan. Alam naman
nating lahat na ang kurakot sa gobyerno ang pinanggalingan ng lahat. Kasakiman!
Kasakiman ang puno’t dulo- nino? Ng ating kapwa Pilipino at kaibigang dayuhan. Sila
ang dapat kilalanin at parusahan, imbes na nag-aaway –away tayo- bakit kaya hindi
tayo magtulungan para mapuksa sila? Anung gagawin mo- kung tatay mo pala ang
tinutukoy ko- papa’no kung sila pala’y mga taong malalapit sa’yo? Hindi tayo bulag-
kahit tayo na mga simpleng tao ay maaaring mangurakot sa maliit na paraan. Alam
natin ito! Kahit ako- alam ko- ngunit tulad ng nakararami sa atin- takot ang aking
ipinairal, wala akong ginawa, dahil aminin natin na nagging instrumento tayo ng
pagnanakaw na ito. Aminin natin na kapwa natin Pilipino ang nagpapagamit- nagpapa-
alipin sa kadiliman nang dahil sa kahirapan. Nagbibingi-bingihan kasi tayo-
nagkukunwari na parang walang nangyayari.
Sa kasalukuyang administrasyon ay umusbong ang bagong pag- asa. Hindi nila ito
magagawa mag- isa. Oo, kahit isang tao- kayang makapag- umpisa ng pagbabago. May
magagawa pa rin ang kanyang tinig- at buong katawan. Simulan natin ito sa ating sarili-
kahit sa mga simpleng bagay tulad ng pagrespeto at pagkilala sa pangangailangan ng
ating kapwa. Gawin natin ito ng sama- sama, hindi tayo iiwan ng Diyos- ito ang
panahong matagal nang hinihintay ng bawat Pilipino. May pag- asa na na muling
makakain ang mga gutom na mamamayan- kikislap na uli ang bandilang sumasagisag
sa ating bayan. Malaki ang pag- asang gumanda ang buhay ko- buhay mi- nating lahat
at ng mga parating na henerasyon.
Ngayon na- mag-umpisa na tayong lumakad tungo sa tuwid na daan- kasama ang
pag- akay sa ating wika- at kapaligiran. Umiiyak at pasuko na an gating Inang bayan,
mahalin natin siya- mahalin natin ang isa’t isa. Ika nga ng aking ina - ang kabaitan ay
dapat mag- umpisa sa ating sarili.

Ma. Juna A. Felicen. BSN 1-A