You are on page 1of 5

Mga Kasabihang Pilipino at Salawikaing Tagalog

Filipino Proverbs

Ang mga kasabihan at salawikain ay naglalayong magbigay payo


at patnubay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Ang mga
kasabihang Pilipino at salawikaing Tagalog  ay isinasaad sa mga
maiiksing pangungusap lamang subalit ang mga eto ay makahulugan
at makabuluhan. Eto ay kadalasang tumatalakay din sa mga karanasan
ng ating mga ninuno at nakatatanda at naglalayong ituwid ang ating
pamumuhay ng naaayon sa kanilang mga naging karanasan.

Heto ang ilan sa ating mga kasabihan at salawikain, kasama ang


maiksing pagpapaliwanag sa ibig sabihin ng mga eto:

Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.

Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahas


na hakbang na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang
magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan sa
pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng 5-6, na nagiging
dahilan upang siya ay mabaon sa utang at lalu pang maghirap.

Kahit saang gubat, ay mayruong ahas.

Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa


ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

Kung ano ang itinanim,  siya rin ang aanihin.

Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din ang


gagawin sa iyo. Halimbawa, kung naging matulungin ka sa kapuwa
mo ay tutulungan ka rin nila.

Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.

Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang.


Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-
uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-
uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay
karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.

Kung hindi ukol, hindi bubukol.

Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi


talagang nakalaan para sa iyo.
Kung may isinuksok, may dudukutin.
Matutong magtipid upang sa oras nang pangangailangan ay may perang
makukuha sa sariling ipon upang hindi na umasa sa tulong ng ibang tao.

Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.


Kung minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala ang mali.
At kung sino pa ang nagkakaila ay siya pala ang may gawa o may  sala.

Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan.

Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal at sa mga


bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga
magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawad ang mga
pagkukulang ng sariling anak.

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.


Mag-ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marining iba nang hindi mo
nalalaman dahil may mga taong tsismoso at mahilig magkalat o gumawa
ng kuwento sa ibang tao.

Nasa tao ang gawa,  nasa Diyos ang awa.

Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin


ang magsikap at gumawa upang matamo ang minimithing biyaya

Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

Sa tinagal-tagal man ng samahan ng isang magkasintahan, at sa kabila ng


maaaring maging balakid sa kanilang pagmamahalan, sa bandang huli ay
hahantong  din sa kasalan ang kanilang samahan kung sila ay talagang
nakalaan para sa isa't-isa.

Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.

Tayo ay dapat mamuhay nang naaayon sa ating sariling kakayahan. Dapat


magtipid at mamuhay ng payak kung eto lang ang kaya ng ating kabuhayan.
Huwag nating tularan ang pamumuhay ng mga mas nakiririwasa sa atin.

Ang mga salawikain o kawikaang Pilipino ay mabuting hanguan ng


impormasyon hinggil sa matatandang kaugalian,paniniwala, asal, at
gawi.

mga halimbawa:

Nasa Diyos ang awa,


nasa tao ang gawa.

Kapag ang tao'y matipid,


maraming maililigpit.

Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.

Ang hindi napagod


magtipon, walang
hinayang magtapon.

Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.

Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.

Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.

Ang gawa sa pagkabata, dala


hanggang pagtanda.

Pag di ukol, ay di bubukol.

Kung sino ang masalita


ay siyang kulang sa gawa.

Daig ng maagap ang


taong masipag.

Ako ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto'y


iba ang kumain.

Ubus-ubos biyaya, pagkatapos


nakatunganga.

Ang Tagalog ay mayaman sa mga sawikain. Ang sawikain ay mga


salita o pagpapahayag na karaniwang
ginagamit sa araw-araw.

Ang mga pagpapahayag na mga ito ay nagbibigay, hindi ng tiyakang


kahulugan ng bawat salita, kundi ng ibang kahulugan.

mga halimbawa:

anak-dalita -- mahirap
alilang-kanin -- utusang walang sweldo, pagkain lang
balitang kutsero -- hindi totoong balita
dalawa ang bibig -- mabunganga, madaldal
halang ang bituka -- salbahe, desperado, hindi nangingiming pumatay
ng tao
sukat ang bulsa -- marunong gumamit ng pera, marunong magbayad
at mamahala ng kayamanan
kusang palo -- sariling sipag
mabigat ang kamay -- tamad magtrabaho
malikot ang kamay -- kumukuha ng hindi kanya
isulat sa tubig -- kalimutan
mahabang dulang -- kasalan
mahaba ang buntot -- laging nasusunod ang gusto, kulang sa palo,
salbahe

Ang mga Idyomatikong Pahayag o Salitang Matalinghaga,


ay parirala o pangungusap na ang kahulugan ay
kumpletong magkaiba ang literal na kahulugan ng salitang
gawa sa matalinghagang salita. Gayunman ang
Idyomatikong Pahayag ay naging pangmalawakang gamit
dahil ito'y Makahulugang Mensahe.
HALIMBAWA:

1.
2. nagasgasang bulsa-nakagastos ng malaki
3. matsalim ang dila-masakit magsalita
4. agaw buhay-naghihingalo
5. anak pawis-magsasaka o mangagawa
6. anak dalita-mahirap
7. bungang tulog-panaginip
8. butot balat-payat na payat
9. makapal ang bulsa-maraming pera
10. butas ang bulsa-walang pera
11. dilang angel-nagsasabi ng totoo
12. tengang kawali-nagbibingbingihan
13. gintong kutsara-mayaman
14. matandang tinali-matandang binata
15. dilang pilipit-bulol magsalita

parang pinitpit na luya-di tumitigil sa paglaki


halang ang bituka-masama ang ugali

You might also like