Professional Documents
Culture Documents
- Elektrisidad at Tubig
(Electricity and Water Conservation Tips)
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Ilaw (Electric Lighting):
• Siguruhing naka-OFF ang
mga ilaw na hindi ginagamit.
• Gumamit ng energy-saving o
energy-efficient na ilaw gaya ng
compact fluorescent lamps (CFL).
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
• Mas matipid sa kuryente ang CFL Incandescent
o kaya ay fluorescent lamps (up to 75 %) bulb
kumpara sa parehong lakas ng
liwanag na incandescent bulb. Compact
• Mas matipid ang konsumong kuryente ng Fluorescent
Lamp
mababa kumpara sa mas mataas na wattage
na ilaw (halimbawa: mas matipid ang
10 watts kung ihahambing sa 50 watts,
kaya mas mababa ang bayarin sa kuryente).
• Iwasang gumamit ng decorative lights dahil Fluorescent Tube
napakababa ang efficiency ng mga ito.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Gastusin sa Electric Lighting:
Magkatumbas ng 50 Watts 20 Watts
12 Watts CFL
Liwanag na Ilaw Incandescent Bulb Fluorescent Lamp
Presyo ng Kuryente
(As of Aug. 2010, 5.47 Pesos per kWH
SOCOTECO II)
Bayarin sa 1 Araw na
P 3.30 P 1.32 P 0.79
Paggamit (12 Oras)
Bayarin sa 1 Buwang
Paggamit P 99.00 P 39.60 P 23.65
(12 Oras bawat Araw)
Bayarin sa 1 Buwang
Paggamit (5 Ilaw, 12 P 495.00 P 198.00 P 118.80
Oras bawat Araw)
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Plantsa (Electric Iron):
• Napakalakas komunsumo
ng kuryente ang plantsa – halos
1,000W kaya maging bihira sa
paggamit nito.
• Gawing maramihan at hindi paisa-isa
sa bawat pagkakataon nang
pagplantsa ng mga damit. Mas efficient
ito kaya dulot ay tipid sa kuryente.
• Kung halos patapos na sa pama-
malantsa, i-OFF na ito. Ang init
na natitira ay sasapat sa panghuling
bahagi ng damit.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
• Mas maiging gawin ang pamamalantsa
sa umaga dahil mas komportable
at malamig pa. Maiiwasan din ang
peak demand hours ng elektrisidad
na nagyayari tuwing gabi. Ito kasi
ang mga oras na bumababa ang
supply voltage kaya medyo apektado
ang dagliang pag-init ng plantsa. May
pagkakataong mataas ang presyo ng
kuryente tuwing peak hours.
• Gumamit ng hanger upang maiwasan ang kusot sa damit at
nang hindi na kakailanganin ang muling pagplantsa dito.
• Huwag iwanan nang matagal na naka-ON
kapag pansamantalang hihinto sa pagpaplantsa,
higit na mabuti ay i-OFF at i-unplug ito.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Gastusin sa Pagpaplantsa (Electric Iron):
Presyo ng Kuryente
5.47 Pesos per kWH
(As of Aug. 2010, GSC)
Presyo ng Kuryente
5.47 Pesos per kWH
(As of Aug. 2010, GSC)
Presyo ng Kuryente
5.47 Pesos per kWH
(As of Aug. 2010, GSC)
Bayarin sa 1 Araw na
P 48.84 P 36.96 P 5.94
Paggamit (12 Oras)
Bayarin sa 1 Buwang
Paggamit P 1,465.20 P 1,108.80 P 178.20
(12 Oras bawat Araw)
Bayarin sa 1 Buwang
Paggamit (2 unit, 12 P 2,930.40 P 2,217.60 P 356.40
Oras bawat Araw)
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Washing Machine:
• Ipunin ang labahin hanggang halos kasimbigat
na ang mga ito sa rated capacity ng washing
machine (halimbawa – 5 kg) ngunit di-dapat
lalagpas dito. Saka pa lamang simulan ang
paggamit nito. Ang sobrang bigat ng labahin
ay nakaka-overload at ang kakaunting labahin
naman ay hindi efficient sa konsumo ng
kuryente ng electric motor nito.
• Ilagay ang tamang dami ng
detergent o sabon. Kapag
kulang, maaring hindi lahat
ng damit ay masabunan at
malinis kaya lalabahan itong muli.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
• Ang paulit-ulit na paglalaba sa
washing machine ay hindi nakatitipid
sa kuryente (kumpara sa minsanan).
• Piliin ang tamang washing cycle
upang maingatan ang mga damit.
• Ang washing machine na ginagamit
bilang dryer na may high spin speed
ay mas energy efficient kaya naka-
titipid ng kuryente.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Gastusin sa Paggamit ng Washing Machine:
Karaniwang Power Rating
500 Watts
(5 kg unit)
Presyo ng Kuryente
5.47 Pesos per kWH
(As of Aug. 2010, GSC)
P 0.17
Bayarin sa 1 Oras P 0.55
P 2.75 P 1.65 or 17 Centavos
na Paggamit or 50 Centavos
Bayarin sa 1
Araw na
P 6.60 P 33.00 P 19.80 P 1.98
Paggamit (12
Oras)
Bayarin sa 1
Buwang Paggamit P 396.00 P 990.00 P 594.00 P 59.40
(12 Oras bawat
Araw)
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Karagdagang tips upang makatipid sa kuryente:
Maiging gumamit ng mga appliances na
may tatak Energy Star o may mataas na
EER (energy efficiency ratio ≥11) dahil
mas matipid ang mga ito sa kuryente
kumpara sa may mababang EER na may
parehong working capacity.
Kapag matindi ang sikat ng araw, makatutulong
ang mga blinds, kurtina, o lilim ng mga tanim
na mapaiksi ang cooling operating hours ng
air-conditioning appliances.
Mabisa ang skylighting upang maiwasang
gumamit ng electric lights kapag sapat ang
sinag ng araw.
.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Karagdagang tips upang makatipid sa kuryente:
Ang paggamit ng photoelectric switch para
sa outdoor lighting ay makatutulong din sa
pagtitipid kumpara sa manual switching.
Kapag gumagamit ng mineral water dispenser,
huwag hayaan na permanenteng naka-power ON
ang heater at cooler. Ito’y dahil sa kahit na automatic
ang mga itong mag-ON o OFF ayon sa internal
thermostat setting, nasasayang ang init o
lamig ng tubig sa paglipas ng oras na
walang gamit. Ang pag-ON ng mga ito
ng automatic na hindi naman ginagamit
ay aksaya sa kuryente.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Elektrisidad
Karagdagang tips upang makatipid sa kuryente:
Mas matipid sa kuryente ang microwave
oven kaysa sa ordinary electric stove sa
angkop na pagluluto (500W lamang ito).
Ang mga “grounded” (nakakukuryente)
na appliances ay humahatak ng elektri-
sidad kahit hindi ginagamit kaya dapat
i-unplug o kaya ay ipaayos sa qualified technician.
Ang mga short circuits o electrical faults dulot ng
sirang appliance ay humahatak din ng napaka-
tinding level ng kuryente, kaya delikado at dagdag
pa sa bayarin.
Nagreresulta sa maling electric billing ang sira
o uncalibrated na electric meter kaya dapat
itong palitan o ipa-calibrate sa distribution utility
o electric cooperative.
---oOo---
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Tubig at Bayarin dito
• Siguruhing walang water leaks o
tumatagas na tubig sa mga gripo
at linya ng tubo.
• Gumamit ng basin o palanggana sa
paglalaba, paghuhugas ng mga prutas,
gulay, at mga gamit sa kusina.
• Gumamit ng watering can o sprinkler sa
pagdilig ng mga halaman.
• Sa baso ilagay ang tubig tuwing nagsisipilyo
ng ngipin at huwag hayaang tuluy-tuloy ang
agos sa gripo.
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Tubig at Bayarin dito
• Isara ang gripo habang nag-aahit.
• Huwag hayaang nakabukas ang gripo habang
naghuhugas ng mga pinggan at iba pa.
• Iwasan ang pagpa-flush ng toilet bowl kung
di-naman kailangan.
• Gumamit ng balde o angkop na lalagyan kung nagka-car
wash.
• Kung may problema ang inyong linya ng
tubig, iulat kaagad sa water district office
• Magbayad sa tamang panahon ng inyong
water bill upang hindi magka-penalty (may
dagdag-bayad ito).
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Tubig at Bayarin dito
Gastusin sa Paggamit ng Tubig:
basic charge +
Unit Price P 19.20
P 18.45 4.97 Pesos per kWH
(As of Aug. 2010, GSC) per cu.m
per cu.m
P 504.00
Bayarin sa 1 Buwang P 192.00 +
P 192.00 for 3 Hrs a day pump
Paggamit P 18.45/cu.m
run
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid
ng Tubig at Bayarin dito
Gaano katindi ang epekto ng water leaks?
• Ang maliit ngunit tuloy-tuloy na patak ay umaabot sa 67.5 litro
bawat araw (P 1.30 bawat araw / P 39 kada buwan kung P 19.2 ang
bawat cu.meter).
• Sumasayang ng 900 litrong tubig ang 0.8 mm
na butas sa linya ng tubo (kasing liit lamang ito
ng diameter ng isang tingting, aksaya ng P 17.30/araw
o P 518/buwan).
• Ang 1.6 mm na butas ay sumasayang naman
ng 3,000 litro kada araw (P 57.60/araw o P 1728/buwan).
• Umaabot naman sa 10,000 litro ang nawawalang tubig sa
isang araw ng butas na 3.2 mm ang laki (kasinliit ng munggo,
aksaya ng P 192/araw o P 5760/buwan).
---oOo---
“A peso saved is a peso gained..”
Maraming Salamat Po!
Mga Pinagkunan ng Impormasyon: