ANG INTELEKTWALISASYON NG WIKANG FILIPINO Christian George C. Francisco Fakulti, Kagawaran ng Filipino at Panitikan ccfrancisco@mail.dasma.dlsu.

edu.ph
Layunin ng papel na ito na ipakita ang proseso ng pagpaplanong pangwika, paraan ng pag-iistandardays, pagmomodernays, mga salik sa pag-iintelektwalays ng wika gayundin ang gamit ng wikang Filipino sa edukasyong Pilipino sa kasalukuyang panahon. Ayon kay Constantino (1996), ang wika ang siyang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan. Bilang instrumento, maaaring matamo sa pamamagitan nito ang mga instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao. Ang wika ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa mga gawain ng lipunan upang matamo ang mga pangangailangang ito. Samakatuwid, ang pahayag na ito ni Constantino ay nagpapatunay lamang na napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Gamit ang wika, nagagawa ng tao na masatisfay ang kanyang mga pangangailangan maging ito man ay pansosyal o pampersonal. Nagiging instrumento ang wika upang makisangkot ang tao sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Dahil dito, mahalaga para sa isang tao na maging maalam siya sa kanyang wikang ginagamit upang ito ay magamit niya sa paraang tiyak at planado. Para sa mga taong aral sa wika, hindi na bago ang katawagang pagpaplanong pangwika o language planning. Sa larangang ito, tinatanaw ang mga maaaring pagpiliang wika mula sa isang komunidad para gawing estandardisado. Sentro rin ng pag-aaral ng PP ang konsyus na paggamit ng isang wika sa isang lipunan, kung saan, ito ay kinapapalooban ng pagkalap ng mga datos o informasyon upang bumuo ng desisyon kaugnay sa kung anong wika ang pinakaangkop na gagamitin sa isang lipunan (Eastman, 1982).

Ang PP ay binubuo rin ng dalawang mahalagang meyjor komponent. Sa komponent na ito mahihinuha natin ang mga konkretong batayan sa maayos na pagpili ng isang wikang sasailalim sa estandardisasyon. Una, ang patakarang dapat sundin; ikalawa, pagpili ng wika kaugnay sa napagkasunduang patakaran. Ang una ay binubuo ng apat na mahahalagang salik. Ang mga ito ay ang sumusunod:

1. FORMULASYON – Ito ang yugto ng deliberasyon at/o 2.

3.

4.

pagdedesisyon kaugnay sa wikang pipiliin. Mahalagang isaalang-alang dito ang layunin ng mga gagamit nito. KODIFIKASYON – Ito ang yugto kung saan nagkakaroon ng teknikal na preparasyon ang mga language academies ng napagkasunduang patakaran. Mahalaga namang tingnan dito ang pananaw, paniniwala, saloobin ng kapwa magpapatupad at tatanggap ng napagkasunduang patakaran. ELABORASYON – Ito ay pinaiiral ng ahensyang pangwika na kung saan inihahanda na ang mga materyal na kakailanganin sa pagpapalawak ng gamit ng piniling wika. IMPLEMENTASYON – Ito naman ang yugto ng pagtanaw sa epekto ng plinanong pagbabago sa wikang pinili.

May inilahad pa rin si Eastman (1982) kaugnay sa paraan ng pagpili ng wika. Sa katunayan, may sampung kategorya kung saan maaaring makapamili ng isang wika na sasailalim sa estandardisasyon:

1. Indigeneous Language – Wikang sinasalita ng mga
sinaunang tao na nakapanirahan sa isang lugar.

2. Lingua Franca – Wikang gamitin ng mga taong may 3.
magkaibang unang wika na may tiyak na layunin sa paggamit. Mother Tongue – Wikang naakwayr mula sa pagkabata.

Alinman sa mga nailahad na ito ay maaaring mapagpilian o maging batayan tungo sa pag-iistandardays ng wikang napagkasunduan. Nagkokontrol nang bahagya sa larangang pangwika (Semi-controlling domains of language) – Ang wika at ang mga varayting ginagamit naman dito ay pasulat subalit tanging tagapakinig lamang ang mga . domains of language) – Ang wika at varayti ng wikang ginagamit dito ay dinidikta kapwa pasulat at pasalita. midya. industriya. language – Wikang ginagamit sa transaksyong pampamahalaan. 5. Nangangahulugan ito ng katiyakan at wastong gamit ng mga salita. World Language – Wikang ginagamit sa malawak na saklaw ng mundo. Official 6. Tungo sa pag-iistandardays ng wika. Kadalasan itong ginagawa sa matataas na antas ng karunungan gaya ng: simabahan. Maaaring sumailalim ang isang wika sa mga sumusunod na larangan: 1. Malaki ang papel ng domeyn sa estandardisasyon dahil ito ang susukat sa lawak ng gamit ng wika. Dahil nga nagiging diktador kung ano ang wikang gagamitin. may proseso ang pag-iistandardays ng wika. Vernacular Language – Wika ng isang sosyal na grupo na nadomina ng ibang wika. 9. Ang una ay tinawag na Popularly Modernized Language o PML at ang pangalawa ay ang Intellectually Modernized Language o IML. medisina at iba pa. masasabi nating intellectually modernize ang isang wika kung ito ay nagagamit sa mga matataas na karunungan gaya ng agham. 10.4. negosyo. teknolohiya. industriya. negosyo. 7. makodifay ito sa pamamagitan ng paghahanda ng teknikal na preparasyon o ng mga kagamitan (libro. ang estandardisasyon ng wika naman o language standardization ay isang sangay ng pagpaplanong pangwika na konsern sa kaisahan sa likod ng linggwistikong pagkakaiba-iba ng mga wika. 8. Ayon kay Eastman (1982) mula kay Haugen (1966). Regional Language – Komong wika na ginagamit ng mga taong may magkaibang wikang pinagmulan na naninirahan sa isang partikular na lugar. National Language – Wikang ginagamit sa politika. paaralan. Tunguhin ng dalawang yugtong ito na maintelektwalays ang wikang ginagamit ng isang partikular na lipunan. inilahad naman sa jornal ng Komisyon ng Wikang Filipino ang dalawang yugto para masabing modernisado ang isang wika. Ayon dito. Matapos nito. nadedevelop ang isang wika tungo sa tinatatawag na estandardisado at intelektwalisado. Ang wika na ginagamit sa enterteynment ay pwedeng tawaging moderno subalit hindi ito masasabing intelektwalisado. pamahalaan. kalakalan. Sa kaso naman ng modernisasyon. midya at iba pa. sosyal at kultural na pagkakakilanlan. binigyang paliwanag ni Eastman (1982) na ito ay ang paglago ng popular na pagkakakilanlan ng isang estandardisadong pambansang wika mula sa mga gumagamit nito. paaralan. Larangang pangwika na nagkokontrol (Controlling 2. Samantala. gayundin naman ang wikang ginagamit sa tabloyd ay hindi rin maaaring iklasipika na intelektwalisado. ang wika ay maaaring maging moderno subalit hindi intelektwalisado. Malaki rin ang magiging ambag ng mga larangang pangwika tungo sa pagpapalakas ng intelektwalisasyon. mahalagang makapamili muna ng wika. batas. ensaklopidya at iba pang mga nasusulat na materyal). Sa kabilang banda. Pidgin – (Nabuo sa pamamagitan ng paghahalu-halo ng wika) Wikang kadalasang ginagamit ng mga taong may magkaibang pinagmulang wika. Second Language – Wikang natutunan bilang karagdagan sa unang wika. pamahalaan. komersiyo at iba pa. Sa kabilang banda. kinakailangan na maging malawakan ang pagpapagamit nito sa iba’t ibang domeyn tulad ng: simbahan.

Sapagkat ayon na rin sa Konstitusyon sa ilalim ng Artikulo XIV ng Seksyon 6: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. ensaklopidya at iba pa) na magagamit ng tao tungo sa paglago ng kanyang kaalaman. Ipinahihintulot rin nito ang pakikibahagi ng tao sa iba’t ibang gawain subalit hindi kinakailangan na maging dalubhasa ang isang tao sa paggamit ng wika. Halimbawa ng mga bansang ito ay ang Korea at Japan. negosyo. Ito ay pumapaloob sa apat na dimensyon: seleksyon. Malaysia at Pilipinas. industriya. ang ikalawang uri naman ay tumutukoy sa mga intelektwalisadong wika na saklaw lamang ang bansang pinaggagamitan nito. Hindi sapat ang pasalitang paraan para masabing intelektwalisado ang isang wika. mga lawak na ayon sa kanya ay nagdidikta ng wikang inaasam at pinapaboran ng mga taong gumagamit ng wikang iyan. Sa paliwanag ni Sibayan (1999). Sa paliwanag naman nina Espiritu at Catacataca (2005). Ang pahayag na ito ay totoo. kahit mga dalubwika ay patuloy na nagdedebate kung estandardisado o intelektwalisado ba ang Filipino. Halimbawa nito ay sa relihiyon at enterteynment. batas. inilahad ni Acuna (1994) na ang mga pambansang wika sa buong mundo ay maaaring iuri sa tatlo: Intellectualized languages of wider communication.” Nangangahulugan lamang ito na ang Filipino ay kailangang umasa sa mga intelektwalisadong wika hindi lamang sa mga wika sa Pilipinas. Di-nagkokontrol na mga larangan ng wika (Noncontrolling domains of language) – Ang wikang gamit dito ay pasalita lamang na kadalasang makikita sa tahanan at lingua franca ng isang bansa. independent and intellectualized national languages. ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa batay sa iba pang mga wika sa Pilipinas. pamahalaan. Samantala. Ang unang uri ay tumutukoy sa popular na mga internasyunal na wika gaya ng: Ingles. Samantala. Ang mga wikang ito ay ginagamit bilang mga kontroling na domeyn sa paggawa (work) at iba pa. Isang magandang halimbawa Gayumpaman. Aleman at Espanyol. Pranses. ani Sibayan. ang salitang intelektwalisasyon ay nagdudulot pa rin ng pagkalito mula sa iba’t ibang taong sangkot sa paggamit ng wika. nakaankla sa pagpaplanong pangwika ang salitang intelektwalisasyon. Sa kabuuan. Halimbawa nito ay ang gamit ng wika sa mahahalagang larangan tulad sa edukasyon. hindi kasinghigpit ang paggamit ng wika rito. diseminasyon at kultibasyon.3. pangkalakalan. ang kultibasyon ay isang proseso na nagmumula sa kodifikasyon ng wika tungo sa kultibasyon at elaborasyon nito. Kadalasang sagot na maririnig sa kanila ay ganito: Ang Filipino ay patuloy pa sa pagdevelop tungo sa estandardisasyon at intelektwalisasyon nito. nangangahulugan lamang na ang tanging layunin ng intelektwalisasyon ay upang . Sa kaso ng Filipino. ang pagiintelektwalays dito ay nararapat ifokus sa mga lawak na kumokontrol na wika o controlling domains of language. Samantalang nililinang. Di-tulad ng nauna. confined. Sa kultibasyon papasok ang konsepto ng intelektwalisasyon. and developing national languages. Ngayon. Sa mga bansa kasing ito ay patuloy pa rin ang pagdevelop sa tinawag ni Sibayan na idyomang pedagojikal. magampanan ng wika ang kanyang mga tungkulin sa mga gumagamit nito. Ani Neustupny (1970). Ang wikang ito ay sapat na upang magamit sa lahat ng domeyn ng isang bansa. masmidya at literatura. estandardisasyon. ano naman ang hinaharap ng wikang Filipino kaugnay sa isyu ng estandardisasyon at intelektwalisasyon? Ang tanong na ito ay nagdulot ng mga kalituhan sa maraming Pilipino. agham at teknolohiya. hukuman. mga propesyon na may bahaging larangan (sub domains) tulad ng medisina at abogasya. Kinakailangang ang wika ay nakapagpapalimbag ng iba’t ibang balon ng karunungan (libro. At ang panghuling uri naman ay tumutukoy sa mga bansang nasa proseso pa lamang ang intelektwalisasyon ng wika gaya ng Indonesia. ang wika ay intelektwalisado kung ito ay nasusulat. gumagamit nito.

aktibo. tinukoy sa jornal ng KWF ang mga kadahilanan kung bakit kailangan ng Filipino na umasa sa Ingles. ang wika ay kailangang NASUSULAT para masabing intelektwalisado ito. may apat na katangian ang isang intelektwalisadong wika. komersyo. mga sanggunian. Narito ang mga kadahilanan: 1. marami at malawak ang gumagamit ng wika partikular na ang pasulat na anyo kaysa pasalita. Kung babalikan natin ang unang pahayag ni Sibayan. Ibig sabihin. At panghuli. Ang idyomang pedagojikal ay ang kabuuan ng mga ginradong teksto. Kulang ang “political will” sa pag-iintelektwalays nito. kinakailangan na magamit ito sa pagtuturo sa mga Pilipino sa halos lahat ng larangan o antas. para masabing intelektwalisado ang wikang Filipino. Pangatlo. Kulang ang suportang ibinibigay ng mga nasa industriya.na nito ay ang wikang Ingles. pangunahing pangangailangan sa intelektwalisasyon ang manunulat sa kurikulum at mga teksbuk at isang idyomang pedagojikal sa Filipino. ani Espiritu at Catacataca (2005) mula kay Sibayan (1988). Nagagamit ba ang Filipino bilang pangunahing wika ng instruksyon mula sa kindergarten hanggang level pampamantasan? 2. Latin at Pranses. Ang Filipino ba ay ang pangunahing wika sa trabaho kung saan Ingles ang kasalukuyang gamit? 3. walang kalituhan kaugnay sa palabaybayan nito. PUP at PLM) na kayang talakayin ng mga mag-aaral ang kanilang mga takdang aralin sa matematika. patnubay at iba pang mga kagamitang panturo na magagamit mula sa unang baytang sa elementarya hanggang antas tersyarya isinulat ng mga ekspertong manunulat ng mga teksbuk at kagamitang pangkurikulum at mga iskolar at mga eksperto sa pamamaraan ng pagtuturo. Una. hindi maiiwasang maging mabagal ang tinatahak nitong landas tungo sa intelektwalisasyon. Sa kabilang banda. DLSU. 2. Ang Filipino ba ay ang nais at mithiing wika ng mga Pilipino upang magamit sa kanilang sosyo-ekonomiko at intelektwal na pag-unlad? Ani Sibayan. Sa madaling salita. nararapat na ito ay kodipikado sa mga diksyonaryo at iba pang referensiya. . Malinaw na ipinakikita sa mga pag-aaral tungkol sa mga intelektwalisadong varayti ng sinasalitang Filipino ng mga mag-aaral sa anim na pamantasan sa Metro Manila (UP. ang wika ay nararapat na maunlad at tanggap sa iba’t ibang rejister na ang ibig sabihin ay nagagamit ito sa iba’t ibang larangan o bahaging-larangan. Sa kasalukuyan. kung kaya. PNU. Samantala. iminungkahi naman ni Sibayan ang mga tiyak na referensiya upang masubok kung intelektwalisado ba talaga ang wikang Filipino. 2. 1. may mga binaybay ng tulad ng sa mga orihinal at karamihan naman ay isina-Filipino ang pagbabaybay. para maisakatuparan ito. negosyo at iba pa. ang wika ay nararapat na may kakayahan na maisalin sa iba pang intelektwalisadong wika. Mahalaga ito sa konsepto ng intelektwalisasyon dahil tumutukoy ito sa lawak ng gamit ng wika. Araneta U. ang wika ay estandardisado. biyolohiya at iba pa sa pamamagitan ng maramihang panghihiram sa Ingles. Pangalawa. Gayumpaman. ang Filipino ay kinakaharap ang napakaraming problema. Ingles pa rin ang ginagamit sa mga larangang ito bilang pangunahing midyum ng komunikasyon. Kung kaya. Halos lahat ng nakasulat na bersyon ng makabagong Filipino kabilang na iyong sa mga paaralan ay puno ng hiram na salita sa Ingles. mahirap makamit ito subalit ito ang mga katangian ng isang intelektwalisadong wika na maaring magamit bilang kontroling na domeyn ng isang bansa. Ang Ingles man ay umasa rin sa mga intelektwalisadong wika tulad ng Griyego. Ilan sa mga problema ay ang mga sumusunod: 1.

J. Hindi lamang sa mga disiplinang teknikal gamitin ang Filipino. Kulang sa pondo mula sa pamahalaan kaugnay sa pagpapalawak ng gamit ng Filipino sa iba’t ibang ahensiya nito gayundin ang mga sapat na treyning. Isang hamon sa kasalukuyan sa mga Pilipino partikular na sa mga akademisyan kung paano ba maiintelektwalays ang wikang Filipino? May iminungkahi kaugnay rito si Sibayan. Sibayan. Mga piling diskurso sa wika at lipunan. Pagkamahinahon ay higit na kailangan din. Ang Filipino ang hindi magiging ganap na intelektwalisado sa madaling panahon. C. Kinakailangan ng mga pablisher na handang maglathala ng mga publikasyon sa Filipino. . Catacataca P. walang libro o Ang mga mungkahing ito na inilahad ni Sibayan ay ang mga maaaring mapagnilayan ng bawat Pilipino habang patuloy na dinidivelop ang wikang Filipino.html. Atienza. Ang Filipino ay kailangang tanggap ng nakararaming bilang ng mga Pilipino lalo na sa erya ng kontroling na domeyn ng wika. (2005). Mga Buk Acuna. Internet Link http://www. Mula ito sa kanyang EO 210 na pagpapalakas sa gamit ng Ingles.QC: UP press. 5. Ang mga ito ay refleksyon ng realidad na kasalukuyang kinakaharap ng wikang Filipino. Eastman. Ang KWF at intelektwalisasyon ng Filipino. Mismong ang akademiya ay may kakulangan tungo sa intelektwalisasyon ng Filipino. inc. et. (1994). B. Kinakailangan ng mga tagatangkilik at tagapagpaunlad nito. San Francisco. Huwag magturo ng Filipino kung materyal na nakasulat sa Filipino. 3. Magsilbi sana ito gabay nating lahat tungo sa mabilis at malawakang estandardisasyon at intelektwalisasyon ng ating wika – ang wikang magsisilbing tagapagbuklod sa lahat ng mamamayan ng bansang ito tungo sa iisang mithiin makabansa. Kinakailangan ng mga praktisyuner at employer na naniniwala sa epektibong gamit ng Filipino sa anyong pasulat hindi lamang sa pagtuturo gayundin sa pagkatuto. 6. B. M at Constantino. (1996).com/CollegePArk/Field/4620/fil_ met. The language issue in education. The intellectualization of Filipino. Jornal __________. P. Manila: LSP-DLSU-M. Manila & QC: Congress of the Philippines. 2. Isang nakakalungkot na pangyayari dahil hindi masalamin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang pambansang wika na siyang makapagbubuklod at magbibigkis sa isang kulturang makaPilipino na kakikitaan sana ng ating identidad. Wikang Filipino: kasaysayan at pag-unlad. (1999). (1982).3. 1. Kinakailangan din ng mga taong handang ponduhan ang programang pang-intelektwalisasyon. Manila: KWF.geocities. Manila: Rex bookstore. 4. C. USA:Chandler and sharp publishers. 4. Dagdag pa ang mismong Pangulo ng bansa na nagnanais na ibalik ang Ingles bilang pangunahing midyum ng pagtuturo. 8. MGA REFERENS A. at Espiritu C. 5. Language planning: an introduction. (1998).al. bagkus. Ito ay sa apektong pagdevelop ng mga libro na naka-Filipino. magamit ito sa iba pang disiplina. 7.

cgcfrancisco@yahoo.com/mgababasahinsafili123/kfp/030106 .

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful