You are on page 1of 19

“MSG. SENT!


Prologue

“Sobrang sakit na ang naramdaman ko.” “Ginawa ko na ang lahat para kamuhian niya ako.” “Pero hindi pa din ako makabitaw,” “Pero hindi pa din niya ako mabitawan,” “Makabitaw sa one-sided love na ito. Sa isang relasyong ako lamang ang nag mamahal.” “Mabitawan ang pag mamahal na mayroon siya para sa akin.” “Nag manhid manhidan na ang puso ko, manhid buhat ng lahat ng sakit na ipinaramdam niya sa akin,” “Nasaktan ko na siya, alam kong sobra na,” “Pero mahal ko pa din siya.” “Pero nandyan pa din siya para sa akin,” “Kahit saang parte o anggolo ng buhay ko, siya lang, siya padin.” “Kahit anong gawin ko, alam kong ako lang, ako pa din.”

“Ang mahal ko.”

”Ang mahal niya.”

To: Bernard [0917256****] Bernard, may problema ako Msg. Sent ! -------------------------------------------Msg. Received ! From: Bernard [0917256****] Ano un? Anong maitutulong ko kuya? To: Bernard [0917256****] Wala na kami ng ate mo. Bantayan mo siya para sakin ha. Aalagaan mo yang ate mo. Mahal na mahal ko siya. At lagi mong ipapaalala sakanya na bumitaw ako hindi dahil hindi ko na siya mahal, bumitaw ako, kasi alam kong ito na yung dapat. Msg. Sent ! -------------------------------------------Ako nga pala si Reynold. Reynold na lang, aanhin niyo naman ang buo kong pangalan diba? Pero madalas nilang itawag sa akin ay Reyjay, dahil ito sa napakahaba kong pangalan, Reynold Jayson Herrera Savidez, kaya nakasanayan ng mga kaibigan ko na Reyjay na lng itawag sa akin, ang haba daw kasi maxado ng name ko eh. I am now in my 2nd year of college. May dalawang kapatid na si Lexor James Herrera Savidez at Elaine Franchesca Herrera Savidez. Si Lj ay 2 years younger sa akin, kaya his now a 4th yr. hs student. Gwapo din yun, mana sa kuya eh. Si Chesca naman ay grade6 na. Maganda un, matalino, malambing kaso makulit nga lang.

Madalas sinasabi nila na babae lang ang laging nasasaktan, lalaki ang laging nanakit at babae ang madalas na naloloko, na lalaki ang madalas nanloloko. Pero ni-minsan ba may nakaisip ng nararamdaman at hinanakit ng mga lalaki? Mahal na mahal ko siya, ang dami na din niyang ginawang pag kakamali, pero lagi ko siyang pinagbibigyan. Mahal na mahal ko kasi eh, sabi nga nila stupid love ang tawag dito. Ewan ko, hindi ko alam. Ang alam ko lang ay mahal na mahal ko siya pero pagod na pagod na ako.

3rd yr h.s ako nun when I first saw her. Nag bukas ako ng Friendster. Friendster pa uso nun eh. Tinignan ko ung profile ni Carl, yung bespren ko. May kasama kasi siyang chik dun sa profile picture niya eh. Patuloy ang pag tingin ko sa mga pictures nilang dalawa nung chik at kasabay nun ay patuloy din ang pag hanga ko sa babaeng kasama niya, ang ganda kasi eh.

Nakalipas ang isang taon at ilang buwan at graduate na ako ng hayskul. I was granted a car, Corolla XRS. Sarap pala ng feeling ng nakatapos ka ng hayskul and Valedictorian ka pa. Kaya mahal na mahal ako ng mga magulang ko eh. Masipag na, matalino, mabait, at gwapo pa, badboy look nga lng sabi nila, pero hindi ako bad boy no, mabait ata to. No gf since birth. Oh saan pa sila makakakita ng anak na katulad ko diba. Maasahan  oh tama na masyado na akong mahangin. Balik na tayo sa kwento. At ayun. Bakasyon na. Makakapag pahinga na din.

Kakauwi ko lng ng bahay galing sa pag ba-basketball kasama sila Carl at iba pa naming barkada. Humiga ako at nagpahinga sa aking kama ng bigla akong tinawag LJ. “kuya!” “Ito na pababa na” Pag kababa ko may itinuturo siyang babae na ka-chat niya sa ym. “Kuya, kilala mo ba to?” “AL Rivera? Hindi eh. Lalaki ba yan o babae?” tinanong ko, kasi AL Rivera parang lalaki ung pangalan, tapos picture sa ym babae baka girlfriend dba? “Babae yan kuya, nickname lng niya ung AL, Ana Leigh Rivera kasi name nia. Taga Good Shepherd eh. Kabatch mo ata eh, matanda kc ng 2yrs. sakin.” “Hindi ko matandaan eh, hangang grade 6 lng naman ako dun eh. Dba nga nag hayskul na ako sa Don Bosco” “Ah, sabagay. Ako din naman eh” “Bakit ba?” “Wala lang. Ako din kasi hindi ko siya matandaan. Pero sabi niya kasi taga Good Shepherd siya, pero hindi ko matandaan kung nakikita ko siya dati doon. Ate kasi siya ng kaklase ko si Bernard. Sabi ko kasi bigyan naman niya ako ng mairereto sayo. Wala ka pa kasing nagiging girlfriend eh. Tatanda kang binata niyan kuya” sinabi niya un ng para niya akong inaasar. Tsk.

“Sira ulo, bata pa naman ako, pag pasok ko ng college after nitong bakasyon, tska na ako mag gi-girlfriend. Sa college ata madaming chiks.” payabang kong sinabe sakanya. “Eh puro ka naman porma kuya eh.” Toinks. Okay na eh, pinasok pa yun. Naku talaga tong utol ko. Tama siya puro porma lang ako. No girlfriend since birth nga ako dba? Puro M.U lang, sabi nga nila magulong usapan. Pag nagmamahal kasi ako, ayoko ng linawin kung anong meron samin eh, baka lalo lang kasing lumabo. Pero wala pa din eh. Hindi nga magulo kung anong namamagitan samin, magugulat na nga lng ako at sasabihin nila sa akin na may boypren na sila. Ang gulo no? ang ibig sabihin lng nun, mahal ko sila at sila pala bespren na lalaki lng ang tingin sa akin. “Makikita mo na lang minsan may girlfriend na ako” yan na lng ung nasagot ko sakanya. “Eh kuya, teka.” “Ano nanaman?” nakakairita na to, ang daming tanong, pag tinanong mo naman siya bakit niya tinanong un, wala lng ung sagot. “Eh dba sa Don Bosco ka pa din mag co-college? Eh wala namang masyadong babae na college dun eh.” “Ah ewan bahala na, malay mo may magandang pumasok dun. Sige na nga, maka-akyat na at pagod ako” “kuya, teka….” “Ano?” “wala lng, sige akyat ka na, pahinga ka na” tignan mo to. Naku talaga.

Hindi ko sinabi kay Lj na nagandahan ako dun sa babae. Pag akyat ko sa kwarto ko ay binuksan ko agad ung laptop ko at nag internet. Binuksan ko ung friendster ko at agad kong hinanap ung profile ng babaeng un. “Ana Lei Rivera” pucha, ang dami, sino siya dto? Tinignan ko nlng ung profile ni Lj tapos dun ko hinanap, nakita ko na. Ana Leigh Rivera pala. Nung makita ko ang profile niya, aba ang dami nga naming mutual friend puro mga kaklase ko sa Good Shepherd dati. Kaya in-add ko na siya.

After ilang days din bago niya in-accept. Nung in-accept na niya, agad kong tinignan ang lahat ng mga pictures niya. Ang ganda talaga niya. Hanggang sa nakarating na ako sa picture na… teka si Carl to ah. Naalala ko na siya. Siya ung babaeng gandang ganda ako dati na girlfriend ni Carl, pero alam ko hndi din nag tagal nag break agad sila eh. Pag tinatanong ko naman si carl nun kung bakit, ayaw na daw niyang pag usapan. Bakit kaya?

Pag katapos kong tignan lahat ng pictures niya. Agad kong ti-next si Carlo. To: Tol.Carl [0916776****] Tol ! Msg. Sent! ------------------------------------------------Msg. Received!

From: Tol.Carlo [0916776****] Oh tol? Napa-text ka? To: Tol.Carlo [0916776****] Tol. Diba dati naman pag nagsasawa ka na sa babae, ako naman? Ganun ka din naman sa akin diba. Pag ayaw ko na ikaw naman? Msg. Sent! oh baka ano ini-isip niyo ha. Ang gusto kong sabihin dun. Pag hndi na niya mahal. Ako naman ang mag mamahal.  

Msg. Received! From: Tol.Carlo [0916776****] Ah. Oo nga, teka hulaan ko. May napupusuaan ka ngayon sa mga chiks ko dati no? Tignan mo talaga to. Napupusuaan ? watta word eh. Makapag reply na nga lng. To: Tol.Carlo [0916776****] Oo tol eh. Yung ex mo, si AL ba yun? Msg.Sent! ----------------------------------------------Msg.Received! From: Tol.Carlo [0916776****] Oh? Paano kayo nag kakilala nun? Kinukwento ko lang siya sayo dati ah. To: Tol.Carlo [0916776****]

Mahabang kwento tol eh. Kwento ko sayo kapag nagkasama tayo. Pahintulot mo lng naman angg gusto ko ngayon . Msg.Sent! ---------------------------------------------Msg.Received! From: Tol.Carlo [0916776****] Ah osige. Ikwento mo ha. Oo ba, matagal na din naman kaming tapos nun eh. Wala na yun. Kung saan ka sasaya tol. At syempre kung sayo siya sasaya. Suportanta ka. 

To: Tol.Carlo [0916776****] Osige tol. Salamat. The best ka talaga.  hahaha Msg.Sent! Ang bait talaga nitong bespren ko. Hindi ako pinag dadamutan sa babae.

Pagkatapos namin mag katext nag online ulit ako ng friendster at naisip kong mag comment sa profile niya.

“You look familiar, have we met before?” yan ung comment ko sakanya. Alam ko naman na hindi pa kami nag kakakilala or nagkikita. Sinabi ko lang un para mag papansin. Ayan nag comment na din siya.

“Hindi pa tayo nagkikita. Siguro dahil lang kay Lj kaya pamilyar ka sakin. Kapatid mo daw kasi siya.” Anak nang.. talaga naman tong kapatid ko oh, sinisira diskarte ko eh. “Ah. Siguro nga. Ex mo pala si Carlo?” “Oo. Kilala mo siya?” “Bespren ko” ………………………………. Hanggang sa nag signed out na siya. Mahaba pa yung napag usapan namin nun eh. Getting to know each other daw ba.

Simula nung araw na un, gusto ko na laging maaga umuwi, para makapag online at maka-usap siya. Gusto ko na siya laging kausap. Hindi nag tagal, nag uusap na din kami sa telephone. Telebabad hanggang madaling araw. Sakanya lang ako naging ganito ka adik, na kahit na wala na kaming mapag-usapan, gusto ko pa din siyang tinatawagan, hanggang sa antukin ako. Para pag natulog ako, siya pa rin ang laman ng isip ko.

Mag dadalawang buwan na din kaming ganito. Laging magkausap, mag ka-chat at mag ka text, ang dami ko na ngang alam tungkol sa kanya eh. Magkasing edad kami, buwan lang ang pagitan ng kaarawan namin. Mayaman sila, nag aaral pa din siya sa Good Shepherd, nasa ika-apat na taon na siya ng hayskul. Hindi pa siya nakaka-graduate kasi tamad daw siya mag-aral. Un ang sabi niya sa akin. Kaya naman daw niya mabuhay kahit hindi makatapos,

mayaman nga daw kasi sila. Ewan ko ba sa babaeng yun. Syempre mas maganda padin kapag nakapag tapos ng pag-aaral. Madami pa, pero yan na lang ang sasabihin ko. Baka magalit pa siya sakin at sinabi ko sainyo ung mga sinabi niya sakin. Ang dami ko ng alam tungkol sa kanya pero hindi pa din kami nag kikita, kaya isang araw na mag ka-chat kami, niyaya ko siyang lumabas.

Reyjay_Savidez: kita tayo, sa mall. Pwede? AL_Rivera: ngayon na? Reyjay_Savidez: Oo, saan mo ba gusto? AL_Rivera: mag papaalam muna ako, alam mo na. Pero try ko pa din mag paalam. Pag pinayagan ako Shang na lang tayo ah. Reyjay_Savidez: Osige, paalam ka na dali. AL_Rivera: Wait. 

Tagal naman. Gusto ko na siyang makita. Ano kayang magiging reaksyon niya pag nakita niya ako sa personal, puro kasi pictures lang ang nakikita namin sa isa’t isa eh. Ayan na siya.

AL_Rivera: Pinayagan ako. Ano tara na? mag bibihis na lang ako, naligo na kasi ako eh. Reyjay_Savidez: Osige, punta na tayo. Kita na lng tayo sa smoking area sa taas.

Hindi na ako mag dadala ng cellphone. Wala din naman akong load eh. AL_Rivera: Osige, mag ingat ka. Ako mag papahatid na lng sa dryber namin. Reyjay_Savidez: Ikaw din mag ingat. Smoking area ha. Ano? Out na tayo? AL_Rivera: Osige. Ana Leigh Rivera has signed out. You’ve just signed out.

Ini-start ko na ung kotse ko. Nag dala din ako ng cellphone, may load naman ako eh. Sinabi ko lang na hindi ako mag dadala kasi gusto ko lng malaman kung tutupad siya sa usapan naming magkita. Bahala na, kung hindi man siya dumating basta gumawa ako ng paraan para makita siya. Gusto ko na talaga siyang makita. Pinark ko na ung kotse ko, nasa 3rd floor parking area. 3pm na. Kakapasok ko lng ng shang, nang bigla akong may nakita na familiar face na babae na kakapasok lng din nitong mall, naka tagilid siya kaya hindi ko makilala. Unti-unti siyang humarap at si AL pala. Ang ganda talaga niya, ito na lalapitan ko na siya. Pag lapit ko agad ko siyang kina-usap.

“Ana Leigh?” “Reyjay?” “Ako nga. Ang galing nagkita tayo kahit wala akong dalang cellphone” weew. Buti nlng sumipot siya, kung hindi naku hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. “Oo nga eh, and hindi pa sa smoking area” oo nga noh? Haha. “I think we’re mean to be” pabulong kong sinabi.

“may sinabi ka ba?” “wala ah.” Haha, nanlalaki pa ung mata ko nung sinabi ko to. Haha  pahalata ba masyado ? haha. Ang saya-saya ng feeling ko. Bakit kaya? “ah, sorry minsan talaga ganito ako, kala ko may sinasabi yung kasama ko kahit wala naman. Pasensya.”

Nasa kalagitnaan kami ng pag lalakad at pag uusap ng biglang… “I never thought that I’d fall in love, love, love, love…” kakapa na sana ako sa bulsa ko ng bigla kong naalala na iniwan ko nga pala sa kotse yung cellphone ko. Ang galing pareho kami ng ringtone, insomia, favorite ko kasi si Craig David eh. “Hello” ang sabi niya pag sagot niya. “Sa Shang, kasama ko si mark eh” sino kayang kausap niya, hindi ko kasi naririnig yung sinasabi ng kausap niya eh. “Ah, osige. Kita na lang tayo sa smoking area ha? Mag yoyosi kami eh.” “Bye” ayan binaba na niya, pwede ko na siyang tanungin. Pero hindi ko didiretsohin.

“Insomia din pala ringtone mo, pareho tayo.” “Oh? Ang galing ha. Favorite artist ko kasi si Craig David eh” “Ako din eh. Favorite ko siya ang ganda kasi ng boses niya. Sino pala yung tumawag sayo?” wooh. Ayan na tanong ko na. “Si Carl, andito din daw siya eh. Magkita daw tayong tatlo.”

“Ah, osige. Tara na. Saan ba?” ang tanong ko para naman hindi halata na nakikinig ako kanina. Hindi ko alam na nag kaka-usap pa pala sila ni Carl. Hays… Teka, ano naman, matagal na nga daw silang tapos dba. “Sa smoking area yung sinabi ko sakanya eh. Para makapag yosi din ako. Ikaw ba nag yoyosi ka?” “Oo.. nagyoyosi ka pala?” “kakasabi ko lang eh, sasabihin ko ba kung hindi?” “hahaha. Pasensya na diba?” natawa ako dun ah, Oo nga naman kasi, sasabihin nga ba niya yun kung hindi siya nag naninigarilyo. Ang tanga ko din eh no. “Okay lang. Tara na.” Naninigarilyo pala siya. Ayoko pa nama sa babaeng naninigarilyo. Gusto ko ako lang. Bahala na nga. Andito na kami sa smoking area, hinihintay na lng namin si Carl habang nagyoyosi kami. “Tol !” ayan na ata siya. Pag harap ko sakanya binati ko din siya. “Oh tol.” Pag tapos ko din siyang batiin, aba tinataasan ako ng dalawang kilay habang naka ngiti, yung nang-aasar na tingin at ngiti. Pag ka kita ni AL kay Carl, agad siyang ngumiti, mula pag dating ko hindi ko pa siya nakikitang ngumiti, ngayon palang ng makita niya si Carl. “Kumain na kayo?” ang tanong ni Carl. Agad namang sumagot si AL. “Hindi pa, mamaya na. Tapusin muna natin tong pag sisigarilyo natin.” “Osige, paano ba kayo nag kakilala nitong bespren ko?”

Ayan na nag simula na kaming mag kwentuhan. Kinuwento namin ni AL sakanya. Tapos nag asaran at nag tawanan na kami. “Tol, alam mo bang hindi ko pa nakkikitang ngumiti at tumawa yan si AL mula kaninang mag kasama kami. Ngayon lang.” ang pang aasar ko sakanilang dalawa. “Hahaha. Hindi naman eh” “Tol, wag kang ganyan. Kaya yan tahimik nung kayo pa lang ang magkasama kasi ganyan siya pag gusto niya isang lalalaki, mahinhin siya, pero pag hindi ka niya gusto, brutal yan. Gagawin niya ang lahat para ma turn-off ka.” Ang sagot ni Carl. Totoo kaya yun? Gusto kaya talaga ako ni AL. “Weh? Naku. Wag kang mag papaniwala diyan kay Carl” sabay hampas niya ng braso ni Carlo.

Nag asaran kami hanggang sa nag paalam na si Carl. Susunduin pa daw niya ung girlfriend niya sa school eh. Kaya ito naiwan na kami ni AL, kumain kami sa Sbarro, ako nag bayad syempre nag papasikat eh. Saka nakakahiya naman kung papagastusin ko siya, kababaeng tao niya tapos pagbabayadin ko siya. Mahabahaba na din ang pag sasama namin. Habang tumatagal mas lalo ko siyang nagugustuhan kahit hindi siya yung tipo ng babaeng gusto ko, na malaMaria Clara, ung mahinhin, walang bisyo at nag-aaral ng mabuti. Siya nag yoyosi, umiinom ng alak, tinatamad na mag aral kaya hindi maka graduate ng hayskul, gumigmik lagi sa gabi, at marami na daw siyang naging boypren pero pinaka matagal na daw un 3 months. Wala daw nag tatagal sakanya dahil sa

ugali niya eh. Pero ako gusto ko siya, pinapakita at sinasabi niya agad kung ano at sino talaga siya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, pero ang alam ko lang gusto ko na siya laging makasama’t makausap. Natapos na kaming kumain ng biglang… “Never thought that I’d fall in love, love, love, love…” napakapa nanaman ako sa bulsa ko. Nakakaloko ha, sakanya nga pala un, nasa kotse nga cellphone ko diba. Naman talaga oh. Pangalawang beses na to. Tsk.

“Bakit ayaw mo pang sagutin?” “Yung dryber namin ito eh. Baka pauwiin na ako, sige ka hindi mo na ako makakasama.” “Ano ka ba, may nxt time pa naman eh. Kesa naman pagalitan ka diba?” “Osige na nga, wait lang ha.”

“Hello” “Oh kuya, sige po papunta na” “Saan po ba?” “Okay po. Bye.” Yaan ang mga narinig kong sinabi niya. Habang kausap niya ung dryber nila.

“Oh ano, tara na?” “Osige tara na, sa 3rd floor daw siya naka park eh.” “Ah. Tara!”

Nag lakad na kami papuntang parking. Parang nalulungkot ako, ang bilis ng oras. Gusto ko pa sana siyang makasama. Ayoko pa siyang pauwiin pero kailangan na. “Teka, bakit ka nga pala biglang sinundo? Nag pasundo ka ba? Ayaw mo na akong kasama?” Napahinto siya sa pag lalakad, ang dami ko atang tanong masyado eh. “Naku. Hindi, sa totoo nga gusto pa kitang kasama eh. Si mama kasi bahala kung anong oras ako uuwi. Ipapahatid niya ako, at ipapasundo kung anong oras niya gustong pauwiin. Ngayon lang yun. Grounded kasi ako eh.” “Ah kaya pala.” Grounded siya? Bakit kaya? Hndi ko nlng aalamin. Nakakahiya naman, tanong na nga ako ng tanong eh. “Ayun si kuya Renato, sige na alis na ako. Ikaw mag ingat ka sa pag da-drive ha” “Hindi ba kita pwedeng ihatid?” “Hindi eh. Ikaw na may sabi, may nxt time pa naman eh.” “Kahit dun ka na sumakay sa kotse niyo at ako naman sa kotse ko. Susunod na lng ako sa inyo, gusto ko lang makasiguro na makakauwi ka ng maayos.” “Makakauwi naman kami ng maayos eh. Pero ikaw bahala kung ganun gusto mo, basta wag ka papahalata na sumusunod ka samin ha.” “Osige na. Punta ka na sa kotse niyo.” “Okay bye. Mag ingat sa da-drive ha.” Tumakbo na siya papunta sa kotse nila. Nag madali naman ako sumakay ng kotse ko para maunahan ko silang makababa. Buti na lang at dito din sila naka park sa 3rd floor, dito din kasi ako naka park.

Naunahan ko silang makababa at hinintay ko silang makababa, ng makita ko ang kotse sinundan ko agad to. Medyo malayo ang pagitan ng kotse namin para hindi mahalata nung dryber nila na sumusunod ako. Ang layo na ata ng narating ko ah. Nasaan na ba ako. Teka Pasig na to ha. Ang layo ata ng bahay nila. Oh ayan na, huminto na yung kotse nila. Huminto ito sa magarang bahay, pero mejo maliit ng konti sa bahay namin, bumusina ito at pinag buksan sila ng maid. Nung nakapark na ung sasakyan nila, agad kong tinapat ang kotse ko sa right side ng gate nila at agad kong itinext si AL. To: LOVEEEEEEE. :”> [0917921****] Ayan, nasigurado kong maayos kang nakauwi. Masaya ako at nakasama kita. Uwi na din ako ha.  Mssg. Sent ! Nag hintay muna ako ng reply niya bago ako umalis. Ang tagal niya mag reply ng biglang napansin kong bumubukas ng unti-unti ung small gate nila, lumabas si AL tapos kinatok niya ung bintana ng kotse ko, binaba ko ung bintana ng kotse ko tapos tinanong siya. “Bakit?” bakit kaya siya lumabas, nahihiya ako, ano ba to. “Talagang hinatid mo pa kami ha, mag ingat ka sa pag uwi.” Pagkatapos niyang sabihin ung mga salitang yan bigla niya akong hinalikan sa……at agad siyang tumakbo papasok ng gate nila. Oh hindi niya ako sa lips hinalikan ha, sa cheek lng. Hindi lang talaga ako makapag salita. After ilang minutes din bago ako nakakibo. Hindi ko alam parang tumalon ung puso ko sa sobrang saya at kilig.Nag drive na ako at masayang umuwi. Mga 8pm na din ako

nakarating ng bahay. Pag dating ko kinuha ko agad ung cellphone ko para itext sana si AL, kaso huli na pala ako, nauna na siyang mag text -------------------------------------------------------Mssg. Received ! From: LOVEEEEEEE. :”> [0917921****] Pasensya na bigla akong tumakbo, hndi kasi ako nag paalam na lalabas eh, alm mo na baka mahuli pa. Text mo nlng ako pag nakauwi ka na ha. Nireplyan ko agad siya nung mabasa ko ung text niya. To: LOVEEEEEEE. :”> [0917921****] Nasa bahay na ako, miss na kita agad ha. Napagod ako pero pwede ba muna kitang tawagan? Para makatulog na ako, alam mo naman na hindi na ako makatulog hanggat hindi ko naririnig boses mo sa telephone eh. Mssg. Sent ! Totoo yun, dahil sa ilang buwan naming pag uusap lamang at hindi nagkikita, nasanay na ako na lagi siyang kausap bago matulog. Kaya hirap na ako matulog kapag hindi ko narinig ang boses niya sa telephone. Tagal naman mag reply nun. Nakatulog na ata. Ayan na pala nag reply na.

Mssg. Received ! From: LOVEEEEEEE. :”> [0917921****]

Sorry late reply, kumain ulit ako eh. Sige tawag ka na. Pag katanggap ko ng text niya agad na akong tumawag sa bahay nila.