Roselle Tapia Mr.

Maniago

H-225 ct. 5,2010

Apat na Uri ng Talata: Talatang Nagsasanaysay – nagkukwento, nagsasaad kung saan, kalian at paano ang mga pangyayari. Ika-15 ng mag-umpisa ang klase namin sa Flipino. Mula sa iba’t ibang section noong 1st year 2nd semester ang nagsamasama sa iisang pangkat at yan ay ang H-225. Ang iba sa amin ay magakakakilala na at ang iba naman ay wala pang kakilala. Talatang Naglalarawan – nagsasaad o nagpapakita ng anyo, hugis, kulay at katangian. Habang dumadaan ang mga araw, kami ay patuloy na nagiging malapit sa isa’t isa. May harutan, halakhakan at kulitan na. Meron na din mga naubuong mga grupo tulad ng P.B.C (poor boys crew) na kinabibilangan ng mga kalalarihan ng H-225. Masayang-masaya ang lahat lalo na pagnagsasama-sama kaming lahat. Talatang Naglalahad – nagpapaliwanag o nagsasaad ng isang katotohanan, palagay o opinion. Pero nang minsang pinagawa kami ng isang talumpati ni Mr. Maniago, propesor naming sa Filipino, ang lahat ay walang nagawa kung hindi sundin an gaming guro dahil proyekto naming ang nakasalalay sa talumpating iyon. Halos ang lahat ay nakapagtalumpati. Binigay ang pinaka-best nila para lang maipahayag ang talumpatingaming ginawa. Ang lahat ay magbihis ng pormal sa parang mga negosyante, pulitiko at mag-aaral na nakakuha ng mataas na parangal. Ang iba sa amin ay kumuha ng mga ideya sa internet at ang iba naman ay gumawa ng sarili nilang talumpati kahit na mahirap mag-isip kung anu-ano ang mga sasabihin o magiging laman n gaming talumpati. Talatang Nangangatwiran – ay layuning mapapaniwala o kaya ay mapasangayon ang iba sa kanyang katwiran. Ang iba kong mga kaklase na kumuha o ginaya ang nabasa nila sa internet ay nahuli o nabisto ni Mr. Maniago. Ang iba ay nangatwiran na sila nga daw mismo ang gumawa ng kanilang talumpati at ang iba naman at umamin na kumuha sila ng ideya sa internet.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful