Bakit nahuhumaling ang Pinoy ang imported?

Nais ng bawat mamimili ang sulit. Ang abot-kaya, ngunit swak naman ‘pag ginamit. Habang ang iba naman ay nakikiuso lang. Kung anong suot ng idolo sa showbiz, suot rin niya. Kung anong pabangong mahal, siyang pinipilit, gayong puwede naming bumili ng mura at kaakit-akit naman ang amoy. Para naman sa mga may perang praktikal, tunay ngang mainam bumili ng mahal at imported kesa bumili ng sariling atin na imitation lamang at mababa ang kaledad ng produkto. Ika nga, ‘pag imported, matibay! Pero sa totoo lang, hindi naman porket imported, matibay na. Biruin mo, imported nga ang suot mo, galing naman sa tiangge doon. Anu naming pinagkaiba ng tiangge doon sa tiangge dito? Parehas lang naming imitasyon at pekeng produkto ang paninda nila ! Ito sana ang mapansin natin, na ang mga sapatos at bag na kinahuhumalingan nating galing abroad ay dito rin nagmula. ‘Wag tayo maging hangal at magbulag-bulagan! Alam na ito ng nakararami sa atin ! Inuulit ko, ang iilang mga kagamitan sa pagbuo ng mga produktong itinuturing nating imported ay sa atin naman talaga nanggagaling ! Ito ang dahilan kung bakit ang pinakamasakit na epekto ng pagkahumaling ng Pinoy sa imported ay ang pagkasira ng nasyonalismo. Pa’no naman kasi, iba talaga ang dating ‘pag imported suot mo; ito ang paniniwala ng marami sa atin. Kapansin-pansin tuloy na sabik na sabik sa ibang produkto para maiba tayong mga Pinoy. Ngunit kung tutuusin, wala naman talagang kaso kung imported ang gamit mo. Dahil sa usapan ng pagiging matibay ng isang produkto, nasa pag-iingat na lang talaga ng may – ari ‘yon. At masisisi mo ba ang mga mamimiling Pinoy? Kung ang nais lang naman nila ang magandang kaledad, uso, at pagpapasikat? Kung tutuusin, may pagkukulang din ang mga gumagawa ng produkto dito sa ‘Pinas. Kung sana, ginagamit nila ng tama ang pagwawaldas ng pera nila para ma-promote nila nang maigi ang kanilang produkto, may bibili; Kung sana hindi puro panggagaya ang alam nila gawin sa produktong dayuhan, kung sana. Kung sana nga lang. Kaso hindi ! Sa situwasiyong ito. Mahirap sabihin na, marapat nating tangkilikin ang sariling atin ! Napakadali lamang bigkasin sa bibig, ngunit ang gawin ito mismo ay hindi madali. Minsan pa nga, kung sinong nanghihikayat, sila pang mahilig sa imported! Tulad na lang sa mga artista at iilang pulitiko. Diyan nanaman pumapasok ang pagiging mapang-akit at matibay ng gawang dayuhan. Kahit pulubi, maakit dito. Magnanakaw, magbebenta ng hindi kanya. Tunay ngang nasa kontemporaryong panahon na tayo, kung saan mas gusto natin ang kung ano mang mas moderno. Ngunit lagi na lang bang magiging
Allen,Mara; Demonteverde,Joana; Garcia, Willabel; Salvatierra, Jailine | Sanaysay

basehan ng uso ang gawang dayuhan? Lagi na lang ba tayong susunod sa uso? Ang solusyon dito ay hindi simple. Ngunit napakadaling isipin. Bigyang pansin ang kaledad, gamitin sa tama ang pondo. Iwasan ang pag-gawa ng imitasyon. ‘Wag ganito,ganyan. Dapat ganito,ganyan. Maiba lang, sino nga ba tayo? Hindi nga masama ang tumangkilik sa banyaga, ngunit hindi ito dahilan upang maliitin ang sariling atin. Pansinin mo,kapatid. Meron pa, meron pang mga bagay na mas maganda pa sa gawang banyaga. Meron at meron ‘yan. Tuklasin mo, Pinoy.

Allen,Mara; Demonteverde,Joana; Garcia, Willabel; Salvatierra, Jailine | Sanaysay

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful