P. 1
Pananatili

Pananatili

|Views: 50|Likes:
Published by Anton Siddayao

More info:

Published by: Anton Siddayao on Nov 03, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

11/03/2010

pdf

text

original

AM†DG Pananatili Sa panulat ni Antonio- Marie M. Siddayao Leandro Basil Panimula Tagpo:Kubo. Malapit sa bayan ng Natili.

Pagtutumbalik {musika: Gitara} Leandro: Hmm, naalala ko pa noong laban. Dati kong mahal, hanggang ngayon hinihintay ko pa rin siya.Oo, mahigit dalawampung taon ko na siyang hinihintay. Pangako ko kasi na pagsikat ng araw, dun na ako babalik. Na mananatili siya sa puso ko. Ako nga pala si Leandro, isang mambubukid na napalipad sa giyera, at ngayon hinihintay ko ang aking minahal. {musika: Pananatili} Tagapag-lahad: Tunghayan natin, ang kwento ng pagmamahal ng dalawang magkasintahang nahiwalay, naghihintay, at inaabangan ang pag-ibig. Silipin natin ang taos-pusong pangako ng “ PANANATILI”. {musika: mawawala} EKSENA 1 { ingay: nagpuputol ng palay} Purina: Ayyy! {ingay: palay na napuputol} {musika: nasa gubat} Leandro: Anu yon? Purina : Aray!!! Leandro: Sino po sila???!!! Purina: ah! May tao ba? Nandito ako! Leandro: Saan? Purina: Dito sa mga kawayan! Leandro: ah! Miss, bakit naman kayo napadpad dito sa gubat? Purina: Wala, naman,naghahanap lang ng lugar para makapagisip. Leandro: Ah oo, wala masyadong nakatira dito. Purina: Ganun ba? Aray! Leandro: Naku! Maliit lang naman, pero kaya yan sa Bayabas. Purina: Bayabas? Leandro: Eto, Bayabas, para mga sugat na ganyan. Doon ka muna sa kubo, pagpahinga ka muna. Purina: Salamat 1 Roberto Purina Palengkero1 /2 Lucia tagadala ng telegram

{musika:mawawala} EKSENA 2 ___________________ Tagpo: Kubo {musika: sa loob ng kubo, gitara} Basilio: Leandro! Leandro! O!Bakit ka nandito sa kubo? Bigla ka nalang naglaho! Leandro: Eto! Nasugat. Basilio: Hello,hello! Kamusta ka naman, ang ganda mo! Purina: Peste! Basilio: aba! Leandro! Nangangagat! Leandro: Basilio! Anu ba! Basilio: Halika na, hayaan mo muna siya. Aalis din naman siya eh, parang naman sayo na siya.At hahanapin tayo ni Tandang Impo, alam mo naman yung matandang yun eh! {musika: mawawala} EKSENA 3 Pagtutumbalik Leandro: Umalis din siya, sa totoo lang, tumakas.Pero pagkatapos ng ilang araw…. EKSENA 4 Tagpuan: gubat {ingay: mga huni ng ibon} Leandro: O! nandito ka nanaman, parang gusto mo atang madisgrasya ulit ah. Purina: Ano ka ba?! Hinde! Naisip ko lang magpasalamat… kaso tumakas ako kasi eh. (tawa) Leandro: Ah! Ganun ba? Purina: Oo. Ako nga pala si Purina Marites Tumbangan, galing akong Maynila. Naghahanap kasi ako ng sarili kong lugar para mag-isip, kakatapos ko kasi sa kolehiyo, naghahanap ng madadausan. Leandro: Pano ka napadpad sa gubat? Purina: Eh sabi ng matanda, may pwede akong matulugan dito,sa may bayan daw ng Natili, tapos dito na ako napunta. Leandro: Ah! Ganun? Purina: Salamat ulit! Alis na ako, hinahanap na siguro ako. Leandro: Ah sige! Palaam. {pahabol} Ay! Sandali, nakalimutan kong magpakilala! Ako si Leandro Dufino Rodgriguez. Purina: Hm. Leandro? Tatandaan ko yon. Leandro: Purina, ako rin. {musika: mataimtim, mawawala, katahimikan} EKSENA 5 2

Pagtutumbalik Leandro: Iyon yung unang pangakong hindi makakalimutan ang pangalang ng isa’t-isa, ang pagpapanatili sa aming puso. Sa pangakong iyon kami naging magkaibigan, tapos humantong bilang magkasintahan. Dumating na rin ang digmaan, at kunuha ako bilang sundalo. Pinangako namin sa isa’t isa na aantayin kong makabalik sa kanya, at siya ang aantay sa……[tutuloy sa boses ni Purina] EKSENA 6 Tagpuan: Istasyon ng tren {ingay: madaming tao} Purina: [patuloy]… sa akin kahit na ano ang mangyari. Leandro: Oo, kahit ano ang mangyari. Kahit man bagyo ang bumura sa ating kubo. {tawa} Purina: Ikaw talaga! {tawa} Leandro: Purina, bago ako umalis, sana hindi mo ako makakalimutan. Purina: Leandro, hindi ko alam kung makakatagal ako sa pagaantay, pero pangako kong mananatili ako sa puso mo. Leandro: Dito sa puso ko, mananatili ang alaala ko sa iyo. Purina: Paalam Leandro! EKSENA 6 Pagtutumbalik Leandro: “ Paalam Purina”, ito ang huli kong beses na makita at makasalamuha si Purina. EKSENA 7 Tagpuan Labas ng Istasyong ng Tren {ingay: madaming tao} Purina: Huhuhuhuhu. Lucia: Oh! Iha, bakit ka umiiyak? Purina: Wala po ito, napunta po sa gyera ang aking mahal. Lucia: Ibig sabihin ba ay mag-isa ka lang? Purina: Opo. Lucia: At san ka naman, titira? Purina: Sa gubat po, kung saan po siya nakatira. Lucia: Naku! Huwag ka muna doon titira, at madidisgrasya ka lang doon! Purina: Okay lang po, kaya ko na pong mag-isa. At nagtagal na din naman ako sa gubat kasama siya. Lucia: Oo nga pala, ako pala si Lucia, nakatira ako sa baryo, malapit lang naman sa gubat na tinitirhan mo iha. Daanan ko nalang kita minsan. Purina: Maraming salamat po! Ako naman po si Purina. Lucia: Ah! Purina, parang pangalan ng aking anak. Purina: May anak po kayo? Lucia: Ah! Hinde, nawala siya mula sa aking kamay noong nasa Maynila kami, at mula noon hindi ko na siya mahanap. 3

Purina: Ganun ‘ho ba? [ sa sarili] Parang pareho ang kwento niya ng pagkawala ng anak, nawalay ako sa aking ina ,ng ganoon? Ina? Ikaw ba ‘yan? {ingay:mawawala} {musika: katahimikan} __________ EKSENA 8 Pagtutumbalik Leandro: Ilang linggo pa lang akong nakikilaban sa digmaan, gusot ko nang umuwi. “Babalik na ba ako o hindi?”,iyon ang pumasok sa isipan ko noong naalala ko si Purina. __________________________________ EKSENA 9 Tagpuan: Palengke ng Natili {ingay: madaming tao} Purina: Kuya! Pahingi po ng kalahating kilo ng kasim. Palengkero 1: Oh! Ate! Kamusta naman ‘yang pag-iisa mo na wala si Leandro? Purina: Ito, namamalengke. Palengkero 2: Hoy ha!! ‘Wag niyo yan lokohin! Purina: Anu ba kayo! Okay lang naman ako! Sige, mauna na ako! Palengkero 2: O sige! Babu!!! Palengkero 1 : Alam mo? Mag-iiba mahal niya. Palengkero 2: Huh? Paano naman yun mangyayari? Palengkero 1: Tingnan mo? Hindi ba’t magbabago isipan mo na nasa ibang bansa ang mahal mo, nakikidigma? Palengkero 2: Oo nga noh? Palengkero 1: Chos! [tatawa sila pareho] {ingay: mawawala} ______________________ EKSENA 10 Tagpuan: Sa labas ng palengke {ingay: mga traysikel} Lucia: Oh! Purina! Kamusta? Purina: Pauwi na po. Lucia: Mukhang malungkot ka ‘ata? Purina: Oo nga po eh. Ang tagal na niyang mawala eh, babalik kaya siya? Lucia: Purina, oo. Babalik siya.

4

Purina: Paano kung hindi? Paano? Lucia: Magtapat ka iha, magtapat ka. {ingay: mawawala,katahimikan} ________ EKSENA 11 Pagtutumbalik Leandro: “ Ano kaya ang ginawa niya?”, parang akong aso, kumakahol kapag may kailangan. Ngunit, yun din ang pumasok sa isipan ko palagi, kung saan siya sa sandaling ito, ano ang ginagawa, sino ang kasama niya. Ayun! Sino kaya ang kasama niya? Sana hindi pa niya ako nakalimot. ________________ EKSENA 12 Tagpuan: Kubo {musika: Pananatili,minus one} Purina: [sa sarili] Susulatan ko siya. Para mailabas ko talaga ang tunay kong damdamin para sa kanya. Mahal kong Leandro, Huwag mong naisin na lisanin kita, dahil wala akong hangarin na mag-isa ka. Saan ka man magtungo, ako’y sasabay sa iyong puso. Magkasama sa paglalakbay.Nandito lang ako, mananahan ako sa ating tahanan, sisilong sa iyo. Yayakapin ang dako, ng ating dampa. Sa’n man abutin ang ating mga pangarap, tila’y tayo ay magkasamang ng lubos. Sana tayo’y pangalagaan ng Panginoon. Na ikaw ay babalik sa akin, at ako’y mananatili ngayon din. Minamahal, Purina Marites Tumbangan {musika: mawawala,katahimikan} ________________ EKSENA 13 Tagpuan: Vietnam, gera, Telegramer Ingay: mga telepono, ilang taong sumisigaw Leandro: Maaari pong ba magpadala ng telegram sa Pilipinas? Tagadala ng telegram: Sige, anu po ang ipapadala? Leandro: Ito po; Purina, Hindi pa ako makakabalik, matagal-tagal pa daw ang laban. Antay ka lang diyan, babalik din ako. Minamahal, Leandro. Tagadala ng telegram: May kasintahan sa bayan? Leandro: Oo, nag-aalala na kasi ako eh. {ingay: mawawala, katahimikan} EKSENA 14 Tagpuan: Opisina ng Koreo

5

{ingay: mga telepono} {musika: gitara, pagdadalawang isip} Purina: Nakatanggap ako ng telegram mula kay Leandro. Lucia: O, bakit? Ano daw sabi niya. Purina: Magtatagal daw siya. Wala ng pag-asang kami ulit, masyado nang matagal. Lucia: Bakit naman ‘yan ang iniisip mo iha? Purina: Hindi mo mapapalitan ang desisyon ko. Magbabago na ako ng mahal. Lucia: Kung iyon ang desisyon mo, sige. {ingay: mawawala} ____________________________ EKSENA 15 Tagpuan: Istasyon ng Tren {musika: gitara, masya} {ingay: madaming tao} Leandro: Ang saya na makabalik ako dito sa Natili. Parang isang daang taon na akong wala dito. [sa sarili] Ngayon, babalikan ko na ang aking mahal. Purina! Padating na ako! ______________________________ EKSENA 16 Pagtutumbalik Leandro: Nakabalik na ako, ngunit hindi ko pa rin matagpo ang aking puso.Sa tagal siguro na nasa gera ako, doon na ako nabigo. ________________________ EKSENA 15 Tagpuan: Kubo {ingay: gubat} Leandro: Purina! Nandito na ako. Purina: Ah Leandro, nandito ka na pala. Leandro: O! parang hindi ka masayang nakita mo na ako. Purina: May kailangan akong sabihin Leandro,… Leandro: Anu yon? Purina: Matagal ko nang iniwan kita. Leandro: Ano!? Hindi kita maintindihan! Purina: Ah, may bago na akong mahal,…. [papasok si Roberto] Roberto: Anu ito? Sino siya?!!

6

Purina: Ah, Roberto, si Leandro yan. Roberto: Yan? ! Si Leandro? Ikaw ang nag-iwan kay Purina. Purina: Paalam Leandro.[ bunting-hininga] Leandro: Purina! Walang katotohanan ang sinabi ng salbaheng yan!!!PURINA!!!! Roberto: Huh! [may tinapon na papel] {ingay: mawawala} _______________ EKSENA 16 Pagtutumbalik Leandro: Iniwan niya ako, ngunit may pinangako siya. May pinangako rin ako. Hindi ko siya kinalimutan, aantayin ko siya. Hihingin ko ang nararapat, ang katotohanan. _______________________ EKSENA: 17 Tagpuan: Kubo {ingay: gubat,mga paa} Lucia: Leandro!! Leandro: O! Aling Lucia bakit? Lucia: Si Purina…. Leandro: O! Anung nangyari sa kanya? Lucia: Pinatay siya. Leandro: Ano?!! Bakit?? Lucia: Hindi daw alam, natagpo daw ni Roberto na nakahandusay sa sahig. [papasok si Roberto] Roberto: Leandro! Namatay ang aking asawa! Leandro: At ako ang sinisisi mo? Roberto: Hindi, at alam ko kung bakit siya namatay. Leandro: Isang liham? Dahil sa isang liham siya namatay? Roberto: Hindi, liham na sinulat niya, para sayo. Leandro: Ah ganun ba? {musika: malungkot,gitara} {ingay: katahimikan} EKSENA 18 Pagtutumbalik Leandro: Isang liham para sa akin. Dito ko nalaman kung bakit siya namatay o nagpakamatay.

7

Mahal kong Leandro, Leandro, nagsisisi ako. Nagsisisi ako dahil, pinilit ko ang sarili kong makalimutan ka. Nagsisisi ako dahil, pilit kong pinutol ang pangako ko sa iyo, na manatili. Sa tagal man ng panahon na wala ka sa kinaroroonan ko, nagsisisi ako dahil pinili ko ang ibang landas, ang ibang taong magmamahal sa akin. At sa huli, sinisisi ko ang sarili ko dahil nagbago ako, na hidni ko sinunod ang payo ni Lucia, na magtapat. Si Lucia nga pala ang aking ina. Nakapiling ko na siya,at dahil sa aking ginawa, hindi ko na siya makasalamuha. Leandro, patawarin mo ako. Patawarin mo ako. Magtapat ka. Minamahal, Purina Marites Tumbangan ____________________ KATAPUSAN Tagapag-lahad: At sa muling binasa ni Leandro ang sulat ni Purina kay Leandro, nagtapat siya. Ang pagbabago ng ating mahal, ay hindi lang makikita sa isipan at sa galaw, ngunit sa puso din. Napapaligo tayo sa hindi natin ninanais. Kaya’t magtapat ka, paniwalaan mo ang puso mo, kasya sa ito ay magbago. {musika: Pananatili} Ito ang kwentong “ Pananatili” {musika: mawawala} WAKAS ______________________ {musika: Hinahanap-hanap kita ni River Maya} PAGPAPAKILALA SA MGA NAGSISIGANAP

8

9

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->