BANGHAY- ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 2 GRAMATIKA AT PAGBASA IKATLONG MARKAHAN – IKALAWANG LINGGO I.

PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN Paksa Pamagat ng Texto Uri ng Texto Kagamitan Gamit ng Wika Neo-Kolonyalismong Asyano Neo-Kolonyalismo sa Asya Argumentativ Sipi ng texto Pagkuha ng impormasyon Pagbibigay ng reaksyon/puna Istruktura ng Wika : Pagkilala sa pangatnig Kasanayang Pampag-iisip : Paglalahad ng mga datos Halagang Pangkatauhan : Pagiging matimpi at magalang : : : : :

I. MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW) A. Napapaunlad ang kakayahang magpakahulugan sa paksa batay sa pamagat ng texto. B. Natutukoy ang mahahalagang impormasyon. C. Naibibigay ang reaksyon sa binasa. D. Nasusuri ang textong batauy sa tono nito. E. Natutukoy at nagagamit ang mga pangatnig sa pagbibigay ng reaksyon. F. Nakasusulat ng textong argumentativ. I. PROSESO NG PAGKATUTO UNANG ARAW B. Mga Panimulang Gawain Pagganyak : Pagsasaayos ng ginulong letra upang makabuo ng makabuluhang konsepto.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

17

O A Y E M N N O S L K O I LO

Paglalahad 1. Pagpapabasa ng pamagat at pagbibigay-kahulugan dito sa tulong ng pangkatang gawain. Pangkat 1 : Sa tulong ng double bubble map, ibigay ang mga kaugnay na salitang nakapaloob dito.

KAUGNAY NA SALITA NG NEO KOLONYALISM O

MGA BANSA SA ASYA

18

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

Pangkat 2 : Ibigay ang mga kaisipang nakapaloob sa pamagat sa tulong ng kasunod na dayagram. NEO-KOLONYALISMO SA ASYA

KAISIPAN

KAISIPAN

KAISIPAN

Pangkat 3 : Pagtatala ng mga dating kaalaman tungkol sa bansang Asya. 1. 2. 3. 4. 5. 6.

Pangkat 4 : Paglalahad ng kaugnay na kaalamang may kinalaman sa salitang kolonyalismo sa tulong ng sinag.

KOLONYALISMO

2. 3.

Pagbabahaginan ng mga kasapi ng pangkat. Pagbibigay ng feedback.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

19

C.

Pagpapabasa sa texto.

NEO-KOLONYALISMO SA ASYA
Masasabing may kalayaan na ang mga bansang sa Asya lalo na ang mga bansang naging sakop ng bansang kanluranin, ngunit masasabing ito ay pampulitika lamang. Malaya na nga ang mga bansang ito sapagkat tinatamasa na nila ang kalayaang matagal na nilang hinahangad ngunit masasabing mabagal ang pag-usad ng kaunlaran nito. Mahihinuha na ang mga ito ay dahil sa mga pinsalang dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa panahong ito, totoong nagkaroon ng kakapusan sa mga pinagkukunang yaman lalo na ang mga bansang sinakop ng bansang Europeo kaya marami ang naghirap at nagutom. Bunga nito, ang mga bansang ito ang naging tagasuplay ng mga hilaw na materyales sa paggawa ng mga produkto upang lalo namang umunlad ang kabuhayan sa Europa. Ang mga Kolonyalistang ito ang namahala sa likas na yaman kaya ang mga sinakop na bansang di-nabigyan ng pagkakataong pagyamanin ang mga ito. Sa madaling salita, ang sumakop na bansa ang lubusang nakinabang sa kayamanan ng bansang sinakop sapagkat ang naging sistema ng kalakalan ay naging monopolyo. Tunay na sakim ang mga mananakop sapagkat marami sa mga bansang ito ang umunlad sa iba’t ibang larangan. Napayabong ng mga bansang Europeo ang kalakalan, komunikasyon at transportasyon, ngunit ang mga ito’y nawasak din ng digmaan. Dahil sa mga dayuhan ang humahawak sa pamahalaan, wala rin silang kakayahang pamunuan ang bansa. Sila ay nagmistulang alipin sa kamay ng mga mapanakop na bansa. Matapos ang digmaan, lugmok na sa hirap ang mga sinakop na bansa at dahil sa wala silang alam sa pamamahala, wala silang alam na nagpapagalaw sa lipunan, kahit malaya na, patuloy sila sa ganoong kalagayan. Dahil dito, napilitan silang tanggapin ang alok ng mga Amerikano na itinuturing na “superpowers”. Dito sumulong ang neo-kolonyalismo, isang di-tuwirang pagkontrol sa isang malayang bansa ng isang malaki at makapangyarihang bansa. Ginamit nito ang pamamaraang pangkabuhayan, pangkultura at maging ang pulitika. Sapagkat ang Hapon at Amerika ay batikang Neo-Kolonyalista dahil sa pagiging makapangyarihan, sila ay maituturing na mauunlad at industriyalisadong bansa. Sa kasalukuyan, masisinag pa rin sa bansang ito ang masamang bunga sa kanila ng pananakop sapagkat nasa kanila pa rin ang “colonial mentality”: ang mentalidad ng masidhing pagtangkilik ng mga Asyano sa mga produkto at kultura ng mga bansang sumakop sa kanila. Isa ito sa dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.

20

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

D.

Ibuod ang texto ng Pyramid Chart.

SINO ANO SAAN KAILAN PAANO BAKIT

PAGTALAKAY SA ARALIN IKALAWANG ARAW A. Pagganyak : Sabihin kung saang bansa sa Asya nagmumula/matatagpuan ang mga sumusunod na gamit. 1. chopstick 2. kimono 3. bahay-kubo B. 4. batik 5. buddha Panimulang Gawain

Pagpapabasa ng texto. parirala o

C. Pagpapakahulugan sa mga salita, pangungusap na ginamit sa texto na di naunawaan. D. Pagtalakay at pagsusuri sa nilalaman.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

21

Pangkat 1 :

Sa tulong ng tsart, ilahad ang mga kaganapan sa NeoKolonyalismo sa Asya (Story Frame).

Pangkat 2 :

Paglalahad ng kabutihan at kasamaang bunga ng kolonyalismo, sa tulong ng T Chart. Kabutihan Kasamaan

Pangkat 3 : Pagbibigay ng mg kaisipan ayon sa bahagi ng texto.
SIMULA
Kugnay na Kaisipan

GITNA

Kugnay na Kaisipan

WAKAS

Kugnay na Kaisipan

22

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

Pangkat 4 : Paglalahad ng pangkalahatang epekto ng kolonyalismo sa isang bansa.
EPEKTO

KOLONYALISMO

EPEKTO

EPEKTO

E. F. G.

Pagbabahaginan ng mga kasapi ng bawat pangkat. Pagbibigay ng feedback. Pagbuo ng sintesis.

Sa tulong Cue Cards, bumuo ng kaisipan batay sa aralin. Asya Kolonyalismo Mentalidad IKATLONG ARAW A. Panimulang Gawain Pagganyak : 1. Pagpapakita sa grap tsart sa kalagayan ng dalawang bansa kaugnay ng ekonomiya. Gagamitin ang pinakahuling sorbey. Kalagayan Estados Unidos Hapon Kalayaan Kapangyarihan Europeo

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

23

2. Pag-interpret sa datos na nasa tsart tungkol sa latest GNP ng bawat bansa. • • Ano ang masasabi natin sa mga bansang ito? Bakit sila tinawag at itinuring na pinakamayamang bansa?

B. Pagpapabasa ng isang kaugnay na texto “ Ang Neo-Kolonyalismo ng Hapon at Estados Unidos sa Asya”.

ANG NEO-KOLONYALISMO NG HAPON AT ESTADOS UNIDOS SA ASYA
Maraming bansa sa Asya ang naging malaya matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Subalit ito’y di-naging pangmatagalan. Hindi man direkta ang kanilang pananakop, malinaw naman itong makikita sa aspetong legal, edukasyon, pulitika at kabuhayan. Hindi tuluyang binitiwan ng dalawang makapangyarihang bansa ang Asya. Nanatili silang sumusuporta sa pamahalaan ng mga bansang ito. Nakapagpatuloy ng kanilang dominasyon sa mga bansa sa Asya sa larangan ng kabuhayan, teknolohiya at militari ang mga bansang Hapon at Estados Unidos. Ikinubli nila ang tunay na layunin at hangarin sa pagtulong sa aspetong pinansiyal. Idinaan sa tulong pangkabuhayan, donasyon, pautang at pamumuhunan ang kunwa’y pagmamagandang- loob upang patuloy na makapaghari at mapalaganap ang lakas at kapangyarihan. Dahil na rin sa kahirapan ng isang bansa kaya di-nito magawang makapamuhay nang nag-iisa. Kailangang dumepende sa iba upang mapalakas at mapasulong ang ekonomiya. Dito pumapasok ang pagsasamantala, kunwa’y tutulong subali’t may personal namang intensyon. Maaari nilang dominahin ang aspetong pulitika at kultura. Kapag ito na ang nakontrol, masasabing labis na ang pagdepende. Hindi na talaga kayang tumayong mag-isa. Kapalit naman ay pagabuno sa likas-yaman ng bansa. Madali lamang maisakatuparan ito kung dadaanin halimbawa sa paglalagak ng puhunan. Dito itatapon ang mga basura at pagkatapos ay ilalabas ng bansa ang mga produktong nagawa. Hindi naman kontrolado ang pagmamantili sa mga dambuhalang mga tanggapang multi-nasyonal. Talo rin ang bansang lagi nang nakadepende sa utang. Hindi totoong para sa kaunlaran. Mabuti kung ang salaping nautang ay sadyang pantustos sa mga proyektong kailangang-kailangan ng bansa. Paano kung hindi? Nababaon lamang sa utang at unti-unting nalulunod sa kawalan.

24

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

Mga tanong : 1. 2. 3. Anu-ano ang mga katangian ng texto? Masasabi bang textong argumentativ ito? Anu-ano ang mga punang binaggit ng may-akda sa texto? Upang matukoy ang layon ng texto, kinakailangang isa-isahin ang pagsusuri sa mga ideya ng sumulat at hanapin ang puna ang textong argumentasyon kung ito ay nag-uugnay ng mga pangyayari, bagay, at mga ideya sa pansariling pag-iisip, paniniwala, tradisyon at pagpapahalaga. Halaga ng teksto sa mambabasa. C. Pagpapabasang muli sa textong lunsaraan. Papangkatin muli sa apat ang klase. Ipasusuri ang tiyak na katangian ng texto. Pangkat I : Pagtukoy sa kaisipang nangingibabaw sa texto? Patunayan sa tulong ngTsart.
KAISIPAN

Patunay

Patunay

Patunay

Pangkat II : ACCEM (Arrange the Concept Chronological and Explain the Message).

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

25

Pangkat III :

Pagpapaliwanag kung naiparating ba ng texto ang kaisipan sa mambabasa at kaugnayan ng texto sa mambabasa.
PUNA/REAKSYON

ARGUMENTO

PUNA/REAKSYON

PUNA/REAKSYON

D. E.

Pagbabahaginan ng ginawang pagsusuri. Pagkuha ng feedback. Input Argumentasyon ang textong nagpapakita ng mga proposisyon sa umiiral na kaugnayan sa pagitan ng mga konsep o iba pang mga proposisyon. Ang ganitong uri ng texto ay tinutugon sa tanong na bakit?

F. Pagbubuo ng sintesis. • “Awit ng Kalayaan”

Ibigay ang mensaheng hatid nito? PAGSUSURING GRAMATIKAL IKAAPAT NA ARAW A. Panimulang Gawain Pagganyak : 1. 2. Pagpapabasa sa mga bagong isyu sa diyaryo. Pagbibigay puna/ reaksyon sa pinakahuling isyu.

26

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

Ang pagbibigay-puna at reaksyon sa textong argumentativ ay ginagamitan ng mga pangatnig na ngunit, tahasang sabi, subalit, dili kaya, sukdulang, datapwat, samakatuwid, dahil, sapagkat, ay uri ng pag-ugnay. Ang mga pangatnig ay mga kataga o salitang nagpapahayag ng kaugnayan ng isang salita, o mga salita ng isang kaisipan sa kapwa kaisipan. Datapwat may mga pangatnig din na ginagamit kung nais na lalong paliwanagin ang mga bagay na nasabi na, anupa’t, sa halip, kung gayon at alalaan man lamang. Ang sapagkat ay pangatnig na panubali. Ito’y nagpapahayag ng pagkukurong may pasumala o pag-aalinlangan. Ang kung at kapag ay kauri nito.

B. Muling ipababasa ang textong lunsaran. Papangkatin muli ang klase sa apat. Pangkat I : Mga pangatnig na ginagamit mahahalagang impormasyon. sa pagtukoy sa

Pangatnig

Pangkat II : Mga pangatnig na ginamit sa pagtukoy sa mensaheng nais iparating sa akda.

PANGATNIG

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

27

Pangkat III : Mga pangatnig na ginamit sa pagbibigay ng epekto ng Neo-Kolonyalismo sa mga Asyano. Epekto P A N G A T N I G Paliwanag

Pangkat IV : Pagbibigay ng mga pangatnig na ginamit sa pagbibigay ng reaksyon sa ibinunga ng Neo-Kolonyalismo sa mga Asyano.

PANGATNIG

REAKSYON

IBINUNGA

Pangkat V : Pagbibigay ng mga pangatnig na nagpapakilala ng ugnayan ng bumasa sa textong binabasa.

28

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

C. Pagpapalalim sa paksa batay sa mga sumusunod na tanong. • • Naging epektibo ba ang paggamit ng pangatnig sa paglalahad ng mahahalagang detalye? Bakit mahalaga ang kaalaman sa paggamit ng pangatnig sa pagbubuo ng isang argumentong nagbibigay ng puna/reaksyon.

D. Pagbubuo ng sintesis batay sa paksang tinalakay. D U G T U N G A N G P A G G B U B U O D

P1

P2

P3

P4

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

29

II. EVALWASYON IKALIMANG ARAW A. Panimulang Gawain Pagganyak : Pagbabalik - tanaw Sa tulong ng “TELL ME”, isa-isahin ang mga natutuhan sa nagdaang apat na araw.
Neo-Kolonyalismo ng Asya Pagiging matimpi at magalang
ANO

Argumentativ Reaksyon/Puna

Pangatnig

B.

Pagpapabasa ng isa pang halimbawa ng textong argumentativ.

ALAY NG PAG-UNLAD
Bukas ang isipan sa pagbabago ng isang bansang umuunlad, kaya niyayakap ang anumang pagpasok ng mga mauunlad na bansa sa kabuhayang panlipunang moral at pulitika. Ang Pilipinas ay isa sa naniniwalang ito ang naging daan sa pagbubuo ng mga modelo ng kaunlaran na isinaalang-alang ang kapaligiran at ang mga sumusunod pang henerasyon. Nagtatag din sila ng mga samahang magiging lakas nila at tugon sa dating pamamaraan ng kanilang pagiging depende sa mga dating mananakop. Ang itinatag na APEC (Asia Pacific Economic Cooperation) upang magkaroon ng malayang kalakalan at palitan ng mga kalakal ng mga bansang nasa rehiyon ng Asya at Pacific. Naging isang malaking banta ito sa local na produkto ng mga Pilipino sapagkat ang tatak kolonyalismo ay di pa ganap na napapaalis sa bansa. Ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya at siyensya ay malaya nang maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagtuturo at pagpapahiram ng mga bansang mauunlad. Ang pagpapalaganap na ito ay hindi kailanman isinangkot ang mga Pilipino kundi mga dayuhang tagapayo.

30

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

Ang pagpapalaya sa kanilang mga “light” industriyang nangangailangan ng maraming manggagawa na nagtatrabaho ay pinasisimulan na maaaring ipagpasalamat ng mga Pilipino subalit higit na kapaki-pakinabang sa kanila dahil sa mababang pasahod. Ang tunay na industriyalisasyon ay hinangad din nilang makamit sa pamamagitan ng parehong pagbibigay ng atensyon sa sektor ng industriya na siya namang tatapos sa mga produkto. Ang ganitong panuntunan ay maaaring maging daan ukol sa lalong ikasisigla ng kanilang pangkabuhayan. At sa pulitika naman ay nagkaroon na ng mga pagbubuo at pagpapagalaw sa iba’t ibang sektor gaya ng mga kababaihan, kabataan, magsasaka, mangingisda, manggagawa, katutubo at ang mga maralitang tagalunsad upang makilahok sa ninanais na pagbabago. Ngunit mayroong ibang bansang Asyano na nananatili pa rin sa mga sistemang monarkiya at awtoritaryan. Karaniwang nagaganap ito sa bansang pinahahalagahan ng aral ng Islam. Naging daan ito sa lalo pa nilang pagkakaisa at muling paghahangad ng pagbubuo ng isang matatag na mga bansang Muslim lalung-lalo na sa Gitnang Silangan. C. Pagsusuri sa texto. Papangkatin sa tatlo ang klase. Pangkat I : Paglalahad ng mga kaisipang nais sabihin ng may-akda sa mga mambabasa.

May akda

Mga Kaisipan

1

2

3

Pangkat II :

Pagpapasulat sa mga impormasyong inilahad ng manunulat na sinang-ayunan at sinasalungat sa tulong ng pangatnig.

Magkatulad Di magkatulad Di magkatulad

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

31

Pangkat III :

Pagsusuri sa binasang texto batay sa ginamit na pangatnig.

Pangkat IV : Paglalahad sa katotohanan ng pamagat/Texto. PRO - CON Reaksyon sa Pamagat Sang-ayon di-Sang-ayon

D. Pagpapasulat ng isang textong argumento na puna/reaksyon sa tulong ng tiyak na paksa at pamagat.

nagbibigay

E. Pagpapabuo ng mga pahayag/ pangungusap na may angkop na pangatnig. F. Pagpapahalaga sa ibang isinulat ng mga mag-aaral. G. Pagbibigay ng faynal na input tungkol sa wastong gamit ng pangatnig sa pag-uugnay ng mga pangyayari, bagay at mga ideya sa pansariling pag-iisip paniniwala, tradisyon at pagpapahalaga.

32

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful