Si Nigang ni U Z. Eliserio Synopsis Ang dulang ito ay tungkol sa pag-ibig, panggagahasa at sinigang.

Literal na tungkol sa pag-ibig, panggagagahasa at sinigang, ang mga bida'y nagngangalang Pag-ibig, Boy Rapist, Serial Rapist at Nigang. Isang bayan sa Bicol ang lulan ng kwento, bayang biktima ng tagutom. Anak si Nigang ni Manong Carinderia, ang may-ari ng tanging bukas na carinderia sa bayan, na sa ubod ng mahal ng binebentang pagkain ay walang tumatangkilik. Iniibig ni Nigang ang maginoong si Jesus, ngunit haharang sa kanilang pagmamahalan ang mayamang si Boy Rapist, na kinokontra si Manong Carinderia na ipagpalit si Nigang para sa pera. MGA TAUHAN: NIGANG, 19, Matabang babae BOY RAPIST, 42, Manliligaw ni Nigang MANONG CARINDERIA, 58, Ama ni Nigang SERIAL RAPIST, 25, Kapatid ni Boy Rapist JESUS, 33, Manliligaw ni Nigang PAG-IBIG, 53, Lover ni Jesus SEX, 50, Kapatid ni Pag-ibig ILUSYON, 30, Kaibigang matalik ni Sex PANAHON AT TAGPUAN: Kasalukuyan. Sa isang bayang dumaranas ng taggutom. Isang carinderia. May mesang may dalawang kaldero. May tatlong upuan. Nakatayo si Nigang at ang tatay niyang si Manong Carinderia sa likod ng mesa. Sina Boy Rapist, Serial Rapist, Pag-ibig, Sex at Ilusyon ay nakaupo kasama ng mga nanonood.

. nagalit. libido nga. 'yun lang pala. BOY RAPIST (Uupong muli. Libre pa'ng advice.): Leche ka. Pero. (Patlang. kalimutan mo na nga.) kaibigan ko s'ya! JESUS: Tinding mamblojab ng mga babakaibigan? BOY RAPIST: Oo. JESUS (Pasigaw.) Ito naman o. JESUS: 'Sus. sige kwento.): May problema ako. at bakit mo s'ya gustong-gusto? BOY RAPIST (Matagal bago sumagot.): Itinuring n'ya akong parang tao. BOY RAPIST: A. Hormones lang 'yan. nakikinig ako. BOY RAPIST (Tatayo. Ikaw na lang ang pag-asa ko. wala. JESUS: Loser ka nung hayskul. e.): Narito ako. JESUS: Meron akong mga VHS tapes na makakatulong sa 'yo. meron akong kakilalang lalake sa Ermita.. katulad nga ng sinabi ko: kaibigan ko si Anna at gustong-gusto ko s'yaJESUS: Bakit? BOY RAPSIT: Ha? JESUS: Bakit mo s'ya kaibigan. Ba't mo 'ko kinakausap? BOY RAPIST: Kaya nga patunay na ganoon kagrabe 'yung problema ko e. at sinulatan ng mga sulat na-mabait.) Si Satanas siguro makikinig. JESUS: Oo. JESUS: Uy. JESUS: O. bugaw. Ano ba 'yang problema mo? BOY RAPIST: Meron kasing babae. JESUS (Titingin sa relo.): Ulol! BOY RAPIST: Putang-ina. BOY RAPIST: Anna ang pangalan n'ya. Traci Lords! Hubba. .): Merong kang dalawang minuto. gaganyanin mo pa 'ko. pero maniningil.): Well. JESUS: Yagay. BOY RAPIST: Ano ba? Makinig ka nga. maniwala ka naman. BOY RAPIST (Luludod muli. Alam mo na. BOY RAPIST (Luluhod. BOY RAPIST: At (Pasigaw..): Hindot na bata 'to o. Jesus.BOY RAPIST (Tatayo. a. JESUS (Sarkastiko): Kabaitan? BOY RAPIST (Matagal bago sumagot. Magdadabog. para maliwanag sa simula pa lang. BOY RAPIST: Po? JESUS: A. gusto kong ipaalam sa 'yong 'di ako naniniwala sa 'yo. JESUS: Pero nagsisinungaling ka sa 'kin. Tatayo sa gitna. tulungan mo ako! JESUS (Papasok sa carinderia. JESUS (Sa mga nanonood sasabihin. Hindi sekswal ang kalikasan ng pagnanasa ko sa kanya.): Jesus. nililigawan ko s'ya. hubba! BOY RAPIST: Gusto ko talaga s'ya at. JESUS: Kung 'di nun masagot ang problema mo sa libog. Magusap na lang tayo 'pag patay na ako.): Kaibigan ko s'ya dahil pinakitaan n'ya ako ng kabaitan.

JESUS: Pare-pareho lang 'yan. BOY RAPIST: Gusto ko nang mamatay. Lagi s'yang nasa isip ko at 'di maalis. Sabi mo kaibigan mo s'ya. Wala bang kwenta 'yon? JESUS: Wala. JESUS: Hindi. JESUS: E kaso nga. JESUS: Bakit ba nanliligaw ang mga lalake sa babae? Ikaw ang magsabi sa 'kin. Iiyak si Boy Rapist. Laki-joga. Diyos ako. May problema ako sa pamilya. (Normal na boses muli. Bakit mo nga ba s'ya niligawan? BOY RAPIST: Bakit ba nanliligaw ang mga lalake sa babae? JESUS (Nagpapatawa. BOY RAPIST: Hindi 'yon ganung kadali. e. tumigil na ang pagkakaibigan namin. JESUS: Was? BOY RAPIST: I was in love with her kaya ko s'ya niligawan. Ano nga ba'ng pangalan mo ulit? BOY RAPIST: Boy Rapist. JESUS: Hmm. JESUS: O.) . narinig ko na 'yan.. Laki-joga lang si Janice. pero ayaw n'ya akong sagutin. JESUS: Ano? BOY RAPIST: Kasi. JESUS: Sigurado ka? BOY RAPIST: Um.BOY RAPIST: Ano? Hindi! JESUS: Hindi 'yon tanong. sabi n'ya. BOY RAPIST: Pero walang ibig sabihin ang buhay kung wala s'ya. BOY RAPIST: Kasi. I am in love with her kaya ako may problema. tuloy. naku naman o. JESUS (Pabulong. Anong problema? BOY RAPIST: Nililigawan ko s'ya. simula raw nang manligaw ako. JESUS: Alangan namang pilitin mo s'ya. BOY RAPIST: Ha? Hindi 'no. Ngayon. Ayaw ka n'yang sagutin. Humanap ka na lang ng iba. JESUS: Balik tayo dun. BOY RAPIST: Kahit konti? JESUS: Wala. JESUS: Sige. Sinabi mo rin 'yan tungkol kay Janice.): Para sa sex? Hindi sasagot si Boy Rapist. Bawat buwan naiinlab ka. Si Anna kung bumasa ng tula parang-parang Diyos.) Okay fine whatever. BOY RAPIST: Hoy! FYI second year high school pa lang gusto ko nang mamatay. Kaibigan ka ba n'ya? BOY RAPIST: Oo naman. JESUS: Sus. bawat buwan nababasted ka. kasi I was in love with her. BOY RAPIST: Pero merong mga sandaling pakiramdam ko'y may pagtingin na rin s'ya sa 'kin. Diyos-sa-pagbasa-ng-tula.) Pusang-inang pangalan 'yan. BOY RAPIST: Salbahe ka. 'Di pa naman ako nakakapanligaw. ayaw n'ya sa'yo. balik sa problema mo. kaya bawat buwan gusto mong mamatay. JESUS (Bababa papunta lugar kung saan nakaupo ang mga nanonood. Pwede kang mabuhay nang wala ang mga 'yon. yayakapin si Boy Rapist.

Boy Rapist. JESUS: Wag kang magsori. BOY RAPIST: Paano kung masikip? JESUS: Tiisin mo kahit masikip. BOY RAPIST: Pero iisa lang si Anna. pa'no mo 'ko maiintindihan? JESUS: Pero ilang milyon na ang nambasted sa 'kin. pag may bumaba. (Aalis ng carinderia.): Paumanhin at hindi ka na tinitigasan. totoo. sumulong. at 'di ka pa nababasted. BOY RAPIST: Hindi naman e. lumuwag na. Maghahanap. 'Di pa 'ko nakakapanligawBOY RAPIST: O. BOY RAPIST: Sorry lagi akong nagbabasa at nanonood ng porno.) Paumanhin at lagi kong sinasabing patay ka na. maraming babae d'yan. JESUS: Bumaba. BOY RAPIST: Lumuwag? JESUS: Oo. Tatayo. Titingin sa relo. Pakiramdam ko walang nakikinig sa 'kin. Malay mo.) Ang bastos n'yo naman Jesus. JESUS: Masakit 'pag 'di ka mahal ng mahal mo. Matagal na mag-iisip. JESUS: Patawad namatay ang 'yong ama. BOY RAPIST: Salamat. Matatahimik si Jesus. JESUS (Babalik sa gitna ng carinderia. JESUS: Oo. Yuyuko. JESUS: Oo. sa susunod na kantot. alam mo 'yon. Atheists.) BOY RAPIST: Paumanhin 'di na ako nagdarasal. Tatanga. lumuwag na. BOY RAPIST: Bumaba? BOY RAPIST: Jesus? (Iaangat ang ulo. JESUS: Ayan. BOY RAPIST: Milyon? JESUS: Agnostics. Hahagulgol si Boy Rapist. napangiti rin kita. (Magpapahid ng luha. hahalughugin at guguluhin pati ang mga nanonood. 'Di ka pa naman nakakapanligaw. Matagal na tahimik. 'di 'yon kasalanan.Alam mo. Satanists. Tandaan mo. alam ko. Basta ngumiti ka lang. Ang importante'y 'yung patutunguhan. BOY RAPIST: Pagsakay din ng dyipni? JESUS: Tiisin mo kahit masikip. BOY RAPIST: Patawad lagi akong nagmumura. . Sori naputol ang kalingkingan ng 'yong ina. Alam ko'ng nararamdaman mo. lagi akong narito para sa 'yo. BOY RAPIST: Sumulong? JESUS: Oo. parang ako lang ang kinakausap ko. sa susunod na kanto. okay na ang sakay. Pakiramdam ko kasi minsan. Pagkatapos nun. BOY RAPIST: At ano naman ang pagmamahal? JESUS: Pagmamahal? Ang pagmamahal para ring pagsakay ng dyipni. Malay mo. Pero kailangan mong sumulong. BOY RAPIST (Titigil sa pag-iyak. Ang buhay parang pagsakay sa dyipni. mamatay.

Pero kung alam mo lang Ama ang dahilan. Ama.): Kailangang magmadali tayo Nigang.) Mahal kita! NIGANG: Mahal din kita. Tapos ay babalik s'ya sa likod ng mesa. (Ituturo ang kutsilyo sa dibdib. (Magsasaksak si Jesus. paalam mahal. Titingin sa relo. pero hindi ako maaaring magpakasal at sumama sa iyo. Totoo. JESUS: Kung hindi na magpapakasal sa akin. MANONG CARINDERIA (Unti-unting aatras. Ubos na'ng dalawang minuto. Masungit ako dahil wala na si Ina. Iyon lang! Aalis carinderia si Manong Carinderia.): Naging masungit ka simula nang mamatay ang iyong ina. NIGANG: Peste kayong matanda. JESUS (Itututok ang kutsilyo sa dibdib ni Nigang. (Nganganga at tutunganga. yayakapin n'ya bangkay nito. Bababa at muling uupo kasama ang mga manonood.) Papasok si Jesus sa carinderia. hindi ako pwedeng mag-asawa. NIGANG (Biglang tatayo at titigil sa pagluha): Ama! MANONG CARINDERIA: Ano ito? Katawan ng lalaki? Manliligaw mo? Bakit siya rito natutulog? NIGANG: Huwag mo akong distorbuhin tanda.) MANONG CARINDERIA (May hawak na sandok. Naaakit sa akin ang lahat ng lalaki sa bayan natin. marahil maraming bibili ngayong araw. Tatayo si Nigang para lumapit sa kanya.) Putang-ina naman o. Papasok si Manong Carinderia sa carinderia. bakit hindi pa ba kayo mamatay? Para ako naman ay magkaroon ng lalaki sa aking buhay. nanduduro. may dalang bulaklak at kutsilyo. JESUS: Sabi ko nga ba at hindi ka naman talaga masungit! Sagutin mo na ako. NIGANG: Mahal! Mahal kong Jesus. Pupunta si Nigang sa gitna ng carinderia at astang-model na ipagmamalaki ang kagandahan. mas mabuti pang mamatay na lamang ako.): He! Para kayong sira-ulo ama. Wala akong pakialam sa bangkay na iyan. nagluluto. Nakakainis na lang kasing pakinggan ang inyong kalokohan. Hindi sa may pakialam ako sa kanila. NIGANG (Pasigaw. babagsak sa sahig.Pupunta pati sa carinderia. NIGANG (Magkakamay habang kumakain. Dahil walang mag-aalaga sa inyo! Habambuhay akong taga-hugas ng pinggan. Magpakasal na tayo! NIGANG: Hindi maaari. MANONG CARINDERIA (Hihikbi.): Pero totoo. Kailangan kong bantayan si Ama! JESUS: Kung ganoon. anak. Kakausapin niya ang kanyang sarili. Mamamatay ang ating mga kababayan. s'ya dapat ang inyong kasama! Lagi ko siyang naalala kapag kinakain ko ang mahal nating putahe. (Aalis sa carinderia.) Iiyakan ni Nigang si Jesus.) . Ang kaso. tanggapin mo ang bulaklak na ito. Kukunin ni Nigang ang bulaklak. napakasungit ko nga. Alam n'yo namang walang makakakaya sa presyo ng ating pagkain. at kukuha ng isang plato. Dalaga na ako. Hindi ako masungit! Hindi! Maganda ako.): O anak ko. (Uupo. Walang kwenta ang magbukas pa ng carinderia! Tayo lang ang makakakain ngayong araw. Nigang. masungit na masungit. Ang ganda-ganda mo pero ang sungit-sungit mo.): Nigang.

). Bubuhatin ni Manong Carinderia si Jesus. Babalik si Nigang sa carinderia.) Hoy tanda. Siya ang nagliligtas sa atin sa kagutuman. Aalis sila sa carinderia. luko-luko ka ba? Pumapatol sa matanda! . MANONG CARINDERIA (Aakbayan si Nigang. may dalang kaldero. ako muna ang magbabantay dito. Kaya mahal ang presyo ng pagkain natin. bakit ka nangaaaway ng mambibili? (Kay Boy Rapist. katulad ng ginawa ko sa Ina ni Nigang. Pupunta sila kung saan nakaupo ang mga nanonood. Sa sarili sasabihin. Magkakatitigan sila ni Boy Rapist.) Babalik si Manong Carinderia sa carinderia. tulong NIGANG: Ama.MANONG CARINDERIA: Kung gayon. Tagahugas ng pinggan. para walang makabili sa laman ng iyong Ina! Ikaw lang may karapatang kumain sa kanya.) MANONG CARINDERIA: Isa lang po ang babae rito. Walang imik na aalis si Nigang sa carinderia. maaaring ibenta nang mura. Ngayong wala ka. Susungit lang kayo kung kakainin ninyo siya. (Gagamitin ang pera bilang pamaypay. MANONG CARINDERIA: Nigang. Sa babae at sa pagkain. (Pupulutin ni Manong Carinderia ang kutsilyo't ipapatong sa mesa. May babae po ba rito? Pahingi na rin ng pagkain.): Kay pangit na lalaki. (Babatuhin niya ng pera si Manong Carinderia.) Papasok si Nigang sa carinderia. at hindi siya ipinagbibili.) At ikaw lalake. Kung alam mo lang Nigang. Papasok si Boy Rapist sa carinderia. Magsibak ka na ng kahoy sa likod-bahay. Itong "Katawan ni Jesus" na lang ang kainin ninyo. iyon na lang ang inyong kainin. siguradong mas masarap! Gusto ko iyong "Ina ni Nigang". Meron naman po kaming dalawang putahe. kaya kong bumili nang maraming-marami. mura na. o Jesus. Nagpakamatay ang iyong Ina para may makain ka: ang kanyang bangkay. BOY RAPIST: Magandang araw po.) Sige na. Hindi iimik si Nigang. (Ituturo ang pangalawang kaldero) Ito naman po ay "Ina ni Nigang" tatlong libong piso bawat piraso ng laman. ha! (Maglalabas ng baril. MANONG CARINDERIA (Itutulak si Nigang. Uupo sila. ano ang nangyayari? (Kukunin ni Nigang ang sandok para ipagtanggol si Manong Carinderia. hindi gaano.) Kay init! (Uupo." tatlong daan piso bawat piraso ng laman. Ang laki ng kanyang-bilbil! NIGANG (Hahawak sa bilbil. sayang ang kagandahan! (Yuyuko. yawa.) BOY RAPIST (Sa sarili.): Sige na anak. iluluto ko na lang ang bangkay na ito. NIGANG: O Jesus. kapag mas mahirap makuha. masarap pa! BOY RAPIST: Niloloko mo ako. hindi na ako maaaring umibig muli. Pero ang isang ito (Ituturo si Jesus. Umalis ka na! BOY RAPIST: Loko kang matanda ka.) Mayaman ako.): Kay gandang babae. BOY RAPIST: O sige. Ano ba iyang luto mo at magkano? MANONG CARINDERIA (Tuturo sa isang kaldero): Ito po ay "Katawan ni Jesus. Pero mukhang mayaman! (Kay Manong Carinderia. (Tatawa.) Bigyan mo ako ng isang pirasong laman! MANONG CARINDERIA: Ayaw ko. Habambuhay na akong masungit. BOY RAPIST: Ang mahal naman niyang "Ina ni Nigang"! Masarap bang kainin? MANONG CARINDERIA: Noong buhay pa po? Oo! Ngayong luto na.

at kung may balak kang bumalik. NIGANG: Mahal kong Jesus. kukuha ng tsokolate. Iaabot ni Boy Rapist ang ilang kahon ng . Aalis si Manong Carinderia sa carinderia. Ang tamis nito. makakaganti pa rin ako tulad mong lalaki! Papasok si Boy Rapist sa carinderia. sampung taon na ring "Ina ni Nigang" ang lagi kong pagkain. kumain na tayo.) Marahil. kung papaasahin ko ang lalaking iyon. hindi tulad ng "Ina ni Nigang. Uupo. NIGANG: Kumain na ako ng tsokolate. Umalis ka na. naging masungit ako.): Sige. susugod kay Boy Rapist. babalik kung saan nakaupo ang mga nanonood. pati naman ba ang pagkain ko ay kokontrolin ninyo? Sampung taon nang patay si Ina. Lumayas ka sa aming carinderia! BOY RAPIST (Magsasaboy ng tsokolate sa mesa. Kayong mga lalake'y parating gumagawa ng mga sitwasyon para paliitin kaming mga babae.) Papasok si Manong Carinderia sa carinderia. ako ang iyong ama! NIGANG: Oo nga pala. para sa iyong maasim dahil sa sungit! Oo.): Ginayuma mo ang aking anak! Tatakbo si Boy Rapist palayo. Gaganti ako! Hindi man sa iyo. Matamis. ipapalo kay Nigang.): Dahil sa iyo Ama. Pero napakasarap ng tsokolate na ito! (Kakagat sa tsokolate. aalis si Manong Carinderia sa carinderia. umaga tanghali gabi! Anong klase kayong Ama! MANONG CARINDERIA (Ingungudngod ang mukha ni Nigang sa kaldero. (Tatayo. BOY RAPIST: Tsokolate ang tawag diyan. (Aalis si Boy Rapist sa carinderia. NIGANG: Ang sarap! Hindi tulad ng benta namin sa carinderia." MANONG CARINDERIA (Kukuha ng sandok.BOY RAPIST (Itatago ang baril.) MANONG CARINDERIA: Bakit mo siya pinatawad? Hindi s'ya papansinin ni Nigang. Dahil sa iyo hindi na ako maaaring umibig. Ayaw ko na iyang "Ina ni Nigang. hahawakan ang braso nito. kailangan may dala ka nitong muli. MANONG CARINDERIA: Gabi na. NIGANG: Ama naman! MANONG CARINDERIA: Bakit ka kumakampi sa kanya. At di na muling iibig pa.): Kumain ka! Mahiya ka sa alaala ng iyong Ina! Uupo si Nigang sa harap ng plato.): Patawad! Kukuha si Nigang ng isang piraso at kakainin ito. NIGANG (Hahabulin si Boy Rapist.): Ang matanda ang may kasalanan. magkakamay habang kumakain. kasama si Serial Rapist." mapakla iyon! MANONG CARINDERIA (Kukunin ang sandok na hawak ni Nigang. babalik ako. Dahil mahal kita sa 'yo lamang ako liligaya. Hindi ko na nga maaaring makasama si Jesus. Uupo lang si Nigang sa mesa. Ngayon.): Nababaliw ka na bang bata ka? Nagsakripisyo ang Ina mo para makain mo ang putaheng iyan! Kumain ka! NIGANG: Bakit ba laging kayo ang nagde-desisyon para sa akin? Nawalan na nga ako ng minamahal dahil sa inyo. pinapatawad ka na namin. magsisimulang kumain ng tsokolate. NIGANG: Tigil tanda! Titigil si Manong Carinderia. lagi lang niya akong bibigyan ng tsokolate. NIGANG (Tatayo.

BOY RAPIST at SERIAL RAPIST: Mayroon bang ganun? NIGANG: Ako. (Sisimulan n'yang kumain ng tsokolate. Tiyaga at tsokolate! Sampung taon.) Babalik si Boy Rapist at Serial Rapist kung saan nakaupo ang mga nanonood.): Boy Rapist. Sabay silang tatayo. sa buong Pilipinas. hanggang sa susunod na gabi. mayroong paraan papasok sa aking pu-puso! SERIAL RAPIST: Shit! BOY RAPIST: Ano iyon? NIGANG: Tiyaga. Sa mundo! Uupo sina Boy Rapist at Serial Rapist. SERIAL RAPIST: Kabaliwan! BOY RAPIST: Payag ako. Ang iyong nakakaakit at maasim na bilbil! Paalam. Magkano ka ba? NIGANG: Nakapagtataka. NIGANG: Sampung taon! Siguro ay patay na si tanda sa panahong iyon. magkaholding hands. BOY RAPIST: Kung ganoon.) . brand ng damit? Saan mabibili? O brand ba iyon ng condom? Kay laya mo talagang babae! NIGANG: Tiyaga at tsokolate. Mauubos n'ya ang laman ng kahon at itatapon n'ya ito sa mga nanonood.) Upo kayo. Ang tanging malayang babae bayang ito. magaling akong chef. upo. NIGANG: Kamangha-mangha! SERIAL RAPIST: Oo. lalaya na akong talaga. Tara na. kakayanin ko para sa iyo Nigang. Uupo ang tatlo. Sampung taon lang. BOY RAPIST: 'Tiyaga'? Ano iyon. Gabi-gabing dalaw. Halimbawa. si Serial Rapist.) NIGANG (Sisingit sa pagsasalita ni Serial Rapist. ano ang kailangan kong gawin? O sawi na ba ang aking pag-ibig? (Haharap kay Serial Rapist).tsokolate na kukunin at bubuksan agad ni Nigang. (Hihimasin ni Serial Rapist ang braso ni Boy Rapist. Boy Rapist. Ako si Boy Rapist. ang iyong sungit.) Bukas s'ya sa lahat ng bagay. Ito nga pala ang kapatid ko. akmang aalis. Kung 'di mo naitatanong. bakit hindi ang Ama ko ang iyong tanungin tungkol sa aking presyo? BOY RAPIST: Nakapag-aral kasi ako sa University of the Philippines. at tsokolate. NIGANG (May lamang tsokolate ang bunganga. hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. hindi lang feminismo. Sa kamatayan ni Ama. Tatayo ang dalawa. nagpapaturo s'ya aking magluto. Kahit nga mismo ako ay nabibigla sa kalayaan ng kanyang mga ideya. NIGANG: Sandali. Gusto kitang pakasalan. Maaari na akong tumakas dito. BOY RAPIST: Nigang. Naniniwala akong ang babae dapat ang magbigay ng presyo sa kanyang sarili. Ang iyong ganda. Sampung taon lang nang pag-aalay sa akin ng tsokolate. BOY RAPIST: Hindi nga pala ako nagpakilala. maghahawakan sila ng kamay. Nakahalubilo ko ang mga feminista. (Hihilahin si Serial Rapist palabas ng carinderia. Mag-inuman na lang tayo. Maghahawakan ng kamay sina Boy Rapist at Serial Rapist. Uupo sila. Ako ay isang babaeng hindi nabibili. at-(Hindi matatapos ang sinasabi.

kaya n'ya ako siniraan. . binigyan ako ng maraming tsokolate ni Boy Rapist. (Lalakad-lakad. At hindi ka man lang kilala ng aking Ama.) Ngayon. pero ngayon. 'yung mga karpintero't mangingisda? Sinasabi ko na nga ba't hindi mapagkakatiwalaan ang mga 'yon. (Kakanta.): 'Yun pala'y ano? NIGANG (Hahampasin ang kamay ni Jesus. Hindi na 'ko makikipaginuman sa kanilang uli.): Syempre pati sex wala na.): Ang galing mo palang kumanta Nigang. Matutulog s'ya sa sahig. Expected mo siguro pag kasal na tayo makikipagsex ako sa 'yo! (Tatalikod. NIGANG: Meron. Uupo ito sa mesa. May gusto rin kasi 'yon sa 'yo. pero hindi ko sigurado na ako lamang ang tanging lalaking iyong inibig. JESUS: At kapalit ay ang iyong puri? NIGANG: Ang kapalit ay ang aking company! Kayong mga lalake puro sex lang ang nasa isip. Gigising si Nigang. Sino nga kasi? Wala namang ibang nakakaalam na nakiapid ako kay Pag-ibig. Tama lang pala na hindi kita pinakasalan. (Tatayo s'ya't sasayaw paikot. pero 'di bale.) Nakakainis ka.) O baka naman ang Ama mo ang nagsumbong sa akin. maghuhulagpos hanggang bumitaw ang lalake.Pagkatapos kumain. si Pagmamahal. Balak pa naman sana kitang halikan. hindi makapagtago ng sikreto. maglalabas ng kumot at banig si Nigang mula sa likod ng mesa. kailangan magbayad ng malaking halaga. uusigin kita nang lubusan. ininsulto mo ako sa pagkikita nating muli pagkatapos ng matagal na panahon.) JESUS (Bababa mula sa mesa at maglalakad-lakad sa paligid ng carinderia. Kay ganda ng aking panaginip. Mahal naman ako ni Boy Rapist. Iba ang nagsabi sa akin. Na lahat ng lalaking kakasamahin ko. nagtiwala ako sa 'yo. Hihimasin ang tyan. 'Yun pala'yJESUS (Hahawakan ang kamay ni Nigang. Pero kung inibig mo s'yaNIGANG: Kahit kailan ay ikaw lang ang inibig ko! Pagkatapos mong mamatay isinumpa kong 'di na 'ko iibig pang muli. (Magtatanggal ng kumot. Kakalampagin n'ya ang mga kaldero. Hindi ko inakala Jesus.): At bakit. ang kasintahan ni Pag-ibig. NIGANG: Bakit ang ingay? Nakatulog pala ako.): 'Yun pala'y nagtaksil ka sa akin! JESUS: Sino? Sino'ng hayup ang nagsabi sa 'yo n'yan? Ang mga kainuman ko.) Ang taba ko talaga! Naku. bakit? Ano ang aking nagawa para mawala ang iyong pag-ibig sa akin? Walang halik? Impyerno 'yon! (Mahabang patlang. Papalakpakan n'ya ang pagkanta ni Nigang. hindi na! JESUS (Tatayo.) Ilang taon nga pala ang tanda sa kanya ni Pagmamahal? Tatlo? Lima? NIGANG: Sampu.) Naghihintay-(Makikita n'ya si Jesus. (Yuyuko. JESUS: E sino nga? Kainis ka naman excited na 'kong malaman. bakit nung buhay pa ako ay hindi mo ako kinantahan? NIGANG: Jesus. Sino ba 'yang Boy Rapist na 'yan? At bakit ka napapakanta dahil sa kanya? Kung dahil sa pera'y matatanggap ko Nigang. wag mo nang isisi sa mga kainuman mo ang iyong mga kasalanan.) Pero sex pwede pa rin? NIGANG (Lalayo. Mga tsismoso. narito lang ako. NIGANG: Manahimik ka Jesus.) Alam kong 'di mo alam. JESUS: Ang totoy na 'yon? (Lalakadlakad. lalapit ka Nigang. ang tanging lalaking aking inibig? JESUS: Ako nga si Jesus. Ang matandang manyak na 'yon. Babalik si Jesus sa carinderia.

Hihikbi. walang galang sa babae. pero itataboy s'ya ni Nigang): O. At kung gayon. At kapag nasira ay pwedeng iwan sa isang tabi. ganun kayong lahat na lalaki. (Kakalikutin ang mga pahina. Samantalang ako. Pwede pa rin tayong magsama. pwede mong ulit-ulitin. Iniwan ni Pag-ibig si Pagmamahal dahil insensitive si Pagmamahal. hindi mo rin ako mahal.): Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kasi nga wala namang pagmamahal. Hindi tulad ng iba d'yan. Isa ay si Pagsinta. At kung magbigay ng bulaklak. itatapat sa mukha n'ya. antindi naman ng animal magnetism ko. Ang isa nama'y si Pag-irog.) JESUS (Nakayuko. kinantahan. At pag tapos ka na sa kanya. yayakapin ito. 'Di tulad moNIGANG: Wag mo na akong gaguhin. totoo marahil lahat ng sinabi sa 'yo ni Pagmamahal. Alam kong nasaktan kita. mayabang. Pero 'yun lang naman ang pagtataksil ko. ginahasa ni Pagmamahal ang dalawang babaeng kakilala ni Pag-ibig. akong itong nagpakamatay para sa kanya. pero maiiwan ang ngiti sa kanyang mukha. ang mga babae ay parang libro. (Hihikbi. mula sine hanggang telebisyon. Ang iba. Na hindi ko kailanman mababawi ang nakaraan. wala pang orgasm.): Bakit mo ako sinaktan? Bakit ka hindi naging totoo sa akin? Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Laging nang-iinsulto. Sex lang talaga ang interes ko sa kanya. ikaw. Pare-pareho kayong mga lalaki.) JESUS (Lalapit.) O. pwede mong iwan sa kung saan. NIGANG: Para ka rin namang si Pagmamahal. saan ka pupunta? NIGANG: Anywhere but here! Kung saan walang lalakeng mananakit sa akin. NIGANG: Wag mong akalaing makakalimutan ko ang iyong kasalanan. Alam kong walang kabayaran 'yon. Pero Nigang. tatlong beses mo nang naikama. Sex lang talaga ang habol ng lalaki sa babae. At kung gayon ay wala naman talagang pagmamahal. Kasi s'ya. sa akin. At kapag sawa ka na. titi ang gamit sa pag-iisip. Ang tingin ni Pagmamahal sa mga babae ay pag-aaring maaaring paglaruan. Alam mo bang iniwan na ni Pag-ibig si Pagmamahal? JESUS: Es verdad? Wow.) Masarap amuyin. (Hahawakan ni Nigang ang kanyang puson. (Lalayo si Nigang. At isa pa. 'di ko s'ya minahal. Lalapit kay Jesus. NIGANG: Kung may utak ako'y hindi sana ako naniwala sa mga kasinungalingan mo. mula nobela hanggang dula. Pagkatapos ng ilang sandali titigil si Nigang. 'di s'ya magrereklamo. NIGANG: Hindi para sa 'yo. Taksil. (Mula sa pantalon ay kukuha ng Bibliya. Di mo kasalanan na naloko kita. JESUS: Wag kang mag-isip ng ano pa man. kahit isang linya ayaw pagbigyan. isang beses lang. ok ka lang? First day mo ba't may gonorrhea ka? Bakit ba kasi ang sungit mo? Totoo. Patawarin mo na ako. padabog akala mo utang na loob pa ni Pagmamahal. maganda lang pero aanga-anga.) Masarap dutdutin. JESUS: Sa totoo.Tatawa silang dalawa.) Pero ikaw. Lahat naman ngayon. ang bestfriend ni Pag-ibig. tatlong beses bago sila magpakasal. lamang si Pag-ibig sa akin. Pwede mo akong patawarin. may magagawa ka. NIGANG (Hahawakan ang puson. . At ganun ka rin Jesus. mapapansin ito Jesus na titigil na rin sa pagtawa. At kung gayon. Nakiapid nga ako kay Pag-ibig. Nigang. kapatid ni Pagsinta. JESUS: Nagsalita ang walang ibang inibig. matalino kang babae. Gigiray. (Itatapon ang Bibliya sa kung saan nakaupo ang mga nanonood. pawang panloloko lamang.

LAHAT MALIBAN KAY NIGANG (Pasigaw. masyado lang talagang mabilis ang bunganga ko. SEX (Papagitan sa dalawa. Ilusyon at Sex sa carinderia. ILUSYON: Bakit ka ba ganyan? Siguro. Papasok sina Pag-ibig. pagkatapos ay mapapaluhod s'ya sa biglang naramdaman. 'Di ka tulad ng iba d'yan na facial wash lang ang alam sa buhay. JESUS: Nigang. Ako man di alam kung bakit ko ginawa ang ginawa ko. (Hahaplusin ang balikat ni Nigang.) At. (Matitigilan. PAG-IBIG: At ano naman ang aking ikakatakot? Hindi lang ako tulad mong parang asongILUSYON (Tatayo. Uupo silang tatlo.): Tama na 'yan. dula ito! Tititigan ni Nigang ang mga tumayo. Sex at Ilusyon. "Dula lang ito? Dula lang ito?" Uupo sina Manong Carinderia. 'Di dapat tayo ang naglalabanlaban. ayaw mo s'yang dumating dahil takot ka sa kanya.) NIGANG: Ang ibig mong sabihin ay hindi ako maganda? At para malaman mo. gumagamit din naman ako ng facial wash. Na minamanyak na ng "kaibigan" e wala pa ring imik. s'yang ayaw sa 'yo. nakakalito ang mundo. Boy Rapist. PAG-IBIG (Itatapon ang diyaryong hawak. 'di ka naman ordinaryong babae. Jesus. Nangako s'ya. Magseryoso ka. hindi ito sine. ano pa kaya sa kathang isip? Nigang.JESUS: Nigang. Sex at Ilusyon. Hindi pwera dumaldal ako tungkol sa langit ay Diyos na ako. PAG-IBIG: Patawad. Pag-ibig. Maglalabas ng diyaryo si Pag-ibig. Iba ang aking sinabi sa aking ibig sabihin.): Hindi darating 'yon. Totoong tao ako. Lalapit si Jesus kay Nigang. Kaya nga kita mahal Nigang.) Kung sinong mahal mo. Serial Rapist. Pagkatapos ng ilang sandali'y uupo si Jesus. May respeto ka sa iyong sarili. babasahin n'ya ito. uupo sila. totoong buhay 'to. At hindi lang 'yon. May utak ka kasi. pati ng vagiwash. Lagi naman s'yang nangangako. hindi palabas sa telebisyon. Kung ang pagiibigan sa tunay na buhay ay puno na pagsisinungaling.) NIGANG (Maghuhulagpos. Tatakbo si Nigang paalis ng carinderia. mahal-(Hindi matutuloy ang sasabihin. Hindi pwera maglitanya ang isang lalake laban sa kalalakihan ay feminista na s'ya. Walang tinig n'yang ibubulong ang mga katagang.): Asong ano? Tatayo rin si Pag-ibig. Maghahabulan sila kung saan nakaupo ang mga nanonood. Serial Rapist. Susunod si Jesus. .): Nigang. Boy Rapist.at-Jesus? JESUS: Yes mahal? NIGANG: 'Di ba patay ka na? Tatango si Jesus. SEX: Sigurado ka bang darating 'yon? ILUSYON: Sigurado ako. Hindi nobela at mas lalong hindi dula! Tatayo sina Manong Carinderia. Read between my lines! NIGANG: Totoong damdamin ang aking nararamdaman.): Magtigil ka nga! Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo! JESUS: Nigang. S'ya mismo ang nakausap ko. read between the lines. Lalayo kay Jesus. Babalik naman si Nigang sa carinderia at muling hihiga sa banig. alam mo ang mga karapatan mo. Pag-ibig. (Itatayo n'ya si Nigang.

namatay. 'Di s'ya dumarating. maniwala kayo. SEX AT ILUSYON (Tatayo at kakanta.) Ano na ba'ng impormasyon mo sa kanya? ILUSYON: Huli s'yang namataan sa isla ng Panay.): Anong uring tsimis! (Patlang. nakulong. nabuhay muli pagkaraan ng tatlong araw. Akala ko kung sino 'kong siga. sa Roxas. Ito nga't dala ko ang kanyangMay huhugutin si Ilusyon sa bulsa. bangkay pa rin. Pero buhay na s'yang muli. Hayaan mo at mamaya aayusin natin 'yan. Mahal ka pa rin n'ya.): Amen! PAG-IBIG: Ang totoo'y ayaw ko na sa babaeng 'yon.): Ang sabi ko'y bangkay pa rin.): Akala ko ba'y 'di ka nakulong? PAG-IBIG (Tatayo. 'Di ko kailangan ang kanyang pagmamahal. matanong ko. arms akimbo. nakakakain. (Ituturo ang langit. SEX: Kung gayon ay bakit ganun ang balita? Isa sa bawat dalawang text na natatanggap ko. Parati na lang natin s'yang hinihintay. naaresto. Tatayo at mapapalayo sina Pagibig at Sex. nung fininger mo s'ya. naaresto ka raw dahil sa pampifinger ng disisyeteng babae? PAG-IBIG (Mapapatayo. Pero nakulong ako. kaya s'ya gumagawa ng kontrobersya. (Haharap kay Ilusyon.) . tawag ako nang tawag sa kanya. Pero 'di n'ya ko pinuntahan. magbabalik sa wakas ng panahon. ikaw ang paksa. (Kukunin ang daliri ng Ama ni Ilusyon at ibubulsa ito. SEX: At bakit naman? PAG-IBIG (Hindi sasagot.) Naguusap na lang tayo ukol sa daliri.): At kahit naman manyak. nang may pahintulot. SEX: Kalimutan na natin 'yan. naluklok sa kanan ng Ama.ILUSYON: Ako ang dapat humingi ng paumanhin. excon at makasalanan ka.): Kamusta naman pala ang inaanak ko. At si Kumare? Balita ko'y tinorotot ka n'ya? (Uupo. naluklok sa lugar ng mga patay. mahal ka pa rin namin. Nung nasa kulungan ako. PAG-IBIG: Gumana ang ating salamangka. Nakakatayo.): Sabi ko'y 'di ako excon. Mga kaibigan. kamusta na'ng Ama mo? ILUSYON (Iiling-iling. pasapak agad. PAG-IBIG AT SEX: Ano 'yan? ILUSYON: Ito ang isang daliri ng aking Ama. Haharap si Sex kay Pag-ibig. umakyat patungong langit.): S'ya na naman. Uupo. Dinala ko para ating masolusyonan ang problema. PAG-IBIG: Hindi totoo 'yon.) PAG-IBIG (Tatanggalin ang akbay ni Ilusyon. disisyete pa lang s'ya. at disiotso na s'ya. SEX AT ILUSYON (Mapapatayo. 'Di ako manyak. 'di ako excon. Bumibisita sa kanyang Ama. Hinawakan ko lang ang kanyang kamay. Pero gusto pa rin n'ya sa akin. Namfinger. Nung nakaraang taon. ILUSYON (Aakbayan si Pag-ibig. nakikipagtalik na s'ya! ILUSYON: Kaso'y patuloy sa pagkaagnas ang kanyang katawan.) Isang babae lang. Capiz. tumakas.): Iyon. SEX: Hindi gumana ang ating salamangka? Patay pa rin s'ya? ILUSYON (Iiling-iling. ILUSYON: Ngayong taon. Iibahin ang usapan. binaril. SEX: Mukhang kalahati lang ang salamangkang gumana. PAG-IBIG: Oo nga pala. Wala akong kasalanan. Lagi na lang s'ya.

paikot-ikot sa plakdang katawan ni Pagibig. Sa tatlumpong taong magkakilala tayo 'yan parati ang bukang-bibig mo. Natagpuan ang kanyang bangkay. Bagsak 'to sa sahig. Kung s'ya man ang aking kapatid. mga hayop. ako na ang masusunod lagi. Sasayaw ang dalawa. Pero hindi ko mapapahintulutang magkatuluyan kayo. paborito nipaborito niPAG-IBIG: Isa kang baliw. Maririnig ang tunog ng Selecta ice cream man. ILUSYON: Mahal ka ng aking kapatid.) Wag mo na s'yang isipin pa. (Ipapatong ang kamay sa balikat ni Sex.) Sabagay. PAG-IBIG: At bakit hindi? Sino bang Diyos ang nagtakda ng batas na iyan? Sino bang amo ang nagbawal sa pagbigkas ng isang pangalan? (Pupunta sa gitna ng carinderia. Naiinis lang ako sa kanya at wala s'yang paggalang. Bubugbugin ni Sex at Ilusyon si Pag-ibig. SEX (Matagal bago sasagot. ILUSYON (Iikot-ikot sa carinderia. Titingnan s'ya nang masama ng dalawa.): Patay na ang iyong inaanak Tatawa nang malakas si Ilusyon. Palibhasa'y excon.) .): Tumahimik kayong dalawa. Kaisa-isa sa mundo. Ni hindi mo masabi ang kanyang pangalan. (Hihinahon.): Alam ko kung sino ka. SEX: Ayan na s'ya. nakayakap sa sunog na kalaguyo.) Ito ang paborito ni MSEX (Tatayo. At ang pagtataksil ni Kumare? SEX: Totoo-tinorotot n'ya ako.): Mga walang-hiya. Sabi n'ya'y kamukha mo raw si Paraluman. Mamaya. akala'y nagbibiro si Sex. alam mo naman ang nararamdaman ko para sa kanya. PAG-IBIG (Tatayo. (Ituturo si Sex. Patay na rin ang Kumare mo. Alam n'yong 'di dapat banggitin ang banal n'yang pangalan. PAG-IBIG AT SEX: At bakit hindi? ILUSYON: Ayaw kong mag-asawa ang aking ate ng isang excon. Pero ngayon alipin ko na s'ya. Ito. (Sisipain si Pag-ibig.): Oo nga pala. kamusta na ang iyong kapatid? Maliit man ang kanyang dibdib. SEX: Naluto ang kawawang sanggol nang masunog ang bahay namin. baka patulan ko rin s'ya. ILUSYON: Patay na s'ya. At hindi naman ako ang pinagpala sa ating tatlo. Ako yata angILUSYON (Tatayo. PAG-IBIG (Kay Ilusyon. tulog.Uupo sina Sex at Ilusyon. Hala! Paano natin mabubuhay ang aking bangkay na Ama? SEX: Hayaan mo.): Sinabi nang hindi ako excon! At bakit hindi ang ate mo ang magdesisyon tungkol sa aming pag- iibigan at pagpapakasal. Kaya ko nga sinunog ang aming bahay. Baka nakakalimot ka. Ikaw ang katangitangi. Sinadya n'yang manggalit. ayan na s'ya. itong kumag na kapatid ko. ang pinagpala sa lahat.) Ano ba ang mangyayari kung sakali mang isigaw ko sa buong mundo ang pangalan ng hinihintay natin? Si MTatakpan ni Ilusyon ng panyo ang bibig ni Pag-ibig. sobrang laki kasi ng dodo ng iyong asawa.): At sino namang ulol ang pumatos sa iyong asawa? SEX: Nakakahiya mang aminin-ang kanyang kapatid. Buhay pa naman 'yan. PAG-IBIG: Ikinalulungkot kong malaman. Hindi ako ang namumukudtangi. isagawa natin ang ritwal. ILUSYON (Tatayo.

SEX: Ilusyon. napansin ko lang. maaari ba kitang yayaing sumayaw? BOY RAPIST: Sex.) Isang magandang gabi sa isang magandang binibini. ang ganda ng paligid! (Tatalikod kay Boy Rapist at may kung anong ituturo sa may kung saan nakaupo ang mga nanonood. 'yan si Pagibig. Boy Rapist (Haharap sa dating kinakatayuan ni Boy Rapist). (Sasapakin si Pag-ibig. Aalis sila sa carinderia. Ngayon. Pa'no tayo kakain? BOY RAPIST: Kumain na lang tayo nang walang bayad. Tatawa nang malakas si Sex. wala pang nagbebenta. Susunod si Pag-ibig sa utos ni Sex. na nakagapos din. Papasok sa carinderia si Ilusyon. (Sisipain si Pag-ibig.) SEX: Wala kang ice cream. maaari ko bang malaman ang iyong pangalan? PAG-IBIG: Ako si Pag-ibig. mahal- BOY RAPIST (Sa sarili.) BOY RAPIST (Haharang sa pagitan nina Sex at Pag-ibig): Salbahe! Manyak! Sexist! Titi mo ang iyong gamit sa pagiisip! (Sasapakin si Sex. Ayaw kong mapunta ka kay Nigang.): Mabuti naman at nagugustuhan mo ang pinapakita ko.ILUSYON: Buti nga sa'yo.) Magsasayaw sila. tulog ka ngayon.): Alam mo. (Lalapit kay Pag-ibig.) Boy Rapist. buong buhay ko 'tong sinasarili. (Lalapit kay Pag-ibig. Tatawa nang malakas.). Itatali nila ang isang chain sa mga braso ni Pag-ibig. Erotic ang sayaw. SERIAL RAPIST (Titingin sa loob ng kaldero. amo? SEX: Halika't halikan mo ang aking mga kamay. .) Babagsak si Sex. pupunta kung saan nakaupo ang mga nanonood. makikita n'ya si Pag-ibig. may aaminin sana ako sa 'yo. kaya nga alipin ko s'ya. wala naming ibang bumibili sa carinderiang 'to.): Ay. SERIAL RAPIST (Tatakbo papunta kay Boy Rapist. Titigan n'ya ito. Patayin mo si Boy Rapist. SERIAL RAPIST (Tuloy pa rin ang sayaw sa harap ni Boy Rapist. SEX: Pag-ibig (Itataas n'ya ang mga kamay ni Pag-ibig. hihilahin n'ya 'to. PAG-IBIG: Ano po iyon. kay ganda ng buhay. Papasok sina Serial Rapist at Boy Rapist sa carinderia. ang ganda-ganda ng paligid. (Ituturo n'ya ang pagkakagapos ni Pag-ibig.) Alipin ni Sex! Papasok si Sex sa carinderia. Masdan mo.): Tama ka. Magparty tayo! SERIAL RAPIST: Party? Tamang-tama! May dala akong radyo.) Alipin ni Sex. (Ipapakita n'ya ang kanyang mga kamay.): Mahal ko ang babaeng ito. Uupo.) SERIAL RAPIST (Nakatalikod pa rin. May sikreto akong 'di ko na kayang itago. tauhan ko. SERIAL RAPIST: Boy Rapist. ILUSYON: Wala kang Magnolia.): Boy Rapist. maaari ko bang yayain si Pag-ibig na sumayaw? SEX: Nagbibiro ka ba? Sa akin lamang si Pag-ibig. (Maglalabas ng radyo at magsisimulang sumayaw. Pagkatapos ng ilang sandali'y mapapagod si Boy Rapist at uupo s'ya. alipin ko. nakatanikala. lumayo ka sa kanya. 'Di kayo bagay. hahalikan ang tanikalang panggapos. (Patlang.) BOY RAPIST (Titingin sa paligid.

ang mga Kristyano. Boy Rapist? Babae s'ya." Hindi mo ba naiisip kung bakit? BOY RAPIST (Yuyuko. (Patlang.): Oo. SERIAL RAPIST: Iniibig mo ba si Pag-ibig? BOY RAPIST (Matagal bago sumagot. (Lalapit kay Boy Rapist. totoo. SERIAL RAPIST: Tama ka.): Hindi ba totoo na ang pag-ibig ay isa lang ding ilusyon? Kung kaya't ang pag-ibig mo kay Pagibig ay isa ring kahangalan. sila'y dapat palayain. SEX (Sasapakin si Pag-ibig. Nakilala ko talaga s'ya. At saka Serial Rapist. at kung gayon kahit mapalaya mo s'ya mula sa mga kamay ni Sex. BOY RAPIST (Maglalabas ng baril.): Kailangang iligtas ko si Pag-ibig. ikaw naman ang magiging amo n'ya? Isipin mo. Ibabalik ang baril sa bulsa.) Papatayin kita. Maiiwan si Pag-ibig.): Halika na. Ayaw sana ni Boy Rapist na tumakbo. nasa may paanan n'ya si Pag-ibig. ikaw naman ngayon ang hahalik sa akingAalis ang dalawa sa carinderia. ang "syota" sa Bikol ay "kailusyon. Alipin ko Pag-ibig. 'di mo s'ya natitigan? SERIAL RAPIST: Mukha ba akong bato sa 'yo. Sabi mo sa akin. sa aming matagal na pag-uusap pakiramdam ko'y kilalang kilala ko na s'ya. ang mga taong sarap lang ang gusto sa buhay. Alipin nga s'ya.): Tama ka. nakatanikala pa rin. Pupunta kung saan nakaupo ang mga nanonood. Pero anong magagawa ko? Sobrang sexy talaga ni Pag-ibig. At isa pa. Kung susugurin mo ngayon si Sex. leche. pero lalakasan ni Serial Rapist ang hila at tatakbo silang dalawa patungo sa kung saan nakaupo ang mga nanonood. Ikaw na nagsabing ang salitang "alipin" ay kabaligtaran at salungat sa salitang "nag-iisip". Halika Ilusyon. ang mga battered wives. Sila'y mga alipin at hindi masaya. mga jologs. tititig s'ya kay Pag-ibig. kalayaan at pagiisip. sa aling probinsya kaya s'ya galing? SERIAL RAPIST: Ewan. iniibig ko agad.) Alam kong hindi kita mapipigilan sa kahangalang ito. Aastang babaril. BOY RAPIST: O alam mo naman palang babae s'ya e? At kilala mo naman ako. syempre tumitig ako sa kanya. Ikaw na nagturo sa akin na walang masayang alipin. Uupo. Ako nga ang nagsabi n'yan. lahat sila'y nag-iilusyon lamang. ako nga ang nagturo sa iyo ukol sa kamalayan. sinaktan mo si Sex. BOY RAPIST (Aakbay kay Serial Rapist. talo si Boy Rapist. ILUSYON: Bumalik kayo rito. pinagsawaan ko na si Pag-ibig kagabi.): Ikaw ang nagturo sa akin na dapat wasakin ang mga ilusyon na nagpapaliit sa mga tao.): Totoo. pero alam kong gusto n'yang lumaya. . ang amo ko. At marahil narinig mo rin ang kanyang accent. pag babae. Aklanon siguro ang hindot. SERIAL RAPIST (Aalisin ang brasong nakaakbay sa kanya. SERIAL RAPIST: Bakit? Hindi ba't masaya na s'ya sa pagiging alipin ni Sex? BOY RAPIST: Serial Rapist? Kailanman ay hindi ko naisip na sasabihin mo ang mga salitang iyan. papatayin tayo n'yan.) Tatayo si Sex. Sapakan sila. ang mga laging nasa bar. SERIAL RAPIST: Anong matagal na paguusap? Tig-isang pangungusap lang ang dialogue n'yo! BOY RAPIST: Kahit na.ILUSYON: Opo. SERIAL RAPIST (Hihilahin si Boy Rapist. tanggapin n'yo't lasapin ang galit ni Ilusyon! Hindi kailanman n'yo masasaktan si Sex! Si Sex ang hari ng sangkatauhan! Alipin lamang n'ya si Pag-ibig! (Tatawa nang malakas.

PAG-IBIG: E ano ang pinagkaiba mo kay Sex? Sex din pala ang habol mo sa akin. BOY RAPIST: Pag-ibig. BOY RAPIST: Pag-ibig. Mabibigla si Serial Rapist.) Umalis na tayo. ano ang mangyayari pagkatapos? BOY RAPIST: Syempre makikipagsex ka sa akin bilang pasasalamat. Inaamin kong sex lang ang habol ko sa'yo. Hindi na kita lolokohin. hindi ako magpapaliit tulad ng mga battered wives. Pero kahit ganun pa man. sa tingin mo ba'y kailangan ko pa ng isang lalake para gawin iyon? BOY RAPIST (Haharap sa mga nanonood. pero papasok si Ilusyon sa carinderia at haharang. Tatakbo ang dalawa. kung gusto ko mang matanggal ang pagkakagapos kong ito. Maglalakad sila pabalik sa carinderia. Serial Rapist. sino'ng may sabi sa'yo na kailangan kong lumaya? At pangalawa. ILUSYON: Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Inaalok lang naman kita ng oral sex. narito na ako. lahat ng tao ay sex lang ang habol sa isa't isa. Susugurin ni Serial Rapist si Ilusyon. tutulungan pa rin kita.): Lahat ng babaeng aking minanamahal ay perpekto. PAG-IBIG: Una. matagal ko nang inaabangan ang pagkakataong ito. Nakatanikala pa rin doon si Pag-ibig. ako nama'y narinig ang sinasabi ng iyong puso. Aalis ang dalawa sa carinderia. pero low batt naman ang pag-iisip. SERIAL RAPIST: Kahit kailan ay hindi mo mapapaluhod si Serial Rapist sa harap mo Ilusyon. Sex lang din ang habol ko kay Pag-ibig.) Ayaw mo bang maging malaya? PAG-IBIG: Kung hahayaan kong tulungan mo ako. Hindi ako tulad ng mga ibang college students sa Pilipinas ngayon. Yayakapin s'ya ni Ilusyon. SERIAL RAPIST: Sige tumakbo ka na't iligtas mo si Pag-ibig. sa buwan lang na 'to s'ya na ang pangatlong perpektong babaengBOY RAPIST (Hindi na ipapatapos kay Serial Rapist ang sinasabi nito. (Patlang. feminista pa yata ang hayop. SERIAL RAPIST: Tama. Ano pa ba ang habol ng isang tao sa kanyang kapwa kundi sex? Tama. Kahit ilang cellphone pa ang ialay mo sa aking mga paa. halika Serial Rapist. Ang mga lalaking . Na fully charged nga ang baterya ng cellphone. Papalayain na kita. hindi ako magsisinungaling. Pupunta sila kung saan nakaupo ang mga nanonood.sasama ako sa iyo. Kahit ginto pa ang iyong titi. at tatakas tayong magkasama. Sa tingin mo ba'y perpekto s'ya? BOY RAPIST: Perpekto. tatapakan ko lang ang mga iyan. Kung pagkakaibigan lang ang habol ko sa'yo. Ako na ang bahala rito. BOY RAPIST: Ayon s'ya. hindi ako magpapaloko tulad ng mga Kristyano. SERIAL RAPIST: Boy Rapist.): Titi ng ama. wala namang utak. Tatakbo si Boy Rapist patungo kay Pag-ibig. Hindi ka man nakikinig sa aking mga pagtuturo. Pakiramdam ko'y buong buhay ko'y s'ya ang aking hinahanap. Kahit ilang langit pa ang ialok mo sa akin. na meron ngang load. bakit pa kita nililigawan? Talagang sex ang habol ko sa'yo. BOY RAPIST: Wag ka ngang baduy. magkahawak kamay. Uupo sila at mag-aact-out na parang nag-ooral sex. ILUSYON: Serial Rapist. Luluhod ka na rin sa harap ko. Nganganga s'ya. Pero meron akong malaking kaibahan kay Sex. (Haharap kay Pag-ibig. Tama.

BOY RAPIST: Narinig mo 'yon? Ngayon. malaki rin naman ang akingBiglang papasok sa carinderia si Sex SEX: Wag ka nang magpacute pa Boy Rapist.at(Patlang. Walang papansin sa dalawang bangkay. tuloy pa rin ang tsokolate. SEX: Bakit mo ginawa 'to? (Mamamatay ito. At pati ako makakatikim! . hindi s'ya sobra sa pagiging makatotohanan.tulad ni Sex. Ako: Sex Talaga. Napanaginipan kita. Babalik si Serial Rapist sa carinderia. Pahingi pa! BOY RAPIST: Nigang. sex lang pala ang tunay na habol.) Hangal na mga tao.) Ikaw. SEX: Anong? (Patlang. maaawa ka! Babarilin ni Boy Rapist si Pagibig. kailangan ng ilusyon sa buhay. pero maaari rin namang maging kaibigan? Meron ba silang pinagkaiba? Uupo si Boy Rapist. Kahit kasal na tayo. hindi ako makakapaghintay ng sampung taon! Pakasal na tayo! NIGANG: Lumayas ka! Lumayas kayong pareho! BOY RAPIST: Ano pa ba'ng ang gusto mo sa akin? Huwag kang mag-alala. PAG-IBIG: Totoo 'yang sinasabi mo. Ako. (Pasigaw sa nanonood. Tatayo. BOY RAPIST (Maglalabas ng baril.): Papatayin kita! SEX: Wag maawa ka sa akin.) SEX: Wag. magkukunwaring makikpagkaibigan. o taong aamining sex ang kanyang habol. ilusyon lang ang pag-ibig. sige kunin mo na s'ya. BOY RAPIST (Aabutin ang zipper. At pangatlo. BOY RAPIST: Kung gayon magpaalam ka na sa kanya.) Boy Rapist.): Magandang umaga Boy Rapist! Hindi ka maniniwala sa ikukwento ko sa 'yo. Mamamatay ito. sumama ka na sa akin. Hindi ko naman talaga s'ya tunay na mahal. sino ang mas pipiliin n'yo? Taong magpapanggap na kaibigan pero sex ang habol. Uupo sa tabi ni Boy Rapist si Serial Rapist. malaki ang titi n'ya. Magyayakapan sila. sa simula palang sasabihin ko na sa 'yong sex lang ang habol ko. BOY RAPIST: Bakit? Ang alok ko sa iyo ay katotohanan! PAG-IBIG: Una. Alam n'yang minsan. at. Naiintindihan mo? Sila: Kunwari Pakikipagkaibigan Pero Sex Ang Habol. pero hindi pa rin ako sasama sa 'yo. ubos na ang binigay mong tsokolate. (Itututok ni Boy Rapist ang baril n'ya kay Sex. 'Di man ako mahal ni Sex.) Bakit mo ginawa 'yon? Babarilin ni Boy Rapist si Sex. Tapos. pinatay mo raw si Pag-ibig at Sex! Napanaginipan ko rin si Jesus. NIGANG (Gigising.): Titi ng ama.) BOY RAPIST: Hindi ko matitiis na mabuhay sa mundong ito ang mga taong mas gugustuhin pa ang ilusyon kaysa sa katotohanan. sex lang ang habol ko sa kanya. ang tagal na naming magkakilala ni Sex. sex lang ang tunay na atin. ako mahal ko s'ya. Matagal. Pero Maaaring Maging Kaibigan. Tatayo sina Boy Rapist at kakalampagin ang mga kaldero. alam naman namin ni Pag-ibig na maliit ang titi mo. (Babaling sa katawan ni Pag-ibig. PAG-IBIG: Ayoko pa rin. Tuloy pa rin ang tamis. Pero malaki ang tsansa na magiging magkaibigan tayo. Pangalawa.

Pagkatapos ng ilang sandali'y titigil ang pag-iyak ni Nigang at pagkatapos pa ng ilang sandali'y titigil na rin ang panghahampas ni Boy Rapist. patay na 'yan. Ako ma'y hindi na kayang hintaying mamatay si Ama. NIGANG (Kukunin ang sandok. matatanto ang ginawa. SERIAL RAPIST (Tatayo. BOY RAPIST: Nigang! SERIAL RAPIST: Bakit ba tayo bumalik. Kumain na tayo. Hindi nahintay ni Boy Rapist ang sampung taon. Mag-iimpake s'ya. Itututok n'ya ito kay Nigang. Malakas at tuloy-tuloy ang iyak na ito.(Patlang.): Umalis ka! Ilalabas ni Boy Rapist ang kanyang baril. "Ina ni Nigang" ang kakainin nilang pareho mula sa iisang plato. BOY RAPIST: Manloloko! Pinaasa mo ako! (Babarilin ang binti ni Nigang.) Tama na. MANONG CARINDERIA: O sige.) Bagsak si Nigang sa sahig. Pupunta sila kung saan nakaupo ang mga nanonood.) Ilang sandali na puro iyak ni Nigang at tawa ni Boy Rapist ang maririnig. umalis na tayo. ipapakita sa mga nanonood.) Ako nga ano? Papasok si Manong Carinderia sa carinderia. Ang taba-taba ko! BOY RAPIST: Ikaw ang may dala niyan sa iyong sarili! NIGANG: Ikaw.NIGANG: Hindi ko na kailangan ang tsokolate mo. anak. NIGANG: Salamat. Tingnan mo nga ako.) Ngayon na ang araw ng pagtakas. Mapapaupo. BOY RAPIST (Aalis mula sa likod ng mesa.): Boy? (Lalapit sa likod ng mesa. Bubuhatin ni Boy Rapist si Nigang papunta sa likod ng mesa.): Bakit mo ako pinadalaw pa kung ayaw mo naman pala sa akin talaga? (Tititig sa sandok. Tanda.) Sasabayan ng tunog ng paghahampas ng sandok ang tuloy-tuloy pa rin na pag-iyak ni Nigang. saka itatago sa . MANONG CARINDERIA (Hihiga sa banig na nilatag kanina ni Nigang. NIGANG: Ito na ang aking pagkakataong tumakas.): Layas! Tatakbo sina Boy Rapist at Serial Rapist paalis ng carinderia.) Ano'ng gagawin natin? SERIAL RAPIST (Itataas ang kaldero sa harap ng mga nanonood. NIGANG: Wag! Wag! Magkatapos ng ilang sandali'y iiyak na lamang.) SERIAL RAPIST (Nakatingin sa likod ng mesa): Wag! Wag! (Lalayo. BOY RAPIST (Tatayo mula sa likod ng mesa): Paalam pag-ibig! (Kukunin ang sandok. palayasin mo sila! MANONG CARINDERIA (Kukunin at ipananakot ang sandok. Papasok si Boy Rapist at Serial Rapist sa carinderia. akmang hahampas. Ibabagsak ni Nigang ang sandok. Tatakbo si Nigang. itatago ang mukha sa mga kamay. (Mula sa likod ng mesa ay kukuha s'ya ng mga damit at maleta. Gagahasain n'ya ito. Uupo sila.): Matutulog na ako. hahampasin n'ya si Nigang. bubuhatin ang bag. pero roon ang tingin. NIGANG: Ama. na mapapatigil.

nagluluto ako! (Mag-iingay. MANONG CARINDERIA (Uupo.) Gigising at tatayo si Manong Carinderia. saka iaangat ang kaldero sa mesa. Iaabot ni Boy Rapist ang sandok at kutsilyo. May dala kaming pagkain bilang simbolo ng pagsisisi.) SERIAL RAPIST: Tahimik.): Tamang-tama gutom ako (Kakain. tapos kay Manong Carinderia.likod ng mesa. BOY RAPIST: Ano 'yan? Nakakadiri! (Titingin kay Serial Rapist.): Ako ang bahala.) Nasaan kaya si Nigang? Ang anak kong 'yun-ang ganda-ganda. "Si Nigang na baboy"! WAKAS .): Pumunta lang kami para magpaumanhin.) Ang sarap nitong putahe a! Ano'ng tawag dito? Ano ba 'to? Maasim pero katakamtakam! SERIAL RAPIST: Si Nigang po. Kunin mo ang sandok at kutsilyo. pero ang taba-taba! BOY RAPIST: Parang baboy! MANONG CARINDERIA: Oo nga! (Kakain pa lalo. kukuha ng plato. MANONG CARINDERIA: Ano'ng ginagawa n'yo? Hindi ba't pinalayas ko na kayo? SERIAL RAPIST (Iaabot ang kaldero.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful