P. 1
Suliraning Kinakaharap ng ating Bansa : “Unemployment” Dapat Bigyang Pansin [Pananaliksik]

Suliraning Kinakaharap ng ating Bansa : “Unemployment” Dapat Bigyang Pansin [Pananaliksik]

|Views: 66,155|Likes:
Published by Jovis Malasan

More info:

Published by: Jovis Malasan on Jan 03, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

10/19/2015

pdf

text

original

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ipinasa ang pananaliksik na ito na may pamagat na Suliraning kinakaharap ng ating bansa : ³Unemployment´ dapat bigyang pansin ay tinapos ng mag-aaral mula sa seksyon na IV ± St. Titus ng Flos Carmeli Institution of Quezon City upang mapunan ang mga rekawayrment para sa ikalawang markahan ng asignaturang Filipino sa ilalim ng pagtuturo ni Bb. Jessilyn Ranges.

_____________________ Gng. Brenilda Medina
(Punong-Guro)

_____________________________

Bb. Jessilyn Ranges
(Guro sa Filipino)

TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA 1 ³ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO´
A. INTRODUKSYON B. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL C. SAKLAW AT LIMITASYON D. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA E. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

KABANATA 2 ³MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA´ KABANATA 3 ³DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK´ KABANATA 4 ³PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS´ KABANATA 5 ³LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON´
A. KONKLUSYON

B. REKOMENDASYON

BIBLIOGRAPIYA

KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

A. INTRODUKSYON Sa ating panahon ngayon, mulat na ang marami kung ano ang mga kinakaharap na mga pangunahing suliranin ng bansa. Isang halimbawa na lamang ang aking paksa na unemployment. Ang suliranin na itoay makikita sa kahit anung sulok ng ating bansa. Kaakibat nito µdi lamang ang kakapusan sa pera kung hindi, mga iba¶t ibang suliranin pa na epekto nito. Mas mainam kung ang bawat suliranin ay ating bibigyang pansin at palawakin natin ang kaalaman ukol dito, kung ano ang mga maaring sanhi o mga maaring solusyon na ating maisagawa upang matugunan ito.

B. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Ang paksang para sa mag-aaral ay naglalayong magbigay ng kaalaman kung bakit mahalaga ang pag-aaral natin at paghahanda parasa ating kinabukasan. Ito ay kasabay na ring nagbibigay ng impormasyon upang mamulat ang kabataan ngayon sa mga problema ng ating lipunan, di lamang patungkol sa unemployment, kung hindi din sa mga problema at suliraning kaakibat nito na nais mabigyang solusyon ng gobyerno.

Para naman sa mga walang trabaho, ito ay nagbibigay ng ilan sa mga kaalaman na maaari nilang magamit upang maghanap ng solusyon sa kani kanilang problema ukol sa paghahanap ng hanapbuhay. Ito din ay maaring maglinaw sakanila ng mga dahilan sa kanilang suliranin na ayon sa iba¶t ibang pag-aaral na naisagawa.

Para sa may mga hanapbuhay,ito ay nagbibigay daan sakanila upang bigyan nila ng importansya ang kanilang trabaho, gaano man kalaki ang sahod ditto o gaano man kaliit. Ang pananaliksik na ito ay tila nagsasabi na mas dapat nilang pagtuunan ng pansin ang kanilang hanapbuhay at lalong pagbutihin ang ipinapakita dito.

C. SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay sasaklaw sa mga sanhi at epekto ng pagiging unemployed ng isang Pilipino. Kasama din sa pananaliksik na ito ang mga solusyon na isinasagawa gobyerno upang matugunan ang suliraning ito. D. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

y Unemployed (walang trabaho) ± naghahanap at handang magtrabaho
pero walang mapasukan. y y y Trabaho(hanapbuhay) ± Populasyon ± Bilang ng tao sa isang naturang lugar. Labor export - Ang pabubukas ng pinto para sa mga trabaho ng ating manggagawa sa ibang bansa ay may malaking tulong sa ating ekonomiya. Isang pagkakataon ito para sa ating mga manggagawa na mapabuti ang pamumuhay ng kanilang pamilya dahil sa mataas na sahod na kanilang tatanggapin. Paglinang sa lokal na pinagkukunan - Dapat matutuhan ng mga negosyante ang paghanap ng pamalit sa mga imported na materyales mula sa ating mga lokal na materyales upang ang pagtatrabaho ng ating mga manggagawa ay µdi maantala. Pagdaragdag ng gastos ng Pamahalaan para sa mga Proyekto - Kapag malaki ang kakulangan sa trabaho, malaki ang maitutulong ng pamahalaan upang magkaroon ng trabaho ang mga manggagawa. Ang pagsasagawa ng mga proyektong imprastaktura ng pamahalaan at pagbibigay suporta sa mga proyekto ng pribadong sektor ay magbubukas ng pinto sa mga manggagawa na may mapasukang trabaho. Paghikayat sa mga Mamumuhunan - Ang pamumuhunan ay mahalaga sa ating bansa maging ito ay lokal o dayuhan upang palawakin ang

y

y

y

pagtatayo ng negosyo,industriya, at pagawaan namagbibigay ng trabaho sa ating maraming manggagawa.

E. PAGLALAHAD NG SULIRANIN 1. Tinitignan ang taas ng sahod sa trabaho 2. Bigat ng trabaho ang iniisip 3. Mga gradweyt na walang trabaho 4. Mga µdi nakakatapos ng pag-aaral 5. Paano nila natutustusan ang pang araw-araw na gastusin? 6. Mga babaeng pumapasok sa prostitusyon 7. Mga gumagawa ng krimen 8. Mayroon bang solusyon dito ang gobyerno? 9. Laki ng populasyon

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA

A. Unemployed Noong nakaraang taon, nasa 11.4% ang annual average ng unemployment rate. Pero sa kalagitnaan ng taon, binago ng National Statistical Coordination Board (NSCB) ang depinisyon ng ³walang trabaho´ (unemployed). Datirati, sila yaong mga manggagawa na walang trabaho na di na naghahanap ng trabaho dahil sa paniwalang wala namang mapapasukan, masama ang panahon, may pansamantalang karamdaman o may hinihintay na aplikasyon. Sa kasalukuyang depinisyon ng gubyerno, ang mga walang trabaho ay yaong naghahanap at handang magtrabaho pero walang mapasukan. Kahit iniulat ng gubyerno ang ³kumikinang´ na 7.9% paglago sa gross domestic product (GDP) sa pangalawang kwarto at dalawang magkasunod na panahon ng ³higit sa karaniwang paglago´, hindi ito sinabayan ng katumbas na pagdami ng tunay na trabaho o disenteng sahod. Kahit mistulang paborable ang paglago, ang empleyo ay nagrehistro lamang ng 1.2% paglago noong Abril 2010 mula sa nakaraang taon, na ni hindi masabayan ang paglaki ng pwersang paggawa o ng populasyong nasa-edad nang magtrabaho. Patuloy na tumaas ang disempleyo sa 4.7 milyon noong Abril 2010 at ang tantos ng disempleyo na 11.6% ay ang pinakamalala sa Asya. Nawalan naman ng 802,000 trabaho ang sector ng agrikultura noong Abril. Imbes na bilang ng hanapbuhay ang lumago kasabay ng paglago ng ekonomiya ay ang pagtaas sa tubo ng Top 1,000 na korporasyon mula P116.4 bilyon noong 2001 sa P686.3 bilyon noong 2007. Ang kakayahang tumubo o tantos ng tubo kumpara sa kita ay tumaas din mula 3.2% noong 2001 hanggang 11.7% noong 2007. Nagkaroon ng pagbaba sa tubo sa P415.1 bilyon noong 2008, malamang dahil sa pandaigdigang krisis pangekonomya, subalit nagkaroon pa rin ng 7.02% kakayahang tumubo katapat ng 0% pagtaas ng sahod.

B. Ano ang kalagayan ng mga unemployed? Hindi mapagtakpan ng mga estadistika at boladas ang dinaranas na kahirapan ng mamamayang Pilipino. Sa pagtatapos ng 2005, lalo pang tumindi ang paghihikahos ng mamamayan na pinapatunayan sa patuloy na pagtaas ng tantos ng kawalang hanapbuhay at paglaki ng bilang ng mamamayang hindi na nabubuhay sa disente at makataong pamantayan. Walang kasing lala ang kalagayan sa empleyo ng bansa. Sa datos mismo ng gubyerno, tinatayang mahigit 1 sa bawat 10 mamamayan ang walang trabaho. Noong nakaraang taon, nasa 11.4% ang annual average ng unemployment rate. Pero sa kalagitnaan ng taon, binago ng National Statistical Coordination Board (NSCB) ang depinisyon ng ³walang trabaho´ (unemployed). Datirati, sila yaong mga manggagawa na walang trabaho na di na naghahanap ng trabaho dahil sa paniwalang wala namang mapapasukan, masama ang panahon, may pansamantalang karamdaman o may hinihintay na aplikasyon. Sa kasalukuyang depinisyon ng gubyerno, ang mga walang trabaho ay yaong naghahanap at handang magtrabaho pero walang mapasukan. Kaya naman sa pagtatapos ng taon, inulat ng gubyerno na 7.7% na lamang ang unemployment rate na epektibong bumura sa 1.5 milyong Pilipino na di na ibinibilang na walang trabaho. Pero kahit pilipitin ng ganito ang datos, hindi mapagtakpan ng gubyerno ang malubhang suliranin ng kawalan ng trabaho. Katunayan, sa ilalim ngayon ng administrasyong Arroyo umabot sa pinakamalala ang rekord sa disempleyo sa tanang kasaysayan ng bansa. Pinalubha pa ito ng patuloy na pagbagsak sa kalidad ng mga trabaho sa Pilipinas. Ibayong lumala ang kakulangan sa trabaho (underemployment rate) na naging 21% noong 2005 mula sa 17% lamang noong 2004. Malaking bilang ng mga may empleyo ang patuloy pa ring naghahanap ng

dagdag na trabaho o mapagkakakitaan. Pinakamatinding kakulangan ito sa trabaho mula 1988. Lumiit din ang bilang ng mga sahurang manggagawa (wage and salary workers) ng 156,000 habang sumirit ang mga sariling kayod (own account and unpaid family workers). Lumilitaw na halos kalahati ng umiiral na trabaho sa bansa ay sariling kayod, mababang pasahod, pansamantala, walang katiyakan at ³impormal Kakarampot kung nadadagdagan man ang mga trabahong nalilikha ng atrasado at ampaw na ekonomya. Karamihan sa mga bagong trabaho ay nasa agrikultura at serbisyo partikular sa kalakalan gayundin sa transportasyon at komunikasyon. Gayunman, karamihan sa mga ito ay may mababang pasahod o kung relatibong mataas man, walang katiyakan sa trabaho. Sa pagmamanupaktura, halos 17,000 lamang ang nalikhang bagong trabaho na ibayo pang nagpaliit sa bahagi ng pagmamanupaktura sa kabuuang empleyo. Ang sabsektor ng pagmamanupaktura na humihigop ng mga manggagawa sa kalunsuran ay patuloy pang lumiit sa 9.5% na bahagi na lamang sa kabuuang empleyo ng bansa at itinuturing na pinakamaliit nitong tantos sa nakaraang apat na dekada. Sa kabila ng mga salamangka, mismong mga datos ng gubyerno sa empleyo ang nagpapahiwatig sa tindi at lubha ng kawalan at kakulangan sa trabaho. Kapag pinagsama ang tantos sa unemployment (11.4%) at underemployment (21%), lilitaw na 32.4% ng kabuuang lakas paggawa o mahigit 3 sa bawat 10 manggagawa ang wala o kulang ang trabaho. Ito ay batay sa lumang pamantayan ng gubyerno sa pagsukat ng lakas-paggawa. Pero kahit sa lumang pamamaraan ng pagsukat, hindi nito isinama bilang lakas-paggawa ang maraming mamamayan na epektibong nagmemenos sa malubhang datos sa disempleyo. Kahit ito ay hindi naman talaga nagpapakita ng tunay na lala ng kawalan at kakulangan ng trabaho sa Pilipinas. Pero higit pa sa mga datos, ang aktwal na ginagawa ng mga

manggagawa para mabuhay ang nagpapakita sa tindi ng disempleyo. Pinakamalala ito mula ng mapabagsak ang diktadurang Marcos dalawang dekada na ang nakaraan. Wala nang mapagpilian ang milyun-milyong mamamayan kundi mangibang bansa para doon humanap ng trabaho. Tinatayang aabot na sa 8 hanggang 9 na milyong Pilipino (10% ng populasyon) ang migrante. C. Anu-ano ang mga Sanhi ng suliranin? 1.Tinitignan ang taas ng sahod sa trabaho Nagiging rason din mababang sweldo nila mula sa kanilang karera kung magtatrabaho sila sa ilalim ng gobyerno. Halimbawa na lang ay ang mga nakapagtapos ng nursing, may ibang mas pinipiling mag-apply at magtrabaho sa isang call center kaysa magsilbi sa mga pampublikong ospital dahil sa maliit na sahod mula sa gobyerno. 2. Bigat o dami ng trabaho ang iniisip 3. Mga gradweyt na walang trabaho Una hindi demand ang kanilang trabaho sa lokal o sa ibang bansa, ikalawa nawawalan ng gana, ikatlo hindi angkop ang kurso na kanilang kinukuha, ikaapat kakaulangan ng kaalaman upang pumasa sa mataas na kalidad ng mga manggawa sa ibang bansa. Noong taong 2006 ay humigit kumulang 13,000-15,000 na registered nurses ang pumunta sa ibang bansa para magtrabaho. Sa Pilipinas ay kulang ng mga bakanteng trabaho para sa kanila kung kaya¶t madalas nagkakaroon ng job mismatch. Ang ibang gradweyt na nars ay nagiging crew na lang sa fastfood chain o saleslady sa isang department store. Ayon sa Commission on Higher Education, noong 2009 humigit kumulang na 900,000 ang mga nakapagtapos ng kolehiyo. Samantala, ang

bilang ng mga nagbubukas na trabaho sa bansa nitong 2009, ayon sa Department of Labor and Employment ay 20,000- 30,000 lamang. Dahil hindi balanse o pantay ang ratio ng mga nagsipagtapos sa bilang ng mga nagbukas na trabaho, napipilitang pasukin ng mga iilang graduate ang mga trabahong taliwas sa kursong tinapos nila. 4. Mga µdi nakatapos ng pag-aaral Karamihan sa kabataan ngayon ay µdi naka-tapos sa pag-aaral. Ito ay sanhi ng madaming mga dahilan. Una: Kakapusan sa buhay. Maraming mag-aaral ang nais makatapos ng pag-aaral, ngunit sanhi ng kakapusan sa pang-tustos dito, µdi nila nakakamit ang nais na diploma. May 80 milyon na ang bilang ng mga tao sa Pilipinas. Ayon sa isang pag-aaral ng IBON Foundation, may 88 porsiyento ng 80 milyong taong ito-samakatwid ay 70.4 milyon-ang nasa ibaba ng tinatawag na poverty line. Ang palaki nang palaking populasyon ng Pilipinas ang lagi't laging pinagbubuntuhan ng sisi sa paglala ng kahirapan sa bansa. Kaya naman hindi nakapagtatakang si Kinatawang Lagman ay makaisip ng ganitong panukalang batas. Datapwat ang isang karaniwang manggagawa'y kumikita lamang ng P300 sa kasalukuyan. May 15 porsiyento ng buong populasyon natin ang mga manggagawa sa mga pabrika. Ang mga nagtatrabaho sa mga sakahan ay higit pang masasahol ang dinaranas: ang mga manggagawang-bukid kadalasa'y wala pang P100 ang sinasahod sa isang araw, habang ang mga nakikiparti sa ani

ay umaani na ang kita sa pagbebenta ng kanilang inani ay hindi rin sumasapat sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya. Ikalawa: Kawalan ng interes. Ang mga mag-aaral ay kadalasang nababaling ang atensyon sa ibang mga bagay. Saklaw na nito ang pagkahumaling sa mga laro sa kompyuter,ang paglalakwatsa o µdi kaya¶y sadyang katamaran ng estudyante. Ang mga bagay na ito ay lubhang naka-aapekto sa magaaral. Marahil ay mas mabigyan niya ito ng atensyon at maisip na ito na lamang ang pagtuunan ng pansin.

Ikatlo; Maagang pagbubuntis.

Isa sa mga tinuturong dahilan ng pagbubuntis ng mga batang babae ang kakulangan ng kaalaman ng mga kabataan tungkol sa pakikipagtalik. Partikular sa Pilipinas, ang partuturo ng sex education sa mga paaralan ay isang isyu na patuloy na pinagdedebatehan. Bagamat malakas ang panawagan ng iba¶t ibang sektor ng lipunan para sa sex education, ang simbahang Katoliko at ibang konserbatibong grupo ay mahigpit itong tinututulan.

Ayon sa 1995 sensus, mga 1.8 kalalakihan at 670,000 kababaihan na may edad 15-24 ang aktibo sa sex o pakikipagtalik. Ayon naman sa World Health Organization,21% ng mga Pilipinong kababaihan ay nabubuntis ng wala pang 19 anyos. Ayon rin sa POPCOM, ang mga batang ina ay bumubuo ng 30% na pagbubuntis, 17% ng mga kaso ay hinimuk ng aborsyon,12% ng normal na panganganak,6% ng boluntaryong aborsyon.Sa datos naman noong 2009, halos 3.6 milyon ang naitalang batang ina sa bansa. Sa katunayan, pito sa sampung buntis na babae ay hindi bababa sa 19 ang edad.

Ang lumalaking bilang ng mga kabataang maagang nabubuntis ay sinasabing sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya ng bansa. Ang lumulobong populasyon at kawalan o limitadong kakayahan ng mga kabataan na suportahan ang kanilang mga anak ay isa sa mga nagiging dahilan ng lumalalang kahirapan sa bansa. Sa madaling sabi, ang mga kabataang maagang nabubuntis ay µdi na napagpapatuloy ang kanilang pag-aaral na nagsasanhi ng µdi nila pagkahanap ng magandang hanap buhay upang matustusan ang pangangailangan nila at ng kanilang anak. 5. Paano natutustusan ang pang araw-araw ng gastusin? Kailangan ng isang ordinaryong pamilya ng P858 para mairaos ang pangangailangan sa araw-araw. Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) lumala na nang husto ang nararanasang kahirapan ng buhay sa kasalukuyan. Sa isang artikulong sinulat ni Danilo Araña Arao sa Bulatlat nitong Hunyo, makikitang ang isang pamilyang may dalawang magulang at apat na anak-ang karaniwang pamilyang Pilipino-ay nangangailangan ng P594 sa isang araw upang mabili ang lahat na pangangailangan. Gumamit si Arao ng datos mula sa National Wages and Productivity Commission para sa artikulong nasabi. 6. Mga babaeng pumapasok sa prostitusyon Sanhi nga nang pagkawala ng pinagkukunan ng hanap buhay, maraming kababaihan ang nahihikayat na pumasok sa prostitusyon.

Ayon sa The International Labor Organization(ILO) at The Coalition Against Trafficking in Women-Asia Pacific (CATW-AP), umabot ng kalahating milyon ang bilang nga mga prostitutes sa Pilipinas, noong taong 1993 at 1994, at 400,000 naman noong 1998. Ang prostitusyon ay nakaaapekto sa turismo lalong-lalo na sa Pilipinas, mas kilala ito sa tawag na ³Sex Tourism´

kung saan ang pagbibigay aliw ang dinarayo ng mga tao. Ang prostitusyon sa Pilipinas ay kumekeyter sa mga lokal na kostomer at mga dayuhan na siya namang madalas na maging kliyente ng mga nasabing prostitutes. Kahit na ipinagbabawal ang mga ganitong gawain, hindi maiiwasan ang mga ito. At kahit marami na ang mga nahuhuli, hindi pa rin nasusupil ang prostitusyon. 7. Mga gumagawa ng Krimen 8. Mayroon bang solusyon dito ang gobyerno? Ang ating pamahalaan ay µdi lamang nagbibigay ng mga hanapbuhay sa ilalim ng kanilang administrasyon. Sila din ay nangangasiwa ng mga programa upang matulungan ang iba na matuto ng mga kakayahan na kakailanganin sa paghahanap ng trabaho. Sila din ay nangangasiwa sa mga proyekto na makakatulong sa mga di nakapagtapos na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. 9. Laki ng populasyon Ang laki ng populasyon ay nagiging sanhi din ng unemployment. Sa dami ng bilang ng tao,hindi lahat ay nabibigyan ng trabaho. µdi nagiging balanse ang ratio ng bilang ng trabaho sa bilang ng taong nais maghanapbuhay.

May 80 milyon na ang bilang ng mga tao sa Pilipinas. Ayon sa isang pag-aaral ng IBON Foundation, may 88 porsiyento ng 80 milyong taong itosamakatwid ay 70.4 milyon-ang nasa ibaba ng tinatawag na poverty line. Ang palaki nang palaking populasyon ng Pilipinas ang lagi't laging pinagbubuntuhan ng sisi sa paglala ng kahirapan sa bansa. Kaya naman hindi nakapagtatakang si Kinatawang Lagman ay makaisip ng ganitong panukalang batas.

Sa isang pag-aaral ng dalawang Pilipinong siyentipiko noong 1983, napatunayang ang lahat ng yamang likas ng Pilipinas ay may kakayahang bumuhay ng hanggang sa 500 milyong tao. Kayrami nang mga sumunod na pagsusuri sa ating problema sa populasyon, subalit magpahanggang ngayo'y walang nakapagpapabulaan sa pag-aaral na isinagawa noong 1983. D. Mga solusyon sa unemployed Technical Education and Skills Development Agency o TESDA Ito ay unang naitatag bilang batas ng dating Pangulo na si Ginoong Fidel V. Ramos ng ika-Agosto 25, 1994. Ang pagsasama-sama ng National Youth Council (NMYC), Department of Labor and Development (DOLE), The Bureau of Technical and Vocational Education (BTVE) Department of Education, Culture and Sports (DECS), Bureau of Local Employment (BLE) ang nagbigay daan upang mabuo ang TESDA. Ang batas na ito ay may layunin na paigtingin ang partisipasyon at pagtutulungan ng pamahalaan, industriya , teknikal, bokasyonal at pribadong sektor para iangat ang antas ng mga kakayahan at bigyang kaalaman ang bawat manggagawang Pilipino.

Alternative Learning System Sa Pilipinas, ang mga batang walang kakayahan na makapasok sa paaralan ay binibigyan ng pagkakataon ng Department of Education. Ikaw ay magsasanay sa loob ng 10 buwan o maaring higit pa at pagkatapos nito ay bibigyan ka ng ³Accreditation & Equivalency Test´. Dito malalaman kung ang iyong natutunan ay katumbas ba ng diploma sa mababa o mataas na paaralan. Sa mga edad na 12 pababa,ito ay katumabas ng

diploma para sa elementarya at sae dad 15-16 naman,ito ay katumbas ng diploma para sa hayskul.

Ang pagkuha ng Alternative Learning System ay may dalawang paraan. Sa pamamagitan ng modules o sa pamamagitan ng internet. Isa sa kilalang personalidad na nakinabang ditto ay ang tanyag na boksingerong si Manny Pacquiao. Siya ay nakatapos lamang ng unang antas ng hayskul at kumuha ng ALS at nakamit ang diploma para sa hayskul na nagbigay daan sakanya upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.

KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

60% sa mga walang trabaho na aking nasarbey ay nagsabi na ang µdi nila pagtatapos ng pag-aaral ang nagging dahilan kung kaya¶t wala silang nahanap na maayos na trabaho. 40% naman ang nagsabi na hindi angkop ang kurso nila sa mga trabahong maari nilang pasukan.

30% sa may mga trabaho ang nagsabi na ang kasalukuyang pinapasukan nilang trabaho ay hindi angkop sa kanilang natapos na kurso. Karamihan sakanila ay pumapasok sa mga hanapbuhay na µdi angkop sa kanilang kurso dahil mas malaki ang sahod na makukuha nila dito. 70% naman sa aking nasarbey ang nagsabi na angkop naman sa kanilang kurso ang trabahong kanilang pinapasukan ngayon.

KABANATA V
KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

A. KONKLUSYON

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakakatulong ang paglago ng ekonomiya sa paglutas sa mga problema ng mga walang trabaho. May mga pagkakataon na may bakante ngang trabaho ngunit µdi naman angkop sa natapos o kaalaman ng isang manggagawa. Sa madaling sabi, maraming bagay ang saklaw ng unemployment. Madami ang maaring sanhi nito at nakapagdudulot din ito ng mga hindi magagandang epekto. µdi lamang sa isang indibidwal kung hindi damay na din ang madaming bilang ng taong nakapaligid sa kanya. B. REKOMENDASYON

Dapat bawat isa sa atin ay magsikap na mapaganda ang hinaharap at buhay ng bawat isa. Ang ating pamahalaan ay ginagawa na ang mga hakbang na dapat nilang gawin upang matulungan ang malaking bilang ng mga Pilipinong kumakaharap sa unemployment. Amg dapat ay, wag nating i-asa ang lahat sa tulong ng iba. Dapat tayo ay may sarili ding kusa upang mapa-unlad natin di lamang ang buhay natin kung hindi pati na din ang bansa. Sa pamamagitan ng pagsisikap ng bawat isa, makakatulong sa pagahon natin sa bawat problema at krisis na ating kinakaharap.

BIBLIOGRAPIYA

http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Teenage_pregnancy http://www.tesda.gov.ph/page.aspx?page_id=10 http://www.scribd.com/doc/22839994/Thesis-Filipino-2 http://www.google.com.ph/#q=pananaliksik+sa+pagkawala+ng+interes+sa +pag-aaral&hl=tl&ei=AwSaTNLgHILfcaLiNoH&start=10&sa=N&fp=ea825986733ab442 http://karapatanmanggagawa.wordpress.com/kasaysayan/ http://tl.wikipedia.org/wiki/KrimenFC:\Windows\hinhem.scr

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->