You are on page 1of 2

Ni: Kathlyn Kaye S.

Vargas

Pagmasdan ating biyayang nakapaligid


Tila bawat isa’y unting nagbabagong bihis
Pakinggan ang simoy ng hanging may batid
Himig ng Pasko’y naritong hatid.

Mga parol ng buhay ay nakasabit na


Christms lights na silbing liwanag ng bawat isa
Makulay na Christmas tree-ng mahiwaga
Pati mayuyuming koro ng mga bata’y handa na.

Sa isang batang musmos, Pasko’y simple lamang


Ito’y mga regalo bagong gamit, pera’t laruan
Ngunit ligaya’y mas higit, pag puso’y katapusan
Mababakas sa mukha ngiting walang katapusan.

Bukas, makalawa uuwi ang kamag-anak


Animo’y may reuniong angkang muling hahalakhak
Pagsasalo’t pagbibigayan, kantaha’t sayawan
Upang ipagdiwang, isang Messiah na kanyang kaarawan.

Isang ningning na liwanag sinundan sa silangan


Nang tatlong pantas pumaroon sa may sabsaban
‘Haring Sanggol’ kanyang kapanganakan
Na Siya’y si Hesus, tagapagligtas ng sanlibutan.

Sumabay sa Awit ng Pasko


Pagkikiisa sa kapayapaan ng mundo
Pagmamahal at pananampalataya kay Kristo
Upang madama tunay na Karol ng Puso.

11-16-2010
11-16-2010

You might also like