You are on page 1of 1

Panimula

Ang nobelang ito ni Liwayway A. Arceo ay isa lamang sa kanyang mga


koleksyong nobela, kung saan sa isang pamilya umiikot ang istorya. Isa na
prominenteng tauhan ay si Amelita, na siyang pangunahing tauhan ng nobela. Dito ay
ipinakita nya ang katapangan, katatagan ng loob at paninindigan. Gayon din ang
kanyang asawang si Mauro na nagpakita ng paggalang at dignidad sa kabila ng mga
panlilibak at pangmamata ng malalapit pang mga tao sa buhay nya. Maingat ang
ginawang pagpili sa mga tauhan, inisip na mabuti ang lahat ng aspeto ng pagkatao ng
bawat isa; mula sa edad, katayuan sa buhay, kalagayan sa lipunan, ambisyon at iba pa.
Binigyan din ang nobela ng isang maganda at kawili-wiling wakas na waring
nagpabuhay sa loob ng mga mambabasa. Ito ay isang nobelang kapupulutan ng aral at
magsisilbing inspirasyon upang ating mapagtagumpayan ang kahit ano mang pagsubok
sa buhay.

You might also like