P. 1
Ang Wikang Filipino Sa Taong 2000

Ang Wikang Filipino Sa Taong 2000

|Views: 4,794|Likes:
Published by kim_tan_15

More info:

Published by: kim_tan_15 on Jan 11, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

08/06/2013

pdf

text

original

Ang Wikang Filipino sa Taong 2000 ni Andrew Gonzalez, FSC Tila yata napakaraming paksa ngayon na isinasali natin

sa medium-term plan ng Pangulong Fidel V. Ramos tungkol sa ating layuning pambayan, ang pagpapaunlad ng ating bayan at ang pagiging Newly Industrializing Country (NIC) ng Pilipinas sa Taong 2000. Kaya nga’t pati na ang wika ay isinasama natin sa ating mga layunin. Ngunit kung tutuusin, ang taong 2000 ay pitong na lamang at darating na. Halos naandoon na tayo. Maraming bagay ang mangyayari sa ating bayan sa susunod na pitong taon. Ngunit sa palagay ko naman hindi talaga magiging iba ang ating sitwasyon sa wika sa pagtatapos ng pitong taon. Magkakaroon nga ng progreso, ngunit ang mga senyales nito ay narito na. Kaya’t hindi na tayo kailangang manghula pa sapagkat kung titingnan lamang nating mabuti at susuriin ang kasalukuyan, tila narito na nga ang mga senyales para sa kinabukasan. Bagama’t bago naman tingnan ang kinabukasan, kailangan nating sulyapan ang nakaraan sapagkat mahirap unawain ang kasalukuyan, lalo na ang kinabukasan, kung hindi natin kikilalanin ang nakaraan. Sa ating Batasang Pambansa noong 1936, pagkatapos ng ratipikasyon ng ating Saligang Batas sa Gobyernong Commonwealth noong 1935, si Kinatawan Norberto Romualdez ay tumangkilik ng isang batas na tinatawag natin ngayon na ‘National Language Law.” Ang batas na ito ang siyang nagtatag sa National Institute of Language na pinalitan noong 1938 ng Institute of National Language o Surian ng Wikang Pambansa. Itong sangay na ito ng Pamahalaan ang nangasiwa sa pagpapaunlad ng ating wikang pambansa na pinili noong 1937 at base sa Tagalog. Noong 1939, mayroon na tayong balarila, ang balarila ni Lope K. Santos, at mayroon na ring bilingual wordlist noong panahong yaon. Ipinag-utos din ng ating pamahalaan ang pagtuturo ng ating wikang pambansa sa huling taon sa mataas na paaralan at bilang isang sabject sa mga kolehiyong pangguro

(teacher training colleges) noong 1940. Mayroon ding batas na ginawa ng Asemblea noong 1941 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay magiging opisyal na wika sa pagtatapos ng Gobyernong Commonwealth. Ang ibig sabihin ng isang wikang opisyal ay maaari itong gamitin sa iba’t ibang larangan ng burokrasya at gobyerno, kahit sa Asemblea mismo at sa pagsulat ng mga batas para sa bansa. Ang ating wikang pambansa ay itinuro sa lahat ng mga antas ng ating paaralan mula noong 1946; noong 1959, sa pagpapasya ng Kalihim ng Edukasyon na si Jose Romero, muling pinalitan ang pangalan ng ating wika, Pilipino. Ito ay itinuturing din na ‘Tagalogbased Pilipino.’ Hindi na natin babanggitin ang maraming mga suliranin ukol sa pagkakabase ng ating wika sa Tagalog sapagkat may mga kapatid tayong sa Kabisayaan, lalo na sa Cebu, na magpasahanggang ngayon ay hindi sumasang-ayon sa pagkakapili ng ating wika base sa Tagalog. Ayon sa kanila, higit na marami ang mga gumagamit ng wikang Binisaya (Cebuano, Hiligaynon at Waray) kaya’t dapat ay Bisaya ang naging base ng ating wikang pambansa at hindi Tagalog. Ngunit sa palagay ng karamihan sa ating mga mamamayan at ayon sa pasya ng Korte Suprema, naaayon sa batas ang pagpili ng base sa wikang pambansa sa Tagalog mula pa noong 1937. Malaking dahilan ng pagtatalo sa wika noong Constitutional Convention noong 1971 at hindi yata matatapos ang usapan; kaya nga ang batas o artikulo ng Konstitusyon ng 1973 at nagbigay ng direktibo na gagawa pa tayo ng wikang pambansa na pinangalanang Filipino at ito ay base sa lahat ng mga wikang Pilipino. Walang nangyari sa wika sa panahong mula 1973 hanggang 1986 sapagkat sa Interim Batasang Pambansa noong panahon ni Marcos ay walang batas na ginawa sa pagpapairal ng probisyon sa Konstitusyong hinggil sa wika. Ngunit noong 1986 sa Constitutional Commission sa pagtatangkilik ng Cory Aquino Government, may probisyon sa Saligang Batas na nagsasaad na ang wikang pambansa ng ating bayan ay Filipino. Sang-ayon sa

1

101. Ano ang ibig sabihin ng salitang ito: Sa buhay ng isang wika.859 25.1% 1970 20.968. ang naging projection ay 97. hindi na pinoporma pa ang wikang pambansa sapagkat ito ay narito na.4% 1960 11. prinoject namin ang bilang at pagkatapos ng taon na ito. base sa mga trends na nangyayari ngayon. dadami na at halos isang daang (100) porsyento na ang magiging dami ng marunong magsalita ng Filipino sa wakas ng dantaong ito. Maaari rin tayong humiram ng mga salita mula sa iba’t ibang wikang banyaga. at marahil ang iba’t ibang mga wika na pag-aaralan pa natin sa hinaharap gaya ng wikang Hapones. Sa tulong ng isang dalubhasa sa estadistika. Ito ay tinatawag nating wikang pangkomunikasyon sa iba’t ibang grupong etniko dito sa Filipinas.5% 1948 7. Ngunit hanggang ngayon. may mga paraan kung paano natin maipoproject o maitutudla kung ano ang hinaharap. Ito ang mga datos mula sa census: Bilang ng mga Nakapagsasalita Hindi natin matiyak kung gaanong karami sa ating mga kababayan ang makapagsasalita ng Filipino sa taong 2000. Ang Filipino Ngayon at Bukas Kung susuriin natin. Ang mga wikang banyagang ginagamit natin sa pagpapayaman ng ating wikang pambansa ay ang Ingles at Kastila.1% ang marunong magsalita ng Filipino sa taong 2000. Ito ay tinatawag na extrapolation at simple ang matematikang ginagamit dito. Sa simula. at ang pangalan nito ay Filipino. Kaya kahit na wala tayong gagawin sa mga paaralan at sa mass media.probisyong ito. ang wikang-Arabo. hindi lamang sa mga wikang taal kundi maging sa mga wikang banyaga rin. Ngunit sa estadistika. nangangailangan pa rin ng kultibasyon sa larangan ng intelektwalisasyon. Ayon sa Census ng Taong 1990. bilang wika sa bahay sa pakikipag-usap natin tungkol sa mga bagay na pang-araw-araw sa Taon Tagalog/Filipi Bahagdan no 1939 4.468 74. ginagamit natin ang wika sa ordinaryong pamumuhay.809 46. hindi na maaaring ihinto pa ang pag-unlad at paglaganap ng ating wikang pambansa. Kung gagawin nating isa ang Tagalog.301. ang Filipino ay base rin sa Tagalog ngunit sa pagpapaunlad at pagpapayabong ng wika.060.990. Ang Intelektwalisasyon ng Filipino Bagama’t lumalaganap ang Filipino at yumayabong na ang panitikan na kinakatha sa wikang ito.2% 1980 34. hindi lamang sa pang-araw-araw na gawain kundi maging sa mga paaralan at pamantasan sa pagtuturo ng mga araling panlipunan at wika at maging sa agham at teknolohiya kapag sapat na ang pagpapaunlad nito. Pilipino at Filipino.467 56.9% 1990 50.693 84% buhay ng isang pamilya at sa ating mga 2 . opisyal na wika pa rin ang Ingles at ang Pilipino (base sa Tagalog) ngunit ang wikang pambansa ay Filipino na.196 39. Kahit na wala tayong gawin sa pagpapasigla ng Filipino. Talagang ‘widely disseminated’ o laganap na ang Filipino at kahit na ang mga mamamayan na may ibang mothertongue o wikang taal ay makakapagsalita na rin ng Filipino bilang pangawalang wika o ‘second language. ang bahagdan o percentage ng mga Filipinong marunong magsalita ng Filipino ay 84%. maaari nating tingnan ang mga datos mula sa mga census sa nakaraan at maaari nating makita ang progreso ng Filipino bilang katutubong wika o lingua franca o wikang ginagamit ng mga Filipino. na ang pangunahing wika o mother tongue ay hindi Tagalog. ito ay ginagamit sa iba’t ibang larangan. ito ay payayamanin ng mga salitang galing sa iba’t ibang wika ng ating kapuluan.130.’ Hindi na tayo kailangan pang magsipagtalo. at ito ay gagamitin sa hinaharap.

kailangan din nating maging dalubhasa sa Ingles upang maging tunay na tula mula sa Ingles tungo sa Filipino. Ang paggamit ng isang wika sa larangan ng kaisipan at ng buhay pang-akademik ay yaong tinatawag nating ‘intelektwalisasyon’. at kung anong larangan ng wikang Filipino ang dapat bigyan ng intelektwalisasyon. ang hamon sa bagong henerasyon o salinlahi ng mga guro ay payabungin ang ating wikang pambansa sa pag-intelektwalisa nito at gamitin ito sa larangan ng buhay pang-akademik. Naniniwala ako na hindi natin maaaring sabihin na ang intelektwalisasyon ay susi sa maunlad na pagtuturo at pagkatuto kung Lahat ng kasangkot sa pagtuturo at pagsusulong ng wikang Filipino ay dapat maging masugid sa pagbibigay-malasakit sa pagpaplano ng wika. Para sa gawaing ito. Dapat maisalin natin ang kabihasaan natin sa Ingles upang magamit din ng madla at masa sa isang wikang gamay na nila at nauunawaan. ang pinakamabigat na gawain ng ating mga patriota o makabayan ay gamitin ang Filipino para sa intelektwalisasyon at paramihin ang corpus ng literatura pang-agham sa Filipino sa darating na pitong taon bago tayo pumasok sa ikadalawampu’t isang siglo ng ating panahon. Kaya nga sa palagay ko. Hapones at Aleman. Ito ay isang special gift at hindi lahat ng mga guro ay sanay sa wastong paggamit ng Filipino. ang ating minamahal na FILIPINO. ang ating wikang pambansa. Pangwakas na Hamon Bilang pangwakas. Ito ay bagong tuklas pa lamang at hanggang ngayon ay hindi natin alam kung anu-ano ang mga dimensyon ng penomenang ito. nangangailangan din tayong gumawa ng mga bagong texto o libro at inilathalang sipi tungkol sa mga paksang hindi pang-arawaraw. sapagkat ang mga taong dalubhasa sa isang Ilang Suliranin Tungkol Intelektwalisasyon ng Filipino ni Bonifacio P. Ang pagkuha ng isang 3 . Kailangan ang mga pagsasalin ng maraming artikulo at libro sa Filipino galing sa mga wikang intelektwalisado na gaya ng Ingles at Kastila. Gawin natin ang ating magagawa upang yumabong ang ating wika. hindi natin mauunawaan kung bakit. Nangangailangan tayo ng maraming dalubhasa sa iba’t ibang espesyalisasyon na magaling din sa wika upang maisalin nila sa isang uri ng Filipino na maaaring maunawaan ng mga estudyante ang mga artikulo at libro. Pagpaplano Planning) ng Wika (Language Tatalakayin ko sa artikulong ito ang ilang suliranin tungkol sa pagpapaunlad o intelektwalisasyon ng wikang Filipino. magkakaroon ng mga sagabal na kailangan pa nating lagpasan. Ito ang tinatawag nating proseso ng intelektwalisasyon at maraming taon ang kailangan natin para dito. sa pang- Kung gagamitin natin ang isang wikang pambahay at pambayan sa ibang larangan at hindi pa tayo sanay sa paggamit nito. Hindi lamang tayo nangangailangan ng mga bagong salita lalung-lalo na sa mga sabject sa paaralan at sa pamantasan. Hindi ito matatapos kaagad. kung paano nating mapauunlad ang isang wikang gaya ng Filipino bilang wikang ginagamit sa larangan ng iskolarli diskors o diskursong pang-akademik. Sibayan sa espesyalisasyon at marunong ding magsalin sa wastong Filipino ayon sa antas ng magaaral ay hindi marami. Maraming tao ang kailangan bago makalikha ng mga kasulatan sa Filipino hindi lamang sa panitikan (marami na ang mga ito) ngunit gayon din sa larangan ng agham at teknolohiya at sa mga disiplina o sabject sa pamantasan. gaya ng mga paksa sa agham at teknolohiya at sa iba’t ibang sabject sa kurikulum.kaibigan. Pranses. sa palengke at ordinaryong pangangalakal. paano.

Bakit? Sapagkat ang mga mamamayang Pilipino. Hindi 3. tulad ng mga Cebuano. ay mawawalan ng silbi o malalaos. Ngunit tinanggihan ng mga Cebuano ang nasabing pahayag. Noong araw. Ipinahayag ng Executive Order No. Ang pagtutol na ito ng mga Cebuano ay isang magandang halimbawa sa hirap ng pag-intelektwalisa sa isang wika at ng isang bansa. o pagpili ng wika (language determination or selection) Paglinang at pagpapaunlad ng wika (kung saan isang bahagi ang intelektwalisasyon) Patakaran ng pagbabalangkas ng wika (para maunawaan ang katwiran ng pag-aaral ng dalawang wika o ang sinasabi nating edukasyong bilinggwal o bilingual education) Pagpoprograma ng wika Pagsasagawa o implementasyon ng wika (kung saan paraan at pamamaraan ng pagtuturo ay dalawang paksa lamang) Pagpapahalaga ng wika Marami pang ibang masalimuot na paksa ang dapat maunawaan ng mga tagapagpaunlad. Binigyang-diin ng vice-mayor ng Cebu ang bagay na ito nang sabihin niya sa isang kapulungan kamakailan sa De La Salle University na “ang mgaTagalog ay nagpupumilit na isungalngal ang wikang Tagalog sa aming lalamunan” (ram Tagalog down our throats). 6. tagapagtanggol ng wikang Filipino. Nararamdaman nila na sila’y nanganganib dahil hindi sila handang magsalita at magsulat sa Filipino. na di likas na gumagamit ng wikang Tagalog. Ang pagpapalit at pagbabago ng wika 2. ang pagtanggap o pagtutol sa pagpapalit ng Filipino sa wikang Ingles ay may kinalaman sa mga larangan o pinanggagamitan ng wika. tagapagtaguyod. 2. 4.asignatura o subject sa Language Planning ang magpapakilala sa isang mag-aaral ng mga huwarang teorya at praktikal na pagkaunawa sa ilang bagay tulad ng mga sumusunod: Isa sa pinakamahalagang layunin sa pagpapaunlad ng Filipino ay ang paghalili nito sa Ingles balang araw. 335 ang pagpapasiya sa paggamit ng Filipino na pampalit sa Ingles. Ilang sa mga ito ay ang mga sumusunod: 1. pampelikula. Ang Pagpapalit ng Isang Wika 4 . 5. Pagpapasya 2. at kung paano ito isasagawa Ang kontribusyon ng ibang katutubong wika sa pagsulong ng Filipino Ang karapatan ng isang tao o grupo sa wika (language rights) Ang intelektwalisasyon ng Filipino sa iba’t ibang larangan ng wika 1. Ang dalawa sa mga ito ay ang mga sumusunod: 1. Pansinin na ang mga Cebuano ay di tumutol sa paggamit ng Filipino sa mga larangan ng lingua franca o wikang pantelebisyon. 7. Ang ibig sabihin nito. Totoong napakahirap palitan ang isang wikang intelektwalisado na tulad ng Ingles na ginagamit sa mahahalagang larangan ng wika. nila gusto ang ginagawang paglapastangan sa kanilang katutubo at natamong karapatan sa wika. tagatangkilik. Maraming katwiran ang mga Cebuano sa pagtutol sa pagpapalit ng wikang Filipino sa wikang Ingles. Ngunit sila ay tumutol sa pagpapalit ng Filipino sa wikang Ingles sa dalawang larangan ng wika – sa larangan ng pamahalaan at sa larangan ng edukasyon. at dyaryo o pahayagan. (language replacement and language shift) Ang tungkulin (role) o bahaging ginagampanan ng Filipino na may kinalaman sa Ingles at sa iba’t ibang katutubong wika ng mga di-Tagalog sa iba’t ibang larangan ng wika (language domains) Ang tungkulin o bahaging ginagampanan ng Ingles sa intelektwalisasyon ng Filipino Kung bakit kailangang maintelektwalisa ang Filipino. 3. 5. 4. ay mas madaling napalitan ng Ingles ang Español 6.

At hindi rin binibigyan ng pansin ng mga tao ang wikang ginagamit sa mga medyo mahalagang larangan. Isang malaking pagkakamali ang paniwalang dahil ang Filipino ay ginagamit sa pagsasalita at naiintindihan ng halos lahat ng mga Filipino sa di mahalagang larangan ay maaari na rin itong gamitin sa bahaging larangan ng pamantasan o higher education. alam nating lahat na kung hindi tayo doktor. at (iii) mahalagang larangan ng wika (controlling domain of language).. Ang ibig sabihin ng register ay ang tanging paggamit ng wika sa isang larangan o bahaging-larangan. Ang kailangan lang noon ay ang pagtuturo nito sa mga tao o pagintelektwalisa sa mga tao. abogasya. (viii) mass media (broadcast and print). (iii) pagbabatas. Ang ibig sabihin nito ay maaaring sumali ang isang tao nang halos lubos sa mga ito maski hindi marunong magsulat at magbasa nang maayos. ang larangan ng tahanan at ang larangan ng lingua franca.dahil ang Ingles ay intelekwalisado na noon pa man. (iv) hukuman. Ang mga mahalagang larangan ay nangangailangan ng pagtatala. Ang mga medyo mahalagang larangan ay ang mga larangan kung saan ang pagsusulat ay hindi sapilitan. Halimbawa. pangkalakalan at industriya. at (ix) literatura. (vi) negosyo. (ii) medyo mahalagang larangan (semi-controlling domain). handa na ang Ingles noon na pampalit sa Español. Ang mahahalagang larangan ay ang larangan na nangangailangan ng mabuti at wastong pagbasa at pagsuat. Katangian ng Mahahalagang Larangan ng Wika Ang mahahalagang larangan ng wika ay may sumusunod na mga katangian: 1. tulad ng medisina. (v) agham at teknolohiya. Ang ilan sa mga importante o mahalagang larangan ay ang mga sumusunod: (i) edukasyon (lalo na ang hayskul at ang pamantasan). Halimbawa. atb. Ang mga halimbawa ng medyo mahalagang larangan ay ang relihiyon at ang libangan (entertainment). Sa ibang salita. Ito ang mga larangan ng wika na dapat bigyan ng pansin ng mga tagapagtaguyod ng wikang Filipino. Ang ikatlong uri ng larangan ng wika ay ang mga mahalagang larangan. Sa ibang salita. Ang Register Kailangang tandaan natin na bawat bahaging larangan o bahaging-bahaging larang (suband sub-subdomain) ay may sariling register. Ang di mahalagang larangan ng wika ay maaaring di nakasulat at maaaring gamitin sa kahit anong wika. Idinidikta nila ang wika kailangang pag-aralan gamitin. Ang uri ng Filipino na sapat para sa tahanan o para sa lingua franca ay maaaring hindi sapat para sa larangan ng edukasyon sa pamantasan. (vii) ang mga propesyon na may bahaging larangan (sub-domain). tulad ng computer data bank. hindi natin maiintindihan ang register ng medisina na nakasulat sa Ingles. maliwanag na ang mahalagang larangan ng wika ang nangangailangan ng intelektwalisasyon. Ang wika na kailangang gamitin sa mahalagang larangan ay ang tinatawag sa Ingles na learned language. (ii) pamahalaan. Ang konseptong ito ay mahalaga sa pag-intindi ng mga suliranin ng intelektwalisasyon ng wika. Tatlong Uri ng Larangan ng Wika (Three Types of Language Domains) Upang maintindihan natin ang hirap ng suliranin sa pag-intelektwalisa ng Filipino ay kailangan nating malaman ang teorya ng larangan ng wika (theory of language domains) at ang paggamit nito sa pag-unlad ng Filipino. Pag-aralan natin ang sumusunod na tatlong uri ng larangan ng wika : (i) di mahalagang larangan ng wika (noncontrolling domain of language). Hindi natin kailangang planuhin ang paggamit ng Filipino sa mga di mahalagang larangan. na at 5 .

Kung kaya’t kinakailangang malaman ang karunungan ng nakalipas (past knowledge) at kasalukuyan. Harapin natin ang katotohanan. Hindi sapat ang mga dahilang nasyonalismo. Ito ay hind makukuha sa Filipino. Ang kasalukuyang karunungan ay nasa bagong mga aklat. Sa kasalukuyan. sa syensyang panlipunan. at magsulat sa Filipino. ng mga Pilipino sa buong bansa. Samakatwid. 5. ganap na salita. lalung-lalo na ang mga di Tagalog. Ang pagdami ng kaalaman sa mahalagang larangan ng wika ay mabilis. pagbabasa. kinakailangan ng kaalaman na tiyak. Ang lawak ng suliranin ay sobrang malaki at nakakalito. Ang kaalaman sa mahalagang larangan ay iniipon (cumulative). agham at teknolohya. at pagsusulat. ito ay delikado sa kasalukuyang kalagayan ng Filipino. Ang wikang ginagamit ay specialized at learned. Kung inaasahan natin na papalitan ng Filipino ang Ingles. Samakatwid. journals. kung mayroon man. Kaunti lamang ang kaalaman. 6 . inaasahan natin ang pag-unlad ng Filipino sa mahalagang larangan at bahaging larangan. Ang isa sa mga unang dapat gawin sa intelektwalisasyon ng Filipino ay ang isang intelektwalisadong wikang katulad ng Ingles na ginagamit sa mga mahalagang larangan ay hindi maaaring palitan nang basta ganoon lang ng isang wikang hindi intelektwalisado. Ito ay bahagi ng kanilang karapatang pangwika. Karamihan sa mga Pilipino. Maliwanag na maliwanag na halos lahat ng nakalipas na karunungan sa mahalagang larangan ay hindi magagamit sa Filipino. Ang paghahabol sa pagsabog ng kaalaman na nakasulat at nakatala ay isa sa pinakamalaking suliranin sa intelektwalisasyon ng Filipino at ang pagpapalit nito sa Ingles. 3. pangkasalukuyang journals at pananaliksik na papel (research papers). medisina. Ang tagapagtaguyod ng Filipino ay dapat magaling sa Ingles dahil ang wikang Ingles lamang ang paraan kung paano maiintelektwalisa ang Filipino. Ang mga mahalagang larangan ay nangangailangan ng dunong ng pagsasalita. tumpak. Ang kaalaman ukol sa mga larangang ito ay maaaring makuha 4. Ang karunungan ng nakalipas ay nasa mga aklat. kailangan dito ay precise language o tiyak.2. o pagkamakabayan at patriotismo o pag-ibig sa bayang tinubuan. kaya kailangan ng specialization. ay hindi naniniwala na ang Filipino ay tatak ng nasyonalismo o patriotismo. Hindi lamang ito isang malaking pagkakamali. Sapat na rin daw na marunong magsalita. batas. ang bagong karunungan ay batay sa nakalipas na karunungan na matatagpuan ng mga Pilipino sa Ingles at hindi sa wikang Filipino. Ang pagsabog (explosion) ng karunungan sa mahalagang larangan ay katakut-takot. kinakailangan natin ang nakalipas at ang kasalukuyang karunungan sa Filipino. hindi katulad ng ginagamit natin sa di mahalagang larangan ng wika. magbasa. Ang Bahagi o Papel (Role) ng Ingles sa Intelektwalisasyon ng Filipino May paniwala ang maraming tagapagtanggol ng Filipino na hindi natin kailangan ang Ingles. kailangan na hindi lamang ang wikang Filipino ang maintelektwalisa. isama natin ang pagintelektwalisa ng mga tao. atbp. Ito ay isang kailangang gawain. at ngayong may computer na. matematika. sa wikang Filipino. nakaimbak sa data banks. Malinaw na kinakailangang mas mabuti ang ipapalit.. gayundin ang pagkakakilanlan (identity) upang palitan ang Ingles. Tama sila.

Ngunit halos wala pang naisasalin sa mga larangang ito. dapat sila ay mga iskolar.sa Filipino sa pamamagitan ng pagsasalin (translation). Sapagkat ang karunungan ay iniipon (cumulative). upang umunlad at maging intelektwalisado. ang aking mungkahi ay ang mga sumusunod: 5. uulitin ko: May mga bagay-bagay na dapat huwag nang bigyang diin ng mga pinuno o tagapagtaguyod ng wikang Filipino para mas mabigyang tugon ang mahigpit na pangangailangan sa pagpapaunlad ng wikang Filipino. hindi ang pamamaraan. lalung-lalo na sa larangan ng edukasyon. Halimbawa. 4. ay dapat magumpisa na. paano ipamamahagi ang karunungan sa medisina sa isang taong marunong lamang sa Filipino. tagapagtaguyod ng Filipino. 1. Hindi maaari. hindi paghula at pakiramdam. Bigyang-diin ang karunungan. na hindi pa nag-aaral ng Language Planning. 3. ang mga tagapagtaguyod ng Filipino ay dapat tumigil muna sandali sa pag-uukol ng panahon sa mga pamamaraan o methods of teaching. Ito ang dapat gawin ng mga tagapagtaguyod ng wikang Filipino. ang magiging gamit ng Filipino kung hindi ito maaaring gamitin sa pagkuha ng karunungan? Mga Mungkahi Kung maaari akong magbigay ng mungkahi. ay dapat gumamit ng Ingles. Ang mga guro. 2. Lahat ng tagapagtaguyod ng Filipino. Napakahirap intindihan ang paksang intelektwalisasyon ng Filipino kung hindi natin alam ang iba’t ibang bahagi at kuntil-butil o detalye ng Language Planning. Hindi sapat na ang mga tagapagtanggol ng Filipino ay marunong lamang sa pamamaraan ng pagtuturo sa Filipino. at manunulat sa tiyak na karunungan. Iminumungkahi ko na dapat pag-ukulan ng pag-aaral ng mga tagapagtaguyod ng Filipino ang larangan ng karunungan na nauukol sa Language Planning. Imposible. Halimbawa. 6. samakatwid. tagapagsaliksik. Ano. Dapat ay magaling sila sa Ingles at Filipino. 7 . Ang mga tagapagtanggol ng Filipino ay dapat makaalam tungkol sa mga suliranin ng pagpapalit at pagbabago ng wika. ang mga tala ng nakalipas na karunungan ay dapat isalin. 7. Ang mga solusyon sa mga suliranin ng wikang Filipino ay kailangan ng karunungan o iskolarsyip. Bukod sa pagiging guro. Isang Bagay na Dapat Pansamantalang Tigilan Sa wakas. Ang Filipino. at mga kasapi sa mga samahang pangwika ay dapat magsaliksik para sa Language Planning.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->