Kung Paano Pumatay ng Diyos

:
Perspektiba ng Isang Anarkista sa sitwastong Relihiyo-Pulitikal ng Pilipinas
ni narodniki

Sana may maglakas-loob na i-assassinate si Gloria Macapagal Arroyo. Hindi man ito makakaresolba sa krisis pambansa, at least makaganti man lamang tayo sa kawalanghiyaang pinaggagawa ng kanyang pamumuno sa ating bansa. Ika nga ng prof ng isa kong kaibigan: "how can so much evil be concentrated in such a small person"? Ang kasagutan lamang ay na institutionalized na o permeated na sa political reality ng bansa natin ang kawalang moralidad at integridad ng mga umano'y namumuno sa atin - mga mayayamang burgis na magkakaugnay sa negosyo, o sa kasal o sa pamilya o sa pagkakaibigan. Dahil dito, nadi-diffuse ang responsibilidad - turuan na lamang nang turuan hanggang sa maging tuliro ang sinumang gustong papanagutin ang mga maysala sa ating lipunan. So yun nga, kailangang may pumatay kay gloria (at hindi lamang si gloria, kundi pati na rin nga ang mga kagaya niya i.e. mga trapo o traditional politicians) So ang problema ngayon ay kung "sino ang ating ipapalit." Ang mentalidad na ito ay isang napakababaw na pag-assess sa kinabukasan ng pagpapabagsak sa isang rehimen. E kung hindi na natin palitan? E kung gawin na lamang na mga autonomous regions ang bawat mga probinsya? E kung i-abolish na lamang ang kasalukuyang uri ng pamamahala? Gawin na lamang na pederalismo ang pamumuno, kung saan ang mga likas na yaman ng bawat rehiyon ay unang-unang babagsak sa hapag ng mga nangangailan nito sa mismong rehiyong iyon? Nasanay tayong mga Pilipino sa isang paternalistikong lipunan kung saan inaasa na lamang natin ang ating mga buhay sa ilalim ng isang makapangyarihang tao, dahil dito, nagtatagumpay ang burukrasya at estado sa

paghihiwalay at pagsupil sa atin, dahil dito ang itinatanong na lamang natin ay, "sino ang ating ipapalit" Masasabi na ang paternalistikong pananaw na ito ay nag-ugat sa pagpapasailalim sa ating mga Pilipino sa relihiyong Katolisismo. Ang Hudeo-Kristiyanong Tradisyong imported pa mula sa Espanya na pinalaganap ng mga prayle dito sa atin ay nagturo ng isang maalalahaning DIyos na omnipresente, omnisyente at higit sa lahat ay omnipotente. Isang kritisismong pangkasalukuyan sa konsepsyon ng Diyos sa Kristiyanismo ay na mas masahol pa ito sa isang estadong Totalitaryan. Sa isang Estadong Totalitaryan, kapag namatay ka na ay malaya ka na sa galamay ng estado. Wala nang mag-oobserba sa iyong mga gawain, wala nang magsasabi sa iyo na ang iyong ginagawa ay naaayon o hindi naaayon sa mga pag-uutos ng pangulo o ni "Big Brother." Ngunit sa Kristiyanismo, ang bawat kilos mo, ang iyong kalikasan bago ka pa man ipanganak, ang bilang ng mga buhok sa iyong ulo, ang eksaktong bilang ng cells sa iyong katawan, ang iyong kalikasan matapos ka mamatay, itong lahat ay napapasailalim sa pagmamatyag at obserbasyon ng isang Diyos - isang matandang lalaking Diyos na nakasuot ng puti. Kung sa lupa ay nariyan ang mga sundalo at mga pulis para patahimikin ang sinumang kalaban ng estado, sa langit ay mas malala - naririyan ang mga walang-awang anghel (taliwas sa pananaw ng karamihan na ang mga anghel ay mga cute na Europeong sanggol na may maliliit na pakpak na pagala-gala sa hangin upang panain ang mga inosenteng tao gamit ang kanilang palaso ng pag-ibig, ang anghel na inilalarawan as Matandang Tipan o Old Testament ay tila mga pambihirang nilalang na walang pinagkaiba sa isang halimaw) upang ipatupad ang Kanyang ninanais. Ngunit kung iisipin, di ba't Siya nga'y Omnipotente, so bakit pa niya kinakailangan ang mga anghel na ito? Bored lang ba siya? Trip lang? So yun nga, ang modelo natin ng isang pinuno ay nahulma mula sa pananaw natin ng Isang Makapangyarihang Diyos na namumuno mula sa kanyang gintong trono sa langit, konseptong imported pa from Spain. (kaya hindi nakapagtataka ang mga balita kung saan nakikipag-usap daw sa Diyos ang ating mga pangulo, at hindi na rin nakakagulat na ayon mismo sa mga pangulong ito, sila ay "ginusto ng Panginoon para

maging pinuno ng Pilipinas.") Ngunit maaari rin namang sabihin na hindi lahat ay nadadaan sa dahas, na pwede namang idaan sa maboteng usapan, na tayo ay mga rasyonal na mga nilalang na may mga sentido-komon at bukas ang isipan sa mga ideyang inihahapag sa ating harapan, kumbaga, we should take the "moral high ground." Ang pananaw na ito ay isang paghamak sa kakayahan ng dahas upang magbigay-catharsis o magbigay-linaw o ginhawa sa puot na ating nararamdaman. Ang pananaw na ito ay isang paghamak sa therapeautic na kakayahan ng dahas, ng abilidad nitong palayain tayo mula sa kulungan ng impotence, ng powerlessness o kawalang-kapangyarihan. Kung ang estado nga ay gumagamit ng dahas upang mapanatili ang kaniyang kapangyarihan, tayo pa kaya na mas mabigat ang dahilan? Ito ay sapagkat ang paggamit natin ng dahas ay upang lumaya, hindi ang pagpapanatili sa isang sistemang alam naman nating lahat na bulok na (i.e. gaya ng ginagawa ng mga militar at pulis) Related ito sa konsepto nating mga Pinoy ng hiya. Let's take a concrete example mula sa tunay na buhay: ginahasa ang nakababata mong kapatid ng anak ng mayor sa inyong probinsya, bilang panganay sa inyong magkakapatid ikaw ay may obligasyon na bawiin ang dangal ng iyong pinagsamantalahang kapatid, sapagkat ang hiya ng iyong kapatid ay hindi lamang sa kanya. At stake ay ang dangal ng buong pamilya, ng buong angkang Juan dela Cruz. Kaya isang araw habang nakikipag-inuman ang anak ng mayor ay lalapit ka mula sa likod at papaulanan ng bala ang walanghiyang spoiled brat na anak ng mayor na iyon. Of course, armado rin siya, ngunit huli na ang lahat sapagkat pataas pa lamang ang bote ng kumag para uminom ng cerveza ay nakapang-ulam na ito ng hot lead. Tapos armado rin ang kanyang mga kainuman, so sabi mo, pare, walang personalan, alam nyo naman kung paano nilapastangan ng hayop na ito ang aking kapatid. Kung kayo sa kalagayan ko pare, anong gagawin nyo, kung kayo ang may ... ngunit hindi pa tapos ang speech mo ay nagpaputok na ang iyong mga kalaban. Dalawampu silang lahat na pinatumba mo gamit lamang isang cuarenta y cinco,

ni hindi ka man lang tinuluan ng pawis. Tapos sabi mo, ayaw nyo kasing makinig, tangina nyong lahat. But seriously, kailangan lamang nating ilipat ang konseptong ito sa pangkalahatang kalagayan ng ating bansa. Gaya ng nakababatang kapatid na ginahasa, ang ating Pilipinas ngayon, ang Perlas ng Silanganan (Rizal: "Perla del mar de Oriente, Nuestro perdido Eden"), ay ginagahasa at nilalapastangan ng Gobyernong wala nang ginawa simula't sapul nang ito'y iluklok ng mga dayuhan dito sa ating mga nagdurusang Isla, kundi ang pagsilbihan ang interes ng mga nasa labas, ng mga nasa tuktok ng hirarkiyang panlipunan, pampulitika atbp. Ang mga minerales na nasa ilalim ng ating mga lupain ay kinakamkam at hinuhugot gaya ng paghugot sa isang fetus sa sinapupunan ng kanyang walang malay na ina, at iniluluwas sa ibang bansa upang doon ay mapakinabangan. Ang ating lakas paggawa, ang mga propesyonal nating mga manggagawa ay kinakailangang lumuwas tungo sa ibang bansa upang may maipakain lamang sa kanilang mga pamilya. Ang mga estudyante, mga lider-manggagawa, mga magsasaka, mga mamamahayag, ang lahat na komokontra sa gobyerno ay dinudukot ng militar, tinotorture at pinapatay, etc, etc, etc, etc. Shit, napakadepressing naman nito. Kaya nga tayong mga pinoy ay mahilig magpatawa. Ang pagtawa ay isang coping mechanism para maibsan ang bigat ng ating mga problema. Gaano man kahangal at kababaw ng patawa, tayo ay tumatawa. Paano pa ba maipapalawanag ang popularidad ng mga grotesqueries na ating napapanood sa telebisyon kada tanghali, kada gabi? Nariyan din ang popularidad ng mga pelikula ukol sa pag-ibig. Nariyan din ang mga fantaserye at mga samu't saring Koreanovelas, Chinovelas, Mexicanovelas, Japanovelas. Nariyan ang ating pagkahumaling sa mga bagong blockbuster na mga pelikulang isinusubo sa atin ng makinarya ng panaginip (factory of dreams), ang Hollywood. Kilala natin lahat ang mga sikat na Amerikanong celebrity, bukod pa sa pantheon ng mga artista dito sa ating bansa. Ang masasabi ko lamang, ang aking obserbasyon, ay na ang pag-ilag nating ito sa naghuhumindik na katotohanang nakakaharap natin sa lansangan kada araw ay nakakasuka, at balang araw, ito ang magiging dahilan ng pag-aakusa sa atin ng ating mga anak at magiging apo na

tayo ay wala nang inisip kundi takasan ang ating responsibilidad na mabigyang katarungan ang panghahalay sa ating Inang Bayan. Ang ating pagkagumon sa alak at sugal, sa mga DVD at samu't sari pang mga pansariling interes, ito ang krus kung saan tayo ay ipapako ng ating mga apo. Tayo ay sisisihin nila sapagkat hindi natin inisip ang kanilang kinabukasan, na tayo ay makasarili at wala nang ginawa kundi ang "humayo at magpakarami" at hindi na inisip ang kalidad ng buhay na ating maibibigay. Sapat na ba sa atin ang mabuhay na lamang? Mamuhay na parang daga? na parang hayop? kahit ano na basta mabuhay lang? Kung ganito kababaw ang ating layunin sa buhay, wala na tayong ipinagkaiba sa mga zombie na ating nakikita sa mga popular na pelikula mula sa Hollywood. Tayo ay mga zombie na anak lamang nang anak, parami nang parami, walang pakialam sa kondisyon, sa kalidad ng buhay, sapagkat kailangang mabuhay. Makikita ito sa pag-iinsist ng simbahang katoliko sa pagiging isang kasalanan ng paggamit ng condom at IUD, basta hindi raw 'natural' ito ay hindi gusto ni Lord at malaki ang posibilidad na ikaw, o butihing tapat at tunay na Katolikong Kristiyanong Pinoy ay ma-impyerno kung saan ikaw ay iba-barbecue ni Satanas panghabampanahon. Pero sa halimbawa na rin ng Kristiyanismo mismo ay hindi tiyak ang pagiging epektibo ng 'natural' na pamamaraan. Kung iisipin, hindi ba't ang pinaka-natural na kontrasepsyon ay ang abstinence, kung saan ang polisiyang sinusunod ay 'no sex at all'? Ngayon, paano nyo ipapaliwanag ang pagkakabuntis ni Maria? Kung ang itinataguyod ng simbahan ay ang pagiging sagrado ng buhay, hindi ba't ang pamumuhay na parang isang hayop, ang pag-iral (existence) na walang dignidad, ang pamamalimos, ay isang uri ng paglapastangan sa mismong konseptong ito? Noong una, gaya ng isang mabuting batang pinalaki sa isang pamilyang Katoliko, ako'y naniwala sa Diyos, matapos akong tumuntong ng haiskul ay unti-unting nawala ang paniniwala kong ito, hanggang ituring ko na ang aking sarili bilang isang ateista. Pagkagradweyt ko sa haiskul at sa paglawak ng aking pananaw, sa aking mga pagbabasa sa mga libro dito sa aklatan ng Unibersidad, napag-alaman ko ang kababawan ng ateismo. Mababaw ito sapagkat ito ay umiiral sa pagkontra lamang sa konsepto ng teismo

o ang katotohanan ng pag-iral ng Diyos. Naitanong ko, e ano ngayon kung walang Diyos? Ano ang kabuluhan ng kawalan ng Diyos? Kung ang existence niya lang naman pala ang problem ko, eh tapos na ang problema ko - iisipin ko lamang na walang scientific evidence na magpapatunay nito. Pero hindi ito ang ugat ng aking pagtalikod. At dito papasok ang konsepto ng Budhismo isang sistema ng pag-iisip (hindi ko ito tatawaging 'relihiyon' o 'pananampalataya' sapagkat mismong ang Buddha ay nagsabing "huwag maniwala nang agad-agad sa mga itinuturo sa iyo, kumbaga use your head", bagay na taliwas sa konsepto ng pananampalataya o relihiyon kung saan tatanggapin mo lang na katotohanan ang mga dogma nang walang tanong-tanong kumbaga "shut up and swallow this or else") kung saan walang konsepto ng isang all-powerful, all-knowing Diyos nang gaya sa Kristiyanismo. Maging ang Hindung (Indian, Bombay) konsepto ng 'atman' o 'soul' ay hindi na mahalaga sa sistema ng pag-iisip na ito. So astig di ba, isang sistema ng pag-iisip (hindi relihiyon) na itinatapon lamang na parang basura ang mga konseptong sentral sa Kristiyanismo gaya ng "God" at "soul." At bakit nga ba ako napaibig sa sistemang ito? Sa simpleng kadahilanang nasapul nito ang pinakamahalagang mga katanungan na dapat tanungin ng lahat ng tao habang siya'y nabubuhay, humihinga at umiibig - kung bakit nagdurusa ang tao, kung bakit may mga taong gahaman, kung bakit may mga taong walang-puso, paano maging mabait at maawain (compassionate) na tao. Iilan lamang ito sa mga katanungang binigyang sagot ng Buddha. Mahalagang alalahanin na maging ang Buddha mismo ay nagsabing huwag agad paniwalaan ang kanyang sinasabi, bagkus idaan muna ito sa isang masusing pagsusuri, sapagkat "walang ibang makakasalba sa iyo, kundi ang iyong sarili." May Diyos man o wala, ang katotohanang aking dinaranas ay na ang mga tao ay nagdurusa, tayo ay nagkakasakit, tumatanda, tayo ay naaaksidente, nahuhulog sa tuktok ng mga gusali, nahuhulog sa tuktok ng mga billboard, tayo ay dumaranas ng emosyonal at pisikal na mga kasakitan, may mga inosenteng (ngunit ayon sa Simbahan walang taong inosente: namana natin ang original sin nina Adan at Eba) tao ngayon habang binabasa mo ito na ginugulpi, may mga kababaihan habang binabasa mo ito na

ginagahasa o sinasaktan, may mga sanggol ngayon sa Aprika na namamatay sa gutom at sa sakit (AIDS), may mga tao ngayong binabasag ang bungo dahil siya ay isang komunista, ayon sa mga militar. Ang pag-iral ng, sa aking palagay, di-kinakailangang pagdurusa (sa orihinal na konseptong Budhismo, ito ay tinatawag na 'dukkha', so may linguistic relationship sa Tagalog at Sanskrit diba?) ay siyang pangunahing dahilan kung bakit kailangang ibalikwas ang tradisyunal na paniniwang Kristiyanismo, sapagkat isipin nyo nga, mahirap irreconcile ang ideyang mayroong isang mabait at makapangyarihang Diyos sa langit na kayang gawin lahat ngunit ni ang pagsagip sa buhay ng isang inosenteng bata ay hindi ginagawa, kailangan pa nga siyang dasalan at pagsindihan ng mga kandila, hindi ba't alam na nga niya ang lahat, bakit kailangan pa siyang hilingan? Gusto lang ba niya nang feeling na may sumasamba sa kanya? Na siya ay kinatatakutan at iniiyakan? Kung ganon ay ano ang kanyang ipinagkaiba sa mga walang pusong pulitiko na naghahari-harian sa Pilipinas sa kasalukuyan?

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful