P. 1
GI

GI

|Views: 354|Likes:
Published by Gigi Tuy-Calumpit

More info:

Published by: Gigi Tuy-Calumpit on Jan 24, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

02/19/2012

pdf

text

original

³Bagong USOK sa mga Kabataan´

Panimula Sa panahon ngayon, hindi maitatangging tunay na laganap na ang paninigarilyo sa Pilipinas. Kung inyong mapapansin, tila bawat sulok ng ating bansa ay pinupugaran ng mga nagbebenta at gumagamit ng sigarilyo. Mapaartista man o propesyunal, drayber o kahit ang mismong mga doktor at nars sa mga ospital ay kabilang sa populasyong ito. Kahit na ang mga mahihirap o tambay na ginagapang na lamang ang kanilang pang-arawaraw na kakainin ay maaaring malakas ding manigarilyo. Dahil dito, hindi na nakapagtataka pa kung tutularan ng abataan ang ganitong gawain. Ang paninigarilyo ng kabataan ay maituturing na isa sa mga nangungunang isyung patuloy na pinagtatalunan at sinusubukang maibsan. Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kabataang nalululong sa bisyong ito. Dagdag pa rito ang kaalamang dumarami at tila pabata pa nang pabata ang mga sumusubok manigarilyo. Patuloy ang ganitong paglaganap kahit na marami ng mga solusyon at batas ang isinasagawa at isinasakatuparan upang labanan o di kaya naman ay mabawasan ang paglaganap ng gawaing ito. Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay atensyon sa mga karanasan ng mga batang Pilipinong naninigarilyo. Kabilang na rito ang kanilang mga dahilan at pananaw ukol sa paninigarilyo pati na rin ang pagbabagong naidulot nito sa kanilang pamumuhay. Nakapaloob din dito ang ilang mga suhestyon sa pagtigil o pagbabawas ng paninigarilyo.

2003) y May mas malaking posibilidad na manigarilyo ang mga batang lalaki kaysa sa mga babae. 2003) y Isa sa walong estudyante na may edad na 13-15 ay nagsimulang manigarilyo bago ang edad na 10. Mga Kaugnay na Babasahin o Literatura A. 2003) y Ang mga batang may magulang na naninigarilyo ay may mataas na posibilidad na manigarilyo rin pagtanda. M. I. (Global Youth Tobacco Survey ng World Health Organization at Center for Disease Control and Prevention. 2002) Apat sa sampung estudyante na may edad na 13-15 ay nakapanigarilyo na. (CDC-MMWR. pagtatala ng mga karaniwang dahilan at salik na nakaaapekto sa desisyon ng kabataan na manigarilyo at mga karaniwang epekto ng paninigarilyo lalo na kung bata pa lamang ay nasimulan na ang ganitong bisyo. (CDC-MMWR. NEC.. 2005) . Kalagayan ng Paninigarilyo ng Kabataan sa Pilipinas Laganap na sa ating lipunan ngayon ang mga batang naninigarilyo. Nakalahad ditto ang ilang istadistika at impormasyon tungkol sa mga batang naninigarilyo sa Pilipinas: y 20% ng kabataang Pilipino ay nagsisimulang manigarilyo sa edad na 10 pababa. (CDC-MMWR. (Miguel-Baquilod. 2007) y y Halos 40% ng mga batang lalaki ay naninigarilyo. (FCAP) y 62% ng mga batang Pilipino ay pinagbebentahan ng sigarilyo sa mga tindahan. 2001) y Isa sa tatlo o 27% ng kabataang Pilipino ay naninigarilyo. (WHO. (CDC-MMWR.Layunin Nais makamit ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na layunin: paglalahad ng mga impormasyon tungkol sa kalagayan ng mga kabataang Pilipino kaugnay sa paninigarilyo. at pagbibigay ng ilang mga mungkahi at solusyon upang makatulong sa mga nais tumigil sa paninigarilyo.

S. at iba pang kamag-anak. ibaiba pa rin ang kani-kanilang mga dahilan. Ahluwalia. at W. Clark. Mga Salik at Dahilan ng Paninigarilyo ng Kabataang Pilipino Sa bawat batang naninigarilyo ay mayroong kwento sa likod nito. pampalipas oras (relaxation or to relieve stress) at ang availability at murang presyo ng sigarilyo. peer pressure. Ang mga sumusunod ay ang mga . ginagamit sa lason (Arsenic) hanggang sa mga kilalang kemikal na nakapagsisimula ng kanser. S. Mga Nilalaman ng Sigarilyo na Nakaaapekto sa Kalusugan ng Gumagamit Ang isang sigarilyo ay binubuo ng iba't ibang kemikal na ginagamit sa pang araw araw na buhay sa pormang insecticide (Nicotine). K. (Teen Tobacco Epidemic in Asia. sapagkat ang desisyong manigarilyo ay sadyang sabdyektibo. kahinaan ng loob sa pagharap sa mga problema. 2004) Sa mga susunod na bahagi ng pag-aaral na ito ay ipapakita ang ilang mga dahilan kung bakit mahirap tanggalin sa ating lipunan ang bisyong ito. kapatid. Pare-pareho man silang nagumpisang manigarilyo sa murang edad.y Ang mga bata na malapit sa kanilang mga magulang ay may mas mababang posibilidad na manigarilyo. 1998) Hindi nililimita sa mga nakalista sa itaas ang mga maaring dahilan o salik sa paninigarilyo ng kabataan. C. paninigarilyo ng magulang. (J. B. Ilan sa mga dahilan o salik na nakaaapekto sa kanilang desisyong manigarilyo ay ang mga sumusunod: Estado o kalagayan sa buhay. Resnicow. kakulangan ng patnubay ng magulang sa paglaki.

y Nicotine Ito ay isang insecticide at herbicide na nakalalason sa nervous system ng isang tao.co.uk). sa ating katawan. isang neurotransmitter na may kaugnayan sa sensation ng sarap at saya. pagkagutom at pagbaba ng konsentrasyon.pangunahing nakasisira sa kalusugan ng sino mang naninigarilyo: (www. Kahit na kaunting nicotine lang ang pumapasok sa loob ng katawan.50plushealth. at lubos na kalungkutan sa tuwing sinusubukan nilang ihinto ito. Ito ang pangunahing adiksyon sa nakadudulot ng naninigarilyo. ng ng Ang taong ay makalalanghap makakaramdam nicotine pagkairita. Ang nicotine na may mahinang konsentrasyon ay isang stimulant na nakapagpapahusay ng kaisipan. pagkagalit. konsentrasyon at memorya ng isang tao (helpwithsmoking. Pinaparalisa nito ang mga muscles of respiration o paghinga kapag ito ay kinonsumo nang higit sa kaya ng ating katawan. Ito ay isang droga na nakapagpapataas ng bahagdan ng dami ng Dopamine. Ang mga taong naadik dito ay nakararanas ng mga tinatawag na withdrawal symptoms tulad ng pagkahilo.com). Ito ang dahilan kung kaya nakadarama ng sensation ng pagka-relax ang mga gumagamit nito. Ang nicotine din ay nakakapagpahina ng gana kumain kaya naman ang mga kababaihan na gumagamit nito ay nahihirapan tumigil sapagkat sila'y nangangamba na bigla silang tataba sa paghinto nila nito. may kakayahan pa rin ito na gawing nicotine dependent ang sinumang gumamit kaya naman napakahirap para sa kanila ang huminto sa paninigarilyo. .

Dahil dito. Ngunit. Ito rin ay nagdudulot ng pagsikip ng mga daluyan ng dugo na dahilan ng mga komplikasyon sa puso. naninigarilyo man o hindi ay magkakaroon ng malaking posibilidad na magkaroon ng kanser sa baga. Sinasabing umaabot sa 4000 ang mga irritants sa isang sigarilyo at lahat ng iyon ay nalalanghap. bakit nga ba patuloy pa rin ang paglaganap nito hanggang sa kasalukuyan? Isa sa pinakamahalagang dahilan ay ang tinatatawag na peer pressure kung saan naiimpluwensyahang manigarilyo ang isang bata ng kanyang mga kaibigan dahilan sa kagustuhang makisama sa mga ito (helpwithsmoking.com). y Carbon Monoxide Pinapalitan nito ang oxygen sa katawan na makasasama sa kalusugan ng tao. ngunit sa katunayan ay nagdudulot ito . Karamihan sa mga kemikal ng sigarilyo ay tinatawag na irritants. hindi lamang ng gumagamit kundi pati na rin ang mga tao sa kanyang paligid. Sinisira nito ang mga sinasabing cilia o filter ng ating respiratory system hanggang sa puntong hindi na maaaring linisin ang anumang hangin na pumapasok dito. Kapag sumobra ang exposure sa kemikal na ito. makararanas ang gumagamit ng matinding pag-ubo.y Tar Ito ay isa sa mga nagdudulot ng kanser sa mga naninigarilyo. Mga Epekto ng Paninigarilyo Alam nating maraming masasamang epekto ang paninigarilyo sa ating populasyon. kahirapan sa paghinga. mauubusan ang supply ng oxygen sa buong katawan na magdudulot ng pagkahina ng mga ugat at tissue na kapag hindi nabigyan ng sapat na hangin ay mamamatay hanggang ang indibidwal ay mamamatay rin. hanggang sa pagkasira ng baga. D. 95% ng insidente ng lung cancer ay nag-uugat sa pagkalanghap ng tar. Ang ilan naman ay nagsasabi na ito ay nakapagbibigay ng relaxing sensation.

Ito rin ay maaaring makasira sa itsura ng isang tao tulad ng paninilaw ng labi at mga daliri pati na rin ang pagkasira ng ngipin. atbp. Ang mga taong naadik dito.ph). Ang ilang nabanggit na mga psychological na epekto ng paninigarilyo ay hindi nangyayari sa lahat sapagkat nasa isip lang ito ng gumagamit. at pagbaho ng katawan (Clarke. ay maaaring magkaroon ng dagdag na gastos na siya namang magdudulot ng dagdag na kahirapan (Mahonev. . Siyam sa bawat sampung naninigarilyo ay may kaalaman sa mga bantang ito subalit patuloy pa rin silang naninigarilyo (Pazzibugan.prolife. Bagamat sinasabi ng ilan na nakakatulong ito sa kanila.ph).com). 1986). kaakibat naman nito ang mga pinsalang matatamo sa paggamit nito at hindi ito matutumbasan ng mga nabanggit na mabuting epekto. Nasisira din ang reputasyon ng mga gumagamit nito sapagkat ang kultura natin ay mayroong negatibong pananaw sa mga naninigarilyo (www. Maaari rin itong magresulta sa abnormal na panganganak sa mga naninigarilyong kababaihan (www. pakikipagkwentuhan. lalo na ang mga mahihirap. Ang patuloy na paninigarilyo ay maaaring magdulot ng adiksyon.prolife. Ilan sa mga sakit na maaaring makuha sa paninigarilyo ay ang kanser sa baga at ilang mga komplikasyon sa puso. nagsasabi na ang paninigarilyo ay Ang ilan naman ay mag-isip. 2003). ngunit ito ay maituturing lamang na sekondaryang epekto.ng ganitong pakiramdam dahil may iba pang ginagawa ang tao na nakapagpapa-relax habang naninigarilyo tulad ng pag-upo.org. 2008). (helpwithsmoking. Ito ay nakatutulong nakapagbibigay ng bagay (ang sigarilyo) para pagtuunan ng ating kumpletong atensyon at samakatuwid nakakatulong sa ating konsentrasyon (Dichter 1947). Ang pinakakilalang epekto ng paninigarilyo sa katawan ng tao ay ang pagiging mas vulnerable sa sakit (Martin.org. kung saan sa patuloy na paggamit ng sigarilyo ay unti-unti silang sumasalalay dito (Salazar. 2007). 2008).

Dahil dito. Halimbawa. Hindi kailangang magkaroon ng ganitong uri ng bisyo para lang maging in o maging cool. Laging tatandaan na timbangin ang masama at mabuti sa bawat desisyon na gagawin. imungkahi sa restawran na magsadya ng mas malaking espasyo para sa non-smoking area kaysa sa mga smoking areas..L.F. S. kung ayaw ninyo silang manigarilyo. at turuan ang mga anak na manindigan sa mga prinsipyo lalo na kapag nariyan na ang salik na peer pressure. magreklamo sa mga kompanya ng tobacco na ang kanilang mga advertisements ay hindi kaaya-ayang makita ng mga batang nasa murang edad. siguraduhing kayo mismo ay hindi naninigarilyo. napakaimportanteng magsilbing mabuting modelo ang mga magulang at patnubayan ang mga anak habang sila ay lumalaki. Paano Mababawasan ang Paninigarilyo ng Kabataang Pilipino? 1. maging vocal sa pagsulong ng isang smoke-free environment. sa bahay.T..M.C. siguraduhing walang mga sigarilyo at ashtrays.L. turuan at ipaalam sa anak ang mga hindi mabuting epekto ng paninigarilyo tulad ng mga sakit na maidudulot nito. Paano Pipigilin? Ang mga magulang ay may pinakamalaking impluwensya sa kanilang mga anak. partikular sa mga gawain ng kanilang mga magulang. Ang mga bata ay natututo sa panggagaya sa kanilang mga nakikita.P. na tungkol sa ilan sa mga maaaring gawin ng mga magulang upang maiwasan na matutong manigarilyo ang kani-kanilang anak: maging isang mabuting modelo sa anak. Ang mga sumusunod ay mga pahayag ni Scott. sa tuwing kayo ay kakain sa labas. mga masasayang na pera at ang kasamaang dulot nito sa kalikasan.E. .

Isipin pa rin natin na ang naninigarilyo ay tao pa rin at may damdamin. lantarang ipahayag ang pagkagusto at ang nararamdamang tuwa dahil ikaw na ngayon ay tobacco-free. manindigan na tumanggi rito. sabihan ang kaibigan na gawin niya kung ano ang tingin niyang pinakamakabubuti para sa kanya. mag-alok sa kaibigan ng ilang mga maaring gawin katulad ng sports upang mapalitan nito ang paninigarilyo. makonsensya man ang kaibigang naninigarilyo. . huwag isiping iisa ang paninigarilyo at ang nagsisigarilyo. at magtala ng datos kung ilang beses mo naramdaman sa isang araw na kagustuhang manigarilyo. Para sa mga kaibigan na nais tulungan ang kaibigan tumigil sa paninigarilyo Si Ferguson (1996) ay nagbigay ng ilang mga paraan: huwag pagalitan o pagbantaan ang kaibigan. purihin ang kaibigan sa bawat pagtanggi o pagpigil sa sariling manigarilyo. kapag inalok ka ng sigarilyo. 3. uminom ng walong baso ng tubig. Paano tigilan ang paninigarilyo? Si Proctor (1996) ay nagbigay ng ilang mga paraan upang matigil ang paninigarilyo: panindigan ang desisyong pagtigil sa paninigarilyo. Ito ay nagtutulak pa sa kanya sa paninigarilyo. gugustuhin niya pa ring humithit ng sigarilyo para hindi na makonsensya pa. kumain ng masusustansyang pagkain at magehersisyo. huwag pagsabihan ang kaibigan kung ano ang dapat nilang gawin. tanungin ang sarili kung ang paninigarilyo ba ay nakatutulong sa mga responsibilidad mo sa buhay. Maghanap ng mga taong susuporta sa iyo (mga kaibigan at pamilya). pangalagaan ang pangangatawan: sikaping matulog ng walong oras. Sa ganitong paraan. Subukang lumagay sa kinaroroonan ng kaibigang naninigarilyo upang maintindihan kung ano ang kanyang nararamdaman.2.

Ayon kay Alhuwalia et al. Ang unang nagbahagi ng kanyang karanasan sa paninigarilyo ay isang estudyante sa ikaapat na taon sa isang pampublikong hayskul.. isa sa mga pangunahing dahilan ay ang impluwensya ng mga kapamilya lalo na ang mga magulang.´ . Ayon pa nga sa isang istadistika ng FCAP. ay kanilang dahilan paninigarilyo magkakaugnay sa isa¶t isa. Paglalahad ng Sariling Pag-aaral Sa pangangalap ng mga datos. sagot niya. na Habang ang kinakapanayam mga ang sa mga respondente. alam ng kanyang ama na siya ay naninigarilyo. ang mga batang may magulang na naninigarilyo ay may mataas na posibilidad na manigarilyo rin pagtanda. ³Siguro indirectly influenced.II.. ³« pag free time mo lang gawin. ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng panayam sa apat na respondente. Ang ikatlo ay isang 17 taong gulang na estudyante ng nursing. Tawagin na lamang natin siyang ³Juan´. Ilihim na lamang natin ang kanyang katauhan sa pangalang ³Donald´. Ihiningi niya rin ng permiso ang kanyang paninigarilyo sa kanyang magulang bago siya sumubok nito. Gumamit ang mga mananaliksik ng isang audio recorder upang mabalikan ang mga panayam sa panahon ng kanilang pagsulat. kasi nakikita ko siya noong bata ako.. Ang huling nakapanayam ay isang limampu¶t isang taong gulang na construction manager na nagsimulang manigarilyo noong siya ay labing tatlong taong gulang pa lamang. kaya noong alukin ako ng mga friends ko. nabanggit niya na ang kanyang ina at mga kapatid ay naninigarilyo. Itago na lamang natin siya sa alyas na ³Bobby´. Itago na lamang natin siya sa pangalang mapapansin ³Ace´. hindi na ako nag-hesitate.´ Dagdag pa rito ang karanasan din ni Bobby na ang kanyang nakatatandang kapatid naman ay naninigarilyo rin kahit na may asthma pa siya. Sa aming panayam kay Ace. ngunit sabi lamang sa kanya. Ang ikalawa naman ay isang kapus-palad na pagala-gala sa Quiapo at Sampaloc. Sa kaso naman ni Juan. Nang tanungin kung naging impluwensya ba ang kanyang ina.

Isa na rito ang kanilang mga kaibigan o peers. marami pa rin silang makikilalang maaring makaimpluwensya sa kanilang mga desisyon. naninigarilyo man o hindi. Isa rin sa kanyang mga suhestiyon ay turuan at ipaalam sa anak ang mga hindi mabuting epekto ng paninigarilyo tulad ng mga sakit na maidudulot nito. Bobby at Juan. Dagdag pa rito ang nabubuong pananaw sa kanilang isipan na tila karaniwan ang bisyong paninigarilyo. Kahit na maraming magulang. ang mga kaibigan niya ang nagturo sa kanya manigarilyo. kung ayaw ninyo silang manigarilyo. ay naniniwalang may masamang epekto ang paninigarilyo. Samantalang kapag may pagdiriwang naman. Iilan lamang ito sa mga maaring gawin ng mga magulang upang mapatigil o iwasan ang pagsimula ng paninigarilyo ng kanilang mga anak. Maaaring dahilan nito ay ang close family ties o malapit na samahan ng pamilyang Pilipino na bahagi na ng ating kultura. Ganoon din naman ang nangyari sa . siguraduhing kayo mismo ay hindi naninigarilyo. ayon sa kanya.´ Sa kaso naman ni Juan. Subalit kahit maayos man ang pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak. hindi lahat ay pagbabawalan ang kanilang mga anak na manigarilyo tulad sa sitwasyon nina Ace. Dahil dito. ³Minsan tatlong tao kami. hindi malayong mangyari na gayahin ng mga anak ang kanilang mga magulang o kapatid na naninigarilyo. mga masasayang na pera at kasamaan na dulot sa kalikasan. si Ace ay natutong manigarilyo dahil sa impluwensya ng kanyang mga kaibigan sa seminaryo. Halos lahat sa kanyang mga kaklase ay nagsimulang manigarilyo noong sila ay nasa ikalawang taon pa lamang ng hayskul. Tulad ng inilathala ni Scott. ang mga magulang ay dapat maging isang mabuting modelo sa anak. Tulad ng nabanggit ni Bobby sa aming panayam. nakaakaubos kami ng tatlong pack. mas madalas siyang manigarilyo kapag nakakasama niya ang kanyang mga kaibigan ngunit kapag weekends daw ay mas kaunti ang kanyang nakokonsumong sigarilyo. lalo na sa mga Pilipino. Tulad din ni Juan.Ito ang mga patunay na ang pamilya ay ang pangunahing impluwensya sa mga kabataan.

mag-alok sa kaibigan ng ilang mga maaring gawin katulad ng sports upang mapalitan nito ang paninigarilyo. Nakwento pa nga niya na ³Una. Si Donald naman ay. Dagdag pa sa inilathala ni Alhuwalia et al.. ³Pampalipas lang po ng problema´ at dagdag pa rito ay nang tinanong ay kung ano ang mga problemang iyon ³pamilya ko po. at. Kaya dapat ay piliin nang mabuti ang mga kaibigan at kung maaari ay ikaw ang mangimpluwensya ng kabutihan sa kanila. kadalasang ginugulpi ng kanyang tatay atstepmother.kaso ni Donald. Sa pag usad ng pakikipanayam ay nalaman namin na hiwalay ang kanyang magulang at paminsan minsan niya lamang nakikita ang kanyang tatay samantalang hindi na niya nakikita ang kanyang nanay. ayon sa kanya. Natuto siyang manigarilyo sa pang-uudyok ng kanyang mga nakasamang kapus-palad. na mga salik o dahilan sa paninigarilyo ay ang kahinaan ng loob sa gitna ng problema. purihin ang kaibigan sa bawat pagtanggi o pagpigil sa sariling manigarilyo. Aniya. lunukin ko µyung usok kaso umubo-ubo ako.. huwag pagsabihan ang kaibigan kung ano ang dapat nilang gawin. .I.nagkakagulo´. maaari tayong makatulong sa kaibigang naninigarilyo upang sila ay mapatigil sa ganitong bisyo. bilang mga kaibigan. sabi sa akin. Nangunguna na rito ang problema sa pamilya.´ Dito mapatutunayan na hindi lahat ng mga kaibigan ay magtuturo sa atin ng kabutihan tulad ng mga binansagang bad influence o B. Inilahad niya ang ilang paraan tulad ng mga sumusunod: subukang lumagay sa kinaroroonan ng kaibigang naninigarilyo upang maintindihan kung ano ang kanyang nararamdaman. sabihan ang kaibigan na gawin niya kung ano ang tingin niyang pinakamakabubuti para sa kanya. Nang tinanong namin si Juan kung bakit siya nagsimulang manigarilyo ay sabi niya. Ayon nga kay Ferguson (1996).

tatay ko po. sa paninigarilyo ay nawawala ang kanyang problema sa kadahilanang nakapopokus siya sa lasa ng sigarilyo. sinisisi po ako sa pagkamatay ng nanay ko´. Sa kasong ito. 1947).. Ito ay maihahantulad sa dahilan ni Juan manigarilyo kung saan ang sigarilyo ay nagiging isang bagay na ginagamit upang maiba ang pinagtutuunan niya ng pansin (Dichter. Isa ito sa epekto ng paninigarilyo kung saan nagsisilbi ang sigarilyo bilang bagay na mapagtutuunan ng pansin para mawala sa kasalukuyan ang mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan (Dichter.. sa paglutas ng problema sapagkat sa pagamit nito ay mas lalo pa nilang daragdagan ang problema kapag sila¶y nagkasakit. Sabi pa niya ay hindi siya inaasikaso ng kanyang madrasta. sa kanyang paninigarilyo ay naaaliw siya sa apoy at nakakawala ng kaba at antok. masyado nila ako inaalila. Sabihin sa kanila na hindi solusyon ang pagbibisyo. Patnubayan sila lalo na¶t sila¶y mga bata pa lamang. kanyang sinabi. ay hinanap siya ng kanyang tatay upang parusahan. Mahalin ng mga magulang ang mga anak kahit na ano pa man sila. tulad ng paninigarilyo. Ayon kay Juan. Nang lumayas. 1947). ³Feel na feel ko manigarilyo pagkatapos kong kumain´. ³Hinahanap lang po nila ako para bugbugin´ ang kanyang nabanggit. ay itinuturing na niya raw itong dessert. nababaling sa apoy ang kanyang pansin kaysa sa problema o ibang . Ayon naman kay Bobby. Sabi naman ni Donald. ay sa paggamit ng sigarilyo ay nakapagdudulot ito ng sinasabing relaxing effect na minsan ay kahalintulad sa addicting effect.³ Father ko at stepmother ko po.com). Isa naman ito sa epekto ng nicotine kung saan nakakapagpawala ito ng busog o gana pagkatapos kumain kaya naman ginagawa itong bagay na pangpawala ng umay (helpwithsmoking. Isa pa sa mga salik na nabanggit ni Alhuwalia et al. Kausapin sila at turuan ng mga mabubuting asal ng sa gayon ay mawala ang posibilidad na sila¶y maglayas.

ikalawa. . Tulad na lamang ng nabanggit ni Ace.. yung pakikitungo mo sa kapwa mo. masasaksihan sa panahon ngayon na dumarami at pabata nang pabata ang mga kabataang nagsisimulang manigarilyo.´ Sabi naman ni Bobby paminsan minsan ay pansamantala rin naman siyang humihinto sa paninigarilyo. maayos yung mga anak mo. maaaring magkaiba lamang sila sa paraan nang pagtanggap dito. I am ready to face the consequences of [smoking]. iisa lamang ang kanilang kahihinatnan. kahit sabdyektib ang desisyong manigarilyo. Kaya naman nawawala ang kaba ni Bobby ay dahil ang sigarilyo ay isang kilalang stimulant na nakakapagpagising sa utak (helpwithsmoking. iba-iba man ang mga dahilan ng mga naninigarilyo. napagtanto ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: una. kaibigan. Karamihan sa kanila ay hindi naaalarma sa mga masasamang epekto ng bisyong ito. A. ³Ang importante maayos yung buhay mo. lalo na kapag sumasama ang kanyang pakiramdam. ikatlo. nakapagtataka kung bakit hirap pa rin tumigil ang mga nainigarilyo. Handa rin siya sa mga maaaring mangyari sa kanya sa hinaharap. Kongklusyon Sa pagtatapos ng papel na ito. mayroon pa ring mga dahilang magkakapareho tulad ng pamilya.. problema at paniniwala sa buhay na nakapag-uudyok na magsimulang manigarilyo. Hindi rin naman niya ninanais mabuhay nang matagal at umabot pa sa punto na siya ay aalagaan pa ng iba. Halos lahat ng mga epekto nito ay nararamdaman ng naninigarilyo. III. Sa kaso naman ni Donald ay sinusubukan niya ring bawasan ang kanyang paninigarilyo dahil hindi na rin maganda ang kanyang pakiramdam ngunit nahihirapan siyang tuluyang tanggalin ang paninigarilyo sa kanyang sistema.com) Sa mga dahilang inilahad.gawain. just as I am ready to be taken by God. sapagkat pare-pareho lamang ang nilalaman ng sigarilyo.

B. Para sa kaso ni Juan. panindigan niya ito. iminumungkahi naming disiplinahin niya ang kanyang sarili. Sa halip. na pagbaling ng kanyang oras sa paglalaro imbis na manigarilyo. dapat pagtuunan ng pansin ang mga sumusunod: una. Maging mabuting modelo sa mga anak. Lalo na sa kalagayan ng kanyang buhay na isang kahig isang tuka. Ikalawa. Rekomendasyon Upang malutasan ang lumalalang isyu ng paninigarilyo sa mga kabataan. ibang mga tao at ang kapaligiran. Napagtanto namin na nakabubuti ang ginagawa ni Donald. Ikatlo. Hindi makatutulong ang paninigarilyo sa paglutas ng mga ito. Hindi maitatama ang mali ng isa pang pagkakamali. mahalin at pahalagahan ang sarili. Dapat nating tandaan na ang ating pamilya ay laging nariyan para sa atin at handang tumulong sa paglutas ng ating problema. iminumungkahi ng mga manunulat na pagtibayin ang patnubay ng mga magulang sa kanilang mga anak lalo na habang sila ay bata pa lamang. makadudulot pa ito ng ibang problema sa hinaharap. . dapat pa nga ay ikaw ang isa sa mga unang magpapatigil sa iyong kaibigan imbis na sabayan mo pa siya sa bisyong ito. payo ng mga manunulat na harapin niya ang kanyang mga problema. maging mabuting impluwensya sa mga kaibigan. Unahin ang pangunahing pangangailangan bago ang kanyang bisyo. hindi sila tunay at mabubuting kaibigan. Ang pagiging mabuting kaibigan ay nangangahulugang hindi mo hahayaang ituloy ng iyong kaibigan ang kanyang ginagawang hindi maganda. Hindi kailangang makibagay sa gawain ng mga kaibigan para siya ay tanggapin nila. huwag hayaang sa mga magulang mismo mapulot ng mga anak ang mga hindi magagandang gawain. Ipinapayo kay Bobby na maging totoo sa sarili. Kung ganito ang sitwasyon. kung gusto niya talagang tumigil. Isipin nang mabuti kung makasasama ba o makabubuti sa iyo at sa iba ang paninigarilyo.

. bakit hindi na lamang niya alagaan ang sarili upang mapagpatuloy pa niya ang pagsasabuhay at pagbabahagi ng ganitong paniniwala.Dahil nabanggit ni Ace na ang mahalaga naman ay ang pakikipagkapwa at pag-aalaga sa pamilya.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->