John N.

Abletis MA Sociology Student 2009-79293

Prof. Laura L. Samson Popular Culture (Socio 243) UPD-CSSP-Dep¶t. of Sociology January 26, 2011

Sa TV5
Sa mga unang araw ng klase sa Pop Culture, nabanggit ng aming guro na kailangan naming bumisita sa Showtime o Willing-Willie para obserbahan ang mga gawi at kilos ng mga taong nanunood sa mga nasabing palabas. Mukha ngang magiging enteresante ang gagawin, sabi ko sa sarili ko, dahil makikita ko ng live ang mga hinahangaan kong artista. Nagtanung-tanong ako sa mga kakilala kung papano pumunta sa mga nasabing palabas. Ang sabi ng ilan reservation daw, ang sabi naman ng iba basta pumunta nalang ako. Naging busy na ang mga sumunod kong araw, bunga ng accreditation sa PUP na kung hindi namin mapapasahan ay tatanggalin ang departamento namin (Sociology), sa pagbabasa at pagpreprepare ng report kay Sir Randy (Elementary Forms of the Religious Life, hindi ko akalaing ganun pala kakapal ang ³the best book´ ni Durkheim), at sa sangkatutak na reading materials sa Political Socio na bawat linggo ay required kang gumawa ng comment at tanong (kahit wala ka nang maitanong). Sa mga panahon ding ito nagsimula akong magsisi kung bakit pa kasi ako kumuha ng nine units. Dumaan ang pasko at bagong taon na hindi ako nakapunta sa ABSCBN o sa TV5, hanggang sumapit na nga ang linggo kung kailan required na talaga akong bumisita. Buti nalang at bago sumapit ang linggong yun ay sinabi sa amin na kahit sa audience holding area nalang kami makapunta. Una kong binisita ang ABS noong Sabado pagkatapos kong umattend ng isang seminar ng NYC at Rotary Club para sa mga Koreano. Nagtanong ako sa gwardiya kung papaano manood sa Showtime, Audience Entrance ng ABS-CBN sinabi nya sa akin na may mga nakareserved na para manood, subukan ko raw na pumila ng magaalaskwatro ng umaga next week para kung sakaling kulang ang audience ay baka papasukin pa ako, swertihan lang daw. Bumalik ako noong sumunod na Lunes para magbakasakali, pero hindi ko naabutan, alasais y media na ako nakarating, akala ko walang pila yun pala nakapasok na ang unang singkwenta kataong matyagang gumising ng maaga, at mga performer nalang ang naabutan kong pumapasok sa audience entrance. Sayang! Malaking panghihinayang ko. Sa audience antrance may mga railing, pangkontrol sa mga tao para pumila, at may mga masusungit na gwardiya para sa mga makukulit na tagahanga na nagpupumilit pumasok. Marahil, natuto nalang silang magmasungit para makatagal sa trabaho. Natawa rin ako sa nakita ko, pano ba naman kasi, kaharap ng audience entrance ng ABS ay isang napakalaking tarpulin ni Willie at ni Shallani na nagpropromote ng early night show na Willing-Willie sa TV5, tila nagmamayabang na oh, eto ang alaga nyo Tarpulin ng Willing-Willie sa harapang dati, akala nyo babagsak ako, haha. Doon ipinapatayo ng Audience Entrance ng ABS-CBN ang isang tower-condominium na pagmamay-ari ni 1

Willie. Noong huli kong bisita sa lugar (May, 2009), maraming nakatambay para magmasid kung sisilipin ba sila ni Willie, maraming nasa gilid at nagaabang na makapasok kahit alam nilang hindi na pwede dahil puno na sa loob, maraming nagbebenta ng mga pakete ng Vaseline at iba pang mga produkto na kailangan para maging studio contestant, maraming nagbebenta ng mani, chichiria, mga kakanin at mineral water, buhay na buhay ang lugar, kahit may mga nagrarally tungkol sa pasweldo at benepisyo ng ABS sa mga kawani nito (harap ng parking lot ng ABS malapit sa communication tower na siguradong makikita ng sino mang pupunta at magaaudience kung manggagaling sa Quezon Ave; nagbabarikada pa rin sila hanggang ngayon). Iba na ngayon. Pagkatapos ng pasukan ng mga napiling audience, marami nang umaalis para magbakasakali nalang kinabukasan o sa ibang araw. Ang dapat sana¶y isang malaking studio at commercial complex kung saan magtatanghal ang Wowowee ay ikinonvert na para maging condominium (kasalukuyang itinatayo sa tapat ng audience entrance). Ang dating masigla na audience entrance ay naging ghost town na. May mga mangilan-ngilan akong nakita na nakatambay, nagbabakasakali rin na makapasok. Isa na rito si Aling Lita, tiga Valenzuela, avid fan sya ni Vhong Navarro, nasa edad kwarenta, walang anak, at walang trabaho. Nang tinanong ko kung bakit nya gustong manood ng showtime, sinabi nya na gusto nyang ma-aliw; at pumupunta lamang sya sa estasyon kapag wala syang magawa (kapag ³free time´ raw nya). Pumupunta rin sya sa Eat Bulaga at sa iba pang shows ng GMA para manood, ganun din sa Willing-Willie; sya nga ang nagsabi sa akin na meroon ding scheduling sa TV5, mga stub kung kailan ka manunood. Kwenento rin nya na noong umiere pa ang Wowowee ay madalas din syang nasa tapat ng audience entrance at nagbabakasakaling makapanood. Ilang beses na rin daw syang nakapasok sa nasabing palabas. Nang tinanong ko kung sumasali ba sya sa mga games ng Wowowee, sinabi nyang hindi, nakakahiya raw. Dahil sa wala kaming magawa ay isinama nya ako sa loob ng ABS para manood ng Set ng Umagang Kay Ganda Umagang Kay Ganda. Nagdaan kami sa main entrance ng Channel 2, sa ELJ Tower. Habang papunta ng studio ay nadaanan ko ang isang bangko (BPI ata) at ilan pang mga saradong boutique, may Ministop, at may iba¶t-iba pang mga tindahan sa loob. Wow! Minamaximize nga ng ABS ang space para kumita. Naalala ko rin pala, noong huli kong pasok sa tower na ito (November, 2010) may Fitness First at Call Center ito sa loob. Balik tayo sa pagauaudience. Hanggang Reservation area ng ABS-CBN labas lang kami ng studio, hindi pwedeng pumasok dahil may mga nauna nang mga estudyante, inimbitahan sila, gayon pa man ay malapit kami sa set ng mga panindang iniendorse ng programa. Itinuro nya ako sa isang reservation area kung saan magbabayad ka ng P 150 per head para sa mga studio tours, napagisip-isip ko na aba, pinagkakakitaan na pala ngayon ng mismong management ang paghanga ng mga fans na gustong makapanood ng personal, direktang paghuthot ng pera (exploytasyon) hindi katulad ng mga commercials at iba pang adverstisment sa kalsada na indirect ang panghahalina para sa kita: at nagpauto naman ang mga tao, para mapagbigyan ang kagustuhang makapanood ng personal sa mismong set sa Channel 2. Nagtagal 2

pa ako sa lugar hanggang alasyete y media para magobserba. Napansin kong pinaghahandaan nga ng mga staff sa likod ng camera ang bawat set, pero hindi sila recognized kapag gumugulong na ang film ng camera, bawal silang makita, mga artista lang at tv news anchor ang pwede. Nagpaalam ako kay Aling Lita at nagsabing susubukan ko kinabukasan na makapunta ng alastres ng madaling araw. Habang naglalakad papuntang sakayan sa Quezon Ave at ngumangata ng chichiria na binili sa Hi-Top Supermarket, naalala ko yung karanasan naming magkakaklase noong inimbitahan kami (Star Section ng Batasan Hills National HS) ng ABC5 (ngayon ay TV5) na manood ng Diretchahan (ngayon ay Face to Face) ni Amy Perez noong 2005. Ang inaakala ko kasing isang lively na debatihan at sagutan ng mga participants, audience, at ni Amy ay scripted pala, pero meron ding element ng contingency depende sa kung papaano dadalhin ni Amy ang talakayan. Gayu pa man, sa likod nito, kinontrata na kami na kailangang ³ito´ ³ito´ at ³ito´ ang mga dapat na lumabas na tanong habang nagtetaping, at ang mga kaklase kong nagtanong ay binigyan ng pera. Pinameryenda rin kami, gaya ng sa mga estudyante sa Umagang Kay Ganda noong pagdalaw ko noong lunes. Hindi ako nagising ng maaga. Kaya ang sumunod kong pinuntahan ay ang TV5. Matatagpuan sa Novaliches, Quezon City, malapit sa SM City Novaliches. Pagbaba ko ng jeep, sumambulat sa akin ang marami-raming tao na naghihintay na makapasok sa set ng WillingWillie. Tinanong ko si Mang Orario, isa sa mga ³Yellow Boys´ (Taffic Enforcer ng QC) na nadatnan ko, kung parati bang ganon sa lugar. Sabi nya ³Oo´, na nagsimulang magkaganon sa lugar noong umere ang Willing-Willie sa TV5. Nang nagpakilala akong tiga UP na magoobserve ng lugar at magiinterview para sa assignment, sinabi nila sa akin na dapat sana ay kahapon pa ako nagpunta para nakita ko kung gaano kagulo sa harapan ng estasyon. Nagkaroon ng maliit na kaso ng stampede (kung ihahalintulad sa nangyari TV5 Station sa Ultra sa Pasig noong February 4, 2006) dahil nagagawan ang mga tao ng mga stubs para magpaschedule. Maraming nahimatay sa initan at sa kapal ng tao, maraming ambulansya na rumisponde, nagkabuhol-buhol ang traffic sa parteng yon ng Quirino Ave., maraming pulis na nagdesperse sa crowd at mga traffic enforcers na nagsumikap ayusin ang trapiko. Tansya ni Mang Heron (isang BSPO), mga limang libo ang nasa harapan ng TV5 noong lunes, na nagsimulang kumapal mga alasais palang ng umaga. Bagamat wala na ang mga ito noong bumisita ako sa lugar, siguro¶y mga kulangkulang isang daang katao nalang (sinabi kasi ni Willie sa programa nya na walang pila para sa araw ng Martes), kapansin pasin pa rin ang bilang nga mga Yellow Boys at mga BSPO (mga tanod) sa lugar, nagmamatyag sa ano mang kaguluhan na pwedeng Mga fans ni Willie sa tabi ng TV5 sumiklab kung magkagulo man ang mga tagahanga. Tinanong ko kina Mang Heron at Mang Orario kung may mga kaso ba ng nakawan sa lugar, sinabi nila na wala naman. Dahil sa parating nakaassign sa lugar, kwenento rin nila sa akin na tuwing gabi maraming mga tao ang natutulog sa tabi ng kalsada para mag-abang ng biyaya, 3

karamihan pa nga ay mga tiga probinsya na walang pamasahe pauwi, sabay turo sa akin sa isang gusali na ginagawa ng ilan bilang tulugan (maya-maya ay binisita ko sila). Lumapit ako sa isang MIB (Malaking Ibong Bughaw, bawal daw malaman ang pangalan nila) para magtanong tungkol sa mga karanasan nya sa tao. Pinagkamalan akong tiga ³Telecommunications´ pero napawi rin ang hinala nya noong nagkahamunan nang maglabasan ng ID at ipinakita kong estudyante ako ng UP at guro sa PUP, natawa ang mga kasamahan nya. Sinagot rin nya ang mga tanong ko. Sabi nya, ³walang kaguluhang nangyari dito kahapon´, halatang pinangangalagaan ang imahe ng estasyon sa mga threat gaya ko. Inilahad nya sa akin ang mga bawal sa loob ng set, gaya ng mga bata edad anim pababa, mga nakawheel-chair, at mga buntis. Pwede raw ang mga matatanda basta kaya ang sarili. May isang matandang lumapit sa kanya para magtanong kung pwede pa bang pumasok, sinagot nya ito sa isang matipuno pero magalang na ³hindi po lola´ sabay bilin na tapos na ang sheduling at iaanounce nalang ni Willie sa show nya kung kailan ulit pwede pumila. Sa paguusap nila narining kong ililipat ang Willing-Willie sa isang mas malaking venue para mas marami pang maaccomodate na mga tao, pero iaanounce pa lang daw ito sa programa. Sumunod naman akong nagpunta sa mga tigahanga ni Willie. May dala-dala silang mga banner at placards. May mga magkakabarangay, may mga magiina, mara-raming pumunta ng nagiisa pero nakakikita ng mga kawentuhan, karamihan ay mga babae, mga nasa edad trenta hanggang saisyenta, kung titignan sa balat at ayos ng pananamit ay mahihinuhang nasa class D, matyagang naghihintay na baka labasin sila ni Willie at papasukin. Ilan na rito sina Aling Puring, Divina, at Elizabeth. Si Aling Puring ay tiga Antipolo, nasa edad ochenta y nueve, magisang pumunta. Isang syang tigahanga ni Willie simula pa noong panahon ng MTB (Magandang Tanghali Bayan ng Channel 2 noon pang 1998). Si Aling Divina ay saisyenta y uno, tiga Valenzuela, at nagsimulang humanga sa host noong kasagsagan ng kasikatan ng Wowowee. Samantalang si Aling Elizabeth naman, nasa edad singkwenta at tiga Alabang, ay sinusubay-bayan na si Willie noong paextra-extra palang ito sa Channel 7 (ininsist nya sa Sina Aling Puring, Divina, at Elizabeth amin na nagkaroon ng show doon si Willie). Tinanong ko sila kung bakit sila nasa harapan ng TV5 at nagbabakasakaling makapasok sa set ng Willing-Willie. Si Aling Divina, gusto talagang makita si Willie ng personal, sina Aling Puring at Elizabeth naman gustong ³makisahod ng biyaya.´ Habang pinaguumpukan kami ng mga tao dala marahil ng pagkamausisa at pagbabakasakali na baka isa ako sa mga staff ng TV5 na may kakayahang magpapasok ng mga tao sa estasyon (nilinaw ko sa kanila na tiga UP ako at nagiinterview ako para sa assignment), tinanong ko sila kung ano ang meron kay Willie at sa Willing-Willie na wala sa ibang shows. At dito ako inulan ng mga sagot. Ayon sa kanila, si Willie raw ay ³matulugin´, ³maraming pinaligayang pamilya´, ³honest´, ³maawain´, ³walang pinipili at pantay-pantay kung tumingin´, ³totoong tao´, at ³tumutulong sa matatanda.´ Mga avid fan sila, ani pa nga ni Aling Elizabeth, ³nagaaway kami ng anak ko kapag nililipat nya sa ibang channel kapag Willing-Willie na.´ Karamihan sa kanila ay naguusap-usap tungkol sa mga papremyo ng programa. Mahigpit na inaantabayanan ang isang engrandeng selebrasyon sa kaarawan ni Willie sa January 27. Dito pumasok sa isip ko ang nangyari sa Ultra. Naitanong ko, hindi po ba kayo natatakot na baka maulit ang naganap na stampede sa Ultra noong unang anibersaryo ng Wowowee? Mga ngiti at tawanan ang bungad na sagot sa akin, kaya nakitawa na rin ako. Ang sabi ni Aling Divina, ³bahala na si Lord kung anong mangyayari sa 4

atin´, sabi naman ni Aling Puring ³kung wala sa tadhana mo na mamamatay ka hindi ka mamamatay.´ Pagtitiwala sa Diyos at sa tadhana o kapalaran ang naging sandigan ng mga tao kung bakit patuloy pa rin silang pumupunta sa Willing-Willie para magbakasakali, kahit may nakaambang kapahamakan ng Stampede. Si Aling Divina nasa Ultra nang mangyari ang Stampede, laking pasalamat nya at hindi sya namatay, pero heto sya, nagaabang nanaman kay Willie. Nasaksihan rin nya ang stampede noong Lunes sa harapan ng TV5, pero nandito at nagbabakasakali nanaman. Ayon sa kanila, ibang-iba ang show ni Willie, mas masaya, mas maraming premyo, puno ng pagasa. Habang nagiinterview ako, napansin ko rin ang marami-raming bilang ng mga naglalako ng kakanin, candy, mani, at mga inumin, bagamat ang mga fans ay nasa tabi na ng isang Ministop (maliit na grocery) ay tinatangkilik pa rin nila ang mga panindang inilalako, kabilang ang mga memorabilia tulad ng mga badge/pin Si Aling Loline at ako at mga picture ni Willie at ng programa. May mga kalapit na karinderya na kumikita tuwing dinudumog ng fans ni Willie ang harapan ng TV5, balita pa nga sa akin ay meron ding nagpapagamit ng banyo sa mga kalapit na bahay sa halagang kayang-kaya sa bulsa (P 10 para sa pagligo at pagdumi, at P3 para sa pag-ihi). Buhay na buhay ang lugar, hindi na ghost town, di tulad dati nang wala pa rito si Willie at ang show nyang Willing-Willie (Wowowee). Ang mga ganitong Isang pamilya sa ilalim ng eksena ay lumipat na sa TV5, wala na sa audience isang abandonadong building entrance ng ABS-CBN. Pagkatapos ng konting kodakan at pasalamatan na ikinatuwa naman ng mga tao roon, lumipat ako ng venue ng pagiinterviewhan. Isinunod ko ang building na itinuro sa akin ni Mang Orario. Mga kulang-kulang trenta katao ang nakita ko sa ground floor ng abandonadong building. Karamihan sa kanila ay nagpapahinga gamit-gamit ang mga karton bilang mat para tulugan. May mga mag-isa, meroon ding buong pamilya, ang mga magkakaibigan ay dito na nagkakila-kilala. Dito ko nakilala si Aling Loline, Abandonadong building sa tabi ng TV5 singkwenta y tress, tiga Oriental Mindoro, at nagiisa. Wala syang kamaganak dito sa Maynila. Dinescribe nya ang sarili bilang isang ³nakikipagsapalaran´ at matagal nang sumusubay-bay kay Willie noon pang panahon ng Wowowee. Dahil sa walang kamag-anak ay napilitan si Aling Loline na humanap ng paraan para kumita. Sya ay nangangalakal ng mga plastic na bote at ibinebenta sa isang kalapit na junk shop. Ang mga kartong nakalap ay nililinis at pinauupahan sa halagang sampung piso (kung hindi ako nagkakamali ng pagkakatanda) para sa mga gustong matulog sa silong ng nasabing building. Ginagalugad ni Aling Loline ang mga kalapit na karinderya para manghingi ng mga tira-tira upang makakain. Walang ligo-ligo at laba-laba ng damit, sapagkat walang kalapit na poso na pwedeng pagkuhaaan ng libreng tubig (hindi raw gaya sa ABS na meroong mga karapit na squatters). Samantalang ang SM Novaliches ang nagsisilbing palikuran 5

ng mga tiga roon, kasama si Aling Loline. Naniniwala si Aling Loline sa Diyos at sa swerte, gaya ng mga nauna kong nakapanayam, aniya ³marunong si Lord.´ Ayon sa kanya, kaya nya gustong-gusto si Willie ay dahil sa marami na itong natulungang mahihirap, ang gusto pa nya, ³kapag naespotan ka ng camera, siguradong may pera ka na.´ Sa pagkakadescribde nya kay Willie, hindi ito madamot, hindi katulad nila Vic at Joey noong magpunta sya sa Eat Bulaga. Nagkaroon din sya ng pagkakataon na makapasok sa mismong show at makapaglaro, pero hindi nanalo, bagkus nagkamit ng mga gift packages gaya ng Mang Tomas at Belo na ibinenta rin naman nya para pagkakitaan. Nasaksihan nya ang mga pangyayari noong Lunes at may hinanakit sa mga pulis. Para sa kanya, hindi nila (mga fans) kasalanan na magkanda trapik-trapik sa lugar, ³si Willie ang talagang pinupuntahan ng mga tao´, dapat daw ay binigyan ang show at sila ng isang malaking lugar para doon magdaos ang nauna at magabang sila. Hindi nya gusto ang paraan ng pagdedesperse sa kanila ng mga pulis, gamit-gamit ang mga shield na pangrally. Aniya, wala silang kasalanan, kasalanan ng estasyon. Umaasa sya na baka lumabas si Willie papasukin sila, o di kaya ay bigyan sila ng biyaya. Para sa kanya, katulad ng ilan pang mga nakaabang sa harapan ng TV5, ³may pagasa kay Willie.´ Naalala ko tuloy noong pinilit akong isama ng Nanay ko sa Wowowee para maglaro sa Bigat10. May 6 noon, hindi pa ako gumagraduate (sa May 8 pa), ang category kasi yung mga magulang ng mga anak na gagraduate o grumaduate ng may ³laude.´ May pangtuition naman ang kapatid ko, pero dahilan nya para daw sa tuition ng kapatid ko, kung alam ko lang... gusto lang nyang makita si Willie. Nakapasok kami sa show. Naaalala ko pa ang mga naglalakasang hiyawan ng mga tao, ang malakas na sounds na nagpapaenganyong maging enthusiastic at jubilant ang mga tao. NaoO-Ayan ako sa Wowowee, pero ng pagkakataong iyon, dala siguro ng sounds at setting ng lugar, naging masaya ako, hanggang ngayon natatawa pa rin ako kapag naaalala ko. Nakapaguwi kami ng P 15,000, dala-dala ang samut-saring gift-packs na kung titignan mo sa TV ay aakalain mong maraming laman sa laki ng paper bag pero kung titignan sa loob ay isang bote lang ng Belo, isang maliit na bote ng Pau linament, at isang banig ng 4G. Pangpromotion lang talaga para kumita ang nasabing produkto. Pagkalabas namin ng ABS, aba ang dami ng pumansin sa akin (sabi ko sa sarili, friends tayo?), kaya medyo nahiya ako, pero buti nalang ay lumipas din. Masasabi kong lively ang show, masaya lalo na kapag nasa loob ka (o naging masaya ako dahil contestant ang nanay ko?). Pero hindi pa rin natin maiwawaglit ang Mga taong nagiintay sa harapan ng TV5 karugtong na katotohanan na pinagkakakitaan tayo, para tumangkilik ng produkto at tangkilikin ng mga naunood ang programang Wowowee/Willing-Willie. Maraming umasa sa Wowowee at umaasa sa Willing-Willie, kahit na hindi sila napipili para maging contestant. Buti pa ang mga kalapit na karindirya, ang SM Novaliches, at ang mga naglalako ng kakanin, mani, candy, at tubig, kumikita sila, bahang ang mga nagaabang, wala, wala kundi pagasa na balang araw, magiging milyonaryo sila. ***

6

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful