EH ANO NGAYON KUNG SINGLE AKO (PRINSESA TALULOT

)

Panahon: Ika-14 ng Pebrero (pangkasalukuyang panahon) Sa baguio session road Karakter: Dina ----isang 29 anyos na single na babae. Hindi naman NBSB nanggaling na rin sa ilang relasyon na nakakadurog ng puso«.

Tagpo: Isang gabi ng valentine¶s day sa session road. Ito ang panahon kung kalian nagsabog ang kulay pula sa daan, nagkalat ang maraming Vcards. Humahalimuyak ang buong session road dahil sa sandamakmak na rosas, o kahit di rosas daming bulaklak (pili ka na lang Malaysian mums or angels breathe, or kahit kalachuchi), marami ring chocolates mula tsoknut hanggang ferrori roche. Uso nanaman si teddy bear na may heart and it comes from different sizes ha. Bawat taong nagdaraan ay either magkahawak ng kamay (pa sway sway pa) o di kaya magkayakap, (iyong tipong may glue ang kanilang mga katawan, di mapaghiwalay) Masasaksihan niya ang mga taong ganito. Puno ang bawat restorant, puno ang mga motels, flowershops at dept store. Abala ang mga tao sa paghabol sa araw na ito. Feb. 14.. Habang siya ay mag-isa, habang nag-iisa siyang binabagtas ang kahabaan ng daan, habang nalilingon niya ang mga pangyayari sa kanyang kapaligiran, habang nararamdaman niya ang kalungkutan, habang nadarama niya ang konting pagkaawa sa sarili, bigla siyang nauntog at nagising ________________________________ Dina: Teka, Teka, Teka, teka, eh ano ngayon kung single ako! May nawawala ba sa aking pagkatao? Eh ano ngayong kung mag-isa lang akong naglalakad sa kalsadang ito, walang kaakbay, walang ka-holding hands, kayakap, walang hawak na rosas, tsokolate, balloons, stuffed toy, pulang mga kung ano-ano at frenzy! EH ano ngayon kung mag-isa lang ako! Bakit wala ba akong makakain sa bahay, wala ba akong kakahayang magtanim ng rosas, mag bake ng chocolate, bumili ng stuffed toys at wag na lang iyong isa.

Bakit ba ako kinukutya sa araw na ito? Bakit pang couples lang ba ang Valentines day? Sa kanila ba ginawa ang salitang PAG-iBIG? Bakit sa kanila ba talaga ang okasyong ito? Bakit sila lang ba ang may paborito ng kulay pula, hugis na puso, matatamis na salita at masarap na pagmamahal? Bakit ba kinukutya ako sa araw na ito? At ang marami pang tulad ko? Eh ano ngayong kung single ako? Sila? KAMI? TAYO! Disability ba ito na dapat akong kaawaan? Contagious disease ba ito na nakakahawa at dapat iwasan? Math problem ba ito na ayaw lagyan ng equation para masolve? Isa ba akong fallacious argument at di dapat paniwalaan? Bakit ba ano ba ang masama sa isang single na gaya ko? Ano naman ang nakakatawa sa status

Bakit batik ba ito sa aking pagkatao? Kung single ba ako hindi ako mabuting mamamayan? Hindi ba ako tao? Kawalan ban g pagiging ako ang pagiging single? Aba aba ab! Sagutin niyo nga²EH ANO NGAYON KUNG SINGLE AKO Eh ano naman ngayon kung malamig ang valentines day ko? Hindi ko ba maaaring icelebrate mag isa?Eh ano ngayon kung wala akong kasama, wala ba akong magagawa?

Ayan nga ang tanong ko eh, eh ano ngayon kung wala akong kapareha? Mawawalan ba ako ng pagkakataong mag-isip ng mas mahalagang bagay? Kung mag ±isa ako, mas marami akong oras? Walang mang aagaw ng aking atensiyon. Walang manghihingi o magdedemand na kailangang mag usap, magtext kami magdmagan, magchat kung malayo, magkita bawat Segundo, o tumambay sa bahay nila ng buong araw. Malaya ako. Walang makikialam sa akin kung anong klaseng damit, kulay, gupit ng buhok o sapatos dapat ang suot ko. Walang mangungutya sa aking katawan, walang pipigil sa akin kumain. Walang OA na kasama ang gusto gawin akong perpekto samantalang di niya napapansin ang imperpeksiyon niya. Walang magmamanipula ng mga buhay ko. Walang taong magdidikta na dapat ganito, dapat ganyan. Walang taong magseselos kung makikipag usap ako kahit kaninong tao. Walang dapat pakibagayan. Walang dapat intindihin at mag adjust sa ugali. Walang kokontra sa mga persepsyon sa buhay. Walang manlalait sa taste ko sa appliances, kanta, banda at walang kokontra sa mga paborito kong soap opera at pelikula. At walang magsasabi na baduy ako kung gusto kong manood ng A very special love o One more chance! Walang pasaway na dota lang ang inaasikaso. Walang feeling na di ka naaasikaso dahil mas marami pang oras sa kotse o sa basketball. Kaya mong magdesisyon para sa sarili mo at wala ang opinion ng isa. Walang praning na makikialam say o. Walang manghihingi ng pera sau para ibili ka ng regalo. Tipid. Wala kang aalalahaning bigyan ng regalo twing Valentine¶s

day, Christmas day, birthday (sama mo na pati pamilya niya). MAs mabilis ang oras dahil wala kang hinihintay. Hawak mo ang oras mo. Walang magrereklamo kung late ka, maaga ka o on time ka. Walang possessive, insecure. Pwede kang tumingin at makipagkaibigan sa lahat at walang mapapraning sa selos. At higit sa lahat²pwede kang makipagdate kahit kanino.

Eh ano ngayon kung single ako? Aber! Hindi porket nag-iisa ako mapapaos ang boses ko na makipaglaban sa mga isyu sa ating bansa. May puso pa rin ako para tumulong sa kapwa. Sa mga babaeng nabubugbog, sa mga anak na inaabuso, sa mga taong kailangan ng kalinga. May kamay akong handing tumulong ipaglaban ang karapatan ng bawat tao. May mga paa akong maaari kong ihakbang upang mapangalagaan ko ang aking kalikasan at kapaligiran. Tao akong buo, kahit nag-iisa sa mundong kailangan na kailangan ang aking konsepto, pang unawa at pagmamahal. Single man ako at nag iisa, di ako ligwak ng lipunan. Isa akong tao na may puso at isip gumawa ng mabuti para sa bayan.

Eh ano ngayon kung single ako? Hindi naman ibig sabihin nun puros ako bitterness kaya may litanyang ganito. Totoo lang naman ang sinabi ko.. Pero hindi ibig sabihin nun, na wala akong karapatang mangarap ng makaksama sa buhay? Na hindi ko pinangarap kung paano maging asawa at lalong lalo na ang ina. KAhit maraming advantages ang single, deep inside gusto kong may tao rin pareho kong umunawa, pareho makasama sa pakikibaka sa buhay. Maintindihan ang mga di maaarok na mga bagay sa mundo gaya ng salitang pag-ibig at kalayaan, rebolusyon at pagbabago. MAiintindihan din ang mga pangyayari ng himala at kamusmusan. Deep inside gusto ko rin maramdaman ang init ng mga yakap, tamis ng mga halik at ang«««. Twing! Pero kung di talaga dun ang punta ko. Kung di talaga mapalad na magkaroon ng pamilya---- EH ANO NGAYON KUNG SINGLE AKO.

Hindi ko kawalan ang pagkawala ng isang asawa. Dahil buo ang pagkatao ko. Walang sumpa sa pagiging single.. basta ang sa bawat pagpili ko sa sangandaan ng buhay, pipiliin ko ang kaligayahan at ang buhay na may conviction sa aking mga paniniwala. Walang tao ang masasagasaan ko kundi maging gabay din ako ng kanilang liwanag. Tagahatid ng katarungan at tagapagtanggol ng kalayaan. Single nga ako at nag-iisa single nga kung single.. isa lang ang alam ko--- may puso akong may layunin na mas malalim pa sa pagkakaroon lamang ng kabiyak..Mas mahalaga pa kaysa sa buhay ko.

Iyon naman ang mas mahalaga eh, lagyan ko ng kahulugan ang aking buhay, maging single man ako hindi. Kaya makulit na at makulit na--- sa mga taong nagtataka²EH ANO NGAYON KUNG SINGLE AKO!

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful