P. 1
Loving Darkness

Loving Darkness

5.0

|Views: 1,509|Likes:
Published by tralalalalala22

More info:

Published by: tralalalalala22 on Feb 07, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

02/25/2015

pdf

text

original

Sections

♥♥♥

Jini: ANO TO?

Sinabi yun ni Jini habang namamangha at tumutulo ang laway sa kanyang bibig.
Si JR naman, nagsu-suplado.
Nandoon sila sa loob ng Mall.

JR thought:
Bakit ba kasi ganito ang nangyayari ngayon eh!

Inabot ni JR ang kanyang kamay kay Jini.

Jini thought:
Ano yan?

Jini: EH?
JR: Bilis na! Baka mawala ka!

Tiningnan ni Jini ang paligid na maraming tao.

Jini: EH? Ayoko nga! Hindi ako mawawala no! Anong akala mo sakin? BATA?

JR thought:
Grabe! Ang kulit talaga nitong babaeng ito! TSSSS.

Biglang umalis si JR. Ang bilis nyang maglakad.

Jini thought:
Bakit kami nandito? Hindi ko naiintindihan? Itong mokong na to? Anong gagawin
namin? Baka mag d-date kami? NAH! Napaka imposible naman ata kung ganun ano?
Kung ganun?

Paglingon ni Jini, hindi na nya nakita si JR.

Jini: Teka, sumusunod lang ako sa kanya kanina ah!

Tumingin si Jini sa kanyang paligid...ang daming tao!
Tumigil si Jini sa paglalakad.

Jini thought:
Ngayon? Anong gagawin ko? HUHUHU. Babalik na lang ako sa school o uuwi ako?
Tatawagan ko si JR? Naku! Siguradong papatayin ako nun! Bakit ba kasi nya ako
dinadala dito sa lugar na napakaraming tao-

JR: HOY SALBAHENG BABAE!

Jini thought:
Salbaheng babae? Kelan pa nya tinawag sakin yan! NAKU!

JR thought:
C'mon! Napaka-tanga naman ng babaeng ito! Kung tuluyan ko syang hindi nakita,
papagalitan ako ni Mama! Pahamak talaga!

JR: ANO BA SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO!?
Jini: Ano? HOOOOY! Wag mo nga akong-
JR: Ako ang boss dito kaya ako ang masusunod! Wag ka ng umangal!

Biglang hinawakan ni JR ang kamay ni Jini at hinila.

Jini thought:
Ano na namang ka-gaguhan ang ginagawa nitong G-A-G-Ong to? AAAAAHHH.
Hinahawakan nya ang kamay ko. ANO? Jini. Easy ka lang. Hinahawakan nya ang kamay
mo!!! Wag masyadong malikot ang pag-iisip!

Biglang...

Tiya Isabel: JINIIIIIIIIIIIIIIIIII!
Jini: Si Tiya!

Biglang nakita ni Jini ang kanyang Tiya sa loob ng isang boutique.

Tiya Isabel: Nakiusap sakin si JR na pilian ka ng damit para sa party mamayang
gabi! Kaya, eto!!!

Ipinakita ni Tiya Isabel ang isang napakagandang damit.

Jini: OH NO! Hindi ko yan susuotin! HINDI-HINDI. Tiya! Wala tayong pera para
dyan!

Ipinakita ni JR ang isang card at ibinigay sa counter.

Jini: WAGGGGG! WAAAAGG! Ano ba? Ni hindi nyo man lang ako pinapili?
TTSAKA-
JR: Ang pangit kasi ng taste mo eh!
Jini: AN-
JR: Wag ka na ngang magreklamo! Sino ba ang boss dito? BAKA
NAKALIMUTAN MO!?

Binihisan na si Jini doon sa bahay nina JR. Hindi na sumama ang Tiya nya dahil sa
trabaho.
Nakita ni Jini ang isang frame na may picture. [of course]

Jini thought:
Nasa highschool siguro si JR neto. TSSS... Pumayat pala talaga sya! Sa itsura ng picture
na to, mukhang summer tsaka may dala pa silang surf boards. HMMM.

Tiningnan ni Jini ng maigi ang picture.

Jini thought:
Kamukha ni JR ang isang ito ah!?

May isang naglakas loob na maid ang nagsalita.

Maid: Nakakatandang kapatid yan ni S-Sir JR.
Jini: HUH? May nakakatandang kapatid pala sya?
Maid: Oo. Close nga sila eh!
Jini: TSSS. Mas gwapo sa kanya ang kanyang kuya.
Maid: Pero, magkamukhang-magkamukha silang dalawa.
Jini: Asan na sya ngayon?
Maid: HUH? Limang taon na syang patay!

Jini thought:
WHATTTT? ECK.. Panu?

♥♥♥

JR thought:
I never thought that she could be that beautiful.

Napanganga si JR habang tumitingin kay Jini na pababa sa hagdanan ng malaki nilang
bahay.

Jini thought:
Come on! Hindi ako marunong maglakad gamit ang high heels. HELP ME!

Dalawang hakbang na lang ang kulang para makababa na sya sa hagdanan ng na-apakan
nya ang ribbong ng gown nya.

Jini thought:
OH JINI! Com'on! Hindi ko kayang maglakad ng ganito.

JR catched Jini.
Napahawak si Jini sa BROAD SHOULDERS ni JR at hinawakan ni JR ang likod ni Jini.

Jini thought:
OOOOHHH MY. This is so bad. Ayoko ng ganitong mga sandali sa mokong na to.

*blush*

Napatawa ang ibang mga guard at maid. Siguro, namukhaan nila si Jini. YAY.

JR: O! Namumula ka ata?
Jini: H-Hindi ah!

Hindi makatingin si Jini sa mga mata ni JR.

Habang andoon si JR at Jini sa loob ng sasakyan...

Jini: UHM. Saan ba tayo pupunta?
JR: Ano? Hindi mo alam? Palibhasa hindi ka naman nakikinig sa mga balita!
Jini: Hindi naman kasi ako chismosa!
JR: Kilala mo si Hayley Anderson?
Jini: HUH? Hayley Anderson? Sino yun?
JR: Hindi? HAAAI. Wag ka na lang magtanong!

Jini thought:
Sino yun? HAAAY. Hindi ko alam kung anong nangyayari!! MMM. Gusto ko sanang
magtanong sa kanya tungkol sa kanyang kapatid pero...

JR: Wag ka masyadong malikot sa party huh?

Jini thought:
HEY! Date ko sya ah? Bakit parang hindi nya naman ako babantayan sa party?

Jini: Anong ibig mong sabihin?

Tumingin si Jini kay JR habang si JR naman ay tumitingin sa labas.

JR: Wag ka na kayang sumali sa party?
Jini: HUH? BAKIT!?

Jini thought:
Bakit bah? Ano ba ang ibig nyang sabihin?!

JR: Alam mo kasi Jini..

JR thought:
EEEEHHH. Panu ko ba to ieexplain sa tangang to?

JR: TSSSSK. Maraming mapagsamantalang lalaki ngayon! KAYA...

Tumingin si JR kay Jini.
Nakita ni JR na nakikinig ng mabuti si Jini sa kanyang sinasabi.

JR: UGH. GUSTO KO AKO LANG ANG NAKAKAKITA SAYO NGAYONG
GABI!

Jini thought:
ANO DAAAAAAAAAAAW? Namumula sya ahhh!

♥13♥

POST #2:

Joshua Rian Te: GUSTO KO AKO LANG ANG NAKAKAKITA SAYO NGAYONG GABI

"UGH. GUSTO KO AKO LANG ANG NAKAKAKITA SAYO NGAYONG GABI"

Demn it! Bakit ko ba yun sinabi? ARRRGH.
Bahala na! Feeling ko namumula ako. HAHAHAHA.

Ang intensyon ko lang naman eh, alam nyo naman na mejo may pagka-tomboy ang
hunghang na to. Tsaka, ngayon marami syang kabulastugan na gagawin. Hindi rin nya
alam ang reason kung bakit may lintik na party ngayon! Baka magkalat to doon noh!

yun nga ba ang dahilan?

Syempre naman no! Hindi ko akalain na ganyan ka laki ang magiging pagbabago sa
kanya.

TSSS...

Nakarating na kami. Tumingala sya dahil sa laki ng bahay.

"WHOA! Ang laki!"

Of course! Bahay yan nina Hayley Anderson!
Bago pa sya mag kalat doon. Hinawakan ko yung braso nya. Wala akong pakealam kung
nasasaktan sya.

"Aray"

"Jini. Makinig ka! Wag ka masyadong malikot sa loob.-"
Parang hindi naman sya nakikinig eh.

"-o sige. Ang partyng eto, para sa kay Hayley Anderson - Anak ng presidente ng
school natin, okay? kadadating lang nya galing New York.
"

GODEMN IT! Tinaray-tarayan ako ng mga mata nya.

"Tsaka..-"
"HAAAY! Marami bang pagkain sa loob?"

Kainis! Umalis ako. Nauna akong maglakad. Sya naman, naramdaman kong hindi sya
gumagalaw at-

"Anong ibig sabihin ng 'gusto ko ako lang ang nakakakita sayo ngayong gabi?'"

Tinanong nya ba naman yun? ARGH!

"Pag sasabihan ka ng maganda o cute o kahit anong nakakapagpasarap ng iyong
damdamin, wag mo masyadong dibdibin!
"

Tinulak nya ako. Aray. muntik na akong madapa ah!

"Ano ba?!"
"Ang kapal ng mukha mo talaga noh? Akala mo kung sino ka. TSSS."

Ginalit ko ata.
Haaay. Ano pa bang ginagawa namin dito sa labas? Eh, excited na akong makita si
Hayley.

Pumasok na kami sa loob. Sumusunod lang sya sakin. Ayoko namang lumingon sa kanya
kasi-ewan. Hay naku. Mejo, nararamdaman kong hindi talaga sya sanay magsoot ng heels
eh. Parang gusto nyang kumapit sakin.
Inabot ko na lang ang kamay ko sa kanya.

Pero, hindi nya pinaunlakan ang pag-abot ko ng kamay. Galit ata. EWAN ko sa kanya!
Sana hindi sya papansinin pagdating namin doon sa marami ng tao.

♥13♥

Post #3:

JINI PUNZALAN: Magpakasasa ka!

HAAAAY. Ang lalaking ito. Sana lang kahit minsan, wag syang mayabang masyado.
ARGH. Bakit ba kasi ako pa ang ginawang date ng mokong na to? <--Click that

"Tsaka, baka isipin mo na may gusto ako sayo kaya kita ginawang date! EH Hindi
no! Yun ang sabi ni Mama sakin!
"

Oo nga naman no? Bakit ko nga naman iisipin yun? HAHAHAHA. Ang mokong na to.
NAKAKAINIS. Hampas-hampasin kaya kita ngayon.

Nasilaw ako sa mga ilaw at nawindang sa dami ng tao. Sa lagay namin ngayon, mukhang
kami na lang ang hinihintay.
Pag apak ko... AYYY... MY GAWD red carpet!!! Wag ka! BONGGA! first time ko ba
to? LOL. Pasensya na, mahirap eh.

Biglang hinawakan ni JR ang kamay ko at nagpapaka gentleman.
Nakita ko si Kenjie kasama si Tanya, Christina at Mikee. <--Click that2x

Nginitian ko si Christina syempre at kinawayan si Kenjie. Nakita kong tumingin si Kenjie
kay JR.
Tumingin ako kay JR na nakatingala. Tumingala na rin ako.
Nakita ko yung babae na nakita ko sa school namin, at escort nya siiiiii...KING?

Kumaway si King kay JR, kumaway din si JR kay King. At nagngitian ang babaeng
kasama ni King at si JR. <--Click that

"Kita mo yang MAGANDANG babae na yan? Sya si Hayley." <--Click that

Ngumiti sya na parang batang nakita si santa claus.

"AH!"
Wala akong masabi.

"Lets all welcome, Lady Hayley Anderson and Lord King Alvarez"

So, mukhang alam ko na ngayon... WHAAAT?
Ang ganda ni Miss Hayley! Di ako makapaniwalang nakausap ko na syaaaa...
YADAAAAYADAAA...

Busy na ang lahat ng mga tao.

"Jini. Pupuntahan ko lang si Hayley. "

Anak ng, OKAY SIGE GOOOOO! Pupuntahan ko din kasi si Kenjie mister ungas!!!

"O SIGE! Go! Syempre! Magpakasasa ka!"

Hindi naman nya ako ininis pero naiinis akoooo! HUHUHU.
Kaya, nagpatuloy ako sa paglamon ng kung anu-ano. May parang lasang pandan pero
kulay pula akong nakain. May chocolate cake at cake na mukhang ilang taon ng nasa
loob ng refrigirator at linagyan ng abo ng daga - oh well, masarap sya. looks can be
deceiving.

Biglang hinawakan ni JR ang magkabilang pisngi ko ng kaliwa nyang kamay at...
"Tandaan mo! Kahit wala ako sa tabi mo, I will always know what you are doing!"

Tapos umalis sya na parang half running ang style.
Naku! Anong ibig nyang sabihin? Ang halimaw na yun!!! Siguro akala nya may gagawin
akong hindi maganda dito sa party ano? Well, he's wrong! Kakain ako dito at aalis, yun
lang yun. ASA KA!

" Tingnan nyo naman kung sinong dinala ni JR Te sa gabing eto!"

Aba. Hindi ko kilala ang babaeng ito. Pero, hindi ko gusto ang sinabi nya.

"Some BIAAATCH. HAHAHA "

May dumagdag pa.

" Tigilan nyo nga yan!"

Lumingon ako kahit may icing pa sa mukha ko na hindi ko naman alam na meron nga!
Pero, nalaman ko din dahil paglingon ko inalis nya naman kaagad!
Si KENJIE!

"Kenj! Asan si Tanya?"

Umalis kami sa lugar na yun at pumunta kina Christina.
OH WELL, hindi nya ako sinagot kasi, andun din si Tanya kasama nina Christina.
Looks like, nagkakamabutihan na sina Christina at Tanya ah!

"Jini! Bakit si JR Te ang Date mo?"
"A-a-actually, wala akong date, at wala din syang date. DYAN LANG SA LABAS k-
KAMI NAG k-KITA k-KAYA a-AYUN!
"

Hindi ako magaling mag sinungaling!

"AHHH. Ganun ba?"
GAAAA. Hindi man lang ako makatingin sa mga mata ni Christina.

Lumingon ako kay Kenjie.
SEEEEEEEEEEEESHH. Ano ba? Gusto nyo bang langgamin dyan sa ka switan?
Hindi ko talaga ma tantya kung ano ang nasa utak ni Kenjie. Kung gusto nya pa ba ako o
hindi na! Sa lagay ko ngayon, parang gusto kong kaladkarin si Tanya. Magiging para
akong witch sa kanilang fairytale.

"Jini. Ang ganda mo! GRABE." <--Click that
Akala nyo si Kenjie yun? Akala ko rin eh. Pero, si Mikee pala.

"Oo nga! Ang laki ng pinagbago mo! Siguro dahil first time ka namin nakitang
ganito.
"
Si Kenjie yun! WAAAA... Kapag nakatayo ako ngayon, for sure hindi balanse ang
paglalakad ko. WAAAA.
I still tremble pag sya na. PERO.
----na isip ko si @#----

HEHEHEHE... Bakit ko ba sya iniisip.
Tumingala ako para tingnan kung andun pa ba sya sa taas o second floor ng napakalaki at
malahiganting bahay na to. O SIGE, MANSION.

Nawindang ako nung nakita ko syang straight na nakatingin sakin, may dalang goblet at
nakasandal yung mga elbows nya sa parang may balcony doon sa SECOND FLOOR
NUNG BAHAY.
Demn it. Bakit sya nakatingin.
And now, he is half smiling.

Kumuha ako ng tinidor at inaksyunang parang sasaksakin ko sya kahit malayo.

PERO, ang ginawa nya?
FLYING KISS.
Nakita ko sa likuran nya si Hayley.
At ilang sandali, umalis sya ng nakangiti. MEOW.

Ano ang ibig nung sabihin?

♥13♥
Post #4:

Joshua Rian Te: Will you be my girlfriend?

"Joshua! Can we talk? "

Nginitian ko si Jini.
Ang sarap nya talagang inisin no? Ako na ngayon ang nang-iinis sa kanya.

Sumunod ako kay Hayley. At nakarating kami sa room nya.
Napansin ko na antique ang madalas ang andito sa bahay nila. Napansin ko din ang isang
librong luma na.
Bigla akong yinakap ni Hayley.

"Hey! Ang laki mo na ah!"
"Yeah! "
I'm still looking at the book.

"Joshua. Mag-aaral ako sa USM!"
"HUH? Hindi ka babalik sa America? "
"Hindi muna!"

"Good! Ipapasok kita sa Camera Club."
"I wanna see you play soccer again."
" Tsss. Alam mo naman na hindi ko ganun ka hilig ang soccer diba?"
"Hmmmm."
Nakayakap pa rin si Hayley sakin. Bakit kaya? We've been friends since highschool. And
close kami. But she was never this intimate.

"I missed you."
She whispered.

*Krrrrriiiinnnnnnnnggg*

Cellphone ko yun! At tumatawag si... Jini.

"Hello?"
"Hello? UHM. JR, aalis na ako ah! "
Malamya ang boses nya!
"HINDI! Mamaya na pwede ba? Sige ka! Pag-aalis ka-"
She didn't fight back! May nangyari kaya? Baka nagseselos na naman sya dun sa ex nya
at kay Tanya?
"pag-aalis ka-mamamatay ako! "
Asa ka! HAHAHA.
" Asan ka?"
Binaba ko na agad. Nakita ko kasing masyadong nakikinig si Hayley.

"Sino yun?"
"Yun ba? HEHEHE "
"Girlfriend? "
Hindi ako nakapagsalita dahil napansin kong tumutulo ang luha sa kanyang mata! Bakit?
Bakit?
Yinakap nya ulit ako.
"Wala ka pang girlfriend diba?"
"HUH? Girlfriend? Marami akong girlfriend nohhh!"
Well, she knows I'm a playboy!
"Seriously, I want you to take me seriously!"
Sabi nya yun sakin. GAAAAH. Ano to?

Bigla nya akong hinalikan. This isn't a normal kiss. I can feel her eagerness to kiss me.
Syempre, westernized ang kanyang ugali. We can't expect her to be PAKIPOT or HARD-
TO-GET. Pero, is she serious with this.

Habang hinahalikan nya ako. Nakita ko si Jini, nagtatago sa door. At of course, nakikita
nya kami. Naramdaman ko ding hindi sya huminga nung nakita nya kami.
Parang, nafeel ng mga paa ko na kelangan kong...
Naramdaman ni Hayley na may ibang tao, kaya tumigil sya at nakita nya si Jini.

Tumakbo si Jini at sinundan ko sya. EWAN KO DIN KUNG BAKIT KO SYA
SINUSUNDAN.
Well, she is going nowhere. Hindi sa living room kung nasaan ang party, kundi sa hindi
ko alam na parte ng bahay nina Hayley.
Alam kong alam nya na sinusundan ko sya, pero bakit...

"Jini!"
Kinulong ko sya with my arms. Hindi sya tumitingin sakin at namumula ang kanyang
mga mata. PARANG DRAGON. Rawr.
"Will you be my girlfriend?"
Tumingin sya sakin at nanlaki ang mga mata nya!
Maganda sya ngayong gabe. Ang ganda ganda nya. I don't know kung kanina ko pa ba to
naiisip o ngayon lang.
O baka naman, kanina ko pa to naiisip pero ayoko lang aminin. ARGH. Ano ba? Will
you be my girlfriend?

Sa gilid ng aking mga mata, nakita ko na nasundan din kami ni Heyley at ngayon,
tinitingnan nya kami na parang nanonood sya ng sine.
Hindi parin nagsasalita ang babaeng-gusto-kong-maging-girlfriend.
Kaya, hinawakan ko ang kamay nya, at hinalkikan ko sya.

She tried to push me away but I pushed myself closer to her.

Naramdaman kung tumulo ang luha nya, kaya tumigil ako.
"Wag mo nga akong asarin!" SLAAAAAAAAAAAAP! Aray ang sakit nun ah!
Nag walk-out sya.
Naramdaman kong humina ang paglalakad nya nung nagKRUS ang landas nila ni
Hayley. Si Hayley parang nagtataka pa.

"Wow. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng sinasampal-sampal ka lang! "
Nanginginig ang mga bibig ni Hayley habang sinasabi yun. Alam kong she is faking it!

Si Jini, hindi pa nakalalayo samin.

"Jini!"
Huminto sya sa paglalakad at nakita kong pinunasan nya ang kanyang mga luha kahit
nakatalikod sya samin.
"Jini ang pangalan ng girlfriend ko! Don't try to steal me from her because she will
be sad!
"
Ayokong saktan si Hayley. Pero, this is the least thing that I can do. KAIBIGAN ko sya.
Matalik na KAIBIGAN. At kapag paiiralin ko ang pagiging playboy ko sa
kanya..UGGHHH. Hindi pwede! Dapat friends lang kami.

Nagpatuloy na si Jini sa paglalakad. Buti na lang at hindi sya masyadong makulit ngayon.

NAKU.

"Jini! Wag kang umuwi mag-isa! Hindi pa kita pinapa-uwi. You are not going home
without me!
"

SIGH. Ano ba tong mga nangyayari sakin? Bakit ba kasi nag confess ng love si Hayley.
Yan tuloy nadamay si Jini.

♥13♥
Post #5:

Jini Punzalan: OKAY lang ako!

"Jini! Wag kang umuwi mag-isa! Hindi pa kita pinapa-uwi. You are not going home
without me!
"
Lokohin mo ang lelang mo! Nakakainis na nga ang nangyari kanina nung kasama ko si
Tanya at Kenjie eh! ARGH.
'Jini. Ang ganda mo ngayon ah! '
'uh thanks '
' Pero, I'm not used seeing you like this. Kasi, mas bagay sayo yung parang PLAIN-
look.
'
'Tanya! Sumusobra ka naman ata! PWEDE BAH?- '
'Jini, wag ka munang magalit sa kanya ngayon! Maraming tao!'
Langhya! Anong 'wag munang magalit' ano ibig sabihin ni Kenjie? Ano? May karapatan
ba sya!? KAINIS.

At ngayon? Habang tumatagal ata lumalaki ang butas ng utak netong si JR eh!
Sigurado ako! Maghihigante sya sakin! ASA SYA!

Bumalik na ako sa party. Tumambay ako dun sa may mga pagkain.
Nakita ko - este - nakita ako ni King na imiinom.
Oo. Napainom ako ng champagne! Tatlong ulit. Tatlong shot!

At ngayon! Parang nagiging tatlo na din si King!
"Ji-Jini? Okay ka lang?"
"OKAY lang ako! "
Napasandal ako sa upuan.

"TABIIII!"
Biglang may tumulak kay King. Hindi ko na nakita ang mukha nya...

tooooot----tooooot--tot-tot-tot

toooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooot...

I'm DEAD.

HEP! kala nyo tapos na noh? hehe

I have a BONUS UPDATE! ENJOY KAYO MGA MAHAL
KONG READERS!

Start here:

♥♥♥

Kenjie Chua: wag ka munang magalit!

Bakit si JR ang kasama ni Jini kanina? Ewan ko kung maniniwala ako sa sinabi nya kay
Christina. Nakakaduda. Nakita ko silang magkasama nung isang araw.
Hindi na rin masyadong sumasama si Jini saming barkada. Dahil ba yun sa ginawa ko sa
kanya sa locker room? Baka naman may iba na syang gusto? NAAA. I know her. Hindi
sya ganun ka dali ma fall-out of love.
I still love her.

"Jini. Ang ganda mo ngayon ah!"
Tsssk. Si Tanya talaga, mukhang iinisin nya na naman si Jini ah! ARGH.

"uh thanks"
Kumislap ang mata ni Jini. Minsan lang kasi syang nasasabihang maganda eh.
...........mukhang. Hindi ko pa sya nasabihan ng maganda sya kahit nung kami pa! Oo nga
pala. I should tell her now.

"Pero, I'm not used seeing you like this. Kasi, mas bagay sayo yung parang PLAIN-
look.
"

Tanya.... GAAAH. Kumunot ang ulo ni Jini.

"Tanya! Sumusobra ka naman ata! PWEDE BAH?-"
Patay! Nagagalit sya. Naalala ko tuloy yung nangyari sa cafeteria! TSSSK. Hindi to
maganda! Baka, magkalat sya dito. Sasama lalo ang image nya! Hindi pwede. Dapat ko
syang pagsabihan.

"Jini, wag ka munang magalit sa kanya ngayon! Maraming tao!"
Galit na galit ata syang tumitingin sakin.
She bit her lower lip.

Nag walk-out sya. At, dumaan pa sya sa stairway patungong second floor. Bakit? Sinong
pupuntahan nya dun?

Hindi ko pa sya nasasabihan ng maganda sya. Dapat, masabihan ko sya bago matapos
ang gabing eto.
Bigla akong hinagkan ni Tanya.

"Ken. Sorry kanina, nainis ko ata si Jini eh."
"Bakit mo kasi ginawa yun!?"
"WHEW. Pero, totoo naman yung sinabi kong maganda sya eh. Dinagdagan ko nga
lang. Tsaka, alam ko namang di sya sanay sa ganyan eh.
"
"Kahit na! Importante sa kanya yun!"
"Huh? Ang alin?"

Si Tanya, acting like my girlfriend even if she's not. PINAGSESELOS namin si Jini?
NO! Close lang talaga kami. NAGING CLOSE lang talaga kami. Hindi ko sya gusto
kahit ganun. I just love how she act.

"Na maganda sya!"
"EH! Yun bah? Bakit? "
"Kung ikaw, maraming nagsasabi sayong maganda at binabalewala mo lang. Sya
naman, kahit ako, hindi ko pa sya nasasabihan ng maganda. And I should tell her
tonight!
"
Biglang ngumiti si Tanya. May pagka-flip Tanya. Sabi nya, gagawin nya ang lahat para
makuha ang gusto nya.
"Bakit mo kasi sya iniwan eh! "
Yumuko na lang ako.
"I like you a lot! "
Tumingin ako sa kanya.
"I'm starting to like you even more!"
I like her too. Pero, I love Jini now and I want to take care of Jini.

Nakita ko si Jini, mabilis na bumababa sa stairs.
Nawala sya, dahil sa daming tao.

Hinanap ko sya.

"Ayun sya! Tell her that she is beautiful tonight! Pero don't apologize for me huh?

"
Tinuro sya ni Tanya.
Sumandal si Jini sa upuan. May kasama pala sya, si King Alvarez.

Nawala na naman sya. Ang dami kasing tao eh!
KING ALVAREZ? Bakit masyado ng maraming close na lalaki sa kanya ngayon? Tsaka,
mga bigatin pa ang pangalan!

Hinanap ko sya. Pinuntahan ko kung saan sya nakatayo kanina kasama si King Alvarez.
Pero, si King na lang ang nakita kong parang malalim ang iniisip.
Hinanap ko sya buong gabi.
Buong gabi sa party, pero wala. Hindi ko sya nakita.

♥♥♥

King Alvarez: JOSHUA WILL ALWAYS BE JOSHUA

Naparami ata ang inom ni Jini ng champagne ah! Bakit kaya? Masama ang loob nya? Sa
EX nya na naman kaya?
Napasandal sya sa upuan. Tinulungan ko syang makatayo.
Kaya lang.

"TABIIII!"
Tinulak ako ni JR!
Binigyan nya ako ng tingin na parang galit sa buong mundo.

" Naparami ata-"
Napalaki ang mata ko ng nakita kong binuhat sya ni JR.
"Walang nakakita nito!"
Sinabi yun ni JR. Hindi ko alam kung sakin ba nya yun sinabi o sa kay Anton na katabi
ko pala o sa isang taga communications na kumakain malapit kay Jini.
"Teka. Bakit?-"
Tiningnan nya ako.
"Puntahan mo si Hayley sa taas. She is not feeling well."

Umalis sya.

Hayley? Hayley likes Joshua simula pa noong High School.
Hayley is a very nice girl.

And, I like Jini. Pero bakit ganito? Bakit parang nararamdaman kong tinatalo ako ni JR sa
kay Jini?!
Magkaibigan na ba talaga sila ni Jini?
Jini is titas scholar right?

Siguro din...ginagawa lang ni JR to for tita.
Pero, I can't let him do this.
I mean, JR is a full-time playboy!
Wala syang patawad kung pati si Jini lolokohin nya!

ITS TOO EARLY TO THINK ABOUT THIS THINGS.
BUT, JOSHUA WILL ALWAYS BE JOSHUA.

♥♥♥

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->