♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Loving Darkness
when he loves like her... (c)jonaxx ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ UG SA DIHANG... Ehem. Ehem. Mali-Mali-Mali.

Nagbreak ba kayo ng guwapo mong ex? Alam nyo ba kung ano ang Darkness Contract? May kilala ba kayong taong mas masahol pa sa tae ng kalabaw ang ugali? Panu pag magustuhan ka ng isang mabait, gwapo, matalino at mayaman na lalaki? Hindi ka pa rin makarecover sa EX mo? O baka naman, nahuhulog ka na sa isang walang modong lalaki ng hindi mo alam! Hirap ka ba sa pera? PWES pauutangin kita!

Kung nagtataka ka sa intro. BASAHIN MO NA LANG ANG STORYA. Kung tinatamad ka o nababagot ka, basahin mo na rin. IKAW DIN.
The Characters:

♥♥♥Joshua Rian Te [JR] // blue Kenjie Chua [ken] // red♥♥♥ ♥♥♥King Alvarez[King] // teal ♥♥♥Jini Punzalan [jini] // green♥♥♥ ♥♥♥Tanya Santos [tanya] // maroon Tiya Isabel // hotpink♥♥♥ ♥♥♥Hayley Anderson // coral Amy Andrea Tanseco // purple♥♥♥ ♥♥♥Hans Anderson // orange

Extras (guy) // limegreen Extras (girl) // pink

♥♥♥

Chapter 0.3 Ugly Girl Loves Handsom-est Boy
♥♥♥ "Jini... I think I'm falling for you." Matipid sya mag salita pero gustong gusto ko ang lahat sa kanya! Gwapo sya. Oo! Naiinis ako sa kanya kasi alam nyang hindi sya natatanggihan! "I am also falling for you." Unti unti syang lumapit sakin at yinakap nya ako. I can't believe I have my first BF now. As in ngayon din. I never thought. At sa lahat ng lalake sa balat ng lupa, sya pa ang una kong naging boyfriend. Hindi ko naisip, ni minsan, na magiging kaming dalawa. Pero, ika nga, nothing is impossible. Pero I still can't believe. Para parin akong nananaginip.

Look, He is the handsom-est GUY alive. And I am...? I am...just an ordinary girl. Hindi po ako yung tipong nagbibigay ng stiff neck sa mga tao kapag dumaan ako sa kanilang harapan. Ni hindi nga ako ma bigyan ng . Kung baga, ako lang yung tipo ng babae na ini-isnaban mo.

Ako si Jini Punzalan. And I am in love. So much in love with someone. He is my friend. Nung una ayoko talaga sa kanya. Ayoko sa kanya dahil napaka suplado, vain, at feeling nya. Gwapo sya, at alam nya yun, kaya ganun na lang sya kung umasta. Pero, KAIBIGAN ko sya. In fact, we stay in the same group of friends when we were still in high school. At ngayong college na kami, we are still in the same group of friends.

Ako po? Hindi po ako babae - este - kung umasta po ako parang hindi babae. My mother died at my birth. My father died when I was still 10 years old. Buti na lang at andyan ang dalawa kong kuya at and nakakabatang kapatid ni Papa na si Tiya Isabel. Kuya Jojo is an engineer. Kuya Toto is an architect. Gumraduate silang dalawa sa University of Saint Mary's. And me? I want to take up Accounting. I love math. I hate english. Marunong naman akong magformulate ng mga sentence. Kaya lang, mahina ako sa public speaking. Minsan (daw) - nonsense at clumsy ako. Pero yun ay MINSAN lang. ♥♥♥

Nanonood kami ng sine ni Kenjie - my HOT boyfriend... "HON. CR muna ako!" Sabi nya. Nakikita ko ang mga mata nya na parang maraming gustong sabihin! Ang gwapo nya. "HON!? eh, malapit ng matapos ang movie ah!" Sabi ko na nakakunot noo. "Eh, naiihi na talaga ako eh." "O sige, sige. Bilisan mo ah. Lalabas na ako agad pagkatapos nito!" Hindi na sya nagsalita. Umalis sya kaagad. 15 minutes later, hindi parin sya nakabalik! demn! Asan na ba sya? Hanggang sa tuluyan na ngang natapos ang movie. Umalis na lang ako sa sinehan. Namuo yung luha ko nung papaalis ako. Asan na ba sya.

Tinext ko.

Nag flood ako. Hindi parin nag rereply! Iiyak na talaga ako. Hanggang sa, nakalabas na talaga ako. Nakita ko si Jenicca, Tony, Matt, Christina at Mikee. Mga kabarkada ko. Quote Barkada nina Jini: Kenjie Chua (guy) Cristina Ramirez (girl) Mikee Tan (guy) Jenicca (girl) Tony (girl) Jai (guy) Matt (guy)

Nakasmile pa si Christina nung tumakbo ako sa kanya at yinakap sya. "Bakit kayo andito? Nakita nyo si Kenjie?" Tanong ko agad habang nakayakap kay Christina. Hindi ko naiwasang tumingin kay Mikee na naka ngisi. Si Jenicca naman tinatakpan yung bibig! Tapos, ilang sandali... "Bakit?-" Biglang nag give way si Matt at Tony... At... "Happy Monthsary! I love you HON!" Sabay halik sakin. Si Ken! May dalang roses. "Sorry, pinag alala ba kita? I just wanna surprise you!" Pinunasan nya ang luha ko. Sinuntok ko sya! "Ohh! Sorry nah!" He is excused! Nalimutan ko nga na monthsary namin! Kahit na piniyak nya ako ngayon, I'm still happy. VERY HAPPY!

♥♥♥

Chapter 0.7 College, here I Come!
♥♥♥ Ehem ehem. Jini Punzalan. Etong babaeng eto, ay girlfriend ni Kenjie Chua! Kenjie Chua! Kilala nyo ba yun? Haai. Sino ba ang hindi nakakakilala sa kanya? Jini Punzalan? Sino ba ang nakakakilala sa kanya? ulol. Hmmm. Sya yung mejo boyish. Yung hindi babae kung umasta. Pero ngayon... babae na syang umasta! Syempre, may boyfriend na sya. Haai. Ganyan siguro ang iniisip ng ibang tao sakin noh? Sino ba kasi ang hindi magiging boyish eh lumaki ako kasama ang mga kuya ko. Right now, they are abroad. Si Kuya Jojo - kapapanganak lang ng asawa nya. Si Kuya Toto naman engage na. Si Tiya Isabel ko nalang ang andito. She is just 25, at dito lang sya sa bahay. Nag tapos naman sya, kaya lang, ayaw nyang mag trabaho. Note: Hindi po kami mayaman. Ang dalawang kuya kong OFW ay naghahanap buhay sa labas. Ako? Pinapadalhan lang dito. Si Tiya Isabel ko, palamunin! LOL. Ngayon, nag-aaral na po akong umasta ng maayos para kay Kenjie. Hehe. Hindi ko mapigilang ngumiti kapag iniisip ko si Kenjie. Naiimagine nyo bah kung gano ka gwapo ang boyfirend ko? To the point na nagiging pangit na ako sa paningin ng ibang tao pag magkatabi kami. "Sya yung girlfriend?" "Ayyhh... Love is blind nga talaga!" Minsan nga nakakainis na. Pero, nasasanay na rin ako.

Lalo na pag... "Wa'g mo silang pansinin, na iinsecure lang sila sayo." Lalo akong ginaganahang mag PAPANGET para mas dumami pa ang maiinsecure saken. LOL. Gaga talaga ako. Nung bata pa ako, hindi ko kilala si Barbie, pero kumpleto ko ang mga Power Rangers at Ninja Turtles na miniatures. Pati ang Transformers at Dragon Ball, yun lang kasi ang available na laruan sa bahay. Pero. Hindi ako marunong mag BIKE. LOL. Yun yun eh. Tomboy na hindi marunong mag bike. May kahinaan talaga kasi ako sa pagbabalanse. May phobia din ako sa heights, kaya ayaw kong umakyat sa puno. Weird bah? Boyish ako, pero hindi ko kaya yung mga yun. Kaya nga, hanggang ngayon, hindi ako natutuluyan sa pagka TOMBOY eh. ♥♥♥ "Scholar?" Ako? Scholar na sa University of St. Marys? Ano? HAHAHA. ulol. Di nga? "Jini! Ang galing mo talaga! Matutuwa ang mga kuya mo neto! Pati ang mama at papa mo!" napatalon sa tuwa si Tiya Isabel. "Pero Tiya, wala na man po to sa plano ah? Diba, I just wanted to be a normal student there. And USM ay isa sa mga pinaka prestigious na school dito sa Pinas. Nakakaloka naman ata kung gagawin nila akong scholar." Binatukan ako ni Tiya Isabel. "Gaga! May nag sponsor nga sayo! Ayaw mo ba nun?! Mabibili mo ang kahit ano na gusto mo sa perang impambabayad mo sana sa school nyo!" Oo nga noh? "Pero. Ang hirap pag scholar! Kelangan mong mag maintain ng grades..." "Kaya mo yan girl! Ikaw pah." Sabi ni Tiya Isabel habang sinasabit yung buhok ko sa right ear ko. "Panu na yung pag DoDOTA ko?" "Ano ka bah! Maging babae ka nga!" "Bakit? Hindi ba pwedeng mag laro ng DOTA ang mga babae?" "Basta! Hmmm. Matulog ka na! First day of class mo pa bukas!"

♥♥♥

First Day of school. Nga pala, si Mikee, Christina, Kenjie at ako lang ang nag USM sa aming barkada. Kaya naman, nagkitakita kami para sa orientation. Si Kenjie ay kumuha ng International Studies. Si Christina ay Nursing. Si Mikee naman ay Civil Engineering. Ako, yun nga, accounting. Mahirap ba ang course ko? Hmmm. Okay lang yan, I love math. Dito sa USM, usually yung kumukuha ng International Studies ay mga pang-'model' ang beauty. Kaya normal lang na andito yung mga PINAKAmagaganda. Ayun, we went to the gymnasium. Ang laki, ang daming tao. Pagpasok pa lang namin, marami na ang nakatutok kay Kenjie. Okay, sana'y na nga kasi ako eh. Unti-unting gumagapang ang kanilang mata sa mga kamay ni Kenjie na nakahawak sa kamay ko. AT. "He's taken na pala." "Oh. Yung lupa nga na may titulo eh naagaw, yan pa kaya na walang titulo!" And I heard EXTREME laughters. Napatingin ako sa kanila, at hindi ko lubos ma isip kung ano ang nangyayari sa mukha ko sa mga sandaling iyon! Then, he touched my head and make me look into his face. "Don't mind them!" Kaya hayun, nag sign-in na kami sa colleges namin. Nagkahiwa-hiwalay din kaming apat, kasi iba iba yung colleges. Doon sa orientation namin, nakilala ko si Felyn at Cara. School mate na sila nung High School pa sila, pero, hindi naman ako na a-out-of-place. Ni hindi ko mapigilang sabihin sa kanila ang tungkol sa love life ko. "Ano nga ulet yung name nya?" "Kenjie." "Ahh... Sigurado ka bang andyan sya sa loob ng auditorium?" Habang sumisilip si Cara sa loob. Tapos na kasi kaming na orient, si Kenjie naman, hindi nag rereply. HUHU.

"Oo!" Ilang sandali, nakita ko sya sa stage. Mis-ter Fa-shio-nis-ta. Ano daw? "Hala! Si Tanya Santos yun diba?" Sabi ni Cara habang tinuturo and babaeng katabi, or lets just say KAPARTNER ni Kenjie sa uhmm, kung ano man yung sinalihan nya. "Oo nga! Sya yung cover sa Candy last month right?" Hirit ni Felyn. "Ang gwapo nung katabi nya." "Uhmm, yun si Kenjie." "Ano? Di nga?" "Oo!" "Wow. Ang swerte mo girl! Ang gwapo ng boylet mo!" ♥♥♥ Natapos na ang orientation nila. Papalabas si Kenjie sa auditorium nung na ispatan nya akong kasama si Felyn at Cara sa gilid. Ginagawa kong excuse yung pag babasa ng inbox sa celphone ko para kunwari, hindi ko sya nakita na kasama si Tanya Santos at kung sinu-sino pang mga babaeng magandamakinis-mayaman-at-MALAMBING. LOL. "Excuse me ah!" Tapos lumapit sakin! "Uy! Ken, eto nga pala si Felyn at Cara, my new found friends!" "Hi." "Hello! Inalagaan nyo ba tong Girlfriend ko?" Sabay akbay sakin! Bago sumagot sina Cara at Felyn, dumaan sila TANYA sa tabi namin. May mga tingin silang...NEVERMIND. "Girl ko!" Sabay higpit pang kapit ni Ken saken. Ako naman, ISMAYYYYLLL. Pasensya ka na Jini ah! Your boyfriend is demn HOT and SHOWBIZ. Dahil, dagsa pa ang tao sa labas ng auditorium at sa lakas ng boses ni Kenjie, nakikita ko ang mata ng lahat ng BABAE at BADING na parang minamaliit ako. Or what? Ewan ko, pero, parang napakasaya ko. And then, nag loko ata ang sound system sa loob ng auditorium nung biglang... "Hey, hey, you, you, I don't like your girlfriend, no way, no way, I think you need a new one!"

P*ta! Sino ba ang nag compose ng kantang yan? Akala ny bah masaya kapag ikaw ang natatamaan? Langya.

♥♥♥

Chapter 1.0 Nothing is Displaced When Nothing is Replaced
♥♥♥

It was all okay. It was all very fine. Until our 7th monthsary... "Happy monthsary my Kenjie." This time, I am totally and madly in love with Ken. 7 months. And natatapos na ang first sem. Nasasanay na ako sa lahat, sa pag sasabay namin sa lunch time, sa panonood ng sine almost every saturday, sa pag dalaw sa kanil paminsan minsan, sa pag dalaw nya samin pa minsan minsan, sa pag pupunta nya sa room ko everytime he is free, sa pakikisit-in ko sa room nya everytime may gagawin syang presentation, sa pagpapaturo sa kanya sa english, kahit na yung mga blockmates nya kilala ko na. Nasanay na ako sa lahat. Kuya Jojo called me. Sya, kanyang pamilya, at si Kuya Toto will be coming back. Kaya lang, they will stay in Manila lang. Magbabakasyon daw. Kaya, pagka sembreak, pupunta kami ni Tiya Isabel sa Manila. Excited na ako! Sasabihin ko na rin sana na meron na akong boyfriend. PERO... "Uhmm... I'm busy. I'll call you if I have time na lang!" Tapos, he kissed me on my cheek. Okay. Busy daw. Ayan ha. Hmmm. Baka may surpresa sakin! HAHA. Alam ko na ang diskarte nya. Hmmm. Sige, kunwari, hindi ko alam!

Then, I waited for his call. Hanggang sa papalubog na ang araw. Hanggang sa... Gumabi na. He called me! YES! "Jini, can we talk?" "YES. Sure ken! Where?" Pumunta ako agad. He was there. Standing, a plain white shirt. Then he hugged me! Habang ako, hindi mapigilang ngumiti! "Akala ko hindi ka tatawag!" "Jini, look, busy kasi ako masyado ngayon." "Alam ko! Okay lang, naiintindihan kita, syempre dami mong orgs, SHOWBIZ ka eh!" "I mean. Hindi ko na kaya ang responsibility as your boyfriend!" What does he mean? "Ha? Anong ibig mong sabihin!?" Hindi sya nagsalita! "Ken? Ano?" Tapos, I'm almost crying! "tell me! You don't mean that right?" Hindi pa rin sya nagsalita! "Do you love me or not?" Hindi pa rin talaga! "Kenjie! Tell me!" "Jini. Nitong mga nakaraang araw, hindi ko na kasi masyadong na fifeel." Ano? "I'm so sorry!" Tapos, yumuko ako, I cried. Yes! I cried! He didn't even bother to hug me or wipe my tears! "So? Sino?! Tell me? Sino ang pinalit mo sakin?" "No! No! I'm not in love with somebody else right now!" Heck! He IS NOT INLOVE with ANYONE! NOT ME!

But. You see, nobody is displaced when nothing is replaced. ♥♥♥ And yes we broke up! I am looking at our old pictures. Pictures when we were still together. Pero, barkada pa rin kami hanggang ngayon! In fact, may plano kaming mag outing this sembreak. And today, we are going to meet each other. Its been 1 month since we broke up. And, this is the first time na magkikita kami ulit. And me? I have recovered. Recovered. Hindi tulad last month na halos araw2x akong umiiyak, ngayon every other day na lang. Last month, halos hindi ako makakain, ngayon, kumakain na. Last month, hindi ko kayang mag isa kasi baka may maalala, ngayon, ang galing ko ng mag DOTA pampalipas oras. Last month, babaeng babae pa ako, ngayon?? Back to zero! HAHAHA.. wala na akong pinapangalagaang image ngayon! NYAHAHAHAHAHAHA... KAHIT ANO NAHHHH.. FREEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEDOOOMM..

Ahemmm.. Ahemmm... Quote oras na po para lumabas ang tunay na magsasalita sa istoryang ito... hahaha.. syempre, sino pa nga bahhh? edi!!!

ahemmm ahemmm.. Ako! Oo! It was all a part of the flash back... Nag reminisce si Jini sa lahat ng nangyari... Ang totoo kasi, she is the boyish type of girl! Kaya na gugulat ang iba pag sinabing girlfriend sya ni Kenjie. Hindi na man talaga sya pangit, hindi lang talaga sya marunong mag ayos.. Sana po, abangan nyo ang mga susunod na kabanta. Sana po magustuhan nyo to! Kasi, hindi pa po talaga sya nag sisimula... BOW.

♥♥♥

Chapter 2 Back to Zero
♥♥♥

Nag bihis na si Jini. Ayun, depressing ang soot nya, parang tomboy! Haha. ulol kasi eh! May nalalaman pang cap at baller! Haaai naku! Back to zero talaga! Pag dating nya sa meeting place... Matt, Jai, Tony, Jenicca, Christina, Mikee is already there. Jai: Oh Jini! Ang tagal mo! Matt: HAHA. Oo nga. Jini thought: Asan na kaya si Kenjie? Habang tumitingin sa paligid.

Christina: Oi! Looking for your ex? Mikee: Ahem Ahem... Tapos, napalingon si Jini sa likod nya. TADAHHH! It's Kenjie... Matt: Uy Ken! Si Kenjie naman, parang na shock sa itsura ni Jini. Si Jini naka titig kay Ken na parang bata na nakakita kay Santa Claus! And then... Kenjie: Guys! Lumabas si Tanya sa kanyang likuran... Kenjie: Okay lang ba kung sasama si Tanya sa outing? Mikee: WHOA! Christina: Whaat? Who'sTanya: I'm Tanya Santos. Habang inaabot ang kamay nya kay Christina. Si Jini? Ayun, nakatunganga na lang. Matt: (whispered to Mikee) ipa upo mo muna si Jini! Kaya hinila ni Mikee si Jini sa isang upuan... Tony: ahem... Jin! Okay ka lang? Tapos... Tony: (whispered to Christina) Tin, Tanya Santos, model yan. Christina: Ahh. Tanya Santos! The model right? Tanya: Oh yeah! I'm glad that you know me. Christina: Ahhh! Nice meeting you! Christina thought: Si Tony lang nakakakilala sayo noh! lol Kenjie: Si Tin? okay lang bah?

Christina: oh sure Ken! Umupo na silang lahat. Si Kenjie, tumingin kay Jini na nakatitig sa kepeng inorder ni Mikee. Kenjie: So when is the outing? Christina: Uhmm.. this coming 13th? Kenjie: Okay! Game! Saan nga ulit? Christina: Sa Te Beach Resort! Tanya: Wait wait. When is it again? Christina: 13. Tanya: OH MY! May pictorial ako nyan? Jini thought: OH MY! May pictorial ako nyan? WTF!? sya na nga yung nakikisawsaw, mag iinarte pah! Ano? Sila na bah? Wala na talaga akong ibang maisip. Christina: How about 14? Tanya: Uhhmm.. hindi rin! Christina: So panu yan guys? Tanya: Uhmm.. Siguro, I wont go with you na lang? Habang tumitingin kay Kenjie! Kenjie: No! dapat kang sumama! I've heard that Te Beach Resort is one of the finest! Tanya: of course, Te's are very rich! Sa kanila din yung JoseRhea Farm and Lands! Kaya, I know for sure na their place are the best, kaya langJini: sila na bah? Kaya lang, parang hindi whisper eh! Napatingin kasi si Tanya sa kanya! Tanya: Oh! Ikaw pala si Jini right? I didn't notice you eh, kasi, you look odd. No, I mean, you don't look like any girl here! Uhm. No offense ha! Jini thought: EH loko ka ah! Pasalamat ka namamanhid pa ako! Argh. I can't believe na sasama sya. I mean, gusto ba sya ni Ken? Maganda nga, ang pangit naman ng ugali. May pa no offense - no offense pang nalalaman. ARGH! Kenjie: Ahem. Uhm.. Tanya, when is your free time? Tanya: Uhm. Siguro 15?

Christina: 15? is it okay with you guys! UmOO na man sila... except kay Jini na tulala! Jenicca: Jin, Ano? 15? Jini thought: Ohhh! My... gosh... 15 is my flight to Manila! Jini: Hindi ako pwede nyan eh! Christina: what? Jenicca: (whispered to Jini) Oi! Wag mo ngang dalhin ang problema nyo ni Kenjie sa outing natin. Jini: Hindi ah! I swear! Hindi ako pwede! Nag tinginan sila sa isa't isa. Jini: Uhmmm. Hindi na lang siguro ako sasama? Tahimik pa rin. Jini: uhmmm. Okay lang naman sakin yun eh! Tahimik pa rin. Jini: Importante kasi eh. Kenjie: I know you. Hindi ka kailanman nag absent sa mga outing at meetings natin. Wala ka sa 15? That's impossible! Jini thought: Heck! Totoo naman na wala ako ah! Dibah? I am not pretending! Jenicca: How about 16? Jini: HA? Wala pa rin. Jenicca: 17? Jini: Hindi rin! Mawawala ako for 5 days! Jini thought: Wala naman kasi talaga ako. Christina thought: Jini! Ano ka bahhh! Kenjie: Bakit? Saan ka pupunta sa limang araw na yan? Jini: HmmmTanya: Okay! How about 20?

Jini: AH. Kenjie: Wag mo sabihing wala ka nyan! Jini: UHM. Hindi maka tingin si Jini sa mata ni Kenjie. Kaya sinipa ni Tony ang paa ni Jini. Tony thought: Jini, don't be dumb! Jini: O-Oo! Andyan ako! Matt: Well that's great!! Napa hinga silang lahat ng malalim... Jini: CR muna ako. Tapos, umalis... Christina: Ako din... Pag dating nilang dalawa sa CR... Christina: Jin! Ano bah!? Why are you acting weird? Jini: No! No. Hindi ito about kay Kenjie at Tanya. Christina: Then what? Jini: Kelangan kong pumunta sa Manila this 15 eh. Uuwi kasi sina Kuya! Christina: Really? Jini: Bakit ba kasi kasama si Tanya? Christina: Hmm.. sabi ko na nga bah! Jini: Totoo na pupunta ako ng Manila this 15. Pero, hindi nyo ba naiisip na kayong lahat may pertner, except sakin? Then? Ang bilis nya naman atang makahanap ng bago! Samantalang ako, wala pa rin. Sya pa rin! Christina: Wala namang masama! He is single, she is single. Humanap ka ng iba, marami pa dyan! Jini: I hope ganun ka dali! Sumandal si Jini sa pintuan ng CR. Christina: We just have to accept the fact na eto na ang nangyayari ngayon! Jini bit her lip. Christina: Why don't you dress well nalang muna? Ikaw kasi, wala kang ka

fashion-fashion kaya weird ang tingin ng mga tao sayo! Jini: Tin, all I want is him. Christina: Move on! Jini: Panu? Christina: Show him that you don't love him anymore? Jini: Panu? Yinakap ni Christina si Jini.. Christina: Sorry. Hindi ko rin alam kung papanu mo yun gagawin!

♥♥♥

♥♥♥

Chapter 3 New Life
♥♥♥ Jini thought: Okay. This is it! Napahinga sya ng malalim habang papasok sya sa plane. Tiya Isabel: Jini! Hindi tayo mag tatabi! KayaJini: Opo! Haaai Tiya, malaki na po ako! Dontcha worry. Jini thought: This is my first time! OH NO! Kinakabahan na ako. But. Kailangan kong mag act na parang wala lang. Para hindi ako masabihang ignorante! Umupo na si Jini sa upuan nya. Katabi nya, isang lalakeng... UHM. Jini thought: 5 minutes na lang. UHM. Tiningnan nya ang lalaking katabi.

Jini thought: Tulog ata! Kasi, may newspaper sa mukha eh. Ang laki laki pa ng headphone. Ilang sandali ang nakalipas... Mag t-take off na ang airplane. Jini thought: PATAY! PATAY! Naduduwag ako. Nabigla si Jini nung biglang gumising ang katabi. Jini thought: Gising na sya... At mag t-take off na.. Parang hindi mapakali si Jini. Pero, nung naramdaman nyang nag t-take-off na talaga, bigla syang napahawak sa kanyang upuan at parang... nag stop ang time para sa kanya. Hindi huminga, hindi gumalaw, wala talagang ginagawa. Kaya, nag taka yung katabi nya kung ano ang nangyayari sa kanya. Ilang sandali ang nakalipas, ganung-ganun pa rin ang itsura ni Jini. Ang pangalan po ng katabi nya ay Joshua Rian or JR. Ka edad lang ni Jini.

JR: Miss! Are you okay? Hindi parin gumalaw si Jini! Hanggang sa unti-unti ng lumapit ang mukha ni JR sa kanyang mukha. Jini thought: Loko to! SINAMPAL ni Jini si JR! JR thought: ARAY! Walang hiyang babae! JR: ARAY! Ano bah? Jini: Akala mo ha?! Hindi ako ganyang klaseng babae. Anong akala mo sakin? CHEAP!?JR: (nahihiya at pinapatahimik si Jini) JR thought: Iskandalosang babae! Pamilyar sya! NAKAKAHIYA NAHHHH! ARGH.

Jini: Kung akala mo ganyan ako, PWES nagkakamali ka! HM-Tinakpan ni JR ang bunganga ni Jini! Kinagat naman ni Jini ang kamay ni JR! JR: AA-Ouch! Habang hinahawakan ang kamay nya!! Hindi na talaga maipinta ang mukha ni Jini. Jini: AHA! Bakit? Ayaw mong marinig ng buong mundo na GUSTO MO AKONG HALIKAN? JR thought: HALIKAN? What the hell is she talking about!? JR: (tumatawa) Halikan!? HAHA. Tinakpan ulit ni JR ang mukha nya ng newspaper at linagay ang headphones. Jini thought: ABAHHH! Antipatiko!!! ARGH. Tunmingin si Jini sa kanyang paligid... Jini thought: Patay. Nakakahiya pala ang ginawa ko! ARGH. ♥♥♥ Nung nakarating na sya sa Manila, hindi na hinanap ni Jini si JR. Jini thought: I can smell a new Jini. Pag balik ko, ibang iba na ako. Ipinapangako ko sa aking sarili na I will change. A lot! Hindi na ako iibig uli na tulad sa pag ibig ko kay Kenjie. Pag balik ko dun, I will act as if I don't care anymore, even if I do!

Tiya Isabel: Hoiii! Ano bang tinutunga tunganga mo dyan!! Halika na. ♥♥♥ Mom ni JR: Hey big boy! Buti at naisipan mong pumunta dito? JR: Ma. Don't treat me like a KID!

Mom ni JR: Oh! Bad trip ka bah? JR: Katabi ko kanina sa plane ang isang ignoranteng babae. HAAI. Mom ni JR: Hmmm. JR: Asan na si papa? Mom ni JR: Pumuntang Japan, may inasikaso. JR: Lagi na lang syang wala! Mom ni JR: Wag ka na ngang mag tampo! Tumahimik si JR. Mom ni JR: Why are you here nga pala? JR: Boring masyado sa bahay, ako lang mag isa! Ang laki laki pa naman nun! ARGH! Mom ni JR: Where's your friend? House party naman kayo sa bahay! JR: Masyado ng boring at nakakatamad eh! Mom ni JR: Hmmm.. Where ARE your girlfriends? JR: Ma! Ano bah! I don't want those anymore! Talagang tinatamad na ako sa ganung life! Mom ni JR: (hugs him) Joshua, ano ba ang gusto mong mangyari talaga? Hindi naman kita pinag bawalan sa pagiging BADBOY at pag sali-sali sa iba't ibang barkada at kung ano ano pang gangster o fraternity. NOW? JR: Ewan ko din. Mom ni JR: Anyway, uuwi ako after everything here. JR: 3 days lang nga pala ako dito, ma! Sa Resort muna ako mamamalagi. Tinatamad talaga ako eh. Mom ni JR: Ang lakas mong mag salita ng tinatamad ehhh, wala ka namang ginagawa! JR: Basta, I need to take a break, Pagkatapos, babalik na ako sa dati! Mom ni JR: How's school? JR: As.... usual! Mom ni JR: In speaking of school... Mom ni JR: In speaking of school... Tumaas ang isang kilay ni JR. Mom ni JR: Nasabihan na ba kita na may scholar ako sa school nyo? JR: HUH? Mom ni JR: Yeah! Isa lang sya. Babae. And guess what? Accounting student! JR: I am not interested. Mom ni JR: No! I just want you to look after her! Ano ka ba naman! JR: Para saan? Is she hot? Mom ni JR: She looks so innocent! And a little bit boyish. JR: NAAAH. ayoko ng mga ganyang girls, Maria Clara. O baka naman, tomboy

yun! Mom ni JR: (dahan-dahang sinapak si JR) Naughty boy! I'm not telling you to date her noh! JR: Watch over her and date her. What's the difference? Mom ni JR: Basta! I've always wanted to have a daughter. JR: Hmmm. Mom ni JR: Sige na! This next sem, mag me-meet na kami and she will 'spare' her time in 'serving' US. JR: HA? Mom ni JR: Oo! Ayoko sana yung gawin eh, kaso, it's the schools request. Necessary daw yun para tumanaw ng utang na loob yung scholar. Kaso, I'm not that kind. I just want to know her. And I also want her to be at our house paminsan-minsan. I'll check her grades, the things that she is doing, kung may BOYFRIEND ba sya, or what... JR: Oh ma! I don't wanna be involved! Mom ni JR: Whatever you say! Basta, the papers are at home. When I go back, ipapakita ko sayo. ♥♥♥ Si Jini naman, nag e-enjoy sa pag sh-shopping at pag BABAGONG buhay. You know, you need to be more beautiful especially when you are broken-hearted! Jini thought: I thought brokenhearted is just a word, pero ngayon, na darama ko na kung ano ang epekto ng word na yan sa akin. I don't wanna be broken again! Kuya Jojo: Jini, ipagpatuloy mo lang yang pagiging iskolar mo para ganito palagi. Makakapag shopping ka! Nasa loob sila ng salon. Si Jini, talagang ibang iba na. She's a girl right now. Yung tipong, ang mga nakakakilala sa kanya noon ay malalaglag ang panga sa bagong look nya. Although, she can't hardly walk right sa heels na ipinasoot sa kanya, you can see her persistence in making herself better now. Hinawakan ni Tiya Isabel ang buhok ni Jini. Tiya Isabel: You looked like your mother now! She smiled. Pag balik nya kaya sa kanila... Naka move on na kaya sya?

Who will fall inlove with her? May utang kaya sya? Will she pay a price? Will someone pay? Will she take her revenge?

♥♥♥

Chapter 4 My Return, My Revenge
♥♥♥

Limang araw na ang nakalipas, nakauwi na sina Jini. Jini thought: I can smell change! Yun lang ang naiisip nya habang lumalabas sya sa airport. Kahit nung hanggang nasa bahay na sya... KRIIINNNGGG... Jini: Hello? Tumawag si Christina. Christina: Jini! Kanina pa kita tinatawagan ah! Jini: Sorry, inOFF ko kasi yung fone ko eh! Christina: AH! Nakabalik ka na bah? Jini: Yeah! Christina: Mabuti! Uhm. Mamaya ha? 5pm, kitakitz! Jini: HA? Saan? Christina: We're going to the resort na! Don't tell me nakalimutan mo! Jini: H-Hindi. Uhm, O sige! Jini thought: Actually, hindi ko alam kung ano ang magiging reaction nila sa bagong look ko. Wala akong ideya, HINDI KO MA IMAGINE! Christina: Okay gurl! Bye!

Jini: Bye, bye! Jini thought: SIGH! Natulala sya. Jini thought: Whatever, revenge is what I'm up to right? ♥♥♥ 5:10pm that day. Christina: Haaai. Sino pa ang wala? Jennica: Si Jini, Tony at si Matt na lang! Kenjie: Tin, Sigurado ka bang pupunta si Jini? Habang umuupo si Kenjie dahil kanina pa siya pabalikbalik sa pag lalakad. Christina: Yah! I'm so sure! Mikee: Talaga? Baka naman hindi yun pupunta kasi mag seselos lang yun noh! Nagkatinginan si Kenjie at Tanya. Kinurot ni Christina si Mikee ng palihim. Mikee: Ouch!Nagkatinginan silang lahat. Jenicca: O! Ayan na pala si...Tumayo agad si Kenjie. Tony: Oiii! Sorry were late! Christina: Okay lang! Wala pa naman din si Jini eh! Matt: Ang tagal kasi nitong si Tony eh, maraming nalilimutan! Christina: Ows! Baka ikaw! HAHA.. wait, tawagan ko lang si Jini. Tinawagan nga ni Christina si Jini, kaya lang, hindi ito sinasagot. Christina: Hindi nya sinasagot eh! Matt: Baka hindi yun sasama! Christina: Thats imposible! Kenjie: Baka ayaw pa nyang... Tanya: May feelings pa ba sya kay Kenjie?

Jenicca thought: Ano ba naman tong babaeng ito! Jenicca: Of course! And, si Kenjie kasi ang nakipagbreak eh, so I can say na meronChristina: EHEM. Jenicca: Anyway. Dumating na si Jini, kaya lang, nag loading pa sa utak ni Jenicca ang bagong look ni Jini. Jini thought: Nakarating din ako. Nakakahiya. Panay ang tingin ni Jenicca sakin, pero, wala syang emosyon! Jenicca: Ji? Ji-Jini!?! Napatingin silang lahat sa kay Jini. Kenjie thought: She is stunning! Christina: JINI!!! Wow! How are you!? You look so blooming! Matt: Pusta ako, you have a new boyfriend noh? Mikee: Naku! Sino ka bah? Asan na si Jini? yung tomboy! Kinidnap mo noh? (tumawa) Ngumiti si Jini. Kenjie: Jini! Ano bah! We thought, hindi ka makakapunta o may nangyaring masama sayo! Hindi mo kasi sinasagot ang mga tawag! Tumahimik sila! Christina thought: He is acting like he still have feelings for her! Kumapit si Tanya sa right arm ni Kenjie. Tanya: Oo nga Jini! Jini thought: I can feel jealousy within me. Hindi ko alam kung papanu ko itatago. Tanya: But anyway, now that you are here... Let's go inside! Hinila ni Tanya si Kenjie patungo sa car. Sumunod naman sila.

♥♥♥ comments po! Kung meron mang silent reader, please lumabas nah. continuation... ♥♥♥ Jini thought: Bakit MADILIM!? ANG DILIM!? ANG DILIM! I am afraid of the dark, ayoko ng walang nakikita! Blurry! Unti unting lumiwanag, pero madilim pa rin. Bakit ito ganito? Sino sya? Sino ito? Ang panget nya! SAPAK. Jini thought: Bumabalik pa rin sya! Bakit mainit? Bakit mainit ang katawan ko? Bakit parang tinutusok tusok ako ng karayom? SAPAK. Jini thought: Walang hiya!! Ano baaahh! AHHHHHH! AHHHHHH. AHHHHHHanggang sa hinalikan na nga sya nung lumalapit sa kanya!! Ginugulo na nya ang buhok nung humalik sa kanya, tapos hinila hila ang hood ng jacket nung LALAKING humahalik sa kanya. Jini thought: LECHE! SINO BAH TO? Jini: AHHHHHHHHHH! Kenjie: Jini!!! Habang ginigising si Jini sa mahimbing na pagtulog! Gumising naman si Jini! Jini: AHHH! ARGH! Pinupunas-punasan nya ang kanyang labi! Christina: Jini! Ano bah ang nangyayari? Kenjie: Masama ba ang yung panaginip? Jini: Nasaan ako?

Christina: (sinapak si Jini ng pabiro) GAGA! Nag a-outing tayo! Hindi pa rin nakabalik ang soul ni Jini. LOL Christina: Kanina ka pa namin ginigising! Nauna na nga sina Matt at ang iba pa dun sa tutuluyan natin eh! Tanya: Oh yeah! Why? What's your dream bah? Ang gumising kay Jini ay si Kenjie, Christina at Tanya na lang! Kenjie: What is it Jini? Habang pinipilit si Jining mag salita. Jini: Nakalimutan ko! Jini thought: Ano nga bah? Tanya: Anyway, let's go na Ken! Habang hinihila si Kenjie. Tanya: Its getting late! At umalis nga si Tanya at Kenjie. Napayuko si Jini. Jini: Anyway, let's go na Ken. Its getting late! (pabirong sinasabi). Argh, kala mo kung sinong maganda! Christina: (tumawa) Halika nah! Sayang naman yung new look mo kung hanggang ngayon wala ka paring poise! Jini: Ha? Hmmm... Pumunta na sila sa tituluyan nilang Hotel. Maganda ang paligid kahit gabi dahil maraming ilaw. Maganda kahit hindi naman sila tumutuloy sa first class na hotel doon sa Resort na yun. Inayos nila ang mga kagamitan nila at pumunta sa tabing dagat. Gumawa sila ng bonfire. Habang nakalibot sila sa bonfire... tumingin si Jini sa kanyang paligid. Jini thought: Tingnan nyo nga sila. Eto kasi ang iniiwasan kong mangyari eh! Si Christina at Mikee, Si Matt at si Tony, Si Jenicca at si Jai. DEMN. At si... Tanya at Kenjie. Ako lang ang walang pares.

Jai: Mag spin the bottle tayo! Masyado kasing boring eh! Jenicca: Oo nga! Kaya, naglaro nga sila. Unang spin pa lang, si Jini agad ang natamaan. Jenicca: truth or dare? Jini: Uhm. Truth? Jini thought: I hope this doesn't hurt! Jenicca: Okay! Tiningnan ni Jenicca silang lahat. Jenicca: Okay! Be sport huh?! This is the question! Habang pumili ng papel sa isang basket ng questions ng truth na ginawa nila. Jenicca: Question number 15! Jenicca thought: this question? OH NO! Jenicca: Do you still have feelings for your ex boyfriend? Napatahimik silang lahat! Jini thought: What? me? Feelings? Oo syempre! hindi yun ganun ka dali! This is not fair! He is in front of us! I can't just- LOSE MY PRIDE! Pero, what if, he still have feelings for me? What if? What IF? No! He told me wala na right? Tinitigan ni Kenjie si Jini. Si Jini naman, hindi makatingin kay Kenjie. Jini: Feelings? Wala! Christina: *coughs* Jini: Wala na talaga! May bahid na pag dududa ang mga nakarinig! Jini: You know, I wouldn't go for the truth if I won't answer it right, right?

Si Kenjie naman, napayuko lang at parang hindi nagustuhan ang sinabi ni Jini. Jini thought: buti nga sayo! Kenjie thought: She doesn't? She doesn't love me anymore?! Hindi ako naniniwala! Pero, it came out from her mouth na! NO! NO! This couldn't be! Tumahimik silang lahat! Jini: OKAY! I'll spin the bottle! Tumama kay Tanya ang bottle. Tanya: DARE! HMM. Mabuti naman at wala ka nang feelings kay Kenjie, Jini. Now, I won't think na somebody will be hurt if we acted as sweet as lovers! Sinabi yun ni Tanya habang sumasandal si shoulders ni Kenjie. Jini thought: HELL. I'm super plastic! I never thought ganun na ako ka buting umarte! Christina thought: Ang gwapo naman kasi ni Kenjie, even this model here nagpapaka cheap para makalapit lang! Bumunot si Jini. Jini thought: Kiss the person you like!? What the?! Tumingin si Jini kay Kenjie. Jini thought: Kenjie looks like may feelings pa sakin... No. No. It doesn't mean that way! but why is his face that gloomy after what I have said?! Kinuha ni Jenicca ang papel sa kamay ni Jini. Jenicca: Kiss the person you like!! Oh my, that's the dare! Habang tumitingin si Jini kay Kenjie, nakita nya na ngumiti si Kenjie nung tiningnan nya si Tanya. Kaya, Jini looked away.

Tanya: So! Isn't it obvious? Tanya kissed Kenjie. Habang, hinahalikan ni Tanya si Kenjie namumuo ang luha ni Jini. Jai: WOOO! Daring! Matt: HAHA. Ang galing! Nagtawanan ang mga magbabarkada. Jini thought: My tears are falling. Jini: Excuse me At nagmadaling umalis. Kenjie thought: Why is she acting like that? Akala ko bah? Jini thought: (while walking fast) I never thought it would still hurt this way. I never thought. Para syang sugat na linagyan lang ng band-aid at nagkukunwari lang ako na walang sugat. Kaya nung binuksan ko, dumugo ulit! I never thought! Kenjie thought: I think, she wants revenge. Trying hard kasi masyado! Why don't she tell me the truth? Loko talaga sya! Ayan tuloy! I know what she is up to, pero, i won't make her succeed! Si Jini, habang naglalakad (kahit walang patutunguhan), umiiyak. Habang tumutulo ang luha nya, agad nyang pinupunasan! Ang kanyang mga barkada naman, nagpatuloy sa pag lalaro! Will she take her revenge again? Mag tatagumpay kaya sya? Can a broken heart be healed? Will it bleed like a fresh wound everytime SHE looks in HIS eyes. Every time she thinks of how he hurt her? ♥♥♥

Chapter 5 The Kiss of Darkness
♥♥♥

Naglakad ng naglakad si Jini. Jini thought: Wala man lang sumunod sakin! ARGH! Napansin ni Jini na nasa madilim na parte sya. Jini thought: OH! I'm afraid of the dark! PANU TO? Babalik na lang ako! Nung, tiningnan ni Jini ang daan pabalik, tumindig ang kanyang balahibo nung nakita nya na masyado na syang malayo. Jini thought: OH NO! Sige, bibilisan ko pa ang paglalakad! Walang hiya! May pa walk-out walk-out pa kasing nalalaman eh! May nakita si Jini na Hotel. Maganda, magarbo at parang pang mayaman. Jini thought: Is this a part of this resort? Napansin nya na maraming tao. Kaya lang, ilap at parang mayayaman talaga. Jini thought: Wow! Maybe ito yung first class sa resort na to! *gulp* Tawagan ko na lang si Christina! HMMM. Hindi kasi namin afford to eh! Nung hinanap nya ang cellphone nya sa kanyang shorts... Jini thought: OH NO! I left it! ARGH. Panu nila malalaman na andito ako? HUHU. Pumasok si Jini sa Hotel. Jini thought: Magtatanong na lang ako sa Customers Service o receptionist dito! HAAI. Ang ganda! Para syang five star hotel sa tabi ng dagat. Marami akong nakikitang foreigner. WOW. Grabeh! ang ganda ng MGA chandelier! ANG GALING.

Namangha si Jini ng namangha. Receptionist: MISS. Ano pong syo? Jini: *gulp* UHM. Mag kano ang isang room? Jini thought: WTF! Bakit yun ang tinanong ko?! Receptionist: Single, Deluxe, Family, First class oJini: Yung pinaka mura? Receptionist: TWENTY FAYYYVVV thousand PEYSOS per day. *smiles* Jini: *gulp* HA? May pay phone ba dito? Receptionist: *smiled* Yeah! That way! Habang, tinuturo ang room katabi sa isang magarbong restaurant. Jini thought: Nakahilo naman yung price ng PINAKA MURA NILA! argh. Nung nakarating na si Jini sa place saka nyaJini thought: Ay PUTEK. Hindi ko nga pala memorize ang number nila! Argh. At sigurado ako, nasa labas pa ang mga yun kaya hindi rin maririnig ang phone ko. Tiningnan nya ang weird na mukha ng telepono. Jini thought: At isa pah. Parang, hindi ko alam kung panu yun gagamitin. ♥♥♥ Nakaupo si Jini sa stairway sa labas ng hotel. Madalim - pero may mga lights sa sea shore. Ang naririnig lang nya ay ang alon sa dagat. Jini thought: Papanu ako makakabalik?! ARGH! Yan kasi! May pa walk out walk out pa akong nalalaman! Kasi naman, masyado ng nakakapressure yung kanina! Si Kenjie naman weird! Ano ba kasi talaga? Tapos, unti unti na syang humanap ng mga bato sa paligid ng kanyang inuupuan. Jini: (throws the stone) JINI! Ikaw kasi! revenge? Hanap ng bato, ngayon ganito pah () kaliit.

Jini: (throws) REVENGE? Bakit? Anong napala ko? (throws) Hanap ulit. Jini: Ikaw din naman ang nasasaktan! (throws) Hanap. Jini: Ikaw yung nag revenge, sayo din naman pala ang KARMA! (throws) Hanap... Malaki laki na ang bato! Jini: At ngayon? (throws) Papanu ako makakabalik? Sino ang knight in shining armor ko na mag-si-save sakin sa KADILIMAN? KADILIMAN ng PAGHIHIGANTE at KADILIMAN ng (hanap ng bato the throws) GABEEEEEEEEEEEEEEE! ARGH. Hanap ng PINAKA MALAKING BATO SA PALIGID. Mga, uhm, LIMANG na MOUSE ng computer nyo ka laki. Mabigat at ma---sakit pag nakatama. Tipong, mamamatay ang pusa kapag natamaan ng isang beses. Jini thought: GANITO AKO MAG PALABAS NG GALIT! Jini: NAKAKAINIS KAAAAAAA KENJIEEEEE TANYAAAAA! (throws) Dalawang kamay ang ginamit para-Jini thought: HUMANDA KAYOOOOOOOOOOOOO! HINDI NA AKO!!!! MAG HAHABOL SAYO KENJIEEEEEEEEEEEEEEEEEEE! para---matamaan ang natamaan. JR thought: ARAY! Then, the stone (or ROCK) fell FIRST on his head, then on his right hand na nakahawak sa iPOD. JR thought: SINONG GUMAWA NUN!? He put his hand on his head!

JR: AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! Jini: Ano yun? Nakahiga kasi si JR sa ibaba ng stairway na inuupuan ni Jini. Ngayon, tumayo sya! Nalaglag ang panga ni Jini nung nakita nya na DUGUAN ang noo ni JR! Jini: ANOOOOO??? (napa tunganga at tinakpan nya ang nakabuka nyang bibig) JR: IKAAAAWWWWWWWWWWWW!! *umuusok sa galit* ANONG GINAGAWA MOOOO!? DUGUAN NGA SI JR! Kasalanan ni Jini. ♥♥♥ Pumasok sila sa hotel sa tulong ng mga body guards at mga maid. Nakarating sila sa pinaka magandang kwarto - na kwarto ni JR. Andun pa ang mga useserong maid at bodyguards. Andun din ang nanginginig sa takot na si JINI! Lalapit sana ang isang bodyguard kay JR nangJR: UMALIS NGA KAYOOO! Bodyguard: Pero sirBinasag ni JR ang vase na kanina pa tinitingnan ni Jini. Napa pikit ang mata ni Jini sa takot. Sa takot. Jini thought: Ano ba tong nagawa ko? Ano ba naman to! Jini! TALAGA!!!!!! argh. Umalis ang bodyguards. Maid: Sir. Paparating na po ang nurse. Pasensya na po kungJR: SINAAAAAAAAAAAAABI NG UMALIS KAYONG LAHAT EHHHH! *nag aapoy sa galit ang mga mata* Jini thought: ALIS daw. thanks!

Umalis din ang MAID.

JR: HOY ikaw! Bumalik ka dito!!!!! Habang tinitingnan si Jini. Umaapoy parin sa galit ang mata ni JR. Jini: AKO BAH? Hindi makatingin si JR kay Jini! Jini: AH EH! Hindi talaga makatingin si Jini sa DUGUANG noo ni JR! JR: GAMUTIN MO TOOOOOHH! Jini: HAAAAAAAAAAAAA? JR: ANO? IKAW ang may KASALANAN! gamutin mo! Ginamot nga ni Jini. Habang, nakasandal si JR sa kanyang kama, si Jini naman, ay abala sa paglalagay ng gamot sa bulak. Si JR naman, nakatingin lang sa isang direksyon. JR: IKAW NA NAMAN?! Jini: Anong ako? Jini thought: Sya yung!!! Jini: IKAW? Yung nambabastos? JR: ANO BAHHH! Sinabi nang hindiLinagyan ni Jini ng alcohol ang sugat... JR: AHHHHH! JR thought: Anong klase bang babae ito. IKAAAAAAW. Inagaw nya kay Jini ang alcohol! JR: ANO BA SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO? Jini: Inaayos ang sugJR: LAGYAN MO NA LANG NG BANDAGE PWEDE!? Jini: Ha? JR: MOOOOVE! ANONG KLASENG BABAE bah. Jini: wag mo nga akong sigawan. JR: At ikaw pah? IKAW PAH ANG MAY GANANG MAGSALITA NG GANYAN!? HA? IKAW NA NGA ANG MAY KASALANAN!

Jini thought: Nakakainis! OO NA. SIGE NAHHH! JR: Pwede kitang kasuhan. Pwede kitang ipapulis! Jini: Pwede kitang ipapulis. (inulit ulit ni Jini. She sounded like dhe wanted to !@#$ JR) JR: Ano bah! Jini: Ano bah? (inulit nya na naman, habang linalagay ang bandage sa noo ni JR.) JR: Ano bahhh! TIGILAN MO YANNNN! Jini: Ano bahhh.. Tigilan mo yeeeaaaaeaaaannnnn.......(bleeeeh) JR: TIGILAN MO YAN.. ISAAA! Jini: DALAWA TATLO APAT LIMA ANIM PITOOOOOO--Binasag ni JR ang pinakamalapit na vase sa kama nya. Napapikit si Jini dahil sa gulat sa ingay ng vase... Hinila sya ni JR at HINALIKAN.. Lumaki ang mata ni Jini nung nakita nyang nakapikit ang mata ni JR at humahalik sa kanya. Agad pumasok ang bodyguards, maid, at nurse. Maid: Ano pong-? Nurse: (napatunganga sa nakita) Bodyguard: (Nalaglag ang panga!) Napatingin si JR sa kanila. Umaapoy parin ang mata. Si Jini naman, in the state of shock! Bodyguard: Pasensya na po! Akala po naminMaid: *kilig* JR: LABAAAAAAAAAAAAAAAAAAAS! Lumabas ulit sila. Jini thought: Walang hiya kah! SAPAK. JR thought: WHAT!? Sya na nga tong magpasalamat kasi nahalikan ko sya dahil nakakairita na, sya pa ngayon ang ganyan! Sya pa yung may ganang sumapak sakin, sya na nga ang may kasalanan.

Si Jini naman, ayun, lumuluha. Jini: Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?! HA? *cries* JR: ANO? Ikaw na nga ang may kasalanan, ikaw pa ang ganyan? Jini: Hindi porke't may pera ka ganyan ka na umasta! JR: Ano bang pinagsasabi mo? Jini: *cries* ang malas naman OH! ISTUPIDA! At the first place *cries* bakit ba kasi ako nag walk out! Ang malas malas ko! MALAS. Ang bilis naman ata ng EQUIVALENT TRADE ng scholarship, magandang lovelife, at pera ko last sem. At diba parang sobra sobra naman ito ngayon *cries*. JR: DRAMA. Jini: *cries-cries-cries* JR: Saang highschool ka ba nag aaral? Jini: Anong highschool! College na ako! JR: AH. Okay. Jini: *cries* JR: Tama na! Pwede bah! Binato nya si Jini ng unan. JR: may pa lovelife-lovelife ka pang alam. Bakit? Binasted ka ng crush mo? *laughs* Jini: Wala kang pakealam! *cries* JR: ano? Tatayo ka na lang jan? Ayusin mo tong sugat ko. Jini thought: Ano pa nga ba ang magagawa ko. Inayos ni Jini ang sugat. Sa kamay at sa noo. JR: Mag luto ka ng noodles. Jini: Ano? BakitJR: Ano? May angal? Jini: o-o sige. Jini thought: Sya pala ang may ari ng beach resort na to. Nakakainis. Kung gano ka ganda ang place, ganun naman ka sama ang ugali ng may-ari. Nakita ni Jini ang iPod. Kinuha nya yun at nakinig ng music, habang nagluluto.

Ang totoo, hindi naman talaga sya marunong! Pero, ginagawa nya ang lahat ngayon.

Jini thought: First time kong magluto para sa isang lalaki. Sinilip nya si JR. Si JR naman, tumingin sa kanya at inaaksyonang susuntukin kahit malayo. Si Jini naman...(bleeeeh). JR thought: Parang bata. Jini rolled her eyes at bumalik sa pagluluto. JR smiles. At dahil sa napaka likot ng kamay ni Jini, NAHULOG NYA ANG iPOD sa noodles. Jini thought: OH NO! PAPANU NA TOOOO!?

OH NOOOO! PAPANU NAHH! continuation... Jini thought: OH NO! PAPANU NA TOOOO!? Nataranta si Jini, kinuha nya agad ang iPOD at linagay sa basurahan. Jini thought: Papanu na to? ARGH! ARGH! Huhu. tulungan nyo po ako Panginoon! Ano po ba ang naging kasalanan ko bakit ako ginaganito ng tadhana. Bakit kailangan! Argh. Pinulot nya ang iPod, ngunit sira na ito. Kaya, binalik nya ulit sa basurahan. Jini thought: Di bale! UHM, after this, hindi na kami magkikita! HAHAHA. Hindi nya to malalaman. UHM. OO. OO. Hindi nya malalaman kasi aalis na ako pagkaJR: ANG TAGAL NAMAN! Jini: O-Oo!

Kaya, sinerve na agad ni Jini ang noodles. Tiningnan sya ni JR. JR thought: Bakit sya ngumingiti na parang. Ngiti ng ngiti si Jini. Jini thought: Oh com'on! Can I go home now? JR: Anong nginingiti ngiti mo jan? May lason to noh? Jini: W-Wala! Wala ah! JR: Kung meron itong lason, papatayin talaga kita!! Kumain si JR ng isang subo. Napa luwal sya. JR: ANO BA NAMAN-Nainis si JR. JR: Anong klaseng babae ka? Hindi ka marunong mag luto. OH MY GOD. Jini thought: OH MY GOD ka jan! Jini: Ano! Hoy Hoy! Ikaw kaya ang nagsabing ipagluluto kita! Kasalanan mo yan. She crossed her arms. Jini: UHM. Atsaka, aalis na ako. Hinahanap na ako ng mga kasama ko eh... Sige ah. Dahang dahang umalis si Jini sa kwarto ni JR. Sumubo ulit si JR nung may naramdaman syang kakaiba sa kanyang kinakain. JR thought: Bakit parangHinila nya at nakita ang KAGIMBALGIMBAL na bagay. ANG WIRE NG EARPHONES SA iPOD. OH MYYYY! LoL.

JR thought: ANOOOOOOOOOOOOOOOOOO? Tumakbo sya at hinabol si Jini. Naramdaman ni Jini na sinundan sya ni JR kaya tumakbo din sya. At dahil, masyadong unfair kay Jini ang tadhana ngayon, kabisado ni JR ang mga pasikot sikot sa hotel. Na huli sya. JR: *umaapoy sa galit* ANONNNNNGGG GINAWA MO SA IPOD KO? Habang inikot si Jini at linagay ang kanyang kamay sa leeg ni JINI. Jini: ANO? A-Anong pinagsa-sabiJR: Hindi mo naman siguro nalagJini: AHHHHHHHHHHHHHHHHHH. Rape! RAPE. Pumunta ang mga bodyguard at maid, nakakita din ang ibang mga tao sa hotel. Bodyguard: SIR? Bakit? JR: Mali ang inaakala nyo! Jini: Tulong! Tulong! RiniRape po nya ako. Tulong. Ayoko po! Ayoko po sa bakulaw na ito! JR: ANOOOOOOOO? ULITIN MO ANG SINABI MO?!! AT ASAN ANG iPOD KOOOO!? Palihim na tumawa ang ibang guard at maid. Jini: BAKULAAAAAAAAAAAAAW. Si JR naman, galit na galit na talaga. Kinagat ni Jini ang kamay ni JR. KAGAT. KAGAT. JR: ARAAAAAAAAAAAAAY. Agad nyang kinuha at hinawakan ang INJURED nyang kamay. Makikita mo pa dito ang bakas ng mga ngipin ni Jini. Si Jini naman, kumaripas sa takbo. Matulin. Palihim syang pinagtawanan ng mga bodyguard at maid. JR: ANONG TINATAYO TAYO nyo dyan? Bakit kayo tumatawa? Habulin sya! Linapitan sya ng isang body guard.

Bodyguard: Sir. Naiintindihan po kita kung ganun na lang kasama ang loob mo kasi, sya ang unang babaeng tumanggi sayo. He tapped JR's shoulders. JR thought: P*tang *na naman OHHH! Alam ba nya ang pinagsasabi nya? ARGH. JR: G-A-G-O! Habulin nyo! Sya yung bumato at sumira sa iPod ko. KRIMINAL YOOOON! Bodyguard: Anooo? Hinabol nila. Kaya lang, maliksi at may adrenaline rush si Jini kaya nagagawa nya ang mga bagay na hindi nya nagagawa. LOL. Nakabalik sya sa Hotel na pinanggalingan. Agad syang yinakap ni Kenjie. Christina: Saan ka ba galing. Kanina ka pa namin tinatawagan ah? Jini thought: Why is he hugging me. Kenjie: Saan ka ba galing?! Ano ka bah! Hinawakan nya si Jini sa shoulders na parang nasasaktan na si Jini. Jini thought: why is heKenjie: Ano? Magsalita ka? Ang dilim ng pinanggalingan mo! May nangyari bah? ANO! Jini: Ah-eh! Hinigpitan pa ni Kenjie ang pagkahawak. Matt: Halaaaahh-- *almost laughing* Kinurot sya ni Tony. Matt: Ah. *cough-cough*

Binitawan ni Kenjie si Jini. Kenjie: 8cough* UHM. I'm sorry. I just...Jini: No that's okay! (smiled) Jini thought: I think he still have feelings for me! What a great feeling! I'm soooo overjoyed! KENJIE STILL HAS FEELINGS FOR ME. oh my GOSH! I think I'm blushing. Nagtinginan si Kenjie at Jini. Tanya: *coughs* Uhm. Well, its good that your back. Tony: Oo nga! Saan ka galing? Jini: Ah eh.Tiningnan sya ng lahat, at naghihintay sa sasabihin. Jini: HE HE HE. May UHM magandang Hotel pala dyan sa UHM Tumingin sya kay Christina. Tumaas ang kilay ni Christina. Jini: Sa MALAPIT.

♥♥♥

Chapter 6 Jealousy, Pride and Debts
♥♥♥ Kasalanan lahat ni Jini kung bakit sya napapahamak. NAPAPAHAMAK ba ka ko? Oo. Ngayon, umaga na. Sa tingin nyo? Ano ang plano ng kanilang barkada ngayon? Christina: Tayo nahhhh! Jini thought: Panginoon. Sana naman, minsan, ikaw na ang kumontrol sa bibig ko para hindi ako masyadong minamalas ano? Kenjie: Bakit?

Napansin ni Kenjie na parang hindi mapakali si Jini. Jini: Ah-ehhhh... Kenjie: Why are youJini: Masakit ang tiyan ko eh! Jenicca: Oh. Don't tell me gusto mong mag paiwan na lang dito? Jini: Oo, hindi ko na kaya eh. Christina: Com'on Jini. Nag iinarte ka na naman! Kenjie: Sumama ka na! Hindi namin alam ang daan! Tanya: Alam ko naman ang daan eh. Kenjie: talaga? Tanya: i think so. Tony: Panu kung hindi? Tanya: then we will just find a way.. DUH! Parang may namumuong tensyon kay Tony at Tanya. Jini thought: Wag mo sabihing mag aaway tong dalawa! Christina: Hep! Hold it! Jini will lead us the way! Right Jin? Sabay tingin kay Jini with plastic smile. Napa smile na lang si Jini kay Christina. Christina: Right Jini? Jini: Ah-O- Oo. Jini thought: Oh my, I need aviators at lahat ng mga bagay na magpapaiba sa itsura ko. While they are walking patungo dun sa sinasabing FIRST CLASS hotel na pinamumugaran ni JR, nag ho-holding hands si Tanya at Kenjie... Si Jini naman, andun sa likuran nila. Jini thought: Oh wow. Ang ganda ganda ng view. May pa sweetsweet effect pa tong dalawang to. They look so happy. Nag iba ang aura ni Jini... Jini thought: I can still remember when we were together. I was the one holding his hand. Kahit na maraming tumitingin at maraming umaangal, I still feel secured. I wanna feel secured again with him. Kaya lang, there is somebody involve. Sabi nga ni Felyn, "If someone is involve, you should move on." Kaya lang, kapag naiisip ko yung mga sinabi at ginawa

nya kagabi... "Ano? Magsalita ka? Ang dilim ng pinanggalingan mo! May nangyari bah? ANO!... UHM. I'm sorry. I just...-" Okay, sige sige, its because his my friend. And MY EX. Pero what about the way he looked when heTinulak sya ni Matt. Kaya nasira ang pag ho-holdinghands ni Tanya at Kenjie. And worst, si Tanya pa ang nasandalan at na apektohan sa pagkakatulak ni Matt. Matt: Si Jai ang tumulak sakin sorry. Jai: Abah! Tanya: Oh my gosh Jini. Tanya was pissed. Jini: Matt! ano bah! Kenjie: *laughs* Tanya: hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Ano ka bah? Are you clumsy or are you jealous? Jini: Si Matt yung. *she looked at Matt* Napakamot sa noo si Matt. Kenjie: Tanya! Tama na! Tanya: Oh my gosh. You are jealous. Napa yuko si Jini. Tanya: See? *pissed* Jini: Hindi ah! *nagtagpo ang kilay* Kenjie: Jini. He looked at Jini's eyes and then held her shoulders. Kenjie: If you are jealous, just tell me, because I don't want to make you jealous. Jini: hindi naman ako nagseselos eh! Its Matt's... Kenjie: Okay. Kenjie thought: She is really trying my ego. Bakit ayaw pa nyang aminin! Naiinis ako. I don't want that thing! Masyado akong ma pride for her dramas. Tumalikod si Kenjie at naglakad ulit. Hinawakan nya ulit ang kamay ni Tanya. Tanya: Okay ka lang? I think you still have feelings for her.

Nauna si Tanya at Kenjie, kaya hindi nila narinig ang kanilang pinag usapan. Sinuntok naman ni Jini si Matt. Matt: O! Sorry! Jini: *nakasimangot* CHE! Nagpatuloy sila sa paglalakad, malayo-layo na rin si Kenjie at Tanya. Kaya, tumakbo si Jini sa kanila at tumayo sa harapan nila. She raised her right hand. Jini: Stop! Tanya: Are we here na? Jini: Hindi pa. Pero, I just want to remind you na ako dapat ang nauuna! Not JUST because I'm jealous, but also, ako ang may alam sa daan. Jini thought: Alam kong ayaw nya yung ginawa ko kanina, kaya kailangan kong bumawi. Kenjie thought: "Not JUST because I'm jealous." NOT JUST? So she meansKenjie smiled. Jini smiled too. Humarap na si Jini sa totoong direksyon at nag lakad ulit. Tanya: Are you happy now? Kenjie:... continuation... ♥♥♥ Habang papalapit na sila ng papalapit sa patutunguhan. Lalong lumalaki ang at dumadami ang kanyang pawis. Jini thought: Langya. Sana wala na yung bakulaw na yun doon! Please! Please?! Bahala na kung pagbalik namin sa skul ako agad ang magrereport sa english, basta wala na sana yung bakulaw na yun! She crossed her fingers. Kenjie thought:

Whats the matter with her? Tanya: Andito na yata tayo! JINI! Nagpatuloy sa paglalakad si Jini. Jenicca: Jini! Hindi pa ba ito yung tinutukoy mo? Paglingon ni Jini... Napilitan syang tumanggap ng isang kahindikhindik na katotohanan nakarating na sila. Jini: E-Eto na nga yun! Jenicca: WOW! Ang ganda! Matt: Tayo na! Ang ganda naman dito. Nagpatuloy sila sa paglalakad. Si Jini naman, nasa hulihan. Kenjie: Jini! Bakit parangJini: uhm. Masakit talaga kasi ang tiyan ko eh! Kenjie: AHH! Nung andun na talaga sila. Namangha sila sa tanawin at sa mga pwedeng gawin. Jai: Whoa! Matt: So eto yung first class accomodation nila? Talagang first class! Tony: Sayang nga lang at hindi natin kaya dito. Jenicca: How much kaya ang room nila dito? Jini thought: No way Jenicca! Don't tell meChristina: Edi mag tanong tayo! Jini: WAG! Napatingin lahat kay Jini. Christina: PeroJini: Wag please? Christina: Bakit naman? Jini: fifteen thousand pesos per day per head! Christina: Ows? Hindi ako naniniwala! Pursigido talaga sina Christina na malaman ang tunay na price! Jini: Totoo! Please? Parang awa nyo na! Please? Matt: Jin? bakit bah? Anong problema?

Nagtataka na ang lahat sa weird na kinikilos ni Jini. Hinawakan ni Jini ang kanyang tiyan. Jini: AHHH.. Aray. Ang sakit! Aray... Natatae ata ako. Aray! Tony: Jini? Okay ka lang? Biglang... JR: Anong kailangan nyo? Sinabi nya yun with a loud tone. Parang galit pa ata. Kenjie: Jini. Bakit? Okay ka lang? Napatunganga si Jini at nagtago sa likod ni Kenjie. Wala namang nakapansin dahil natoon ang kanilang pansin kay JR. Tanya: JR Te? JR: Uy! Tanya! Ikaw pala yan! Tanya: (looked at his head) Anong nangyari sayo? Tsaka--ah! Oo nga pala! Ikaw pala ang may-ari nito. Christina: Wow! JR: yeah! Tanya: Anyway! Guys, this is JR. Taga USM din sya! We are in the same organization. USM Camera Club. He is one of the photographers at the same time model. Ako, model lang ng camera club! Christina: Ahh! Ikaw yung Te na soccer player? JR: Yeah! Ako nga! Jini thought: Oh my goodness! Kilala ata nila! I think, i should get outta here. Unti-unting umalis si Jini... Habang, hindi pa masyadong nakakalayo. Tanya: Anyway, eto nga pala si Christina, Matt, Jai, Tony, Kenjie, Jenicca, Mikee at... Tanya thought: asan si Jini? Kenjie thought: Asan si Jini? Jenicca thought:

Asan si Jini? Tanya: Asan si Jini? Jenicca: Ay! baka tumae yun, sabi nya kasi kaniMikee: Hayun! Tinuro ni Mikee si Jini, na papalayo at halk running na. Jenicca: Jini!! JR thought: Pamilyar sya! Mikee: Hayaan mo na lang yun! Kenjie: baka mawala sya dito!? Tony: Mawala? oh common. We all know na mas matigas pa yun sa bato si Jini... Tanya: Uhm. Anyway, ano nga pala ang nangyari sa noo mo? Tumingin silang lahat sa noo ni JR! JR thought: ETO BAH!? ? ARGGHHH. Umiinit ang ulo ko kapag naalala ang babaeng pumokpok ng bato sa ulo ko at sumira sa iPod ko. JR: Ah eto bah? Sabihin na lang nating may kriminal na pumukpok sa noo ko kagabi! Tanya: HA? ♥♥♥ Pinapasok sila ni JR at pinakain. Tony: Asan kaya si Jini! Sayang naman! ♥♥♥ Jini thought: Hihintayin ko na lang sila dito... Nag hintay sya sa lugar kung saan nya nadisgrasya si JR. Si JR naman, bumalik sa lugar na yun para hanapin ang sinasabing Jini na nawawala. JR thought: Yan na yata ang Jini na sinasabi nila.

At dahil nakatalikod si Jini kay JR, hindi sya agad namukhaan ni JR. JR: Miss. Paglingon ni Jini. Jini: Ba-Bakulawww!? JR: Abah?! IKAW! HOY! Ikaw pangit! alam mo bang hindi masarap ang pain reliever? At alam mo ba kung magkano ang iPod na sinira mo? Walang pag-iisip, tumakbo si Jini sa loob ng Hotel. Doon sa tinatambayan ni JR, nakalatag ang kanyang mga gamit na pampalipas oras, kabilang doon ang kanyang laptop. Jini thought: AHHHH! Ayoko sa bakulaw na yun! HUHUHU. Papano na ang mga nasira ko? Oh hindiiiiiiii! At, nasagasaan - este - na side sweep nya ang laptop at nahulog ito. JR thought: ANOOOOOOOOOO? Ang laptop koooo! JR: GUAAAAAAAAAAAAARD! Dinakip si Jini ng mga guard! Jini: Bitiwan nyo ako! AHHH! Bitiwan nyo sabi ako eh! Lumapit si JR sa kanya. He crossed his arms, and threw an evil smile. JR: HA. HA. HA. Ang liit nga talaga ng mundo! Tapos sumimangot... JR: IKAW??!! Hinawakan ng mahigpit ni JR ang kamay ni Jini. Jini thought: Aray! Ang sakit ng pagkakahawak niya! JR: Ano? Ha? Tatakbo ka na naman? Bayaran mo ang damages mo! Simula sa ulo ko hanggang sa laptop ko! Bayaran mo!

Jini tried to escape! JR: At maybalak ka pang tumakbo ah! Bayaran mo! Bayaran mo! Jini: Bitiwan mo nga ako! JR: Bitiwan? Para makatakbo ka! Jini: Hi-Hindi na ako tatakbo! JR: At sa palagay mo maniniwala ako sayo! Lokohin mo ang lola mo! Jini thought: Oh my goodness! Papanu ako makakatakas sa mokong na to?!?! Jini: RAPETinakpan ni JR ang bibig ni Jini. JR: Ayan ka na naman! Nakakahiya ka! Nakakahiya ka talaga! Jini tried to bite his hand again... Pero, mukhang na immune na si JR at agad tinanggal ang kamay nya. JR: Ano? Wala na bang bago? Jini: Sige nah! Oo nah! Babayaran ko nga! Oh ano? Pwede mo na ba akong bitiwan? Jini thought: Suko na ako! Ang laki naman ata ng babayaran ko! HUHUH... Manghihingi nalang ako kay kuya! Papanu ko sasabihin to? OH NO! OH NO! OH NO! Huhuhu... JR: Una! Pupunta muna tayo sa barkada mo! AtJini: Ano? No! Oo-Oo... Babayaran na kita! Kahit anong gusto mo gagawin ko! Wag lang nating sabihing may utang ako sayo! Please? Mapapahiya ako! Please? Please?! JR: (evil smile) TALAGA? Jini: O-Oo! JR: Hindi ko naman talaga sasabihin sa kanila eh! Jini: Hay salamat! JR: Kaya. Halika na! At babayaran mo yung utang mo sakin! Nakahawak parin ang kamay ni JR kay Jini. Pinilit ni Jini na tanggalin ang kamay nya kay JR - at, oo, natanggal nya nga! Jini: Pwede bang bitiwan mo ako?! hindi ako kriminal para hawakan mo ng ganyan! WAG KANG MAG ALALA! HINDI NA AKO TATAKAS! Panindigan ko yung mga kasalanan ko. Babayaran ko ang utang ko.

She rolled her eyes then, went straight sa restaurant kung saan nakita nya sina Christina. JR: FINE. JR thought: Arroganteng babae! AHHHH! Nakakainis ang! Laptop koooo! Nakarating na sila sa table. Christina: Oh! Jini, san kaba galing? Tanya: Oh, JR, magkakilala ba kayo ni Jini? JR: Ha? UHMJini: Hindi, nagkasabay lang kami! Nagtataray ang mukha ni Jini. Kenjie thought: Bakit kaya? Tanya: Oh, anyway, sige, Jini, umupo ka nah. Nakita ni Jini ang upuan sa tabi ni Kenjie. Uupo na sana si Jini sa upuan na yun, kasoTanya: Uhm, Jini, si JR ang umuupo dyan, dun ka na lang sa malapit kay Tony. Jini thought: Ano? Oh my, nakakahiya yun ah! JR: Oo nga naman JINI. (evil smile) Jini: (bleh & rolled her eyes) Oh sorry, wala naman kasing pangalan na nakalagay ehKenjie: -Jini, tama nah! Jini: Ha? Kenjie: Ang taray mo ngayon. Why? What happened? Jini: Ha-? UHHH. Wala. (smiles) Hindi makatingin si Jini sa mata ni Kenjie. JR thought: Kung nagrereklamo sya nun sa lovelife nya... Kung ganun, sino dito sa kanila ang kanyang crush? Tiningnan ni JR si Matt, Jai, Mikee, at Kenjie. JR thought: Kahit na, mukha syang - oh - tomboy - hindi naman siguro, kasi yung soot nya kahit

papanu, hindi naman panglalaki. Sino kaya? Eto kayang Kenjie? Naku! Oo, eto na nga ata! Ang mga babaeng katulad nya, madaling nagkakagusto sa mga lalaking katulad nitong Kenjie na to. Tanya: Uhm, Jini, do you know JR? Jini: Oo namTumingin si Jini kay Kenjie. Jini: Hindi. Papanu ko naman sya makikilala? Tanya: Oh? Talaga? Sikat sya sa school ah, how come youJini thought: ANOO? Schoolmates kami? ANOOO!? Hindi ko pa nga sya nakikita eh! Ngayon pa lang-este sa airplane...nung... AHHHH! Wala na akong kawala!!! ARGH. JR: Tanya, Meron talagang mga tao na kahit kilala nila ang isang tao, dinedeny parin nila yun. Jini: Totoo naman talaga eh! Ngayon lang kita nakitaChristina pinched Jini. Christina: *whispers* Talaga bang hindi mo yan kilala? Jini: Oo. Ngayon ko lang talagaJR: Anyway, I don't care if she knows me or not. Tanya: Okay. Nagtaka lang ako, you know, your famous kasi. Jini thought: Si Kenjie ang totoong sikat! Hindi yang bakalaw na yan! Tanya: Mas popular ka pa nga kay Kenjie eh, iba talaga pag camera club noh? Kenjie, is planning to join in the club din. Jini: Talaga Ken? Naku, mas lalong dadami angJini thought: HELLO! JINI. Wake up. Jini: *laughs* . Tanya thought: Ano bang nangyayari sa kanya? Tanya: Uhm. Hmmm. Tumigil si Jini.

Jini thought: BOBA talaga ako. ayan. ARGH Tanya: Well, kahit pala pareha kayo ng course ni Jini, hindi ka pala nya kilala! Jini thought: ANOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO??? Lumaki ang mga mata ni Jini. JR: ANO? Magkapareha kami ng course? Wow naman. Mas mababayaran niya ang utang nya ngayon. Jini thought: Ano bang pinagsasabi nya. ARGH Tumingin silang lahat kay JR. JR: I mean, pag may kailangan sya, tulad ng pera, pwede nya akong utangan... *fake smile* Tumingin sya kay Jini. JR: Diba? JINI? Jini: *fake smile* Ah-OO! Salamat! ♥♥♥

Chapter 7 Who Will Save Me From Darkness?
♥♥♥ Krrrrriiiiinnnngg... JR: Hello? Bagong gising si JR at may tumawag sa kanyang cellphone. Mama ni JR: Joshua! Ano? Have you seen the papers? JR: What papers? Mama ni JR: Yung nasa table ko sa kwarto! Get it. JR: Ano ba yun? Mama ni JR: Yung scholar ko! Ano bah! Please, bantayan mo sya ah! Kasi, next month pa ako makakauwi. Tsaka, hey, nag enroll ka na bah? Sa makalawa na ang

first day of school for 2nd sem ah! And regarding sa grades mo last sem, you've got high grades in your other subjects, pero why did you have low grades in the other half? Your father is disapointed. JR: Ayan na naman. HAAY. At least ngaMama ni JR: Look. Alam kong marunong ka sa mga subjects na maliliit yung grades mo, haaai, hindi mo ako maloloko! Kilala kita. Then, why are youJR: Haai whatever. Pumunta si JR sa kwarto ng kanyang mama. Nakita nya doon ang papers. JR: Eto na siguroMama ni JR: Again. Joshua! Ayusin mo yung grades mo! Bahala na kung mag soccer ka and camera club etcetera etcetera. Anyway, how is your head going? JR: Ewan. Letche yung babaeng gumawa nito. Yung nakatabi ko sa airplane, sya angNakita ni JR ang profile ng scholar ng mama nya. At napatunganga-napatigilnapanganga. JR thought: Jini Punzalan? ANOOO? Tiningnan nya ang picture. Mama ni JR: Joshua? JR: Ma. Guess what? Mama ni JR: What? I can't guess! JR: Jini PUNZALAN. Ang name ng scholar mo? I will never forget that name!!!! Mama ni JR: Why? Who is she? JR: Sya yung... Noong nasa gradeschool pa si JR, mataba sya. MATABA sya. As in, obese. LOL. Kaya, inaapi-api siya ng isang payatot na tomboy na may dalawang tigasing kuya. Sino ba yung tomboy? Si Jini! Pinapagawa ng assignments, pinapabili ng kung ano-ano. At dahil mataba at may malaking glasses etong si JR NOON-kinareer na rin niya ang pagiging nerd at matatakutin. But when they move out, nag-iba na sya dahil ayaw nya ng inaapi sya. Mama ni JR: ANO? HAHAHA. *laughs* Oo! Naalala ko na! *laughs* May hinanakit ka pa ba sa kanya? JR: WALA NA NOH? Pero.Mama ni JR: *laughs* Haaai. Oo nga pala, you lost your self-esteem that time. Pero look at you nowJR: Yeah! Yeah! Whatever!

Mama ni JR: Hey. Wa'g mo yang paglaruan! Next month I'll be checking her, and you there? Okay? JR: -Uhm ma! Sya din yung pumukpok sa ulo ko, sumira sa iPod ko at laptop ko, sya rin yung gagang babae sa airplane! Mama ni JR: WHAT? JR: Yeah! Mama ni JR: Oh my! She's in great danger! JOSHUAAAA.. JR: Yes ma, promise! Hindi ko sya- ehem- anyway, ma, since I suck at some subjects, pwedeng sya yung maging tutor ko. Mama ni JR: Good idea!? JR: Yeah. NA WALANG BAYAD! Okay? Kasi-yung pambayad sa tutorial sessions ang pambayad sa sugat ko sa noo. Kailangan ko din nga pala ng Personal Assistant, you know, ang dami kong gamit na dala kapag may soccer game at ang bigat ng camera ko - pati na yung mga sinosoot ko for photoshoots, atsaka, when we have meeting sessions sa mga barkada ko wala kasing marunong magtimpla ngMama ni JR: Okay? Kailangan mo ba ng slave? May maid naman tayo ah? JR: Ma. Malaki na po ako, nakakahiya kung may maid na susunod-sunod sakin. Mama ni JR: Malaki ka na, kaya mo na yan. JR: Bahala ka. bleh! *evil smile* ♥♥♥ Start of 2nd sem. Maraming tao sa school. Pagpasok pa lang ni Jini, si Kenjie ang una nyang nakita. Kenjie: Jini. Jini thought: Oh my gush! Ang gwapo nya!!! Jini: Uy Ken. Kenjie: Uhmmm. Sasali nga pala ako sa Camera Club ngayon! Jini: Ha? AHHH.. Jini thought: I feel awkward. Medyo, naiilang ako. lalo na kapag naiisip ko na ex ko sya. Kenjie thought: I feel like we are starting all over again. Kenjie: Wanna come with me? Jini: Ha? Ahhh. Sure! Kenjie: Wala ka bang class?

Jini: Mamaya pa ang first class ko. Kenjie: Ahh! Great! Wait, may Arts and Literature class ka? Jini: Oo! Saka nila nalaman na may isang subject pala na magkaklase silang dalawa! Jini thought: YES! Akala ko hindi kami magiging mag kaklase for the whole college life! Oh yes! Kenjie: Kung ganun, pagkatapos ko dito sa Camera Club, sabay na tayo sa Art class huh? Jini: Okay! Jini thought: Oh my, nareremember ko yung days na kami pah... HUHU... Nasalubong nina Jini si Felyn at Cara. Cara: Hi Jin! Tumingin sila kay Kenjie. Felyn: Oi! Nagkabalikan ba kayo? Nagtinginan si Jini at Kenjie. Jini: Hi-Hindi! Felyn: Ay, sorry! Cara: Anyway, Jini, pupunta muna kami dun sa bulletin board ng mga accounting students ah, tingnan namin kung sino ang nasa top. Nagmadaling umalis si Felyn at Cara. Jini: Pasensya kana Ken ah! Kenjie: Okay lang yun, ano ka bah!! *smiles* Nagtinginan ang dalawa... Tanya: *cough-cough* AHEM. Uhm, Kenjie, pumasok ka na. Maraming tao sa labas ng camera club office at studio. Marami kasing gwapo at magaganda sa Camera Club. Pinagkakaguluhan. At ngayon, si Kenjie, mapapabilang na sa kanila. Tanya: Uhm, Jini, hindi ka pwedeng pumasok eh.

Jini thought: Oh don't tell me, I'll be waiting outside. Dito sa mainit, masikip at maraming magugulong babae at lalake at bading na lugar? Kenjie: Jini, tingnan mo nalang muna yung bulletin nyo. I'll just text you if were done! ♥♥♥ Girl1: Nagkabalikan sila? Girl2: Maybe. Kanina pa kasi sila magkasama. ♥♥♥ Tanya: Ken, tingnan mo, pinag uusapan ka na naman. Jini thought: As if nagkabalikan kami. =( Kenjie: (whispered to Jini) Sanay ka naman nyan diba? Don't worry, akong bahala sayo. Tumango si Jini at ngumiti. Pumasok sa loob si Kenjia at Tanya. Habang, patungo si Jini sa kanyang patutunguhan, nasa isip nya parin si Kenjie. Jini thought: Ano ba to? I'm falling for him again? HUHU. Sayang pala yung two months na pag titiis ko. two months na pagsisikap na kalimutan sya, one act lang na parang nagsasabing gusto parin nya ako, eh parangNakita ni Jini ang billboard sa malayo. Malayo ang billboard na yun, nandun kasi sya sa 6th floor ng isang building sa school nila, tapos, habang naglalakad sya, tumitingin sya sa labas at yun-nakita nya ang billboard. Kung ano ang nasa billboard? Jini thought: Si Bakulaw??? Bakit sya may billboard? Tumigil sya sa paglalakad. Jini thought: BENCH?! Bench na billboard yan ah! Bench yan ah!! bakit? Bakit may billboard syang ganyan ka laki? Ano? Ngayon ko lang ba yan nakita o bago lang yan? WHAAAAT? WHAAAATT? Nakakadiri syaaaaa.. bakit may billboard sya. Dapat si Kenjie ang

nandyan! ARGH... Sinabunutan nya ang kanyang sarili. Nakita sya ni Felyn at Cara. Kaya lang, may mas nauna pa palang nakakita sa kanya. King: Anong nangyari sayo? Okay ka lang bah? Jini: AHHHH. EWWWW.. ERRRWW.. AHU AHU AHU.. King: Okay ka lang? Tumingin si Jini kay King. Jini: Ahh. HEHE. Okay lang ako. Jini thought: Ano ba naman yun, nakakahiya. Si King pa ang nakahuli sakin. Si King Alvarez - Anak ng Vice President sa skul nila, at sya ang President ng Student Council. Jini: Uhm - excuse me. Umalis si Jini. Tiningnan ni King ang Billboard ni JR. King thought: Siguro kinilig yun. Fan na naman siguro yun ni JR. Felyn: Sino yun?? - Si King yun ah! Jini: Oo. Cara: Anong sinabi nya? Jini: W-wala naman. Felyn: HAAAI. Anyway, tingnan na natin yung mga top students. Tiningnan nila ang top students... At ang number 1 sa top lists ayyy... Girl1: Si JR Te na naman ang Top Student! WOW. Girl2: Ang galing-galing nya talaga ano? Jini thought: Ano? You mean? Anoooo? WHAAAT? Si JR TE? Yung bakulaw na yuuunnn? ARGH. Akala ko si King ang magto-top. Tiningnan nya si King. Andun lang sya, parang may hinahanap, nasa pockets yung kamay nya.

Ilang sandali ang nakalipas, nakita nya si JR... Nakita nya na lumapit si King kay JR... Lumapit sya para makiusisa. At eto ang mga narinig nya... JR: Nakita mo yan? Top student ako sa accounting! Ano? Namangha ka noh? King: Hindi naman, pasalamat ka nga at freshmen ka pa lang kaya hindi tayo magkakasabay sa isang subject! JR: Bakit naman ako magpapasalamat? Ano ka, siniswerte? *sarcastic* tabi! Tapos kahit maluwag ang daanan, tinulak ni JR si King. Jini thought: Abah! Sumusobra na talaga yang JR na yan ah! Spoiled brat siguro yan! Bakit parang may namumuong tensyon sa dalawang yun? Nakalimutan kong mas matanda pala si King samin ng isang taon. Grabeh talaga! ARGH. Sobra na syaaaa - kawawa naman si King. Ang cute-cute pa naman nyaaa... HUHU. Ano ba tong mga iniisip ko?JR: Hoy kriminal. Nakikinig ka ba sa usapan namin? Jini: AY ANAK NG-...BAT KA BAH nanggugulat? Ano bang problema mo? JR: Ikaw? Anong problema mo? Ba't ka chismosa? Jini: Ano bang pinagsasabi mo? Umalis si Jini... Ngunit, hinawakan sya ni JR sa braso. Jini: Ano bah? Nasasaktan ako. JR: NASASAKTAN? May utang ka pa sakin. Nakita iyon ni King. King thought: Ano na naman ang ginagawa-abah, sya yung babae kanina na nakatitig sa billboard ni JR ah. JR: Akin na yung cellphone mo! Jini: Ha? Bakit? JR: Bilis! Jini: AYOKO NGA! CHEH! (may mga laway na nalagay sa mukha ni JR) Napapikit nalang si JR sa diri. JR: ANO BAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH? Ginagalit mo akoooo ahhh... Nakatingin na ang ibang estudyante. Tumakbo si King sa kanila at hinawakan ang kamay ni JR.

King: Ano bah! Nasasaktan na sya! Binitawan ni JR si King at tiningnan ito sa mata. Mga titig na parang gustong lumamon kay King. At umalis... King: Okay ka lang bah? Jini: Okay lang! ARGH. Yung bakulaw na yun talaga!!!! Tumingin si Jini kay King. Hinawakan ni King ang namumula pang braso ni Jini. King: Pasensyahan mo na sya. Kawawa ka naman, ang liit pa naman ng braso mo. Jini thought: Ano ba tong ginagawa nya? Ang bait nya naman, at ang cute-cute pahh! WAAAA'HHHH.. Lumapit si Felyn at Cara... Felyn thought: Wow! Si King! Grabeh, hinahawakan nya ang braso ni Jini. Ang gwapo nya! Napansin ni King na marami nang tumitingin sa kanila. King: Sige, Jini... Aalis na ako. See you around! Jini: Si-ge. Jini thought: Ano dawww? JINI? JINI? Kilala nya ako? Kilala nya ako? OH MYYYY... Cara: Oi Jini! Kaibigan mo pala si King? Ngayon ko lang nalaman ah! Felyn: Oo nga! Bakit hindi mo sinabi? Jini: Ka-i-bi-gan ko sya? ANO? continuation... ♥♥♥ Habang naglalakad si Jini patungo/pabalik sa Camera Club Office. Nakatunganga sya sa kawalan. Jini thought: Bakit ako kilala ni King? Tsaka, hindi pa ako tinatawagan ni Kenjie ah, siguro hindi pa sya tapos, 30 minutes na lang, start na ng Art Class namin--May humatak kay Jini patungo sa locker room.

Jini: ATinakpan nya ang bibig ni Jini. Tapos, he put his arms on Jini's left shoulder. JR: Kilala mo ba to? Habang ipinapakita kay Jini ang picture nya nung elementary pa lang sya (nung mataba pa sya). Jini thought: Muntik na namang na laglag ang puso ko sa gulat! Ang sama talaga ng hangin kapag andito itong bakulaw nato! ARGH. Kinuha ni Jini ang picture! Nanlaki ang mata ni Jini. Jini:TABATCHOY? HAHA. Asan na kaya tong baboy nato ngayon? HAAY. Oo nga, nakalimutan ko na sya ah. HMMM. Miss ko na dinJR thought: Ang dami pang sinasabi. Hindi ata ako nakikilala. Sinuntok ni JR ang locker. Jini: Ay anak ng....- ANO BAH? JR: Kilala mo ba YAN o HINDI? Jini: OH MY GOODNESS. Wag mo sabihing ikaw to??? Sinuntok ulit ni JR ang ibang locker! Jini: HAHAHA. Oo nga pala! JR TE! Ikaw si Taba! HAHAHA.. TABA.. TABA.. JR thought: Ipinakita ko to sa kanya para mawindang sya sa nangyari sakin. Pero bakit parang. Parang pumupulupot na si Jini sa tawa. Jini: HAHAHA.. WAHAHAHA.. ARAY... Tama na please... Ang sakit-sakit na ng tiyan ko. HAHAHA. NYAHAHA.. JR: Akin na nga yan!!! Jini: Ayoko nga! NYAHAHA.. JR: AKin na sabi! ISAJini: Dapat sana ito na yung linagay sa Bench na billboard doon sa labas eh! HAHAHA.

JR: AKIN NA SABI! (habang inaagaw kay Jini ang picture) Narinig ni King ang ingay. At agad syang pumunta sa kanila! JR: AKIN NAHHH!!! Jini: Nyenyenye... Ayun, ang gulo-gulo na ng dalawa. King: JR! Napatingin si JR kay King. JR thought: Sya na naman? JR: Ano? King: Ano ka bah? Wala ka na ba talagang magawa kundi magmalupit sa ibang tao? Akala mo ba masaya ang ginagawa mo!? Humanap ka naman ng ibangJR: Ano bang alam mo? May alam ka bah? King: ANONG ALAM KO? LAGE KA NALANG GANYAN. SINASAKTAN MO ANG KAPWA MO! AT NGAYON, BABAE PA ANG NAPILI MONG PAGLARUAN! HINDI MO BA NAIISIP NA GUSTO KA LANG NAMAN NI JINI AH! Tumingin si JR kay Jini. Jini thought: Ano? Anong pinagsasabi ni King? Bakit? Anong gusto? JR: HA? Ano? Ano bang alam mo? Akala mo siguro na itong kriminal nito-eh-isa sa mga fans ko. PwesKing: Tinatawag mo pang kriminal! Kawawa naman sya! Kelan ka ba talaga titino? Krrrriiinggg.. Nag ring ang cellphone ni Jini. Jini: Hello?...Oo...Sige...Kita na lang tayo...Byebye Si Kenjie ang tumawag. JR: Wag kang aasta na alam ang lahat! Kinuha ni JR ang picture kay Jini at nag walk-out.

Si Jini at King ang natira sa locker room. Jini: Uhm. King, salamat ah. Pero, sana hindi mo nalang yun ginawa, kasi uhm, hindi nya naman yun kasalanan eh! Uhm. actually, ako lang talaga tong makulit eh. Atsaka, hindi nya nga pala ako fan. Umalis si Jini. King thought: Kung ganun, mali pala ako?!? PATAY. Ano ba tong nagawa ko?! Jini thought: Kawawa naman si King! HUHU. He is just trying to protect me. Kasi naman si JR eh. Tama ba yung ginawa ko? Di bale na nga-PERO-Ah, hahanapin ko sya mamaya after class para humingi ng tawad. AHYYY.. HAY NAKU. Kenjie: Jini! He showed a pic. Ang gwapo nya dun sa picture. Jini: Wow! Kenjie: *smiles* Sayo na yan! Jini: Ha? Eh, hindi namanKenjie: Sige na! Please? Keep it for me? Jini: Bakit ako? Why don't you keep it yourself? Kenjie: I want you to keep it. Yan yung nagsisilbing password... Nakarating na sila sa labas ng room ng next class nila. Jini: Password ng alin? Kenjie: Okay, *smiles* lets just say na...uhm...that's my heart... and then... Kenjie thought: I hate saying something like this. Hindi naman ako natotorpe, but my ego is likeJini: THEN? Jini thought: I can feel my heartbeats again. I'm falling for him again. OH my gush! I want him back! I want him back! I want him back! I madly want him back. And I know that its hard for him saying things like this. He wants me to read between the lines. NGA BAH? ANO NAH? Kenjie: Pasok na tayo!!! *smiles*

Pumasok na si Kenjie sa loob. Si Jini naman, andun pa sa labas, ngumingiti at tumitingin sa picture ni Kenjie. May pumasok din na kilala nya... Jini thought: Si JR yun ah!!! Bakit sya pumasok? WE ARE IN THE SAME CLASS? OH MY GOODNESS. Pagpasok ni Jini, nakita nya na ang upuan malapit kay Kenjie ay inuupuan na ni Tanya, Isang upuan na lang ang wala pang nakaupo, at yun ang upuan sa tabi ni JR. Tiningnan nya ang mukha ni JR na parang nagagalak na naging classmate nya si Jini. Hindi maipinta ang mukha ni Jini. Napapikit na lang sya papunta sa upuan malapit kay JR. Si JR naman, abot tenga ang ngiti. Nagsimula at natapos agad ang klase. JR: Kelan mo babayaran ang utang mo Miss Trouble-Maker? Jini thought: Miss trouble-Maker? kelan ako nagkaron ng ganung pangalan? Jini rolled her eyes. JR: Ano? Hindi ka magbabayad? Jini: Shut up tabatchoy! TABATCHOY! TABATCHOY? (bleh!) JR: Wag mo nga akong tawagin sa pangalang yan!? Jini: TABATCHOY? Ayaw mo sigurong naaalala ang mga araw na MALAKING BABOY ka pa noh? JR thought: She is pissing me! Jini: HOY TABA! Maghintay ka lang! Babayaran kita! Okay? HA TABA? HA? Tumayo si Jini, papunta na sana sya kay Kenjie. Si Kenjie naman, nakatingin at hinihintay si Jini... JR: Isang taba pa! Lagot ka sakin. Jini turned back to JR to make him more angry. Jini: TABAHinila sya ni JR and they switched places - hinalikan sya ni JR habang nakatingin sya kay Kenjie.

Maliit na lang ang tao sa room kaya hindi masyadong scandalous ang nangyari. Jini thought: WALANG---Nakita ni Jini si Kenjie na parang, gulat na gulat sa nangyari. Kenjie thought: What? !? why are they kissing? Magkakilala ba sila nun? I can't take this. Almost everyone is looking at me now, tinitingnan ang reaksyon ko. Alam nila na later this week, I will ask her back. I can't continue on her when everyone thinks that I'm not her ONLY ONE anymore. Para naman akong mauubusan ng babae kung magpapatuloy ako sa pagsuyo sa kanya. Tumulo ang luha ni Jini nung nakita nyang lumabas sa room si Kenjie habang hinahalikan sya ni JR. Dumating si King at, tinulak pa sya ni Kenjie. King thought: Marami na talagang bastos na estudyante! Jini: How dare you! Hindi huminto sa pagtulo ang luha ni Jini. JR thought: Naku?! Bakit ganyan sya kung makaiyak? Grabeh naman! Naguilty tuloy ako. Umalis sya habang... Jini: Kenjie!!! Ken!!!! Tinulak din ni Jini si King... King: JinKing thougt: Anong nangyari dun? Umiiyak yun ah! Girl1: Oo! Hinalikan ni JR TE yung pangit na babaeng yun, si Kenjie sumama ata ang loob!! King thought: Ano? Si JR na naman ang may kasalanan!

Kinausap ni King si JR. King: JR! Ano bah? Stop acting like a spoiled brat! Alam mo bang masama ang loob nung crush ni Jini dahil hinalikan mo sya? Papanu mo maihahambing si Jini sa mga babae mo? Bakit basta basta mo nalang syang hinahalikan? Mag sorry ka nga sa kanya! Nakakahiya ka! Don't ruin other peoples life. JR: Crush ni Jini? Sino? Si Kenjie? Crush nya pala yun eh bakit sya magwo-walk out kung si Jini naman pala ang may gusto sa kanya. King: You must apologize! Sige na! To the both of them! Tsaka, ano ba ang kasalanan ni Jini sayo? Mag sorry ka ngaJR: You don't have to tell me... Umalis sya... ♥♥♥

Chapter 8 The Problem - The Solution
♥♥♥ Sinundan ni Jini si Kenjie. Sinundan naman ni JR si Jini. Jini: Kenjie! Naabutan nya si Kenjie. Hinawakan nya ang kamay nito at... Jini: Kenjie! That was an accident! Kenjie: *smiles* Of course! Jini: Of course? Ken? *cries* Please tell me, do you still have feelings for me? Bakit ganyan ka makaasta? Kenjie: Siguro, hinalikan mo yung lalaki kanina to bring out my jealousy noh? Jini: NO! Sabi ko sayo, aksidente yun! Umiyak ng umiyak si Jini. Kenjie: Listen, I still like you. Pero, I don't know how to ask you back after what I have done. And now, mas lalo pa akong nahihirapang balikan ka!!! He walked away. Si Jini, andun malapit sa parking lot iniwan ni Kenjie. Nakatayo pa at tulala. Jini thought: He wants me back pala. And now!!!!?? HUHU. I want him back too. I badly want him back too. Sya lang talaga ang gusto ko, at hind ko alam kung bakit ganito ko sya ka

gusto. Gustong gusto. Kasalanan ito niJR: Ano? Bakit ka nakatunganga dyan? Jini: Tahimik. She is still crying a lot. Pinunasan nya ang kanyang mga luha at tumingin kay JR. Isang tingin na parang kakain ng tao. JR: WOW. Mga tingin na ganyan? Sa mga frat war lang ako nakakatikim ng tingin na ganyan!!! Kumuha si Jini ng bato at itinapon ng malakas kay JR. Nakailag si JR. JR: teka! Ano bah! Jini: *crying* Ano bah? Nakita mo ba ang ginawa mo? Ano satingin mo, sasaya ko? HELL! JR: Easy ka lang! Andito ako to apologize!! Jini: Apologize!? Bakit? Para saan ang pulis kung may sorry? JR: HOY HOY HOY. Akala mo kung makapagsalita ka parang wala kang utang sakin ah! Jini: Ang utang ko, utang ko. Wala yang pakealam sa personal na buhay ko! PWEDE bah? JR: Nagsosorry na nga ako eh!!! Hindi ka panga nag so-sorry sa mga nagawa mo sakin nung grade skul pa lang tayo eh! Jini: Umalis ka na nga! *cries* JR: Bakit ganyan ka na lang makaasta? Bakit? May girlfriend na si Kenjie ah! Jini: Ano? Si Tanya bah!? Wag ka ngang magsalita kung hindi mo naman alam ang sinasabi mo! Bakit ka ganyan? May gusto ka siguro sa akin noh? Dahil lagi mo na lang akong hinahalikan! JR: HAHA. You are making me laugh. Kelan ka bah ipinanganak ha? Napaka oldschool mo naman ata!? Hindi na yan uso ngayon! Kailangan pa ba magkagusto sa isang tao para lang mahalikan? Kumuha si Jini ng malaki-laking bato at itinapon ng napakalakas kay JR. At sa kasamaang palad. Natamaan ang sasakyan... Oo, sasakyan... I mean ang mirror sa sasakyan, at syempre basag. Jini thought: OH MY GOODNESS JINI! JR: *galit* Wala akong panahong makipaglaro sayo!!!!!!!! SASAKYAN KO

YANNNNN!
Jini thought:

ANOOOOO?

OH NOOOO? Anong gagawin koooo??? ♥♥♥

Habang papaalis si Kenjie sa school, hinarangan sya ni King. King: Ken-jie right? Kenjie: (weird look kay King) King-Alvarez? President. Bakit? Nakakunot pa ang noo ni Kenjie. King: Sorry! Sorry sa nagawa ni JR sa kay Jini. Kenjie: I don't care. King: Alam kong masakit yun sa loob mo! yung lalaking humalik sa kanya kanina, eh si-uhm, pinsan ko kasi yun, at ako ang mananagot sa kabulastugan nya dito. Kenjie thought: Yeah?! Then why would he kiss Jini? King: Yung halik ba ang inaalala mo? Kasi, yung pinsan ko, eh mejo, babaero lang talaga. That doesn't mean anything. Kenjie thought: Babaero? Tapos, bakit ganun? Meaning? Babae nya si Jini. That's a total crap! Umalis si Kenjie. ♥♥♥ Hinawakan ni JR ang kamay ni Jini ng mahigpit habang nakaupo at nakasandal silang dalawa sa kanilang mga likod sa bench malapit sa soccerfield. Wala masyadong tao dun kaya walang nakakakita. Jini is still crying. Jini: Bitiwan mo nga akoooo! JR: Bayaran mo lahat ng utang mo! PWEDE? Jini: Babayaran ko na nga sabi eh! Babayaran ko! JR: Panu aber? Jini: Magtatrabaho ako! Lahat gagawin ko. Lubayan mo na ako please? *crying* JR: Bakit ka bah umiiyak? Nakakadiri ka naman! Tumingin si Jini kay JR na parang nakamamatay na tingin. Tapos, sinuntok nya si JR ng napakalakas. Dumugo nga ang bibig nya eh.

JR thought: PUCHHHHAAAA tong si Jini Punzalan talaga!!!!!!!!! ARGH. Ang sakit! Napabitiw si JR sa kamay ni Jini. Jini: Buti nga sayooo! JR: walang hiya ka! Hindi PA NGA NAWAWALA ETONG BANDAGE SA ULO KO DADAGDAGAN MO NA??? AHHHHHHHH... Susuntukin na sana ni JR si Jini. JR thought: Okay, pasalamat ka babae ka!! Jini: Ano? Sige! Sige! Suntukin mo ako! *cries* JR: Bayaran mo lahat ng nasira mo! Pati tong guwapo kong pag mumukha! BAYARAN MOOOOO! Jini: OO, BABAYARAN KO YAN! HALIKA. AT WAG MO NA AKONG GUGULUHIN! Pwede? Umalis si Jini. JR: HOY! Jini: Sundan mo ako sabiii eh! BOBO! JR thought: BOBO? Walang hiya... Sumunod si JR kay Jini. JR: Hello?...Kunin nyo yung sasakyan ko dito sa skul...Sira nga pala ang isang mirrorJini: Bilisan mo nga! JR: Pag tumawag si mama, sabihin nyo inaasikaso ko na ang lintik na skolar nya! Jini: BILIS. Pumunta sila sa bahay nina Jini... Tiya Isabel: At sino naman sya? Jini: Si JR TE. Hindi mo kilala? Oo, tiya, kasi, hindi naman sya sikat! Binigyan ni Jini si JR ng matulis na tingin. JR thought: GAGA! Panu nya ako makikilala eh hindi naman sya nag-aaral.

Tiya Isabel: Ahh. Si JR TE. Yung Model sa bench! Jini thought: Anong sabi ni tiya?

??! ARGH.

Tiya Isabel: Ako nga pala ang Tiya Isabel ni Jini. JR: *smiles* Nice meeting you! Tiya Isabel: Naku, Jini, ang gwapo naman nitong kasama mo. Si Kenjie bah saan na? Jini: Ahhh. Tiya??! HEHEH... Uhm, wag po natin syang pag-usapan ngayon. UHM. Tiya Isabel: Kung ganun? Jini: Dideretsohin na po kita-Tiya Isabel: Nga pala, may trabaho na ako. *smiles* sa isang restaurant, waitress. Jini: Ano? Mabuti naman Tiya. UhmTiya Isabel: Ano? Jini: TIYA, PAUTANG! Nanglaki ang mata ng kanyang Tiya. Jini: I mean, kelangan ko pong bayaran ang nasira ko sa kanya!!! (tinuro si JR) Tiya Isabel: Ano ba ang nasira mo sa kanya? ♥♥♥ Tiya Isabel: Ano?? Ang dami naman!? Hindi na nga kasya ang pera ko para sa pagkain nating dalawa eh. Jini thought: Sina Kuya? May pera sila! Tiya isabel: Jini... Tumingin ang Tiya Isabel kay JR. JR thought: I feel awkward and guilty. Tiya Isabel: Hindi ka makakahingi sa kuya Jojo mo kasi alam mong may pamilya sya! Jini: Alam ko po! Kay Kuya Toto? Jini thought: Kay Kuya Toto! Tama! Tiya Isabel: Nawalan sya ng trabaho.

Malungkot yun na sinabi ng Tiya Isabel. JR thought: naku? Ang hirap palang maging mahirap. Jini thought: WHATTTT? Oh, I don't want JR to hear it! Jini: (tiningnan nya si JR) Lumabas ka na please? JR: PanuJini: Please? Hindi mo ba nakikita? Krisis kami! Masaya ka na? JR: peroJini: (na highblood ata si Jini) Kung nagtataka ka kung bakit namin afford ang USM kahit mahal ito, I tell you, scholar ako. Kailangan kong kumuha ng malalaking grado sa lahat ng subject! Masaya ka na siguro? Para kang nakaganti sa nang-bu-bully sayo sa elementary ka pa ah! JR: Tiya IsabelJini: Ano?Lumapit si JR kay Jini. JR: Shut up! I'm not talking to you! Napatahimik si Jini at napaiyak. Jini thought: bakit ngayon pa nawalan si kuya ng trabaho? Parang ipinapamukha pa ni JR sakin na hindi ko na sya kayang patumbahin! Panu ko sya babayaran? JR: Tiya Isabel. Sya po ang sumuntok sakin kaya nagka pasa ako ngayon sa mukha. Etong bandage-dahil pinukpok nya ako ng batoJini thought: Aksidente yun. Wala ako sa mood makipagtalo. Masakit na nga yung puso ko kay Kenjie! JR: Sinira nya ang iPod, Laptop at sasakyan ko. Para mabayaran nya ako, magtatrabaho sya samin! Tiya Isabel: WHAAT? O edi, maganda! Mababayaran mo na ang utang mo Jini! Jini: Ano naman ang trabaho ko? JR: *evil smile* simple lang naman, ibigay mo sakin ang bio-data mo bukas, at ibibigay ko ang KONTRATA kung kelan ko gusto. Jini: AnongJR: Wag kang magreklamo. Jini: Ganun? Sige. umuwi ka na! Tiya Isabel: Jini! Ihatid mo sya.

Jini: Ano? lalake naman sya eh, kaya nya naTiya Isabel: Sige na! Magkautang loob ka naman! ♥♥♥ Napilitan si Jining ihatid si JR. Jini: Sumakay ka na sa jeep! JR: Ayoko nga! Magpapasundo ako! Kinuha ni JR ang kanyang cellphone. JR: Andito ako sa bahay ng mahihirap...sunduin nyo ako... Jini: Abah!! Jini thought: Sandali nga... Bakit kaya ganito itong spoiled brat nato? Tinawag pang bahay ng mahihirap. NAKUUUUUHHH. Minsan gusto kong tusukin ang mata nya para umiyak sya sa harapan ko. JR: Bakit ka nga pala masyadong affected kanina nung nagwalk-out ang crush mo? Jini: Walk-out ag crush? For your information, hindi ko sya crush! JR: Ano? May utang ka sa kanya? Tulad sakin kaya sunod ka ng sunod? Jini: EX ko sya! JR: X? X-RAY? Jini: G-A-G-O Ex Boyfriend! JR thought: Gimme a break! AHAHAHAHAHAH Tumawa si JR ng nakahawak sa kanyang mga tiyan! Jini: Bakit? JR: Ex mo sya? Hindi nga? HAHAH. Jini: Siguro, hindi ka makapaniwala kasi gwapo masyado si Kenjie para sakin! JR: Hindi. *laugh-laugh-laugh* Hindi ako makapaniwala na may pumapatol pa pala sa mga babaeng katulad mo *laugh-laugh-laugh*. Jini thought: Ginagalit talaga ako nitong bakulaw natoooooo. Sinipa ni Jini si JR. Napayuko si JR. JR thought: Aray!

Jini: Buti nga sayo! Dyan ka na nga!!! Umalis si Jini. She left JR alone. NYAHAHA. ♥♥♥

Chapter 9 He DUMPED Me?
♥♥♥ Habang nakaupo si Jini sa isang upuan sa cafeteria. Jini thought: Sana, pwede, kahit isang araw lang naman oh, hindi ko muna sana makikita ang BAKULAW na yun. Kung naiisip ko yung mga nangyari kahapon, nung napahiya kami sa harapan nya, nung naipamukha nya samin na mahirap kami at nung tinawanan nya ako nung nalaman nyang...argh...EX boyfriend ko si Kenjie. Naiinisa akoNag-iba ang mukha ni Jini. Parang nagagalit kahit wala naman syang kasama sa table na inuupuan nya. King: Excuse me. Pwedeng makishare? Jini thought: Naku si King! Jini: O...Oo... sure! Umupo si King. Nginitian nya si Jini ng isang malambing na ngiti. Jini thought: Oh my... I can't help but adore him. King: Magkaibigan pala kayo ni JR? Jini: Uhhhm... Hindi naman sa ganun. King: UHH...Jini: UHM. Bakit nga pala? King: Uh wala, pinsan ko kasi sya eh. Kelangan ko syang bantayan sa mga ginagawa nya. Alam mo naman yun, masyadong maraming kabulastugan! Jini: Ow talaga? Pasensya ka na uh, ngayong sem na to ko lang kasi sya nakilala. King: Ano? Talaga? WEIRD. Halos lahat ata ng tao dito sa school eh kilala sya. Jini: Halos lahat? EhKing: Di bale.

Ngumiti ulit si King. King: Pasensya ka na nga pala ah, nung sa isang araw... Ang tinutukoy ni King ay yung nangyari sa locker room. Jini: Ah. Okay lang yun. Alam ko naman na mabuti ang intensyon mo. King: Pasensya ka na din kung nagalit yung crush mo sa ginawa ni uhmJini: Ah. Yun ba? Hi-hindi ko nga pala sya crush, ex-boyfriend ko nga pala sya! King: Talaga? Sya yung Mr. Fashionista ng International Studies ah. Jini thought: Siguro yung iniisip nya eh yung tulad nung iniisip ni JR. ARGH King: Sya yung pinagkakaguluhan ng mga babae, marami ngang nagkakagusto sa kanya. Isa na dun si Tanya Garcia diba? Jini: Alam ko na ang iniisip mo! Na ang gwapo-gwapo nya para sakin. Ang pangitpangit ko para sa kanya! Yun naman lagi ang iniisip ng mga tao eh. Nanlaki ang mata ni King. King: TeJini: Wait. Ako muna ang magsasalita! Para nang ungas si Jini sa pag e-elaborate nya sa kanyang pagmamaliit sa sarili. Jini: Tingnan mo lahat ng tao dito sa loob ng cafeteria...lahat ng mga taong yan, kilala ako. PERO (she raised her hand). Hindi nila alam ang pangalan ko. Mukha ko lang ang alam nila. Siguro nga, may iba-iba na akong nickname eh, UHM...like for example Ms. Basahan... Jini thought: Bakit ko ba yun naiisip?... MISS TROUBLE-MAKER. lol. King: Ang totoo nyan... Jini: Hmmm? King: Hindi ko msya gusto para sayo. Jini thought: Hindi ko sya gusto para sayo? Jini: Ha? Bakit? King: Nakikita ko kasing nahihirapan ka eh. Jini: Ah... HINDI naman ah. Jini thought:

Ang gaan naman ng loob ko kay King. Bakit ganito? Siguro dahil likas sa kanya ang mag-deal sa iba't-ibang tao. King: Pasensya ka na ah. Yun lang kasi talaga ang napapansin ko. Napatahimik si Jini. King: Actually, Hindi ko lubos maisip na...pareha pala kami ng babaeng gusto. Jini thought: Ano daw? Jini: HA? King: Biro lang!! Ano ka bah! Jini Punzalan! Jini: Teka. Buti, sinabi mo. Bakit mo alam ang pangalan ko? King: Last sem pa kita kilala eh. Jini: Ano? Eh. Ako riun, last sem kilala na kita dahil presidente ka. Pero panuKing: Ewan ko. Basta, lagi kitang nakikita. Minsan, nakikita kitang masaya, minsan naman malungkot. Minsan naiinis, minsan parang wala ng lakas. Jini: Ganun? Ganun ba talaga tayo kadalas magkita last sem? Pero panuKing: Ayun, kapag linalapitan ka ng mga kaibigan mo, nalaman kong Jini pala ang pangalan mo. Later on, Jini Punzalan - nalaman ko din ang family name mo. Jini: AHH.. Weird naman. Talaga bang ganun tayo ka dalas mag kita? King: Uhm. Ganun kita kadalas nakikita. Jini thought: LOL. I don't believe that I'm talking to the cutest boy in our school. President ng Student Council, at anak ng vice president ng school - KAIBIGAN ko na? HAAI. Habang kumakain si Jini, napansin ni King na mayroong dumi sa kanyang mukha. Inalis ni King ang dumi sa mukha ni Jini. Jini thought: Ano ba to? Nakakailang. King: May dumi ka sa mukha. Jini: *smiles* Biglang may lumapit. GirlA: Excuse me, uhm Mr. Alvarez, can we ask you few questions? Tumingin ang dalawang babae kay Jini. Ngumiti si Jini pero hindi sya nginitian. Jini thought: HAYYY naku... napaka plastik naman...

King: Uhm. Sure. GirlB: What do you think about blah...blah...blah... Unti-unting dumami ang mga babae na parang mga reporter... GirlC: I'm from the communications department... Can I ask you some questions regarding blablabla... Jini thought: Hilong-hilo na ako dito. Ang init-init at ang sikip-sikip na kaya ang daming babae. Grabeh... GirlZ: Wait! Ikaw yung ex ni Kenjie ah. That Mr.Fashionista guy in International Studies Department? Ngumiti si Jini. Ilang sandali, nakita ni Jini si Kenjie. Jini: Uhm, King. Mauna na ako ah. King: (natatabunan) O-Oo. Jini, see you around! Kenjie thought: Jini is with another guy? Si King Alvarez yun ah! I... I am VERY jealous. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa buhay ko. SOBRA. Masyado na kasi syang... ARGH... Last sem kasi, babae lahat ang kasama nya at minsan ko lang syang nakikitang may kasamang lalake, at kung meron man syang kasamang lalaki, mga nerd naman at yung mga tipong hindi dapat pinagseselosan. Pero ngayon, King Alvarez. ARGH. Umiwas si Kenjie kay Jini kahit alam nyang papunta si Jini sa kanya. Jini thought: I really need to talk to him! So MUCH! Tumakbo na si Jini, to the point na marami na syang nasasagasaan. Nakatingin si JR sa malayo at inoobserbahan si Jini. Nakabangga sya ng isang babae at nabuhusan yung babae ng pagkain na dala nya. Jini: SorGirl: Oh my goodness! What the hell are you doing? Look at this? OH MY GOODNESS. Jini: Sorry talaga! Nagpatuloy si Jini, ngunit dahil sa nangyari nawala sa paningin nya si Kenjie sa kanyang paningin. Kanina pa pala nakatingin si JR kay Jini, at ngayon lumapit sya kay Jini.

Parang umalis lahat ng tao sa daanan ni JR dahil sa lakas ng dating nya. LOL. Jini thought: Minsan, naiisip ko parang hindi ako nababagay sa school na to eh. Masyadong maarte ang mga tao. At grabeh, yung mga sikat, mayayaman at magaganda ang mukha eh parang sinasamba. Si Kenjie? Sinasamba na rin kaya siya? Sa School namin nung highschool, apat lang kaming nakapasok sa USM. Si Christina, Mikee, ako at si Kenjie. Kitang kita naman na sa aming apat, ako yung mahirap. Kaya siguro kahit 2nd sem ko na ngayon eh parang hindi parin ako nakakapag-adjust! Bigla syang HINABLOT ni JR at hinawakan ang braso. *Ayan na naman ang STYLE ni JR* JR thought: I-d-i-o-t talaga tong Jini na toh! Sa gitna ba ng cafeteria matutulala. JR: Wag ka na ulit makipag-usap kay King! Jini thought: Ano ba naman to! Umalis na naman lahat ng tao sa daanan ni JR at Jini. Jini thought: Gewd, nakakahiya! Nung nakalabas na sila sa cafeteria, saka sya binitiwan ni JR. JR: Wag kan na ulit makipag-usap kay King kung ayaw mong sundan ng mga taga Communications Department! Jini: Ano? Ano bang pinagsasabi mo? eh, mabait na man sya eh. JR: Hindi ko naman sinabing masama sya ah! Jini: *argh* Whatever. Pwede bah! Wala ako sa mood. JR: Wala din ako sa mood! Tumingin si Jini sa mga mata ni JR na *ahem* wala sa mood. JR: Sumasakit pa ang tiyan ko sa sipa mo kagabi! ATSAKAJini: Magpapass na ako ng bio-data! *handling the biodata* Nakita ni Kenjie si Jini kasama si JR. Kenjie thought: Sino na naman yang kasama nya!? ARGH. Sya ata yung President ng Camera Club ah! JR: Hindi kita bibigyan ng trabaho!

Jini thought: ANOOOOOOOO??? BAKIT??? PANU ANG UTANG KO? Jini: PeroJR: Napansin ko kasi na parang inaabuso mo ako. ALAM MOLumapit ang mukha ni JR kay Jini. JR: HINDI NA AKO MAKIKIPAG-LARO SAYO LALO NA KAPAG AKO NA NAMAN ANG magiging kawawa. Nakita ni Jini si Kenjie na tumitingin sa kanila at parang masama talaga ang tingin. Nagpatuloy si Kenjie sa paglalakad... Jini: Kenjie, hintay! Nanlaki ang mata ni JR nung nakita nyang binalewala ni Jini ang kanyang sinabi... JR thought: Si KENJIE na naman? Palibhasa tong babaeng to, wala na sigurong matinong lalaki ang makakatanggap sa kanya kaya ganyan na lang ang habol nya kay Kenjie.

to be continued...

NGAYON, Sinong kampi kanino? LOL continuation... ♥♥♥ Naabutan ni Jini si Kenjie sa Locker Room. Hindi alam ni Jini na nasundan pala sya ni JR. Pagdating ni Jini, unti unti syang lumapit kay Kenjie. Kenjie thought: Hindi ko pa sya kayang kausapin! Jini: Ke-

Bago pa nya natapos ang sinasabi, nagdabog si Kenjie sa pamamagitan ng pag-sarado sa locker nya. Jini thought: Why is he acting like this? Natatakot ako sa kanya, at the same time masaya. Ngayon ko lang kasi syang nakitang ganito ka galit sa akin. Ako kasi lagi ang nagagalit sa kanya. Jini: Kenjie. Can we talk? Tumango lang si Kenjie habang nakatingin sa kawalan. Jini: Bakit ganyan ka? Ano ba ang nangyayari sayo? Napaka-weird mo ngayon ah! Simula kahapon! Kenjie: Simula nung nakipaghalikan ka sa ibang lalaki! Jini: Ano? Nagseselos ka nga! Tumingin si Kenjie kay Jini at tumalikod! Narinig ni JR sa malayo ang pag-uusap ni Jini at Kenjie, tumigil sya at nakinig sa kanilang pag-uusap. Nakita din nya nung yinakap ni Jini si Kenjie mula sa likuran. Nanlaki ang mata nya pagkakita nya nun. Habang umiiyak si Jini... Jini: Ken... Makinig ka! *cries* I STILL love you! Ikaw? Do you still love me? Gusto ko talagang makipagbalikan sayo! Alam ko na nahihirapan kang makipagbalikan sakin dahil masyado kang ma-pride. Kaya ngayon, ako na ang makikipagbalikan! Jini thought: I really want him! HUHU. Wala na akong pride sa ngayon! Bahala na! Kapag andyan na sya sa tabi ko, everything will be alright na! Hindi na ako mahihirapan ng ganito. Hindi na ako mahihirapan sa paghahanap sa kanya. Hindi ako mahihirapan sa pag-iisip kung mahal nya ba ako o hindi. Umiiyak parin si Jini habang mahigpit ang pagkakayakap kay Kenjie. Kenjie thought: I don't want to hurt her, pero ngayon, hindi ko pa maatim ang mga nangyayari. Nakipaghalikan sya, at parang...nagiging flirt na sya sa ibang lalaki. Ayoko ng ganito. I still need to clear all this things bago ako makipagbalikan sa kanya. JR thought: Ano ba naman to si Jini oh! Nakakahiya yan! Nakakahiya. Nahihiya ako para sa kanya! Ganyan nya ba talaga sya kamahal? Bakit parang grabe yung effort nya maibalik nya lang

yang lintik na ex nya. Masgwapo ata ako nyan noh! Bakit kailangang sya pa ang makipagbalikan, at sya pa ang umiiyak. Para syang nagmamakaawa. Ganyan na ba talaga sya ka desperada? Inalis ni Kenjie ang mga kamay ni Jini na nakapulupot sa kanyang dibdib. Hinarap nya si Jini at... Kenjie: Jini. I'm so sorry. Gusto ko na akin ka lang. Yes, I'm selfish! Umiyak pa ng umiyak si Jini. Kenjie: Pero, I think this is still not the right time for us to be together again. Baka kasi confused ka lang. Jini thought: Confused? Panu nya ba yan nasasabi? ARGH. Confused pa ba ang tingin nya sakin nito kung kelan ako desperadang-desperada na? Umiyak at umiyak si Jini. JR thought: ANO? He dumped her!? HALA. Kawawa naman itong si Jini oh. Eh G-a-g-o pala tong isang to eh! Susugurin ko na ba o ano? Ayokong nakikita ako ni Jini dito. Ayoko. Kenjie: I think, infatuated lang ako sayo. Kenjie thought: I'm so sorry to tell you that even if I really don't mean it! Kenjie: Total! Marami ka namang lalaki ngayon and it seems like you are still enjoying their companyJini thought: Lalaki? Marami? Infatuated? Ano ba? I thought? Kenjie: I'm sorry Jini. I don't want a girl like you. And I don't love you. Umiyak ng umiyak si Jini. Tumakbo sya papalabas sa Locker Room. Jini thought: Ano? So? Ganyan pala ang tingin nya sakin? flirt? s-l-u-t? Ano pah? b-i-t-c-h? Ano pah? Ha? Ano pa? Sige!!! Hindi nakita ni Jini si JR na nakasandal pa malapit sa door ng locker room. JR thought:

Puchhhha naman yang lalakeng yan eh! G-A-G-O! Ganyan ba ang tingin nya kay Jini? Ano bah? Magkakilala na ba sila noon o ngayon lang? Bakit parang wala syang trust kay Jini? Lumabas si Kenjie habang tulala pah. Linapitan sya agad ni JR at tiningnan sya sa mata. Isang tingin na parang nag-aalab sa galit! JR: Wag mo sanang pagsisihan ang ginawa mo sa kanya. Sinabi yun ni JR ng parang napakahinahon at parang pinipigilan ang galit na namumuo sa kanya. Napalundag ang puso ni Kenjie. Tumindig ang kanyang balahibo dahil sa mga tingin ni JR. Si Jini, malayo-layo na ang naabot sa paglalakad ng mabilis. Habang nag-iisip at nakasandal si King sa dingding. <---click that King thought: Si Jini yun ah! Parang umiiyak sya! ♥♥♥ Nasa rooftop si Jini at King, ngayon, dala ni King ang gitara nya. Jini: Bakit ganyan sya? Si King, pinapanood at tinitingnan lang si Jini habang si Jini ay nakadungaw sa soccerfield. Jini: Mahal na mahal ko sya! Ginawa ko ang lahat! Ako na mismo ang nagsabi sa mga salita na hindi nya kayang sabihin pero bakit ganyan? Umiyak ng umiyak si Jini. Jini: siguro, mali ako? Mali ako sa mga akala ko. Akala ko kasi mahal nya pa ako! Oo! Kailan ko ba talaga maiintindihan ang sinabi nya noong nag break kami? NA HINDI NYA NA AKO MAHAL!? Kelan ba yun papasok sa kokote ko? Bakit ko ba kasi sya mahal eh!!! King thought: Grabeh sya!!! Ngayon lang ako nakakita ng babaeng ganito ka expressive! Jini: AYOKO NAAAA! I love him that it hurts!!! JINI! Bakit pa kasi sya ang inibig mo??! KING! Sabihin mo nga, totoo ba yung kasabihan na 'one word is enough for

a wise man'? King: ... Jini: Kung ganun, BOBO pala ako! I'm not wise! Oo nga pala. Hindi ko talaga kasi maintindihan na hindi nya ako gusto. HE DOESN'T LOVE ME. Siguro, gustong gusto ko yung nasaktan kaya ganito ang nagyayari sa akin! King started strumming his guitar. Habang umiiyak si Jini, tinutogtog ito ni King at kinakanta ng mahinahon. King: Umiiyak ka na naman Langya talaga , wala ka bang ibang alam Namumugtong mga mata Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa Sa problema na iyong pinapasan Hatid sayo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan May kwento kang pandrama na naman Parang pang TV na walang katapusan Hanggang kailan ka bang ganyan Hindi mo ba alam na walang pupuntahan Ang pagtiyaga mo dyan sa boyfriend mong tanga Na wala nang ginagawa kundi ang paluhain ka Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nag-kasama Iilang ulit palang kitang makitang masaya Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong Tunay na halaga... May tumawag kay Jini. Habang pinupunasan nya ang kanyang mga luha... Jini: Hello? JR: Asan ka na? Bilisan mo nga! Andito malapit sa soccerfield nakapark ang sasakyan ko. Halika dito. Jini: Uhm. Pwede bukas naJR: ANONG BUKAS ANG PINAGSASABI MO! BILISAN MOJini: Bakit bah? Diba sabi mo hindi mo ako bibigyan ngJR: ANO!? AYAW MO BAH O... Jini: Sige, paparating na ako. Binaba ni Jini ang kanyang cellphone at... Jini: King, mauna na ako. May gagawin pa ako.

Habang pinupunasan ni Jini ang kanyang mga luha... Tinulungan siya ni King sa pagpunas. Binigay ni King ang kanyang panyo kay Jini. King: Wag ka ng umiyak! Kung para sayo sya, babalik sya. Tumango si Jini. King: Sabay na tayong bumaba, may piano class din kasi ako. ♥♥♥ Tulala si Jini habang nakasandal sa bagong sasakyan ni JR. (at talagang BAGO ang sasakyan huh?) Si JR naman, nasa pockets ang kamay nya habang tinitingnan at naaasiwa sa bumabagabag kay Jini. Hawak pa ni Jini ang panyo ni King. JR: Ang bio-data mo? Ang tagal-tagal mo nama! Kanina pa ako dito. Ginugutom na nga ako! Binigay ni Jini ang biodata habang nakatitig parin sa kawalan. JR thought: Hindi ako sanay na ganito sya ka tahimik! Binasa ni JR ang resume ni Jini at pinunit. Hindi parin natinag si Jini. At ngayon, tinapon nya ito sa harapan ni Jini. JR thought: Bakit hindi sya naiinis? Tumalikod si Jini sa kanya at nagsimulang maglakad. JR thought: Seryoso pala talaga sya kay Kenjie! Hinawakan ni JR ang braso ni Jini. Jini: Oo. Hindi mo nga ako tanggap diba? hahanap na lang ako ng ibang trabaho. salamat. Tulala parin si Jini habang pinupunasan ang kanyang luha gamit ang panyo ni King. JR thought:

Panglalaki ang panyo na yan ah! JR: Oh! Panlalaki ang panyo na yan ah! Ibinigay ba yan ng ex mo kanina sa Locker Room? Tinitigan ni Jini si JR. Jini thought: Ano? Paanu nya nalaman ang Locker Room? Wa'g mo sabihing...nakita nya kami kanina doon? Jini: Maghahanap pa ako ng trabaho. Hinigpitan pa lalo ni JR ang kanyang pagkakahawak kay Jini. JR: Bakit hindi ka naiinis? Unti-unting tumulo ang luha ni Jini. JR: Nakita ko at narinig ko lahat ng nagyari kaniJini: PWEDE BAH!? INIS-NA-INIS na AKO! HINDI KO NA KAYANG MAINIS PAH! JR thought: Nainis ka din! Hinarap ni Jini si JR at... Jini: O ano? Masayang masaya ka na noh? Nakita mo akong nagmakaawa at umiyak sa harap ng isang lalakeng binalewala langa ko? ANO? Sige! Pagtawanan mo ako! Sige! Pagtawanan mo na ako! Biglang linapit ni JR ang mukha nya kay Jini. Napapikit si Jini. Tumawa si JR. JR: *laughs* Akala mo siguro hahalikan kita noh?! Nainis si Jini. Aalis na sana sya pero hinawakan na naman ni JR ang braso nya. Inabot ni JR ang kontrata na sinasabi nya. Jini: Darkness Contract? JR: Tanggap ka na!!!

Binasa ni Jini ang nakasulat... JR: kaninong panyo ba yan? Panlalaki yan ah! Hindi sya pinansin ni Jini. Jini thought: Darkness Contract. Rule number 1: Si Joshua Rian Te lang ang aking pagsisilbihan. Rule number 2: Walang reklamo. Rule number 3: Walang pagsasabihan....Rule number blahblahblah. Ang dami naman nito! ARGH. Ginagalit nya ba akJini: Ano baJR: Your HIRED! Paki basa ng malakas ang rule number 2!! Tumahimik ang paligid...

*DULLLLLLLLLLLLLBBBBBULLLLLDDDDDDLLLLLLOOOBBBB*
Ano ba yun? JR thought: Ano ba yan!!! ARGH. *blush* Jini thought: Grabeh! Ang lakas nun ah! Tumawa si Jini! JR thought: Naku! Nakakahiya!!!! Jini: *laughs* Palibhasa tabatchoy ka! JR thought: Tumawa din sya sa wakas!!! HAHAHA. JR: Rule number 13!!!! Binasa ni Jini ang Rule number 13. JR: o kahit anong gusto kong itawag mo sa akin - yun lang ang itatawag mo sa akin. Rule number 12 BAWAL ang pag tawag ng bakulaw, tabatchoy, taba at baboy.

*DULLLLLLLLBBBBBLUUUUUUUUDOOOLLBBB*
Jini: *laughs*

JR thought: Gutom na gutom na akooooo! ARGH JR: Masaya ako dahil napatawa kita. Sinabi yun ni JR ng palihim. Jini: HAHAHA Ano? May sinasabi ka??? Kumain ka nga!!! JR: Kasalanan mo to! Pinaghintay mo ako dito ng matagal! Jini: Ano?! HOOOOOYYY ♥♥♥

Chapter 10 Talk of The Town
♥♥♥ Habang naglalakad si Jini sa school grounds nila. Papunta sya sa Arts na subject nya nung nakita nya si Kenjie sa malayo. Maraming dala si Jini ngayon, at nung nakita nya si Kenjie kasama ang ibang models (e.g. Tanya) ng Camera Club. Jini thought: Si Kenjie. Parang he is enjoying the company of the Camera Club models ah. Oo nga naman, sinong lalaki ang makakatanggi sa mga babaeng tulad ng mga modelong iyan? Matatangkad, makikinis, magaganda at matatalino! Pwede nang pang Bb. Pilipinas yan ah... kaya ngayon, parang naririnig ko ang na tumutugtog sa utak ko. Hindi makatingin si Jini ng diretso kay Kenjie dahil may kakaiba syang nararamdaman sa kanyang sarili. Jini thought: Naiinis ako. Bakit parang kinakabahan ako. Bakit parang lumulutang ako ngayong nakikita ko syang nakikipagtawanan sa ibang tao. HEY. I hate this feeling. Nasa loob si JR ng kanyang sasakyan habang tinitingnan si Jini. Nakahawak pa sya sa manibela habang... JR thought: Si Jini yun ah! Ang dami nyang dala!!!May kumatok sa kanyang sasakyan. Agad nyang binuksan.

Anton: Ano PRE? Kumusta ka na? Si Anton kay kaibigan ni JR, kasakasama nya sa mga organizations na sinasalihan nya. NOT TO MENTION sa mga kabulastugan! JR: Sa Camera Club na! Busy ako ngayon! Umalis si Anton. Sanay na kasi sya sa pagka MOODY ni JR. Bumalik si JR sa pag-aabang kay Jini. Nakita ni Tanya si Jini at tinuro nya ito para makita din ni Kenjie. Naabutan ni Jini ang pagturo ni Tanya sa kanya... Jini thought: Tinuro ako ni Tanya! Patay. She looked away. Tensed na tensed na sya. Lalo na nung nakita nya na tumingin si Kenjie sa kanya. Sumimangot ang masayang mukha ni Kenjie. JR thought: Ayun pala si Kenjie! HMMM.. Tingnan ko nga kung anong mangyayari! Jini thought: DEMN he is sooo cute! Nahihiya ako. Tumitingin sya! Hiyan-hiya na ako sa mga nagawa ko kahapon! OMIGAWD. How will I deal with this? Dahil masyado ng tensyonado si Jini, nabitiwan nya ang mga dala nyang libro at mga gamit sa tabi ng daan. Nagkalat din ang mga papel. Kenjie looked away at nagpatuloy sya sa paglalakad kasama ang iba pang model ng Camera Club! Nagkalat ang gamit ni Jini sa daanan. JR thought: Napaka careless talaga nitong babaeng ito oh! Nakakabwisit tuloy kapag nanonood ka sa kanya. Pati ikaw madadala sa kanyang pagiging tanga! Lumabas agad si JR sa kanyang sasakyan para tulungan sana si Jini... Ngunit... Tumakbo si King patungo kay Jini, para tulungan syang magligpit... JR thought: OHHH... Looks like I'm not needed! Bumalik si JR sa kanyang sasakyan.

King: Tulungan na kita! Nagkataon na pareha sila ng kinukuhang libro, kaya nahawakan din ni King ang kamay ni Jini. King smiled. Jini smiled too. Jini thought: He is very adorable talaga! Ang bait nya kasi! JR started the engine tapos kumaripas ng takbo ang kanyang sasakyan habang nakatingin kina Jini at King. Dumaan pa sya sa daanan kung saan natapon ang mga gamit ni Jini. Ang ibang mga papel, lumipad dahil sa bilis ng takbo ng sasakyan ni JR. Jini thought: PATAY!!! Abah! Ang bakulaw na yunnn?! Sasakyan nya yun ahhh! ARGH. Nakita nya siguro ako dito! ARGH. Tumayo si Jini at... Jini: HOY! BAKULAWWWWWWWWWW! WALANG HIYA KAHHH... Sumimangot si Jini. Napulot ni King ang kontrata ni Jini at JR. King thought: Ano to? May pirma ni Jini ah! DARK-NESS CONMabuti nalang at napansin iyon ni Jini, kaya agad nyang binawi ang kontrata kay King. King: Sorry! Jini smiled. Jini thought: ARGH. Muntik na yun ahhh! TSSSS... Buti na lang!!! ♥♥♥ Christina thought: Ano to? Bakit ang daming pictures ni Kenjie at Jini dito? Anong ginagawa nila dito? Bakit nakayakap si Jini mula sa likuran at parang umiiyak?

Mikee: Tin! Tingnan mo! Tinuro ni Mikee ang isang malaking poster na may nakalagay na 'He Dumped His Flirty Ex'. Andun din yung parehang picture na nakita ni Christina kung saan-saan sa Communications Building. Christina: What the HECK is happening? Bakit parang sentro si Jini at Kenjie sa mga etoo?? Nagkalat din ang mga newspaper at nasa front page din ang parehong picture na nandoon sa poster at pamphlets. Binasa ni Christina ang article. Christina: Looks like the prince is now awake from his worse nightmare! Kenjie Chua (one of camera club's hottest model) finally realized that his ex is a full time BIATCH........... ?? Mikee: Ano ba ang pinagsasabi nyan!? Tssss... Christina: What the HELL!? ♥♥♥ continuation... ♥♥♥ Nakarating si Jini sa kanilang classroom sa Arts and Literature Class. Pinagtitinginan sya ng kanyang mga kaklase. Tumingin sya kay Kenjie, kaya lang hindi sya pinansin. Jini thought: Bakit kaya ako pinagtitinginan? Para bang may kasalanan ako sa kanila. Nagsimula ang klase... Nakatunganga lang si Jini sa klase... Hanggang sa natapos. JR thought: Iniisip pa rin kaya nya ang nangyari kahapon? HMMM... Ang naabutan nya na lang ay ang mga panghuling salita ng kanilang professor. Prof: So, this story have taught us to LOVE and just to LOVE... Tumingin ang kalahati ng mga kaklase ni Jini sa kanya. Jini thought:

Bakit parang may mali. Tumingin din ang professor ni Jini sa kanya. Prof: As for you Miss Punzalan, you must learn to LOVE without expecting anything in return! Tumingin ang professor nila kay Kenjie... Kenjie thought: Bakit? What's wrong? Bakit parang may alam sila samin? Prof: And I'm so glad for those people who are brave enough to say what they truly feel even though it will hurt another heart. JR thought: TEKAAA... Anong nangyayari? Parang pinariringgan si Jini at Kenjie ah! *Bell Rings* Prof: Class dismiss. Umalis agad yung professor nila. Jini thought: Napaka weird ng feeling ko ngayon ah! JR: Magkita tayo mamaya 4pm sa soccerfield. Umalis agad si JR. JR thought: What's wrong with our professor? Pupuntahan ko sya. Ngunit, bago pa sya nakarating sa office ng professor niya, may nakita na syang pamphlet. JR thought: Si Jini at ang EX nya ah! SINONG GUMAWA NITOOO!? Si Jini! ♥♥♥ Girl1: You know, marami na talagang cheap na babae ngayon noh?? Ang kapal kapal ng mukha para magconfess sa kanilang mga EX. Para bang mauubusan na ng lalake. Girl2: Oo nga! May paiyak2x pang nalalaman!

Jini thought: TEKAAA. Ako ba ang pinaparinggan nila? Panu nila nalaman? ESTE... Alam nila? Ano ba to? Makaalis na nga! Umalis si Jini at naglakad ng matulin... Nakabasa din si King ng isang pamphlet! King thought: Ano to? I must find Jini! Baka ano na ang nangyari sa kanya. Alam na ata to ng buong mundo. Pati nga sina Felyn at Cara na kaibigan ni Jini - alam na. Agad nakita ni King si Jini. King thought: I must settle this problem since marami akong magagawa because I have the power. Linapitan ni King si Jini. Napansin ni Jini na parang tinitingnan na sya ng lahat ng estudyante. Nagpatuloy parin sya sa paglalakad. *Krrrrrrrriiiingggg* Sinagot ni Jini ang kanyang cellphone. Jini: Hello? Christina: Jini! Okay ka lang ba? Jini: Ano? Syempre naman! Bakit? Christina: Hindi mo pa baNapatigil si Christina sa mga speakers ng corridors. Nagsalita ang isang speaker ng kanilang eskwelahan. Naririnig ito ng buong college dahil konektado ito sa lahat ng building. Natigilan din si Jini at nakinig. Speaker: Good Morning fellow students! Eto na ang pinakahihintay nyo! Ang makabagbag-damdamin na pagtatapat ng ating DRAMA PRINCESS... "Jini: Ken... Makinig ka! I STILL love you! Ikaw? Do you still love me? Gusto ko talagang makipagbalikan sayo! Alam ko na nahihirapan kang makipagbalikan sakin dahil masyado kang ma-pride. Kaya ngayon, ako na ang makikipagbalikan! *Jini sobbing* Kenjie: Jini. I'm so sorry. Gusto ko na akin ka lang. Yes, I'm selfish!

*Jini Sobs* Kenjie: Pero, I think this is still not the right time for us to be together again. Baka kasi confused ka lang. I think, infatuated lang ako sayo. *you can hear Jini sobbing* Kenjie: Total! Marami ka namang lalaki ngayon and it seems like you are still enjoying their company - I'm sorry Jini. I don't want a girl like you. And I don't love you." Lumaki ang mga mata ni Jini habang nakikinig sya sa kanyang boses at boses ni Kenjie na pinaparinig sa buong eskwelahan! Speaker: Well, that's it for now! Ayun na po ang eksenang pinakahihintay nyo? Parang drama sa radyo ano? WELL, ang babaeng namamalimos ng pag-ibig ay walang iba kundi si *drum rolls* Jini Punzalan. Christina: Ji-Jini! Asan ka?! Nabitiwan ni Jini ang kanyang cellphone. Mikee: Asan sya? Christina: Ewan ko. Bakit ba kasi nagkaganito? ARGH! Panu? Ano? HAAAI. Narinig din iyon ni JR. JR thought: Ang mga taga communications department yun ah!!! Nag-aapoy na sa galit si JR. Pero naistorbo sya dahil may tumawag sa kanya! ♥♥♥

King: Jini. Pinagtitinginan si Jini ng mga tao. Pero, tulala lang sya. Jini: Ginugutom ako. *fake smile* Jini thought: Ano ang nangyayari. I coudn't believe it! King thought:

Bakit di sya umiiyak?! Sobra na ang nangyayari. SOCIAL BLUNDER na ang hinaharap nya ngayon! Kawawa na sya. May naghagis ng mga pamphlet kay Jini. Parang umulan ng picture ni Jini at Kenjie. Binasa ni Jini ang isang pamphlet at mas lalo syang natulala. ♥♥♥ Tanya: Narinig mo yun? Si Jini at ikaw ang usap-usapan sa loob ng campus ngayon! Kenjie: ANO??! Kenjie thought: Si Jini!? Lumabas si Kenjie sa classroom nila at hinanap si Jini, ang nakita na lang niya ay si King na parang inaalalayan si Jini papababa. (papuntang cafeteria) Kenjie thought: Parang shock na shock sya sa nangyari! Nag-aalala ako sa kanya! ♥♥♥ Sa cafeteria naman, kain lang ng kain si Jini. Mas marami syang kinakain ngayon kung ikukumpara sa kinakain nya sa isang normal na araw. Si King naman, parang hindi makakain! King: Jini. Parang, ang lakas mo atang kumain ah! Jini: Gutom na gutom kasi ako eh! Jini thought: Lumalakas akong kumain kapag masama ang loob ko! King: I know you want to cry dahil sa nangyayari. Nakita ni Jini na halos lahat ng tao ay may dalang pamphlet at nakatingin sa kanya. King thought: Hindi ko alam kung makakabuti ba kay Jini ang pagsama ko dito sa kanya o hindi. Lalo kasi kaming pinagtitinginan ng mga tao eh. Nabiliukan si Jini. Kaya lang, hindi sya nakabili ng tubig.

Jini: *choking* King: Jini. Bibili lang ako ng tubig! Agad umalis si King at bumili. Jini: King! Okay naJini thought: Huli na ang lahat! Umalis na sya para bilhan ako. May lumapit sa kay Jini na mga lalaki. Napansin ito ni King, kaya napatigil sya at inobserbahan sila. Guy1: Uy! Ikaw si Jini Diba? Guy2: Oo sya nga! Linapitan sya ng isang lalaki. Guy1: Napaka inosente naman ng mukha mo! Hindi kapanipaniwala na BIATCH ka! Para napatingin lahat ng tao sa cafeteria sa kanila. Tumayo si Jini. Guy2: Ano? Ang ganda-ganda ng acting mo ah! SYEMPRE, magandang lalaki nga naman si KENJIE CHUA. Instant yung pagsikat nya dahil sa ginawa mo ah! Dumating si Kenjie. Nagtaka sila dahil parang may nangyayaring eksena sa loob ng cafeteria. Hinawakan ng isang lalaki ang mukha ni Jini. King thought: Anong ginagawa nila! Babalik na sana si King kay Jini ngunit... Guy1: Pero, sa totoo lang. Mas magandang lalaki ako dun eh! Lumapit ang isa pang lalaki at hiwakan ang kamay ni Jini. Guy2: Akin ka na lang! Iingatan kita. Hindi kita papaiyakin! Sinuntok ni Jini ang isang lalaki sa mukha. Napaka lakas ng suntok nya. Kaya lang, hindi ako sigurado kung adrenaline rush ba yun o dahil sa training nya sa kanyang dalawang kapatid na lalaki.

May sumingit na babae! Girl: Bakit ba kasi hindi mo aminin na ikaw yun! Sinuntok ni Jini ang isa pang lalaki at bumagsak ito. Nalaglag ang mga panga ng ibang estudyante. Jini: Oo! Ako nga yun! Ako ang nasa picture! Ako ang naririnig nyo sa WALANG HIYANG speakers dito sa eskwelahang ito. Bakit? Kelan ko ba tinanggi yun? EH ANO NGAYON? Guy1: Masakit yun ah! Paiiyakin kita! Susugurin na sana ng lalaki si Jini ngunit naunahan nya at nasampal ang lalaki ng pagkalakas-lakas. Girl: HOOOY! BIATCH! Bakit hindi ka nalang umiyak at magpanggap na hindi ikaw yun? Gusto mo sigurong maging usap-usapan noh! Jini: At bakit naman ako iiyak? Hindi ako iiyak! Bakit? Totoo naman ang mga sinabi ko sa ah! Eh ano ngayon kung nagMAKAAWA ako sa kanya? HA? Ano ngayon? EH SA MAHAL ko sya eh! Girl: HMM..*taray* Kinuha ni Jini ang bag nya at tinulak ang babaeng nagtataray. King thought: Ang tapang nya para magsalita sa harap ng ganito karaming tao. Jini gave King a wink. Jini thought: King! Pasensya ka na! Mauna na ako kasi ayokong madamay kita! NagKRUS ang landas ni Jini at Kenjie habang papalabas si Jini. Napatigil sandali si Jini. Nagkatinginan sila. But now, Jini looked away first. Nagapatuloy sya sa paglalakad at hindi nya pinansin si Kenjie. Jini thought: Totoo naman yun! Ang mali lang dun... ay ang mga sinabi ni Kenjie tungkol sakin! Ang sakit. ♥♥♥ JR: Talaga? Ginawa nya yun kanina sa cafeteria?

Napatawa si JR. Anton: Oo! Grabeh! Dumugo ang ilong nung isang lalake eh. Napatawa ulit si JR. Si Patrick at Miguel ay isa sa barkada ni JR. Patrick: Oo, tsss... grabe, yung isang lalaki, dalawang ulit nyang sinuntok! Bakit ba pre? Bakit kelangan syang bantayan? Miguel: Grabe yung babaeng yun! I don't wanna mess with her, kasi she is not the girl who wants to please every guy! And ako, I don't want to mess with any girl. I'm here to please them! Pumorma si Miguel. Playboy kasi ang isang ito. Nagtawanan silang apat! JR thought: I can't forgive the people who made this! ♥♥♥

Chapter 11 She Thanked the Wrong Person
♥♥♥ Naglalakad si Jini papaalis sa cafeteria nung nakita sya ni Mikee at Christina. Mikee: Jini! Napalingon si Jini. Pumunta agad si Christina at Mikee sa kanya. Christina: Jini! Sa-tingin ko... UHM. Kailangan mong umuwi muna kasi. Tumingin si Christina sa paligid. Nakita nya na pinagtitinginan parin si Jini ng mga estudyante. Jini: Hindi. may klase pa ako maya-maya. Christina: Pero... Jini: Tin! Okay lang! Wala namang masama eh, totoo naman yun! Christina: Huh? Mikee: Pero, JinJini: Aalis na ako. May class pa ako eh!

Huminga ng malalim si Christina at Mikee. ♥♥♥ Mama ni JR: Ano! Sige! Mag bati na kayo! Napalakas ang boses ng Mama ni JR habang kumakain sila ng tahimik sa isang restaurant malapit sa kanilang eskwelahan! JR: Ma! Yan lang ba ang dahilan kung bakit ka andito ngayon? Mama ni JR: Hindi noh! Mmmm... I'll stay here for 5-7 days ngayon! And, I don't like you two fighting! Ano bah?! Simula last month, nag-aaway na kayong dalawa! HAAAY. King: Tita. Pasensya na po kayoJR: HEP! Wa'g ka ngang magsalita dyan na parang sayo lahat ng kasalanan. Para tuloy akong nagiging kontrabida nito! King: PeroJR: O. Sige na nga! Nagyakapan si JR at King. Nag tawanan din sila! Mama ni JR: Mabuti at nagkabati na kayo! JR: Basta. Wa'g mo nga akong pakealaman sa mga ginagawa ko. King: Hindi naman kita papakealaman kung hindi kabulastugan eh! Sinuntok ng pabiro ni JR si King. King thought: Oo nga pala. I need to settle things about Jini. JR thought: Dapat hindi ako kumakain dito, dapat may ginagawa na ako sa skul. TSSS. Mamaya na. Magpapalamig muna ako. Baka makapatay ako kung mainit ang ulo ko. King: Tita. Mauna na po ako! May gagawin pa ako sa school. Mama ni JR: Oh. Looks like the President of the Student Council is busy ah! King: May isi-settle lang po ako na issue. Napalingon si JR. JR thought: I se-settle na issue? Ano naman kaya? Baka-YUNG KAY JINI?

Umalis na si King. JR: Ma, ako rinMama ni JR: Teka, mamaya na. Akala ko ba wala ka nang pasok! Cancel any date with your girls muna, Joshua! JR: Ha? Wala akong date! Sige na, Ma! Mama ni JR: How is Jini going? Is she doing well in school? Binabantayan mo ba? Panu sya nakabayad ng utangJR: Ma! Nagta-trabaho po sya sakin ngayon! Mama ni JR: Ano?! JR: Yep! Ginawa ko syang personal assistant! Mama ni JR: Personal Assistant? O baka naman Personal Maid? Joshua! JR: Hindi Ma! Personal Assistant talaga! Like, now, habang wala ako, sya ang nagti-take-over sakin sa Camera ClubJR thought: EH. Hindi pa nga yun nagsisimulang mag work sakin eh. ARGH. Mama ni JR: Okay! Siguraduhin mo lang na wala kang hidden agenda sa kanya! JR thought: Hidden agenda? Binigyan sya ng masagwang tingin ng kanyang ina. JR: MA! Mama ni JR: Ano? JR: What hidden agenda are you talking about? Hindi po sya yung gaya ng mga HOT GIRLS ngayon na nakaka-turn on! Nandidiri nga ako dun eh! Napaka boyish at baduy! Mama ni JR: Ano? *laughs* Napaka defensive mo naman! Hindi yan ang ibig kong sabihin! HMMM. Ayan tuloy, nagdududa na ako! JR: *smiles* Uh. So you mean, kung pagmamalupitan ko sya? You mean, revenge? Mama ni JR: Sorta. JR: Hindi. Mama ni JR: Good! Tumayo si JR at naghandang umalis. JR: Hindi ko maipapangako. At, iniwan nya ang kanyang mama na mag isa. Mama ni JR: HEY!!

♥♥♥ King: Tigilan nyo na nga ang kalokohan na ito? Napatingin lahat ng mga Communications Major sa kay King. Girl1: Si King! Nagkagulo ang mga babae! Girl2: Sige ititigil namin! Girl3: Sa isang kondisyon! Girl4: I-date moGuy1: HINDI! Guy2: Bakit naman namin to ititigil. Palibhasa, magandang lalaki si King kaya ganun na lang makapagreact ang mga babaeng yun. Pero, syempre, hindi makakapayag ang mga lalaki. Guy3: Bakit? Ano bang kinalaman mo sa dalawang yan? HUH? Guy1: Oo nga? Hindi ka naman nakekealam noon ah! King: I'm the president here! Dapat respetohin nyo ang desisyon ko! Guy4: We are living in a democratic country. At ang ating eskwelahan ay hindi ordinaryong eskwelahan Mr. President! Guy2: Sorry ka na lang. Ang Media parin ang masusunod! Napabuntong-hininga si King habang naglalakad papaalis sa Communications Department. King thought: Kung ganun, mukhang kailangan ko na ng tulong ni Papa nito. ARGH. Pero, meron pa akong klase. Nakakainis. Nakita nya si Jini na kulang na lang ay takpan ang kanyang mukha para hindi makilala. Jini thought: Magkikita pa kami ni JR mamaya. ARGH. Pupuntahan ko na lang kaya ang communications department!? King: Jini! Kumaway si Jini kay King! King: Pumunta ako sa communications department kanina. Pero, mukhang matigas sila!

Jini: ANO? Mukhang. Mapipilitan akongKing: Wag na! Kapag ikaw lang mag isa ang pupunta doon, baka pagtulongtulongan ka nila. Jini: *sighs* Anong klaseng eskwelahan pala itong napasukan ko? Ipinapatakbo ata to ng mga mayayamang estudyante eh. Pati yang personal kong buhay pinapakealaman! ARGH. Bakit bah? Anong kasalanan ko? King: Basta. Ako na ang bahala nyan Jini! Wa'g kang mag-alala! King tapped Jini's head. Napangiti na lang si Jini. Jini thought: Pupunta ako mamaya pagkatapos ng next class ko! Hindi ako pupunta sa usapan namin ni JR! I need to settle this! ARGH. ♥♥♥ Nag-aapoy sa galit ang mga mata ni JR habang tinatahak nya ang daan patungong communications department. Napansin ito ng halos lahat ng estudyanteng nakasalubong nya. Umaalis ang lahat ng nakaharang sa daan. Basically, Kinakatakutan ang barkada ni JR dahil sa maraming Fraternity ang sumusuporta sa kanila. Likas din na basagulero si JR simula nung tumungtong sya ng HighSchool. Hindi kapani-paniwala na MATABA sya noon! Nakarating si JR sa communications Department. Napanga-nga ang lahat. Girl1: Si JR! Hinrangan agad si JR ng mga lalakeng taga-Communications. Sinuntok agad ni JR ang lalakeng humarang sa kanya. Bumagsak ito. Guy1: Ano bah? Anong kailangan mo? May nagawa ba kaming masama? Nakita ni JR ang malaking poster ni Jini at Kenjie. Kinuha nya ito at pinunit! JR: Ayoko...ng...mga...ito! Guy2: JR Te! Nakalimutan mo ata. Nasa media ka. Baka naman... Sinuntok na naman ni JR ang lalaking nagsalita! Girl1: Teka nga! Bakit ba? Hindi ka naman kasama sa mga balita ah!

JR: Ayoko ng may mga nasasaling... JR thought: Hindi ko pwedeng sabihin na si Jini. JR: Taga Camera club sa mga issue ninyo! PWEDE? Girl1: Hindi naman yan nakapagtataka ahJR: ANG SABI KOOOO! AYOKO NITO KAY TIGILAN NYO NAAAA! Nanginig sa takot ang mga taga Communications. Guy1: Media to. May kalayaan kaming ipahayag ang mgaJR: Ang mga? Sige ituloy mo! Kung media ka nga, sabihin mo, may kabuluhan ba yang ibinabalita nyo? Walang kwenta! Basura! Sinasaktan nyo lang ang ibang tao! Ipinapahiya nyo lang! Importante ba yan sa ibang tao o ginagawa lang yang libangan? Lumabas si Anton, Miguel at Patrick. Miguel: Sinong gustong makipagdate kay Kenjie...Chua? Halos nagkasabay ang dalawang babae sa pagsabing... Girl1: Ako. Girl2: Ako. JR: Kita nyo na! Na-iinsecure lang yata kayo sa EX-girlfriend ng taong gusto nyo eh! Walang nakapag salita sa kanilang lahat! Guy1: Tanggalin nyo lahat ng posters at sunugin nyo lahat ng pamphlets ngayon din! Girl1: PeroGuy1: NGAYON DIN! JR thought: Akala ko naman mapapalaban ako dito. TSSS.. Hindi pala! Napaka hina parin talaga ng mga taga dito. ARGH Umalis silang apat sa department na iyon. Agad namang kinuha at pinunit ang mga posters nina Jini at Kenjie. ♥♥♥

4:15pm.

Jini thought: Kanina pa ako naka abang dito ah! Asan na ba si JR! Argh. Yung baboy na yun! Ano kayang ipagagawa nya sakin!!! Nakita ni King si Jini... King: Jini! Jini: Uy! King! Matamlay pa ang mukha ni Jini. King: Cheer-up! Ako na ang bahala sa issue mo! Sasabihin ko to kay papa mamaya. Jini: Hmmm. King! Samahan mo na kaya ako patungo sa comBiglang nagsalita ang speaker. Speaker: We would like tou apologize to Ms Punzalan and Mr Chua for being rude to their private lives! In behalf of the communications department, we are very SORRY. It's our fault. I hope the students of the University will forgive us. THANK YOU. Napatalon sa tuwa si Jini. Nakita din nya na tinatanggal ang mga posters nila at sinusunog ang pamphlets. Marami din ang pumunta sa kanya at humingi ng tawad. Sa malayo, nakatingin si JR kasama ang kanyang barkada. JR thought: Ngayon, wala ng problema! Papalapit na sana si JR kasama ang kanyang barkada nung narinig nila na... Jini: King! Salama! Salamat talaga! You saved me! King: HUH? Jini: Thank you! Ikaw ang hero ko! King thought: Bakit? JR thought: Ano? Akala nyaAnton: JR! JR: Ako na ang bahala! Hintayin nyo lang ako sa hide-out! OKAY? Umalis si Anton, Miguel at Patrick.

King: Pero Jini, hindi ko pa nasasabi kay papaJini: Wag ka ng mag-maang-maangan pa! Ang bait mo talaga! SALAMAT! Biglang sumingit si JR sa kanila. JR: King! Si Tito, kanina ka pa hinahanap. Galit na galit na sya! Puntahan mo bilis! King: Ano? JR thought: BLEEE! HAHAHAHAHA. Umalis ka na BILIS! HAHAHA... BIROOOO LANG YUNN. King: Jini! Pasensya ka na ah! Umalis agad si King. JR: At ngayon?? Lumapit si JR kay Jini at ngumiti na parang "ngiti ng demonyo" LOL. ♥♥♥

Chapter 12 Did I Just Fell for Him?
♥♥♥

Nagkita ulit si Jini at JR. JR: Pasok! Sabi yun ni JR habang tinuturo ang frontseat ng kanyang sasakyan. Nakita ni Kenjie si JR at Jini. Kenjie thought: Si JR Te ba yun? President yun namin ah. Jini: Ano? Bakit? JR: Nabasa mo ba lahat ng rule sa Darkness Contract? Jini: Oo na! Sige na! Takte naman oh! Pumasok si Jini. Pumasok din si JR at nagdrive papalabas ng school.

Kenjie thought: Saan naman sila pupunta? Magkaibigan ba sila? ♥♥♥ Jini thought: Bahay ba nila ito? WOW. Grabeh! Ang ganda dito. Ang laki! Nakatunganga si Jini habang lumulunok kasi ang gaganda ng mga bagay sa kina JR. JR: Bilisan mo nga! Jini: Ano? Paglilinisin mo ba ako dito sa bahay nyo? JR: Hindi pa naman madumi eh! Jini thought: ARGH. Kung ganun, may posibilidad nga na ganun ang ipapagawa nya sakin? SHHHHHEEEEZZ. Nakita ni Jini ang isang napakahabang dining table. JR: Ma! Ito na po si Jini Punzalan! Nanlaki ulit ang mata ni Jini. Ngumiti ang mama ni JR. Hindi pa sya nakakapagsalita, naunahan na sya ni Jini. Jini: OH MY GOD! Don't tell me may gusto ka sa akin! Mama ka po ba ni JR? UHM. *laughs* Sorry po, pero ayoko pong maging girlfriend si JRJR thought: Pambihira. Anong pinagsasabi nitong babaeng ito!? Kainis! Ang kapal-kapal talaga ng mukha! Tumawa ang Mama ni JR. JR: HOY! Ano ba yang pinagsasabi mo ha? Mama ni JR: *laughs* Hija. Maupo ka! Jini thought: Kung ganun? Ano pala? Umupo si Jini na parang natutulala at iniisip kung bakit sya nakaupo doon. ULOL. JR: Jini. Si Mama ang sponson ng scholarship mo! Jini thought:

ANOOOOO!? Anak ng higanteng palaka. Papanu nangyari yun? Mama ni JR: Jini! Nagkita din tayo sa wakas! Jini: PASENSYA NA PO KAYO! Mama ni JR: Bakit? Jini: Ang dami ko pong atraso sa anakTinakpan ni JR ang bibig ni Jini. JR: Wag ka ngang maingay dyan! Jini: Ma'am. Mama ni JR: Hija! Tita na lang ang itawag mo sakin! UH. Ano nga ba yung sinasabi mo? Jini: Wa-wala po ti-tita. Tumingin si Jini kay JR na parang ang sama ng tingin. Mama ni JR: Sana hija, dalasan mo yung pagpunta dito sa bahay! JR: Uh. Ma, Oo! Madadalasan nya na ang pagpunta dito sa bahay natin kasi nga diba, nagtatrabaho sya sakin. Mama ni JR: AHH. Oo nga pala. Ano naman yungJR: Ma! Ipapagluto po nya ako ng merienda at kung anu-ano pa kung andito ang aking mga barkada! Mama ni JR: Ano?! Joshua! JR: Diba Jini? Sinipa ni JR ang paa ni Jini sa ilalim ng mesa. Jini: Ah-eh! Oo-Opo! Okay lang po yun kasi scholar nyo naman po ako eh! Ayos lang po! Nagtinginan silang tatlo. Jini: Salamat po! Mama ni JR: Talaga bang okay lang yun sayo hija? Jini: Opo! ♥♥♥ Natapos na silang kumain nung... May kinausap ang mama ni JR sa phone. Mama ni JR: Okay... Okay... Pupunta na ako! Bye! Si JR at Jini ayun lang sa living room. Habang tinitingnan ni Jini ang paligid...

Mama ni JR: Joshua! JR: ma? Jini thought: TSSS.. Ang bait ata nitong mokong na to pag andyan yung mama nya! Mama ni JR: Yung sinabi ko kahapon. UHM. Ikaw na ang kumuha dun sa bahay nina King HUH? Jini thought: King? Si King Alvarez bah? Mama ni JR: Kunin mo na rin yung kay Jini. JR: Ano? Bakit meron sa kanya? Mama ni JR: Ano ka bah! Lahat ng mga taga USM ay pupunta! Tumingin si JR kay Jini. Si Jini naman, parang may malaking KWESTYUN MARK sa utak. JR: O sige-sige! Bakit? Mama ni JR: Kelangan ko ng bumalik eh! Sige! JR. Behave dito. May lumapit sa Mama ni JR at sinoot sa kanya ang itim na jacket na mukhang mamahalin. May mga guard na lumapit na puro naka black-suit. Mama ni JR: Jini! Nice meeting you Hija! Take care! Umalis na yung mama ni JR. Sila na lang dalawa ang naiwan at mga maid na parang nagtatago sa kani-kanilang mga lungga! Ngumiti na naman si JR ng "ngiti ng demonyo". Nasa pockets ang kamay ni JR habang naglalakad-lakad sa living room. Si Jini naman, nakaupo lang sa sofa at pinapanood si JR. Tumingin si JR kay Jini at tumigil sa paglalakad. JR: Simulan mo na! Jini: Ang alin? JR: Maglinis ka na! Jini: Malinis naman dito ah! Tiningnan ni JR ang paligid. AT. HMMMMF. Malinis nga. Kaya naman, kinaladkad ni JR si Jini patungo sa kanyang kwarto.

Ang kwarto ni JR - dalawang ulit ang laki sa bahay nina Jini. Jini thought: Takte. Ni hindi ko nga malinisan ang bahay namin eh! JR: Ayan. Linisan mo yan. Dito lang ako. Umupo si JR sa sofa sa kanyang kwarto kumuha ng libro at linagay ang kanyang paa sa mesa. [imagine nyo?] Jini thought: ABAAAH. Senyoritong-senyorito etong mokong nato. ARGH. Nagsimula ng kumuha ng mop at iba pang cleaning materials si Jini. Si JR naman, sumilip-silip lang sa kanya. Ngayon, tumayo si JR at pumunta sa pinaka malapit na malaking salamin. <---Click

that
JR: HAAAAAY. Ang GU-WA-PO ko talaga! Palibhasa. Reincarnation ata ako ni Adonis eh! HAAAAI. Jini thought: ARGHHH. Sa oras na mabayaran ko na ang utang ko, talagang bubugbugin ko tong walang hiyang lalaki na toh! GAWWWD. Reincarnation ni Adonis? Oo. Siguro nga! Yung nainlove sa kanyang sarili!? JR: Di mo ba na isip? Ang dami mong utang sakin noh? Jini thought: Ayan na naman sya. Nagsisimula na naman. ARGH. Ibato ko kaya sa kanya tong basahan na hawak ko? JR: Hmmmm. Close pala kayo ng belabed cousin ko no? Tumingin si Jini kay JR. Halatang pagod na pagod na si Jini. Marami ng tumutulong pawis sa kanyang noo. JR: Ano? Nagugustuhan mo na sya noh? Jini: TEKA NGA? Sino ba ang tinutukoy mo? HA? JR: Si King! Jini thought: Si King at JR magpinsan? BWAHAHAHA. Di nga?

Jini: Talaga? Magpinsan kayo? BWAHAHAHA. WAAAAHAHAH? JR thought: Bakit naman sya tumawa? Jini: Akalain mo. Ang bait-bait ni King! May pinsan pala syang anak ng demonyo! BWAHAHAHA. JR: IKAW! Iniinis mo na naman ako! Mag trabaho ka! Tinapon ni JR ang librong hinahawakan nya! JR: Kunin mo yun! Jini: ANOOOO!? JR: May angal ka? Jini thought: HUWALANG HIYA! Ang lecheng eto! Pinapakuha pa ako ng bagay na sya naman ang nagtapon! PIKOOOOON! NYENYENYE... Tumayo si JR at dinudumihan ulit ang sahig. JR: HAAAI. BOOORING. Sinasabi nya yun habang naglalakad lakad sa mga places na na-mop na ni Jini. Jini thought: AAAAAAARRRGGGHHH. Ginagalit nya talaga ako! WAAAH. Bigyan nyo ako ng lakas para makakapagtimpi pa ako sa UNGGOY na toh! HELP ME. KRRIIINNNNNNGGGGG... Jini: Hello? Tumingin si JR kay Jini. JR thought: Sino naman kaya yun? to be continued... ♥♥♥ Sino nga ba yun??? please verify the title of this Chapter. LOL

Guess naman kayo oh!?! HAHAHA.. Masyado akong mabilis mag-update ngayon noh? LOL. Kasi, may susunod na story na naman eh. HAHA. Hindi kasi ako BUSY! YEY. LOL continuation...

Kenjie: Ji-Ji-Jini! Jini: Ken? JR thought: Si Kenjie? Yung ex nya?! Kenjie: Ah. Hmm. Asan ka? Pwede ba tayong magkita? Jini: Ha? Ahh... Saan? Kenjie: Dito sa cafeteria. Jini thought: Patay!! Wala ako sa school! Panu ko ba to sasabihin? demn it. Kenjie: Jini? Jini: Ha? Ah eh. Ngumiti si Jini. JR thought: Ang laki ng ngiti nya ah!? JR: Sino ba yan? Nakalimutan mo na bah? Jini: SHHHH! Kenjie thought: Sino ba yun? May boses na iba ah! Lalaki! Jini: Ken. Pasensya ka na! Eh kasi, wala ako sa school ngayon eh! Kenjie thought: Argh! Tinanggihan nya ako! NAMAAAAAN! Nakakahiya! Nakakainis! Nakakairita! TSSS. Anong akala nya sakin? Nagpapahard-to-get ba sya or what? I'm so clueless! ARGH. Binaba agad ni Kenjie ang phone. Jini: Ay. Mukhang galit ata.

Napabuntong hininga si Jini. Si JR naman... JR: HOY! Alam mo bang nasa rule yan na hindi pwedeng gumamit ng cellphone habang nagta-trabaho? HA? Hindi umimik si Jini. Umupo si JR sa tabi nya. Jini thought: Mahal ko parin sya! Mahal na mahal ko parin sya!!!! Sana makalimutan ko na sya. Sana may mamahalin na akong iba! Kahit sino, basta mawala lang sya sa puso ko! ARGH JR: Bakit mo ba sya pinagti-tyagaan? Tumalikod si Jini kay JR. Biglang. yinakap sya ni JR galing sa likuran. Jini: Anong ginagawa. Sinandal ni JR ang kanyang ulo sa buhok ni Jini, Nabitawan ni Jini ang basahan na nasa kanyang kamay. JR: Andito naman ako! Jini thought: ANO!? Anong ginagawa nya?!?! ARGH! I can feel warmth from his embrace! GAAAAAH. Ano tohhh? Ang gung-gung na tohh! Bakit nya ako yinayakap??? WAAAA... May gusto kaya sya sakin? JR thought: Pinapatibok ko ba ng mabilis ang puso mo? HAHAHA. Dapat lang. At ako?? TSSSS...

Akala nyo siguro nagkakagusto na ako sa kanya!? HAHA. Hell. haha

PARA NAMANG DI AKO SANAY NG GANITO!? ♥♥♥ Habang nasa bench si Jini malapit sa soccerfield... Jini thought: Bakit kaya makikipagkita sina Christina sakin ngayon? ARGH. Kasama kaya si Kenjie? May mga lalaking dumaan sa kanyang harapan. Jini thought: HAAAI. Hindi talaga ako attractive ano? Kasi, walang pumapansin sakin. Napatingin si Jini sa kanyang sarili. Jini thought: EWAN. Kesa sa naman hindi ako komportable sa isusuot ko no! May papalapit na babae na parang may hinahanap. Magarbo ang babae. Mukhang hindi taga dun. <--Click that Jini thought: WOW. Grabeh. Ang ganda nya ah. Grabe na to! Mukhang, taga abroad to ah. Makausap nga... Jini: Uhm. Excuse me? Who are you loo - I mean Ngumiti yung babae.

Jini: Uhm. Sino - Uhm. BABAE: Oh. It's okay! Marunong akong mag the-ga-log. Jini smiled. Jini thought: Oh my goodness. OOOOPPPPSSS... Jini: Uhm. Mukhang may...hinahanap ka ah? BABAE: Oh no. I'm just strolling here. Jini: AHHH. I see. Oh, I'm - este - ako nga pala si Jini! Biglang... Christina: Jini! Lumingon si Jini, nakita nyang kumaway si Christina at Mikee. Sa likod nina Christina nakita nya si Kenjie. Jini: Uhm. Excuse me! UHM. See you around! Jini thought: Ano ba naman yan! Grabe. Kahit sinabihan na akong nakakapag tagalog sya, parang hindi ko parin maiwasang mag ingles dahil sa mukha nya!!! Iniwan ni Jini yung babaeng hindi nya pa alam ang pangalan. Jini: Oi! Tumingin si Jini kay Kenjie. Jini thought: I want him pero... Hindi ko na ipapadama sa kanya! Napaka unfair na kasi! Christina: Sasama ka mamaya? Jini thought: Ah? Yung party na sinasabi para sa lahat ng taga USM ba? Naalala ko na wala pa akong invitation atsaka, ayoko. Jini: HindiChristina: Anong hindi? Suspendido ang klase starting 12pm ngayon hanggang 12pm bukas dahil sa partyng eto. Jini: Edi magandaChristina: GHAD Jini! Pwede bah? Alam kong ayaw mo ng mga ganito. To the point na hindi mo sinalihan yung prom natin noon! Grabe ka, I haven't seen you in

a dress pa nga eh! PWEDE BAH? College na tayo! Jini thought: Nakakabingi naman si Christina! Grabe! E sa ayoko ng make-up tsaka ng lahat ng mga achu-chu-chu eh! Grabe naman oh! Tama, hindi sumali si Jini sa prom nila noon. Tumingin si Jini kay Kenjie. Jini thought: Sana naman, yayain ako ni Kenjie! HUHUHU. Wala kasi akong date. NYAY. Jini: Wala kasi akongChristina: DATE? Kenjie? May date ka na? Jini thought: ARGH! Christina! NAPAKAKenjie: Si Tanya! Jini thought: Sabi ko na nga bah! ARGH! Napahiya tuloy ako! Alam ko na! Jini: Ano ba Christina! Hindi mo ako pinapatapos! Wala akong invitation! Christina: ANO? Kenjie thought: Panu? Mikee: Lahat nabigyan ah!? KRRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIINNNNGGGG.. Jini: Hello? JR: Asan ka?

Hulaan nyo po kung anong susunod. PLEASE? ♥♥♥

Chapter 13 He Is So Selfish
♥♥♥

Jini: ANO TO? Sinabi yun ni Jini habang namamangha at tumutulo ang laway sa kanyang bibig. Si JR naman, nagsu-suplado. Nandoon sila sa loob ng Mall. JR thought: Bakit ba kasi ganito ang nangyayari ngayon eh! Inabot ni JR ang kanyang kamay kay Jini. Jini thought: Ano yan? Jini: EH? JR: Bilis na! Baka mawala ka! Tiningnan ni Jini ang paligid na maraming tao. Jini: EH? Ayoko nga! Hindi ako mawawala no! Anong akala mo sakin? BATA? JR thought: Grabe! Ang kulit talaga nitong babaeng ito! TSSSS. Biglang umalis si JR. Ang bilis nyang maglakad. Jini thought: Bakit kami nandito? Hindi ko naiintindihan? Itong mokong na to? Anong gagawin namin? Baka mag d-date kami? NAH! Napaka imposible naman ata kung ganun ano? Kung ganun? Paglingon ni Jini, hindi na nya nakita si JR. Jini: Teka, sumusunod lang ako sa kanya kanina ah!

Tumingin si Jini sa kanyang paligid...ang daming tao! Tumigil si Jini sa paglalakad. Jini thought: Ngayon? Anong gagawin ko? HUHUHU. Babalik na lang ako sa school o uuwi ako? Tatawagan ko si JR? Naku! Siguradong papatayin ako nun! Bakit ba kasi nya ako dinadala dito sa lugar na napakaraming taoJR: HOY SALBAHENG BABAE! Jini thought: Salbaheng babae? Kelan pa nya tinawag sakin yan! NAKU! JR thought: C'mon! Napaka-tanga naman ng babaeng ito! Kung tuluyan ko syang hindi nakita, papagalitan ako ni Mama! Pahamak talaga! JR: ANO BA SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO!? Jini: Ano? HOOOOY! Wag mo nga akongJR: Ako ang boss dito kaya ako ang masusunod! Wag ka ng umangal! Biglang hinawakan ni JR ang kamay ni Jini at hinila. Jini thought: Ano na namang ka-gaguhan ang ginagawa nitong G-A-G-Ong to? AAAAAHHH. Hinahawakan nya ang kamay ko. ANO? Jini. Easy ka lang. Hinahawakan nya ang kamay mo!!! Wag masyadong malikot ang pag-iisip! Biglang... Tiya Isabel: JINIIIIIIIIIIIIIIIIII! Jini: Si Tiya! Biglang nakita ni Jini ang kanyang Tiya sa loob ng isang boutique. Tiya Isabel: Nakiusap sakin si JR na pilian ka ng damit para sa party mamayang gabi! Kaya, eto!!! Ipinakita ni Tiya Isabel ang isang napakagandang damit. Jini: OH NO! Hindi ko yan susuotin! HINDI-HINDI. Tiya! Wala tayong pera para dyan! Ipinakita ni JR ang isang card at ibinigay sa counter.

Jini: WAGGGGG! WAAAAGG! Ano ba? Ni hindi nyo man lang ako pinapili? TTSAKAJR: Ang pangit kasi ng taste mo eh! Jini: ANJR: Wag ka na ngang magreklamo! Sino ba ang boss dito? BAKA NAKALIMUTAN MO!? Binihisan na si Jini doon sa bahay nina JR. Hindi na sumama ang Tiya nya dahil sa trabaho. Nakita ni Jini ang isang frame na may picture. [of course] Jini thought: Nasa highschool siguro si JR neto. TSSS... Pumayat pala talaga sya! Sa itsura ng picture na to, mukhang summer tsaka may dala pa silang surf boards. HMMM. Tiningnan ni Jini ng maigi ang picture. Jini thought: Kamukha ni JR ang isang ito ah!? May isang naglakas loob na maid ang nagsalita. Maid: Nakakatandang kapatid yan ni S-Sir JR. Jini: HUH? May nakakatandang kapatid pala sya? Maid: Oo. Close nga sila eh! Jini: TSSS. Mas gwapo sa kanya ang kanyang kuya. Maid: Pero, magkamukhang-magkamukha silang dalawa. Jini: Asan na sya ngayon? Maid: HUH? Limang taon na syang patay! Jini thought: WHATTTT? ECK.. Panu? ♥♥♥ JR thought: I never thought that she could be that beautiful. Napanganga si JR habang tumitingin kay Jini na pababa sa hagdanan ng malaki nilang bahay. Jini thought: Come on! Hindi ako marunong maglakad gamit ang high heels. HELP ME!

Dalawang hakbang na lang ang kulang para makababa na sya sa hagdanan ng na-apakan nya ang ribbong ng gown nya. Jini thought: OH JINI! Com'on! Hindi ko kayang maglakad ng ganito. JR catched Jini. Napahawak si Jini sa BROAD SHOULDERS ni JR at hinawakan ni JR ang likod ni Jini. Jini thought: OOOOHHH MY. This is so bad. Ayoko ng ganitong mga sandali sa mokong na to. *blush* Napatawa ang ibang mga guard at maid. Siguro, namukhaan nila si Jini. YAY. JR: O! Namumula ka ata? Jini: H-Hindi ah! Hindi makatingin si Jini sa mga mata ni JR. Habang andoon si JR at Jini sa loob ng sasakyan... Jini: UHM. Saan ba tayo pupunta? JR: Ano? Hindi mo alam? Palibhasa hindi ka naman nakikinig sa mga balita! Jini: Hindi naman kasi ako chismosa! JR: Kilala mo si Hayley Anderson? Jini: HUH? Hayley Anderson? Sino yun? JR: Hindi? HAAAI. Wag ka na lang magtanong! Jini thought: Sino yun? HAAAY. Hindi ko alam kung anong nangyayari!! MMM. Gusto ko sanang magtanong sa kanya tungkol sa kanyang kapatid pero... JR: Wag ka masyadong malikot sa party huh? Jini thought: HEY! Date ko sya ah? Bakit parang hindi nya naman ako babantayan sa party? Jini: Anong ibig mong sabihin? Tumingin si Jini kay JR habang si JR naman ay tumitingin sa labas. JR: Wag ka na kayang sumali sa party? Jini: HUH? BAKIT!?

Jini thought: Bakit bah? Ano ba ang ibig nyang sabihin?! JR: Alam mo kasi Jini.. JR thought: EEEEHHH. Panu ko ba to ieexplain sa tangang to? JR: TSSSSK. Maraming mapagsamantalang lalaki ngayon! KAYA... Tumingin si JR kay Jini. Nakita ni JR na nakikinig ng mabuti si Jini sa kanyang sinasabi.

JR: UGH. GUSTO KO AKO LANG ANG NAKAKAKITA SAYO NGAYONG GABI!

Jini thought: ANO DAAAAAAAAAAAW? Namumula sya ahhh!

♥13♥
POST #2:

Joshua Rian Te:

GUSTO KO AKO LANG ANG NAKAKAKITA SAYO NGAYONG GABI

"UGH. GUSTO KO AKO LANG ANG NAKAKAKITA SAYO NGAYONG GABI" Demn it! Bakit ko ba yun sinabi? ARRRGH. Bahala na! Feeling ko namumula ako. HAHAHAHA. Ang intensyon ko lang naman eh, alam nyo naman na mejo may pagka-tomboy ang hunghang na to. Tsaka, ngayon marami syang kabulastugan na gagawin. Hindi rin nya alam ang reason kung bakit may lintik na party ngayon! Baka magkalat to doon noh! yun nga ba ang dahilan? Syempre naman no! Hindi ko akalain na ganyan ka laki ang magiging pagbabago sa kanya. TSSS... Nakarating na kami. Tumingala sya dahil sa laki ng bahay. "WHOA! Ang laki!" Of course! Bahay yan nina Hayley Anderson! Bago pa sya mag kalat doon. Hinawakan ko yung braso nya. Wala akong pakealam kung nasasaktan sya. "Aray" "Jini. Makinig ka! Wag ka masyadong malikot sa loob.-" Parang hindi naman sya nakikinig eh. "-o sige. Ang partyng eto, para sa kay Hayley Anderson - Anak ng presidente ng school natin, okay? kadadating lang nya galing New York." GODEMN IT! Tinaray-tarayan ako ng mga mata nya. "Tsaka..-" "HAAAY! Marami bang pagkain sa loob?" Kainis! Umalis ako. Nauna akong maglakad. Sya naman, naramdaman kong hindi sya gumagalaw at"Anong ibig sabihin ng 'gusto ko ako lang ang nakakakita sayo ngayong gabi?'" Tinanong nya ba naman yun? ARGH!

"Pag sasabihan ka ng maganda o cute o kahit anong nakakapagpasarap ng iyong damdamin, wag mo masyadong dibdibin!" Tinulak nya ako. Aray. muntik na akong madapa ah! "Ano ba?!" "Ang kapal ng mukha mo talaga noh? Akala mo kung sino ka. TSSS." Ginalit ko ata. Haaay. Ano pa bang ginagawa namin dito sa labas? Eh, excited na akong makita si Hayley. Pumasok na kami sa loob. Sumusunod lang sya sakin. Ayoko namang lumingon sa kanya kasi-ewan. Hay naku. Mejo, nararamdaman kong hindi talaga sya sanay magsoot ng heels eh. Parang gusto nyang kumapit sakin. Inabot ko na lang ang kamay ko sa kanya. Pero, hindi nya pinaunlakan ang pag-abot ko ng kamay. Galit ata. EWAN ko sa kanya! Sana hindi sya papansinin pagdating namin doon sa marami ng tao.

♥13♥
Post #3:
JINI PUNZALAN: Magpakasasa ka!

HAAAAY. Ang lalaking ito. Sana lang kahit minsan, wag syang mayabang masyado. ARGH. Bakit ba kasi ako pa ang ginawang date ng mokong na to? <--Click that "Tsaka, baka isipin mo na may gusto ako sayo kaya kita ginawang date! EH Hindi no! Yun ang sabi ni Mama sakin! " Oo nga naman no? Bakit ko nga naman iisipin yun? HAHAHAHA. Ang mokong na to. NAKAKAINIS. Hampas-hampasin kaya kita ngayon. Nasilaw ako sa mga ilaw at nawindang sa dami ng tao. Sa lagay namin ngayon, mukhang kami na lang ang hinihintay. Pag apak ko... AYYY... MY GAWD red carpet!!! Wag ka! BONGGA! first time ko ba to? LOL. Pasensya na, mahirap eh. Biglang hinawakan ni JR ang kamay ko at nagpapaka gentleman. Nakita ko si Kenjie kasama si Tanya, Christina at Mikee. <--Click that2x

Nginitian ko si Christina syempre at kinawayan si Kenjie. Nakita kong tumingin si Kenjie kay JR. Tumingin ako kay JR na nakatingala. Tumingala na rin ako. Nakita ko yung babae na nakita ko sa school namin, at escort nya siiiiii...KING? Kumaway si King kay JR, kumaway din si JR kay King. At nagngitian ang babaeng kasama ni King at si JR. <--Click that "Kita mo yang MAGANDANG babae na yan? Sya si Hayley." <--Click that Ngumiti sya na parang batang nakita si santa claus. "AH!" Wala akong masabi. "Lets all welcome, Lady Hayley Anderson and Lord King Alvarez" So, mukhang alam ko na ngayon... WHAAAT? Ang ganda ni Miss Hayley! Di ako makapaniwalang nakausap ko na syaaaa... YADAAAAYADAAA... Busy na ang lahat ng mga tao. "Jini. Pupuntahan ko lang si Hayley. "

Anak ng, OKAY SIGE GOOOOO! Pupuntahan ko din kasi si Kenjie mister ungas!!! "O SIGE! Go! Syempre! Magpakasasa ka!" Hindi naman nya ako ininis pero naiinis akoooo! HUHUHU. Kaya, nagpatuloy ako sa paglamon ng kung anu-ano. May parang lasang pandan pero kulay pula akong nakain. May chocolate cake at cake na mukhang ilang taon ng nasa loob ng refrigirator at linagyan ng abo ng daga - oh well, masarap sya. looks can be deceiving. Biglang hinawakan ni JR ang magkabilang pisngi ko ng kaliwa nyang kamay at... "Tandaan mo! Kahit wala ako sa tabi mo, I will always know what you are doing!" Tapos umalis sya na parang half running ang style. Naku! Anong ibig nyang sabihin? Ang halimaw na yun!!! Siguro akala nya may gagawin akong hindi maganda dito sa party ano? Well, he's wrong! Kakain ako dito at aalis, yun lang yun. ASA KA!

"

Tingnan nyo naman kung sinong dinala ni JR Te sa gabing eto!"

Aba. Hindi ko kilala ang babaeng ito. Pero, hindi ko gusto ang sinabi nya. "Some BIAAATCH. HAHAHA May dumagdag pa. " Tigilan nyo nga yan!" "

Lumingon ako kahit may icing pa sa mukha ko na hindi ko naman alam na meron nga! Pero, nalaman ko din dahil paglingon ko inalis nya naman kaagad! Si KENJIE! "Kenj! Asan si Tanya?" Umalis kami sa lugar na yun at pumunta kina Christina. OH WELL, hindi nya ako sinagot kasi, andun din si Tanya kasama nina Christina. Looks like, nagkakamabutihan na sina Christina at Tanya ah! "Jini! Bakit si JR Te ang Date mo?" "A-a-actually, wala akong date, at wala din syang date. DYAN LANG SA LABAS kKAMI NAG k-KITA k-KAYA a-AYUN!" Hindi ako magaling mag sinungaling! "AHHH. Ganun ba?" GAAAA. Hindi man lang ako makatingin sa mga mata ni Christina. Lumingon ako kay Kenjie. SEEEEEEEEEEEESHH. Ano ba? Gusto nyo bang langgamin dyan sa ka switan? Hindi ko talaga ma tantya kung ano ang nasa utak ni Kenjie. Kung gusto nya pa ba ako o hindi na! Sa lagay ko ngayon, parang gusto kong kaladkarin si Tanya. Magiging para akong witch sa kanilang fairytale. "Jini. Ang ganda mo! GRABE." <--Click that Akala nyo si Kenjie yun? Akala ko rin eh. Pero, si Mikee pala. "Oo nga! Ang laki ng pinagbago mo! Siguro dahil first time ka namin nakitang ganito." Si Kenjie yun! WAAAA... Kapag nakatayo ako ngayon, for sure hindi balanse ang paglalakad ko. WAAAA. I still tremble pag sya na. PERO. ----na isip ko si @#----

HEHEHEHE... Bakit ko ba sya iniisip. Tumingala ako para tingnan kung andun pa ba sya sa taas o second floor ng napakalaki at malahiganting bahay na to. O SIGE, MANSION. Nawindang ako nung nakita ko syang straight na nakatingin sakin, may dalang goblet at nakasandal yung mga elbows nya sa parang may balcony doon sa SECOND FLOOR NUNG BAHAY. Demn it. Bakit sya nakatingin. And now, he is half smiling. Kumuha ako ng tinidor at inaksyunang parang sasaksakin ko sya kahit malayo. PERO, ang ginawa nya? FLYING KISS. Nakita ko sa likuran nya si Hayley. At ilang sandali, umalis sya ng nakangiti. MEOW. Ano ang ibig nung sabihin?

♥13♥ Post #4:
Joshua Rian Te: Will you be my girlfriend?
"Joshua! Can we talk? "

Nginitian ko si Jini. Ang sarap nya talagang inisin no? Ako na ngayon ang nang-iinis sa kanya. Sumunod ako kay Hayley. At nakarating kami sa room nya. Napansin ko na antique ang madalas ang andito sa bahay nila. Napansin ko din ang isang librong luma na. Bigla akong yinakap ni Hayley. "Hey! Ang laki mo na ah!" "Yeah! " I'm still looking at the book. "Joshua. Mag-aaral ako sa USM!" "HUH? Hindi ka babalik sa America? "Hindi muna!"

"

"Good! Ipapasok kita sa Camera Club." "I wanna see you play soccer again." " Tsss. Alam mo naman na hindi ko ganun ka hilig ang soccer diba?" "Hmmmm." Nakayakap pa rin si Hayley sakin. Bakit kaya? We've been friends since highschool. And close kami. But she was never this intimate. "I missed you." She whispered.

*Krrrrriiiinnnnnnnnggg*
Cellphone ko yun! At tumatawag si... Jini.

"Hello?" "Hello? UHM. JR, aalis na ako ah! " Malamya ang boses nya! "HINDI! Mamaya na pwede ba? Sige ka! Pag-aalis ka-" She didn't fight back! May nangyari kaya? Baka nagseselos na naman sya dun sa ex nya at kay Tanya? "pag-aalis ka-mamamatay ako! " Asa ka! HAHAHA. " Asan ka?" Binaba ko na agad. Nakita ko kasing masyadong nakikinig si Hayley. "Sino yun?" "Yun ba? HEHEHE " "Girlfriend? " Hindi ako nakapagsalita dahil napansin kong tumutulo ang luha sa kanyang mata! Bakit? Bakit? Yinakap nya ulit ako. "Wala ka pang girlfriend diba?" "HUH? Girlfriend? Marami akong girlfriend nohhh!" Well, she knows I'm a playboy! "Seriously, I want you to take me seriously!" Sabi nya yun sakin. GAAAAH. Ano to? Bigla nya akong hinalikan. This isn't a normal kiss. I can feel her eagerness to kiss me. Syempre, westernized ang kanyang ugali. We can't expect her to be PAKIPOT or HARDTO-GET. Pero, is she serious with this. Habang hinahalikan nya ako. Nakita ko si Jini, nagtatago sa door. At of course, nakikita nya kami. Naramdaman ko ding hindi sya huminga nung nakita nya kami. Parang, nafeel ng mga paa ko na kelangan kong... Naramdaman ni Hayley na may ibang tao, kaya tumigil sya at nakita nya si Jini.

Tumakbo si Jini at sinundan ko sya. EWAN KO DIN KUNG BAKIT KO SYA SINUSUNDAN. Well, she is going nowhere. Hindi sa living room kung nasaan ang party, kundi sa hindi ko alam na parte ng bahay nina Hayley. Alam kong alam nya na sinusundan ko sya, pero bakit... "Jini!" Kinulong ko sya with my arms. Hindi sya tumitingin sakin at namumula ang kanyang mga mata. PARANG DRAGON. Rawr. "Will you be my girlfriend?" Tumingin sya sakin at nanlaki ang mga mata nya! Maganda sya ngayong gabe. Ang ganda ganda nya. I don't know kung kanina ko pa ba to naiisip o ngayon lang. O baka naman, kanina ko pa to naiisip pero ayoko lang aminin. ARGH. Ano ba? Will you be my girlfriend? Sa gilid ng aking mga mata, nakita ko na nasundan din kami ni Heyley at ngayon, tinitingnan nya kami na parang nanonood sya ng sine. Hindi parin nagsasalita ang babaeng-gusto-kong-maging-girlfriend. Kaya, hinawakan ko ang kamay nya, at hinalkikan ko sya. She tried to push me away but I pushed myself closer to her. Naramdaman kung tumulo ang luha nya, kaya tumigil ako. "Wag mo nga akong asarin!" SLAAAAAAAAAAAAP! Aray ang sakit nun ah! Nag walk-out sya. Naramdaman kong humina ang paglalakad nya nung nagKRUS ang landas nila ni Hayley. Si Hayley parang nagtataka pa. "Wow. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng sinasampal-sampal ka lang! " Nanginginig ang mga bibig ni Hayley habang sinasabi yun. Alam kong she is faking it! Si Jini, hindi pa nakalalayo samin. "Jini!" Huminto sya sa paglalakad at nakita kong pinunasan nya ang kanyang mga luha kahit nakatalikod sya samin. "Jini ang pangalan ng girlfriend ko! Don't try to steal me from her because she will be sad! " Ayokong saktan si Hayley. Pero, this is the least thing that I can do. KAIBIGAN ko sya. Matalik na KAIBIGAN. At kapag paiiralin ko ang pagiging playboy ko sa kanya..UGGHHH. Hindi pwede! Dapat friends lang kami. Nagpatuloy na si Jini sa paglalakad. Buti na lang at hindi sya masyadong makulit ngayon.

NAKU. "Jini! Wag kang umuwi mag-isa! Hindi pa kita pinapa-uwi. You are not going home without me!" SIGH. Ano ba tong mga nangyayari sakin? Bakit ba kasi nag confess ng love si Hayley. Yan tuloy nadamay si Jini.

♥13♥ Post #5: Jini Punzalan: OKAY lang ako!
"Jini! Wag kang umuwi mag-isa! Hindi pa kita pinapa-uwi. You are not going home without me!" Lokohin mo ang lelang mo! Nakakainis na nga ang nangyari kanina nung kasama ko si Tanya at Kenjie eh! ARGH. 'Jini. Ang ganda mo ngayon ah! ' 'uh thanks ' ' Pero, I'm not used seeing you like this. Kasi, mas bagay sayo yung parang PLAINlook.' 'Tanya! Sumusobra ka naman ata! PWEDE BAH?- ' 'Jini, wag ka munang magalit sa kanya ngayon! Maraming tao!' Langhya! Anong 'wag munang magalit' ano ibig sabihin ni Kenjie? Ano? May karapatan ba sya!? KAINIS. At ngayon? Habang tumatagal ata lumalaki ang butas ng utak netong si JR eh! Sigurado ako! Maghihigante sya sakin! ASA SYA! Bumalik na ako sa party. Tumambay ako dun sa may mga pagkain. Nakita ko - este - nakita ako ni King na imiinom. Oo. Napainom ako ng champagne! Tatlong ulit. Tatlong shot! At ngayon! Parang nagiging tatlo na din si King! "Ji-Jini? Okay ka lang?" "OKAY lang ako! " Napasandal ako sa upuan. "TABIIII!" Biglang may tumulak kay King. Hindi ko na nakita ang mukha nya... tooooot----tooooot--tot-tot-tot

toooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooot... I'm DEAD.

HEP! kala nyo tapos na noh? hehe I have a BONUS UPDATE! ENJOY KAYO MGA MAHAL KONG READERS! Start here:

♥♥♥

Kenjie Chua: wag ka munang magalit!

Bakit si JR ang kasama ni Jini kanina? Ewan ko kung maniniwala ako sa sinabi nya kay Christina. Nakakaduda. Nakita ko silang magkasama nung isang araw. Hindi na rin masyadong sumasama si Jini saming barkada. Dahil ba yun sa ginawa ko sa kanya sa locker room? Baka naman may iba na syang gusto? NAAA. I know her. Hindi sya ganun ka dali ma fall-out of love. I still love her. "Jini. Ang ganda mo ngayon ah!" Tsssk. Si Tanya talaga, mukhang iinisin nya na naman si Jini ah! ARGH. "uh thanks" Kumislap ang mata ni Jini. Minsan lang kasi syang nasasabihang maganda eh. ...........mukhang. Hindi ko pa sya nasabihan ng maganda sya kahit nung kami pa! Oo nga pala. I should tell her now. "Pero, I'm not used seeing you like this. Kasi, mas bagay sayo yung parang PLAINlook."

Tanya.... GAAAH. Kumunot ang ulo ni Jini. "Tanya! Sumusobra ka naman ata! PWEDE BAH?-" Patay! Nagagalit sya. Naalala ko tuloy yung nangyari sa cafeteria! TSSSK. Hindi to maganda! Baka, magkalat sya dito. Sasama lalo ang image nya! Hindi pwede. Dapat ko syang pagsabihan. "Jini, wag ka munang magalit sa kanya ngayon! Maraming tao!" Galit na galit ata syang tumitingin sakin. She bit her lower lip. Nag walk-out sya. At, dumaan pa sya sa stairway patungong second floor. Bakit? Sinong pupuntahan nya dun? Hindi ko pa sya nasasabihan ng maganda sya. Dapat, masabihan ko sya bago matapos ang gabing eto. Bigla akong hinagkan ni Tanya. "Ken. Sorry kanina, nainis ko ata si Jini eh." "Bakit mo kasi ginawa yun!?" "WHEW. Pero, totoo naman yung sinabi kong maganda sya eh. Dinagdagan ko nga lang. Tsaka, alam ko namang di sya sanay sa ganyan eh. " "Kahit na! Importante sa kanya yun!" "Huh? Ang alin?" Si Tanya, acting like my girlfriend even if she's not. PINAGSESELOS namin si Jini? NO! Close lang talaga kami. NAGING CLOSE lang talaga kami. Hindi ko sya gusto kahit ganun. I just love how she act. "Na maganda sya!" "EH! Yun bah? Bakit? " "Kung ikaw, maraming nagsasabi sayong maganda at binabalewala mo lang. Sya naman, kahit ako, hindi ko pa sya nasasabihan ng maganda. And I should tell her tonight!" Biglang ngumiti si Tanya. May pagka-flip Tanya. Sabi nya, gagawin nya ang lahat para makuha ang gusto nya. "Bakit mo kasi sya iniwan eh! " Yumuko na lang ako. "I like you a lot! " Tumingin ako sa kanya. "I'm starting to like you even more!" I like her too. Pero, I love Jini now and I want to take care of Jini. Nakita ko si Jini, mabilis na bumababa sa stairs. Nawala sya, dahil sa daming tao.

Hinanap ko sya. "Ayun sya! Tell her that she is beautiful tonight! Pero don't apologize for me huh? " Tinuro sya ni Tanya. Sumandal si Jini sa upuan. May kasama pala sya, si King Alvarez. Nawala na naman sya. Ang dami kasing tao eh! KING ALVAREZ? Bakit masyado ng maraming close na lalaki sa kanya ngayon? Tsaka, mga bigatin pa ang pangalan! Hinanap ko sya. Pinuntahan ko kung saan sya nakatayo kanina kasama si King Alvarez. Pero, si King na lang ang nakita kong parang malalim ang iniisip. Hinanap ko sya buong gabi. Buong gabi sa party, pero wala. Hindi ko sya nakita. ♥♥♥

King Alvarez: JOSHUA WILL ALWAYS BE JOSHUA

Naparami ata ang inom ni Jini ng champagne ah! Bakit kaya? Masama ang loob nya? Sa EX nya na naman kaya? Napasandal sya sa upuan. Tinulungan ko syang makatayo. Kaya lang. "TABIIII!" Tinulak ako ni JR! Binigyan nya ako ng tingin na parang galit sa buong mundo. " Naparami ata-" Napalaki ang mata ko ng nakita kong binuhat sya ni JR. "Walang nakakita nito!" Sinabi yun ni JR. Hindi ko alam kung sakin ba nya yun sinabi o sa kay Anton na katabi ko pala o sa isang taga communications na kumakain malapit kay Jini. "Teka. Bakit?-" Tiningnan nya ako. "Puntahan mo si Hayley sa taas. She is not feeling well." Umalis sya.

Hayley? Hayley likes Joshua simula pa noong High School. Hayley is a very nice girl. And, I like Jini. Pero bakit ganito? Bakit parang nararamdaman kong tinatalo ako ni JR sa kay Jini?! Magkaibigan na ba talaga sila ni Jini? Jini is titas scholar right? Siguro din...ginagawa lang ni JR to for tita. Pero, I can't let him do this. I mean, JR is a full-time playboy! Wala syang patawad kung pati si Jini lolokohin nya! ITS TOO EARLY TO THINK ABOUT THIS THINGS. BUT, JOSHUA WILL ALWAYS BE JOSHUA. ♥♥♥

Chapter 14 Ladies and Gentlemen She is My Girlfriend
♥♥♥

♥14♥ Post #1: Joshua Rian Te: GUSTO KITA EH!

Pambihira talaga tong babaeng to! Hindi pala kayang uminom pero uminom parin. TSSK. Andito kami ngayon sa loob ng sasakyan. Kay bigat pala ng payatot na to. Kinailangan ko pang buhatin papalabas kina Hayley. Nakasandal sya sakin. Mahimbing na natutulog. Amoy alak pa. "JR. Mahal mo na ba ako?" "HUH?" Napatingin ako sa kanya. Mahimbing naman ang tulog nya. TSS. Nananaginip ata eh. JR? Mahal mo na ba ako. HAHAHA. Nananaginip ata ang kriminal na to sakin eh.

Tapos biglaaaaaaaaang. Bigla syang sumuka! Sinukahan nya ako. AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH. Dumating na kami sa bahay. Gaaaa. Sinukahan nya ako. TSK. Pinabihisan ko sya sa mga maid namin. Nagbihis na rin ako. Ngayon. Natutulog sya ng mahimbing sa kwarto ko. Nasa loob din ako ng kwarto ngayon, at tinitignan ko sya. Naisip ko yung mga sinabi ni Hayley. I can't accept her love. Really. Hindi ko sya gusto. And I can't play with her. Kahit na playboy ako, hindi ko kayang paglaruan sya. Her feelings for me isn't an excuse. I wont take advantage. Si Jini. I want her to be my girl para hindi na ako magustuhan ni Hayley. I choose her rather than my other girls kasi she doen't belong to my-other-girls. AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH. Okay seriously. AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH. May mga bagay talaga na kay hirap tanggapin noh? CRAAAP. Total CRAP. Demn it! I want her to like me!!! Kasi siguro dahil yun sa EX nya. THAT KENJIE NEEDS TO DIE AS SOON AS POSSIBLE. Hahaha. Laugh ot loud. Napaka weirdo ata ng nangyayari sakin. WELL. I can't deny this fact. SA PRINSIPYO KONG 'WHAT JR WANTS JR GETS'. Pag may gusto ako, gusto ko nakukuha ko. Nakita ko biglang bumangon si Jini na para bang hindi sya natutulog. Hinawakan nya ang kanyang damit at ulo. "ASAN AKO?" Tumingin sya sakin. HUH? As if hindi pa sya nakapunta dito. Tumingin sya sakin na parang napakalaki ng utang ko sa kanya. "IKAW. Bakit? Asan ang damit ko? Bakit ganito! WALANG HIYA KA. PINAGSAMANTALAHAN MO AKO NOOOOH! AHHHHHHH. AHHHH." Nakakabingi na sya ah! "WAG KA NGANG MAINGAY! SINUKAHAN MO YUNG DAMIT MO AT PATI AKO!" Bigla syang huminahon at napaisip. Mukhang iniisip nya ata ang nangyari kagabi. "KAHIT NA! WAAAA. 4am na ah! Si Tiya-" "Tinawagan ko sya. Dinala nya dito ang gamit mo para mamaya sa school." 4am na pala, hindi ko namalayan ang oras ah.

Tumingin ako sa kanya, at parang namumula sya. AHA! Naiisip nya siguro yung mga sinabi ko at yung halik ko! "HOY IKAW MANYAK! Bakit mo ako hinalikan kahapon!?" Ngumiti ako. "Wag ka ngang ngumiti dyan. Atsaka yung amerkanang babae, nakita ko sya sa skul nung isang araw! Sino ba sya? At nakita ko din kayong..." Tumigil sya sa pagsasalita. Nakita nya kaming naghahalikan. Lumapit ako sa kanya. Umupo ako sa bed. "Wag kang lumapit MANYAK!" "Alam mo bang sinuway mo na ang isang rule sa Darkness Contract?" "HUH?" "Tinawag mo akong manyak diba?" Napakamot sya sa ulo. "Ngayon. Dahil doon. Kelangan mong mas pagbutihan mo ang trabaho mo sakin!" She rolled her eyes. "Kelangan kitang maging girlfriend!" Lumaki ang mata nya. Napanganga din sya. HAHA. Nakakatuwa yung expression nya. "ANO? AYOKO NGAAAAAAAA!" Tsk. Rejected me? "Ano? Hindi mo susundin ang utos ko?" "Hindi yan magandang utos! Bakit di mo na lang sabihin na mahal mo ako o ano kaya gusto mo akong maging girlfriend huh?" HAHAHA. I can't believe she said that! "PAMBIHIRA! Kailangan kita para magpanggap na girlfriend ko. Yung amerkanang sinasabi mo kanina ay si Hayley, matalik ko syang kaibigan-" "KAIBIGAN? TSSSS. May magkaibigan bang naghahalikan?" She looked away. Ngumiti ako na parang 'ngiti ng demonyo'. "Oo nga! May mag kaibigan bang naghahalikan?" HEHE. What I mean is yung halikan naming dalawa. At ngayon....she is blushing. Hindi man lang makatingin sa mga mata ko. "...matalik na kaibigan ko si Hayley, sinabi nya sakin kagabi na mahal nya ako. Pero, hindi ko sya gusto." "Bakit di-di...di mo na lang sabihin sa kanya na hindi mo sya gusto?" Hindi sya makapagsalita ng maayos. Kinakabahan kaya to? "Kahit na sabihin ko yun, hindi parin sya titigil. Sa USM sya mag-aaral ngayon, kaya malamang hindi ko sya maiiwasan...UNLESS..." "UNLESS kung girlfriend mo ako?" Napakamot ulit sya sa kanyang ulo. "Bakit ako? Bakit hindi sila!?" Linapitan ko ang mukha nya. Mga 3inches kalapit. Umiiwas syang tumingin sa mga mata ko. "GUSTO KITA EH!" Its up to her if she believes that or not.

"And besides, mahal mo pa si KENJIE diba?" Hindi sya sumagot. "Mahal mo pa rin sya? Sige. Kung mahal mo pa sya papatayin ko sya!" She pushed me away. Pero, hindi parin sya nagsalita. Nakasimangot syang tumingin sakin. "...Ayaw mo ba akong maging boyfriend? Sa gwapo kong to!?" "Kailangan na kitang bayaran sa lalong madaling panahon!" "Oo nga pala, ang utang mo. HAHAHA." Mas lalo syang nagalit. Pulang pula na ang kanyang mata. Iiyak na ata sya. "But anyway, kahit na wala kang utang sakin, hindi mo parin ako matatakasan. YOU STILL WILL NEVER GET RID OF ME. Kahit anong gawin mo, I will always be here. Gagawin kong miserable ang buhay mo. HAHAHA." Mas lalong kumunot ang noo nya! Pinukpok nya yung ulo nya. EWAN KO KUNG BAKIT NYA YUN GINAWA. I don't want any arguement muna. HAAAY. Makakuha nga ng kape. Aalis na sana ako sa kwarto nung tumayo sya. AT MUKHANG NAHILO NA NAMAN. Sinalo ko ulit sya. "Ang sakit ng ulo ko. bakit ganito?" Hinawakan nya ang kanyang ulo. "Mag ingat ka nga! May hang-over ka pa! Ikaw kasi! May painum-inom kapang nalalaman!" Pinahiga ko ulit sya. Hinila nya ang damit ko. "WALANG nangyari saten diba? DIBA? DIBA?" "WALA! Anong akala mo sakin, pervert? Masyado kang OA." Huminahon sya. "I never thought that you would think about those things. TAYONG DALAWA? HAHAHA. Hindi naman ganun ka ganda ang katawan mo noh!" Binatukan nya ako ng unan. "Pumapayag na ako." HUH? OKAY. "HAHAHAHA. Pumapayag? Wala ka namang magagawa eh. I'm not giving you any choice. Kahit di ka pumayag, wala kang magagawa." Napangiti ako at tumayo. "You better sleep and get ready for tomorrow." Aalis na ako. Kukuha ako ng kape. AALIS NA SANA AKO NUNG... Hinawakan nya ang kamay ko na parang pinipigilan akong umalis. MUKHANG--"San ka matutulog?" "HUH? I'm not sleeping." Bigla syang umiyak. TAMA ANG HINALA KO. She is still drunk. HAHAHA. Kaya pala.

"I give up with Kenjie!" Sabi nya yun na parang nagwawala at mukhang wala na syang lakas. "Ayoko na sa kanya! Hindi nya na talaga ako mahal. Si Tanya na ang bago nya!" Umiyak pa sya ng umiyak. I have never comforted anyone like her before. Hindi ko alam ang gagawin, kaya umupo na lang ako sa bed katabi sya. Ilang sandali ang nakalipas. Nakatulog na sya sa shoulders ko. Hindi ko sya nakausap ng matino. Wala ata sya sa kanyang pag-iisip. Kaya pala pumayag sya. HAHAHA. Delikado syang malasing.

♥14♥ Post #2: Jini Punzalan: Ken. Alis na ako ah!
Tulala ako dito sa cafeteria. Iniisip ko ang nangyari kagabi. SH*T. 'Ayoko na sa kanya! Hindi nya na talaga ako mahal. Si Tanya na ang bago nya!' Bakit ko ba yun sinabi kay JR? Com'on. JINI! HUHUHU. Tama nga yun, kaya lang, bakit ko sinabi sa maling tao. BAKA PAGTAWANAN NYA AKO. HUHU. HAY. Napainom ako ng C2. [sponsor ang C2 sa update na to? miss author? ] NYE. HUHU. Panu na to? Tsaka. Oo nga pala, boyfriend- -----------we slept on the same room kagabi. Nung gumising kami, tanghali na, kaya hindi na kami na nakapag-usap masyado. AHHHH. Tsaka. Nag absent kaming dalawa sa Arts and Literature Class dahil nga tanghali na kami gumising. Ngayon, may klase sya. At ako naman, mamaya pa. AHHHH. I can't believe this things are happening. Ubos na ang C2 ko. Biglang... "Jini." Tumingin ako sa lalaking nakatayo. Bigla kong nahulog ang C2. "AY! OI! Ken! ANO-UH?" "Pwede makishare!?" Ng table bah? OW. "Sure!" Ehem. Kamusta naman yun? "Siiiii...Tanya?"

"Uh. Andun ata sa Camera Club Office. Bakit?" "Wala lang. " Nakakabinging katahimikan. HAAAI. "Uh. Hindi ka pumasok sa Arts ah! Bakit?" PATAY. "Uhm. Inaantok pa kasi ako kanina eh. " "Ganun bah? Pati din si JR eh." "Ganun bah? HINDI SYA PUMASOK? Ow. Bakit kaya?" Hello. Hindi ako mahahalata pag ganito. Hindi nya lang alam na....'will you be my girlfriend?' Pinukpok ko ang ulo ko. "May problema ba?" "W-wala. " Si JR na lang lagi ang laman ng utak ko. AHHHH. "UHM. Kamusta na?" "HUH? heheh. Bakit? Okay lang as usual. HAPPY. Talagang capslock ang HAPPY.

"

"UH. So, I'm glad that you're happy with your life! " Nginitian nya ako. Hindi sya makatingin sakin. "Sorry nga pala dun sa issue nating dalawa ah!" SYET. Naalala ko na naman yung nakakadiring ginawa ko. AHHH. Ba't ko ba kasi ginawa yun kay Kenjie. Hindi ko alam kung bakit ganun ko sya ka gusto----teka----mahal ko naman sya ah----pero hindi ko na alam kung bakit ko pa yun ginawa kung pwede namang-... "Uh. Okay lang. Tapos na din yun eh." Nanahimik na naman kaming dalawa.

Tapos, may lumapit na lalaki. At pamilyar sya. AHAAAAAAA! Hindi sya pamilyar. hehe. I mean, sya si Anton! Yung kaibigan ni JR. May dalang isang rose. Binigay nya sakin. Napangiti ako habang... "Ano to?" "Rose! Sige na! May pasok pa ako." "HUH? Kanino galing?" Malayo na si Anton nung itinuro nya ang rose. AY TANGE. May sulat pala to. Si Kenjie naman, napatingin sa rose. Ang nakasulat? EHE-EHEM. 'Jini, magkita tayo mamaya. Syempre! Magkikita tayo kasi next class mo eh classmates tayo. OKAY? LOVE, JR..' EWWWWWWWW. HAHA. Feel na feel nya talaga huh? EWWW.

Napangiti ako. "Ga-go" Mukhang nacurious na talaga si Kenjie ah! Pagtingin ko sa letter---ay may karugtong pa pala. 'ASA KA! NYAHAHA. Act like my girlfriend huh? we can't fool anyone if you don't!

'

URGH may drawing pang mukha nya na nakabelat. SH*T. "UHHH. Sino ang....nagbigay?" "HUH? UHHH.." "Admirer?" "Hindi. HEHEHE..." "AH. hehe. Are you dating anyone right now? " Date? Ano yun? LOL. "HUH? HEHEHE. " Hindi ako makapagsalita. Hindi ko kasi alam kung sasabihin ko---I mean, KUNG ANO ANG SASABIHIN KO. Tumingin ako sa relo ko. I'm 3 minutes late na pala sa class ko. PATAY. Nagtataka na siguro si JR dahil wala pa ako. Makaalis na.

"UHM. Ken. Alis na ako ah! SIGE. "O-Okay sure! " Nagmadali akong umalis.

"

KAYA KEN. Aalis na ako sa buhay mo. I've decided. And there is no turning back. thanks for the memories. Nag desisyon ako para sa sarili ko. I don't want to hold on anymore. Mas na appreciate ko na ang pagiging single ngayon eh.

♥14♥ Post #3: Jini Punzalan: This is just a play

Nagmadali na akong pumunta dun sa class namin. AND YES. I'm late! Pag dating ko sa door ng class namin, nakita kong parang napailing si JR. Ako naman, I'm still catching my breath.

"Miss Punzalan! You know that I hate late comers in my class right?" Nasigawan ako ng accounting teacher ko. ARGH. Umupo na ako sa unahan ni JR. Napansin kong may nakatingin sakin maliban kay JR, si Hayley! She's in our class? OHW Com'on! She smiled at me, I smiled at her. Of course, with pleasing personality ata ako! Pagkatapos ng walang kabuluhang ACHUCHU-CHU ng teacher namin na mukhang si BARNEY. Linigpit ko na ang sandamukal kong columnar paper at iba pang lapis. Narinig kong..."UHM, Josh-..." Bigla akong tinulungan ni JR. Nagtaka ako syempre. "Hayley. I'll let Tanya orient you about the Camera Club okay? Mauna ka na, may pag-uusapan lang kami!" "Okay then. I'll go first!" Bago sya umalis hawak-hawak ang sling bag nya, tumingin muna sya samin. Pagka-alis nya... "Ba't ka late?" "HUH? Napasarap ang kwentuhan namin ni Ken-" "HAAY. Nung ex mo? Alam ba nya na tayo na?" "HUH? This is just a play, kailangan pa ba nilang malaman!" "WOW! Ang talino mo naman! Kaya nga tayo nagpapanggap para malaman ng lahat!" Napakamot ako sa ulo ko. "Bilis na!" "Huh?" "Natanggap mo ba ang rose na binigay ko? " "Huh? UH. Oo! " Teka? Kelangan ko bang magpasalamat or what? Nanahimik kami ng biglang... "Jini!" Si King! "Hello King!" Nginitian ko sya. Tumingin sya kay JR. "UY! Bro!" Ngumiti din si JR sa kanya. "Uh Jini. May piano recital ako ngayon! Gusto mong pumunta?" Ngumiti ako! Syempre! I wanna see him play the piano! WAAAA'H. Ang cute nya siguro. Pero, bago ako nakapag salita, tumingin muna ako kay JR. Si JR naman, alam kong narinig nya yung sinabi ni King pero nag papa as-if na hindi!

Naramdaman ata ni King na kailangan ko pa ng permission ni JR bago ako makapunta eh. "Sasama ako." YES! Kaya, sumama kami ni JR sa recital ni King!

♥♥♥

Hayley Anderson: Jini? Joshua's girlfriend?
JR didn't appreciate me. It takes a lot of courage for a girl to confess her love. HUHU. I like him so much. WELL, hmmm, I'm not losing hope. Mas matagal na kaming magkaibigan ni JR kesa sa girlfriend nya. I'm here at the office!!! "HELLO! I'm Hayley Anderson!" She looked at me from head to foot. Who is this girl? HMMM. I'm always wearing a BIIIG smile. Pero, why is she like that? Mukha syang arrogant! "I'm Tanya Garcia! " "UH! Your the model right!?" She is Tanya! OMG! I held her hand because I like her so much! Pero, she walked away! When I looked around, there are lots of pictures. Camera Club nga diba? May picture ni JR. He changed a lot! He's HOTTER now. At ngayon, while looking at these pictures. I saw Tanya again. "UH. Sorry! So, where are we?" Sabi nya. Then, may dumating, nakasimangot. "HEY! Anong masamang hangin na naman ang dumaan sa mukha mo?" "JINI!" "Jini na naman?" "Oo! Why is she like that? HUH?" Nag lalakad pabalik doon-dito ang lalaki. "UH! Excuse me! I'm Hayley Anderson!" I smiled!

Pero, walang pumansin sakin. GAHD. Palibhasa, this club has the best students of this school kaya naman they don't really care if the President's daughter is here. "Bakit nya ako ginaganito? Alam kong alam nya ang ibig sabihin ko kanina!!" "NAKU! Kenj! HAHA. Don't expect her to do that locker-room-thingy again!" "ARGH. Nakakainis eh!" "Why don't you find someone else na lang? She is not worth it!" "SHE LOVES ME Tanya! And I love her too! I think pinaparusahan nya lang ako o tinitest!" "Well, Jini-Jini-Jini. Naku naman, what did you do to Kenjie? HAHA." Tumingin sakin si Tanya! "JINI? You mean?" Tumingin sakin ang dalawa! AT LAST! PINANSIN AKO! YEY! Dumating ang ibang members ng Camera Club, sooner, the office is crowded with models and photographers na. "Jini? Joshua's girlfriend?" Hindi ko alam kung ano ang nasabi ko, why did they're jaw dropped.

♥14♥ Post#4: King Alvarez: I don't want to believe you!
Tapos na akong mag recital! I can see Jini and JR from here. Nakangiti. Nagpalakpakan ang mga tao. Pagkatapos nun, pinuntahan ko sila! "Nice job King!" Sabi ni JR sakin while tapping my shoulders. Ngumiti ako! "WOW King! Ang galing-galiiiing-galiiing mo!" Parang bata si Jini na ngayon lang nakakita ng ferris wheel sa kanyang asal ngayon. ANG CUTE NYA. I'm staring at her while she is telling me how amazing my performance was. SUDDENLY, JR grabbed her hand. Tapos inakbayan pa sya! Napailing ako. Jini was shocked too.

"J-" "BRO! Alis na kami ni Jini-my BABY ah!" HUH? How-come? Napilitang ngumiti si Jini. "Bakit JR? Saan tayo?" "Kain muna tayo! Gutom ako eh!" "HUH? Kakakain ko lang eh!" Inakbayan ni JR si Jini. "Sinabi ko bang ikaw ang kakain?" Ngumiti sakin si JR. "UH! HEHE. Okay...beeeiibbbbii." WHAAAT? BABY!? BABY?! "Uh King! Diba sabi mo gusto mong sumali sa Camera Club?" "UH! Oo!" Nakatingin parin ako kay Jini na parang naiilang. "Pumunta ka na sa office! Andun din si Hayley! She is joining too!" Linapit ni JR ang ulo nya sa ulo ni Jini. GAAA. What exactly is happening here!? Tumango ako. Pero, sa puntong to, hindi ko na alam kung kamusta na ang expression sa mukha ko. "UH! Sya nga pala King! Kami na ni Jini!" Ang exactong mga salita na ayokong marinig! "UH! O-talaga?" Pinilit kong ngumiti. Pero, hindi ako makangiti. "HEHE. Sige King! Kitakitz na lang sa Office ah!" Hindi parin ako makapaniwala. They walked away. Pinipilit ni Jining lumingon sakin pero hinihila ni JR ang kanyang ulo. OH. Thats not right! JR is a playboy! Hindi pwedeng ganito. Jini doesn't deserve him. I can't believe this. Naglakad ako patungong CC Office. Tanya welcomed me, I'm still not in the mood. I can't believe this. Panu nangyari? Its so fast naman ata? Are they sure with their feelings. I mean, is Jini SURE with her feelings? "Hey King! Have you seen JR!?" Si Hayley. "Huh? Kasama nya si--" "Jini? His girlfriend?" Nakita kong lumingon si Kenjie at Tanya. "HEY! Miss Anderson, baka naman nagkakamali ka lang!" "No! I'm not! JR dumped me because of her!" Yumuko si Hayley!

SO. Totoo ba talaga? Totoo nga kaya? TOTOO! "I don't believe you!" Umangal si Kenjie! "I don't want to believe you!" Yun lang ang nasabi ko. "HEY! Don't be too sad for me King! I'm not giving up! Sabi ni Hayley. Hindi nya alam ang pinagsasabi nya. ♥♥♥

"

Joshua Rian Te: HANDS OFF MY GIRL!
"BUSOOOOOOG NA BUSOOOOG NA AKO! Haaaai!" Hinawakan ko na ulit ang kamay nya. HEHE. Ang liit ng kamay nya, parang bata. ANG SARAP HAWAKAN. "Nakita mo ang mukha ni King kanina?" YEAH! I think he is jealous! Sabi ko na nga ba! May gusto yun kay Jini eh! "HUH? Bakit? Ano nasa mukha nya?" Naku naman, masyadong mahina ang pick-up nitong isang to. Scholar pa naman! "EWAN!" Kakainis kasi. HINA-HINA. "Saan tayo ngayon?" "DATE!" Ang bilis kong sumagot no?! "HUH?" "HAHAHAH. asa ka! Di no! Punta tayo sa CC office! Ipapasok kita!" "HUH? Hindi ako model, hindi ako photographer!" "Edi, sasabihin ko na assistant kita! Okay BABY?" HAHA. ASA SYA! Sumimangot sya. Hanggang sa nakarating kami sa Camera Club Office. Sa entrance pa lang, naririnig ko na si Tanya..."That is so impossible." AT... Sumiwalat sa mga mukha nila ang JR at Jini na magkahawak kamay. Tumingin ako kay King, he smiled at me then looked away. WELL, What's that about? May gusto nga kaya to si King sa JINI KO? HEHE. Impossible- nyahaha. Tumingin ako kay Kenjie, he is staring at our hands. Naramdaman kong parang gustong bumitiw ni Jini, nakayuko pa.

HAIII. Pag-ibig nga naman, hindi basta-bastang natatanggal sa utak ng mga tao. KAYA AYAW KO NG GANYAN EH! Nakita ko si Hayley sa gilid. "Hey JR! Hello Jini! Na orient na ako ni Tanya sa Camera Club, si King din pala sasali. How bout you Jini?" Ngumiti si Hayley kay Jini. I can't understand her. HEHE. Nakakaya nya pang ngumiti. Baka linoloko lang ako nito. Si Jini, hindi makatingin kay Hayley. "Are you joining? May camera ka bah? Or you wanna be a model? " Dinagdagan nya pa. Jini stepped back. "Hayley! Hindi ko sya isasali, UHM, I just want to get something here. Tapos, magpapahintay ako sa kanya. WELL, it's not right kapag ipapahintay ko lang sya sa labas, kaya I brought here inside the office." Tumingin si Kenjie sakin. GALIT! GALIT nga! Grabeh yung mga mata. Gusto ata akong lamunin! Kaya, tinitigan ko din sya. ANONG akala nya. This is about the MALE SPECIES COMPETITION OF EGO! Haha. Panu ba yan pre? Do you still love your girl-ex girl? HUH? Pasensya ka na! She's mine! Lumakad ako, and I know I'm putting all the pressure on Jini. "UHUH? Uhm, Joshua! Is it okay if I come over your house sometimes?" "HUH? SURE." Tumingin si Jini sakin. HEHEHE. Iinisin ko to. And so...I whispered, "Ano? You're jealous?" Kumunot ang noo nya. HAHAHA. "Hayley! Kelan mo gustong pumunta?" "Tomorrow? Tomorrow is Saturday right? So there is no class! We can hang-out din at night sa mga bars, I invited some of our batchmates and some of your friends!" WOW. Grabeh! Prepared sya! "OH! Jini is coming tomorrow, okay lang?" Napanganga si Jini sa gulat. HEHE. wag na sanang umangal. "Oh! Then thats great! Maipapakilala natin sya sa ibang friends natin right?" "Yeah!" Umalis yung iba, maybe dahil may klase sila, and now, its just Kenjie, Tanya, Jini, King, Hayley and me left. Dumaan ako sa harapan ni Kenjie para maslalo syang galitan, hinigpitan ko pa ang hawak sa kamay ni Jini. I passed him. Nung si Jini na ang dadaan... BIGLANG... Bigla nyang hinawakan ang kamay ni Jini. I can feel that Jini wants to cry. TSSS. Kaya, were stucked.

"Jini! Anong nangyayari?" Jini can't even look at him straight! ARGH!

Kaya, hinawakan ko ang kamay ni Kenjie at inalis ko sa kamay ni Jini. "HANDS OFF MY GIRL!" Pulang-pula ang mga mata ni Kenjie sa galit dahil sa ginawa ko, tapos, nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa table ko. Jini is very quiet. ♥♥♥

Chapter 15 Ofcourse! Its Just a Play
♥♥♥

Jini Punzalan: Hayley! I'm sorry!
'Hands off my girl.' ARGH. Grabeh! Pagkatapos nun, si Kenjie at Tanya. WHEW. Grabe talaga yung nangyari kahapon... "Jini?" YAY. Hindi na pala ako nakikinig! "May problema bah?" Ngumingiti si King sakin. "HUH? Ah wala. May naisip lang ako." "HMMM. Yun bang kahapon?" "Hindi!" Tiningnan ako ni JR na parang may bahid na pagdududa. "So...where are we na nga?" Ay. May pinag-uusapan pala sina JR, King at Hayley. Andito kami sa bahay nina JR. HMMM. Pinayagan agad ako ni Tiya Isabel Ewan ko bakit ang lakas ni JR sa Tiya ko. HMF. Hindi ko naman alam ang mga pinag-uusapan nila eh. "Oh yeah! I wanna see you play soccer! PLEASE?" Pinilit ni Hayley si JR. Hindi ko talaga alam kung anong nasa soccer. ETCETERA. "Hayley. Last sem, marami kaming soccer games, pero ngayon wala na masyado. Tsaka, alam mo naman na hindi ko talaga gusto ang soccer diba?" "But I want soccer. And I wanna see you play!" Ang ganda ni Hayley, sinong makakatanggi. HMMMF. "Pag may game. I don't play pag walang game." Ang tigas ni JR. HUH. Pinaglalaruan lang ata nila ang mga pagkain sa harapan nila dahil napapasarap ang pag-uusap nila eh. Samantalang, ako dito, grabe ang kain. BWAHAHAHA. "How about you, King. May girlfriend ka na ba?" Ngumiti si King. "Wala." HAAAY. Wala syang girlfriend. Ang cutecute nya pa naman! Panu nagkakaganyan? HUH... "OW. You still don't have a girlfriend? Ang daming may gusto sayo ah!" Ngumiti lang ulit si King. HMMM. Ang dami atang alam ni Hayley kay JR at King ah. OH MYYYY. I'm so out-of-place really. "So, Jini might be a very interesting girl!" HUH? "Kasi, you've manage to caught JR's eyes!" HUH? Kung alam nya lang! Napailing ako. "Hey, Jini, Do you know that your the first girlfriend of JR na nakapunta na dito sa

bahay nya?" "HUH? AHHH-" "Hayley! Tama na yan! Ano ka ba! Baka ma overwhelm yan, hindi yan makatulog mamayang gabi!" SHADAAAAP! Overwhelm ka jan! As if naman may gusto talaga ako sayo. Sh1t! "OH! Hehe. Totoo naman ah! Among ALLL of your GIRLSSSS---" Hindi nagpatuloy si Hayley sa pagsasalita! "---Ay sorry!" Tumingin ako sa kanya. Bakit ayaw nyang ipagpatuloy ang pagsasalita? HUH? "---sorry Joshua! I think I'm wrong!" She laughed. HUH? WHATS WRONG!? "No. Hindi naman yan lihim eh. It's okay! She knows that I'm a playboy." Sabi ni JR. "OOHHWW." Lumaki ang mata nya. JR rolled his eyes. Then he looked at me. "...OHW... Okay!" Sinabi nya ulit. "So Jini, tell me more about yourself!" HUH? ano to? ? Or what? "Huh! Nothing much!" EZEEEE. HAHA. Para akong kinuryente. HAHA. Dumating yung maid na may dalang tray na may juice at kung anu-ano pang mga bagay. Tinulungan ko, kasi feel ko lang. "Ako na-" "Tulungan na kita, manang..." Nakita kong ngumiti si King. HEHE Napangiti na rin ako. Pag nakikita ko syang ngumingiti, napapangiti din kasi ako eh. HMM. Ang cutecute nya kasi talaga! Tumingin ako kay JR----NGEEE. Sana hindi na lang ako tumingin sa kanya. Kasi, kung may Ngiting Demonyo... Tinging Demonyo naman ang ipinapakita nya sakin ngayon. Kinilabutan ako kaya muntik ko ng nabitawan ang lalagyan ng juice. NANDOON NA PALA AKO KAY HAYLEY SA MGA SANDALING IYON! Buti na lang at muntik lang! PHEW, pero---na hulog ko naman ang baso ni Hayley. She tried to catch it. WHAAAT? Pero, hindi nya na-catch. INSTEAD, nabasag ang baso and now, her LEFT hand is bleeding! KASALANAN ko!

Tumayo si JR! Hiniwakan ang kamay ni Hayley. Ang bilis ng mga pangyayari. Andito lang ako sa gilid. Nakatunganga. I can't believe that I did that! "SO-SORRY!" Kumaripas sa takbo ang mga maid na may dalang first-aid etcetera! Tapos, si JR naman, nagpapanic! Natatakot ako. LAGOOOT! LAGOOOT NA AKO. Anong gagawin ko? "Hayley! I'm sorry!" Tiningnan ako ni Hayley habang iniinda pa ang sakit sa sugat nya. Si JR naman, ayun, sya yung gumagamot sa sugat ni Hayley.

AND THENNN. When Hayley looked at the wound! SHE FAINTED.

OH LORD! What did I do?
Ngayon, kinarga ni JR si Hayley. HUHU. Katulad sa mga movies!? Yung kapag hihimatayin ang babaeng bida, kakargahin ng lalaki? INGGIT? Ako INGGIT? Hindi ah! Wala akong nagawa kundi tingnan si King na dinadala ang mga first-aid at si JR na karga si Hayley. Pinaglalaruan ko na lang ang kamay ko. Sumunod na rin ako sa kanila dun sa kwarto ni JR. HMMMF. Pinahiga ni JR si Hayley. "UHM. Sorry." Lumapit ako kay Hayley, kahit na tulog/comatose-este-hinimatay pa sya. Kinuha ko yung medicine at ako na mismo ang naglagay sa sugat nya. "Jini-ako na!" Sabi ni JR sakin na halatang wala na sa mood. Galit ata sya sakin! Hindi sya makatingin sa mata ko. HUHU "H-Hindi! Ako na! Ako naman ang may kasalanan!" HUHU. Gusto kong umiyak! Hindi pa ako nakakagawa ng mga ganitong bagay---I mean, yung makakapagpaHIMATAY sa iba! HMM. Hindi naman nahimatay si JR nung dumugo yung noo nya ah! GRRR. Hindi parin nagsalita o tumingin man lang si JR sakin. "It's okay Jini! Hinimatay si Hayley dahil, probably, she doesn't like seeing blood!" Ngumiti si King! WAAAAH Mabuti na lang andyan ka King! Nagising si Hayley. "UHH! What happened?" OH my, Amnesia? "Bakit ako nandito sa kwarto ni JR?" Thank God! Hindi! "UH. Jini?" Tumingin si Hayley sakin habang hawak ko ang kamay nya. Tapos, tumingin sya kay King---then kay JR...---Sakin ulit. "JR? Pwedeng ikaw ang gumamot sa sugat ko?" WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHT THE HEEEEEEEELLL. Okay fine. Hindi naman masyadong masama ang loob ko no? I stepped back. Tapos, now, si JR na ang gumagamot. "I missed this!" HUHU. I'm so useless. USELESS talaga. napaupo ako sa tabi. Si King naman, nasa unahan ko, nakatingin sa kanilang dalawa. Tumingin si Hayley samin ni King... "I was wondering if King and Jini could-" "-Leave?" HUH? OKAY? Fine...

♥15♥ Post #2: Joshua Rian Te: Do I really need to have a reason?
"-Leave?" Grabe. Alam agad ni King kung anong gusto ni Hayley. Bakit nya naman kaya pinaalis sina Jini? Tsaka, saan kaya pupunta sina Jini? TSSS. Bago sila umalis, tumingin muna si Jini sakin, malungkot ang kanyang mukha. YEAH RIGHT, she might be blaming herself. Napaka tanga naman kasi nya eh. Ngayon, kami na lang ni Hayley ang nasa kwarto ko. Tiningnan ko si Hayley na nakatingin naman sakin. Namumutla pa sya. "Joshua! Do you really love Jini?" Napalaki ang mata ko sa tanong nya. HUH? Do I need to answer that? "Oo." "Talaga? " She is doubting? Bakit? Tumingin naman ako sa mga mata nya ah! Napahinga ako ng malalim. "--sorry, I'm just not used to this. Hindi ako sanay sa Joshua na stick-to-one." Tumayo ako. Dumungaw ako sa bintana, at nakita ko si Jini at King na nakaupo sa isang bench sa garden namin. Nakatalikod sila sakin kaya hindi ako nangangamba na makikita nila ako or what. It seems like King is listening very well to Jini. "I LOVE HER." Bigla ko yung sinabi. Tumingin ako kay Hayley, namumutla parin sya. "She doesn't suit you!" SIGHHHHH. I'm holding back some few thoughts on my mind! "I mean, I think you two are not compatible." "Do not judge her!" Yun lang muna ang masasabi ko. Bumangon sya. "Yeah! Maybe, because I don't know her yet!.....Please tell me what made you fall for her. Ano ba ang nagustuhan mo sa kanya? Bakit mo sya nagustuhan?" "Do I really need to have a reason?" She looked away. Napayuko sya at pumikit ang kanyang mga mata! "We can be friends, Hayley!" Hindi sa hindi ko sya gusto, but she is the closest girl to me except my mother. And I don't LOVE her. Okay, so baka iniisip nyo na I'm SERIOUSLY talking about LOVE here... I care for her, and I can't fool her or play with her feelings! "Yeah right! Since High school, gusto na kita. Pero it mukhang little sister lang ang

turing mo sakin! I don't want that! I want you to see me as a girl!" "I'm seeing you as a girl!" Lets not talk about Jini muna okay? So, paglingon ko sa bintana ulit...NAKITA ko si Jini at King na tumatawa. Looks like their having fun HUH? TSSS. Tumatayo-tayo pa si Jini at parang sumasayaw o kumakanta? Sumasakit na ata ang tiyan ni King sa kakatawa! URGH. "...tanga!" I whispered unconsciously. "HUH?" "Huh? Wala!" Nagtaka si Hayley at tumayo sya. Nakatingin parin ako sa kina Jini at King. At ngayon, I saw KING hugging JINI! GAAA. I feel like... NOOOO! I have a very feeling ngayon! I can't be ! That's impossible. Pero...kung... Hayley hugged me from the back. "Please choose between me and Jini?" Nabigla ako nun ah! "Hayley-" "SHHH! I'm giving you time! Please?! Don't answer me now!!!" Napahinga na naman ako ng malalim. IT SEEMS LIKE EVERYTHING IS GETTING SERIOUS NOW. Mukhang wala na akong kawala. She hugged me tightly. I can't hug her back! Bakit ba kasi kailangan pa nyang magkagusto sakin. King stopped hugging Jini. Lumingon si Jini samin. WHAAAT? Mukhang, she is wondering kung ano na ang nangyayari samin ni Hayley sa kwarto. Syempre, paglingon nya...nakita nya ako, nakita nya si Hayley na yinayakap ako. She looked away. Tapos umalis...sinundan sya ni King. Kinalas ko ang kamay ni Hayley.

♥♥♥

Jini Punzalan: Sasama na ako.
"-Leave?"

HUH? OKAY? Fine... Kaya, nagpatuloy ako sa paglalakad papalabas sa kwarto ni JR. Hanggang sa napunta na kami ni King sa garden. Grabeh, ang ganda ng garden. May bench pa. Napaupo ako. HAAAI. Oo nga naman, wala akong karapatan... Sa lalim ng pinagsamahan ni JR at Hayley eh parang---para lang akong langaw na sumasawsaw. HMMMP. HUHUHU. May kasalanan pa ako kay Hayley ngayon. HUHU. Galit ata silang dalawa sakin. HUHUHU. Bigla akong nawindang sa mga nakita ko---nakita ko ang isang bouquet ng bulaklak malapit sa mukha ko. SI KING PALA. HMMM. Ang gaganda ng bulaklak ah! "HUH?" "Tanggapin mo!" Kinuha nya siguro yun dito. Hindi ko na kasi sya napansin dahil sa pag-iisip ko sa nangyari. Tinanggap ko yung mga bulaklak. Umupo sya sa tabi ko. "Nakasimangot ka parin?" SIGH. "Okay lang yan! Hindi galit si Hayley sayo!" "King! Salamat huh? Salamat talaga! Thanks for cheering me up. Ang dami mo na talagang naitulong sakin! At ang bait-bait mo talaga!" Namumula na ako. At parang bubuhos na ang sandamakmak kong luha. Mukhang pulang-pila na rin ata ang ilong ko. HUHU. WAIIIIIT Hindi pwedeng umiyak! "Salamat din sa..." Ngumiti ako. "...sa pagpapatigil sa communications department!" Napailing si King. "...sa lahat. Nakakainis! Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko eh! Nasugatan ko yung kamay ng anak ng presidente! Baka ma expell ako nito." Ngumiti ulit ako. Tumayo ako. HUHU. todo na to. Grabe na! Parang bubuhos na ang aking luha! Dapat may gawin ako kasi nahahawa na si King sa lungkot ko! "WOWOWOOOO. I know YOU HATE IT!..." Sumayaw sayaw ako ng konti at pinikit ko ang mata ko. "WHEN I SAY THIS THINGS RIGHT IN YOUR FACE.... YEAH!" Sumilip ako kay King. Ngumiti sya. "Com'on sing with me! But I can't lie! You know me better....ONE LOOK...and I'm mesmerized by your eyes..." Tumawa pa si King. HAHA. Bahala na kung gawin nya akong kenkoy dito. BASTA. Ayokong nakikita nyang umiiyak ako. PHEW. "Jini---" Siaway nya ako. At hinawakan nya ang kamay ko at pinaupo ako. Sumimangot ang mukha ko at nabigla. Then, he hugged me. "Alam kong masama ang loob mo. Alam ko din na nagseselos ka kay Hayley at JR! Alam ko na natatakot ka na baka mawala sayo ang boyfriend mo! "

Kinilabutan ako. "...wag kang mag-alala. I'll always be here!" Tumagal pa ng another 5seconds bago kinalas ni King ang pagkakayakap sakin. "YUN BAH? HEHEHE. No, wala yun! Hindi naman yun bigdeal para sakin eh! Okay lang yun! HEHEHE." I'm faking it. Ngumiti si King sakin. WHHHHAAAT? I'm it? Ano na ba ang nangyayari sakin? OH NO... Bakit parang? 'Alam ko din na nagseselos ka kay Hayley at JR! Alam ko na natatakot ka na baka mawala sayo ang boyfriend mo!'. Bakit parang gusto kong Um-OO sa mga salita ni KING? HAAAA? hindi pwede to... Kumusta na kaya sina JR? Napalingon ako sa bintana ng kwarto nya sa likuran namin. And guess what? Nakita ko sya, nakayakap si Hayley sa kanya at nakatingin sya sakin. OOOOHHHW my! Gotta get awta here! Umalis ako agad.

Bakit ko ba to nararamdaman? ANG SAGWA NG FEELING! Sunindan ako ni King! WAAAAHHHH! WAAAAAH... Ayokoooo naaaa. Ilang sandali ang nakalipas, napunta ulit kami ni King sa dining room. Andun na rin si Hayley at JR. GAAAH. Hindi ako makatingin kay JR. KYAAAA. Bakit? "UH. Jini! May reunion kami mamaya ng mga batchmates namin! Sumama ka na rin? Tutal girlfriend ka naman ni JR!" Kung ako ang tatanungin? AYOKO. HAHA. BATCHMATES? I'm sure mga mayayaman yan, hindi ako nababagay dyan. WAHAHA. "AHHH! Hindi na. May gagawin pa kasi ako eh!" SMILE. hehe. HE-HE. "UH? Ganun ba? Sayang! " "-Sasama sya!" Linagay ni JR ang kamay nya sa kanyang pocket. AYAN NA NAMAN ANG EVIL LOOK NYA. HUHUHUHU. Hindi ako sasama. "HUH? AH-eh?" SMILE. "-Edi di na rin ako sasama!" Linapit nya ang mukha nya sakin. Linalayo ko naman ang mukha ko. Nakakahiya, tumitingin si King at Hayley samin. HUHU. Hinawakan ko ang shoulder nya at dahan-dahan syang pinu-push away. LOL. Hinawakan nya ang kamay ko na nakahawak sa shoulder nya. "-Joshua! Wag mo na syang pilitin!"

"OKAY!" Wow. Grabeh! Ang bilis nyang magdesisyon! HAY SALAMAT! Hindi na ako pipilitin nitong mokong na to, nahihirapan na nga akong tumingin sa kanya tapos-

"Kung ganun! May enjoy na lang kayo!" Inakbayan nya ako. "HUH? Ikaw?"

"I said, hindi ako sasama pag hindi sya sasama! OKAY?" Grabe! Grabe sya! Hindi nya man lang ba bibigyan ng konsiderasyon si Hayley? Tiningnan ako ni HAYLEY. WAAA'H. Ang sama ng tingin nya! Wag po! May kasalanan na nga ako sa kanya eh. She crossed her arms. "Sige--" Sigh. "Sasama na ako." TSSSSSSSSSK. Ang galing ni JR! GRRRRR. "Kung ganun---" Naglakad si JR patungo kay... "Magbibihis muna ako." Tinitigan nya si King. Parang tinutusok-tusok ng titig nya ang mga mata ni King. GRRR.

♥15♥ Post #3:

Jini Punzalan: A-aaayyos lang akooo.
Andito na kami sa PLACE... PLACE?

WHAT DA HECKKKK. What kind of place is this? Diba nga, bahay yung pupuntahan namin? It looks more like a ! Napatingin ako sa environment. PHEW. Grabe. ANG DAMING GUWAAAPO. "Hayley! Youre back!" Sabay beso. HAA? Ang ganda ng babaeng yun ah! Napatingin ako sa cleavage nya. TSSSK. ANG LAKIIII NG CHUCHU NYA. Namangha ako. Napatingin ako sakin. LOL. >.< "Joshua! OH MYY! Your so HOOOT!" Bumeso sya kay JR. HAA? LOL. >.< Not again. "KIIING! Your still very cute!!" Beso ulit. "Lets go inside!" May sumalubong samin na sandamakmak na babae! Grabe. Cleavage. Cleavage. Nakakainsecure. LOL. "Pare! Kamusta ka na??" Hindi man lang ako pinansin ng kahit na sino sa mga kaibigan nila. HMMMF. Well, that's life. Umupo kami sa iisang table. Andaming table dito. Ang dilim pa. HAAAI. I hate dark places. Feeling ko may multo or may masamang mangyayari sakin. WHATEVER. "So? Hayley! Nasabi mo na ba kay Joshua?" Hindi yun narinig ni JR, pero narinig ko. Ang dami kasing tao tsaka ang daming kausap ni JR at King. GRABEH. OUT OF PLACE PART TWO ba itech? "Huh? Yeah! Pero, he rejected me!" "WHATTT? Why?" Nakita kong ang laki ng BIBIG nung babae sa pagkakasabi nya ng 'WHATTT'. OMG. T.T "May girlfriend sya eh!" Tapos, tumawa yung babae! "GIRLFRIEND? Lage naman yung may girlfriend eh!" Tawa ulit. Hinawakan ni Hayley ang kamay nung girl, then she looked at me... Nagpa-as if ako na hindi nakikinig or what. Hindi ako tumingin sa kanila. "Lets talk upstairs!" Umalis silang dalawa. HUHUHU. Hindi na ako magtataka kung makakagat ko ang dila ko mayamaya. Tumingin ako kay King at JR. Grabe, high-five dito high-five doon. Ang daming lalaki. Then, may dumating....isang babae. SHE IS SOOOO HOOOT! Napalaki na naman ang mga mata ko, with cleavage and curls pa ang buhok. RED LIPS, RED DRESS. Grabe na to. Reunion ba ka mo? "JR! Si Angela! HAHA. Your EX!" EX? HAHAHA. Comm'on! OKAY. He is a playboy right? Tumingin si JR sakin. Then he pinched my nose. Para saan yun? Tumayo si JR tapos he welcomed that ANGELA-girl. And it seems like, nakikipag-flirt naman tong girl nato. HAAAY. Napayuko ako. Why do I feel ?

"Hey JR! Long time no see?!" Grabe yung ANGELA-GIRL may dala pang maliit na KUMIKISLAP na bag. Kasabay sa pagkislap ng disco lights dito, kumikislap din ang kanyang bag. TSSSS. Tsaka ang ingayingay ng 'peooople riseeee, togetherrrr, when theyyyy believe... ' Mukhang bar talaga! GRRR. "UH! Guys! Eto nga pala si Jini!" Sabi ni JR na parang binalewala ang sinabi nung nasabing ANGELA. Syempre. Napatayo ako. GAAA. I still don't have enough confidence. Ngumiti na lang ako kay King na hindi ko naman alam kung bakit hindi sya masyadong ngumingiti. "...She is my girlfriend!" Natigilan ang lahat. Pati ata ang DJ nalaglag ang panga... tsaka tumigil yung music... 'twwwoooooot'. >.< "HELLO!" Siniko si JR nung lalaking nag-hello at..."Pang-ilan yan ngayon?" Kahit na whisper lang yun, narinig ko parin! Tumalikod sya sa lalaki at... "Stop talking nonsense! I'm serious with her!" MULING NALAGLAG ANG PANGA NG MGA TAO! Mukhang pati ako, nalalaglag na din ang panga. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. "AAHHH! Okay!" Nagpatuloy sila sa kanilang ginagawa habang umupo ako dahan-dahan. Nakikita kong pinagtitinginan ako ng mga babae at lalaki dito. HUHU. T.T "HAHA. Wag mong sabihing?----in love kana sa babaeng yan!" Sabay tingin sakin head-to-foot. ABAAAAH. Nainis ako nun ah! HUHUHU. Underestimate!? Mukhang yinaya ata si JR ng mga kaibigan nya ah. HMMM. "Jini! Magbi-billiard lang kami!" Hindi ko gusto ang mukha ni JR ngayon! Hinila ko ang soot nya. Lumingon sya sakin... Hindi man lang ako makapagsalita nung hinawakan nya ang kamay ko at..."Don't worry! I'll be back!" Tiningnan nya si King at..."Take care of her! Babalik lang ako." Nagpatuloy sya sa paglalakad. Huminga ako ng malalim habang tumitingin kay King na pinipilit ngumiti. "Wag kang mag-alala! Babalik lang sya maya-maya." Pinilit ko na lang ding ngumiti. ILANG SANDALI ANG NAKALIPAS...

Tumayo ako. Hindi ko na kasi gusto ang mga nakikita at nafi-feel ko eh! GRRRR... Ang daming sumasayaw sa harapan ko at umiinom. Tumayo ako para puntahan si JR sa 2nd floor nung bahay. Sinundan ako ni King. "Jini! Wag na!" Pinigilan nya ako. T.T "Gusto kong---" Bago ako makapagpatuloy sa pagsasalita, nakita ko na yung second floor! More crowded than the first floor! Grabe, its filled with smoke kasi andaming naninigarilyo. I saw 4 billiard tables. Andun si JR, seriously playing billiards! PHEW. Napahinga ulit ako ng malalim. Ganun lang talaga ako kadaling iwan?! HAYYY. nakita ko din si Anton and the GANG. "Jini! Bumalik na tayo sa table! Masyadong dangerous dyan! Tsaka, you will enhale the smoke, baka magkasakit ka!" Tumango ako at bumalik. Pag-upo ko sa upuan ng table namin...

*Krrrrriiiinnngg---kriiiiingggg-kriiiiinnnggg----kriiiiinngg...*
Tumingin si King sakin. "Sagutin ko lang to ah!" Pinakita nya ang nagri-ring na cellphone nya. Tumango ako. Umalis sya - LUMABAS. NOW, ako na lang mag-isa dito sa table. Tumitingin sa mga tao at nanonood sa mga ginagawa nila. GOOOSH ang ingay ng place! Tsaka, napansin ko din na malaki ang bahay.

HOUSE PARTY.
Thats the word. Biglang... "Jini right?" May lumapit sakin na amoy alak na lalaki. Hindi ko tiningnan ang mata nya. "Erik!" Sabay abot sa kamay nyang amoy sigarilyo naman... Syempre, POLITE ako kaya nakipag-shake hands ako. PERO...Hindi na nya binitawan ang kamay ko. Instead, umupo sya sa tabi ko. Sapilitan kong binawi ang kamay ko. And now, he is touching my hair. >.< WHAAT? "Hey! You look a little bit different compared to JR's EXes!" Napailing ako. I'm demn SCARED na! "HMMM. Since your his girl, maybe, pareha ka rin ng iba!" He is touching my cheek! HOOOOO. T.T King asan ka na?? "Your beautiful, you know! If you dress like how other girls dress here!" Sabay turo sa mga babaeng may cleavage!

Sabay din sa pag-inom nya ng WINE/ALAK? Whatever, basta, malakas ang tama nun! "You know what? Nung highschool pa kami, laging habulin si JR Te ng mga babae! HAHA. Kami ngang mga lalaki eh natatakot para sa mga girlfriend namin!" EH!? DID I ASK YOU? "You know that ANGELA? Yung sexy? I was courting her when he suddenly showed up to her. Kinindatan lang si ANGELA, hindi na ako nakita!" Inom ulit sya. He is touching my hair, my cheeks! GAAA. Naiinis na ako! Sasampalin ko naaaa. >.< Pero, nasangga nya ang ULTRA-ELECTRO-MAGNETIC-SAMPAL KO! AHHHH. "hey! Your a bit conservative huh? Or are you trying to please me?" Kumuha sya ng isang baso ng beer at inabot nya sakin! "DRINK IT!" Sinabi nya sakin ng malakas. Andaming lumingon. "DRIIINK--"

May biglang kumuha sa baso at...

"Hindi sya umiinom!"

Sabay kaming lumingon sa taong nagsalita.

Paglingon namin...Sabay din ang pag suntok nya sa lalaking-ERIK?

Suntok the 2nd time around... 3rd time around... Splak si Erik! Tinulungan pang bumangon... Suntok the 4th time around. Hinawakan ang colar ng damit. Suntok sa mukha again. Hanggang sa inawat na sya ng ibang tao!

Did I sound like the host sa laban ni PACQUIAO at MARQUEZ? Nanginginig ang mga paa ko. Grabe. Dahil sa takot ko, pati luha ko umuurong lumabas sa mata ko. GALIT NA GALIT NA GALIT NA GALIT NA GALIT si JR! GALIT NA GALIT NA GALIT NA GALIT NA GALIT talaga!

Nakita kong bumaba sina Hayley at iba pang babae, napa takip-bibig si ANGELA-sexy. "Next time! Ayusin mo ang pagpili sa taong babanggain mo!" Tumingin sya sakin. Hindi ko napigilang yumuko, then he went up to me...Yinakap nya ako. Yung ulo ko, nasa dibdib nya. His hand is on my hair.

"This

girl is MINE! And don't you ALL dare mess up with her if you don't want to mess up with the whole world!"

Hinila nya ako at lumabas kami sa bahay na yun...nasalubong namin si King, pero hindi sya pinansin ni JR. "Jini!? Are you OKAY?" "UHHH?" Patuloy sa paghila si JR sakin. Galit na GALIT parin si JR. "Dad called me! Susundu-" Hindi nya pinagpatuloy kasi pinasok na ako ni JR sa car, pumasok na rin sya... Tapos, tumakbo ang car. EVERYTHING is very MABILIS.

On the car... "Are you okay?" Dun lang ako talaga umiyak na. T.T "I should've not brought you to that place!" Linagay nya ulit ang ulo ko sa kanyang dibdib. "A-aaayyos lang akooo." Hindi ako makapag salita ng maayos kasi umiiyak ako, I'm catching my breath. "Youre scared aren't you? Masyado mong binobola ang sarili mo na brave ka!" He hugged me tighter. "I'm sorry! Dapat hindi kita iniwan!" Patuloy ako sa pag-iyak. I'm fine JR.... Thank you! >.<

dapat hindi nya na lang sinabi yun lahat. At this moment, I can feel and hear his heartbeat. ♥♥♥

Chapter 16 Life's Few Changes
♥♥♥

Joshua Rian Te: MAGITING na boyfriend

Habang nandun pa kami sa car, papauwi na. Yinayakap ko sya, umiiyak kasi. She is catching her breath! Ang liit nya pala! Nakita ko yung driver namin na ginalaw yung mirror sa harapan nya para mas makita ang EKSPRESYON ng mga mukha namin sa mga sandaling iyon. Hindi ko pinansin. Maya-maya, binuksan nya yung PLAYER. Kailangan ko talaga ng driver ngayon, kasi alam nyo naman, baka mapainom ako. Pero, kadalasan ako talaga ang nagd-drive...'The perfect wordsss never crossed my minddd coz there waaas nothing innnn there but youuu...' Langhiya! Mukhang pinagt-tripan ata kami ng driver ko ah! Ginawan pa ng background music ang mga sandaling ito! GRRRR... Nung nakarating na kami sa bahay. Agad akong umupo sa sofa ng living room at sinandal ang katawan ko. Naiinis parin ako, at nagagalit dahil sa nangyari kanina! Si Erik talaga! Hindi parin nagbabago! GRRRR. Ang bastos-bastos parin! Palibhasa walang pumapatol at pumapansin na babae sa kanya! GRRR... Ginulo ko ang buhok ko. Teka. Si Jini nga pala? Asan sya? Lumingon ako sa likod. Andun pala sya, nakatingin sakin. "Anong tinatayo-tayo mo dyan! Umupo ka nga dito!" Hindi sya umimik. Dahan-dahan syang lumapit at umupo sa sofa na nasa harapan ko. Sumandal ulit ako sa sofa, sinandal ko ang ulo ko at huminga ng malalim! "ETONG SAYOOOO! AHHHHH. GRRRRR... WALANG HIYA KA! MANYAAAAAAAAAK!" Napalingon ako sa kay Jini. Ano ba ang nangyayari sa kanya?! HAHAHA. >.< Loko! Pinaghahampas-hampas yung unan malapit sa kanya! HAHAHA. "HAHAHA" Napatawa tuloy ako. Tumigil sya. "UHHH-" "Uhhhhh--" Nagkasabay kami. Pinauna ko na sya. "UH. Sa-salamat kanina huh?" GAAAAHHHH. Ang mga pangyayari kanina ay sadyang nakakailang! At ayoko ng mga

ganyan. I'm HAVING A REALLY HAAAARD TIME DEALING WITH ! "Ano?? HAHA!" Tumayo ako. Lumapit sa kanya at linapit ko ang mukha ko sa mukha nya. Hindi sya makalingon sakin. Yung mata nya lang ang kanyang pinagalaw. HALATANG NANGINGINIG SYA. "Hi-Hindi pa kita nakitang nagalit ng ganun eh!" "HAHAHAHA!" Bigla akong sumimangot. "Bakit mo ba kasi sya kinausap?" "Hi-hindi ko sya kinausap!" "HMMM. Sa susunod kasi wag ka nang makipag-USAP sa MGA TAONG LASING! WAG KA RIN MASYADONG FRIENDLY!" Sinisigawan ko na sya. Napapikit na lang sya dahil sa lapit ng mukha ko si tenga nya.

"WAG MONG ISIPIN NA ANG LAHAT NG TAO DITO SA MUNDO AY KATULAD NI KING NA MABAIT!" Hindi sya lumalaban ah! Siguro ang iniisip nya ngayon ay 'hindi ako lalaban kasi may utang na loob ako sa kanya!' HEY WAIT! Marami naman syang utang na loob sakin ah! "HOOOY! Magsalita ka! Ang DAMI MO PANG UTANG SAKIN! TSSS." Hindi parin. Para syang tumigas o NANINIGAS na lang sa tabi. "KAYA SA SUSUNOD, WAG KA NA ULIT MAKIKIPAG-USAP SA MGA PERVERTED NA LALAKI HUH? ayaw mo naman palang minamanyakan." GAAA. Panu ko sya papagsalitain!?

"TSAKA! WAG MONG ISIPING MAY GUSTO AKO SAYO KAYA KITA PINAG-TANGGOL KANINA! Girlfriend kita kaya trabaho lang talaga yun ng isang MAGITING na boyfriend tsaka---..." Bigla syang lumingon sakin at...

HINALIKAN NYA AKO...
mga 1nanosecond lang! ang bilis ng pangyayari. Tumayo sya at nagmamadaling lumabas sa bahay. "JR TE. Masyado kang maingay!"
Hindi ako makagalaw!

Nakita ko syang nagtatakbo patungo sa gate namin. Napakalayo ng gate namin sa bahay namin kaya nakita ko rin ang paghuli nya sa kanyang hininga dahil sa pagtakbo! Nakita ko ang mga maid namin na isa-isang lumabas at tiningnan si Jini papalabas sa bahay namin. Nakita ko rin ang mga guard na parang----NAKAKADIRI man sabihin----? Napatunganga na pala ako at yung kanang kamay ko aydumapo na pala sa labi ko. Hindi ko napansin. Masyado ko kasing inisip ang mga nangyari. Naglakad ako patungo sa door ng bahay namin para mas makita pa si Jini. "AHEM! SIR! Habulin nyo po at sabihin nyo kung gano nyo sya ka mahal!!" Sumingit pa ang isang bodyguard!

Inaksyonan ko syang suntukin kaya lumayo sya sakin. HAHAHA. Laugh out Loud! Susundan? For what? ~~~look readers! yung JR natin ngumingiti ng hindi nya namamalayan. Nakita kong tinulak nya ang malaking gate namin. Tapos, ngayon, unti-unti akong bumaba sa stairs ng main door namin. ~~~readers. Naiimagine nyo ba ang bahay nila? LOL >.< Nakita ko din syang sumakay na at umuwi. HUH? Bakit ako nandito? I mean, anong ginagawa ko? Napaupo ako sa stairs dun malapit sa main door, kaharap ko ang gate namin at napakalayo nito sakin. Ginulo ko ulit ang buhok ko. ! What did that girl just DID? HUH? What did that girl just did TO ME? HAHAHA. JOKING!? Napakamot ako sa ulo ko. Nararamdaman kong maraming nanonood sakin. HINDI AUDIENCE KUNDI ANG MGA HAMAK NA MAID AT BODY GUARD sa bahay namin. Pero, binalewala ko. Ano ba ang iniisip nung babaeng yun? HHMMM? HAHAHA. Napapangiti ako sa mga ginagawa nya.

TEKA NGA!!! Bakit ko ba sya iniisip?
NO NO NO. This CAN'T BE LOVE!? HAHA. She is my enemy nga diba? When we were still in gradeschool? HAHA. This is not love. Basta! Ang unang mainlove sa larong to, talo! I'm not gonna be the loser! She is the one who kissed me, then she must be the one in love, and NOT ME!

♥16♥ Post #2:

Jini Punzalan: Thanks KENJ!
'JR TE. Masyado kang maingay!' OOOOOOHHHH GOOOOOODNESS. Papanu ko ba yun nagawa? ESTE - Bakit ko ba yun nasabi at nagawa? NAGAWA? Bakit ko sya hinalikan? I rubbed my eyes at binuksan ko ang locker ko. HUHUHU. Nakakahiya yun! Baka isipin nyang may gusto ako sa kanya! Bakit ko ba yun nagawa?! Hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya kasi palabas lang ang boyfriend-girlfriendrelationship naming dalawa! >.< WAAAAH. Nakakahiya iyon! T.T Tuloooong! Sinarado ko yung locker ko. PHEW. Napahinga ako ng malalim! Pagtalikod ko... "Jini!" Si Kenjie!? "Ken!" Ngumiti sya. "Bakit ganyan ang mata mo? Parang hindi ka nakatulog ah!" PATAY! Halata pala sa mata ko na hindi ako nakatulog?? Napahawak tuloy ako sa mata ko. "May iniisip ka ba kagabi kaya hindi ka nakatulog?" PATAY. Mukhang meron nga! "Wala naman! Uhm. si-siguro uhm, nanood kasi ako ng MARIMAR eh kaya ganun!" HAHAHAHA. Oo nga! Nice one! "Pero---lastlast week lang natapos ang MARIMAR ah!" HAHA. ANOOOOOOOOO!? Lol. PATAAAYYY. "HA? Ganun ba?" Magsisinungaling na nga lang nabubulilyaso pa! "Bakit Ken? Nanonood ka rin ng MARIMAR no kaya mo alam!" Hahaha. Ang galing kong magpaikot ng istorya! "Hindi ah! Si MAMA." >.< NYAY. Panu na to ngayon?? Lalabas na sana ako ng locker room at iiwan si Kenjie, pero...bago ako makalabas. Nakita ko si JR! WAAAH. Napabalik ako dun malapit kay Kenjie at nagtago sa likod ng ibang locker. "Jini? Anong-" "SHHH... Wag mong sabihing andito ako huh?" Binulong ko sa kay Kenjie habang masnagtatago pa ako sa likuran. Tumango naman sya. PHEW... SALAMAT NAMAN. Naririnig ko na ang mga footsteps ni JR. Napapikit ako. "Bakit?" "Nakita mo si Jini?" "HUH? Hindi."

"Ganun ba? Nasaan naman kaya yung babaeng yun. TSSSK" "Bakit? Diba dapat alam mo kung nasaan sya? Girlfriend mo sya diba?" Biglang naglakad ulit si JR. Mukhang papalapit sakin. WAAAAH. "Oo nga! Alam ko kung nasaan sya!" Unti-unti na akong umalis dun sa pinagtataguan ko. "Sandali!" Phew, na kuha ni Kenjie ang atensyon ni JR at agad akong umalis sa locker room at tumakbo sa GIRL'S CR. GAAA. Bakit ayaw ko syang makita? Nahihiya parin kasi ako sa ginawa ko kagabi. HUHUHU... Dito muna ako, kasi...baka andyan sya sa labas! HUHUHU... Binuksan ko yung gripo at binasa ko ang mukha ko. "Bakit ko ba pinagtataguan si JR? LOKO talaga ako!" Ilang sandali ang nakalipas... Biglang bumukas ang isang cubicle. "You're hiding from Joshua, Jini?" OOOOHHHHW MY! May tao pala! And worse?! Si HAYLEY! "UHHH! Hi-hindi naman sa---" "WHY? Nag-away kayo? Last night, grabe he protected you!" "UHM. Hindi kami nag-away." Hinalikan ko kasi sya. "Kung ganun--?" May tumawag sakin galing sa labas... "Jini!" Sino yun? Napalingon kaming dalawa. "Jini! Lumabas ka na dyan! Wala na si JR!" Could it be....KENJIE? Lumabas ako. At,Oo! Si KENJIE nga. "Huh? Thanks KENJ!" Napahinga ako ng malalim. "Jini...pwede ba tayong mag-usap?" HUH? OOOOOSIGE. "Sure!" Kaya hayun, tutal wala naman akong pasok this time. GRRR. Tsaka, next na class ko pala, magkaklase kami ni JR. WAAAH. "Kayo na ba talaga ni JR?" Napalingon ako kay Kenjie. "O-Oo!" "UHH. Mahal mo ba sya?"

"HEHE. Magiging kami ba kung hindi?" "UH? Mukha talagang hindi ka nakatulog kagabi, may iniisip ka ba? Nag-away ba kayo ni JR?" "Hindi naman." "Pinapaiyak ka ba nya?" "HUH? Hindi..." Alam nyo? kung umuulan ngayon baka natamaan na ako ng kidlat. ONE-SIDED LOVE? Hey?! At bakit ko naman naisip ang ONE-SIDED LOVE? Mahal ko ba sya? AHAHAHAHA. >.< Hindi ah! Ang unang mainlove talo! Hindi ako ang una--------hindi ako maiinlove sa kay JR! Pero hinalikan ko sya? HEHE. Pasasalamat lang yun... O baka naman may pagnanasa talaga ako sa kanya. WAHAHA. HINDIIII MAAARIIIII! NO WAY! "Jini?" "Ha-ha-HUH?" NaBIGLA ako. "wala--- " May sinasabi pala sya pero, hindi ko yun narinig! TSSSK. Masyado ko ng iniisip si JR. oHINDIIII! Napakamot ako sa ulo. Baka hindi na nya ulitin. HMMM. Ganyan kasi sya eh. Pero, okay lang kung hindi nya ulitin, hindi ko sya pipilitin! "Pasensya ka---" Bigla nyang hinawakan ang shoulders ko at hinarap. "Ang sabi ko! Gusto parin kita, at nagseselos ako sa inyong dalawa." ANONG SABI NYA? 'Gusto parin kita at nagseselos ako sa inyong dalawa.' OH NO! This can't be happening. Oo nga pala, bakit parang... HUH? Masaya ako dahil gusto parin nya ako, pero bakit ayoko na syang balikan at mukhang may...MAY IBA NA AKONG GUSTO? Si JR BA YUN? OHINDI. "UHM. HEHE." Tumingin ako sa relo ko. "NAKU! Late na ako! Sige ah! May pasok pa ako." Papaalis na ako nung nakita kong si JR ay papunta sa amin. WAAAH. Wala na akong maisip kundi tumakbo pabalik at maghanap ng ibang daanan! WAHAHAHA. Hindi na ako nakapagpaalam kay Kenjie ng maayos. ADRENALINE RUSH. Natatakot akong makita si JR. Nahihiya.

♥16♥ Post #3:

Hayley Anderson: You're hiding

"Bakit ko ba pinagtataguan si JR? LOKO talaga ako!" That sounds like Jini! Lumabas ako sa cubicle at, sya nga. Bakit sya magtatago kay JR? Nag-away ba sila? WEIRD. "You're hiding from Joshua, Jini?" "UHHH! Hi-hindi naman sa---" She startled. "WHY? Nag-away kayo? Last night, grabe he protected you!" Oo! And I'm so jealous! "UHM. Hindi kami nag-away." "Kung ganun--?" May tumawag sa kanya galing sa labas... "Jini!" Sino naman kaya? Napalingon kaming dalawa. "Jini! Lumabas ka na dyan! Wala na si JR!" Huh? Sounds like a boy! Are they hiding from Joshua? HALAAA. Is she cheating? "Huh? Thanks KENJ!" Sumilip ako. OHW. That's him! That's Kenjie Chua right? Yung taga CC din? "Jini...pwede ba tayong mag-usap?" "Sure!" So? Is she cheating or what? Hahaha... Nabuko ko ba sya? Or am I wrong? HMMM. Dapat ko ba tong sabihin kay Joshua?

I need to find more information!!!
♥♥♥

Kenjie Chua: I want her back!
Bakit kaya sya nagtatago kay JR? Baka naman nag-away sila?! "Uh..Jini..UHM. EH...sa totoo lang... Gusto parin kita, at nagseselos ako sa inyong dalawa ni JR. " Ano ba yung mga pinagsasabi ko? TSSSK. nakakatapak ng pride yun. PERO. Mahal ko na talaga sya eh. I WANT HER BACK! Tumingin ako sa kanya para malaman ang sagot nya pero...MUKHANG MAY MALALIM SYANG INIISIP.

AT MUKHANG HINDI NYA AKO NARINIG! ANOOO? Nakakahiya yun ah! "Jini?" GRRRR "Ha-ha-HUH?" nabigla sya. "wala--- " Hindi ko na lang sasabihin. MABUTI na rin hindi nya narinig. phew. Ano kaya ang malalim na iniisp nya? Baka on-the-rocks na ang relasyon nila ni JR? O baka naman hindi nya talaga gusto si JR? Uulitin ko na lang! I will swallow my pride! Ganun ko na ba talaga sya ka mahal ngayon? GRRR... Bakit ba ito nangyayari? "Pasensya ka---" Hinawakan ko ang shoulders nya at hinarap ko sya. "Ang sabi ko! Gusto parin kita, at nagseselos ako sa inyong dalawa." Nanlaki ang mga mata nya at parang natigilan sya. Ako din, binuhos ko na ang lahat ng lakas ko sa pagsabi ng mga salitang iyon. Tumingin sya sa relo nya. "UHM. HEHE. NAKU! Late na ako! Sige ah! May pasok pa ako." Umalis sya. Dire-diretso ang paglalakad nya nung bigla syang natigilan. Baka babalik sya sakin at sabihin nya na mahal nya ako! Napangiti ako. MASAYA AKO.

Akala ko lang pala yun, tumakbo sya at linampasan lang ako. Hindi man lang nagpaalam! Jini, sa paraan bang yan mo ako gagaguhin? Are you doing all these stuffs just to make me MISS YOU a lot~even more? I'm craving for you more than I did before! I wanna know if she STILL loves me or not. If she still does - I'll be happy. If she doesn't - I'll make her fall for me again. I'll try everything! Dapat hindi ako nakipag break. I was too blinded by that time. Ganito pala ang feeling. Feeling na mahal nya ako noon, pero ngayon hindi na. Ako na ang nagmamahal sa kanya ngayon. This sux! JR is approaching! Galit ako sa kanya! I hate him! He stole Jini's heart! Tinitigan ko sya. "Where is she?" Tinanong nya ako sabay titig din sakin. "Find her." Nagtititigan na kaming dalawa. "Siguro, pinagtataguan ka nya dahil sinaktan mo sya? O baka naman, pinaiyak mo

sya!" "Ano bang pinagsasabi mo? Ano? Pinagtataguan nya ako?" Nagtataka sya.

"Oo! JR TE! Sa oras na malaman kong sinasaktan mo si Jini, patay ka sakin." Lumapit sya ng konti sakin at..."ABAH! May ganang magsalita ang nangbasted sa kanya!" Umamba ako ng suntok. Nakakainis eh.

"Sige! Suntukin mo nga ako?! Pagmalaman ni Jini na sinuntok ang

pinakamamahal nyang BOYFRIEND ng EX nyang walang kwenta, HAH, she will hate you so much!"
Hindi ko maituloy! GRRRR. Is he me? "Binablackmail mo ba ako?"

"Hindi. HAHAHA.

Bakit KENJIE? Inlove na inlove ka na sa EX mo ngayon no? You love her now like how she loved you before! HAHAHA. Kawawa ka naman, you're a loser!"
GRRR. Natatakot ba ako sa sasabihin ni Jini? Bakit hindi ko sya masuntok? ARGH. This sux! "Sinasabi ko na nga bah!" "I want her back!" Nakita kong he is half smiling! Anong nginingiti-ngiti nya? "I won't let you. ASA KA!" "Gagawin ko ang lahat para makuha ko sya ulit! At kapag nakuha ko na sya, I will

never let her go again."

"Mali ka! Dapat, hindi mo na sya pinakawalan...noon. Kasi, hindi na sya mapapasaiyo simula nung pinakawalan mo sya." Umalis sya. Ang lakas talaga ng dating nya. Hindi ko sya masuntok dahil sa takot ko na kamunhian ako ni Jini. Hayop talaga yung lalaking yun! ARGH...

♥16♥ Post #4: Jini Punzalan: iniisip ko si JR

Hiningal ako dun ah! Grabe. Ayoko talaga syang makita muna! Pasensya na kayo mga supporters ko! Mga supporters ng Jini-JR loveteam. TOINKZ. Ang kapal-kapal talaga ng mukha ko. Hinihingal parin ako, titigil muna ako sa pagtakbo. Biglang nagpakita si Hayley sa harap ko. "Hayley!" *hingal* "Ikaw pala yan!" *hingal* "You're hiding from JR right?" "Hi-hindi ah!" *hingal* "Ows? HHHMMM. I know why you're hiding!" "Huh? Hindi sabi ako nagtatago eh!" "You are hiding because you still love your ex and you are guilty about it!" "HAAA? Ano bang pinagsasabi mo?"

"Wag ka ng magmaangmangan!" She crossed her arms. "Alam ko na ang lahat! BIATCH ka pala!" "ANO?" Napatigil sako sa paghingal! >.< Biatch? "YEAH! Diba nga, last month you have a big issue in this school, because of your EX?" "HA??" Oo nga, pero mali yung iniisip nya!! "HAHA. Nalaman ko rin ang lahat. Jini, hindi ka magtatagumpay sa mga balak mo! Baka iniisip mo na maiaahon ka ni JR Te sa kahirapan mo, OH, Oo nga, baka you are using your nakakaawang istorya just to get Joshua's attention? HAHAHA. Oo nga naman! Ganyan-~" *SLAAAAAAAAAAAAP* Sinampal ko sya! Hindi ko na kaya ang mga pinagsasabi nya! GRRR... "Hindi ako tulad mo mag-isip!" Umalis ako. Ayoko syang patulan, baka tanggalin ako ni JR sa trabaho. "I'm still talking to you BIATCH!" Umalis ako. May pasok pa ako. OH NO! Magkaklase nga pala kami ngayon. GRRRR... Ang sarap sapakin, sampalin, hilahin ang buhok ng amerkanang palakerang yun! ARGH. "Sasabihin ko ang lahat ng to kay JR! Akala mo huh?" NYENYENYE. Sabihin mo! Wala akong pake! TSSSK. Mabuti na rin para maging busy si JR ngayon at hindi nya ako papansinin. DIBA? Dumiretso parin ako papuntang classroom. GRRR. Alam kong galit si Hayley, pero mas galit ako. Biruin nyo, BIATCH daw ako? tsaka, ginagamit ko lang si JR para maiahon ako sa kahirapan? Sinong linoloko nya? Ayoko yatang maging alalay ni JR noh!? Tsaka, si JR naman yung pinipilit akong bayaran ang pagkalaki-laki kong utang ah! Kung sa bagay, kailangan ko talagang panagutan ang utang ko, pero,--Naku, nakarating na pala ako sa room. NAKUUUU POOO. Nakikita ko si JR, pero hindi ako tumingin sa kanya ng matagal. Yumuko ako at umupo kaagad. PATAY, andyan sya sa likod ko. HAHAHA. Di bale! *cross fingers* Last class ko na to ngayon. Pagkatapos nito, uuwi na ako. HAHAHA. >.< Sabihin ko na lang pag tumawag sya na may CONSTIPATION ako!?! AHAHAHA. TAMA! Ang galing kong mag-isip! Scholar ata ako ng bayan! HAHA. xD Pumasok na rin ang hinayupak na si Hayley. Huminto pa sya sandali saking upuan at dumiretso din naman agad. HUHU. >.< Inilabas ko na ang mga bagay na kailangan ko. Narinig kong..."Joshua, can we talk after class?"

"Huh? EHHH. May gagawin pa kami ni Jini eh!" Para akong kiniliti sa pagkakabigla ko. WHAAAT? Lumingon ako ng bahagya at..."Ha? UHHH." Tumingin ako sa mukha ni Hayley at..."Masakit ang tiyan ko eh, uuwi na ako pagkatapos ng klaseng ito." "HUH!? Ano ka? Hindi PWEDE!" "--Anong?" "HINDI PWEDE SABI!" "Pero, KAILANGAN KO NG MAG BAWAS!" WAAAAH. Napalingon ang mga kaklase ko! Ang pangit ng pagkakasabi ko. Pag may umutot mamaya sigurado, ako ang magiging pangunahing salarin. T.T "WALA AKONG PAKEALAM!" Tumalikod ako. Nakakainis ang lalaking eto. Bahala sya kung ano ang gusto nyang sabihin, basta, aalis ako kaagad pagkatapos neto. "Joshua, hayaan mo na lang sya Joshua. Kasi, ang sasabihin ko sayo, ay tungkol din naman sa kanya!" "HUH? O sige!" Dumating na ang teacher namin. TAKTE. Bahala ka Hayley. NYENYENYE Inggit ka lang sakin kasi girlfriend ako ni Joshua. Tsaka, hehe, kahit joke lang naman talaga. BEHHHLAT! HUHUHU. Hindi ako makatingin sa mga mata ni JR! Eto ang hudyat na naiilang ako sa bakulaw na yun. Naiilang ako? WAAAH. Isang oras ang nakalipas, natapos din ang panghuli kong klase. Dali-dali kong linigpit ang sandamukal kong kagamitan. At alam kong nahahalata ni JR ang pagmamadali ko. "Jini." "Joshua." "UUUH. aalis na ako." Half-running akong umalis sa room. Parang ayoko pa palang umalis, kaya lang, naiilang ako eh. HUHU. Hindi man lang nya ako pinigilan, like hold my hand....or hug me from the back. NYAY! Asa ako? TEKA!? UMAASA AKO!? Ano na tong nangyayari sakin!? HMMM. Hindi maaring naiinlab na ako sa bakulaw na yun, hahaha. Hindi talaga. Si Hayley na lang yung sa kanya, tutal, mas maraming alam si Hayley eh, like yung pagsosoccer ni JR - MISTERYO talaga sakin kung bakit gusto ni HAYLEY ang pagsosoccer ni JR. HAHAHA, bakit ko ba ikinukumpara kay Hayley ang sarili ko, eh wala na talaga akong pag-asa! ASA? Kung ganun? Umaasa talaga ako? Hindi noooooo! Pinukpok ko ang ulo ko. Pag lingon ko sa kanan, nakita ko si King. Parang kulang na lang talaga lagyan sya ng pakpak - anghel. "Jini! May problema ba?"

"HA? WALA-wala naman. Ba't mo naitanong?" "Napansin ko kasing wala ka sa katinuan habang naglalakad." "Kasi, iniisip ko si JR - este - kung saan ako pupunta. HEHE. " Gosh, nagkakamali na ako sa pagsasalita. ETO NA ANG HUDYAT na may nararamdaman ako kay JR!? Sana joke lang to. Sabay na kaming naglakad ni King patungong gate, hindi pa kasi sya uuwi kasi may piano class pa sya. MEOW. ='.'=

♥♥♥

Joshua Rian Te: stay by my side!
"She is flirting with Kenjie! Siguro alam mo naman na EX nya si Kenjie noh?" "Oo! Ex nya si Kenjie." She is talking nonsense. NAKAKAANTOK. "Well then, I saw her kanina, she is with Kenjie, and guess what, nagtatago sila from you!" "Ganun ba? Totoo palang nagtatago nga sya sakin? HMMM." Hindi ako naniniwala sa kay Hayley! Kung totoo yun, bakit galit na galit si Kenjie sakin kanina at nagtatanong pa kung bat nagtatago si Jini sakin at kung sinaktan ko sya? HAHAHA. May iba pang dahilan! At mukhang alam ko na kung ano. HAHAHA. Napangiti ako. "Josh? Bakit ka ngumingiti?!" "Salamat sa pagpapaalala sakin sa kanyang pag-iwas!" Ngumiti ulit ako. HAHAHA. Let's see kung sinong mananalo satin Jini. Umalis ako, pero, pagtalikod ko, Hayley hugged me from the back. TSSS. Ano na naman bah? "Joshua! Can't you see?" Napahinga ako ng malalim. "I'm here. Loving you so much! Mas marami na ang napagdaanan natin. " "Hindi naman sukatan ang pinagdaanan sa pagmamahal." Ano daw sabi ko? "Joshua." Hinigpitan pa nya ang pagyakap. "I want that Joshua who cares for me a lot, who plays soccer and who is always on my side. Simula nung bumalik ako dito, iba na si Joshua, may mahal na sya. Tsaka nag-iba na rin ang mundo nya dahil sa babaeng yun!" GRRR. She is trying to box me. TSSSK.

"Jini is just using you, para makaahon sila sa paghihirap!" Ano yun? Kinalas ko ang pagkakayakap nya sakin at hinarap ko sya. "Listen Hayley, I still care for you. Hindi ko alam kung nagbago ba ako. Basta ang alam ko, may nadagdag." HAHAHA. Ano na naman tong pinagsasabi ko? "At, wag mong isipin na ginagamit ako ni Jini. I was the one who asked her to stay by my side!" Yumuko si Hayley. "Mauna na ako." Umalis ako. Pumunta ako sa hide-out namin at... "HA? Bakit?" "Sige na! Maghihintay ako sa clinic! Sabihin mo nagkasakit ako, sumakit ang tiyan ko tsaka namatay o malubha ang kalagayan! LAHAT NA!" "Ano? Kahit siguro ang pinaka tangang tao dito sa school e hindi maniniwala." Umangal pa si Anton. "SIGE NA! Ikaw na ang bahala sa pag sabi sa kanya! Gawin mo ang lahat para mapapunta mo sya sa clinic. BILIS KASI, baka nakauwi na yun!" "Pero---panu kung hindi talaga?! Ano ba kasi ang nangyari!" "BILIS NA!" "Sige na nga!" Hayyyy salamat. Umalis din sya at sumunod. HHMMMM. Hindi sabi ako papayag Jini eh!

♥16♥ Post 5#: Jini Punzalan: Hindi ko pa nasasabi
Habang naglalakad kami ni King patungong gate. "Jini, hanggang dito na lang kita ihahatid! May piano class pa kasi ako eh." "Ano ka ba! Sana nga hindi mo na ako hinatid King! Pero, salamat na din." Ang bait talaga nya. WAHAHA... Parang nagiging masama ako pag andyan sya. Gusto ko na tuloyng mangumpisal! EH? Teka, mas may masama pa ata sakin ano?! Si JR! Ofcourse. Nakalabas na ako ng gate, si King ehhh ayun, bumalik na sa dinaanan namin kanina nang biglang..."Jini!"

Hinihingal pa, hindi makapagsalita. Sino ba yun? ANTON!? "Jini! Wag ka munang umalis!" Kada banggit nya ng mga salita eh may kasamang hingal. "Si JR!" Bakit? Anong nangyari kay JR? "Si JR! Malubha ang kanyang kalagayan!" HUH? Anong... "Binugbog sya!" "HA? Nino? Ano? Teka, sandali nga.." "Jini! Nandun sya sa clinic! Isinugod sya sa clinic! Malubha na sya!" "ANO? Ano?" Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. "Binugbog sya nung mga taga communications!" "HA? Bakit naman sya bubugbugin?" "KASI! Naalala mo yung issue mo kay Kenjie?" Napatango ako. Ang lakas ng pintig ng puso ko at hindi ako makagalaw! "Binugbog nya yung mga taong may gawa nun at binantaan nya! Kaya ngayon, naghiganti ang mga taga communications sa kanya! Napuruhan sya!" SYA ANG NAGPATIGIL NUN? Hindi pala si ? Hindi na ako nakapag-isip ng maayos, tumakbo na ako papasok sa school. At papuntang clinic. Nakasalubong ko si Kenjie... "Jini---" Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Hindi ko na sya pinansin kasi hindi ko pa talaga alam ang gagawin ko. Basta, humarurot na ako papuntang clinic. At doon, nadatnan ko na, ang patay na katawan ni JR. Nakikita ko sya, unti-unti akong pumasok sa clinic. Tumutulo pa ang luha ko. Panu to nangyari? Namatay sya dahil sakin? Dahil pinaghigantihan sya nung mga nagsalita ng masama sakin? WAAAH. "JR! Wag mo nga akong biruin ng ganito! Gumising ka dyan!" I hope this is just a dream! JR gumising ka! Wag ngayon! "JR naman eh! Wag mo naman akong iwan! Magmumukha akong girlfriend na iniwan ng lecheng boyfriend nya, please?" Humihingal na ako dahil sumisikip ang dibdib ko at todo-todo na ang pagtulo ng luha ko. "JR! HOOOY! Walang hiya ka! Ang samasama mo talaga! Bakit mo ako ginaganito? Bakit ngayon pa?" Umupo na ako sa higaan. GRRRR... Maputla na talaga sya, pero mainit parin ang kanyang kamay. KAMAMATAY LANG NYA? OH LORD! Hindi ako makapaniwala. Wag nyo naman akong biruin?! Please? "JR! Wag kang magbiro dyan!" Hindi ko talaga mapigilan ang pag iyak ko. Wala na akong maisip! Asan na ang doctor o nurse? Bakit walang nagbabantay? Yung mama nya! Si Hayley!? Si King?! "JR! Bakit ngayon pa!? Salamat dahil sinave mo pala ako sa mga taga communications! Bakit di mo sinabi sakin!? Ikaw pala ang nagpatigil sa issue! Walang hiya ka! Ang daya mo! WAG MO KONG IWANNN!" Hinihingal talaga ako.

Yumuko ako at sumandal sa higaan ni JR. "Hindi ko pa nasasabi na..." *hingal* "Ang daya mo! Hindi ko pa nasasabi na...." *hingal* "JR! Please?!" Hindi ko.." "....Hindi ko pa nasasabi..." ♥♥♥

Joshua Rian Te: Nahihiya ka ba

Sumandal sya sa higaan ko at ginawa nyang unan ang kamay ko. WAHAHAHA. "Hindi ko pa nasasabi na..." *hingal* "Ang daya mo! Hindi ko pa nasasabi na...." *hingal* "JR! Please?!" Hindi ko.." "....Hindi ko pa nasasabi..." C'mon! Kanina pa sya nagsasabing hindi nya pa nasasabi...ang alin?! "...JR! Hindi ko pa nasasabi. Ang dayadaya talaga neto!" Ano ang hindi nya pa sinasabi? Naiinip na ako! Kaya bahagya akong bumangon. "..JR! Nakikinig ka ba!?" Nakikinig. "Makinig ka!" "HUHUHU. Hindi ko pa nasasabi na..." Ano bahhh! "Ayoko na ngang sabihin. Hindi ka naman makikinig eh!" Umiiyak parin sya. TSSSK.

"Ano ba kasi ang sasabihin mo?"

HEHE. Nabigla ko ata sya. Kasi, sa mukha nya parang nakakita ng patay na nabuhay. NAGULANTANG! "BUHAY KA!?" "Nagpasalamat ka na... minura-mura mo na ako, ano? Ano nga ulit yung sasabihin mo?" Dali-dali nyang pinunasan ang kanyang mga luha at tinakpan ang bibig. Lumayo din sya ng kaonti sakin. Pero, hinila ko sya papalapit. "ANO JINI? Anong sasabihin mo? Bakit hindi mo masabi-sabi?" While I'm pulling her, she is also pulling herself away from me. "Namumula ka ah!" Oo, namumula sya, dahil siguro sa pag-iyak nya!? Pinunasan ko ang pawis at luha nya sa mukha. "Bitiwan mo nga ako! IKAWWWW?! Ikaw!?! LIAR!" "LIAR? Sino kaya ang unang nag LIE satin? Sino yung uuwi para magbawas pero nakipagsabay lang pala kay King? HA?" "Bitiwan mo sabi ako! HA? Ikaw ang una, kasi, bakit ngayon ko lang nalaman na ikaw pala yung nakipag-away sa communicatios dun sa issue ko ha?" "Wala naman akong sinabi ah? Tsaka di naman yun mahalaga! Hindi parin ako nagLIE! Ikaw ang nag LIE!" "ANO!? Hindi sabi eh!" "Sige nga!? Sabihin mo nga kung bakit ayaw mong makipagkita sakin ngayong araw na to?" "HUH? Sino namang nagsabi sayo nyan?" Hindi sya makatingin sakin. "Sino pa, edi yung lintik mong ex!!!" "HUH? Hindi naman ak---"

Linagay ko ang index finger ko sa bibig nya..."SHHH.." Napatingin sya sakin. "Ano nga yung sasabihin mo?! Alalahanin mo, marami kang utang sakin, tsaka ako pa ang nagsave sayo dun sa mga taga communications. Ano?" "HAHHH? AH WALA...WALA AHHH!" "Tsaka, kanina, umiiyak ka. Grabehhh. 'JR, wag mo akong iwan!'" Ano ha?

"HMMM? Sabihin mo nga? Nahihiya ka ba dahil hinalikan mo ako kagabi?" Namumula na naman ang mga pisngi nya. WAHAHA. Sabi ko na nga ba. Linapit ko ang mukha ko sa kanya. "HMMM. Okay lang naman yun, kasi diba, boyfriend mo naman ako?!" Ngumiti sya. WOOOOOT. Bakit para akong kinuryente nung ngumiti sya? Tulad nung hinalikan nya ako. WAAAH. "Kasii...---"

Hindi ko na sya pinatapos, I just feel like hugging her tightly. Ewan ko kung bakit. basta, I just wanna hug her.

*KRRRRRIIIIIIINNGGG* Nag ring ang cellphone ko. Sinagot ko naman. "HELLO?" "Hello JR?" Si Hayley. "dalawang araw na lang at School's show-off na pala, may plano ka na ba for the Camera Club?" "Meron na! Andun na kay Tanya. " "OH! Sige, halika na dito sa Office, lets talk about it na!" "Okay! I'm coming!" Binaba ko ang cellphone ko at tiningnan si Jini na tulala parin... "HOY! Ano? Halika na nga!" "Ang daya mo!"

"Sige na!!! Hahalikan kita mamaya!"

Sinuntok nya ako! "HEH! Baka nakalimutan mong JOKE lang to?!" Hindi na ako nagsalita. Hinila ko na lang sya papuntang Camera Club Office.

Syempre naman, hindi ko nakakakalimutang PLAY lang ang boyfriend-girlfriend relationship namin no. :| ♥♥♥

Chapter 17 I'm Falling For My Boyfriend
♥♥♥

Jini Punzalan: JR tama na nga!
Dalawang araw na ang nakalipas. Hindi ko napansin na malapit na pala matapos ang sem na to! WOW naman. And I'm happier than ever. I'm happier than last sem. EWAN ko din. Siguro dahil sa kay... NYE... Hindi naman siguro. "School's Show-off? Ano yun?" "Palibhasa wala ka namang club na sinalihan kaya wala kang alam eh!" Nakuuuu. Nagtatanong na nga lang ako tapos ganyan ang isasagot ng mokong na to? GRRR... "Eh ano nga kasi yun eh?" "Magpapasikatan ang mga club sa school naten. Pagkatapos neto, may victory party. Ang saya!" "HUH? Eh panu magiging masaya yun? Eh, wala na man akong club!" "Manood ka na lang! Kasalanan mo yan." HMMMMF. Umalis sya para asikasuhin ang stage para sa Camera Club. Busy ang lahat.

Andito lang ako sa harapan ng stage, nanonood sa kanilang mag decorate. Si JR naman, grabe kung makautos. Mabuti na lang hindi ako sumali sa Camera Club. HAAAY. "Hey Jini. Wala kang club diba? Bakit di mo na lang tulungan si JR sa Club namin?" Lumingon ako, si Tanya pala. "Ha? O-osige." Umalis si Tanya, may dala-dala pang malaking box, lalagyan ata ng decorations. Good idea, lumapit ako kay Jr. TEEEKA! Oo nga pala, ayoko nga! Baka mambu-bully na naman sya. CHEH! "Jini!? Better get outta here because we are busy!" ABAH. Si Hayley pala. "HM? Uh, hindi naman ikaw ang hinahanap ko eh, si JR." Tinarayan ko na rin. "Can't you see? WE are busy!" She rolled her eyes tapos umalis. DUH? Okay fine! Busy na nga kayo kung busy. TSSK. Di na nga ako mangungulit. Teka? Ano ba ang"Jini!" Lumingon ako at hinanap ang tumawag sakin. Si Kenjie pala yun. "Uy Kenj!" Tiningnan ko ang paligid. Mukhang matatapos na pala sila. "Bakit ka andito?" Tinignan ko ulit ang paligid at nakita ko si JR at Hayley na nagkukulitan. EHEM. "Mamaya na pala ang----" GAAA. Nagkukulitan silang dalawa. NAKAKAINIS. "--Ang fashion show nyo! May damit ka na ba?" Nagsasalita ako pero parang wala ako sa isip. Kasi naman si JR at Hayley eh. TSSS. Tumitingin ako ngayon sa kanilang dalawa. Akala siguro ni Kenjie na sa kanya ako tumitingin, sa likuran nya pala. "AH. Oo! Kinakabahan na nga ako eh..---" DAMNIT! Talaga namang. Tumingin si JR sakin, pero parang wala lang. Nagpatuloy parin sya sa pakikipagkulitan sa Hayleyng yun. GRRRR... "Jini?" Lumingon si Kenjie sa likuran. At, okay, nakita nya kung ano ang tunay kong tinitingnan. At dahil sa inis ko, hinwakan ko yung kamay ni Kenjie at hinila ko sya patungong cafeteria. Nabigla ata sya. Bahala sya. Nung nakarating na kami sa cafeteria, pumili na kaagad ako ng upuan at table at ilinagay ko ang mukha ko sa table. GRRR... "Jini? Nagseselos ka?" Tumingin ako kay Kenjie. "HA? Nagseselos? Bakit naman ako magseselos eh close naman talaga si Hayley at JR!" Tumawa sya ng bahagya. "Ako, nagseselos ako!" Umayos ako sa pag-upo. "Ano?" "Nagseselos ako..." Yumuko sya. "Noon kasi, ikaw etong todo-todo ang pagseselos sa mga babaeng nakapaligid sakin. At ngayon, nihindi mo na ako makausap ng maayos. May iba ka na ngang mahal!" MAHALLLL!? OHINDI! Ayoko ng ganito. "Pero Jini, kailangan mong malaman na mahal pa rin kita hanggang ngayon. At mas MAHAL na kita ngayon kesa sa noon. Pero, since may boyfriend ka na at nakikita kong mahal mo sya, wala na akong magagawa. Pero kung makita kitang

umiiyak dahil sa kanya, baka bawiin kita." "NAKS. Bawiin? Ano ako laruan? Tsaka, ano ka ba! Masyado kang seryoso." Hindi ko naman kasi mahal yung taong yun eh. "Jini, totoo ang sinasabi ko." Tumingin sya sa likuran ko. "Andyan na sya." Lumingon naman ako. TAKTE. Hanggang dito sa cafeteria kasa-kasama nya si Hayley at hanggang dito nagkukulitan parin ang dalawa. GRRR... MOMENT NILA YUN! OKAY so be calm. Kung makaasta ako parang TOTOONG girlfriend nya ako. "Puntahan mo na sya. Kung hindi ka aalis sa table natin, ibig sabihin pinipili mo ako. Kung aalis ka naman, sya." WAAAH. Kenj wag ka naman magdrama ngayon! Kitamz na may kalampungan yung boyfriend ko eh. Tsaka, ang PRIDE KO BEIIIBEH. Hindi ko alam kung anong gagawin ako. TUMAYO AKO. Tumingala si Kenjie sakin. At umupo ulit. Huminga ako ng malalim. So what if hindi ako pupunta kay JR pero aalis ako dito noh? "Hindi ka makapagdecide?" "HUH? UHM." "Nalilito ka ba?" "UHM." Tumayo ulit ako at... OKAY, since andyan naman sina JR sa likuran ko (kung saan may exit na malapit), may exit din naman kasi se kanan ko at may exit din sa harapan. Why don't I just exit sa kanan? Para hindi masyadong malayo? HEHE. Okay yeah. I've decided. Lumingon ako sa kanan. Nagmukha akong robot, at dahan-dahang umalis. Mukhang napalingon si Kenjie sakin ah. HEHE. wala akong pinipili. UNFAIR ba? HMM Biglang may humawak sa braso ko at ang sakit. "Ginugutom ako. Halika na!" Si JR! Lumingo ako sa upuan ni Kenjie. AT, wala na sya doon. Asan sya? Nakahawak sya sa kamay ni JR na nakahawak naman sa braso ko. "EH?!" "Pare, bitiwan mo sya!" "Bakit? sino ka ba?" Umaamba ng suntok si JR. AYAN na naman tayo. Lagi na lang ganito. Pinigilan ko sya syempre. "JR tama na nga! Kenj, sige, mauna na kami." Basagulero talaga! Hinila-hila ko si JR papalayo kay Kenjie. Lumilingon-lingon pa sya kay Kenjie. GRRR... Isip-bata talaga. "Jini!" Tumigil ako sa pag lalakad. "Sabihin mo sa boyfriend mo na hindi ako titigil. Tsaka ganyan ba ang boyfriend na gusto mo?" "ANOOOONG SINABI MO?" Hinila ko ulit si JR... GRRR. BASAGULERO talaga. Umalis na kami.

♥17♥ Post #2:

Hayley Anderson: She knows that?
HMMF. He fetched Jini pala. And they are heading off this way.

"Umupo ka! " Habang tinuro ni JR yung upuan beside me. "Hi Jini!" Ngumiti si Jini kay King. "Hello!" Mukhang naiilang ata si Jini ah. "UH. Pumunta ka mamaya ah!" "Ano? Sa fashion show nyo ba? UH, pinapauwi kasi ako ng maaga ni Tiya eh." "Akin na ang cellphone mo. " "Bakit?" "Tatawagan ko sya." "HUH?" "Sasabihin ko sa kanya na gagabihin ka." "Wa'g na!" "Akin na sabi eh!" Ewan ko kung nagkukulitan ba tong dalawang to o ano. "UHHH. You have met her parents?" Tinanong ko si JR pero si Jini ang lumingon. "Wala na akong parents." "I see." Yumuko ako. "Grabe it seems like the two of you are really close! " Ngumiti si JR. "Syempre naman." "So, Jini alam mo ba kung ano ang paboritong pagkain ni JR?" Parang nalilito si Jini sa tanong ko ah. "HUH? AHHHH... UHMMM..." "What? You don't know?" "HUH? Ah eh." Tumingin si Jini kay JR. "His favorite food is pasta, Jini." Pinilit ni Jining ngumiti. "Do you know whats his favorite sport?" Nagtanong ulit ako to test her. At ngayon, ang sama na ng tingin nya sakin. "Hayley, tama na!" Sinaway ako ni King. "Why? What's the matter?!" Napailing sya. "UHM??" Gustong magsalita ni Jini pero mukhang iniisip pa nya ng mabuti. Si JR naman, nakatingin lang sakin, walang expression ang mukha. "How can you like each other kung hindi nyo pa talagang kilala ang isa't-isa? Have you seen Joshua play any sport? Or what is his hobby?" Tinaas ko ang isang kilay ko.

Tumayo si Jini. Mukhang nahahalata nya na kino-corner ko sya. "alam mo kasi Hayley... Sorry ah, alam kong ayaw mo ako para kay JR." sya. Ngumiti

Aalis na sana sya pero... "Jini, hindi mo pa nga ako nasagot sa paboritong sport ni Joshua. Ano?" Tinitigan ako ni Joshua. "Hindi ka man lang ba mag-gi-guess kung ano?" Ayan, ipinapamukha ko sa kanya na wala syang alam kay Joshua. Lumingon si Jini sakin at... "Surfing?" Nabigla ako. Napalingon ako kay Joshua. Umalis si Jini, lumingon din si Joshua sa kanya at mukhang nagtataka at nabigla din. "She knows that?" Nagtaka ako. at mukhang nagtataka din si JR ah. Tumayo si King. Susundan nya ata si Jini eh. Pero mas mabilis kumilos si JR kaya mas nauna sya.

What's happening here?

♥♥♥

Joshua Rian Te: ASAR ka ah!
Panu nya nalaman na mahilig ako mag surf? Asan ba sya? Hinahanap ko sya ngayon sa labas ng cafeteria. I think the things are getting complicated. Lumingon ako sa soccerfield. Andun sya, nakaupo sa grass kaya linapitan ko. "SURFING? Sinong nagsabi sayo nun?" Lumingon sya at nabigla ata. "Ba't ka nakasimangot dyan? Nainis ka ba kay Hayley?" Hindi parin sya nagsalita. Umupo ako sa tabi nya. Tiningnan nya ako na parang sinasabing 'ba't ka andito? wala ako sa mood'. TSK. "Ano? Pumunta ka mamaya ah!" Nakasimangot parin. "Bakit ba kasi ayaw mo kay Hayley?" "HUH?" "KAYO NA LANG KAYA DALAWA ANG MAG IBIGAN!"

Nabigla ako dun. 'IBIGAN'? Ang sagwa pakinggan. Tumawa ako. "HAHAHA... Ano ka ba? Ayoko nga, bakit ko pipilitin ang sarili ko sa kanya." "Nandadaya na tayo sa kanya." "HUH-" "Alam mo namang hindi to totoo diba?" "Oo! Alam ko!" Tumingin sya sakin. "Nakakainis kasi umarteng girlfriend mo eh." "Bakit? Madali lang naman yun ah!" "Wala naman kasi akong alam sayo. sigurado ako, malalaman at malalaman din ni Hayley ang tungkol sating dalawa. GRRR..." Linagay ko ang index finger ko sa noo nya. "Malalaman nya lang yun kapag may sasabihan ka!" Pumikit pikit ang kanyang mata habang binibigkas ko ang mga salita. "Bakit ba kasi... GRRR..." Sinandal nya ang kanyang baba sa kanyang tuhod at pinaglaruan ang mga damo. "Ni hindi pa nga kita nakitang naglaro ng soccer. Tsaka, guess ko lang yung surfing." "GUESS? Hahaha. Imposible, ano ka? Imposibleng maging guess ang surfing, mas maniniwala siguro ako kung basketball ang sinabi mo! Nag research ka tungkol sakin no?" "Ano? Ano ka hilo?! Hindi ah." Tumigil sya sandali sa paglalaro sa mga damo. "Basta, mamaya, manood ka sa fashion show ah! Ang gwapo ko mamaya." Tiningnan nya ako ng parang nandidiri. "Ano? Ha? Wag si Kenjie ang panoorin mo mamaya! AKO! HA?" "Ba't ko naman panonoorin si Kenjie?" "Gusto mo pa sya diba?" Halata naman eh, kanina nga-"Panu mo naman nasabi?" "EH, nakita ko kayo kaninang nagHOLDING HANDS eh." "Ano? Wag ka ngang asar. Nagmamadali kasi ako kanina kasi nakita ko kayo ni Hayleyng nagkukulitan eh." She bit her lower lip na para bang may nasabi syang dapat hindi nya sinabi... HAHAHA. Nagseselos sya samin ni Hayley? HAHAHA. "HA? Ano ulit? Nagseslos ka no?" I pinched her nose. "Hi-hindi ah." Hindi sya makatingin sa mga mata ko. "Kung ganun? May gusto ka sakin?" Lumapit ako ng konti sa kanya. "Hi-Hi-Hindi." Linapit ko pa ang mukha ko sa kanya. Pumikit ako. HEHE. Hahalikan ko sya? Aasarin ko lang. Pagdilat ko, nakita ko syang tinaas ang kanyang kilay at itinapon sa mukha ko ang

DAMONG nakuha nya sa paglalaro sa damuhan. *PWE* Tumayo sya at tumakbo papalayo sakin habang tinatanggal ko ang damo sa mukha, buhok at damit ko. ASAR talaga ang babaeng to. Mukhang hindi ko na ata sya mabibilog ngayon ah. Hinanap ko sya, at nakita ko syang nakatao malayo saking at naglahad pa sya ng mga nakakainis na mukha at behlat. PUCHHHA. Nakakainis.

=P

"NYENYENYENYE... PANGIIIIT ANG BOOOYFRIEND KO.... NYENYE." Grabe, she is catching every passerby's attention. Nakakahiya, hindi nya man lang naisip na masyado akong sikat para ganituhin. TSAKA, kung hindi lang natatakot ang mga taga Communications sakin eh di matagal na syang na bugbog sa mga intriga. KALOKOHAN. Tumayo ako at hinabol sya. Pero, ang layu-layo nya na talaga eh. Tinawagan ko na lang sya..."HELLO?" "NYENYENYE. BEHLAAAT!" "ASAR ka ah! Pag maabutan kita, patay ka sakin." "BLEEEEEEEEEEEEEEEEH. " "Di bale na nga, marami pa akong gagawin. Tutulo yung laway mo pag makita mo ako mamaya sa fashionshow. Sakin ka lang tumingin ah. Kung titingnan mo si King, o si Kenjie papatayin kita!" "BLLEEEEHH! " Parang bata. "Di ako pupunta mamaya baka patayin mo ako. HAHAHA" "Bahala ka. GRRRR... " Binabaan ko sya ng telepono. HAAAY. Marami pa akong gagawin. Napangiti ako. Yung babaeng yun talaga. NAKAKAINIS KAHIT KELAN.

♥17♥ Post #3:

Jini Punzalan: ayoko sabi!
5pm na ah, kanina lang natapos ang last class ko, ba't andito pa ako? TSSSK. Obligasyon ko ba talagang manood ng fashion show nung walang hiya kong boyfriend? TEKA. Bakit ba ayaw kong manood? Naiinis kasi ako kanina eh. Ba't naman ako maiinis? Kasi si Hayley. SI HAYLEY? Teka, nagseselos ako? DAMNIT. Okay. Tumayo ako, nakaupo kasi ako sa isng bench sa likuran nung place kung saan magaganap ang fashion show nila eh.

Manonood ako! Kasi! Ang ibig sabihin kapag hindi ako manonood ay....GUSTO KO SI JR. Akala nya ha! Sige, manonood ako. Alam ko na! Pupunta muna ako sa dressing room!!! HAHAHA. Oo. Kaya pumunta ako sa dressing room! Habang tumitingin-tingin ako sa paligid. "Jini!" Paglingon ko, si Tanya pala. "Huh?" "Hindi ka ba sinabihan na bawal dito ang mga hindi taga CC?" "Huh? Ah ganun ba?" Biglang sumulpot si King. Nakabihis na silang dalawa ah. Kung ganun... "Hayaan mo na lang sya Tanya." Tumingin si Tanya kay King at umalis. "King! Salamat ah! Nakakahiya na talaga ako lagi na lang akong nagdudulot ng hindi magandang bagay sayo!" "Okay lang yun! Ano? Malapit ng magsimula ang fashionshow ah. Pumunta ka na dun sa harap ng stage!" Tumango ako. Tumango rin si King. "Sige! Goodluck!" Umalis na ako. Habang ako'y papalapit na ng papalapit sa nasabing stage kung saan gaganapin ang fashion show ng Camera Club, nadatnan ko ang napakaraming tao na pumipila. Hindi ako makapag-isip. Tinitingnan ko na lang ang mga upuan na may mga taong nakaupo na rin. "Excuse me miss, pumila ka naman ng maayos!" "Oo nga! Oo nga!" Lumingon ako, ang daming babae. Sandamukal na babae at lalaki at bading ang tumambad sa pagmumukha ko. Pare-pareho ang expresyon nila. EH WALA NAMAN TALAGA AKONG PLANONG MANOOD EH! HUHUHU. Napilitan akong pumila. "Jini! Halika na!" Lumingon ako sa tabi ko, si Patrick pala - isa sa mga kampon ni JR. "HUH? Hindi ka ba kasali sa fashion show?" "Kasali, pero sinabi kasi sakin ni JR na mas mabagal ka pang kumilos sa pagong, kaya pinapunta nya kami dito para hanapin ka." "Ano? Bakit ba kayo pumapayag na utos-utosan lang nung mokong na yun?" "Haaay, eh sa gusto namin eh, tsaka, lider namin sya. Sige na!"

Linabas ni Patrick ang RADIO/CELPON nya. "Hello--hello. Natagpuan ko na sya. Dadalhin ko na sya doon. ROGER.." May sumagot naman na..."COPY." Ano ba yun? Nakakalaglag panga yung ginagawa nito ah. EH? "Ano yun?" "Pinaalam ko lang kina Anton na nakita na kita para hindi na sila maghanap." "EH?" Naman oh. Ang sagwa naman nun! Ang baduy. HAHAHA. Tinulak nya ako papasok ng venue. "HOOOY Ano ba yan? Ang daya-daya!" Sumigaw ang isang bading. "Tumahimik ka nga!" Sumigaw si Patrick at tumakbo, nagmamadali ata sya. Mukhang magsisimula na ang fashion show ah. Umupo ako sa natatanging upuan na nakita kong malapit sakin. Wala atang umuupo sa upuan na to dahil nasa gilid at hindi mo masyadong makikita ang mga model. Lumingon ako sa left side ko at... "Jini!" "Christina! Mikee?" Andun din pala ang dalawang ito! "Buti na lang at andito kayo! Akala ko ako lang mag-isa ang manonood!" "Jini! Miss na miss na kita! OOI! Sabi ni Kenjie, kayo na raw ni JR Te? Totoo ba yun?" "O-Oo!" "Naku! Ganun ba?! Hindi mo sinasabi sakin." "Christina kasiii.... eh," Pinaglaruan ko ang kamay ko habang nag-iisip ng isasagot. "O sya sige! Dahil hindi tayo masyadong nagkikita! HMMM. Hindi ko inakalang magiging kayo nun! Diba nga he is famous because, UHM, soccer player? Tapos diba, basagulero yun!?" "Huh? Oo eh, hehehe." "Talaga? Hindi ka ba nya sinasaktan o?" "Hindi naman." "Nakuuu Jini! Anong feeling ng magka boyfriend ng tulad nya?" "Huh? Yun ba? Yung sikat? EH! Naranasan ko naman kasi yun sa kay Kenjie eh." "Pero iba kasi pag yung JR na ang naging boyfriend mo diba?" Ang lakas ng pagkakasabi ni Mikee. Lumingon ang mga tao sakin. "HUH? SHHHHH!" "Diba sya yung girlfriend ni Kenjie? Bakit JR yung panag-uusapan nila?" "Hindi---sya na yung girlfriend ni Te..."

Yumuko ako. Ayan na naman, nagsisimula ng ang mga tao tungkol sakin. Natapos lang yung pag-uusap nila nung sinabing magsisimula na raw talaga ang fashion show! Umayos na ako sa pag-upo, settled na ang lahat. Off na yung lights. Nagsimula na! Naisip ko lang, mas mukhang showdown to ng mga artista kesa sa fashion show ah!? Bakit kaya!? Ang dami kasing taong naghihiyawan sa tuwing lalabas ang mga model. Mapa lalake, mapa babae. Grabe, natetense na tuloy ako. Tumitindig ang mga balahibo ko at kulang na lang magnosebleed ako. Maging si Mikee at Christina eh nakikihiyaw din. Ang galing! Ang gaganda ng mga modelo. Teka, kailangan kong isipin... sino nga ba yug mga kilala ko sa CC? Lumabas si Anton, Patrick at iba pa.... Unti-unti ng naglalabasan ang mga kilala ko. Unti-unti na ring dumagsa ang mga tao sa likuran patungo sa front. May ibang nakatungtong na talaga sa kanilang upuan at may hawak-hawak na digital camera, cellphone at maging video camera para lang makunan ang mga modelong gusto nila. Mas dumami na rin ang mga naghihiyawan. Tumayo na ang mga nasa unahan ko. Tumayo na rin si Mikee at Christina dahil hindi na nila makita. Napatayo na rin ako. Bawat modelong lumalabas, chini-cheer nila sa pangalan. Lumabas si Tanya.

Si Kenjie.

Ang lakas talaga nya sa audience.

"Kenjie-Kenjie-Kenjie."

Napangiti ako, gusto nya kasing maging modelo simula pa nung high school kami. Bagay naman sa kanya ang pangarap na yun dahil gwapo naman sya at may ibubuga. Hindi pa umalis si Tanya at Kenjie sa stage.

Lumabas si King, sya lang mag isa. Ang lakas ng dating nya, siguro dahil matalino, cute at mabait sya. Alam siguro yun ng lahat.

Lumabas si Hayley. Look, namimilipit na sa sakit ang tiyan ko dahil na te-tense na ako sa paglabas ni JR! Bakit ang tagal nya! Of course, dahil sya ang president. TAKTE. Bakit ganito? Yinugyog na ni Christina ang buong katawan ko para lang matauhan. "Jini-Jini! Ang gwapo na ex moooo!" Parang soprano ang boses nya. Lumingon yung babae sa unahan at parang may sinasabi sa katabi nya. "JINI!!!!" Hinila ako ni Mikee at Christina. Sumingit kami dahil nga sumingit na rin ang ibang mga estudyante para lang humarap. Habang nag po-pose-pose pa sina Hayley at King. Lumabas si JR. Masyado na talagang maraming tao at parang hihimatayin na ako sa sikip ng tinatayuan namin. Ang daming babae, siniko pa ako nung katabi kong WARSHOCK kay JR. Ang sakit tuloy ng BOOBS ko. MEHHHN, napahawak ako sa BOOBS ko habang yinugyog ulit ni Christina ang left shoulders ko habang binibigkas in soprano tone ang mga salitang..."PERO JINI MAS GWAPO ANG BOYFRIEND MOOOO!" Ang daming lumingon sakin, pero ganun pa man, patuloy sa paghiyaw ang mga tao. Pagkatapos ng fashion show na to mukhang magkaka breast cancer ako. "JR! JR! JR! JOSHUA JOSHUA JOSHUA!" Tumingala ako sa stage na malapit na pala sakin.

Si Joshua - este - JR ang yabang-yabang ng mga pose nya. Parang SUPERSTAR na lumabas sa TV at dinudumog ng sangkaterbang fans nya. Strike 2 sa BOOBS ko, at meron pang tinutulak ako papalayo sa stage at meron pang sumisingit sa gitna namin ni Christina. Left-right-left-right akong pinagtutulakan ng kahit sino. Pero nakatingala parin ako at nakanganga dahil sa YABANG na ipinapakita ng Presidente ng Camera Club. Bigla syang tumigil sa FRONT at GITNA ng stage at nag bow. Lalong naghiyawan ang mga tao... Ni hindi ko na marinig ang sinasabi ng speaker eh. Napa takip ako ng tenga habang nakatingala parin sa stage na may nakakasilaw na lights. Biglang tumingin si JR sakin. He touched his lips and theeeennnn, tinuro nya ako.

"EHH?" Tumigil sa hiyawan ang mga taong nakikita ako at lumingon sakin. Yung mga hindi naman nakakita, eh hindi ma gets ang ginawa ni JR. FLYING KISS? SAKIN? WAHAHA. JOKE!? He bit his lower lip pa. Nagpapacute! Lalong lumakas ang pintig ng puso ko... NYAHAHAHA. Tumataba ang puso ko. NOOO! Natapos na ang fashion show. Unti-unti ng nag-uuwian ang lahat. Nasa labas ako ng dressing room. May mga babaeng dumaan sa harapan ko at narinig kong..."Ang swerte naman nung girlfriend ni JR Te ano?" "Diba yung GF nya ngayon ay yung EX ni Kenjie?" "HUH? Oo nga! Naku! Basura." "Sinong basura? Si JR?" "Hindi! Yung girlfriend nya!" Nagtawanan sila! Pupuntahan ko na sana pero may humawak ng kamay ko.

"Sasama ka sa victory party namin!" Talagang declaration sentence. Lumingon ako at nakita si JR na may dalang bag na naka lagay sa left shoulders nya. "EH? Bakit? Victory?" Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso at napaupo ako sa sahig. Narinig ko ang tiyan kong nag sasabing 'WE ARE HUNGRY'. "TSK. Kami ang nanalo sa Show-off! Kita mo naman ang tao dun. Dinagsa kami. Kaya, victory party!" "HUH? Ayoko! No trespassing ako dyan!" Tumingin ako sa sahig. Umupo na rin sya para makita ang mukha ko, kung saan ko naman tinatago dahil na hihiya ako sa kanya.

He pinched my nose. "ANO BAHHH Ayoko sabi eh!" Nabigla sya, nasigawan ko kasi, ginugutom na nga yung tao, iniinis pa! GRRR... Mas nabigla ako kasi tahimik at hindi sya umimik habang nakaupo sa harapan ko at tinitingnan ang mukha ko. Unti-unti ko syang tiningnan at pumikit ako kaagad dahil NAHIHIYA AKO. Ngumiti sya ng NGITING DEMONYO. "Ang gwapo ko no?" Naalala ko tuloy ang award winning kong 'ANG PANGIT NG BOYFRIEND KO.' Sa post 17.2. HUHU. Hinawakan nya angchin ko at hinaharap nya sa mukha nya. Pero kahit nakaharap na, ang mga mata ko, nasa sahig parin. NAHIHIYA NA AKO TALAGA. "Tingnan mo naman ako oh!" Sinabi nya yun na parang nanlalambing at napakalamig ng boses nya. LORD! PLEASE HELP ME! I DON'T KNOW WHAT TO DO. "Oi! Lahat ng tao naghihiyawan dahil gusto nila akong makita, tapos ikaw..." YABANG MO! "Tingnan mo naman si Joshua Rian Te, parang awa mo na." Parang gusto ko nang umiyak dahil sa bilis ng pintig ng puso ko. At parang gusto ko na syang yakapin at sabihing 'tama na please? kasi mukhang inlab na ako sayo.' OH MY. Sinabit nya ang buhok ko sa tenga ko. Mukhang pulang pula na ang ilong ko. NANGINGINIG ANG BUONG KATAWAN KO. "Tingnan mo naman ako Jini oh. Ikaw lang ang gusto kong makakita sakin." Ang lamig ng boses. Hindi ko na kaya. TALAGANG TININGNAN KO SYA. TINGIN NG NAIINIS PARA HINDI MAHALATA NA INLOVE NA AKO SA KANYA! "HAY sa wakas. tumingin din ang babaeng gusto kong tumingin sakin." "JR naman eh, ayokong sumama!" Ginalaw ko ang mga paa ko at mukha ko at nagpakita ng expresyon ng batang hindi binilhan ng BARBIE DOLL. "JR naman eh, ayokong sumama!" Sinabi nya ulit ang sinabi ko at ginagaya pa ang

boses ko. "Naiinis na ako." "Naiinis na ako!" Unulit nya ulit. GRRR... Linagay ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko. "Hindi mo man lang ba naisip na ako ang laging masusunod dito?" Malambing parin ang boses nya. "eh sa ayoko. ayoko sabi." Ano ba tong ginagawa namin? Pinilit nyang tanggalin ang kamay ko na nakadikit sa mukha ko at natatakpan ang mata ko. "TEKA nga! Ikaw yung gusto kong makakita sakin pero bakit ayaw mong tumingin?!" "O AYAN!" Tinanggal ko ang kamay ko at ipinakita sa kanya na tumitingin ako sa kanya at bahagya akong umiwas sa mga mata nya. 'JR! Tama na nga. Para kang bata! JOKE LANG NAMAN TO EH! Bakit kailangan may ganyan pa?' Akala ko na bigkas ko yun, pero hindi noh! Sana lang may lakas ng loob akong bigkasin yun! GRRR... GOSH! Hindi ko na alam kung alin ang totoo dito at alin ang hindi. Kung bakit ba kasi ako pumasok sa ganitong klaseng problema eh!?! Ayan tuloy, mukhang natututunan ko na syang mahalin. At mukhang hindi na plastic ang mga ginagawa ko. PAPAANO NA TOOO? "Halika na! KAKAIN NA TAYO! I-lilibre kita!" Tumayo na kaming dalawa. Panu na to? Hindi ko carry ang maging OUT-OF-PLACE again. VICTORY PARTY >.< ♥♥♥

Chapter 18 Let Me Share Your Pain
♥♥♥

Jini Punzalan: Hindi po ako yun!

"Bakit sya andito?" Narinig ko yun kahit naka-upo ako sa sand na parang bata at gumuguhit ng heart gamit ang kamay ko. >.< Sabi na nga bang hindi ako welcome dito eh. Hindi nga kami sumabay sa ibang taga Camera Club eh, FOR SHORT, nag punta kami ni JR dito na kami lang dalawa. "Girlfriend ko sya eh!" Sabi ni JR kay Hayley! As if hindi ko narinig. I'm crossing the line na pala, I'm in love with JR na kasi. GRRR... >.< If this continues talo na ako. Ang pasaporte ko sa pagiging hindi-ma-away ay ang 'Girlfriend ko sya eh'. Napakaswerte ko para protektahan ni JR. Pero mas maswerte ako kung mamahalin nya. Hindi naman ako mamahalin nun diba? He is a playboy. SIMPLY IMPOSSIBLE. Kahit na minsan na-ki-carried away ako sa dating at mga PAMBOBOLA nya, dapat hindi nya ako mahalata! Kung mahahalata nya ako, iinisin at pagtatawanan nya lang ako. "Jini! Mabuti at sumama ka!" Lumingon ako at si King pala. "Huh? Thanks King!" "Jini! Tumayo ka nga dyan!" Lumingon ako at nakita ko si JR na nasa loob ng pockets ang mga kamay. Bigla syang naglakad papalayo. Papunta ata sa First Class na Hotel sa kanilang resort kung saan sya namumugad noong naBASAG ko ang ulo nya. Tumayo na rin ako agad at tiningnan muna ang ibang taga Camera Club. Si Hayley, King at Kenjie lang naman ang tumitingin sakin eh. Yung iba, nagpi-picture-picture na. Yung iba naman, naglakad na rin patungo dun sa Hotel. "JR, teka!" Bago ko sinabi yan at hinabol si JR ay tumingin muna ako kay Kenjie. WALA NA TALAGA AKONG NARARAMDAMAN SA KANYA! This is BAD. BAD kasi ibig sabihin lang nun ay...SI JR NA TALAGA. Hiningal ako sa paghahabol kay JR. Nakarating na kami dun sa the same room kung saan ko sya pinakain ng iPod - este - noodles. Well, umupo sya sa sofa at sinandal nya ang kanyang ulo. Ako naman, nakatayo lang sa left side nya. "Ano?" "Dito ka ba ma-?" "Dito." "Kung ganun!" Tinuro ko ang pintuan. "Dito ka rin!" "HAAA?" Eh? Dito rin ako? "Oo naman no! Fully booked na ang first class na hotel ngayon, kung gusto mo, dun ka na lang sa HINDI first class na hotel. Dagdag pa yun sa bayad mo!" "HA? Panu? Ano?" Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "Wag ka ngang matakot dyan! Hindi naman kita pagsasamantalahan eh!" Tumayo sya at nag shower.

Napaupo ako sa sofa. Kung ganun? Kami lang dalawa ang matutulog dito mamayang gabi? . Ay ano ba yan! Kung anu-anong malalaswang bagay ang pumapasok sa kokote ko! WAAAAH. This can't be happening. Kahit na isang gabi lang naman talaga kami dito, kahit na may araw pa naman at masyado pang maaga para isipin ang GABI, may ISANG GABI parin na matutulog kami sa iisang kwarto. Lumapit ako sa banyo at naririnig ko ang lakas ng buhos ng shower. "JR!?" "O!?" "Lalabas muna ako ah!?" Tumigil ang ingay ng shower at lumabas sya. Nakito ko ang kanyang KATAWAN. HAHAHA. Naka tuwalya lang sya ay ang basa-basa pa ng buhok nya. TULO LAWAY sa ABS YUMMY. Agad akong tumalikod. "Ano ba?" "Ano?" "La-lalabas ako." Tumawa sya. "Ano ka ba? Para na mang hindi ka pa nakakita ng katawan ng lalaki ah! May dalawang kuya ka diba?" "HE! Simula nung teenager na ako, wala na sila dito kaya...-" Unti-unti akong humarap sa kanya. Nakaharap sya sakin 1meter away at naka cross and arms. with his EVIL SMILE. Napapikit ako ng bahagya at tumingin sa sahig. I'm cool, I'm relaxed! I'm fine. WAAAH. "Asus! Nahihiya ka pa huh!?" Unti-unti syang lumapit sakin. "Oi JR! Wag huh? Wag ka ngang ganyan!?" Tumalikod ulit ako. "AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!" Hindi ko naman sya naramdamang nasa malapit eh. Tumakbo na lang ako papalabas ng kwarto at agad sinarado ang pintuan! Napahinga ako ng malalim. *SIGH* Muntikan na ako dun ah!!!! "Miss. Ikaw yung?" Tumingin ako sa harapan ko at nakita ko yung isa sa mga body guard na humahabol sakin noon. "Yung---- Yung---- RAPE-?" "Rape?" Oo. Rape! Nung sumigaw ako na rinirape ako ni JR! EEEEEEEEEY. Andyan ka pala Kenjie! WAAAAH. "Ma-ma-manong. Este, sir, este ano, Hindi po ako yun! Baka nagkakamali ka po!

Uhm. Sige po! BABAY!" Agad akong umalis sa harapan nung guard na yun. Lintik na buhay, andyan pa si Kenjie habang sinabi nung mamang guard na RAPE. NAKUUUU! "Jini?" "HA?" Lumingon ako sa likuran. Hindi ko pala namalayan na sinusundan ako ni Kenjie. ♥♥♥

Kenjie Chua: JR Te, imposible
"Kenjie Chua, right?" Sabi yun ni King Alvarez sakin na para bang ngayon lang kami nagkakilala. "O-Oo!" "HMMM..." Tumango tango sya habang humiga sa kama. May dalawang kama dito sa room namin. Tama! Kaming dalawa ang magkasama. Marami kaming mga taga CC dito pero tig-da-dalawa lang kada isang room. Kung tutuusin, masyadong malaki ang room para sa dalawang tao lang. Tsaka hindi din pwedeng babae-lalaki ang nasa room. Well, in exception sa mga authorized persons like JR TE! And since fully booked na ang Hotel na ito, mukhang... GRRR... Napa suntok ako sa dingding. "Bakit?" "Ha-ha? Wala." I'm worried for Jini. "HAAAAY." Napahinga sya ng malalim habang humihikab. "How does it feel?" Linagay nya ang kamay nya sa ulo nya. Kahit na isang gabi lang kami dito... hindi ko parin lubos maisip na Jini and his BF (na si JR TE PAH!) ay nasa isang room. "HUH?" "How does it feel to be the boyfriend of Jini, I mean. " "Ha? UH." Bakit nya naman na tanong? "Hindi ko maintindihan kung bakit mo sya nagawang iwan. " Hindi ko nga rin maintindihan eh. "I will get her back." "Pero, sa pinsan ko? It will be very impossible. UNLESS kung hindi mahal ni Jini si JR."

Pareho kaming napahinga ng malalim. Hindi ko lubos maisip na nag-uusap kami ngayon, ni hindi ko nga sya tinitingnan sa mata kahit na magkapareho kami ng club eh. ~~~Brokeback! LOL. "AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!" Si Jini yun ah!?! Nasa tabing room lang ata namin sya. Tiningnan ko si King, pero natutulog na pala sya! Agad akong lumabas sa room namin at naabutan ko si Jining humihingal habang nakasandal sa pinto ng room nila ni JR. Lalapitan ko na sana sya pero... "Miss. Ikaw yung?" May sumulpot na guard ata o nasa maintainance unit ng hotel na to? "Yung---- Yung---- RAPE-?" "Rape?" Anong rape ang sinasabi? "Ma-ma-manong. Este, sir, este ano, Hindi po ako yun! Baka nagkakamali ka po! Uhm. Sige po! BABAY!" Kumaripas sa takbo si Jini. Sinundan ko sya, hindi nya ata ako napansin at mukhang may malalim na iniisip. "Jini?" "HA?" Lumingon sya. Nabigla ko ata. Nagpunta kami dun sa place na may stairs na nakaharap sa beach. "Anong rape?" "Ri-ri-rape? Ah- Ah wala yun!" Hindi sya mapakali. "UHUH. Ayos ka lang ba?" Tiningnan nya ako. "I mean, kayo lang dalawa ni JR sa iisang kwarto ah? Okay lang ba yun sayo?" "HUH? Wala naman kaming gagawing masama eh, matutulog lang naman kami." "Pero sa PLAYBOY na si JR Te, imposible." "Pero sa BABAENG si Jini, posible." Nanahimik kaming dalawa. Yeah! I trust her, kaya lang babae sya, lalaki si JR, BOYFRIEND nya si JR. ARGH. "Alam mo Kenj. Don't worry about me okay? Tsaka hindi naman ganun si JR kahit playboy yun!" "Huh? Panu mo naman na sabi? Ilang years na ba kayo nagkakilala? This semester lang ata kayo nagkakilala eh!?" "HUH? I've known him since grade 1!" Grade 1? ANONG KALOKOHAN to? "Grade one?" "Yeah! Classmates kami nung grade 1 up to grade 5."

Talaga? Hindi ko alam yun ah! OH GREAT! "Ang alam ko, dinala sya ni Tita sa America pagka grade 6 namin kaya ayun." Tita? Mama ba ni JR? OHW. So maybe she have met his mom! "Kaya ayun, actually hindi ko sya nakilala nung una. Ang taba nya kasi noon tsaka may nerdy glasses pa!!! KAKATUWA NO? DESTINY?" "Huh? AHHH." Destiny. Kinikilig sya sa mga sinasabi nya. Hindi ko inakalang hahantong sa ganito ang lahat! ARGH. "Ang saya no?" Napaka innocente ng mga tingin nya. Kung naiisip ko yung mga mata ni JR na napaka-HINDI-INOSENTE mas lalo lang akong nagagalit sa sarili ko. why did I let her fall for that FCUKING GUY at the first place? Tumingin na lang ako sa dagat. I don't wanna ask further about JR Te. Malakas pala ang alon ngayon. TSSSK. Perfect for surfing?

♥18♥ Post #2:

Hayley Anderson: Bakit kailangan
Papunta sana ako ng beach nung narinig kong... "Alam mo Kenj. Don't worry about me okay? Tsaka hindi naman ganun si JR kahit playboy yun!" "Huh? Panu mo naman na sabi? Ilang years na ba kayo nagkakilala? This semester lang ata kayo nagkakilala eh!?" Nagtago ako. Si Kenjie at Jini pala yung nag-uusap. "HUH? I've known him since grade 1!" "Grade one?" "Yeah! Classmates kami nung grade 1 up to grade 5." Umalis ako at bumalik ako sa room namin. Kung ganun? Since grade one pa pala sila magkakilala ni JR? TSSSK. "Oi Hayley! Nakita mo ba yung sunblock ko?" Napatingin ako kay Tanya. Magkasama kami sa iisang room. "Huh? Hindi eh!" Umalis agad ako at nagpunta sa room ni JR.

I knocked. Bumakas naman agad ang pinto. "JR! Uhm..." Tumingin ako sa gilid nya at nakita ko ang surf board nya. Matagal-tagal ko na rin syang hindi nakita na nakahawak ng surfboard. "Mag su-surf ka?" "Oo, malakas ang alon eh. " "Pero diba?" "-ano ngayon?... Bakit ka nga pala andito?" Napakamot ako sa ulo ko. "Si Jini... Magkaibigan na pala kayo since grade 1?" "Oo? Saan mo naman yan narinig?" Naglakad papaalis si JR kaya sinundan ko sya. "Kay Jini." "UHH." "I accidentaly heard it. Nag-uusap kasi sila ni Kenjie eh." Tumigil sya sa paglalakad. "Asan sila?" "Sa front ng Hotel. Sa labas." Nagpatuloy sya sa paglalakad at mas mabilis pa. "JR, sandali!" "What?" "Bakit kailangan mo pang mag surf ngayon? Diba hindi ka na pinapayagan?" "Talaga? I don't care. I wanna show my girlfriend my REAL hobby!" Umalis sya. Naiwan ako dito. That Jini na naman. GRRRR... Nakakainis na talaga! I'm here na nga para bantayan si JR sa kanyang mga gagawin, tapos yung girlfriend nya naman pala ang magpapahamak. ARGH. Is it possible that Joshua really in love with that girl? AHHHH. I need to tell his father about this. ♥♥♥

Joshua Rian Te: magagandang babae
"Bakit kailangan mo pang mag surf ngayon? Diba hindi ka na pinapayagan?" "Talaga? I don't care. I wanna show my girlfriend my REAL hobby!" I won't be like my brother. Bakit ba kailangan pang pagbawalan akong mag surf? Porke ba't magkapareho kami ng hobby ni Kuya eh, magkapareho din kami ng kapalaran? UNREASONABLE. Hindi naman ako mamamatay tulad nya eh. Why do I always get

compared to him? Kahit magkapareho kami ng mukha? Magkapareho kami ng hobby? Hindi naman kami magkapareho ng ugali eh. Nakikita ko si Jini at Kenjie. "Jini! Asan na ba yung bikini mo?" "Huh?" Nalaglag ang panga nya. "Wala diba? Hindi mo ba dinala o--?" "Ano? Hi-hindi naman ako mags-swimming eh!" "Hindi pwede!" Tiningnan ko si Kenjie. Kay Jini naman sya nakatingin. Si Jini naman, parang naasiwa. "Sige, sige, bumili ka na lang dun!" Itinuro ko yung souvenir store sa loob ng first class hotel. "Ha? Bakit ba kailangan pa? Hindi naman ako." "BUMILI KA SABI EH!" Tiningnan ako ni Kenjie, nagulat ata sya sa inasal ko. "Para saan nga kasi? TSSK." Kinamot ni Jini ang kanyang ulo. "Tsaka, wala naman akong pera eh." "Edi, sabihin mo, i-charge sakin!" "Naman oh!!!" Biglang nagpakita si Tanya. PHEWWW. HOT girl. Naka bikini na kasi sya.

"Oh Jini! Ba't di ka pa nagpapalit?" "Huh?? EHHH?" Napakamot ulit sa ulo si Jini. "Ano ba?! Bumili ka na dun." "Ang totoo, hindi pa kasi ako nakakapag soot ng bikini eh." Ang labo naman nya. Ano? HAHAHA. "JR, wag mo na lang syang pilitin!" Oo nga naman, ba't ko ba sya pinipilit? Napahinga ako ng malalim. Napayuko si Jini. HAAAI naku, ang hirap naman kapag napaka inosente ng girlfriend mo no?! TSSSK. Pero noon, ako yung inosente saming dalawa habang binu-bully nya ako. Tiningnan nya ang surfboard ko. "O sya sige. Hindi na lang kita pipilitin!" Ginulo ko ang buhok nya. "A-ano yan? Mag-susurf ka ngayon?" Ngumiti sya at parang nagiging excited. "Hindi muna, mamaya na pag malakas na talaga ang alon!" "Ehh, mapanganib yan ah!" napatawa kaming dalawa ni Tanya.

"MAPANGANIB? HAHAHA

"

Naglakad ako papalayo sa kanila. 5, 4, 3, 2, 1... "JR! Saan ka pupunta?" Kitamz? Alam ko talaga na tatawagin nya ako, kaya nothing to worry kapag mag-wo-walk out ako. It's either, tatawagin nya ako, o susundan. "Dyan lang sa tabi-tabi. Maghahanap ng mga magagandang babae!" "A-a-anong sabi mo?" HAHAHA. Naging hysterical agad sya. "A-Anong magandang babae!" "Syempre. Yung mga, nakaBIKINI! HAAAAY, ang sarap ng buhay." "ABAAAAAAAAAAH! HOOOOY! ARGGHHH. Hindi ako mags-swimming dyan sa dagat noh! Sa pool lang ako." "Hindi pwedeng mag swimming sa pool kapag hindi nakabikini!" "Edi, bibili ako?" HAHAHA. "OWS?" Lumingon ako sa kanila! Nakita ko si Jining nanggigigil ang mga kamay at tumatakbo patungo sakin. "IKAAAWWW. MANYAAAAAK!!!" Tumakbo na rin ako. HAHAHA.. Si Tanya at Kenjie naman, nanonood lang samin. ♥♥♥

Jini Punzalan: Saan sya pumunta?
ARGGHHH. Napilitan akong bumili ng two piece na BIKINI. PUCCCCHAAA naman oh! CONSERVATIVE type ako kaya hindi ako dapat nagso-soot ng mga sooting katulad nito! Kung hindi lang dahil doon sa ABS, este mga sinabi ni JR. HUHUHU. Ayokong mag swimming! Hindi naman ako marunong lumangoy. Andito parin ako sa stairs, nawala na si Kenjie, Tanya, at JR. Asan na nga pala yung bakulaw na yun? Naghanap na kaya yun ng mga HOOOOT GIRLS~? O di kaya, may ka date na yun ngayon? Tsaka? si Hayley? Asan sya? Baka nag date na rin sila ni JR? Tumayo ako at tiningnan ang sarili ko. - kulang, - kulang. HAHAHA. LOKALOKA na ata ako. Feeling ko I'm barenaked! Wish I could flow away to some other day! HAAAY. Umupo ulit ako sa stairs. "HAAAAAAAAY! Ang sarap ng tulog ko!" Si King. Naman oh, sya yung unang makakakita sakin na naka-bikini. HAAAY.

"King! Ikaw pala!" "Jini! Nakabihis ka na pala? Bagay sayo ang bikini mo ah!" Humikab ulit sya. Hindi man lang ba sya na amaze sakin? HEEE.HEHEHE. Hindi naman sya manyak tulad nung isang yun eh. GRRR... "Ang init naman ngayon. Tsaka ang lakas ng alon!" "Oo nga!" Tumingin ako sa dagat at huminga ng malalim. May nakita akong helicopter. Napailing ako. "TEKA, bakit? Si Tito?" "HA?" Tiningnan din ni King ang Helicopter. "Dumating ang Papa ni JR!" "Ganun?" Bakit parang kinakabahan si King? "A-asan si JR?" "Huh? Ang sabi nya maghahanap sya ng magagandang babae." Nagtagpo ang dalawang kilay ni King. "Wala ba syang sinabing iba?" "Sabi nya, magsusurfing daw sya!" "HA?" Nanlaki ang mga mata ni King. "Bakit?" May hindi ata ako nalalaman ah! Napaupo si King sa tabi ko. "Si JR! Hindi sya pinapayagang mag surf dahil sa kanyang kuya!" "Anoooo?" "Dalawang beses na tong nangyari. Eto ang pangatlo. Una, doon sa America, gusto nya talaga kasing mag surfing. Pero sa tuwing naghihintay sya sa alon, laging dadating ang papa nya para pigilan sya!" "Bakit?" "Namatay kasi yung kuya nya dahil na lunod eh, dahil sa pagsusurf!" "HAAAA?" "Sigurado akong papagalitan na naman sya ng kanyang papa. TSSSK." Hindi ko alam yun ah! Mukhang... kasalanan ko to?! Gusto ko kasing malaman ang mga hilig nya. Pero, hindi naman siguro. Pero, nag-aalala na ako kay JR. Asan na ba sya?! ARGH... "Baka pinatawag na yun ngayon! TSSSK." Tumingin ako kay King, at umalis. "Jini!"

"Hahanapin ko lang sya!" Hinanap ko sya ng hinanap. UGH, ganito ba talaga pag first time ka mag soot ng bikini? Pinagtitinginan ka ng mga tao? TSSSSK. "Jini!" "JR!?" Pag lingon ko, si Kenjie pala! "Ang ganda mo ah!" Hinihingal na ako. TSSSK. "Thanks! Asan si JR?" "HUH? May sumundo sa kanyang body guard kanina!" "HA? Saan sya pumunta?" "Sa hotel ata!?" "Wow Jini, I never thought you have that body!" NOOOO! Tanya, wag mo akong bilugin ngayon! I'm busy! Tumakbo ako pabalik sa hotel at nagpunta sa room namin ni JR. Bahagyang bukas ang pintuan, at may tao sa loob. Sumilip ako.

Si Hayley.

Ang Mama ni JR.

May lalaki beside sa Mama ni JR. Papa nya siguro

At si JR.

Tahimik.

♥18♥ Post #3:

Joshua Rian Te: napaiyak kita

Naman oh! Hindi ko na naman magawa! Si Hayley talaga! GRRRR... "Joshua! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" Mahinahon sa Papa. "Pa, malaki na po ako!" "Tito! Pasensya na po sa abala!" "Hija! Mabuti na lang at sinabi mo sakin!" "Excuse me po!" Umalis si Hayley... "DO I REALLY NEED TO COME HERE JUST TO REMIND YOU THAT YOU ARE NOT ALLOWED TO SURF?" Ayan, mataas na ang boses ni Papa. "C'mon, you always do that whenever you see me holding a surfboard." "ANO KA BA? Can't you just live your life without that attitude? You are always causing trouble! Why do you have to be in that extreme sport? MAG SOCCER, BASKETBALL o KAHIT ano ka na! Wag lang yan!" Tumahimik na lang ako. Si Mama din kasi tahimik. "Bakit di mo gayahin si King?" Napailing ako. Bakit lagi na lang akong kailangang manggaya? Nung buhay pa si kuya, gagayahin ko daw si kuya. Ginaya ko sya! At ngayong patay na sya, si King naman ang ipinapagaya sakin!? "Joshua, I heard that you are doing that for your girlfriend? Gisto mo lang bang magpasikat? Mag soccer ka na lang kung gusto mo lang magpasikat!" Napailing ako kay Mama. She knows that I have a girlfriend now? She knows? "Sino ba yung girlfriend mo? Is she that important that you want to show your real interest?" "Joshua! YOU NEED TO LET GO OF YOUR SPORT! Lubayan mo na rin ang mga fraternities mo! TUMINO KA NAMAN SANA? WHY ARE YOU ACTING LIKE A SPOILED BRAT?" Spoiled brat? ARGH. Oo nga! Hindi ako matino! GRRRR... "WHY DON'T YOU JUST CONCENTRATE ON YOUR STUDIES! TAGAPAGMANA KA NG COMPANYA! DON'T DATE MANY GIRLS! Panu na lang kung may mabuntis ka sa kanila? At yung mga hindi pa karapat-dapat ang mabuntis mo?" FCUK. Why is he like that? Ganyan na ba talaga ang tingin nya sakin? why does he have to tell those to me? And what does 'hindi karapatdapat mean'? ARGH. He is pissing me. Lagi na lang ganito. Everytime we meet, ganito lagi. Napapagalitan lagi ako. GODDAMNIT! I don't want anybody to take over my life! Ano ako, DAMNIT! I'm

reaching the boiling point of my patience. Tumayo si Papa. At inayos nya ang kanyang suit. "I need to go back! DON'T YOU EVER RIDE WITH THAT BOARD AGAIN!" "Bakit ba?" "YOU ARE TALKING BACK?" "Of course I am! Malaki na ako and I know what's right and wrong!" Lumapit si Mama sakin at pinigilan akong magsalita. "YOU KNOW WHATS RIGHT AND WRONG? Tell me? Ang pagsuway ba sa utos ko ay tama o mali?" "Pa, DON'T TRY TO BOX ME!" "I'm not BOXING YOU! I'm guiding you!" This time, todo-todo na ang panggigigil ni Papa. GRRR... "JR stop it, your dad just wanted to protect you!" "I CAN PROTECT MYSELF!" Mejo pumiyok ang boses ko dahil mukhang tutulo na ata ang luha ko. ARGH. Why does it have to be like this? Ang kapal ng mukha ni Papa! Hindi naman sya laging nandyan pero nagmamarunong sya! FCUK. "TUMINO KA NAMAN PLEASE?" Humina ang boses ni Papa. "If you think na hindi ako matino, why don't you just try to live with me? Watch me grow? See HOW MUCH I'VE GROWN?" "YOU ARE VERY CHILDISH!" "Don't you ever try to compare me to any body again! My brother and I are different individuals. And I tell you, I'm stronger than him! Kung ayaw mong mawalan ako ng respeto sayo, please, stop talking about something that you don't even know, PA!" SH!T! I need to get outta here because I can't hold back my tears. Naiinis na talaga ako kay Papa! Simula na lang nung namatay si Kuya ganyan na talaga sya sakn. Si Kuya ang dapat na tagapagmana ng companya, pero namatay sya! And now, ako naman. Pero masyado naman ata syang mahigpit! SHIIIIIIIIIIITT! I left them breathless. Wala silang masabi sa mga sinabi ko. Pagdating ko sa door, my tears fell. Buti na lang at hindi nakita nina Mama at Papa, sinabi ko pa naman na I'm strong!

Si Jini! Nandito pala si Jini sa likod ng door. Umiiyak sya. Oh well, she heard everything? We are both crying na! TSSSK. She hugged me.

Pumunta kami dun sa stairs. The sun is setting na pala. "HUHUHU..." Hinihingal sya sa pag-iyak. Ako naman, parang hindi ko na masyadong dinibdib. Lagi naman ganu eh, pero ngayon lang talaga ako nag fight back. Nakakatawa naman tong isang to o! Grabe yung hingal nya dahil sa pag-iyak. Umalis na nga pala si Mama at Papa, bumalik ata sa trabaho. Si Jini, steady lang na nakaupo sa isang step ng stairs. Ako naman nasa likuran nya. I don't know what to say! Bakit nga pala sya umiiyak? masyado bang madrama kami ni Papa? HALAAAA! Naka bikini na pala sya! Ngayon ko lang nakita! ESTE - Ngayon ko lang napansin. TSSSK. I HUGGED HER FROM THE BACK. Nakaswimming trunks lang ako kaya my whole upper extremities is touching her back. My arms is wrapped around her. I can't believe na napaSOOT ko sya ng ganyan. Nabigla ko ata sya kasi naramdaman kong tumigil sya sa paghinga. I whispered. "Shhh... Stop crying. Ang ganda mo pa naman ngayon!" Hindi sya makagalaw. Parang natigilan ata sya. My lips is nearly touching her ear. Bakit parang ayaw ko na syang bitiwan? I HUGGED HER TIGHTER. I LAID MY HEAD ON HER SHOULDER. "Sorry kung napaiyak kita!" I LAID MY EYES ON HER SHOULDER. Hindi parin sya gumagalaw. And I'm still hugging her. The sun is setting down, nakaharap naman kasi kami sa sea. ~~~watta perpek moment ho! Sana may ganung moment ako with ganung-boyfriend din? Nakakatuloy laway. LOL "JR" Humihingal sya kada sabi nya sa salita. "Bakit hindi mo sinabi sakin na hindi ka pala pwedeng mag surf? I don't wanna see you get hurt!" Humihingal parin. "Sorry! Sorry! Sorry! Sorry! Sorry! Sorry! Sabi ni Tita you are doing it for your girl! Sorry Sorry! Sorry! Sorry!" Paulit-ulit nyang sinabi yun habang umiiyak. Napaiyak na tuloy ako. She felt so guilty about it. Narinig nga siguro nya ang lahat!?

"Sorry! Sorry! Sorry! Sorry!" Patuloy parin sya sa kanyang pagsosorry! Mas lalo lang tuloy akong umiyak. JINI NAMAN EH! Buti na lang at hindi nya siguro nakikita kasi nakasandal ako sa kanya. "Ano ba ang gagawin ko? Ano ang pwede kong gawin para sayo?" Umiiyak parin sya. Pero, simpleng ganito lang, gumagaan ang pakiramdam ko. Hindi pa ako nakita ng kahit na sinong umiyak. Kahit nung namatay si Kuya, hindi ako nagpakita ng luha sa harap ng ibang tao. Even with my mom and dad. WALA PANG NAKAKAKITA SAKING UMIYAK - NOT UNTIL NOW! "Kung ganun?! Please depend on me!" DEPEND ON ME? "I'll comfort you! Kasalanan ko ang lahat! Don't worry! Baka, gusto lang talaga ng papa mong protektahan ka. Kaso, mali nga lang ang ginagawa nya." Humarap sya sakin and she hugged me. My head is in her chest. TONG BABAENG TO, Hindi man lang nag-iisip! Ano kaya ang level ng IQ nya? O baka naman mas mataas ang EQ sa IQ nya? Buti na lang ako ang lalaki, kung hindi, naku!!! TSSK. Napaka careless talaga. HMPPF. "Hindi ko alam na ganyan pala ka komplikado." Sinasabi nya yun habang hinplos ang buhok ko. Sige na nga lang, I'll just treasure this moment.

♥18♥ Post #4:

Jini Punzalan: Susundan ko lang si JR
OHHHHHMYYYYYGOOOOOOD. Yun naman siguro talaga ang ini-expect ng
marami na magiging reaction ko sa pag yakap ni JR sakin. WAAAAAAAAAH. His SEEEXY ABS touched my SEEEXY BACK! EHEM-EHEM- ko naman oh! Di porke't boyfriend ko sya (di naman totoo), eh ganun na ang pagnanasa ko. UNBELIEVABLE. Kanina habang yinayakap ako ni JR hindi ako makagalaw! GOSSSSH! Masyadong maraming SKIN ang nagdikit saming dalawa. NAKAKAPANINDIG BALAHIBO! Napatingin ako sa salamin habang binabasa yung mukha ko. Andito ako sa CR. Kanina pa nga ako tinatawag nina Tanya dahil mag paparty kami sa poolside eh. . Sa bagay, andyan naman si JR. Pero, hindi lang naman kami ang tao dito ah? May tourists and

many more. HAAAAY. GOOOOSH I'm falling even more in love with the devil! Panu ko to isisettle? HMMMPF. Kung sa bagay, ang sarap naman kasi nung mga nangyari. WAAAH. I don't know anything about his feelings for me! Normal lang ba yun sa kanya or is it a new feeling? Isa lang ba ako sa mga babae nya or iba ako? WHO KNOWS? TSSSK. May lumabas sa isang cubicle. Si Hayley pala and she is smiling. Bakit laging ganito ang scene naming dalawa? Lagi syang sa cubicle sa CR lumalabas? HEHE. "He-Hayley!" Huminga sya ng malalim bago sya nagsalita. "OH WELL, JR doesn't need me now because you are here na!" Ano na naman ba? Away na naman ba ang hinahanap nya sakin? Hindi ko sya uurungan! NAKUUUUU! Ngayon pang MAHAL NA MAHAL ko na si JR eh. Naglahad sya ng kamay. "Let's be friends!?" Tiningnan ko ang kamay nya at nagtataka. Nakishake-hands na lang ako. "JINI!!!" Si Tanya na naman. Tumakbo sya patungo samin, sa loob ng CR. "Ano ba! Kanina pa kita tinatawag ah?! Tumulong ka naman dun sa barbeque o!" Tumingin sya kay Hayley. "Andito ka rin pala Hayley? Ano ba kayo!!!" Hinawakan ni Tanya ang kamay naming dalawa ni Hayley at hinila kami papalabas. TSSSk. Ang ganda talaga ng BODY ni Tanya. TSSSK. Well, pati din si Hayley. Mga model naman kasi tong mga kasama ko eh. Nakarating na kami doon sa pool side. Ang dami pala namin, at ang ingay pa nila. May nagsasayawan at kung anu-ano pa. Tumingin ako sa paligid, TSSS...Hindi lang pala kami talaga ang andito. Marami, sa banda dun, may mga high school girls. Sa kabilang banda, may mga lalaki naman. Dun naman, may parang isang pamilya. Sa banda dun...ay si JR! SH!T. Bakit parang nahihiya na naman akong makita sya. Para din nung hinalikan ko sya. GOSH! This is not cool! Hindi ako tumingin sa kanya - nagpapa as-if na naman na hindi ko sya nakita. Nakita ko syang lumalapiiiit sakin. PUCHAAAA... Uh-oh! Lumapit ako kay Kenjie at tumulong sa pagbabarbeque.

"Uhhhh, Kenj? Anong maitutulong ko?" Bahagya akong tumingin kay JR na tumigil sa paglalakad. Nainis ata sya kasi ginulo nya ang buhok nya eh. Unti-unting nahulog ang mga mata ko sa bandang-ABS nya ulit. Napasandal ako sa pinakamalapit na table sakin. GOODNESS~! Bakit hindi ko talaga sya matiis? "Jini?" Lumingon ako kay Kenjie habang nakahawak sya ng barbeque. "HUH?" "Bakit? Anong nangyayari sayo?" "W-wala! Nahilo lang ako!" Bigla syang napa hawak sa shoulders at kamay ko. "ANO? OKAY KA LANG BA?" O.A. naman to oh! Parang binibiro ko lang sya eh! Kesa sa naman sabihin ko sa kanya na 'nagnanasa ako sa ABS ni JR'. NAKUUU. >.< "Hindi-hindi oo-ookay lang ako!" Tumayo ako ng maayos. "Bakit Jini? Napagod ka ba sa pagyakap sakin kanina?" WHAAAAAAT? Lumingon ako sa likuran namin. Nakita ko si JR na nakangiting DEMONYO ulit. WHAAT?! mukhang, alam na alam nya na ang mga galaw ko ah! Alam nya siguro na nahihiya ako sa kanya pag may gagawin akong ganun?! WAAAH. Napailing si Kenjie. "UH. Excuse me!" NAKUUUU! Bakit ba hindi ko sya maharap? Kasi naman, hindi naman kasi kami talaga eh. Tsaka feeling ko na feeling nya na masyado akong feeling na totoo tong ginagawa namin. WAHAHA. Gets nyo? Ayoko namang isipin nya yun! Kung iisipin ko pa lang na pinagtatawanan nya ako dahil na inlove na ako sa kanya parang gusto ko ng lumayas sa PLANET EARTH. Naglakad ako sa pool side, at nasalubong ko si Hayley na may dala pang kung-anu-ano. "Jini? May away na naman ba kayo ni JR?" Tumingin sya sa likuran ko kaya napatingin din ako, si JR pala. SUMUSUNOD SYA SAKIN. "HUH? EH WALA NAMAN! I mean, hindi." Umalis ako at mas binilisan ko ang paglalakad. Si Hayley kaya yung nagsumbong sa Papa ni JR? Hmmm. Di bale na nga, bakit ko ba yun iisipin? Problema ko ba yun?

"JINIIIIIIII! HOOOOOOOY! ANO BA YAN! NAPAKA TANGA MO NAMAN!" Lumingon ako on the right side, nakita ko si Anton na may hawak na iPod. EH? Bakit nya ako sinasabihan ng ganyan? TANGA? "HUH?" "ANONG KLASENG UOD BA ANG KUMAKAIN SA UTAK MO AT PARANG INAAYAWAN MO ANG GRASYA?!" Tinuro nya si JR! Nagtawanan ang mga lalaki. Si Kenjie naman, nakita kong napailing ulit. Si King naman nginitian ako. Napakamot tuloy ako sa ulo ko. "PORKE BA'T ANG SEEEEXYY MO NGAYON DAHIL NAKABIKINI KA EEEHHH GANYAN KA NA? TSAKA HINDI KA BA GINIGINAW?" Giniginaw---giniginaw---bakit pagkasabi nya ng giniginaw eh gininaw agad ako? NYE. Maginaw nga pero kaya ko pa naman, hindi pa naman kasi ako nababasa eh. "HOY ANTON! Ano ulit yung sabi mo? SEXY? SEXY BA YAN? buto't balat lang ata yan eh!" Nagtawanan ulit sila. JR TALAGA! GRRRR... Nagpatuloy ako sa pag lalakad. MAGINAW NA PALA HABANG LUMALALIM ANG GABI. Ngayon ko lang narealize na maginaw na pala talaga. Limingon ako sa likod ko and... *BUMP**** Nagkabanggaan kami ni JR. "Ano na naman ba ang mga iniisip mo at bakit parang iniiwasan mo na naman ako?" Napayuko ako. WAAAHAHAHA. C'mon! Bakit hindi ako makapag concentrate sa mga sasabihin ko? "Naiilang ka na naman?" OO! YUN YUN EH! panu ko sasabihin? Na totorpe ako. "AAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Napalingon ako sa 10 feet na pool sa bandang right side samin. "OH MY GOD! AMY! AMY!" May apat na mukhang high school students na sumisigaw. NALULUNOD ang kanilang kaibigan. "AMYYY! AMYYY! ANDREA! ANDREA!" hindi naman ako marunong lumangoy. Lumingon ako kay JR, pero wala na sya sa tabi

ko.

Lumangoy na pala sya at sinagip ang babaeng nalulunod. "JR!" Hindi ako mapakali. Ewan ko kung tatawagin ko ba ang iba, o ang mga taga hotel o lalangoy din ba ako kahit hindi naman talaga ako marunong? ANO?! Ang lakas ng pintig ng puso ko grabe! Ang lakas lakas talaga. Ilang sandali ang nakalipas, nasagip nga ni JR ang babae. Umubo-ubo pa sya. Si JR parang na pagod, basang-basa sya. Pinahiga nya ang babae habang umupo sya sa tabi, ako naman nakatayo lang. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko?! Ano?! Kailangan ko bang i-mouth-to-mouth? "Salamat! Salamat po! Salamat sa pag sagip kay Andrea!" Lubos ang pasasalamat ng mga babaeng sumisigaw kanina. "Kaibigan nyo ba sya? Wala ba kayong kasamang marunong lumangoy?" "Wala eh! Kasi, hindi kami papayagan kung ganun!" Sabi nung chinitang may bangs na tulad kay Cleopatra. TAKTE. Napahawak ako sa magkabilang braso ko kasi umihip ang hangin. Umubo-ubo yung girl. "Sa susunod, wag kayong magpunta dito kapag wala kayong kasamang ganun! Sa itsura nyo, mga high school students pa kayo no?" "HUH? Hindi ah! Mag co-college na kami! Ano ka?" Sabi nung pandak na may strawberry-design ang bikini. Ang ginaw talaga! DAMNIT!

Biglang may nagpasuot sa akin ng polo/jacket galing sa likuran. Lumingon ako, si Kenjie pala. Tumayo naman si JR, hindi nya naman nakita nung sinuot ni Kenjie sakin ang jacket dahil nasa likuran nya ako. "Kuya, wag ka munang umalis. Baka kailangan nyang i-mouth-to-mouth!" MOUTH TO MOUTH BA KAMO? AS IN LIPS TO LEEEEPZ? NO WAAAAY! JR KOOOO? WAG HUH? Kala nyo kahit fresh graduates kayo hindi ko kayo uurungan!! HAAAAAAH! "Hindi na, hindi naman sya napuruhan eh." Nagkamalay ang babae. Tumalikod si JR at nakita nya kaming dalawa ni Kenjie. "UHHH." Pinag laruan ko ang kamay ko. "Magpapalit lang ako." Seryoso ang mukha nya habang ginugulo ang buhok nya. Umalis sya. Binalik ko ang jacket ni Kenjie at..."Susundan ko lang si JR ah!" Tumango naman sya.

At ngayon, ako na naman ang sumusunod kay JR. ♥♥♥

Chapter 19 The Bed Scene?!
♥♥♥

~~~the next post needs parental guidance. JOKE LANG! HAHA.

Jini Punzalan: matutulog na ako
Andito ako sa labas ng kwarto namin. GAAAAAH. I'm shivering! Magpapalit na nga lang ako! Pero, nagpapalit pa si JR sa loob! Bakit ko ba kasi sya sinundan? HUHU. Mag na-night swimming sana ako, kaso parang nawalan na ako ng gana! Kainis naman o! Mukhang sya rin, wala na rin ata sa mood. Biglang bumukas ang pintuan sa gilid ko.

Lumabas si JR, nakabihis na at inaayos ang kanyang buhok. Hindi na ako nagsalita, agad akong pumasok sa kwarto at kinuha ko ang mga gamit ko at pumasok ako sa CR. Napahinga ako ng malalim. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko! Ikaw ba, kung ikaw ang nasa katawan ko an ang gagawin mo? HUHU. Nagbihis na ako at lumabas sa CR, lumabas sa kwarto nang biglang... "Ang tagal mo naman!" Si JR naghihintay pala sa labas ng kwarto! "HUH?" "Buti at naisipan mong magbihis, baka mag-agawan sila dun sa pagpasuot sayo ng jacket!" Hindi ako makatingin sa mga mata nya. Basta, feel ko lang na dapat aalis na ako, kaya umalis ako. Pero, inakbayan nya ako at sumabay sa paglalakad! "Teka nga! Ano ba ang ginagawa mo!" Ayoko naman talagang tanggalin ang kamay nya sa shoulders ko eh kaya ginalaw-galaw ko na lang. "Ano? Girlfriend kita diba?" "EEEEH!" EHEM. Wag nyo po akong sisihin sa sasabihin ko ah? Gusto ko lang kasi talagang malaman kung totohanan na ba ito o still a game! "EH Hindi naman totoo diba?" "Oo nga! Pero walang maniniwala satin na tayo nga kung hindi ako magpapanggap!" "G.A.G.O! Eh wala namang tao ah!" Tumingin ako sa paligid at may nakita akong mga staff at guard sa hotel na kanina pa palang nanonood samin. BRRRR... Naaasiwa ako dahil pareparehong mga mukha parin ang nandito simula nung una akong nagpunta dito! "Excuse me miss." Pumasok kami dun sa restaurant sa loob ng hotel. "Lemonade!" Nginitian ni JR ang waitress. "UH JR, hindi ba tayo uupo?" Tiningnan ko ang mga table, ang daming tao. Halos lahat tourista! "Hindi na! Hinihintay na tayo nila dun!" Habang binibigay ng waitress yung lemonade. Naglelemonade kahit maginaw? WEIRD. TSKKK. "Kayo na?" Usisa nung waitress. Tumango si JR. Naglakad kami papalabas ng restaurant habang sinusundan ng iba pang staff. "Sir, diba sya yung rinape mo?" "HAA?" NAPA-'HA' ako! ANONG RINAPE!?

"Este... yung---" Tumawa si JR. Inakbayan nya ulit ako at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa nakaalis na kami dun sa restaurant! "Sandali nga! Bakit hindi mo inexplain sa kanila ng mabuti?! Kainis naman oh!" Hindi parin sya nagsalita, inom lang sya ng inom ng lemonade. TSSSSSSSK. Kagatin ko yan mukha mo ngayon! Parang hindi nakikinig! RAPE DAW? Ang sagwa kaya nun! EXCUSE ME! I've never been touched! >.< Nakarating na ulit kami sa pool side. "Ang tagal nyo namang mag bihis!" Sabi ni Anton! "You missed the fun!" Dagdag ni Patrick. Yun pala, ang iba sa kanila nag swimming na sa pool at nag laro ng kung anu-ano! WHOAAA. We missed the fun nga. Kaya kumain na lang kami ni JR. Habang kumakain kami, nakikita ko na ang saya-saya nilang naliligo. WOW. Ako naman, hindi naka ligo. Kainis o! TSSSK. T.T Alam ko na, ibababad ko na lang ang mga paa ko sa tubig dun habang pinagmamasdan sila. "UH, JR. Dun lang ako ah!" Tinuro ko dun sa malapit kina Kenjie. Tumango naman sya. May hidden ako. Sana sundan nya ako tapos magtatabi kaming dalawa dun sa uupuan ko. Ang saya kaya nun! Kilig moments, perpek moment! HAAAAY. How I wish! Umupo na ako sa gilid ng pool at ibinabad ko ang aking mga paa sa tubig. HAAAAAY. Ang sarap maligo, kaya lang, hindi na pwede. Tsaka, mukhang hindi na rin maliligo si JR eh. Tumingin ako sa relo ko, 10pm na pala! Ang bilis naman. Humikab ako. NOOOO! Hindi ako pwedeng maantok sa mga ganitong sitwasyon! Marami pang mangyayari kaya dapat wag muna! Baka tatabihan pa ako ni JR dito edi mas masaya. Bakit ba laging may mga wrong timing sa buhay? Ang malas naman... Lumingon ako kay JR.

May grupo ng mga babaeng sa paligid nya. Nginingitian pa nya ang bawat isa, ginamit ko ang mala teleskopyo kong mata ant nakitang ang mga babaeng yaon ay yung mga fresh graduates! Naka bikini parin sila, malamang tumutulo na ang laway ng manyak na yun. NOOOO! Hindi maaari to! May humila sa paa ko na nakababad sa pool. Lumingon agad ako, syempre nakakabigla noh! Umahon sya...si Kenjie pala. Tumingin ulit ako kay JR, nakikita ba nya akong

tumitingin sa kanya o baka naman guni-guni ko lang na tumitingin sya sakin? "Jini! Bakit hindi ka mag swimming?" "HA?" Nasa gitna ako ng pag-po-proseso at pag-iintindi sa mga ginagawa nung mga walang-karapatang babaeng nasa paligid ni JR ngayon kaya wag mo muna akong istorbuhin. "Bakit nagpalit ka na?" "Hindi naman...maliligo...si...uhm...JR...eh." Ang bawat '...' ay nagsasabing humihinto ako. "Ganun bah? Nagseslos ka na naman?" Napalingon ako kay Kenjie. "Huh? Hindi ah!" Tumayo ako. "Aminin mo na lang!" "NO!" Umalis ako na parang GUILTY sa hatol ni Kenjie sakin. Makatulog na nga! Nakakaantok na eh! GRRRR.. >.< selos ka dyan! Dumaan ako sa harapan nina JR para magparamdam na hindi ko gusto ang mga nangyayari. Hindi naman ako tumingin kay JR...EXCUSE ME noh! Bakit ako titingin sa mga babaerong bakulaw? HAH? Akala nya. "Jini!" Sya yun, tinatawag nya ako. YEEEEES? ESTE, no way! Bakit ako lilingon? Baka tinabihan na pala ako ni Sadako edi hindi na lang ako lilingin sa kahit anong side o sa likod, diretso lang ang tingin ko at buo na ang loob ko na bumalik sa kwarto at matulog! "JINI HOOOOY!" Pumasok na ako sa hotel. 'WALA AKONG NARIRINIG. WALA AKONG NARIRINIG! NYENYENYE!' Nakasalubong ko si King na mukhang maliligo din ata sa pool pero nasa loob pa ng hotel. "Jini! Hindi ka maliligo?" Humikab ako. "Hindi na, matutulog na ako eh." "Ganun ba? Sayang naman!" Hindi na ako nagpaalam o nag goodnight basta umalis na lang ako at pumasok sa kwarto, dumiretso sa kama at humiga at pinikit ang mata. ♥♥♥

Joshua Rian Te:

WALANG CHOICE

May papalapit sakin na grupo ng mga babae. Hindi ko naman kilala. "Excuse me, ikaw ba si JR Te?" Sabi nung chinita at cute. "Ako nga!" Nginitian ko, syempre pogi points. "Ako nga pala si Andrea!" Naglahad sya ng kamay! sino ba to? "Salamat ah!" "saan?" I'm clueless. "Sa pagsagip sakin! Nung nalulunod ako?!" AAAAAAAAH! Bikitima ako ng short term memory loss! HAHA. Pasensya na. "AHH! okay! Walang anuman yun!" Napatawa ako. Nakita kong tumitingin si Jini sakin at nandun si Kenjie sa likuran nya. TUMAWA PA AKO. "UH! Saan ka nag-aaral?" Sabi naman nung mukhang si Cleopatra. "UHM sa USM." "AAH. OMG, dun ako mag-aaral!" Sabi nung sinagip ko. Ano nga ulit name nya? "Ganun! Sige! Pwede ka ring sumali sa club namin. Camera Club!" "WOOOW!" Namangha sya. . Nakita kong dumaan si Jini sa harapan namin kaya..."Jini!" Hindi sya lumingon. "JINI HOOOOY!" Pumasok na sya sa hotel. Yung pangit na yun, alam kong narinig nya ako eh! Baka matutulog na sya! Galit siguro yun o baka nag seselos. Bakit ba? May Kenjie naman sya ah! HMMMP. Ilang sandali ng pagmumuni-muni at pakikinig sa mga sinasabi nitong mga babaeng ito, umalis ako at pumasok sa Hotel, nasalubong ko si King pero hindi ko na sya pinansin kahit panay ang tingin nya sakin. Nakarating ako sa kwarto at dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Nagulantang ako dahil tulog-na-tulog na ang girlfriend ko. Maniniwala ako nag nagpapanggap lang sya na tulog kung tinabunan nya ang whole body nya ng kumot. Kaya lang hindi eh! Hinigaan nya ang kumot at naka SHORTPANTS pa sya at bahagyang nakataas ang kanyang tshirt. TANGA! Isang kama lang ang andito. At ano sa satingin nya ang ginagawa nya? ARGGGHH! Kung hindi lang talaga ako maginoo! ? TSSSK. Wag, baka hindi na sya tuluyang makatulog dahil nasa tabi na ako. Tinabihan ko na sya sa kama. Inalis ko ang isang kamay nya sa hihigaan ko at unti-unting kinukuha ang kumot

na hinihigaan nya. Humiga na rin ako. Ayos na sana ang lahat ng humarap sya sakin at lingay ang kamay nya sa dibdib ko. AAAAAAAAAAH! NOOOOOOO! PUCHAAAAAAAA! Jini, wag mo naman akong ganituhin pwede? Girlfriend nga kita pero hindi naman talaga tayo diba? Dahan-dahan kong inalis ang kamay nya sa dibdib ko. Ngunit, datapwa't, subalit, imbis na maalis ko ang kamay (na naglalagay sa kanya sa panganib) eh mas lalo nya akong hinagkan at yinakap. PUCHHHHHHHHA. Anong akal nya sakin? Teddy bear? UNAN? LANGHYA! Hindi muna ako gumalaw dahil wala akong choice. ~~~nga ba? o baka, gusto mo na ang choice? HEHE

WALANG CHOICE!

Tiningnan ko sya, naku naman yung mukha nya malapit na malapit na sa mukha ko. Isang degree lang na galaw sa ulo ko mahahalikan ko na talaga sya. Nararamdaman ko ang paghinga nya. LALALALA. Asan na yung iPod ko? Kailangan ko ng music at kung anu-ano pang paglilibang dahil hindi ko na talaga kaya. Tumutulo na ang pawis ko, kahit maginaw naman talaga! Hindi ko na alam ang gagawin. WAAAH. JINI. PLEASE? At sa kabutihang palad, mukhang narinig nya naman ang sinabi kong 'Jini. please?' kaya tinanggal nya ang kamay nya at bumalik sya sa dating posisyon. Napahinga ako ng malalim at tinanggal ko ang tshirt ko. ANG INITTTT! GRRRR... Jini, panu na lang kung hindi ako yung nandito? Ano ang mangyayari sayo? NAMAN oh! Napaka careless at napaka inosente! Akala nya siguro lahat ng tao dito sa mundo eh mapapagkatiwalaan! Humiga ulit ako nung bigla nya na naman akong yinakap.
AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! NOOOO! EHEM. TAKTE. TSSS. Dapat

hindi ko na lang tinggal yung TSHIRT ko! Ngayon, mas nasa panganib na ang buhay nya!!! Nakakakiliti na yung pag yakap nya sakin and she is closer now! Pinikit ko na lang ang mata ko kahit na ang spirito ko naman ay lumilipad. KA-I-LA-NGAN KO NG

MA-TU-LOG PA-RA SA KI-NA-BU-KA-SAN NG SANG KA-TA-U-HAN!
WAAAAH.

zzzZZZ... Wala! Hindi parin ako makatulog. Habang tinitingnan ko sya mas lalo akong nagpipigil.

Unti-unti nyang linapit ang paa nya sa paa ko. At ngayon, pumulupot na talaga sya sakin. PARA SYANG LINTA! WALANG HIYA. Yung legs nya nasa legs ko na rin. Nakakakiliti pa yung kamay nya na nasa abs ko malapit. ANG HIRAP NAMAN NG BUHAY O!

♥19♥ Post #2:

King Alvarez: bakit hindi ka mapakali?
Nag-aalala ako kay Jini. Sila lang kasi dalawa ang magkasama ni JR sa kwarto eh. At ngayon, sumunod na si JR. Magdamag silang magtatabi at boyfriend nya pa si JR. AAAH. Hindi sila pwedeng magtabi eh! Mali ata to. Umupo ako sa poolside at nakita ko si Kenjie na hindi mapakali. "Ano?" I asked him. "Huh?" Mukhang hindi sya nakinig sakin eh. Parang binase lang nya sa mukha ko. "Ang sabi ko, bakit hindi ka mapakali?" ~~~brokebackk! AYIEE... joke lang! "Si Jini kasi!" Napakamot sya sa ulo nya. "Hindi naman siguro." Lumingon sya sa likuran nya, napatingin din ako at tiningnan kung sino ang nagsalita. Si Tanya pala! "HUH? I mean, wala naman sigurong mangyayari sa kanila diba?" Sabi nya yun while holding a goblet. Napatigil kaming tatlo.

1...

2...

3...

4...

5... seconds... Bigla kaming umalis sa kinalalagyan namin at nagpunta sa loob ng hotel. Hindi kasi talaga ako mapakali, at hindi ko lubos maisip ang magagawa ni JR. Ganun din siguro ang iniisip ng dalawang to. Sa labas ng room nila, na abutan namin si Hayley na nakasandal sa gilid ng door. "Hayley?" "SHHHH..." "Bakit ka andito?" Tanya whispers. "SHHHH... diba si JR at Jini lang dalawa? TSAKA, sa pagkakaalam ko eh, isang kama lang ang nandyan sa kwarto nila!" "ANO?" Parang ginising si Kenjie nung mga sinabi ni Hayley. "I'm worried, they might do it!" GRABE NAMAN TONG SI HAYLEY. "SSSHH! Imposible yun! Kay Jini?" Sabi ni Kenjie. "Kay JR?" Natahimik kami at pareparehong huminga ng malalim. Oo nga, I will not forgive JR if he did that. AAAAAAAH. Lumilipad na talaga ang pagiisip ko. Nagsiksikan kami dun sa pintuan nila at unti-unting tinu-turn ang doorknob. "BUH-KAS SHA!" Mahinang pagkakasabi ni Tanya. Tumango ako. Teka? Ano ba tong ginagawa naming apat? Why are we very worried for them? I'm not worried for JR, though. I'm worried for Jini. JR is a monster! Unti-unti naming binuksan ang pintuan.

*KRRRRRRIIKK...KRRRRIKKK...*
"Ano bah! Dahan-dahan!" Sabi ni Tanya. Imbis na dahan-dahan naming mabuksan ang pintuan, nabulilyaso ang aming pagdadahan-dahan dahil sa atat na si Kenjie. Natapon kaming apat sa sahig at lumikha ng napakalakas na *TUUUUUUGSSSHHH* o ingay.

Nagising si Jini at bumangon. Pinupukpok pa nya ang ulo nya. And if you're wondering kung anong SCENE ang nakita namin? HA. Napakunot ako ng noo, si Hayley naman napahinga ng malalim. Si Tanya nalaglag ang panga. Si Kenjie na LAGLAG ang ulo at .

"UHHH. Ano baaaang ingay--" Pinukpok ni Jini ang ulo nya habang bumabangon galing sa pagkakayakap kay JR na ! Napatingin si Jini sa kanyang paligid at napa-second look sa kanyang boyfriend. "AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!!!" Tulog si JR at nagising dahil sa sigaw ni Jini. "Ano bang ingay yan?" He rubbed his eyes. At napatunganga... "IKAW! ANONG GINAWA MO?" "Huh? Ano ka? Hoy! Kung akala mo na pinagsamantalahan kita? Excuse me no! Ikaw tong nagsamantala sa akin!" "EEEEEEHEM." umubo si Tanya para matoon ang atensyon sa amin. Napakunot noo ulit ako. "HAAAY. Bakit ba kayo andito!? Matulog na nga kayo dun!" Pinukpok ni JR ang kanyang ulo at nagtaka sya kung bakit hindi parin kami umiimik. Hanggang sa..."You did it?" ni Tanya.

♥♥♥

Jini Punzalan:

HINDI AKO MAKATULOG!

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!!!" Bakit walang SAPLOOOT si JR? Tingnan ko yung soot ko, may soot naman ako eh! WAAAAAAAAH. "Ano bang ingay yan?" He rubbed his eyes. Tumingin sya sa paligid. "IKAW! ANONG GINAWA MO?" "Huh? Ano ka? Hoy! Kung akala mo na pinagsamantalahan kita? Excuse me no! Ikaw tong nagsamantala sa akin!" Pero sa itsura nya, parang wala naman talagang nangyari! Pero, bakit ako nakayakap sa kanya? Tsaka, bakit wala syang damit pantaas? WAAAAH. Nakakaduda. Pero, imposible naman atang meron talaga unless nakainom ako! WAAAAH. "EEEEEEHEM." Napalingon kaming dalawa kay Tanya. Andyan pala si King, Hayley, Tanya at Kenjie. Teka! Ba't sila andito. Nakakunot and noo ni King, si Hayley hindi makatingin samin, si Tanya parang sarcastic ang expression, at si Kenjie...imbis na ang mukha nya ang tiningnan ko, mas natoon ang pansin ko sa kanyang FIST. Parang nanggagalaiti sya sa galit. NANGIGIGIL. "HAAAY. Bakit ba kayo andito!? Matulog na nga kayo dun!" Pinukpok ni JR ang ulo nya. I'm still in the state of SHOCK! >.< Tahimik... "You did it?" Pambulabog na tanong ni Tanya. "HUH? Hindi ah!" Agad akong sumagot. "Eh ano naman ang pake nyo kung ginawa namin o hindi diba?" GRRRRR... Tama bang sabihin yun? JR talaga! GAAAH. Minsan gusto ko syang patayin at patahimikin. "ANONG SINABI MOOOO?" Lumapit si Kenjie, nanggigigil at umaamba ng suntok kay JR. Susuntukin na sana nya si JR, pero napigilan sya ni King at Hayley. Si JR naman, hindi man lang natakot o natinag kahit nakita nyang nanggigigil si Kenjie. "IKAAAAAW!~" Tinuro-turo ni Kenjie si JR. Lumapit naman si Tanya sakin. "Kenjie! Tama na yan!" "IKAAAW! WALANG HIYA KA!!!" Nakakatakot. Napatayo ako at napa tabi kay Tanya. Parang puputok na ang mga ugat nya sa ulo dahil sa panggagalaiti nya sa galit.

"WALA KANG KARAPATANG ITULAD SI JINI SA IBA MONG BABAE!!!!" Tinitigan ni JR si Kenjie, with a cool expression parin. "Ano? Bakit? Ikaw? May karapatan ka ba?" Napatingin si JR sakin. I looked away, of course. Huminahon si Kenjie pero may bahid parin ng galit ang kanyang kilos. "Sorry! Sorry! I just can't...aaah." Linagay ni Kenjie ang kamay nya sa kanyang noo. "Excuse me!" Sumunod si Tanya sa kanya. Ngayon, si King at Hayley na lang ang andito. "Joshua. I don't care if you did it or not, okay? Besides, girlfriend mo naman sya." Sa mukha ni Hayley, parang labag pa rin sa kalooban nya ang mga sinasabi nya. Mejo teary-eyed pa nga sya at hindi sya masyadong tumititig sa kahit na sino samin. "-WE DIDN'T." Sabi ni JR. Si King naman, tahimik lang na nakikinig. Oo nga? If kami ni JR ay tunay na magBFGF, bakit kailangan nilang makealam kung ginawa nga namin yun o hindi? I MEAN. WAAAAAH. Eto na naman ang malikot kong pag-iisip. "Pasensya ka na JR, masyado kaming nakealam, we were just worried." Tumingin si King sakin. "Yeah! Yeah!" Sabi ni JR habang bumabalik sa paghiga. "Well, you can't blame us because this is your first time na nagkatabi diba?" Tanong ni Hayley. "Hindi ah!" JR naman eh, sana nagsinungaling ka na lang! Bumalik tuloy sa utak ko ang nangyari nung natulog ako sa bahay nila. WAAAH. "HA?" Napanganga si Hayley. "I mean, yes! yes, ito nga!" Buti na lang at binawi nya, ayaw nya na sigurong makipagtalo. Umalis si Hayley at King. Si King pa ang nagsarado sa pintuan habang tinitingnan kaming dalawa. Lumingon ako kay JR at nakita ko syang nakatalikod na sakin.

"Matulog ka na! Ang sakit ng katawan ko. Parang isang oras akong hindi gumalaw para lang hindi kita magising...." "HA? HA? Uh? HA?" WHAAAAT? >.< Kaya siguro pagkagising ko nakayakap ko sya. Siguro habang natutulog ako, eh yinayakap ko sya. TSAKA... WOW. Ang nya naman! HUH? Dapat akong magalit kasi baka pinagsamantalahan nya ang pagkakataon na yun! "JR?" Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at tiningnan sya. TULOG NA SYA. Mahimbing ang kanyang pag tulog. Ang nagawa ko na lang, ay ang ayusin ang kumot para sa kanya.

SA KASAMAANG PALAD. HINDI AKO MAKATULOG!

♥19♥ Post #3:

Jini Punzalan: Ano bang pinagsasabi mo?

Nakatayo ako dito sa harapan ng car ni JR habang tinitingnan syang naghihintay sa mga ibang taga CC. Nakatunganga lang ako sa labas habang hinahawakan ang jacket ko, sya naman, nasa loob ng car at nakikinig sa iPod nya. 'JR, alam mo? Stop na natin to?' 'Bakit?' 'Kasi, habang tumatagal mukhang mas lalo na akong nahihirapan!' 'Bakit naman?' 'Kasi, uhm... mahal na kita.' 'mahal din naman kita eh.' AAAAACK. Ano ba tong iniisip ko?! GRRR... Sana ganun ka dali at sana ganun din ang sasabihin ng bakulaw na to. HUHU. T.T "Jini!" Lumingon ako sa likod, lumingon din si JR sa likod ko. It's Kenjie pala. Pumunta ako agad sa kay Kenjie. "Sorry! Kagabi... " Malungkot ang pagmumukha nya.

I punched him, "okay lang yun! Alam ko naman na worried ka lang diba? HEHE... Salamat ah! Pero, ya know, si Jini ata to!" I smiled at him para lang gumaan ang loob nya! Nginitian nya rin ako. "JR!" Lumingon ako sa likuran ni Kenjie at nakita ko si Hayley, King at Tanya kasama pa ang ibang taga CC na papunta sa kani-kanilang mga cars. Agad tumakbo si Hayley patungo sa front sit. HINDI PO SYA UMUPO. Nasa labas lang sya. Tsaka, ang lalaki ng eyebags nya! Baka umiyak sya buong gabi! HMPF. "Pwede favor?" Bumulong sya ng kung ano sa kay JR. Ano ang binulong nya? Please tell me! Please? Tumango si JR at ngumiti. "Syempre naman! Basta ikaw!" Napatalon sa tuwa si Hayley at pumunta agad sa sasakyan ni King. "Jini! Halika na! Babalik na tayo!" "OOOOO!" BRRRR. Ano ba yun? Ano ba ang binulong nya? Pumasok ako sa sasakyan, sa front sit katabi sa driver na si JR naman. HEEEEEEHEEEEEE feel na feel ko na, na asawa ko sya.

Kumaway ako kay King, Tanya at Kenjie kasi agad na pinaandar ni JR ang sasakyan eh. NAPAKA-WALANG HIYA talaga nitong si JR o! Bakit ko ba sya nagustuhan? EWAN KO DIN? Napalingon ako sa kanya habang nagda-drive. ANG CUTE NYA TALAGA. ANG GWAPO. ANG HOOOOT. ANG COOOOL. AND I CAN'T BELIEVE THAT HE IS MY BOYFIE. mehn. "Ano ba! May dumi ba sa mukha ko?" AAACK!? "Wa-wala!" Umayos ako. Baka tumutulo na yung laway ko sa pagtitig sa kanya. "Ano? Linigawan ka na ba ulit nung ex mo?" Sabi nya habang tumitingin parin sa daan. "HUH? Hindi ah! Bakit nya naman ako liligawan, may boyfriend ako. And besides, hindi nya naman ako mahal eh!" Ngumiti ako habang tumitingin sa daan. "Mahal ka nun!! Tsaka, sabi nya sakin he wants you back!" Seryoso ang mukha nya habang nagda-drive. "GANUN? hmmpf, eh hindi ko na sya mahal eh. Sayang naman, kung sinabi nya lang sakin noon yun." Diba? Totoo naman ang sinabi ko eh. "Huh? Hindi mo na sya mahal? Akala ko masayang masaya ka na dahil gusto ka parin ng ex mo?" "Ewan ko. Ewan ko kung anong nangyari sa mundo ko." OHW. Baka magkaaminan na ngayon ah! WAAAG. This talk is too serious. I need to change it before nya ako macorner. "So, uhm, pwede ba akong sumali sa camera club?" Sabi ko yun WITH hesitations. HAHA "HUH? HAHAHA Oo naman!" Bakit sya tumawa? GRRRR... Alam nyo? Gustong gusto ko ang mga moments na ganito. Kung panaginip man to, sana hindi na ako magising. Nakakadala na kasi. Kaya lang, kung malaman ng isang to na mahal ko sya, will he accept my love? OR BAKA NAMAN 'Jini? Nagwagi ako! Nainlab ka sakin! WAHAHAHA. BEHLAT! Buti nga sayo! Inaaway mo ako noon. ' Naku naman o! Hindi naman siguro, pero posible talaga eh.. makayanan kung ganun nga ang sasabihin nya. At baka hindi ko

Ilang sandali ang nakalipas, nakarating na kami sa bahay nina JR. Humikab sya, "HAAAY! Nakarating din tayo sa wakas."

Panu pag, ganun nga ang sasabihin nya sa oras na magtapat ako? Baka lamunin ako ng lupa. HUHUHU. "Jini?" "Ha-?" Nabigla ako, masyado kasi akong maraming iniisip. "Ano? Narealize mo na ba na mahal mo pa pala si Kenjie?" "HUH? Ano bang pinagsasabi mo?" Kinuha nya ang susi ng kotse. "Baka, nagmumuni-muni ka dyan at naisip mong dapat mo syang balikan?" Lumabas sya sa kotse habang nakatunganga parin ako sa loob. "Di AH!" Sumagot ako agad. Hinagis nya ang susi at pinaglaruan. Lumabas narin ako dun sa kotse. Kala nyo siguro pagbubuksan ako netong BAKULAW na to, hindi ata. Hindi sya gentleman. Pero, grabe naman kung makapangloko ng babae. HAAAY. "Mabuti naman kung ganun! Akala ko mawawalan na ako ng girlfriend!!" Pumasok sya sa kanilang bahay. HUHUHU. Sana totoo yung mga sinabi nya! Napatunganga kasi ako eh! GRRRR... Ang sarap pakinggan! Parang ang sarap nyang sagutin ng 'Wag kang mag-alala, hindi ako mawawala sayoooo!' WAHAHAHA. Na aatat na akong magtapat eh. Magtatapat na ba ako? Or hindi pa dapat? Dapat ko pa bang obserbahan ang kilos nya? Habang tumatagal, lalo ko na syang minamahal! MAG TATAPAT NA AKOOOOO? OR WHAAAAAT? >.< ♥♥♥

Chapter 20 When The Darkness Contract Wants a Break
♥♥♥

Amy Andrea Tanseco: BILLBOARD WITH MY PRINCE

HELLO! EVERYONE!

~~ such a big BAAANG! HAAY. Nakabalik na ako sa wakas. Grabe! I've been to Hong Kong, Amsterdam, Taiwan and New York. Nag shopping lang naman ako at nagbakasyon. Ngayon, nakarating na ako sa house namin! YUHOOO! Tatlong araw na lang at pasukan na! College na ako! YIPEE. At feel na feel ko na ang pagkadalaga ko! Hindi na ako magiging childish simula ngayon kasi may NAGUGUSTUHAN na ako.

It's been 2 months since I've seen my PRINCE. I kissed my Dad. "How was the trip?" He hugged me. "Twas fine. I'm tired!" Sabi ko yun habang kumalas sa hug nya. My dad is always treating me a princess and I love it! "Very good! UHM," Napatigil sya. "What?" I smiled. "We will have our dinner with..--" Hindi ko sya pinatapos. "With whom? Dad, diba I told you that I don't need arrange dates? Mapapahiya lang tayo sa family ng guy na yun kung sino man sya!" "Pero, that's a part of my surprise for you darling!" Linalambing pa ako nito. "Dad, Sabi ko naman sayo diba na I already love somebody? Right? There is no need to find me a date. Kung hindi din naman yung lalaking gusto ko eh wag na lang!"

Nag walk-out na ako. I went to my room. HUHU. My room for this month should be all YELLOW! Bakit hindi pa napalitan ang motif? Di bali na lang nga! Before pa ako nagpunta sa Hong Kong, I already told Dad that I don't want arrange dates. Sabi nya kasi na may surpresa syang arrange date sakin. I told him na that I like somebody already. Sinabi ko nga sa kanya na si JR Te, yung anak ng owner dun sa resort na yun? Kasi, mukhang sya na ang hinahanap ko. HE IS SO IDEAL! Para syang knight in shining armor ko! PRINCE CHARMING!

SINAGIP NYA AKO. I awe him my life!

And I should make him happy for that! I want him! I LOVE HIM!

WAAAHAHA... Dalaga na talaga ako! I'm already in love. Bahal si Daddy kung ano ang gagawin nya. Hindi nya ako mapipigilan. It's my choice naman eh! And what I want -

is what I get.

I'm super-duper excited with the first day of school sa USM. Tsaka, pareho pa kami ng course ni JR. Sabi din nya sakin na pwede daw akong sumali sa Camera Club! Sa pagkakaalam ko, that club is for models and photographers! Maybe he thinks that I'm cute or beautiful! WAAAH. Ngayon lang talaga ako nakafeel ng ganito sa buong buhay ko.

Yinakap ko ang Winnie the Pooh na stuff-toy ko.

Biglang nag-ring ang cellphone ko! *YOUUUUUUUU....SOULJA BOY---*

~~~ibang ring tone! HEHE "Hello?" I answered. "Si Camille to!"

~~~eto yung mukhang si Cleopatra. "Camille? Bakit?" "Have you seen the...UHM, sige, are you in your room na?" "Yep?" Bakit kaya? "Open your balcony!" Sabi nya na parang naatat, ewan ko kung excited o ano?

I opened the BIIIIG curtain of my balcony at tumambad sakin ang bagong billboard ni JR.

Namangha ako.

"Have you seen that? It's new right?"

Napatigil ako. Napatahimik. It's new! YEAH RIGHT!

So this is why she is so atat and she was

The billboard was with a girl putting her arms on JR's shoulder. Napakalapit nung girl sa mukha ni JR and they are actually looking at each other's eyes. I'M JEALOUS. "I heard that that girl is Hayley Anderson daw! She is the daughter of the president of USM." "ganun ba?" Malamya ang boses ko. "Ano? It's okay! That billboard doesn't mean that she is his girlfriend okay? Cheerup!" Sabi ni Camille. "Oo nga naman." Napahinga ako ng malalim. I put the phone down. HUHU.

Oo nga, it doesn't mean that he loves that girl. Kaya lang, with the way he looks at that girl, it seems like marami na silang napagdaanan. WAAAH. Pero, I can build my memories with him naman kapag sasali na ako sa Camera Club! Nakakainggit ang girl, honestly! Nakatunganga parin ako dito sa balcony ko na nakaharap sa billboard na yun. Umihip ang malakas na hangin.

"I WANNA BE A MODEL too. AND I WANT TO HAVE A BILLBOARD WITH MY PRINCE."

♥20♥ Post #2:

Joshua Rian Te: I want to see you
Nandito kami ni Jini sa airport ngayon. Ihahatid namin at magpapaalam kami kay Hayley

kasi babalik na sya sa America. Oo! Babalik na sya sa America, and this means something! Nagmamadali kami ngayon at hinahanap si Hayley, 30 minutes na lang kasi, aalis na ang plane. SA WAKAS, nakita din namin sya... "JR! Jini! You came!?" Ngumiti sya habang tumatayo mag-isa at may dalang stroller. "Hayley! Bakit hindi mo sinabi sakin?" Sabi ni Jini habang humihingal. Did I walk to fast? "Aalis ako, babalik na ako sa America. Ano? Nasabi ko na? Pwede na ba yun?" Tumawa si Hayley. Ngumiti na rin si Jini. Tumingin si Hayley sakin. "Ikaw naman JR, sad to say. You don't love me back! Akala ko pa naman na marerealize mo kung ganu mo ako kamahal kapag aalis ako ng bansa. Hindi pala." HAAAI. Hanggang dito ba naman? "Ano ba! Hayley!" "HEHE. okay lang no! Andyan naman si Jini eh! Ang importante, mahal ka nya at mahal mo sya!" Mahal ko sya? "HUH?" Feel ko lang iclarify ang huli nyang sinabi. "Oo! I know that you really don't wanna talk about love especially if its serious. Pero, I can see it naman eh."

ACTIONS SPEAKS LOUDER THAN WORDS? ~~~tandaan nyo yan lagi ah! present din kasi yan sa next story, (kung meron man). "OHW TALAGA?" Tumingin ako kay Jini habang naka-evil smile. UYYYY. Namumula ang Jini ko! "Ikaw Jini, alagan mo si JR huh?! Wala na ako dito maya-maya kaya naku patay ka sakin pag-iiwan mo sya!" Tumango si Jini. "Tsaka, if may maririnig akong hindi maganda na nangyayari sa relasyon nyong dalawa, uuwi ako dito!" She crossed her arms. Tumingin sya sa relo nya.

"Sige! I need to go!" She hugged me. She hugged Jini.

She stepped in the escalator. At unti-unti nang lumayo samin. Kumakaway sya. "HAAAAAAAAYLEY!" ARAY. nabingi ako kay Jini. "THAAAAAAAAAAAAANK YOOOOOUUUU!" Tumawa na lang si Hayley sa sinabi ni Jini! Kinawayan ni Jini si Hayley. Tong babaeng to, maypagkaweirdo, kung nag thank-you kaya sya kanina nung nandito pa si Hayley. Tumingala ako para hanapin si Hayley, at wala na nga sya. Bumalik na kami sa sasakyan ni Jini. Tahimik kaming dalawa... I think she knows the problem between us. Hindi naman sya DUMB para magbulagbulagan sa pwedeng mangyari saming dalawa ngayon.
DO YOU KNOW WHAT I'M TALKING ABOUT?

Okay lang naman yun eh, if it's okay with her. Pero, I don't know what to do, really. Nasa loob kami ng sasakyan ngayon. Tahimik kami. Nakayuko sya with her REALLY SAD expression.

SHE IS SAD!

Saan ba sya nalungkot? Sa pag alis ni HAYLEY? O sa PAG-ALIS NI HAYLEY? Hindi ko inakalang, pati ako malulungkot din sa pag-alis ni Hayley, because of course, she is my FRIEND. And also -- that thing. UNCONSCIOUSLY, as I was hoping for her departure (para peaceful na ang life ng dakilang playboy), I never thought that it will be stupid to pray and hope for that time. *KRRRRRRRRRRIIIING---KRRRRRRRRRRRRIIIINGG*

"Hello?!" I answered my phone. Lumingon si Jini sakin. Si Mama pala. "Hi Joshua! Where are you! Nandito kami sa house. And!!! I need to talk to you!" "KAMI? Si Papa andyan din? Ano na naman ba, ma? I'm sick with those things!" "You're with Jini, right?" Napatigil ako. She doesn't know about Jini being my girl, right? Biglang lumakas ang tinok ng puso ko. I'm scared. SCARED. "Joshua? Are you with Jini?" "O-Oo ma! I'm with Jini." I looked at Jini habang nakita kong napa 'ha?' ang kanyang bibig. "Oh well, I need to talk to her now and you too." "Ma? Para saan? Bakit? Bad news o good news?" Mas lalong nagreact ang expression ni Jini, mukhang pati sya natatakot na rin. I'm SCARED too.

"Ano ba JR? It's nothing! It's just about her scholarship you know. She is doing well in school and she bonds with you a lot diba? I wanna make-up with her kasi minsan lang ako umuuwi dito!" Napahinga ako ng malalim pagka-sabi ni Mama nun. Pero why is Papa here? Probably, business. "OH. Okay, I'll drive back na, ma." "Wait, Joshua." Kinabahan ulit ako. "Uhm, mamayang gabi, we will have a dinner." Muntik na akong mabilaukan. "Will Jini be there?" "Uhm, no? Tayo lang, family." HAAAAAAAY salamat. Akala ko somebody (or Hayley perhaps) revealed my relationship with Jini. Sigurado ako, papagalitan ako ni Mama. At baka sabihin nya pa kay Papa. Binaba ko na ang cellphone. Naiisip ko pa lang na sasabihan ako ni Papa ng 'Ano ka ba Joshua! Pati ba naman yang scholar ng Mama mo bibiktimahin mo? Are you crazy? >:(You are such a dork!' LOL. Grabe, baka ipabalik nya ako sa Amerika, mahirap na! GRRR... Napatingin ako sa mga mata ni Jini na halatang nag-aalala. "Anong sabi ng mama mo?" She started the conversation. "Pumunta daw tayo sa bahay, she wants to talk to you!"

"Ano?" Hinawakan nya ang braso ko at hinila ang damit ko. "Ano? Baka---Baka alam nya na---okay lang ba na---." "SHHHH... Don't worry! Hindi nya alam yun. Tsaka, dapat di nya yun malaman kasi papagalitan ako nun. Baka akala nun pinaglalaruan kita." WHAT DID I JUST SAY? BAKIT? AM I SERIOUS NA? "Natatakot ako." Yumuko ulit sya. I want to open up the issue or the problem that I have been thinking a while ago. Pero, hindi ko masabi. May pumipigil sakin.

"Have you seen our new billboard?" Winala ko ang pinag-usapan namin. "Yeah..yeah! Nakakainis nga eh! Para kayong---" She stopped. NAKAKAINIS? Why is she pissed by the way? "---I mean, alam mo, kung totoo lang talaga na girlfriend mo ako, edi baka papatayin na kita dahil sa pagseselos ko!" Binawi nya agad. EVIL SMILE na naman ako. "Ano?? Ang sabi ko, kung totoo. Hindi naman totoo eh, kaya hindi ako nagseselos." WAAAH. This girl is really good in convincing herself. Pero she can't convince me. May pasulyap-sulyap pa syang nalalaman sakin ah. Halatang-halata na pagsisinung-aling. "Wag ka ngang ngumiti na lang dyan ng ngiting yan! Kinikilabutan ako sa mga iniisip mo eh!" She interrupted my thoughts again.

I started the engine. "Uh, JR, panu---?" Hindi sya nagpatuloy sa pagsasalita nung nagkatinginan na kami. "Ano?" I stopped the engine. Parang kakaiba na tong mga ginagawa ko. Why do I want to hear everything that she

wants to say? "Wala, never mind." Binawi nya. I think I know what she wants to say. I think its about the situation. OUR SITUATION. Okay pa naman ang contract namin. BUT, ITS JUST THAT...
Wala na si Hayley, so what's the use of us being together kung wala na kaming pagseselosin? And since, she is no longer interested with his EX, hindi na rin namin pwedeng magamit ang excuse na yun.

What excuse do I need to make just to make our relationship stay?

WAIT A MINUTE. Why do I want this relationship to stay anyway? I looked at her and she is looking away. Tinataguan nya ang kanyang mga matang UMIIYAK. Yes, she is crying. Pero, mukhang napunasan na nya right before I looked at her eyes. "Are you crying?" "HINDI AH! Bakit naman ako iiyak?" She looked at the opposite direction. I started the engine again. Pinatakbo ko ang sasakyan. "I want to see you in Camera Club this semester." Napatingin sya sakin, I can't look at her, I'm looking at the road.

Pwede naman syang model eh. Nothing to worry, tsaka sanay na yung mga taga CC na kasama sya right? Wala naman sigurong hindi papayag. TANYA? Hindi, kahit ganun yun, mabait yun. AHHHHHHHHH! Yeah right! REPLACE HAYLEY? No...no... I want her be in it, without replacing anyone.

In case we need to BREAK-UP. I NEED to see her just like this.

Ilang sandali ang nakalipas, nakarating na kami sa bahay. Sinalubong kami ni Mama at Papa. Yinakap ni Mama si Jini at agad kaming pumasok sa bahay at kumain. Habang kumakain kami, I can see that Jini is a bit worried. "So Jini, nakikita kong close na kayo ni JR ah! I'm so glad!" Ngumiti si Mama habang imiinom ng tubig. Ngumiti din si Jini. "Uhm, Joshua, Don't talk muna huh? I want to talk about you with Jini." Anong ibig sabihin ni Mama? "Jini, sino ang girlfriend ni Joshua?" Lumapit si Mama kay Jini at bimulong. Pero narinig namin yun ni Papa. "UHHH EHHH." Tiningnan ako ni Jini. Ano ang sasabihin nya? Kung sasabihin nyang sya, papagalitan kaming dalawa! Tsaka, hindi naman totoo ang relasyon namin kaya papaano namin to sasabihin? Mama wilkl definitely send me back to America pag nalaman nya ang mga ginagawa ko. ANONG GAGAWIN KO? ANONG ISASAGOT NI JINI?

♥20♥ Post #3:

Jini Punzalan: Oo, so?

"Jini, sino ang girlfriend ni Joshua?" Lumapit si Tita sakin. "UHHH EHHH." Tumingin ako kay JR. Anong isasagot ko? Kung isasagot ko na girlfriend nya ako, eh, hindi naman talaga yun totohanan eh? Tsaka, kung sabihin namin na hindi yun totoo o biro lang, papagalitan parin nila si JR. 'HINDI KO ALAM.'? Yun na ba? "Meron" Sumagot si JR.

"Ma! Wag nyo ngang takutin si Jini ng ganyan!" Dagdag nya. EHHHHHHHHH?! Meron daw?! Ako? Napanganga ang mama ni JR. "Meron naman kasi akong girlfriend lagi eh!" Binawi nya ang mukhang seryosong usapan. "Joshua! Can you stop those games?" Nagsalita ang kanyang Papa. "Bakit ba? I'm still young! Don't tell me you want me to get married with somebody na?" Sabi ni JR na mukhang nawawalan ng ganang kumain. "So sino sya?" Tumingin ulit si Tita sakin. AKOOOO! LOL. "Kilala ba ni Jini?" Mas lalo syang tumitngin sakin. "HINDI!" Sabi ni JR. Akala ko aaminin nya. I can't blame him if hindi nya aaminin, hindi naman kasi kami totoong magBFGF eh. Tsaka, baka pagalitan lang kaming dalawa. "Bakit?" Sumimangot si Tita. "BASTAAA!" Sabi ni JR. "Well, may ipapakilala lang kasi ako sayo! Maganda sya." Ngumiti si Tita kay JR habang hindi naman sya pinapansin. "What? Fixed marraige?" "HINDI NOH! Pakilala lang naman eh, alam mo, it's time for you to be serious in your relationships. Hanggang ngayon hindi ka pa naiinlove? Ano ka ba naman?" Sabi ni Tita with a convincing face. "HUH?" Tiningnan ako ni JR. "Diba Jini?" Linambing ako ni Tita. "UHHH-" "Tsaka, kelan ka ba tumanggi kapag may ipapakilala akong babae?" Nagkatinginan kami ni JR. "Diba Jini? He is acting very weird talaga!" Uminom si Tita ng tubig. "Uh---Oo! Oo nga naman! Asan na ba ang pagkaplayboy mo!?" "HMMM. Pero, wag mong pairalin ang pagkaplayboy mo sa kanya huh? She is such a sweeeeet gurl!" Kumislap ang mata ni Tita. "Ano ba yan!" Umangal si JR. "Joshua! Umayos ka mamaya huh?" Sabi ni Tito kay JR. "Lagi naman akong maayos ah!" Sumagot sya agad. "Yeah! ESPECIALLY in front of girls!" Ginulo ni Tita ang buhok ni JR.

"Uhmmm. ma..." He looked at me again. "Sino po ba ang gusto nyong babae para sakin?" Napaisip si Tita. "HMMMM. I dunno. Kaw bahala, ikaw ba!" Sumagot sya habang may malalim paring iniisip. "No. Kapag ikaw ang pagpipiliin?" Si Tito, inoobserbahan lang si JR. "Anybody. HEHE. Pero syempre dapat yung...alam mo na! HAAAAAAAAAAY!" Nag-iisip parin si Tita. "UHH! Basta wag lang si Jini, baka maistorbo ang pag-aaral nya! Naku!"

Basta wag lang si Jini... Basta wag lang si Jini... Basta wag lang si Jini... Basta wag lang si Jini... Basta... wag... lang... si... Jini... Nabilaukan ako ng palihim kaya napainom ako ng tubig para kumalma. Bakit hindi ako pwede? Dahil ba baka maistorbo ang pag-aaral ko? Hindi pwede? Biglang hinawakan ni JR ang kamay ko. "Excuse US." Hinila nya ako papalabas ng dining room. "Joshuaaa! Balik ka mamaya ah? Ipapahunting kita kung hindi ka babalik!" Umalis na kami. Pinapasok nya ako sa sasakyan. SAAN KAMI PUPUNTA? Ni hindi ko pa natapos yung pag-inom ng tubig. Agad nyang pinaandar ang sasakyan at umalis na kami sa mala-mansyon nilang bahay.

*cough-cough*

Napaubo ako dahil nga nabilaukan ako at hindi ko nainom masyado ang tubig. Eto naman kasing si JR, pabigla-bigla kung kumilos. Mabilis nyang pinatakbo at nag-park kami dun sa isang store na may mga table sa labas. Coffee shop ata yun, pero hindi naman starbucks o kahit anong sikat na coffee shop. Wala ngang tao masyado. Nandito kami sa labas ng coffee shop. Umupo sya sa isang table na pang dalawahan. Umupo na rin ako. Umorder sya ng coffee, juice naman ang binagay nya sakin. Uminom agad ako ng juice. "Bakit ba? Bakit mo ako dinala dito?" ANG SARAP NG JUICE. Nakaharap kami sa buong syudad. Natatanaw dito ang buong USM, pati din yung billboard ng bench na nakaharp sa USM natatanaw namin. Ang lakas ng ihip ng hangin. "Namimiss ko na si Hayley." Sabi nya habang umiinom ng kape. WTF? Yun lang? "Ano? Ako rin eh!" Sana nga hindi na lang sya umalis para maipagpapatuloy pa namin ang pagpapanggap. Magtatapat na ba ako? Bakit ako lagi ang unang nagtatapat? AYOKO NGA! "Kita mo yang billboard na yan? Yan ang last favor na pinakiusap nya sakin. To do that pictorial with me." Sabi nya habang pinaglalaruan ang cup ng coffee. Ganun pala! Kaya pala nung victory party ay may binulong si Hayley? HMMM. Papaanu na kami ngayon? Alam ko na! Dapat kong pilitin sya ngayon. PILITIN? Pilitin saan? Kailangan ko na kasing malaman kung may feelings ba sya sakin o wala! GRRRR... "So, JR, panu na to ngayon? Wala na si Hayley. Kailangan ba nating ipagpatuloy ang pagpapanggap?" WAAAAAAAAAAH. Wag nyo po akong sisihin sa mga binitawan kong salita. I just want to clarify it! Ayokong mag expect at ayoko ring mag hang-up na lang. Dapat kung malaman kung magpapatuloy kami.

WTF?! Parang...nakakahiya...yung...tanong...ko... I can't look at him. Tumawa sya. "Syempre, hindi na! This is just a game right---?"

Umalis yung kaluluwa ko sa katawan ko. OO NA - Napaka assuming ko na! HUHUHU. I thought he likes me too. Napahigpit ang hawak ko sa juice. Ngumiti ako...PINILIT KONG NGUMITI. I don't want him to see me as a loser. Akala ko, gusto nya ako. Hindi pala. Bakit kasi ako na inlove pa sa kanya. I HATE HIM!

"---right? Unless if you want the real one?" Sabi nya sakin with evil-smile ulit. DAMNIT. I can't even look at him. Ano sya, hilo? Kung sasabihin ko sa kanya na gusto ko ng totohanan. Edi, mapapahiya ako lalo! "Syempre naman no! Laro lang to, for Hayley! And besides, may nakalaan na atang babae para sayo. Pag pareho tayong inlove sa isa't-isa edi, mas mahihirapan tayo diba?" Tiningnan nya ako na parang kinukumpirma na totoo ang mga sinasabi ko. "So? Is this a break up for the game?" Sabi nya sa parehong expresyon. "Yeah! Wala naman si Hayley eh, tsaka--" Hindi mo naman ako mahal.

I wanna cry.

Hindi ko na kasi alam kung alin ang totoo sa aming dalawa at alin ang hindi? Yung mga oras na yinakap ko sya at umiiyak sya sa victory party? Totoo ba yun? Yung mga oras na pinapatingin nya ako sa mukha nya pagkatapos nung fashion show, totoo ba yun? Yung mga oras na hinalikan ko sya, totoo ba yun? BOYFRIEND ko sya, totoo ba yun?
Mahal ko na sya, yun lang ata ang totoo sa lahat ng to eh?

Sana, kung hindi naman totoo, wag nya na lang akong lokohin! "-tsaka?" Tanong nya. "wala. Yun na!" I fake a smile.

Limang oras na ang nakalipas... "JR, hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko sa kanya.

Actually, gusto ko ng umuwi, magpahinga at magmuni-muni. Hindi ko na sya boyfriend, hindi nya na ako girlfriend.

WE ARE DONE.

Habang nagtatagal kami dito at tinitingnan sya parang mas lalo lang akong naiiyak. Tumayo ako at... "Uuwi na ako!" Binilisan ko ang paglalakad. Tumayo rin sya... at hinila nya ako sa sasakyan nya. ARAAAAY! Ang sakit ng braso ko, ng likod ko, ng katawan ko... Pumasok sya doon at pinaandar. "JR! Ano ba! WALANG HIYA!" Umiyak ako. Hindi ko na kasi mapigilan. Kung hindi nya naman talaga ako mahal, bakit kailangan nya pa akong habulin kapag aalis ako? "Hindi yun natatapos dito, Jini." Sabi nya. Ang bilis ng pagpapaandar nya. Ang bilis din naming nakarating sa bahay. Gabi na, its time for dinner. Hindi pa ba sya uuwi? I openned the door of the car, lalabas na sana ako ng... "Dito ka lang, please?" He hugged me from the back. Nasakal nga ako eh. "Huh?" Lumapit sya sakin. Mas lalo syang lumapit. OHHHH NOOOO! WHAAAT KIND...? "JR, hinihintay ka na ng mama at papa mo, tsaka yung girl. UHM," Huminga ako ng malalim. "Umuwi ka na, sa school na lang tayo magkita, okay?" Mas hinigpitan nya pa ang pagkakayakap sakin. HINDI NA AKO MAKAHINGA.

"JR, please oh? Wag ka namang ganyan?" Gusto ko ulit umiyak. "Sa oras na babalik ako dun, baka may bago na naman akong girlfriend. Gusto mo ba yun?" "HUH? IKAWW BAH. Kung gusto mo yun." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. "Jini, tapos na ang laro." I can hear his breath. OH MYYYY. Ewan ko na... gusto kong umiyak, gusto ko syang hagkan, gusto ko syang halikan. PLUS, he is hugging me pa. NOOOOOO! Naki-carried-away na ako. "Oo, so?" Please tell me that you don't want the game. HAHAHA.

Ang lalaking eto - PLAYBOY na ba habang buhay?
i'm willing to accept that fact.

♥20♥ Post #4:

Joshua Rian Te: Better late than never
"Huh?" Lumapit ako sa kanya. "JR, hinihintay ka na ng mama at papa mo, tsaka yung girl. UHM, Umuwi ka na, sa school na lang tayo magkita, okay?" Hinigpitan ko pa ang pagyakap ko. "JR, please oh? Wag ka namang ganyan?" Teary-eyed na sya. "Sa oras na babalik ako dun, baka may bago na naman akong girlfriend. Gusto mo ba yun?" Please tell me that you don't want that to happen! "HUH? IKAWW BAH. Kung gusto mo yun." Bakit madali lang nyang nasabi kay Kenjie noon ang kanyang nararamdaman? Tapos, ngayon.... ARGH. "Jini, tapos na ang laro." Huminga ako ng malalim. I just wanna hug her. This doesn't mean goodbye. "Oo, so?" Sabi nya. I don't want the game, Jini.

Teka nga?! Is this really how it feels to be in love? NOOO. I can't be inlove! Basta, gusto ko lang syang makasama at makitang ngumiti, love na ba ang tawag dun? NOOOOOONSENSE. Kinalas ko ang pagkakayakap ko sa kanya. "Mag kita na lang tayo sa first day of school! Pumunta ka sa CC ah?" I can't tell her that I want her to stay. Tatanungin nya lang ako kung bakit. Tapos, anong isasagot ko? MAHAL KO SYA? TSSSS. I can make her stay without telling her that. "Para saan pa?" Tumingin sya sakin at nagtaka. "Naaalala mo ba yung Darkness Contract?" Napaisip sya. "That contract will not expire unless may makaalam. That means, you still have an OBLIGATION." OBLIGATION. Is that the right word. "HOOOY! Ang kapal mo din ah? Gagamitin mo ako no? HAHALAYIN MO AKO NOH?" WAAAH. I can't believe that that simple word will bring a lot of DIRTY things in her mind. Manyak ata tong babaeng to eh. "HAHALAYIN? pwede bah?" I started the engine. Sinarado ko na ang pinto. Nasa labas na sya at tinatapik nya ang mirror. "HOOOY! TEEEKKK-KAAAHH!" Nakaalis na rin ako. I don't want a closure for that relationship. SELFISH BAH? I'm always selfish anyway. I want her to stay, STAY. IF THIS IS LOVE - I JUST WANT TO SECRETLY LOVE HER, just for now. Because I know that the things will be more complicated if I stick my nose in it. Did I think about her? Akala ko ba selfish ako? TSSSK. I parked the car, I'm sooo late for that fcuking dinner. Pumasok ako sa bahay, every guard and maid is looking at me. At pagdating ko sa dining room. Lumingon sila sakin at..."Andito na ako." Umupo ako sa harap nung isang girl. Pamilyar sya ah. "Joshua! Youre late!" SH!T. Si Mama talaga, minsan kasi ayoko ng pinagsasabihan. LALO NA NGAYON. "Saan ka ba nagpunta? Diba I told you na may dinner ngayon? Ano ka ba?

Nakakahiya!" She whispered. Huminga ako ng malalim. "Better late than never." I winked at her. "HAHAHAHA. " Napatawa ko ata ang babaeng nasa harapan ko. Si...si andrea? Yun yung sinagip ka sa resort ah? "Hija. Bakit ka tumatawa?" Bahagyang ngumiti si Mama. "Hindi ko po kasi inakalang ang sama pala ng ugali ni JR! HAHAHA " Anooo? Masama daw ang ugali ko. Well, I know that. Pero... Tumawa si Mama, si Papa at pati na rin ang kanyang parents. HAAAAY. Ginawa lang ata akong katatawanan dito eh. "Joshua right?" Napalingon ako sa papa ata ni Andrea. "Opo." I smiled fakely. "Salamat sa pagsagip kay Andrea ah?" He smiled. "AHH? Yun po ba? Opo. Walang anuman. It's nothing." Uminom ako ng tubig. "JR, kumain ka na?" Nagsalita na naman si Andrea. "Busog pa ako!" Sabi ko. "Pasensya ka na hija, ganyan lang talaga sya. I'm looking forward to the girl who can change him." Sumingit si mama. FCUK. PARDON? Anong ibig nyang sabihin. "Nga pala tita, I've decided na sa USM na rin ako mag-aaral. Since andun naman si JR at utang ko sa kanya ang buhay ko." I looked at her. And yeah she is cute. pero... "And, I want to be a member of the Camera Club din tulad nya--" Perpek sanang sabihin ang 'nag-aaral ako para matapos, hindi para humanap ng lablayp.' kaya lang--- hindi magandang pakinggan dahil lahat ata ng tao ay alam ang pagiging playboy ko. Huminga na lang ako ng malalim.

♥♥♥

Amy Andrea Tanseco: Talaga po?
"Nga pala tita, I've decided na sa USM na rin ako mag-aaral. Since andun naman si

JR at utang ko sa kanya ang buhay ko." He looked at me. Ang guwaaapo nyaa! "And, I want to be a member of the Camera Club din tulad nya--" "Ganun ba? At least may magbabantay na sa Joshua ko!" Sabi ng mom nya. "Huh? Bakit pa? Andyan naman si Jini ah? si King din..." Umangal si JR. Ang guwapo nya! "Huh? King and Jini are both busy with their studies. Especially ngayon at second year na kayo!" Huh? Wala akong ideya kung sino sila, but they might be close to him. "UHH. Sino nga po pala yung girl sa billboard?" Tanong ko. "Uh. Yun ba? Si Hayley yun, kaibigan sya ni Joshua. Pero, umalis na sya eh. She went back to U.S. kanina." His mom smiled at me. "Ganun ba?? Whoa. Siguro, close na close sila?" Noh? Baka nga girlfriend nya yun. "Yeah! They're really close. Since highschool kasi eh. pero, mas close ata sila ni Jini." Jini? Who's that? "Ma, wag nyo nga syang isali sa usapan." Why? "Bakit? Totoo naman ah!?" Sabi ni Tita. "Matutulog na ako, pagod na kasi ako." Tumayo si JR. "Pero, hindi kapa kumakain!" Sabi ko. "Busog pa naman ako eh." Umalis sya agad. "Pero--" "Pasensya na kayo talaga! May attitude talaga ang anak namin eh!" Sabi ni Tito. "Okay lang yun, ganyan talaga ang mga kabataan ngayon." I wanna change him! Kasi, napaka suplado nya. I thought he is a playboy? Tapos ngayon, nagsusuplado sya? HMMMP. Baka binansagan syang playboy dahil sa ka-gwapuhan nya. Pero, ang totoo he is quiet and snob. AWWWWWWWWWWW... Excited na tuloy ako sa first day of school. "Uh. Tita, malapit na po pala ang birthday ko. Magpapaparty po si Papa. And uhm...I want JR to be my escort. " Nakakahiya pero gusto ko na talaga kasing sabihin eh. "Huh? Sure. In speaking of birthday...malapit na rin ang birthday ni JR." "Talaga po? Kelan?"

...

And guess WHAAAAAAAAAT? Magkasabay ang birthday namin....... WAAAAW. Ang bait ng kapalaran sakin. Mukhang talagang sya na ang para sakin. YES. Gustong-gusto ko na sya. JR Te...I'll make you fall in love with me!!!! aalisin ko yang pagkabadboy at playboy mo. BABAGUHIN kita. Babaguhin kita sa pamamagitan ng pagmamahal ko sayo. ♥♥♥

Chapter 21 Who Will Win Her Heart?
♥♥♥

Jini Punzalan: Sure. Ano?
Padabog kong sinarado ang locker ko. TAKTE. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Kanina kasi pagdating ko sa skul linapitan ako ng isang taga-Communications at sinabi saking..."Nagbreak na pala kayo ni JR Te? Masakit ba?" Tinawanan pa nila ako. Kaya siguro hindi nila ako inaaway noon dahil alam nila na nasa likod ko lagi si JR. At ngayon, sigurado akong pagtatawanan ako ng lahat ng mga nakakakilala sakin. Pagkatapos akong mabasted ni Kenjie, ngayon naman, iniwan ako ni JR. SHOOOCKS. Bakit ako andito sa situation na eto? "Jini." Napalingon ako sa pagkabigla...Nabuksan ko din ang locker ko at nahulog ko ang mga gamit ko. Dali-dali kong inaayos ang lahat at wala na akong pakealam kung saan ko nailagay ang alin. Basta ang importante ay malagay ko sila sa locker. Pinunasan ko ang mga luha ko at tumakbo. Hindi ko kasi maharap si King eh. Nagtataka siguro yun kung bakit ko sya iniwasan. Ayokong makita nya akong umiiyak o ano. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa nakarating ako sa gilid ng soccerfield. Nabunggo ko ang isang babae. "Sorry Miss, okay ka lang ba?" Ako na nga yung nakabunggo sya pa ang nagsorry.

"Sorry din kasalanan ko." Yumuko ako dahil ayokong may makakita ng luha ko. Pero nung nakita ko na ang kanyang mukha, unti-unti kong naaalala ang babaeng sinagip ni JR doon sa resort. "Ako nga pala si Andrea. Asan ba ang cafeteria dito, ate?" Tinawag nya akong ate? Tiningnan nyang mabuti ang mga mata kong basa pa sa mga luhang iniluha ko. "Ate? Anong nangyari sayo? May problema ba?" Agad nyang binigay sakin ang daladala nyang panyo. "Ate, napakasagrado po ng mga luha, dapat hindi mo yan ipinapakita basta-basta. Pero, mukhang may problema ka talaga." Ang bait nya. "Huh? O-okay lang ako!" Basag ang boses ko. Pinilit ko na ring ngumiti dahil naaawa ako sa mukha nyang maamo pero malungkot dahil lang malungkot ako. "Ate, ako nga pala si Andrea. Ikaw?" "Ako si Jini." "Jini? Ikaw yung bestfriend ni JR?" HAAAAAAAAAAAA? Ano daaaw? "Huh?" "Uhm, ako yung sinagip nya dun sa resort, nasabi ba nya sayo o baka kasali ka sa Camera Club at andun ka?" "Uh---Oo andun ako. Uhm... Oo, AAAAH. hehe. naaalala ko na." Hindi na ako organisadong kumilos. Bumilis ang tibok ng puso ko. KINAKABAHAN ank. "Sinabi kasi nya sakin na sasali daw ako sa Camera Club sa first day of school eh, saan nga pala ang Camera Club office at ang cafeteria, pasensya na kasi first day ko lang ngayon at freshmen pa ako." Maamo talaga ang mukha nya. PArang anghel. King - girl version. In speaking of King, baka galit yun sakin kasi hindi ko sya pinansin sa locker room. Pasensya ka na king. Tamaan na sana ako ng kidlat dahil ako na ang pinakamasang tao sa mundo. Ay, hindi pala, mas masama pala sakin si JR. "Uh. Samahan na kita dun." I mean, dun sa Camera Club. Sasali din naman kasi ako dun eh. "Talaga? Salamat!" Kumislap ang maaamo nyang mga mata. Naglakad kami patungong CC office. "Ate, alam mo? Ang sama pala ni JR anuh? Tsaka, uhm, may girlfriend na ba sya? kasi, sabi kasi ng mom nya na bantayan ko raw sya." Nakagat ko ang dila ko. "Aray....-" "Ayos ka lang ba ate?" "Ayos lang ako. Uhm, ano ulit ang tanong mo?" "May girlfriend na ba si JR Te?" "Uh. Wala," WALA NA. "GANUN?" Kumislap ang mga mata nya at ngumiti. "Ate? MAsakit po bang masaktan? Kasi, pakiramdam ko mahal ko na si JR eh. Para kasi syang prinsipe ko nung sinagip nya ako sa resort."

Para akong hinagisan ng napakalaking bola at pinagulong-gulong. Hindi ako makapagsalita dahil namamanhid ang dila ko. Buti nga hindi katawan ko ang namamanhid, kung hindi baka hindi kami nakarating sa CC office. Oo, nakarating na kamis a CC office. "Ate, eto na po ba yun?" Tumingin sya sakin. "Ate, ba't di ka nagsasalita?" "HUh? Ahhh.. Oo, eto na ang CC office." "Bakit andaming tao?" "Natural lang yun dahil marami ang gustong maging parte ng CC eh." Nabigla ako dahil habang papalapit kami sa maraming taong yun - eh unti-unti nila kaming binibigyang-daan. "Ate? Siguro sinabi ni JR sa mga taong to na dadating ako kaya ganyan na lang sila kung maka asta?" Napailing ako. "Joke lang ate. Kaw naman di mabiro." Pero kung titingnan kong mabuti, lahat ng tao dito ay nakatingin sakin. nakapasok na kami. Sinalubong kami ni Tanya at Kenjie. "Jini, nagbreak--" "SHHHHH.." Hinila ko si Tanya at Kenjie sa ibang parte ng office. Mabutri na lang at naengganyo si Andrea sa mga pictures sa dingding kaya hindi nya pinansin ang pagkaladkad ko sa kanila. "Wag nyong banggitin ang tungkol samin ni JR sa harap ni Andrea - ng babaeng kasama ko. Mahal nya kasi si JR." "Ano namang pakealam ko--?" Umangal ang malditang si Tanya. "Jini. Okay ka lang ba? Sinasabi ko na nga ba eh, sasaktan ka lang nung JR na yun! Nung

Kung makita ko sya baka hindi ako makapagpigil---" "Kenjie. okay lang ako!" Yumuko ako. WAAAAH. Akala nya siguro na totoo talaga ang pagBFGF namin ni JR. Ang nararamdaman ko lang ata ang totoo sa lahat ng ginawa namin eh. "Jini, pwede ba tayong mag-usap?" Napalingon si Kenjie, Tanya, ako at Andrea sa lalaking nagsalita. Si King... May nakita akong papel na hawak-hawak nya sa kamay nya. Mukhang pamilyar ah. "Sure. Ano?" Pinilit kong ngumiti. "Pwede sa labas?" Seryoso sya ah? Bakit kaya? ♥♥♥

King Alvarez: I like you
"Jini." Umiiyak sya? Siguro masyado siyang nasaktan sa break-up nila ni JR. Grabe talaga si JR, pati si Jini, napakawalang-awa nya. Umiyak si Jini habang umalis sa locker room. Hindi man lang sya tumingin sakin. Nagmamadali ata syang ayusin ang locker nya. UH. Tumingin ako sa ibaba at may nakita akong isang papel na nahulog - galing ata sa locker nya. "JINI!" Sumigaw ako at nagbakasakaling marinig pa nya pero mukhang nakalayo na ata sya. Pinulot ko at hindi ko sinasadyang mabasa ang pinakaunang mga salitang nakasulat. "Darkness Contract." Nagpatuloy ako sa pagbabasa. "Rule number one..." Ano to? Tiningnan ko ang pinakahuling mga salita - pangalan ni Jini at pangalan ni JR ah? Di kaya? Inalipin kaya ni JR si Jini? Baka naman kaya biglang naging si Jini at JR

dahil sa kay Hayley? At kaya pumayag si Jini dahil sa kontratang ito? Tama. Mukhang yun na nga siguro ang dahilan. Pero, kung ano man ang nagpapayag kay Jini at ginawa nya ito - wala akong pakealam. Mali talaga ang ginawa nilang dalawa, ang linlangin ang mga tao. Kaya siguro sila nagbreak dahil wala na si Hayley. Kailangan kong makausap si Jini. Pero, bakit umiiyak si Jini kanina? Naglakad-lakad ako kung saan-saan para hanapin si Jini. Sa cafeteria, soccerfield... Ngunit si JR ang nakita kong nakatingin sa malayo habang nagpapahangin... "JR." "King kaw pala." Ngumiti sya. Huminga ako ng malalim. "Bakit kayo nag break ni Jini?" Tumingin sya sakin. Kahit nakakatakot ang kanyang mga tingin, hindi ko pa rin iniwasan. "Sya ang nakipagbreak sakin... sabi nya, hindi nya na daw ako mahal!" "Talaga?" Huminga sya ng malalim. Magtatanong na sana ako sa kanya patungkol sa kontratang nakita ko, kaso umalis sya ng hindi nagpapaalam. Bago sya tuluyang makaalis... sinigawan ko sya ng... "JR! KUNG HINDI MO KAYANG ALAGAAN SI JINI, AKO ANG MAG-AALAGA SA KANYA." Tumigil sya sa paglalakad. Akala ko haharapin nya ako, pero hindi pala. Tuluyan na syang umalis. Nagpatuloy ako sa paghahanap kay Jini... At sa wakas, nakita ko sya... sa Camera Club Office... "Jini, pwede ba tayong mag-usap?" Nakita nya ang hawak kong papel. Ilinagay ko agad sa bulsa ko para hindi sya magtaka. Kasama nya si Tanya at Kenjie. Andito din si Andrea - yung family friend ng pamilya namin, siguro mag-aapply sya sa CC. "Sure. Ano?" Ngumiti sya kahit namumugto pa ang kanyang mga mata. "Pwede sa labas?" Umalis ako at sinundan naman nya ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang

nakarating na kami sa soccerfield. Umupo ako sa isang bench. "Bakit King? May problema ba?" Tumingin ako sa mga mata nyang mabigat na mabigat parin ang dinadala. "AHHH! May nakalimutan ako, si Andrea, hindi ko nasabi sa kanyang aalis ako. Nakuuuu... baka anong mangyari sa kanya... patay ako kay JR." binulong nya sa kanyang sarili ang 'patay ako kay JR.' "Bakit Jini? Bakit naman magagalit si JR sayo dahil lang kay Andrea." "Ahh. hehe. Wala, hehe..." "Jini. Bakit kayo nagbreak ni JR?" "Huh? Uhm... sya ang nakipagbreak sakin eh... sabi nya di na daw nya ako mahal. sige ah!" Magkabaliktad ang mga sagot nilang dalawa. Halatang nagsisinungaling. Aalis na sana sya pero hindi ko hinayaan. Hinawakan ko ang kamay nya at yinakap sya mula sa likuran. "Jini, hayaan mo, ako ang mag-aalaga sayo kung hindi nya kaya." "Pero King... sya ang mahal ko." "Mahal mo sya? Totoo ba yan? O baka naman napilitan ka lang?" "Anong ibig mong sabihin?" Mas lalo kong hinigpitan ang pagkayakap sa kanya nung nakita ko si JR na nakatingin saming dalawa sa malayo. Kaya lang, agad kinalas ni Jini ang pagkakayakap ko. "King... alam kong todo-todo ang pag-aalala mo sakin, pero di mo na kailangang gawin to. Mahal ko si JR, kaya--" Ipinakita ko sa kanya ang kontrata. Lumingon ako kay JR, nakita nya na hawak ko ang kontrata. Parehong nabigla si Jini at JR. "Anong??? King..." "Alam ko na kung ano ang nangyayari? Pinilit ka lang ba ni JR na maging boyfriend nya?" Lumingon ako sa tinatayuan ni JR, ngunit wala na sya doon. Siguro, umalis na dahil natakot sya sa nakita nyang hawak ko. Tama nga siguro ang hinala ko. "TAMA ka. =') Lahat ng yun, dahil lang sa kontratang yan!" Unti-unting umiyak si Jini. "King, wag mong sabihin kahit kanino please?" Napayuko sya at umiyak ng umiyak. Halatang pinipigilan nya ang kanyang mga luha. Pero bakit nga ba sya umiiyak kung sa kontratang eto lang pala nila binase ang relasyon

nila? "Mahal ko sya! Kasalanan ko to." Patuloy sya sa pag hikbi. "Mahal na mahal ko na sya ngayon. Kasalanan ko ang lahat ng to. Bakit ba kasi ako pumayag? Kung bakit ba kasi ako nagpakatanga? Bakit ba kasi---..." Yinakap ko sya... Awang-awa ako sa kanya. Lahat ng babaeng mapapalapit sa kay JR ay mamahalin talaga sya. Kahit na ganun yun, pero ewan ko kung anong ginawa nya sa mga babaeng pinaibig nya. TOO bad, Jini is another victim. Ang sama nya talaga. "Jini. I like you. At matututunan mo akong mahalin kung papayagan mo ako." Patuloy sya sa paghikbi. "Pero, alam kong si JR ang gusto mo. Ni minsan, hindi ko naisip na hindi totoo na kayo ni JR dahil pareho kayong magaling umarte - o baka naman, pareho nyong mahal ang isa't-isa." Umiyak sya ng umiyak.

♥21♥ Post #2:

Jini Punzalan: ayaw kitang makita
PATAY. Wala na. Ang contract nalaman na ni King. Nakayakap ako sa kanya ngayon at hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Natatakot ako sa mga mangyayari. Baka may mangyari pang masama. Si Andrea, papaano na to? Ang mama ni JR. Si King. At higit sa lahat, si JR. Si JR na mahal na mahal ko. Mahal din kaya nya ako? Paano ko ipaglalaban ang pag-ibig ko sa kanya kung hindi ko alam kung magugustuhan ba nya na ipag laban ko sya? Paano ko ipaglalaban ang pag-ibig ko sa kanya kung ang gusto ng lahat ay si Andrea? Paano ko sasaktan ang isang inosente at nagmamahal na babaeng katulad ni Andrea? Kung tutuusin, pareho lang kami. Pero, ganun pa man, mas nauna ako sa kanya kaya dapat...ARGH.-"Jini. Why don't you lean on me?" Napalingon kaming dalawa ni King kay KENJIE.

"Huh?" Pinunasan ko ang mga luha ko. "Bakit kailangan pa sa pinsan ni JR? Baka lahi na nila ang ganyan, lahi na nila ang manakit ng mga nagmamahal sa kanila, hindi ka pa ba natututo?" Napatunganga ako sa mga sinabi nya. "Halika na nga!" Hinila ako ni Kenjie. "Pare, napaka-sama ng ugali mo! Pinagsasalitaan mo ako ng ganyan samantalang ikaw...may nagawa ka ba? Hindi mo ba nasaktan si Jini?" "Tama na yan!" Nagtititigan na ang dalawa. Sa totoo lang, ngayon ko lang nakita si King na ganito. Nakakatakot at palaban. Hindi umuurong at talagang handang manakit. Kung sakaling may kumalabit sa kanilang dalawa, sigurado ako magsusuntukan na sila. Todo-todo ang pagtititigan na parang may kuryenteng lumalabas sa kanilang mga mata. Napalingon ako sa gilid dahil may naramdaman akong lumapit. "Naaalala nyo ba yung pabula ng leon at buwitre?" Si JR. Napalingon kaming tatlo sa kanya. Tumitig sya sakin at umayos ako. Basang-basa ako sa pawis at grabeh - ang oily ng face ko. DRAMA-DRAMA pa kasi eh. AHAHAHA. "--nag away ang leon at buwitre para lang sa kanilang hapunan - isang daga." Parang, nainis ako sa sinabi nya ah? Kahit papanu kasi, hindi naman ako ganun ka tanga. Naging scholar ako dahil . HEHE.. Kaya nung sinabi nya yun, mabilis ang pick-up ko at nalaman kong ako ang naging daga sa sinasabi nyang istorya. Tumitig ulit si JR sakin. "Ang daga - para sa hapunan. Kaso, masyado nilang inatupag ang pag-aaway at pag-aagawan sa daga, kaya, dahil sa katangahan ng dalawa, hindi nila namalayan na nakatakas na pala ang daga." Parang gusto ko ring tumakas tulad nung sinasabi nyang daga sa istorya. "Kaya lang..." Hinawakan nya ang kamay ko. "Ang daga ngayon, ay magiging hapunan ng SAWA." Walang hiya! SAWA. Nakakatakot yun. Hinila nya ako. Akala ko walang gagawin si King at Kenjie... Pero, pareho nilang hinila ang kamay ko ng sabay.

"JR. Napakawalang hiya mo naman! Pagkatapos ko syang ipinaubaya sayo gagaguhin mo rin pala sya? Ano ka? I want her back! Hindi na kita papayagang saktan sya ulit." Nanggagalaiti si Kenjie. "JR. Alam ko na ang mga kalokohang ginagawa mo! Sana, isipin mo naman ang nararamdaman ni Jini." Ang baet talaga ni King! Pagkatapos nyang sabihin sakin na gusto nya ako, ang damdamin ko pa rin ang iniisip nya! WAAAH. Sana sya na lang ang minahal ko. Sigurado ako, hindi nya ako sasaktan. "Ano? Hindi naman iniisip ng magaling mong pinsan ang nararamdaman ni Jini eh! Kahit kailan, hindi." Nakapagtataka na hindi parin nagsasalita si JR. "Wala ka namang alam eh! kaya pwede ba, wag ka ng sumingit." May point si King, hindi nga kasi alam ni Kenjie ang tungkol sa kontrata. Teka, masyado na yata akong nawiwili sa pakikinig sa pagtatalo ng dalawang yo. Kinalas ko ang kamay ko at umalis. Hindi ako sumama kay JR dahil kapag sasama ako sa kanya, mas lalo lang akong maguguluhan. Hindi ako sumama kay King dahil alam kong hindi ko talaga kayang suklian ang pagmamahal nya. Hindi ako sumama kay Kenjie dahil ayokong umasa sya na magkakabalikan pa kami - ngayong walang-wala na akong nararamdaman sa kanya. Noon, ang tanging iniisip ko ay ang paglimot lang kay Kenjie. Noon, pinipilit kong umarte na mahal ko si JR. Ngayon, nakalimutan ko na si Kenjie at gusto ko namang kalimutan si JR. Pero, bago ko sya kakalimutan, dapat kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. WIN OR LOSE - i'm gonna die. Alam nyo kung bakit? Kung sakaling mahal nya nga ako (asa pa ako), hindi ko to malayang maipapahayag dahil sa mabait na si Andrea. At kung sakaling, hindi nya nga ako mahal malalagutan na ako ng hininga. Nasobraan ko ata ang panlilinlang sa sarili ko na boyfirend ko sya, na mahal ko sya, na mahal nya ako, kaya ayan tuloy - nakuha ko ang hinahanap ko. AKO NAMAN ANG NAHIHIRAPAN. Natulugan ko na ang pag-iisip. Nasa loob pala ako ng cafeteria. Yun kasi ang pinakamalapit dun kanina. Kung sa CC ako, andun si Andrea. Kung sa room ako panigurado kaklase ko si JR. Kung sa library, masyado namang malayo. Kung sa CR, baka may marinig na naman akong masamang bagay tungkol sakin. Saan pa ba ako pwedeng pumunta? Sa soccerfield - eh dun nga naganap yung nakakapigil-hiningang pangyayaring yun? Napahikab ako at itinaas ko ang dalawa kong kamay - stretching. Ang haba ng tulog ko. Inalis ko ang mga kung anu-anong bagay sa mata ko at dumilat ng maayos. Lumantad sakin ang dalawang mata ng demonyong si JR. "Anong ginagawa mo dito?" "Tama bang umiiyak habang natutulog?"

"Ano?" Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. Agad kong inayos ang buhok ko (pero sa tingin ko hindi parin umayos). Napansin kong marami-rami parin ang tao sa cafeteria kahit mukhang alas5 na sa hapon. ABA'T alas5 na ah? Diu bale, first day of skul kaya wala sigurong prof na pumasok. Tumayo ako at sa walang pagaalinlangan...TUMAKBO. WAAAH. Sana, habang tumatakbo ako, para akong bag na may butas at lahat ng mabibigat na bagay sa loob ko at unti-unting naiiwan sa bawat hakbang ko. TAKBO... TAKBO... Para akong hinahabol ng isang pulutong ng pulis. Si JR, ang walang hiyang yon? Nagawa pang magpakita sakin na parang walang nagyari. Wala ba talaga syang puso? Di ko naman sya masisisi dahil wala naman sa kontrata na maiinlababo ako sa kanya o sya sa akin. Pero, napaka UNFAIR naman ata. Pero---- AHHH.--Dinaganan nya ako. Ang walang hiyang yun?! Ang bigat kaya nya't dinaganan nya ako? Para akong daga na dinaganan ng KALABAW. PUCHAAA. ang sakit ng likod ko, mabut na lang at sa soccerfield (o gitna nga ng soccerfield) pala ako dinala ng dalawang pangahas kong paa. Hindi ako makagalaw, dahil sa sakit ng likod ko, at dahil na rin sa----nasa taas ko sya. WALANG HIYA. na pipicture out nyo ba kaming dalawa? Sa gitna pa ng soccerfield? NAPAKALAKING ESCANDALO! "Aray" "Ano ba? Ba't ka ba bigla-biglang tumatakbo?" Nagkatinginan kami. Amoy na amoy ko ang pabango nya, ang buhok nya. Ang isang kamay nya nakahawak pa sa isang kamay ko. WAAAH. Bakit ba ayaw nyang umalis sa taas ko? Gusto nya ba ang posisyon na to? PUCHAAA. JR naman eh, habang malapit ang mukha mo mas lalo kong nararamdaman na mahal na mahal kitaaaa eh. PWEDE BAH? "JR. ano ba? Hindi ka ba aayos?" Sinabi ko yun ng hindi man lang nag-iisip. Este, nag isip naman ako eh, talagang ayoko lang talaga ng ganun. Para kasing gusto nya rin ako, o baka naman umaandar lang ang pagiging playboy nya? Ang pangit naman kung mabiktima nya ako, magkaibigan kami kaya't alam ko dapat - mas alam ko dapat - ang mga kilos nya pagdating sa mga babae. Umayos sya at umupo sa gitna ng soccerfield. (kasi nga, andun kaming dalawa). Nakita kong namumula sya. "Ano bang ginagawa mo? Ba't mo ba ako sinusundan ha?" "Ano? At ikaw? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, bakit bigla ka na lang tumatakbo dyan?"

"E sa ayaw kitang makita eh!" "Bakit ayaw mo akong makita? Apektado ka ba sa break-up natin?" KATAHIMIKAN. Talagang wala syang pakealam no? Kahit na simpleng tanong lang yung huli, pero masakit yun para itanong sa isang taong nagmamahal. Napaiyak ako. Syempre, hindi sa harapan nya, tumalikod ako. Hikbi ako ng hikbi - at hindi ko naman ma GETS kung bakit ko naisipang takpan ang dalawang butas ng ilong ko. NAPAKA GAGA ko talaga minsan. "Hoy! Ano ka ba? Wag mo nga yang pigilan? Panu kung mamatay ka dyan dahil hindi ka makahinga?" Tinanggal nya ang mga kamay ko sa ilong ko. At Oo, nakita nya akong umiyak. "Jini-" Mukhang mataas ang sasabihin nya, kaya lang... "JR? Jini? Kanina ko pa kayo hinihintay, sabi kasi ni Tita ikaw daw ang maghahatid sakin, JR?" Si Andrea.

♥21♥ Post #3: Amy Andrea Tanseco: Bye JR!
Ano kayang ginagawa ng dalawang to dito? Maistorbo nga? "JR? Jini? Kanina ko pa kayo hinihintay, sabi kasi ni Tita ikaw daw ang maghahatid sakin, JR?" Hehe. Totoo naman yun eh. Sabi ni Tita. Tsaka, hindi ako susunduin ni Papa o ng driver kasi may business trip sila. HAAAY. "Uh. Andrea? Ah. sige, aalis na ako!"

Umalis si Ate Jini. Si JR na lang at ako ang naiwan. Nginitian nya ako at... "JINI! Ihahatid na kita?" Bigla syang umalis sa harapan ko at naunang maglakad. Una pa kay Jini. Sumunod na rin ako. Talagang close sialng dalawa ano? Saan na yun si King? Bakit kami lang tatlo? Di bale na nga! Makasama lang ang mahal ko, sapat na!!! Pumasok kami sa sasakyan. Sa front sit ako sumakay, si Ate Jini naman ay sa likuran. Si JR ang magdi-drive. Unang sakay ko pala dito sa sasakyan nya ah! WOW. Excited na ako. Magaling kaya syang magmaneho? When he started the engine, ang bilis. Ang bilis nyang magmaneho. "JR, ang bilis mong magmaneho ah? Ang galing pa!" Ngumiti sya sakin at naramdaman kong mabilis ang tinok ng puso ko. Habang hawak nya ang manibela at nakatingin sya sa daanan, nahahalata kong sumusulyap sya sa salamin sa harapan. Tinitingnan nya kaya si ATE Jini? Tumingin ako sa likuran at nakita ko si Ate Jining natutulog na halatang nahihirapan sa pagkakasandal nya sa maluwag na upuan. "JR. Stop the car!" "Huh?" "Lilipat ako sa likuran!" "Bakit naman?" Dahan-dahan nyang tinabi ang sasakyan. Tatabihan ko sana ang kawawang si Ate Jini. Kaya lang, paghinto ng sasakyan, nagising din sya. "Ay. Ayus ka lang ba ate Jini? O baka gusto mo tabihan kita para may masandalan ka?" "Naku. wag mong isipin ang babaeng yan, kahit saan naman yan natutulog eh, sa cafeteria...sa bahay ng may bahay...sa tabi ng kung sinu-sino." "Ano? H-Hindi ako natutulog." "ASUS, asa ka pa! Si Andrea na nga ang nakahuli sayo eh! Tsaka, nga pala! Magkakilala na pala kayo?" Pinaandar nya ulit ang sasakyan. "Huh? Oo, inihatid nya ako sa CC. At nagkataon pang bestfriend mo pala sya! Ang saya ng araw na to!" "Mabuti at masaya ka." Mabuti at masaya ako? WOW. Gusto nya akong maging masaya? Kung alam nya lang na sya ang nagpapasaya sakin. Ang sarap ng pakiramdam na katabi sya ngayon sa loob ng sasakyan nya. Feeling ko, girlfriend nya ako. WOW. "Uh. JR, nainlove ka na ba?" "Huh? Ano bang pinagsasabi mo?" "Hindi pa ano? Kasi playboy ka! Ang sama mo!"

"Huh? Isipin mo na ang gusto mong isipin. Bakit? Inlove ka na sakin no?" Sapul. Ano sya? Bakit ko naman sasabihin? Ika nga...'but I can't spell it out to you...no it's never gonna be that simple.' "Huh? A-Ano? A-anong pinagsasabi mo?" Hininto nya ang sasakyan. Tinitigan nya ako ng nakakatunaw na titig. AHWWWWWWWW.. AWWWWWWW. Ang guwapo nyaaaa... WAAAH. Unti-unting lumapit ang mukha nya sakin. "Huh?" Napailing ako. "Pumikit ka!" Pumikit ako. Hahalikan nya ako? Kaso, unti-unti kong narinig ang tawa nya...

"Jini?! Ano? Ba't ka parang nakakita ng multo ha?" Hindi nya ako hinalikan. Pero, ayos lang. Nakalimutan ko kasi na andyan si Jini. Nakakahiya naman ata eh. "A-Ano? Natutulog ako eh!" "Natutulog? Kulang na lang nga lumabas yung mga mata mo eh!...Tsaka, Andrea, may dumi ang mukha mo eh, inalis ko lang... " WAAAH. I'm thinking too much. Pinaandar nya ulit ang sasakyan at humarurot. Mabilis naman kaming nakarating sa bahay. Bumaba na ako, bumaba din si Ate Jini. "Andrea! Sige! Ingat ka huh?" "Sige! Salamat ate Jini! I hope we'll be good friends?!" Magpapatulong sana ako sa kanya sa kay JR. Kaya lang, wala sa bokabularyo ko ang unang mag-move sa mga lalaki. Maghihintay na lang ako. May kumpyansa naman ako sa sarili ko eh. Sigurado ako. Bumalik na si Ate Jini sa sasakyan... "Bye JR!" Kumaway sya at kinindatan ako. Umalis ang sasakyan, pero tinatanaw ko parin. Ilang sandali ang nakalipas, huminto ito. Baka...baka...may sasabihin o nakalimutang sabihin si JR. Tumindig ang balahibo ko sa tuwa. Nakita kong lumabas si Ate Jini sa sasakyan at lumipat sa frontsit. I'm really thinking too much. DAMMNNNITT! One way of hurting yourself is expecting. Makapasok na nga sa loob ng bahay.

♥♥♥

Chapter 22 You Have Stolen My Heart
♥♥♥

Jini Punzalan: Mahal ko rin po kasi sya
Pinalipat ako ng bakulaw sa front sit. Ewan ko kung anong iniisip nya. Pero, okay na rin yun, para naman hindi sya magmukhang driver ko. Humarurot ang sasakyan. Nakakapigil hininga nga eh. FAST AND FURIOUS ba itech? Langhya, habang nasa daan kami inaalala ko ang buhay ko. Hindi ko nga namalayan na ibang daan na pala ang tinatahak namin. At ngayon, napunta kami dun sa coffee shop kung saan mo makikita ang buong syudad - kasama na ang USM at billboard. HEHE. "Ano ba? gabi na ah? May pasok pa tayo bukas? Bakit andito tayo sa lugar na to?" Tinanggal ko ang seatbelt ko at humarap ako sa kanya habang nakahawak pa sa manibela. Hindi pa kami umaalis sa loob ng sasakyan. Hindi naman sya bumababa kaya hindi narin ako bumaba. . Kung alam mo lang kung gaano ako dahil tinatagalan mo ang paghatid sakin. Ibig sabihin lang nun, eh, mas matagal kaming magkasama. Kaya lang, ibig sabihin din nun, mas mamahalin ko sya. Sa bawat segundong nakatingin ako sa mga mata nyang PANG-BADBOY talaga, mas lalo ko lang naiisip na mahal-na-mahal ko sya. Sa bawat oras na magkatabi kami at nakikita ko ang pagiging playboy nya - imbis na umayaw akong mahalin sya - mas lalo kong iniisip na--... "Jini. Iniisip mo ba ako?" Nabulabog ang pag-iisip ko nung humarap sya sakin with his EVIL EYES and EVIL SMILE. "Huh? H-Hindi ah?" "Wala namang masama kung aaminin mong iniisip mo ako ah!" "Aba't ke lakas ng loob mong iparatang sakin yan ah! Ang iniisip ko ngayon eh kung makakauwi pa ba ako!" "Iuuwi din naman kita eh! SABIHIN MO LANG..." "--Huh?" Tignan mo to. Sabihin ko lang daw?! O di...-sige..

"Uhm..uwi na---" Tayo, este, wag na tayong umuwi. "O? Ba't di mo nasasabi ng buo? Ba't ka parang lumunok ng ulo ng manok dyan?" Lumapit sya sakin. Lumayo ako sa kanya. Lumapit pa sya, nandon na sya sa upuan ko at ang mga kamay nya ay nakasandal na sa gilid ng inuupuan ko. MALAPIT NA MALAPIT NA SYA! AS IN... NAAAMOY KO NA SYA AT NARARAMDAMAN KO SA SA PISNGI KO ANG PAGHINGA NYA! Hinalikan nya ako. NA BIGLA AKO SA GINAWA NYA. Napaiyak ako at tinulak sya. "Anong akala mo sakin? HUH? Wala na tayo! Ang kapal din naman ng mukha mo noh?" Hindi tumigil ang mga luha ko.

"Jini. MAHAL KITA!" Ano daw? Hindi yata. A PLAYBOY will always be a PLAYBOY. "Talaga? Lokohin mo lelang mo! PLAYBOY KA! PLAAAAYBOYYY! HEH! Hindi ako maniniwala...lalalalalalal..lalalalala..." Tinakpan ko ang tenga ko ngunit narinig ko parin ang....

"PUTAAAAAAAAAAAAAAAAAANG INA NAMAN OH! Kung kelan ako seryoso! Hindi pa kayang maniwala ng magnanakaw na to." "Eh ano? Ano ngayon kong mahal kita?! HUH? Pagtatawanan mo ako? Paglalaruan mo siguro ako no? HUH? TSAKA, may Andrea ka naman eh. Mas mabait pa yun sakin. baka magustuhan mo rin sya at---" "SHHH... andami mo namang sinasabi eh..." "Huh?" Pagtatawanan siguro ako neto. "Maniwala ka sakin dahil seryoso ako ngayon. At kahit na ilang beses mong itanggi, hindi ako maniniwala sayo." "UNFAIR! A-anong?" Sinabunutan ko sya! "JR Ang samasama mo talaga! Walang hiya ka! Ang hirap kaya neto! Hindi ko na alam kung alin sa mga sinasabi mo ang totoo at alin ang laro!" Napaiyak ako. "Ano? LARO? Wala na tayo sa laro ah? Diba nga wala na ang kontrata. Pero may utang ka parin sakin!"

OH MY GOSH. Naguguluhan na talaga ako! May utang ako? Ibig sabihin? UTANG KO LANG PALA ANG INAALALA NG ETO EH! "Yun ba?" Patuloy parin sa pag-agos ang luha kong parang gripo. Linabas ko angh wallet kong may lamang Limang daan - kung iniisip nya na unti-unti na akong yumayaman, mali kayo, ipon ko yun!

"Sayong sayo na yan! Babayaran kita! Wag kang mag-alala! Hindi na ako magkakatulong sayo! Magtatrabaho na ako sa iba! Hindi ko na kelangan ng Kontratan ng Kadilimang yun! Ayaw ko nun! Dahil sa kontratang yun, nasasaktan ako! MAHAL na MAHAL kita at sinong nagsabi sayo na itatanggi ko na mahal kita? HUH? Hindi ko yun itatanggi! Sige, tumawa ka ng tumawa hangga't sa gusto mo. TAWANAN mo si Jini Punzalan, na inaaway ka noon at inalipin mo ngayon. At pagkatapos ko sabihin to sayo, mananahimik na ako, babayaran kita wag kang mag-alala, hindi ako tatakbo sa utang mong bakulaw ka!" "Bakulaw?" Unti-unti syang ngumingiti. Hindi ko talaga mabsa ang utak nya. HUHU.

Ang haba ng sermon ko. Dahil sa haba, hinigal ako sa pagsasalita, sinabayan pa ng mga luha kong hanggang ngayon ay umaapaw parin. HUHU. Kinuha nya ang limang daan ko at... "HAHAHAHA. ETO? Sa tingin mo sapat to?" WALANG HIYA! Sinabi ko bang sapat yan? "Hindi nga! Unti-unti ko rin yang mababayaran, limang daan kada isang buwan. O kung gusto mo kada isang linggo para mas mabilis. Tsaka, magkano ba ang utang ko sayo?"

"Mabuti naman at naisip mong itanong?" "Aba't! Kung akala mo hindi ko yun mababayaran, masyado mo akong minamaliit."

"ANG PUSO KO KAYA ANG NINAKAW MO, KAYA NGAYON, SABIHIN MO NGA KUNG MABABAYARAN MO BA YUN!?"

Napanganga ako. Ewan ko ba't parang nanghihina ako at gusto kong tumalon sa tulay.

Ay wag...hehe...Ano daaaaaaaaaaaw? Hindi ako pwedeng maniwala. PEROOOO!?-Pinaandar nya ang sasakyan. At ngayon, masmabilis na sa dati ang pagpapatakbo nya. Grabe, parang naiiwan ko ang kaluluwa ko dahil sa bilis ng takbo. Agad kaming nakarating sa bahay nila... Hinila nya ako, ang sakit-sakit na nga ng braso ko. Feeling ko, maiiwan ang katawan ko at ang braso ko lang ang dadalhin nya. Sinalubong kami ng sandamukal na maid at guard na nagtataka. UMIIYAK PARIN AKO. At hanggang ngayon, hindi ko pa ma GETS kung bakit kami andito. Bago kami pumasok sa dining room - kakain ata kami - eh, inayos nya muna ang sarili nya at pati ako. Pinunasan nya ang luha ko kahit hikbi ako ng hikbi. Hindi ko mabigilan. Yinakap nya ako. Hawak-hawak nya ang kamay ko at hindi parin ako nakakapagsalita. Wala pa naman syang sinasabi eh. At ilang sandali, pumasok kami sa loob at naabutan namin ang mama at papa nya sa magkabilang dulo ng dining table. Nalaglag ata ang panga ng mama at papa nya nung tumingin sa mga kamay naming magkahawak. "Anong?-" "Ma?! Si Jini---ang girlfriend ko!" Pinaupo kami ng mama at papa nya ng mahinahon. Halata sa papa nya ang pagtataka at galit. Natatakot ako, lalo na sa papa nya, dahil hindi ko pa sya lubos kilala. "Ano ka ba JR! Hindi ka pa rin ba natututo?" "Pa. Ano ba? Seryoso ako. Ayokong makipagtalo." Napatayo ang papa ni JR. TAKOT NA TAKOT NA AKO. HUHUH.. Tiningnan nya akong mabuti. "Ma, Pa, seryoso ako. Ma, alam mo naman diba? Wala pa akong pinapakilala sa inyong girlfriend. At, pa, kung iniisip nyo na lahat ng desisyon ko ay mali... BAHALA kayo, isipin nyong mali ang lahat. Pero, etong bagay lang to ang alam kong tama."

WAAAAAAAAAAAAAH., Ang lalaki ng pawis ni JR. Takot na takot ata sya sa mga pinagsasabi nya. Ang higpit ng kapit nya sa kamay ko. Ang totoo, sya lang talaga ang may hawak sa kamay ko, hindi ko hawak ang kamay nya. PERO, dahil sa mga sinabi nya, hinawakan ko ang kamay nyang mabuti... "Tita..Tito. Mahal ko rin po kasi sya. Nung una po, Inalipin nya po ako kaya ayaw na ayaw ko sa kanya!" Tumingin ako kay tito at parang puputok na ang mga ugat nya sa

ulo pagkarinig nun. "AYOKO KO SA KANYA! NAPAKASAMA NG ANAK NYO! BAKULAAAAAAW!..." WAAAH. may nasabi ba akong mali? "Kaya lang. MAHAL KO NA PO SYA NGAYON!...-pasensya na po."

"Anong pasensya? Humihingi ka ng pasensya sa pagmamahal mo sakin? Napaka---TSSSK. Ano ka ba?" Sinigaw-sigawan ako ng bakulaw na to. GRRR... LINTIK. Kung di lang kita mahal. Tsaka, baka nakalimutan netong nasa harap kami ng mama at papa nya. "Jini. Hindi ka ba natatakot? I mean," Ngumiti si Tita. Napaisip tuloy ako kung seryoso ba tong usapan namin ngayon o ano? "He is a playboy and you know that!" "Ma. Pati ba naman---------------Oo na! Playboy na kung playboy. Bahala kayo. Kung ayaw nyong maniwala sakin." Feeling ko, naiirita na si JR. Wala kasing naniniwala sa kanya eh. Ang lalaki na nga ng pawis nya sa kapapaliwanag. "Joshua. Tama nga kaya tong ginagawa mo?" Tanong ni Tito. "Bakit? Kung sasabihin ko bang tama o mali to, maniniwala ba kay-" "SAGUTIN MO NA LANG!" POTEK. na bigla ako dun sa pagsigaw ni Tito. Parang nababali nya na ang hinahawakang tinidor.

"TAMA O MALI PA, Wala...akong...pakealam..." HARAAAAAAAAAAAY NAMAN. KINIKILIG AKOOO! JR naman eh.. wag mo iparinig sakin yan.... Huminga ng malalim si Tito at linapitan sya ni Tita at kinalma. Takot parin ako. At alam kong ganun din ang nararamdaman ni JR. pareho kaming takot pero kakayanin ko, naniniwala ako sa kanya. Nararamdaman ko, na hindi sya nagbibiro. SERYOSO SYA. Sorry JR, ikaw naman kasi eh...masisisi mo ba ako kung natatakot akong mahalin ka? HUHUHU... Pero, nawala ang takot ko nung kumalma si Tito at narinig ko ang mga salita galing kay Tita... "So, anong plano nyo ngayon? --- sa totoo lang, wala akong magagawa sa kaso ni Andrea. Dahil, kagustuhan nya ang sinusunod nya. At hindi namin sya pinipilit."

PI-NA-PA-YA-GAN NA KA-MING DA-LA-WA.

Muntik na akong mapaiyak!!!! ANG SAYA SAYA KOOOOO...

*KRRRRRRRRRRRIIINGGGG---KRIIIIIIIIIIINGGGG*
"Hello? O, andrea? Huh?........O sige,....huh?........okay-okay..........bye..." Ano? In speaking of andrea ba itech?

"Joshua. Wa'g kang magkakamali." "Pa, ano ba? Lagi naman akong mali eh!" "Tama na yaan pwede ba? kayong dalawa talaga...haaay...O, Joshua.... Samahan mo daw si Andrea sa bahay nila dahil wala ang mga magulang nya at mag-isa lang sya dun........."

Nanlaki ang mata naming apat... SASAMAHAN SI ANDREA? WALA ANG MAMA AT PAPA?? MAG-ISA...? BOYFRIEND KOOO--SI JR... GUSTO NYANG MAKASAMAAAA?... ANONG??? GAGAWIN...? KOW??? "O, Jini? Don't worry, wala namang gagawing masama si Joshua dun diba?"

Tumingin si Tita kay Joshua. "Ma. Ba't di mo tinanggihan?" "Huh? Makakatanggi ba ako sa lambing ng boses nya at sa mala anghel nyang pagmumukha? Tsaka....-isang gabi lang naman eh...?" Sige..JR...mag seselos ako..sige ka... sige.. sige... "Sige na JR. Pumayag ka na. Tsaka, wag mong sabihin kay Andrea ang tungkol satin. Ayokong masira ko ang kasiyahan nya..." MASIRA ANG KASIYAHAN NG MABAIT AT MAAMONG SI ANDREA. WAAAAAAAAH. Kahit kelan naman kasi, hindi ako naging maamo at mabait-angmukha eh. Lagi naman akong may mataas na sungay. Kaya, magiging KONTRABIDA ako sa pananaw ng iba kung ipagkakait ko ang JR ko diba? Kahit isang gabi lang? Jhini. please? Tiisin mo na lang please? Kaya mo yan girl! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH... Ayokong umarteng parang girlfriend-nanagseselos. WAHAHAHA. Naguguluhan ako. ♥♥♥

Chapter 23 What Hurts The Most
♥♥♥

Jini Punzalan: Napaka-selfish mo talaga
Naturingang girlfriend pero hindi pwedeng ipagsabi. KAWALANG HIYAAN. Desisyon ko rin naman na hindi muna ipagsabi ang relasyon namin ni JR eh. TAMA NAMAN ANG GINAWA KO DIBA? Pumayag naman si JR kahit isang-libong beses kong inexplain sa kanya na sasabihin din namin ang totoo kay Andrea sa TAMANG panahon. At ngayon, papunta kami kina Andrea. TAMA! Kasama ako. HAHA... pinagtawanan lang naman ako ng Mama at Papa ni JR nung sinabi kong... "Sasama po ako kasi ayokong magselos." HAHAHA. Bahala na! Basta, hehe, mahal nya naman ako eh kaya okay lang yun. Nakarating na kami sa bahay nina Andrea. Buti't pinayagan ako ni Tiya Isabel no? hehe. Wala namang problema yun eh. "UY! Andito ka na pala. Ate Jini?!" "HEHE. Oo, kasi, uhmmm..." "-uh, kasi wala ding tao sa bahay nila!" Pinagtakpan ako ni JR. "Ganun ba? WOW! Edi masaya! HEHE. Pasok kayo!"

Pumasok kami, at yun na nga... maganda naman ang bahay nina Andrea, halatang silang tatlo lang ng mama at papa nya ang nakatira. Wala ba silang maid? Well, anyway, masyado na akong nagiging batugan dahil lagi na lang akong nag-iisip ng mga maid. "Ate Jini. Sa taas mo na lang ilagay yung bag! Tsaka, nag ready din ako ng mga DVD, manood tayo ah? hehe." Kaya, inakyat ko na yung bag na may lamang damit ni JR at damit ko na rin. Basta, may damit din ako dun. HEHE. Pagkatapos kong inakyat ang bag... nagpunta agad ako sa kitchen - kasi andun silang dalawa. "Hindi ka pa kumakain? Tumawag ka sana samin para nadalhan ka? O nagpabili ka?" Sabi ni JR. "Eh, hindi ko na naisip eh. Mag luluto na lang ako. Ipagluluto ko kayo!" She smiled. "Talaga? magaling ka bang magluto?" Ngumiti si JR sa kanya. TSSS... Ipinapalabas nya atang mas gusto nya ang mga babaeng magaling magluto. Naalala ko tuloy ang noodles. "UH. sige! Tulungan na kita, Andrea." HALA. sige Jini, sumingit ka pa sa kanila. "Talaga ate? Magaling ka bang magluto?!" "HEHE... Naku, si Jini? Hindi yan marunong, Jini...umupo ka na lang dyan sa tabi at sabay nating panoorin si Andreang magluto!" Sabi ni JR. "Ha?" "Sige na!!" Pinaupo nya ako. Pero sya naman, nakatayo dun sa tabi ni Andrea at nanonood sa MAGALING NA PAGLULUTO ng mabait at SWEET na si Andrea. OH NO Jini, nagseselos ka? Para atang naaasar na ako kay Andrea ah? NOOO! Magiging kontrabida na ba ako? HUHU. "Jini!" Si JR pala, kanina pa pala ako walang imik dito. Inakbayan nya ako. Si Andrea naman, nakatalikod parin at seryoso sa pagluluto. "Wag kang mag-alala, pag ikakasal na tayo, hindi naman kita paglulutuin eh!" EVIL SMILE. Sinuntok ko sya. "Ano ka? Mag-aaral akong magluto no! Matututo din ako balang araw." OHHH! Ngayong malapit na naman sya sakin, eh, nawawala ang selos ko. HUHU... "TAAAADAAAA! Tapos na akong magluto!"

Tinanggal ni JR ang kamay nya sa balikat ko at umayos kaming dalawa. Humarap si Andrea at ipinakita ang linuto nyang - hindi ko alam ang pangalan. Pakealam ko ba, e di naman talaga ako interesado sa pagluluto. Kumain na kami. And to be honest - walang plastikan - masarap ang luto ni Andrea. NOOOO! "HAAAI. Busog na busog ako! Ang sarap sarap mong magluto, Andrea.." Parang...ume-echo ang Andrea....andrea...andrea... sa tenga ko... ang sarap mong magluto...andrea...andrea... ABA'T talaga namang..HUHU "Ate Jini. Hindi ka ba marunong magluto?" "Huh? Ah eh..pero, may plano naman akong mag-aral eh!" "Ganun? Gusto mo turuan kita?"

WAAAH? Para ano pa? Para ipamukha sakin ang pagkaSUCKER ko sa pagluluto. WAG NA! WAG NA. Ehem... este... Jini, nukaba, nagmamagandang loob na nga sya eh ginagago mo pa. "Ate?" "Ah...Oo naman noh!!! HEHEHE..." "Kelan mo gusto, Ate?" "Uhh.. anytime..wag lang ngayon kasi busy ako eh." "Talaga? O sige... " Pagkatapos naming kumain. Syempre, what do you expect? MARAMING PINGGAN. "Andrea, ako na!" Sige, sapakin nyo ako nung sinabi ko ang kalokohang yun. "Ako na ang maghuhugas. Ikaw naman ang nagluto eh." Para naman may silbi ako! "Talaga ate? O sige! Salamat ah! HMMM. Pagkatapos mo ate, sumunod ka samin sa sala ah? Manonood tayo ng movie!" "Okay! " "Talaga? Manonood tayo? Anong movie? horror?" Tanong ni JR. "HUH? Hindi eh, heheh...di kasi ako makatulog sa mga horror movies eh. Tsaka, may pasok pa tayo bukas!" "O sige. So anong panonoorin natin?" Tanong ulit nya. "UHM... hehe. mejo korny pero If Only." "Huh? Ano yun?"

"Ano? Hindi mo alam yun? Ang ganda-ganda kaya nun! Lika! Panoorin natin!" Hinawakan ni Andrea ang kamay ni JR at dinala sa sala. WAAAH. At ako? eto, maghuhugas pa lang ng sandamukal na plato. Anak ng tokneneng naman oh, bakit masaklap ang kalagayan ko ngayon? Si JR naman, napaka FULL TIME BIG TIME FLIIIIIRT! Naku jusko! Ewan ko kung maniniwala ba ako sa mga sinabi nyang mahal nya ako. Baka hindi? Baka...ano? nakuuuu. yung takteng lalaking yun, napaka PLAYBOY. Lahat ng babae nginingitian! Nakuuu...ASAR. 15minutes later. Naku, mas mabagal pa ako sa pagong kung maghugas ng plato. Napaka rami naman kasi eh. Parang may fiesta. TSSSK. Sinasabunan ko pa tong panghuling plato at sumilip sa dalawang yun. O.O At alam nyo kung anong nakita ko?

Si JR, nakatulog sa sofa habang si Andrea naman ay PINAGSASAMANTALAHAN ang pagkakataong mahalikan sya... five..four..three..two..one... HALIK. kasabay ng halik ang pagkabasag ng pinggan na NAHULOG ko. WAAAH. "Andrea~" Gumising si JR. "Sorry! " "Anong ingay yun?" WAAH. Hindi man lang pumalag si JR sa halik ni Andrea. Of course tulog eh, pero...peroo... HUHU... Agad silang pumunta sa kitchen kung saan nila ako nakitang pinupulot ang mga pieces ng pinggan..... "Jini! Okay ka lang ba?" Tanong ni JR. "O-Okay lang ako!" "JR! Sorry ah?" "Okay lang yun! " Ngiti. "Uh..sige! Maliligo lang ako." Umalis si Andrea. Nahiya ata sa ginawa nya. Ako naman, parang may mga isda sa tiyan ko. Mga GOLD FISH na nag-aaway. HUHU. Pinulot naming dalawa ang basag na pinggan. "Pasensya na! Wala na talaga akong magawang matino." "Huh? Ano bang pinagsasabi mo! Lika nga dito!"

Nag-aalinlangan pa akong lumapit sa kanya. Syempre, with that Ngiti ng Demonyo and open arms na parang hindi ka na bibitiwan. Naku, wag na...este...syoooorness. Pero, hindi ako makagalaw. "Ano? nagseselos ka?" Hinahamon nya ata ako. "Huh? Ba't ako magseselos?" Hindi ako makatingin ng diretso. Bigla ba naman akong yinakap at ang higpit pa ng yakap nya. Pinilit kong kumawala...pero, ang lakas nya. ANG ABS NG MOKONG NA TO NAFIFEEL KO NA NAMAN. Langhya! Nakakainis naman kasi eh! Ba't ba ang bait-bait nya sa lahat ng babae sa WORLD? Pati din sakin mabait sya. Hindi ko na madistinguish ang kaibahan ko sa ibang babae. Pero, teka nga, mejo matagal na kaming magkayakap ah? "JR...baka makita tayo ni Andrea!" "Huh? Bahala sya kun makita nya tayo. Wala naman akong pakealam sa kanya eh!" Ano daw? Kaiisip ko pa lang nga nung 'hindi ko madistinguish ang kaibahan'. "Wala naman akong pakealam sa lahat ng tao eh." Ang tiyan ko may mga gold fish na naman. GRRR... HAHA. Parang feeling ko gusto kong umiyak sa kasiyahan! WAAAHAHAHA. SECURED. "Ano? Napaka-selfish mo talaga no?" "Ano naman ngayon? Eh sa ganito na talaga ako eh. tsaka mahal kita." Ano kamo? Pakiulit? Biglang nagpatugtog si Andrea ng mga kanta... 'You are my sweetest downfall...i love you first...' Napabitiw kaming dalawa sa pagkakayakap. "Sige na, tulungan na kitang maghugas." AWWWW... Bihira lang sya ganito. Kaya, ang sayasaya ko ngayon. Narealize ko na talagang kelangan kong tanggapin na mabait na talaga sya sa mga babae, maturingan ba yang playboy kung hindi naman. Pero, sana naman wag nya ako masyadong pagselosin no? HUHU...

♥23♥ Post #2:

Joshua Rian Te: Tama na...
Loko din ang Andreang yun ah? Ba't nya ako hinalikan? Nakita siguro yun ni Jini. HAAAY. Ke gandang lalaki ko talaga, hinahabol ako ng mga babae. Ehem. Behave muna ako ngayon, tinamaan ako ng lintik na pana ni Kupido. Umaga na at papasok na kami sa school. Buti na nga lang at tapos na rin yung isang gabi sa bahay nina Andrea. Makakahinga na ako ng mabuti. Papunta na kaming school. Tahimik lang si Jini doon sa likuran. Si Andrea naman... "...naku! Ang ganda talaga ng istorya ng If Only. HAAAY! Sana mag karon din ako ng taong magmamahal sakin tulad nun?" "Andito na tayo!" I parked the car. Bumaba agad si Jini. Sumunod si Andrea. Ano kayang nangyari kay Jini? Hindi ata nakatulog eh. TSSSK. "Ate Jini! JR! Mauna na akong pumasok ah! Sige, kita kitz na lang!" Ngayon, kaming dalawa na lang ang nasa labas ng sasakyan. Nakasandal sya sa sasakyan ko at tulala. "Ano? Anong nagyayari sayo? Wa'g mong sabihing hindi ka parin nakakarecover kagabi?" "Ano? Hindi ah! Iniisip ko lang naaaah...uhm... may group work kami mamaya. Pagkatapos ng klase, baka matagalan ako." "Huh? Edi hihintayin parin kita!!" "Di...mauna ka na lang umuwi mamaya!" "Ayoko nga!!!! TSSSK." Ang lokong to, hindi pwede no? Kung pwede lang talaga na sa bahay ko na rin sya iuuwi eh gagawin ko! Tsaka, magiging busy na ako bukas kaya baka hindi ko na rin sya maihatid - para sa Hearts Festival. ~~~Hearts festival - gawagawa ko lang yan huh? HEHE. ano yan? Para yan sa mga lovers. HEHE. Araw ng mga nagmamahalan sa school nila. "JR naman eh, wag ka na ngang makulit!" "AYOKO SABI EH! Tsaka, malapit na ang hearts festival ah! Bigyan mo ako ng regalo ah?!" "Ano?" "Oo! Last year na Hearts Festival, si Kenjie ang boyfriend mo. Ano ang binigay mo sa kanya?"

"HUH? Ano ngaaa ba?? Ewan. AHHH! Alam ko na!" Ang babaeng to, pa-ewan-ewan pa. TSSSK. "Bracelet! Ewan ko kung saan nya yun linagay or what...hehe" Inakbayan ko sya at linapit ko ang mukha ko sa kanya. "Anong ibibigay mo sakin?" "Ano? Wala akong pera ngayon! Di kita bibigyan!" "Napaka unfair mo naman! Si Kenjie noon, binigyan mo, tapos ako naman, hindi! GRRR..." "Oo na! Bibigyan na nga kita!" She smiled. Iniinis lang ata ako neto eh! Umalis na kaming dalawa at nagpunta sa aming mga klase. Argh. Magiging busy na talaga ako bukas. Dapat lubos-lubosin na namin to ngayon! "JR! Nakalimutan ko, dapat pala hindi tayo mahalata ng mga tao!" Sabi nya. "Ano?" "Mauna ka ng pumasok sa room. Susunod na lang ako." HAAAY. Kami nga, pero, di naman pwedeng ipagsabi. Kabaliktaran noong laro pa lang eto. Kahit hindi totoo, dapat ipakita at ipagsabi. Ngayong totoo na, di na pwedeng ipakita o ipagsabi. GRRR. Jini kasi, ano bang inaalala nya! BRR... bahala sya, sabi nya eh! Nauna na akong pumasok, sumunod sya mga 3minutes later. Pagkatapos ng klase, sinenyasan nya lang ako na tatawag na lang sya. OKAY! AAAAAAAAAAAAAH! Bakit ganito! Ayoko ng ganito! Jini naman eh! Ang hirap naman. TSSSK. "JR!" Pag lingon ko. Si Andrea pala! Buti pa tong isang to, walang kabusy-busy ang life. Tsaka, laging andyan! ARGH! Si Jini naman, imbis na sya ang kailangan ko, ang dami nyang ginagawa! ARGH. "O! Andrea! Bakit?" Naglalakad kami patungong CC office. "Kasi, uhmmm, magkasabay pala tayo ng birthday no?" O.O Huh? Talaga? "Sabi kasi ni Tita, magkasabay daw tayo ng birthday eh! Tsaka...ang birthday ko kasi gaganapin sa Resort nyo! Alam mo na...formal. UHM.." "Ganun ba? Hindi naman kasi ako nagpapaparty sa birthday ko eh! Tsaka, may isang month pa bago ang birthday ko! este. natin." Ngumiti sya. Ngumiti na rin ako. Be nice to girls mehn! They're all precious kasi. LOL.

Oo nga! I honestly know that. Kahit tanungin nyo pa si Bridgette (How To Produce A Prince). Dapat hindi sasaktan ang mga taong nagmamahal sayo...TROOOOOOOOOOOOOOOT! JR! Nukaba! Di pwede yan! HEHE. It's different now, because I'm inlove!!! ~~~"WAAHHAHAHA. In love? Ano yun?" Nakakasindak na tawa ni Bridgette. LOL. baka di nyo na ma gets tong story na to huh? May bago kasi akong story eh. "Pero...ako naman ang magpapaparty eh! Tsaka, ano...pwede ka bang maging escort?" Nagpacute. "O! Sige! Sure." Malayo pa naman eh. Baka, sa time na yan...alam na nya ang katotohanan sa aming dalawa ni Jini! Pero, kung malaman ba nya ang katotohanan...hindi na ako ang mag-eescort? Nakarating na kami sa CC office. "Bakit wala si Ate Jini? May gagawin tayo ngayon para sa Hearts Festival diba?" "Ewan. May ginagawa daw!" Dumating si Kenjie at Tanya. At ayun na naman ang mga tingin ni Kenjieng parang sinusuntok ako sa mata. GRRR.. "JR, bakit parang ayaw ni Kenjie sayo?" Tanong ni Andrea. "Ah? Yun ba? Wala! Ewan." Panu ko sasabihin? Langhiya. "Hoy Andrea! Tumulong ka na dun sa pag-aayos ng mga decorations para sa Hearts festival!" Si Tanya talaga! "Oo..sige po ate!" Mabagal kumilos si Andrea. MAHINHIN. "Nukaba! Bilisan mo nga dyan! Tsaka, wag mo nga akong tawaging ate, nung

akala mo sakin? Gurang? HAAAY. Please lang! Tsaka, sige na! Nakikipaglandian ka lang naman dyan eh!" TUMPAK! Este.
"Tanya! Ano ka ba! Ang sakit mo namang magsalita." Ang pagkakasabi ko nun ay mahinahon lang. Tumingin ako kay Andrea at...guess what? Umiiyak na sya. HAAAY.

"Sorry! Uhm. Tanya!" Hindi man lang marunong gumanti! Di tulad ng Jini kong palaban! Tskk.. "AAAY! Ano ba yan! TSS. Ba't pa kasi umalis si Hayley eh! Langya!" She crossed her arms tapos nag walk-out. Hayyy. To talagang si Tanya. Number one Maldita. Kaya, eto, hinihimas ko ang likod ni Andrea.

"Tama na... SHHH.." Iyak sya ng iyak. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa CC. TSK. "JR! Pagkatapos nya, may kapalit ka agad?" Sabi ni Kenjie. Napatigil ako. "Ano?" "Palibhasa playboy!" Nagwalk-out sya. Ang lokong yun! Kung alam nya lang ang pinagsasabi nya! NAKUUUU! GRRR... Bakit ba kasi hindi pwedeng ipagsabi na MAHAAAAAAAAAAAAAAL NA MAAAAAAAHAAAAAAAAALLL KOO ANG GIRLFRIEND KOOOONG SI JINIIII? Argh!

♥23♥ Post #3:

Amy Andrea Tanseco: Nakakainggit sya.

Tapos na rin ako! HAAAY.Habang papalabas ako ng campus. Nakita ko si JR nakasandal sa car nya. Ba't kaya andito pa sya? 6:30pm na ah? "JR!" Kumaway ako. Kumaway din sya. Kaya linapitan ko. "JR! Ba't andito ka pa?" "AHHH. Eh... may hinihintay ako eh. si Jini." "Ganun ba? Eh, matatagalan ata sya ngayon para sa group work nila eh!?" "Oo nga! Pero, hihintayin ko sya!" "UHHH..." I have an idea.

"Uhm. Ihatid mo naman ako sa bahay o!?" "Huh?" Nag-aalinlangan syang sumagot. "Sige na please? Sige na!!!" Puppy eyes. Ang galing mo talaga Andrea! Ang galing ng diskarte mo! "Papayag na yan... Papayag na yann!!" Nag-aalinlangan parin sya. "Kasi..." "Sige na! Balikan mo na lang si Ate Jini. Mamaya pa yun eh. Sige na! Malapit lang ang bahay namin dito." "Huh?" Linabas nya ang cellphone nya at tinawagan si Jini. Ilang sandali... "O sige, pumasok ka na!" "YEEEEEEEEEEESSSSSSSSSSS!" Sa loob ng car. Panay ang tingin ka sa kanya habang nagdi-drive. Seryoso ang mukha nya at parang may malalim na iniisip. "JR." "HMMM?" Hindi man lang sya tumingin sakin. Of course, nakatingin sya sa road noh? "Ang close nyo ni Jini noh?" Tumango lang sya. "Nakakainggit sya." I'm actually testing him kung ano ang sasabihin nya pagsinabi ko, kaya lang, hindi sya umimik. I love him sooo much! I'll do everything for him! Bigyan nya sana ako ng chance!

♥♥♥

Jini Punzalan: Thanks King
"HAAAAAAAAY Natapos din ako!" Napalingon ako sa labas. Andun si King... "King! Kanina ka pa?" Linigpit ko ang gamit ko. "Oo! Paglabas ng mga groupmates mo, napadaan ako dito. Kaya eto. " Ngumiti ako sa kanya.

ARGH. Lowbat ako, kanina pa. Hindi ko pa nasasabihan si JR. Sana hinihintay nya pa ako. HUHUHU. "Nakita ko na pala si JR kanina, hinahatid nya si Andrea." WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAATDA? Jini. Yun ba ang gusto mong marinig? "Oh? Talaga?" Napatigil ako sa pagliligpit at natulala. Magtatanong na sana ako kay King kung may load ba sya para matext ko si JR pero... di na kailangan. "Tulungan na kita." Ngumiti ulit sya. "I'm sorry." "endi. King ayus lang!" HUHUHU.. Sabay na kaming umalis at dumaan din kami sa parking lot kung saan pina-park ni JR ang sasakyan nya. And guess what....WALA NA TALAGA. "Ako na lang ang maghahatid sayo!" Sabi ni King habang binubuksan ang ngayon ko lang nakita na sasakyan. "Huh? Sayo to?" "Yeah. Actually, ginagamit ko lang to pagnatatagalan ako sa pag-uwi." Ngumti ulit sya. Pumasok na kami sa sasakyan. Ang sakit ng puso ko. Parang hinahanap ko si JR, asan ba kasi sya! Pasensya na talaga JR, lowbat ako. "Uh. King, pwede pa text?" "Huh? Sure!" Binigay nya sakin ang phone nya at pinaandar nya ang sasakyan. Tinayp ko: JR, jini 2. asan ka? sori, lowbat. "UHHH. King, asan ang number ni JR dito?" "Huh? Name nya bro slash JR." Hinanap ko. bro/JR. Okay. senddd... "Bakit mo sya tinitext? Nagkabalikan kayo?" Traffic lights are red. HMMMPF. Tumingin si King sakin. "Hi-hind---" Itatanggi ko? "---Tama! Nagkabalikan kayo? At Linilihim nyo yun dahil kay Andrea? Diba?" Ngumiti sya. Ilang ulit ko bang kayang sabihin na napakabait talaga ni King? WAAAAAHHH.

"Wag mong ipagsabi? Pwede?" Yumuko ako. Green lights... Umandar ulit ang sasakyan. "I know he loves you!" Sumulyap sya sakin. "huh?" "Yeah! Close kami, kilalang kilala ko sya. At kung fling lang yung sa inyo, mararamdaman
ko yun. Pero, hindi eh. Alam kong mahal ka nya! Your his first love! At ayokong makiintervene sa inyong dalawa, kahit na gusto rin kita."

WAAAAAAAAH. Speechless! Ano pa bang sasabihin ko? First Love? Tapos, inopen pa nya ang topic na gusto nya rin ako. Nakew naman Jini, habaaaa ng HURR mo beibeeehhh... Mapapa-'SH1T' si Bridgette neto! ~~~Humirit na naman ako! hehe.. "Don't worry, tutulong ako sa pagtatago ng secreto. Tsaka, hindi ko kayo pababayaang magkahiwalay." AWWWWWWWWWWWWW. I adore you King! Thanks! HUHU. Aray, napaluha ako sa sinabi nya. Natouch kasi ako masyado. Binigyan nya ako ng panyo. Pero, nagdidrive parin sya ah?!?! HUHU. "Thanks King! Di ko alam kung paano kita papasalamatan!" ♥♥♥

Joshua Rian Te:

umiiyak si Jini

"Salamat sa paghatid sakin JR!" Tumango ako at ngumiti. Pinaandar ko agad ang sasakyan ko para balikan si Jini. BILISSSSSSSS. JR!!! Baka, yun dahil mag-isang umuwi. LOL. GRRRR.. Baka papatay ako ng tao! Ilang sandali ang nakalipas, nakarating na ako sa school. Nakita ko si Jini at King sa loob ng sasakyan ni King. Umandar na ang sasakyan nila. Parang ayokong tawagin sila. Kasi....umiinit ang ulo ko. Bakit ko pa ba sila nakitang magkasama? AHHHH. Nagseselos ako? Napaka O.A ko naman ata? Pinaandar ko ang sasakyan at sinundan sila. RED LIGHTS. STOP.
*tiiiitiiitiiitiiit...*

1 message recieve: King: JR, jini 2. asan ka? sori, lowbat. Ilang segundo rin akong nakatunganga sa text na yun... Kaya pala Out of coverage kanina! Kainis. Kaya ngayon, naunahan na ako ni King sa paghahatid sa kanya. Tapos, hindi pa alam ni King na totohanan na ang relasyon namin ni Jini. Ni hindi nya nga alam na nagkabalikan kami! DAMNIT! GREEN LIGHTS. Sinusundan ko parin sila. Dumaan ako ng short-cut para maabutan sila. Kaya lang, as I was about to drve thru them, nakita kong binigyan ni King si Jini ng panyo. AAAAAAAAAH. Bakit ba kasi hindi tinted ang sasakyan ni King eh. NAMAN OH! Ayoko na! Wala naman akong ginagawang masama ah? Hinatid ko lang si Andrea! Ba't kaya umiiyak ang isang yun! ARGH. Kainis. Hindi na kami magkikita bukas dahil sobrang busy na namin. HUHUHU. Ang hirap palang mag mahal ng totoo. Pero, kung para naman kay Jini, kakayanin ko. Pero sana naman (miss writer) pahintulutan kami ng pagkakataon! Umalis na ako at umuwi sa bahay. King. GRRRRRRRRRRR. I'm tired. Ba't kaya umiiyak si Jini? Kasama nya si

♥♥♥

Chapter 24 Hearts In Love, Hearts Broken
♥♥♥

Jini Punzalan: Nagtatanong lang
>.< Hindi ako nakatulog kagabi. Hinintay ko ang text ni JR. Hindi sya nag text eh. Ano kayang nangyari sa kanya??! Kanina pa ako nakaupo dito sa Lounge at tinatanaw ko ang mga taong naglalabas-pasok sa aba't ibang building. Busy na talaga ang lahat! Bukas na kasi ang Hearts Festival. HEARTS FESTIVAL!? Panu na yung gift ko sa kanya? Busy sila ngayon dahil sa pag-p-prepare. Kaya lang, hindi ako makapunta sa kanila dahil sa groupwork namin. Ang dami kasi, ako pa ang inaasahan ng mga kagrupo ko dahil hindi naman kasi takot ang mga yun kung bumagsak sila sa subject na to eh. Ako naman, takot. Dahil, bukod sa mawawalan ako ng scholarship; masisira pa ako sa mama at papa ni JR. Baka isipin nilang dahil kay JR eh nagloko na ako. Baka paghiwalayin pa kami! Tumingala ako sa langit at tinaas ang celphone ko.

Sira ba to o walang signal? Bakit di sya nagti-text? Sabagay, di naman talaga sya nagtitext sakin kahit noon. Tsaka, busy siguro sya ngayon. Pero, kahit na, totohanan na ang amin ngayon kaya dapat..may responsibilidad na syaaa... HUHUHU. Panu ba to???! Di na tuloy ako makapagconcentrate sa groupwork ko! PATAYYYY. "AAAAAAAAAAAAAATEEEEE!" Biglang may yumakap sakin. Sino? Si Andrea pala. Sino pa bang tumatawag saking Ate? Sya lang naman diba? "Andrea! Kaw pala!" Hindi ko maialis ang kamay nya sakin. "ATE.. Ang saya saya koooo!" Tumingin ako sa mukha nya. Ang pula-pula at umiyak sya. Ano bang ginawa ko at..."Si JR!!!" Ginawa ko? O ginawa ni JR? Sa puntong ito. Libu-libo ang pumasok sa kokote ko. Ano? Sinagot na siya ni JR? Di naman pwede, kami na nga! LOL. Aba! Malay ko kung FLING lang pala ako ni JR? Jini. Nukaba. Stop. Tsaka, ano? Siguro may nangyari sa kanila?! AAAAAH. Hindi nga. Ang bakulaw na yun! Ano na naman kaya? Ba't nagdulot kay Andrea ng tears of joy? Takte.. "Ate.." Pinunasan nya ang mga luha nya. "Ano? Hehe. Ba't ka umiiyak? Tsaka, anong JR?" Nagpa-as-if ako na binabasa ko ang libro sa harapan ko kahit baliktad naman. "Ate!!!" Napatingin ako sa kamay kong hinawakan nya. "Ano nga? Bakit?" Nakipagplastikan na naman ako sa pamamagitan ng pagngiti at pagmukhang INTERESADO sa sasabihin nya. Pero kahit na hindi ako interesado sa side nya. Interesado ako sa ginawa ng magaling kong boyfriend. GRRR... "Nasabi ko ba sayo na magkasabay kami ng birthday ni JR, ate?" "UHH? Ohw? Talaga? Grabe...este..." Kelan ba ang birthday ni JR? "OO! Tsaka, may formal party na gaganapin sa resort nila! YEY. Doon ko ihi-held ang birthday ko. Tsaka, lam mo? Kagabi? Hinatid nya ako! WAAAAAH. Kinikilig na naman ako." Kikiligin sana ako kung hindi ang boyfriend ko ang nagpapakilig sayo. GAAAAAAAAHD. Naiinis na yata ako sa nyetang to! Walang hiya. Jini...cool ka lang! Wala syang kasalanan. Dahil, hindi nya alam! HUHUHU. Yun yun eh! Hindi nya alam... Sasabihin ko na... sasabihin ko na talaga... UHMMM..

"Ate, Kainggit ka! Kasi, hinihintay ka pala nya no para ihatid?" OHHHW. "Wow. congrats!" LOL. "Ate naman, masyado kang late-reaction! Sabi ko, kakainggit ka! Wala ka ata sa sarili eh." TALAGANG TALAGA! . BREATH. Hingaaaa....

"Hindi. Iniisip ko kasi ang-----partyyy.. kelan ba?" "ASUS. Nukaba! Syempre! Sa birthday namin!" Yun nga eh. Di ko alam ang birthday ni JR. at sayo. "AHHHH. Okay, ang lapit na pala!?" HEHE. AS-IFFFF!? "Oo! Maghanda ka ng damit ate ah?! Tsaka, dapat may date ka! Kanino ka sasama?" "Ah? Ako? Syempre...kay JR na lang siguro. La na kasing iba eh." And then...eventually. Sasabihin ko sa kanya ang katotohanan. "Huh? eh. Sya ang escort ko! Nukaba?! Ate naman, sige kanino?" WHAAAAAAAAAAAAT. Napahiya ako dun ah? WAAAH. Ayoko ng magsalita. "UHM. sino pa ba?" Actually. wala na akong meisip. HUHU "Nakuuu ate. Humanap ka! TSSSK. Dapat yung gwapo huh? Ba't di si Kenjie Chua!? Ang gwapo nun eh!" Talaga? Eh kayo na lang kaya? LOL. "AHH. may date na siguro yun. Sige. Pag-iisipan ko na lang!" Katahimikan... Nagbasa ulit ako sa baliktad na libro. "AAAAAAAAAH. oo nga pala! Hearts Festival bukas. Bibigyan ko ng cake si JR! ATEEE, Magugustuhan nya kaya yun?" "Huh? Siguro. " Nakatingin parin sa libro. "Ikaw ate? Sinong bibigyan mo ng gift o cake? May mahal ka na ba ate?" Napatingin ako sa kanya.

AAAAAAAAAAAAAH. Ang amo ng mukha nyaaa. walang hiya. Hindi ako makapag taray.. HUHU "HOOOOOOOOOOOOY ANDREAAAAAAAA." Lumingon ako. Nakita ko si Andreang nanginginig sa takot. Sino kaya yung tumawag? "Nu ba? Ikaw? Ang dami pa nating ginagawa ah? Takas ka ng takas!" Si Tanya pala! "A-aah.. Sorry. Ate..este.. Tanya." Ang taray talaga kahit kelan... "Bilis na! Balik ka na dun!" Tinuro ni Tanya ang Building kung saan ang CC office. Umalis agad si Andrea. Langhya. Muntik na ako dun ah. "Jini! Buti na lang at sinabi ni JR samin na may pinagkakaabalahan ka! Buti rin di umangal ang mga taga CC. Bilisan mo na sa group report mo ng makabalik ka na sa CC huh? Bago ka pa nga lang dun grabe ka na kung makaabsent sa mga club activities. Ni Hindi pa nga namin alam kung MODEL ka ba o PHOTOGRAPHER." Langya. Tong si Tanya talaga. Ewan ko kung concern o nanglalait o nang-iinsulto. GRRR. "Kamusta na si JR?" LOL. Nagbasa ulit ako. EEEEEEH. AS-IF. "Huh? Ayun... nakikipaglandian kay Andrea!" Ngumisi sya. Ano daw? Napatigil ako. "Huh?" Binatukan nya ako, "Haha.. tingnan mo to! Di mabiro! Tsaka, kung sakaling ganun? Okay lang ba sayo?" Sumandal sya sa balikat ko. "A-anong....?" "Asus... Let's face it. He is a playboy, right?" "Uh..." So? Nakikipaglandian si JR kay Andrea? "Teka nga... Ano ba? Uhm... nangungumusta lang naman ako ah?" "OO nga! Nagtatanong lang din ako no!" "HAAAY naku.... hindi na nga lang kita iintrigahin. Basta, wag kang mag-alala, di ko pababayaang magkalapit si Andrea at JR noh?" Na shock ako dun ah?

WHAAAAAAT? Hehe. bakit? May gusto din sya kay JR? Tiningnan ko sya. "Ano ang tingin na yan? Hindi ko yun gagawin para sayo no? Isipin mo na lang! Kung magiging si JR at Andrea, mas lalong magpupursigi si Kenjie sayo. Ako ang mawawalan ng lovelife neto! GRRRR.." WAAAH. False alarm. Phew... buti na lang. Labyo Tanya! "AHHH." "Kayaaaa. Bilisan mo na sa group work na yan!!! DAHIL...? Ayaw mong maagaw si JR diba?" AGREE! "Tsaka...panu mo bibilisan ang groupwork na yan kung ikaw lang mag-isa attttt baliktad ka pang magbasa ng libro?" WAAAAAAAAAAAH. "Dyan ka na nga!!!" Umalis sya... WAAAAAH. Nakakahiya yun! Di bali, si Tanya lang naman eh. TSSSK. HUHUHU. Natatakot na tuloy ako. Baka maagaw ni Andrea si JR! Pero...gagawa na lang ako ng paraan! BUKAS! Bibigyan ko si JR nggg... ano nga ba??? READERS tulungan nyo naman ako o? Ano? HUHU

♥24♥ Post #2:

Joshua Rian Te: Hindi ano! Sino!

HAAAAAAAAAAY. "Pahinga muna ako." Sinabi ko kay Kenjie at sa iba. ASAN NA BA SI JINI? Okay, alam ko. May groupwork. Pero, tinatanong ko pa rin. GRRR... Ngayon ko lang narealize na....baguhan pa pala ako sa pag-ibig at pagiging boyfriend. DAHIL ATA SA OBSESSION ko ni Jini eh, ayoko na ng wala sya sa paningin ko. LINTIK. PANU BA TOOO? "JR, kanina ka pa pahinga ng pahinga ah?" Sabi ni Tanya.

"Huh?" Oo nga pala. Ngayon ko lang napansin. Na sa loob ng isang oras, limang ulit akong nagpahinga. . Bukas... Hearts Festival. Anong ibibigay ko kay Jini? LOL. Hindi bagay sakin yan. Patay tayo dyan. Lalaki ata ako, dapat, babae ang may iibibigay. Excited na tuloy ako sa ibibigay nya. WAAAH. Ano ba yaaan? Sana sabihin nya na lang na mahal nya ako sa harap ng maraming tao. Bahala na kung may masaktan. TSSSK. Napaka-selfish ko ba? HMP. Eto namang si Jini, nakakaasar na minsan yung kabaitan. Mejo nasosobraan. LECHE. "O sige! Back to work!" "Naku! hindi pa nga nag-iisang minuto eh, back to work na? pero, ilang beses ka namang magpapahinga. Nakuuu.." Umalis si Tanya. TSSS. Kung sakaling magreresign ako sa Club na to, si Andrea ang papalit sakin. HAHA. "JR! Dinalhan kita ng juice!!!" Binigay sakin ni Andrea ang juice na hawak nya. "Mukhang masarap ah?" "Oo!" Kinuha ko ang juice at ininom. "Salamat!" Ngumiti ako. "Bakit ang bilis mong mapagod ngayon?" "Di naman, wala kasing motivation eh!" Ngiti ulit. "Huh? Ano pala ang motivation mo?" Tinanong pa? "Hindi ano! Sino!" Ngumiti ako at bumalik sa trabaho. Ilang sandali... narinig ko si Tanyang sumigaw ng... "ANDREAAAAAAAAAAAAA. WAG KA NGANG TUMUNGANGA DYAAAN. TUMULONG KAAAAAAAAA!" Naku.

♥♥♥

Jini Punzalan: AAAAAAAAAAH.
UMAGA NA! At ang una kong nakita ay si Kenjie. HMM. Alam nyo kung anong ibibigay ko kay JR? WALAAAA. Hahaha. Tama. Wala akong maisip eh. Sasabihin ko na lang kung gano ko sya ka mahal aaaaat----ehem. . May ibibigay ako. Dala-dala ko nga ngayon eh. Kaso, hindi ko pwedeng sabihin senyu! Baka batuhin nyo lang akong kamatis at bigla nyong ayawan ang storyang to. HAHAHA. "Jini!" Si Ken. "Oi Ken." Kanina ko pa sya nakikita pero di ko sya tinitingnan. NAG-IISIP kasi. Tinago ko yung dala ko sa locker. HEHE. >.< Halatang nakita nya yung dala ko, kaso, hindi nya na lang siguro pinansin. >.< Last year, sya ang pinagkakaabalahan ko. At ngayon, ni hindi ko na sya naiisip. Ganyan talaga ang buhay. Di bale, masaya naman ako. DIBA? Bigla nyang linabas ang kamay nya at pinakita ang wrist nya. O.O Nakita ko yung binigay kong bracelet noon. Anong ibig nyang sabihin? He will bring us back together? NYEK. Pero, ayoko na! Si JR na ang boyfriend ko. Pero, pag inexplain ko sa kanya ang katotohanan, baka di sya maniwala. Patay. Bakit? Ano? Ganyan na ba ako kaganda? "Jini-paki tanggal sa kamay ko." TOINKS. Ang grabe ko namang mag-isip. Mejo, sobra. "Huh?" "Pag tinanggal mo to. Ibig sabihin, kailangan na talaga kitang pakawalan." Nakatingin lang ako sa wrist nya. Tapos, agad kong hinawakan ang bracelet ng walang pag-aalinlangan. Kaya lang, hindi ko agad nakita yung lock at nahirapan akong tanggalin ang bracelet. 1...2...3...seconds. 4....5.......9.......18.....27.....50...seconds. 1minute....HUMINGA NG MALALIM. natanggal ko rin. HAAAY. Kapagod. Dapat kasi matataas ang kuko ko para mas madali. HMP. "Ateee." WEH? Si Andrea? Tinago ko agad ang bracelet. "AHAAAAAAAA! Si Kenjie pala ang bibigyan mo ng gift!!? Kaw talaga ate. Di mo sinasabi." "Huh? Ah.. hindi..eh.." "Hindi Andrea...Actually-" Hindi pa natatapos si Kenjie"Nakita ko si JR, dumaan dito. Pero, nawala syang bigla. Nakita nyo ba?"

Napatingin ako sa dala nya. >.< "Hindi eh.." Sabi ko. "UHHH. Ganun ba? Ibibigay ko sana tong cake na gawa kooo!" "ANOOOO?" YOOOO. Nasobraan ko ata ang pagreact. "OO! Ate. Sige, maiwan ko muna kayo!!!!" Iniwan nya kami ni Kenjie sa locker room. "Bakit Jini? Uhm, di nya ba alam na ex mo si JR? Tsaka---" "Wag mo munang sabihin sa kanya? PLEASE? Ako ang magsasabi?" "O--okay." Iniwan ko si Kenjie sa locker room at nagsimulang maghanap kay JR. Walang pasok ngayon, may marraige booth, horror house (na couples lang ang pwedeng pumasok), know-your-future (na couples lang din ang pwede), Love Cafe (na couples lang din..o kahit sino basta may kasamang babae pag lalake, o lalake pag babae. hehehe), Fast Dating (para sa mga single), at kung anu-ano pang kalokohan sa skul namin. BAWAL maglakad mag-isa. PERO, naglalakad akong mag-isa sa paghahanap kay JR. Dala-dala ko ulit ang ibibigay ko sa kanya. "Pareho kami ng ibibigay ni Andrea, kaya dapat man lang maunahan ko syaaaa.. NOOOO!" WAAAH. "Excuse me miss, IKAW LANG MAG-ISA AH? Gusto mo??---" "Hindi! MAY BOYFRIEND NA AKO." "Ngeee. sayang naman. Pero bakit mag-isa ka?" Lumingon ako. "Kaw pala King! Hinahanap ko si JR eh! Ikaw?" Tumitingin ako sa paligid. "Tulungan na kita. Na trap ako kanina dun sa singles booth. Ngayon lang ako pinakawalan. Samahan na lang kita sa paglalakad. Alam mo naman ngayon, di pwedeng mag-isa!" "Nakuuuu salamat!!!" Tiningnan nya ang dala ko. "HULA KO. Cake for JR?! NOOOOHH?"

WAAAAAAAAAAAH. Parang gusto kong sumabog. Sinabi nya pa. Nalaman nyo tuloy. NOOO. Hehe. sige, pwede na kayong magwalk-out sa storyng ito. Ngumiti na lang ako. "Ang lalaking yun talaga, ang swerte-swerte." Napabuntung hininga sya. Biglang may dumaan sa gitna namin ni King. THE FLASH. At hindi lang sya bastabastang dumaan. To the point na---natangay at nahulog nya ang dala kong cake. NATAPOOOON ANG PINAGHIRAPAN KOOOO??? NOOOO!!! Pinaghirapan ko yun dahil alam kong alam ni JR na hindi ako marunong magluto. Naalala nyo ba nung andun kami kina Andrea? Nung sinabi nya sakin na pag kami na, eh hindi nya ako paglulutuin?! Ayoko nun! Gusto ko syang ipagluto. Kaya laaaang. Tumunganga ako. "Si Andrea yun ah?" Yumuko si King ainayos ang cake na ngayon ay para ng tiratira ng mga asongkalye. Si ANDREA? ANG? ANO? DUMAAN? NAGTAPON? NG CAKE? PAREHO PA KAMI NG IBIBIGAY TAPOOOOS? GANUN LAAAANGG? Nakakainisssss!!! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH. Napaiyak ako. Nakakainis. Hindi ko na mapigilan ang luha ko. Masamang pangitain ba to? Anong klaseng Hearts Festival ang meron ako ngayon? Bakit ganyan? Ibig sabihin ba nito eh hindi kami para sa isa't isa? Pinunasan ni King ang luha ko, pero, umiwas ako. "NAKAKAINIS NAMAN OH! Ginawa ko pa naman yun para kay JR. Para di nya na ako masabihan ng di-marunong-magluto. Tapos? Tapos? Si Andrea pa ang nakatapon! Yung babaeng yun?! Ginawa ko pa naman ang lahat para di sya masaktan!" Maging ang sariling kaligayahan ko, sinakripisyo ko na! Tapos.. Tapos.. "Jini. Tama na." Hinaplos ni King ang buhok ko. "Gawin mo na lang ulit, O----Si JR ata yung pinagkakaguluhan dun sa singles booth ah?" Napatingin ako. Kaya siguro may nagsitakbuhang babae kanina!?! At pati rin si Andrea, tumakbo. PERO..."Jini. Alam ng lahat na single si JR kaya---"

"AAAAAAAAAAH.

" Napaupo ako at umiyak nalang dahil sa inis. ARGH..

Kasalanan ko to! KASALANAN KO TO. Pero, kelangan pa bang matapon yung cake? Kelangan pa bang pagkaguluhan si JR? Kelangan pa bang si Andrea ang makatapon? Kelangan pa bang magkapareho kami ng ibibigay ni Andrea? Bakit kelangan pa? WAAAAAAAAAH.

♥24♥ Post #3:

Joshua Rian Te: Yes, I do.
UMAGA NA! Kung wala akong girlfriend ngayong araw na to, sigurado akong di ako pupunta ng skul. Pagtatawanan lang ako ng mga kaibigan ko. HMPPP. SI JINI! Galing. Umagang-umaga sya agad ang nakikita ko. May ibibigay ako sa kanya! Sosorpresahin ko sya. Humanda sya!!! >.< Lumiko sya sa Locker Room. Kaya dahandahan akong naglakad patungong locker room. Sumilip ako, para makita lang ang isang bagay na sumira sa BUONG araw ko. GRRRR... Bakit pa kasi ako tumingin? ? Agad akong umalis. Sapat nang eksplinasyon ang nakita ko ngayonngayon lang na may gusto parin si Jini kay Kenjie. AAAAAAAAAAAAH. Ang tangatanga ko! Maybe she is still in pain nung nagtapat ako? O baka naman, masyado ko syang hinahayaan? Ano bang mali samin? Naglakad ako, pero hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. GRRRR. Bakit sa mga ganitong pagkakataon pa? Hearts Festival ngayon ah? Jini? NAKAKAINIS KA!!! Kaya siguro hindi nya pinagsasabi ang tungkol samin dahil may iba syang gusto? Tsaka, that night nung sila ni King ang magkasama at umiiyak sya, di kaya nasasakal ko na sya? O baka naman sinabi nya kay King na narealize nya na si Kenjie ang mahal nya. Ayaw nya lang akong masaktan kaya dinadahan-dahan nya? At unang hakbang para makalimot ako sa kanya ay ang pagiging busy nya!? WAAAAAAAAAAH. I feel so bad. Galit ako sa sarili ko. Galit ako kay Jini!!! GALIT NA GALIT AKO!!!!!! "JR. May girlfriend ka ba?" Linapitan ako ng tatlong babaeng may suot na weird na damit. "WALA!!"

"NGEEE. nagtatanong lang naman kami, wag kang sumigaw!!!" Sabi nung may suot na tenga ng kuneho. "OO nga!" Wala akong girlfriend ngayong araw na to!! Ayoko na. Aalis na ako. Matutulog. "JR sandali!" Sabi ulit nung babae. "May nakiusap kasi samin na hanapin ka raw para sa marraige booth namin eh!!! PLEASE?" "WALAAAAAA AKONG PAKEALAM!!!" Takte. Wag nyo akong aartehan ngayon dahil hindi ko pa gusto ang kondisyon ng puso ko. NAMAN OH! Kung kelan pa ako nagmahal----grrr... Kaya nag walk-out na ako sa kanila. Kaya lang, ilang sandali, dumami na sila. Ang daming babaeng umaligid sakin. Hinanap ko nga si Jini eh. HEH! Ba't ko ba hinahanap ang babaeng yun? Walang hiya. Andami namang admirer non, di ako papansinin. HEH! Ba't yan ang iniisip ko? Dapat ang iniisip ko, eh nangangaliwa sya at pinaglalaruan nya lang ako. GRRR... Dahil sa pag-iisip ko. Hindi ko namalayang dinala na pala ako ng mga babaeng yun sa marraige booth. Sino bang nag-utos sa kanila at magkano ang binayad? Bakit parang desidido talaga silang mahuli ako. "BITIWAN NYO NGA AKO!!" Kainis na talaga. Ewan ko ba kung nahahighblood na ako o namamatay. Siguro pareho. NATAKOT KO ata ang mga babae kaya umalis sila ng kusa. WAAAH. First time ko atang nanakot ng babae ah? PATAY. Asan na ang pagkaplayboy ko? Bakit ganito na lang ang nangyayari? Bakit hindi na ako yung dati. AHHH. Bahala kayo, eh sa wala ako sa mood eh. Baka si Jini ang may pakana nung marraige booth? Lumingon ako sa may marraige booth at nakita kong tinitingnan ako ng mga babaeng natakot ko. Nginitian ko sila. (Pinilit kong ngumiti). HMMMP. Linapitan ko sila. Baka nga kasi, si Jini ang may pakana. EHHHH! Teka, ba't ko ba yun iniisip? Eh sa galit na galit na ako sa kanya! May pasecret-lovers pa kasing nalalaman. Kung seryoso sya sakin, ba't di na lang nya ipagsabi? O ba't kelangan pa naming ilihim! Magalit ako ngayon, ipagsisigawan ko sa buong mundo!!! HINDIIIII! Hindi. Ayoko na. NASASAKTAN NA AKO. Hindi na. Hindi na kami. Hindi ko na sya girlfriend! Yun naman talaga siguro ang gusto nya diba? "Sino ba ang nag-utos?" Si Jini? "Secretooo!" Hiyaw nila. Nakatayo ako sa gitna nung booth nung may tinawag sila galing sa labas... Nakita ko namang may tumakbno pero, binalewala ko na. Si Jini siguro yun, at galit pa ako sa kanya. Hindi ko sya papansinin!

"JR! Nahanap din kita!" Jini? O...Lumingon ako. Huminga ng malalim. ANDREA. "O. Andrea?" Napilitan ulit akong ngumiti. "JR!!!!" Yinakap nya ako. At binigay ang dala nyang box. "Ano to?" "Cake! Ako ang gumawa nyan para sayo!!!" "AH. " Naghiyawan ang lahat ng nasa booth. "KASALAN NA! KASALAN NA! KASALAN NA!" Patuloy silang sumisigaw... "Amy Andrea Tanseco... Will you take Joshua Rian Te as your husband?" "Yes, I do." Naghiyawan na naman. Wala ba akong magagawa? Meron na akooong....oo nga pala. "Joshua Rian Te. Will you take Amy Andrea Tanseco as your wife?" Hindi ako agad sumagot. Naghiyawan sila. Naisip ko lang. Hindi naman to totoo eh. So, ano ngayon kung O-oo ako para sa kasiyahan ni Andrea? TSaka...lumingon ako sa labas. Nakita ko si Jini at King papalapit. "Yes, I do." "YIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII!" Ang gulo-gulo na nya at nakita kong ang saya-saya ni Andrea. >.< Aalis na sana ako nung hinawakan ni Andrea ang kamay ko at..."Para sayo ang cake na to! I like you!" Yumuko pa sya habang inaabot ang cake. WAAAAH. I'm caught in a difficult situation. And worse, Jini is coming. ARGH. Paninindigan ko na lang to!!! "You may now kiss the bride...-" No way! I wont kiss her!!! ang nangyayari. Tumingin ako kay Jini, at mukhang alam na nya kung ano

♥♥♥

Jini Punzalan: Nasasaktan na ako.
"You may now kiss the bride...-" No way! Hindi!!!! Tumingin si JR sakin kaya pinigilan ko ang luha ko. Nasasaktan ako pero ayos lang, kasalanan ko naman eh. Pero... *KISSSSSS* "YIIIIIIIIIIIIIIIEEE!" Naghiyawan ang lahat ng tao. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Tumulo na talaga sya at hindi ko mapunasan dahil nanginginig ang kamay ko. Si King naman, mukhang gulat din sa nangyari! Nagwalk-out si JR. (AWWW YUNG LUHA KO!!!) "JR!!!! Pakipooooot!!!" Sigaw ni Andrea. Naghiyawan ulit ang lahat ng tao. Galit ako kay Andrea. Pero, wala syang ginagawang masama - este, wala syang kasalanan kasi di nya naman alam eh!!! Sinundan ko si JR. Sinundan din ako ni King. "JRRR!!!" Hindi man lang sya lumingon!! Nadaanan na namin yung cake na natapon, binalewala ko. Ang importante, eh maabutan ko sya. "Jini!" Sigaw ni King. Tumigil sya sa paglalakad. Siguro, naintindihan nya na kelangan namin ni JR ng pagkakataon. "JRRRRR! J R! J R!" Bakit di sya lumilingon? Parang wala syang naririnig? Bakit? Dapat nga, ako yung magalit kasi naghalikan sila ni Andrea. Kaya lang...tumigil sya sa paglalakad. "JR! Sandali. Hintay! Ba't di mo ako pinapansin?" Humarap sya sakin. Natakot ako sa mga mata nya. GALIT NA GALIT SYA. "Asan na?" He extended his hand. "Huh?" Hindi ko na pigilan ang luha ko. "Asan na yung akin, Jini?" ANONG?

"BINIGYAN MO NG REGALO SI KENJIE DIBA? SIGURO MERON DIN KAY KING? ANO? ASAN NA YUNG AKIN?" Nabigla ako! "Ano bahng...-" "Ano? Parepareho lang ba kaming tatlo?" "Ano???! Ano bang pinagsasabi mo? HA? Ba't ka ba nagagalit? Wala akong regalo kay King at Kenjie ah!" "At ang sakin?" "WALA DIN" Wala na! Tumawa sya at nagpatuloy sa paglalakad. Sinundan ko ulit sya. "JR!!! Bakit ba? Nasira yung-" "Mabuti pa si Andrea may regalo sakin. Yung girlfriend ko, wala!" "Bakit? Regalo lang ba ang importante sayo?" Napaka materialistic! Kita nyo? Una yung utang ko, ngayon regalo. "Bakit Jini? Hindi na nga tayo nagkikita, hindi mo pa maamin na boyfriend mo ako! Para kay Andrea? Bakit, di ka ba natatakot na baka mainlove ako kay Andrea?"

*SLAAAAAP***
Tama ba yun? EWAN NA. Ang lakas na ng tibok ng puso ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. "Nasasaktan ako." Yun lang ang nasabi ko. "Ako rin." Nag walk-out sya. Sige. Hindi na kita susundan! HINDI NA! Kala mo ha? HUHUH. Ayoko na syang sundan dahil hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. ARGHHH!. Kasalanan ko to. Pero, nasasaktan na ako. Anong gagawin ko? Galit na galit na sya sakin! Galit din ako sa kanya, pero, alam kong mas galit sya sakin. Anong ibig sabihin ng gift ko kay Kenjie? Baka yung bracelet kanina. MISINTERPRETATIONS. OH NO! Pero, hinalikan nya si Andrea. KASALANAN KO NAMAN! Pero---ba't... ARGH. Ang cake pah. Akala nya wala akong gift sa kanya. WAAAAAH. NAKAKAINIS SYA! PERO MAHAL NA MAHAL KO PA RIN SYA. ♥♥♥

Joshua Rian Te: Ako rin.
Sinampal nya ako. "Nasasaktan na ako." Maybe, because I can sense na masakit yung pinagsasabi ko. PERO HINDI KO NA MAPIGILAN ANG SARILI KO. "Ako rin." WALK-OUT. Bakit sya lang ba ang nasasaktan? Napaka selfish nya naman! Hindi nya ba ako iniisip? Akala nya siguro yung regalo nya ang kelangan ko. Tsaka, hindi ko inakalang mas may ibibigay pa sya kay Kenjie kay sa sakin. GRRR. Tama na rin yung nakita nya kami ni Andrea. Pero, nasaktan ko sya. WAAAH. I wanna turn back and hug her tight. Pero, masyado akong galit para gawin yun. Galit ako sa kanya. GALIT NA GALIT. Bakit kelangan nya pang isipin si Andrea. GRRR... Tinakot ko lang naman sya nung sinabi kong maiinlab na ako kay Andrea eh. Pero...nasaktan ko sya. Kahit pala mahal na mahal mo yung tao, masasaktan mo pa rin sya. GRRR. Galit na galit parin ako. PERO MAHAL NA MAHAL KO PA RIN SYA. ♥♥♥

Chapter 25 Unfinished Business
♥♥♥

Jini Punzalan: Natatakot ako
THIS CAN'T BE!!!! Langya. Lam nyo bang one week na kaming di nagkikita ni JR? I mean, nagkikita kami sa room. Kaso, kung di ako ang nauunang umalis, sya. HUHU. Kapag nagtatagpo ang mga mata namin, lagi na lang kaming SNOB sa isa't-isa. Para bang walang nakikita. WAAAAAAAH. Isa at kalahating linggo na (to be exact) ang nakalipas. Ba't ganito parin?! Nakakainis naman kasi ang lalaking yun! Kung di lang kasi nya sinalo ang PRIDE nung binuksan ni Pandora ang Pandors's Box eh. HUHU. At ako naman, eto, takot ata akong balewalain nya. Baka pag kausapin o tawagin ko sya hindi nya ako papansinin. KYAAAAAAAAAAAA~! Ba't ba kasi ganun ang nangyari? KASALANAN KO! Huhuhu... "Jini!" Si King.

"King! Kaw pala!" "Kanina ka pa dyan ah?" "Oo nga eh!" Napakamot ako sa ulo. KINGGGGG! Diba sabi mo ---- ano...boto ka samin ni JR!? Please oh, gumawa ka ng paraan!!! HUHUHU. Jini! Tumigil ka nga! Ano ka ba! Nasa loob ka ng cafeteria. Baka dumating si JR. Nakewwww... Ginalaw ko ang ulo ko... ANG SAKIT! Naman oh. Para akong naglagay ng isang sakong bigas. Ang sakit. Bakit kaya? Love sick? NYAY. Bunga na rin siguro to ng stress ko sa skul. Masyado kasi akong busy. HUHUHU. Lumingon ako sa right side. Napatalon ang puso ko - SI JR! Ilang segundo ang nakalipas, napatingin ako sa braso nya. NAKAKAPIT SI ANDREA. langya. Aalis na ako. HMP. "Miss." Napalingon ako. "Este...diba ikaw si Jini?" May tatlong babaeng lumapit. "Huh? Oo!" Napatingin ako kay King. "Nakita mo ba yun?" Sabay turo kay JR. Okay lang sana, kaya lang...nakita ni JR na tinuro sya nung babae at nakita nya rin ako. "May girlfriend na agad sya? Kala ko pa naman minahal ka talaga nya! Lika na girlllls." "Anong?" AAAAAAAAAAAH. Hindi... Hindi... Alam nyo ba? Ano... Kami pa... cooloff. Di nya yan girlfriend? DI NGA BA? Shucks. Linigpit ko na ang gamit ko. Kainis. HUHUHU. Nagtaka ata si King kaya lang, masyado akong nagmamadali para tingnan ang mala anghel na mukha ni King. "King, alis na ak-" Sabay bangga sa isang lalaki. "Jini!" Sigaw ni King. Natapon ko ang gamit ko, pati na ang lahat-lahat. LOL. Agad kong kinuha ang mga gamit ko at napatingin sa lalaking tinulungan naman akong tumayo....si Kenjie pala. OH NO! Lumingon ako kay JR. Nakita kong nakatingin ang mga nanlilisik nyang mata. Kahit malayo sya, pero kitang-kita nya parin ako. Sa gitna ng dalawang lalaki. Gitna ni King at Kenjie. Ang dalawang 'K' ng buhay ko. NYEH. Di pwede. Agad ulit akong umalis. Ayokong mag selos si JR. Asa ka Jini!? Panu yun magseselos eh may Andrea na sya?! Di hamak na mas cute at mas mabait pa sayo. WAAAAH. Aray, nahihilo ako. Napasandal ako sa pinakamalapit na table at binangga pa ako ng isang

babaeng nagmamadali din. OH MY! Ganito na ba talaga lagi ang eksena para sakin??! "Sorry Miss! Sige... Nagmamadali ako." Anak ng tupa. Feeling ko...di na ako makakabangon. NGEK. "Jini!" Sabay pa si King at Kenjie. Kaso, akala ko, si King o Kenjie ang tutulong sakin. Kaya lang...si JR pala. WAAAAH. Bigla nya akong hinila. HINDI NYA BA ALAM NA MASAKIT ANG ULO KO AT NAHIHILO AKO? Sumakit ang braso ko sa kakahila nya. "Ano bah!" Sige Jini! Inisin mo yan. Tatakbo ulit yan, tingnan ko lang kung mag-uusap pa ba kayo. HUH? Sino ba ang nangaliwa samin? SYA NAMAN AH! PALIBHASA PLAYBOY! "JR! Ang sakit ng ulo ko." Sige! Para lambingin ka nya!!! HEHE. "Ba't di kay Kenjie at King mo yan sinabi?" Papunta na kaming clinic. GOSH. Nahihilo na ako at inaaway nya pa ako. Tumigil ako sa paglalakad to maintain my balance. "Lika nga!" He held me in his arms. WAAAAH. Ang lapit ko sa mukha nya. Ngayon ko lang napansin na mas maaliwalas na yung mukha nya...or am I just--imagining? Kasi 11days kaming di masyadong nag-uusap. Ngayon lang kami nag lapit ulit. Pinikit ko ang mata ko. JR! Di na masakit ang ulo ko. LOL. Nukaba Jini! Wag mong kalimutang nangaliwa sya. Dinala nya ako sa clinic---pinagtitinginan na nga kami ng mga tao eh---pero, di ko na pinansin. MOMENT KO TO. "Anong sakit nya?" Tanong nya sa nurse pagkatapos ang na check-up. Naalala ko nung nagpanggap syang may sakit para lang mapansin ko sya. Ay di pala nagpanggap syang patay. Muntik ko ng nasabi ang nararamdaman ko dun eh! Pero, ngayon, alam na nya. At hindi nya rin ako pinapansin, pero di naman ako nagpapanggap. "Wala. UHM, Kelangan nya lang magpahinga. Masyado kasi syang maraming iniisip eh." Umalis yung nurse.

Nakahiga ako, sya naman, nakaupo sa tabi ko. JRRRRR! Mahal kita. May mahal ka na nga bang iba? Hahawakan ko na sana yung braso nya kaso bigla syang tumayo. "Aalis na ako. Magpahinga ka. Sasabihin ko kay Kenjie at King na andito ka. Sige..." ANO DAAAAAAAAAAW? Oh my... i'm feeling hopeless. Jini! Wag kang umiyak! Hindi! Okay lang kung umiyak ka! Di nya naman makikita kasi nakatalikod ka! "Ano yan JR? Pinapaubaya mo na ako sa kanilang dalawa? Bakit di mo na kaya? O di mo talaga ako minahal?" WAAAAAAH. Ang daldal mo Jini! Humikbi ako. SHUCKS. Walang hikbian Jini! Alalahanin mong nakatalikod sya. Pagmarinig ka nyan--HEEEEP! As if naman, lilingon yan pag narinig ang pag-iyak mo?! HUH? "Sige Jini. Umiyak ka pa, hahalikan kita!" Lumingon sya sakin. Agad kong pinunasan ang luha ko. Ang bakulaw na to? Anong ibig nyang sabihin? I'm serious! Grabe. Ganun na ba ako kawalang halaga sa kanya? "Umiiyak ka ba?" "HINDI!" "Ayaw mo na ba ng halik ko?" ECKKKK! Anong klaseng tanong yan?! Pag 'Oo' - PATAY tayo nyan. Pag 'gusto' NAKAKAHIYA. "Hindi mo na ba ako gusto?" MAHAL KITA! "Bakit ang dali-dali lang sayo sabihin yan, huh? JR?! Bakit parang wala lang sayo? Pwede bang ayusin mo naman ang pagsasalita nang hindi ko maisip na wala lang sayo ang nangyayari sating dalawa?" Todo-todo ang pag iyak ko. Lanya. "Jini...umiiyak ka!?" "LANGYA KANG BAKULAW KA! BAKIT BULAG KA BA? HA? PUCHAAANG BOYFRIEND." HAALAAAA. Grabe na kung makapagsalita. Sinaniban na ata ako ng MALIGNO. Linapit nya ang mukha nya sakin. Gusto ko syang bigwasan - kaya lang... natatakot ako sa susunod na mangyayari... Hinalikan nya ako.... I MISS HIS KISS. I MISS HIS HAIR. I MISS HIS FACE. I MISS HIM.

"Jini. Mahal na mahal kita kahit hindi ko maintindihan kung bakit ka umiiyak kay King,
bakit mo binigyan si Kenjie ng gift, bakit lagi mong kasama si King at bakit masyado kang mabait kay Andrea."

May music na tumugtog sa ears ko sabay nung pagsabi nya. WAAAAH. Ano ba yung mga pinagsasabi nya? Anong gift? Anong King? Ano? "JR! Mahal na mahal din kita kahit di ko maintindihan kung bakit si Andrea ang lagi mong kasama, bakit mo sya hinalikan, bakit...kayo--kayo--kayo lagi. EWAN KO! Ayoko lang naman syang masaktan eh.-" "Pero ikaw naman ang nasasaktan!!!!!" "JR. Natatakot ako---kay Andrea!!!" Baka...mainlove ka kay Andrea! "HAHAHAHAHA Palibhasa di mo alam kung ganu kita ka mahal kaya ka natatakot." "Aba!?--" "Wag ka ng umangal! Di mo kasi ako binibigyan ng pagkakataon!" Tumayo sya. JR!!! Kasalanan ko naaaa! PLEASE? Sasabihin ko na talaga kay Andrea. Promise. "Jini. Sabihin mo na lang sakin kung kelan kita pwedeng mahalin ng hindi patago!" Umalis sya sa clinic. WAAAAAAAAAAAAAH! ITS ALL MY FAULT! SASABIHIN KO NA TALAGA. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na may ibibigay dapat akong cake sa kanya. HUHUHU

♥25♥ Post #2: Joshua Rian Te: Andun sa clinic!

HINALIKAN KO SYA? Kainis oh! Napaka OA ko talaga. Nag walk-out pa ako. Baka anong isipin nun! GRRR... Bakit? Masama bang hingin sa kanya ang pagkakataong yun?! Masama bang hingin sa kanya ang pag-ibig nyang hindi tinatago? Hindi kasi ako sanay eh. WAAAAH. JR, palibhasa unang seryosong girlfriend mo sya kaya ganyan ka na lang

kung makapagreact eh. Ayan tuloy, kung anu-anong mga bagay ang pinag-gagawa mo! GRRR. Eh sa, miss na miss ko na sya eh. Mukha pa ni Andrea ang lagi kong nakikita. NAKU! Kung sinong hindi ko kailangan, sya na man ang laging andyan!!! Pers serious GF ko sya. At nakakahiyang aminin na hindi ako marunong humawak ng relasyon. ARGH... Habang naglalakad ako sa corridor (hindi ko naman alam kung san ako patungo), ginugulo ko ang buhok ko. "JR!!!!!!!" GAAAH. Si Andrea na naman! "O? Bakit?" "Asan si Ate Jini? Okay lang ba sya? Pupuntahan ko sya!" "Andun sa clinic!!" "Ano? Ayos na ba sya? Pupuntahan ko sya.... " Hindi nya na ako pinasagot... pumunta na sya agad sa clinic. PATAY. Hindi naman siguro galit si Jini dun o ano? Bahala na...kung sasabihin nya kay Andrea, edi, mas maganda yun! Kung hindi, edi, desisyon nya na yun. BAHALA SYA. Hindi ko naman sya pwedeng pangunahan eh. Malay ko ba kung di pala ako mahal ng babaeng yun.... WAAAAAAAAH. Wala akong trust? Sabihin nyo na ang gusto nyong sabihin, pero ganun talaga ang nararamdaman ko. Isipin nyo, patago ang relasyon namin, may King sya, may ex pang Kenjie, at ako---? Ano? GRRR...

♥25♥ Post #3:

Amy Andrea Tanseco: Ihatid mo naman ako
"Ate?!" Nakita ko si Ate Jini pinunasan ang mga luha. Bakit sya umiiyak? "Ate? Ba't ka umiiyak?" "Huh? Wala. Ang sakit kasi ng ulo ko!" "AAAAH. " "UH.. Andrea...UHM." "Bakit ate?" Mukhang may sasabihin syang importante ah? HMMM.. Ano kaya yun?

"Kasi.. si JR at ako...." "Si JR at ikaw??--by the way ate, may nahanap ka na bang date for my birthday?" "Huh? uh... wala pa eh..." "Naku ate, mag hanap ka na. Di kasi pwedeng walang date eh." I miss our prom. But anyway, what was it again?

"Ate... ano nga ulit yung sasabihin mo!!!?" "MA-HAL KO SI JR."

Ano ulit yun? WHAAAAAAT? Tapos? Ate... kala ko ba... di nga? JOKE lang yun right? "Nukaba ate. Wag ka namang ganyan, kinakabahan ako eh!" Pumikit si Ate Jini. "Andrea, sorry. But I'm serious!" Hahawakan nya sana ang kamay ko, kaya lang, iniwas ko na dahil hindi ko gusto ang biro nya. Sana nga nagbibiro lang sya! "Ate. Wag mo naman akong ganituhin oh? Please?" "Andrea. Totoo ang sinasabi ko. Boyfriend ko si JR." "HAHAHA. Hindi.. hindi ako maniniwala sayo ate. Panu kayo magiging mag boyfriend at girlfriend? Ni hindi ko na nga kayo nakikitang magkasama. Ate naman oh, wag mo namang hayaang magalit ako sayo." PATAY. Gusto kong umiyak. Kaso, ayoko. Unti-unti ko nang nararamdaman na KALABAN ko si Ate Jini. Hindi ko to inaasahan. Bakit sa lahat sya pa? That's not true. Hindi nya boyfriend si JR! GRRR.. "Ate... I'm so sorry." Napatingin sya sakin.

"I like JR. And if you like him too, this is not the right way to make me stop from liking him!!!" Umalis ako. That's not a joke! Seryoso sya nung sinabi nya sakin yun. Seryoso na din ako ngayon. I'm the first one who told JR that I like him. Napaka-unfair naman ata kung maggigive way ako kay Ate Jini just because he likes JR too. Kung gusto nya si JR, dapat, sinabi nya na kay JR noon bago pa ako dumating. I HATE HER. Sumandal ako sa pintuan ng clinic nung biglang... "Andrea? Kumusta na daw si Jini?" Tanong ni King sakin. "Huh? Uh... sabi nya... hindi pa daw sya magaling eh. Masakit parin ata ang ulo nya. Wala atang maghahatid sa kanya eh..." "Huh? Si JR?" "Uhh.. ewan ko, umalis na kasi si JR eh. " "AHH.. Ako na lang maghahatid sa kanya." "O sige! Salamat..." Aalis na sana ako... "Pakisabi kay JR na ako ang maghahatid kay Jini ah. Sabihin mo rin sa kanya na hinahanap sya ni Jini. " "o-Okay. " Umalis na agad ako. >.< Galing na si JR sa clinic. At, mukhang iniiwasan nya si Ate Jini eh. Siguro, ayaw ni JR kay Ate Jini. Sinabi na siguro ni Ate ang nararamdaman nya, si JR naman, hanggang friends lang ang gusto kaya ganun. TAMA! Ganun siguro ang nagyari. Habang naglalakad ako papuntang soccerfield, nadaanan ko si JR - malayo ang tingin. Tinakpan ko ang mga mata nya. "TADAAAAAAAA!" Kinalas nya ang kamay ko. "O. Kamusta na si Jini?" "Si Ate? Ahhh. Okay na daw sya. Kasi andun na si King eh. Sya ata ang maghahatid kay Ate Jini. Grabe... nagkakamabutihan na ata si King at Ate Jini eh! HMMM... Bagay na bagay talaga sila." "Ah." Yumuko sya. "JR. Ihatid mo naman ako oh? Tutal, si King na ang maghahatid kay Ate Jini eh. " "Huh? O...sige..." YEHEYYYY!!!

♥♥♥

King Alvarez: Can you be my date?
"Jini?" Binuksan ko ang pintuan. Nakita ko syang tulala. "Jini? Ayos ka na ba?" "King... Kaw pala. Oo! Ayos na ako! " "Lika na! Ihahatid na kita sa inyo!" "Huh? Si JR?" "Uhhh.. Sabi ni Andrea umalis na daw si JR eh." "Ganun ba?" Tulala ulit sya. Kinuha ko na ang bag nya para makaalis na kami. Tulala parin sya. Bakit kaya? Hinawakan ko ang kamay nya...at napailing sya. "Jini. Tutulungan kita, wag kang mag-alala. Pero, kung sakaling hindi na talaga pwede..-" "Uh... Wala. Ayos lang naman ako. Tara na!" Hinila nya ako papalabas. May problema ba sila ni JR? O baka si Andrea ang problema nya? Umalis na kami sa clinic at dumiretso sa parking lot. Tulala parin sya. Natauhan lang sya nung nakita namin si JR at Andrea. "UUUY! Ate. Okay ka na ba? Ihahatid ka ni King?" Hindi nagsalita si Jini. Panay lang ang tingin nya kay Andrea. Nakapagtataka ata. "JR! Kala ko ba umalis ka na?" "Huh?" "Ah... kala ko din kanina eh. Nakita ko sya dun sa soccerfield. At yun, ihahatid nya ako pauwi ngayon. Pauwi na rin ba kayo?" I smell something fishy...kay Andrea. Never mind. Hindi na man siguro sya magsisinungaling... Sa bait nyang yan? TSK. "Jini. Alis na tayo?" Nakatingin sya kay JR kahit ang layo naman ng tingin ni JR. "Jini?!" "Uh! O...sige."

"Bye ate, bye King! ingat kayo!!!" Sabi ni Andrea. Para paring walang buhay si Jini habang naglalakad kami patungo sa sasakyan ko. Nakita din namin si JR at Andrea na pumasok na sa sasakyan. Una silang umalis. Hindi ko pa pinaandar dahil nag-aalala ako kay Jini - na hanggang ngayon ay tulala parin. "Jini? May nangyari ba sa inyo ni JR?" "Huh? wala..Uh.." "Bakit di ka nya pinapansin?" "Hindi ko alam." Nakita kong parang gusto nyang umiyak. Hinampas ko ang manibela. Lagi na lang ganito ang nangyayari. Di ko na alam ang gagawin ko! GRRR... Naiinis ako kasi wala akong magawa...para pasayahin sya. ARGH. "King? Bakit?" Tiningnan ko sya. Nagtaka ata sya at nabigla sa paghampas ko sa manibela. "Kasi...naiinis ako. Wala akong magawa para pasayahin ka. Tapos, si JR, ang daming nagagawa para paiyakin ka! ARGH. NAIINIS AKOOO!" "King... pasensya ka na talaga..." "Ano? Tungkol ba kay Andrea?" Tumingin sya sakin na halatang iiyak na. "Sinabi ko na sa kanya." "Ano? Di nga?" "Oo! Pero, parang walang nangyari..." "Ha? Di nga?!" "Oo!" Panu yun? eh, hindi naman nailang si Andrea kanina. Nagpansinan naman sila eh. "Di nga?" "Oo! Alam kong di ka maniniwala dahil sa inasta nya kanina. Alam kong di ka maniniwala dahil talagang mabait sya, pero..." "--jini... Naniniwala ako." Kaya pala... hmp... bakit kaya ganun si Andrea? Bakit di sya makaintindi? "Jini. Invited ka ba sa birthday ni Andrea?" "Oo! " "Can you be my date?" "Uhh.. Oo. " Ngiti sya ng ngiti. Panu sya nakakangiti sa mga pagkakataong to? Alam kong nahihirapan na sya. Alam kaya ni JR to? Ang lalaking yun talaga. GRRRR...

Kung di lang talaga yun mahal ni Jini. ARGH. Di ko alam na maging sa pag-ibig, magiging kompitensya ko parin sya. Pero, ganun pa man, alam ko kung ano ang sa kanya at ano ang di para sakin. ARGH! Subukan nya lang saktan si Jini ulit, di ko na palalagpasin! ♥♥♥

Chapter 26 When I Loved Darkness
♥♥♥

Jini Punzalan: ako ang ginaganito-

BAKITTTT GANITOOOOOOO??? Bukas na ang birthday ni JR at Andrea!!!?!? WAAAH. Alam nyo ba kung bakit ako bothered? Una...sa mahigit dalawang linggo kaming hindi nag-uusap masyado ni JR. Pangalawa...wala na naman akong gift sa kanya! Pangatlo...di ko alam kung ano ang susuotin ko bukas!!! WHATTTT? Anong sabi mo Jini? Anak ka ng higanteng palaka... Ba't di kaya yung INVITATION ang problemahin ko? Oo! Tama! Hanggang ngayon, wala parin akong invitation! ANG GALING! GALINGGALING! Wala sigurong plano si JR na imbitahin ako. WAAAH. Since di naman kami masyadong nag-uusap dahil sa Andreang yun. Naiinis na rin ako dahil feeling ko....di nya na ako mahal! Siguro na inlove na yun kay Andrea? ANOOOO!???!??!? Kainis naman oh! Di ko na talaga alam. Namomroblema na ako sa kanya. Bahala na kung di ako makapunta sa birthday ni Andrea at JR, basta, magkaayos lang kami ni JR! Para kasing....so near yet so far...ang drama ko sa kanya. HUHU "Jini!" Lumingon ako. Si King. "O, King!"

"Anong nangyari sayo? Di parin ba kayo nag-uusap ni JR hanggang ngayon?" Araw-araw na lang...yan ang laging tinatanong ni King sakin. WALANG HIYA! "Oo." Yumuko ako. "Nag-uusap naman kami eh. Kaso, sumisingit yung epal na Andrea na yun. Hindi ko tuloy masabi-sabi sa kanya na nasabi ko na kay Andrea ang totoo!!!" "Ganun ba? Hayaan mo! May plano ako!" Tumingin ako kay King... at para bang marami syang ideya. Kung ano man yun, sana gumana. Sana lang. Para saan naman kaya ang plano nya? Para pabagsakin si Andrea? Para magpansinan kami ni JR? Ano??!? ARGH. "Ano?!? Jini. May susuotin ka na ba bukas?" Pagkasabi ni King nun, nakita ko si Kenjie...papalapit saming dalawa. Sa likod ni Kenjie ay si JR at si Andrea at iba pang taga CC. Ba't papunta ang mga taong yun dito sa Lounge?! Ako lang naman ang tumatambay dito ah? GRRR... >.< AYAN... SI JR! NAKU! Hinayupak... Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. huhuhu.. Nanginginig na ako dito sa inuupuan ko. "Jini? Papunta sila dito." "I know!!!" Ayan na... andito na sila. "Kayo na naman ba ang magkasama?" Tanya... wag ka nga... "Oo nga! Kayo na ba ni Ate Jini? King?" ANDREA! "Hindi Andrea.. May boy--" "Bakit? Ang hina mo kasi!" Hindi nya pinatapos si King!!!? BRUHA ka! Nagkamali ako sayo! Kala mo huh? Kala ko mabait ka...pero, hindi pala! Langya. "Uh..sige King..Tanya... Aalis na ako! Marami pa akong gagawin eh!" Napatingin ako kay JR habang sinasabi ko yun. Di man lang sya tumitingin sakin. Hindi ko na tuloy alam kung ano kami? JR? Mahal pa rin kita! Mahal mo rin ba ako? Sabihin mo naman oh?! Don't keep me hanging on! HUHU Umalis na ako...call it, walk-out.

"Jini--" King, I'm walking out. LOL

Hinawakan ni JR ang braso ko.

Ang dating maingay na mga kasama ay natahimik at panay ang tingin saming dalawa ni JR! WAAAAH. "JR! Yaan mo na sya. Marami pa daw syang gagawin." Sabi ni Andrea. Hinayupak kang haliparot na babae ka! Oo nga! Marami pa akong gagawin! Pero, kung hihingi si JR ng oras, pwedeng pwede yun! "JR! Hayaan mo na si Jini. Kasalanan mo naman diba?" Si Kenjie. "Kenj. Wag kang makealam!" Hinawakan ni Tanya si Kenjie sa braso. "Totoo naman eh! Palibhasa..." "Wag ka ngang makealam! Di ako tulad mo!" Di tulad mo? HUH? Ano? Di mo ako iiwan? Eh..feeling ko nga, bukas, break na tayo eh! GRRR... Di ako makikipagbreak..indi talaga! Bahala na si Tarsan. "Bitiwan mo ako." Wag muna kayong magreact. "AYOKO NGA!" "JR! Hayaan mo na sya!!" Pigil ni Andrea. KINALAS NYA ANG MGA KAMAY NYA SA BRASO KO!

Whaaaaaaaaaaat? Hindi ko inaasahan na gagawin nya yun! Papanu? Papanu na? Last

resort? Ano pa nga ba ang magagawa ng isang tangang babaeng tulad ko? Edi, tuloy sa pagwalk-out! Alangan naman, hindi ako magwalk-out eh I startedit! GRRR.. Jini naman eh. Ba't pa kasi may ganun??! Sana. Sana makita ko si JR ngayon! GAGA! Panu mo sya makikita? eh, andun lang sya! Nag walk-out ka kasi!!! Sana, susundan nya ako!! GAGA! Ba't ka nya susundan!!! May Andrea na yun! Pero, kung may Andrea na sya, ba't nya hinawakan ang braso ko kanina?!?!? WAAAH. Asan na ba ako? Nasa madilim na part ako ng isang building. PATAY. Nursing building ata to...feeling ko may mga cadaver sa tabi-tabi at feeling ko amoy formalin ang paligid. Pero, feeling ko lang yun. GRRR Biglang may humila sakin. Ang sakit ng pagkakahila. Sumakit ang likod ko sa pagkakasandal ko sa dingding. Ang lakas...

*BLAAAAAAAAAAG* "ARAY!" Sino bang hinayupak ang gagawa sakin ng kahayupang yun? Ang lakas ng loob! Napapikit ako sa sakit ng likod ko. "Walang hiya!!!" Pagdilat ng mga mata ko. NAKITA KONG ANG LAPIT NI JR SA MUKHA KO. At I'm locked in his arms. ANG GUWAPO NYA.... oh my... Lumapit pa sya ng konti sakin.. hindi konti... malapit na malapit na...TALAGA. "Ba-ba-ba't ka andito?"

Nararamdaman ko ang paghinga nya. "A-anong gi-nagawa m-mo?"

Nakakatakot ang mga mata nya. HUHU. Galit sya o ano? "Panu ba kita maibabalik sa tabi ko!?!?" Hinampas nya ang papel sa dingding... "Huh?" Ano yun? Di ko makita! Paglumingon ako...? Di ako makalingon! Kasi, ang mukha nya, ang lapit talaga. Si ko matanggal ang mga mata ko sa mga mata nya. Dahil, miss na miss ko na talaga sya.

Kung di lang talaga masagwang halikan sya ngayon din...kung di lang talaga.

"Kailangan ko pa bang ulitin ang kontrata para lang maibalik kita sa tabi ko?" So? Kontrata yun?! "Ano ka! Ikaw nga ang hindi namamansin tapos, ako ang ginaganito-"

HE

IS KISSING ME AAAAAAAAAAAAAAAAAAH. JR naman, patapusin mo muna ako!!! Patay...ang lakas ng tibok ng puso koooo! Nararamdaman ko din na malakas ang tibok ng puso nya. WAAH "Ano?! Huh?!" Speechless ako. Tulala parin ako sa halik nya. Di matagal, pero, matagal ang after-effects. Langyaaaa. JR TEEEEEEEEEEE! You can really drive me insane!!! Unti-unti kong naramdaman ang sakit ng balakang at likod ko. Lagi na lang talaga nya akong sinasaktan. Perooo...ang sakit na yun lang ang gusto kong dumapo sakin habang buhay. WAAAAAH.

♥26♥ Post #2:

Joshua Rian Te: Kontrata sabi!!!

"Ano?! Huh?!" Tulala pa sya. PATAY. Ang bilis at ang lakas ng tibok ng puso ko! Jini naman kasi. Pinapahirapan pa ata ako. Binibitin! Nangbibitin! NAKAKAINIS NA. Pero, gustonggusto ko talaga sya kahit naiinis ako sa kanya! GRRR...

"JR?!" Napalingon ako. GRRR...sino yun? "Long time no see!!" Nanlaki ang mata ko nung nakita ko siiii... "Hans?" Hans - di kami close neto. Hindi ko sya pinapansin nung highschool pa kami. pero, di nya naman tinapos ang pagha-highschool nya sa school na pinapasukan ko. Sa America na kasi sya nag-aral pagkatapos ng isang taong pag-aaral dito sa pinas. Sino sya? Sya lang naman ang twin brother ni Hayley! Tama! TWIN BROTHER. Hinead-to-foot nya si Jini. "You must be Jini!" Sabay lahad ng kamay. "Uhhh.. yeah!" Shake hands. EHEM. Wala. Di ako nagseselos. Ano! "Bakit ka andito?" "I have a project!" "Ahhh.. okay!" Hinawakan ko ang kamay ni Jini at hinila na sya papalayo. Di na ako magpapaalam sa kay Hans. Ano kami? Close? Di kami close! So, ba't ako magpapaalam. "Your girlfriend is beautiful, Joshua!" Napatigil ako. Pati na rin si Jini. "No wonder Hayley lost." >.< Nagpatuloy ako sa paglalakad. GRRR... Hindi lang yun Hans! I love my girlfriend, that's why everyone lost! GRRR... "JR!" Tinanggal ni Jini ang kamay nya. Patay, di ko sya napansin. Ang dami kasing mga biglaang pangyayari! Tumigil ako sa paglalakad... "Ano?!"

Inabot ko sa kanya ang kontrata. "Ano to?" "Kontrata sabi!!!" HMP.. Hindi ko mapakalma ang sarili ko. Di ko naman alam kung bakit ganito ako. "Para san-" "May damit ka na ba para bukas?" Natulala sya pagkasabi ko nun. "Ano? May damit ka na?!" "Wala pa-..." "Huh? Bakit? Sumama ka sakin ngayon! Bibili tayo!" "Hindi naman kasi ako invited eh?!" "Ano?!?" "Wala akong invitation, panu ako makakasama?" "HA? Edi, gagawin kitang date!" Malagkit ang tingin nya sakin. LOL

"Bakit?" huh? "Buang ka ba? E diba kayo nga ni Andrea ang pares. Tsaka, kay King na ako sasama." "Ganun? edi, di mo na kelangan ng invitation kasi date ka pala ni King eh!"

I know she is still worried. Bakit kaya di pa sya nabibigyan ng invitation? Birthday ko nga bukas pero di naman ako ang nagpapaparty. Si mama at papa kalilipad lang patungong ewan dahil may project daw sila. Pero, okay lang naman yun sakin eh. Andyan naman si Jini eh. "Tara na nga!" "Saan?" Nagtaka pa. "Bili tayo ng damit mo! " "Ha?!?! Wag na! May damit ako! Uhhh... mag papatulong lang ako kay Tiya Isabel." "Yun naman pala eh... JR, lika na! Kanina pa kita hinahanap, magpapraktis pa tayo para sa sayaw natin bukas!" Sabay kaming lumingon at nakita ko si Andrea. Kanina pa ba sya? HMMM... "Uh... Andrea, susunod lang ako!" "Uh. Hindi. Hihintayin na lang kita!" "Uhh.. sige Jini. Kita na lang tayo bukas." KELAN NYA BA TALAGA SASABIHIN ANG TUNGKOL SAMING DALAWA? >.< Umalis kami ni Andrea, pero sya parin ang iniisip ko. GRRR. KAINIS... ♥♥♥

Jini Punzalan: I love JR
BUKAS! Sasabihin ko kay JR na sinabi ko na kay Andrea! Lagi na lang kasing may sumisingit eh! Dapat kasi, sinabi ko na kanina, pero si Andrea.. GAAAH. Di bali. PANGAKO. Sasabihin ko kay JR bukas. Birthday nya!!! BIRTHDAY NYAAA. Wala akong gift! OHW COM'ON. Suggest naman kayo ng gift oh?!?! HUHU... Napatingin ako sa kontrata... "Darkness Contract..." Napatingin ako sa dulo kung saan andun ang expiration date. Pero, walang nakalagay. Instead: "This Contract will NEVER expire." HAAAY. JR! I LOVE YOU! Anong nangyayari sayo ngayon ha? Tabatchoy? Kala ko maghihiganti ka? Ba't ngayon ganito na?

"May date ka na ba bukas?" Anak ng...nabigla ako sa nagsalita. Tumalikod ako para makita ang lalaking binigla ako. "Hans?" "Yeah!!" Ngumiti sya. Blue eyes...blonde hair. GWAPO. Kilala nya si Hayley? "I'm Hayley's Twin Brother." "OHW? Talaga! Kaya pala magkahawig kayo." Wow... hindi ko alam yun ah! Alam nyo ba yun? "Your boyfriend doesn't deserve you..." Huh? BLABLA... Alam ko na. Siguro pinadala ka ni Hayley dito para guluhin kami? LOL. Bahala ka sa buhay mo. "Uh...sige, alis na ako ha? May tatapusin pa ako-" Bigla nyang hinawakan ang balakang ko at linapit nya ang mukha nya sa mukha ko. OHH MAYGHAD. WESTERNIZED. "Dance with me..." "Huh?" "...On JR's birthday." HAAAAA? Invited syaaa?? Jini talaga... ang hina ng pick-up! GAGA. Tinulak ko sya papalayo sakin. "Ano ba! May boyfriend na ako - si JR." "I know... " Ngiti sya ng ngiti. Hindi ko alam kung anong iniisip nya. WAH. "I like you!" "Haw can you layk me when you don't even kno me! besayds, I love JR. and he is my-" "boyfriend? He is everybody's boyfriend!" Napatunganga ako. HEH! Kala mo madidiscourage ako? HINDEEEEEEEEEEE NO! Paki update nung utak mo sa pagkakakilala kay JR. MAHAL NYA AKO.. BLEEEH. "Sino ka ba? Wala akong pakealam sayo!" Kainis.

Makapag walk-out nga... Ayun, pero, sinigawan ako kahit malayo na...

"I ALWAAAAAYS GEEEET WHAAAAAT I WAAAAANT, JINIIIII!" WAAAAAAAAAAAH... Well, sya nga ang brother ni Hayley. TWIN BROTHER... Pero, JR! Anong gagawin mo? Anong gagawin ko? Anong gagawin nating dalawa?!?! HUHU Tiningnan ko ang kontratang dati kong inaayawan at ngayo'y ayoko ng pakawalan.

♥26♥ Post #3: Hans Anderson: Thinking what?
Her girl is really beautiful. I can't believe that she is wasting her beauty for him. "Hey Hans! Anong iniisip mo dyan?" That's Mr. Chan... ~~~okaaay! Wag muna masyadong mag react!!! pawang kathang isip lang ang lahat ng to kaya wag nyo akong isumbong sa kanya! OKAY? hehe "You should think about your clothes for tomorrow!" "Mamaya na tito." ~~~Eheeeeeeeem. pawang kathang isip lang!!! "I can't find any model for the pictorial yet..." Andito nga pala kami sa office ni Papa. Si Mr. Chan ay Tito ko na nagmamay-ari ng Bench. Kaya nga kinuhang model si JR dahil malapit sya dito at talagang may mukha ang mokong. "I like JR's girl!" Nabigla ko ata sya dahil napatigil sya sa pabalik-balik na paglalakad nya.

"What? I haven't seen her, though. Is she beautiful?"

"Pagmakita mo sya, saka mo malalaman ang sagot." Tumango sya. "In speaking of JR, I looove his works so much. That's why I'm thinking...." "Thinking what?" Pinaglaruan ko ang pen ni Papa. Asan na ba yun? May meeting pa daw... Dumungaw ako sa bintana kung saan tanaw ko ang soccerfield.

"He will be the photographer for the Valentine Special Billboard of Bench." Nahulog ko yung pen pagkasabi nya nun. "OH..."

♥♥♥

King Alvarez: Wag kang mag-alala!

Nakarating din ako sa Resort. Si JR talaga napaka...HAAAY. Bigla ba naman akong tinawagan at sinabing pumunta dito!? HAY. Nakita ko syang nakatingin sa kawalan habang sinasayaw si Andrea na nakatitig naman sa kanya. Ano kayang iniisip nya? PREOCCUPIED ata. Nagkausap na kaya sila ni Jini? Alam nya na kaya na sinabi na ni Jini kay Andrea? Sa tingin ko, di pa. Kasi, kung malaman nya yun, baka wala to dito. HMMPPP. Buti na lang din at di na muna sinabi ni Jini, alam nyo naman siguro ang gagawin nitong pinsan ko pag sinabi nung pinakamamahal nyang girlfriend ang totoo diba? Di yan sisipot ngayon, di nya papansinin si Andrea, at talagang di sisipot bukas. "King!!!!" Tawag ni Andrea. "Uyy!" Saka lang lumingon si JR sakin. Kumaway ako. "Kasama mo ba si Ate?" "Di eh. May ginagawa ata." "Ganun ba?" Kumislap ang mga mata nya. "Ayos ba ang sayaw namin ni JR?" Sabay kapit kay JR. "UHH.. Oo!" Sabi ko. Tumingin si JR sakin. HAAAY. The usual tingin. "Sige, maiwan ko muna kayo huh? May aasikasuhin lang ako! JR! Wag ka munang umalis! Di pa tayo tapos!!!" Sabay alis. Ngayon, kaming dalawa na lang ang andito. "Asan si Jini?" "Nasa skul." Tumango sya. "Ba't mo nga pala ako pinapunta dito?" Sabi ko habang pareho kaming dumungaw sa pagdadarausan ng birthday ni Andrea. May mga table na at lahaaat. May konteng bulaklak na at mga naglilinis sa lugar.

"Please take care of her while I'm with Andrea tomorrow! " Hindi pa nya nabanggit ang mga katagang yan simula nung naging magpinsan kami. HMP... He is really in love with his girl.

"Kahit di mo sabihin, gagawin ko naman eh." Alam kong alam nya.

"Wag kang mag-alala! Alam kong alam mo na gusto ko sya...pero, I want her to be happy. Kahit na nasasaktan mo sya, sayo parin nanggagaling ang mga pinakamaligayang sandali nya." Tumango naman sya. Mabuti na yung magkalinawan kami. Alam kong ayaw ni Jining magselos si JR eh. Ayaw nyang nag-aaway silang dalawa. Alam ko yun. "Salamat..."

"Si Hans. Alam mo bang andito sya?" Tanong nya agad. "Hans? Talaga?" Hans Anderson? Ba't sya andito? "Imbitado siguro yun bukas dahil imbitado si Mr. Chan eh!" "Ganun ba??! Ba't kaya sya andito??" "Nagkita kami kanina sa skul habang magkasama kami ni Jini!" Magkasama sila ni Jini? Nagkausap na nga sila. Si Hans Anderson. Isang year ko lang syang nakasama pero kilala na syang playboy. KATAPAT NI JR ang isang yun. Alam kong alam yun ni JR. Ba't kaya sya andito?? Kahit na katapat yun ni JR, talong-talo parin sya ni JR sa mga babaeng naging girlfriend. WELL, alam naman nating di na sya ganun ngayon. Tinamaan ng magaling. Baka naman

hamunin nya si JR ngayon? Di naman siguro noh. "NATATAKOT AKO." Bigla nyang sinabi sakin yun.

Tumunganga ako.

"Natatakot ako---nagandahan sya kay Jini. Di kaya--"

ANOOOO??? Lahat ata ng first time ngayong oras ko naranasan eh. First Please, First Sorry, First NATATAKOT? Bakit? "--alam mo naman yun diba? Blue eyes, blonde hair, spokening dollar. Panu kung---"

HAAAAAAAAHAHAHAHAHAHHA. Tumawa ako ng tumawa! GRABE. FOR THE FIRST TIME!!! Panu nya nagawang matakot sa kanong yun? Di naman sya ganun dati! Di nya nga pinapansin yun eh! Ba't ngayon ganito? JR! "King ano ba!!! Wag ka namang tumawa!!!" "HAHAHA. Insecure ka? Panu nangyari?" "Lumalabas na ata ang tunay na kulay mo eh! Ba't mo ko kinakantyawan?!" Sabi nya habang natatawa parin ako. "Pasensya na! Eto ang unang beses na narinig kitang nagsabing NATATAKOT ka!!!" That's true. Hindi siguro alam ni JR kung gano sya kamahal ni Jini? O baka natural na seloso ang isang to. "Wag kang mag-alala! Di naman siguro." Pero panu kung andito si Hans para ipaghiganti si Hayley? Di naman siguro no?!? HMMMM...

♥♥♥

Chapter 27 Happy Birthday JR
♥♥♥

Jini Punzalan: meron na akong ganitoooo ehhhhh!
*TITITITIIIIIT....*

Patay! UMAGA NA! Happy birthday Joishua Rian Te!!! ANOOOO? UMAGA NA? Wala pa akong susuotin! Wala pa akong invitation! Wala pa akong gift!!! ANO NA???!?! "TIYAAAAAAAAAAA ISABE-" "HOY! Sumising ka ng maayos! Kanina pa ako andito sa kwarto mo!" Sabi nya habang sinipa ang unang nahulog ko. "Ano? Birthday ngayon ni JR ah? Mag b-bake ka ulit ng cake tulad nung natapon mo nung Hearts Festival nyo?" Tumango ako. "HAAAY. Napaka korni mo naman oh!!! Buti na lang di ako nagmana sayo, kundi pagtatawanan ako ng boyfriend ko!" Huh? May boyfriend si Tiya??! "May Boyfriend ka?" "Oo! Tsaka...mali ang tanong mo! Dapat ang tinanong mo sakin eh..'korni ba?'... HAHAHA " Langya talaga! Inaasar pa ako.

"Tsaka anong kala mo sakin? Tatandang dalaga? SUSS MARYOOSEP! May damit ka na bang pangprinsesa para mamaya?" Napatunganga ako. "Wala pa..." "Ano? Edi ano pang ginagawa natin dito! Bumili na tayo!!" "Bili? Nagpadala ba sina Kuya ng para neto?" "Hindi no!! May naipon ako!" "Nag iipon ka na?" HEHE. "Nukaba! Nag iipon ako para sayo! Bibigyan sana kita ng damit sa birthday mo eh! Kaya, eto, ngayon na lang kita bibigyan, tutal kelangan mo naman diba?" WOW! Tats ako Tiya! Salamaaaat! Nagbihis na ako! Mabilis! Kahit 10am pa naman talaga at mamayang 6pm pa magsisimula, excited na ako. Nabigla ako kasi may wheels pala yung boyfriend ni Tiya! HMPF. Kaya pala! Manager pala nung pinagtatrabahuhan nya! HAHA. Ibang klase. Nung pumasok kami sa mall papuntang botique-na-sikat, hindi na sumama ang boyfriend nya dahil may aasikasuhin daw sa opisina! Mas lalo akong nabigla nung nakita kong sa botique ng mga artista kami pumasok. Yung tipong mga Araneta at Ayala lang ang pumapasok. Ba't dito? Ang mahal mahal dito! Ganun na ba ka laki ang naipon ni Tiya??! "Tiya! BA't dito? Di ba tayo nag titipid?" "HAAY. Hayaan mo na! Dinagdagan kasi ni boyfie ang pera ko. Kaya yun!!" Pagkapasok namin, panay ngiti ang mga saleslady. Di kaya nila kami minamaliit o ano? LOL. Jini! Nukaba! Kung anu-anong iniisip mo! "Sige! Jini! Pumili ka na!!" WHAAAAT? Ang pangit nun! Di ako makapili! Sa dami ng damit! May mga sapatos pa! Hindi ako makapili kung inaalala ko ang presyo! JUSKO! Mahal na ata ang bigas ngayon! May rice shortage kuno. Nakita kong pumili si Tiya. Ang dami nyang pinapakita. Iba-ibang kulay! Iba-ibang disenyo! Kaya naisip kong sa mga sapatos na ako tumingin-tingin. HMMM. Binanggit ba ni Tiya na bibilhan nya rin ako ng sapatos? Tsaka...Oo nga pala! May sapatos na ako para dito! Yung sinuot ko nung andito si Hayley! Diba? Masyadong maraming yung sapatos na yun! HMMM. Mag kano kaya yun? Lumingon ako sa bandang kanan at nakita ko ang sapatos ko! OO! KAPAREHONG KAPAREHO! Parehong pareho nung sapatos na sinoot ko at hanggang ngayon andun pa sa bahay ko. Linapitan ko ang sapatos na yun para tingnan kung magkano ang presyo.

Pero, bago ko yun natingnan, narealize kong si JR pala ang nagbigay sakin nung sapatos na yun! Pati yung damit na sinoot ko noon! Diba? Parehong espesyal yun! Iingatan ko yun! Lam ko naaaa! Yung sapatos na yun ang susuotin ko!!! Pati rin yung damiiiit!! EHEM. Payag kayo readers? LOL. Di kaya ako magmukhang ano? hehe. Tatanungin ko si Tiya. Lumapit ako sa kanya. "Tiyaaa! Pwede namang yung sapatos at damit na lang na sinoot ko noon nung may welcome party si Hayley ang susuotin ko diba?" "Huh? Wag no! Tsaka, di sila masisindak! HMP. Pwede na yung sapatos! Pero, wag yung damit! Tsaka, diba sabi ko naman sayo, wag mong isipin ang gastos!?!? Ako na ang bahala no!!"! Sa bagay. Tama! LOL. Bumalik ako sa sapatos at ngayon, tiningnan ang presyong ka gimbal-gimbal!!!

"thiiirtyyy thousand peeeeeeesoooos?? ANG MAHAL NAMAAAAAAAN."

JR! Ganyan ka ba ka yamaaaan??? ULOL Jini! Ngayon mo pa ba yan na realize? Di mo ba nakitang nabiktima mo ang isang palyboy na spoiledbrat at may-ari pa ng sandamakmak na luuupaa? HA HA HA. Dahil sa ingay at iba't-ibang expressyon ko, linapitan ako ng isang saleslady.

"Miss. Gusto mong isukat?" Napanganga ako. Kaya pala naka isolate sya. Nasa loob sya ng isang glass na box at imiikot pa sya sa loob at may kakaibang lights na maslalo pang nag emphasize sa mga kumikislap na dyamante nya. PUTEEEK. Di ako makapaniwalang ganun ka mahal ang sapatos na naisoot ko nung araw na yun!!! HOOHOOHOO. Naghahighperventilate na ako. "Yan po ang pinakamahal na stilettos dito samen. Tsaka, anim na pairs lang po ang meron nyan at isang kulay lang ang meron dito sa Pilipinas!!!" HUH? "Bakit miss? Ilang kulay ba talaga to?" "Puti ang nasa Pilipinas, Ewan ko kung nasaan ang Silver, bronze, at gold nyan." Kung ganun? 6 tayms 4 equals 24? 24 pairs lang sya? HUH? "Espesyal po yan! Actually, isang pilipino pa lang ang nakabili nyan. Anak daw yun ng mayaman eh. Pero, lalaki sya, ewan ko nga! Baka binagay sa girlfriend!" Walang duda! Si JR ang tinutukoy!!! HAHA.

"Kaya yun, wala na yung size 38!!" Tiningnan ko ang size nung nasa box na umiikot pa. "Size 40?" "Oo! Ang size 39 kasi nasa Manila.

"

"Paki kuha na nung stilettos na yan! Ibalot na!" Sabi nung isang saleslady. O.O

Napalingon ako sa counter kung saan ko nakita si Tiyang maraming damit na ang napili para maisukat ko. Nakita ko rin si...

HANS???

"Hi! Mukhang gustong gusto mo yung stilettos na yan ah! in your feet! " "Ah! Hehe. "

That will look perfect

Tama! yun siguro ang iniisip ni JR no? hehe. Pinakita nya sakin ang pinamili nya. "See you in the party! I'm sure you'll be beautiful."

Nabigla ako nung may binigay saking paperbag. "Ano to?" Tanong ko sa saleslady. Ngumiti ang saleslady at tumingin kay Hans! "That's for you!!" Napatunganga ako at naisip ko ang thirty thousand pesos habang

nakikita syang umalis agad... WAAAAAAAAAAH.

NASAYAAAANG ANG THIRTY THOUSAND PESOS DEAR! Meron na akong ganito! Ba't nya pa binili! WAAAH. "Jini! Eto na! Isukat mo na to!" Habang tiningnan ko ang damit na pinakita nya... WALA PARIN AKO SA SARILI!

WWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH. Di ako makapaniwala! Sayang ang 30 thousaaaaaand!!! NOO WAAAAY.... HUHU "Ang swerte mo naman miss!!!" Sabi nung saleslady.

<----Tiya Isabel.

"WAAAAAAAAAAAAH! meron na akong ganitoooo ehhhhh!!!" Nabigla ang saleslady. "Ano yan? Patingin?" Kinuha ni Tiya ang paperbag... "AAAAAAANOOO??" Pati sya...nasindak. WAAAH. ♥♥♥

Joshua Rian Te: AKIN KA LANG
Kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad dito sa labas ng resort namin habang tinitingnan ang cellphone ko. Ang daming nag text... Mga invited ata to mamaya... Pero, hindi ko binabasa. Kahit na may text ni Jini o wala...di ko babasahin!!! (kahit wala naman talagang text nya)... Gusto ko kasing sa personal nya ako batiin... HOOOII JR! Nukaba! Kelan ka ba naging sentimental??? Nung nakilala si Jini???! HAHAHA. JR! Kelan ka ba naging korni???! PAREHO? GRR...

"Tawagan mo na lang!" Nabigla ako, si Kenjie pala. "Your waiting for someone's text diba? Sino??! Kay Andrea?" BUANG! Kay Jini! Ehem... di nga pala nya alam na kami pa. "Kay Jini!" Bahala sya. "Huh? Kala ko ba pinagpalit mo na sya!!!" Di na ako umimik. GRRR... Jini kasi. Asaaaar. Kung pwede lang talagang sabihing 'Kami pa! Ano selos ka?' Sinabi ko na! "HAAAY. Sa totoo lang! Nagsisisi talaga ako kung ba't ko sya pinakawalan! Habang tumatagal, gumaganda sya. Habang tumatagal, mas minamahal ko sya." Buti na lang ngayon mo pa yan narealize! "Ba't ka ba andito?" "Huh? Si Tanya kasi, excited ata. Nagpasama sya. Katahimikan. "Winawala mo ba ang usapan? Bakit? Nagsisisi ka dahil pinakawalan mo si Jini?"

"

ASAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAR. Jini! Patawarin mo ako, pero kateng-kati na ko para ipag malaki ka sa mokong na to. "Sino bang nagsabing pinakawalan ko sya? Hindi ko sya pinakawalan at KAHET KELAN DI KO SYA PAKAKAWALAN!!!" GRRRRRR... Napanganga ata at nag taka. Bago sya humirit, tinawagan ko si Jini. "Uy! Andito lang pala kayo!" Dumating si Tanya at napansin ang katahimikan namin ni

Kenjie.

Di ko na sya pinansin, kasi, tumatawag ako kay Jini. HMM. TSS. Di nya ako pwedeng igreat sa phone huh?!?! Pag i-g-great nya ko, di ko sya papansinin mamaya! LOL. "Hello?" "Hello? Uh...Jini?" "JR! Butit tumawag ka! Kamusta na kayo dyan? si.." "Okay lang ako. Ikaw?" Sumulyap ako kay Kenjie at Tanyang nakatitig sakin at halatang nakikinig sa pinag-uusapan namin. "Ano, kasi..." "Ano? Wala ka pang damit?" "Hindi...kasi... Alam mo, si HANS." HAAAAAAAAAAAAAAAAAAANS?

"Si Hans? Bakit?" "--uh..saka na lang!" "Ano Jini??" "Uh. Andito kami ni Tiya sa isang botique, bibili ako ng damit. Wala akong mapili."

"Dapat kasi sumama ako. Andyan ba si Hans?" Nakita kong nagreact ng konti si Tanya. "Wala..wala na.." "Huh? So, andyan sya kanina?" "Oo!!" Si Hans? Bakit parang nag-aalala ako? Insecure or what? I feel so uneasy. GRRR...

"Wag kang lumapit sa kanong yun huh! Papatayin kita!" "Ano ka! Di ako lumalapit ah! Malay ko bang andito sya kanina? HUH?" "May ginawa ba syang masama? Hinalikan ka ba nya? ANO?" "Sus naman to. Anong kala mo sakin, di marunong manapak?!? Syempre...di no! Ba't naman ako papayag na halikan nya? At ba't nya naman ako hahalikan?" "Siguraduhin mo lang! Lagi mong pakatandaan na AKIN KA LANG! Para sakin lang ang mga tingin mo! Sakin ang halik at yakap mo!" "Huh?" "Bilisan mo na!!!" Binaba ko agad... Kung anu-ano ang pinagsasabi ko! Buti na lang di nya ako nagreat! Huminga ako ng malalim. "Ba't mo sya minamadali? Atat kang makita sya? Kung ganun? Kayo paaa?" Biglang tanong ni Tanya.

♥27♥ Post #2:

Jini Punzalan: JR, tawag ka na dun!
"ANG GANDA MOOOO!!" Sigaw ni Tiya pagkatapos nya akong make-apan. Nakakahiya naman to.

"Lumabas ka na! Kanina pa naghihintay si King!" Napansin kong tumayo si King sa labas. Kaya, lumabas na ako. O.O "Ayos ba?" Di sya agad nagsalita. Nacoconscious tuloy ako, baka di bagay sakin ang damit ko o ano. "King??!" Di parin sya nagsalita. Kung iniisip nyong ang sapatos na binigay nung kanong yun ang ginamit ko kasi bago, nagkakamali kayo! May sentimental value ata sakin tong binigay ni JR no, tsaka, maluwang yung binigay sakin ni Hans eh. HMP. Di ko rin yun maisusuot! Unti-unting lumapit si King sakin... "Ang ganda mo!" Bulong nya. AAAAAAAAAARGH. Uminit yung mukha ko. Feeling ko namumula na ako. "Ha? Ano?" Nasapak tuloy ako ni Tiya. "GAGA! Dapat 'salamat ang sagot mo no!'" "Aray naman! Oo, salamat. " "Sige na! Umalis na kayo! Baka mahuli na kayo sa party!" Sabi ni Tiya. "Oo na!!" "King!! Pinsan mo si JR diba?" Nakatitig si King sakin. At tumnango sya. "Okay! Jini, maiintindihan ko kung sa makalawa ka na uuwi dito." "HA? Tiya naman! Uuwi ako bukas no!" "Nukaba! Okay lang!! Si JR naman eh, ayos lang!" AAAAAAH. Ano bang pinag-iisip netong Tiya kong magaling huh? GRRR... "Eto na!" Sabay bigay sakin ang cake na binake ko, syempre, tinulungan ako ni Tiya. May nakalagay ngang 'Happy Birthday JR, I love you so much' dun eh! KORNI naman. HAAAY. Sana di na to matapon. Tsaka, sasabihin ko na talaga kay JR ang lahat ngayon!!! "Eto pa!" Binigay nya sakin ang paperbag na may lamang stilettos na binigay ni Hans. Sumakay na kami sa sasakyan ni King at alam kong mejo late na kami dahil 5:50pm na at isang oras ang byahe patungo sa beach resort nina JR.

Hawak-hawak ko pa ang cake na nakalagay sa kandungan ko. Todo ingat ko sa cake na to. Grabe, ayoko nang maulit ang nangyari noon. Samantalang yung sapatos naman, linagay ko lang sa gitna namin ni King. "Ang swerte naman ng cake na yan!" Namula ulit ako. "Huh??! Uh.. panu mo nalamang cake-?" "Halata naman eh! " Sabi ni King. Katahimikan. GOSH. Feeling ko, di ko maiibibigay to kay JR eh! Kasi, pangungunahan ako ng hiya at ng mga weirdong feeling. Baka tawanan ako ng malakas ng bakulaw na yun o! O baka naman di yun makahinga sa pagpigil sa tawa nya. WAAAH. Alam nyo naman yun! Pag nagkataon, nakuuu...baka di ko mapigilang sapakin sya. "Ang dami mong gift kay JR ah! Lam mo? Di naman kasi sya materialistic eh. "Huh? Kung ganun? Di nya magugustuhan ang cake na to?" "Hindi naman, pero, baka magalit sya dahil binilhan mo pa sya ng isang mamahaling bagay." Sabay tingin sa paper bag. "AH? Ito ba? Di naman to para sa kanya eh. Isosoli ko lang to kay Hans." "Hans? Bakit?" "AAAH. Binilhan nya kasi ako ng stilettos kanina. Ang mahal pa naman, di nya alam na meron na akong ganito eh." "Ano? Si Hans?!?" Napatigil at napaisip si King. "Bakit? Ang mahal pa naman neto, sayang!" "Kaya pala pinababantayan ka ni JR sakin...kaya pala sya natatakot." Bulong nya. "Huh? Bakit?" "Jini, kahit anong mangyari, wag kang lumapit sa Hans na yun! OKAY?" Sabi nya sakin na para bang magkakasakit ako kung lalapit ako sa kay Hans. "

Nakarating din kami sa wakas. Ang daming tao. Nahuhuli ako sa paglalakad dahil sa sapatos ko, pero, pinipilit bagalan ni King ang kanyang paglalakad! PATAY. Di ko alam na sa labas pala ng hotel ang birthday ni Andrea. Poolside party kumbaga. Dito mismo sya sinagip ni JR noon. Ayan naaa... Ayan naaaa... Papasok na kami... WAAAH. "Uhh. Miss, Invitation?" Sabi nung guard. WAPAK.

"Uhh. She's my date." HAY. Buti na lang andyan si King! Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita kong andun na si Andrea at JR. Pati rin si Tanya at Kenjie. At halos lahat ng taga CC at mga iba't-ibang respetadong tao sa industriya. Grabe, asan na ba si Christina at Mikee? HMP. I feel like I do not belong! Pinakapit ako ni King sa braso nya, kumapit naman ako. Si Andrea nga parang KOALAng nakakapit sa JR ko. HMP. Sige, pagbigyan natin, birthday nya eh. Pagkapasok at pagkapasok namin, saka pumasok si Hans - MAG ISA. Kinindatan nya ako. HMP Lumingon si Kenjie samin at nagsilingunan na ang lahat ng tao... WAH. Hindi ko alam kung ako ang tinitingnan nila o si King. Linapitan si King ng mga business man ata at pinagkaguluhan ata sya... "Kamusta ka na?" Sabi nung isa. "Ayos lang po!" Sagot nya. At marami pang kasunod na tanong. Di nya naman ako iniwan, pero masnarinig ko ang mga bulong-bulungan sa paligid. "Grabe! Ang ganda-ganda na niya no? Noon, di naman sya ganyan eh." "Siguro, nagpapasindak sya kay JR." Sabay tingin sakin nung mga babaeng alam kong taga USM pero di ko alam na namumukhaan nila ako. Nagsimula na pala ang party, may sumasayaw na nga sa dancefloor eh. Marami pa akong narinig na bulong-bulongan hanggang sa... "Can I dance with you all night?" Tanong ni HANS. "Huh?" Linapitan nya ako ng nakangiti. Ano ba talaga tong lalaking to? GRR... Nagkatinginan kami ni JR, nasa malayo sya at may kumakausap sa kanya pero mukhang di sya nakikinig. Hinawakan ni Hans ang kamay ko...nabigla ako, ba't nya hinawakan? Di pwede! ano sya? GRR.. Tumingin ulit ako kay JR at nakita kong kumunot ang noo nya at napansin din ni Andrea ang nangyayari. "Hans! Kamusta na?" Sabay tanggal ni King sa kamay ko kay Hans. SALAMAT KING!

Pasimple lang pero mahirap yun gawin ah? Parang naghahanap ng away! "Ah! I'm good!" Sabay ngiti. Tumango si King. "I'm just wondering if I can...borrow your date and dance with her!" Nagkatinginan kami ni King at hindi ko alam kung anong expression ang ibibigay ko sa kanya. "Oh... uhmm.." Wag kang um-oo King please?!? "Wala naman sigurong magseselos diba? And you are not her boyfriend right?" Sabay ngiti ulit nitong blue-eyed blonde-haired mokong. "Oh...hindi ako ang boyfriend nya, actually...-" "AKO. Bakit?" Lumingon kaming sabay kay JR. Agad akong lumingon sa kinatatayuan nya dati at nakita ko si Andreang nakatingin samin na kulang na lang eh umiyak. WAH. JR, its her birthday! Wag naman ano...haaay BUHAAAY. "Oh?! The birthday boy! Really? You're her boyfriend?" "Diba alam mo naman yun?" Tanong ni JR. "OH! I'm so sorry! It doesn't seem that you're her boyfriend! S-S-SORRY, I just..." Sabay ngiti... Tumigil ang pagtugtog at tumigil sa pagsasayaw ang mga tao... "LADIES AND GENTLEMEN! WE ARE ALL GATHERED HERE FOR AMY ANDREA TANSECO and JOSHUA RIAN TE'S BIRTHDAY! Let us all enjoy the night and welcome the two celebrants tonight..." blahblahblah. Ang dami pang sinabi... Yun pala, tinatawag na si JR at Andrea para sumayaw sa gitna. Para simulan ang sayawan. OKAY, Jini, pagsimula ng sayawan, wag kang sumayaw, kumain ka na lang kesa sa makita mong masayang-masaya ang mga birthday celebrants ngayong gabi. Di parin umaalis si JR sa tabi ko. Di nga ako nagsasalita, di rin naman sya nagsalita. "JR, tawag ka na dun!" Sabi ko. Ngumiting bahagya si Hans. Nagsimulang maglakad si JR patungo kay Andrea nang...

"You know what JR?" Napatigil si JR dahil nagsalita si Hans. <----Jini and King.

"...I actually, don't care! ACTUALLY DON'T CARE?

"

♥27♥ Post #3: Joshua Rian Te: Sino yung kasama nya?
"You know what JR?" Napatigil ako.

"...I actually, don't care!

"

ACTUALLY DON'T CARE? Upakan ko na tong sang to! Ano ba sya? Di parin ba sya

titigil. Kumukulo na ang dugo ko! Lumingon na ako at parang sasabog na ako sa galit nung tingnan ko si Jini na tinuro si Andrea. GRRR. Kumalma muna ako, PARA KAY JINI. Alam kong concern sya kay Andrea! Selfish ako, and you know that! Hindi to para kay Andrea o para sa parents ko o parents nya, this is for Jini. Thank Jini for everything! Kung di lang talaga para sa kanya... wala ako dito, di ko sinasayaw si Andrea ngayon. Habang isinasayaw ko sya, nakikita ko si Jining nakatingin saming dalawa. Nag seselos kaya sya? Okay, wala ako sa oras para mag isip ng ganung bagay. HMP. Ilang sandali ang nakalipas, nung sumayaw na ang iba, nakita kong yinaya ni King si Jining sumayaw. Umupo na kami ni Andrea. Busy sya sa pag-eentertain ng guests. "Happy Birthday Joshua!" Lumingon ako... "Mr. Chan!" Bench. "Ano? You sure look good tonight!" Sabay ngiti. Ngumiti na rin ako. "Uhm... Hans is here!" Napatingin ako sa kanya. "Para sa isang pictorial, actually. For Bench." Sabi nya. Tumango ako. "I'm not replacing you huh!?" "Ohhh." Tumango-tango ako. Okay lang naman sakin kung papalitan ako eh. Gusto kong mag model noon para makaakit ng magagandang babae. Pero, ngayon ---ahh! Right! I still want to be a model! Para masindak si Jini. HAHA "I like you works!" Tango ulit habang nakikitang isinasayaw ni King si Jini. I wanna be with her! "Magaling ka talagang kumuha ng pose..." "Thank you. " Naturingang president ng camera club! SYEMPRE! Dapat lang! "Can you be the photographer of Hans?" Hans? Hans? Pagkasabi nya ng Hans... "Tito, is your decision final?" Si Hans. Anong ibig nyang sabihin? Final desicion sa? Sa pagkuha sakin as photographer? Bakit? Minamaliit nya ako? GRRR...

"I mean, that girl...-" "Yes yes... of course!!!" Di ko makuha. "Uhh.. I've asked her kanina, pumayag naman sya, excited nga eh!" "Really?" Abot tenga ang ngiti ni Hans. Ehemm.. di ko na talaga masundan ang mga pinagssabi nila. "Uh. JR, Jini and I will have the Valentines Day pictorial. And you are going to take the pictures!" Ano daw? Panu nasali si Jini sa usapan? Papanong ako LANG ang magiging photographer? Papanong VALENTINES? Lumingon ako kay Hans pero wala na sya. Hinanap ko sya, hindi ko naman nakita! May lahi atang multo yun. GRR. "Okay lang ba sayo yun, Joshua? Alam kong malayo pa ang Valentines pero, minamadali ko ito coz of Hans na rin. So... and oh, this is also a big break for your girlfriend! Pumayag na sya kanina! I think she's great! Ang galing mo talagang pumili ng girl! Tsaka maganda nga yan eh! Magkasama kayo s work. " Ano? Valentines? Magkasama sa work? Pro andyan naman si Hans. PUCHAAAAAAAAAA.. GRR.. At Valentines pa? Anong pose ang gagawin nila? Malapit sa isa't-sa!! HINDI PWEDE TOOOOO! "Kung papayag sya!" "Pumayag na nga sya!" Sabi ni Mr. Chan...

ANOOOO? BAKIT? JINI?? Hinanap ko si Jini at nakita kong tumigil si King at Jini sa pagsasayaw. Nakita kong naglalahad ng kamay si Hans kay Jini at ang magaling kong mabait na pinsan, wala na namang nagagawa! Nasa isang tabi lang at di maka hirit! King naman! Suntukin mo!!!! GRRR... Tumayo na ako. Di ko na masikmura talaga. I'm going to CRASH HIS HEAD! "JR! Tawag ka ni mama at papa!" ANDREA! GRRR... "Uh... pwede mamaya na?" Kumalma ka muna JR TE!! Kalma..pampakalma!

"Huh? Ba't naman? O sige..." Wag ka munang mag-inarte dyan! GRRR... Lumapit na ako kay Jini at Hans. "Excuse me, can I...-" Sabi ko. "We are still dancing!" Sabi ni Hans. Tumigil si Jini sa pagsasayaw.

"Jini! we are still dancing right?" Sabi nya kay Jini sabay kuha sa kamay ni Jini. "Can I--" Hirit kong di pinatapos ni Hans. "Can I what? Dance with her? We are still dancing! Panggulo ka lang eh!" Upakan ko na talaga to! GRR.. Hinawakan ni Jini ang kamay ko.

Kasabay ng pagkulo ng dugo ko ang pagsabi ko ng..."Can I get MY GIRL?" Lumapit si King kay Jini at ilinayo sya sakin. Nakita ko rin lumapit si Kenjie sakin at mukhang pipigilan ang paaaag....SUNTOK...ko kay Hans.

*Suntokkkk.*
Nasuntok rin ako. ARGH. Katapat na ba to!? "JAAAAAAAAAAAAAAAY-ARRRR!" Narinig ko ang sigaw ni Jini. Lumapit si Andrea samin, nabulabog na ata ang party eh! GRRR... Jini kasi, sabing wag lumapit eh! Sabing WAG---di nakikinig! ARGH.

*SUNTOK* ko ulit.

"Ano bang problema? Meron ka na ngang birthday girl dun! Tapos...you'll dare to mess up with us? HUH? Pasalamat ka birthday mo! ! Jini, your shoes, will lead you back to me!" Sabay walk out! Ano DAAAAWWW? What shoes? Napatingin ako sa sapatos ni Jini, lahat ata napatingin sa sapatos niya eh. Bakit? What's with her shoes? "Si Hans ang nagbigay ng sapatos na yan?" Tanong ni Tanya.

Di ko na narinig ang sagot. agad na akong lumapit kay Andrea at sa kanyang mga magulang para humingi ng tawad. Tulala pa si Andrea. Bahala sya. Di ako responsable sa kanyang mga iniisip tungkol sa nangyari. Isipin nya ang gusto nyang isipin. Nagpatuloy ang party na parang walang nangyari. Walang nangyari sa palagay ng mama at papa ni Andrea, sa ibang guests, sa lahat!! Pero hindi sakin. Hindi kay Hans, King, Kenjie, Andrea, Tanya at Jini.

Nung malapit ng matapos ang party, nakita kong may umaligid na mga lalaking nakaitim kay Jini. Mga limang lalaki. Tumayo ako, di naman sa OA pero... Nakita kong lumabas sila ng venue at ipinasok si Jini sa isang sasakyan. OY! Ano yun? Iba yun ah? Hinanap ko si King, nakita ko sya sa gilid. Umalis ang sasakyan! Tumakbo ulit ako papunta sa kay King. "Si Jini!? Sino yung kasama nya?" "Huh? Ewan? May kasama ba sya? Asan?" ANO NA NAMAN TO? Bakit parang?? WAAAH. Kidnap?

♥27♥ Post #3:

King Alvarez: gusto nyang mangyari sa inyo dyan!!
"Si Jini!? Sino yung kasama nya?" Tanong ni JR. "Huh? Ewan? May kasama ba sya? Asan?" I feel like I'm going to hell when I die. Ang dami kong kasinungalingan ngayon araw na to! Una, pumayag at kinumbinsi kong isayaw ni Jini si Hans. Yun LANG talaga sana ang plano ko. Ang plano kong napagkasunduan. Pero, di lang pala yun. Tumawag sakin ang Mama ni JR na may topak. Sinabi nya sakin na may sorpresa sya para kay JR doon sa rooftop sa kabilang hotel. Isang first-class room na bagong renovate daw na para kay JINI. Nung una, di ko maintindihan kung papanu sa kabilang-buhay nagkaroon ng sorpresa ang mama ni JR para kay JR na kwartong para kay Jini! Hindi ko maintindihan. Mas naintindihan ko pa ang mga trial balance at equations dyan. Pero, naisipan ko na ring kontakin ang mga kasamahan ni JR---sina Anton, Miguel, Patrick at ang buong cast ng fratenity nila. PARA KIDNAPIN SI JINI. TAMA! Sinadya kong iwanan sya. Sinadya ko ang lahat. Patawarin sana nila ako. I have no idea. Wala akong ideya kung panu ko gagawin ang kabulastugang ito. Buti at magaling ang pagpaplano ko. Napadrive ko si JR ng sasakyan. Sinusundan 'kuno' namin ang sasakyan ng kidnappers. Kahit na papaikutin lang nila yan at sa kabilang hotel na rin patungo. Tiningnan ko ang cellphone ni JR at nakita kong 1bar na lang! Magaling! Akala ko kailangan ko pang palitan ang batteries. Nasakin din ang cellphone ni Jini. HAHAHA Kinuha nya ang cellphone at...

*KRRRRRRRRRRRINGGG!*
Tinawagan si Jini. NYEEEH. Madali kong pinatay ang cellphone ni Jini. "Out of coverage na! King! Tumawag ka ng pulis!" "Huh? uh... Okay!" Asa ka? hehe. Buti na lang at wala sa saktong pag-iisip si JR at di nya pinansin ang pagring ng fone ni Jini na nasakin.

"Nawala ang sasakyan!" "UHHH. JR. Alam ko na! Punta tayo dun sa kabilang hotel!" "Huh? Bakit?" "Nakita ko kasing pumasok yung sasakyan dun!" Agad syang humarurot patungo dun sa sinabi ko. At nakarating kami agad. Mas mabilis pa sa alas kwatro. TSSS. Palibhasa.. HAAY. At, andito nga ang sasakyan. nakapark. Grabe! Ang galing nina Anton ah! Naglagay pa sila ng mga naiwang gamit ni Jini para mag mukhang kidnap. At may kutsilyo pa. Di ko na maitsura ang pinsan ko. Kakain ata ng tao. "KING! DIBA SINABI KO SAYONG TUMAWAG KA NG PULIS! LANGYA! KANINA KA PA AH!" Di ako makapagsalita! "NASAAN NA BA ANG MGA TAO SA HOTEL NA TO? BA'T WALANG STAFFS? GUARDS? MAIDS?" Hotel din nila to. Too bad, nasa kabilang hotel sila noooh! HAHA. Pinasok na namin ang hotel. Grabe, grabe, todo ang pagtatakbo nya. Pawis na pawis. Ako naman...cool lang. "KING! ANG PULIS? BA'T WALA SILA DITO?" Tanong nya sakin na parang kelangan ng 100pt na font para lang mailarawan kung gano ka lakas ang boses nya. "I think di na kailangan!" Sabi ko habang paakyat kami dun sa last floor o roof top kung saan andun ang bagong renovate na room. Madilim sa loob kaya't normal lang na magsisigaw si Jini dun. "TULOOONG! PALABASIN NYO AKO DITO!" "Jini?!" Agad tumakbo papalapit sa pintuan si JR. Kalmado parin ako hanggang ngayon. Napansin kong lumabas si Anton, Miguel, at iba pang kaibigan ni JR. Naka itim silang lahat at naka maskara. "MGA HAYOP KAYO!" Nasuntok ni JR si Miguel. Agad natumba at di nakatayo. Tinulungan ko pa at nina Anton. "JR! Ano ba! Kami to!" ---Susuntukin nya na sana si Patrick. "Huh?" "Tanggalin nyo ang maskara nyo!" Sabi ko agad.

Ba't kasi di pa nila tinanggal eh. HMP. "TULOOONG! JR??!" "Jini! Andito lang ako!....Kung ganun? Kayo ang kumidnap?" Pinagtawanan sya ng kanyang mga barkada. Hindi ko na rin mapigilan ang tawa ko. "Ano?" Sinabi ko na sa kanya ang lahat, pinapasok namin sya sa kwarto at... "JR!" Yumakap si Jini kay JR. Mangiyak-ngiyak pa. Yumakap naman si JR kay Jini. Nakita ni Jini sina Anton, Patrick, Miguel at iba pang kasamahan. Nakita nya rin ako. "King? Anton? Kayo? Bakit?" Tumawa ulit sina Anton! Hindi na kami nag paliwanag. Sapat na ang paliwanag ko kay JR. Sinarado namin ang rooftop. 8th floor yun ng hotel kaya imposibleng makakababa sila. Hindi pa kami na kontento, sinarado namin ang lahat ng pwedeng labasan sa buong hotel. Papaalis na kami nung tumawag si JR. "King? Ba't nyo sin a-" "Wag kang mag-alala! Walang hidden camera dyan. Pero, may sounds dyan mayamaya. Tsaka, babalik naman kami eh...BUKAS."

Alam na kaya ni Jini ang nangyari? HAHA. "Hindi naman kami tatakas eh! Ba't nyo-" "Utos yun ng mama mo no! Ewan ko nga din kung ano ang gusto nyang mangyari sa inyo dyan!!" "ANOOO?" Tingnan mo tong pinsan ko, parang conservative! HAAI. Swerte nya!

*TOOOT-TOT-TOT.*

Lowbat na sya! HAHA.

Tamang-tama!

♥27♥ Post #5: Jini Punzalan: Masarap bah?
“Ano? Si King, Anton, Mama mo ang may paakana neto? Bakit naman nila gagawin ang bagay na to?” Tanong ko kay JR habang naghahanap sya ng pintuan para makapunta kami sa pinaka mataas na bahagi ng hotel. “Talagang di tayo makakalabas dito!” Binalewala ba naman ang mga pinagsasabi ko at dumungaw kami at nakita ang dalampasigan kahit gabi na. “Wala tayong magagawa kundi maghintay.” sabi nya habang umupo sa sahig sa rooftop at tumingala sa itaas. Ako naman, andito't naka tayo. GINIGINAW. Di ako makapagsalita. Pakiramdam ko, kontento na ako ngayon! Kontento na ako't magkasama kami ngayon sa kaarawan nya. WHAT? Kaarawan nya! Di ko pa sya nababati ah? “UHH JR!?” Nakatalikod parin sya sakin. Napagod ata sya sa kahahanap sakin ngayon eh. “Ha-happy birthday!” Lumingon sya sakin pero di ako makatingin sa kanya. BAKIT? Eh di ko alam! HAHAHA. HMP. Ilang araw na lang, magkakatrabaho na ako, kasi, mag momodel daw ako sa bench! Biruin nyo yun! sinong makakatangggi sa ganung offer aber? Linapitan ako ni Mr. Chan kanina at tinanong ako kung pwede bang mag model sa bench, sabi ko naman, pwede. HAHA. nakeew Jini, bumibenta na ata ang mukha mo ah? hahah “Hoy! lika nga dito!” sabi nya. Aba't nang-aasar ata tong bakulaw na to ah? GRRR... “Ha? wala ka bang tenkyu dyan” Umihip ang malakas na hangin. BRRRR. Nalimutan kong naka dress pa ako hanggang ngayon at nasa dagat pa kami malapit. BRRR. Ang ginaw. Napanganga na lang ako nung tinuro nya ang kandungan nya habang “Halika muna dito!” sabay demonyong tingin.

May magagawa pa ba ako? sinabi nya eh. Dahan-dahan akong umupo sa tabi nya at inaayos yung damit ko. Tatanggalin ko na sana yung sapatos ko nung bigla nya akong hinila lalo papalapit sa kanya at yinakap “you are all I want for my birthday.” WAAAAH. Naririnig ko ang mabilis na pintig ng puso nya. Malakas to dahil sinabayan yun ng pagpintig ng puso ko. “J-R! aray.” Ang higpit-higpit nya kasing yumakap eh. Umayos kaming dalawa. HMP. Maloloka na yata ako sabakulaw na to eh!!! GRRR. Narinig ba nya ang happy birthday ko o hindi? HAY. Di bale, uuitin ko na lang mamaya. Umihip na naman ang malakas na hangin at ako'y giniginaw na. “Halika na kasi dito!” Sabay turo ulit sa kandungan nya. NGYEH. Yoko! Baka ano pang mangyari sating dalawa dyan, nakuuuu!! GRRR... “ano?” “wag ka ngang makulit!” Sabay hila ulit sakin.

“Kamusta ang pagsasayaw nyo ni Hans?” “Huh? EW---WAN.” “Anong ewan? Kahit sinong pilipina pag may nagyayang kanong sumayaw talagang hindi tatanggi.” “Huh? Nagseselos ka ba?” “Porke't asul ang mata at blonde ang isang yun, ganyan ka na ka interesado sa kanya?” “Ho-HOY! Ano na? nagsese-” di na naman ako pinatapos at sinagot. “Tsaka, hubarin mo nga yung sapatos na binigay nya! Bakit ka tumatanggap ng mga regalo sa di mo kilala? Ba't ka pumayag sa pictorial nung Bench?” Ha? Panu nya nalaman ang tungkol sa Bench? ano ngayon? Tsaka, bobo ba sya? Di ba nya alam a siya ang nagbigay ng sapatos na to sakin? “Ano? Eh. Hindi naman sya ang nagbiagy neto eh-” “Ano? Wag ka ngang mag maangmaangan! Alam ko nooo!” GRRR. “Hindi sabi! IKAW ang nagbigay neto! di mo ba naalala!” “Papanung ako? eh narinig ko kay Tanya.” “OO! Binilhan nya ako ng sapatos! Gaya neto, pero di kasya sakin kaya eto ang

sinoot ko, yung binigay mo!”

Tumahimik kaming dalawa. Buti na lang no! Nahahighblood ako sa kakaexplain. GRRR. “Kung sakali bang kakasya yung binigay nya, yun ba ang susuotin mo?!” Tanong nya.

WHAT? ang lakas ng tama ni tabatchoy sakin ah? HUHU. That's why I love him so much. “MAHAL KITA.” sabi ko.

Napatingin sya sakin at mukhang nagtataka sa sinagot kong wala sa kanyang tanong. Biglang bumuhos ang malakas na ulan, kaya pumasok kami sa loob. Nabasa ako ng konti, habang sya naman, eh basang-basa talaga. Pagkapasok namin dun sa kwarto, agad nyang hinubad ang pang-itaasna damit nya.

OH NO! Patay tayo dyan! Ang kahinaan naten Jini. Wag masyadong tumingin baka maawala ka sa kawalan! WAAAH. Tumalikod ako sa kanya. “sana naman, nag-iwan si King ng pagkain, ginugutom ako!” Lumingon ako sa kanya at tumalikod ulit.

Sasabihin ko bang may dala akong cake o hindi? WAH! EW. Ba't kasi ganun ang ibibigay ko! wala kasing matinong suggestion eh. GRRR... Humiga sya sa kama at... “Papanu ako magshoshower neto, walang damit. HAAAY si King talaga, di kumpleto ang plano!”

Di parin ako nagsasalita, namamanhid na ata ang leeg ko at pati ata bibig at nagkakasore throat ako. HAHA. “Hoy! ano ba! Di ka ba magsasalita? Tsaka, ba't ka nakatalikod sakin.” “huh? AHHH-EHHH. WALA. “ “WALA?!” Naramdaman kong lumapit sya sakin.

“HEEP! Wag kang lumapit sakin!!!!” sabi ko ng di lumilingon sa kanya.

“Naku Jini! Wag mo sabihing naiilang kang makita akong ganito??”

Di ako nakapagsalita. “Naku! Problema yan! HAHA Di pwedeng ganyan. Balang araw, di mo talaga

maiiwasan ang katawan ko.”

YAY. Tumindig lahat ng balahibo ko pagkasabi nya nun. BATA PA KO. Ma! Pa! asan na kayo? Binabantayan ba ako ng kaluluwa nyo? Paki batukan si JR TE! *KULOOOOOOG-KIDLAAAAAAAAAAAT* Biglang kumulog at kumidlat... Okay na sanang kombinasyon yun, kaso, di ko naiwasang tumakbo sa kanya at napayakap nung na-off ang lights. AHHHHH Todo hawak ng kamay ang ginawa nya sa kamay ko. “Sabi ko sayo eh! di mo talaga maiiwasan!! “

WAAAAAAAAAAAAAAH. IKAW JR TE! Nakakainis ka na talaga!

Na-on ulit ang lights at umiwas na naman ako sa kanya. GRR...

"HAAAY. Ginugutom na ako! Ano to?" Sabay kuha sa box nung cake na ibibigay ko. "WAGGGG!" Sabay kuha ko sa box at tinago ko sa likod ko. "Cake yun ah! Sige na akin na! Kakainin ko!" "Di to masarap!" "Ano? Ikaw ba ang nagbake nyan? HAHAHA." "Oo! Wag ka ngang tumawa! Pwede?" Kainis! Di ko na lang talaga ibibigay sa kanya! "Akin na!!! Para sakin yan diba?"

Lumayo ako sa kanya pero unti-unti syang lumapit sakin. "Akin na! Alam kong akin yan!" "Ang kapal-kapal din ng mukha mo noh? HMP. O ayan!" Binigay ko sa kanya. Akala ko ba di ko ibibigay? HAHA. Kasi naman, natapon na nga yung una, tapos di ko pa ibibigay ang isang to? Di pwedeng ganun! Kumuha sya ng tinidor at lahat ng pwedeng

gamitin para kainin ang cake. Tinitingnan ko lang sya habang umupo sa upuan dun sa mesang malapit sakin.

"Ano ba? Lika na dito! Tikman natin yung gawa mo!" Umupo ako sa tabi nya. " Ilang ulit mo ba tong pinagpraktisang i-bake huh?" Sabay demonyong ngiti.

GRRR... Pinapahiya pa ata ako. Buti na lang kaming dalawa lang dito.

"Ang totoo, pangalawang bake ko na yan! Yung isa kasi----natapon.. Nung Hearts Festival ko sana yun ibibigay sayo eh. " " NYAAAAAAAH! Tinikman nya ang cake. Tiningnan ko ang reaksyon nya habang tinitikman ang cake. WAH. Kinakabahan ako. SUPER. Baka di nya magustuhan. HUHU

"Ma-Ma-Masarap bah?" Sige! Tanungin mo para malaman mong hindi! NOOOOO!

Tiningnan nya lang ako ng seryosong tingin. Di ko na alam kung ano ang reaksyon nya! Palaisipan. "Ano? Masarap ba?" Tikman ko nalang kaya para malaman ko? WAH. Lumapit sya sakin at unti-unti kong naramdaman ang hininga nya.

Magwawala na ata ako dito, di nya sinasagot ang tanong ko. Di naman kasi ako manghuhula eh! HUHU

HINALIKAN NYA AKO. :*

"Mas masarap parin ang halik mo." ♥♥♥

Chapter 28 Just When Evrything is Alright
♥♥♥

Jini Punzalan: Sayo lang ako.
“Mas masarap parin ang halik mo.” Ano daw? Langya talaga tong si JR. Grabe kung mang-asar. NAKU. Babatukan ko to ngayon eh. GRRR. Ehem. Napatahimik ako dun ah. Hmmm. “Jini, wala naman tayong gagawin ngayon eh. At total birthday ko naman... “

Lagoooot! May hula ako kung ano ang ibig nyang sabihin! BAKA. BAKA. LOL. Hindi naman siguro no. Ano sya? TSK. “A-ano?---Ayoko nga! HMP.” “Anong ayaw mo? Huh?” Patay ba't ko sinabi yun? Kyaaaaa. “Loko ka rin no? Kung anu-ano ang iniisip mo! HAHA. “Huh? B-Bakit? ano?” “

Nakaupo ako sa kama at sumandal sya sa akin. Linagay nya ang ulo nya sa kandungan ko. At eto sya, nakahiga, samantalang ako, nakaupo. Hinayaan ko na lang. Gusto ko

naman talaga sya ng ganito eh. “Jini.” “HM?” Sabay haplos ko sa buhok nya. OHW JR TE. Naka jackpot ba ako sayo? Kay gwapong hayop ng boyfriend ko. Kala ko noon si Kenjie lang ang magiging pinakagwapo kong boyfriend, pero mali ako. “Gusto mo ba talagang mag model? Maging model ko?” “Huh? Bakit model mo?” “Huh Hindi mo alam?” “Hindi ko alam ang alin?” Tanong ko. “Ako ang maagiging photographer ng pictorial.” “ANOOOO?” WAW Naman! Ang galing! Edi masaya! Kasama ko sya sa trabaho! YEHOOOO. “Edi mas maganda. Mag kasama tayo!!! YEHEY!” Tuwang tuwa talaga ako sa sinabi nya. “Kung ganun, di mo rin alam na may kasama ka sa pictorial?” “Huh? Meron ba?” “Si HANS.” WHAAAAAAAT? Si Hans na pinagseselosan ni JR ng todo-todo ang makakasama ko? Papanu nangyari yun? Di ko na lang tatanggapin. “ANOOOO? Bakit? anong klaseng-...” “Para sa valentines day ang gagawin nyo.” “Anooo?” Tiningnan ko syang mabuti at mukhang aya nyang gawin ko yun! “HUH? Naku. Aatras na lang ako. Ayoko. Di ko sya gustong makatrabaho!” Ang totoo,ayokong magselos ka JR. Bahala na ang pera at trabaho. Di bale na ang mga gusto ko, di bale na ang kasikatan, di bale na ang lahat...wag lang magulo ang relasyon namin. Natuto na ako nung napagdesisyonan ko ang pagkakamali kay Andrea. Ayoko ng maulit yun.

“Wag kang umatras!” “Huh?” “Bakit? Natatakot ka dahil baka magustuhan mo ang Hans na yun?” “A-Ano bang pinagsasabi mo!? Hindi no!” Ayokong magselos ka! “Tanggapin mo na! Magkasama naman tayo eh! At kelangan mo ng pera diba? sige na!” “HUH? Yoko na sabi.”

“Magkatulad kami ni Hans ng pag-uugali kaya di kita masisisi kung mahuhulog ang loob mo sa kanya!” JR! Nukaba? ano ba yang pinagsasabi mo? GRRR. “Pero, syempre, di ko hahayaan yun noh! Papatayin ko muna sya.” Binatukan ko sya. “ARAAAY. Bakit? Ayaw mo bang mawala sya?” Binatukan ko ulit. “NUKABA HA? NAIINSECURE KA NA YATA EH! Ikaw naman ang mahal ko eh! Anong klaseng ispirito ba ang sumapi saayo at ganun ka na lang ka insecure sa kanong yun?” “Di ako insecure ah!” “Asus. Nagmamaang-maangan pa ang boyfriend kooo. HMP. Wag kang mag-alala di ako maawawala sa tabi mo. Tsaka, pagbalik natin sa kanila ah, samahan mo akong ibalik yung sapatos na binili nya. HMM. Kamusta na kaya sila dun? Si Andrea kaya? PATAY ka JR, iniwan mo sya!” “Huh? Bahala sya. Tsaka, kelan mo ba balak sabihin kay Andrea ang totoo.” “UHHH. Ang totoo, alam na nya eh. “ Bumangon sya. “ANO? Kelan?” “Ay mali, sinabi ko na. Pero di pa nya alam, o di sya naniwala.” Pinahiga ko ulit sya. “Kelan lang?” “HUH??? Kelan nga ba? Ewan ko, basta matagal na!” “Ba't di mo sinabi sakin? “ “Sasabihin ko sana eh, kaso laging may sumisingit eh!” “ANOOO? Ang tanga-tanga ko! Kung alam ko lang sana sana di kita napabayaan! Sana di na kayo sumayaw ni Hans! GRRR.” “Nukaba! Okay lang yun, kung alam mo yun, baka di to mangyayari. “ Tumahimik sya at yinakap ako.

“Kung aagawin ka nila sakin, sino pa ang mamahalin ko!!!”

Natawa na lang ako at parang gusto kong umiyak sa sinabi nya. NAPAKASAYA KO. Sa talambuhay ko, di pa ako naging ganito ka saya.

“Wag kang mag-alala! Sayo lang ako.” “Di ko rin hahayaan. Over my dead body.”

BODY? Pagkasabi nya nun, naramdaman ko ang abs nya... WOOOOOOOOOT. Nanghihina na naman akoooo...............

♥28♥ Post #2: Amy Andrea Tanseco: KASALANAN KO

“Ano? Kung ganun totoo pala yun?” Tanong ko. HUHU. “Oo. Si Jini at JR---silang dalawa...--” Sambit ni Tanya. “Tanya tama na.” Pigil ni Kenjie. “Hay naku, sinasabi ko naman ang totoo eh! HMP.” Kung ganun? Totoo ang sinabi ni Ate Jini. Boyfriend nya nga si JR! Ayoko lang talagang maniwala eh. Totoo pala yun? Kaya pala labis ang pag-aalala ni JR kay Jini pagkawala nya. Di ako makagalaw, namamanhid na ang buong katawan ko. Umalis na ang ibang bisita. Kami na lang ang nagpaiwan. Umalis na rin si Mama at Papa. Asan na kaya si JR at ate Jini? KASALANAN KO ANG LAHAT. “KING! Ano? Kamusta na?” Tanong ni Kenjie sa bagong dating na si King. “Ah. Okay lang sila, pinatawag lang sila ng mama at papa ni JR eh. Kaya, okay na.” Napahinga ako ng malalim at di ko na napigilan ang mga luha ko... “KASALANAN KO ANG LAHAT.” ♥♥♥

King Alvarez: Ah. Basta.
“King! Ano? kamusta na?” Salubong na tanong ni JR sakin. “Ah. Okay lang sila, pinatawag lang sila ng mama at papa ni JR eh. Kaya okay na.” Sagot ko. Tiningnan kong mabuti si Andrea, halatang naguiguilty sya sa nangyari. “KASALANAN KO ANG LAHAT.” Iyak nya. “Di naman, okay lang ang dalawa.Kaya wa'g kang mag-alala!” Lumingon ako sa likod dahil may napuna akong anino. “Where are they?” Tanong ni Hans. “Ah. Basta.” Kung sasabihin ko sa kanya baka puntahan lang nya. Hayaan na natin sila. Wag na ipilit ang mga bagay na talagang di pwede. Hayaan na lang sila at wa'g nang manggulo. Ako yata ang mapipirwesyo sa mga kalokohan netong si Hans at Andrea eh. GRRR... Umakyat na ako at natulog sa kwarto. May magagawa ako sa kanilang dalawa...marami...pero mas pinili ko ang makakabuti sa kanila, kaysa sa kaligayahan ko. Kaya ayokong may nakikitang umaagaw ng eksena, dahil pinaghirapan ko rin yun.

♥28♥ Post #3:

Joshua Rian Te: Nakakagulo ka na ah
Umaga na! Gumising na ako. Si Jini, nakayakap sakin at mahimbing parin ang tulog. Hindi muna ako gagalaw para di ko maistorbo ang kanyang tulog kaso ilang sandali lang, dumilat na ang kanyang mata. “Naku! Nakatulog pala tayo!” Sabi nya. Bumangon na kaming dalawa. Nakita ko syang mukhang namumula. Ano na naman kaya ang iniisip ng babaeng to? HMP. “Kanina pa ba tayo ganun?” Tanong nya, di man lang makatingin sakin. “KAGABI PA.” sagot ko. “ANO? ?” “Hay naku. Ang galing mo ding mabigla no? Ganun ka naman matulog eh! Pakiramdam mo teddy bear ang lahat ngkatabi mo!” “TSSS... Ang sabihin mo, umandar na naman ang pagkaplayboy mo't pinagsamantalahan mo ang pagkakataon!” “ANO? Ano ka? Inaakusahan mo ba akong manyak? Eh ekaw nga tong yumayakap eh...” “TSEEEEEEEEH!” She rolled her eyes. Kung ganito kasaya gumising araw-araw pagkatabi sya, dadalasan ko na talaga ang pagtabi ko sa kanya.

“Kaya ako lang ang dapat katabi mo sa pagtulog mo ah?” LOL.

“TSE. Asarin mo pa ko't babatukan na talaga kita!”

Binuksan ko ang pintuan. Nabigla ako't bukas pala to. Nakita ko ring may susi sa harapan at may note---”Your car is outside. Balik kayo agad!” Kaya yun, bumalik kami agad ni Jini sa kabilang resort at nadatnan namin sina King, Tanya, Andrea, Kenjie, Hans at iba pang taga Ccng naka abang sa labas ng resort. Pinagamit ko kay Jini ang panglabas kong damit para di sya ginawin. At, pagkalabas niya sa sasakyan, sinundan ko agad sya. “JRRR!” Sigaw ni Andrea. “Jini! Are you okay?” Lumapit agad si Tanya at Kenjie kay Jini. Nakita ko si King sa likod ni Hans na nakangisi lang at parang walang ginawa kagabi. “A-ate Jini! So-sorry!” Yumakap si Andrea kay Jini. Napatingin si Jini sakin at tumango na lang ako. Pagbigyan na lang natin, bata pa yan at hindi pa alam ang ginagawa. At least ngayon, alam na nya...di na sya manggugulo!

“O-okay lang!” “Ate. Pasensya ka na talaga! Di ko talaga alam na ganun pala! Na totoo pala! SORRY. Di ko sinasadya!” Iyak ni Andrea. Hinimas ni Jini ang likod ni Andrea at pinapatigil sa pag-iyak. “King! Ginugutom na ako!” sabi ko kay King. Tumawa na lang sya at nag sibalikan na ang lahat... Ang naiwan na lang ay si Jini, King Hans at ako. “Lika na sa restaurant! Umorder na ako kanina!” Sabay tawa. “So, ano JR? May nangyari na ba?” Napatingin ako kay Hans.

“Huh?” “Alam kong wala ang mama at papa mo. You're with her all night right?” Tinulak ko sya papalayo sa kay Jini at Andrea para di nila marinig. GRRR. “Hans, tama na yan!” Saway ni King. “Wag ka ngang g@go pwede? Nakakagulo ka na ah?” “whatever.” Sabay alis. NAKU. Di ako makapagpigil makakapatay ako ng tao! ARGH.

“JR. Hayaan mo na yun! Naiinsecure lang yun sayo kasi nagseryoso ka na!” GRRRR... Sumunod na kami kay King at kumain. ♥♥♥ Pero, di parin ako mapakali.

Chapter 29 Insecurity Kills
♥♥♥

Jini Punzalan: di ko alam eh
"Eto na! Pasensya na! Meron na ako neto!" Sabay abot ko sa paperbag kung saan naroon ang stilettos na pagkamahal-mahal. Nasa likod ko si JR at sa harap si Hans, na nakatunganga sa paper bag. Ang totoo, hinintay ko munang umalis si Mr. Chan para maibigay tong paperbag. Andito kami opisina ni Mr. Chan para pag-usapan ang project. Umalis sya dahil may meeting pa daw sya. At kelangan din daw naming pag-usapan ang mga pose na dapat gawin namin ni Hans at mga camerang gamitin ni JR. "At ano naman ang gagawin ko nyan? Lam mo, even if you already have a boyfriend, it doesn't mean that you can't accept gifts from anybody." Sabay tingin kay JR. "Sumusob-" "JR. Tama na! Ayoko ng gulo. UH. Hans, di naman sa ganun, pero, meron na kasi talaga akong ganito at di sya kasya sakin eh." "Then? You must keep it still diba? I bought it for you so I'm sorry, I won't accept that!" Napatahimik ako. Si JR ay halatang naggigigil na, hinawakan ko na lang ang kamay nya at braso para kumalma. "JR. Wag na!" Napailing sya. "So, we're here to talk about the pictorial right? So, JR anong masasabi mo?" Hindi nagsalita si JR. "Buti't tinanggap nyo ang offer?"

"Ba't naman namin tatanggihan?" Sabi ni JR. Hinawakan ko ulit ang kamay nya. "Ah. Okay!" Bawi ni Hans. "So, the pictorial will be tomorrow right?" Tanong ni JR kay Hans. "Uh. yeah! Jini?" Ibinaling nya ang tingin nya sakin. "Huh?" "Are you ready?" Tanong nya. "UH." Tumingin muna ako kay JR bago..."Oo." "Good! UHM. I know na bago ka pa lang sa field na to, so baka mailang ka right?" Tumango ako habang si JR ay nakikinig lang. "Maybe we can get to know each other para naman at least gumaan ang loob natin sa isa't-isa ano?" Napailing ulit si JR. "Huh? Kailangan pa ba talaga yun?" "Yeah!" Tumingin sya kay JR. "Oh no Joshua. Don't tell me you can't work like a real professional?" "Huh? Sinabi ko ba yun?" Ngumiti si Hans.

Nagsimula na ang mga tanong ni Hans sakin. Agad ko namang sinagot to ng maayos. Hindi umimik si JR sa gitna ng pag-uusap namin ni Hans. "Uhuh! I see... So, how about love life? How did you fall for JR?" Napatingin ako kay JR na naka kunot noo. "Uhm...di ko alam eh. Basta-" "What are you? A reporter? Bakit kailangan mo pa yang tanungin sa kanya?" Singit ni JR. "Wala lang. I just want to know that part." Ngumiti ulit sya. Halata sa mukha ni JR ang pagka-inis kay Hans. Kasi naman, ba't ba parang interesado sya sakin at bakit nya tinatanong ang mga iyon? Dinadagdagan pa nya ng mga ngiting mukha may hidden agenda lagi.

Isinandal ni Hans ang kanyang ulo sa sofa. "OH WELL. I'm excited!"

JR kasi, ba't pa tinanggap tanggap ang mga ganitong offer? TSK. Di ko maintindihan!

♥29♥ Post #2:

Joshua Rian Te: Subuan mo ako.
"START na Joshua!" Sabi ni Mr. Chan. Pumasok ako sa studio para humarap na sa lens ng camera. Lumabas ako kanina dahil nanggigigil ako sa mga nangyayari. Binihisan si Jini ng damit na bagay na bagay sa kanya. Kulay pula at puti ang kombinasyon. At si ganoon din. Di ko matanggap na they're actually doing this. Alam ko, ako ang nagsalang kay Jini sa photoshoot na to. Dahil alam kong kelangan nya ng pera. NOOO! Yeah! Para kasi akong hinahamon ni Hans eh. Pag natapos tong pictorial na sakin parin si Jini eh titigil na sya. Ewan ko pero ganun ang instinct ko. *CLICK* Unang click ko sa camera. Wala akong gana! Ang ganda-ganda ni Jini pero di sya makangiti ng maayos. Pati na rin ako. Si Hans naman, feel na feel. "Hija! Lumapit ka naman kay Hans! Jusko!" Sabi nung isang staff. "Joshua! Why don't you direct them with they're pose?" GRRR. "Uh! Jini! Lumapit ka ng konti!" Once again, I put my eyes on the view finder. Huminga ako ng malalim at tumingala sa itaas. I feel like---I can't do it! "Sige! Jini Lumapit ka pa ng konti!" Ibinaling ko ang tingin sa view finder at nagseryoso na!

I saw Hans smiling... "Jini! It's okay!" Ngumiti si Jini sa kanya. "JR is nervous because he thinks you're nervous!" Tumango si Jini at nagseryoso na rin. Ilang sandali lang, nakita kong gumagaan na ang loob ni Jini kay Hans. Ngumingiti na sya kada click ko ng shutter release. At malapit na sila sa isa't isa. Dahil ako ang kumukuha ng picture---mas lalo kong nasaksihan kung paano naging magaan ang loob nila sa isa't-sa. Isang bagay na nagpaasar sakin. NO JR! You can't be selfish! YOU CAN'T BE! Patuloy kong kini-click-click ang shutter release. Habang tumatagal mas marami na silang magandang kuha. "WOW. You look good together!" Sambit ng isang staff. Napatigil ako. Nakita ko si Jining nakatitig sakin. Di ako pwedeng magpahalatang naiinis o naaasar. Tingin ulit sa view finder at nakita kong nakapulupot ang mga braso ni Hans sa baywang ni Jini at ang ulo nya ay nasa kabilang bahagi ng katawan ni Jini. "UHH. Change costume! Change the lens too!" Sabi ko ng wala sa oras. Lumabas ulit ako para makapag-isip-isip at di naman ako pinansin ng iba. Abala sila sa pag-aasikaso sa mga modelo. Ilang sandali ang nakalipas..."JR! They're ready!" Napabuntong hininga ako bago pumasok. Naka pink sila ngayon. Langya. I can feel the pressure everytime I put my eyes on the view finder. At ngayon, napansin kong di ko na sinabihan si Jini na lumapit. Ginawa ulit nila ang pose na naputol kanina dahil sa pagpalit ng lens at damit. DAMNIT.
*Click*

Ilang na pose pa ang ginawa nila. Pinapawisan na ako at parang gusto kong sugurin si Hans at durugdurugin! Masyado syang mapagsamantala. At hindi pa talaga nakontento ang mga staff. Hindi sila na kontento sa studio! Pumunta pa

kami dun sa rooftop ng pinakamataas na building para mag photoshoot daw. "JR!? Pagod ka na ba?" Tanong ni Jini habang kumakain sya. Di ako sumagot. "Kumain ka muna!" Sabi nya. "Di na!" "Bakit?" "Di ako nagugutom! Wala akong gana!!" "Pero kailangan mo paring kumain!" Tiningnan ko syang mabuti habang naka damit ng itim. "Ba't ganyan ang damit mo? Parang pang patay?" Tumawa ako. "Ewan ko nga eh. Nahihirapan nga ako sa sapatos ko." Sabay tingin sa sapatos nyang ang taas ng heels. Nakita ko si Hans na nakatingin samin. Kaya agad kong inilapit ang mukha ko kay Jini at ginalaw ang inuupuan nya para ilapit sakin. "Jini. Subuan mo ako." "Huh? O sige!" Sinubuan nya naman ako. Tinitigan ko si Hans at pinagtaasan ng kilay. Ano ka ngayon? SHE'S MINE! ONLY MINE. Tumawa na lang sya at ikinainis ko yun. Ilang sandali ang nakalipas, nakita kong pinaupo si Jini sa gilid ng rooftop at si Hans naman at itinabi sa kanya. Tumingin ulit ako sa view finder... "JR. Bilis-bilisan mo ang pag click ah? wag ka munang pumili ng pose!" Tumango ako kay Mr. Chan.

Sa view finder nakita kong nakatitig ng maayos si Hans sa akin. Then, I started clicking simultaneously.

*CLICK* *CLICK* *CLICK*

It was like making an animation of HOW HE KISSED JINI ON THE CHEEKS that made me really mad! Parang gusto kong durugin ang camera pero may pumipigil sakin. Si Jini nabigla pero hindi na nakapalag dahil hindi naman pinansin ng mga staff ang nangyari.

♥29♥ Post #3:

Jini Punzalan: Si Andrea!

Nasa loob kami ng sasakyan ni JR ngayon, kahit di nya sabihin, nakikita kong pagod na pagod na sya. Pagod ako, pero mas pagod sya. Minamasdan ko sya at parang gusto kong ako na lang ang magdrive kahit di ako marunong. Gusto ko syang alagaan. May biglang kumatok sa window ng sasakyan. Si Hans. Binuksan ko agad. “Mr. Chan wants to meet us tomorrow, Jini!” Sabi nya habang sumulyap kay JR. “Huh? Akala ko ba tapos na to?” Tanong ko. “Ewan ko nga eh. He said I'll call you daw, pero since I don't have your number...” Napatingin ulit ako kay JR, di parin sya nagsasalita. Sinandal nya ang ulo nya sa upuan. “And oh, can I have your number? HEHE. Just in case.” Sabi ni Hans habang inaabot ang cellphone nya at sumandal sa window kong bukas. Linagay ko na agad ang number ko, its business. Hindi ako makakatanggap ng tawag galing sa kanya kapag di naman tungkol bukas. Sana alam yun ni JR. “Thanks! Uh... Pumunta ka bukas ah?” Paalala ni Hans. “Uh. Ba't tayo lang? Di ba kasama si JR?” Tanong ko. “I don't know with Mr. Chan eh. Sabi nya tayo lang daw.” “AH. Okay.” Umalis naman sya agad at halatang pagod din sya para makipag-asaran pa kay JR. Pinaandar na ni JR ang sasakyan at sumandal sa manibela. “Okay ka lang ba?” Tanong ko. “Yeah!” Pinatay nya ang makina. “Mukhang hindi eh. Lika dito!” Iminuwestra ko ang balikat ko.

Hindi sya gumalaw. “Hindi ka kasi kumain ng maayos eh.” Tumango lang sya. Di pa naman ako marunong magluto.

“Kumain na lang tayo sa labas! Ililibre kita!” Offer ko. Tinalikuran ba naman ako. Naku ang bakulaw, nag iinarte!

“Hoy! ano ka ba! Anong problema mo riyan at para kang babaeng may dalaw!” “Pupunta ka ba bukas?” Tanong nya. Nagseselos sya? Hanggang ngayon? Akala ko malinaw na ang lahat. “Hindi!” Lumingon sya pabalik sakin, at binatukan ko na. “Ano ka ba? Nagseselos ka parin ba talaga? Kuuuu, JR Te---ipapasalvage ko yang utak mong napaka-dirty minded...” “Diba sabi ko naman sayo, ayokong nakikita ka ng iba, gusto ko akin ka lang!” OH. Naalala ko yung scene nung papunta kami sa welcome party ni Hayley. “JR, kahit sino pa ang makakita sakin, wala ka namang dapat ipag-alala eh, sayo nga lang kasi ako. Di ka ba nakakaintindi?” Pinaandar nya ulit ang sasakyan at humarurot agad. “JR, bukas, samahan mo ako sa meeting!” Sabi ko. “Di naman ako kailangan dun eh!” Sabi nya. “Bahala ka! Basta, kasama ka. Edi hintayin mo ako o basta!” “Bakit pa?” Nakatingin parin sya sa daan. “Alam kong di mapapanatag ang loob mo kung umaaligid yung Hans na yun sakin tapos wala ka! Hindi ba?” “Huh? Sinong nag sabi?” “Ay langya. Nukaba? Ba't di mo maamin sakin na nagseselos ka?” Halata naman eh! GRRR... Ihininto nya ang sasakyan at ipinark sa isang restaurant. Ginugutom na nga ata.

Pagkapasok namin doon, agad kong nakitang nakangisi si Hans habang linalantakan ang mga pagkain sa mesa niya. “Hanggang dito ba naman?” Pabulong na sinabi ni JR habang umiiling. “Doon na lang tayo!” Sabay turo ko sa pinakamalayong table kay Hans.

Sumunod naman si JR sa sinabi ko. Parang ayoko talagang nagkikita syang nag seselos lalong lalo na ngayong wala naman sya dapat na pagselosan. Di pa lang kami nakakaupo, may nakita na akong kumakaway sa akin sa di kalayuan.

“Si Andrea!” Sigaw ko, napalingon si JR. “O, Andrea, ba't ka andito?” Tanong nito. Andyan na naman ang mga ngiti ni Andrea noon. Siguro, maayos na ang kalagayan ng puso nya. Siguro okay na sya. Mabuti naman! PHEW. Di na ako mag-aalala. “Ah. Andito nga rin si Mama at si Papa eh. Tsaka, nakita ko rin si... Hans kanina.” Hinanap nya si Hans na wala na sa dating kinauupuan. “Ay, mukhang umalis na yata.” Ngumiti sya. “Ah Oo,” singit ko. “Uh. Galing kayo ng photoshoot? Kamusta ang modeling ate? Ayos ba?” Umupo sya sa tabi ng silya ko at umorder na si JR. “Uh. Oo, ang hirap. Naninibago ako, buti na lang at tinutulungan ako ni Hans.” Sabi ko. Nakita kong sumulyap sya kay JR. “AH. Mabuti naman. EHM, ikaw JR? Kamusta?” Sa puntong yun naisipan ko kung may balak pa ba syang umalis o wala na. “Okay lang, nakakapagod.” Di makatingin si JR kay Andrea. “Uhhh. Buti no? Hindi ka nagseselos---?” Sabi nya kaya napatingin si JR sa kanya. “Uh, anyway, sige, maiwan ko na kayo. Bye-bye!” Kumindat sya at umalis. Napailing na lang ako sa katahimikan ni JR. “Bakit ba parang ang daming nanggugulo satin?” Tanong niya. Napakibit-balikat na lang ako dahil wala akong maisagot. HAY. Sana naman, mag-open up na si JR kung nagseselos siya. Mapride kasi masyado eh, ayaw aminin na nagseselos siya sa Hans na yun kahit halatang-halata na.

♥♥♥

Chapter 30 The Cure For Insecurity ♥♥♥

Joshua Rian Te: She is just busy“Hi!” Napalingon ako sa nagsalita. Si Andrea pala. “Ano? Hinihintay mo si Jini?” Sabay upo sa silya sa harapan ko. Nasa loob ako ng isang coffee shop sa labas ng building kung saan nagmeeting sina Jini, Mr Chan at Hans na di ako kasali. Naiinis ako, ba't di ako kasali? HMP. Ayan tuloy, nagtitiyaga akong maghintay kay Jini dito. Ayoko namang sumama kasi ayokong isipin nilang napakaposessive ko. “Yeah. May meeting sila eh.” “Ganun bah?” Sabay tunganga sakin. “Ikaw, anong ginagawa mo dito?” “Wala, napadaan lang ako sa labas nung makita kita!” Ngumiti siya. Tumango lang ako at napatingin sa kape. “Di ka ba nagseselos kay Hans?” “Huh? Ba't naman ako magseselos dun?” Di ko namalayang napagtaasan ko pala sya ng boses. “Ows? Halata naman eh. Nahahalata na rin siguro yun ni Ate.” “Hmm? Di talaga.” “Asus JR. Alam mo, kahit di mo sabihin, nakikita ko yun sa mga mata mo.”

Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi nya.

“Alam ko ang feeling no! Dumaan na ako diyan.” Dagdag niya. Magdadalawang oras na ang meeting nina Jini ah? Sana bumalik na siya para di na masyadong gumulo ang utak ko sa pag-iisip kung ano na ang ginagawa nila—ni Hans. “Nakakainis ano? Dapat sana ikaw yung kasama niya kaso pinagkakaitan kayo ng oras?”

Oo, tama si Andrea, pinagkakaitan ng oras at ang daming sumisingit.

“Feeling mo, di kayo meant to be dahil sa ginagawa sayo ng tadhana. Feeling mo binibigyan ka ng sign para layuan siya. Feeling mo para na siya sa iba.” Napatingin ako sa kanya. At tinitigan niya ako ng seryosong seryoso. “You know how much I love you right? Kung di ka niya kayang alagaan, kaya ko.”

Nasaksihan ko ang unti-unting pagbuhos ng luha niya. Wala akong nagawa kundi bigyan siya ng panyo para punasan ang mga ito. “Andrea,” “Yeah, I know. You love her. Pero I just can see the point. Pinapabayaan ka na niya diba? Maybe she is in love with someone else!” Kasabay ng bawat salita nya ay ang walang katapusang paghihikbi. “Andrea, Hindi niya ako pinapabayaan. She is just busy-” “Busy with what?---or is it whom?” Hindi ako nakapagsalita. Limampung pursyento sa utak ko ang nakikisimpatya sa sinasabi ni Andrea tungkol kay Jini at limampung pursyento ang hindi naniniwala. So what if I'm insecure? Hindi naman sa nagdududa ako... Pinunasan ko ang mga luha niya. ♥♥♥

Hans Anderson: Wa'g niyo na lang akong ihatid

“Wow! You two really look good together. Asian beauty plus western!” Sabi nung

kaibigan ni Mr. Chan. Napangiti si Jini. “So, ikaw pala ang girlfriend ni JR Te. He is such a good model, tapos photographer narin pala siya ngayon? Napakatalented talaga niya.” Sabi nung general manager ng isang sikat na mall. “Sayang naman at tinanggihan mo, Hans ang offer namin.” Yeah. You heard it right! They offered me another pictorial with Jini. Kaso, I rejected it dahil babalik na ako sa Amerika mamaya. YES, mamaya agad. Alam na ni Hayley ang pinaggagagawa ko dito. And---ehm, don't get me wrong. I didn't plan for that modeling-thingy namin ni Jini. So, I just go with the flow. Ang sarap pang inisin ni JR kasi biruin niyo, in love ang playboy na yun! I just couldn't believe it. Kung di lang talaga ako babalatan ng buhay ni Hayley kung magkagulo ang relasyon ng dalawa---talagang aagawin ko na tong si Jini niya. “Papanu na to ngayon?” Sabi ni Mr. Chan. “Why don't you make JR the model again?” Napaisip silang lahat. “Yeah, since... you see, when Jini and I made the pictorial, we are not that comfortable with each other. Maybe it would be better if you get him again.” “Oo nga no? Pero...what about the---” “Humanap na lang tayo ng iba for that!” sabi nung general manager. Pinaulanan ako ng ngiting abot tenga ni Jini. Para bang pinapasalamatan niya ako dahil sa lahat ng sinabi ko. Ilang sandali lang,umalis na kami dun dahil may pag-uusapan paa daw sila at pwede na wala kami. Di na ako nag-aksaya, yinaya ko na siyang lumabas dahil kailangan ko na ring ayusin ang mga gamit ko sa tinutuluyan kong hotel dahil tatlong oras na lang at aalis na ako. May nadaanan kaming flowershop at nakita ko ang pagkamangha niya sa mga putting rosas kaya binilhan ko na siya ng isang dosena.

“Naku Hans! Ikaw na nga ang aalis, tapos ikaw pa ang namimigay!” Sabi niya. She looked like a princess holding a bouquet of white roses. “Okay lang! Binigla ko din naman kayo eh. Remembrance na rin yan!” “Thank you!” Naglalakad na kami papalabas ng building nung naitanong ko... “JR would definitely kill me if I stayed longer.” “Naku! Don't worry, sasama na kami ni JR sa airport. Ihahatid ka na namin.” Ngumiti siya. Pagkalabas namin, nakita namin si JR na pinupunasan ang mga luhang nanggagaling sa mga mata ni Andrea.

Napanganga si Jini ng nakita niya iyon. Halatang nabigla siya sa nakita pero itinatago lang niya. Napatingin si JR at Andrea sa aming dalawa ni Jini. I felt bad, masyadong seryoso ang pagkakatingin nila samin. “Uh. Hans, Pwedeng uhmm...” “No, Jini. Wa'g niyo na lang akong ihatid. Kaya ko na! Aalis na ako. You don't want JR to see us together right?” Tumango siya at umalis na ako. I don't want JR to think that I'm getting INVOLVE again. I want them to fix their things. Pero what's with that Andrea-girl crying in front of him? Hay naku Hans. Whatever. Don't try to messup with them again kundi babalatan ako ng buhay ni Hayley.

♥30♥ Post #2:

Jini Punzalan: I mean“JR, can you leave us alone?” Sigaw ni Andrea habang pinipigilan ang mga luha. Takang-taka ako sa nakita. Akala ko ba ayos na siya? Akala ko ba okay na? Tsaka, ayokong mag-isip ng masama tungkol kay JR. Pero, bakit ampangit ng tingin niya sakin kanina? Linapag ko ang mga bulaklak na ibinigay ni Hans sa mesa. In speaking of Hans, aalis na iyon ngayon. SOO BAD. Anong sitwasyon ba ang bumulaga samin paglabas namin? Sinundan ng mga mata ko si JR na umalis patungong CR. “Andrea? Ba't ka umiiyak?” Tanong ko habang pilit pinupunasan ang mga luha niya. Ngunit tinanggihan niya ang pagpunas ko. “Ate, can't you see? You are hurting him!” Aniya na nagbigay sakin ng lakas upang matauhan kung ano ang nangyayari. “He is jealous with the guy who gave you this,” Sabay hawak sa isang rosas “flowers!” “Andrea,--” “Ate, I can't understand you! You have him pero why are you doing this?”

Langya! Ano bang ginagawa ko? Bigwasan kita riyan eh. Anong pake mo? Tsaka, di ko siya sinasaktan. At kung sinasaktan ko siya---alam kong di dapat. MAHAL KO SIYA. Siya lang at wala ng iba. Walang dapat pagselosan at walang dapat pagdudahan! JR, ba't di ka umaamin sakin na nagseselos ka't umamin ka sa Andreang to? GRRR. Hindi ko masabi ang lahat ng nasa isip ko. Ayoko ng dumagdag sa ingay na ginagawa niya dito sa loob ng coffee shop. Nakita kong lumabas si JR sa CR. At naabutan niya ang mga salita ni Andrea... “Ate, I thought you can take care of that playboy's heart! Mali ako. Pero ate, if you can't take care of him...please tell me coz I will do it for you!” Nakita kong bahagyang napahanga si JR dahil sa mga sinabi ni Andrea. Para akong binagsakan ng isang milyong bato galing sa langit. Naiinis ako. Naiinis ako at parang may demonyo sa loob ko na nagwawala at gustong umalis ka katawan ko sa pamamagitan ng pagsasalita—at pag-iyak Bumuhos ang luha ko sa harap ni Andrea at JR na nasa likod ni Andrea. "Andrea, di na kailangan kaya ko na!" Sabi ko habang pinipigilan ang luha kong umaagos na. Lumapit si JR sa amin at... "Andrea," "JR, please? Hayaan mo muna ako?" Sabi niya habang itinaas ang kamay niya na ipinapakitang pinipigilan niya si JR na makialam. "Andrea, alam ni JR na wala siyang dapat pagselosan!" "Pero Ate, can't you see? Ang dami mong ginagawa with that Hans-guy and then ginagawa mo pang chaperon si JR." Nakita kong umiling si JR. "Hindi niya masabi yun sayo kasi ayaw niyang malaman mo ang mga iniisip niya at ayaw niyang magkagulo kayo. Kaso, sa ginagawa niyang eto, siya naman ang nahihirapan!" "Andrea, tama na yan!" Sabi ni JR ng mahinahon. Parang kinurot ang puso ko. Naiinis ako pero hindi ko alam kung kanino. Kay JR ba na parang pinararamdam sakin na tama si Andrea? Kay Andrea na kung magsalita ay parang alam ang lahat ng iniisip ni JR? O sa sarili kong mukhang naging masyadong manhid? Manhid ba akong maituturing? Alam ko namang nagseselos siya pero di niya naman maamin at ayoko namang pangunahan siya sa mga iniisip niya kaya hinayaan ko na lang. "JR, hayaan mo na muna ako. Gusto ko lang bumawi!" Sabi niya habang humihikbi. "Why are you doing this? You don't know anything!" Papalakas na ang tono ng boses ni JR. "I KNOW! BECAUSE, I LOVE YOU! Nakikita ko sa mga mata mo, you don't have

to tell me!" Sabi ni Andrea kung saan mukhang napa atras si JR. Hindi ko na alam ang gagawin ko gayong nararamdaman kong agreeng-agree siya kay Andrea. The one who loves you sees the pain in your eyes even if you hide it. Alam ko naman yun ah! Pero, binalewala ko. Anong gagawin ko? "Bakit Andrea? Alam mo ba kung ano talaga ang nangyayari?" "Oo! JR is jealous of Hans and you are not doing anything about it!" "Ano? Sa tingin mo ba wala akong ginagawa?" Napahinga ako ng malalim at pinilit na hinaan ang boses. Tumingin ako kay JR at parang nakikita ko sa kanyang mga mata ang pagtataka. "Wala siyang dapat pagselosan. Andrea, can you stop this?" Hikbi parin ng hikbi si Andrea habang lumapit ulit si JR at hinawakan ang kanyang balikat at kinausap ng mahinahon. "Andrea, thank you! Salamat sa mga sinabi mo. Nagawa mong mag-speak up para sakin." Lumingon si JR sakin at iminuwestra na punasan ko ang luha ko. Kainis naman siya. "Uh. Andrea, I appreciate your love. I appreciate your care. Tama ang mga sinabi mo. I'm
not telling Jini about it coz I don't want to ruin our relationship because I treasure it very much. Pero, kahit kailan, di ko pinagdudahan ang pagmamahal ni Jini sakin. It's just that I'm jealous with Hans dahil sa pagkakataon niya."

AWWWWWW. JR. Maiiyak na ako sa sinabi niya.

"I love Jini more than I'm jealous with her time with Hans." Pinunasan niya ang luha ni Andrea. WAAAAH. I'm so happy to have JR with me! Mahal na mahal ko talaga siya!

Ang mga huling salitang binitiwan ni JR ang nagpahinahon kay Andrea. Buti naman, pero, naawa din ako sa kanya. She loves him so much. Kaya lang... Ilang sandali, sinundo si Andrea ng mga kaibigan niya. At ngayon, kaming dalawa na lang ni JR dito sa coffee shop. Nanatiling nakalapag ang mga bulaklak na binigay ni Hans sakin at walang bumabasag ng katahimikan. "Si Hans!" Bulong ko. Naalala ko, aalis na pala siya. Lumingon si JR sakin na tahimik at tulala sana. "Uhhh. I mean-" Bago pa ako nakapagsalita, binigyan niya ako ng mga tinging nagdududa. "Aalis na siya ngayon." Napakunot ang noo ni JR. "Huh?" Naku Jini! Wala ka bang ibang maisip na sabihin? Hindi pa kayo nag-uusap simula nung pag-alis ni Andrea. GRRRR. Bakit yun pa ang sinabi ko. Di ko pa nasasabing MAHAL KO SIYA. Aw...

♥30♥ Post #3:

Joshua Rian Te: Di ko alam ang mga iyon ah!

“Huh?” “Aalis na siya ngayon, binigyan niya ako ng roses para magpaalam.”

GRRR. Akala ko pa naman nagkakamabutihan na sila. “Ba't di mo sinabi sakin kanina?” Tumayo ako at kinaladkad siya papalabas sa coffee shop. KINALADKAD. Para di niya madala ang flowers. hehe. “JR. Teka nga!” Binitawan ko ang kamay niya noong na sa labas na kami ng sasakyan. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa coffee shop pero binalewala ko iyon. “Ba't bigla mo na lang akong kinaladkad? Saan ba tayo-?” “Kung ang flowers ang inaalala mo, bibilhan kita ng masmarami!” Binuksan ko ang pintuan sa frontseat at iminuwestra sa kanya ang upuan. “Saan tayo?” Habang umuupo sa front seat. “Airport.” Umikot ako at umupo sa driver's seat. Pinaandar ko na ang sasakyan. Walang imikan. Ayokong magsalita, masyado na akong maraming nasabi kanina kay Andrea. Mauubusan na ata ako ng laway. Ewan ko din kung ba't ayaw mag salita ni Jini. Grrrr... bakit kaya? Di ko alam. I'm super clueless. Ilang sandali ng matulin na pagpapatakbo, nakarating na rin kami sa airport at hinanap si Hans. Nakita namin siya na nagpapacheck ng luggage at hawak-hawak niya ang passport. “Hans!” Sigaw ni Jini. Agad lumingon ang kano. “Jini?” Pero nakatingin siya sakin at bakas sa kanyang mukha ang pagtataka kung bakit kamimagkasama. Linapitan namin siya. We are not close so don't expect me to hug him and even talk to him about anything. Pinagbigyan ko lang si Jini dahil alam kong kahit papanu, magkasundo silang dalawa. “You two came?” Tanong niya. “Oo! Kaw pa!” Sabi ni Jini. Nagngitian ang dalawa at mukhang maraming tao na ang nakakapansin sa amin. Bakit nga pala maraming tao sa airport ngayon? Ewan. Basta, marami na ang nakatingin sa amin. Tinitigan ako ni Hans at ngayon ko lang ito namalayan. “Bakit?” Sabi ko.

“Can you excuse us? For a while?” Tanong niya. I was hesitant. Ano ba iyong sasabihin niya na kailangan wala ako? May kasunduan ba sila ni Jini? Babalikan ba niya si Jini? Teka nga, why am I thinking stupid thingss. “JR?” saka ko pa lang narealize na kelangan ko munang umalis sandali. Kaya, humanap ako ng bench sa tabi-tabi para upuan kahit labag naman talaga sa kalooban ko. Umupo ako at isinandal ang buong katawan ko sa upuan. Lumingon ako sa maraming tao at ilang sandali lang ay nakita ko silang paparating na sakin. Nung una, akala ko lalagpasan nila ako. Ngunit habang tumatagal, nalaman kong ako ang pupuntahan ng sandamakmak na babae at bading na nakita ko. Bakit? “JR TE? Of Bench?” Hirit nung sexy. Tumango ako. “Ah. siya nga!” sabi nung isa pa. Sumulyap ako kay Jini at Hans na nagbubulungan. Wala na nga ako sa tabi nila, may pa bulong-bulong effect pang naalaman. GRRR. “Ang guwapo mo sa friendster! May fan profile ka diba? Member ako dun.” sabi nung isa. Di ko naintindihan. “May clan ka rin sa gloobe users. Tsaka, balita ko ipapasok ka raw ni KUYA sa PBB teen edition?” sabi nung isa pa. “Huh? sinong nagsabi nun? Di ko alam ang mga iyon ah!” “Yeah! I'm Red, I'm a writer sa isang magazine dito. Kailangan kitang i-interview since almost all of our subscribers are craving for you. Masyado ka kasing low profiled na model. Kaya...yun.” Naglahad ng kamay `yong sexy. Nakishake-hands na rin ako at tiningnan ang iba pang nakapaligid. “Ah. I don't know them. They're here for Hans Anderson and some are just passerby.” sabi ni Red. “Excuse me,” Pinandilatan nung isang babae ang nasabing Red. “JR, pwede picture?” Hanggang sa abutin na kami ng siyam-siyam sa maliit na pictorial na nangyari.

Buti na lang at pagkatapos nung iba ay umalis gad at nagtungo kay Hans. Hinanap ko si Jini at nakita ko siya sa tabi na nanonood sa amin. Lumapit siya sa amin. “Uh. Hay salamat. Wala na yung iba.” Ibinigay ni Red sakin ang calling card niya. “I'll call you ah? I really need your words.” Aalis na sana siya nung nakita niyang papalapit si Jini. “Ah,” Ano? Iintrigahin niya kami? “Ah. Miss, kunan mo naman kami ng picture o?” Di pa nakapagsalita si Jini, binigay na ni Red ang camera niya. Pumuwesto na agad si Red at kumapit sakin. Wala na akong nagawa kundi. NGUMITI pag click ni Jini sa camera. ♥♥♥

Jini Punzalan: SURE
"Jini! Take care of JR." Sabi ni Hans sakin. Ngumiti lang ako habang sinulyapan namin si JR sa kinauupuan niya. Lumapit siya sakin at may ibinulong. "Pag kasama mo siya, wag na wag kang titingin pa sa ibang lalaki." "Huh?" "Oo. Kasi, sanay siya sa kanyang mga ex na siya lang ang tinitingnan at sa kanya lahat ng atensyon. Kaya madali siyang nagseselos ngayon. Kung sabagay, iba ka naman sa mga ex niya...kaya mukhang naninibago din siya sa pagseselos niya ngayon." AAAAH. Ganun ba yun? Kaya pala? TSK. Ako ang unang sineryoso ni JR na babae kaya naninibago siya. "O sige Jini. Alis na ako!" "Sige! Bye! Ingat ka!" "Ipaalam mo na lang ako kay JR." Sabi niya habang tumungtong na sa escalator. Kumaway na lang ako at pagkawala niya sa paningin ko, ibinaling ko ang tingin ko kay JR na puno na ng mga babae.

Hindi ko alam kung magseselos ako o ano, di na lang? Kasi, kababago ko pa lang narinig kay Hans ang mga tungkol kay JR na iyon. HEHE. Ako ang unang sineryoso niya. Sana, ako na ang huli. Hinintay ko na mawala ang mga nagpapapicture sa kanya. Hanggang sa isang sexyng babae na lang ang naiwan. Lumingon ako sa right side ko at may nakita akong grupo ng mga lalaki. Kanina pa ba sila nakatingin? Kanino sila nakatingin? Sa akin? Sa sexyng babae? Kung kanino man sila nakatingin, wala na akong pakealam. Kailangan ko ng lumapit kay JR at... “Ah. Miss, kunan mo naman kami ng picture o?” Di pa ako umOO, eh binigay niya na sakin ang camera at pumuwesto na sa tabi ni JR. Kumapit pa siya sa braso. GRRRR. Si JR naman, abot tenga ang ngiti. Diyos ko, playboy talaga. May katabing sexyng babae lang parang di na ako nakikita. Dudurugin ko tong camera ng babae na ito ngayon... GRRR... Pumikit na lang ako ng madali kong i-click ang camera. "Ah. Isa pa, Miss." OW. Yeah. Isa pa! GRR.. Ngayon naman, pinaakbay niya si JR sa kanya. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Ewan ko. Gusto kong tumawa ng pagkalakas-lakas at batuhin silang dalawa ng camera para di na madevelop ang mga pictures at di na nila makita. MA DEVELOP? HAHAHAHAHAHAHA. Gusto kong tumawa ng tumawa dahil...wala lang. "Miss. Isa pa!" Isa na naman? "Bro! Likayo dito!" Tinawag niya yung mga lalaking nakita ko. Matatangkad at mga guwapo. Mukhang mga basketball player. O, talagang basketball player? May isa dun, commercial model. Minsan na atang lumabas sa Close-Up na commercial. Yung isa naman, pamilyar. GRABE. Sino ba ang mga ito. HOY JINI! Wake up! GF ka ni JR, at ginagawa kang photographer na mga kumag na iyan! Patay ka diyan! "Miss. Teka lang ah?" Nakita kong kumapit na naman siya kay JR at nariyan na ang ngiting demonyo ni JR at mukhang alam niya na naguguluhan at naiinis na ako sa pangyayaring iyon.

AAAAAAAARGH. Nagmadali kong iniabot sa isa sa mga lalaki na nakangiti ang camera at... "Kayo na lang ang kumuha. Nagmamadali ako eh." Pinandilatan ko yung babae at tulala silang lahat. Yung lalaking binigyan ko ay nakangiti at mukhang natutuwa pa sa ginawa ko. Nag-walk-out ako. "So? Ano ngayon kung ako lang mag-isa ang uuwi? Magtataxi ako. Kala niya naman dahil natuto na siyang magselos eh pwede niya na akong pagselosin. GRRR..." Naramdaman kong may humalik sa pisngi ko kaya napatigil ako sa paglalakad. "Selos ka?" Si JR, sumunod. "Ha? Sinong nagsabi?" Lumingon ako sa mga taong nagpapapicture kuno sa kanya at mukhang nagtaka talaga sila sa nangyari. "Sige na! Balikan mo na sila! Uuwi akong mag-isa." Sabay plastik na ngiti. "Hindi man lang marunong magtago ng pagseselos o." Sabi niya half smiling. "Tse. Sige na!" Tinulak ko siya. "O!" Pinandilatan ko yung sexyng babaeng masama ang tingin sakin. "Miss? Kilala mo ba siya?" Sabi nung lalaking binigyan ko ng camera at mukhang pinagdududahan niya si JR. Tumango naman ako. Concerned siya? "Ah. Akala ko binabastos ka niya." Nakita kong nag-iba ang aura ni JR at mukhang nagalit to. "JR." Tawag nung sexyng babae habang iminuwestra ang camera. Hindi na lumingon si JR at hinawakan niya ang baywang ko at inilapit ng husto sa katawan niya na para bang sinasabi niya na... "You're mine." "Huh?" "Wala nang makakakuha sayo. Kaya..." "Hindi na ako titingin sa iba."

Tumingin siya sakin. Tumingin din ako sa kanya. Binalewala namin ang tumatawag sa kanya. "Di ako titingin sa iba. Ikaw lang ang titingnan ko. Para sa iyo lang ang atensyon ko. Okay na ba yun? Di ka na magseselos?" Sabi ko. Hinalikan niya ako. ARGH, I really love him. And I don't know why. Habang naglalakad kami papalabas ng airport nakahawak siya sa baywang ko at linalagpasan lang ang lahat ng nakatinging tao. "Ikaw lang ang babaeng napapaselos ako. Kaya dapat lang na di ka na tumitingin sa iba---kaparusahan mo na iyan." "SURE."

HAHAHA. Sa lahat yata ng kaparusahan na ipinarusa sakin, iyon na yata ang pinakagusto ko. Ay, oo nga pala. Nagustuhan ko pala yung Darkness Contract. Pero, ngayon ko lang iyon na realize. HAHAHAHA. Then, he kissed me again. Ang daming nakatingin, pero okay lang.

EPILOGUE
the most unnecessary update.

♥♥♥

Finally, okay na si Jini at JR. Wala ng nanggugulo sa kanilang relasyon [o dibah?hehe] simula nung umalis na si Hans patungong America. So far, wala nang nangahas na

manggulo sa relasyon ni JR at Jini sa kanilanng skul. It's been two years since Hans flew back to America. Jini and JR's relationship is getting stronger. Although, may mga misunderstandings lang talaga sometimes. "Hey. Ganda mo na ah! Ba't nagtatagal ka pa dyan?" Tanong ni King habang nakasandal sa pintuan ng kwarto. "King! Wa'g mo nga akong gulatin!" Sabay ikot ni Jini. "Okay na ba to?" "Oo! Okay na! Lahat naman okay sayo eh! Ayos lahat kapag sinusoot mo!" "Asus. King huh? Binobola mo ako! Sige ka! Isusumbong na talaga kita kay Andrea!" Umiling si King. "O ano? HAHA. Tameme ka no? Siguro, may nangyayari na talaga senyo ni Andrea noh? HAHA." "Nukaba. Wala no! Tsaka, winawala mo ang usapan eh." Kinuha ni Jini ang bag na nasa harapan niya at umalis na sa kwarto at linagpasan si King. "Di ka naman kasi nagshi-share eh." "Ano naman ang i-sh-share ko? Tsaka, ang bata pa nun! Kung bata ka nga para sakin, mas bata parin siya." "SOOOO? Ano ngayon kung bata siya?" "Haha. Look at me," Sabay spread ng arms. "I'm already a professional. Tsaka, wala akong time para sa isang college student ngayon." "HAHAHA. Gumraduate ka lang ganyan ka na magsalita." Bago sila umalis ng tuluyan sa kwarto, may narinig silang sigaw. "JINIIIIIIIIIIIIII. Ang tagal naman niyan!" Sigaw ni JR. "Langya naman oh! Ano bang ginagawa nyo dyan?" "Oo na! Heto na!" Sabi ni Jini ng pasigaw. Nagmadali siyang bumaba para puntahan ang kinakabahang si JR. Kasi naman, I memeet nila ngayon ang dalawang kuya ni Jini na kauuwi lang galing abroad. Napanganga si JR nung makita niya si Jini na nagmamadali sa pagbaba at ang gandaganda sa soot nito. Ngunit, gumuho ang moment ng natalisod siya sa pangatlo sa panghuling baitang ng hagdanan. Nauna ng sumigaw si King ng... "JINI. Ingat!" Habang papababa rin. Buti na lang at nahawakan ni JR ang baywang ni Jini bago siya tuluyang ma-splak sa sahig. Nagkatinginan silang dalawa kaya kumurap-kurap siya at narinig din niyang lumakas ang tibok ng puso niya. Papaano nangayaring ganun nalang palagi ang nangyayari sa tuwing

may kapalpakan o may ganitong moment ang dalawa? Bakit tumitibok parin ang puso niya? Hindi na tumitigil. Lagi na lang sa tuwing kasama sila, ay pinapatibok lang nito palagi ang puso niya. Bakit ganon? "Bakit di ka talaga nag-iingat huh? Lagi ka na lang ganyan?" Umayos si Jini. *CLAP-CLAP-CLAP* Napalingon sila sa sa pumalakpak. "Ang galing talaga. JR Te!" Sabi ni Tanya na nakadikit parin ang mga palad at nasa likod naman si Kenjie na nasa bulsa ang mga kamay. "Ba't kayo nandito?" Tanong ni Jini. Umiling na lang si JR at tumingin si Jini kay King na tumatawa na ng palihim. "Huh? Gusto lang sana kitang batiin about sa engage----" Di na nakapagpatuloy si Tanya sa pagsasalita. Si Jini naman ay parang naguguluhan dahil si Kenjie ang tumakip sa bibig ng kanyang GIRLFRIEND - si Tanya. "Ano? Ano ulit?" Tanong ng walang kamuwang-muwang na si Jini. Tumawa ulit ng palihim si King habang inayos ang necktie niya. "Kenjie, bantayan mo yang girlfriend mo, matalas ang dila. HAHA" Umiling si Kenjie habang tinanggal sa bibig ni Tanya ang kanyang kamay. "Ano ba?? Panu kung di ako makahinga?" Sambit ni Tanya. "Hay naku. Mga loko talaga kayo.. Kahit kelan, panggulo kayo sa buhay namin ni Jini!" Hinawakan ni JR ang kamay ni Jini. Umalis na sila doon pero naririnig parin nila ang pagtawa ni Kenjie, King at Tanya... Humabol pa ang pagsigaw ni Tanya ng.."JR Te, TORPE. HAHAHA" "JR? Anong pinagsasabi nila?" May ideya na si Jini pero kelangan niya paring marinig mismo kay JR ang ibig sabihin noon. "Wala." Sabay hila kay Jini patungo sa sasakyan. Nung pumasok na sila sa sasakyan, agad pinaandar ni JR ang sasakyan.

Kaso, nagkamali siya sa kanyang naapakan at nawala siya sa konsentrasyon nung nagsalita si Jini ng... "Magpopropose ka na no?" Tuluyan ng tumigil ang sasakyan at muntik na silang bumangga sa gate. Agad linapitan ng mga maid at security ang sasakyan. Napabuntong hininga si Jini. "Ano ba! Mag-ingat ka naman!" "Huh? Ikaw nga dyan! Mag ingat ka sa pananalita mo!" Di makatingin ng diretso si JR. "Bakit? Totoo siguro yung hula ko noh?" Sabi ni Jini. Hindi parin makatingin si JR at di pa nagsasalita. `Langya, ba't di pa inaamin? Ano naman ang masama sa pagpopropose? "HAHAHA. JR! Magpopropose ka na nga! Mamamanhikan ka sa mga kuya ko ngayon ano? HAHAHAHA." Patuloy sa pagtawa si Jini. "Ba't di mo na kasi aminin ha? HAHAHA. Tsaka-"

Hindi na nakapagpatuloy sa pagsasalita si Jini. Dahil hinalikan na siya ni JR.

*Tok-tok-tok* "e-excuse me sir, ma'am. Ayos lang po ba kayo riyan?" Sabi ng panggulong guard. Iyon pala, pinalibutan na sila ng mga maid at guard pati na rin nina Tanya, King at Kenjie. Nagtawanan na lang ang lahat nung binuksan ni JR ang window ng sasakyan at... "You're fired!" Sabay titig sa guard at ibinalik ang tingin kay Jini.

"I'll never gonna let you escape. I will marry you!" Sabi niya sabay halik ulit kay Jini.

"Ha? Hindi mo pa nga ako tinatanong kung gusto ko ba." Natigilan si JR.

"Pero, sige na nga!"

AND SHE KISSED HIM...

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful