Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon

ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing dipagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan. Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing dipagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan. Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na nagkipagisang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak na nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran na lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng gurong si Mauro. Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak ang kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro. Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isang araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang para sa kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na panliligaw. Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kanyang pamilya.

Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang loob nito sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon ay nagbalik rin ang bata, ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan ang minamahal na si Amelita. Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag-asikaso sa kanya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali. ~~~~~~ Malinaw na ipinakita ng nobela ang agam-agam na kinakaharap ng bawat guro. Ano ang dapat piliin, ang makapaglingkod sa pamayanan kapalit ng isang kahig, isang tukang pamumuhay, o ang makatikim ng karangyaan kapalit ng pagtalikod sa propesyong nais na tahakin? Ang karakter ni Aling Rosa ang nagsilbing tagapag-tibay sa agam-agam na ito. Siya ang nagpamukha kay Amelita at Mauro ng magiging kapalit ng pagiging ideal ng mag-asawa: ang paghihikahos sa aspetong pinansyal, ang pagiging "Sampu, sampera." Ang nobela ni Arceo, bagama't halos animnapung taon na ang nakaraan mula sa pagkakalathala nito, ay maliwanag pa ring sumasalamin sa kalagayan ng mga titser sa kasalukuyang panahon. Sila ang nagsisilbing tagapaghubog ng kaisipan ng susunod na henerasyon, ngunit sila'y binibigyan lamang na maliit na pahalaga. Isang patunay nito ang laganap pa ring paggigiit ng mga guro para sa mas mataas na sahod, na kung pagbigyan man ng pansin ng gobyerno'y di pa rin sapat para sa trabahong kanilang ginagawa. Marahil luma na sa atin ang kasabihang, "kung ayaw mong maghirap, huwag kang magtitser." At ang kalumaan nito siguro ang naging dahilan kung bakit tinatanggap na lamang natin itong isang masakit na katotohanan na walang solusyon. "Ang pagtuturo'y isang bokasyon, hindi propesyon," wika nga. Ang kaisipang ito na rin marahil ang dahilan kung bakit pinipili ng ibang mga guro sa kasalukuyan ang magtrabaho sa ibang bansa kaysa sa sariling bayan: una'y nagagawa nila ang gusto nilang gawin, at ikalawa'y nagagawa nila ito ng may natatanggap na pagpapahalaga at pribilehiyo. Sa lipunang ito,marahil kailangan na nating buwagin ang kaisipang kailangang magsakripisyo ng mga guro. Marahil kailangan na nating bigyan ng mataas na pagtingin at kabayaran ang pagsisilbing ginagawa ng mga titser ng lipunan. Sila ang tagapaghulma ng mga susunod na "tituladong" mamamayang tinitingala ni Aling Rosa. Sila ang gagawa ng mga bagong "Dr.", "Atty.", "Engr.", "PhD" at iba pa. Bakit kailangan nilang maghirap pinansyal? Pamagat: Titser Awtor: Liwayway A. Arceo Uri ng Panitikan: Nobela, isang serye mula sa magasing Liwayway noong 1950's

Wika: Pilipino Taon ng Paglalathala: 1995 Tagapaglimbag: Ateneo de Manila University Press Protagonista: Amelita Martinez at Mauro Lugar: Isang pamayanan sa kanayunan Punto de bista: Ikatlong Persona Tema: pakikialam ng ina sa pag-aasawa at propesyon ng anak, pag-iibigan ng dalawang guro sa kabila ng kahirapan
70% off with Online Deals Best Deals Every Day in Your City. Get the Groupon Newsletter Now! www.GROUPON.beeconomic.com.ph Ang Pilipinas Over 10,000 Used Cars For Sale At AyosDito! See Specs, Photos, etc www.AyosDito.ph

Like this (43)

Discuss

Follow

This answer is closed to changes. This is done in rare cases when questions are being vandalized or answers have become debates. E-mail JayveeRouge @ WikiAnswers.com (no spaces) if you would like it to be reopened. First answer by ID3032674561. Last edit by ID3032674561. Question popularity: 43 [recommend question].

Can you answer these hanapbuhay at edukasyon questions?
y y y y

Quotes about knowlegde? Isang mamayang pilipino? Sino ako bilang mag aaral ng ALS? Epekto ng iregular na estudyante?

Related answers: Aral ng nobelang titser ni liwayway arceo? Aral ng nobelang titser ni liwayway arceo? Teoryang ginamit sa nobelang titser ni liwayway arceo? Batay sa aking napag-aralan mula sa aking PANITIKAN.. ito'y nabibilang sa Teoryang REALISMO dahil tugon nito ang tungkol sa katotohanang pangyayari sa ating lipunan.. Ang buod ng nobelang titser? Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling...

Sinu-sino ang mga tauhan ng nobelang Titser ni Liwayway Arceo? Si Aling Rosa ay ang ina ni Amelita Si Amelita ay isang dalagang 'public school' titser, bunso sa lima na anak ni Aling Rosa. Umiibig kay Mauro Si Mang Ambo ang asawa ni Aling Rosa. Isa siayng... Ano ang buod ng nobelang ang paghuhukom? Can you answer these uncategorized questions?
y y y y

Pano ang paggamot sa nahigad? Ano ang napatunayan ni ferdinand magellan sa kanyang paglalakbay? What is a country? Sino ang nanay at ama ni angelo reyes?

Related answers: Teoryang ginamit sa nobelang titser ni liwayway arceo? Batay sa aking napag-aralan mula sa aking PANITIKAN.. ito'y nabibilang sa Teoryang REALISMO dahil tugon nito ang tungkol sa katotohanang pangyayari sa ating lipunan.. Sinu-sino ang mga tauhan ng nobelang Titser ni Liwayway Arceo? Si Aling Rosa ay ang ina ni Amelita Si Amelita ay isang dalagang 'public school' titser, bunso sa lima na anak ni Aling Rosa. Umiibig kay Mauro Si Mang Ambo ang asawa ni Aling Rosa. Isa siayng... Ano ang buod ng nobelang Titser ni Liwayway Arceo? Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling... Ang buod ng nobelang titser? Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling... Ano ang mga sinulat ni Liwayway A. Arceo? Ang mga sinulat ni Liwayway A. Arceo ay ang mga sumusunod: 1. Canal de la Reina - ito ay sosyo-ekonomikong nobela 2. Uhaw ang tigang na lupa - itinuturing itong panukalangbato ng makabagong maikling...

Halaga sa panitikan
Si Liwayway A. Arceo ay pangunahing mangangathang Tagalog at Filipino na nakasulat ng 90 nobela, 2 libong mahigit na kuwento, 1 libong mahigit na sanaysay, 36 tomo ng iskrip sa radyo, 7 aklat ng salin, 3 iskrip sa telebisyon, at di-mabilang na kuntil-butil na lathalain sa halos lahat ng pangunahing publikasyong Tagalog o Filipino. Binago ni Arceo ang topograpiya ng panitikang Tagalog, at ng ngayon ay tinatawag na panitikang popular, sa paglalathala ng mga akdang nagtatampok ng halagahan [values], lunggati [vision], at kaisipang Filipino. Ginamit din

niyang lunsaran ang pamilya bilang talinghaga ng Pilipinas; at sa pamamagitan ng masinop ng paggamit ng wika ay itinaas sa karapat-dapat na pedestal ang mga kathang Tagalog, sa kabila ng pamamayani ng Ingles bilang opisyal na wika ng edukasyon at gobyerno.

Mga pangunahing aklat
Kabilang sa mga pangunahing aklat ni Arceo ang sumusunod:
y y y y y y y y y y

Maling Pook, Maling Panahon. . .Dito, Ngayon (1998) Mga Bathalang Putik (1998) Titser (1995) Canal de la Reina (1985) Ina, Maybahay, Anak at iba pa (1998) Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997) Mga Maria, Mga Eva (1995) Ang Mag-anak na Cruz (1990) Mga Piling Katha ni Liwayway A. Arceo (1992) Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba pang Katha (1968)

Sumulat din ng biyograpikong nobela si Arceo at kabilang dito ang Ako. . . Si Clara (1990) na hinggil sa buhay ni Santa Clara ng Assissi; Claret, ang Misyonero (1988) na hinggil sa pundador ng Misyong Claretian; at Francisco ng Assissi na hinggil sa buhay ng pundador ng ordeng Fransiskano.

Mga tuluyang nobela
Ilan sa tuluyang nobelang nalathala ni Arceo sa magasing Liwayway at sinubaybayan ng libolibong mambabasa ang sumusunod: Tulad sa Bituin (1956); Topo-topo (1956±1957); Sa Abo ng Lumipas (1957); Hanggahan ng Pangarap (1957); Kung Sakali man at Salát (1958); Sa Habang Panahon (1957±1958); Huwad na Dambana (1957±1958); Mga Doktor sa Bukid (1959); Ikaw ay Akin (1962); Kung Saan Ka man Naroroon (1964); Lydia Ansaldo, M.D. (1964); Dalawang Kalbaryo (1964); Tatak ng Pagkakasala (1965); Kulay Rosas ang Pag-ibig (1964±965); Ibaibang Kulay ng Pag-ibig (1966); Liza (1966); Isa ang Susuko (1966); Ang Panigbugho (1966); Hiram na Laya (1965±1966); Ipakipaglaban Mo Ako (1966±1967); Daigdig na Kristal (1967); Ginto sa Dulo ng Bahaghari (1967±1968); Minsan Lamang ang Gabi (1968); Ikaw ang Ilaw Ko (1968); Bahaghari sa Lupa (1969); Nagbabagang Paraiso (1969±1970); Sa Pinto ng Impiyerno (1970); Bawal na Paraiso (1971); Hanggang sa Kabila ng Langit (1972); Piitang Ginto (1972); Dalawang Daigdig (1973±1974); Saan man at Kailan man (1973); at Krus ang Aking Budhi (1976-1977). Ang kakatwa ay malimit mapagkamalang pag-aari ni Arceo ang magasing Liwayway dahil ang pangalan niya ay ³Liwayway´ din. Bukod pa rito, naging mataas na pamantayan si Arceo bilang manunulat at editor ng nasabing magasin, na nakatulong nang malaki upang lumaki ang sirkulasyon nito at umabot sa halos kalahating milyong sipi kada linggo.

Ang iba pang tuluyang nobela na hindi binanggit dito ay nasa aklatan ngayon ng Unibersidad ng Pilipinas at Ateneo de Manila University. Inihabilin ni Arceo ang karamihan sa kaniyang antigong papeles, aklat, at memorabilya doon sa aklatan ng UP noong 28 Agosto 1993 at sa Ateneo Library of Women's Writing (ALIWW) noong 28 Nobyembre 1994. Ang iba pa niyang natitirang aklat at memorabilya ay nasa dating tahanan niya sa Project 6, Lungsod Quezon, at nakahanda para sa Liwayway A. Arceo Foundation na itinatag ng kaniyang anak na abogadong si Florante.

Mga nobeleta
Sumulat din ng maiikling nobela si Arceo at ilan dito ang kumita nang malaki, gaya ng Hanggang sa Kabila ng Langit (1991); Paano Kita Iiwan (1993); Ang Sabi ni Vic (1993); Si Dina, Si Rosauro, Si Demetria (1993); Laro ng Tadhana (1993); Buhayin Mo Po ang Anak Ko (1993); Isang Ina. . . Isang Anak (1993); Kahit Ikaw ang Huling Lalaki (1993); Gabing Payapa, Gabing Tahimik (1993); Huwad na Paraiso (1993). Ang paglaganap ng nobeletang Filipino ang nagpagiba sa dati noong moog ng komiks. Itinaas ng gaya ng mga akda ni Arceo ang kalidad ng mga kuwento at nobelang pangkomiks, at hinatak ang mambabasa na magtuon sa bagong libangan: libro.

Dulang panradyo at pantelebisyon
Si Arceo ang kauna-unahang manunulat na Filipino na sumulat ng soap opera sa radyo. Ang kaniyang dulang Ilaw ng Tahanan na isinahimpapawid ng DZRH, DZMB, at DZPI ay nagsimula noong Marso 1949 at nagwakas lamang noong Hulyo 1958. Tinipon ni Arceo ang lahat ng kaniyang orihinal na iskrip, kasama ang mga notasyon, at nakabuo ng 36 tomo na halos sumalamin sa isang mahabang panahon ng pamilya at lipunang Filipino. Nagkaroon din ng adaptasyon ang nasabing dula, at ito ay isinalin sa iskrip na pantelebisyon. Ipinalabas ang Ilaw ng Tahanan sa telebisyon noong 1978. Lingid sa kaalaman ng nakararami, si Arceo ang manunulat sa likod ni Tiya Dely Magpayo. Ang mga iskrip na binabasa ni Tiya Dely sa kaniyang programang Ang Tangi Kong Pag-ibig na isinahimpapahid sa DZRH noong 1965±1972 at 1990±1999, at sa programang Kasaysayan ng mga Liham ni Tiya Dely (1965±1972; 1998±1999) ay masinop na sinusulat ni Arceo araw-araw. Ngunit nang yumao na Arceo, napabalitang bumaba ang kalidad ng iskrip ni Tiya Dely dahil na rin marahil sa pagbabago ng manunulat ng iskrip. Ang mga iskrip ng Lovingly yours, Helen (1978) ni Helen Vela sa radyo ay si Arceo ang utak. Isinalin sa telebisyon ang nasabing programa dahil sa pambihirang halina nito sa madla. Ang iba pang iskrip na sinulat ni Arceo sa telebisyon ay ang Sangandaan (1975) at Damdamin (1978± 1979) na pawang sinubaybayan din ng mga manonood noon.

Mga salin

Pumalaot sa pagsasalin ng mga akdang Ingles si Arceo at kabilang dito ang Mahal ka ni Jesus (1988) at Si Jesus, ang Aking Ilaw na pawang koleksiyon ng mga sanaysay ni dating Monsigñor at ngayon ay Obispo Socrates B. Villegas; Birhen ng Guadalupe(1997); Pagbubukas-loob sa Diyos (1994), na salin ng Opening to God ni P. Thomas H. Greene, S.J.; Pagsasanay na Espiritwal ni San Ignacio (1992) na salin ng Spiritual Exercises ni P. Louis Publ, S.J.; Ang Nasusulat na Payo at Pangaral ni Santa Clara (1990) na salin ng lahat ng akda ni Santa Clara. Pinakamabigat na ginawa ni Arceo ang pagsasalin ng Bibliya. Nakasama siya at ang kaniyang asawang si Manuel Principe Bautista sa lupong nagsalin ng bibliyang pinamagatang Bibliya ng Sambayanang Pilipino (1990), na itinuturing ng ilang tagasubaybay na pinakamatinong salin kompara sa ibang edisyon. Ilan sa mga akda ni Arceo ay isinalin din sa ibang wika. Maihahalimbawa rito ang Canal de la Reina na isinalin sa Nihonggo ni Motoe Terami Wada at nalathala noong 1990; ang ³Uhaw ang Tigang na Lupa´ na isinalin ni Michiko Yamasita sa Nihonggo noong 1979; at ³Banyaga´ na isinalin ni Cbetocjiaab Kojieb sa Bulgarian noong 1981 at sa Ruso noong 1967 at ni Mabini Rey Centeno sa Ingles noong 1962 at nalathala sa Philippines Free Press.

Gabay
Naging gabay din si Arceo sa mga kabataang manunulat ng Liwayway noon, at nagtatag ng Bagong Dugo upang pasiglahin ang pagsusulat ng mga bagito sa pagsusulat. Marami sa kaniyang tinuruan ang mga bantayog sa ngayon, at bago mamatay ay nakaharap at gumabay din sa mga kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), na pangunahing samahan ngayon ng mga manunulat sa bansa. Karaniwang itinuturo ni Aling Lily, ani Roberto T. Añonuevo, ang pagiging masinop at mahigpit sa pagsusulat; ang paglinang sa mga tauhan; ang halaga ng pagbalangkas ng mga pangyayari; ang pagsasaharaya ng lunan; ang pagbusisi sa saloobin at pananaw ng katha; ang paggamit ng malikhaing saliksik; at ang pagkasangkapan sa guniguni upang maiangat ang realidad sa higit na mataas na antas.

Pelikula
Si Arceo ang itinuturing na pinakamagandang manunulat sa kaniyang panahon, at walang katapat sa mga Ingleserong manunulat. Napiling gumanap na pangunahing artista si Arceo, kasama sina Carmen Rosales at Norma Blancaflor, sa pelikulang Tatlong Maria na ipinalabas noong 1943 at idinirek ni Gerardo de Leon. Sampaguita Pictures ang nagprodyus ng pelikula. Muling inalok si Arceo na gumawa ng iba pang pelikula, ngunit tinanggihan niya iyon dahil aniya'y ang itinitibok ng puso niya ay sa pagsusulat.

Kritika at papuri
Pinaratangan ng mga akademiko si Arceo na mangangathang nalubog sa komersiyalismo. Gayunman ay hindi sinuri nang malalim ang kaniyang mga akda. Si Arceo, sa pananaw ni Añonuevo, ang nagtakda ng bagong pamantayan at bagong kumbensiyon sa kathang Tagalog at panitikang popular na nag-iwan ng malaking impluwensiya sa mga sumunod na henerasyon ng mga manunulat.

Sinuri naman sa feministang pananaw ni Teresita V. Guillen ang nobelang Mga Maria, Mga Eva ni Arceo, at ito ang patunay na hindi sumusunod lamang ang awtor sa sinasabi ng mga makalalaking kritiko. Ilan pang nag-aral sa mga akda ni Arceo ay si Lolita Rodriguez Lacuesta na sumuri sa mga tema at teknika ni Arceo sa pagbuo ng maiikling kuwento; si Mahal Nabor Dureza, na sinuri ang saloobin ng mga tauhan sa maiikling kuwento ni Arceo; si Carol de la PazZialcita, bumusisi sa halagahang Filipinong taglay ng Ilaw ng Tahanan; at sina Anacleta Concepcion, Bienvenido Lumbera, Soledad S. Reyes, Teresita Capili-Sayo, Ofelia Silapan, Paz Belvez, at iba na tumingin sa iba't ibang anggulo ng pagkamanunulat ni Arceo. Nilagom ni Efren R. Abueg, na kilalang mangangatha sa Filipino at kabilang sa grupong Agos sa Disyerto, ang katangian ni Arceo bilang manunulat: ³Kung pag-uusapan ang panahong sinaklaw ng pagsusulat, korpus ng mga nasulat, gantimpala at karangalang natamo, natanggap na mga pagkilala sa kaniya at sa kaniyang mga akda, pokus ng kaniyang mga paksa at impluwensiya sa mga kabataan, walang babaing manunulat sa kasalukuyan, sa anumang wikang ginagamit sa Panitikan sa Pilipinas, ang makahihigit pa sa kaniya. . . ´

Sanggunian
1. Añonuevo, Roberto T., ³Magkabiyak na Panulat´ sa 2: Tula ni Manuel Principe Bautista at Sanaysay ni Liwayway A. Arceo. Quezon City: University of the Philippines Press, 1988, mp. xi-xxiii. 2. Añonuevo, Roberto T. "Ang Pormula ng Kuwentong Popular: Isang Pagbasa sa mga Akda ni Placido Parcero Jr." sa Alyas Juan dela Cruz at iba pang Kuwento ni Placido Parcero Jr. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2007. 3. Belvez, Paz M. Isang Pag-aaral ng mga Maikling Katha ni Liwayway A. Arceo. National Teachers' College, Maynila, 1964. 4. Encarnacion, Anacleta M. ³Walang Lubay ang Pag-inog ng Malikhaing Daigdig ni Liwayway A. Arceo,´ Unang Gantimpala. Pasig City: Surian ng Wikang Pambansa, 1982. 5. Capili-Sayo, Teresita. Ang Pilipino at ang Kanyang Kultura't Lipunan sa mga Maikling Kuwento ni Liwayway A. Arceo. Manila: Polytechnic University of the Philippines, 1982. 6. Dureza, Mahal Nabor. Isang Pag-aaral sa mga Saloobin ng mga Pangunahing Tauhan ng Ilang Maikling Kuwento ni Liwayway A. Arceo at ang mga Implikasyong Moral nito. Bacolod City: University of Negros Occidental Recoletos, 1984. 7. Guillen, Teresita V. ³Isang Feministang Pagsusuri sa Mga Maria, Mga Eva ni Liwayway A. Arceo,´ lekturang pampropesor. Binasa sa UP Mindanao, Davao City, Pebrero 1988. 8. Guillen, Teresita V. ³Ina, Maybahay, Anak, at Iba Pa,´ sa Diliman Review, tomo 44, bilang 2, 1997. 9. Kintanar, Thelma, ed. Emergent Voices: Southeast Asian Women Novelists. 10. Lacuesta, Lolita Rodriguez. Theme and Techniques in the Short Stories of Liwayway A. Arceo. Ateneo de Manila University, Quezon City, 1979. 11. Lumbera, Bienvenido. ³Essays on Philippine Cultural Tradition and Literature,´ sa Brown Heritage, 1967. 12. Reyes, Soledad S. Nobelang Tagalog (1905±1975). Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1982.

13. Silapan, Ofelia. Isinilang na Manunulat±Liwayway A. Arceo. Unibersidad ng Pilipinas, Lungsod Quezon, 1979. 14. Zialcita, Carol de la Paz. Ilaw ng Tahanan²A Reflection of Filipino Values in the 50's. UP Diliman, Quezon City, 1979.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful