You are on page 1of 14

Dokumentasyon

Ano ang dokumentasyon?

 Ito ang maingat na pagkilala sa


pinagmulan ng mga hiniram na
ideya, datos o impormasyon
(Bernales, et. al., 2008).
 May dalawang karaniwang
paraan ng pagtatanghal nito: (1)
sistemang talababa-bibliografi at
(2) sistemang parentetikal-
sanggunian.
Bakit mahalaga ang
dokumentasyon?
 Pinatitibay at ginagawa nitong
kapani-paniwala ang mga
impormasyon at datos na
inilalahad ng isang mananaliksik
sa pamamagitan ng pagkilala sa
mga sanggunian o awtoridad na
pinaghanguan niya ng mga ito
(Bernales, et. al., 2008).
Bakit mahalaga ang
dokumentasyon?
 Naiwawaksi ang gawi ng
plagiarism o paggamit ng
kaisipan ng iba nang walang
kaukulang pagkilala.
Nililinang nito ang
pagkamatapat ng isang
mananaliksik.
Bakit mahalaga ang
dokumentasyon?
 Isa itong garantiya na nadedelop
sa mananaliksik ang sipag sa
riserts – ang puspusang
paghahanap at paglubos sa lahat
ng sangguniang maaaring
magamit – upang malamnan ang
kanyang pananaliksik. (Hindi
lamang puro nakabatay sa
kanyang mga sariling pananaw.)
Bakit mahalaga ang
dokumentasyon?
 Nakakatulong ito sa mga
susunod na magsasagawa
ng mga kaugnay na pag-
aaral sapagkat nakakakita
rin sila ng mga sangguniang
magagamit nila sa kanilang
riserts.
Sistemang Talababa-
Bibliografi
 Sa sistemang ito, naglalagay
ng bilang na pananda sa
isang tiyak na bahagi ng
pangungusap o talatang
ginamitan ng datos.
Pagkaraan, tinutukoy sa
gawing baba ng pahina ang
mga sangguniang
pinanggalingan nito.
 Magiging mapanghamon ang 2010 para
sa industriya ng mga hotel. Patuloy itong
maaapektuhan ng pandaigdigang krisis sa
pananalapi na nanalasa noong nakalipas
na taon. Patuloy na titipirin ng mga
kumpanyang nagsasagawa ng kanilang
mga negosyo sa iba’t ibang panig ng
daigdig ang badyet na iniuukol nila sa mga
hotel dahil ito ang sumunod nilang
ginagastusan pagkatapos ng biyahe.1

1
McWilliams, Douglas. “2010: A Challenging
Year for the Hotel Market.” Travel Daily
News International. 8 Pebrero 2010: A1
Sistemang Parentetikal-
Sanggunian
 Sa sistemang ito, ang
pangungusap na may hiniram na
ideya ay sinusundan ng
pinaghanguang impormasyon, gaya
ng awtor at taon kung kailan niya
isinulat o sinabi ang pahayag.
Nakakulong ito sa panaklong.
 Sa dulo ng pananaliksik, iniisa-isa
ang mga sangguniang ginamit na
may kompletong detalye.
 Magiging mapanghamon ang 2010
para sa industriya ng mga hotel.
Patuloy itong maaapektuhan ng
pandaigdigang krisis sa pananalapi na
nanalasa noong nakalipas na taon.
Patuloy na titipirin ng mga
kumpanyang nagsasagawa ng
kanilang mga negosyo sa iba’t ibang
panig ng daigdig ang badyet na
iniuukol nila sa mga hotel dahil ito ang
sumunod nilang ginagastusan
pagkatapos ng biyahe (McWilliams,
2010).
Sanggunian
McWilliams, Douglas. “2010: A
Challenging Year for the Hotel
Market.” Travel Daily News
International 8 Pebrero 2010: A1
Sistemang Parentetikal-
Sanggunian
 Ang parentetikal-sanggunian
ay maaaring sumunod sa
istilong APA (American
Psychological Association) o
MLA (Modern Language
Association).
 Ang APA at MLA ay mga
pandaigdigang samahang
naglilimbag ng iba’t ibang mga
pananaliksik.
 Sa paggawa ng pamanahong-papel sa
Filipino 2, ang gagamiting padron ay
ang MLA (dahil nabibilang sa language
ang Filipino na siyang L sa MLA). Para
makita ang mga tiyak na anyo ng
pagbanggit sa mga sanggunian (hal.,
para sa aklat, para sa diyaryo, para sa
internet, atbp.), iminumungkahi ang
pagbisita sa sumusunod na website.
Tumuon sa mga entri na nakakahon
para sa tiyak na halimbawa ng MLA
citation kada uri ng sanggunian.
http://honolulu.hawaii.edu/legacyli
b/mlahcc.html

You might also like