Tsapter 1 ± Panimula

Batayang Historikal

Nakasulat sa ating Konstitusyon na ³(a) Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay dapat buuin ng hindi hihigit sa dalawang daan at limampung kagawad matangi kung magtakda ang batas ng naiiba, na dapat ihalal mula sa mga purok pangkapulungan na pinaghati-hati sa mga lalawigan, mga lungsod at Metropolitan Manila Area ayon sa rami ng kinauukulang mga naninirahan, at batay sa magkakatulad at paunlad na pagdami, at yaong ayon sa itinatadhana ng batas ay dapat ihalal sa pamamagitan ng sistemang party-list ng rehistradong partido o organisasyong pambansa, panrehiyon, at pansektor; (b) Ang kinatawang party-list ay dapat na binubuo ng dalawampung porsyento ng lahat ng mga kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan. Sa loob ng tatlong magkakasunod na taning ng panunungkulan pagkaraang

maratipikahan ang Konstitusyong ito, ang kalahati sa mga pwestong nakalaan sa mga kinatawang party-list ay dapat punan, ayon sa itinatadhana ng batas, sa pamamagitan ng pagpili o paghahalal mula sa sektor ng mga manggagawa, magsasaka, mahirap na tagalungsod, mga katutubong pamayanang pangkalinangan, mga kababaihan, kabataan at sa iba pang mga sektor na maaaring itadhana ng batas, maliban sa sektor na panrelihiyon´ (Artikulo VI, Seksyon 5, Konstitusyon ng Pilipinas 1987). Ang pagkaratipika ng dokumentong ito ang naging legal na basehan upang malikha ang Batas Republika blg. 7941 o mas kilala bilang Party-List System Act. 1

Ang Party-List System ay ³isang mekanismo ng proporsyonal na representasyon sa elekyon ng mga kinatawan sa Mababang Kapulungan mula sa pambansa, panglokal at pangsektor na mga partido, organisasyon o koalisyon na nakarehistro sa COMELEC´ (Seksyon 3a, Batas Republika blg. 7941). Ang Party-List System Act, na nilagdaan noong ika-3 ng Marso, taong 1995 ni Pangulong Fidel Ramos, ay nagsasaad na ³isusulong ng Estado ang proporsyonal na representasyon sa halalan ng mga kongresista sa Kamara ng mga representante sa pamagitan ng sistemang party-list ng rehistradong pambansa, rehyunal at sektoral na mga partido o organisasyon o mga koalisyong magpapahintulot na maging mga miyembro ng Kamara ang mga mamamayang Pilipinong galing sa mga marhinalisado at kulang sa representasyong mga sektor, organisasyon at partido, at walang sapat na malinaw na pulitikal na komunidad ngunit maaring magambag sa pagbuo at pagsasabatas ng nararapat na lehislasyon na mapapakinabangan ng bansa sa kabuuan. Tungo sa layuning ito, magpapaunlad at maggagarantiya ang Estado ng ganap, malaya, at bukas na sistema upang matamo ang pinakamalawak na posibleng representasyon ng partido, sektoral o pang-grupong interes sa Kamara ng mga Representante sa pamagitan ng pagpapabuti ng kanilang tsansang makipagkompetensya para sa, at manalo ng, mga upuan sa lehislatura, at maglalaan ng pinakasimpleng planong posible´ (Seksyon 2, Batas Republika Blg. 7941). Sa kabila ng pagkakaroon ng batas na ito ng magandang hangarin na magbigay ng pribilehiyo sa mga maliliit na sektor ng lipunan upang makagawa ng mga kapakipakinabang na mga batas, nagkaroon din ito ng maraming kontrobersya at problema hanggang umabot sa nasulat sa isang artikulo ng Philippine Daily Inquirer na ³sobrang inaabuso (bastardized) ang party-list system na mas mabuting sirain na lamang ito´ (Neal Cruz, 2010).

2

Teoretikal na Balangkas

Isinaad ni Ramon Casiple, ang Executive Director ng Institute of Political and Electoral Reform at ang Secretary-General ng Claimants 1081 na isang grupo ng mga biktima ng pangaabuso sa mga karapatan ng tao noong panahon ni Marcos, na ang Party-List System Act ay isang behikulo para sa mga maliliit na sektor na lipunan upang magkaboses sa lehislaturang sangay ng pamahalaan. Isinulat naman ni Adriano Fermin, isang propesor sa Ateneo School of Government, sa kanyang pag-aaral noong 2001 na hindi sapat ang pagkakaroon lamang ng kinatawan sa Mababang Kapulungan, nararapat din na magkaroon ng magandang performans ang mga kinatawan habang nakaupo sa puwesto. Kung mayroong mabuting epekto and Party-List System Act, nagkaroon din ito ng masamang epekto. Sa parehong pag-aaral ni Fermin, inilatag niya ang mga isyung kinaharap ng naturang sistema. Ilan sa mga isyung ito ay tumukoy sa aspeto ng representasyon, transparensi at akawntabiliti at mga legal at structural na problema. Idinagdag ni Felix Muga II, isang propesor sa Ateneo at Senior Fellow ng Center for People Empowerment in Governance (CenPEG), sa mga problemang kinaharap ng sistema and pagkakaroon nito ng inepektibong pamamaraan sa pagbigay ng mga upuan sa mga nanalong partido. Ang suliraning ito ay malalim na pinag-aralan at ipinaliwanag ni Muga sa kanyang mga pananaliksik.

Konseptwal na Balangkas

Ayon sa mga nabanggit na pananaw ng mga sinabing personalidad, nabuo ng mananaliksik ang paradimo ng pag-aaral na nakalarawan sa sususnod na pahina.

3

Positibong Epekto: Nagbigay ng pribilehiyo sa mga maliliit na sector ng lipunan para magkaroon ng pagkakataon sa pagpapasa ng mga panukalang batas Party-list System Act Negatibong Epekto: Pagbibigay ng puwesto sa mga nanalo sa eleksyon, kawalan ng sapat na kaalaman sa mga botante, inaabuso ng ibang pulitiko, at iba pa Performans ng mga representante ng partido habang nakaupo sa puwesto

Humarap sa maraming kontrobersya at problema

Larawan 1. Paradimo ng Pag-aaral

Sa paradimo na nakalarawan sa itaas, nais ng mananaliksik na ipakita ang pagkakaroon ng positibo at negatibong epekto ng Party-List System Act. Ang positibong epekto ng sistemang party-list na magbigay ng pagkakataon para sa mga partido na nagrepresenta sa mga maliliit na sektor ay mas naging kapakipakinabang kung naging epektibo ang pagganap o performans ng mga kinatawan ng partido. Sa kabilang banda, nagkaroon naman ng maraming kontrobersya ang dinala ng Party-List System Act. Ilan sa mga problemang ito ay ang inepektibo at inkonsistent na pamamaraan sa pagbigay ng upuan sa mga nanalong partido, kakulangan ng sapat na edukasyon para sa mga botante, paggamit ng ibang pulitiko ng sistemang ito sa mapang-abusong paraan at iba pa.

4

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Isinaad sa pag-aaral na ginawa ni Adriano Fermin noong 2001 na may titulong ³Prospects and Scenarios for the Party-List System in the Philippines´ na nagkakaroon ng problema ang sistema ng party-list sa Pilipinas sa aspeto ng representasyon, transparensi at akawntability at legal at istruktural. Bukod sa mga nasabing problema, pinag-aralan din ni Fermin ang naging performans ng mga kinatawan ng partido na nanalo sa eleksyon noong 1998 sa pamamagitan ng pag-aanalisa sa mga batas na kanilang pinasa. Natuklasan niya na ang naging performans ng mga kinatawan ay naging inepektibo dahil wala sa anumang mga panukalang batas na ito ang naging batas ng kapuluan. Isinaad niya na ito ay resulta ng pagkakaroon ng kakulangan sa pulitikal na impluwensiya ng mga kinatawan. Sa huli ay isinulat niya na kung hindi magkakaroon ng sapat at makatarungan na sistema ang pamahalaan para sa mga partido, hindi rin magkakaroon ng epektibong pagtupad sa tungkulin ang mga kinatawan ng partido. Ang pag-aaral naman na isinagawa ni Felix Muga II noong 2007 na pinamagatang ³On the Panganiban Seat Allocation Method´ ay nagsaad na ang Panganiban Formula ay hindi sumasang-ayon sa sinasabi ng Party-List System Act na dapat magkaroon ng dalawampung porsiyento ng kinatawan sa Mababang Kapulungan na nagmula sa mga partido. Sa suliraning ito ay inilatag ni Muga ang isang metodo na kanyang inerekomenda at ito ay nagbigay ng pantay na pagpapamahagi sa mga nanalong partido. Ang mga formula na ginamit sa pag-aaral na ito tulad ng index of representation, index of proportionality, seat allocation error at degree of negation ay ginamit din ng mananaliksik sa kanyang pag-aaral bilang mga parametro sa pag-analisa ng dalawang metodo, ang Panganiban Formula at Carpio Formula. Ang mga formula na nabanggit ay ipinaliwanag ng mananaliksik sa ikalawang kabanata ng pananaliksik.

5

Isinulat naman ni Dr. Florangel Rosario Braid sa Manila Bulletin noong ika-9 ng Nobyembre, taong 2009, ang artikulong ³Should We Retain Party-List System?´ na nagkaroon ng maraming isyung kinaharap ang Batas Republika blg. 7941 sa loob ng labindalawang taong pagpapatupad nito. Ilan sa mga ito ay ang paggamit nito bilang paraan upang makakuha ng puwesto ang mga pulitiko sa Mababang Kapulungan na hindi naman talaga kasama sa mga tinatawag na marhinalisadong Pilipino, pagkakaroon ng problema sa pagbibigay ng puwesto sa mga kinatawan at ang mababang pagkabatid o awareness level ng mga Pilipino dahil limampung walong bahagdan o anim sa bawat sampung tao lamang ang pamilyar sa sistema ng party-list sa Pilipinas.

Suliranin ng Pag-aaral

Sa pananaliksik na ito, naglayon na pag-aralan ng mananaliksik ang sistema ng party-list sa Pilipinas. Nais rin ng mananaliksik na sagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1. Anu-ano ang mga mahahalagang impormasyong na nakapaloob sa Batas Republika blg. 7941? 2. Ano ang naging performans ng mga kinatawan ng partido na nanalo sa eleksyon noong taong 2007 at naluklok sa ika-14 na Kongreso? 3. Anu-ano ang mga kontrobersya at problemang kinaharap ng sistema ng party-list at kung mayroon, paano ito inaksyunan ng mga nasa kinauukulan? 4. Sa kontrobersya ng pagbibigay ng upuan sa mga nanalong partido, ano ang naging adbentahe ng Carpio Formula sa Panganiban Formula?

6

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay tumukoy lamang sa sistema ng party-list sa Pilipinas. Ang mga partidong binanggit ng mananaliksik ay iyong mga partidong nagrepresenta sa mga sektor tulad ng Bayan Muna, Akbayan, Gabriela at katulad na mga partido. Hindi isinama ng mananaliksik ang mga partidong binubuo ng mga pulitiko tulad ng Lakas-Kampi, Liberal Party, Nacionalista Party at iba pa. Sa pagkumpara ng Panganiban Formula at Carpio Formula, tanging mga resulta lamang ng eleksyon sa taong 2001, 2004 at 2007 ang ginamit ng mananaliksik. Minarapat na gamitin ng mananaliksik ang resulta hindi upang alamin ang mga totoong nanalo sa eleksyon dahil hindi na isinaalang-alang pa ng mananaliksik ang pagkakadiskwalipika ng ibang partido. Ginamit ng mananaliksik ang mga resultang ito upang magkaroon ng makatotohanang datos sa pagkukumpara ng mga nasabing formula. Sa ilalim naman ng pagebalyuweyt ng performans ng mga kinatawan ng partido, tanging mga piling katawan lamang ng ika-14 na Kongreso ang kinuha ng mananaliksik. Ang tinukoy ng mananaliksik sa mga panukalang batas na may kinalaman sa sektor ay mga panukalang batas na may direktang epekto sa sektor na kinatawan ng representante ng partido o kaugnay sa mga advocacy o pinaglalaban ng partido.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniwala ang mananaliksik na kapakipakinabang at mahalaga ang pananaliksik na ito lalo na sa mga masang Pilipino. Ayon sa mga sarbey, limampung walong bahagdan o anim lamang sa bawat sampung Pilipino ang pamilyar sa sistema ng party-list sa Pilipinas. Ito ang

7

dahilan ng pagkakaroon ng mababang porsiyento ng bumoto sa mga partido tuwing eleksyon, limampu¶t limang bahagdan noong taong 2001, dalawampu¶t siyam na porsiyento noong taong 2004 at noong 2007 ay limampu¶t tatlong bahagdan. Ang pananaliksik na ito ay naglayon na masusing mapag-aralan ang party-list system nang sa ganoon ay makatulong sa mga kasalukuyang botante at boboto sa hinaharap upang maging pamilyar at mabatid ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sistema ng party-list sa Pilipinas.

Kahulugan ng mga Terminolohiyang Ginamit sa Pag-aaral

Carpio Formula ± ang bagong metodong ginamit sa pagpapamahagi ng upuan sa mga nanalong partido sa eleksyon, inilabas ng Kataastaasang Hukuman noong Abril 23, 2009 na ipinangalan kay Associate Justice Antonio Carpio. Degree of negation ± isa sa mga parametrong ginamit ni Felix Muga II sa kanyang mga pagaaral; ito ay nagpakita ng antas ng paglabag ng metodong ginamit sa pagbigay ng upuan sa lahat ng partido. Index of proportionality ± isa rin sa mga parametrong ginamit ni Muga sa kanyang pag-aaral na nagpakita naman ng antas ng pagsunod ng metodong ginamit sa prinsipyo ng proporsyonal na representasyon. Index of representation ± ang parametrong ginamit ni Muga sa kanyang pag-aaral na nagpakita ng pagkakaroon ng metodo ng katangian na magbigay ng dalawampung bahagdan ng kabuuang upuan ng Mababang Kapulungan para sa mga partido.

8

Panganiban Formula ± ang lumang metodong ginamit ng COMELEC sa eleksyon ng party-list noong taong 2001 at 2004 na humarap ng maraming kontrobersya at kritisismo, ipinangalan kay dating Chief Justice Artemio Panganiban. Panukalang batas ± sa Ingles ay kilalang house bills, mga dokumentong ipinasa ng mga kinatawan sa lehislaturang sangay ng pamahalaan na pinagdebatehan kung gagawin ba itong batas ng kapuluan. Partido ± maaring pulitikal, sektoral o koalisyon ng mga partido; mga organisadong grupo ng mamamayan na maaaring may iisa at pinaglalaban na mga ideolohiya, prinsipyo o plataporma, may kinakatawan na mga marhinalisadong grupo ng mamayan at iba pang uri. Party-list system ± isang mekanismo ng proporsyonal na representasyon sa elekyon ng mga kinatawan sa Mababang Kapulungan mula sa pambansa, panglokal at pangsektor na mga partido, organisasyon o koalisyon na nakarehistro sa COMELEC Proporsyonal na representasyon ± prinsipyo na nakapaloob sa Batas Republika blg. 7941 na sinabing dapat magkaroon ng proporsyonal na upuan ang mga nanalong partido sa bilang ng botong kanilang nakamit Seat allocation error ± parametro na tumukoy sa kamalian o katamaan ng metodo sa pagbibigay ng upuan sa mga partidong nanalo

9

Tsapter 2 ± Disenyo at Metodo ng Pag-aaral

Metodong Ginamit sa Pag-aaral

Ang mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodo o mas ispesipiko ang content analysis. Naniwala ang mananaliksik na angkop ang metodong ginamit sa pag-aaral dahil kalakhan ng pagkukuhaan ng datos ng mananaliksik ay nagmula sa mga dokumento. Sa pamamagitan ng content analysis ay malalim na naanalisa ng mananaliksik ang nilalaman ng Batas Republika blg. 7941 at iba pang dokumentong tumukoy dito at mapag-ugnay ang mga impormasyong nakalap sa iba¶t-ibang dokumento.

Paglalarawan sa Ginamit na Populasyon

Ang mananaliksik ay gumamit ng content analysis kung kaya ang lahat ng mga datos na nakuha ay nagmula sa mga nakasulat na dokumento. Sa kadahilanang ito, walang populasyon na ginamit ang mananaliksik sa pag-aaral dahil walang tao o grupo ng mga tao ang direktang kinuhaan ng salaysay ng mananaliksik.

10

Paraan na Ginamit sa Pagkalap ng Datos

Ang mananaliksik ay pumili ng mga dokumentong may malaking kaugnayan sa Batas Republika blg. 7941. Ang mga mahahalagang impormasyon sa mga dokumentong ito na may relasyon sa sistema ng party-list sa Pilipinas ay kinuha ng mananaliksik. Ang mga resulta ng eleksyon na ginamit ay nagmula sa opisyal na website ng COMELEC (www.comelec.gov.ph). Ang mga datos na ginamit sa pagebalyuweyt ng performans ng mga kinatawan ng partido ay nanggaling sa mga dokumento ng Mababang Kapulungan na natagpuan din sa website nito (www.congress.gov.ph).

Istatistikal na Pagtrato sa mga Datos

Ang mga resulta ng eleksyon ay ginamitan ng mga sumusunod na istatistikal tritment upang mas mapaliwanag ang mga datos. Ang mga parametro at formula na ginamit sa pag-aaral na ito ay inihalintulad ng mananaliksik sa mga pag-aaral ni Felix Muga II tungkol sa pamamaraan ng pagbigay ng upuan sa mga partidong nanalo sa eleksyon. 1. Panganiban Formula Sa ilalim ng metodong ito ay kinuha ang bahagdan ng mga botong nakalap ng isang partido sa kabuuuang bilang ng boto sa lahat ng partido. Ang mga partidong nakakuha ng mahigit sa dalawang porsiyento ay nagarintiyahan ng isang puwesto. Samantala, ang mga karagdagang upuan ay nakabatay sa bilang ng upuan na nakalap

11

ng partidong may pinakamataas na botong nakalap. Nalaman ang bilang ng upuan ng unang partido batay sa mga sumusunod na kondisyon: a. Isang upuan kung nakakuha ng mahigit o dalawang porsiyento ngunit mas mababa sa apat na porsiyento b. Dalawang upuan kung nakakuha ng mahigit o apat na bahagdan ngunit hindi lumagpas ng anim na bahagdan c. Tatlong upuan kung nakakalap ng mahigit o anim na bahagdan ng boto Ang karagdagang upuan para sa mga sumusunod na partido na nagkaroon ng mahigit sa dalawang porsiyento ay nakuha sa pamamagitan ng formula na:

kung saan ang

ay ang karagdagang upuan,

ang botong nakalap ng partido,

ang

karagdagang upuan na nakuha ng unang partido at partido. 2. Carpio Formula

ang botong nakalap ng unang

Sa formula na ito naman ay nagkaroon ng dalawa o tatlong round ng pagpamahagi ng upuan. Sa unang round ay nagbigay ng garantiyang puwesto sa mga partidong nakakalap ng dalawang bahagdan o mataas pa sa buong bilang ng boto sa lahat ng partido. Ang ikalawang round ay naging paraan para ibigay ang mga natira pang upuan. Ginamit ang formula na:

kung saan ang

ay ang bilang ng upuan na ibinigay sa partido sa ikalawang round,

ang kabuuuang bilang ng upuan na nakalaan para sa mga representante ng partido,

12

ang bilang ng upuan na naipamahagi sa unang round at nakalap ng partido.

ang bahagdan ng botong

Ang ikatlong round ay opsyonal kung ang mga upuan na naibigay sa una at ikalawang round ay hindi pa rin katumbas ng nararapat na bilang ng upuan na nakalaan para sa mga partido. Ang mga natitirang upuan ay ipinamahagi sa mga kasunod na partido sa pinakahuling nabigyan na partido sa ikalawang round ayon sa bilang ng boto na kanilang nakalap hanggang sa naubos ang lahat ng upuan na nakalaan sa mga partido. Ang bawat partido ay binigyan lamang ng tatlong upuan at ito ang pinakamataas na bilang na maaari nilang natanggap. 3. Index of Representation

Ang

sa formula ay tumukoy sa kabuuang bilang ng upuan na naibigay ng ang kabuuang bilang ng upuan na nakalaan sa mga

metodo sa lahat ng partido at partido. Ang

ay nararapat na maging katumbas ng dalawampung porsiyento ng

bilang ng upuan sa Mababang Kapulungan kasama na ang mga nakatabi para sa partido. Ang index of representation ay nagpakita ng kwantitatibong halaga upang malaman kung sumunod ba ang metodo sa nakasaad sa batas na dapat magkaroon ng dalawampung bahagdan ang mga partido sa Mababang Kapulungan. Ang resultang 100% ang hinanap ng mananaliksik dahil nangahulugan ito ng striktong pagsunod sa sinasabi ng batas. 4. Index of Proportionality

13

Ang

sa formula ay tumukoy sa kabuuang bilang ng boto para sa mga partido, at

para sa kabuuang bilang ng upuan na nakalaan para sa mga partido at ang

ay ang bilang ng boto at upuan na naibigay sa isang partido. Ang index of proportionality ang naging batayan kung sumunod nga ba ang metodong ginamit sa proporsyonal na representasyon. And ibig sabihin ng proporsyonal na representasyon ay ang partidong nakakamit ng na bahagdan ng boto ay dapat nakakuha rin ng

na bahagdan ng kabuuang upuan na inilaan sa partido. Hinanap ng mananaliksik ang resulta na malapit sa 90% upang makita ang pagsunod sa proporsyonal na representasyon. 5. Seat Allocation Error

Ang

sa formula ay katumbas ng bilang ng botong nakamit ng isang partido, ang bilang ng upuan na nakamit

ang kabuuang bilang ng boto sa lahat ng partido, ng isang partido at

ang kabuuang bilang ng upuan na nakalaan para sa mga partido.

Ang seat allocation error ay kapakipakinabang dahil nagamit ito upang malaman kung may pagkakamali sa pagpapamahagi ng puwesto sa bawat partido. 6. Degree of Negation

Ang degree of negation ay ginamit ng mananaliksik upang malaman kung gaano nilabag ng metodo ang pagbigay ng nararapat na upuan sa lahat ng partido. Ito ay nakuha sa pamamagitan ng pagsuma ng lahat ng resulta ng seat allocation error at pagkuha ng integer part ng total.

14

Upang ipakita ng mananaliksik ang aplikasyon ng mga nabanggit na formula, ginamit ng mananaliksik ang sumusunod na sitwasyon: Halimbawa ang unang partido, P1, ay mayroong 8800 na botong nakalap, 900 na boto para sa ikalawang partido, P2, at 300 boto ang nakamit ng ikatlong partido, P3. Ang kabuuang bilang ng boto ay 10000 at 50 upuan ang nakatakda para sa mga partido. Gumamit ang sistema ng metodong F sa pagbibigay ng upuan, kung kaya¶t ang P1 ay nakakuha ng 29 na puwesto, 3 upuan para sa P2 at 1 upuan para sa P3. May 33 upuan and naibigay ng metodong F sa mga nanalong partido. 1. 2.   

3. P1: P2: 4.

P3: 

15

Tsapter 3 ± Paglalahad at Pagsusuri ng Datos

Sa parteng ito ng pag-aaral, inilahad at isinuri ang mga datos na nakuha at nakatulong sa pagsagot ng mga katanungan sa suliranin ng pag-aaral. Ginamit ng mananaliksik ang mga talahanayan upang mga mas mapakita at madaling masuri ang mga datos na nakalap. Anu-ano ang mga mahahalagang impormasyon na nakapaloob sa Batas Republika blg. 7941? Upang masagot ang tanong, kinuha ng mananaliksik ang mga impormasyong direktang nakasulat sa nasabing batas. Ang mga nakuhang impormasyon ay binuod ng mananaliksik upang magsilbing datos ng pagaaral na isinagawa. Ang mga datos na ito ay nakalatag sa susunod na talahanayan. Seksyon ng Batas Republika blg. 7941 Seksyon 1. Pamagat

Nilalaman ng seksyon  kikilalanin ang batas na ito bilang Party-List System Act  magtaguyod ng proporsyonal na representasyon  rehistradong pambansa, panglokal at pansektor na partido  mga Pilipinong nabibilang sa marhinalisado at di sapat ang representasyon sa Mababang Kapulungan  ganap, malaya at bukas na sistema upang makamit ang pinakamalawak na posibleng representasyon  pinakasimpleng planong possible  ang sistema ng party-list ay mekanismo ng proporsyonal na representasyon  ang partido ay anumang pulitikal, sektoral at koalisyon 16

Seksyon 2. Deklarasyon ng Partido

Seksyon 3. Pagpapakahulugan sa mga Terminolohiya

Seksyon 4. Pahayag ng Paglahok sa Party-List System

Seksyon 5. Rehistrasyon

Seksyon 6. Pagtanggi o Kanselasyon ng Rehistrasyon

ng mga partido  ang pulitikal na partido ay mga organisadong grupo ng mamamayan na may ipinaglalabang ideolohiya o plataporma, prinsipyo at polisiya para sa pagganap ng pamahalaan sa kanilang tungkulin  ang pambansang partido ay partidong may nakakalat na constituency sa mayorya ng kapuluan  ang rehiyunal na partido ay partidong may nakakalat na constituency sa mayorya ng mga lungsod at lalawigan  ang sektoral na partido ay tumutukoy sa organisadong grupo ng mga mamamayan nabibilang sa iisang sektor  ang sektoral na organisasyon ay isang organisadong grupo ng mga mamamayan na may magkakasinghalintulad na katangian o interes  ang koalisyon ay tumutukoy sa pagsasanib ng mga rehistradong pambansa, rehiyunal at sektoral na partido o organisasyon para sa pulitikal at pangeleksyon na layunin  magsumite ng pagpapahayag sa kagustuhang lumahok sa party-list system nang hindi lalagpas sa siyamnapung araw bago ang eleksyon  alinmang organisadong grupo ng tao ay maaaring lumahok bilang partido kasama ang kanilang konstitusyon, plataporma at iba pang mahahalagang dokumento pasubali na ang sektor na kanilang kinakatawan ay alinman sa mga sumusunod: manggagawa, magsasaka, mangingisda, maralitang tagalunsod, katutubo, senior citizen, may kapansanan, kababaihan, kabataan, beterano, mga OFW at propesyonal  maaaring tanggihan ng COMELEC ang mga rehistrasyon ng mga partido sa mga sumusunod na basehan:  sektang pangrelihiyon  marahas at labag sa batas na paraan ng pagtataguyod ng kanilang hangarin  banyagang partido  tumatanggap ng suporta sa banyagang partido  nilabag ang mga batas na kaugnay sa eleksyon  hindi makatotohanang mga salaysay sa kanilang

17

Seksyon 7. Listahan ng mga Rehistradong Partido Seksyon 8. Nominasyon ng mga Kinatawan ng Partido  

 

Seksyon 9. Kwalipikasyon ng mga Nominadong Kinatawan 

Seksyon 10. Paraan ng Pagboto   

Seksyon 11. Bilang ng Kinatawan ng mga Partido

Seksyon 12. Hakbang sa Pamamahagi ng Upuan sa mga 

petisyon  hindi namarati sa loob ng isang taon  hindi nakalahok sa huling dalawang eleksyon o hindi nakakamit ng 2% boto sa huling dalawang eleksyon na kanilang nilahukan ang COMELEC ay dapat gumawa ng listahan ng mga rehistradong partido na hindi hihigit sa animnapung araw bago ang eleksyon lima o higit pang kinatawan ang mga kinatawan ay hindi dapat mga kandidato para sa isang puwesto sa pamahalaan o natalo sa pagtakbo nang nakaraang eleksyon ang mga kinatawan ay dapat ipinanganak na Pilipino, rehistradong botante, residente ng Pilipinas sa loob ng isang taon o higit pa, marunong bumasa at sumulat, miyembro ng partido sa ng higit sa siyamnapung araw, dalawampu¶t limang taon pataas, at kung kinatawan ng kabataan ay dapat dalawampu¶t limang taon hanggang tatlumpu¶t taong gulang ang bawat botante ay magkakaroon ng dalawang boto para sa mga kinatawan ng Mababang Kapulungan, isa para sa kanilang distrito at isa para sa partido ang COMELEC ay dapat na magsagawa ng mga nararapat na hakbang para mapakalat ang impormasyon tungkol sa sistema ng party-list sa Pilipinas ang mga kinatawan sa Mababang Kapulungan ay dapat magkaroon ng dalawampung bahagdan mula sa mga kinatawan ng partido ang paraan sa pagpapamahagi ng upuan ay:  ang mga partido pagsusunud-sunurin ayon sa bilang ng botong kanilang nakalap  ang mga partidong nakakuha ng 2% ay magkakaroon ng garantiyang isang upuan at iyong mga nakakuha ng mahigit sa 2% ay bibigyan ng karagdagang upuan na proporsyonal sa bilang ng botong kanilang nakuha pasubali na ang bawat partido ay hindi mabibigyan ng sobra sa tatlong upuan ang COMELEC ay dapat magbigay ng puwesto sa mga nanalong kinatawan na proporsyonal sa bahagdan ng

18

botong kanilang nakalap  ang mga kinatawan ay dapat iproklama ng COMELEC Seksyon 13. Pagpili sa mga batay sa mga pangalan ng mga nominadong ipinasa ng Kinatawan ng Partido mga partido ayon sa pagkakasunud-sunod  ang mga kinatawan na nahalal ay dapat magsilbi sa loob ng tatlong taon simula sa tanghali ng Hunyo 30 Seksyon 14. Termino ng  walang kinatawan ang maaaring magsilbi ng higit sa Panunungkulan tatlong magkakasunod na termino  ang pagbibitiw sa tungkulin ay hindi ikukunsidera na interupsyon ng kanilang pagsisilbi  ang nahalal na kinatawan na nagpalit ng partido habang Seksyon 15. Pagpapalit ng nasa termino ng pagsisilbi ay dapat na isuko ang Pagkakaanib kanyang puwesto  sa kaso ng bakanteng puwesto, ang susunod na Seksyon 16. Bakanteng pangalan sa listahan ng nominadong kinatawan ay Puwesto dapat na punan ang bakanteng puwesto  ang mga kinatawan ng partido ay may katulad na Seksyon 17. Karapatan ng mga karapatan sa mga regular na miyembro ng Mababang Kinatawan ng Partido Kapulungan  ang COMELEC ay dapat na maghayag ng mga Seksyon 18. Mga Alituntunin nararapat na alituntunin upang makamit ang layunin ng batas na ito  ang halaga na kailangan upang maipatupad ang batas Seksyon 19. Paglalaan na ito ay dapat na ilagak sa pondo ng COMELEC sa simula ng taong 1996  ang anumang parte ng batas na ito na idineklarang unkonstitusyonal ay mapapawalang-bisa ngunit Seksyon 20. Pagkakahiwalay mananatili ang pagiging epektibo ng ibang parte ng batas Seksyon 21. Pagpapawalang  ang anumang batas, atas ng pamahalaan o alituntunin Halaga na inkonsistent sa batas na ito ay pinapawalang halaga  ang batas na ito ay epektibo labinlimang araw matapos Seksyon 22. Pagpapaepektibo ang pagkakalathala ng batas na ito sa isang pambansang pahayagan Talahanayan 1. Buod ng Nilalaman ng Batas Republika blg. 7941

Kinatawan ng Partido

Sa talahanayan na inilahad sa itaas, nais ipakita ng mananaliksik ang impormasyon na nakapaloob sa batas at nakatulong sa pag-aaral ng mananaliksik. Gustong bigyang-diin ng 19

mananaliksik ang mga nakasulat sa Seksyon 2 na ang ³Estado ay dapat magtaguyod ng proporsyonal na representasyon´ (Seksyon 2, Batas Republika blg. 7941). Ano ba ang kahulugan ng proporsyonal na representasyon? ³Ang proporsyonal na representasyon ay sistema ng pagboto na ginagamit ng karamihan ng mga demokrasiyang bansa sa mundo. Sa ilalim ng proporsyonal na representasyon o PR, sinisiguro nito na ang mga partido ay makakakuha ng bahagdan ng puwesto sa lehislaturang sangay na proporsyonal o nauukol sa suporta ng publiko sa kanila´ (www.worldpolicy.org). Ang prinsipyong ito ay makailang beses na binanggit sa batas kaya ito ay mahalagang salik na kelangan bigyang-tuon ng mananaliksik. Bukod sa prinsipyo ng proporsyonal na representasyon, sa ilalim ng Seksyon 5 ng batas ay may mahalaga rin na nakasaad: ³pasubali na ang sektor na kanilang kinakatawan ay alinman sa mga sumusunod: manggagawa, magsasaka, mangingisda, maralitang tagalunsod, katutubo, senior citizen, may kapansanan, kababaihan, kabataan, beterano, mga OFW at propesyonal´ (Seksyon 5, Batas Republika blg. 7941). Sa ilalim ng seksyon na ito ay inisa-isa ng batas ang mga sektor na kwalipikado sa sistema ng party-list sa Pilipinas. Ang ibig sabihin nito ay dapat na ang mga partidong nagnanais na tumakbo para sa eleksyon ay mayroon nirerepresenta na isa o higit pa sa mga sektor na nabanggit. Bukod sa mga nabanggit na parte, may isa pang mahalagang seksyon dapat malaman sa batas. Sa ilalim ng Seksyon 11, ³ang mga kinatawan sa Mababang Kapulungan ay dapat magkaroon ng dalawampung bahagdan mula sa mga kinatawan ng partido at ang mga upuan ay dapat ipamahagi sa pamamagitan ng pagsususnud-sunod ng partido ayon sa botong nakalap at ang mga partidong nakakuha ng 2% ay magkakaroon ng garantiyang isang upuan at iyong mga nakakuha ng mahigit sa 2% ay bibigyan ng karagdagang upuan na proporsyonal sa bilang ng botong kanilang nakuha pasubali na ang bawat partido ay hindi mabibigyan ng sobra sa tatlong

20

upuan´ (Seksyon 11, Batas Republika blg. 7941). Sa nakasaad sa seksyon na ito, dalawang katangian ng party-list system ang ipinakilala ng batas, ang 2% minimum threshold at 3-seat cap. Sa kalaunan, inilabas ng Korte Suprema ang desisyon na ³idenedeklara na ang two percent threshold sa pamamahagi ng karagdagang upuan sa mga partido ay unkonstitusyonal´ (NBC NO. 07-041). Karagdagan dito, sinabi ng Korte Suprema na ³ang two percent threshold ay ginagawang imposible ang pagkakamit ng nararapat na bilang ng upuan sa mga partido´. Sa kabila ng pagiging unkonstitusyonal ng two percent threshold, nanatili naman ang 3-seat cap at ayon sa Korte Suprema, ito ay ³nananatiling balid na pumipigil sa mga partido na dominahin ang sistema ng party-list sa Pilipinas´. Ano ang naging performans ng mga kinatawan ng partido na nanalo sa eleksyon noong taong 2007 at naluklok sa ika-14 na Kongreso? Upang maibigay ang kahingian ng tanong, minabuti ng mananaliksik na ilarawan ang performans ng mga partido ayon sa mga panukalang batas na kanilang ipinasa. Pumili ang mananaliksik ng sampung kinatawan ng partido mula sa ika-14 na Kongreso at inebalyuweyt ang kanilang performans sa pamamagitan ng pag-alam sa dami ng panukalang batas na kanilang ipinasa na may kinalaman sa sektor na kanilang inirerepresenta o sa ipinaglalaban nilang mga ideolohiya. Bilang kabuuan, kinuha naman ng mananaliksik ang datos o bilang ng mga batas na napasa ng lahat ng kinatawan mula sa partido. Iniuri ng mananaliksik ang mga batas na nakapasa sa ikatlong pagbasa at mga panukalang batas na naging batas ng kapuluan. Ang mga batas ay hinati sa dalawang aplikasyon: pambansa at panglokal. Ang pambansang aplikasyon ay mga batas na nakaapekto sa buong kapuluan. Ang mga panglokal na aplikasyon ay mga batas na sumasaklaw sa isang parte ng bansa, tulad ng isang rehiyon, lungsod o lalawigan. Bilang pag-ulit, ang tinukoy ng mananaliksik sa mga

21

panukalang batas na may kinalaman sa sektor ay iyong mga panukala na may direktang epekto sa sektor na kinakatawan ng partido.

Partido: 1-UTAK (1-United Transportation Koalisyon) Kinatawan: Mendoza, Vigor Ma. II D. Sektor: Transportasyon Panukalang Batas Pangungahing Awtor Ko-awtor Kabuuan Aplikasyon Pambansa 6 8 14 Panglokal 0 1 1 Kabuuan 6 9 15 May Kinalaman sa Sektor 4 1 5

Talahanayan 2. Performans ng kinatawan ng 1-UTAK Party-List

Ang 1-UTAK ay nagrepresenta sa mga sektor ng transportasyon gaya ng mga tsuper ng pampublikong sasakyan, opereytor ng mga ito at mga iba pang transportasyon sa dagat at panghimpapawid. Ipinakita sa talahanayan sa itaas na apat sa anim na panukalang batas na kanyang ipinasa ay tumugon sa sektor na kanyang inirepresenta. Ang apat na panukalang ito ay kasalukuyang nakabinbin pa rin sa komite ng transportasyon ng Mababang Kapulungan. Ang mga panukalang batas naman na kanyang kino-awtor ay mas tumukoy sa mga pangangailangan ng bansa sa edukasyon at repormang agraryo. Apat sa kanyang siyam na panukalang kino-awtor ay kasalukuyang batas na ng lupain. Ang mga ito ay ang Batas Republika blg. 9700, 9513, 10000 at 10054. Sa kabuuan, kahit minimal lang ang bilang ng panukalang kanyang ipinasa, ito naman ay tumutugon sa sektor ng transportasyon.

22

Partido: A TEACHER (Advocacy for Teacher Empowerment Through Action, Cooperation and Harmony Towards Educational Reforms) Kinatawan: Piamonte, Mariano U. Sektor: Guro at iba pang kawani ng paaralan Panukalang Batas Pangungahing Awtor Ko-awtor Kabuuan Aplikasyon Pambansa 1 52 53 Panglokal 0 16 16 Kabuuan 1 68 69 May Kinalaman sa Sektor 0 12 12

Talahanayan 3. Performans ng kinatawan ng A TEACHER Party-List

Ang partidong A TEACHER ay naglalayon na ³magpakita ng pagkakaisa, pakikipagtulungan at pagbabahagi ng pangangailangan sa pagitan ng mga guro at iba pang tauhan ng paaralan tungo sa pagbabago; itaguyod ang pagpapaunlad at kapakanan ng mga guro at iba pang mga tauhan ng paaralan upang maging mas mahusay na modelo at tagahubog ng mga kabataan; at makapag-ambag sa ikauunlad ng propesyon ng pagtuturo at pagpapabuti ng edukasyon sa Pilipinas´ (http://ateacher.org.ph). Pag inanalisa ang talahanayan, makikita na karamihan sa mga batas na may kinalaman ang kinatawan ay puro mga ko-awtor. Ang nag-iisa nitong batas na sariling kinatha ay hindi pa tumukoy sa sektor na kanyang nirepresenta. Sa usapin ng mga batas na kanyang kino-awtor, iilan lang rin ang may kinalaman sa kanyang sektor. Ang kalakhan sa mga batas na kanyang kino-awtor ay nagsasaad ng pagpagawa ng mga ospital at kalusugan ng tao at mga batas na tumangkilik sa karapatan pangsekswal ng mga mamamayan. Sa kabuuan, hindi sapat ang bilang ng panukala na kanyang kinatha para sa kanyang sektor at sa mga kino-awtor na panukala ay kailangan na mas bigyang-pansin ang pangangailangan ng kanyang sektor. 23

Partido: AKBAYAN CITIZENS' ACTION PARTY Kinatawan: Hontiveros, Ana Theresia Sektor: Advocacy (Kabuhayan, Edukasyon, Kalusugan) Panukalang Batas Pangungahing Awtor Ko-awtor Kabuuan Aplikasyon Pambansa 52 47 99 Panglokal 3 1 4 Kabuuan 55 48 103 May Kinalaman sa Sektor 17 9 26

Talahanayan 4. Performans ng kinatawan ng AKBAYAN Party-List

Ang AKBAYAN ay isang partido na walang sektor na nirerepresenta ngunit may mga inpinaglalabang ideolohiya at plataporma. Ilan sa mga ito ay ³disenteng trabaho at sustinableng kabuhayan para sa lahat, kalidad na edukasyon at pagtataguyod na ang kalusugan ay karapatan ng bawat mamamayan´ (http://www.akbayan.org.ph). Ang mga layunin ito ng partido ang ginawang basehan ng mananaliksik upang iklasipika ang panukalang ipinasa sa ilalim ng mga panukalang may kinalaman sa sektor. Nakita sa talahanayan na kalakhan sa mga panukalang ipinasa ng kinatawan ay kanyang sariling katha at may pambansang aplikasyon. Labingpito sa limampu¶t limang panukala na kanyang ipinasa ay sumaklaw sa layunin na isinulong ng partido. Isa nga sa mga kinatha niyang panukala ay ang HB40993 o An Act Amending Republic Act No. 7941, Otherwise Known As The Party-List System Act. Nalaman na ang kinatawan ay ninais na amendahin ang sistemang kaniyang kinapapalooban. Bukod sa mga panukalang batas na nagsusulong ng layunin ng partido, nagpasa rin ng mga panukala ang kinatawan na naukol sa karapatan ng mamamayan, lalo na sa mga kababaihan. Sa kabuuan ay naging kaaya-aya ang naging performans ng kinatawan ng AKBAYAN Party-List.

24

Partido: AMIN (Anak Mindanao) Kinatawan: Hataman, Mujiv S. Sektor: Rehiyonal (Mindanao) Panukalang Batas Pangungahing Awtor Ko-awtor Kabuuan Aplikasyon Pambansa 5 63 68 Panglokal 4 8 12 Kabuuan 9 71 80 May Kinalaman sa Sektor 7 7 14

Talahanayan 5. Performans ng kinatawan ng AMIN Party-List

Ang AMIN ay isang rehiyunal na partido na sumaklaw sa Mindanao. Ito ay may adhikain na ³magsulong ng mga reporma sa pamamahala sa Mindano at magtaguyod ng Peace and Sustainable Development sa bansa partikular sa Mindano´ (http://www.broodonline.com). Sa talahanayan na itinanghal sa itaas, nakita na ang halos lahat ng panukalang batas na sariling katha ng kinatawan ay tumukoy sa sektor nito. Ilan sa mga ito ay nagsasaad ng pangangalaga ng kultura ng Mindanao, pag-iwas sa diskriminasyon sa mga taong nagmula sa mga katutubong lugar at pagpapatayo ng mga paaralan sa Mindanao. Sa mga panukala naman na kino-awtor, hindi ganoon karami ang tumugon sa pangangailangan ng sektor. Ang mga panukalang sinuportahan ni Hataman ay iyong mga nangangalaga sa karapatan ng mga katutubo. Isa sa mga panukala na kanyang sinuportahan ay naging batas, ang Batas Republika blg. 9849 na nagdeklara sa ika-sampung araw ng Zhul Hijja, ang ika-labindalawang buwan sa Hijrah Calendar, na maging national holiday para sa Eid¶l Adha. Sa kabuuan ay tumugon ang kinatawan sa pangangailangan ng kanyang sektor at maging sa pagtaguyod ng mga karapatan ng katutubo o indigenous communities.

25

Partido: ANAKPAWIS Kinatawan: Beltran, Crispin B. Sektor: Magsasaka At Manggagawa Panukalang Batas Pangungahing Awtor Ko-awtor Kabuuan Aplikasyon Pambansa 13 51 64 Panglokal 1 1 2 Kabuuan 14 52 66 May Kinalaman sa Sektor 7 1 8

Talahanayan 6. Performans ng kinatawan ng ANAKPAWIS Party-List

Ang ANAKPAWIS ay isang partido na nagrepresenta sa mga magsasaka at manggagawa. May layunin ang partido na ito na ³maging tinig ng mga marhinalisadong sektor ng manggagawa, magsasaka, mangingisda at pambansang minorya upang isulong ang kanilang mga demokratikong mithiin´ (http://www.abs-cbnnews.com). Ang kinatawan ng partidong ito ay namatay habang nakaupo sa puwesto kung kaya¶t siya ay pinalitan ni Rafael Mariano. Sa kanyang wala pang isang taong panunungkulan sa ika-14 na Kongreso, isinulong ni Beltran ang tawag ng kanyang sektor. Nagpasa siya ng mga panukala tulad ng pagpapataas ng suweldo ng mga manggagawa. Sa aspeto naman ng mga kino-awtor niyang panukalang batas, mas marami dito ang tumukoy sa karapatan ng mamamayan gaya ng HB03732 o Freedom Of Information Act Of 2008. Ang panukalang batas na ito ay naglayon na magbigay ng karapatan sa mga mamamayan ng malayang pang-abot upang makita ang lahat ng dokumento ng pamahalaan. Sa kabuuan ay naging maganda ang performans ng kinatawan kahit hindi nito natapos ang kanyang termino sa Kongreso.

26

Partido: ARC (Alliance Of Rural Concerns) Kinatawan: Santiago, Narciso III D. Sektor: Agraryo Panukalang Batas Pangungahing Awtor Ko-awtor Kabuuan Aplikasyon Pambansa 604 186 790 Panglokal 3 2 5 Kabuuan 607 188 795 May Kinalaman sa Sektor 12 4 16

Talahanayan 7. Performans ng kinatawan ng ARC Party-List

Ang ARC ay partido na nagmula sa mga benipisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform o CARP. Sa talahanayan, ipinalabas nito na sa kabila ng dami ng panukala na sariling katha ng kinatawan, labindalawa o dalawang bahagdan lamang sa mga ito ang sumagot sa pangangailangan ng kanyang sektor. Mas maraming panukala ang tumukoy sa kapakanan ng mga kabataan, manggagawa at kalusugan. Sa kabutihang palad ay isa sa 607 na panukalang ito ang naging batas, ang Batas Republika blg. 9709 o Early Hearing Loss Detection, Diagnosis and Intervention Act na naglayon na magsagawa ng programa upang maagang malaman ang kawalan ng pandinig sa mga sanggol. Samantala, maging sa mga kino-awtor na panukala ay kakaunti pa rin dito ang sumagot sa pangangailangan ng kanyang sektor, apat sa kabuuang bilang na isandaan at walumpu¶t walong panukala. Sa kabuuan, masasabi ng mananaliksik na mababang bilang lamang ng panukala ang tumugon sa kinakailangan ng sektor, ngunit ang pagkakaroon ng batas na isang kinatawan ng mga partido ang kumatha ay isang bihirang pangyayari sa kasaysayan ng Kongreso.

27

Partido: BAYAN MUNA Kinatawan: Casiño, Teodoro Jr. A. Sektor: Advocacy (Kalayaan, Karapatan, Kabuhayan) Panukalang Batas Pangungahing Awtor Ko-awtor Kabuuan Aplikasyon Pambansa 22 91 113 Panglokal 0 7 7 Kabuuan 22 98 120 May Kinalaman sa Sektor 12 15 25

Talahanayan 8. Performans ng kinatawan ng BAYAN MUNA Party-List

Ang BAYAN MUNA ay isang pulitikal na partido na patuloy na nakakakuha ng malaking suporta sa lahat ng eleksyon na kinalahukan nito. Ito ay may layunin na ³isulong ang isang demokratikong pamahalaan, itaguyod ang karapatan ng mamamayan at itaas ang antas ng kapakanan ng kabuhayan ng mga marhinalisadong sektor´ (www.bayanmuna.net). Kung ihahambing ang performans ng kinatawan sa ibang kinatawan, nagpakita din ito ng karamihan sa mga sariling kathang panukala na tumutugon sa ipinaglalabang mga ideolohiya. Bukod sa mga panukalang may kinalaman sa sektor, isinulong din ni Casiño ang HB03029 o Downstream Oil Industry Regulation Act of 2006. Maliban sa mga panukalang isinulong na tumukoy sa karapatan, kalayaan at kabuhayan ng mamamayan, kasama sa mga sinuportahang panukala ng kinatawan ang pagkakaroon ng sapat na edukasyon sa lahat ng mamamayan. Kung susumahin, naging mainam ang pagganap ng kinatawan sa tungkulin nito na magsumite ng mga panukalang batas na makatutulong sa pagkakamit ng layunin at ideolohiya ng partidong inererepresenta.

28

Partido: BUTIL Kinatawan: Chavez, Leonila V. Sektor: Magsasaka Panukalang Batas Pangungahing Awtor Ko-awtor Kabuuan Aplikasyon Pambansa 7 82 89 Panglokal 0 4 4 Kabuuan 7 86 93 May Kinalaman sa Sektor 2 8 10

Talahanayan 9. Performans ng kinatawan ng BUTIL Party-List

Ang BUTIL Party-list ay isang partido na nagrerepresenta sa mga magsasaka. Ito ay may adhikain na ³magbigay ng sustinableng kabuhayan sa mga magsasaka, maglaan ng edukasyon sa mga anak ng magsasaka at magbigay ng tulong pangmedikal sa mga magsasaka´ (www.butilparty.com). Makikita sa talahanayan na kakaunti din ang tumugon sa sektor ng magsasaka. Bukod dito, ang bilang ng panukala na sariling katha ng kinatawan ay may maliit na bilang kung ikukumpara sa mga katulad niyang kinatawan ng mga partido. Sa parte ng mga kinoawtor na panukala, maliit din ang bilang na sumagot sa pangangailangan ng sektor, walo sa kabuuang bilang na walumpu¶t anim na panukala. Ang mga panukalang sinuportahan ni Chavez ay mas tumukoy sa pagkakapantay-pantay ng kasarian, kalakalan at industriya, serbisyong panlipunan at sa mga manggagawa. Isa sa mga sinuportahan niyang panukala ang HB06740 o Special Education Act of 2009 na nagsasaad na magkaroon ng isang SPED Centers sa bawat school divisions. Sa kabuuan, tulad ng ibang kinatawan na inebalyuweyt, kakulangan sa bilang ng panukala na tumutugon sa sektor na nirerepresenta ang nakikitang problema sa mga performans ng mga kinatawan ng partido.

29

Partido: GABRIELA WOMEN'S PARTY (General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action) Kinatawan: Maza, Liza L. Sektor: Kababaihan Panukalang Batas Pangungahing Awtor Ko-awtor Kabuuan Aplikasyon Pambansa 27 86 113 Panglokal 1 8 9 Kabuuan 28 94 122 May Kinalaman sa Sektor 9 2 11

Talahanayan 10. Performans ng kinatawan ng GABRIELA WOMEN¶S PARTY

Ang GABRIELA WOMEN¶S PARTY ay isa sa mga tanyag na partidong nagrerepresenta sa mga kababaihan. Ang partidong ito ay ³dedikado sa pagtataguyod ng karapatan ng mahihirap na Pilipinong kababaihan sa pamamagitan ng pakikilahok sa elektoral na sistema ng bansa at mga sangay ng pamamahala´ (http://www.gabrielawomensparty.net). Ito rin ay ³nagtataguyod na gamitin ang potensyal, abilidad, kasanayan at pamumuno ng mga marhinalisadong kababaihan tungo sa pagbabago, katarungan at pagkakapantay-pantay´ (http://www.gabrielawomensparty.net). Makikita sa talahanayan na may karamihan ang bilang ng panukalang batas na may kinalaman sa layunin ng partido. Samantala, maliit na bilang ng mga kino-awtor na panukala ang tumugon sa sektor ng kababaihan dahil karamihan sa binigyang-diin ng kinatawan ay tumukoy sa karapatan ng kabataan at manggagawa. Isa sa mga sinuportahang batas ng kinatawan ay ang Batas Republika blg. 9710 o Magna Carta for Women. Sa kabuuan, gumanap sa tungkulin ang kinatawan sa pagpapasa ng batas na may kinalaman sa sektor tulad din ng mga kahanay nitong kinatawan ng partido.

30

Partido: KABATAAN PARTYLIST Kinatawan: Palatino, Raymund V. Sektor: Kabataan Panukalang Batas Pangungahing Awtor Ko-awtor Kabuuan Aplikasyon Pambansa 7 46 53 Panglokal 2 2 4 Kabuuan 9 48 57 May Kinalaman sa Sektor 4 3 7

Talahanayan 11. Performans ng kinatawan ng KABATAAN Party-List

Ang Kabataan Party-List ay isa sa mga progresibong partido na patuloy na lumalawak ang sakop. Nagrerepresenta ito sa mga kabataan at ilan sa mga layunin nito ay ³hikayatin ang mga kabataan na makilahok sa mabuting pamamahala at pagbabagong panlipunan at isulong ang karapatan ng mga kabataan´ (www.kabataanpartylist.com). Makikita sa inilatag na talahanayan na halos kalahati ng mga panukalang batas na sariling katha ng kinatawan ay tumugon sa sektor ng kabataan partikular sa edukasyon. Isa nga sa mga panukalang ito ay ang HB06771 o An Act Providing for Free and Appropriate Public Education for Filipino Children and Youth with Special Needs. Samantala, tatlo lamang sa mga sinuportahang panukala ng kinatawan ang may kinalaman sa sektor ng kabataan. Mas binigyang-pansin ng kinatawan ang pagsuporta sa mga panukala na nagbibigay hustisya sa mga biktima ng pagiging diktador ng rehimeng Marcos, karapatan ng manggagawa sa mataas na suweldo, pribilehiyo para sa mga magsasaka at mga OFW. Sa kabuuan ay naging kalugud-lugod ang pagganap ng kinatawan sa kanyang tungkulin dahil karamihan sa mga panukalang kinatha ng kinatawan ay tumugon sa pangangailangan ng sektor ng kabataan.

31

Matapos alamin ang performans ng iba at piling mga kinatawan ng partido, manabuti ng mananaliksik na alamin din ang performans ng lahat ng limampu¶t limang kinatawan ng partido sa ika-14 na Kongreso. Ang suma ng performans ng mga kinatawan bilang kabuuan ay nakalatag sa talahanayan sa ibaba.

Aplikasyon Panukalang Batas Pangunahing Awtor Co-Awtor Kabuuan Pambansa Panglokal Kabuuan 946 2154 3100 39 415 454 985 2569 3554

Aprubado Sa Ikatlong Pagbasa 26 506 532

Naging Batas 3 72 75

Talahanayan 12. Performans ng mga kinatawan ng partido

Ibinubuod ng talahanayan sa itaas ang naging performans ng lahat ng kinatawan ng partido. Nakalagay sa talahanayan na 3554 na kabuuang bilang ng panukalang batas ang ipinasa ng mga partido at karamihan sa mga ito ay may pambansang aplikasyon. Sa 985 na panukalang batas na sariling katha ng mga kinatawan, dalawampu¶t anim o halos tatlong bahagdan lamang ang naapruba sa ikatlong pagbasa. Ang pagiging aprubado ng panukala sa ikatlong pagbasa ay nangangahulugan na ang panukala ay nakapasa sa Kongreso at ito ay nasa kamay na ng Senado o naging kasalukuyang batas na ng kapuluan. Samantala, 506 o halos 20% ang naapruba sa mga sinuportahang panukala ng mga kinatawan. Mayroong 532 panukala ang nakapasa sa Kongreso at ito ay malaki nang bilang. Sa dalawampu¶t anim na panukalang nakapasa sa ikatlong pagbasa, tatlo lamang sa mga ito ang naging batas. Ang HB03323 o Batas Republika blg. 9499 na mas kilala sa tawag na Filipino World War II Veterans Pensions and Benefits Act of 2008, ang HB02677 o Batas Republika blg. 9709 na pinamagatang Universal Newborn Hearing Screening and Intervention 32

Act of 2009 at ang huli ay ang HB06509 o Batas Republika blg. 10072 na tinawag na Philippine Red Cross Act of 2009. Ang mga batas na ito ay kinatha lamang ng dalawang kinatawan ng partido, ang Batas Republika blg. 9499 at Batas Republika blg. 10072 ay kinatha ni Cong. Coscolluela, ang kinatawan ng BUHAY Party-List. At ang Batas Republika blg. 9709 ay kinatha ni Cong. Santiago, ang representante ng ARC Party-List. Ang pagkakaroon ng batas na katha ng mga kinatawan ng partido ay isang bihirang pangyayari sa kasaysayan ng Kongreso. Sa mga kino-awtor naman na panukala, pitumpu¶t dalawa o labing-apat na bahagdan sa 506 panukalang batas ang naging batas. Ilan sa mga 72 batas na ito ay ang Batas Republika blg. 9502 o Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Act of 2008, Batas Republika blg. 9513 o Renewable Energy Act of 2008, Batas Republika blg. 9593 na tinawag ding Tourism Act of 2009, Batas Republika blg. 9710 na kilala rin sa pangalang Magna Carta of Women, Batas Republika blg. 9729 o Climate Change Act of 2009, Batas Republika blg. 9994 na pinamagatang Expanded Senior Citizens Act of 2010, Batas Republika blg. 9999 na kilala rin sa tawag na Free Legal Assistance Act of 2010, Batas Republika blg. 10054 o Motorcycle Helmet Act of 2010, Batas Republika blg. 10067 na pinamagatang Tubbataha Reefs Natural Park (TRNP) Act of 2010 at ang Batas Republika blg. 10068 na kilala rin bilang Organic Agriculture Act of 2010. Sa kabuuan, masasabi ng mananaliksik na naging maganda ang performans ng mga kinatawan ng partido sa ika-14 na Kongreso kung ihahambing ito sa mga nakalipas na Kongreso. Nagkaroon ng mga bagong batas ang kapuluan na naging kapakipakinabang para sa mga mamamayan. Bukod dito, maraming mga panukala ang tumugon sa mga pangangailangan ng sektor na nirerepresenta ng partido kung kaya¶t naging maganda ang performans ng mga napiling kinatawan.

33

Anu-ano ang mga kontrobersya at problemang kinaharap ng sistema ng party-list at kung mayroon, paano ito inaksyunan ng mga nasa kinauukulan? Ang sistemang party-list ay humarap ng maraming kontrobersya at isyu sa iba¶t-ibang aspeto nito. Ang mga kontrobersya at isyu na kinaharap ng batas na ito ay malalim na pinag-aralan ng mananaliksik mula sa mga dokumento tulad ng ibang pag-aaral at artikulo sa pahayagan at ang mga kontrobersyang ito ay nakasaad sa sumusunod na talata. Ang unang aspeto na nais talakayin ng mananaliksik ay tungkol sa bikas ng representasyon. ³Kung ang pagkakaroon ng sistema ng party-list sa Pilipinas ay sa kadahilanan na may mga sektor sa pulitika ng Pilipinas na kulang sa mga kinatawan, bakit magpamahagi lamang ng 20% sa kabuuuang bilang ng upuan sa Mababang Kapulungan para sa mga marhinalisadong sektor?´ (Tangkia and Habaradas, 2001). Sa argyumentong ito ay nais sabihin ng mga awtor na kung ikukumpara ang 20%, napakaliit nito sa 80% para sa mga representante ng distrito. Bukod sa mga pagkakaroon ng dalawampung bahagdan para sa mga kinatawan ng partido, isinaad din ng mga awtos na ³ang 3-seat cap ay may disadbentahe´ (Tangkia and Habaradas, 2001). Idinagdag nila na ang pagkakaroon ng 3-seat cap ay nagpapahina sa pagbubuo ng koalisyon sa mga pulitikal at sektoral na partido. Dahil sa pagkakaroon ng pagkakahati ng grupo, maraming boto ang nasayang. Sa inilatag na mga pnagangatwiran, masasabi kaya na ang 3-seat cap ay balakid para sa sustantibong representasyon? Sinagot ng Korte Suprema ang katanungan na ito sa pagsasaad na ang 3-seat cap ay ³pumipigil sa mga partido na dominahin ang sistema ng party-list sa Pilipinas´ (NBC NO. 07-041). Ayon naman kay Adriano Fermin, dapat kwestyunin din ang kakayahan ng mga piniling kinatawan. ³Ang mga mas ordinaryong problema na kinakaharap ng sektor ng pagsasaka ay mababang produktibo ng mga sakahan, kahirapan ng buhay sa rural na mga lugar at kakulangan

34

ng pang-abot sa mga imprastrakturang pang-agrikultura. Ang ibang mga kinatawan tulad nina Unde, Young, at Calderon ay nagsumite ng maraming panukala na magbibigay ng pondo para sa mga kalsada mula sa bukid patungong pamilihan, mga multipurpose centers at mga health centers sa mga ispisipikong baranggay. Kung iisipin, wala sa mga panukalang ito ang may pagasang makapasa at maging batas dahil hindi pagsasayangan ng oras ng mga mambabatas na pagdebatehan pa ang pagpapagawa ng mga kalsada o iisang health centers. Maliwanag na ang mga mambabatas na ito ay nagpasa ng mga panukalang batas na may iisang proyekto bawat panukala dahil ang mga kinatawan ng partido ay hindi binibigyan ng pork barrel. Kung talagang seryoso ang mga kinatawan sa paggawa ng mga batas para makapagbigay ng sapat na imprastrakturang pang-agrikultura, marapat na ilakip nila ang mga naturang panukala upang makabuo ng kohesibo at may pambansang esensyang batas para sa pagpaparami ng imprastrakturang pang-agrikultura upang tumaas ang tsansa na mapasa ang panukalang ito.´ (Fermin, 2001). Kung ganoon, hindi sapat ang pagkakaroon lamang ng sustantibong representasyon at dapat isaalang-alang din ang abilidad at kakayahan ng mga kinatawan. Bukod sa sustantibong representasyon at sustantibong kinatawan, may isa pang isyu sa aspeto ng representasyon ang nakita ng mananaliksik. Ito ay ang hindi pagiging tunay na kasapi ng kinatawan sa kanyang partido. Sa isang editorial sa Philippine Daily Inquirer¸ ang kaso ay nasa partidong Ahon Pinoy. Ang Ahon Pinoy ay binalitang ³nagrerepresenta sa mga OFW, karamihan sa mga ito ay mahihirap at marhinalisado, at napilitang magtrabaho sa ibang bansa dahil sa kakulangan ng oportunidad sa sariling bayan´ (Philippine Daily Inquirer, 12 April 2007). Isa sa mga talata nito ay isinalaysay ng manunulat na ³ang unang tatlong nominadong kinatawan ng partidong ito ay hindi mga OFW at mas mahalaga, hindi mga underprivileged. Si Ernesto Herrera III ay isang anak ng dating senador. Si Bernardo Ople ay isang kapatid ng

35

senator na si Blas Ople. At si Dante Francis Ang ay anak ng isang manghahayag ng Manila Times at malapit na kaalyado ni Dante Ang, at inilarawan ang kanyang sarili bilang isang manunulat sa pahayagan at OFW rights advocate.´ (Philippine Daily Inquirer, 12 April 2007). Sa sitwasyong ito, masasabi na kung ang mga kinatawan ay totoo sa nilalaman ng sistema, dapat ang mga kinatawan ay tunay na nagrerepresenta at mas maganda kung isa sila sa mga marhinalisadong sektor ng lipunan. Ang susunod na aspetong nais idiin ng mananaliksik ay sa pagkakaroon ng transparensi at akawntability ng sistema. ³Ang pangalan ng mga nominadong kinatawan ay hindi ipapakita sa listahan ng mga rehistradong partido´ (Seksyon 7, Batas Republika blg. 7941). Ang nasabing pangungusap ay implikasyon na ang mga mamamayan ay dapat bumoto na base sa partido, hindi sa kanilang mga nominadong kinatawan. At sa dami ng mga kontrobersya na kinakaharap ng sistema, tulad ng paggamit ng mga dummy parties, kailangan ng mga botante ang mas malinaw at akawntabol na sistema. Ang ikatlo at huling isyu na nahanap ng mananaliksik ay ang pagkakaroon ng kakulangan sa legal at istraktural na aspeto ng sistema. ³Dapat na bang amendahin ang batas upang gawing sapilitan para sa mga partido na umiral at maging aktibo sa loob ng tatlong taon bago ito makalahok sa eleksyon? Ang nangyayari ay ang kasalungat: Tanging pangalan lamang ng partido at kanilang mga nominasyon ang inilalatag para sa akreditasyon ng COMELEC. Hindi alam ng COMELEC kung ang mga partido ba ay isang totoong organisasyon o sa papel lamang umiiral´ (Neal Cruz, 2007). Idinagdag ni Cruz sa kanyang parehong artikulo sa Philippine Daily Inquirer noong ika-13 ng Abril, taong 2007 na ³ang mga kandidato sa anumang puwesto sa eleksyon ay pagmamay-ari ng publiko´ (Neal Cruz, 2007). Ang mga botante ay may karapatan na alamin ang pagkatao ng mga kandidatong tumakbo sa eleksyon. Kung ang mga nominado sa

36

mga nanalong partido ay umupo sa kinauukulan tulad ng ibang kinatawan, nagkaroon sila ng pantay na karapatan at makatanggap ng parehong suweldo sa mga kinatawan ng distrito. Kung ganoon ang sitwasyon, ang mga botante, na siya ring mga nagbayad ng buwis para sa suweldo ng mga kinatawan, ay may karapatan na malaman kung sino ang mga tumakbong kandidato sa eleksyon. Isinaad ni Fr. Joaquin Bernas, S.J. ang katulad na mga salaysay ni Cruz. ³Batay sa makatwirang mga kondisyon na itinakda ng batas, inaangkin at ipinatutupad ng Estado ang patakarang lubos na hayagang pagsisiwalat ng lahat ng mga transaksyon nito na kinapapalooban ng kapakanang pambayan´ (Seksyon 28, Artikulo II, Konstitusyon ng Pilipinas 1987). Mas mahalaga ang nakasulat sa Katipunan ng mga Karapatan: ³Ang kaalaman sa mga opisyal na rekord, at sa mga dokumento at papeles tungkol sa mga opisyal na gawain, transaksyon, o pasya, gayon din sa mga datos sa pananaliksik ng pamahalaan na pinagbabatayan ng patakaran sa pagpapaunlad ay dapat ibigay sa mamamayan sa ilalim ng mga katakdaang maaaring itadhana ng batas´ (Seksyon 7, Artikulo III, Konstitusyon ng Pilipinas 1987). ³Ang pag-alam sa mga katauhan ng kandidato ay ang pangunahing konsern ng publiko´ (Bernas, 2007). Sa lahat ng mga nilatag na isyung ito, maraming katanungan ang lumitaw. Panahon na ba upang bisitahing muli ang Batas Republika blg. 7941? Kung oo, anu-ano ang mga kailangan amendahin sa batas? Sa mga kontrobersyang ito, naglabas ang COMELEC ng pansamantalang remedyo. Ayon sa nakasulat, ³ang mga partido at mga nominado nito ay dapat magsumite ng mga ebidensya na nagpapatunay na sila ay tunay na kabilang sa mga marhinalisadong sektor ng lipunan´ (Seksyon 6, Comelec Resolution 8807). Idinagdag din sa nabanggit na seksyon ang mga ebidensyang tinukoy na maaaring mga tala ng partido na nagpakita ng aktibong pakikilahok ng mga nominado sa mga gawain ng partido para sa mga marhinalisadong sektor, mga patunay tulad ng mga

37

talumpati at artikulo ng nominado na umayon sa mga ipinaglalaban ng partido, katibayan na ang nominado ay miyembro ng partido na lagpas sa siyamnapung araw bago ang eleksyon at kasulatan na nagsasabing ang nominado ay kabilang sa marhinalisadong sektor na kinakatawan ng partido. Ngunit, kung talagang sinunod ang kasulatang ito, dalawang kaso ang sumalungat sa nasabing dokumento. Ang una ay ang pagiging nominado ni dating kalihim ng Kagawaran ng Enerhiya na si Angelo Reyes bilang kinatawan ng partidong 1-Utak na representante ng mga tsuper at opereytor ng pampublikong sasakyan. Bumoto ang COMELEC na karapat-dapat si Reyes bilang kinatawan ng partido, ngunit hindi kalaunan ay pinalitan din siya ng sarili niyang partido. Ang ikalawa ay ang pagiging isa sa mga nominado ni Juan Miguel Arroyo, anak ng dating presidenteng Arroyo, na kumatawan sa partidong Ang Galing Pinoy na isang partidong nagrerepresenta sa mga security guards at tricycle drivers. At upang gawing mas malala ang kaso, apat na komisyoner ng COMELEC ang bumoto upang sabihing kwalipikado si Arroyo upang maging kinatawan ng partido. ³Ang apat na komisyoner na bumoto upang makwalipika si Juan Miguel Arroyo bilang kinawatan ang Ang Galing Pinoy, na nagrerepresenta sa mga security guards at tricycle drivers, ay dapat na i-impeach´ (Neal Cruz, 2010). Bukod dito ay idinagdag ni Cruz na dapat din sisihin ang pangulo ng mga komisyoner na si Jose Melo dahil nakita itong ³tumatawa habang naghuhugas kamay kahit hindi lumahok sa pagboto sa kaso ni Arroyo´ (Neal Cruz, 2010). Ang resulta ng kaso, hindi nanalo ang partidong Ang Galing Pinoy noong eleksyon 2010.

Sa kontrobersya ng pagbibigay ng upuan sa mga nanalong partido, ano ang naging adbentahe ng Carpio Formula sa Panganiban Formula? Ang mananaliksik ay minarapat na gamitin ang mga katulad na parametro sa pag-aaral ni Muga noong 2007. Ang mga parametrong

38

index of representation, index of proportionality, seat allocation error at degree of negation ay ang nagsilbing basehan upang ikumpara ang dalawang nabanggit na metodo. Katulad ng nasabi sa mga unang bahagi ng pananaliksik, ginamit ng mananaliksik ang mga resulta sa eleksyon ng taong 2001, 2004 at 2007. Gumamit ng tatlong pangkat ng mga datos ang mananaliksik upang mas maging ganap at tiyak ang mga lalabas na resulta kapag isinailalim ang mga datos sa mga parametrong nabanggit. Naunang inilahad ng mananaliksik ang naging resulta ng pagbibigay ng upuan sa mga partido sa paggamit ng Panganiban Formula at Carpio Formula. Ang mga bilang ng upuan na naipamahagi sa bawat partido ay malinaw na nakasaad sa sumusunod na tatlong talahanayan.

Pangalan ng Partido BAYAN MUNA MAD APEC VFP PROMDI NPC AKBAYAN! BUTIL LAKAS NUCD-UMDP CIBAC LDP BUHAY AMIN ABA COCOFED COOP-NATCO NCIA PM AKLAT MARCOS LOYALIST

Bilang ng botong nakalap 1,708,253 1,515,693 802,060 580,781 422,430 385,151 377,852 330,282 329,237 323,810 308,639 290,760 252,051 242,199 229,165 226,322 223,996 216,823 210,052 172,666

Bahagdan ng botong nakalap 11.2989% 10.0252% 5.3050% 3.8414% 2.7941% 2.5475% 2.4992% 2.1846% 2.1777% 2.1418% 2.0414% 1.9232% 1.6671% 1.6020% 1.5158% 1.4970% 1.4816% 1.4341% 1.3893% 1.1421%

Bilang ng Upuan Carpio Formula Panganiban Formula r1 r2 r3 total 1 2 0 3 3 1 2 0 2 3 1 2 0 1 3 1 1 0 1 2 1 1 0 1 2 1 1 0 1 2 1 0 0 1 1 1 0 0 1 1 1 0 0 1 1 1 0 0 1 1 1 0 0 1 1 0 0 1 0 1 0 0 1 0 1 0 0 1 0 1 0 0 1 0 1 0 0 1 0 1 0 0 1 0 1 0 0 1 0 1 0 0 1 0 1 0 0 1 0 1

39

CREBA 160,255 1.0600% 0 0 0 BIGKIS 155,941 1.0314% 0 0 0 SANLAKAS 151,017 0.9989% 0 0 0 ABANSE! PINAY 135,211 0.8943% 0 0 0 AKSYON 135,156 0.8940% 0 0 0 GREEN PHIL 128,589 0.8505% 0 0 0 AKO 126,012 0.8335% 0 0 0 PMP 120,224 0.7952% 0 0 0 ALAGAD 117,161 0.7749% 0 0 0 ALAB 111,463 0.7372% 0 0 0 PMP-PINATUBO 111,353 0.7365% 0 0 0 RAM 106,637 0.7053% 0 0 0 ELDERLY 106,496 0.7044% 0 0 0 BAGONG BAYANI 104,791 0.6931% 0 0 0 BANDILA 104,467 0.6910% 0 0 0 ATUCP 103,273 0.6831% 0 0 0 KAMPIL 102,606 0.6787% 0 0 0 AHOY 101,751 0.6730% 0 0 0 MARITIME 98,946 0.6545% 0 0 0 0FW 97,085 0.6421% 0 0 0 PMA 94,888 0.6276% 0 0 0 AASENSO KA 94,212 0.6231% 0 0 0 11 9 Total 15,118,815 100.00% 14 Talahanayan 13. Resulta ng dalawang metodo sa resulta ng eleksyon taong 2001

1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 31

1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 51

Ang talahanayan sa itaas ay nagpapakita ng bilang ng upuan sa bawat partido kapag ginamit ang dalawang metodo sa resulta ng eleksyon 2001. Ang kabuuang bilang ng upuan sa Mababang Kapulungan noong ika-12 Kongreso ay 256 kung kaya¶t 51 (256 x 20%) ang nakalaan para sa mga kinatawan ng partido.

Pangalan ng Partido BAYAN MUNA APEC AKBAYAN!

Bilang ng botong nakalap 1,203,305 934,995 852,473

Bahagdan ng botong nakalap 9.4585% 7.3495% 6.7008% 40

Bilang ng Upuan Carpio Formula Panganiban Formula r1 r2 r3 total 1 2 0 3 3 1 2 0 2 3 1 2 0 2 3

BUHAY 705,730 5.5473% 1 1 2 AP 538,396 4.2320% 1 1 1 CIBAC 495,193 3.8924% 1 1 1 GABRIELA 464,586 3.6518% 1 1 1 PM 448,072 3.5220% 1 1 1 BUTIL 429,259 3.3742% 1 1 1 AVE 343,498 2.7000% 1 0 1 ALAGAD 340,977 2.6802% 1 0 1 VFP 340,759 2.6785% 1 0 1 COOP-NATCCO 270,950 2.1298% 1 0 1 AMIN 269,750 2.1204% 1 0 1 ALIF 269,345 2.1172% 1 0 1 AN WARAY 268,164 2.1079% 1 0 1 ABA AKO 251,597 1.9777% 0 0 0 ANAD 244,137 1.9190% 0 0 0 ELDERLY 236,571 1.8595% 0 0 0 PGBI 213,662 1.6795% 0 0 0 ANAK NG BAYAN 213,068 1.6748% 0 0 0 TUCP 201,396 1.5831% 0 0 0 SANLAKAS 189,517 1.4897% 0 0 0 BIGKIS 186,264 1.4641% 0 0 0 SUARA 164,494 1.2930% 0 0 0 COCOFED 163,952 1.2887% 0 0 0 SAGIP-KAPWA 161,797 1.2718% 0 0 0 AKSA 156,467 1.2299% 0 0 0 PMAP 144,740 1.1377% 0 0 0 BANAT 143,454 1.1276% 0 0 0 ABAYPAMILYA 133,952 1.0529% 0 0 0 SMILE 133,425 1.0488% 0 0 0 ABANSE! PINAY 115,855 0.9107% 0 0 0 MIGRANTE 110,507 0.8686% 0 0 0 AK 92,262 0.7252% 0 0 0 ASSALAM 91,975 0.7230% 0 0 0 GABAY-OFW 89,978 0.7073% 0 0 0 AKAPIN 86,673 0.6813% 0 0 0 P.O.P. 79,215 0.6227% 0 0 0 AHONBAYAN 68,203 0.5361% 0 0 0 16 12 Total 12,721,952 100.00% 21 Talahanayan 14. Resulta ng dalawang metodo sa resulta ng eleksyon taong 2004

0 0 0 0 0 0 0 0 0 0 0 0 0 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 24

2 2 2 2 2 2 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 52

41

Ang talahanayan na inilatag sa naunang pahina ay katulad din ng naunang talahanayan. Ipinapakita rin nito ang bilang ng upuan na naipamahagi sa bawat partido kapag ginamit ang Panganiban Formula at Carpio Formula. Ang tanging pagkakaiba lamang ay ginamit ang resulta sa eleksyon ng taong 2004. Ang bilang ng upuan sa Mababang Kapulungan ng ika-13 Kongreso ay 261 kung kaya¶t may nakalaan na 52 (261 x 20%) upuan para sa mga kalahok na partido.

Pangalan ng Partido BUHAY BAYAN MUNA CIBAC GABRIELA APEC A TEACHER AKBAYAN ALAGAD COOP-NATCCO BUTIL BATAS ARC ANAKPAWIS AMIN ABONO YACAP AGAP AN WARAY FPJPM UNI-MAD ABS ALIF KAKUSA KABATAAN ABA-AKO SENIOR CITIZENS

Bilang ng botong nakalap 1,169,338 979,189 755,735 621,266 619,733 490,853 466,448 423,165 409,987 409,168 385,956 374,349 370,323 347,527 340,002 331,623 328,814 321,516 301,031 251,804 232,152 229,267 229,036 228,700 219,363 213,095

Bahagdan ng botong nakalap 7.3309% 6.1388% 4.7379% 3.8949% 3.8853% 3.0773% 2.9243% 2.6529% 2.5703% 2.5652% 2.4197% 2.3469% 2.3216% 2.1787% 2.1316% 2.0790% 2.0614% 2.0157% 1.8872% 1.5786% 1.4554% 1.4373% 1.4359% 1.4338% 1.3752% 1.3359% 42

Bilang ng Upuan Carpio Formula Panganiban Formula r1 r2 r3 total 1 2 0 3 3 1 2 0 2 3 1 1 0 2 2 1 1 0 2 2 1 1 0 2 2 1 1 0 1 2 1 1 0 1 2 1 0 0 1 1 1 0 0 1 1 1 0 0 1 1 1 0 0 1 1 1 0 0 1 1 1 0 0 1 1 1 0 0 1 1 1 0 0 1 1 1 0 0 1 1 1 0 0 1 1 1 0 0 1 1 0 0 1 0 1 0 0 1 0 1 0 0 1 0 1 0 0 1 0 1 0 0 1 0 1 0 0 1 0 1 0 0 1 0 1 0 0 1 0 1

200,030 1.2540% 0 0 0 196,358 1.2310% 0 0 0 188,573 1.1822% 0 0 0 177,068 1.1101% 0 0 0 170,594 1.0695% 0 0 0 169,869 1.0649% 0 0 0 166,897 1.0463% 0 0 0 165,012 1.0345% 0 0 0 162,678 1.0199% 0 0 0 156,007 0.9780% 0 0 0 146,062 0.9157% 0 0 0 141,860 0.8894% 0 0 0 130,649 0.8191% 0 0 0 119,082 0.7466% 0 0 0 114,024 0.7148% 0 0 0 113,966 0.7145% 0 0 0 111,002 0.6959% 0 0 0 107,193 0.6720% 0 0 0 99,658 0.6248% 0 0 0 18 9 15,950,900 100.00% 24 Talahanayan 15. Resulta ng dalawang metodo sa resulta ng eleksyon taong 2007 AT VFP ANAD BANAT ANG KASANGGA BANTAY ABAKADA 1-UTAK TUCP COCOFED AGHAM ANAK ABANSE! PINAY PM SUARA ASSALAM AVE DIWA ANC

1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 27

1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 1 54

Ang talahanayan na ito ang pinakahuli sa tatlong talahanayan na nagpapakita ng bilang ng upuan na naibigay sa mga partido sa ilalim ng paggamit ng dalawang formula. Ang talahanayan na ito ay ginamit ang resulta sa taong 2007. Sa ika-14 na Kongreso, 270 ang bilang ng upuan sa Mababang Kapulungan at may 54 (270 x 20%) upuan ang nakalaan para sa mga kinatawan ng partido. Matapos ipakita ang resulta ng dalawang metodo sa tatlong pangkat ng datos, isinailalim naman ang mga datos sa formula ng index of representation na inilarawan sa Tsapter 2 ng pagaaral na ito.

43

Taon ng Eleksyon vt sa st irep 2001 15,118,815 14 51 27.45% 2004 12,721,952 21 52 40.38% 2007 15,950,900 24 54 44.44% Mean 14,597,222 19.67 52.33 37.58% Talahanayan 16. Index of Representation ng Panganiban Formula

Ipinapakita ng talahanayan na ang Panganiban Fornula ay hindi nakamit ang 100% representasyon. Kung titignan ng mabuti, ang mean o average ng irep ng nabanggit na metodo ay halos apatnapung bahagdan lamang. Ibig sabihin, apat sa bawat sampung upuan na nakalaan para sa mga partido ang napunan lang ng metodong ginamit.

Taon ng Eleksyon vt sa st irep 2001 15,118,815 51 51 100.00% 2004 12,721,952 52 52 100.00% 2007 15,950,900 54 54 100.00% Mean 14,597,222 19.67 52.33 100.00% Talahanayan 17. Index of Representation ng Carpio Formula

Sa talahanayan na nakalatag sa itaas, malalaman na ang Carpio Formula ay nagbigay ng perpekto at tamang bilang ng upuan na nakalaan para sa mga partido. Ang 100% na pagsunod ng formula ay makikita sa lahat ng taon ng eleksyon. Kung ikukumpura ito sa irep ng Panganiban Formula, walang duda na naging adbentahe ng Carpio Formula ang parametro na index of representation. Ang susunod na gagamiting parametro ng mananaliksik ay ang index of proportionality. Upang maipakita ang pagkuha sa ipro, minarapat ng mananaliksik na ipakita ang unang limang partido upang itanghal ang aplikasyon ng nasabing parametro. Bukod sa index of proportionality, kasama rin sa mga talahanayan ang dalawa pang natitirang parametro, ang seat allocation error

44

at degree of negation. Isinama na ng mananaliksik ang dalawang nahuhuling parametro dahil konektado ang mga ito sa pagkuha ng ipro.

Partido v v/vt s s/st |v/vt-s/st| se 0.1130 3 0.0588 0.0542 2.7624 BAYAN MUNA 1,708,253 0.1003 2 0.0392 0.0610 3.1129 MAD 1,515,693 0.0531 1 0.0196 0.0334 1.7056 APEC 802,060 0.0384 1 0.0196 0.0188 0.9591 VFP 580,781 PROMDI 422,430 0.0279 1 0.0196 0.0083 0.4250 Total 15,118,815 st = 51 ipro = 63.73% dn = 6 Talahanayan 18. Index of Representation, Seat Allocation Error at Degree of Negation ng Panganiban Formula, eleksyon taong 2001

Ang talahanayan na ito ay nagpakita ng nasabing tatlong parametro sa eleksyon ng taong 2001 gamit ang metodong Panganiban Formula. Makikita na mababa ang ipro ng formula, kasama nito ang mataas na degree of negation. Ayon din sa talahanayan, ang MAD Party-List ay may se na 3.1129 o pag kinuha ang integer ay 3, at ito ang bilang ng upuan na hindi naibigay ng metodo upang masunod ang prinsipyo ng proporsyonal na representasyon. Ang pagkakaroon ng dn ng unang tatlong partido ay dahil sa 3-seat cap na naglimita sa mga partido upang hindi makamit ang proporsyonal na representasyon.

Partido v v/vt s s/st |v/vt-s/st| se 0.0946 3 0.0577 0.0369 1.9184 BAYAN MUNA 1,203,305 0.0735 2 0.0385 0.0350 1.8217 APEC 934,995 0.0670 2 0.0385 0.0285 1.4844 AKBAYAN! 852,473 0.0555 2 0.0385 0.0170 0.8846 BUHAY 705,730 AP 538,396 0.0423 1 0.0192 0.0231 1.2007 Total 12,721,952 st = 52 ipro = 70.19% dn = 4 Talahanayan 19. Index of Representation, Seat Allocation Error at Degree of Negation ng Panganiban Formula, eleksyon taong 2004

45

Sa talahanayan sa naunang pahina, nagpakita naman ito ng halaga ng tatlong parametro gamit ang Panganiban Formula noong taong 2004. Makikita na mas mataas ang ipro ng formula kaysa nakaraang eleksyon. Epekto ito ng mas mababang bilang ng boto noong taong 2004 kung ikukumpara sa 2001. Tulad din ng datos sa Talahanayan 19, mataas din ang bilang ng dn na sa pag-uulit, dahilan ng pagkakaroon ng sistema ng limitasyon sa bilang ng upuan na maaaring mapanalunan ng bawat partido, ang 3-seat cap.

v v/vt s s/st |v/vt-s/st| se 0.0733 3 0.0556 0.0178 0.9587 1,169,338 BUHAY 0.0614 2 0.0370 0.0244 1.3149 979,189 BAYAN MUNA 0.0474 2 0.0370 0.0103 0.5585 755,735 CIBAC 0.0389 2 0.0370 0.0019 0.1023 621,266 GABRIELA APEC 619,733 0.0389 2 0.0370 0.0018 0.0980 Total 15,950,900 st = 54 ipro = 71.98% dn = 1 Talahanayan 20. Index of Representation, Seat Allocation Error at Degree of Negation ng Panganiban Formula, eleksyon taong 2007

Partido

Katulad din ng naunang dalawang talahanayan, nagpapakita rin ang talahanayan na ito ng ipro, se at dn ng Panganiban Formula gamit ang resulta sa taong 2007. Sa talahanayan, makikita na tumaas ang ipro ngunit sa halos dalawang bahagdan lamang nito. Samantala, mataas naman ang ibinaba ng dn na ngayon ay sa partidong BAYAN MUNA na lang nagkaroon ng negasyon ng upuan. Ang dahilan ng negasyon sa BAYAN MUNA ay dahil sa pagbabase ng mga karagdagang upuan sa bilang ng boto at upuan na nakalap ng unang partido. Masasabi na ang Panganiban Formula ay nagpakita ng pagtaas sa ipro at pagbaba sa dn na isang magandang bagay para sa metodo. Ang mga susunod naman na talahanayan ay tungkol pa rin sa nabanggit na huling tatlong parametro ngunit gamit naman ang Carpio Formula.

46

Partido v v/vt s s/st |v/vt-s/st| se 0.1130 3 0.0588 0.0542 2.7624 BAYAN MUNA 1,708,253 0.1003 3 0.0588 0.0414 2.1129 MAD 1,515,693 0.0531 3 0.0588 0.0058 0.2944 APEC 802,060 0.0384 2 0.0392 0.0008 0.0409 VFP 580,781 PROMDI 422,430 0.0279 2 0.0392 0.0113 0.5750 Total 15,118,815 st = 51 ipro = 66.69% dn = 4 Talahanayan 21. Index of Representation, Seat Allocation Error at Degree of Negation ng Carpio Formula, eleksyon taong 2001

Ang Talahanayan 21 ay naghain ng mga datos sa tatlong parametro ng Carpio Formula, eleksyon taong 2001. Mababatid sa datos na sinunod ng Carpio Formula ang proporsyonal na representasyon ng dalawa sa bawat tatlong bahagi. Ito ay mas mataas kung ikukumpara sa ipro ng Panganiban Formula sa kaparehong taon, 63.73%. Nagkaroon din ng mas mababang dn ang metodong ginamit kung ihahambing din sa Panganiban Formula, 4. Ang dahilan ng negasyon ng upuan sa BAYAN MUNA at MAD ay ang pagkakaroon ng sistema ng 3-seat cap.

Partido v v/vt s s/st |v/vt-s/st| se 0.0946 3 0.0577 0.0369 1.9184 BAYAN MUNA 1,203,305 0.0735 3 0.0577 0.0158 0.8217 APEC 934,995 0.0670 3 0.0577 0.0093 0.4844 AKBAYAN! 852,473 0.0555 2 0.0385 0.0170 0.8846 BUHAY 705,730 AP 538,396 0.0423 2 0.0385 0.0039 0.2007 Total 12,721,952 st = 52 ipro = 81.67% dn = 1 Talahanayan 22. Index of Representation, Seat Allocation Error at Degree of Negation ng Panganiban Formula, eleksyon taong 2004

Sa mga datos na nakasaad sa itaas, makikita na nagkaroon ng mataas na ipro ang metodong ginamit na umabot sa apat sa bawat limang bahagi. Maaaring ang dahilan ng mataas na bahagdan ng ipro ay tulad din ng sinabi sa Talahanayan 19, ang pagkakaroon ng mababang bilang ng boto kung ihahambing sa nakaraang eleksyon. Karagdagan sa mataas na ipro, mababa

47

rin ang halaga ng dn na nagkaroon lamang ng isang negasyon sa partidong BAYAN MUNA. Sa pag-uulit ng mananaliksik, ang dahilan ng negasyon sa partidong ito ay dahil sa pagkakaroon ng 3-seat cap, na kinakitaan ng pagkakaroon nito ng masamang dulot sa prinsipyo ng proporsyonal na representasyon.

v v/vt s s/st |v/vt-s/st| se 0.0733 3 0.0556 0.0178 0.9587 1,169,338 BUHAY 0.0614 3 0.0556 0.0058 0.3149 979,189 BAYAN MUNA 0.0474 2 0.0370 0.0103 0.5585 755,735 CIBAC 0.0389 2 0.0370 0.0019 0.1023 621,266 GABRIELA APEC 619,733 0.0389 2 0.0370 0.0018 0.0980 Total 15,950,900 st = 54 ipro = 78.06% dn = 0 Talahanayan 23. Index of Representation, Seat Allocation Error at Degree of Negation ng Panganiban Formula, eleksyon taong 2007

Partido

Katulad ng ibang talahanayan, ang Talahanayan 23 ay tumutukoy pa rin sa index of representation, seat allocation error at degree of negation ng Carpio Formula sa taong 2007. Makikita na ang ipro sa taong ito ay bumaba ng halos tatlong bahagdan. Ito ay dahilan ng pagtaas ng bilang ng boto kung ikukumpara sa nakaraang taon. Samantala, walang negasyon ng upuan ang naganap sa taong ito. Nangangahulugan ito na ang lahat ng partido ay nabigyan ng sapat na upuan at sinunod ang proporsyonal na representasyon. Ang isa pang dahilan ng mababang ipro at hindi nito pagkakamit ng 100% kahit walang negasyon na naganap ay sa kadahilanang ang bilang ng upuan na nakalaan sa mga partido ay hindi umabot sa 100 upuan. Sa mga naunang talahanayan ay ipinakita ang index of representation, seat allocation error at degree of negation ng bawat formula sa bawat taon. Upang mas amdaling makita at mapaghambing ang dalawang formula, minarapat ng mananaliksik na ibuod sa isang talahanayan ang halaga ng ipro at dn. Ang mga talahanayan na ito ay makikita sa mga sumusunod na pahina.

48

Index of Proportionality Panganiban Formula Carpio Formula 2001 63.73% 66.69% 2004 70.19% 81.67% 2007 71.98% 78.06% Mean 68.63% 75.47% Talahanayan 24. Paghahambing sa Panganiban Formula at Carpio Formula sa aspeto ng Index of Proportionality Taon ng Eleksyon

Nakikita sa talahanayan sa itaas na sa lahat ng taon ay mas malaki ang bahagdan ng index of proportionality ng Carpio Formula kaysa Panganiban Formula. Sa mean ng bawat metodo, mas mataas ang Carpio Formula ng halos walong bahagdan. Ipinapakita lamang ng talahanayan na ito na ang index of representation ay adbentahe rin ng Carpio Formula dahil mas sumunod ito sa prinsipyo ng proporsyonal na representasyon.

Degree of Negation Panganiban Formula Carpio Formula 2001 6 4 2004 5 1 2007 1 0 Mean 4.00 1.67 Talahanayan 25. Paghahambing sa Panganiban Formula at Carpio Formula sa aspeto ng Degree of Negation Taon ng Eleksyon

Sa aspeto naman ng degree of negation, makikita na mas mababa rin ang bilang ng negasyon na naganap sa Carpio Formula. Ito ay normal dahil ang degree of negation at index of representation ay magkaugnay. Sa lahat ng taon sa eleksyon ay mas mababa ang negasyon na nagawa ng metodong Carpio Formula. Karagdagan dito, ang mean ng degree of negation ng Carpio Formula ay mahigit dalawang beses na mas mababa kaysa Panganiban Formula.

49

Tsapter 4 ± Pagbubuod

Paglalahad sa Natuklasan

Sa pag-aaral na isinagawa ng mananaliksik, kasama ang mga datos na nakalap at inianalisa, natuklasan ng mananaliksik ang mga sumusunod na punto: 1. Una, ang Batas Republika blg. 7941 o Party-List System Act ay naglalaman ng mga impormasyon na mahalaga upang maintindihan ng lubusan ang sistema ng party-list sa Pilipinas. Ilan sa mga nilalaman nito ay ang prinsipyo ng proporsyonal na representasyon na nangangahulugan ng pagbibigay ng proporsyonal na bilang ng upuan sa bahagdan ng botong nakalap ng isang partido. Bukod sa proporsyonal na representasyon, nariyan ang pagkakaroon ng sinasaad na paglalaan ng dalawampung bahagdan ng upuan sa Mababang Kapulungan para sa mga kinatawan ng partido, 2% minimum threshold, na kalaunan ay idineklarang unkonstitusyonal ng Korte Suprema, at ang 3-seat cap na nagdedetina sa mga partido na makakuha ng upuan na lalagpas sa tatlong puwesto. 2. Ang ikalawang punto na natuklasan ng mananaliksik ay ang pagkakaroon ng mga kinatawan ng iba¶t-ibang antas ng performans habang nakaupo sa puwesto. Ang ibang kinatawan ay nagpakita ng aktibong partisipasyon sa pagpapasa ng mga panukalang batas na naayon sa kahingian ng kanilang sektor na kinakatawan, samantalang ang iba

50

naman ay mas nagbigay-diin sa mga aspetong panlipunan na sa tingin nila ay mas mahalagang pagtuunan ng pansin. Bialng kabuuan, ang lahat ng partido ay nagkaroon ng partisipasyon sa ika-14 na Kongreso dahil halos umabot sa isang libo ang bilang ng panukala na sarili nilang kinatha, bukod pa dito mahigit 2500 na panukalang batas kanilang sinuportahan. Masasabi rin na ang mga panukalang na ito ay esensyal dahil 27 sa halos isang libong panukala ang umabot at nakapasa sa iaktlong pagbasa, na nangangahulugang sa tingin ng lahat ng kinatawan ay mahalaga ang panukala sa ikauunlad ng kapuluan. At bilang panghuli, tatlong batas ang nagawa ng mga kinatawan ng partido sa kanilang panunungkulan. Ito ay isang bihirang pagkakataon sa mga kinatawan ng representante. Kung kaya masasabi ng mananaliksik na naging kaaya-aya at mainam ang performans ng mga kinatawan ng partido. 3. Ikatlo sa mga punto na natuklasan ng mananaliksik sa pag-aaral ay kahit gaano kaganda ang obhetibo ng sistema ng party-list sa Pilipinas ay hindi maiiwasan ang mga bumabalot na kontrobersya dito. Inilatag ng iba¶t-ibang mga personalidad ang kanilang kritiko sa umiiral na sistemang ito ng bansa. Inatake ng mga manunulat na ito ang aspeto ng representasyon ng mga kinatawan, ang pagiging hindi transparent at accountable ng kasalukuyang sistema at ang isyu sa legal at istruktura ng sistemang party-list sa Pilipinas. Sa kabutihang palad ay inaksyunan naman ng pansamantala ng mga nasa kinauukulan ang mga gusot na nakita sa sistema. Ang paglalabas ng resolusyon ng COMELEC ay isang manipestasyon na nais rin ng mga nasa kinauukulan na gawing pantay ang sistema para sa lahat. Ngunit, kahit ang paglalabas na ito ng resolusyon ng COMELEC ay hindi sapat dahil nasa kamay pa rin nila ang pagtanggap sa mga partido at nominado. Hangga¶t walang sapat na aksyon at

51

pagbabago sa sistemang ito, patuloy itong aabusuhin ng mga nagnanais na sirain at gamitin sa masama at baluktot na paraan ang umiiral na sistemang dapat na maging pribilehiyo ng mga marhinalisadong sektor ng lipunan. 4. Ang huling punto na nais bigyang-diin ng mananaliksik sa kanyang mga natuklasan ay ang pagiging mas epektibo ng Carpio Formula kaysa sa dating metodong ginamit na Panganiban Formula. Ipinakita ang mga adbentahe ng bagong metodo sa pamamagitan ng mga parametrong ginamit rin ng isang propesor ng matematika sa kanyang mga pag-aaral. Nakita na adbentahe ng Carpio Formula ang pagkakaroon ng mas mataas na index of representation at index of proportionality at mas mababang bilang ng degree of negation. Sa mga parametrong ito ay nasabi ng mananaliksik na sumunod ang Carpio Formula sa mga patakaran na nakasaad sa Batas Republika blg. 7941, ang pagkakaroon ng dalawampung bahagdan ng upuan para sa mga kinatawan ng partido at proporsyonal na representasyon.

Paglalahad sa Kongklusyon

Ayon na rin sa mga inihain na datos at batay sa malalalimang pag-aanalisa ng mga ito, nais ibigay ng mananaliksik ang kanyang kongklusyon. Ang sistema ng party-list sa Pilipinas ay may mabuti at negatibong dulot. Ang mabuting dulot nito ay magbigay ng karapatan at pribilehiyo sa mga marhinalisadong sektor ng lipunan at kulang ng representante sa lehislaturang sangay ng pamahalaan na magkaboses sa Kongreso at makuha ang mga ninanais nilang batas. Ngunit ang simpleng pribilehiyong ito ay hindi magagamit ng lubusan ng mga sektor kung hindi

52

magkakaroon ng mainam na pagganap ng tungkulin ang mga representanteng kanilang binoto. Dapat na isaalang-alang din ng mga botante ang nominado ng mga partidong kanilang iboboto dahil sila pa rin ang uukupa sa puwesto, hindi ang partido na kanilang binoto. Kung may mabuting dulot ang sistemang ito, hindi maiiwasan na palibutan din ito ng mga kontrobersya at depekto. Ang mga problemang kinakaharap ng umiiral na sistemang ito ay maaaring gawaan ng paraan ng nasa kinauukulan upang maiwasan ang pang-aabuso ng mga pulitiko sa sistemang ito. Sa ilalim naman ng isyu sa pagbibigay ng upuan, naging epektibo ang kasalukuyang formula na ginagamit at ito ay masasabing pantay. Ang pagkakaroon ng 3-cap seat ng sistema ay maaaring hadlang sa buong proporsyonal na representasyon, ngunit sa kabilang banda ay pinipigilan pa rin nito ang pagdodomina ng ibang partido sa panahon ng eleksyon.

Paglalahad ng Rekomendasyon

Sa mga rekomendasyon na ibibigay ng mananaliksik, nais muna nitong tukuyin ang mga maaaring amendahin sa Batas Republika blg. 7941 upang mas maging epektibo ito. Una sa listahan ng mananaliksik ang paglalahad ng totoong kahulugan ng mga salitang marginalized at underrepresented na nakapaloob sa batas. Ikalawa ay ang pagiging matapat sa tungkuling ng COMELEC na pag-aralan ang mga nagnanais na partidong lumahok sa eleksyon. Dapat ay gumawa sila ng masinsinang background check upang patunayan kung tunay nga bang kabilang sa mga marhinalisadong sektor ng lipunan ang mga partidong ito. Ikatlo ay ang paglalabas ng COMELEC ng listahan ng mga rehistradong partido kasama ang mga pangalan ng nominado sa mga partidong ito. Dapat na isama ang mga ngalan ng partido at siguruhin muna ng COMELEC

53

na ito ay karapat-dapat na maging kinatawan ng sektor ng partido. Ang pagsasama ng mga pangalan ng nominado ay makatutulong sa mga botante upang malaman hindi lamang ang partidong kanilang iboboto kundi pati na rin ang uupo sa puwesto kung manalo man ang partidong kanilang pinili. Ikahuli ay ang sapat na edukasyon para sa mga botante na nauukol sa sistema ng party-list sa Pilipinas. Naniniwala ang mananaliksik na ang kakulangan ng sapat na kaalaman sa sistemang ito ay maaaring magpahina sa pagiging kapakipakinabang ng sistema sa mga mamamayan. Kung sapat ang edukasyon na ibinibigay ng COMELEC sa umiiral na sistema, magkakaroon ng mas mataas na bahagdan ng boto para sa mga partido at maaari nitong baguhin ang daloy ng kompetisyon dahil ang isang boto ng mamamayan ay mahalagang bagay. Para naman sa mga nagnanais na gumawa ng pananaliksik tungkol sa katulad na paksa, inererekomenda ng mananaliksik na gawing mas malawak ang pinagkukuhanan ng mga datos na maaaring manggaling sa pag-iinterbyu ng mga superyor sa paksa at pagsasagawa ng mga sarbey. Nais rin imungkahi ng mananaliksik ang mas malalim na pag-aaral sa mga batas na ipinapasa ng mga kinatawan.

54

BIBLIOGRAPI
BANAT v COMELEC G.R. No. 179271. http://nonamalum.weebly.com/1/post/2010/07/banat-vcomelec-gr-no-179271-april-21-2009.html Bernas, Joaquin. The fault is in RA 7941.

http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/2007041660586/The_fault_is_in_RA_7941 Cruz, Neal. Abolish the party-list system.

http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20100722-282629/Abolish-theparty-list-system De Leon, Hector S. Philippine Constitutional Law: Principles and Cases. ph 55, 1991: Rex Book Store. Sampaloc, Manila. Fermin, Adriano. Prospects and Scenarios for the Party List System in the Philippines. http://library.fes.de/pdf-files/bueros/philippinen/50074.pdf Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas. 2005: A.V.B. Printing Press, Dapitan St., Sampaloc, Manila. Muga II, Felix. Analyzing the Proposed Amendments to RA 7941.

http://www.math.admu.edu.ph/~fpmuga/papers/amending-ver2.pdf Muga II, Felix. On The Panganiban Seat Allocation Method.

http://www.math.admu.edu.ph/~fpmuga/papers/paper7.pdf Muga II, Felix. On the Seat Allocation Error and the Principle of Proportional Representation. http://www.math.admu.edu.ph/~fpmuga/papers/sae.pdf Racoma, Dine. Understanding the party-list system. http://www.thepoc.net/voters-

education/4199-understanding-the-party-list-system.html

55

Republic Act no. 7941. http://www.chanrobles.com/republicactno7941.htm. Tan, Kimberly Jane T. Poll official admits party-list system µflawed¶.

http://www.gmanews.tv/story/192378/poll-official-admits-party-list-system-flawed Tangkia, Fritzie, Habaradas, Ma. Araceli. Party-List System: The Philippine Experience. http://library.fes.de/pdf-files/bueros/philippinen/50076.pdf www.abs-cbnnews.com.ph www.akbayan,org.ph www.ateacher.org.ph www.bayanmuna.net www.broodonline.com www.butilparty.com www.comelec.gov.ph www.congress.gov.ph www.gabrielawomensparty.net www.kabataanpartylist.com www.worldpolicy.org

56

APENDIKS

Apendiks I ± Kopya ng Batas Republika blg. 7941

REPUBLIC ACT No. 7941 AN ACT PROVIDING FOR THE ELECTION OF PARTY-LIST REPRESENTATIVES THROUGH THE PARTY-LIST SYSTEM, AND APPROPRIATING FUNDS THEREFOR Section 1. Title. This Act shall be known as the "Party-List System Act." Section 2. Declaration of party. The State shall promote proportional representation in the election of representatives to the House of Representatives through a party-list system of registered national, regional and sectoral parties or organizations or coalitions thereof, which will enable Filipino citizens belonging to marginalized and under-represented sectors, organizations and parties, and who lack well-defined political constituencies but who could contribute to the formulation and enactment of appropriate legislation that will benefit the nation as a whole, to become members of the House of Representatives. Towards this end, the State shall develop and guarantee a full, free and open party system in order to attain the broadcast possible representation of party, sectoral or group interests in the House of Representatives by enhancing their chances to compete for and win seats in the legislature, and shall provide the simplest scheme possible. Section 3. Definition of Terms. (a) The party-list system is a mechanism of proportional representation in the election of representatives to the House of Representatives from national, regional and sectoral parties or organizations or coalitions thereof registered with the Commission on Elections (COMELEC). Component parties or organizations of a coalition may participate independently provided the coalition of which they form part does not participate in the party-list system. (b) A party means either a political party or a sectoral party or a coalition of parties. (c) A political party refers to an organized group of citizens advocating an ideology or platform, principles and policies for the general conduct of government and which, as the most immediate means of securing their adoption, regularly nominates and supports certain of its leaders and members as candidates for public office. It is a national party when its constituency is spread over the geographical territory of at least a majority of the regions. It is a regional party when its constituency is spread over

57

the geographical territory of at least a majority of the cities and provinces comprising the region. (d) A sectoral party refers to an organized group of citizens belonging to any of the sectors enumerated in Section 5 hereof whose principal advocacy pertains to the special interest and concerns of their sector, (e) A sectoral organization refers to a group of citizens or a coalition of groups of citizens who share similar physical attributes or characteristics, employment, interests or concerns. (f) A coalition refers to an aggrupation of duly registered national, regional, sectoral parties or organizations for political and/or election purposes. Section 4. Manifestation to Participate in the Party-List System. Any party, organization, or coalition already registered with the Commission need not register anew. However, such party, organization, or coalition shall file with the Commission, not later than ninety (90) days before the election, a manifestation of its desire to participate in the party-list system. Section 5. Registration. Any organized group of persons may register as a party, organization or coalition for purposes of the party-list system by filing with the COMELEC not later than ninety (90) days before the election a petition verified by its president or secretary stating its desire to participate in the party-list system as a national, regional or sectoral party or organization or a coalition of such parties or organizations, attaching thereto its constitution, by-laws, platform or program of government, list of officers, coalition agreement and other relevant information as the COMELEC may require: Provided, That the sectors shall include labor, peasant, fisherfolk, urban poor, indigenous cultural communities, elderly, handicapped, women, youth, veterans, overseas workers, and professionals. The COMELEC shall publish the petition in at least two (2) national newspapers of general circulation. The COMELEC shall, after due notice and hearing, resolve the petition within fifteen (15) days from the date it was submitted for decision but in no case not later than sixty (60) days before election. Section 6. Refusal and/or Cancellation of Registration. The COMELEC may, motu propio or upon verified complaint of any interested party, refuse or cancel, after due notice and hearing, the registration of any national, regional or sectoral party, organization or coalition on any of the following grounds: (1) It is a religious sect or denomination, organization or association, organized for religious purposes; (2) It advocates violence or unlawful means to seek its goal;

58

(3) It is a foreign party or organization; (4) It is receiving support from any foreign government, foreign political party, foundation, organization, whether directly or through any of its officers or members or indirectly through third parties for partisan election purposes; (5) It violates or fails to comply with laws, rules or regulations relating to elections; (6) It declares untruthful statements in its petition; (7) It has ceased to exist for at least one (1) year; or (8) It fails to participate in the last two (2) preceding elections or fails to obtain at least two per centum (2%) of the votes cast under the party-list system in the two (2) preceding elections for the constituency in which it has registered. Section 7. Certified List of Registered Parties. The COMELEC shall, not later than sixty (60) days before election, prepare a certified list of national, regional, or sectoral parties, organizations or coalitions which have applied or who have manifested their desire to participate under the party-list system and distribute copies thereof to all precincts for posting in the polling places on election day. The names of the part y-list nominees shall not be shown on the certified list. Section 8. Nomination of Party-List Representatives. Each registered party, organization or coalition shall submit to the COMELEC not later than forty-five (45) days before the election a list of names, not less than five (5), from which party-list representatives shall be chosen in case it obtains the required number of votes. A person may be nominated in one (1) list only. Only persons who have given their consent in writing may be named in the list. The list shall not include any candidate for any elective office or a person who has lost his bid for an elective office in the immediately preceding election. No change of names or alteration of the order of nominees shall be allowed after the same shall have been submitted to the COMELEC except in cases where the nominee dies, or withdraws in writing his nomination, becomes incapacitated in which case the name of the substitute nominee shall be placed last in the list. Incumbent sectoral representatives in the House of Representatives who are nominated in the party-list system shall not be considered resigned. Section 9. Qualifications of Party-List Nominees. No person shall be nominated as party-list representative unless he is a natural-born citizen of the Philippines, a registered voter, a resident of the Philippines for a period of not less than one (1)year immediately preceding the day of the election, able to read and write, a bona fide member of the party or organization which he seeks to represent for at least ninety (90) days preceding the day of the election, and is at least twentyfive (25) years of age on the day of the election. In case of a nominee of the youth sector, he must at least be twenty-five (25) but not more than thirty (30) years of age on the day of the election. Any youth sectoral representative who attains

59

the age of thirty (30) during his term shall be allowed to continue in office until the expiration of his term. Section 10. Manner of Voting. Every voter shall be entitled to two (2) votes: the first is a vote for candidate for member of the House of Representatives in his legislative district, and the second, a vote for the party, organizations, or coalition he wants represented in the house of Representatives: Provided, That a vote cast for a party, sectoral organization, or coalition not entitled to be voted for shall not be counted: Provided, finally, That the first election under the party-list system shall be held in May 1998. The COMELEC shall undertake the necessary information campaign for purposes of educating the electorate on the matter of the party-list system. Section 11. Number of Party-List Representatives. The party-list representatives shall constitute twenty per centum (20%) of the total number of the members of the House of Representatives including those under the party-list. For purposes of the May 1998 elections, the first five (5) major political parties on the basis of party representation in the House of Representatives at the start of the Tenth Congress of the Philippines shall not be entitled to participate in the party-list system. In determining the allocation of seats for the second vote, the following procedure shall be observed: (a) The parties, organizations, and coalitions shall be ranked from the highest to the lowest based on the number of votes they garnered during the elections. (b) The parties, organizations, and coalitions receiving at least two percent (2%) of the total votes cast for the party-list system shall be entitled to one seat each: Provided, That those garnering more than two percent (2%) of the votes shall be entitled to additional seats in proportion to their total number of votes : Provided, finally, That each party, organization, or coalition shall be entitled to not more than three (3) seats. Section 12. Procedure in Allocating Seats for Party-List Representatives. The COMELEC shall tally all the votes for the parties, organizations, or coalitions on a nationwide basis, rank them according to the number of votes received and allocate party-list representatives proportionately according to the percentage of votes obtained by each party, organization, or coalition as against the total nationwide votes cast for the party-list system. Section 13. How Party-List Representatives are Chosen. Party-list representatives shall be proclaimed by the COMELEC based on the list of names submitted by the respective parties, organizations, or coalitions to the COMELEC according to their ranking in said list. Section 14. Term of Office. Party-list representatives shall be elected for a term of three (3) years which shall begin, unless otherwise provided by law, at noon on the thirtieth day of June next following their election. No party-list representatives shall serve for more than three (3)

60

consecutive terms. Voluntary renunciation of the office for any length of time shall not be considered as an interruption in the continuity his service for the full term for which he was elected. Section 15. Change of Affiliation; Effect. Any elected party-list representative who changes his political party or sectoral affiliation during his term of office shall forfeit his seat: Provided, That if he changes his political party or sectoral affiliation within six (6) months before an election, he shall not be eligible for nomination as party-list representative under his new party or organization. Section 16. Vacancy. In case of vacancy in the seats reserved for party-list representatives, the vacancy shall be automatically filled by the next representative from the list of nominees in the order submitted to the COMELEC by the same party, organization, or coalition, who shall serve for the unexpired term. If the list is exhausted, the party, organization coalition concerned shall submit additional nominees. Section 17. Rights of Party-List Representatives. Party-List Representatives shall be entitled to the same salaries and emoluments as regular members of the House of Representatives. Section 18. Rules and Regulations. The COMELEC shall promulgate the necessary rules and regulations as may be necessary to carry out the purposes of this Act. Section 19. Appropriations. The amount necessary for the implementation of this Act shall be provided in the regular appropriations for the Commission on Elections starting fiscal year 1996 under the General Appropriations Act. Starting 1995, the COMELEC is hereby authorized to utilize savings and other available funds for purposes of its information campaign on the party-list system. Section 20. Separability Clause. If any part of this Act is held invalid or unconstitutional, the other parts or provisions thereof shall remain valid and effective. Section 21. Repealing Clause. All laws, decrees, executive orders, rules and regulations, or parts thereof, inconsistent with the provisions of this Act are hereby repealed. Section 22. Effectivity. This Act shall take effect fifteen (15) days after its publication in a newspaper of general circulation. Approved, March 3, 1995.

61

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful