Ang Kwaderno ni Mercy Dale

S

abi nila, may mga kwento daw sa likod ng mga bagay na iniingatan natin. Merong masaya, at meron ding malunkot. Merong may konting tamis, konting asim, konting anghang at paminsan-minsa’y meron din’g konting

pait. Katulad na lamang ng kwaderno na naninilaw na sa kalumaan. Nasilayan niya ang unang liwanag ng araw noong ika-3 ng Marso, 1995. Kasalukuyan, siya ay isang labinlimang taong gulang na indibidwal na kumukuha sa kursong Bachelor of Science in Accountancy sa University of San Carlos. Siya ay nagtapos sa kanyang sekondarya bilang isang Valedictorian sa Dipolog Medical Center College of Foundation. Siya ay si Mercy Dale Borja Regencia, ang bunso sa mga anak nina Deogracias Nalzaro Regencia at Sonia Borja Regencia. Madalas siya’ng tawagin sa ngalang Dale ng kanyang mga kaklase at kaibigan. Mahilig siyang sumulat, mag-shopping, manood ng movies, maglibang at magpunta sa mga kanais-nais na lugar kasama ang kanyang mga kaibigan. Hanggang ngayon, hilig pa rin siyang kumuha ng mga litrato (Photography). Ito ang mga bagay na kinagigiliwan niya kung siya ay sobrang istres sa mga gawain paaralan. Nabubuhay siya sa mundong ito kasama ang kanyang prinsipyo at pilosopiya sa buhay “Gawin mo ang dapat mo’ng gawin para makuha mo ang gusto mong gawin.“ Kung siya ay maihahambing sa isang hayop. SIya ay maging isang paru-paro. Napakalumanay at lumilipad na may matingkad na kulay. Siya ay palaging sinusuyo ng iba’t ibang kulay subalit lumalaban siya sa harap ng laksang pangamba. Ang buhay niya’ng makulay ay isang ilaw na nagbibigay inspirasyon sa iba at nagdudulot ng isang ngiti sa buhay ng isang tao. (II)

Siya ay si Mercy Dale, isang kapatid, isang anak, isang kaibigan, isang mabuting mamamayan, isang malambing na kasintahan at ang “soon-to-be” Certified Public Accountant. By:

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful